You are on page 1of 2

Ang kababalaghan sa Dilim

ni: Marian C. Corteza

May mga taong naniniwala sa mga hindi natin nakikita dito sa mundong ating
ginagalawan tulad ng multo at may mga tao ring hindi naniniwala dahil sa isip
lang daw iyon ng isang tao at sa paniniwala rin nila sa kanilang relihiyon.

Siya si Angel isang magandang babae sa paaralan ng Barangay Prosperidad at


doon din siya nakatira sa barangay na iyon. Maraming lalaki ang nagkagusto sa
kanya dahil sa kanyang kagandahan. Mayroon din siyang matalik na kaibigan na
si Yan. Silang dalawa ay parang magkapatid dahil kahit saan pumunta ay lagi
silang magkasama.

Isang araw pumunta sila sa lungsod ng Montevista para bumili ng mga pagkain
para sa kaarawan ni Yan. Isang araw silang pagala-gala sa lungsod na iyon dahil
minsan lang silang makapunta doon hangga’t lumipas ang hapon at gabi na
silang nakauwi sa oras ng alas dose ng gabi. Nang sumakay pa sila sa skylab, ay
iba na ang tibok ng puso ni Angel na para bang kinikilabotan ang kanyang mga
buhok at kinakabahan siya. Sinasabihan niya ang kanyang matalik na kaibigan
na “iba talaga ang nararamdaman ko ngayon para akong kinakabahan at
natatakot.” Sagot naman ni Yan, “Huwag kang matakot nandito lang ako at
kasama mo.” Pero ang totoo kinakabahan din si Yan at natatakot na sa sinabi ni
Angel sa kanya. Natakot si Yan dahil noon pa ay kahit ano-ano nalang ang
nakikita ni Angel na kakaiba tulad ng mga multo at tuwing siya ay nakakita ay
sasabihin naman niya kay Yan kaya ang matalik niyang kaibigan ay sobra ding
natatakot sa tuwing sinasabi niya ang mga ito.

Hanggang bumabyahe pa sila pauwi at nakadaan sa mga liblib na lugar na


maraming punong kahoy na malalaki at wala na ring tao sa gabing iyon dahil sa
oras na nang alas dose naging matahimik ang mga dinadaanan nila. Tuwing
nagbabiyahe pa sila ay nadaanan silang dalawang tao na nakasuot ng puro puti
babae at lalaki at sabay pa itong naglalakbay sa daan, at wala itong ilaw na dala.
Lumalakbay lang sila ng lumalakbay sa dilim kaya parang naaawa ang matalik
na magkaibigan, pagdaan nila sa dalawang tao ay inilawan nila ito ngunit sa
pagtingin ni Angel ay puro duguan ang mga mukha at damit nila at sumigaw si
Angel na “bilisan mo! bilisan mo!” natunganga si Yan dahil hindi niya nakita
ang mga tao na nadaanan nila at parang iba na ang ibig sabihin ng pagsigaw ni
Angel. Takot na takot din si Yan pero hindi niya pinapahalata dahil baka ano pa
ang mangyayari sa kanila sa daan. Ang nagmamaneho ng Skylab na sinasakyan
nila ay wala din naming nakikita na duguan pero nakakita siya ng dalawang tao
na nakasuot ng puro puti. Malaki din ang pasasalamat ni Yan sa Panginoon dahil
kung nakita pa ng nagmamaneho ng kanilang sinasakyan ang nakita ni Angel ay
baka ano na ang nangyari sa kanila sa gabing iyon. Bilang matalik na kaibigan ay
wala siyang ibang pinapayo kay Angel kundi ang magdasal at magsamba sa
araw ng pagsisimba para malayo sa kanyang iba’t ibang nakikita at minsan din
mahimatay siya sa paaralan at masaniban ng espiritu. Walang ibang hiling si Yan
at ang mga tao doon na si Angel ay laging magdasal sa Panginoon at magsamba
dahil walang ibang makakatulong sa mga ganitong sitwasyon kung hindi ang
Panginoon lang dahil siya ang nagbigay sa atin ng lakas para lumaban sa
anumang pagsubok na dumating sa buhay.

You might also like