You are on page 1of 653

Project LOKI V1-V2 (#Wattys2016 Winner)

by AkoSiIbarra

Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of
evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their adventures.

Looking for the third volume of the detective series? Read it here:
https://www.wattpad.com/story/101604752-project-loki-v3

✓Soon to be published under PSICOM Publishing


✓Wattys 2016 Talk of the Town
✓Featured Mystery/Thriller story

Cover Illustration by @coffeebreakren

=================

Volume 1 • Chapter 1: Pilot

ILANG ORAS din ang itinagal bago ako nakaluwas patungong Pampanga. Dahil sa sobrang
bigat ng daloy ng traffic sa EDSA at sobrang bagal ng pag-usad ng mga sasakyan,
mapapaniwala kang meron talagang forever kahit gaano ka pa ka-bitter. Nagkataon
pang may naaksidente sa Cubao kaya lalong tumagal ang paggalaw ng kotseng
sinasakyan ko.

Mag-a-alas-singko ng hapon nang makarating kami sa probinsya. On our way to


Angeles City, medyo mabigat din ang traffic sa McArthur Hi-way, pero hindi gano'n
kalala kumpara sa Maynila. Ang unang mapapansin mo sa siyudad na 'to, wala
masyadong gusaling halos maabot na ang kalangitan sa sobrang taas.

Huminto ang kotse sa tapat ng isang apartment na may tatlong palapag. Tinulungan
ako ng driver na kunin ang mga gamit ko sa trunk at dinala ang mga 'yon sa tabi ng
kulay itim na gate.

"Thank you," sabi ko sa kanya.

"Walang anuman, ma'am," tugon niyang may kasamang pilit na ngiti. Ilang oras din
ang biyahe kaya seguradong napagod ang driver namin lalo't na-stuck kami sa

traffic kanina. "Mag-iingat ho kayo."

Muli siyang pumasok sa kotse at nag-drive paalis. For sure, gagabihin na siyang
makabalik sa Maynila dahil sa sobrang haba ng biyahe. Sana'y hindi na siya maipit
sa traffic.

Ilang segundo pagkapindot ko sa doorbell, bumukas ang gate at bumungad sa 'kin ang
isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok at may wrinkles sa noo, marahil
dulot ng katandaan. Siya si Martha Henson, ang tita kong may-ari ng apartment na
titirhan ko sa mga susunod na buwan.

"Oh, Lorelei! Kanina pa kita hinihintay!" Niyakap niya ako nang mahigpit, sa
puntong halos hindi na ako makahinga, at nakipagbeso sa 'kin. "Kumusta ang biyahe?
Hinatid ka ba ng papa mo?"

Napangiti ako sa tanong niya. Parang hindi niya kilala kung anong klaseng tao si
papa. Ni hindi man nga siya nagpaalam sa 'kin dahil medyo "busy" raw siya.

"May meeting kasi sila kanina kaya hindi na niya ako naihatid. Gusto nga niya
kayong makita e," pagsisinungaling ko. Wala namang sinabing gano'n si papa.

"Halika, ituturo ko sa 'yo kung saan ka mag-i-stay. Nilinis ko kanina ang kwartong
tutuluyan mo." Binitbit ko ang isang bag habang tinulungan niya akong buhatin ang
isa pa. Pinauna niya akong pumasok bago niya isinara ang gate.

May kalakihan ang apartment na ipinapaupa nitong si Tita Martha, siguro nasa
sampung unit. At malamang, may kamahalan ang renta dahil malapit ito sa university.
Halos mga estudyante raw ang nangungupahan dito, lalo na 'yong mga taga-malayong
lugar na ayaw mag-commute araw-araw.

"Okay lang ba sa 'yo kung meron kang kasama sa unit?" lumingon siya sa 'kin at

bahagyang kumunot ang noo. "Lahat kasi ng mga unit dito, may nangungupahan na.
Isang unit na lang kasi ang may bakante pang kwarto."

"Babae ho ba ang kasama ko sa unit?"

Tumingin siya sa 'kin na parang nagdadalawang-isip siyang sagutin ang tanong ko


bago niya buksan ang pinto papasok sa apartment. "Lalaki."

Napalunok ako ng laway. Walang problema sa 'kin kung kay kasama ko sa unit... basta
hindi lalaki.

"Alam kong may isyu ka sa kanila, pero ibahin mo itong sinasabi kong magiging
roommate mo." Napansin siguro ni Tita Martha ang pagkadismaya sa aking mukha kaya
napilitan siyang magpaliwanag. "At saka magkahiwalay kayo ng kwarto. Magkikita lang
kayo sa sala at kusina. Kung gusto mo, palagyan natin ng tatlo o apat na lock ang
kwarto mo."

Pare-pareho lang ang mga lalaki. Kapag nagpakita ka ng kahinaan, aabusuhin nila.
Mga natural predator sila na naghahanap ng kanilang prey sa masukal na kagubatan.
"Paano ho naiba ang roommate ko?"

Nauna sa pag-akyat sa hagdanan si tita at maingat na naglakad. "Kasing tahimik siya


ng bato kapag kasama mo siya. Hindi siya nagsasalita kung hindi kailangan.
Misteryoso, parang may sariling mundo. At hindi rin siya mahilig sa babae. Noong
isang araw, naitanong ko kung may girlfriend na siya. Ang sagot niya, wala raw
siyang oras para sa gano'ng kahibangan."

"Kung gano'n, bakla ho ba siya?"

Napatawa nang mahina si tita kahit seryoso ang isinagot ko sa kanya. "Wala rin
siyang interes sa mga lalaki. At mukhang wala rin siyang interes sa mga tao.
Dalawang taon na siya rito pero ni minsan, wala siyang dinala ni isang kaibigan

o kaklase."

"Pero may mga kasama ho ba siya dati sa unit?"

"Oo, may mga nangungupahan sa mga kwarto pero makalipas ang isa or dalawang buwan,
bigla silang aalis. Ang sabi nila, may multo raw na nanggugulo sa kanila gabi-gabi.
Kapag naliligo sila sa banyo, may nakikita raw silang mga matang nakatitig sa
kanila mula sa bintana. Kapag nasa kwarto, may naririnig silang tumatawag sa
pangalan nila."

Creepy. Pang-horror film pala ang isa sa mga unit ni tita. Mabuti't hindi naisipan
ng lalaking lumipat ng apartment. Kung ako sa kanya, mag-aalsa-balutan na ako bago
pa ako dalawin ng mga multo sa panaginip ko.

"Huwag kang mag-alala. Wala naman daw multo, sabi ng roommate mo." Mukhang
naramdaman ni tita ang pagkatakot ko sa ikinuwento niya. "Baka raw may tinitira ang
mga kasama niya noon kaya nakakakita raw sila ng mga bagay-bagay. Wala pa raw
siyang nakita o naramdamang ibang elemento sa unit."

Dapat bang mapanatag ang loob ko sa sinabi ni tita at maniwala sa testimonyo ng


lalaking 'yon?

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa third floor, sa tapat ng Room 302. Kumatok
muna si Tita Martha bago niya ipinasok ang susi sa doorknob at binuksan ang pinto.

Eksakto lang ang laki ng unit at mukhang kumpleto na rin sa gamit. Pagpasok mo
palang, bubungad na sa 'yo ang dalawang couch at maliit na mesang gawa sa kahoy sa
sala. Sa bandang likuran sa kusina, may pabilog na mesang pinalilibutan ng tatlong
monobloc chairs. May lalagyan naman ng mga plato't baso, gas stove at water
dispenser sa may kitchen sink. Sa gawing kanan ng apartment, may dalawang pintong
nakasara-'yon siguro ang mga kwarto-habang may bahagyang

bukas na pinto sa bandang likuran, ang comfort room.

Ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang lalaking nakahiga sa sahig at tila binubuo
ang isang malaking jigsaw puzzle. Nakakalat ang mga piraso sa paligid niya. What's
weird is that those pieces have no design or color. Blangko sila.

"Excuse me, Loki?" Tita Martha let out a forced cough to get his attention. What an
odd choice of name, by the way. Kapangalan niya ang Norse god of mischief. "Gusto
kong ipakilala sa 'yo ang bago mong roommate."

Humarap siya sa amin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I did the same to him.

Ang unang napansin ko kay Loki ay ang buhok niyang halos takpan na ang kanyang mga
mata sa haba ng bangs. It seemed he was trying to hide his jet black, lackluster
eyes from anyone's sight. Payat ang kanyang mukha kaya kapansin-pansin ang mga
nakausli niyang cheekbone.

Kumaway ako sa kanya at ipinakilala ang sarili ko. "Hi, I'm Lorelei Rios. Pleased
to meet you."

"Loki Mendez," tugon niya, walang kabuhay-buhay ang kanyang boses. "Sorry, I'm in
the middle of solving a puzzle here so do you mind if you won't disturb me for
another five minutes?"

Muli siyang humiga sa sahig at itinuon ang atensyon sa jigsaw puzzle. Great.
Napakalamig ng pagtanggap niya sa 'kin. And I will be sharing this unit with this
guy for a couple of months. Ang akala ko noong una, exaggerated lang ang
description sa kanya ni Tita Martha.

Nagkatinginan muna kami ni tita at saka siya napakibit-balikat. Sanay na siguro


siya sa gano'ng kalamig na reaksyon ni Loki tuwing may ipinapakilalang roommate.

"Bale ang magiging kwarto mo ay 'yong pangalawa." Tita Martha led the way to my
room. Habang naglalakad kami patungo roon, napansin ko ang mga post-it note na
nakadikit sa flatscreen TV. May mga numerong nakasulat sa mga 'yon na parang codes
o trigonometric equations. Meron ding dartboard sa pader kung nakatusok ang larawan
ng isang lalaki gamit ang darts.

Kung

si Loki man ang naglagay ng mga 'yon, he's really weird... and a bit mysterious.

Inilapag ni tita ang mga bag ko sa kama at iniabot sa 'kin ang susi. "Make sure na
laging naka-lock ang kwarto mo kapag matutulog ka. Tiwala naman ako sa roommate mo
na wala siyang gagawing masama habang nandito ka. Kung kailangan mo ako, nasa Room
101 lang ako."

"Salamat po, tita." Muli ko siyang niyakap na tumagal ng ilang segundo. She also
embraced me warmly, and it felt like my mother was also hugging me.

"Sana'y bumisita rito ang papa mo para kumustahin ka," sabi niya nang magkahiwalay
na kami. "Seguradong mamimi-miss niya ang kanyang unica hija."

Paglabas ni Tita Martha sa aking kwarto, hindi ko maiwasang mapangiti. It wasn't


the usual broad and genuine smile; it was a wry smile. Kung umalis man ako o hindi
sa bahay namin sa Manila, it wouldn't make a pennyworth diffference to my father.

Pasado ala-sais ng gabi nang matapos kong ilagay sa cabinet ang mga damit ko. Mula
sa suot kong pantalon, pinalitan ko ito ng shorts na abot hanggang tuhod.

Lumabas ako sa kwarto, dala-dala ang aking MacBook at umupo sa gilid ng bakanteng
couch. Nabuo na ni Loki ang jigsaw puzzle kaya nakaupo siya sa kabilang couch at
nagbabasa ng librong may pamagat na And Then There Were None.

Gusto ko sanang manood ng TV. Ang kaso, dahil sa mga post-it note sa screen, I gave
up the idea. Baka kasi para sa assignment ng roommate ko ang mga 'yon.

Instead, I logged in my Facebook account and checked the inbox. A number of my


classmates-former classmates-from my high school

in Manila sent me personal messages. Habang tsine-check ko isa-isa, tumayo si Loki


at dumaan sa likod ko para pumunta sa banyo.

Kinumusta ako ng mga dati kong kaklase at tinanong kung saan ako magta-transfer. I
closed the messages without replying to them. Tiyak na mapapansin nilang na-seen ko
ang mga mensahe nila. Maging sa phone ko, nagte-text din ang ilan sa kanila. Like
what I did sa mga Facebook message, hindi ko na sila ni-reply-an.

Wala akong galit sa kanila. Ayaw kong muling magkaroon ng koneksyon sa nakaraan
dahil gusto ko nang kalimutan ang nangyari noon.

For me to move on, I guess I have to cut my ties with the past.

Lumipas ang ilang oras pero ni minsan, hindi kami nagkausap ni Loki. Kagaya ng sabi
ni Tita Martha, hindi siya nagsasalita kung hindi kailangan. Masyado siyang abala
sa pagbabasa ng libro o pagbuo ng puzzle. Mukhang wala talaga siyang balak na
makipagkilala sa 'kin.

The same situation went on the next day. Pagkagising ko sa umaaga, binati ko siya
ng "good morning" pero hindi man siya tumugon. Nakatutok pa rin siya sa binabasa
niya at nandoon pa rin siya sa puwesto kung saan ko siya huling nakita kagabi bago
ako natulog. Teka, natulog na kaya ang lalaking 'to o nag-marathon siya magdamag
para tapusin ang kanyang binabasa?

Pagdating ng hapon, muli akong umupo sa nakagawain kong pwesto sa couch. Si Loki,
hayun, nagsusulat ng mga numero sa papel, tila may sino-solve na mathematical
problem. Habang nanonood ako ng mga nakatutuwang cat video sa YouTube, napapasulyap
ako sa ginagawa niya.

And then, a miracle happened.

"Kanina ka pa tumitingin-tingin sa 'kin.

You probably have a couple of questions or you just want to start a conversation
with me." Sa unang pagkakataon, kinausap niya ako. Mukhang may something sa ulam na
inihatid ni Tita Martha kaninang tanghalian kaya nagsasalita na ang kasama ko.

Tiningnan ko muna kung may kausap siya sa phone, baka kasi hindi para sa 'kin ang
remarks na 'yon. Nang masiguro kong ako nga ang kausap niya, isinara ko ang aking
laptop at napatitig sa kanya.

"Naisip ko lang na bilang rooommates, kailangan medyo kilala natin ang isa't isa
lalo na't ilang buwan din tayong magkakasama sa iisang bubong," sabi ko sa kanya.
"Aside from our names, we don't know a single thing about each other."

Tumigil siya sa pagsusulat ng numero at napatingin sa direksyon ko. "Oh, I


disagree."

Bahagyang naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang kanyang reaksyon.
"Excuse me?"

"Alam kong galing ka sa Manila at napagdesisyonan mong lumipat dito sa Pampanga,"


paliwanag niya, nagpatuloy sa pagsusulat ng mga numero sa papel nang hindi
lumilingon sa 'kin. "It's also probable na you will also be attending the same high
school as I do."

"Sinabi ba sa 'yo ni Tita Martha?"

"Nope," may diin ang pagkakasabi niya sa "p". "I deduced it based on how you were
dressed yesterday. Kumpara sa aming mga taga-probinsya, mas sophisticated ang
fashion sense n'yong mga taga-Manila. How about the school? Most, if not all,
tenants here are going to the same high school-which is Clark High School. Of
course, that deduction relies on a probability, not on an absolute certainty."

Bahagyang napabuka ang bibig ko habang pinakikinggan

ang mabilis niyang pagsasalita. Kaya pala kahapon, parang X-ray niya akong
tiningnan mula ulo hanggang paa. He tried to read a bit about me through my
appearance.

"But that's not all," pagpapatuloy niya, ang akala ko'y tapos na siya sa kanyang
deduction show. "If my deduction is correct, may tinatakasan ka mula sa 'yong
nakaraan. That's why you went here, to seek refuge and solace."

Napalunok tuloy ako ng laway at napakurap ang mga mata ko sa kanya. There's no way
for him para malaman niya ang tungkol sa problema o nakaraan ko. Ni wala akong
sinabi sa kanya mula nang magpalitan kami ng pangalan kahapon. Posible kayang
naikwento ako ni tita sa kanya?
"You're mistaken. Walang sinabi ang landlady sa 'kin tungkol sa 'yo." Parang nabasa
niya ang tumatakbo sa isip ko. "And if she did, I was probably not listening."

"Kung gano'n, paano mo nalaman na may tinatakasan ako?"

"Simple lang." Muli siyang tumigil sa pagsusulat at umayos ng upo. "You were
ignoring your friends' messages on Facebook and probably on your phone.
Disconnecting yourself with people from your past is an indication that you want to
escape, if not forget, about it."

"At paano mo nalaman na nag-message sila sa 'kin sa Facebook?"

"Noong tsine-check mo ang inbox mo kahapon at kanina, napadaan ako sa likod mo at


napansin ko ang ginawa mong pag-seen sa mga message nila," paliwanag niya habang
nakaturo ang kanyang hintuturo sa laptop ko. "They were concerned about your well-
being and yet, you chose to ignore them."

Hindi lang siya sumilip, binasa pa niya ang mga message ko. Where's his respect for
my privacy?

"A

new question emerged: What are you trying to escape from?" Gusto kong sumabat pero
parang machine gun ang bibig niya na walang tigil sa pagsasalita. "May nangyari
siguro sa dati mong school sa Manila. You were probably involved in a big issue or
scandal kaya siguro naisipan mong mag-transfer dito."

Napakapit ako sa mga tuhod ko habang patuloy na nakikinig sa kanya.

"The mystery now is why would you transfer here in the province? Judging by your
MacBook and iPhone, your family is quite well-off. You can afford to study anywhere
in Manila. Why not go to those prestigious universities? Marahil dahil ang
insidenteng kinasangkutan mo sa dati mong school ay seryoso kaya kinailangan mong
magpakalayo-layo para mawala ito sa atensyon mo at hindi ka na gambalain pa nito.
If you stay in the vicinity, it might trigger a tragic memory."

Hindi ko naiwasang mapatingin palayo. May lahing manghuhula kaya ang lalaking 'to?
He sounded as if he really knew something about me, especially about that incident.
Hindi ko alam kung paano magre-react lalo't tama ang mga pinagsasabi niya.

"I can only think of three probable scenarios na nangyari," itinaas niya ang
kanyang tatlong daliri. "Una, posibleng witness ka sa isang karumal-dumal na
krimen. Pangalawa, posibleng may nagtangkang-"

"ENOUGH!"

I couldn't take his nonchalant remarks anymore. Sumigaw ako para huminto na siya sa
pagsasalita. Kung may ideya siya na seryoso ang kinasangkutan kong insidente, bakit
hindi na lang niya itikom ang kanyang bibig at sarilihin na lang 'yon? Did he
really have to show off how good he is in deducing people's life history?

"May nasabi ba akong mali?" tanong niya, ni hindi man siya natinag sa reaksyon ko.
Gusto niya pa yatang ituloy ang pag-e-enumerate sa mga possible scenario.

Dala-dala ang aking laptop, tumayo ako't nagtungo sa aking kwarto nang hindi
nagpapaalam sa kanya. Pero bago ko pihitin ang doorknob, muli akong humarap kay
Loki at saka bumanat.
"Alam ko na ngayon kung bakit walang nagtatagal na roommate sa 'yo. Mas masahol ka
pa kasi sa multong nanggugulo rito."

Ni-lock ko ang pinto ng aking kwarto at humiga sa malambot na kama. Ipinikit ko ang
aking mga mata at paulit-ulit na huminga nang malalim.

Whatever happened back then, I don't wanna remember anymore.

###

A/N: Bagong story na naman?! Sorry kung pabago-bago ako ng isip. I decided to write
a detective story after observing some of the trending stories in the "Mystery"
section. Some don't do justice to "detective fiction."

Just so you know, Sherlock Holmes is the biggest inspiration of this on-going work.

Please let me know about your thoughts in the pilot chapter. Thank you!

=================

Volume 1 • Chapter 2: The Case of the Secret Admirer

LORELEI

SA MGA sumunod na araw, hindi ko na kinausap si Loki. Kahit magkasalubong kami sa


sala o kusina, hindi kami nagpapansinan. Parang hindi siya nag-e-exist sa paningin
ko. And I guess the feeling was mutual.

At dahil hindi ako makapanood ng TV, naisipan kong gumawa ng blog at i-post doon
ang mga new experience ko rito sa Pampanga. Kasama na roon ang unang pag-uusap
namin ni Loki kung saan naasar ako sa kanya.

Nitong Lunes, nagsimula na rin akong pumasok sa Clark High School. Doon din daw
nag-aaral ang roommate ko. Fortunately, paggising ko sa umaga, wala na siya sa
apartment kaya hindi kami nagkakasabay pumasok. Baka ano pang tsismis ang kumalat
kapag may nakaalam na sa parehong unit kami nakatira.

There's nothing remarkable sa unang linggo ko sa bago kong high school. Bilang
isang transferee, I was greeted with welcoming smiles and friendly gestures.
Pakiramdam ko, talagang belong ako sa Class 2-A dahil parang nakababatang kapatid
ang turing nila sa tulad kong bagong salta. May iilang gustong makipagkaibigan sa
'kin. But I still try to distance myself from them.

Tuwing lunch time, mag-isa akong kumakain sa isang table sa cafeteria, savoring
every spoonful of my sumptuous meal in my mouth. Then bigla akong lalapitan ng mga
kaklase ko at itatanong kung bakit hindi raw ako sumasabay sa kanila. Ngumiti lang
ako sa kanila sabay sagot na "Medyo naninibago pa kasi ako e."
I admit that I have trust issues when it comes to friends. Kapag nakikita ko ang
mga kaklase kong gustong makipagkaibigan sa 'kin, hindi ko maiwasang maitanong

sa sarili ko: Sino kaya ang mga magiging tunay kong kaibigan sa kanila at sino ang
makikipagplastikan lang?

Pero may isa talaga na pilit ipinagsisiksikan ang sarili sa 'kin-si Rosetta
Rodriguez. Permanente na yatang nakapinta sa kanyang labi ang isang matamis na
ngiti. She seemed like a people person who loves to befriend other students. Abot
hanggang baywang ang straight niyang buhok, medyo bilog ang mukha at nakaumbok ang
magkabilang pisngi. Kung pagtatabihin mo kaming dalawa, mapapansin ang ilang
pulgadang agwat namin sa height dahil mas matangkad siya sa 'kin.

"Mamaya, sumabay ka na sa 'min, ha?" paalala niya nang nagpapalit na kami ng damit
para sa PE class namin.

Nasa locker room kaming dalawa, kasama ang iba pa naming kaklaseng babae. Ipapasok
ko na sana 'yong susi ko sa keyhole, pero bigla akong napatigil nang may mapansin
akong kakaiba rito.

"Hmm? May problema ba, Lori?" tanong ni Rosetta na katabi ko ng locker. Medyo
naaasiwa ako sa tawag niyang Lori pero mas magandang pakinggan na 'yon kaysa sa
Lei-Lei. "Hindi ba gumagana 'yang susi mo?"

Lumingon ako sa kanya at saka itinuro ang bukasan. "May mga gasgas sa paligid ng
keyhole. Sa pagkakatanda ko kasi, walang ganito noong huli kong nakita kahapon."

Nilapitan niya ang aking locker at sinuri ang susian. Nanliit pa ang kanyang mga
mata habang nakatingin dito. "Segurado ka bang hindi ikaw ang may gawa nito?"

"Maingat kong ipinapasok ang susi kaya imposibleng magkagasgas 'yan."

"Baka naman may nagkamali ng locker at ipinilit na ipasok ang maling susi riyan?"

That's impossible. Nakadikit ang buong pangalan

ko sa locker kaya kung sakaling may naligaw man, mapapansin niya kaagad na hindi sa
kanya 'to. Mangyayari lang 'yon kung hindi marunong magbasa ang sinumang nagkamali.

Napakibit-balikat na lamang ako, ipinasok ang susi at dahan-dahang binuksan ang


locker. Pagbukas ko, tumambad sa 'kin ang isang box ng Ferrero Roche na chocolate.
May nakalakip pang sulat na "For you, Miss Gorgeous. From your secret admirer."

"May nagpumilit ngang buksan ang locker ko," komento ko habang hawak-hawak ang
maliit na box ng chocolate. Sa halip na kiligin ako sa gano'ng sweet gesture,
nanindig pa ang mga balahibo ko.

"Sa ganda mong 'yan, talagang magkakaroon ka ng secret admirer," sabi ni Rosetta,
sinusuri ang nakasulat sa papel. "May lalaki yatang tinamaan ng charm mo, Lori."

Tss. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay atensyon. Okay na para sa 'kin ang mabuhay nang
naka-incognito mode sa paningin ng iba basta hindi nagugulo ang buhay ko.

Sa pag-aakalang minsan lamang mangyayari ang pagbubukas sa aking locker,


ipinagwalang bahala ko 'yon. Pero sa sumunod na araw, muling nag-iwan ang secret
admirer ko ng isang bagay na nagpangilabot sa 'kin.

Napalunok ako ng laway habang pinagmamasdan ang larawan kung saan nakadungaw ako sa
bintana ng aming classroom. May kasama pa 'tong pulang rosas at nakasulat sa likod
ng litrato: "Please smile for me. From your secret admirer."

This was getting creepier. Hindi na yata secret admirer ang nasa likod ng mga
misteryosong regalo. Mukhang may "stalker" na ako.

"May kilala ka ba sa mga lalaki nating kaklase na interesado sa 'kin?" tanong ko


kay Rosetta na abala sa pagpapalit ng damit. Naka-ponytail na ang kanyang buhok at
sumusunod sa bawat paggalaw niya.

"Mukhang lahat sila e interesado sa 'yo. Gusto ka nilang makilala. May


nagpapatulong nga sa 'kin kasi nahihiya sila. Bakit? Sa tingin mo ba, classmate
natin ang may gawa niyan?"

Ipinakita ko sa kanya ang iniwang photo. "Nakunan ang shot na 'to habang nasa
classroom ako kahapon kaya mataas ang posibilidad na kaklase nga natin ang
nagbubukas sa locker ko at nag-iiwan ng kung ano-ano."

"Ayaw mo bang nakakatanggap ng mga ganyang bagay?"

Muling nabaling ang tingin ko sa loob ng aking

locker. "Hindi naman sa ayaw ko, pero nagiging creepy na kasi. Walang masama kung
humahanga ka sa isang tao. Pero kung gusto mong i-express ang feelings mo sa kanya,
huwag naman sa ganitong paraan. Kung interesado siya sa 'kin, bakit hindi siya
magkaroon ng lakas ng loob para ipakilala ang sarili niya?"

Naisuot na ni Rosetta ang kanyang puting shirt at jogging pants samantalang ako,
binabagabag pa rin ng misteryo. It's so bothersome that I can't focus on what I was
supposed to do.

"Kailangan ko na yatang i-report ito."

"Matatagalan sila bago nila matukoy kung sino ang nasa likod niyan," komento ni
Rosetta. "Kung gusto mong mabilisang malaman ang identity ng stalker mo, may kilala
akong makatutulong sa 'yo."

"Huh?" Napataas ang kaliwa kong kilay. "Sino naman?"

"Kapag may problema ang mga estudyante, meron silang isang lugar na laging
pinupuntahan. Basta kapag may misteryo kang gustong lutasin, maaasahan mo ang club
na 'yon. Pwede mo silang konsultahin diyan sa kaso mo."

"Parang detective club?"

"Parang gano'n. Kung bukas, hindi pa titigil ang sinumang nag-iiwan ng regalo sa
locker mo, humingi ka na ng tulong sa kanila. Pumunta ka sa third floor, sa
pinakadulong room ng hallway at makikita mong nakadikit ang sign na 'QED Club' sa
pinto."

Tila itinadhanang ibigay sa 'kin ni Rosetta ang advice na 'yon. Dahil kinabukasan,
pagbukas ko ng aking locker, may nakita akong maliit at cute na teddy bear. May
nakadikit pang larawan mula sa mga profile picture ko sa Facebook. Maging sa social
media yata, ini-stalk na ako ng secret admirer ko.
The fact that he went through the trouble of lock picking my locker and stalking me
in person and online was probably an indication of his obsessive nature. I think
I'm no longer dealing with someone creepy. I'm dealing with someone dangerous.

Hindi na ako nagdalawang-isip na puntahan ang nasabing detective club. Noong lunch
time, umakyat ako sa third floor at nagtungo sa pinakadulong bahagi ng hallway.
Bawat room na madaan ko, tinitingnan ko ang mga pinto at hinahanap ang sign na "QED
Club."

After less than five minutes, I found myself standing in front of Room 315. Hindi
ko kaagad binuksan ang pinto. Napaisip ako kung dapat ko silang guluhin sa ganitong
klaseng problema. Well, nandito na rin naman ako kaya mas mabuti kung itutuloy ko
na. Huminga muna ako nang malalim bago ako kumatok sa pinto at tumuloy sa loob.

Kapansin-pansin kung gaano kaliit ang kanilang clubroom. Halos one-fourth yata ang
laki nito kumpara sa isang regular classroom. Sa tantiya ko, nasa limang katao lang
ang pwedeng pumasok dito dahil sa sobrang sikip.

Bumungad sa 'kin ang parihabang mesa kung saan nakapatong ang mga papel na may
nakasulat na random number. Teka, parang pamilyar ang ganitong senaryo.

Inasahan kong may tatlo o apat na estudyanteng babati sa 'kin pagpasok ko. Usually,

gano'n ang mga scenario sa clubs. Pero wala akong nakita sa loob maliban sa
lalaking nakatalikod habang nakaupo sa kanyang swivel chair.

"Excuse me, dito po ba ang QED Club?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para hindi
ko maistorbo sakaling may ginagawa siya.

"Kung kabisado mo ang English alphabet at nakita mo ang sign sa pinto, alam mo na
ang sagot sa tanong na 'yan."

Nanlaki ang mga mata ko at parang nanigas ang aking katawan nang marinig ko ang
boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. That annoying, monotonous voice could only
come from one person whom I have had the misfortune of meeting.

Humarap sa 'kin ang walang emosyon na mukha ni Loki. Hindi man siya nasorpresa na
makita akong nakatayo sa kanyang harapan. Bahagyang naningkit ang mga mata niyang
halos takpan ng kanyang bangs at nagtanong, "Teka, ikaw ang roommate ko, 'di ba?
What's your name again? Lorraine? Lorena?"

Wow. I don't know kung inaasar niya ako sa pag-astang nakalimutan na niya ang
pangalan ko. Napaka-unique nga ng pangalan ko para makalimutan ng iba. "Hindi mo na
kailangang malaman pa. Sorry pero mukhang nagkamali ako ng room na pinasukan."

Of course, that's a lie. Tumalikod ako't nagsimulang naglakad palabas ng kanyang


clubroom. Kung alam kong siya pala ang dadatnan ko rito, hindi na sana ako
nagsayang ng oras.

"Oh, don't you lie. Nasa tamang lugar ka," he said in his toneless voice. I could
sense his eyes shooting daggers at me. "Tinanong mo kanina kung ito ba ang QED
clubroom. That means you really are looking for this club."
Yeah, I'm looking for this club, but not for him. Inirapan ko siya at pabalang na
sumagot, "You are the last person that I want to see today. Kaya kung okay lang sa
'yo, mauuna na ako."

"That's another lie," muli siyang humirit nang nasa pintuan na ako. "The last
person you want to see is that secret admirer of yours, isn't it?"

With furrowed eyebrows, I once again turned to him and asked

curiously, "At paano mo nalaman ang tungkol doon?" Hayan na naman siya sa kanyang
mala-ESP na paraan upang malaman ang mga bagay-bagay.

Tumayo siya't nilapitan ako, nakahalukipkip sa bulsa ang kanyang mga kamay. "Let's
say that I have the power to know if someone's in trouble or not."

"May nagsabi sa 'yo?"

Sa halip na simpeng "meron" o "wala," isang nakakairitang ngiti ang itinugon niya
sa 'kin. "Alam kong hindi naging maganda ang unang pag-uusap natin pero interesado
akong marinig ang problema mo. I have nothing on my plate at the moment so I can
help you out. I'm not forcing you though. You have two options: You can walk away
and be bothered by your secret admirer or you can tell me the details of your
problem and I can expose the identity of the mystery man."

Gusto kong matuldukan na ang "secret admirer" case bago pa ito magpatuloy sa mga
susunod na araw. Ang kaso, hindi ako nakasisiguro kung dapat kong pagkatiwalaan ang
lalaking 'to. After our brief exchange noong isang araw, how I wish our paths will
never cross again.

"Don't worry. Once your problem is solved, we can return to playing strangers
again." Hinila niya ang isang monobloc chair at inalok sa 'kin. "So why don't you
take a seat and tell me more about your case?"

That sounded like a great deal. I'm on the process of playing stranger. Kahit may
boses sa utak ko na nagsasabing hindi ako dapat magtiwala sa kanya, umupo pa rin
ako at hinandang ikwento ang aking problema. Umupo siya sa aking harapan at
ipinagkrus ang kanyang mga daliri. Pakiramdam ko, para akong ini-interrogate ng mga
pulis.

"Go ahead, I'm

listening."

Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita. "Nitong Lunes, napansin kong may
bumukas sa locker ko at nag-iwan ng isang box ng chocolate. Kahapon, naglagay siya
ng rosas at picture ko na may note na 'Please smile for me.' Kanina, nag-iwan siya
ng maliit na teddy bear na may nakadikit na profile picture ko mula sa Facebook."

Napatingin siya palayo, tila nabagot sa kwento ko. He said he's listening but his
attention seemed to be elsewhere. "The typical secret admirer case. Nothing
unusual. May ideya ka ba kung sinong nasa likod nito?"

"I think isa siya sa mga classmate ko. 'Yong iniwan niya kasing picture kahapon,
nakunan habang nasa classroom ako."

Medyo nanliit ang mga mata niya at napatitig sa 'kin. "Interesting observation and
deduction. Anong oras mo usually binubuksan ang iyong locker?"
"Umaga tuwing PE class namin."

Napakurba ang gilid ng kanyang labi, isang ngiti na nangangahulugang may sagot na
siya sa misteryo. "Consider your problem solved. Kung gusto mo, ipapakilala ko sa
'yo mamayang hapon ang taong nasa likod ng mga misteryosong regalo."

"Kilala mo kung sino siya?"

"We will find out later," he answered with a wide grin plastered on his face. He
then extended his right arm as if he's begging for alms. "For now, can you lend me
your locker key? I wanna ask the locksmiths around the vicinity kung may nagpa-
duplicate niyan."

Dahil wala namang importanteng nakatago roon maliban sa rubber shoes ko, hindi na
ako nag-alinlangang iabot 'yon sa kanya.

"Until what time ang pasok n'yo ngayong araw?" sunod na tanong niya sabay bulsa

ng susi.

"Hanggang four o'clock. Bakit?"

"Meet me at exactly five o'clock sa rooftop. I will unmask the identity of your
secret admirer and put an end to your problem."

He's oozing with extreme confidence. Hindi ko alam kung puro hangin at yabang lang
ang lalaking 'to o talagang kaya niyang lutasin ang kaso. Base sa kwento ni Rosetta
sa 'kin, this club can close cases so rest assured na masosolusyunan ang problema
ko.

For once, I decided to trust this guy. My fingers are crossed na 'yon na ang una at
huling pagkakataon na hihingi ako ng tulong sa kanya.

***

Pagkatapos ng huling klase namin sa hapon, nag-stay muna ako sa cafeteria habang
hinihintay ang pagpatak ng ala-singko. Halos lahat ng mga kaklase ko'y nakauwi na
samantalang ako, narito pa rin at nag-aabang sa pagkikita namin ni Loki.

Five minutes before five o'clock, umakyat na ako patungong rooftop para makipagkita
sa roommate-slash-detective wannabe. Pagtuntong ko roon, walang akong nadatnan ni
anino niya. Tanging tatlong malalaking cardboard box at mga mahahabang dos-por-dos
na kahoy ang nandoon.

Siya pa ang naglakas-loob na nagsabing five o'clock sharp, e siya pala ang late.

Nagtungo ako sa bandang dulo ng rooftop, malapit sa mga cardboard box at tumingin
pababa. Halos wala nang tao sa campus. Usually, sa mga ganitong oras daw, mga club
na may after-class activity ang nandito pa.

Sumilip ako sa orasan ng aking phone. It's already five-ten. What's taking him so
long? Posible kayang pinagti-trip-an niya ako kanina? Baka gumaganti siya matapos
akong mag-walk out noong isang araw sa apartment.

Kapag hindi pa siya dumating sa loob ng limang minuto, uuwi na ako.

Dinarama ko ang sariwang bugso ng hangin at ang katahimikang naghahari sa rooftop


nang biglang bumukas ang pinto sa likuran ko. Lumikha ito ng kaluskos at sinundan
ng mga mababagal na yabag ng sapatos. Sa wakas, nandito na siya.
Ngunit nagulat ako nang hindi mukha ni Loki ang bumati sa 'kin. Pero kahit paano,
pamilyar sa 'kin ang itsura ng lalaking dahan-dahang lumalapit sa kinatatayuan ko.

"Aaron? Anong ginagawa mo rito?" Kitang-kita ko sa malawak na ngiti ng aking


kaklase na natutuwa siyang makita ako rito sa rooftop. "May nakalimutan ka ba?"

"Ang sabi mo, gusto mo akong makita." Ipinakita niya sa 'kin ang isang kapirasong
papel na may sulat na hindi ko malinaw na mabasa. "Kaya nagmadali akong pumunta
rito."

My eyes narrowed into slits as I watched him approach me. "Sorry pero hindi ko
maalalang may sinabi akong gano'n sa 'yo. Baka nagkakamali ka lang. May iba akong
hinihintay rito."

Puminta sa kanyang mukha ang pagtataka, napataas ang kanang kilay habang nakamasid
sa 'kin. "Pero nag-iwan ka ng mensahe para sa 'kin sa loob ng locker mo. Ang sabi
mo, gusto mo akong makita ngayong ala-singko dito sa rooftop para makilala ako at
magpasalamat sa mga regalong ibinigay ko sa 'yo."

A realization dawned upon me. Nanlaki ang mga mata ko at napahakbang paatras. "Ku-
Kung gano'n, i-ikaw ang secret admirer ko?"

Yumuko siya na parang magician matapos ang kanyang pagtatanghal. "Yours truly. O,
bakit namumutla ka diyan? Hindi mo ba in-expect na ako ang makikita mo rito?"

Paulit-ulit akong umiling. Hindi ko matandaang

may iniwan akong note sa locker ko. Wala pa naman akong amnesia. "Pa-Pasensya na
pero hindi ko talaga alam ang sinasabi mo."

Doon ko napagtanto kung sino ang posibleng naglagay noon. Isa lang naman ang taong
binigyan ko ng susi sa locker-walang iba kundi si Loki.

"Noong first day mo pa lang dito, gusto na kitang makilala." Habang lumalapit siya
sa 'kin, patuloy ako sa paghakbang paatras. Gusto kong tumakbo palayo pero biglang
nanghina ang mga binti ko. Halos hindi ko sila maigalaw. "Lagi kong pinagmamasdan
ang ngiti mo at kung paano ka tumawa. Minsan nga, natanong ko sa sarili ko kung ano
kayang lasa ng mga labi mo."

"S-Stay away from me!" sigaw ko sa kanya. Ang malawak niyang ngiti kanina, naging
ngising demonyo na. His brown eyes gleamed with lustful joy habang nakatitig sa
'kin. Napakagat pa siya sa kanyang labi na parang natatakam sa isang pagkain.

Bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang kanang kamay ko. Pinilit kong magpumiglas
pero todo-kapit ang kamay niya sa 'kin. "Ganyan mo ba pasasalamatan ang secret
admirer mo? Well, mahilig ako sa mga palabang babae kaya seguradong magugustuhan
talaga kita. Hehe~"

"TULON-" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko at bumulong sa aking tenga.

"Sssshhh... Huwag kang maingay. Ang akala ko ba gusto mo pa akong makilala nang
lubusan? Kapag sinubukan mong sumigaw ulit, baka matulak kita mula sa rooftop. Ayaw
kong masayang 'yang ganda mo."

Tumayo ang mga balahibo ko habang hinahaplos ng kanyang daliri ang aking pisngi.
Damang-dama ko ang paghinga niya nang inilapit niya ang kanyang mukha sa 'kin.

Muling sumagi
sa isip ko ang nangyari noong isang gabi, ilang buwan na ang nakararaan. Parang
bumalik ako sa madilim na lugar kung saan nagwawala ang liwanag na may iba't ibang
kulay sa paligid. Maraming taong sumasayaw. Halos nakakabingi ang ingay at hindi
magkaintindihan ang mga tao. May mga basong binubuhusan ng alak at wine.
Pagkatapos...

Pagkamulat ng mga mata ko, wala na si Aaron sa aking harapan at hindi na nakahawak
ang kamay niya sa braso ko. Nakita ko siyang nakadapa sa sahig habang nakapatong sa
kanyang likuran ang sapatos ni Loki. Pinipilit niyang bumangon pero hindi siya
pinahihintulutan ng roommate ko.

Salamat at dumating siya para iligtas ako! Nanlumo ang mga binti ko, dahilan para
mapaupo ako sa sahig. Napahawak ang mga kamay ko sa magkabilang braso. Nakaramdam
ako ng panginginig ng laman at tila natulala ang mga mata ko sa kawalan.

"Pasensya na kung hindi ako kaagad na umaksyon," paumanhin ni Loki at saka


ipinakita ang hawak niyang phone. "Kinailangan ko kasing kunan ng video ang
pagtatangka niya sa 'yo para may matibay akong ebidensya laban sa lalaking 'to."

Iniangat ko ang aking ulo at napatingin sa kanya. "Te-Teka, kanina ka pa nandito?"

Itinuro niya ang mga cardboard box at sumagot, "Nagtago ako sa mga kahon na 'yan
habang hinihintay ko kayong dalawa. If he will see you alone here, he would lower
his guard and take advantage of the situation. And it worked."

Nanlisik ang mga nakatitig kong mata sa kanya. My shaking fists clenched as I felt
the urge to punch that guy in the face. Kanina pa pala siya nandito at nanonood
pero hindi man niya kaagad pinigilan si Aaron. Wala akong pakialam sa rason niya.
He almost let me unlock a memory that has been sealed away forever inside my head.

"You bastard," I muttered with gritted teeth. Sinubukan kong tumayo kahit
nanginginig ang mga tuhod ko at lumapit sa kanya.

Saktong susuntukin ko na siya sa mukha nang biglang tumayo si Aaron at tumakbo


patungo sa hagdanan. Hindi na siya sinubukang habulin ni Loki na nanatiling
kampante sa sitwasyon.

"Don't worry about him. May ebidensya na tayo laban sa kanya." Ibinulsa niya ang
kanyang phone at ngumiti sa 'kin na parang okay na ang lahat. "From now on, wala
nang secret admirer na manggugulo sa buhay mo."

PAK!

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at sinampal ko siya sa mukha. Namula ang
kanang kamay ko at bahagyang sumakit ang aking palad dulot ng impact. His head
snapped to the side. Pulang-pula ang kanyang pisngi at mapapansin ang marka ng
aking kamay sa mukha niya.

Hinaplos niya ang kanyang kaliwang pisngi. Wala man siyang reaksyon, parang wala
lang sa kanya ang sampal ko. "Is this how you say thank you? If yes, you're
welcome."
Nangilid ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko 'yon mula sa pagtulo. Ayaw kong
umiyak sa harapan ng lalaking 'to. He doesn't deserve to see my tears.

"You have no idea on what you've put me through today," I told him, my voice was
fierce but wobbly. "You lied to me and you used me as a bait to lure out that
creepy guy. Ngayon, hindi ko alam kung sinong mas masahol sa inyong dalawa."

"The end justifies the means, Lorelei," may paninindigan niyang sagot sa 'kin.
Proud pa siya't walang pagsisisi sa kanyang ginawa. Nasorpresa ako dahil naalala
niya ang aking pangalan.

Still I can't quell the rage boiling through my body. Bago ko pa siya masampal ng
isa pang beses, nagmamadali akong naglakad patungo sa hagdanan at iniwan ko siyang
mag-isa sa rooftop.

That day, I realized that crossing paths with him is the worst mistake I had ever
done.

###

A/N: No actual mystery here except for Loki showing off.

=================

Volume 1 • Chapter 3: The Suicide Attempt of Liza

LORELEI

"May malay pa ba 'yan?"

"Mukhang malakas ang tama ng inilagay natin sa inumin niya, ah."


"Kahit ba ano'ng gawin natin sa kanya, hindi na niya matatandaan paggising niya
bukas?"

"Oo naman. Oh, sino ang gustong mauna?"

NAPABALIKWAS AKO sa aking kama, daig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro sa


paulit-ulit at malalalim kong paghingal. Tumatagaktak din ang malamig na pawis sa
buong katawan ko na parang nag-swimming sa kalagitnaan ng gabi.

Napahawak ang kamay ko sa aking noo. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dahil sa
nangyari kahapon, muling na-trigger ang alaalang gusto ko nang kalimutan. Salamat
sa magaling na si Loki, mukhang babangungutin ako ng ilang araw.

I took my phone and looked at the time. It's five-thirty already. Oras na para
maghanda ako sa pagpasok ko sa school kaya bumangon na ako at lumabas ng aking
kwarto.

Hindi pa man sumisikat ang araw, nasira na ang araw ko. Bakit? Ang unang taong
nakita ko ay si Loki na nakaupo sa couch at nagtitipa sa kanyang laptop. It's
really unusual to see him in the early hours of the morning. Sa ganitong oras kasi,
wala na siya sa apartment.

Nagkasalubong ang mga mata namin. Agad akong napatingin palayo at nabaling ang
aking tingin sa teacup sa mesa. I can't stand looking at him for another second.

Bigla niyang ibinaba ang kanyang laptop at lumapit sa 'kin. Hindi ko alam kung
sinasadya niya pero he maintained a one meter distance from me. Laking pagtataka ko
kung ano ang nakain ng lalaking ito at parang gusto niyang makipag-usap sa 'kin.
After what

he did yesterday, I chose to ignore him.

I turned around and walked toward the kitchen sink. Hindi pa man ako nakakalayo,
narinig ko ang kanyang boses. But unlike yesterday, it sounded sincere and
apologetic.

"I'd like to say sorry," sabi niya. "Aminado akong mali ang ginawa ko."

Napalingon ako sa kanya, bahagyang napakunot ang aking noo. Nananaginip pa ba ako o
talagang sinabi ng lalaking 'to ang salitang "sorry"? Kahit sinong nakakakilala sa
kanya, tiyak na hindi makakapaniwala. Para kasing wala sa vocabulary niya ang
salitang 'yon.

"Sa tingin mo ba mapapatawad na kita dahil nag-sorry ka na? Pagkatapos ng nangyari


kahapon?" Napalagay sa baywang ang mga kamay ko, para tuloy akong gurong sinesermon
ang estudyanteng nakagawa ng kalokohan.

Nagkatitigan kami nang ilang segundo, tila hindi siya makapaniwala sa reaksyon ko.

"Wala na akong magagawa kung hindi mo matatanggap ang sorry ko," sagot niya nang
nakakibit-balikat. "I just felt compelled that I need to say that magic word."

"Compelled? Napipilitan ka lang humingi ng paumanhin?"

"That's what ordinary people do, don't they? Kapag nakagawa sila ng mali sa isang
tao, ang natural reaction nila ay mag-sorry."

Kumurap nang ilang beses ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Kung
makapagsalita siya, parang hindi siya kabilang sa mga tulad kong mortal. Ano,
pinaninindigan niya ang kanyang pangalan na Loki, isang Diyos na hindi ka-level ng
mga tao?

"Kapag nakagawa ka ng kasalanan, dapat na humingi ka ng sorry. Pero kailangang


bukal sa puso mo 'yon, hindi dahil napipilitan ka." Hindi ko inakalang sasabihin ko
'yon sa isang

teenager na halos kasing edad ko lang.

"Oh, talaga? I thought you need to say 'sorry' para makagawa ka ulit ng kasalanan
sa kakilala o kaibigan mo." Bahagyang naningkit ang mga mata niya at napahimas ng
baba. "Parang 'thank you.' You're expressing your gratitude to someone so you can
ask them for further favors. This is news to me. Really."

Halos magsalubong ang magkabilang kilay ko dahil sa paliwanag niya. Saang


diksyunaryo niya kaya hinugot ang kanyang konsepto ng sorry at thank you? Ilang
taon ba siyang nakatira sa kweba para hindi niya malaman ang gano'ng kasimpleng
bagay?

