You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 9

Petsa: Hulyo 8, 2019

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga


sa akdang pampanitikan ng Timog Silangang Asya.
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat
tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanituikan ng Timog-Silangang Asya

I. LAYUNIN :
(F9PU-Ie-43) Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa
pagiging mamamayan ng bansang Asya.

II. PAKSA
Panitikan: Tulang Naglalarawan - Pilipinas
Gramatika: Mga salitang Naglalarawan ng mga pangyayari tao at lugar
Kagamitan :Pantulong na biswal, Lap top
Sanggunian :Panitikang Asyano, Romulo N. Peralta et. al.,

II. PROSESO NG PAGKATUTO


A. Balik Aral
Ano an gating tinakalay noong nakaraan?
Tungkol sa buhay at katangian ni Sitti Nurhaliza.
Ano ang Naglalarawan?
Magbigay ng mga halimbawa ng mga salitang naglalarwan at gamitin ito sa pangungusap.

B. Pagganyak
Estatehiya: MAKINIG AT MATUTO
Magpaparinig ang guro ng isang tulang mapaglarawan. (Malaya ang guro na magparinig ng
isang uri ng tulang naglalarawan. Susuriin ng mga mag-aaral kung ano ang kalagayan ng
isinasaad sa tula

1. Isa-isahin ang mga salitang naglalarawan sa narinig na tula.


2. Ilahad kung naging maayos ang pagbigkas ng tula?
3. Ilarawan ang damdaming nangibabaw sa tulang narinig.

C. Paglalahad ng Aralin
Matapos na nating talakayin ang isang aralin ngayon ay magkakaroon tayo ng panukatan,
upang lubis kung maunawaan at malaman ang inyong kaalaman hinggil sa ating mga
Tinalakay.
D. A B S T R A K S Y O N
Mungkahing Estatehiya: PATUNAYAN MO

Bumuo ng paliwanag na naglalarawan ng iyong pagpapahalaga sa


pagiging mamamayan ng bansang Asya.

E. A P L I K A S Y O N

1. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing awtput.


2. Pagbigkas nang maayos at may damdamin ang isinulat na tula.

3. Pagbibigay ng fidbak sa isinagawa ng mga mag-aaral.


4. Pagbibigay ng iskor ng guro.
5. Pagpili ng natatanging mahusay na bumuo at bumigkas ng tula.

IV. KASUNDUAN
Bumuo ng talata tungkol sa pagka-Pilipino ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
paglalahad ng ating kultura, paniniwala at pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng
bansang Asya.

Basahin at unawain ang sanaysay ng Indonesia na: “Kay Estela Zeehandelaar” na


isinalin ni Ruth Elynia S. Mabanglo.

You might also like