ay ang ehekutibong departamento ng gobyerno ng Pilipinas na responsable sa pagtiyak ng pagpakinabang sa mga pangunahing serbisyo sa pampublikong kalusugan ng lahat ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kalidad ng pangangalagang pangkalusugan at regulasyon ng lahat ng serbisyong pangkalusugan at mga produkto. Ang over-all authority ng gobyerno sa kalusugan. Mayroon itong punong-himpilan sa San Lazaro Compound, sa Rizal Avenue sa Maynila.
Ang kagawaran ay pinamumunuan ng
Kalihim ng Kalusugan, hinirang ng Pangulo ng Pilipinas at kinumpirma ng Komisyon sa Paghirang. Ang Kalihim ay isang miyembro ng Gabinete. Ang kasalukuyang Kalihim ng Kalusugan ay si Francisco Duque.