"Your face tells me you're wondering where I got those notions." Hindi na niya
kailangan ng superb deduction ability para mabasa sa mukha ko ang pagtataka.
"Nakuha ko 'yon sa mga kaklase ko. Napapansin ko kasing kapag nagkamali sila,
hihingi sila ng sorry. The next day, gagawa ulit sila ng kasalanan. And the cycle
repeats endlessly."

"How about sa mga kaibigan mo?"

Parang may dumaang anghel sa pagitan namin. Hindi siya kaagad nakasagot at
nakatitig lang sa 'kin.

Itinaas niya ang kanyang daliri at tumugon. "Before I answer that question, pareho
ba tayo ng depinisyon sa salitang 'kaibigan'? Baka kasi magkaiba ang diksyunaryong
binabasa natin."

Hindi ko napigilang mapangiti nang marinig ko ang sagot niya. "That's a line
someone without any friends would say."

"Interesting deduction!" Tumalikod siya't muling umupo sa couch. "Who needs friends
anyway? They're nothing but

excess baggage in our lives."

"Your life, not mine," I countered. At last, may nalaman na rin akong katiting na
impormasyon tungkol sa kanya: Loki Mendez is someone without peers. Kaya siguro
nang bumisita ako sa club niya kahapon, siya lang mag-isa ang nandoon. Tama nga si
Tita Martha, hindi interesado ang lalaking 'to sa mga tao.

Then something came to mind. Lumapit ako sa kinauupuan niya at napatingin sa kanya
habang nagtitipa sa keyboard. "Tatanggapin ko ang sorry mo but you will owe me a
favor."

His eyes narrowed, staring at me curiously. "And why do I owe you a favor? Just to
remind you, ako ang tumulong sa 'yo para hindi ka na guluhin ng secret admirer mo.
In retrospection, you're the one who owes me a favor. Speaking of which."

Iniharap niya sa 'kin ang kanyang laptop at ipinakita ang Tumblr post ko kagabi.
Teka, paano niya nahanap ang blog ko?

"It's not difficult to search stuff on the Internet as long as you know the right
keywords." I didn't say anything out loud but he answered the question in my mind.
"Dineactivate mo ba ang Facebook account mo? Bakit hindi ko na makita?"

"You're stalking me online?"

"You piqued my curiosity so I decided to run an online background check on you,"


nagpatuloy sa pagtitipa sa kanyang laptop si Loki nang hindi tumitingin sa
direksyon ko. "Naninigurado lang ako na hindi isang serial killer ang kasama ko sa
apartment."

Wow, talagang sa kanya pa nanggaling 'yon. Siya nga dapat ang paghinalaan kong
psychopath dahil sa twisted niyang paningin sa buhay at bagay-bagay.

"Back to my favor, I want you to revise this blog post.

Your prose is good, your descriptions are vivid and you can keep your readers at
the egde of their seats. Kaso pinagmukha mo akong kontrabida rito kahit ako ang
tumulong sa 'yo. Kung gagawin mo 'yon, I will consider us even."

Tss. Napairap ang mga mata ko sa kanya at nagtungo na ako sa kusina. Kahit anong
sabihin niya, hinding-hindi ko pagbibigyan ang hinihingi niyang pabor.

***

Kung dati, si Loki ang nauunang umalis ng apartment, ngayo'y ako naman. Iniiwasan
ko pa rin siyang makasabay patungong school dahil baka may makakita sa aming dalawa
at gumawa ng tsismis.

Inasahan kong magiging ordinaryong araw lamang ito para sa 'kin. Pero nang makita
ko ang lupon ng mga tao sa open area malapit sa high school building, naramdaman
kong hindi gano'n magiging normal ang araw na 'to.

Lahat sila'y nakatingala at nakatingin sa rooftop. Karamihan sa mga mukha nila'y


nababalot ng pag-aalala. Dala ng kuryosidad, napatingin din ako sa taas. Baka kasi
may nakita silang bulalakaw na pabagsak sa mundo o baka dumaan si Superman sa
himpapawid.

I was surprised to see a female student standing on the edge of the rooftop.
Mukhang balak niyang tumalon mula roon. Kahit malayo ang agwat namin, parang
namumukhaan ko siya.

Saktong-sakto naman, nagkasalubong kami ni Rosetta na isa rin sa mga nakikiusyoso.


Nakikisama siya sa mga sumisigaw na "Please, huwag kang tatalon!"

"Rosetta, anong nangyayari dito? Kaklase ba natin ang babaeng 'yon?"

"Ikaw pala, Lori!" Hindi pa rin mabura-bura ang pagkabahala sa mukha niya. "Balak
yatang magpakamatay ni Liza. Kinakausap na siya ng mga prof sa rooftop

na huwag siyang tatalon."

"Huh? Bakit daw? May mabigat ba siyang pinagdaraanan?"

"Nabalitaan kasi niya na in-expel si Aaron mula sa school dahil sa isang serious
offense. Ngayon, gusto ni Liza na pabalikan nila si Aaron kundi, magpapakamatay raw
siya. Super close kasi nila kaya hindi niya matanggap ang desisyon sa kaibigan
niya. Balita ko, may feelings si Liza para kay Aaron kaya..."

Napalunok ako ng laway nang marinig ko ang pangalan ng lalaking 'yon. Kung gano'n,
talagang ginawa ni Loki ang lahat para masigurong hindi na ako guguluhin ni Aaron?
Ipinakita niya kaya ang video sa mga prof o sa principal?

Wala na nga akong problema sa secret admirer ko, dumagdag naman itong kaklase
namin. Kung matutuloy sa pagtalon itong si Liza, parang cargo de konsensya ko ang
mangyayari sa kanya. Kahit kasalanan ni Aaron kung bakit siya na-expel, ako naman
ang naging daan para doon. Now, one thing led to another.

May boses na bumulong sa tenga ko na kailangan kong pigilan si Liza. Nagmadali


akong tumakbo papasok sa school building at nagtungo sa hagdanan. Dahil nasa labas
ang mga estudyante, wala akong nakasalubong sa hallway... maliban sa isang lalaki.
Sa dinami-dami ng pwede kong makita, bakit siya pa?

"O, tapos ka na bang manood ng shooting?" nakangiting bati niya sa 'kin nang
mapatigil ako sa paanan ng hagdan. "Anong klaseng movie ang sinu-shoot nila sa
labas? Is it an action, drama or comedy film?"

Teka, kung iisipin, parang kasabwat ko na rin itong si Loki sa pagpapa-expel kay
Aaron kahit hindi ako gano'n ka-aware sa ginawa niya. Seguradong siya ang
nagsumbong sa mga school

official tungkol sa binalak gawin sa 'kin ng lalaking 'yon kahapon.

"Loki! Kailangan ko ang tulong mo," hinila ko ang kamay niya at halos hilain ko
siya paakyat ng hagdanan.

"Wait a minute. I told you earlier that I owe you nothing. So why are you dragging
me around?"

"Dahil pina-expel mo si Aaron, balak ngayong magpakamatay ng kaibigan niya,"


paliwanag ko sa kanya. "Ngayon, kailangan nating pigilan ang babaeng nasa rooftop
mula sa pagtalon."

"So it's my fault now? There's nothing wrong with eliminating a scum like him from
this school." Pinilit niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya, mabuti't
mahigpit ang kapit ko sa kanyang braso. "Kapag ba pumatay ka ng ipis, kailangan
mong ma-guilty sa ginawa mo?"

"Sabihin na nating makatarungan ang ginawa mo. But because of what happened, an
innocent life is at stake here! We should help her-I mean-we should stop her from
committing suicide."

"Not my cup of tea," nababagot niyang sagot. "Besides, what will I gain from
helping you out?"

Tumigil muna kami sa harap ng vending machine sa fourth floor. "Hindi kakayanin ng
konsensya ko kapag may nangyari sa kanya. Kung tutulungan mo ako, I will be in your
debt."

He put his hands inside his pockets and leaned closer to me. "Pardon?"

"Ang sabi ko, kung tutulungan mo ako, I will be in your debt."

Nagkakamali siya kung iisipan niyang seryoso ako sa sinabi ko. Nagbaka-sakali ako
na kakagat siya kapag ginawa kong pain ang pagkakaroon ko ng utang sa kanya.

"Hmm..." Napakrus ang kanyang mga braso at napatingin sa taas. "So you will owe me
a favor?"
"Oo,

gagawin ko ang pinapagawa mo kanina. Ire-revise ko 'yong blog post."

"That's a tempting deal..." bulong niya. "But if you are willing to be indebted to
me, I guess I have to take it. PERO hindi 'yong pagre-revise sa blog post ang
hihingin kong pabor sa 'yo."

Whatever, Loki. Hindi na importante kung ano ang pabor na 'yon. Hindi ko rin naman
pagbibigyan kapag tapos na ang problemang 'to. "Kahit ano gagawin ko basta hindi
labag sa prinsipyo at moral ko."

"Sige, tutulungan kita. But that doesn't guarantee na mapipigilan ko ang balak na
pagtalon ng babaeng 'yon. I'm no hero or wizard who can save her from a tragic
ending."

"I never said that you are a hero." I don't know why I felt like he could really
resolve the situation. If he was able to lure out my secret admirer through a
cunning method, I have high hopes na magagawan niya rin ng paraan ang suicide
attempt ngayon.

"Before that, I need some moment of privacy to think of a way to stop her. You can
go ahead. Just make sure na hindi pa siya tatalon hangga't wala pa ako roon."

Nagpatuloy ako sa pag-akyat sa hagdanan habang iniwan ko si Loki sa harap ng vendo.


Sinabi ko na sa sarili kong hindi ko na siya kakausapin o at least, hindi na ako
hihingi ng tulong sa kanya. Pero dahil desperado ako, kinailangan kong lumapit sa
kanya at magsinungaling. Well, kasalanan din naman niya kung bakit may eksena sa
school ng ganito kaaga.

Nang makarating ako sa rooftop, kapansin-pansin na parang may shooting ng pelikula


dito gaya ng sinabi ni Loki kanina. Maraming estudyanteng nakapalibot, may mga
gurong nanonood at may mga

guwardyang nakaabang. All eyes were focused on the young woman who's standing over
edge.

"Bumaba ka na diyan, miss!" paulit-ulit na sigaw ng mga taong nasa paligid niya.
"Huwag mong sayangin ang buhay mo!"

"P-Para saan pa?!" sagot ng babae, nadungisan ng mga luha ang kanyang pabilog na
mukha. Hindi rin tumitigil ang kanyang pagtangis. "Ilang ulit ko bang dapat sabihin
sa inyo? Gusto kong pabalikin n'yo rito si Aaron! I-lift n'yo ang expulsion sa
kanya!"

Napahakbang ang isa sa mga guro at iniabot ang kanang kamay nito. "Medyo mahirap
'yang hinihingi mo kasi isang serious offense ang ginawa niya. Pero mapag-uusapin
natin 'yan. Kaya umalis ka na riyan at lumapit ka na rito."

"Huwag kayong lalapit!" Parang dagundong ng leyon ang boses niya. Humakbang siya
patalikod, ilang pulgada na lamang bago siya tuluyang mahulog mula sa limang
palapag na gusali. "Pag-uusapan? Ang akala n'yo ba, maloloko n'yo ako? Gusto n'yo
lang akong paalisin dito kaya sinasabi n'yo 'yan!"

Napalinga-linga ako sa paligid, hinahanap si Loki na dapat ay nandito na. Gaano ba


katagal bago siya makaisip ng solusyon sa problemang ito? Kapag hindi pa siya
umakyat, baka duguang katawan na ni Liza ang maabutan niya.

"Isa pang may humakbang sa inyo, talagang tatalon na ako rito!" banta ng babae,
dahilan para umurong ng isang hakbang ang mga taong nasa paligid niya. "Kung ayaw
n'yo akong tumalon, pabalikin n'yo si Aaron!"

"Go ahead, jump!"

All heads turned to the door of the rooftop kung saan kakapasok lamang ng lalaking
mukhang nag-e-enjoy sa atensyong nakukuha niya. Diretsong nakatingin ang mga kulay
itim niyang mata

sa harapan. Nakahalukipkip pa ang mga kamay niya sa kanyang bulsa habang dahan-
dahan siyang naglakad patungo sa kinatatayuan namin.

Sa wakas, nandito na siya.

"Bakit ba ang tagal mo, Loki?"

"Uminom muna ako ng canned coffee sa may vending machine. Nauhaw kasi ako,"
paliwanag niya. Napaka-kalmado pa ng ekspresyon niya na parang walang krisis. Hindi
ko alam kung dapat ko siyang sikmuraan o batukan.

"Aware ka ba kung gaano ka-sensitibo ang nangyayari ngayon? Pasalamat ka't hindi pa
siya tumalon habang wala ka."

Bahagyang nanliit ang mga mata niya, inobserbahan ang kanyang paligid at tila
napaisip. "Uhmm... Oo. Kaya nga nandito na ako para tapusin ang dramang 'to."

Nagpatuloy siya sa paghakbang patungo sa babaeng pansamantalang natikom ang bibig.

"Huwag kang lalapit kundi tatalon ako!"

"Hindi mo ba ako narinig kanina? Sige, tumalon ka na." Sa halip na kumbinsihin


niyang sumuko ang babae, kinukunsinti niya pa 'to. "Let's stop this nonsense drama
right here, right now. I'm getting bored already."

Everyone around him gasped, wondering what in the world did he say.

Batuhin ko yata ng sapatos ang lalaking 'to. Ano bang pinagsasabi niya? He was
supposed to save the soul of the poor girl! That's what I asked him. Gusto niya ba
talagang magpakamatay si Liza?

"Hi-Hindi mo ako pipigilan?" Pati ang nagtatangkang tumalon, naguluhan sa sinabi


niya.

Marahang umiling si Loki at bahagyang natawa na parang biro ang tinanong sa kanya.
"Bakit kita pipigilan? This is a free country, you can do what you want. Unlike
these lowly buffoons here, I don't have the intention

to play the hero just to save a selfish bitch. Gusto mong magpakamatay dahil in-
expel ang isang lalaki sa school? How lame."

"Se-Selfish bitch? How dare you!"

"Totoo naman, 'di ba?" tugon niya. Kung makikita n'yo kung gaano kalawak ang ngiti
niya, seguradong maaasar kayo sa kanya. "Masyado kang makasarili. Hindi mo iniisip
kung ano ang mararamdaman ng pamilya mo, ng mga kaibigan at kaklase mo, pati ng
ibang nakakakilala sa 'yo kapag nawala ka na sa mundong 'to. You want them to
grieve over your death, you want them to feel the pain of loss habang ikaw, nasa
kabilang mundo na't pa-chill-chill. If that's not selfish, I don't know what to
call it."
"I-I'm not selfish!" Napahakbang papalapit kay Loki ang babae, labas ang mga
mapuputi nitong ngipin na parang asong mangangagat. "You don't have the right to
judge me! You didn't know me. You don't know me. You have no idea about who I am!"

Loki made a waving gesture as if he didn't give a damn to whatever the young woman
had said. "Meh, not really interested about who you are. Just jump already when you
feel like it. Huwag mo nang pahabain ang drama. To be honest, I'm more worried
about the mess that the housekeepers will have to clean up once your brains
splatter on the pavement."

Kitang-kita ko sa noo si Liza ang tumitibok-tibok niyang ugat. Nanggagalaiti na


siya galit dala ng mga insensitibong tugon ni Loki. Kahit sino naman siguro,
maiinis sa mga pinagsasabi niya.

"Akala ko bang tatalon ka na? What's with the delay? Go ahead, jump!" patuloy na
pang-aasar niya. "Huwag ka nang umasa na ire-reverse ang expulsion kay Aaron.

Just so you know, I was the one who filed the serious offense complaint laban sa
kanya."

"You son of a bi-!"

Parang tigreng tumalon sa direksyon ni Loki ang babae, nakalabas ang mga kuko para
kalmutin at galusan ang kanyang balat. Mabuti't mabilis na umaksyon ang mga
guwardiya at kaagad nilang pinigilan at hinawakan sa braso si Liza.

"Let me go! Let me go!"

Kinailangan pa siyang buhatin ng mga guwardya palayo sa lalaking nang-insulto sa


kanya. Hindi nagtagal ay in-escort na siya pababa ng rooftop, patuloy pa rin ang
pagsigaw sa kasama ko.

At dahil tapos na ang drama, unti-unting nagsialisan ang mga manonood. Daig pa yata
nito ang screening ng pelikulang tumabo sa takilya.

"Muntikan na 'yon, ah." Kinapa ni Loki ang kanyang pisngi para damhin kung may
kalmot siya sa mukha. Ang akala ko, tinutukoy niya ang naudlot na pagtalon ng
babae.

I don't know if I should be amazed by the method he used to stop the troubled girl
from committing suicide. Kung hindi mo kilala kung anong klaseng tao si Loki,
iisipin mong gusto niya talagang mauwi sa madugong katapusan ang eksena rito sa
rooftop.

"At ano'ng tawag sa ginawa mo kanina?" I asked.

"Reverse psychology," sagot niya habang naglalakad kami patungo sa pintuan pababa
ng rooftop. "I expected her to do the opposite of what I suggested."

"Paano ka nakasigurong gagawin niya ang kabaligtaran ng sinabi mo?"

"Kinailangan ko munang tapakan nang kaunti ang pagkatao niya para matuon sa 'kin
ang atensyon niya," pagmamalaki niyang sagot, may kasama pang pagmumuestra ng
kamay. "I provoked her a bit and voila! Instead of jumping, she attempted to
assault me."

Kung may award siguro para sa pinakamahusay na underhanded tactics, malamang ay


napanalunan na 'yon ni Loki. Only God knows kung ano pang "trick" ang nakasilid sa
kokote niya.

"Now that I kept the end of the bargain, it's time for you to do the same." He
flashed a wide grin to me which spelled doom. "You now owe me a favor."

"What favor?" may pagtatakang tanong ko sa kanya. "Wala akong matandaang may
pinagkasunduan tayong gano'n. You agreed to help me without anything in return."

Pinipigilan ko ang pagkurba ng aking labi. It's payback time, Loki, for what you
did. You tricked me yesterday and used me as a bait. Ngayon, ako naman.

Napabuntong-hininga siya bago niya inilabas at iniharap sa 'kin ang kanyang phone.
"I thought you might say that so..."

"Kung tutulungan mo ako, I will be in your debt... Kahit ano gagawin ko basta hindi
labag sa prinsipyo at moral ko."

Oh, crap. Ni-record niya ang mga sinabi ko kanina! Nanigurado talaga siyang may
ebidensyang nagkaroon kami ng deal. Kainis, I thought I already got him.

"Did you fall down on the stairs and smack your head? Or did you have an episode of
selective amnesia?' dagdag niya habang nakangisi. "It's time to pay your debt."

Mukhang wala na akong magagawa kundi bayaran ang utang na loob ko sa kanya. "Okay,
so ano ang kapalit ng pagtulong mo sa 'kin? Gusto mo ba akong kumanta o sumayaw sa
harap ng maraming tao? O baka gusto mo akong gawing alipin sa loob ng isang araw?"

"No, nothing of that sort." He looked at me directly in the eyes and paused for a
few seconds.

"I want you to join my club."

###

=================

Volume 1 • Chapter 4: The Haunting at Room 302

LORELEI

BUONG ARAW kong iniwasang makasalubong si Loki saan mang sulok ng campus. Hindi ko
pa kasi naibibigay ang sagot ko kung payag ba akong maging miyembro ng kanyang
Q.E.D. Club.

Oo, sinabi kong gagawin ko kung anumang pabor ang hilingin niya sa 'kin. But the
favor he asked of me was not that easy. Mukhang simple, mukhang walang kahirap-
hirap kung ikukumpara sa ibang pabor na pwede niyang hingin. Ang kaso, kapag sumali
ako sa kanyang club, I would be compelled to join him in his club activities every
now and then. It will be an academic year-long commitment. Kasama ko na nga siya
pag-uwi ko sa apartment, kasama ko pa siya hanggang sa school.

"My club needs to have another member or else they will dissolve it," naalala kong
sabi niya kanina. "The vice president wants to bully me. He knew it would be
difficult for me to persuade someone to join my club."
Hindi ko alam kung anong isyu niya at ng vice president, kung meron man. Kung
sanang may kaibigan siya, hindi niya poproblemahin ang pagre-recruit ng club
members. It sounded as if he has hard time dealing with people. Kahit sinong
makakilala sa kanya, tiyak na mahihirapang maki-connect sa tulad niya. Magda-
dalawang linggo pa lamang kaming magkasama sa apartment pero hindi gano'n kaganda
ang impression ko kay Loki.

"Hey, Lori! May club ka na bang sasalihan?" tanong sa 'kin ni Rosetta habang
kumakain kami ng lunch sa cafeteria. Hindi na magkamayaw ang mga estudyante sa dami
ng nanananghalian dito. Masyadong maingay kaya kinailangang lakasan ang boses
namin.

Napayuko

ako at napabuntong-hininga. Thanks for reminding me, Rosetta. Kapag naririnig ko


ang salitang "club," naaalala ko 'yong pabor ni Loki. I don't wanna hear about it
at the moment.

"Wala pa e," tugon ko. Sa totoo lang, wala akong interes sa pagsali sa mga club.
Hindi ko alam kung bakit ginagawang mandatory ang club membership. 'Yong iba,
sumasali para sa incentives. 'Yong iba, dahil gusto talaga nila ang kanilang
ginagawa. "Ikaw, meron na ba?"

"Balak kong sumali sa Paranormal Club. Gusto kong sumama sa mga ghost hunting
activity nila every week," nakangiting tugon ni Rosetta, she seemed to be looking
forward to it. Knowing na babae siya, mukhang hindi siya takot sa mga multo kung
nag-e-exist man sila.

Ano bang meron sa school na 'to at bakit may mga kakaibang club? Una, 'yong
problem-solving club ni Loki. Ngayon, isang club na dedicated para sa paranormal
activities? Doon sa dati kong high school, ang pinaka-weird sigurong club ay 'yong
para sa mga Otaku na mahilig mag-cosplay tuwing may school event.

"Mahilig ka ba sa mga paranormal stuff?"

Iwinagayway niya ang hawak na tinidor na parang magic wand. "Ayaw ko kasi ng mga
masyadong ordinaryong club, 'yong paulit-ulit ang ginagawa. Walang excitement,
walang thrill. Mas gusto ko ng adventure."

"Totoo naman bang may hina-hunting na ghost ang club na 'yan?" nababagot kong
tanong habang ipinapaikot sa tinidor ang spaghetti sa aking plato. "Baka wala naman
talaga kayong hinahanap na kahit ano."

"Minsan wala, minsan meron. Ang main quest ng Paranormal Club ay ang thirteen
otherwordly mysteries ng Clark High School," paliwanag

ni Rosetta. "Simula nang mabuo ito noong nakaraang taon, nakakaisang mystery pa
lang sila."

Lahat yata ng school, merong a certain number of mysteries. Urban legend kumbaga.
Sa amin noon, meron din silang tinatawag na "otherwordly mystery" kaso hanggang
pito lang.

"Bago sumabak ang club sa main quest, susubukan muna nilang mag-dry run sa isang
haunted apartment daw." Pasok sa isang tenga at labas sa kabila ang mga salita ni
Rosetta habang nakatitig ako sa kanya. "Merong isang member ng Paranormal Club na
nag-suggest ng isang hunting spot. Dati raw, nakatira siya sa isang apartment three
blocks mula rito. Napilitan siyang lumipat kasi may gumugulo raw na multo sa
kanya."

Three blocks from here? Doon din matatagpuan ang apartment ni Tita Martha. Pero
parang wala akong napansin na ibang apartment o dorm doon maliban sa tinutuluyan
ko.

"Nakakakilabot kasi kapag daw naliligo siya, may maririnig siyang bumubulong sa
tenga niya. Tapos... biglang may isang pares ng mata na magpapakita sa kanya! Heto
pa! Kapag natutulog siya, may naririnig siyang boses ng matandang lalaki na
tumatawag sa kanya at humihingi ng tulong! Creepy, 'di ba?"

Teka, bakit parang pamilyar ang kwentong 'yan? Parang narinig ko na noong isang
araw.

"Anong pangalan ng apartment na 'yan?" I curiously asked her.

"Henson Apartment yata. Basta 'yong three-story apartment doon."

Sabi ko na nga ba. Tinutukoy niya kung saan ako kasalukuyang nakatira, doon mismo
sa unit na tinutuluyan ko. Nakakagulat malaman na may tsismis na kumakalat sa
apartment ni tita. Kapag kumalat 'yon kahit hindi totoo, baka magsialisan

ang mga tenant.

"I'm sorry to tell you pero walang multo doon."

"Hmm? Paano mo nasabi?"

"Doon kasi ako nakatira, sa mismong unit kung saan meron daw ghost. Almost two
weeks na ako roon pero wala pang nagpaparamdam sa 'kin."

"Eh? Talaga?"

Tumango ako't nagpatuloy sa pagkain. "Kahit ang roommate ko, walang sinasabi na may
nararamdaman siyang multo. Baka guni-guni lang ng sinasabi mong member ng
Paranormal Club 'yon."

Sa katunayan, hindi multo ang dapat katakutan sa bahay na 'yon kundi isang tao.

Nang matapos na kaming kumain ng lunch, bumalik na kami sa aming classrooom para sa
afternoon period. Throughout the day, wala namang nangyari kakaiba. Ang akala ko
nga'y biglang magpapakita si Loki para kulitan ako. Pero ni anino niya, hindi ko
nasilayan.

Naisipan kong pumunta sa kanyang clubroom pagkatapos ng class hours. Ang kaso,
hindi ko kayang sabihin sa kanya ang desisyon ko. I hate breaking promises and this
dilemma is bothering my conscience. Kung sanang ibang bagay ang hiningi niya, hindi
ako magkakaproblema.

Dumiretso na akong umuwi sa apartment. Usually, tuwing gabi na siya nakakauwi kaya
mas mainam kung mauuna ako sa kanya. Maybe he will take my non-appearance sa
kanyang club as a "No" to his favor.

Pero nagkamali ako.

"As expected, you will come home early and not meet me in the clubroom," bati niya
sa 'kin pagbukas ko ng pinto ng apartment. May hawak-hawak siyang darts na akala ko
noong una'y ibabato niya sa 'kin. Inihagis niya ito ng diretso sa dartboard kung
saan isang larawan ng lalaki ang marami nang butas sa mukha dahil sa paulit-ulit na
pagtusok ng darts.

Napansin kong maraming papel na may mga numero at wirdong simbolo ang nakakalat sa
aming sala. Ang TV, hayun, puno pa rin ng post-it notes.

"In case you're wondering, I have decided to transfer my workload here," paliwanag
niya bago muling inihagis ang darts. Tumama ito sa mata ng lalaki. "Since I will be
evicted from the clubroom, mas mabuting masanay na akong magtrabaho rito. Thanks to
you, by the way."

Right, gini-guilt trip niya na ako ngayon.

"Galit ka ba? Kaya ba 'yang litrato ng inosenteng lalaki ang pinagti-trip-an mo?"

Humarap siya sa direksyon ko, pansamantalang tumigil sa kanyang ginagawa. "No, no,
don't use the word 'innocent' to describe that man. He's anything but innocent or
any pleasant adjective that you may think of. The word 'despicable' would best suit
him."

So it's safe to assume na ang lalaking nasa larawan ay walang iba kundi ang vice
president na nabanggit niya kaninang umaga. Mukhang may isyu nga sa pagitan nilang
dalawa.

"In case you meet this man along the hallway, you better hide, run or turn yourself
into a puff of smoke," payo niya bago ipinagpatuloy ang paglalaro ng darts.

Dumiretso na ako sa kwarto at humiga sa aking kama. Nagpahinga muna ako nang ilang
minuto bago muling bumangon at lumabas. Napagod na yata si Loki kaya naisipan na
niyang umupo at mag-laptop na lang.

Dala-dala ang tuwalya, nagtungo ako sa banyo, ini-lock ang pinto at hinubad ang
aking damit. It's time for my afternoon shower. Sa ganitong oras ako usually
naliligo.

Hinayaan kong umagos sa katawan ko ang tubig mula sa shower. Nakakagaan

ng pakiramdam at nakakawala nang stress ang lamig ng tubig.

Saktong-saktong kalalagay ko ng shampoo sa aking buhok nang biglang...

"Lorelei... Tulungan mo ako..."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng matandang tila naghihikahos.
Nanindig ang mga balahibo ko. Madali kong binalot ng tuwalya ang katawan ko at
lumabas ng banyo kahit hindi pa nakakapagbanlaw.

"O, naputulan ba tayo ng tubig? You still have some shampoo on your hair," komento
ni Loki na nailipat sa akin ang tingin mula sa screen ng kanyang laptop. "Should I
call the landlady?"

Napaturo ako sa banyo na iniwan kong bukas. "May narinig ako sa banyo... boses
matanda... tinawag niya ang pangalan ko... humihingi ng tulong."

Ito na ba ang sinasabi ni Rosetta kanina? Totoo nga kayang merong multo sa unit na
'to?

Tumayo si Loki at nagtungo sa loob ng banyo. Ilang minuto rin siyang nanatili roon
bago siya lumabas. "I heard absolutely nothing. Baka pagod ka lang kaya kung ano-
ano ang naririnig mo?"

Paulit-ulit ang aking pag-iling. Hindi pa ako gano'n kapagod para magkamali ng
dinig. Segurado ako sa kung ano ang narinig ng tenga ko.

"You know what? You're like my former roommates," komento ni Loki na bumalik sa
couch at nagpatuloy sa kung anuman ang ginagawa niya sa laptop. "You're fond of
imagining stuff. Ghosts don't exist, okay?"

Dahan-dahan akong pumasok ulit sa loob ng banyo at itinuloy na ang pagbabanlaw sa


ulo at katawan ko. Hindi tulad ng dati, sa loob ng ilang kisap-mata, natapos na
ako.

Kinagabihan, hindi ko na narinig ang boses ng matanda. Siguro nga, guni-guni

ko lang 'yon. Baka dahil sa ikinwento sa 'kin ni Rosetta kaya biglang pumasok sa
isip ko na may tumatawag sa pangalan ko kahit wala naman.

Pagkatapos ng hapunan, dumiretso na ako sa kwarto at iniwan si Loki sa sala. Ni


hindi pa siya kumakain magmula nang madatnan ko siya rito kanina. Ini-lock ko ang
pinto at ipinahinga ang aking katawan sa malambot na kutson ng kama.

Ipinikit ko ang mga mata ko at ilang beses na huminga nang malalim. Hindi pala
gano'n kahirap mag-adjust dito sa probinsya. Parang wala masyadong pinagbago
kumpara sa buhay ko noon. Ang tanging pinagkaiba: new environment, new faces at
wala si papa. So far, hindi pa ako nasasangkot sa kahit anong gulo o insidente.

Kinuha ko ang aking laptop na nakapatong sa cabinet at binuksan ito. Oras na para
sa aking daily blog post. Ginawa ko na itong hobby para ma-record ang mga
experience ko rito sa Pampanga.

Mabilis na nagtipa sa keyboard ng laptop ang mga daliri ko. Walang tigil ang tunog
ng takatak... hanggang sa may tumawag sa pangalan ko.

"Lorelei... tulungan mo ako... Maawa ka na..."

Muntik na akong mapatalon at mahulog sa kama nang muli kong marinig ang
nakakapangilabot na boses na 'yon. Madali akong lumabas sa kwarto, iniwan ang lahat
ng ginagawa ko sa loob, at umupo sa couch. Bigla akong pinagpawisan kahit hindi
gano'n kainit dito.

Nagtatakang nagpukol ng tingin sa 'kin si Loki. "O, binangungot ka ba?"

Itinuro ko ang aking kwarto sabay sabing, "Narinig ko ulit 'yong boses ng matanda
sa kwarto ko! Bakit tatawa-tawa ka riyan? Totoo ang sinasabi ko!"

Napatingin si Loki sa wallclock sa

kanyang likuran. "Mag-aalas-onse na. You must be really tired and sleepy kaya kung
ano-ano ang naririnig mo. Itulog mo na kaya 'yan? Baka ano pa ang marinig mo
mamaya."

"Talaga bang wala kang nakikita, naririnig o nararamdamang kakaiba rito?"

"I told you, I don't believe in such irrational things," sagot niya matapos muling
ibaling ang tingin sa laptop. "Kayo kasi mahilig n'yong takutin ang mga sarili
n'yo. It's mind over matter. Kapag inisip mong may white lady na nakatayo sa
likuran mo, talagang mararamdaman mong may nakatayo riyan. O, huwag kang lilingon
sa likod, baka kung ano ang makita mo at hindi ka na makatulog."
Kahit gusto ko pang mag-stay sa sala, nilakasan ko na ang loob ko at bumalik na sa
kwarto. Maingat akong naglakad na parang iniiwasang makatapak ng landmine. This
time, hinayaan kong nakabukas ang kwarto para mas madali akong makakatakbo kapag
narinig ko ulit ang boses at nanatiling naka-on ang ilaw para maitaboy ang mga
pwersa ng kadiliman.

Paupo na ako sa aking kama nang may napansin ako sa sahig. Yumuko ako at pinulot
ang mala-sinulid na bagay na kulay itim.

"Buhok?" bulong ko habang pinagmamasdan ang maikling hibla ng buhok na nasa kamay
ko. Normal na makakita ako ng mga hibla sa kwarto. Ang kataka-taka lang doon ay ang
haba nito. Nasa two to three inches. Ang buhok ko nama'y umaabot ng anim hanggang
pitong pulgada.

There's something suspicious with this strand of hair... as if it's a sign that
someone has been in my room. No, it's not from a ghost. Hindi naman siguro nagkaka-
hairfall ang mga multo.

Habang nakatuon ang atensyon ko sa hibla

ng buhok, muli kong narinig ang boses ng matanda.

"Lorelei... tulungan mo ako... Parang awa mo na..."

Imbes na kumaripas ng takbo palabas ng kwarto, napalingon lang ako sa aking


likuran. The voice sounded exactly the same as the one I heard earlier. Same
intonation, same stress in the syllables. Parang recorded. At saka napansin kong
tila nanggaling sa ilalim ng kama ang tunog.

Naglakas-loob akong sumilip sa ilalim ng kama. Bahala na kung may makita akong
matandang lalaking nakahiga rito at nakatitig ang mga mata sa 'kin.

Fortunately, there's nothing beneath my bed maliban sa namuong alikabok. Naisipan


kong kapain ang ilalim nito.

"What's this?" tanong ko sa sarili nang may makapa akong parihabang bagay. Naka-
tape pa ito kaya hindi ko kaagad natanggal. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang
isang tape recorder na naka-play pa. Ni-rewind ko nang kaunti ang tape at pinindot
ang play button.

"Lorelei... tulungan mo ako... Parang awa mo na..."

Now it all made sense. The hairstrand and this tape recorder. I can think of only
one man who can possible do it.

Lumabas ako ng kwarto at ibinato kay Loki ang recorder. Napa-Ouch! Siya sabay kamot
sa ulo matapos tamaan.

"What the hell was that for?" tanong niya, hinahaplos ang bumbunan habang
nakatingin sa 'kin. "Have you gone mad?'

"Don't play with me, Loki." Nagkukunwari pa siyang walang alam sa nangyayari. "Tama
nga ang sinabi mo. Ghosts don't exist lalo na sa unit na 'to."

"See? I told-"

"Pero 'yong narinig kong boses habang naliligo at kani-kanina lang, ikaw ang may
pakana no'n,
'di ba?"

Nagkapalitan kami ng tingin, ang mga mata ko'y puno ng pagkainis habang ang sa
kanya'y kalmado.

"Can you please enlighten me? Basta-basta ka nagbabato ng akusasyon sa bagay na


posibleng hindi ko ginawa."

Ipinakita ko sa kanya nag maikling hibla ng buhok. "I found this strand of hair on
the floor just now. It's only two to three inches long. Imposibleng galing sa 'kin
'to dahil mahaba-haba ang buhok ko. Hindi rin pwedeng kay Tita Martha dahil kulot
ang buhok niya. Sa ating tatlo na may access sa unit, ikaw lang ang pwedeng magmay-
ari nito."

His eyes narrowed into slits. "Okay. So what does that have to do with the ghostly
voices?"

"Ebidensya ito na nanggaling ka sa kwarto ko at inilagay sa ilalim ng kama ang


recorder na ibinato ko sa 'yo." Itinuro ko ang inihagis na bagay na nasa sahig na
ngayon. "You recorded your voice and distorted it para magtunog matanda at hindi ko
makilala. Gusto mo akong takutin kaya ginawa mo 'yon, tama?"

Napakurap ang mga mata niya. Wala ring emosyon ang kanyang mukha. Parang kinakausap
ko ang isang pader.

"Come to think of it, your former roommates here experienced the same thing.
Posibleng ginawa mo rin ang prank na 'to sa kanila para paalisin sila dati at
masolo mo ang buong unit. Tama ba ako, Loki?"

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan bago ito binasag ng kanyang mabagal na


pagpalakpak.

"Bravo! I never thought you would figure it out in a matter of hours," nakangisi
niyang komento. "I intentionally left a strand of my hair on the floor. I want to
know if you will be able to notice it and come up with deductions. You failed to

disappoint me."

"Bakit? Bakit mo ko gustong takutin, ha? Dahil ba hindi ko pinagbigyan ang pabor na
hinihingi mo?"

"A part of it, yes." Tumayo siya't nilapitan ako. "I just want to confirm if my
hunch about you is correct."

"Hunch?"

"That you have a remarkable observation skill. Noong binasa ko ang blog mo,
napansin ko kung gaano kadetalyado ang bawat eksena. Lahat ng mga importanteng
detalye'y inilagay mo roon, halos wala kang pinalampas."

"And why do you have to confirm it?"

"Like what I said early this morning, I want you to join my club," muling paalala
ni Loki. "And the result of your test here made me want to recruit you more."

Hindi ko napigilang mapangiti. That's probably the highest compliment he can give
to anyone. But the smile immediately faded when I heard about his favor again.
"Ibang pabor na lang ang hingin mo sa 'kin, huwag na 'yang pagsali sa club. Kung
ipipilit mo, sorry talaga pero hindi ko mapagbibigyan."

Tumalikod na ako't humakbang patungo sa aking kwarto.

"It seems that you are leaving me with no other choice but to use my last resort,"
narinig kong sabi niya bago ko pihitin ang doorknob. Lumingon ako sa kanya,
bahagyang nakakunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"If you will still refuse to join my club, I will upload a photo of your sleeping
face and make it viral on social media." Ipinakita niya sa 'kin ang isang larawan
sa kanyang phone kung saan hindi flattering ang itsura ko habang natutulog.

"Teka, paano mo nakunan 'to? Talagang pumasok ka sa kwarto ko kahit naka-lock?"


That was a stupid question. Of course, he did. Kaya nga niya nailagay sa ilalim ng
kama ang recorder at nakapag-iwan siya ng hibla ng kanyang buhok.

"Did I mention to you that I have a Master's Degree in lockpicking?" biro niya.
"You should have followed the landlady's suggestion to put three or four more
locks."

Tss... Bakit ba laging siya ang may advantage sa ganitong sitwasyon?

"I see. So you are blackmailing me?" Napakrus ang mga braso ko habang pinagtaasan
ko siya ng isang kilay. "You think that unflattering photo of mine can threaten
me?"

He flashed a wicked smile which gave me a worrying feeling. "Not at all. But I can
also upload the video I took yesterday if you will continue to be defiant."

Napabuka ang bibig ko nang ma-gets ko kung anong video ang tinutukoy niya.

"Don't worry, I'm not in a hurry to know your answer. I will let you sleep on it.
Kung ayaw mong kumalat ang video na 'yon pati ang photo mo habang natutulog,
pumunta ka sa clubroom ng lunch time. Kapag nag-ring ang bell saktong ala-una at
hindi ka pumunta, expect yourself to be a social media sensation. The choice is
yours."

Kinuha niya ang kanyang laptop at pumasok sa kwarto niya, iniwan akong tila
natulala sa sala. He's no different from his namesake God. He loves to play pranks
and pull tricks to get what he wants. Wala na talagang makakatalo sa kanya
pagdating sa underhanded tactics.

That Loki. He's really getting on my nerves...

###

A/N: Next chapter will be Lorelei and Loki's first official case as partners. Stay
tuned!
=================

Volume 1 • Chapter 5: The Unnatural Chemistry

A/N: This is a must-read chapter. 'Nuff said.

LORELEI

KA-DISMISS NG morning period namin kinabukasan, madali akong nagpunta sa third


floor kung saan matatagpuan ang Q.E.D. Clubroom.

Just to clarify: Hindi ako sasali sa club dahil natatakot ako sa posibleng gawin ni
Loki sa mga hawak niyang baraha laban sa 'kin. I hate breaking promises and not
giving what's due to someone. Kaya para sa ikatatahimik ng konsensya ko,
pagbibigyan ko na ang hinhingi niyang pabor.

Inaasahan kong madadatnan ko siya roon na nakaupo, nakapatong ang mga siko sa
mesa't nakakrus ang mga daliri habang pinapanood na maubos ang buhangin sa
hourglass. Pagbukas ko ng pinto, ang tanging nakita ko ay mga papel sa mesa at ang
kanyang nakabukas na laptop.

Tiningnan ko ang bawat sulok ng clubroom pati ang ilalim ng mesa at sa loob ng
bookshelf. Baka kasi may naisip na naman siyang prank para sa 'kin. It's either he
will surprise or scare me with the trick up his sleeves. Mabuti't wala akong
nakitang bakas niya rito. That means I'm safe from whatever trickery he has in
store.

Umupo ako sa isang monobloc chair. Nakalimutan niya bang may inaasahan siyang
bisita ngayong lunch time? O baka may humingi ng tulong niya kaya wala siya ngayon?

No. Kung may pinuntahan siyang importante, hindi niya iiwan dito ang laptop niya at
hindi naka-lock ang pinto.

Speaking of laptop, I was curious as to what's displayed on its screen. Noong una'y
pasulyap-sulyap pa ako. Hindi rin ako nakatiis kaya tuluyan ko nang tiningan ang
naka-display

roon. Baka may malaman pa ako tungkol sa misteryoso kong roommate.

He was typing an email before he left this room. It was addressed to someone named
Rhea. May kahabaan ang email niya at nakasulat sa English. Mabilisan kong binasa
ang laman nito.

How are you doing?

It's been three weeks since I sent my last email to you. You haven't got back to me
yet which probably means that you are either busy or you don't check your email
every now and then. Knowing that you take your life too seriously, it's more likely
the former.

In any case, I'm writing to express how bored I am with the status quo. Without
you, this world lacks the color it once had when you were around. It became dull,
monotonous and grey. Of all the people who know me, you are aware of how much I
abhor the dismal routine of existence. Everyone's so boring, everything's so
ordinary. I have been looking for a challenge, but it has always escaped my grasp
ever since you left.

You will surely agree with me if I say that I need to find a distraction, an escape
from this mind-numbing reality. If only you were still here, it would still be a
lot fun and challenging. Now I'm in a constant pursuit of diversion that will keep
my mind stimulated. It might be an endless chase, and I don't know if it's a
worthwhile quest. But this is the best alternative I've got so far.

I look forward to hearing your stories. Please get back to me as soon as you can.

Reading that email disproved the idea that he is friendless. Whoever this Rhea is,
mukhang importante siya kay Loki base sa

tono ng kanyang email. Kahit sino siguro'y masosorpresa sa development na 'to.

"Your curiosity will kill you."

Halos mapatalon ako sa upuan nang bulungan niya ako mula sa likod. Dahil nakapokus
ang atensyon ko sa kanyang laptop, hindi ko narinig ang mga yabag ng sapatos niya o
ang tunog ng pagbukas ng pinto. Pwede ring may supernatural powers siya at kaya
niyang mag-teleport o maging invisible.

"I don't remember giving you permission to read my personal correspondence." May
kinuha munang papel si Loki sa bookshelf bago lumapit sa 'kin at isinara ang
laptop. "Alam mo bang invasion of privacy ang ginawa mo?"

"Right," I nodded as I remembered something from what he said. "And that's coming
from someone who peeked at my Facebook messages while I'm reading them."

Iniabot niya sa 'kin ang club membership application form. "I gather that you went
here to be part of my club so kindly fill out that form. "

Inilabas ko ang aking bolpen at sinimulang sagutan ang mga required field. May
dalawang pahina ng terms and conditions na hindi ko na pinagtiyagaang basahin. Nang
matapos ko 'yon, ibinalik ko sa kanya. "Ngayong member na ako ng Q.E.D. Club, wala
na akong atraso sa 'yo."

"Consider us even. And as an incentive..." Ipinakita niya sa 'kin ang kanyang phone
kung saan naka-display ang picture ko habang natutulog pati ang video-ng nakunan
niya noong araw na na-meet ko ang aking secret admirer. "...I will delete these
incriminating materials as a sign of good will."

He did exactly what he said. Ngayo'y wala na siyang hawak na panlaban sa 'kin.

"So what should I do now?"

"Once

we receive a request from our client, you are free to give your insight." Muli
niyang binuksan ang kanyang laptop at nagsimulang magtipa roon. "But what I want
you to do is to observe and take note of the details of the case. At the end of the
day, you should blog about it."

"Gusto mo akong maging chronicler ng club?"

"Parang gano'n. Aminado akong hindi gano'n kasikat ang Q.E.D. lalo na sa mga
freshmen. Ang mga blog entry na isusulat mo ang magsisilbing testimonials kung
gaano tayo kagaling pagdating sa paglutas ng mga problema. We can use it to
advertise our club and boost our popularity. As the vice president, you will be in
charge of media and public relations."

Teka, teka. At kailan ako naging club vice president?

"Being the second member, by default, you are appointed as my right hand man,"
paliwanag niya kahit hindi pa lumalabas sa bibig ko ang aking iniisip. "Right now,
we need to wait for a client to come and tell us his or her story. Or if you don't
have patience for waiting, ite-text na lang kita. Nakasulat naman sa form ang
number mo."

Imbes na maiwan ako rito sa clubroom na kasama siya, nagpaalam ako kay Loki na
kakain muna ng lunch at babalik kapag may free time ako. Sakto namang kumulo ang
tiyan ko kaya kinailangan ko na ring bumaba sa cafeteria para kumain.

***

Hindi ko namalayang ala-una na pala pagkatapos kong kumain ng paborito kong pasta.
Ewan, may sira yata ang school bell kaya hindi ito tumunog ngayong tanghali. 'Yon
kasi ang ginagawa kong signal kapag oras na para umakyat. Pati ang ibang
estudyanteng nasa cafeteria,

pa-chill-chill pa na parang wala silang pasok ngayong hapon.

Imbes na bumalik ako sa classroom, patungo ako sa Chemistry Lab sa third floor kung
saan gaganapin ang klase namin. Saktong-saktong paakyat na ako ng hagdan nang
makasalubong ko si Rosetta pati na ang iba kong mga kaklase.

"Balak naming mag-ghosthunting next week sa abandoned school building dito sa


campus," sabi ni Rosetta habang paakyat kami. Naramdaman ko ang excitement sa
kanyang boses. "Gusto mo bang sumama sa amin?"

Umiling ako bilang tugon. "Sorry pero hindi ako mahilig sa mga paranormal stuff e."

"Sayang," may bakas ng pagkadismaya sa kanyang mukha. "Pero kapag nagbago ang isip
mo at naisipan mong sumama, sabihin mo sa 'kin, ha?"

Nagtipon-tipon ang buong klase sa labas ng Chemistry Lab. Nasa east wing ito ng
high school building habang ang Q.E.D. Clubroom ay nasa kabilang dulo ng west wing.
Hinintay namin ang pagdating ni Ma'am Althea Vasco, ang prof namin sa Chemistry at
ang taong may hawak ng susi.

Hindi biniyayaan ng height si ma'am kaya kung makikita mo siya, aakalain mong high
school student din siya kung hindi mo mapapansin ang uniporme niya. Lagpas balikat
ang haba ng kanyang straight na buhok, may agaw-pansin siyang nunal sa itaas ng
kilay at maliit na pangangatawan.

