You are on page 1of 5

Kalilang

(Bahagi ng dulang Datu Matu)


Taumbayan:
(Awit at sayaw)
Tayo’y magsaya sa kalilang
Magtugtugan,magsayawan
‘pakita ang sagayan
Tugtugin ang kulintangPaliparin ang sambolayanMasaya ngayon!
ang
dula
ay isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan? Ito ay naglalarawanng araw-araw na
pangyayari sa buhay ng tao, masaya man o malungkot. Mayilang paraan ng pagsasadula. Ang
ilan sa mga ito ay ang dulang panradyo atdulang pantanghalan. Sa dulang panradyo ay hindi
nakikita ang mgagumaganap. Sila ay naririnig sa pamamagitan ng radio, samantalang angdulang
pantanghalan naman ay itinatanghal sa entablado. Nakikita ang mgagumaganap sa isang dulang
pantanghalan.
Si Khalid, binata naPanahon na, tuliin siyaSa kalinisan pagpalainSa langit pakikingganSa harap ni
Allah at ng bayan
Mga Babae:
Binata na, iyong anak
Lubos ka nang nasisiyahan
Ngunit ika’y
nangangambaPanahong nagbabadyaPanganib, huwag dumalo sana
Taumbayan:
Tayo’y mag
-aliw sa kalilang
Khalid, lilinisin sa Pag-IslamMagsayawan, magtugtugan
Onor, ritmo’y panhuluhan Ipatulod nangangahuluganGanap na Muslim, alagad ng
Islam.(Papasok si Datu Matu)Si Datu MatuSa Gumbaran
namumunoMakapangyarihan, makatarunganSinusunod tinitingala Sa kaniya umiikot mundo’t
bayan
Buhay, ang gabay.
Datu Manu:
Assalamo. Allaikum.
Taumbayan:
Allaikum Assalam
Abu:
Datu. Si Datu Awalo ng Biwang.
Datu Matu
:Lubos ang kasiyahan ko sa pagdalo ninyo. Isang malaking karangalan.
Nawa’y
maging simula ito ng pagbibigkis ng ating lakas.
Awalo:
Datu Matu, pagare aken. Wala akong ibang sadya rito kundi makiisa sa pagdaraopng ating mga
palad at damdamin.
Datu Matu:
Noon pa man, ang ating mga bayan ay dati nang magkaibigan. Hindi maiwasangnagkaalitan
nang kaunti at nagkasugatan. Ngunit walang dahilan upang dimaghilom ang naiwang sugat at
muling maging magkaibigan.
Taumbayan:
Datu Matu, Datu Matu

Tuldok sa gitna ng bilogTaluktok ng aming bundok


Buhay sa iyo’y umiikot
Datu Manu, Datu ManuSinusunod, tinitingalaIginagalang na panguloMapalad ang aming bansa.
Datu Matu:
Wala akong pagsidlan ng kasiyahan sa Pag-Islam ng aking binatang si Khalid.Ngayon n
ama’y
marangal kong ibabalita sa inyo ang pagdaraop ng palad ng akinganak na si Tarintang at ng anak
ni Datu Awalo na si Maduk. Magsisilbi itong tatak,mahigpit na pagkakaisa ng ating dalawang
bansa.
Awalo:
Magkapatid tayo mula pa man. Lubos akong naliligayahan.
Datu Matu
:Ituloy ang kalilang.
Taumbayan
: (Awit at sayaw)
Tayo’y masaya sa kalilang
Bansa ay magdiwangPag-
iisahin dal’wang bayan
Karugtong ang kasaysayanSa salsilah, magkuwentuhanNg onor, si Bapa Salilang.(Papasok si
Bapa Salilang)
Bapa Salilang:
Assalamo Allaikum
Taumbayan:
Allaikum Assalam. Magkuwentuhan.
Bapa Salilang:
(Bayok, awit.)
AAaaaooommm…
Taumbayan:
Ang kuwento ni Bantugan habang hinahabol sa Lawanen, kuwento ni Pilandok,tuso, laging
panalo. Kuwento ng Indarapatra, mas malawak. Kuwento ng RajahMagandiri at ang mga
tumulong sa kaniyang mga unggoy.
Abu:
Ang pakikipagsapalaran ni Pilandok upang makapon ang mga walang tuli nadayuhang unggoy.
(Magtawanan.) Da a orak.
Taumbayan:
Swer. Swer, swer. Swer….(Tawanan)

