You are on page 1of 4

Daily Lesson Log sa Filipino 8

I. Kasanayang Pampagkatuto
A. Nakapagbibigay ng mga salitang kaugnay ng pagsubok.
B. Nakakakapagsalaysay ng buod ng aralin gamit ang istratehiyang habing
semantika.
C. Nakapagtatanghal ng isang maayos na dula na nagbibigay payo tungkol sa
sariling karanasan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Sa Isang Madilim, Gubat na Mapanglaw (Saknong Blg.1-10
Bayang Nagdurusa (Saknong Blg.11-26)
B.Sanggunian: Ang Batikan-Grade VIII nina Agnes, et.Al
p. 236-240
C. Kagamitan: concept map

III. Yugto ng Pagkatuto


A. TUKLASIN
Gawain 1. Panimulang Pagtataya
Pakikinig sa awiting pagsubok
1. Ano ba ang ipinapahiwatig ng awitin?
2. Mahalaga bang maging matatag sa gitna ng mga pagdurusang nararanasan?

Gawain 2. Pagganyak

Magbigay ng iba pang salitang maiuugnay sa salitang “Pagsubok.”

Pagsubok
Gawain 3. Pagpapaliwanag sa inaasahang pagganap at pagbuo ng pamantayan sa
pagsasagawa. (Dula)

B. LINANGIN

Gawain 4. Pagpapangkat-pangkat ng klase

Gawain 5. Pagbasa ng Teksto ng bawat pangkat at Pagbubuod Nito

Unang Pangkat- Sa Isang Madilim, Gubat na Mapanglaw

Ikalawang Pangkat- Bayang Nagdurusa

Gawain 6. Pagtukoy sa Impormasyon (Pangkatang Gawain)

Piliin sa Hanay B ang salita o katagang tinutukoy sa bawat bilang sa Hanay A.

A B
1. mapanglaw at matinik a. masasama
2.may nakalulunos na huni b. Ilog Cositio
3. masangsang ang amoy c.tigre
4. ganid na nagsisisila d.yaman/kapangyarihan
5. makamandag ang tubig e.ibon
6. punong may nakagapos f.tao
7. iniluluklok sa trono g.Langit
8.binibiyak at tinatakpan h.bulaklak
9.bingi sa mga pakiusap i.gubat
10. dahilan ng lahat ng kasamaan j.higera
k.bibig
Gawain 7. Pagpapaunlad ng Kaisipan (Pangkatang Gawain)

Pagsasalaysay ng buod ng bawat kabanata sa tulong ng “Semantic Webbing”.

Unang Pangkat- Sa Isang Madilim, Gubat na Mapanglaw

Ikalawang Pangkat- Bayang Nagdurusa

PAKSA
Pangyayari
Tauhan

Tagpuan

C. PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Gawain 8

1. Ipaliwanag ang saknong ayon sa sariling pang-unawa.

“ O taksil na pita sa yama’t mataas!

O hangad sa puring hanging lumilipas!

Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat

at niring nasapit na kahabag-habag!


2. Anu-ano ang nakikita mong pagkakatulad ng kalagayang panlipunan sa
Reynong Albanya at sa ating bansa?

3. Naniniwala ka ba na kung matalino ang isang taong mailalagay sa pwesto, sa


alinmang posisyon sa pamahalaan, ay magiging maayos ang kalagayan ng ating
bansa? Ipaliwanag.

D. ILIPAT

Gawain 9

1. Balikan ang pamantayang pagganap

Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang maiksing dula na nagbibigay payo


tungkol sa sariling karanasan.

Pagpapaliwanag sa pamantayan ng pagmamarka.

Rubriko sa Pagmamarka

Kaugnayan sa paksa - 10%

Makatotohanan - 5%

Pagkakabuo - 5%

Nagbibigay-payo - 5%

Kalinawan sa Pagsasalita - 5%

30%

2. Pagbibigayan ng feedback sa pagtatanghal

IV. Takdang Aralin

1. Magsaliksik tungkol sa kahulugan ng pagmamahal at ng isang istorya tungkol


sa pagmamahalan ng magkasintahan.

You might also like