"Good afternoon, class," bati niya sa 'min bago niya ipinasok ang susi sa pinto.
Nang mabuksan niya ito, kaagad na kaming nagsiayos at nagsikilos. Kasama ako sa mga
naunang estudyanteng pumasok sa loob.

Kasing laki ng isang ordinaryong classroom ang Chemistry Lab. Ang pinagkaiba, hile-
hilera ang mga mahahabang mesa rito kung

saan nakapatong ang iba't ibang aparato para sa nasabing subject. Meron ding
whiteboard na may mga sulat na hindi binura ng mga naunang nagklase. Sa bandang
likuran makikita ang malaking cabinet kung saan nakalagay ang iba't ibang kemikal
na gagamitin namin para sa class activity.

But everyone who went in first, even me, stood frozen for a minute or two when we
saw someone lying on floor, unconscious and bathing in his own blood. Nang
mapagtanto namin kung ano ang aming nakita, mabilis kaming tumakbo palabas at
nagsisigaw. Pati si Ma'am Vasco, napatili na parang may nakitang lumilipad na ipis.

"Call the guard!" utos ni ma'am sa mga lalaki naming kaklase. Bakas sa hindi
mapakali niyang mukha ang pagkagulat. Ang iba'y nagsipunta sa banyo, halos masuka
dahil sa kanilang nakita.

Ako? Muntik na akong maduwal on the spot. Hindi ko magawang tingnan muli ang hindi
gumagalaw na katawan ng lalaki. It's not a sight you should see especially kung
kakakain mo lang ng lunch.

Ilang minuto rin ang lumipas bago nakarating ang mga taong nakaunipormeng pampulis.
Pinuntahan nila muna si Ma'am Vasco at tinanong kung ano ang nangyari bago sila
pumasok sa loob ng Chemistry Lab. Napansin ko ang tila boss nilang malaki ang
katawan, may makapal na bigote at halos namumuti na ang ilang hibla ng buhok.

Ano bang nangyari? Isa ba itong homicide o murder? Kahit ilang segundo lang
nabaling ang tingin ko sa katawan ng lalaki, nakita kong may nakatarak na basag na
graduated cylinder sa kanyang tagiliran.

Pinilit kong sumilip uli sa loob para tingnan kung ano nang ginagawa nila.

"Oh, what a coincidence!

Nandito ka rin pala?"

Napalingon ako sa aking likuran at nakitang nakatayo si Loki, nakahalukipkip pa ang


mga kamay sa kanyang bulsa. Anong ginagawa niya rito?

"I can read on your curious face that you're wondering why I'm here. I was texted
by Inspector Gareth Estrada and asked for my insights in this case."

"Wait, nandito ka para lutasin ang kaso?"

Medyo napakunot ang kanyang noo. "Why does that sound surprising to you? Oh,
haven't I told you earlier that I-and by extension, the club-work as a consultant
for the Campus Police? The inspector is a good friend of mine and I helped him out
in a couple of other baffling cases."

As far as I can remember, hindi niya ako sinabihan tungkol dito. I didn't know that
he's also involved in solving bloody cases. Alam kong lumulutas siya ng mga
problema pero nakakagulat na malamang nagtitiwala maging ang mga pulis dito sa
campus sa kanya.

"And since you are eager to start as member of the Q.E.D. Club, here's our first
official case together."

Sinabi niya ang salitang "together" na parang mag-partner kami, in every sense of
the word.

Pinatabi niya ako sa pintuan at pumasok sa loob. Nang mapansin niyang hindi ako
nakasunod sa kanya, muli siyang lumingon sa 'kin. "Ano pang hinihintay mo riyan?
Pumasok ka na't ipapakilala pa kita. Kung isa itong homicide or murder case, this
is going to be fun."

Fun? Wala akong makitang "fun" sa isang scene kung saan may patay na tao. And
judging by the glint of happiness between his coal eyes, he seemed to be enjoying
it! Parang binigyan siya ng regalo kahit hindi niya birthday o kahit

hindi pa sumapit ang Pasko.

Nagprotesta ako noong una, pero bigla niya akong hinila papasok. Dahil siguro na-
trauma ang mga kaklase ko sa nangyari kaya hindi nila napansin ang pagkawala ko sa
kanilang paningin. Habang patungo kami sa spot kung saan nakahandusay ang walang
buhay na katawan ng lalaki, kinordonan ng mga pulis ang labas ng Chemistry Lab ng
"POLICE LINE DO NOT CROSS."

Dahil hindi kami sinita ng mga nakasalubong naming officer, mukha ngang kilala nila
si Loki at tiwala sila sa kanya.

"Ang bilis mo yatang nakarating dito?" bati ng Campus Police chief sa kasama ko at
saka niya inabutan ng rubber gloves si Loki. "Aba. sino 'yang kasama mo?"

"Her name's Lorelei Rios. She's my... assistant so I hope you would allow her
presence here." Umupo si Loki sa tabi ng pulis na may hawak na camera at kumukuha
ng litrato ng biktima. Muli akong napatingin palayo bago pa tuluyang mag-register
sa utak ko ang kulay ng dugo. Bakit ba pumayag akong hilain niya ako papasok dito?

Pero teka, kailan niya pa ako naging assistant?

"Nakilala ang biktima bilang si Isaac Santiago, Grade 12 at president ng Chemistry


Club," sabi ni Inspector Estrada habang pinagmamasdan ang ginagawang pagsusuri ni
Loki. "Mainit pa ang kanyang katawan kaya posibleng wala pang isang oras mula nang
patayin siya. Mukhang namatay siya dahil sa kawalan ng dugo matapos saksakin sa
tagiliran."

"Obviously," tumayo si Loki at inikutan ang bangkay ng biktima. "Nagawa pa niyang


mag-iwan ng dying message bago siya nawalan ng buhay."

Pumasok ang dalawang pulis na may dala-dalang stretcher. Inilagay nila roon ang

katawan at tinakpan ito ng puting kumot. Ang tanging naiwan ay ang bakas ng dugo
pati ang chalk marks kung saan naka-outline ang postura ng biktima nang matagpuan
siya. May napansin din akong numero na isinulat gamit ang dugo:

32-10-14-16
Ito siguro ang tinatawag niyang dying message.

Napahimas sa kanyang baba si Inspector Estrada, napatingin sa set ng numero.


"Napansin din namin 'yan. Pero kung kaya niyang mag-iwan ng dying message, bakit
hindi na lang niya isinulat ang pangalan ng pumatay sa kanya?"

"It's possible na baka bumalik ulit ang suspek at burahin ang isinulat niya,"
paliwanag ni Loki. "He didn't want to take that risk so he decided to hide his
killer's name through a code. Anyway, do we have a lead on the suspects?"

"Ipina-check ko ang phone ni Isaac. Bago siya natagpuang patay, tatlong tao ang
kanyang tinext ng parehong message. 'Alam ko kung ano ang ginagawa mo. Magkita tayo
sa Chem Lab ngayong lunch time kung ayaw mong malaman ng iba,' sabi niya."

Tinanggal muna ni Loki ang suot na rubber gloves bago niya inilabas ang kanyang
phone at may itinype sa screen nito. "Oh? So who are they?"

Naningkit ang mga mata ni Inspector Estrada habang binabasa ang text message sa
kanya. "Henry Ochoa. Genesis Cabristante. John Bautista."

By hearing those three names, a triumphant grin flashed on Loki's face. "I think I
know who did it."

What? Seryoso ba siya sa kanyang sinabi? Wala pa siyang ten minutes dito sa crime
scene, alam na niya kung sino ang salarin. Posible kayang na-decode na niya ang
dying message?

"For now, we need to interview our three

suspects. Knowing the name of the culprit is not enough, but at least, we now have
a lead."

"Pwede mo bang sabihin sa 'min kung sino?" tanong ni Inspector Estrada.

"Kapag tapos na ang interview. Ayaw kong maging bias ang approach n'yo sa suspek."

Habang hinihintay namin ang pagdating ng mga suspek, umupo muna ako sa may mesa. Si
Loki, hayun, tinitingnan ang mga kemikal sa cabinet na parang hinahanap doon ang
kasagutan.

"So you're the new her?"

Napalingon ako sa kaliwa't nakitang nakatayo si Inspector Estrada sa aking tabi.


Malamang hindi si Loki ang tinutukoy niyang her. "Ano po?"

"Matagal na rin mula nang huli kong makitang may assistant si Loki," umupo siya sa
katabing upuan at inayos ang suot na uniporme. "Mahigit anim na buwan na yata kung
hindi ako nagkakamali."

Loki had an assistant? That was surprising. Ang akala ko'y mag-isa lang siya sa
pagiging detective magmula noon, knowing that he doesn't have friends. Well, except
for one.

"Hindi ka ba makapaniwalang may kasama siya dati?" tanong niya nang mapansin ang
pagtataka sa aking mukha. "In comparison, mas friendly si Loki noon kaysa ngayon.
Kaya nga medyo nagulat ako nang makita kong kasama ka niya."

"Ano pong nangyari sa dati niyang assistant?"


Napatingin si Inspector Estrada sa ibaba, tila nagdadalawang-isip kung dapat
sagutin ang tanong ko.

"Sabihin na nating iniwan niya si Loki."

Kung ganyan ba naman ang ugali ng kasama mo sa isang club, talagang mapapaisip ka
kung dapat ka pa bang mag-stay or umalis na.

"Nasaan na po siya ngayon?"

Bago pa niya nasagot 'yon, kumatok ang

isa sa kanyang officer at pumasok na may kasamang tatlong lalaki. "Nandito na sila,
sir."

"Totoo bang pinatay si Isaac?" pambungad na tanong ng lalaking matipuno ang katawan
na nakataas ang buhok na parang palikpik ng pating.

"Ikaw si?"

"Genesis Cabristante. Officer din ako ng Chemistry Club. Actually, kaming tatlo
rito," sagot ng lalaki at saka ibinaling ang tingin sa dalawa pang kasama.

Itinaas ng lalaking matabang nakatayo sa gitna ang kanyang kamay. Ni hindi siya
nag-effort na ayusin ang kanyang buhok o butones ng kanyang polo. "Henry Ochoa,
vice president ng Chem Club."

"John Bautista, secretary ng Chem Club," pagpapakilala ng lalaking payat at


matangkad na may nakalagay na makapal na eyeliner sa pilikmata. 2015 na pero
mukhang uso pa rin sa kanya ang emo-look.

Inspector Estrada stood and cleared his throat before addressing the three. "Alam
n'yo naman kung bakit ipinatawag kayong tatlo rito. Mahigit trenta minuto bago
natagpuang patay dito si Isaac, nag-send siya ng parehong text message sa inyong
tatlo."

"Sinasabi n'yo bang isa sa amin ang pumatay sa kanya?" pasigaw na tanong ni Henry.

"That's right. One of you three is the killer." Mukhang natapos na sa kanyang
pagtse-check sa mga chemical si Loki at lumapit na siya sa amin. "I have an idea
who he is but I won' t tell you until we hear your statements. First, can you tell
us your whereabouts between twelve-thirty and one o 'clock?"

Naunang sumagot si Henry na napahimas sa kanyang malaking tiyan. "Nasa banyo ako
noong mga oras na 'yon. Nag-e-LBM kasi ako ngayon kaya medyo natagalan ako sa
pagbabawas."

"Can

someone confirm that?"

Umiling siya si Henry. "Sa banyo ng fifth floor ko naisipang ibuhos ang sama ng
loob kasi wala masyadong gumamit noon. Wala rin akong napansing pumasok sa banyo
kaya..."

"In other words, you don't have an alibi." Napaturo si Loki sa lalaking nasa
kaliwa. "How about you, Genesis?"
"Kakatapos ko lang mag-lunch noon kaya pumunta ako sa rooftop para magyosi," sagot
nito. "Humihithit pa ako ng sigarilyo nang makatanggap ako ng tawag mula sa mga
pulis para pumunta rito."

"Are you with someone during that time?"

"Restricted area ang rooftop ngayon dahil sa attempted suicide kahapon kaya ako
lang mag-isa."

"Still no alibi." Sunod na itinuro ni Loki ang lalaking nasa kanan. "And you?"

"Nasa stone bences ako noon, nagbabasa ng notes sa Algebra. Magkakaroon kami kasi
ng quiz kaya kailangang mag-review," sagot ni John.

"Kung gano'n, may kasama kang nagre-review?"

Umiling si John. Base sa kanyang itsura, hindi siya 'yong tipong mahilig
makihalubilo sa mga tao. Loner-type, kumbaga. "Ayaw kong may katabing nagre-review
kasi nadi-distract ako. Pero maraming tao sa katabing stone benches. Ewan kung
natatandaan pa nila ang mukha ko."

"May alibi pero hindi gano'n katibay," komento ni Loki, napapatango pa't tila
natutuwa sa kanyang narinig.

Kung tama ang hinala ko, isa sa kanila ang nagsisinungaling. Wala talaga ang taong
'yon sa lugar na binanggit niya. Sa pagitan ng twelve-thirty hanggang one o'clock,
tiyak na nandito siya sa loob ng Chemistry Lab at nakipagkita kay Isaac para pag-
usapan ang ginagawa niya na malamang ay karumal-dumal.

Teka,

teka. Bakit parang detective ako kung mag-isip? Ang trabaho ko rito'y obserbahan
ang imbestigasyon para nang sa gano'y mai-blog ko mamaya, gaya ng gusto ni Loki.
And he already knows who the culprit is so I don't need to squeeze my brain for
deductions.

Speaking of Loki, nabaling ang tingin niya sa 'kin habang may nakapintang ngiti sa
kanyang mukha. "Any thoughts on how we can identify the killer among them?"

Naramdaman kong nakatitig din sa 'kin si Inspector Estrada kaya mas tumindi ang
pressure. I'm no detective kaya imposibleng makapag-come up ako ng isang brillant
deduction that will help us solve this case.

Tumingin ako sa sahig at bahagyang naningkit ang mga mata. Paano ba namin
mapapatunayan na nagsisinungaling ang isa sa kanila? May dapat bang itanong na
tanging ang killer lang ang hindi makakakuha ng tamang sagot?

Then a striking idea came to mind.

Like Inspector Estrada earlier, I forced a cough to get everyone's attention.

"Kung talagang nasa mga lugar kayo na sinabi n'yo kanina, sino ang nakarinig sa
inyo sa tunog ng school bell noong one o'clock?"

I thought the chances of that question to expose the killer is slim. But I was
surprised to see one of them raise his right hand.

"Sabi ko na sa inyo, nagyoyosi lang ako sa rooftop kaya imposibleng hindi ko


marinig ang-"
Napatigil sa pagsasalita si Genesis nang lumingon siya sa kaliwa't kanan at
napansing tanging siya lang ang nakataas ang kamay.

"Huwag n'yong sabihin hindi n'yo narinig ang school bell kanina?" tanong niya kina
Henry at John. "Ibig sabihin, nasa kanilang dalawa

talaga ang killer."

"Actually, kabaligtaran 'yon ng sinabi mo," pagkontra ko sa kanya. "Kung sino ang
nakarinig ng school bell, siya'y walang iba kundi ang salarin."

Mas lumawak ang ngiti sa labi ni Loki habang nagpukol ng nagtatakang tingin sa 'kin
si Genesis. "A-Anong ibig mong sabihin?"

"Masyado ka sigurong abala sa pagkikita n'yo at pagpatay mo kay Isaac kaya hindi mo
namalayang hindi tumunog ang school bell kanina," paliwanag ko habang nakakrus ang
aking mga braso. Nagtunog detective na talaga ako. "Saktong ala-una nagri-ring ang
school bell araw-araw kaya inakala mong gano'n din ang scenario kanina.
Unfortunately, may sira yata ngayon 'yon kaya hindi tumunog."

"Na-Nagkamali lang ako sa sinabi ko kanina." Namuo ang pawis sa kanyang noo at
nagsimula na siyang mautal sa pagsasalita. "I-It was an honest mistake."

"No, ikaw talaga ang pumatay kay Isaac." Sa wakas, naisipan na rin ni Loki na
umeksena. Ang akala ko'y napipi na siya sa tabi ko. "Before Isaac died, he revealed
the name of his killer through a dying message."

Ipinakita niya ang series of numbers kanina na kinunan niya ng litrato sa kanyang
phone. "As members of the Chemistry Club, I'm certain that you will decipher the
code Isaac left."

Nanlaki ang mga mata nina Henry at John habang paulit-ulit ang pag-iling ni
Genesis.

"Ano bang code ang ginamit ni Isaac at bakit mukhang alam 'yon ng mga ka-member
niya?" tanong ni Inspector Estrada.

"32-10-14-16. In sequence, those are the atomic number of Germanium, Neon, Silicon
at Sulfur. In other words, GeNeSiS," paliwanag ni Loki. "Dahil

mga miyembro sila ng Chemistry Club, seguradong alam nila ang iilan, kundi lahat,
ng mga nasa periodic table of elements."

Lumapit ang mga police officer kay Genesis at pinosasan siya. Kasabay nito ay ang
pagsabi ni Inspector Estrada na "Doon ka na lang sa station magpaliwanag."

"Alam mo rin ba kung bakit nagawang patayin ni Genesis si Isaac?" tanong ko kay
Loki habang ine-escort ng mga pulis palabas ang salarin. Sumabay na rin sa paglabas
sina Henry at John habang naiwan kaming dalawa sa loob.

"I looked into the cabinet over there and noticed that some bottles of chemical
compounds are missing," napaturo siya sa bandang likuran. "Isaac probably found out
that someone from his club-who has access in this lab-is stealing those chemicals.
He tried to lure out the culprit by sending the same threatening message to his
three suspects. Fortunately, the culprit took the bait and met him. Unfortunately,
Isaac was killed in the process."

I began to wonder how Loki was able to go that far into this case. Sa
pagpapaliwanag niya kasi, parang nasaksihan niya ang lahat ng nangyari. Gano'n ba
siya talaga kagaling pagdating sa deductions? Or everything he said was mere
guesswork?

"The question now is: Saan gagamitin ni Genesis ang mga ninakaw niyang chemicals?
Ibinebenta niya kaya ito? Sino namang bibili?"

"AAAAACCCKKK!"

Napatakbo kaming dalawa ni Loki sa labas nang marinig ang sigaw na malamang ay
galing kay Genesis. Nakita namin siyang nakahandusay sa sahig, nanlalaki ang mga
mata, bumubula ang bibig at nanginginig ang katawan. May ilang estudyanteng nasa
paligid ang napatili rin nang makita siyang tila nagkokombulsyon.

Lumuhod si Loki sa tabi niya at kinapa ang pulso ni Genesis. "He was probably
poisoned. His pulse is erratic."

Biglang napakapit ang mga kamay ni Genesis sa braso ni Loki, tinitigan niya sa mata
at may pinipilit na sabihin.

"M... Mori...! Moriya...!"

Hindi nagtagal, tumigil na sa paggalaw ang kanyang katawan, nakatirik ang mga mata
sa kisame.

Tumingin ako kay Loki na parang naging estatwa dahil hindi rin siya gumagalaw.

That was the first time I saw his hands trembling and fists clenched. His teeth
gritted as if he heard something that made his blood boil.

Whatever Genesis' last words meant, they made an impact to Loki.

###

=================

Volume 1 • Chapter 6: The Cost of Friendship

LORELEI
WALA NA sigurong mas sasaya pa sa pakiramdam mo kapag may mga taong nakaka-
appreciate ng iyong ginagawa.

Kaninang hapon, ipinost ko ang pinakaunang official case ko bilang member ng Q.E.D.
Club. Ewan kung saan nanggaling ang mga reader na biglang sumulpot at nag-comment
sa blog post ko. Nagustuhan daw nila ang prose ko at namangha sila kung paano namin
na-identify ang killer.

I'm doing exactly what Loki told me-to make a buzz about our club and to let people
know that we exist. Hindi ko inasahang makakaramdam ako ng ganito. Parang gusto ko
nang sundan ang nauna kong post.

The more I blog about our investigations, probably the more readers and clients we
get.

Gusto kong i-share ang balitang 'yon kay Loki kaya lumabas ako ng kwarto, dala-dala
ang laptop.

"Hey, gusto mo bang mabasa ang mga comment-" I stopped halfway when I noticed his
weird posture.

Kaninang alas-kwatro, nadatnan ko siyang nakaupo sa parehong spot, nakakrus ang mga
braso, nakadekwatro ang mga binti at seryosong nakatingin sa dartboard kung saan
nakatusok ang post-it note na may nakasulat na letrang "M."

Dalawang oras na yata mula nang makita ko siyang nakagano'n, pero hanggang ngayo'y
hindi pa rin siya gumagalaw. Nakipagtitigan ba siya kay Medusa kaya nanigas ang
katawan niya o sadyang malakas ang impact ng mga huling salita ni Genesis sa kanya?

Gusto kong itanong sa kanya kung sino o ano ang ibig sabihin ng Mori o Moriya.
Hindi lang ako makatiyempo kasi parang nawala siya sa sarili niya magmula nang
malutas namin ang kaso. Napaka-weird

na makita siyang gano'n.

"O, napaano 'yang kasama mo?" tanong ni Tita Martha nang pumasok siya sa unit
namin. Tuwing alas-sais ng gabi, pinupuntahan niya kami para bigyan ng niluto
niyang ulam. Ipinatong niya ang mangkok sa maliit naming mesa at lumapit sa 'kin.
Napalagay ang kanyang mga kamay sa bewang niya.

"Binasted mo ba siya kaya nagkaganyan si Loki?" Hindi ko masabi kung seryoso o


nagbibiro si tita. "Matagal na rin noong huli ko siyang nakitang nakatulala at
parang may malalim na iniisip."

Nagpukol ako ng nagtatangkang tingin sa kanya. "Ano hong ibig n'yong sabihin?"

Tumingala siya't napaisip sa tanong ko. "Kailan na ba 'yon? Mahigit anim na buwan
na yata. Umuwi siyang parang wala sa sarili, ni hindi ko makausap nang maayos.
Meron siyang nabanggit na pangalan no'n. Pangalan ng babae, kaso nakalimutan ko na.
Daig niya pa ang heartbroken noon!"

So he already had an episode like this. I became curious kung ano ang dahilan bakit
umuwi siyang gano'n.

"By the way," tinapik ako sa balikat ni Tita Martha at nginitian. "May good news
ako sa 'yo. Baka pumunta ang papa mo rito next week."

Medyo natagalan bago nag-register sa utak ko ang sinabi niya. Napatingin ako sa
paligid, naghanap ng kalendaryo para tingnan ang petsa ngayon. "Teka, malayo pa ang
Pasko a. Bakit naisipan niyang pumunta rito?"

"Tinawagan niya ako kanina, ang sabi niya, may ka-meeting siya rito sa Angeles kaya
malamang dumaan siya rito para kumustahin ka." Si Tita Martha lang yata ang
natutuwa sa balita. Hindi ko alam kung paano naging good news para sa 'kin 'yon.
"O, hindi ka ba excited

na makita ang papa mo?"

I forced a smile and showed it to my aunt to express how I feel about it. "Halata
naman ho sa mukha ko kung gaano ako kasabik na makita siya, 'di ba? I can barely
contain my excitement."

Matapos noo'y umalis na si Tita Martha. Habang nag-uusap kami ni tita, ni minsa'y
hindi lumingon, gumalaw o kumibo si Loki. Talagang dinidibdib niya yata kung ano
ang nasa utak niya ngayon.

Lumapit ako sa kanya at kumaway sa harapan niya. No reaction. Bigla kong hinawakan
ang kanyang balikat, dahilan para bigla siyang mapatayo. Huminga siya nang sobrang
lalim na parang muntikan na siyang malunod.

"What time is it?"

"Six-thirty na ng gabi. Dalawang oras ka nang nakaupo riyan sa couch."

"My God, I fell asleep while I was thinking!" Naglakad-lakad muna siya habang
nakakrus ang mga braso. "Nasayang tuloy ang dalawang oras."

"Teka, kaya mong matulog na dilat ang mga mata?"

"I practiced that skill so that I can sleep in class without the professor noticing
it." Mukhang proud pa siya sa kanyang abilidad. "I usually skip classes through
sleeping especially if the subject is a boring one. Well, most of them are."

"Ang akala ko iinisip mo ang tungkol sa M na 'yan."

"I was. At least, until Hypnos cradled me in his arms." Kinuha niya ang laptop sa
center table at binuksan ito. "By the way, Inspector Estrada gave me an update
earlier. Mukhang tama ang hinala ko."

"Hinala?"

"Genesis was selling the stolen chemicals to an anonymous buyer. The Campus Police
retrieved deleted messages from his phone. He communicated with different
unregistered

numbers about the transaction."

Iniharap niya sa 'kin ang kanyang laptop kung saan naka-display sa screen nito ang
call at text log ng salarin. Nakalagay dito kung saan galing ang message, kailan
ito na-send at ano ang laman.

"Bakit naman bumula ang bibig niya kanina? Nagpakamatay ba siya para hindi malaman
ng pulis kung sino ang misteryosong ka-deal niya?"
"Pinatay, hindi nagpakamatay," pagtatama ni Loki, muli niyang tinutukan ang kanyang
laptop. "According to the autopsy, he was pricked by a needle laced with poison in
the neck. Either someone shot that poisoned needle from a short distance or someone
went close to Genesis and punctured him."

"Kung gano'n, pinatay siya para patahimikin siya?"

"Exactly. Considering these developments, we can therefore conclude that Genesis


was merely a pawn in this grand game. Someone else is pulling the strings. The game
isn't over and the case isn't closed."

Nabaling ang tingin ko sa papel na nakatusok sa dartboard. Whoever that "M" is,
malakas ang kutob kong may kinalaman siya sa paglason kay Genesis.

***

To be honest, I wasn't enthusiastic at first when I joined the Q.E.D. I was forced
to join in the first place! But after helping solve the case yesterday, there was
yearning inside me that I want more of it. As what I've said, I'm no detective but
the pleasure of putting the pieces of the puzzle together is quite tempting. Maybe
that's the reason why Loki was so obsessed with puzzles and mysteries. No matter
how hard you try to avoid them, they keep pulling you back.

Kaya nga pagkatapos

ng morning period namin kinabukasan, nagtungo ako kaagad sa clubroom. Maliban sa


paglutas sa mga problemang dadalhin sa amin, gusto ko ring makapagsulat ng bagong
blog entry.

Loki himself is a huge piece of mystery. Marami pa akong hindi alam sa kanya. Not
that I'm really interested in him. But after observing his reaction yesterday, I
became curious as to what happened to him before I got here.

I was walking on the hallway, my eyes looking straight to my direction, when


someone caught my attention.

"Miss Lorelei!"

Lumingon ako sa likod at nakitang papalapit sa 'kin ang isang babaeng may abot-
balikat na buhok at bangs na nakatakip sa kanyang tila malapad na noo. May suot din
siyang salamin na may transparent frame. Nakasuot siya ng unipormeng pambabae pero
ang postura ng kanyang paglalakad ay parang maangas tulad sa mga lalaki.

"Yes?"

"Sorry to interrupt you on your way to the clubroom." She stretched out her right
arm for a handshake. "My name's Margarette Fernandez, Grade 12 student. Pleased to
meet you."

Out of courtesy, nakipagkamay ako sa kanya. Nadama ko ang malambot niyang mga
daliri. Nawiwirduhan ako, hindi sa kanya, kundi sa pagkakilala niya sa pangalan ko
at kung saan ako pupunta.

"Paano mo nalamang papunta ako sa clubroom? Do I know you?"

"I have read your blog. You're from the Q.E.D. Club, aren't you?" tanong niya.

Posible kayang isa siya sa mga nakabasa o nagbigay ng komento sa post ko kagabi? O
baka potensyal siyang kliyente na hihingi ng tulong sa amin?
"Oo, bagong member ako ng club na 'yon," sagot kong may kasamang pagngiti.

"May maitutulong ba ako o kami sa 'yo?"

She smirked. "I think I'm the one who can help you. You don't look like the type of
person who's interested in solving puzzles. Were you forced to join the club?"

Pwedeng sabihin na binlackmail ako ni Loki para sumali. Pero bakit ganito magtanong
ang babaeng 'to? "Sorry, but why is that your business?"

"I told you, I wanna help you." Her calm voice sounded sincere. "Staying in that
club won't do you any good. Or should I say staying beside that Loki will only
bring you tragedy."

She spoke of Loki's name with contempt. Parang may galit siya.

"Teka, teka, sino ka ba? At paano mo nakilala si Loki?"

That smile on her pinkish lips widened. "You can say I'm the closest thing to a
friend that he is capable of having."

Parang naiintindihan ko na kung ano ang gusto ng babaeng 'to. I don't know if I
should be impressed by how subtle she is in her approach.

"Kung iniisip mong sumali ako sa club dahil may relasyon kami ni Loki, nagkakamali
ka. I'm just an ordinary club member. There's no need for you to consider me a
threat to any romantic inclination you might have with him. Now do you mind if you
excuse me?"

Hindi ko na hinintay ang tugon niya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang hindi
lumilingon sa kanya. Ayaw kong mag-aksaya ng oras at laway sa tulad niyang admirer
ng lalaking 'yon.

"Do you know what happened to his former club member? Someone who was also in the
same shoes as you right now?"

For the last time, I turned around and gave her a curious look. Nabanggit na
kahapon ni Inspector Estrada ang

tungkol sa dating assistant ni Loki. This Margarette must also be referring to her.

"Oh, I see. I can read from your face that he hasn't told you about her." She
lifted her head and clasped her arms around her body. "You are risking your life
for him but he never mentioned anything before you joined, huh?"

"I'm not risking my life for him," I corrected her, rolling my eyes before I turned
around again. Then, I strode to where I was going, leaving her behind. She's the
second person I met in this school who's getting on my nerves. At anong ibig niyang
sabihin na inilalagay ko sa panganib ang buhay ko para kay Loki? Unang-una sa
lahat, wala akong dahilan para gawin 'yon.

Pagpasok ko sa clubroom, nadatnan ko si Loki na abalang-abala sa pagtingin sa mga


larawan ng kaso kahapon. Sinusuri niya ang litrato ng isang naka-close up na leeg
na may tuldok sa gitna.

"Hey," walang gana kong bati sa kanya bago ako umupo. Sa tingin ko, dapat niyang
malaman ang tungkol sa babaeng na-meet ko kanina. "I met someone who said that
she's the closest thing to a friend that you will ever have."
"She?" Inilipat niya ang kanyang tingin sa 'kin, nanliit ang mga mata at kumunot
ang noo. "So you're not referring to my brother, are you?"

"Meron kang kapatid rito?" pagulat kong tanong. I assumed that he's the only one
from his bloodline who's studying here. At kung meron nga siyang kapatid, bakit
hindi sila magkasamang nakatira sa apartment? "Hulaan ko, Thor ang pangalan niya,
no?"

"Oo."

Hinintay kong bawiin niya ang kanyang sagot o sabihing biro lang 'yon. Pero hindi
na siya tumugon

at nagpatuloy sa ginagawa niyang pagsusuri. Maybe his parents are huge fans of
Norse mythology that's why they named their children after the Norse Gods.

I can't help but wonder: If Loki's like "this," pareho kaya sila ng kapatid niya?
Nase-share ba sa genes o DNA ang ugali ng isang tao?

Tatanungin ko pa sana siya tungkol sa kanyang kapatid ngunit muling bumukas ang
pinto ng clubroom. Pumasok ang isang babaeng kinulot ang mahabang buhok. Mala-
porselana ang kanyang kutis, makinis ang kanyang mukha at maganda ang hubog ng
katawan. Parang modelo na rumarampa sa fashion show kung siya'y maglakad. Masyadong
fit ang suot niyang blouse, tila pinangangalandakan niya kung gaano kalaki ang
kanyang hinaharap. Sobrang iksi ng palda niya-hindi lampas sa tuhod na labag sa
school rules and regulations-na tila ipinagmamalaki ang walang peklat niyang legs.

"Is this the Q.E.D. Club?" tanong niya habang palingon-lingon sa paligid.

"If you know how to read-"

"Yes, eto nga. Anong maitutulong namin sa 'yo?" sabat ko bago pa insultuhin ni Loki
ang unang kliyente namin para sa araw na 'to. Kung hindi niya matututunang itikom
ang bibig niya, posibleng magbago ang isip ng sinumang papasok dito.

Umupo sa harapan namin ang babae, nakapatong sa kanyang hita ang mga kamay. "My
name's Madonna Barcelon, Grade 11. Sabi ng friend ko, magaling daw kayo sa paglutas
ng mga problem kaya naisipan kong i-approach kayo. Nabasa niya kasi 'yong blog
about what you did yesterday."

Hindi ko naiwasang mapangiti. Here's the proof that my blog can help us promote the
club and attract clients. "Ano bang problema mo?"

Inayos

muna niya ang kanyang buhok bago sumagot. "Have you heard of CHS Confessions? No?
It's a Facebook page kung saan pwede kang mag-confess about a secret, your crush
and anything under the sun. Yesterday, someone submitted a blind item na sa tingin
ko'y tumutukoy sa 'kin."

Napahikab si Loki-sinadya niyang lakasan para marinig namin-at saka napatingin


palayo. Mukhang hindi siya interesado sa ganitong uri ng kaso.

Nevertheless, kailangan ko siyang i-entertain kahit ayaw nitong kasama ko.

Ipinakita ni Madonna ang screenshot ng sinasabi niyang post. Ang nakasulat:

"Da Who ang feeling model na taga-Grade 11 na iba-iba ang ka-date gabi-gabi? One
time, pumunta pa sa isang motel na hindi malayo sa campus ang mahaliparot na
gurlaloo kasama ang kanyang boylet! Heto pa! Balak din daw niyang gamitin ang
nakakasukang charm niya sa pagtakbo sa next student council elections! Have a
guess? I-comment na 'yan!"

Ipinasa ko kay Loki ang phone kahit noong una'y ayaw niyang tingnan. Ilang segundo
niya lamang ito binasa at muling ibinalik sa 'kin.

"We can conclude that you're the one being referred to in that post," komento ni
Loki nang hindi nakatingin sa aming kliyente. "It's hardly surprising."

Naningkit ang mga mata ni Madonna habang nakatitig sa kasama ko. "Excuse me?"

"Well, you are flaunting the size of your breasts by wearing fitted uniform and
your flawless legs by your short skirt. You want gentlemen to salivate on your
marvelous beauty that's why you project that image. If I wasn't aware that you are
a student, I could have mistaken you for a slu-"

"SO

gusto mong malaman kung sino ang nag-confess sa sikreto mo?" muli akong sumabat
bago pa matuloy ni Loki ang gusto niyang sabihin.

Ganito ba talaga siya makipag-usap sa mga taong pumupunta sa kanyang club? Alam
kong kaya niyang basahin ang history ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang powers
of observation. But sometimes, it can turn people off. Kung gusto niyang sumikat
ang club at gumanda ang reputasyon nito, kailangan matuto siyang pumreno sa kanyang
pagsasalita.

"May hinala na ako kung sino ang posibleng nag-leak ng info na 'yan," tugon ni
Madonna. "I have three girl friends na sinabihan ko tungkol diyan. Kahit na sinabi
kong huwag nilang ipagsasabi kahit kanino, I think one of them is responsible for
this."

"First question," itinaas ni Loki ang kanyang hintuturo, "Are these friends of
yours in the same circle?"

"No," umiling si Madonna, "One is from the same class, the other is from the
theater group habang 'yong isa, member ng music club na kinabibilangan ko. Hindi pa
yata sila nagkakakilala."

"Second question," sunod na itinaas ni Loki ang kanyang hinlalato, "what do you
think is the motive behind the blind item?"

Napatingin sa taas si Madonna, sinusubukang isipin kung bakit magagawa 'yon ng


kanyang kaibigan. "Pwedeng naiinggit siya sa beauty ko kaya naisipan niyang ikalat
ang secret ko. Pwede ring gusto niya akong siraan dahil tatakbo ako sa student
council next year."

Seryoso ba talaga siya sa balak niyang pagtakbo sa council? Kung ako ang
tatanungin, parang walang kahit anong bakas ng pagiging student-leader si Madonna.
Hindi nga siya sumusunod sa school rules and regulations. Pero

kung sikat siya at maraming maaakit sa karisma at ganda niya, seguradong guaranteed
na ang pagkapanalo niya. Kailangan niya lamang magpaganda at magpa-cute sa mga
botante.

"Now that you heard problem..." she crossed her legs and looked at both Loki and
me. "...what can you advise me?"
"Bakit hindi mo sila i-confront at tanungin kung isa nga sa kanila ang nasa likod
no'n?" Dahil nagkaroon ng katahimikan matapos niyang ibato ang tanong na 'yon, ako
na muna ang sumagot. "Kung talagang kaibigan mo siya, seguradong magiging tapat at
totoo siya sa 'yo. Then you can settle whatever differences you have to save your
friendship."

I heard Loki let out a bored sigh and saw him fidgeting with his fingers. "That's
so boring. Why don't you try a more entertaining way of exposing your friend?"

Anong entertaining way ang sinasabi nito? Gusto niya bang gawing komplikado ang
problemang nangangailangan ng simpleng solusyon?

"There's no guarantee na aamin 'yang kaibigan mo. She will deny it to death. So why
don't you set up a trap for her, lure her in and capture her?" dagdag ni Loki.
Nakakapagtaka. Kanina kasi parang wala siyang ganang pakinggan ang kasong 'to.
Ngayon, interesado na siya.

"So paano?"

"Tell each of your three friends a different secret. Seguraduhin mong hindi pare-
pareho ang impormasyong ibibigay mo sa kanila," payo ni Loki habang paikot-ikot sa
kanyang upuan. "Pretend that you are seeking for an advice. Make sure to tell them
that either you already told your other friends or you're also going to share the
same thing to them. Give her the illusion that whatever info you tell her was
already

shared or will be shared to other people."

"At paano makaka-help 'yan?"

"For example, you told Friend #1 that you like red. Then, you told Friend #2 that
you like blue. Last, you told Friend #3 that you like green." Loki made some waving
gestures while explaining the trick. "If there's a post on CHS Confessions tonight
or tomorrow saying that Madonna Barcelon likes green, you can identify immediately
who leaked the info."

"Sa tingin mo that will work?"

"Trust me, it's the only way to expose the rat among your peers," Loki said
confidently as if the plan was a fail-safe, fool-proof one.

I can see the doubt etched on Madonna's pretty face. She had no other choice but to
rely on Loki's suggested trick. Nang wala na siyang maitanong sa amin, tumayo na
siya't nagpaalam na aalis na.

Medyo nadismaya ako sa problemang idinulog niya sa club. I was expecting something
that's more mind-boggling, 'yong mapapaisip talaga kami. Wala ring action sa kasong
'to. Parang question and answer portion sa isang beauty pageant.

"Don't be depressed. That happens quite often," komento ni Loki, malamang napansin
niya ang nakapintang disappointment sa mukha ko. "Not all problems are gems. And we
don't encounter crimes everyday unlike in detective stories. Get used to it."

I turned to him with furrowed brows. "Kanina, parang gusto mo nang paalisin si
Madonna pero bakit bigla kang ginanahan na tulungan siya?"

"The moment she mentioned student council, my interest was piqued," sagot niya
habang paikot-ikot sa kanyang swivel chair. "Her popularity is a threat to anyone
who wants run for

a seat in the council. So anong gagawin mo para masigurong matatalo siya? Hagisan
siya ng putik hanggang sa dumumi at hindi na siya maging kaaya-aya sa mga tao."

"Pero June pa lang ngayon. Napakaaga naman yata ng demolition job sa kanya?"

"Patayin mo kaagad ang apoy bago ito lumaki," huminto siya sa tapat ko at itinuro
ang daliri sa 'kin. "Kung may balak akong kumandidato sa student council next year
at nalaman kong may plano kang tumakbo, ngayon pa lang, lulumpuhin na kita. Kung
'yon nga talaga ang motibo, matalino kung sinuman ang nasa likod nito. They used
one of her friends to dig up some dirt on her. Friendship is indeed a double-edge
sword."

Since he brought up that topic, ngayon na siguro ang tamang panahon para banggitin
ko 'yon. "Ikaw ba, kahit kailan, hindi mo naisipang makipagkaibigan kahit kanino?"

"Why should I? I told you before, they are only excess baggage in my life," sabi
niya habang nakakibit-balikat. Muli siyang umikot sa kanyang upuan, halatang ayaw
niya sa pinag-uusapan namin. "Once you befriend someone, you allow yourself to be
vulnerable to your enemies. They will have something to use against you. Just like
what happened to our client. So why take that risk?"

"Pero ang sabi ni Inspector Estrada kahapon, mas friendly ka raw noon. At ang sabi
pa niya, meron ka nang dating assistant. I assume that she was also a member of
this club."

Tumigil ang upuan niya sa pag-ikot, nakatalikod siya sa 'kin. "That's until I
realized how dangerous it is. Friendship has its cost. If you are willing to pay
for it, then go ahead, make friends. But if not, better

lock yourself away from the rest of the civilization."

He turned around once more, stood up and flashed a smile which seemed force to me.
"Before this topic goes any further, let's end it now. I also need to buy my
favorite brand of canned coffee."

May mga tanong pa ako sa kanya, lalo na tungkol sa dati niyang assistant. Sinubukan
kong i-open sa kanya by mentioning it. Ngunit mukhang iniiwasan niya talagang pag-
usapan.

I began to wonder what really happened to her.

***

Kinabukasan, sa parehong oras ng kanyang pagbisita, muling nagtungo sa clubroom si


Madonna. Sinasagutan ko noon ang assignment namin sa Chemistry nang dumating siya.

"At first, I didn't believe that it will go exactly as you told me," sabi ni
Madonna bago humila ng upuan. Compared sa fresh look niya kahapon, mukhang stressed
siya ngayon. "Alam ko na kung sino ang traydor sa mga kaibigan ko."

"That's good news," sabi ni Loki habang umiinom ng canned coffee. I can see a smirk
forming on his lips as if he's enjoying to know the development in the case.

"I confronted that bitch this morning," pagpapatuloy ni Madonna, may kasama pang
pag-iling-iling at malalalim na paghinga. "Ang sabi niya, napilitan lang daw siyang
gawin 'yon dahil may namba-blackmail sa kanya."
"Blackmail?"

"Kapag hindi raw siya nag-share ng information na makakasira sa 'kin, siya raw ang
masisira ang image sa buong campus. After all the trust that I gave her,
ipagkakanulo niya ako? How dare her!"

Lalong lumalakas ang boses niya, damang-dama ko ang panggagalaiti niya sa traydor
na kaibigan.

Kung iisipin, naipit sa komplikadong sitwasyon ang friend niya. Handa ba siyang
isakripisyo ang sarili para protektahan ang kaibigan o handa ba siyang sirain ang
tiwalang ibinigay sa kanya para iligtas ang sarili? Apparently, she chose the
latter, the more convenient choice for her.

"Now be careful of whom you trust," payo ni Loki. He sounded as if he's some expert
in the field of friendship. "Baka hindi mo namamalayan, nag-aalaga ka na ng ahas sa
bakuran mo."

Patuloy pa rin ang pag-iling ni Madonna, tumayo at nagtungo palabas ng pintuan. Ni


hindi man niya naisipang magpasalamat.

"By the way, Donna," pahabol ni Loki, dahilan para mapalingon sa kanya ang kliyente
namin. "If one of your friends was able to betray you, how long would it take for
the others to do the same? A food for thought!"

Then client walked out of the door, vanishing from our sight.

Lumabas din ako ng clubroom para pumunta sa washroom ng mga babae. Hinugasan ko ang
aking mga kamay at tumingin sa salamin para tingnan kung maayos pa ang itsura ko.
Napatalon ako sa gulat nang makita ko ang babaeng nakilala ko kahapon sa hallway,
nakatayo sa aking likuran at tila pinapanood ako.

"You seem to be enjoying his company," Margarette said with her annoying smirk.
"Don't tell me you're being drawn to him or to the mysteries around him?"

Nagkatitigan kami sa salamin, hindi ko na siya kinailangang harapin. "Sinusundan mo


ba ako? Nandito ka ba para guluhin na naman ako? Kung may problema ka kay Loki,
bakit hindi mo sabihin sa kanya?"

"I'm here to help you, not him."

"But you're not helping. Your presence

is becoming an irritant lalo na ngayong inii-stalk mo ako," tugon ko sa kanya.

She went near the mirror, standing beside me. She shot me a menacing side-glance.
"You leave me with no other choice but to tell you a thing or two about Loki,
pieces of information that only a few people know."

Napataas ang kaliwang kilay ko sa kanya. "At bakit mo gagawin 'yon?"

"For you to decide whether to stay with him and his club or save yourself from
further risk."

I was torn between listening to what she has to say or plug my ears and walk away.
Hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya akong mawala sa tabi ni Loki. If she's
romantically interested in him, she's pushing it too far. In the first place,
there's nothing going on between me and Loki except for being clubmates and
roommates.
But in the end, I accepted her offer of information. Pagkakataon na rin kasi ito
para magkaroon ako ng ideya tungkol sa lalaking lagi kong kasama araw-araw. Kung
ayaw niyang i-share sa 'kin ang ilang bahagi ng nakaraan niya, here's someone who's
willing to give me a glimpse. Ang palay na ang lumalapit sa manok, tatanggihan ko
pa ba?

"Go ahead, tell me."

"Do you know the song that he holds dear in his heart?"

"No." Anong kinalaman ng favorite song ni Loki?

"Do you know who Rhea is?" sunod niyang tanong.

Kung tama ang pagkakaalala ko, 'yon ang recipient ng tina-type na email ni Loki
kahapon. Kilala rin ba nitong Margarette si Rhea? "I don't know who she is but I
remember Loki composing an email to her."

"Oh?" May halong gulat ang kanyang reaksyon, bahagyang nanlaki ang

mga mata at napabuka ang bibig. "That's still going on?"

"Teka, anong kinalaman ng mga tinanong mo sa 'kin?"

"Those are hints to what happened more than half a year ago."

***

Loki is kinda weird and twisted in his ways. That's a fact. But he got much weirder
after hearing what that Margarette told me. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako
makapaniwala.

That suspicious girl didn't tell me everything that I need to know. Patikim lang
ang mga sinabi niya sa 'kin. Mas gusto niyang sa bibig mismo ni Loki manggaling ang
koneksyon ng paboritong kanta niya at kung sino nga ba talaga si Rhea.

Pagpatak ng ala-sais ng gabi, lumabas ako ng kwarto at nakitang nagtitipa sa


kanyang laptop si Loki. Mabibilis ang pagpindot ng mga daliri niya. Posible kayang
nagko-compose na naman siya ng email para kay Rhea?

Lumapit ako sa may pintuan. Mula rito, kitang-kita ko ang mga kumukuti-kutitap na
bituing walang sawang nagniningning sa madilim na kalangitan.

Muli akong napatingin kay Loki at naalala ang sinabi ni Margarette.

"If you really want to know the truth, sing that song and make sure he hears it."

I stared at the bright stars in the dark dome outside. I don't know why I'm
following that girl's instructions but there's something inside my head that wants
to confirm if everything she said was true.

Huminga muna ako nang malalim. Three. Two. One.

"Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are~" Hindi ko masyadong
nilakasan ang aking boses pero siniguro kong maririnig niya hanggang sa kanyang
pwesto.

"Up above the world so high. Like a diamond


in the sky~"

Biglang tumigil ang tunog ng pagtakatak ng kanyang keyboard. Was he mesmerized by


the song or was there something else?

"Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are~"

"Stop that," he said coldly.

"When the blazing sun is gone. When he nothing shines upo-"

"I SAID STOP!" He sounded like a roaring lion. His face went dark with rage, his
eyes were as piercing as daggers. In such a rare occasion, I saw him lose his
composed facade.

Napalunok ako ng laway habang nakikipagtitigan sa kanya. For a minute or two,


walang nagsalita sa aming dalawa.

"I don't know if it's a mere coincidence that you were singing that song in my
presence or someone told you how much I hate it," he broke his silence, averting
his gaze from me.

Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ka-exaggerated ang reaksyon niya sa kantang
pambatang 'yon. "Did it make you remember your tragic childhood or do you have
grudge against Mozart who composed the tune of that song?"

"Do you really wanna know the truth? Fine." His voice was shaking, he was only
trying to control it. "Whenever I hear that song, it triggers not my childhood, but
a tragic memory that I'm struggling to seal away. That song was being played when I
found the lifeless body of someone close to me. Someone whom I can consider as my
friend. Only friend."

Naramdaman ko ang kanyang pighati sa kanyang boses at napansin ang mga mata niyang
tila nagbabatis.

Itinuro niya ang dartboard kung saan nakatusok pa rin ang papel na may letrang "M"
habang nakapokus ang tingin niya sa 'kin. "And that man-be it Mori, Moriya or
whatever-was behind it. Now that you learned a bit of my past, are you satisfied?
Or do you want to know more? Gusto mo bang ilarawan ko sa 'yo ang itsura niya nang
matagpuan ko siyang naliligo sa sarili niyang dugo?"

I was left speechless by his agitated tone. If I only knew that singing that song
would make him snap, I wouldn't have sang it at all. Tonight, I saw a side of him
that he rarely shows to other people.

"I will be in my room," kinuha niya ang kanyang laptop at mabilis na naglakad
papunta sa kanyang kwarto. "If you still want to know more, just knock and I will
answer whatever question you have. Fair enough?"

Pero hindi ko na hinintay pang makapasok siya sa kanyang kwarto at ibinato kaagad
ang isa pang tanong na nasa isip ko. Bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla
siyang tumigil at humarap sa 'kin.

"If that friend of yours is dead, bakit nagpapadala ka pa rin ng email sa kanya?
You call her Rhea, don't you? Short for Rhiannon."

###
=================

Volume 1 • Chapter 7: The Abduction of Lorelei Rios

LORELEI

IF I only knew that I would be pushing his berserk button by singing that children
song, hindi ko na sana ginawa.

For the next three days, hindi kami nagpansinan ni Loki. Bumalik kami sa status
namin noong first week ko rito sa apartment. We exist in the same place, but at the
same time, we don't. Umaasta siya na parang isa akong invisible entity na pakalat-
kalat sa paligid. Ni minsa'y hindi siya nagpukol ng tingin sa 'kin.

Kung ayaw niyang makipag-usap, walang problema.

At least, may nalaman akong ilang crucial information tungkol sa kanya. After how
many weeks of knowing almost nothing about him-except for his name, his affiliation
with the club, his crooked tricks and twisted views in life-I got an exclusive
scoop on Loki. But it came with a price.

Is it right for me to say that we are even now? Matapos niyang muntikang mabuksan
ang nakasaradong kahon ng alaala sa isip ko noong kasagsagan ng secret admirer
case?

"Loki considers Rhiannon, or Rhea, as his only friend. Unfortunately, she died
because of being too close to him. He's a magnet of tragedies." I remember
Margarette telling me a bit about him noong isang araw. "Singing that Twinkle,
Twinkle song will compel him to spill the beans. Just be prepared to see his
reaction."

Behind that stoic facade he's used to wearing, I saw a fragility in his slightly
wicked character. Imbes na magalit ako sa naging reaksyon niya, parang naawa pa ako
sa kanya. Somehow, naiintindihan ko kung bakit walang itinuturing na kaibigan si
Loki

mula nang mawala si Rhea. Ayaw niyang maging vulnerable ulit kaya itinutulak niya
ang mga tao palayo sa kanya. Kung wala siyang kaibigan, walang magagamit si M o
kung sinuman laban sa kanya.

'Yon siguro ang sinasabi niyang kabayaran ng pakikipagkaibigan para sa kanya. Being
a friend of Loki is synonymous to being in danger. He is-in Margarette's own words-
a magnet of tragedies. That's why he chose to repel anyone who gets too close to
him.

Sinubukan ko siyang kausapin kahapon para tingnan kung okay na kami o may
kinikimkim pa siyang galit dahil sa ginawa kong panghihimasok sa nakaraan niya.
Wew. I can't believe that I'm trying to fix the mess that I did. Parang
magkasintahan kaming naiipit sa lovers' quarrel.

"Hey, Loki," lumapit ako sa couch na kinauupuan niya. Abala siya sa pagta-type sa
kanyang laptop. "Gusto kong humingi ng sorry sa ginawa ko noong isang araw. I
wasn't aware about it."

Kung dati, siya ang humingi ng paumanhin kahit pilit, ngayo'y ako naman. The tables
have indeed turned.

Iniangat niya ang kanyang ulo at inilibot ang tingin sa paligid. Ang akala ko'y
titingin na siya sa 'kin. "Maybe my former roommates were right. There must be a
real ghost here. Or maybe it's just the sound of the wind."

At nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa nang hindi pinapansin ang aking sorry maging
ang presensya ko.

I rolled my eyes and returned to my room. Any attempt of reconciliation would seem
to be futile for now. Kailangan ko muna sigurong palamigin ito bago ko siya muling
kausapin.

Maging sa clubroom, gano'n din ang ginagawa niya. Kapag hinihila

ko ang monobloc chair para makaupo, magkokomento siya out of the blue, "Aba, talaga
bang sinusundan ako ng multong 'yon? Maybe I need to call a priest and ask him to
bless this place. It's getting creepy."

Mabuti't wala akong nadadatnang kliyente kapag pumupunta ako roon. Knowing him, he
will probably ignore my presence or comment that someone else is in the room,
trying to interfere with his business.

This has to stop. Matapos niya akong takot-takotin sa apartment, pwersahang


pasalihan sa kanyang club at hilahin sa isang crime scene, basta-basta niya na lang
akong hindi papansinin?

Pagkatapos ng klase namin nitong Biyernes, kaagad akong nagtungo sa clubroom.


Habang naglalakad ako sa third floor, may nakasalubong akong housekeeper na may
itinutulak na cart kung saan nakapatong ang isang malaking kahon. Kumpara sa mga
lagi kong nakikitang naglilinis dito, medyo bata pa ang itsura niya. Ngumiti siya
sa 'kin kaya nginitian ko rin siya.

"Mukhang may problema kayo, ma'am?" tanong niya nang magkalapit kami. "Hanggang
ngayon ba, 'di pa rin kayo nag-uusap?"

"Ewan, ayaw niya akong pansinin e." I don't usually talk to other people but since
mukhang friendly si kuya, sinagot ko ang tanong niya.

Then I realized that something was off. Wala siyang binanggit na pangalan pero
paano niya nalamang hindi pa rin "kami" nag-uusap? Nabasa niya ba 'yon sa
problemado kong mukha o baka...

Humarap ako sa kanya para tanungin siya tungkol doon. Pagkatalikod ko, isang kulay
puting panyo ang itinakip niya sa bibig ko. Sinubukan kong magpumiglas pero
masyadong malakas ang kanyang mga kamay. Dagdag pa roon ang
nakakahilong amoy ng panyo.

Para akong dinuduyan at hinehele para makatulog. Naging slow motion ang lahat ng
nasa paligid ko. Dumoble ang paningin ko at nakita kong sabay na gumagalaw ang
parehong bibig ng dalawang housekeeper. May sinasabi siya sa 'kin pero hindi ko na
lubusang marinig. Tila yata may naka-plug sa tenga ko o tuluyan akong nabingi.

Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko at unti-unting akong nawalan ng balanse. Wala
akong nasilayan kundi kadiliman.

***

"O, sino ang gustong mauna? Hoy, huwag na kayong mahiya!"

"Matagal ko nang pinagnanasahan itong si Lori. Okay lang ba kung mauna ako sa
inyo?"

"Ang daya! Bakit hindi na lang tayo sabay-sabay?"

"Teka, talaga bang seryoso kayo sa gagawin natin? Hindi ba kayo naaawa sa kanya?
Classmate natin siya."

"Tol, naka-jackpot na tayo! Bakit ngayon ka pa nag-aalinlangan? Matagal na nating


pinlano 'to, 'di ba? Ngayon na ang tamang panahon!"

"At saka kasalanan niya kung bakit nandito siya ngayon. Binangga niya ang reyna
kaya ito ang parusa sa kanya."

"Bakit ka natatakot? Judge ang daddy mo, 'di ba? Kung may mangyari man, kaya nating
lusutan 'to!"

"Sige. Pero as much as possible, dapat walang sabit, ah?"

"Don't worry, matagal pa bago mawalan ng bisa ang drug na nilagay ko sa inumin
niya."

"Game? Game!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa matigas na sahig, malalalim ang bawat


paghinga at pinagpapawisan nang malamig. Naramdaman ko ang pananakit ng aking ulo
na parang may hangover. Sinubukan kong hawakan ang noo ko

pero hindi ko magawa. Nakatali ng tape ang mga kamay ko sa aking likuran.

Inilibot ko ang aking mga mata at napansing nasa isang kwarto ako kung saan
nakahilera ang mga estante para sa mga damit. Makukulay ang ilan sa mga ito habang
pamilyar ang karamihan. May uniporme ng pulis, robe ng pari, kapa ng prinsipe at
iba pang damit na pwedeng suotin na pang-roleplay.

Kahit nakabukas ang aircon sa kwarto, nakakaramdam pa rin ako ng init. Maalinsangan
pa rin ang pakiramdam ko. Hindi ko magawang kamutin ang nangangati kong leeg.

Teka, parang may mali. Bakit parang bumigat ang suot ko?

Napatingin ako sa aking damit, nagulat na mapansing hindi ko na suot ang aking
uniporme. I was wearing a gown worn by princesses! Kaya pala hindi komportable ang
pakiramdam ko. Someone changed my clothes without my permission!
Pilit kong inaalala kung ano ang mga nangyari bago ako napunta rito. May
nakasalubong akong housekeeper, may itinanong siya sa 'kin tapos tinakpan niya ang
ilong at bibig ko gamit ang isang panyo.

That's it! The housekeeper abducted me! He probably put me inside his large box and
brought me to this place.

Ang pinagtatakahan ko, bakit kinailangan niya pang palitan ang damit ko? And wait,
did he see my undergarments?

Bumukas ang pinto sa aking harapan at pumasok ang pigura ng isang babae. I could
see her shining eyeglasses that spelled something sinister to me. Hindi ko siya
lubos na mamukhaan dahil against the light ang katawan niyang nakaharap sa 'kin.

"So you're finally awake, huh?" Matapos marinig ang kanyang boses, kaagad kong
nakilala kung sino ang

kumakausap sa 'kin-si Margarette Fernandez, ang wirdong babaeng nakilala ko noong


isang araw. "Can we now start the game?"

"Game? What game? Teka, ikaw ba ang nagpadukot sa 'kin?" Nang sinubukan kong
tumayo, natumba lang ako sa sahig. Maging ang mga paa ko, tinali nila para
siguraduhing hindi ako makakatakas. "Hey, anong ibig sabihin nito?"

"Should I remind you again that I'm here to help you?" Humakbang siya papunta sa
'kin hanggang sa mag-face-to-face kaming dalawa. Nakakrus pa ang kanyang mga braso.
"I can tell that you followed my advice and sang that song to Loki. How did he
react? Was his face contorted? Was the vein in his temple pulsating? Did he glare
at you with eyes burning with rage?"

Hindi ko alam kung paano niya ako tinutulungan sa pamamagitan ng pagdukot sa 'kin.
Mas maa-appreciate ko pa kung papakawalan niya ako. "Ano ba talagang gusto mo?
Bakit kailangan mong gawin 'to? Kung may unfinished business ka kay Loki, bakit mo
ako dinadamay?"

"Because you are too stubborn," she replied. "I told you how dangerous he is but
you are still sticking around him. I thought you would stay away from him once you
knew the truth about Rhea and saw his reaction to the song. Once again, you left me
with no other choice but to resort to expedient strategies."

"Sorry for being hard-headed. Pero kung iniisip mong mapupwersa mo akong gawin ang
isang bagay na ayaw ko, you will be disappointed," napangisi ako habang tinititigan
siya sa mata. When someone repeatedly tells me to do something against my will, I
tend to do the exact opposite. "You remind me of my dad. You

think you have control over me but you don't."

"I'd like to settle this problem with a game." Walang pasintabi niyang tinapal sa
bibig ko ang makapal na tape. "Unfortunately, you have no choice but agree to the
conditions of our little roleplaying here."

At talagang itinuturing niyang laro ang ginawa niya sa 'kin? Hindi niya ba alam na
serious offense ang ginawa niyang pagpapadukot sa 'kin at pwede ko siyang ireklamo
sa Office of Student Affairs? Kapag nakaalis ako rito, titiyakin kong makakaganti
ako.

Wala akong nagawa kundi umungol habang nabaling ang tingin niya sa kanyang relo.
"It's already five o'clock. If Loki can find you within fifteen minutes, we will
let you stay in the club and I won't bother you about it anymore. But if he won't
do anything to try to find you in the given time limit, you will quit the club.
Your gown is perfect for this game, don't you think? You're like a princess who
needs saving."

She then tossed a piece of paper to my direction. "I asked one of my colleagues to
deliver that code to Loki. Knowing that you two are not in good terms, I wonder if
he will respond to my challenge. While waiting, you can try to decipher that code.
If after fifteen minutes, he won't come here, my colleagues will pick you up."

"That's enough, Margarette." I hoped it was Loki's voice that I heard.


Unfortunately, it was someone else's. His voice sounded chilling as he spoke lowly
and gravely.

Napatingin ako sa pintuan at nakitang nakatayo sa labas ang isang matangkad na


lalaki. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas, hindi ko masilayan ang kanyang
mukha.

"You

have other duties to perform," dagdag ng misteryosong lalaki. Hindi ko man nakikita
ang kanyang mga mata, nararamdaman kong nakatingin ang mga ito sa 'kin. "If Loki's
mind is still sharp, he would be on his way here in a matter of minutes. He better
not see you loitering around."

"Understood." I could hear Margarette's respect for that guy in her voice.

Isinara niya ang pinto at sumunod sa lalaking 'yon. Sa ngayo'y wala akong magagawa
kundi hintaying muling bumukas ang pinto at pumasok ang tagapagligtas ko

Habang naghihintay, nilapitan ko ang papel na inihagis ni Margarette kanina at


binasa ang nakasulat dito:

I E T R N C U O T O M O H S E M

Sasakit yata ang ulo ko nang makita ang mga nakahilerang letra. Wala akong ideya
kung paano maka-crack ang code na 'to. Pero kung na-decipher ni Loki noong isang
araw ang code kung saan involved ang atomic numbers ng mga chemical element,
posible ring ma-solve niya ang encrypted message.

Ang tanong ay kung maiisipan niya akong hanapin. Sapat na ba ang code na 'to para
mapukaw ang kanyang interes? O mananaig kaya ang pagbabale-wala niya sa 'kin? Baka
kasi maisipan niyang umuwi na lamang kaysa magsayang ng oras para hanapin ako.

Sumandal ako sa pader at naglabas ng malalim na buntong-hininga. Ngayon ko lang


napagtanto na laging may nangyayari sa 'kin o sa paligid ko mula nang makilala ko
si Loki-una ang secret admirer case, sunod ang Chemistry Lab murder case at ang
latest? Ang Lorelei Rios abduction case.

Posible kayang nahawa ako sa pagiging magnet ni Loki sa mga masasamang pangyayari?
O baka

epekto ito ng pagiging malapit ko sa kanya in terms of physical proximity?

Kung sakaling hindi niya ako hanapin, tama nga siguro si Margarette na dapat na
akong umalis sa club. Wala ring saysay ang pananatili ko roon kung hindi rin ako
pinapansin ng kasama ko. The only thing that I don't get is why Margarette and her
colleagues would go this far to force me out of Q.E.D. Club. She stressed more than
once that she wants to help me.
Iniisip ba nilang malalagay ako sa panganib kapag kasama ko si Loki? Was it because
of his unfinished business with M?

Pumikit na lang ako at hinintay na lumipas ang oras. Dahil wala akong paraan upang
malaman kung tapos na ang fifteen minutes na time limit, ako na mismo ang nagbilang
sa isip ko.

Lumipas ang ilan pang sandali, narinig ko ang kaluskos dulot ng pagbukas ng pinto
at ang pagpasok ng liwanag mula sa labas. Nakita ko ang pigura ng isang lalaking
hinihingal pa, nasa likod niya ang liwanag ng palubog na araw. Nagmukha siyang
anghel sa paningin ko. Nagmadali siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako.

"Lorelei, are you okay? Did they hurt you? Did they do something to you?" Garalgal
pa ang boses ni Loki habang pinagdadampi ang kanyang kamay sa mukha ko. Nakita ko
ang labis na pag-aalala sa kanyang mga mapupungay na mata. "Hey, are you okay?"

Napakunot ang aking noo sa kanya. Paano ako makakasagot kung naka-tape ang bibig
ko?

"Oh, I have to remove that first." Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko at bigla
niyang inalis ang tape.

Parang nabalatan ang labi ko sa ginawa niya.

"Pwede bang magdahan-dahan ka naman?" Sa halip na "thank you" o "salamat," reklamo


ang unang sinabi ko sa kanya. Sunod niyang inalis ang pagkakatali ng aking mga
kamay at paa.

He heaved a sigh of relief at napaupo sa tabi ko. Dahil sa nangyari, mukhang hindi
na ako multo sa paningin niya at nai-lift na ang kanyang "no talking" policy sa
akin. "I thought something already happened to you."

"Paano mo nalamang dito nila ako dinala?" tanong ko. Gaya ng aking inaasahan,
nakuha niya ang encrypted message sa code.

Ipinakita ni Loki ang card kung saan nakasulat ang mga parehong letrang nakita ko
kanina. "Someone left this note on my table, saying that they abducted you. At
first, I thought it was a joke... Until I saw this symbol at the back of the card."

Nakasulat sa likod nito ang pulang letrang M na kasing kulay ng dugo.

Teka, dahil si Margarette ang nagpadukot sa 'kin, posible kayang may koneksyon siya
at ang lalaking kasama niya kanina sa misteryosong taong 'yon?

"It took me three minutes before I realized how to crack the code," pagpapatuloy ni
Loki. "Caesar's Box is the answer."

Pamilyar ako sa Caesar salad pero ngayon ko pa lang narinig ang Caesar's Box.

"First, you need to count the number of characters in the code. As you can see,
there are sixteen letters. Then, get the square root of that number. The answer's
four obviously. Now write out these characters into four rows of four letters."
Ganito ang kinalabasan ng kanyang ginawa. Sa mismong card niya isinulat at
ipinakita sa 'kin:

E T R

N C U O

T O M O

H S E M

"Mula sa top left, basahin mo ito pababa. Tapos, magsimula ka ulit sa itaas ng
susunod ng column."

Sinunod ko ang sinabi niya at binasa ang code sa gano'ng paraan. "I-N-T-H-E-C-O-S-
T-U-M-E-R-O-O-M. In the costume room!"

"If M is really the one who's behind your abduction and sent this code, he's pretty
dumb," komento ni Loki bago siya tumayo. "Now I need to bring this card to
Inspector Estrada to see if whoever sent this thing left their fingerprints on it."

"Actually, hindi mo na kailangang gawin 'yon," tugon ko. "Alam ko kung sino ang
nasa likod nito. Nakita ko pa nga nang harapan."

Bahagyang nanliit ang mga mata ni Loki, may halong pagdududa ang kanyang itsura.
"Are you sure about that? Baka napanaginipan mo lang na alam mo?"

"Her name's Margarette Fernandez. Siya 'yong nabanggit ko noong isang araw sa 'yo.
She said she's the closest thing to a friend that you are capable of having. If
she's M or related to M, mukhang may lead ka na."

Tinakpan ng parehong kamay ni Loki ang kanyang mukha at paulit-ulit na umiling. "I
knew it! That's why this case was so ridiculously easy! How dare he use M to trick
me."

"He? Margarette's a she."

"No, no. I'm not talking about Maggie. Someone else pulled the strings here, trust
me. Maggie's only a pawn in his schemes. And by the way, the real M is not behind
this conundrum. Kill me if I'm wrong, but the man behind your abduction is another
person who reeks of evil and relentless manipulation."

"Is he a tall guy whose voice

sounded so cold?" Naalala ko ang lalaking sumilip kanina bago ako iniwan ni
Margarette.

"Nakita mo siya nang personal? Face to face? Or at least from a distance?"

"Tanging silhouette niya ang nakita ko kanina," sagot ko. "Kilala mo ba siya?"

Tumango si Loki and inalok ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo. "You'd
rather not meet him in person if I were you. If you think I'm bad, he's much
worse."

Parang namanhid ang mga paa ko dahil sa mahigit isang oras na pagkakatali at
pagkakaupo. "In any case, kailangan kong i-report ang nangyari sa OSA para hindi na
makapanggulo pa ang Margarette na 'yon at 'yang taong sinasabi mo."

Loki only chuckled as if I told him a joke. "Your efforts would only be in vain.
Kahit anong report ang gawin mo sa OSA, it will only be dropped immediately."

"Sinasabi mo bang pabayaan ko na lang ang nangyari?" Medyo napataas ang boses ko.
"After they put me to sleep, tied my hands and feet, and cover my mouth with tape?
Hindi ko mapapalampas 'to."

"Ayaw kong masayang ang effort mo kaya sinabi ko 'yon," paliwanag niya. "If you
want to report this incident, I won't stop you. But just so you know, Maggie holds
an important position in the student hierarchy. I have no doubt that she will get
away with this faux abduction."

Hindi ko naiwasang mapailing. Dahil ba may posisyon ka sa isang org, you can do
whatever you want-say, abduct someone-and get away with it? Nasaan ang hustisya?

"If you still plan to go to OSA, you need to change your clothes first," Loki
looked at me from head to toe. "Although you look gorgeous in that

dress like a royal princess, you might attract unwanted attention on the way."

I could feel my cheeks turning red. It was only a simple compliment but since it
came from Loki's mouth, I appreciated it more than usual.

"Oh, before I forget," I turned to him and showed him a warm smile. "Thank you."

***

In the end, I decided not to report the incident to OSA. And for the first time,
sabay kaming umuwi ni Loki sa apartment. Pagpasok namin, dumiretso na ako sa aking
kwarto at kaagad na nagpalit ng damit. Nakaramdam ako ng konting pangangati dahil
sa ipinasuot na gown sa 'kin. Seguradong matagal nang nakatambak 'yon sa costume
room.

Humiga ako sa kama at ipinatong ang aking laptop sa may hita ko. Kahit na ako ang
biktima ngayon, naisipan kong gawan ng blog post ang nangyari kanina. Meron ding
involved na code kaya seguradong mapapaisip ang mga nakasubaybay sa blog ko.

Kakasimula ko pa lamang magtipa sa keyboard nang may kumatok sa pinto. Pagkabukas


ko do'n, nakita ko si Loki na nakaabang sa labas at nakalagay sa likod ang mga
kamay.

"Yes?"

He cleared his throat first and his eyes blinked for a few times. "First of all, I
apologize for my reaction last time. It was uncalled for."

My eyes narrowed into slits. "Are you compelled to say sorry just because you did
something wrong?"

"This time, it's a real apology. I'm saying sorry because I am really sorry." His
voice sounded sincere and apologetic, hindi gaya noong una siyang humingi ng
paumanhin. "I also want to apologize for my actions the past few days."

Napatingin muna ako sa ilalim bago siya tinitigan sa mata. "Dapat din akong mag-
sorry sa 'yo. I became insensitive to your feelings that time. Imbes na itikom ko
ang bibig ko, nagtanong pa ako ng kung ano-ano tungkol sa nakaraan mo."
"Apology accepted," he then flashed a genuine smile, something that's a rare sight
to see. "Now I'd like to take this opportunity to ask you whether you still want to
stay in the club. The last member I had, Rhea, got killed because of her
association with me. Somehow I feel guilty for her death. The only way I can redeem
myself is to find M and bring him to justice. And my hunt for him might put
everyone around me in danger."

"I already started something with the club," I maintained eye contact with him to
show him my conviction. "I don't want to turn back now. Binalaan na ako ni
Margarette na inilalagay ko sa peligro ang aking sarili. Then so be it. I will face
it head on and try to survive if I can. I have been running away the past few
months from danger, problems and the like. I don't wanna run away anymore."

"If that's your decision, I gladly accept it." He stretched out his right arm,
offering it for a handshake. "To our brand new partnership as members of Q.E.D.
Club."

Nagkapalitan kami ng ngiti nang nakipagkamay ako sa kanya. Binitawan niya ang aking
kamay at binati ako ng "good afternoon" bago siya bumalik sa kanyang kwarto. Ako
naman, isinara ko ang pinto, hindi pa rin mabura sa labi ko ang isang ngiti.

Today, I saw another side of Loki-something that speaks of him being genuine beyond
his actions and words.

###

=================

Volume 1 • Chapter 8: One Murder, Two Glasses, Three Suspects

LORELEI

MAAGA AKONG nagising ngayong Lunes matapos marinig ang nakakairitang tunog ng
vacuum cleaner. Bumangon ako't lumabas ng kwarto para tingnan kung sino ang
naglilinis ng carpet sa aming sala. Ang akala ko'y si Loki ang nakaisip na gamitin
'yon nang ganito kaaga. Medyo nasorpresa ako nang makitang hawak ni Tita Martha ang
itim na hose ng vacuum habang paindak-indak pa.

"Good morning, Lorelei," nakangiting bati niya sa 'kin habang patuloy ang kanyang
paglilinis. "Nakatulog ka ba nang mahimbing kagabi?"

Napakusot ako sa dalawang inaantok ko pang mga mata. "Ang aga n'yo yatang
naglilinis, tita? May bisita ba tayo mamaya o naisipan n'yong gawing exercise ang
pagba-vacuum?"

Pansamantala siyang huminto sa kanyang ginagawa at tinitigan ako nang ilang


segundo. "Hindi ba sinabi ko sa 'yo last week? Pupunta ang papa mo rito ngayong
araw."

"Huh? Talaga?" Napahikab muna ako bago tuluyang nanlaki ang mga mata ko. Biglang
nagising ang diwa ko nang maproseso na ng utak ko ang sinabi niya. "Te-Teka! Ano
hong sinabi n'yo? Darating si papa rito?"

"Naku, nagiging makakalimutin ka na yata," pailing-iling na sabi ni tita at


nagpatuloy sa kanyang ginagawa. "Baka mamayang hapon siya dumaan dito kaya maaga
kang umuwi mamaya, ha? Ipagluluto ko kayo ng masarap na meryenda."

Oo nga pala. Nabanggit pala ni tita na may ka-meeting dito sa Pampanga si papa kaya
posibleng dumaan siya rito.

Dumiretso ako sa banyo para makapaghilamos. Hinayaan ko munang tumulo ang tubig
mula sa gripo habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin.

Is my dad really serious about visiting me here? Or did he say that to make me feel
that he's parenting me? Kung ako ang tatanungin, ayaw ko pa siyang makita sa
ngayon.

Dahil sa breaking news na hatid ni tita, hindi na ako nakakain ng almusal.


Dumiretso na ako sa banyo para maligo at makapagpalit ng damit. Matapos kong ayusin
ang itsura ko, umalis na ako ng apartment.

Buong umaga, hindi ko matanggal sa isip kong darating si papa mamaya. Sinubukan
kong magpokus sa mga discussion namin sa klase, pero maya't maya, pumapasok ang
thought na makikita ko siyang nakaupo sa couch, naka-dekwatro ang mga bata at
sumisipsip ng tsaa.

It's becoming an irritant to my attention.

"You look worried," komento ni Loki habang binabasa niya ang latest issue ng aming
school paper. "Something's bothering you."

Nabaling ang tingin ko sa kanya. "Paano mo nasabi?"

"Sa loob ng limang minuto, nakaapat na malalalim na buntong-hininga ka na," ibinaba


niya ang diyaryo para tingnan ako. "You're trying to relive yourself from stress
but it persists in your mind."

Now, for the fifth time, I let out an exasperated sigh. "My dad's coming to the
apartment to visit me."

"Now that explains why the landlady is cleaning even before the crowing of the
roosters." Inilapit ni Loki ang pahina ng diyaryo. "To most people, that's good
news. But based on your repeated sighs and how you spoke of his arrival, it's quite
troubling

for you. You have issues with your father, don't you?"

Tumingin ako palayo at iniwasang sagutin ang kanyang tanong.

"Don't worry, I know the feeling of despising someone," he said after a few moments
of silence. "Sometimes, you wish that you won't cross paths with them again.
Sometimes, you hope that you can extricate them out of your life. That's how I feel
with my brother."

"Just to be clear, I don't despise my dad," I corrected him before he took the
wrong impression. "Despise is a strong word. I don't hate him either. Ayaw ko lang
siyang makita sa ngayon."

"Then you should get him out of your head," he tossed the newspaper to the
bookshelf and turned to me. "Huwag mong isipin kung ayaw mong problemahin. I'm
certain that you can't focus on your classes because of that ill news."

"Parang gano'n kadaling gawin 'yon. Easier said than done."

"That's the problem with you people." Once again, he sounded as if he's not one of
us. "You worry yourself with the inevitable. If he's really coming here, there's
nothing you can do to stop it. Just shut up and embrace it."

And he's back to being that Loki again. Last week, after going through the painful
memories, he showed me that he's capable of being genuine with his words and
actions. Ang akala ko, 'yon na ang side na makikita ko araw-araw. Matapos ang
weekend, muli siyang nagbalik sa pagiging Loki na nakilala ko noong unang araw ko
rito sa Pampanga.

"If meeting him is so troubling for you, why don't you do the opposite?" tanong
niya. "Huwag kang sumulpot kung saan man kayo magmi-meet.

Sabihin mo masyado kang busy para makipagkita sa kanya. Your problem is solved."

"At ano'ng gagawin ko? Mag-stay ako rito sa clubroom after class hanggang sa
makasigurong wala na siya sa apartment?"

"If you're lucky, someone will go through that door, borrow our wisdom and keep us
busy for a couple of hours," tugon ni Loki. "Magkakaroon ka ng legit excuse para
hindi mo siya makita."

Most people would suggest na makipag-meet ako kay papa lalo na't ilang linggo na
kaming hindi nagkikita. But Loki had a dissenting opinion. Kinukunsinti niya pa
akong gumawa ng paraan upang hindi matuloy ang nakatakdang pagkikita namin. I must
say, this is one of the rare occasions where I appreciate his unpopular opinions.

Naghintay ako mula lunch time hanggang hapon pero wala ni isang kliyente ang
dumating sa clubroom. Mukhang kailangan ko pang pagsikapan ang pagsusulat ng blog
para maka-attract ng mga kliyente. Ang akala ko noong una, magtutuloy-tuloy na ang
buhos ng mga client mula nang idinulog sa amin ni Madonna ang kanyang boring na
problema.

Wait, did I say "boring"? Nahahawa na yata ako sa pananalita ni Loki.

At dahil walang problema o kasong magsisilbing distraction sa akin, naghanap ako ng


ibang paraan upang hindi ako kaagad umuwi ng apartment. Mabuti't may kaibigan akong
maaasahan sa ganitong panahon. Take note: Hindi si Loki ang tinutukoy ko.

"Huh? Talaga? Gusto mo munang mag-stay sa dorm ko?" pagulat na tanong ni Rosetta
habang inaayos niya ang kanyang gamit sa bag.

"Oo, nakalimutan ko kasi 'yong susi ko sa apartment," pagsisinungaling ko. "Mamaya


pang gabi uuwi 'yong roommate

ko kaya wala akong ibang mapupuntahan."


"Sure, I don't mind!" Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa request ko. "Mamaya ring gabi
uuwi 'yong ka-dorm ko kaya walang problema kung doon ka muna mag-stay. At saka
magpapatulong din ako sa assignment natin sa Chemistry."

Problem solved. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay hintaying umalis si papa
sa apartment. But don't think badly of me. I'm just returning the favor to him.
There were numerous instances noon kung saan sinabi niyang magmi-meet kami pero
hindi siya sumipot. Ni anino niya, hindi ko nakita.

Nasa loob mismo ng campus ang dorm ni Rosetta. Ilang tumbling lang ang kailangan
para marating 'yon. May limang palapag 'to, nababalutan ng puting pintura at
aakalain mong isang hotel.

Pagbukas namin sa glass door nito, binati kami ng guard sa may desk. "Good
afternoon, Miss Rodriguez! Sino po 'yang kasama n'yo?"

"Classmate ko siya, kuya," sagot ni Rosetta. "May gagawin kasi kaming assignment.
Wala naman sigurong problema kung pupunta siya sa unit ko?"

"Wala pong problema, ma'am!" May kinuha ang guard sa likod ng kanyang desk-isang
kulay asul na logbook-at binuksan sa harapan ko. "Ma'am, pakisulat na lang po ang
contact details n'yo rito."

I took the pen on his desk and wrote my name, my phone number and the person-to-
visit in the logbook. Nang matapos ako, ngitian ako ni kuya guard at binati,
"Welcome to the White Hostel, ma'am!"

Nagtungo kami ni Rosetta sa elevator at pinindot niya ang number four. May ilan
pang estudyante ang pumasok sa loob.

Nang makaakyat ang elevator sa fourth floor, naunang lumabas

si Rosetta at naglakad patungo sa unit niya habang ako'y nakasunod. Tumigil siya sa
tapat ng Room 402 at ipinasok ang kanyang susi sa doorknob.

Kumpara sa apartment namin, hindi hamak na mas maliit ang kwarto ni Rosetta. May
double-deck na kama ito kung saan nakakalat ang mga damit, tuwalya, underwear at
iba pa. Nasa bandang likuran naman ang washroom nila.

"Okay, simulan na natin?" tanong ni Rosetta sabay labas ng kanyang notebook sa


Chemistry.

***

Mahigit isang oras din ang lumipas mula nang sinimulan naming gawin ang assignment.
Napaunat ako ng braso bago napatingin sa oras. Pasado ala-singko na pala ng hapon.

"Anong oras na kaya siya aalis?" bulong ko. Hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag
o text mula kay Tita Martha o kay papa. Kung hinahanap nila ako, malamang tatawagan
nila ako para tanungin kung nasaan na ako.

While the phone is in my hand, it suddenly vibrated. An unknown number was calling
me. It's either my dad changed his number or it's someone else.

"Hello?"

"Nakauwi ka na ba, Lorelei?" It was Loki. "So how did the meeting with your father
go?"
"Hindi pa ako bumabalik ng apartment," hininaan ko ang boses ko para hindi
maistorbo si Rosetta sa kanyang pagsusulat. "Nag-stay muna ako sa dorm ng kaklase
ko. Sa White Hostel."

"Oh, what a coincidence," sabi niya. "I was actually on my way there."

"Huwag mong sabihing sinusundan mo ako?"

"No, no. Why would I do that? Inspector Estrada texted me minutes ago. He said
something happened in Room 404 of the White Hostel.

He wants my-or should I say-our help. Kung wala kang ginagawa riyan, you can help
me out."

Hindi na niya hinintay ang sagot kung available ako. Basta-basta niya ibinaba ang
tawag.

Teka, nasa Room 402 ako ngayon sa fourth floor. Kung gano'n, may nangyari sa
kwartong malapit dito?

"Saan ka pupunta?" tanong ni Rosetta nang buksan ko ang pinto.

"May titingnan lang ako sa labas," tugon ko at saka lumabas ng kanyang kwarto.
Bumungad sa 'kin ang mga pulis na kinokordonan ang isang kwarto sa 'di kalayuan.
May isang babaeng estudyanteng humihikbi at mangiyak-ngiyak na pilit pinapakalma ng
isang pulis.

"Lorelei, tama?"

Napalingon ako sa likuran at nakitang papalapit si Inspector Estrada. Hindi ko


maiwasang mapatingin sa makapal niyang bigote. "Ang bilis n'yo yatang nakapunta
rito? Nasaan na si Loki?"

"Nataon lang ho na nandito ako. May ginagawa kasi kaming assignment ng classmate
ko."

"Gano'n ba?" Nagpatuloy sa paglalakad ang inspector sa Room 404. "Hindi kaya't
sinusundan ka ng kamalasan? Mukhang kahit saan ka magpunta, may nangyayaring
masama. Noong una, sa Chemistry Lab. Ngayon, dito sa White Hostel."

Maniwala ka sa 'kin, inspector, kahit ako'y nagtataka kung bakit nasasangkot ako sa
mga ganitong bagay. Mula nang makilala ko si Loki, mysterious things began
happening around me.

"What do we have here?" Parang ninja na biglang nagpakita sa likuran ko si Loki.


"How convenient for you to be near the crime scene."

"Kasalanan ko bang may nangyari dito?"

Ngumiti muna siya bago nagtungo sa tapat ng Room 404, ang crime scene. Itinaas niya
ang

kordon at bahagyang yumuko para makadaan. Kahit na hindi niya sinabi, tiyak na
gusto niya akong sumunod sa kanya.

"According to the inspector, this is a murder investigation," paliwanag niya habang


tinitingnan mula sa hallway ang loob ng nasabing kwarto. "A female student was
found stabbed to death not more than fifteen minutes ago."
Una niyang pinuntahan ang babaeng kanina pa umiiyak.

"You know," panimula ni Loki sabay hawak sa balikat ng babae. "More often than not,
the person who first discovers the body is the suspect."

Nanlaki ang mga mata ng babae at lalo pang napahagulgol. Paulit-ulit siyang
umiling. "Maniwala kayo sa 'kin. Hindi ko *hic* kayang patayin *hic* ang dormmate
ko! Kakauwi ko lang ngayong pasado ala-singko nang makita ko siyang *hic* walang
buhay."

"May idea ka ba kung sino ang pwedeng gumawa nito sa kanya?" tanong ko.

Paulit-ulit din ang kanyang pagtango. "Oo. Kagabi kasi may isinusulat siya sa
kanyang blog *hic* tungkol sa ex-boyfriend niya. Nakipag-break kasi si Jessica sa
lalaking 'yon *hic* kasi gusto niyang mag-focus sa studies. Ang kaso hindi
nagustuhan 'yon ng ex niya kaya sinunggaban siya nito at pinwersang halikan habang
nasa campus kahapon."

Napabuntong-hininga si Loki at napairap ang mga matas sa ibang direksyon. Iniwan


namin ang babae at pumasok sa Room 404. Kaagad kong napansin ang mga bubog na nasa
sahig, posibleng mula sa babasaging baso. Meron ding isang baso na may laman pang
tubig na nakapatong sa mesa.

Inilibot ko ang aking mga mata at nakitang nakahandusay sa may pader ang duguang
katawan ng isang babae. Mukhang paulit-ulit siyang pinagsasaksak

base sa dami ng butas sa kanyang uniporme. Bahagyang dilat pa ang mga mata niya,
nakayuko ang ulo at nakabukas ang bibig.

Kaagad akong napatalikod at pilit na iniwasang muling makita ang kanyang bangkay.
And for the first time, Loki quickly averted his gaze from the corpse. I heard him
mutter, "I really hate seeing that pose."

"The victim's name is Jessica Montemayor," inabutan kami ng gloves ni Inspector


Estrada na pareho naming isinuot ni Loki. "Mainit pa ang kanyang katawan at hindi
pa nagse-set in ang rigor mortis. Sa tantiya ng forensic examiner, posibleng wala
pang isang oras nang patayin siya. Tiningnan din namin kung may fingerprints sa
murder weapon pero wala kaming nakita. Any ideas?"

Itinaas ni Loki ang kanyang hintuturo. "First, the one who found the body didn't
kill poor Jessica. If she did, there should be some splatters of blood on her
school uniform. Our victim was stabbed repeatedly in front so seguradong tatalsik
ang dugo sa kanyang killer. I have little doubt that she could change her bloodied
clothes and dispose of it easily."

"So posibleng tama ang sinabi ng kaibigan niyang baka ang ex-boyfriend nga ang nasa
likod nito?" tanong ko.

"Possible," yumuko siya sa mesa at sinuri ang mga bubog. "Judging by the multiple
stab wounds that Jessica's body sustained, mukhang may galit ang gumawa nito sa
kanya. Having a broken heart could be a vicious motivation for murder."

"Ipinakuha ko ang logbook na hawak ng guard na naka-duty ngayong hapon," iniabot ni


Inspector Estrada ang photocopy ng isang pahina mula sa nasabing notebook.
Nakasulat doon ang listahan

ng mga pangalan, contact number at person-to-visit, pati ang time-in nila. Nandoon
din ang pangalan ko. "Kung nangyari ang krimen sa pagitan ng alas-kwatro at ala-
singko, may tatlong pangalan diyan na pasok sa time frame at ang person-to-visit ay
si Jessica."

"Na-contact n'yo na ba sila?"

"Oo, ipinatawag ko sila para kumpirmahin kung isa nga sa kanila ang salarin. On the
way na sila rito."

Iniwan muna kami ni Inspector Estrada sa loob ng kwarto kasama ang iba pang pulis
na kumukuha ng larawan at nagtse-check ng fingerprints sa crime scene. Abalang-
abala si Loki sa pagsuri sa baso ng tubig at sa bubog sa ilalim ng mesa.

Dala ng kuryosidad, napayuko rin ako para tingnan kung anong makikita sa mga
'yon... nang biglang nakaramdam ako ng vibration mula sa aking phone.

Dad is calling...

I rolled my eyes and put my phone inside my pocket, ignoring his call. Mukhang nasa
apartment na siya ngayon, malamang umiinom ng paborito niyang chamomile tea.

"Aren't you going to answer that?" tanong ni Loki, sinasawsaw ang daliri sa tubig
na laman ng baso.

"Mas mabuti kung iisipin niyang busy ako kaya hindi ko nasagot ang tawag niya,"
tugon ko. "At saka dapat focus lang ako sa ginagawa natin ngayon."

"Then what can you say about these glasses of water?" Tumayo siya't ituro ang
dalawang baso na kanina pa niya pinagkakaabalahan.

Ginaya ko ang ginawa niya kanina't isinawsaw ang daliri ko sa tubig. Naramdaman
kong malamig pa ito kahit walang yelo at hindi nakabukas ang aircon. Sunod kong
tiningnan ang mga bubog sa sahig. Mukhang may nakasagi nito kaya nahulog at
nabasag.

"Your

thoughts?"

Napatingin ako sa maliit na refrigerator na nasa bandang likuran ng kwarto.


"Posibleng si Jessica ang naglagay ng dalawang baso rito sa mesa at nilagyan niya
ng tubig. Pagdating natin dito, nalusaw na ang nilagay niyang yelo pero medyo
malamig pa rin ang tubig sa baso."

"That much is obvious. What else?"

Napakrus ang mga braso ko at napatingin sa sahig. "Meron siyang inalok ng tubig-
posibleng ang killer-bago siya pinatay nito."

"At bakit niya aalukin ng tubig ang taong may intensyong pumatay sa kanya?"

Naningkit ang mga mata ko, pilit na piniga ang aking utak para sa kasagutan.

"Tell me, would you let someone in your room and offer him a glass of water?"
Hinawakan niya ang baso at itinapat sa akin, parang inaalok niya akong inumin ito.

"No, not unless you know that someon-I get it! Kakilala niya ang pumatay sa kanya!"

"We have little doubt about that," muli niyang ipinatong ang baso sa mesa at
napatingin sa labas ng kwarto. "The question is, who among the three would she most
likely let inside her room and offer a glass of water?"

Kinalauna'y inalis na ng mga pulis ang bangkay ni Jessica. Sumunod ang pagdating ng
tatlong lalaki na kung hindi ako nagkakamali'y mga suspek sa pagpatay sa kanya.
Hindi sila hinayaan ng pulis na tumapak sa crime scene kaya hanggang sa hallway
lang sila.

Ang isa sa kanila'y parang walang emosyon ang mukha. Kung sinabihan siyang patay na
si Jessica, kahit paano naman siguro'y makakaramdam siya ng kalungkutan. Pero kahit
anong bahid nito, hindi ko makita sa kanyang mukha. Pwede ring magaling lang

siyang magtago ng emosyon.

'Yong sumunod sa kanya'y mangiyak-ngiyak na nakatitig sa loob ng kwarto. Kitang-


kita ang kanyang pagdadalamhati dahil halos hindi maipinta ang kanyang mukha.
Tinanggal niya ang kanyang salamin at kinusot ang mga matang nagbabatis na.

Ang pinakahuli sa kanila'y halos mahimatay nang makita ang dugong naiwan sa pader
at sahig. Paulit-ulit siyang umiiling at bumubulong ng "Bakit? Bakit nangyari 'to
sa kanya?" Nakita kong tumulo ang ilang butil ng luha sa kanyang makinis na mukha.
Bihira lamang akong makakita ng lalaking makisig ang katawan na umiiyak.

"Walang hiya ka!" sinugod ng babaeng nakakita sa bangkay ni Jessica ang matipunong
lalaki at pinagkakalmot ang kanyang mukha. "Alam kong ikaw ang may gawa nito! Bakit
mo pinatay si Jessica, ha? Sumagot ka!"

Bago pa niya masugatan ang mukha ng lalaki, inawat na sila ng mga nakabantay na
pulis.

"Mamatay man ako ngayon, hindi ako ang pumatay sa kanya!" sigaw ng lalaki. "Paano
ko magagawang patayin ang taong mahal ko, ha?"

"By stabbing her multiple times," bulong ni Loki habang nakatingin sa ibang
direksyon.

"Christopher Bautista, tama?" tanong ni Inspector Estrada sa matipunong lalaki.


"Ayon kay Eunice, may motibo ka raw para patayin si Jessica. Pinipilit mo siyang
makipagbalikan sa 'yo pero mukhang ayaw na niya."

"Dahil lang doon?" Halos magsalubong ang mga kilay ni Christopher. "Napakababaw
namang dahilan! Por que ayaw na niyang makipagbalikan sa 'kin, papatayin ko na?
Kung may dapat kayong pagsuspetyahan, tanungin n'yo si Richmond o kaya ang mokong
na 'to!"

Una niyang itinuro ang lalaking

nakasalamin bago ang lalaking walang reaksyon sa mukha.

"Si Richmond Morales?" Napatingin si inspector sa kopya ng logsheet para


kumpirmahin ang nabanggit na pangalan. "Meron ba siyang motibo para patayin si
Jessica?"

"Close friends kami ni Jessica mula pa noong elementary," paliwanag ng lalaking


nakasalamin. "Kung may misunderstanding man kami, pinag-uusapan namin. Hindi ko
idadaan sa brutal na paraan."

Napangisi si Christopher. "Close friends, huh? Hindi ba't umaaligid ka na sa tabi


niya noong kami pa? Abangers ka e! Naikwento sa 'kin ni Jessica last week na
nagtapat ka raw ng nararamdaman mo sa kanya. Ang kaso, the feeling is not mutual
kaya nganga ka."

"Sinasabi mo bang posibleng pinatay ni Richmond si Jessica dahil unrequited ang


pag-ibig niya?"

"Oo, nagtapat nga ako kay Jessica noong nakaraang linggo," kinumpirma ni Richmond,
bahagyang tumaas ang kanyang boses. "Pero friendship lang talaga ang mao-offer
niya. Satisfied na ako roon. Masaya nga ako na hindi naging awkward ang friendship
namin mula nang nag-confess ako sa kanya."

Humarap si Inspector Estrada sa lalaking walang reaksyon. "At paano naging involved
si David Florencio rito?"

"Nakwento sa 'kin ni Jessica na may sumusunod raw sa kanya mula pagpasok niya ng
school hanggang sa pag-uwi niya rito. Stalker, kumbaga," sagot ni Christopher.
"Last week, nakita ko ang lalaking 'to na nakabuntot sa kanya. Not only once, but
thrice! Posibleng siya ang pumasok sa kwarto ni Jessica at pumatay sa kanya dala ng
obsession nitong si mokong sa girlfriend ko!"

Hindi kumibo si David. Nakipagtitigan lamang siya sa taong nag-aakusa

sa kanya.

Napahikab si Loki at kinusot pa ang mga nababagot niyang mata. "Can we now ask them
why they visited Jessica? I'm getting bored of this complicated romantic plot in
the poor girl's murder."

"Naunang nag-log si David around 4:05," sabi ni Inspector Estrada habang hawak-
hawak ang kopya ng logsheet. "Ayon sa record ng guard, nag-out siya ng 4:21. Sapat
na ang oras na 'yon para makapag-commit ng mabilisang murder."

