You are on page 1of 1

Unang Tagpo: Inisip ni Romeo na walang makakapalit kay Juliet sa puso niya, kahit sino pang magandang

babae na kanyang makaharap ay hindi siya matuturuang kalimutan si Juliet. Samantalang iniisip ni Juliet
ang sinabi ng kanyang ina tungkol sa lalaking nais siyang ligawan.

Pangalawang Tagpo: Dumalo sa piging si Romeo at batid niya ang umaapaw na kagandahan ni Juliet.
Pinakita ni Tybalt ang kanyang pagkapuot kay Romeo nang sabihin niya sa tiyuhin niyang Capulet na si
Romeo ay isang Montague at dapat na paalisin sa piging na ito. Sinabi ng tiyuhing Capulet na hindi siya
dapat paalisin dahil batid niya ang dangal ng kanyang pagkatao. Nagkita si Romeo at Juliet at sila ay
naghalikan.

Ikatlong Tagpo: Sa yugtong ito ay ang pagkakabunyag ng pangalan ni Romeo bilang Montague. Dito rin
ang pagtatapatan ng pag-ibig sa pagitan ni Romeo at Juliet. Ipinangako ni Romeo ang tunay niyang
pagmamahal kay Juliet.

Ika-apat na Tagpo: Ang pagkikita ni Romeo at Juliet sa simbahan kasama ang isang pari.

Ikalimang Tagpo: Ang pagpatay ni Tybalt kay Mercurio at ang pagtutuos nila ni Romeo.

Ika-anim na Tagpo: Inisip ni Juliet ang pagpapakasal niya kay Paris.

Ikapitong Tagpo: Binigyan ni Padre Laurence ng lason si Juliet upang solusyon sa paghadlang sa
pagpapakasal niya kay Paris.

Ikawalong Tagpo: Ininom ni Juliet ang lason.

Ikasiyam na Tagpo: Nalaman ni Romeo ang sinapit ni Juliet. Dahil dito, pumunta siya sa isang butikaryo
upang humingi ng lason upang magpakamatay na rin.

Ikasampung Tagpo: Nalaman ni Padre Laurence ang sinapit ni Romeo.

Ikalabing-isang Tagpo: Nagpakamatay si Romeo. Nagising mula sa hiram na kamatayan si Juliet at nang
malaman na nagpakamatay na si Romeo ay sinaksak niya ang kanyang sarili.

You might also like