Bapa Salilang:
Unggoy, unggoy, puting unggoy sa ranao lalangoy matapos itaboy ni Pilandok,isubok. (Mga
reaksiyon, tawanan, sigawan.) Ahhh..(titig sa buwan. May sinasabiang buwan. (Katahimikan) O
sige na, tumahimik ang lahat, walang bibig nabubuka, wala
ng matang kukurap, mga tenga’y iinat.

Aaaoomm..(Reaksiyon.)
(Bayok, awit.)
Makinig sa kuwentong ito isang bantog na namuno, isang mandirigma may tapangng agila Datu
Malik ang pangalan niya. (Reaksiyon) Isang gabi, gaya ng gabingito, iniluwal ang isang sanggol.
Lahat ng palatandaan ng langit ang nagsabingdakila ang batang ito. Lumaki na malapit na
malapit siya sa puso ng kaniyang ina,minahal siya nang lubos. Kinilala siya na mahusay na
mangangaso noon pa man.Ininat niya ang kaniyang tirador at pinakawalan ang bato. Sa isang
bato, tatlongibon ang bumagsak. (Mga reaksiyon.)Isang umaga, (Isasayaw ang bahaging ito,
maindayog na tunog ng plauta) hindihuni ng ibon ang sumalubong sa kaniya, dagundong ng
kanyon, sumalakay angmga Kastila sa kuta. Sa unang putok lamang, tumimbuwang ang
kaniyang ina.Nasugatan ang kaniyang ama, bago yumao ang kaniyang ama, ibinigay ang krissa
kaniya. Sinasabing ang kris na minana niya ay lumilipad ng kusa at nanalasang mga kaaway,
parang may sariling bait. Lumaki siyang may bait. Lumaki siyangmatipuno at saksakan ng
tapang. Isang umaga, muling tumapak sa ating lupa angmga puting banyaga. Matibay na kuta at
magigiting na mandirigma ang kanilangnagisnan, si Datu Malik at ang kaniyang
makapangyarihang kris. At kaagad ay isaang napatay. Sa kaliwa, dalawa ang napatay sa kanan,
tatlo ang napatay sa harap.(Katahimikan.) Ipinamana ang kaniyang kris sa kaniyang anak, kay
Datu Matu.(Huhugutin ni Datu Matu ang kris, iaabot kay Khalid. Sasayaw si Khalid.Sasama si
Hassan, isang kunyaring paglalaban, ang sagayan. Maypakiramdam ng pagmamatyag.
Karangyaan sa bansa, magtatawanan.)
Datu Matu:
Bapa! Handa na si Khalid sa ipa-tulod. Inaasahan na magiging isang matapang namandirigmang
magtatanggol ng bansa. At lalong inaasahan ang pagiging tapatbilang isang ganap na Muslim,
Allahu Akbar! (Ipatulod) Papasok si Khalid, tutuliin. Habang ginaganap ang ritwal mayroong
mgamandirigma sa kilos ng sagayan sa paligid.
Bapa Salilang:
O, tohan Ami. O, marina. Pangalagaan si Khalid, anak ni Datu Matu. Naririto angisang agimat
upang madaling mahilom ang sugat, upang walang masamangespiritu sa iyo sisilong, upang
bantayan ka na tonong. Allahu Akbar!
Taumbayan
:
Tayo’y mag
-aliw sa kalilang Khalid lilinisin sa Pag-IslamMagsayawan, magtugtugan. Onor
ritmo’y pgsasaluhan
Ipatulod nangangahulugang ganap.(Mga tunog ng riple. Tunog ng tambol)

You might also like