Noong una'y nag-alinlangan pa siyang sumagot. "Kasi... Pumunta ako sa Room 404 para
magpakilala na kay Jessica. Oo, matagal ko na siyang sinusundan kahit saan siya
magpunta. Pero ayaw ko nang magtago sa dilim, ayaw ko na rin siyang takutin kaya
naisip kong pumunta rito kanina."

"Tapos noong kumatok ka, binuksan niya ang pinto, pinapasok ka, inalok ka ng isang
basong tubig at saka mo siya pinagsasaksak?" mabilis na hirit ni Loki.

"Hindi! Kumatok nga ako pero hindi niya binuksan ang pinto. Alam kong nasa loob
siya ng kwarto pero talaga yatang ayaw niya akong pansinin. Naghintay ako ng ilang
minuto bago ko naisipang umalis na."

Kahit ako siguro, hindi ko pagbubuksan ng pinto ang isang lalaking hindi ko kilala
at laging nakabuntot sa 'kin.

"Ang sumunod na nag-log noong 4:24 ay si Richmond," tumingin si inspector sa


lalaking nakasalamin. "Ni-note ng guard na 4:40 ka umalis. Anong ginawa mo sa halos
labinlimang minuto mo rito?"

"Galing ako sa gym bago ako nagpunta rito. May gagawin din kasi kaming assignment
ni Jessica sa Trigonometry. Ang kaso, nang kumatok ako sa pinto, hindi siya
sumagot. Ilang minuto rin akong naghintay, baka kasi may binili lang siya sa labas.

After ten minutes, umalis na ako."

"At ang pinakahuli ay si Christopher na nag-log noong 4:44," ibinaling ni inspector


ang kanyang tingin sa matipunong lalaki. "Sa record ng guard, lumabas ka ng 4:59."
"Tinext ako ni Jessica bandang 4:35 ng hapon," ipinakita niya ang text message na
nakapangalan sa kanyang ex-girlfriend. Ayon sa message, gustong makipagkita ni
Jessica sa kanya para ayusin ang gusot ng break-up nila. "Nagmadali akong pumunta
rito kasi gusto kong magkaayos kami. Noong kumatok ako sa pinto, hindi niya
binuksan. Wala ring sumagot kahit ilang beses akong nagsisigaw at humingi ng sorry
habang nakaluhod sa may pintuan. Naisip kong baka pinagti-trip-an niya ako kaya
umalis na lang ako."

Kung gano'n, wala ni isa sa tatlong ito ang nakakita kay Jessica noong oras na
pumunta sila sa Room 404. Kung isa nga sa kanila ang salarin, iisa lamang ang ibig-
sabihin nito: May isang nagsisinungaling sa kanila.

"Inspector, wala bang CCTV camera na naka-install dito sa fourth floor?" tanong ni
Loki habang nakatingala sa kisame.

"Tinanong na namin 'yan sa guard. Tanging sa lobby may CCTV camera. Pero balak yata
nilang maglagay sa susunod na buwan."

"How convenient for the killer!" komento ni Loki. "But unfortunately, I already
have an idea on who he might be."

Nanlaki ang mga mata ng tatlong suspek.

"Nasa inyong tatlo siya, just to reiterate the obvious," isa-isa niyang itinuro ang
tatlong lalaki. "At the moment, wala pa kaming ebidensyang hawak na magdidiin sa
'yo. But give me a few minutes and I will expose what you did. In the mean time,
inspector, why don't

you escort them to the lobby while waiting?"

When the three of them started walking along with some police officers, I heard a
scatching noise na nagmumula sa sahig. There must be something on their shoes
that's causing that sound whenever the sole make contact with the tiled floor.

Wait a minute. Kung ang sapatos ng isa sa tatlong suspek ang lumilikha ng kaluskos
na 'yon, posible kayang...

"So you heard it too, huh?" Loki gave me a side-glance. "Kung tama ang hinala
nating dalawa, 'yon ang pwede nating gawing ebidensya laban sa salarin."

"Paano ka nakasisigurong pareho tayo ng iniisip? Ni hindi ko nga alam kung sino sa
kanilang tatlo ang salarin," sagot ko. "Do you mind telling me who he is?"

"I'm going to ask the question again: Who among the three would Jessica most likely
let inside her room and offer a glass of water?" As usual, ayaw niyang i-share sa
'kin ang sagot. Gusto niya munang pasakitin ang ulo ko. "There's only one thing
that bothers me. Jessica did something out of place, something that she shouldn't
have done. Unless, of course, it wasn't Jessica who did that thing."

Hindi kinalauna'y sumunod na kami sa baba. Nadatnan namin ang tatlong suspek na
nakaupo sa lobby. Nakayuko si Christopher, magkadikit ang mga kamay na parang
nananalangin. Nanginginig naman ang mga binti ni Richmond at parang hindi mapakali.
Habang si David, wala pa ring reaksyon at nakatingin sa malayo.

Nilapitan kami ni Inspector Estrada at binulungan. "Ano, may nakita ba kayong


ebidensya?"

"We don't have any evidence against the culprit," sagot ni Loki dahilan
para mapapikit ang mga mata ni inspector. "Don't be disappointed, inspector. I said
we don't have it because the culprit's still in possession of it."

"Ta-Talaga?"

"Shall we draw the curtain of mystery and put an end to this murder case?"

Tumayo sa harapan ng tatlong suspek si Loki at inilagay sa likod ang mga kamay
niya. "Sorry for waiting. Now is the moment of truth."

"Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa! Sabihin mo na kung sino ang pumatay kay
Jessica!" sigaw ni Christopher. "Sisiguruhin kong gagapang palabas ng building na
'to ang lalaking 'yon!"

Loki just ignored him and continued with his deduction show. "Before I reveal who
the culprit is, I want you to think about this question: Who among you three would
Jessica most likely let inside her room and offer a glass of water?"

Nagkatinginan ang tatlo, may halong pagtataka ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.

"Kung gagawing basehan ang sinabi namin kanina, hindi binuksan ni Jessica ang pinto
nang kumatok kami," tugon ni Richmond.

"One of you lied earlier," Loki countered. "One of you stood in front of Jessica's
room and knocked on her door. Then she let that person in, unaware of what that
person is capable of doing. Sino kaya sa inyong tatlo?"

Wala ni isang sumagot sa kanila. Napansing kong nakakunot ang mga noo nina
Christopher at Richmond habang no reaction si David.

"Could it be David Florencio, the suspicious stalker who's been following her?"
sabi niya sabay turo sa suspek. "No. Jessica may be aware of your presence but she
doesn't know anything about you. So will she open the

door to a stranger, let you in and offer you a glass of water? No."

Parang nakahinga nang maluwag si David, nabunutan ng tinik sa kanyang lalamunan.

"Maybe it's Christopher Bautista, the ex-boyfriend?" sunod niyang itinuro ang
lalaking nagpukol sa kanya ng nasorpresang tingin. "Yes, possibly. But considering
what happened the past few days-your break-up and what you attempted to do to her-
she won't even think of inviting you in. She'd rather tell you to go to hell."

"Pero bakit nag-send siya ng text message sa 'kin kanina? Ang sabi niya gusto
niyang pag-usapan ang nangyari?"

"That's a trick used by the culprit to make us think that Jessica was still alive
by the time she sent you that message, around 4:35. That's right, the culprit is
none other than the person who went to Jessica's room between 4:24 and 4:40-her
bestfriend Richmond Morales."

Napatingin ang lahat sa lalaking nakasalamin. Napalunok pa siya ng laway habang


nanlaki ang mga mata at paulit-ulit na umiling. "Hindi... Nagkakamali ka! Hindi
totoo 'yan!"

"Among the three, you are the only one who's in good terms with Jessica," paliwanag
ni Loki habang nakangisi sa salarin. "As what you said earlier, you are her close
friend and your relationship didn't turn sour even after you confessed your
feelings. I have no doubt that she would open the door for you, let you in and
offer you a glass of water."

"Kung totoo nga 'yang paratang mo, bakit ko siya papatayin?" buwelta ni Richmond.
"Basta-basta ko na lang siyang sasaksakin nang walang dahilan?"

"What if nakita mong opportunity ang break-up nila ni Christopher?"

Hindi ko na napigilang sumingit. It was only a mere conjecture but at this point,
it's all that I can think of. "Inakala mo siguro na pwede ka nang pumapel bilang
boyfriend sa buhay ni Jessica. Ang kaso, kahit break na sila, hindi niya kayang i-
reciprocate ang feelings mo sa kanya dahil wala siyang nararamdaman para sa 'yo.
Posibleng nagdilim ang paningin mo, kumuha ng kutsilyo at paulit-ulit siyang
pinagsasaksak."

"Walang hiya ka!" Susuntukan na sana ni Christopher sa mukha si Richmond nang


mabilis siyang inawat ng mga pulis. "Sisiguruhin kong wasak 'yang mukha mo, ha!
Naririnig mo ba ako?!"

Ipinikit ni Richmond ang kanyang mga mata, tila pinapakalma ang sarili. Nang muli
niyang iminulat ang mga ito, sinabayan niya ng ngiti. "Magandang ideya 'yan para sa
isang mystery novel. Sige, for the sake of discussion, sabihin na nating ginawa ko
'yon. Nasaan ang ebidensya n'yo?"

"It's on you," mabilis na sagot ni Loki.

"Hmm?" Napataas ang kaliwang kilay ni Richmond. "Anong ibig mong sabihin?"

"Take off your shoes and show the soles to everyone in this lobby."

"That's ridiculous!" Nakangiti pa si Richmond habang tinatanggal ang kulay itim


niyang sapatos. "How does taking off my shoes prove that I'm the culprit?"

Nang iniharap niya sa amin ang talampakan ng kanyang sapatos, nakita naming
nakaipit dito ang maliit na bubog, katulad ng nasa kwarto ni Jessica sa itaas.

"After you killed Jessica, you accidentally stepped on the shards of glasses near
the table," Loki grabbed the right shoe from the culprit and showed the shard to
the inspector. "Nagmamadali ka na siguro kaya hindi mo namalayang

may dumikit sa ilalim ng sapatos mo. Hindi namin kayo pinapasok sa crime scene
kanina kaya paano napunta ang bubog dito? Eliminate all the other possibilities,
and the one which remains is the truth."

"Teka, Loki," hirit ni Inspector Estrada. "Kung siya nga ang pumatay kay Jessica,
dapat may mga bakas ng dugo sa damit niya, tama? Bakit walang napansing kakaiba ang
guard noong lumabas siya ng hostel? Seguradong mapapansin ng guard ang kakaibang
mantsa sa kanyang damit."

"He changed his clothes," Loki answered. "Sinabi niya kanina na galing siya sa gym
kaya nakasisiguro akong may dala siyang bag na naglalaman ng ekstrang damit. Kung
hindi pa sapat ang bubog sa kanyang sapatos para patunayang siya nga ang salarin, I
suggest that you review the CCTV footage in the lobby the time he went in and went
out. I'm certain that you will notice the change in his clothes. You can also run a
luminol test on his shoes para tingnan kung may dugong tumilamsik doon."

Now that he's cornered with Loki's piercing deductions, Richmond had no other
choice but to confess to the murder. Kinumpirma niyang tama ang nabanggit kong
motibo kung bakit niya pinatay si Jessica. Somehow, nakaramdam siya ng pagka-guilty
sa kanyang ginawa. He thought of turning himself over to the police the moment he
realized what he had done. But he was worried that his family would be caught in a
scandal so he chose to not admit the crime.

"Nakalutas ka na naman ng kaso!" Tinapik ni Inspector Estrada ang balikat ni Loki.


"Talagang maaasahan ko kayong taga-Q.E.D. Club."

"By the way, inspector, may update na ba kayo tungkol sa mga nawawalang chemicals

sa Chemistry Lab?" tanong ni Loki, naging seryoso ang kanyang mukha.

"According sa property custodian, ilang bote ng sodium hydroxide ang nawawala,"


sabi ni inspector. "Ang hindi namin maintindihan ay kung bakit interesado ang isang
estudyante sa ginagamit na drain cleaner."

"Sodium hydroxide..." bulong ni Loki, bahagyang naningkit ang mga mata niya at
napahaplos sa kanyang baba. "What does M plan to do with that chemical compound?
Balak niya bang maglinis ng drain ng kanyang bahay?"

"Sasabihan kita kapag may impormasyon pa kaming nalaman. Sa ngayon, kailangan


naming kunin ang confession ni Richmond sa station."

Nagpaalam na si Inspector Estrada bago lumabas ng White Hostel kasama ang iba pang
pulis.

Inilabas ko ang aking phone para tingnan kung anong oras na. It's already six in
the evening. Hindi na rin tumawag si papa sa 'kin o nagpadala ng text message. Why
should I be surprised? Malamang noong hindi ako sumagot sa tawag niya, kaagad na
siyang umalis sa apartment. He has little patience for waiting.

"Shall we go now? It's getting dark," napatingin si Loki sa glass entrance kung
saan makikita ang labas ng hostel.

"Teka, magpapaalam muna ako sa classmate ko." Oo nga pala, naiwan ko ang aking bag
sa kwarto ni Rosetta. Ni hindi ko man siya nasabihang tutulong ako sa paglutas ng
nangyaring murder sa room malapit sa kanya.

"Oo nga e, ang sabi mo may titingnan ka lang sa labas."

Napalingon ako sa likuran at nakita si Rosetta na dala-dala ang bag ko. Kakalabas
niya lang mula sa elevator.

"Ro-Rosetta, na-nandyan ka pala," nauutal kong sabi.

"Pa-Pasensya na kung hi-hindi ako nakapagpaalam."

"Hindi mo rin sinabi sa 'kin na member ka na pala ng Q.E.D. Club," nakangiti pa


siya habang iniaabot niya ang aking gamit. "Kaya pala ayaw mong sumali sa
Paranormal Club."

Loki shot a curious glance from me to my classmate. "Who's this girl?"

"She's my classmate, Rosetta Rodriguez. Nasa room niya ako kanina, gumagawa ng
assignment sa Chemistry, noong tinawagan mo ako."

"Hi!" Kumaway si Rosetta sa kanya. "Marami na akong narinig tungkol sa club n'yo.
By the way, kung kailangan n'yo ng photos for documentation, meron ako rito sa
phone ko."

"Photos?"
"Palihim akong kumuha ng mga litrato n'yo habang nasa hallway at kinakausap n'yo
'yong mga suspek," ipinakita ni Rosetta ang kanyang phone. "Balak kong i-submit ito
sa CHS Confessions para malaman nila ang tungkol sa club n'yo."

"Teka, huwag mong gagawin 'yan!" Ewan pero ayaw kong may makakitang magkasama
kaming dalawa ni Loki sa photo.

"It's fine with me." And here I thought he would be against it! "Maraming followers
ang Facebook page ng CHS Confessions. Kung makikita nila tayo in action, baka
bumuhos na ang mga kliyente natin. I would consider it a favor if you will do
exactly what you just said."

Sinubukan kong magprotesta pero mukhang mababalewala lamang kaya pinili kong
manahimik sa sulok. Wala akong nagawa kundi mapabuntong-hininga nang malalim.

***

Ala-sais y media na kaming nakarating sa aming apartment. For the second time,
sabay na naman kaming umuwi ni Loki. Bago pumasok sa gate, tiningnan ko muna kung
may naka-park na itim na kotse sa labas. Wala akong nakita

kaya posibleng umalis na nga si papa.

Pagpasok namin sa Room 302, bumungad sa amin si Tita Martha na inaayos ang pagkain
sa mesa. Mukhang galing sa isang mamahaling restaurant ang mga nasa plato at
mangkok. No doubt, dala 'yon ni papa kanina.

"Lorelei! Naghintay sa 'yo ang papa mo kanina," malungkot na bati sa 'kin ni tita.
Umupo naman si Loki sa couch. "Ang sabi ko sa kanya, hintayin ka niya kasi baka may
ginagawa ka pa sa school. Kaso, kailangan na raw niyang bumalik ng Manila ngayong
gabi."

I'm not surprised anymore. Milagro kong maituturing kung hihintayin niya talaga
akong dumaring.

"Kumain na kayo ni Loki, dala ng papa mo 'yan kanina," nagtungo si Tita Martha sa
may pintuan. Pero bago siya tuluyang lumabas, lumingon muna siya sa 'kin. "Siya nga
pala, may iniwan ang papa mo sa 'yong kwarto."

"I hope it's not a bomb," I muttered before turning the doorknob of my room.
Pagpasok ko, bumulaga sa 'kin ang malaking teddy bear na nakaupo sa aking kama,
nakatitig sa direksyon ko na tila hinihintay ang aking pag-uwi.

It was the teddy bear that my mother bought when I was a child. Lagi ko itong
kasama kapag natutulog ako noon.

Nilapitan ko ito at hinawakan ng mga nanginginig kong kamay ang malalambot nitong
braso. I could feel my eyes welling up with tears as I look at the eyes of the old
bear. Is this why he brought this stuffed toy here? To emotionally torture me?

I mustered all of my strength as I lifted the teddy bear and threw it out of my
room. I'm not a child anymore, dad!

"Ouch!" narinig kong daing ni Loki. Mukhang natamaan siya. "Where the hell did this
bear come

from?"
"Sorry!" sigaw ko mula sa aking kwarto. "If you want it, you can have it."

"Do you know that many children in this world want to have a teddy bear as cute as
this one?" Bahagyang lumakas ang boses ni Loki na nanggaling pa sa sala. "And here
you are, throwing it out as if it's a trash. Seguradong nahirapan ang papa mong
dalhin ang ganitong kalaking bear."

"Are you sympathizing with my dad?"

"No, I'm sympathizing with the innocent teddy bear."

Kahit paano'y nakaramdam ako ng pagka-guilty matapos kong ihagis ang laruang
nakasama ko mula noon pa. Lumabas ako sa aking kwarto para kunin 'yon. Nakita ko si
Loki na pinaglalaruan ang mga kamay nito. "Okay, now give it to me."

He suddenly hugged it tightly, his arms wrapped around the bear's soft body. "You
said moments ago that I can have it. Walang bawian."

"Tss..." Tumalikod ako't muling pumasok sa aking kwarto. I can't tell if he's just
messing with me or if he really wants to have that bear.

Or maybe, he didn't have one when he was a child.

###

A/N: I'd like to take this little space t o thank the readers of Project LOKI!
Maraming salamat sa mga nagbo-vote at nagko-comment! I'm always moved by your
gesture of appreciation on my work. :)

As usual, I would like to hear your thoughts about this long update (took me hours
to finish it!).

And now, for the next chapter...

"Did he materialize out of thin air, emerge from a pentagram or walk through the
walls?"

"It's such an honor to meet you, Miss Lorelei. I'm Loki's brother."
=================

Volume 1 • Chapter 9: Whereabouts of the Compromising Photographs

LORELEI

THE DAYS quickly went by as I spent most of my free time in the Q.E.D. Clubroom. It
has become a habit of mine to go that little room during my break or lunch time,
stay there until the bell rings and strike strange conversations with Loki. Noong
minsan, nakiwento niya sa 'kin kung paano ko magagamit ang aking mahabang buhok
para makapatay ng tao.

Mabuti't may mga kumakatok sa pinto ng aming clubroom kaya hindi niya naitutuloy
ang kanyang "101 Ways to Murder Someone" sessions. Kung dati'y nilalangaw kami
dahil wala ni isang aninong pumapasok sa aming mini-detective agency, ngayo'y
maya't maya ang buhos ng mga estudyante.

Mukhang epektibo ang ginawang pagsa-submit ni Rosetta sa CHS Confessions ng litrato


kung saan kausap naming dalawa ni Loki ang tatlong suspek sa White Hostel murder
case habang nakapalibot ang mga pulis sa amin. May mga napabilib sa ginawa namin
habang may ilang nagsabing nakikiepal lang daw kami sa trabaho ng mga otoridad.
Nevertheless, dahil sa exposure sa social media, hindi na kami nakatunganga at
naghihintay na maglakad papunta sa amin ang bayabas.

Ang kaso, puro mga boring na problema ang idinudulog nila sa amin. Laging tungkol
sa love life ng mga babaeng ginawa na yatang oxygen ang pag-ibig at
pakikipagrelasyon-they can't live without it. May ilang gustong humingi ng tulong
kung paano mapaghihiwalay ang crush niya at ang boyfriend nito. 'Yong iba, lumapit
sa amin para magpatulong kung paano makapag-move on. Meron pa nga isang nagtanong
kung may alam kaming trick para mawala sa landas niya ang kanyang karibal sa pag-
ibig.

"We

are problem-solvers, not love gurus or genies," naalala kong sabi ni Loki sa
babaeng nagtatanong kung may alam kaming recipe ng gayuma. "We don't have time to
entertain your stupid requests. Either you find someone else who can help you or
just kill yourself."
Mangiyak-ngiyak na lumabas noon ng clubroom ang problemadong babae. Malas niya
dahil walang konsepto si Loki ng pagiging sensitive sa nararamdaman ng iba. He's
not afraid to speak what's in his mind. Kung ayaw niya, ayaw talaga niya. It's non-
negotiable.

Ngayong Huwebes, gaya ng nakagawian, umakyat ako sa third floor at naglakad patungo
sa clubroom. Kumpara noon, maingat at mas naging aware na ako sa aking paligid.
Baka kasi maulit na naman 'yong abduction na nangyari sa 'kin noong nakaraang
linggo.

Speaking of abduction, mukhang sineryoso ni Margarette 'yong sinabi niya na hindi


niya na ako guguluhin kapag nailigtas ako ni Loki mula sa pagkakadukot. Wala sa
itsura niya ang madaling sumuko pero dahil 'yon ang napagkasunduan, wala siyang
magawa kundi sumunod rito.

Pagdating ko sa tapat ng clubroom, huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang
doorknob at binuksan ang pinto.

"Nandito na ako," bati ko sa lalaking nakaupo nang nakatalikod sa 'kin. Umupo ako
sa kabilang dulo ng parihabang mesa at inilabas ang notes ko sa Chemistry. "Wala pa
bang dumarating na kliyente?"

Usually, hindi ako inii-snob ni Loki kapag may tinanong ako sa kanya na related sa
club. Napaangat ang tingin ko sa kanya at napansing bahagyang nag-iba ang postura
niya. Parang tumangkad siya't nag-iba ang pagkakaayos ng buhok.

No, that's not Loki. That's

someone else!

Kaagad akong napatayo at nagtanong, "Teka, sino ka? Hindi ikaw ang kasama ko rito,
ha?"

"I let myself in, I hope you don't mind."

Pagkarinig ko sa boses niya, nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan. It


sounded lowly and gravely... and somehow familiar. Parang narinig ko na noon. Pero
saan?

The guy turned his swivel chair-Loki's favorite spot-to see me face-to-face. My
curious gaze met with his dead-eye stare. His eyes were looking into my very mind
and heart until I felt a chill down my spine. I tried to gape into the window of
his soul but I saw nothing. His placid face was like that of a chiseled statue-it
was devoid of any human emotion.

Napalunok ako ng laway at napahakbang paatras. At the back of my head, I could hear
a faint voice telling me to run. But I can't. My legs were too terrified to move
even an inch. My feet were rooted on the spot.

"Did I make such a terrifying impression on you?" Tumayo siya't dahan-dahang


naglakad patungo sa kinatatayuan ko.

The second time I heard his chilling voice, it rang a bell on me. Hindi ako pwedeng
magkamali. It was the same voice I heard noong ipinadukot ako ni Margarette. Siya
'yong lalaking kasama niya. Ngayong nakatayo na siya at nakita ko kung gaano siya
katangkad, mas nakasiguro akong siya nga 'yon.

Teka, siya rin 'yong nasa picture na pinagtutusok ng darts ni Loki sa apartment. At
kung tama ang pagkakatanda ko, tinawag niyang vice president ang lalaking 'to.

He stood exactly a foot away from where I was, his cold eyes looking down on me.
"Judging by your expression, I gather that Loki

already told you about me. Fear nothing. I'm not an antagonist. I'm here to ask for
your club's help."

I can say that Loki's descriptions of the man behind my abduction was not an
exaggeration. He does reek of evil.

"Oh, forgive me. I haven't introduced myself yet." He then stretched out his left
hand. "My name's Luthor Mendez. I'm Loki's brother."

Ta-Tama ba ang dinig ko? Siya nga ang kapatid ni Loki?

My left hand automatically responded to his friendly gesture and shook hands with
him. Parang inilagay sa freezer ang mga kamay niya sa sobrang lamig nito. Kapag
hindi ko pa inalis ang sa 'kin, baka ma-frostbite ako.

"WHAT THE HELL-"

Pareho kaming napatingin sa bumukas na pinto kung saan tila nanigas ang katawan ni
Loki nang makita niya ang lalaking kahawak-kamay ko. Halos magsalubong ang mga
kilay niya at tumalim ang tingin niya sa direksyon namin. Nakalabas pa ang kanyang
pangil na parang asong handang mangagat.

Nabaling ang tingin niya sa 'kin. "Did you let that man inside our clubroom? Did he
materialize out of thin air or did he emerge from a pentagram?"

Kung makapagsalita siya, parang isang wizard ang kanyang kapatid na pwedeng
sumulpot kahit saan. Damang-dama ko sa boses ni Loki ang kanyang tila kinikimkim na
galit sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Ang sabi niya, may problema siyang gustong idulog sa 'tin," sagot ko.

"Oooh," naningkit ang mga mata ni Loki nang muling nabaling ang kanyang tingin kay
Luthor. "So there are problems that the master manipulator can't solve with all the
resources and schemes you have hidden in your sleeves.

You disappoint me."

"I was preoccupied by another problem," his brother didn't give in to Loki's
hostile attitude to him. Hindi siya nagpatinag at nanatili siyang kalmado.
"Besides, the problem which I will refer to you needs an outsider's hand."

"Sorry but we don't accept suspicious requests." Itinuro ni Loki ang nakabukas na
pinto. "Sorry but I have to ask you to leave."

"May I remind you that I am the chairman of the committee on non-mandated


organizations," tugon ni Luthor. "Kahit hindi na-meet ng Q.E.D. Club ang required
number of members, inaprubahan ko ang renewal ng inyong club. I'm expecting that
you will express gratitude by doing me a favor. If you chose not to, it would be
quite easy for me to reverse your club's status into 'dissolved.' Perhaps I should
give this room to the Paranormal Club. They have been requesting for ages."

Napatingin sa 'kin si Loki. "I told you that he's evil, didn't I? See what I mean?"

"Should we now discuss it or should I leave and make sure that your club crumbles
to dust?" tanong ni Luthor bago siya umupo sa swivel chair ni Loki. Walang sigla
ang kanyang boses pero mararamdaman mo ang pagbabanta sa bawat salita.

Naghihimutok na lumapit sa mesa si Loki, sinadyang biglaang hilain ang upuan para
lumikha ng malakas na kaluskos bago siya umupo. They are already in their teens but
why do they act like they're eight years old?

"This is a confidential matter," panimula ni Luthor, napatingin muna kay Loki bago
sa 'kin. "A friend of mine is being blackmailed by someone."

"Oh, you have a friend? Or do you mean a pawn?"

Luthor

ignored his insult and continued, "A student named Charles Meliton is in possession
of compromising photographs of my friend. In exchange for not sharing the photos to
others and for not uploading them online, he's asking for three thousand pesos per
photo. We don't know how he got those materials, but it's certain that he has
them."

Kung gano'n, isang blackmailing incident ang gusto niyang imbestigahan namin. Ang
akala ko mas mabigat na kaso ang ire-refer niya dahil involved ang tulad niyang
taga-student council.

"This isn't the first occasion that Charles attempted to extort money from a
student," he continued. "We have received reports before that he's fond of preying
into the secrets of students with money and power. No one knows where he gets those
files, documents, photo or videos. You may call him a serial blackmailer."

"So anong gusto mong gawin namin?"

"I want you to retrieve the storage device containing the compromising photos along
with everything he's got on other students."

Loki crossed his arms across the chest and his right leg started fidgeting. "I
can't imagine why you can't solve this petty problem on your own. Sinasayang mo
lang yata ang oras namin na dapat sana'y pwede naming gamitin sa iba pang bagay."

"Just so you know, Charles knows every officer in the council and the students who
are affiliated with us," paliwanag ng kanyang kapatid. "His awareness makes every
move from our side risky. Kapag nalaman niyang kumikilos kami para ma-retrieve ang
mga litrato, posibleng maisipan niyang huwag nang ituloy ang deal at i-upload na
ang mga 'yon. That's where you come in,

a third party who isn't under the influence of the council."

Tumayo na ang aming kliyente at nagtungo sa pintuan. "I will ask one of my
colleagues to bring you the files we have on Charles. I hope you can come up with a
plan to end his villainy probably until tomorrow. Once you accomplish the task
without a glitch, consider us even. By the way, Miss Lorelei, I'd like to get to
know you more. I hope we can talk over a cup of tea one of these days."

And then he walked out of the room, leaving no traces that he had been inside our
office.

Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, pinuntahan ni Loki ang kanyang swivel
chair at inilayo ito mula sa mesa. "Mukhang kailangan kong mag-request ng bagong
upuan. I could still feel his eerie presence by staring at that chair."
Napaka-exaggerated naman ang reaksyon niya. Inupuan lang ng kapatid, ipapapalit na
niya? Gano'n ba katindi ang galit niya kay Luthor?

"If he invites you to a tea party, kindly decline his offer or ignore his
invitation completely," hinila niya ang isang monobloc chair at inilagay sa dating
pwesto ng kanyang swivel chair. "I hope that you won't cross paths with him again."

"To be honest, I'm surprised that you didn't tell me your brother is the vice
president of the student council," sabi ko sa kanya.

"Oh, I didn't?" Bahagyang napakunot ang kanyang noo. Medyo hindi siya komportable
sa bago niyang upuan. "I thought you already got it via subtext. By the way, don't
be deceived by his title as vice president."

"Huh?"

"My brother is more than just a spare tire to the president. He's not just the vice
president

of the student council. He is the student council."

Lalo kong hindi naintindihan ang gusto niyang sabihin. If there's someone who
represents council, it's the president-the highest position in the student
hierarchy-not the second-in-command.

"Wrong!" Tila nahulaan niya kung anong pumasok na thought sa isip ko. "The
incumbent president is only a puppet while my brother is the one who's pulling the
strings. He prefers to work in the shadows than step into the spotlight."

"At bakit kung makapagsalita ka kanina, parang asar na asar ka sa kanya? Parang
siya na ang pinaka-kinasusuklaman mong tao sa mundo?"

He darted a curious stare and answered, "You're fortunate enough that you didn't
have him as a sibling. Kung ikaw siguro ang nasa posisyon ko, you will probably
feel the same."

Pagpatak ng lunch time, dumaan sa clubroom ang isang estudyanteng hindi man
nagpakilala sa amin at ibinigay ang isang folder na may logo ng aming school.
Nakapaloob doon ang student records ni Charles Meliton at iba pang detalye tungkol
sa buhay niya.

Kapag nakita mo ang student ID photo niya, hindi mo aakalaing magagawa niyang mam-
blackmail ng kapwa estudyante. Mukha kasi siyang inosente sa litrato at parang
walang muwang sa kasamaan ng mundo. Nakadagdag pa roon ang abot-tenga niyang ngiti.
Napaisip nga ako na baka naligaw ang litratong 'to sa file ni Charles.

Pero sabi nga nila, looks can be deceiving. Hindi por que mukhang tupa, maamo na.
There are some wolves who are hiding in sheep's clothing.

"Hmm..." Ikinalat ni Loki ang bawat pahina ng student records ni Charles sa mesa.
Partikular siyang

nakapokus sa class schedule ng aming target. Kahit na mukhang ayaw niya sa kanyang
kapatid, ganado pa rin siyang lutasin ang problemang idinulog nito a amin. "This is
the only piece of information that matters. Everything else can be deleted."

Tumingin din ako sa class schedule. Ahead pala ng one year sa 'kin itong si
Charles. "Anong binabalak mo?"
"Iniisip ko kung anong oras tayo dapat umatake sa kanya," napahimas sa kanyang baba
si Loki habang nakaturo sa time range ng bawat klase ng target. "Obviously, we
can't approach him during class discussions. Medyo risky din kung ia-ambush natin
siya sa break o lunch time niya. Hmm..."

"Paano kung sa PE class nila bukas?" itinuro ko ang eight to nine o'clock na
schedule ni Charles. "Dahil magpapalit siya ng damit para mas maging komportable
siya sa kanilang physical activity, seguradong ilalagay niya lahat ng kanyang gamit
sa locker. Gano'n kasi ang ginagawa ko kapag PE class namin. 'Di ba sabi mo, meron
kang master's degree sa lockpicking? Hindi magiging problema sa 'yo ang pagbubukas
ng kanyang locker."

Napatango sa 'kin si Loki. "Good thinking. Posible nga 'yon. Ang tanong: Paano tayo
makasisiguro na dala-dala nga niya kung saan man naka-save ang mga litrato?"

"Saan ba niya pwedeng ilagay 'yon?"

"Pwede sa flash drive, external hard drive o sa memory card ng kanyang phone. Kung
medyo old school siya, posibleng sa floppy disk. But would he carry it around the
school, knowing that people like us might be after him?"

Obviously, hindi namin siya pwedeng tanungin na "Hey, dala mo ba 'yong device kung
saan naka-save ang mga

pam-blackmail mo?" Hindi rin niya pwedeng matunugan na nagmamanman kami sa kanya
kundi baka lumala ang sitwasyon.

"Anyway, we will just find out tomorrow," muling ibinalik ni Loki ang lahat ng mga
papel sa folder. "In case na hindi niya dala at iniwan niya sa kanyang dorm, I have
an idea on how we could get it. Pwede ka ba bukas sa ganyang oras?"

"Magagawan ko ng paraan." Values Education ang subject namin sa mga oras na 'yon.
Hindi naman makakaapekto sa academic performance ko kung mag-i-skip ako ng klase.

Teka, bakit willing akong um-absent para sa imbestigasyong ito?

***

Kinabukasan, pagpatak ng alas-otso ng umaga, pumasok sa classroom sang Values Ed


instructor namin-si Sir Jefferson Rivera. Habang binubura niya ang nakasulat sa
whiteboard, lumapit ako sa kanya.

"Sir," tawag ko sabay hawak sa aking ulo, "medyo nahihilo ho ako ngayon. Pwede ho
bang pumunta muna ako sa clinic?"

Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa 'kin. "Naku, Miss Rios, mukhang
namumutla ka nga. Gusto mo bang ihatid kita sa clinic? May oras pa bago mag-start
ang klase natin."

"Huwag na ho, sir, nakakahiya sa inyo. Kaya kong pumunta nang mag-isa roon."

"Segurado ka? Baka mahimatay ka sa daan?"

"Magtiwala ho kayo sa 'kin."

Pinayagan niya akong ma-excuse muna sa kanyang klase. Mabagal akong naglakad
palabas ng classroom, pinanindigan ang pagkahilo para mas mapaniwala ko ang
instructor namin pati ang mga kaklase ko. Gusto nga akong samahan ni Rosetta pero
sinabi kong kaya ko na ang sarili ko.
This is the first time I lied to my prof and feigned illness to excuse

myself. Pero hindi kagaya ng iba na umaarte lang na may sakit para makapagbulakbol,
may "noble cause" ang ginawa ko.

Gaya ng pinag-usapan namin kahapon, nagkita kami ni Loki sa tapat ng gymnasium.


Mukhang nagsimula na ang klase nina Charles sa PE dahil nakita ko siyang nag-i-
stretching kasama ang mga kaklase niya. Nakasuot siya ng puting shirt na may logo
ng school at maiksing short. Talagang hindi mo aakalain na ang maamo niyang mukha
ay may tinatagong kasamaan.

"Here's what we do. I will go inside the men's locker while you wait outside," sabi
ni Loki. "Everyone's busy with their activity so this is the Charles' most
vulnerable moment and our perfect opportunity to strike. Keep an eye if there's
someoone going in the locker room. Umubo ka ng tatlong beses kapag may nai-spot-an
ka. Understood?"

"Okay," tumango ako.

"Then let's begin."

Pasimpleng pumasok si Loki sa locker room ng mga lalaki habang ako'y naiwan sa
labas malapit sa pinto. I took my phone, put it near my right ear and pretended
that I was calling someone. Pasulyap-sulyap din ako sa kinatatayuan nina Charles
ilang metro mula sa 'kin. Baka kasi bigla nila maisipang pumasok sa locker room
dahil may nakalimutan sila.

Halos sampung minuto na siguro ang lumipas bago nakalabas si Loki mula sa loob. I
was expecting him to flash a wide grin of victory. Pero ang bumungad sa 'kin ay
ilang pag-iling at dismayadong mukha.

"Kung gano'n, wala pati sa kanyang damit o bag?"

"Kinalkal ko na lahat pero wala akong nakita maliban dito." Ipinakita niya sa 'kin
ang screen ng kanyang phone kung saan naka-display ang litrato ng isang

papel na may sulat.

Sorry but what you're looking for is not here. :P

"A-Alam ba niya kung ano ang binabalak nating gawin?"

Ibnulsa ni Loki ang kanyang phone at nabaling ang tingin sa direksyon nina Charles.
"I highly doubt it. Mukhang matagal nang nakadikit ang papel na 'yon sa loob ng
locker niya. He must be expecting someone to force it open way before we got
involved in this case."

"Posible kayang nasa bulsa ngayon ng shorts niya ang hinahanap natin?"

"Delikado kung ilalagay niya roon," sagot ni Loki. "Kung flash drive 'yon,
posibleng malaglag habang tumatalon-talon siya riyan. Kung external hard drive,
medyo may kabigatan sa bulsa. Pero ang pinagtatakahan ko, bakit hindi niya dala ang
kanyang phone? Bago ka pa dumating dito, kanina ko pa inoobserbahan ang kilos niya.
Not even once did he put out his phone. Normally, you would bring your phone to
school para kung sakaling may emergency, pwede kang makapag-text o tumawag."

"So you think na nakatago sa phone niya ang kanyang mga pam-blackmail? Paano kung
wala talaga siyang phone?"
"That's impossible. May inilagay siyang contact number sa kanyang student record
kaya segurado akong may phone siya. Now it is possible that while he and my
brother's friend haven't reached a deal yet, he hid the phone away from anyone's
reach. Anyway, it's now time for Plan B."

"And what's Plan B?"

Ngumiti lamang siya sa 'kin sabay sabing, "By the way, did you know that Charles
lives in the White Hostel?"

Kahit hindi niya sabihin, mukhang alam ko na kung ano ang balak niyang gawin.

***

Pagpatak

ng alas-kwatro ng hapon, dumiretso kami ni Loki sa nasabing White Hostel kung saan
nangyari ang isang murder case noong isang araw. Ayon sa student record ni Charles,
mag-isa siyang nakatira sa Room 307 sa may third floor.

"Balak mo bang pasukin ang kwarto niya at halughugin kung nandoon ang kanyang
phone?" tanong ko sa aking kasama. Nakatambay kami malapit sa bandang dulo ng
hallway, malapit sa fire extinguisher at fire alarm. Tatlong kwarto mula rito ay
ang Room 307.

Bago pa siya makasagot, nakita namin si Charles na lumabas ng elevator at naglakad


patungo sa kanyang kwarto. Ipinasok niya ang kanyang susi sa doorknob at tumuloy sa
loob.

"Teka, may iba kang pinaplano," hirit ko nang mapagtantong may mali sa nauna kong
sinabi. "Kung balak mo talagang mag-trespass sa kwarto niya, kanina pa dapat tayo
pumunta rito, noong wala pa siya."

"Very astute, Lorelei." Tumalikod siya sa 'kin at sinuri ang katabing fire alarm.
"If you ask me, masyadong ma-effort kung gagawin ko 'yong sinabi mo. It will also
take time to search for that phone. There's also a possibility that he hid the
phone very well, making it impossible for anyone to find it. That was the initial
plan. Then I thought of something that's less time consuming and more thrilling."

Here he goes with his preference to "thrilling" solutions rather than simple ones.
Sa pagkakasabi niya sa salitang 'yon, mukhang may balak na gawing kalokohan itong
si Loki na hindi ko magugustuhan.

"At paano mapapadali ang paghahanap natin?" Napatingin ako sa mga estudyanteng
palakad-lakad sa hallway. 'Yong iba'y napapasulyap sa amin

marahil dahil nakatambay kami rito.

"We will force him to bring the phone to us," he said confidently as if he was
certain that his plan would work out fine. "By the way, you know how to run, don't
you? Let's meet at the lobby in a short while."

"Ano bang pinapl-"

KKKKKRRRIIIIIIIIINNNGGGG!

Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng ingay matapos niyang biglang pindutin ang
fire alarm. Sa isang gilap, nagsilabasan ang mga estudyante sa iba't ibang kwarto
at nagsitakbuhan. May ilang nataranta, may ilang hindi alam kung kakaliwa o
kakanan. May mga nagsisigaw pa ng "Sunog! Sunog!" kaya lalong nag-panic ang lahat.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?!" tanong ko kay Loki habang nakatakip ang tenga
ko.

"I'm creating chaos to lure him out," nakingisi niyang sagot. Mukhang ine-enjoy pa
niya ang nababahalang pagmumukha ng mga estudyanteng dumadaan sa gilid namin.

Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Charles, lumingon-lingon muna sa paligid, tila


pinag-iisipan kung saan mas ligtas dumaan kahit wala namang apoy o usok. Nataon na
pinili niyang tumakbo sa direksyon namin.

Tumakbo papunta sa kanya si Loki at sinadya siyang banggain, dahilan para mapaupo
sila sa sahig.

"Tingnan mo nga 'yang dinadaanan mo!" sigaw ni Charles sa kanya. Ang inosente
niyang mukha, naging kasing tapang at bagsik ng tigre. Ganyan talaga siguro kapag
nalalagay sa desperadong sitwasyon. Minsan, nahuhulog ang mga maskarang suot natin.

"Pa-Pasensya na," inalalayan pa ni Loki na tumayo ang aming target bago siya
nagpatuloy sa pagtakbo.

Then I saw him raise a thumbs up sign, senyales na naging

matagumpay ang plano niya. Sumabay na ako sa bugso ng mga estudyanteng pababa sa
hagdanan at nagmadaling nagtungo sa lobby.

Mukhang sa mga sandaling 'yon, hindi pa alam ni Charles na nakuha na sa kanya ang
pinanghahawakang alas.

***

Hindi ko na siguro kailangang idetalye pa ang mga sumunod na nangyari. Pagtapos


makuha ni Loki ang phone ni Charles, tinanggal niya ang memory card nito at
isinaksak sa isang computer. Nakapaloob doon ang iba't ibang dokumento, litrato at
video na talagang makakasira sa reputasyon ng sinuman.

Dumating ang isa sa mga tauhan ng student council para kunin ang memory card. Sila
na raw ang bahalang gumawa ng aksyon laban sa serial blackmailer.

At dahil natapos na ang kaso, wala nang dahilan upang manatili pa ako rito sa
campus. May gagawin pa raw si Loki sa clubroom kaya nagpaalam na akong maauna sa
kanya.

Nang makababa ako sa ground floor, bumungad sa 'kin ang isang pamilyar na mukhang
ilang araw ko ring hindi nakita.

"Congratulations for another case closed... though I heard you caused a ruckus in
the hostel," bati ni Margarette, nakasandal siya sa pader habang nakakrus ang mga
braso. "You really seem to be enjoying Loki's company. Don't tell me that you're
already falling for him?"

Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? Ni minsa'y hindi sumagi sa isip ko na mahuhulog


ang aking loob kay Loki. "Ang akala ko ba, hindi mo na ako guguluhin pa?"

"I did say that I won't bother you anymore. But that doesn't mean I won't appear
before you again."
"Okay, so what do you want this time?"

"I'm

here to deliver a message," sagot niya at saka lumapit sa 'kin. "The vice president
wants to meet you. He's at the cafeteria, waiting for the pleasure of your
company."

Biglang nanindig ang mga balahibo ko. Kahit wala rito ang kapatid ni Loki, parang
damang-dama ko ang presensya basta't mabanggit ang kahit anong salitang may
kaugnayan sa kanya.

Loki advised me to not accept the invitation, but I'm tempted to meet the person
and know more about him. Between what Loki told me and meeting him myself, I could
say that he's a mysterious and shady at the same time. Parang gusto ko pa siyang
lalong makilala at malaman kung bakit gano'n katindi ang galit ng roommate ko sa
kanya.

Wala rin akong gagawin ngayong hapon kaya pumayag ako sa imbitasyon. Hinatid ako ni
Margarette sa cafeteria, ni minsa'y hindi kami kumibo habang naglalakad. Come to
think of it, hindi man siya humingi ng tawad sa ginawa nilang pagdukot noong
nakaraang linggo. Parang balewala sa kanila ang kaunting pahirap na ipinatikim nila
sa 'kin.

Dapat nakasara na ang cafeteria sa ganitong oras. Wala na kasing estudyanteng


pumupunta rito para mag-order. Pero para yata sa pagkikita namin ni Luthor, nag-
extend sila nang kaunting minuto.

Nakita ko siyang nakaupo sa may pabilog na mesa, nakatalikod sa 'kin. Hindi na


sumunod si Margarette nang lumapit ako sa taong gusto akong makita.

"Please take a seat," he gestured to the chair opposite of his. "I apologize for
asking you to meet me this late."

Napakapit ako sa aking mga tuhod. Talagang iba ang aura na nararamdaman ko sa
lalaking 'to.

"I also apologize for abducting you last

week," sabi niya nang hindi ako sumagot. "We needed to resort to such methods since
you don't want to leave the club that my brother is proud of. We also wanted to
test his resolve if he's willing to save you in case you were really abducted."

"Bakit n'yo ba ako pinipilit na umaalis sa Q.E.D.?"

Hinipan muna niya ang kanyang mainit na kape-base sa amoy nito-at humigop nang
kaunti bago sumagot. "Maggie told you repeatedly that she wanted to help you. The
truth is, we want to protect you from any danger that may be caused by your
association with my brother. I heard that you were informed about Rhea, Loki's only
friend and his former associate in the club."

"Ang sabi ni Loki, pinatay siya ng isang taong kilala bilang M."

"And why would they kill an innocent lady?"

"Dahil naging close siya kay Loki?"

Ibinaba ni Luthor ang hawak na tasa at tinitigan ako sa mga mata. Hayan na naman
ang nakakapangilabot niyang tingin. "According to the laws of celestial mechanics,
when two objects collide, there's always damage of a collateral nature. More than
half a year ago, my brother investigated some seemingly related cases involving
someone who's only known with the initial M and foiled his plans. M retaliated by
killing my brother's only friend, delivering a heavy blow to my brother. Rhea has
become the collateral damage."

Hindi masyadong ikinwento ni Loki noon kung ano talaga ang nangyari kay Rhea
maliban sa pagpatay sa kanya. It's quite a news to me to hear that he and the
mysterious man he's after have already crossed paths before.

"And what does that have to

do with my abduction?" Maging ako, napagaya na sa kaka-English niya.

"M is still active and you, being the closest person to Loki, might become the next
collateral damage," he answered. "As much as possible, we want to prevent that from
happening that's why I asked Maggie to convince you to leave. But you didn't... as
if you are willing to take the risk."

Our eyes maintained contact. "If I were to be a collateral damage, then I need to
be prepared, don't I?"

Napangiti si Luthor at nabaling ang tingin sa kanyang inumin. "Now I get it why my
brother feels comfortable around you. I knew him since we were little boys. He has
hard time connecting with people. But with you, I guess it went too easy."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Do you know why my brother founded Q.E.D.?" he answered my question with another
question. "Because Loki is attracted to mysteries. And you, Lorelei, are a mystery
to him. He doesn't see you as a person. He sees you as a puzzle to solve. It's also
possible that both of you have a tragic past that you want to escape from. And
that's why you two established a connection. Loki lost someone important in his
life. How about you? Did something happen in your previous school?"

Tsss... Dapat siguro'y nakinig ako kay Loki noong sinabi niyang hindi dapat ako
makipagkita sa lalaking 'to.

"Ngayon, mukhang alam ko na kung bakit naiirita ang kapatid mo sa 'yo. You think
you know who everyone is by just looking at them. You think you're smarter than
most of us. Now if you will excuse me."

Tumayo na ako't naglakad patungo sa exit ng cafeteria. Iniwan ko siyang humihigop


ng kape. Sana mapaso ang dila niya.

"Just one more thing, Lorelei."

Napahinto ang mga paa ko't humarap sa kanya. He didn't turn his head to my
direction. Ano naman kayang huling hirit niya?

"If my deduction is correct, Loki is only using you to lure out M. But let's both
hope that I'm wrong."

###

What can you say about the case and about Lorelei's and Luthor's encounter?

And now, for the next chapter...


"Loki, tulong... Tulungan mo ako!"

"Don't me blame, Lorelei. Blame that detective who loves prying into other people's
business."

"I have waited so long for this moment, M."

=================

Volume 1 • Chapter 10: Madonna, Michelle, Mylene, Moriya

A/N: A MUST-READ for everyone.

LORELEI

LAHAT NG kalokohan, kahit gaano pa kalaki o kaliit, may kabayaran. Kahit na para sa
ito sa mabuti o masama, sisingilin ka pa rin.

'Yan ang dapat matutuhan ni Loki. Ever since I met him, he had been using
unorthodox methods and cunning tricks to get the job done. Ako mismo'y naging
biktima ng katusuhan niya mula nang mangyari ang secret admirer case. Ilang beses
din siyang nakalusot pero sa pagkakataong ito, hindi na siya makakatakas.

Maaga siyang pinatawag sa Office of Student Affairs matapos ma-report ang ginawa
niyang kalokohan kahapon sa White Hostel. Kung hindi n'yo natatandaan, pinindot
lang naman niya ang fire alarm button dahilan para mag-panic ang mga nakatira doon.
Sabi nga niya, he created chaos to lure out the target. Little did he know that the
things he didn't care for would haunt him.

Nakausap ko pa siya bago sinimulan ang kanyang paglilitis. Dahil isang false alarm
ang nangyari sa hostel, ipinagtanong ng mga otoridad kung sino ang posibleng gumawa
ng prank na 'yon. Nataon na may nakaalala kay Loki na nakatayo malapit sa fire
alarm ilang sandali bago ito tumunog.

Wala ang prof namin sa English at nag-iwan lang ng seat work kaya tumambay muna ako
sa clubroom habang nagsusulat ng mga example ng figures of speeches. Pasado alas-
diyes ng umaga nang makabalik si Loki, pasipol-sipol pa at pa-relax-relax lang.

"O anong nangyari?"

"Because of causing unnecessary ruckus yesterday, OSA decided to suspend me for a


week," umupo siya sa monobloc chair na humalili sa paborito
niyang swivel chair. Walang kahit anong bahid ng pagkabahala sa kanyang mukha. "But
as expected, my brother waved his wand and I got my suspension lifted."

Mentioning his brother reminded me of what Luthor said yesterday.

"If my deduction is correct, Loki is only using you to lure out M."

There's no doubt that the possibility exists. Meron na akong ideya kung ano ang
kayang gawin ni Loki kaya hindi malayo sa imposible na ipinapain niya ako. But
somehow, my instinct told me to trust him and his goodness. He may be manipulative
but I have a feeling that it has its limits.

"O, bakit ka natulala riyan? Malungkot ka ba dahil hindi natuloy ang pagsuspende sa
'kin?" Iniunat niya ang kanyang mga braso habang nakatingin sa 'kin.

"Hindi ko lang ma-imagine kung paano ang clubroom nang wala ka," sagot ko. "Dapat
magpasalamat ka sa kuya mo dahil kundi sa kanya, hindi ka muna makakapasok dito."

He rolled his eyes and cocked his head, facing the ceiling. "Why should I? In the
first place, siya ang humingi ng tulong sa 'kin kaya dapat siya ang magpasalamat. I
won't thank him even out of courtesy."

Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung kumusta ang dalawang 'to noong mga bata pa
sila. Loki's very hostile to his brother while Luthor maintained his composure
kahit na ano ang pagsasabihin ng kapatid niya.

"By the way, did you know that my brother's friend who was being blackmailed is
actually the student council president?"

"Talaga?" Nakakagulat malaman na ang pinakamapangyarihang estudyante rito sa Clark


High School ay muntikan nang mapaluhad ng isang oportunistang

lalaki. At mas nakakagulat ay kung paano nagkaroon ng compromising photographs ang


karespe-respetong tulad niya. Ano kaya ang nasa laman ng mga litrato at bakit
"compromising" ang ginamit na term ni Luthor?

"And you will be surprised to know that Charles Meliton is connected to a problem
brought to us by another client. Natatandaan mo pa ba 'yong magandang babae na
sinisiraan sa isang Facebook page?"

"Si Madonna Barcelon 'yon, kung tama ang pagkakatanda ko sa pangalan niya. Paano
naging konektado ang dalawang kaso?"

"Si Charles ang nam-blackmail kay Ella dela Cruz, ang traydor na kaibigan ni Donna,
para makakuha ng mga impormasyong makasisira sa dati nating kliyente," paliwanag ni
Loki habang pilit na ginagawang rocking chair ang upuan. "Ginawa raw ni Charles
'yon kapalit ng mga compromising photograph ng student council president."

Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin sa kanya. "Ang ibig sabihin ba nito, may
iba pang party na involved sa kasong 'yon?"

"Someone who's interested in the student council elections..." he muttered.


"Charles has no idea as to the identity of that person. They only communicated via
phone and the other guy sent the photos to Charles through a dummy email."

Kahina-hinala ang mga detalye. If Loki's information is true, we barely scratched


the surface of two intertwined mysteries. Kung iisipin, masyado yatang coincidence
na may pisi palang nagkokonekta sa dalawang magkahiwalay na kasong inimbestigahan
natin. Sabi nga nila, "the plot thickens."

Sa sandaling 'yon, naantala ang pag-uusap namin nang may biglang kumatok at bumukas
sa pinto. Pumasok ang isang babae na hanggang

tenga ang haba ng buhok, may suot na bilog na salamin. Base sa mahinhin niyang
galaw at maliliit na pagkilos, mukhang mahiyain ang bagong dating naming kliyente.

"Na-Nakakaistorbo ba ako?" Parang bumubulong siya sa kanyang pagsasalita. Malamang


gano'n talaga kahina at kaliit ang kanyang boses.

"Wala naman kaming ginagawa ngayon," sabi ko sabay sara sa aking notebook sa
English. Itinuro ko ang upuan malapit sa 'kin. "Umupo ka muna."

Dahan-dahan siyang lumapit sa monobloc chair at umupo. Kasing tahimik ng paggalaw


ng isang batikang ninja ang bawat pagkilos niya.

"Ano ang maitutulong namin sa 'yo?"

"Kasi..." napatingin muna siya sa sahig, napakapit sa kanyang tuhod bago lumakas
ang loob na harapin kami. "Nawawala kasi ang kaklase ko. Segurado akong kilala n'yo
siya dahil minsan na siyang humingi ng tulong sa inyo."

"Marami na kaming naging kliyente. Sino 'yang tinutukoy mo?"

"Si Madonna Barcelon."

Nagkapalitan kami ng tingin ni Loki, bahagyang napakunot ang noo ko. Kani-kanina pa
lang ay pinag-uusapan namin ang babaeng 'yon. Ngayon, mukhang sangkot na naman siya
sa isang kaso.

"Magkaklase kami kasi ni Madonna at magka-dormmate pa," kwento ng babae. "Mag-aala-


singko kahapon nang pinuntuhan ko siya sa Theater Club para humiram ng susi sa dorm
namin. Nakalimutan ko kasi 'yong sa akin sa loob. Ang sabi niya, bandang alas-
siyete na siguro siya makakauwi kasi kailangan pa niyang ayusin ang mga props na
gagamitin nila para sa practice ngayong araw. Hinintay ko siya hanggang alas-diyes
pero hindi siya umuwi sa dorm."

"And because of that, you concluded

that she's already missing?" Loki let out a soft chuckle. "Malay mo pumunta siya sa
boyfriend niya? I've known from her story that she likes hooking up with other
guys."

Nagmukhang napahiya ang kliyente, malamang naisip niyang nagkamali siya ng desisyon
na pumunta sa amin. "Pero... hindi kasi siya pumasok kanina sa klase. Ilang beses
kong tinawagan ang phone niya pero out of coverage area. Tinanong ko rin ang mga
lalaking posible niyang pinuntahan kagabi pero ang sabi nila, hindi nila nakita o
hindi sila kinontak ni Madonna. Ipinakita ko rin sa guard na nagbabantay sa
entrance ang picture niya para itanong kung may napansin siyang kasama ni Madonna,
pero ang sabi, ni hindi man daw niya napansin na lumabas ang kaibigan ko."

Damang-dama ko sa kanyang boses ang labis na pag-aalala para sa kaibigan. Kung lagi
silang magkasama mula dorm hanggang sa classroom, talagang mas magiging close
silang dalawa.

"Ini-report ko na rin 'to sa Campus Police pero ang sabi nila, hindi nila mako-
consider na missing person case ito dahil wala pang bente-kwatro oras mula nang
mawala si Madonna."
I shot a sideward glance to Loki, hoping that he has some input. "Ano sa tingin
mo?"

"I think I'm not interested in this one," biglang tumayo si Loki at ngumiti sa
aming kliyente. "Sorry but I don't think your case is worth our time. Maybe your
friend went somewhere and forgot that she has class today. When it's confirmed that
she's really missing, you can return to us or leave the case to the Campus Police.
You may leave."

How rude of him! Hindi por que't hindi niya gusto ang problemang inihain sa kanya,

basta-basta na lang niya papaalisin ang kliyente.

Humarap ako sa babae at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Segurado ka
bang wala siyang ibang pinuntahan kahapon? Talaga bang malakas ang kutob mo na
nawawala o may nangyari sa kanya?"

Halos maiyak na ang babae, halatang pinipigilan niya ang pagtulo ng kanyang mga
luha. "Kung may balak siyang puntahan o biglaang lakad, lagi niya akong kinokontak.
Pero dahil hindi niya ako tinext o tinawagan kahapon, baka nga... baka nga may
nangyari sa kanya. Malakas din ang kutob ko na dito mismo sa campus may nangyari sa
kanya."

"Lorelei, it's not worth our time," hirit ni Loki. "Baka napa-paraoid lang ang
babaeng 'yan."

"If you think Madonna's not missing, then we have to prove it to her para mapanatag
ang loob niya," kontra ko. "That's what this club does, right? We help people."

"Actually, we only solve cas-"

"-which has the same essence as helping people."

Ilang segundo rin kaming nagkatingin ni Loki. Tinitigan ng mga seryoso kong mata
ang sa kanya na nanatiling kalmado at walang pakialam. Sa bandang huli, ako ang
nanalo nang napatingin siya palayo.

"Very well, we will prove to-wait, what's your name, miss?"

"Geneva Montero."

"Okay, we will prove to Geneva that her friend is not missing and went somewhere
else."

"At paano mo mapapatunayan 'yon?"

"First, we need to disprove her claim that something happened to Madonna while
inside the campus premises," inilibas ni Loki ang kanyang phone at may idinial sa
screen nito. "There's only one entrance and exit in the high

school building and there's a CCTV camera installed to monitor who's entering and
leaving. Fortunately, I have contacts in the security office. We can ask them to
show us the CCTV footage yesterday and check if Madonna left the school building."

Matapos niyang tumawag sa kung sinuman ang kontak niya, kaagad kaming bumaba kasama
si Geneva sa ground floor. Nasa bandang dulo ng hallway matatagpuan ang security
office. Pagpasok namin, binati kami ng isa sa mga personnel nito at inihatid sa
monitoring room.
Mukhang malakas talaga si Loki pagdating sa mga otoridad. Una, kay Inspector
Estrada. Ngayon, sa head ng security office. At least, nagagamit namin ang mga
koneksyon niya para makatulong sa paglutas ng mga problema.

"Anong oras mo huling nakita si Madonna?" tanong ni Loki kay Geneva habang pina-
fastforward ng staff ang CCTV footage kahapon.

"Bandang quarter to five yata."

Isinakto sa 4:45 PM ang oras sa footage. Makikita sa video na karamihan sa mga


estudyanteng dumaraan ay papalabas ng high school building. Bandang 4:55 nang
makita naming pumasok sa frame si Geneva at nagtungo sa exit kasama ang iba pang
mga estudyante.

Binilisan nang kaunti ng staff ang pag-play ng footage dahil nakakaantok panoorin
ang mabagal na paglalakad ng mga estudyante. Tutok na tutok si Geneva sa monitor,
sinusuri ng kanyang mga mata ang bawat taong pumapasok sa frame.

Mula ala-sais hanggang alas-siyete, mabibilang sa daliri ang mga estudyanteng


lumalabas pero karamihan sa kanila'y mga lalaki. Pagpatak ng 7 PM sa video, umalis
ang naka-duty na guard sa kanyang desk. Mahigit tatlumpung

minuto rin bago siya nakabalik. And in the span of thirty minutes, no one, not even
a shadow, left the building.

Napailing si Geneva at napatingin sa aming dalawa ni Loki. "Sabi ko na nga ba,


hindi siya umalis ng school building."

"Baka namalik-mata ka lang," sagot ng aking kasama. "Baka hindi mo namalayan na


nakalabas na pala siya. Paki-play nga ulit."

At muling inulit ng security staff ang pag-play ng video. Sa pagkakataong 'to,


pareho na kaming nakatututok ni Loki sa screen. Kahit na dalawang beses pa lang
kami nagkita ni Madonna, alam ko kung ano ang itsura niya, haba ng kanyang buhok at
kung paano siya maglakad.

Muling natapos ang panonood namin ng video pero ni anino ni Madonna, hindi namin
nasulyapan. Posible nga kayang nawawala siya?

"Wala bang ibang exit dito?" tanong ko. "Baka doon dumaan si Madonna kung umalis
man siya."

Umiling ang security staff at napatingin sa akin. "Wala ho, ma'am. Talagang iisang
entrance at exit ang meron tayo rito."

"Ang guard ba na nasa video na 'yan ay ang guard na naka-duty ngayon?" tanong ni
Loki.

"Oo, si Muldong. Siya ang naka-duty ngayong linggo."

Sumenyas si Loki sa 'kin at naunang lumabas ng monitoring room. Sumunod ako sa


kanya kasama si Geneva.

"Ano? Naniniwala ka pa rin bang hindi ito missing person case?"

"To be honest, I'm more thrilled now that a seemingly boring case has turned into
an engaging one. If Madonna didn't leave the building, she was probably brought
somewhere and killed. Then this would turn into a missing corpse case!"
Dinig na dinig ko ang pagkasabik niyang malaman kung anong

nangyari kay Madonna. Kaso hindi ito ang tamang panahon para ipakita niya ang
kanyang excitement sa kasong ito.

Napalingon ako kay Geneva at napansin ang magkahalong kalungkutan at pagkabahalang


nakapinta sa kanyang mukha.

"Loki, timing!"

Nakarating kami sa guard desk ng building entrance kung saan nakaistasyon ang
maitim at pandak na lalaking nakasuot ng security guard's uniform. Nahuli namin
siyang naglalaro ng Clash of Clans habang pasulyap-sulyap sa mga estudyanteng
dumaraan.

"Excuse me, sir," bati ni Loki. "Itatanong sana namin kung may napansin kayong
babae kahapon na kulot-kulot ang buhok. Pasado ala-singko na siguro siya umuwi."

Mabilis na itinago ni Kuya Guard ang kanyang phone. "Maraming kulot na babaeng
dumaraan dito kaya baka hindi ko matandaan kung sino 'yang tinutukoy n'yo."

Inilabas ni Geneva ang kanyang phone at ipinakita sa guard. "Kuya, ako 'yong
nagtanong sa 'yo kanina. Iko-confirm sana namin kung talagang hindi n'yo siya
nakitang dumaan."

Naningkit ang mga mata ng guard habang pinagmamasdan ang larawan. Makalipas ang
ilang segundo, umiling siya. "Imposibleng hindi ko mapansin ang ganyang kagandang
babae. Medyo matalas kasi ang memorya ko sa mga magaganda ang mukha."

"Gano'n po ba..." dismayadong tugon ni Geneva, muli niyang ibinulsa ang kanyang
phone.

"Teka, uso ba ngayon ang mga nawawalang estudyante rito sa campus?" tanong ni
Officer Muldong. "Pumunta rin dito kanina ang mga campus police officer, tinatanong
kung may nakita akong dalawang estudyante, parehong babae, na lumabas ng building
noong Martes at Miyerkules. Nakita ko silang pumasok

noong umaga pero hindi noong hapon. Ipina-check ko sa kanila 'yong CCTV footage sa
security office, baka may makita sila roon."

"So ang ibig sabihin, may iba pang estudyante ang nawawala?" Kinumpirma ko kung
tama ang narinig namin sa kanya.

Tumango ang guard at nagkaroon ng pagkadismaya sa kanyang mukha. "Sayang nga e, ang
gaganda pa naman nila."

Nabaling ang tingin ko kay Loki. Nakatingin siya sa sahig habang nakakunot ang noo
at gumagalaw ang bibig pero walang boses na lumalabas. Mukhang nakuha na ng kasong
'to ang buong atensyon niya.

"Guard, just two questions," itinaas ni Loki ang pareho niyang hintuturo at
hinlalato. "Nakita ka namin sa CCTV footage na nasa desk. Pagpatak ng 7 PM, bigla
kang umalis sa istasyon mo. Saan ka pumunta sa loob ng trenta minutos?"

"Duty namin na seguraduhing wala na talagang estudyante sa mga room kaya tsinek ko
isa-isa mula dito sa ground floor hanggang sa rooftop," may halo pang pagtuturo ng
batuta ang ginawa niyang pagsasalaysay. "Meron kasing insidente dati na may
dalawang estudyanteng gumagawa na pala ng milagro sa fifth floor."
"Sa room ng Theater Club sa fifth floor, wala kang napansin?"

"Hmm... Sa pagkakatanda ko, naka-lock mula sa labas ang room na 'yon noong dumaan
ako," sagot ng guard habang napapahimas sa kanyang baba. "Wala naman akong narinig
na kahit anong kakaiba roon."

"Next question, araw-araw mo bang ginagawa ang pagtse-check ng bawat room?"

"Dahil ako ang naka-duty ngayong linggo, kailangan kong gawin."

"At wala kang napansin na kahit ano? Nakitang kahina-hinala, narinig na kakaibang
tunog, naamoy

na nakakuha sa atensyon mo o naramdamang wirdo?"

"Hmm... Napansin kong sira 'yong lock ng Room 404 sa fourth floor kaya laging
nakabukas ang pinto. Noong sinubukan kong isinara, biglang bumukas ulit, dala
siguro ng malakas na hangin. Kapag dumaraan ako sa anatomy room sa fifth floor, may
naamoy ako na talagang mapapatakip ka ng ilong, posibleng dahil sa mga cadaver."

Sapat na siguro ang mga nakuhang impormasyon ni Loki kaya itinigil na niya ang
pagtatanong. Nagpaalam at nagpasalamat na kami sa security guard bago kami bumalik
sa clubroom.

"Geneva, thank you for bringing this delicious mystery to our attention," sabi ni
Loki nang makarating kami sa hagdanan. Nakangiti pa siya habang pinasasalamatan ang
aming kliyente. Kanina, ayaw niyang tanggapin ang kaso. "We will take it from here
and start our investigations right away. We will tell you kapag may development sa
kaso."

"Sa-Salamat," nahihiyang tugon ng aming kliyente, medyo nasorpresa sa pagbabago ng


isip ng kasama ko. Nagpaalam na rin siya't nagtungo sa ibang direksyon.

"Three missing students!" sigaw ni Loki nang makapasok kami sa clubroom Kaagad
siyang umupo sa kanyang monobloc chair. Inilabas niya ang kanyang phone at muling
nag-dial sa screen nito. "Now it's time for us to reconcile our data with the
campus police. I hope Inspector Estrada has something to offer to us."

Hindi ko muna siya inistorbo habang kausap niya sa telepono ang chief ng campus
police. Binuksan ko ang aking notebook sa English at isinulat sa likuran nito ang
tatlong pangalan:

Girl 1 (went missing on Tuesday)

Girl 2 (went missing on

Wednesday)

Madonna Barcelon (went missing on Thursday)

Kung hanggang ngayo'y hindi pa rin natatagpuan o nagpapakita ang unang dalawang
babae, I can't help but think that there's a serial element in this case. Ang lalo
pang nagpabagabag sa isip ko ay kung saan sila pumunta o idinala? Sa ngayon, si
Madonna pa lang ang kumpirmadong hindi umalis ng school building kung paniniwalaan
namin ang testimonyo ng guard.

Posible kayang hindi lang talaga napansin ng guard na dumaan si Madonna sa exit?
Pero suportado ng CCTV footage ang kanyang pahayag. Kahit kami, hindi namin nakita
si Donna doon. Is it possible that we missed something while watching the video
earlier?

Paulit-ulit kong binilog ang pangalan ni Madonna habang iniisip ang mga 'to.
Kumpara sa dalawang murder case na nalutas na namin, mas napapaisip ako ngayon lalo
na't wala pa kaming kumpirmadong suspek.

"Those two girls-Mylene Canlas and Michelle de Guzman-are still missing," sabi ni
Loki matapos niyang ibaba ang kanyang tawag. "Their parents reported them as
missing persons, on Wednesday and Thursday respectively, twenty-four hours after
they didn't come home. The police viewed the CCTV footage on Tuesday and Wednesday
afternoon to confirm if the two girls left the school building. However, like our
search earlier, their effort was in vain."

"Kung gano'n, huli silang nakita rito mismo sa campus at posible ngang may nangyari
sa kanila rito tulad ng kutob ni Geneva kay Madonna?" Pinalitan ko ang Girl 1 at 2
ng buong pangalan nina Mylene at Michelle.

"Yeah, so the police searched the entire campus yesterday

but they found no corpse or traces that will confirm if either or both are already
dead," napasandal si Loki sa kanyang upuan at iniangat ang ulo para tumingala sa
kisame. "Mababa rin ang tsansa ng kidnap for ransom dahil hindi tinawagan ang
parents nila. Mas mataas ang posibilidad ng murder pero kung dito sila pinatay,
nasaan ang mga katawan nila?"

"Nawala nang parang bula..." bulong ko habang nakatitig sa tatlong pangalan sa


aking notebook. "Teka, posible kayang serial killings ang nangyari? So far,
napansin ko na ang initials ng first names-Mylene, Michelle at Madonna-nila ay
nagsisimula sa M. Or is it a mere coincidence? Besides, nawala sila nang parang
magic."

Loki's eyes widened after he realized the connection I made. He placed his elbows
on the table, crossed his fingers and leaned a little bit forward. "Tama ka,
Lorelei, baka magic nga ang ginamit para mawala sila."

My brows furrowed as I stared at him in disbelief with mouth slightly opened.


"Seriously? You are considering that possibility?"

Bigla siyang tumayo, lumapit sa 'kin at kinuha ang notebook at bolpen ko nang
walang pasintabi. Pumunit siya ng isang piraso at nagsulat doon.

"There's another case connected with this one," sabi ni Loki, naging seryoso ang
ekspresyon ng kanyang mukha. "Remember the Chemistry Lab murder case? Inspector
Estrada told me during the White Hostel investigation that the stolen chemical
compound from the lab was sodium hydroxide. Assuming that those three women were
killed by one person, I have no doubt why their remains vanished like magic."

I'm not a Chemistry geek so I don't

know what sodium hydroxide does. "Ano bang ginagawa ng chemical na 'yon?"

"It's used as a drain clainer. Kadalasan kasing nai-stuck sa drain ang buhol-buhol
na buhok ng mga tao kaya ang chemical na 'yon ang ginagamit," paliwanag ni Loki.
"And that chemical can also be used to melt bodies. Human bodies. Give it a few
hours and it will leave no traces of the body except for teeth and nails which
can't be dissolved by the chemical."

Napatakip ako ng aking bibig, nagulat sa potensyal ng chemical na kanyang


nabanggit. "Ku-Kung gano'n, posibleng silang tatlo ay..." Hindi ko na naituloy ang
gusto kong sabihin, mukhang nakuha naman niya ang ipinupunto ko.

Then a wide grin formed on his lips. He seemed to be pleased by the idea that those
three girls were reduced to nothing. "And guess who might be behind all these
intertwined mysteries? Someone who asked Genesis to steal bottles of sodium
hydroxide from the Chemistry Lab. Someone who might be disappointed that Madonna
Barcelon's image wasn't brought to ruin by her dirty secrets. Someone who decided
to use a brutal way of disposing of a person whom he deemed to be a nuisance."

"M!" napabulalas ako at napatingin kay Loki.

Napatango ang aking kasama. "Judging by how clean these murders are-assuming that
they are-mukhang siya nga ang nasa likod nito. But of course, I don't believe in
perfect crimes because those who commit them are humans like us, prone to errors
and imperfection. He must have committed some sort of mistake along the way which
will lead us to him."

"A-Are you okay?" Hindi ko maiwasang itanong ang kanyang

kalagayan. M murdered Rhea so knowing that the culprit is active again could have
some effect on him.

"I'm fine, more than fine!" sagot niya. "I'm more thrilled to solve this case
knowing that my archnemesis is on the move. I don't know if he deliberately chose
victims whose initials start with M to taunt me or if it's only a coincidence. But
I can feel his evil presence reeking of malicious intentions. This may well be the
case that will bring him to justice once and for all."

As much as I want to help him uncover more of M's tracks, my time in the clubroom
was over and I needed to return to our class for our Filipino subject. Nagpaiwan si
Loki roon, wala yata siyang balak pumasok sa kanyang klase. I guess mas importante
para sa kanya ang malutas ang kasong ito kaysa makinig sa mga boring na discussion.

Hindi rin ako makakain noong lunch time. Knowing how those girls could have
probably died upset my stomach. Nagtaka nga si Rosetta kung bakit wala akong gana.
Ang sinabi ko sa kanya, nagda-diet ako.

Lumulutang din ang pokus ko sa afternoon period namin. I can't help but think how
someone could mercilessly kill those three innocent students. I felt a sudden urge
to solve this case and to make sure, in case they are really dead, that justice
will be served.

But somehow, I hope they are still alive. I hope they were only abducted and locked
in a place somewhere in the school building.

Pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon, sakting tumunog ang school bell, dumiretso ako
sa Q.E.D. clubroom para alamin kung may updates na sa kaso. Bumungad sa 'kin ang
pader kung saan nakadikit ang ilang litrato ng mga nawawalang estudyante

at mga post-it note.

"Had any breakthrough?" Tiningnan ko ang inosenteng mukha ng dalawa pang biktima na
ngayon ko pa lang nakita sa larawan. Gaya ng sinabi ng guard on-duty, magaganda nga
sila.

"Did you know that Mylene and Michelle were also last seen in the campus around
five o'clock in the afternoon?" Itinuro ni Loki ang post-it note kung saan
nakasulat ang nasabing oras. "Mylene's classmates, who last saw her in Room 207,
told me that she was doing decorations for their classroom. On the other hand,
Michelle's clubmates, who last spotted her in the English clubroom, said she was
left alone to finish the posters to be used for recruitment."

"Parang si Madonna na nasa Theater clubroom para ayusin ang mga props na gagamitin
sana ngayon."

"Walang traces ng dugo sa mga nasabing room kaya malakas ang kutob kong dinukot
sila roon at dinala sa ibang lugar para doon patayin at paglahuin nang parang
magic," sunod niyang itinuro ang post-it note kung saan may nakasulat na letrang M.
"Walang CCTV camera sa bawat palapag ng building na 'to maliban sa entrace kaya
wala tayong paraan upang malaman ang itsura ng salarin. The only thing I know about
him is that he has considerable knowledge in chemistry and has a twisted sense of
killing people."

"Sinabi mo na ba kay Inspector Estrada ang mga nalaman mo?"

"If the guy behind this case is really M-and I can feel that he is-there's no need
to tell the inspector," sagot niya. He sounded excited and agitated at the same
time. Dahil sa sobrang hyper niya, hindi siya mapakali. "M is my personal business.
He's mine. The police can have

him once I'm done exacting my revenge on him."

"Are you planning to kill him? Para maging patas kayo?"

Isang malawak na ngiti ang ipinukol niya sa 'kin. "It will depend on his answer
once I catch him. But that's certainly a possibility."

Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Pero hindi 'yon dahilan
para gantihan kung sinuman ang nagkasala sa kanya. Gusto ko sanang sabihin ang mga
salitang 'yon kay Loki but I feared that they would only fall on deaf ears.

"Now there are some questions that need to be answered," he turned to me. "First,
paano nakapasok sa mga room ang salarin nang hindi pinaghihinalaan ng mga biktima?
Kung may papasok dito na mukhang kahina-hinala at bigla kang lalapitan, ano ang
gagawin mo?"

"Ssigaw. Hihingi ng tulong."

"Tama, pero nang muli kong tinanong ang guard kanina kung may narinig siyang sigaw
noong mga oras na posibleng inatake ang mga biktima, ang sabi niya'y wala. Mula
five o'clock, tahimik na rito sa campus dahil wala nang nagkaklase."

"Kagaya ba 'to ng White Hostel case kung saan kilala ng biktima ang salarin kaya
siya pinapasok nito?"

"Posible pero mukhang malabo. The three victims don't have a solid connection
except the fact that they were last seen in the campus around five o'clock.
Magkakaiba rin ang year nila kaya maliit ang tsansang may common friend silang
tatlo. Whoever he is, I think he's someone you won't suspect the moment he knocks
on your door. Ang akala siguro ng mga biktima, mapagkakatiwalaan ang taong 'yon
kaya hindi sila natakot o nabahala sa presensya niya."

Aside from your

friends, sino pa bang pagkakatiwalaan mo rito sa school? Sino ang papasukin mo sa


classroom o clubroom nang hindi mo mahahalatang may masama siyang balak sa 'yo?
Paulit-ulit kong tinanong 'yan sa sarili ko, umaasang may sagot na biglang susulpot
sa aking utak.

"Next question, paano nailipat ng salarin ang kanyang mga biktima mula sa mga room
nila papunta sa kung saan niya sila papatayin?" Ilang beses na inikutan ni Loki ang
aming mesa habang nagsasalita. Halos mahilo na nga ako sa kanya. "Sa kaso ni
Madonna, may iilan pang nasa school building noon. Masyadong risky kung bubuhatin
niya ang walang malay na katawan ng biktima kasi baka may makakita sa kanya. Unless
meron siyang invisibility cloak katulad ni Harry Potter, hindi siya
magkakaproblema."

"Posibleng nilagay niya ito sa malaking lalagyan," tugon ko. Naalala ko ang
nangyari noong isang linggo kung saan may nakita akong batang housekeeper na
ngumiti sa 'kin bago tinakpan ang bibig ko ng panyong may pampatulog. "Noong
ipinadukot ako ni Margarette, ipinasok yata nila ako sa malaking kahon at dinala sa
costume room kaya walang nakapansin."

"Pwede," napahawak sa kanyang baba si Loki at saka napatango. "May isa pa akong
tanong pero mukhang ang guard sa ibaba ang tanging makakasagot noon. Okay lang ba
na iwan muna kita rito?"

"Sige, basta bilisan mo."

Kaagad na lumabas ng clubroom si Loki at nagtungo sa hagdan habang ako'y naiwang


mag-isa rito sa clubroom. Muli kong tiningnan ang mga nakadikit sa pader, baka
sakaling may ideyang mag-pop sa utak ko. Kumpara sa mga nauna naming kaso,
masyadong malawak ang scope ng missing persons

case na 'to. Sa dinami-dami ng tao rito sa high school building, hindi magiging
madali ang paghuli namin sa malaking isdang 'yon.

Lumipas ang dalawampung minuto pero hindi pa rin bumabalik si Loki. Mukhang
napahaba ang pagtatanong niya sa guard o kaya'y may pinursue siyang ibang leads.

Ilang sandali pa ang lumipas at bumukas ang pinto.

"O, ang tagal mo yata sa baba? May nakuha ka bang bagong imporma-"

"Ay, pasensya na, ma'am. Housekeeping services po." Imbes na si Loki, isang
lalaking may katangkaran na nakasuot ng kulay puting uniporme ng mga housekeeper
ang pumasok sa clubroom. May dala-dala siyang cart kung saan nakapatong ang isang
malaking drum na posibleng naglalaman ng mga naipon niyang basura.

Hinayaan ko siyang pumasok sa loob at walisin ang mga kalat sa sahig habang ako'y
abala sa pag-iisip sa anggulong baka hindi namin nakita ni Loki.

Pero teka, talagang pamilyar ang mukha ng housekeeper na 'to.

Muli kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. "Excuse me, nagkita na ba tay-"

Bigla niyang tinakpan ang bibig at ilong ko ng panyo habang mahigpit akong
hinahawakan. Nang matitigan ko siya sa mukha, muli kong naalala kung sino ang payat
at matangkad na lalaking 'to. Hindi kagaya noong una naming pagkikita, walang
nakalagay na makapal na eyeliner sa kanyang pilikmata.

Kung hindi ako nagkakamali, siya si John Bautista, isa sa mga suspek noong
Chemistry Lab murder case.

Unti-unting sumara ang mga mata ko at tuluyang nahimbing sa kadiliman.


***

Madilim. Masikip. Nahihirapan akong makahinga.

Hindi ko maigalaw

ang mga kamay at paa ko, parang may lubid na nakatali sa 'kin. Sinubukan ko ring
sumigaw pero nakatapal sa bibig ko ang malaki at malagkit na tape.

Napatingala ako nang biglang may pumasok na liwanag mula sa taas. Doon ko
napagtantong nasa loob ako ng isang malaking drum. Nakatitig ang mga mata ni John
sa 'kin, nakikita ko ang tuwa sa kanyang mga mata.

"Sa wakas, gising ka na. Naging maganda ba ang panaginip mo?"

Wala akong nagawa kundi umungol at ipakita sa kanya ang mga magkasalubong kong
kilay.

Ngayon, alam ko na ang sagot sa mga katanungan ni Loki, kung bakit hindi nakasigaw
ang tatlong biktima nang may pumasok na kahina-hinala sa room nila at kung paano
nito nailipat ang mga katawan mula sa pinagkuhanan niya papunta rito kung saan man
niya ako dinala. Sino nga bang magsususpetya sa isang housekeeper na ang trabaho'y
siguruhing malinis ang bawat kwarto at pasilyo rito sa campus? Malamang kapareho ng
ginawa niya sa 'kin ang kanyang ginawa sa tatlong biktima: magpanggap na maglilinis
tapos biglang patutulugin at ilalagay sa dala-dalang drum sa cart ang mga target.

At dahil nakasuot ng unipormeng pang-housekeeper si John, hindi mo aakalaing


estudyante talaga siya maliban kung kilala mo siya sa personal. Malilinlang kahit
sino sa galing niyang magbalat-kayo.

But now is not the time to praise him. My life is in danger here.

Gusto kong itanong kung siya si M, ang taong ilang buwan nang hina-hunting ni Loki.
Pero dahil sa tape sa aking bibig, hindi ko magawa. Kainis.

"Don't blame me, Lorelei. Blame that detective who loves prying into other people's
business."

Ngayon ko lang na-realize na nakakapangilabot pala ang boses niya, baka dahil alam
kong nasa panganib ako at hawak niya ang buhay ko. "Hindi ko inakalang makikialam
na naman siya matapos ang nangyari sa kanyang kaibigan."

Kung gano'n, posible nga kayang ang lalaking 'to ay si M? Kung makapagsalita kasi
siya, parang matagal na silang nagkaengkwentro ni Loki.

Inilabas niya ang kanyang phone at may idinial sa screen nito. Sa bawat pagpindot
niya, lumikha ito ng tunog na kapag pinagsama-sama'y parang tune ng isang pamilyar
na kanta. Naka-on yata ang keypad tones niya.

"Mukhang kailangan ulit nating turuan ng leksyon ang lalaking 'yon," sabi niya sa
kanyang kausap habang nakangisi sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang kanyang
pananabik na pumatay. "Tingnan natin kung hindi pa siya madala sa gagawin ko."

Ibinaba na niya ang tawag habang paulit-ulit akong umungol at pilit na itinutumba
ang drum na kinalalagyan ko. "Sayang naman ang ganda mo pero ganyan talaga ang
buhay. May mga inosenteng nadadamay."

Umalis muna siya sa paningin ko at bumalik na may hawak-hawak na puting bote.


"'Yong mga nauna sa 'yo, pinatay ko muna bago ko sila inilublob sa isang drum ng
kemikal na 'to. Dahil espesyal ka, hahayaan kong maramdaman mo kung paano matunaw
ang balat, laman at buto mo. Exciting, 'di ba? Hehehe."

Tumindig ang mga balahibo sa kanyang tawa. Ni hindi man siya nakokonsensya sa
ginawa niyang paraan ng pagpatay sa mga babaeng 'yon. Parang pumatay lang siya ng
ipis.

At dahil mukhang ako na ang kasunod, hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking
katawan. Ipinikit ko ang mga mata ko at

nanalangin, umaasang sana, may dumating para iligtas ako mula sa malupit na
tadhanang 'to... gaya ng nangyari noon.

"Loki.... tulong..."

"Manalangin ka na dahil hindi ka na makakapag-concentrate mamaya kapag hinaluan ko


na ng tubig ang kemikal na 'to." Narinig kong bumukas ang takip ng bote. "O ano,
natawag mo na ba ang mga sant-"

Biglang natigil sa pagsasalita si John. Sunod akong nakarinig ng pagbagsak ng isang


mabigat na bagay sa paligid. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa taas.
Nakita kong nakatayo si Loki pero may kakaiba sa itsura niya. There was a gleam of
rage in his widened eyes while a wicked smirk flashed on his face. I could hear
John moaning as Loki repeatedly kicked him.

"I have waited so long for this moment, M," he growled as he gritted his teeth. I
could feel a mixture of anger and joy in his modulated voice. Finally, after how
many months of hunting, he found the person he had been looking for, now beaten up
and probably bleeding. He then turned to me and helped me out of the drum. "Are you
okay, Lorelei?"

Tinanggal niya ang tape sa bibig ko at inalis ang pagkakatali ng mga kamay at paa
ko. Napayakap ako nang mahigpit sa kanya at halos mapaiyak. Kundi dahil sa kanya,
baka natunaw na rin ang katawan ko.

"Do-Don't worry. I'm here now." Medyo na-awkward-an yata siya sa pagyakap ko kanya.
He just tapped me on the shoulder instead of wrapping his arms around me.

Nang inilibot ko ang aking mga mata sa paligid, halos masuka ako na makita ang mga
cadaver na nakahilera sa gilid.

"Pa-paano mo nalamang-" Gaya ng inasahan, dumudugo ang ilong

ni John at mukhang pumutok ang isa niyang ugat sa kilay. Pilit siyang gumagapang
palayo sa amin pero hinihila siya pabalik ni Loki.

"Sodium hydroxide creates a malodorous smell when it's melting a human body,"
paliwanag ng kasama ko. "The guard told us that when he was making rounds at seven
o'clock, he can't help but notice the repulsive smell from the anatomy room. He
thought it was the cadavers' decomposing body. But no, it wasn't. You locked your
victims inside a drum filled with sodium hydroxide and let the chemical melt their
bodies for hours. When the morning comes, you go here to dispose of their liquified
remains."

Ang akala ko noong una'y tutulungan niyang tumayo si John. Pero nagulat ako nang
bigla niya itong ipinasok sa drum. Napadaing sa sakit si John mula sa mga sugat at
bubog na tinamo niya sa paulit-ulit na paninipa ng aking kasama.

Kinuha ni Loki ang nahulog na bote ng sodium hydroxide at ipinakita ito sa salarin.
"I must say I'm a little bit disappointed, M. I thought you were a bit smarter than
most criminals that I have encountered."

"Te-Teka, anong balak mong gawin? Dapat na nating tawagan ang campus police!"

"I told you earlier. M is my personal business," ibinalik niya ang tingin sa suspek
na halos hindi na maipinta ang mukha sa sakit na nararamdaman. "Now I want to ask
you a question. Do you regret killing Rhea more than six months ago?"

Napangiti lamang si John habang umiiling. Napatawa pa siya nang mahina habang
nakatingin kay Loki.

"Okay. Let's do it the old way. An eye for an eye, a tooth for a tooth,"
nanginginig ang kamay ni Loki na

may hawak sa bote ng kemikal. "You killed those women by melting their bodies, I
will do exactly the same to you. Kulang pa nga ito para sa mga kasalanang nagawa
mo, para kay Rhea."

Muling umiling si John at napapikit. "Hindi... Nagkakamali ka. Hindi ako si M."

"Oh? So now you're denying it?" napataas ang kaliwang kilay ni Loki. "If only you
didn't kill Genesis, he could have confirmed that you are M, Mori or Moriya. He
must have known who you really are that's why you decided to silence him while the
police were escorting him out. You were so close to him that shooting a needle
laced with poison would not be too difficult for you."

"Oo, ako nga pumatay sa kanya at sa tatlong babaeng 'yon... pero hindi ako ang
pumatay kay Rhea."

"LIAR! Don't play with me!" Nanggagalaiti na sa galit si Loki.

"Maniwala ka... sa akin."

"Meh, I don't need to believe any word you say. I just need to melt your flesh and
bones."

"Tama na!" Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay bago niya pa maibuhos ang laman
ng bote. Pilit siyang nagpupumiglas sa hawak ko habang nakatingin sa akin ang mga
matatalim niyang mata.

"What do you think you're doing, Lorelei?!"

"Kapag ginawa mo 'yan, wala kang pinagkaiba sa kanya!" Hindi ko na napigilan ang
pagtaas ng boses ko. "You will also turn into a murderer like him! What do you
think Rhea would feel kapag nalaman niya 'yon? Do you think she will be happy to
hear that you killed someone because of her? Think about it!"

Nabitawan ni Loki ang hawak na bote at napatulala sa 'kin. Napansin ko ang


pagbabatis ng mga mata niya na tila maluluha

na siya anumang sandali mula ngayon.

He quickly looked away, trying to hide his face from me. "You're right. I'm not
like him. I don't want to be like him."

Inilabas niya ang kanyang phone at may idinial na numero. "Hello, inspector. We
caught the person behind the missing students case. You can pick him up at the
anatomy room."
Nang matapos ang kanyang tawag, lumabas siya nang hindi nagpapaalam.

***

Walang kumibo sa aming dalawa ni Loki pagdating namin sa apartment. Tahimik siyang
nakaupo sa couch habang ako'y dumiretso sa aking kwarto para makapagpahinga.

Nang madatnan kami ng mga campus police officer kanina sa fifth floor, pinayuhan
nila akong magpatingin sa clinic para makita kung nagdulot ng trauma sa 'kin ang
attempted murder. Sinabi kong wala silang dapat ikabahala at kaya ko ang aking
sarili. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nalagay ako sa gano'ng klaseng
sitwasyon.

"Loki, may naghahanap sa 'yo. Taga-campus police daw," narinig ko ang boses ni Tita
Martha mula sa sala kaya lumabas ako ng kwarto. Nakita kong pumasok si Inspector
Estrada kasama ang dalawa pang police officer.

"Kumusta, inspector? Umamin na ba si John Bautista a.k.a. M?" pambungad na tanong


ni Loki, magkadikit ang mga daliri niya na tila nananalangin.

"Ilang beses namin siyang tinanong kanina. Umamin siya sa pagpatay sa tatlong
babaeng nawawala at sa paglason kay Genesis. Pero paulit-ulit niyang itinanggi na
siya si M," sagot ng inspector, dismayado yata siya sa kinalabasan ng interogasyon.

"At?" Mukhang napansin din ng roommate ko ang kakaibang ekspresyon

sa mukha ng beteranong pulis. "May nangyari ba?"

Napatingin sa sahig si Inspector Estrada, tila nagdadalawang-isip kung dapat


banggitin ang isang piraso ng impormasyong konektado sa nangyari. Huminga muna siya
nang malalim bago niya ibinahagi ito sa amin.

"Noong tinanong namin siya kung may nag-utos sa kanyang gawin ang mga krimeng 'yon,
ang sabi niya'y meron. Sinimulan niyang ilarawan ang taong tinutukoy niya... nang
bigla siyang mag-collapse sa interrogation room at bumula ang bibig. Mukhang may
naglagay ng lason sa tubig na ipinainom namin sa kanya."

Iniabot ni inspector ang isang recorder sa nagulat na si Loki. Maging ako, hindi ko
inasahan ang development na 'yon.

"Nandyan ang huling bahagi ng confession niya na sa tingin ko'y pwedeng maging lead
kay M."

Inilapit ni Loki ang recorder sa kanyang tenga at ipinlay ito.

"Hindi ko alam kung sino siya. Ni hindi rin kami nagkita sa personal. Minsan, sa
phone kami nag-uusap. Minsan, may mga tao siyang ipinapadala para kausapin ako pero
never kong nakita ang anino niya."

"Wala kang kahit anong lead sa katauhan ng taong 'yon?"

"'Yong boses niya... matigas, malamig. Talagang mangingilabot ka."

"At kahit ang pangalan niya'y hindi mo alam?"

"Kilala ko siya sa tawag na M pero may ibang tawag sa kanya ang mga tauhan niyang
nakausap ko na. Parang 'yon ang ginagamit nilang codename para sa kanya. Kung tama
ang pagkakatanda ko, tinatawag nila siyang-AAACCK!"
"Hoy, napano ka?"

"Tumawag kayo ng medic, bilis!"

Napapikit ang mga mata Loki at napabuntong-hininga. Naputol na naman kasi ang pisi
na sana'y magkokonekta sa kanya at sa misteryosong si M.

Saktong ibabalik na niya ang recorder kay Inspector Estrada nang may narinig pa
kami mula rito.

"Moriya... Moriarty!"

***

What can you say about this update? I-comment na 'yan!

=================

Volume 1 • Chapter 11: A Sequence of Knocks and Scratches

A/N: The Moriarty hunt begins! Can you figure out his identity before our
protagonists?

LORELEI

Mo-Mo-Ri-Ya--Mo-Mo-Ri-Yar-Ti Mo-Mo-Ri-Ya--Mo-Mo-Ri-Yar-Ti

PARANG SIRANG plaka na paulit-ulit sa pagtugtog ang kantang 'yon. It sounded like a
chant of an indigenous tribe somewhere in the mountains. Ang mas masaklap, dinig na
dinig 'yon hanggang sa kwarto ko. Sinubukan kong takpan ng unan ang mga tenga ko
pero mukhang ayaw akong lubuyan ng tunog na 'yon.

Kaagad akong bumangon sa kama at lumabas ng aking kwarto. Iisang tao lamang ang
kilala ko sa mundong ito na magpapatugtog ng gano'ng kawirdong kanta ngayong alas-
singko ng umaga.

"Akala ko may isinasagawa kang ritwal dito." Napasandal ako sa may pintuan at
nagkrus ang mga braso habang pinagmamasdan si Loki na nakatayo't nakatulala sa
harap ng dinekorasyong pader. Sa gitna nito'y nakadikit ang post-it note kung saan
nakasulat ang pangalang "Moriarty" habang sa paligid nama'y nakadikit ang mga
litrato ng tatlong artista. Tanging si Natalie Dormer ang nakilala ko dahil gumanap
siya bilang Maegaery Tyrell sa Game of Thrones.

"Mas engaging kung sasabayan mo ng tunog ang pag-iisip," tugon niya nang hindi
nagpupukol ng tingin sa direksyon ko. "Just so you know, ang naririnig mo ngayon ay
remix ng huling salita ni John Bautista bago siya nalagutan ng hiningi. I asked an
acquaintance of mine to do it."

I would be surprise if he used the word "friend." Lumapit ako sa tabi niya para
malapitang makita ang tatlong artista. "At kailan mo pa naisipang magtayo ng
gallery

dito sa sala natin?"

"I assume that you don't recognize all of them. Those three are the actors and
actress who played Moriarty in the recent adaptations of Sherlock Holmes." He then
turned to me. I can't help but notice that the circles below his eyes got darker
and deeper. "Just so you know, Moriarty-or Prof. James Moriarty-is considered as
the arch-nemesis of Holmes. He is the Napoleon of crime, the organizer of half that
is evil and nearly all that is undetected. He is a genius, a philosopher, an
abstract thinker. He has a brain of the first order."

That somehow sounds like the man he has been hunting for months. Hindi pa namin
nakikita sa personal ang misteryosong taong 'yon pero sapat na ang mga nakalap
naming clue mula sa mga konektado sa kanya para makabuo kami ng sariling impresyon.
The character he described to me was purely fictional while the other one exists in
the real world.

"How dare he used the name of my most favorite antagonist!" Nagpalakad-lakad sa


harap ng pader si Loki habang nakakrus ang mga kamay at napapahaplos sa baba. "If
he really wants to play Moriarty, then I will play Holmes. Let's see who will win
in the end."

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang malaman namin ang codename na Moriarty. We
met two people who have contacted him but both of them are now dead. Mukhang
ipinapadispatsa niya ang mga taong posibleng makapagturo sa kanya.

And then I remembered something.

"Teka, na-check na ba nina Inspector Estrada ang phone ni John?" tanong ko, dahilan
para mapatigil si Loki sa kanyang nakakahilong paglalakad.

"Phone? The inspector

didn't tell me anything about a phone," kumunot ang mga noo niya habang nakatitig
ang mga nagtatanong na mata sa akin. "Is there anything of importance in his
gadget?"

"Nakita ko kasi siyang may tinawagan. Sinabi niya sa taong nasa kabilang linya na
tuturuan ka niya ng leksyon. Posible kayang ang kausap niya noon ay si Moriarty?"

I heard a familiar tune when John dialed the number on the screen. I just couldn't
remember what it is.

"I can't tell, but that's indeed possible," napatango si Loki't napatingin sa ibang
direksyon. "After all, it was Moriarty who ordered him to dissolve the bodies of
those three poor ladies. Tsk! Why do I get a strange feeling about this case?"

"Strange?"
"We now know that there are people working under Moriarty. There's a possibility
that someone in the campus police is an agent of him. That would explain how John
was poisoned and why the inspector didn't report anything about a phone to me.
Someone among their ranks must have hidden or disposed of it before it was
examined."

I can't imagine how someone like Moriarty could have an influence over the police.
But the possibility exists and it explains the mystery behind John's poisoning.

"For now, we should keep any information to ourselves," he sat on the couch and
stretched his thin legs. "Kung may espiya o tauhan siya roon, mas dapat tayong
maingat."

"Teka, teka. Bakit 'we'?"

"Huh?" Loki raised an eyebrow and his sleep-deprived face shot a questioning gaze.
Kaunti na lang, magiging kamukha na niya ang mga zombie sa Walking Dead. "You are
now involved in this case, Lorelei. The fact

that Moriarty asked John to melt you into liquid means that you are now on his
target list."

By target list, he probably meant that something tragic might happen to me one day.
Siguro habang naglalakad ako sa gilid ng school building, may malalaglag na paso o
kaya habang naglalakad ako ng palabas ng campus, may haharurot na kotse at
sasagasaan ako. We don't really know how many murderous plots Moriarty has on his
brilliant mind so the list of possible scenarios is endless.

Naisip ko na noong isang araw na baka tama ang sinabi ni Margarette. Maybe I
shoudn't have associated myself with Loki. Wala sigurong mangyayaring masama sa
akin nitong mga nakaraang linggo o kaya'y hindi ako nasangkot sa iba't ibang kaso.
My life would have been peaceful. But will my high school life be grey and boring
then? I can't deny that I feel the thrill whenever we go out and solve problems,
though I express pity for students who met tragic fate.

"Well, you will be there to save me again, right?" I turned around and walked into
my room, leaving him with a curious face behind.

***

After the first half of our morning period, I went to the clubroom to check out on
Loki. Who knows? Baka may seemingly uninteresting na kasong magtuturo sa amin
tungkol sa katauhan ni Moriarty.

Nakakalat ang mga papel na may pangalan niya sa mesa. Mga quiz niya 'yon sa iba't
ibang subject. And to my surprise. I saw a number of papers with zeroes on top. May
mga sagot pa siya na hindi related sa subject kung saan sila nag-exam.

Loki didn't strike me as a dull or person with low IQ. If he can crack codes and
solve cases,

that would mean he's intelligent enough to get high grades in school. Pero iba ang
ipinakita ng mga quiz niya sa 'kin. How could a smart man like him get a series of
zeroes in his exams?

"I know what you're thinking," his sleepy eyes stared at me for a moment as if he's
trying to read my mind. "You're disappointed that I got failing scores in my
exams."
"Hindi ako disappointed," kinuha ko ang isa sa mga 'yon at tiningnan ang malinis
niyang papel na wala kasing isang sagot. Hindi man siya mag-effort manghula baka
sakaling tumama. "I just can't believe that you get zeroes. Sa talino mong 'yan?"

He waved his left hand and turned away from me. "Unlike you and most students here,
I don't want to be enslaved by the numbers system. Everyone wants to get high
grades on their class cards. Everyone wants to be among the top ten so they can
march on the stage during recognition day. Everyone is so obsessed with numbers!"

"Is that your excuse kung bakit nakakuha ka ng zero? Ay, mali. Zeroes pala dapat.
Plural."

Muli siyang humarap sa 'kin, mukhang na-offend siya sa sinabi ko. "If I want to
perfect those quizzes, I could. But I chose not to because that would be boring.
May mga kaklase akong nakikipagpatayan at nagsisiraan para sa grades. I don't want
to be one of those savages. What matters for me is this club."

Kailan ba siya nagkainteres sa ibang bagay maliban sa mga kasong inilalapit sa


kanya? He's not interested in making acquaintance with other human beings. He finds
no pleasure in exercising his brain by memorizing tons of useless stuff just to get
a high score

in exams. Ilang linggo na rin kaming magkasama pero isa pa rin siyang malaking
misteryo sa akin.

"Aren't you worried na baka umulit ka sa year mo? Graduating ka na next year, 'di
ba?"

He showed me a devilish smirk, a sign of his confidence. "I have 101 ways to ensure
that won't happen. You have been with me the past few weeks. You know what I am
capable of doing."

Yeah, probably he has some tricks in his sleeves. Sabi nga niya, ilang linggo ko na
rin siyang kasama kaya segurado akong hindi siya gagawa ng isang bagay na hindi
siya handa. Kumbaga, hindi siya lulusob sa digmaan nang walang armas at sakay na
kabayo.

Then a knock caused our heads to turn to the door. It creaked open and a familiar
face emerged. It was Rosetta.

"Hi! Pwede bang pumasok?" tanong niya sa amin, suot ang malawak na ngiti sa kanyang
mga labi.

"Sure, come in." Tuluyan na siyang pumasok at umupo sa isa sa mga monobloc chair na
malapit sa akin.

"Mabuti't napadaan ka rito?" How stupid of me to ask that question. Siyempre


pumunta siya rito para humingi ng tulong sa amin.

Rosetta closed her eyes as if collecting her thoughts. "Gusto ko sanang hingin ang
opinyon n'yo. I'm speaking on behalf of the Paranormal Club."

"Oh?" Napaturo sa kanya si Loki. "Ikaw 'yong nakita namin sa White Hostel. You're
Rosalinda, right?"

"It's Rosetta," pagtatama ko sa kanya. Bakit ba hindi siya matandain sa pangalan?


Noong una kaming nagkita rito sa clubroom, tinawag niya akong Lorraine.

"Yup, ako nga 'yon."


"So what does a member of the paranormal club want to consult from us?"

Our client-and

also my classmate-cleared her throat first. "Nag-ghost hunting kami kasi sa school
building last week sa abandoned building. Part ng club activities namin. Ang sabi
kasi nila, may white lady na nagpapakita roon. Pero sa limang araw naming
paglilibot sa bawat pasilyo at kwarto, wala kaming nakita. Tapos, kahapon,
ipinagpatuloy namin ang ghost hunting. Naglalakad kami sa second floor nang bigla
kaming may narinig na kakaibang tunog."

"Kakaibang tunog?"

"Parang may paulit-ulit na kumakatok na sinusundan ng kaluskos," napatingin sa akin


ang mga nanlaking mata ni Rosetta.

Nanindig ang mga balahibo ko matapos marinig ang kanyang kwento. Hindi ako
naniniwala sa mga bagay na hindi ko nakikita. Sabi nga nila, to see is to believe.
Pero may something sa kwento ni Rosetta na nakakapangilabot.

"Teka, baka may iba kayong kasama sa building o kaya isa sa mga member n'yo ang
nananakot sa inyo?" tanong ko. "Sa apartment kasi namin, may sinasabi rin silang
multo. But it turned out na prank lang pala ng tenant 'yon."

I shot a sideward glance to Loki who quickly avoided my gaze. I remembered the
brief horror experience that he put me through in my second week at Room 302.

"Imposible 'yon," iginiit ni Rosetta, bahagyang tumaas ang kanyang boses.


"Magkakasama kaming naglalakad sa bawat hallway noon kaya malabong isa sa amin ang
nananakot. Wala rin kaming napansing ibang tao roon."

"Baka guni-guni n'yo lang? Or maybe it's just the wind?" hula ni Loki na nakatuon
sa ibang bagay ang atensyon.

Kahit hindi namin sinasabi, biglang inilabas ni Rosetta ang kanyang phone at
inilapag ito

sa mesa. May pinindot muna siya sa screen bago namin nalaman kung anong ipapakita o
ipaparinig niya.

"Nasa second floor na tayo ngayon. So far, wala pa kaming nakikitang multo rito."

"Mukhang wala nga talaga. Ilang beses na tayong bumalik dito."

"Naisahan yata tayo noong estudyanteng nagsabing may white lady rito."

"Sa susunod kasi, i-confirm n'yo muna kung totoo para hindi nasasayang ang oras
natin."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan... na sinundan ng tatlong malalakas na katok.

"G-Guys, na-narinig n'yo ba 'yon? Guys?"

Sinundan ito ng tatlong kaluskos, parang mga daliring kinakalmot ang metal na
bagay.

"Guys, hindi magandang joke 'yan!"


"Hoy, sino ba 'yang nananakot na 'yan?"

Muli naming narinig ang tatlong katok bago namayani muli ang katahimikan sa
recording.

"O, umaamin na kayo. Sino ang may pakana noon?"

"Paano namin magagawa 'yon e magkakasama tayo?"

"Ta-Talaga? Ku-Kung gano'n, ma-may iba ta-tayong kasama rito?"

Sa ikalawang pagkakataon, muling may kumatok nang tatlong beses, sinundan ng


tatlong kaluskos at nagtapos sa tatlong katok ulit. Nagsitilian ang mga
estudyanteng kasama sa recording, dinig na dinig ang mga mabibilis nilang yabag.
May mga napamura pa nga habang tumatakbo sila.

"Yan ang recording namin kahapon," kinuha ni Rosetta ang kanyang phone at ibinulsa.
"Hindi improvised ang tunog na 'yon at walang halong edit ang narinig n'yo. May
ghost hunting kami kasi mamaya kaya gusto ko sana kayong imbitahan para hingin ang
opinyon n'yo kung multo ang

narinig namin."

Loki's brows met as he looked at me in the eye. "Tell me, Lorelei, since when did
we start investigating some paranormal stuff?"

"Don't you find it interesting?"

"Paranormal cases are the turf of the Paranormal Club. That's the purpose of their
organization, to investigate if there's something supernatural or if it's only a
hoax." That was Loki's other (and longer) way of saying no. "To be honest, it's
unclear to me why the committee on non-mandated org aprroved their club. There's no
such thing as ghosts so their existence in the list of clubs is a big joke."

Napatingin sa baba si Rosetta, tila nasaktan sa mga salitang binitawan ng kasama


ko.

"Loki, timing!"

"Did I say something wrong?" he wondered, flashing a curous yet innocent facade.

I rolled my eyes and looked at Rosetta. Biglang nagliwanag ang mukha niya at isang
ngiti ang puminta sa kanyang mukha.

"May palabra de honor ka ba, Loki?" tanong niya.

"And that question is relevant because...?"

"Sinabi mo sa akin noong nagkita tayo sa White Hostel na tatanawin mong malaking
pabor kapag isinubmit ko sa CHS Confessions ang photo n'yo habang nag-iimbestiga."

Loki's mouth opened, preparing for a rebuttal but he stopped halfway. He probably
realized that he said something along those lines. Kahit ako narinig kong lumabas
'yon sa bibig niya.

"Iisipin kong patas na tayo kapag tinulungan n'yo kaming alamin ang misteryo sa
likod ng tunog na ipinadinig ko sa inyo."

The two of us exchanged glances before he replied to Rosetta. "I can deny that I
made such statements but I can read from the face

of my partner that she wants to help you out. Very well, we will return the favor."

Lalo pang lumawak ang ngiti ng kliyente namin, halos umabot na sa kanyang tenga.
"Thank you! Hintayin namin kayong dalawa mamaya sa tapat ng abandoned high school
building, ha?"

And with that, Rosetta took her leave. Loki got to his feet and started walking
around the room with his arms crossed. Parang nagsisisi siya sa pagpayag niyang
imbestigahan ang isang supernatural case.

"I can't believe that we will go on ghost hunting later! I should be solving cases
that will lead me to Moriarty!" He was shaking his head, looking troubled.

"Hey, you deserve a breather case like this one kaya huwag ka nang magreklamo
diyan," sinundan ko ng tingin ang paglalakad niya. "Gusto mo bang laging patayan
ang iniimbestigahan natin?"

"I hope someone will walk through that door and ask us to solve a more engaging
case," he sat on his chair. "I need a distract myself from thinking about the ghost
hunt later."

Probably the Heavens heard his plea and the Gods decided to grant it immediately.
Muling bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking may katangkaran. Usually,
mga estudyante ang humihingi ng aming tulong. Pero sa pagkakataong ito, isang
professor na may pamilyar na mukha ang aming kliyente.

"Sir Jim!" napabulalas ako habang nakatingin sa nakangiting mukha ng aking


Mathematics instructor. Kumpara sa mga middle-aged na teacher dito sa school, bata
pa ang itsura ni sir, malamang nasa early twenties niya. Maayos siyang manamit,
wala kang makikitang gusot sa kanyang suot na polo't pantalon at nakasabay sa

uso ang istilo ng kanyang buhok.

"Lorelei? Member ka pala ng club na 'to?" Inayos ni Sir Jim ang pagkakalagay ng
kanyang black-framed na salamin at lumapit sa kinauupuan ko. Medyo malambing ang
kanyang boses. Kung nakapikit ka, aakalain mong babae ang nagsasalita. "Mahilig ka
palang lumutas ng mga mystery dito sa campus. Wala sa itsura mo, a."

"By the way, sir, siya po pala si Loki, ang club president namin," itinuro ko ang
aking kasama na nakatayo sa kabilang dulo ng mesa. "Loki, si Sir Jim Morayta, Math
instructor namin."

"Loki? Kagaya ng Norse God of mischief?" Iniabot ni sir ang kanyang kamay. "Pleased
to meet you."

Tinitigan muna ni Loki nang ilang segundo ang inaalok na kamay ng aking instructor
bago niya kinamayan ito. "Same here, sir."

"Bakit po kayo naparito, sir? May problema rin ba kayo?"

"Hindi ko alam kung kayo ang dapat kong pagsabihan nito. I merely followed my
instincts."

"Don't tell me you murdered someone or you found someone's decomposing corpse
somewhere in school?" Tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Loki na parang tren na walang
preno. "If that's the case, sir, we are obliged to offer you our assistance. This
is way better than hunting a ghost that doesn't exist."
Napatitig ang mga napakurap na mata ni sir kay Loki bago muling ibinaling ang
tingin sa akin. Hindi niya siguro inasahan na gano'n ang attitude ng kasama ko.
"Walang involved na patay rito. Meron kasi akong estudyante sa Grade 10-si Stein
Alberts. Magaling siya sa Math. Kaya niyang sagutin kung ano ang square root ng
kahit anong number sa loob ng ilang segundo. Kumbaga, isa talaga siyang

math wizard."

Napatango ako habang nakikinig sa kanyang kwento. Si Loki, hayun, malayo ang tingin
na parang hindi interesadong makinig.

"Ngayong araw gaganapin ang screening para sa isasabak namin sa Math-inik


Competition sa susunod na buwan. Ang kaso, hindi siya pumasok sa klase kanina,"
pagpapatuloy ni Sir Jim. "Dahil siya ang pambato ng seksyon nila, ginawa namin ang
lahat para makontak siya. Tinawagan at tinext na namin siya pero hindi sumagot.
Chinat na rin namin sa Facebook pero wala kahit 'yong 'seen' mark."

"At kailan n'yo siya huling nakita?" Humirit si Loki, mas mabilis pa sa pagiging
moody ng babae ang pagbabago ng kanyang reaksyon. "Meron bang huling nakakita sa
kanya?"

"Sabi ng mga kaklase niya, nakita nila siya sa library bandang alas-kwatro ng
hapon," sagot ni Sir Jim. "Ewan kung bakit nandoon siya gano'ng hindi na niya
kailangang mag-review para sa screening. Seguradong makakapasok naman siya sa
galing niya. Ni hindi rin siya umuwi sa kanilang dorm."

Nagpukol ako ng tingin kay Loki, mukhang pamilyar kasi ang kasong ito. "Sa tingin
mo ba, involved dito si Moriarty? Ganito rin ang nangyari kina Madonna, 'di ba?
Huling nakita sa school pero hindi nakauwi sa kanila."

"We can't say for sure," marahang umiling si Loki habang hinahaplos ang kanayng
baba. "The circumstances of this case and those incidents are strikingly similar
but... I don't get any Moriarty vibe from this."

"Moriarty?" pag-uulit ni Sir Jim. "Sino si Moriarty?"

"Ehem!" Loki forced a cough to distract our client. "So... have you tried talking
to anyone in the library, sir?"

"Masyado akong busy ngayong araw

kaya hindi pa ako nagagawi roon."

"Kung hindi po nakapasok sa screening ang estudyante n'yo, sino ang magiging
pambato ng Grade 10?" tanong ko.

"Si Monica Segundo, ang rank number two sa klase. Alam kong matagal na niyang
pinapangarap na makasali sa math contest. Dahil wala si Stein, natupad na rin 'yon
sa wakas."

"Mukhang kailangan muna naming magtanong-tanong sa library kung may nakakaalala sa


nangyari sa kanya. Pwede n'yo ba kaming bigyan ng picture niya para may maipakita
kami?"

Sinend sa 'kin ni Sir Jim ang litrato ni Steins bago siya nagpaalam na tutuloy sa
kanyang klase. Bumalik muna kaming dalawa ni Loki sa mga classroom namin at
nagkasundong magkikita sa tapat ng library pagdating ng lunch time.
Nang tumunog ang bell pagpatak ng alas-dose, dumiretso na ako sa meeting place.
Nasa hiwalay na building ang library kaya kinailangan ko pang maglakad nang ilang
kilometro sa ilalim ng sikat ng araw. I could feel the scorching sun above as the
heat made me uncomfortable and sweaty. On my way, napalingon ako sa isang direksyon
kung saan matatanaw ang abandoned school building. Naalala ko tuloy ang pagsama
naming dalawa ni Loki sa ghost hunt ng Paranomal Club mamaya.

By the time I reached the entrance of the library, I didn't see him or a glimpse of
his shadow. Sakto namang tumunog ang phone ko't naka-flash ang pangalan niya.

"Hey, Loki, nasaan ka na? Hindi ba twelve o'clock tayo magkikita rito sa library?"
Wala nang hi or hello, dire-diretso ko na siyang tinanong.

"Kung ayaw mong makakita ng mga lumilipad na libro diyan, mas mabuti kung hindi ako
pupunta." I

could hear some inaudible chit-chats from the background, parang nasa lugar siya na
maraming tao. "Thus I will be leaving the investigation in the library to you."

"Huwag mong sabihing may ginawa kang kalokohan sa library?"

"It's a long story but yeah. Naka-blacklist ako riyan kaya hindi ako pwedeng
tumapak diyan. Good luck to your questioning."

At binaba na niya ang kanyang tawag. Wala akong nagawa kundi magpatuloy nang mag-
isa.

Nakapatay pa ang ilaw ng library nang pumasok ako, mukhang nagtitipid sila ng
kuryente. Tahimik. Malinis. Walang katao-tao, pwedeng gawing shooting location para
sa isang horror film. Siguro'y inaamag na ang mga libro dito, lalo na 'yong mga
ilang dekada nang naka-stock, dahil walang gumagamit ng mga 'yon. Ngayong nasa
internet age na tayo at halos lahat ng kaalaman at kasagutan ay pwedeng sagutin ni
Google, bihira na lamang ang makikita mong pupunta sa library.

Nagtungo ako sa librarian's desk kung saan nakapwesto ang matabang babae na pandak,
may suot na salamin na dumudulas sa kanyang ilong. Permanente na yatang nakakunot
ang kanyang noo at halos magtagpo ang kilay niya. Noong unang bisita ko rito ilang
linggo na ang nakalilipas, gano'n na ang itsura niya. Hanggang ngayon, gano'n pa
rin.

"Excuse me, ma'am?"

"O, anong kailangan mo?" Sinadya niyang binagsak ang mga hinahawak niyang libro
bago tumingin sa akin. Matinis ang kanyang boses at talagang maiirita ka kapag
narinig mo. Gusto ko ngang takpan ang tenga ko at makipag-usap via sign language.
"May nakalimutan kang isauling libro o may nawala ka?"

"May itatanong

lang po sana ako. Busy po ba kayo?"

Tinitigan niya ako nang masama na parang may nasabi akong mali. "Ako, busy? Sa
dinami-dami ng ibabalik kong libro sa mga bookshelf, sa tingin mo ba hindi ako
busy? Anyway, kung may gusto kang itanong, itanong mo na. Sayang ang oras ko."

My eyes twitched at the tone of her voice. Siguro wala nang ibang choice ang HR ng
school kaya siya ang inilagay rito. "Nakita n'yo ba ang lalaking ito kahapon
bandang ala-singko?"
Naningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang litrato. Kinailangan niya pang
ayusin ang kanyang salamin at tumutok sa screen. "Ah, nakita ko nga ang lalaking
'yan. Paano ko siya makakalimutan? Iniwan niya ang kanyang bag sa loob ng library.
Hinintay ko siya ng thirty minutes at napa-overtime ako nang wala sa oras. Pero
hindi na siya bumalik. Kung hinahanap n'yo ang gamit niya, heto, itinago ko. Huwag
kayong mag-alala, wala akong kinuha riyan."

"Basta-basta niya iniwan dito ang mga gamit niya?"

"Bandang 4:30 nang lumabas siya, parang nagmamadali," kwento ng librarian na


nagpatuloy sa pag-aayos sa mga librong ibabalik niya sa shelf. "Siya na lamang ang
tao rito. Gusto ko na nga siyang paalisin kahit hindi pa closing time e. Hindi niya
dinala ang gamit niya noong lumabas siya. Ang akala ko sandali lang siya pero
mukhang natagalan sa kung anuman ang kanyang ginawa. Kaibigan mo ba ang lalaking
'yan? Pwede mo bang ibalik 'to sa kanya?"

"Actually, hindi niya po ako-"

Bago pa ako makapagpaliwanag, iniabot niya sa akin ang backpack at muli niyang
binalikan ang kanyang ginagawa. Parang bigla akong nawala sa kanyang paningin at
hindi na niya

pinansin. Hindi ko na naisipang humirit pa kaya lumabas na lang ako ng library.

Habang paakyat ako sa hagdanan, nakatanggap ako ng text kay Loki. Ang sabi niya,
kababalik lang niya sa school at hihintayin niya ako sa tapat ng Room 212, ang
classroom ni Stein. Kung gano'n, lumabas siya ng school kanina? Kaya pala mas
maingay kumpara sa normal ang background noise na narinig ko habang kausap niya.

Bigla akong napalingon sa aking likuran. Nanindig ang mga balahibo ko sa braso't
kamay matapos maramdaman na parang may nakamasid sa 'kin. Parang may aninong
sumusunod magmula nang pumasok ako sa library. Ewan kung guni-guni ko lang o baka
dahil ito sa ikinwentong multo ni Rosetta kanina.

Binalewala ko na lamang 'yon at nagpatuloy sa paglalakad patungong second floor.


Hindi ako nahirapang hagilapin si Loki dahil sa buhok niyang halos takpan ang
kanyang mukha.

"Nasira ba ang bag mo kaya naisipan mong mag-backpack na lang?" pambungad na bati
niya sa 'kin. Nakasandal siya sa pader habang nakakrus ang mga kamay.

"Binigay ng masungit na librarian sa 'kin. Ang akala niya yata kaklase ko si Stein.
Teka, saan ka ba galing?"

"May binili ako sa mall. Instead of asking what I bought, I suggest that we focus
on asking these people about Stein," napaturo siya sa babaeng wagas kung makangiti.
Saktong papalabas siya ng kanilang classroom kaya in-ambush na namin siya.

"Excuse me?"

"Yes?" Ilang beses na napakurap ang mga mata, tila pinagmamayabang kung gaano
kahaba ang mga pilik-mata niya.

"Kaklase n'yo si Stein Alberts, 'di ba?"

"Oh, that weirdo," the girl rolled her eyes as

if her missing classmate's name disgusted her. "Hindi siya pumasok ngayong araw.
Nabahag yata ang buntot niya sa akin kaya naisipan niyang umurong sa screening.
Hahaha!"

Umaalingasaw ang kayabangan ng babaeng 'to, akala mo kung sinong makapagsalita.

"Let me guess, you're Monica Segundo, the eternal rank number two in your class,
right?" Loki's comment made her stop from laughing and her smile turned into a
frown. Kahit ako siguro, masasaktan kapag sinabihang "eternal" na ang pagiging top
two ko.

"How fortunate for you, don't you think? That your fiercest rival vanished on the
day of the screening. One may say that it's divine intervention, mukhang
pinagbigyan na ng Diyos sa wakas ang hiling mo. But I can't deny the possibility
that this mere coincidence can be caused by human intervention."

Monica's upper lip twitched as her eyes were fixated on Loki's mocking smile. She
shook her head repeatedly before walking away. "I don't know what you're talking
about!"

"Hey," siniko ko si Loki sa braso, "sa tingin mo ba si Miss Number Two ang nasa
likod ng pagkawala ni Stein?"

"She's primary suspect number one. At least, hindi na siya number two sa aspetong
'yon. But we need more info about Stein."

Sunod naming in-ambush ang dalawang lalaking kakalabas ng kanilang classroom. Gaya
ng nauna, hinarang namin sila at kaagad na tinanong kung kaibigan nila si Stein.

"Sa classroom namin, kaming tatlo lang ang nagkakaintindihan," a tall guy fixed his
glasses. "Ang kikitid kasi ng mga utak nito."

"Sayang nga na hindi siya nakapasok ngayon, inaabangan niya kasi 'yang screening
para makasali sa Math contest,"

the shorter guy added, scratching his bigger-than-normal nose. "Baka siguro
nagkasakit siya kaya hindi nakayanan ng katawan niyang tumayo. Swerte tuloy ni
Monica, siya na ang ilalaban sa klase namin."

"Ano bang klaseng estudyante si Stein?"

"Kandidato para sa pagiging king of all nerds si Stein," tugon ng matangkad na


lalaki. "Wala na sigurong mas wiwirdo sa kanya kaya maraming ayaw makipagkaibigan
sa tulad niya. Hindi kasi nila siya ma-gets."

"Alam n'yo bang kapag nagtsa-chat kami o nagte-text, talagang naka-code pa?" singit
ng isa pang lalaki. "Medyo paranoid kasi si Steins na baka may magnakaw sa mga
phone namin at mabasa ang mga pinag-uusapan namin. Para ligtas ang aming means of
commnication, naisipan niyang gumamit ng codes. Minsan dots and dashes, minsan
series of numbers."

Ano kayang pinag-uusapan ng tatlong 'to at bakit kailangang encrypted ang


conversation nila? Gano'n ba ka-highly confidential ang topic nila para gumamit ng
method of communication na hindi alam ng karamihan?

Wala na kaming itinanong sa kanila kaya nagpaalam na kami ni Loki't umakyat sa


hagdanan.

"So do you think Moriarty is involved?"

He shook his head, his eyes looking straight. "I don't know why he would be
interested in making a smart but weird student disappear. Or maybe he was too bored
so he randomly cast doom on someone in this school."

"Lorelei! Loki!"

Nang makarating kami sa third floor, nakita naming nakaabang sa tapat ng clubroom
si Sir Jim. Lumapit siya sa amin at may ngiti sa kanyang mukha.

"May good news ako tungkol kay Stein," ipinakita niya ang kanyang phone sa amin.

"Nag-text siya sa akin kanina. Ang sabi niya, huwag daw kaming mag-alala. May
pinuntahan siyang emergency kahapon kaya hindi siya nakauwi at nakapasok ngayong
araw."

Binasa ko ang sinasabing text message ni Stein. Ang nakalagay:

"Sorry for the late reply, sir. I apologize for making you and the others worry.
Something urgent came up yesterday. Will come to school tomorrow."

"Pasensya na kung inabala ko kayo. Pero salamat na rin sa tulong."

At doon natapos ang kaso ng nawawalang math prodigy.

Teka, teka! Napaka-anticlimactic yata ng ending ng kasong 'to? The case ended
before we could reach its conclusion. Ibinaling ko ang aking tingin kay Loki para
makita ang reaksyon niya. Nakatingin siya sa baba at tila may malalim na iniisip.

And then, I felt a cold stare that sent chills to my spine. I looked back, trying
to spot anyone who's eyes were fixated on me. Wala akong nakita ni anino pero
nararamdaman kong may pares ng matang nakatingin sa akin.

"Hey, you coming in?" tanong ni Loki na hindi ko namalayang nasa loob na ng
clubroom.

Sumunod ako sa kanya at inilapag ang bag ni Stein sa mesa.

***

The missing person case has come to a close but Loki wasn't convinced. Masasabi
kong may bumabagabag sa kanya, as if something's wrong with how the case turned
out.

He better clear his mind now before we have another problem to solve. The case that
he's been looking forward today-ghost hunting.

Nagtago na ang haring araw at sumulpot na sa madilim na kalangitan ang buwan kasama
ang kanyang mga kawal, mga bituing nagniningning. Limang minuto

bago mag-alas-siyete ng gabi, nakarating na kaming dalawa ni Loki sa tapat ng


abandoned school building. Ayaw pa nga niyang pumunta noong una. Kinailangan ko pa
siyang hilain palabas ng clubroom bago ko siya napasama.

Nandoon na rin sina Rosetta, kasama ang tatlo pang lalaki.

"Guys!" masiglang bati ni Rosetta. "Gaya ng sinabi ko kanina, in-invite ko ang


dalawang miyembro ng Q.E.D. Club para sumama sa ating ghost hunting. Siya si Loki
at siya naman si Lorelei. Hindi sila mga paranormal expert pero makakatulong sila
para malaman natin kung may multo nga sa loob ng building."
"O? Baka mapaihi sila sa takot kapag narinig nila 'yong katok at kaluskos," biro ng
lalaking pinakamatangkad sa tatlo. Mukhang mayabang. "Andrew Salvador nga pala."

"Kaya pala basa ang pants mo matapos n'yong mag-ghost hunting kagabi rito." Hindi
napigilan ni Loki na bumanat, dahilan para mapatawa ang lahat maliban sa mayabang
na lalaki.

"Ako naman si Shawn Santiago," iniabot ng lalaking may suot na salaming may makapal
na itim na frame ang kanyang kamay sa amin ni Loki. Siya lang ang may suot na
backpack sa amin. "Kung kailangan n'yo ng snacks o water, meron akong supply rito."

"Ano ba itong pinuntahan natin, picnic o ghosthunting?" bulong ni Loki habang


nakatingin sa ibang direksyon. Siniko ko siya sa tagiliran bago pa siya muling
makahirit.

"I'm Ryle Garcia," kumaway ang lalaking may matipunong katawan. "Kung natatakot ka,
miss, pwede kang kumapit sa akin. Sisiguruhin kong protektado ka mula sa anumang
masasamang elemento rito."

"Baka nga mauna ka pang lumabas ng building na 'to mamaya

e," muling humirit si Loki, mabuti't pabulong ang kanyang boses kaya hindi narinig
ng mga kaharap namin.

"O, tama na ang pambobola!" sabi ni Rosetta sabay abot sa amin ng flashlight. "Let
the ghost hunting begin!"

Sa hudyat niya, sabay-sabay kaming pumasok sa gusali. Sinubukan ni Loki na


magpaiwan sa likod at tumakas, mabuti't nahila ko siya at naitulak papasok.

May mga bulung-bulungan na akong narinig tungkol sa abandoned school building na


'to. May ilang nagsabi na noong lumindol, nagkabiyak-biyak daw ang mga sahig at
pader. Hindi raw matibay ang pagkakagawa kaya minabuti ng admin na huwag na itong
gamitin. Meron iilang nagtsismis sa akin na may sumpa raw ang building na 'to dahil
bawat buwan, may namamatay na estudyante sa pinaka-kakaibang paraan.

Parang walang hanggan ang kadiliman na nakabalot dito. Iisipin mong portal ito sa
ibang dimensyon at kung sinumang maligaw ay hindi na makakabalik pa nang buhay. Sa
lamig ng hanging bumubuga rito, talagang tatayo ang mga balahibo mo. Lumilikha rin
ang hangin ng kakaibang tunog kaya halos mapatalon sa takot si Rosetta.

Kahit na naka-flashlight kami, hindi pa rin naging madali ang naging paglalakad
namin. May mga nakakalat kasing tipak ng bato, mga bakal at wire sa sahig kaya
kinailangan maging maingat.

"Sssshh!" Biglang huminto si Andrew, nakataas ang kanang kamay na tila nagpa-
Panatang Makabayan. Napatigil din kami sa paglalakad dahil sa kanya. "Narinig n'yo
ba 'yon, guys?"

"A-Ano 'yon? Wa-Wala kaming narinig!"

"Joke lang," sabi niya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Muntikan na siyang batukan
ni Rosetta.

Nakarating

kami sa hagdanan patungong second floor. Mas naging maingat kami dahil gumuho na
ang ilang parte ng hagdan. Napalingon ako kay Loki para tingnan kung nanginginig na
siya sa takot. Sa pagkadismaya ko, humihikab pa siya na parang hindi siya
tinatablan ng horrow feels ng haunted building. Oo nga pala, hindi siya naniniwala
sa mga multo.

"Dito namin narinig kahapon 'yong katok at kaluskos," bumagal ang paglalakad nina
Rosetta at tatlong lalaki. Itinututok nila ang kanilang flashlight sa bawat
direksyon at sumilip sa mga kwartong dinadaanan namin. "Kapag narinig n'yo 'yon,
kayo na ang humusga kung multo nga ba ang may gawa no'n o hindi."

Paakyat na kami sa third floor nang biglang may bumulaga sa mga tenga namin.

TOK! TOK! TOK!

Umalingawngaw ang tatlong katok sa buong pasilyo na tila galing sa ibang dimensyon.

"Yikes!" Mahigpit na kumapit si Rosetta sa braso ni Loki at idinikit ang katawan


niya. Itong si Loki, nasorpresa sa reaksyon ni Rosetta, tila hindi niya alam kung
anong dapat gawin. Parang noong napayakap ako sa kanya last week.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Rosetta at napabuka ang bibig. "Na-Narinig n'yo
ba? Gano'n na gano'n din 'yong kahapon!"

Itinutok ni Ryle ang kanyang flashlight sa may kisame at tila naging disco ball ang
liwanag nito. "Kung sino ka man, magpakita ka sa amin!"

"Uy, pare, huwag ganyan!" napaurong ng hakbang si Andrew. Nanginginig na sa takot


ang mga tuhod niya. "Hi-Hindi pa tayo handa!"

Ako naman, lumapit nang kaunti kay Loki pero hindi gaya ni Rosetta, hindi ako
kumapit sa braso niya.

SKRRREEEK! SKRRREEEK! SKRRREEEK!

Sunod

na nanggulat sa amin ang tatlong kaluskos. Napahakbang paurong ang mga kasama
namin, nagbabadya nang tumakbo palabas ng gusali.

TOK! TOK! TOK!

"Tara na! Mukhang pinapaalis na nila tayo rito!" naunang tumakbo patungong hagdanan
si Andrew.

"Kay lalaki n'yong tao, natatakot kayo sa katok at kaluskos?" nakangiting sambit ni
Lok, ni hindi siya natinag sa nakakatakot na tunog. Humakbang siya pasulong habang
lintang nakadikit sa kanya si Rosetta. Itinutok niya ang kanyang flashlight sa
harapan at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi siya lumingon para tingnan kung
sumusunod kami sa kanya.

Muli naming narinig ang tatlong katok, sinundan ng tatlong kaluskos at tatlong
katok ulit. Kung multo man ang may gawa noon, tila may pattern siyang sinusundan.

"May tao ba rito?" sigaw ni Loki habang sumisilip sa bawat kwarto. His voice echoed
into the void. "Kung hindi ka makapagsalita, sumagot ka sa paraang alam mo."

"Hoy, sa tingin mo ba sasagot ang multo sa 'yo?"

SKRRREEEK! SKRRREEEK! SKRRREEEK!

SKRRREEEK! SKRRREEEK! SKRRREEEK!


Hindi na alam ng tatlong lalaki kung magpapatuloy pa sila o tatalon sa bintana para
mas mabilis na makatakas dito. Si Rosetta, hayun, mukhang nadikit na ang kamay niya
sa braso ni Loki.

"I knew it..." bulong ng lalaking nangunguna na ngayon sa ghost hunting. "Knocks
and scratches. Dots and dashes!"

"Anong pinagsasabi mo riyan?"

Pero hindi niya pinansin ang tanong ko. "Alam n'yo ba ang layout ng building na
'to? Nasaan ang locker room?"

"Ku-Kung tama ang pagkakatanda ko, nandito sa third floor, sa kabilang dulo," sagot
ni Rosetta.

Kumaripas

ng takbo si Loki, nakakapit pa rin ang babaeng nakadikit sa kanya. Sumunod ako,
pati na ang tatlong lalaking nasa likuran ko.

"Anong meron sa locker room? Bakit naisipan mong pumunta roon?" Sana sumagot na
siya't maliwanagan ako sa pabigla-bigla niyang ginagawa.

"Don't you still get it, Lorelei? Tinanong ko kung may tao rito. May sumagot na
oo." Hindi na siya nag-abalang lumingon pa sa 'kin at nakapokus ang kanyang
atensyon sa dinadaanang hallway.

"Wala kaming narinig na oo kanina. Tanging kaluskos lang."

"Do you know anything about the Morse Code?" I don't know why he's asking a
seemingly irrelevant question. But since there's the word "code" in it, I guess
it's somehow related to the case at hand. "It's a sequence of short and long
signals called dots and dashes. Every dot, dash or sequence of the two represent a
letter. For instance, a single dot means E, two dashes mean M and both a dot and
dash mean A."

"At paano naging konektado ang mga dot at dash sa ghost hunting na 'to?"

"There's no ghost but a person here who's probably locked inside. His mouth is
probably gagged so he can't speak and cry for help. When he heard these paranormal
guys loitering around here, he tried to communicate with them by sending a series
of knocks and scratches-which can be considered as short and long signals. Every
knock is a dot while every scratch is a dash."

"So...?"

"He sent three knocks, followed by three scratches and then three knocks again."
Medyo hinihingal na siya sa kakasalita habang tumatakbo. "If you convert those
signals into Morse Code, that's three dots, three

dashes, three dots: S-O-S. In other words, a distress signal! Someone needs our
help."

Nakarating kami sa abandonadong locker room. Kinakalawang na ang karamihan sa mga


locker, ang iba'y nasira na ang mga bukasan. Kumpara sa ginagamit namin sa high
school building, mas malalaki at talagang magkakasya ang katawan ng tao sa loob ng
mga 'to.
"Kung naririnig mo ako, kumatok ka para malaman namin kung nasaan ka!"

Nagpunta kami sa huling row ng mga locker kung saan nagmumula ang mga katok. May
isang natatanging locker na naka-lock doon.

"Kung gano'n, hindi talaga multo 'yong narinig natin kahapon?" komento ni Andrew.

"There are no such things as ghosts, you idiot," sagot ni Loki, inilabas ang isang
maliit na kahong may lamang mga mala-alambreng bakal. Isinuksok niya ito sa padlock
at kinalikot. Ilang minuto rin bago niya na-unlock ito at binuksan ang locker.

Laking gulat ko nang makita ang pamilyar na itsura ng taong nasa loob. He was the
person who's reported missing since yesterday, Stein Alberts! His mouth was shaking
and his lips were cracked, probably he hasn't eaten anything or drunk water since
he was abducted. He was also barely conscious.

Inilabas siya nina Andrew at Ryle mula sa locker at inihiga sa sahig. Tinanggal
nila ang tape sa bibig ni Stein pati ang tali sa kanyang mga kamay at paa.

"Shawn, pahingi ng tubig!"

"Teka, huwag n'yo siyang basta-basta paiinumin!" pinigilan ko ang kamay ni Andrew
bago niya mapainom ang iniabot na bottled water sa kanya. Nagpukol ng nagtatakang
tingin sa akin si Loki na nakatayo sa tabi ko.

"Ihiga n'yo siya sa kanyang

side at siguruhing nakaangat ang kanyang ulo." Inilabas ko ang aking panyo at
binasa 'yon gamit ang tubig mula sa bottled water. Mabuti't hindi 'yon malamig.

Idinampi ko ang basang panyo sa nanginginig na bibig ni Stein. "Kapag pinwersa n'yo
siyang painumin ng tubig, posibleng pumasok ito sa kanyang trachea at ma-suffocate
siya."

Nang bahagyang mawala ang panginginig ng kanyang katawan, inalalayan siya ng mga
lalaki at idinala sa labas. Fortunately, may dalang kotse si Andrew kaya doon nila
pinasok si Stein at inihatid sa pinakamalapit na ospital.

Nagpaiwan kami ni Loki sa campus dahil hindi na rin kami kasya sa Mitsubishi ni
Andrew.

"Alam mo bang si Stein ang nakakulong sa locker na 'yon?"

"Not until I remembered what his friends told us," sagot ni Loki, sinundan niya ng
tingin ang papalayong kotse. "Stein communicates with them through codes, sometimes
in dots and dashes. There's a pattern in the knocks and scratches that we heard so
I thought they meant something."

"E paano 'yong natanggap na message ni Sir Jim kanina? Kung hindi si Stein ang nag-
text noon, sino?"

"Probably the one who's behind his abduction. They wanted us to stop our pursuit so
they sent that message. And I think we both know who's probably behind this
incident."

Tama si Loki. There's only one person who would benefit from Stein's mysterious
disappearance.

Napalingon ako sa abandoned school building. Who would have thought that someone
could use this place for something sinister?

And then someone caught my eye. I could see his silhouette from afar but not his
face. He was smoking a cigarette and releasing puffs of smoke. Parang sinadya
niyang ipadama ang kanyang presensya kahit nasa malayo siya.

Hindi ko nakikita ang mga mata niya pero alam kong nakatitig ang mga ito sa 'kin.

###

P.S. What can you say about this update? Found any clue? :D

=================

Volume 1 • Chapter 12: Deduction Showdown? Loki versus Lorelei!

LORELEI

THE NEXT day, we told Sir Jim Morayta and Stein's class about what happened.
Ipinakita namin sa kanila ang kalunos-lunos na itsura ng kanilang kaklase.
Kinailangan munang manatili sa ospital nang ilang araw ng biktima para matingnan ng
mga doktor ang kalagayan niya. Nalipasan na nga siya ng gutom at na-dehydrate,
sinabayan pa ng mataas na lagnat at ubo.

His situation forced someone in the class to burst into tears. Walang iba kundi si
Monica Segundo, ang eternal rank number two sa klase at ang pambato nila sa
gaganaping Math contest. Biglang napalitan ng pagsisisi ang aura ng kayabangan
niya. Paulit-ulit niyang sinabi, "It's all my fault! It's all my fault!"

Dinala siya sa Office of Students Affairs para pag-usapan kung anong ibig niyang
sabihin. Sinama kami ni Sir Jim sa kanilang meeting kasama ang OSA director dahil
kami raw ang nakakita kay Stein na nakakulong sa isang locker sa abandoned
building. Nakaupo kaming lima-ako, ang director, sina Loki, Sir Jim at Monica-sa
palibot ng pa-oblong na mesa.

"I-I didn't know that something like that would happen to him," mangiyak-ngiyak na
sabi ni Monica, pinupunasan ng panyo ang mga luha sa kanyang mata. "Ang akala ko
tatakutin lang nila."

"Nila?" pag-uulit ni Loki. "Are you saying that a third party is involved here or
is this your way of trying to pass the blame?"
Umiling si Monica habang tinitigan ang aking kasama. Namumula na ang mga mata niya
dahil sa luha. "I'm not making this up! Last week, may nag-text sa 'kin na
anonymous number. Hindi ko alam kung saan nila nakuha

ang number ko. Ang sabi, pwede akong mag-request sa kanila ng kahit anong bagay
basta kaya nilang gawin. Kahit na inakala kong prank message 'yon, pinatulan ko.
Nag-reply ako, 'Gusto kong makasali sa isang math contest next month kaso may
balakid sa 'kin kaya baka hindi ako ang mapiling representative ng school. Pwede
n'yo bang gawan ng paraan?' Tapos..."

Uminom muna siya ng tubig bago nagpatuloy.

"Tapos... Nag-reply sila sa 'kin. Sabihin ko raw sa kanila kung sino ang balakid
para matupad ang kahilingan ko. They said they could do something about it. Saktong
screening nitong Martes kaya I took that opportunity kahit walang kasiguraduhan. I
told them about Stein and sent them a photo of him. Sinabi ko rin sa kanila 'yong
hilig niyang gawin at kung saan-saan siya nagpupunta. Kahapon, nang nabalitaan kong
hindi pumasok si Stein at hindi siya makontak, I realized that those guys were
serious."

"At ano ang kapalit ng pagtulong nila sa 'yo?" tanong ni Loki, seryosong nakatingin
kay Monica. "I don't think that they will do it free of charge."

"It came with a price, of course. Two thousand pesos will do. Money is not a
problem to me kaya okay lang na maglabas ako ng pera. I gave it to them kahapon,
once I'm guaranteed that Stein is out of the way. Pero..." Muling naiyak si Monica
at tinakpan ng panyo ang kanyang mukha. "Ang akala ko, tatakutin lang nila siya.
Hindi ko alam na dudukutin nila si Stein at ikukulong para masigurong hindi siya
makakapasok sa screening."

"Did you see their face or anything that might lead us to them?"

Monica shook her head, her face glistened with fresh tears.

"They told me to leave the money on top of the fire extinguisher case on the fifth
floor."

"And did those people have a name?"

Muling umiling si Monica. "They never told me who they are. But they did tell me
that I can call them M."

Napatingin ako kay Loki at napansin ang mga nanlaking mata niya matapos marinig
ulit ang letrang 'yon. It was only a single letter of the alphabet yet it had a
strong impact on him. M-or Moriarty-is on the move again.

Iniwan na namin kina Sir Jim at sa OSA director ang pakikipag-usap kay Monica. For
sure, Loki's mind now is preoccupied by the information that Moriarty had a hand in
the case referred to us by my Math instructor. Walang kumibo sa aming dalawa
hanggang sa marating namin ang clubroom sa third floor.

To our surprise, someone was already inside our office. Her back was facing us but
I recognized the length of her straight, black hair. Nang marinig niya ang kaluskos
ng pinto, humarap siya sa amin.

It was Rosetta. Again.

"Are you going to ask us to join your ghost hunting today or you have something
more thrilling to offer?" Dumiretso si Loki sa pinakadulo ng mesa at umupo sa
kanyang paboritong monobloc chair. Hindi ko alam kung bakit ayaw na niyang gamitin
ang swivel chair matapos upuan ng kanyang kapatid.

"Actually, I'm here to join your club!" Iniabot niya sa 'kin ang club membership
form. Wala siyang pinalampas na isang blangkong field. "Nakita ko kung gaano kayo
ka-cool kahapon kaya napagdesisyonan kong sumali sa inyong club."

Dahil isa lang akong hamak na vice president, ibinigay ko kay Loki ang kanyang

form. As president, siya ang may kapangyarihang mag-approve o deny ng application.

Laking gulat naming dalawa ni Rosetta nang bigla niyang pinunit ang papel,
pinagpira-piraso at tinapon sa kanyang likuran. Napabukas ang bibig ni Rosetta,
kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkabigla at pagtataka. "But why?" was painted on
her face.

"Sorry but we don't accept club members. Not the likes of you," tugon ni Loki.
Mukhang dahil sa pagkarinig niya sa initial ni Moriarty kaya nawala siya sa mood
ngayong umaga.

"Pero bakit? Dahil ba may iba na akong sinalihan na club?"

Loki let out a bored sigh and looked away, trying to avoid Rosetta's eyes that were
welling up with tears. Kahit ako siguro, maiiyak dahil walang pasintabing pinunit
ang form na pinaghirapan kong i-fill up.

"For one reason," itinaas ni Loki ang kanyang hintuturo. "You believe that ghosts
exist. That fact alone is sufficient to deny your application. We can't have
someone who believes in nonsense stuff in our team."

Biglang tumayo si Rosetta at patakbong lumabas ng clubroom, ni hindi na nagpaalam


sa 'kin.

"Why do you have to be a jerk?" I asked Loki who seemed to be unfazed by my


classmate's sudden exit.

"We don't need excess baggage in this club," he said, averting his gaze elsewhere.
"Anong maitutulong niya sa atin? Mamangha sa bawat deduction na sasabihin ko?
Purihin kung gaano tayo ka-cool? Every member of the club should have a role to
play!"

"E bakit ako, kinuha mo rito? Hindi ba puro ako tanong nang tanong sa 'yo?"

"I asked you to join this club to be the chronicler of our adventures."

Napatingin siya sa 'kin, mukhang nakuha ko nang buo ang atensyon niya matapos kong
taasan ang aking boses. "You observe and take note of details which others miss and
your insights helped us solve some cases. You don't have to play the detective
because that role is mine and I don't think you really have the makings of a
detective. Just make sure that other people will read our stories."

Ouch. Inaamin ko sa sarili ko na hindi ko kayang mag-ala detective at lumutas ng


kaso nang mag-isa. But hearing it from other's mouth, especially from him, wounded
my ego. "Sa tingin mo ba, hindi ko kayang maging detective kagaya mo? Na hanggang
pagsusulat lang ako magaling?"

"Well, I haven't seen you trying to solve a case without my help so I can't tell.
Don't worry, your role as a chronicler benefits the club. But adding Rosetta to our
list isn't."
That's right. Wala pa akong nalulutas na kaso nang hindi kasama si Loki. Lagi akong
nakabuntot sa kanya na parang anino. Tuwing may deduction show siya, ako ang
nagsisilbing assistant niya habang siya ang magician na nasa stage, tinututukan ng
spotlight at pinapalakpakan ng mga tao.

KYAAAAAAH!

I was thinking of a good comeback when our conversation was interrupted by a


woman's scream outside. We promptly left the clubroom to see what had happened.

Mula sa third floor, tumingin kami sa baba at nakita ang duguang katawan ng isang
babaeng nakahandusay sa may ground area. Nagkatitigan pa kami ng mga dilat niyang
mata habang mabilis na kumakalat ang kanyang dugo. Ang nakakapagtaka, nakangiti pa
ang babae, tila natutuwa sa nangyari sa kanya. Naging creepy

tuloy siyang tingnan. Para siyang itlog na nahulog mula sa mataas na lugar at
nabasag. Mabilis kong iniwas ang aking tingin bago tuluyang ma-register sa utak ko
ang kahabag-habag niyang itsura.

"Catherine? CATHERINE!" sigaw ng isang lalaking tumakbo malapit sa handrail ng


third floor at dumungaw para makita ang bangkay ng babaeng nasa ibaba. Mukhang
kakilala niya ito.

"It seems that we have a case to solve," komento ni Loki bago nagtungo sa hagdanan
para bumaba at makita nang malapitan ang katawan ng nahulog na babae.

***

Mabilis na rumesponde ang campus police. Limang minuto pa lang ang nakalilipas pero
nasa ground area na kaagad sila ng school building namin. Kinordonan nila ang
paligid at sinigurong walang ibang makakalampas sa police line hangga't hindi sila
tapos sa pagsusuri nito.

Pailing-iling pa si Inspector Estrada nang madatnan namin siya. Hinahaplos niya ang
kanyang bigote na tila lalo pang kumapal ngayon.

"Mukhang hindi na namin kakailanganin ang tulong n'yo, Loki," bati niya sa amin.
"Walang nakapansin sa kanyang pagtalon pero mukhang suicide ang nangyari."

"Hmm... Out of ten suicide cases, ilan sa mga biktima ang nauuna ang likuran ng ulo
kaysa sa mukha?" tanong ni Loki habang iniikutan ang katawan ng babae. Mabuti't
tinakpan na nila ito pero kitang-kita pa rin ang bakas ng dugo sa pavement. "It
seems to me that she was pushed off the building. She was holding something in her
left hand, wasn't she?"

Iniabot

ni inspector ang panyong nakapaloob sa isang plastic bag. "Hawak-hawak niya 'yan
nang madatnan siya rito."

"Pwedeng ko bang ilabas?" Hindi na hinintay pa ni Loki ang permiso kay inspector.
Pagkalabas niya sa panyo, maingat niya itong inamoy na parang isang K-9 unit na
sinusuri kung may bomba ang isang bagahe. Pasinghot-singhot pa siya habang
sinasabing, "Medyo matapang ang amoy ng pabango sa panyong ito. And surprisingly,
it's for men."

"Anong ibig mong sabihin?" Inamoy rin ni inspector ang panyo para kumpirmahin ang
pahayag ni Loki. "Teka, huwag mong sabihing..."
"Hindi kanya ang panyong 'yan. It belongs to someone else," tumingala si Loki at
napatitig ang mga mata sa lalaking nakatayo at nakakapit sa handrail ng third
floor. "Probably before she fell, the victim grabbed on someone's possession-that
handkerchief, no doubt-as a clue to the identity of the man who pushed her off the
building. In other words, inspector, this isn't suicide. It's a murder. And I think
I know who did it."

The clues pointed to that direction. But my gut told me that there's something
strange with this case. The smile on the girl's face... parang may mali.

"So what do you think Lorelei? Do you think this is a suicide or a murder?"

"At bakit mo tinatanong ang opinyon ko?" Nakataas ang isa kong kilay habang
nakatingin sa kanya. Sa halos lahat ng kasong hinawakan namin, ngayon lang yata
niya tinanong kung pareho kami ng iniisip.

"Gusto kong malaman kung sang-ayon ka sa deduction ko," tugon niya. "I would be
surprised if you think otherwise."

Baka nabasa niya sa mukha ko na may bumabagabag sa

aking isipan. Now that he has asked me about what I think, I was left with no other
choice but to tell him.

"Sa tingin ko, tama si Inspector Estrada, isa itong kaso ng suicide," I said
confidently as if I have evidence to prove what came out of my mouth.
"Unfortunately, mukhang magkaiba tayo ng tingin sa kasong 'to."

There was a look of surprise on his face as his mouth slightly opened. "Are you
saying that to spite me? Just because I told you earlier that you don't have the
makings of a detective?"

"Ngayong sinabi ko sa 'yo ang opinyon ko, kinokontra mo naman." Maging ako, hindi
segurado kung bakit hindi ko sinang-ayunan ang kanyang deduction. Parang biglang
pumasok sa isip ko na tumaliwas sa opinyon niya. Maybe it's because of my gut
feeling. Maybe it's because I want to prove him wrong for once.

"Please tell me why you think it's a suicide."

"There was a smile on her face." I know how foolish it was to use that as a basis
for my deduction but that's all I have for now. "Kung sinadya o aksidente siyang
tinulak para mahulog, 'di ba dapat may naiwang pagkagulat o pagkasorpresa sa
kanyang mukha?"

Loki chuckled as if I cracked a joke. "You are making a grand assumption out of a
tiny-and probably insignificant-detail. Maybe she was happy to see the man who
pushed her and she didn't know that that person was planning to kill her. And your
theory doesn't explain why she was holding someone else's handkerchief."

Hiniram ko ang panyong nasa plastic bag at sinuri ito gaya ng ginawa ni Loki. Tama
nga siya, amoy pabango ng lalaki ito. Medyo pamilyar din ang amoy na parang

nasinghot ng aking ilong kani-kanina lang. Hindi ko alam kung anong sasabihin.
Unlike Loki, I can't deduce anything from this handkerchief that would support my
theory.

Pero hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya. For once, I have to shove in his face
that I'm not just a mere chronicler of the club. I can also solve a case on my own,
or at least, without much of his help. At mukhang ito na ang pagkakataong 'yon.
Papalampasin ko pa ba?

Piniga ko ang aking utak para makapag-isip ng posibleng dahilan kung bakit may
hawak na panyo ang lalaki. And then, a weird thought came to mind. Napangiti ako
habang tinititigan ang panyo. "Tama ka, Loki. Isa nga itong clue para malaman natin
kung sino ang nagtulak sa kanya. Or at least, that's what she wanted us to think."

"Oh? So you're not giving up your suicide theory? Please continue. I'm delighted to
hear your deductions."

Tumingala ako at tumingin sa third floor kung saan nandoon pa rin ang lalaki
kanina, tulala ang mga mata at parang wala sa sarili.

"Gusto niyang palabasing murder ang ginawa niyang pagpapakamatay. Why so? Probably
she wanted to frame that guy over there. That should explain why she was grasping
the handkerchief that smells exactly like that guy's perfume."

"But the police initially thought that this is suicide. What if no one pointed out
it's probably a murder?"

That's a difficult question but I didn't let it zip my lips. "She probably relied
on the chance that someone with superb skills of observation and unmatched power of
deduction would disprove the suicide angle through the handkerchief."

"You mean someone like me?"

Hindi

ko pinansin ang side comment niya. Ngayon yata ang unang pagkakataong napunta sa
'kin ang atensyon nina Loki, Inspector Estrada at iba pang pulis na kumukuha ng
larawan sa crime scene. It somehow felt good.

"Very well," nakangiting humarap si Loki kay inspector. "It seems that my partner
has a different opinion. I'm afraid we need to pursue two angles for this case
separately. Her deduction makes sense, if it's true."

He spoke as if someone's death was a detective game for us to play.

"Now shall we start the deduction showdown, Lorelei?"

Kaagad na pinatawag ng pulis ang lalaking nasa third floor. Hindi na siya
kinailangang pwersahin dahil kusa siyang bumaba sa crime scene.

"A-Ano hong kailangan n'yo sa 'kin?" Medyo tulala pa siya at hindi pa rin maka-get
over sa kanyang nakita.

Suminghot si Loki para kumpirmahin kung pareho nga ang pabangong naamoy niya sa
panyo. Maging ako'y napagaya rin sa kanya.

"Is this yours, mister...?" Ipinakita ni Loki ang plastic bag kung saan nakapaloob
ang panyo.

"Leo Dacillo," pagpapakilala ng lalaki. "At oo, sa 'kin nga ang panyong 'yan.
Matagal ko na 'yang hinahanap. Saan n'yo nakita?"

"Hawak-hawak 'yan ng biktima sa kanyang kaliwang kamay kanina," paliwanag ni


Inspector Estrada. "Ayon sa aming consultant, posibleng sinadyang tinulak ang
biktima pero bago siya tuluyang nahulog, nahawakan niya ang panyong magtuturo sa
nagtulak sa kanya."

Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Kahit hindi pa sabihin sa kanya kung bakit siya
ipinatawag dito, mukhang naintindihan na niya. "Te-Teka! Iniisip n'yo bang sinadya
ang pagkahulog

niya at ako ang suspek n'yo? Dahil lang sa isang panyo? Kasasabi ko pa lang, 'di
ba? Matagal nang nawawala ang panyong 'yan sa akin."

Kung totoo ngang nawala ang kanyang panyo, posibleng itinago muna 'yon ng biktima
bago gawin ang eksenang 'to.

"Ano bang relasyon mo sa biktima?" tanong ni inspector. "At bakit parang natulala
ka kanina?"

"Ex-girlfriend ko si Cath. Kaka-break lang namin two weeks ago," kwento ni Leo
habang nakatingin sa natakpang bangkay ng babae. "Ako ang nakipag-break sa kanya
pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap."

"Tapos kinulit-kulit ka niya hanggang sa mapuno ka kaya naisipan mo siyang itulak


mula sa third floor?"

"Hinding-hindi ko magagawa 'yon!" Tumaas ang boses ni Leo, nakita ko ang pagtibok
ng kanyang ugat sa noo. "Oo, lagi niya akong tine-text at tinatawagan pero hindi
sapat na dahilan 'yon para patayin ko siya. Kanina, tinext niya ako at nag-request
na magkita kami sa third floor para magkaroon ng closure ang break-up namin. Gusto
ko ring matapos na ang pangungulit niya kaya pumayag ako. Nang makarating ako sa
floor kung saan siya naghihintay, bigla siyang tumalon nang nakatalikod."

"Unfortunately, Leo, walang tao sa floor na 'yon ang makakapagpatunay na tumalon si


Catherine," sabi ni inspector. "Wala ring makakapagpatunay na hindi mo siya
itinulak. Ang pinanghahawakan naming panyo mo ang ebidensyang nagkita nga kayo
kanina at ikaw ang huli niyang nakausap bago mahulog mula sa third floor."

Hindi na ako nagtataka kung bakit mas pinaniwalaan ni Inspector Estrada ang murder
theory ni Loki. Siya kasi ang eksperto pagdating sa mga kasong ganito habang

ako'y isang hamak na assistant o audience na magtatanong o pupuri sa mga brilliant


deduction niya.

Teka, pinagpipilitan nilang itinulak ni Leo si Catherine mula sa third floor. Ang
tanging hawak nilang ebidensya ay ang panyo ng kanilang suspek na hindi gano'n
katibay kung tutuusin. Paano kung meron pang ibang paraan para malaman kung talaga
ngang murder ito at si Leo nga ang salarin?

I could only think of one way to prove that but I'm not sure because of my limited
knowledge in forensic science.

"Sinasabi n'yong itinulak ni Leo si Cath, 'di ba?" Binasag ko na ang aking
katahimikan, dahilan para mapatingin sila sa akin. "Ayon sa teorya ni Loki,
itinulak ni Leo si Cath nang nakatalikod. Ibig sabihin, hinawakan siya ni Leo sa
bandang harapan para maitulak siya sa gano'ng paraan. Kung gano'n, nagkaroon ng
kontak ang kamay ni Leo sa suot ni Cath o sa balat niya, tama?"

Loki's eyes narrowed into slits as he stared at me, probably trying to read what I
was about to say next. "Are you approaching anything resembling a point?"

"Pwede ba nating i-confirm via fingerprint analysis kung dumampi ang mga kamay o
daliri ni Leo sa damit ni Cath?"
"Lifting fingerprints from clothing was a challenge to the police until 2011 when
researchers made a breakthrough on that process," komento ni Loki. "If the campus
police has an advanced equipment, then they can do palm print analysis, not just
the fingerprints. They can tell if Cath was pushed off the handrail or she jumped."

"Sige, ipapa-examine ko ang uniporme ng biktima para tingnan kung may impression
ng palm print ni Leo." Humarap si Inspector Estrada

sa kanilang suspek. "Pwede ba naming mahingi ang prints mo sa magkabilang kamay


para may maipagkumpara kami sa lab?"

"Kung ito ang magpapatunay na inosente ako, walang problema sa 'kin." Sumunod si
Leo sa mga pulis at nilisan nila ang crime scene.

***

Hindi kinalauna'y lumabas ang resulta ng palm print test. Walang na-detect na ibang
prints sa damit ni Catherine. Ang ibig sabihin, kusa siyang tumalon mula sa third
floor at sinubukang palabasing murder ang nangyari sa kanya.

Siyempre, wala na sigurong mas sasaya sa 'kin dahil tama ang gut feeling ko. And
for the first time, I proved Loki's deduction wrong. Noong ibinalita sa amin ni
Inspector Estrada nitong hapon ang balita, ni hindi siya makatingin nang diretso sa
akin at pilit akong iniiwasan.

To celebrate my victory, isinulat ko 'yon sa aking blog para ipagmayabang na nagawa


kong talunin sa isang simpleng deduction show si Loki. Nakauwi na ako sa apartment,
nasa kwarto't tutok na tutok sa laptop. Pino-proofread ko na ang 3,000-word na blog
post nang may kumatok sa pinto ng aking kwarto.

Isang hindi mabura-burang ngiti ang ibinati ko sa kanya nang binuksan ko ang pinto.
"Are you going to congratulate me and say that I can also be a detective like you?"

"Of course, you can be, but not to my level," he still sounded too full of himself
like someone who wouldn't yield to defeat. "To be honest, I also considered the
suicide-to-frame-someone angle before you spoke of it. But I chose to go with the
murder one to see if you're going to have a different opinion."

So now he's saying that he's testing

me? That he knew the truth all along? What a good way to burst my bubble! Ganito ba
ang paraan niya ng pag-congratulate sa akin?

"But more importantly, I think I owe you an explanation as to why I didn't accept
Rosario in our club."

It's Rosetta. Why do you keep on forgeting her name? Anyway, I crossed my arms and
gave him a look that says "Go ahead, I'm listening."

"Being part of the club-and by extension, being close to me-has proven to be


dangerous," he closed his eyes briefly to gather his thoughts. "Naranasan mo 'yan
first hand noong nakaraang linggo. In a way, you became a liability to me. But
don't get me wrong. I appreciate your presence, especially when you tried to stop
me from melting John. If you weren't there, I would have become a murderer."

This conversation felt like deja vu, as if it already happened before. Oo, ganito
rin ang naramdaman ko noong humingi siya ng tawad sa 'kin noong isang linggo,
matapos kong buksan ang topic tungkol kay Rhea. For the second time since I met
him, he sounded sincere.

"Now adding Rosetta to our club would mean another liability. If she can protect
herself from harm without my help, I would have considered her application." A hint
of sadness then dawned on his face as he looked away. "I failed to protect Rhea
before. And I'm afraid that I may not be able to protect both you and Rosetta if I
chose to welcome her in the club."

Naramdaman ko ang pagka-guilty niya sa kanyang boses nang banggitin niya ang
pangalan ni Rhea. Mukhang hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad ang sarili
sa nangyari. Kumbaga sa pag-ibig, hindi

pa rin siya maka-move one.

"Naiintindihan ko. Ang pinagtatakahan ko lang kaninang umaga ay kung bakit


kailangan mong maging rude sa pag-deny sa application niya," tugon ko.

"Maybe it's because of M. Hearing his codename 'Moriarty' or even that single
letter triggers something inside of me. And speaking of him, I have something to
give you."

Iniabot niya sa akin ang manipis at maliit na parihabang kahong nakabalot pa ng


gift wrap.

"Teka, hindi ko pa birthday ngayon a. Ano ang laman nito?"

"Open it and see for yourself."

Kahit nanghihinayang ako sa magandang pagkakabalot nito, pinunit ko ang wrap at


binuksan ang ibinigay niyang regalo. I saw a fountain pen inside with my name
engraved on the cap. I wonder why he would give me something like this. At
personalized pa, ha.

"If you think that's a regular pen, you're wrong," paliwanag niya habang sinusuri
ko ang barrel nito. "I asked an acquaintance of mine to create a stun gun disguised
as a pen para hindi masyadong kahina-hinala kapag dala mo. Yesterday, I met with
that person at the mall and the transaction was made. All you have to do is press
the button at the end and it will generate a high voltage electrical charge that
can immobilize anyone who comes in contact with it."

Kaya pala umalis siya kahapon at hindi niya ako sinamahan sa library. He went all
the way to the mall, which was three rides away from school, just for this self
defense device?

"We don't know when Moriarty or his agents will strike again. But when that time
comes, you now have something to defend yourself. At least, kahit wala ako sa tabi
mo, kaya mong protektahan ang iyong sarili."

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin maliban sa "thank you." He knew the danger
that I was in and he was concerned about me after all, kahit hindi niya masyadong
ipinapahalata sa akin.

"Just don't use that pen for nefarious purposes." Tumalikod siya't nagsimulang
humakbang patungo sa couch.

"Teka, sandali!" A thought then popped in my mind, it's kinda difficult to resist.

"Is there anyth-"


BZZZ!

Idinikit ko sa leeg niya ang fountain pen at pinindot ang button sa dulo nito, gaya
ng kanyang instruction. Lumikha ng malakas na "thud!" ang pagbagsak ng katawan ni
Loki sa sahig, nawalan siya ng malay pero hindi tuluyang nakasara ang mga mata
niya.

"That's for being a jerk to my classmate and my other way of saying thanks."

Isinara ko ang pinto ng aking kwarto at iniwan siyang nakahiga sa malamig na sahig.

This afternoon's event proved one thing: Gumagana nga ang stun-gun-disguised-as-
fountain-pen na ibinigay niya sa 'kin.

###

P.S. What can you say about this chapter? Sa tingin n'yo ba kayang lumutas ng kaso
ni Lorelei kahit wala si Loki?

Because the next update is Chapter 13 (the so-called unlucky number), it will be a
MUST READ:

"Why don't we have a cup of tea later in your clubroom?" -M

=================

Volume 1 • Chapter 13: Moriar-tea (Part 1)

LORELEI

TAHIMIK. TANGING ang nakakaaliw na huni ng mga ibon ang maririnig mo rito.
Sinabayan pa ng maya't maya'y malakas na bugso ng hangin at ang pagsayaw ng mga
sanga ng puno.

July 7 has been an ordinary day for me the past few years. But today gave it some
sort of significance to me.

Pasikat pa lang ang haring araw nang pumunta kami ni Loki sa Pax et Lumen Memorial
Park. At first, I didn't know why he would go to the cemetery this early. But then
he told me that today's Rhea's birthday and he wanted to pay his respect to her. He
asked me if I wanted to go with him. Pwedeng hindi ako sumama, pero ewan, bigla
akong pumayag at kaagad na nagbihis.

Ala-sais ng umaga nang makarating kami doon. May dala-dalang isang basket ng
bulaklak si Loki at nakasuot ng kulay itim, tanda ng kanyang pagdadalamhati
hanggang ngayon. Nasa bandang dulo pa ang puntod ng kanyang kaibigan kaya iilang
nitso rin ang aming nadaanan.

RHIANNON DE LOS REYES

July 7, 1998 - January 14, 2015

Mukhang may nauna nang nagpahatid ng kanyang pagbati kay Rhea base sa basket ng
bulaklak na nadatnan namin doon. Itinabi ni Loki ang dala niyang bulaklak dito at
nanatiling tahimik sa loob ng ilang minuto. Nakatitig ang mga mata niya sa
pangalang nakaukit sa lapida at tila nag-aalay ng isang panalangin.

Minsan, naitanong ko sa aking sarili kung paano kaya naging magkaibigan sina Rhea
at Loki. Since he has a habit of not making friends, what did he see in her?
Masyado kasing dinamdam ng kasama ko ang pagkawala

ng kaibigan niya at hanggang ngayo'y hindi pa rin siya makahakbang pasulong.


Posibleng dahil hindi pa nahuhuli si Moriarty, ang taong nasa likod ng pagkamatay
ni Rhea.

"What the hell are you doing here?"

Napalingon kami sa likuran at nakitang papalapit si Margarette. Ilang araw ko rin


siyang hindi nakita sa campus mula nang sunduin niya ako para makipagkita sa
kapatid ni Loki. Meron din siyang dala-dalang kulay puting mga bulaklak.

Come to think of it, ngayon ko pa lang nakitang magkasama sina Loki at Margarette
sa iisang lugar.

"You still have the guts to come here after what you did?" She bared her teeth like
a dog that would bark at a stranger. "And now you brought the next person whom you
will send to the grave."

She's probably referring to me since she mentioned many times that being associated
with Loki is synonymous to being in constant danger.

"I didn't come here to trade barbs, Maggie," Loki was unfazed by Margarette's
unfriendly approach to him. Nanatili siyang kalmado at nakatitig lang sa kausap
niya. "I'm here to pay my respects."

"You should also pay for your sin." Inilagay ni Margarette ang dala niyang bulaklak
sa tabi ng dalawang basket. "But that won't be enough for the price that Rhea paid
by befriending you."

"If she were here, do you think she will be happy to see us engage in a word war in
front of her grave?" tanong ni Loki, sandaling napasulyap sa lapida ng kanilang
kaibigan. "I know how much you hate me but since today's Rhea's birthday, I hope we
can avoid being at each other's throats this early."

Margarette's lips twitched,

she must be trying to control the rage inside her body. Mula nang magkakilala kami
noong isang araw, damang-dama ko sa pagsasalita niya tungkol kay Loki ang kanyang
matinding pagkamuhi. Was her hatred for Loki related to Rhea's death?

"Anyway, we will take our leave now so I won't irritate you any longer," Loki
turned around and started walking away. I followed behind him. "See you around in
the campus."

When we were out of Margarette's earshot, I took the opportunity to ask him, "Why
does it sound like she resents you so much? May nangyari ba sa inyong dalawa?"

"Rhea is not just a friend to Maggie. She's like a sister to her," sagot ni Loki,
diretso ang kanyang tingin sa aming dinaraanan. "Halos isumpa at ipakulam niya ako
nang mabalitaang pinatay si Rhea dahil sa akin."

Now that explains why she despises him, probably to the moon and back.

***

Pasado alas-siyete na ng umaga nang makarating kami sa school ni Loki. Bilang sa


mga daliri ko ang mga araw na sabay kaming pumasok.

"What do you think of the guy behind us?" tanong niya sa akin habang naglalakad
kami sa pavement patungo sa school building. Kahit late na kami sa mga klase namin,
parang namamasyal kami sa park sa bagal ng aming paglalakad. Hindi problema sa 'kin
ang ma-late dahil laging late din ng fifteen minutes ang prof namin sa first
subject. Ewan kung gano'n din ang prof sa first subject nina Loki.

Lumingon ako sa likuran at pasimpleng tumingin sa lalaking may kulay dilaw at


pulang mantsa ang uniporme. Kulang na lang ay habulin siya ng plantsa dahil sa
sobrang

gusot ng kanyang polo. May hawak-hawak pa siyang baso ng kape mula sa convenience
store ilang kanto mula sa school.

"Gusto mo bang subukan ang aking deduction skills?" Hindi ko na kailangan pang
muling lumingon sa likod dahil natandaan ko na ang itsura ng lalaki.

"Go ahead. I'm listening."

"Late siyang nagising ngayong araw kaya wala na siyang oras para pumili ng maayos
na damit na susuotin," sabi ko. "Base sa mantsa ng kanyang polo, posibleng 'yon din
ang sinuot niya kahapon. Sa kakamadali niya, hindi na niya napansin ang dumi nito.
Hindi na rin niya ito nagawang plantsahin dahil wala na siyang oras para doon. Bago
siya pumasok, dumaan muna siya sa convenience store at bumili ng coffee. Pareho ba
tayo ng deductions?"

"Hmmm..." lumingon siya sa likuran na tila kinukumpirma kung tama ang sinabi ko.
"So close but no."

"Huh? Saan ako nagkamali?"

Itinaas niya ang kanyang hintuturo. "Una, bagong laba ang suot niyang polo ngayong
araw pero hindi siya nagpalit ng pantalon. The creases on his pants gave me that
idea. Dahil wala siyang oras para mamlantsa kaya hindi niya ito naitago."

"Kung bagong laba ang polo niya, bakit may mantsa ito?"

"You were right when you said that he went to the convenience store before entering
the campus but here comes your second mistaken deduction," sunod niyang itinaas ang
kanyang hinlalato. "Wala siyang oras para mamlantsa ng damit kaya posibleng wala
rin siyang oras para kumain ng breakfast. Hindi lang kape ang binili niya sa
convenience store kundi pati isang hotdog sandwich. Ang kulay pulang mantsa ay
ketchup habang ang

dilaw nama'y Manhattan dressing."

Wala kaming paraan upang alamin kung kaninong deduction ang mas tama. Medyo weird
kung lalapitan namin ang lalaking nasa likuran at tatanungin kung late siyang
nagising at kung mula sa hotdog sandwich ang mantsa sa polo niya. For now, I
assumed that Loki's correct on all points. But at least, tumama ang ilan sa
deductions ko.

"By the way, are you bringing the special fountain pen I gave you?"

Inilabas ko mula sa aking bulsa ang iniregalo niya sa 'kin noong isang araw. Minsan
ko pa lang nagagamit ang stun gun na 'to-at sa kanya pa talaga.

Papasok na kami sa entrance ng school building nang may napansin kaming nahulog
mula sa itaas. Isang malakas na "thud" ang nakakuha sa atensyon namin at ng mga
estudyanteng nasa paligid.

KYYYAAAAA!

Napatili ang babaeng nasa likuran nang makita ang duguang katawan ng isang tao.
Mukhang may tumalon na namang estudyante. Kumpara sa kaso ni Catherine last week,
nauna ang mukha ng lalaki-base sa kanyang suot na uniporme-sa pagbagsak sa semento.

I averted my gaze from the bloody spot at hinayaang si Loki na ang tumingin.

"Nakita ko siyang tumalon mula sa rooftop."

"Naku, trending na ba ang suicide sa campus ngayon?"

Hindi na nag-aksaya ng oras si Loki at tumakbo papasok ng school building. Sumunod


ako sa kanya't umalis sa lugar kung saan nagkukumpulan na ang mga estudyanteng
nakikiusyoso.

Dumiretso siya sa hagdanan, malalaki ang kanyang mga hakbang at mabibilis ang mga
binti sa pagtakbo. Sinubukan kong sumabay sa kanya pero hindi nakayanan ng mga paa
ko.

Ilang segundo lang ang lumipas bago

kami nakarating sa rooftop. Nadatnan namin doon ang nasa limang estudyante na
mukhang inaalam kung ano ang nangyari o kung bakit naisipang tumalon ng lalaki.

"Anong nangyari dito?" kaagad na tanong ni Loki nang mapalingon sila sa amin.

"Sinubukan ko siyang pigilang tumalon pero itinuloy pa rin niya," sagot ng lalaking
nakasalamin. Parang hindi bagay sa itsura niya ang pagkakaroon ng malalim na boses.

"Kami naman, papunta rito sa rooftop para tumambay nang narinig namin siya na
pinapakiusapan 'yong lalaki na huwag tumalon kaya nagmadali kaming tumakbo rito,"
paliwanag ng iba pang estudyanteng nasa paligid. "Saktong pagdating namin, doon
tumalon 'yong lalaki."

Napapikit ang lalaking salamin at napailing. "Bakit kailangan niyang gawin 'to?"
Pumunta si Loki sa bandang dulo ng rooftop kung saan sinasabing tumalon ang lalaki.
Tumingin muna siya sa ibaba at saka sinuri ang paligid niya. May nakita siyang
isang basag na teacup ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan niya. Inilabas niya
ang kanyang panyo at pinulot ang isang bahagi ng nabasag na tasa.

"Bakit may teacup dito?" bulong niya habang inaamoy ang kanyang hawak. "Medyo
mainit pa at sweet ang amoy, probably tea. Did he drink something before he jumped
off this building?"

"Mukhang suicide nga ang nangyari," komento ko nang tumabi ako sa kanya. "Unlike sa
kaso si Cath, walang kahit anong stunt dito."

Ibinaling niya ang tingin sa lalaking nakasalamin at nagtanong, "Kakilala mo ba


'yong lalaking tumalon? How did you two end up here?"

"Kaklase ko siya. Pareho kaming taga-Grade 11-B," tugon nito. "Alam kong off-limits

na ang rooftop kahit kanino kaya noong nakita ko siyang pumunta rito, sinundan ko
siya."

"Nakita mo ba siyang may dalang teacup nang paakyat siya rito o umiinom gamit ang
tasang 'to?" Ipinakita ni Loki ang kalahati ng basag na tasa. "Judging by the
warmth on the surface, something hot was poured in here which he probably drank."

Umiling ang lalaking nakasalamin. "Nadatnan ko siya rito na nasa dulo na't
tumitingin sa ilalim. Wala siyang hawak na kahit ano. Wala rin akong napansin na
ibang tao rito maliban sa kanya."

"That's strange..." napahaplos si Loki sa kanyang baba. "Why would there be a


broken teacup here and why is it still warm? Kung paniniwalaan natin ang testimonyo
ng lalaking 'yan, the victim didn't bring it here."

Kinalauna'y dumating ang campus police para kordonan ang crime scene sa ibaba.
Pinakolekta sa kanila ni Loki ang mga piraso ng basag na teacup at hinabilin kay
Inspector Estrada na i-check ang fingerprints sa tasa at kung ano ang huling ininom
ng biktima bago siya tumalon. Dahil suicide ang tinatayang anggulo at mukhang
walang foul play na nangyari, pinabalik na kami ng mga pulis sa aming mga klase.

Loki seemed to be bothered by what he found on the rooftop. I don't see how a
broken teacup is related to the case. Sabihin na nating may ininom nga ang biktima
bago siya tumalon. But did that drink push him to commit suicide? Kung alak 'yon,
posibleng aksidente pa ang nangyari. Pero ang sabi ni Loki, mainit kung anuman ang
ibinuhos doon at posibleng tea ang laman.

When the school bell rang for our morning break, pinuntahan ko siya sa clubroom,
baka sakaling

may updates na kaagad sa suicide case. He didn't seem to buy that angle or at
least, he found something weird about it.

"I skipped classes earlier and talked to the victim's classmates," he told me when
I asked if there were any developments. "His name is Justin Ruiz, Grade 11-B.
According to them, Justin is not the type to commit suicide. In fact, he was
looking forward to the basketball tryouts this afternoon. He even brought a jersey
and rubber shoes."

"Kung gano'n, baka may foul play na nangyari sa inaakala nating suicide? Dapat ba
nating pagsuspetyahan 'yong lalaking nakasalamin na nagtangka raw pumigil kay
Justin na tumalon o 'yung iba pang estudyanteng nasa rooftop kanina?"
"Oh, you mean Daniel Gutierrez?" That's probably the name of the bespectacled guy I
was referring to. "Did you forget that there were witnesses who stated that Justin
was already on the edge by the time they arrived at the rooftop? Kung itinulak siya
ni Daniel, dapat nakita nila at sinabi sa atin. Anyway, made-detect sa palm print
analysis gaya ng ginawa sa kaso ni Cath noon kung may nagtulak sa kanya o kusang
tumalon si Justin."

"Baka may ginamit siyang trick?"

"Posible, kung may telekenetic powers si Daniel at kaya niyang itulak si Justin
nang hindi hinahawakan. Wala ring kakaiba sa rooftop na magsa-suggest na may trick
na ginamit para mahulog ang biktima. The only thing suspicious is the teacup."

And he brought it up again. "You think there's something in the cup?"

"It's the only thing that seemed to be out of place. Either may naunang pumunta sa
rooftop at naiwan 'yon o it's related to the case.

The first possibility has some flaws: the rooftop is off-limits to students and why
would anyone drink a cup of tea there? On the other hand, the second possibility
begs the question, why would someone drink tea before committing suicide? Is it
some kind of ritual?"

I guess we will find out if Loki's hunch will lead us somewhere once the police
reports are in. For now, we need to wait.

Or probably not.

Halos mapatalon kami sa aming mga upuan nang biglang bumukas ang pinto at pumasok
ang isang lalaking hinihingal at pinagpapawisan. Hinabol niya muna ang kanyang
hininga bago nagsalita.

"Ka... Kayo ba ang Q.E.D. Club?"

"Kami nga. Anong maitutulong namin sa 'yo?"

"A... Ako nga pala si Wade Montalban. Ka...Kailangan ko ang tulong n'yo..."
Napaturo ang kanyang daliri sa labas. "Ta...Taga-Photography Club ako... Nadatnan
kong walang buhay ang isa sa mga member namin."

Loki shot a curious glance at me before he quickly got to his feet. "Lead the way!"

Maging ako'y napasunod sa pagtakbo nila. Nagtungo kami sa kabilang dulo ng third
floor kung saan may ilang estudyante ang nakalupong sa tapat ng isang room. Pumasok
kaagad kaming dalawa ni Loki sa loob. Napatakip ako ng bibig nang makita ang isang
babaeng duguan ang uniporme at may nakasaksak na gunting sa kanyang tiyan. Hawak-
hawak pa ito ng mga naninigas niyang kamay.

And to our surprise, meron na namang teacup na nakapatong sa pabilog na drink


coaster. Kumpara sa nakita namin sa rooftop, hindi ito basag at may kaunting laman
pa ng kulay brownish na likido.

Muling inilabas ni Loki ang kanyang panyo at hinawakan ang teacup.

"Just like the one we found earlier, it's still warm and smells sweet," sabi niya
matapos amuyin ito. Ipapatong na sana niya ulit sa coaster ang tasa nang bigla
siyang mapatigil at nanlaki ang mga mata.
Something was written on it. A letter that both of us know very well. M.

Kinuha niya ang coaster at binaligtad ito. Meron ding nakasulat doon.

"It's her birthday today, isn't it? Did you see the flowers that I sent her? Why
don't we play a game to commemorate this day?"

-M

Loki gritted his teeth and his widened eyes showed a hint of rage boiling inside
him. And then a smile formed on his dry lips as if he was glad to have received a
message from the man he's been after.

To be continued on Moriar-tea (Part 2)...

###

=================

Volume 1 • Chapter 13: Moriar-tea (Part 2)

A/N: If you haven't read Moriar-tea (Part 1), please do not proceed.

LORELEI

"So he's challenging me, huh?" I heard Loki mutter as his eyes were fixated on M's
message.

"A-Anong ibig sabihin ng nakasulat diyan?" nagtatakang tanong ni Wade, nakatitig


ang mga mata sa coaster na hawak ng aking kasama.
"Don't mind this message," Loki shove the coaster in his pockets and turned to the
guy. "I'm more curious as to why you came to fetch us instead of the campus
police."

"Kasi... nabasa ko 'yong blog tungkol sa club n'yo," sagot ni Wade, hindi siya
makatingin nang diretso sa aking kasama na tila iniiwasang magtagpo ang tingin
nila. "Nalaman kong may mga murder case na kayong nalutas. Dahil kayo ang
pinakamalapit dito sa crime scene, kayo na ang naisipan kong puntahan. Kaya n'yo i-
solve ang murder case na 'to, tama?"

"Teka, bakit mo nasabing murder ang nangyari dito?" tanong ko, dahilan para
mapatingin si Loki sa 'kin, bahagyang nakabuka ang kanyang bibig. Mukhang naunahan
ko siya sa pagtatanong. "Sa unang tingin, hindi ba't mas mukhang suicide ito?
Hawak-hawak ng babae ang gunting na pinagsaksak sa kanya."

"I don't think na kaya niyang patayin ang sarili niya," tugon ng lalaki na may
kasamang pag-iling. "Ilang taon ko nang kaklase si Serena. Masyadong mataas ang
tingin ng babaeng 'yan sa sarili niya kaya bakit niya maiisipang kitilin ang sarili
niyang buhay?"

"Interesting deduction," bulong ni Loki na yumuko at tiningnan nang malapitan ang


duguang katawan ng biktima. "Do you also know if this girl likes

drinking tea? Do you keep a teacup or tea bags in this office?"

Wade shook his head slowly. "Ni minsan, hindi ko pa siya nakitang uminom ng tea
dito sa loob ng clubroom at ngayon ko pa lang nakita ang tasang 'yan."

"Ang sabi mo kanina, nadatnan mo siyang patay na, tama?" Humarap siya sa 'kin at
medyo napakunot ang noo. "Saan ka pumunta bago ka nagtungo rito?"

"Dapat sasamahan ko siya rito sa clubroom kanina pang nine o'clock. Kaso, may
natanggap akong text mula raw sa guidance counselor. Pinapapunta nila ako sa
kanilang office kaya nagpaalam ako kay Serena at sinabing mauna na siya rito.
Pagdating ko roon, hinintay ko pang dumating ang counselor."

"So bago mo natagpuan ang katawan ni Serena, nag-usap muna kayo ng guidance
counselor?"

"Hindi kami nagkausap talaga. Nabigla nga siya nang sinabi kong naka-receive ako ng
message sa kanya para pumunta sa kanyang office. Ang kataka-taka, wala raw siyang
natatandaang tinext sa 'kin at hindi raw ang number na ipinakita ko ang numerong
ginagamit niya. Weird, don't you think?"

Kung nagsasabi siya ng totoo, posibleng sinadya silang paghiwalayin para ma-solo ng
killer si Serena dito sa kanilang clubroom. But I still don't understand why
there's another teacup here and the way the victim was killed. Kahit saan mo
anggulo tingnan, talagang iisipin mo na baka nga siya mismo ang paulit-ulit na
sumaksak sa sarili hanggang sa mamatay siya.

"It's better if you will call the campus police," utos ni Loki kay Wade. "We need
to have the teacup and the pair of scissors examined for fingerprints though I
highly doubt that the analysis would yield a game-changing

result."

Hinintay muna naming dumating sina Inspector Estrada at ang kanyang mga tauhan.
Napabuntong-hininga siya nang makarating sila sa crime scene. Ito na kasi ang
pangalawang bangkay na dadalhin nila sa morgue ngayong umaga at ito na rin ang
pangalawang beses na nakita niya kami ni Loki sa crime scene.

"May magnet ba kayo ng kamalasan o ano?" tanong niya sa amin bago nila ilabas ang
bangkay at ang mga bagay na dapat nilang suriin. I wonder if he already asked that
question to Loki who has been with him before I enrolled here.

And the waiting game begins. Wala kaming magawa ni Loki kundi manatili sa clubroom
at hintayin ang resulta ng mga analysis na hiningi niya. Paikot-ikot siya sa mesa
habang nakarus ang mga braso at nakatingin sa sahig na tila malalim ang iniisip.

"Are you okay?" tanong ko.

"I'm fine. Don't mind me. I'm just thinking about why two students-who are not
suicidal according to people around them-would take their own lives? Malakas ang
kutob ko na murder ang nangyari, especially after knowing that Moriarty is probably
behind these cases, pero paano pinagmukhang suicide ng salarin ang mga 'to? Another
thing is the teacup. Maybe that's the final piece of the puzzle we are missing."

"May koneksyon ba ang dalawang biktima?"

"Noong pumunta ako sa classroom ng 11-B kanina, nasulyapan ko na ang mukha ni


Serena kaya medyo pamilyar ang itsura niya nang natagpuan natin sa crime scene. So
Justin and Serena are classmates who were killed around three hours apart."

There's no conclusive proof that they were murdered pero 'yon na kaagad ang iniisip

na anggulo ni Loki. And he seemed to be convinced by it.

"Naisip mo na ba kung bakit silang dalawa ang napiling targetin ni Moriarty o kung
sinumang agent niya? Anong mapapala niya sa pagpatay sa isang aspiring basketball
player at isang member ng Photography Club?"

"I don't know why he was interested in taking their lives. But these two cases have
a serial element-the teacups found in the crime scenes." He halted from walking
around which made me a little bit dizzy. "Maliban sa paghahamon sa 'kin, hindi ko
pa alam kung ano ang motibo niya sa pagpatay o pagpapapatay sa kanila. Pwedeng
meron. Pwedeng naka-trip lang siya."

The glint of joy in his jet black eyes told me that he's enjoying the
investigation. It was the same expression I saw in him when we took on the missing
students case before. Whenever Moriarty is involved, it excites him to the point he
tends to treat the victims as pieces of the puzzle for him to pick up and put
together.

By lunch time, when we were eating the packed lunch we bought from the cafeteria in
the clubroom, someone knocked on our door and a campus police officer emerged from
the doorway. Inspector Estrada was busy with another case so he couldn't personally
deliver the results. After handing over a folder, the officer promptly left our
office.

"Hmm..." Mabilisang binasa ni Loki ang unang pahina tapos inilipat ito sa kasunod
na page. "There were no other fingerprints found on the teacups and the scissors
except for the victims'. The police also assumed that these are suicide cases. Gaya
ng inaasahan, malinis magtrabaho ang may gawa nito."

Nang

inilipat niya sa ikatlong pahina ang report, bigla siyang napatayo at halos
malaglag ang panga.

"Belladonna," he muttered under his breath. It sounded like a hiss.

"What?"

"Belladonna," basta-basta niyang inihulog ang hawak na papel at kinuha ang kanyang
phone. Naging mabilis ang pagpindot ng kanyang mga daliri sa screen nito. "The
police found traces of belladonna on the teacups and inside the victims. Aside from
physical injuries, those two ingested poison!"

I have no idea what belladonna is or if that's an unfamiliar drug so I shot a


questioning look at Loki which prompted him to explain.

"Belladonna is a poisonous plat that has been used as a medicine since the ancient
times. It also goes by a sinister name-the Devil's berries," his eyes were speed-
reading whatever's displayed on the screen of his phone. "It also causes vivid
hallucinations and deliriums... that's why some use it as a recreational drug."

Nabaling sa 'kin ang mga nanlaki niyang mata. "Hallucinations. Deliriums. That
explains the missing piece of the puzzle!"

Mas makabubuti siguro kung ipapaliwanag niya sa 'kin kung ano ang napagtanto niya.
Until now, I don't have any idea how those Devil's berries were related to the
case.

"The culprit didn't need to touch the victims to kill them," muli siyang
naglalakad-lakad nang paikot sa mesa. "He just needed to offer them a cup of tea.
Once the belladonna enters their system, they will experience hallucinations."

"At paano nakatulong ang pagkakaroon ng hallucinations sa krimen niya?"

"Think about it! Dahil wala sa tamang pag-iisip ang mga biktima

niya, they will be open to suggestions. If he tells them to jump from the building
or stab themselves with a knife, there are good chances that they will do what was
asked of them!"

"Parang hynopsis?"

"Much clever than hypnosis. Kung hindi tumalab ang suggestions sa mga biktima, they
will be poisoned eventually. As long as the victim drinks the tea, a death warrant
is already guaranteed."

"E bakit niya pa kinailangang patalunin sa building o utusan ang biktima na


pagsasaksakin ang sarili?"

"Maybe our culprit is creative. His choice to use an ingenious trick supports this
trait of him. Probably he doesn't want to see someone dying in a boring way. And
also, the poison won't instantly kill the victims but its effects would manifest
immediately."

That's indeed a clever way of ensuring that someone's gonna die. Parang inunahan ng
salarin ang lason mula sa pagpatay sa kanyang dalawang biktima. The question now
is: Is the culprit also creative in the way of hiding his traces?

"Nagkakamali ka," sabi ni Loki kahit pinoproseso pa lamang ng utak ko ang aking
isasagot sa kanya. He's doing the mind reading thing again. "The first crime was
messy since the culprit didn't expect some interference before he could complete
the crime. He was almost caught in the act by some unsuspecting students. The
second crime, however, was almost flawless. He left no trace of his existence
except for that teacup."

"Teka, huwag mong sabihing..."

"That's right. Our culprit is none other than the person who claimed to tried
stopping Justin from committing suicide-Daniel Gutierrez."

"Pero ang sabi ng ibang estudyanteng

nasa rooftop kanina, narinig nila siyang pinapakiusapan si Justin na huwag


tumalon."

"He probably said that after he convinced the victim to jump. When he heard the
footsteps of those guys approaching the rooftop, he improvised some lines and made
it sound like he's trying to stop Justin. No one would suspect a caring friend and
classmate, yes?"

So that was all an act for him to avoid suspicion? He almost got away with the lie
he told us!

"Daniel's also from 11-B so it's safe to assume that the second victim knows him.
Pwede niya itong i-text na magkita sila sa Photography Club o kaya'y papasukin siya
roon kapag kumatok siya sa pinto. He was probably the one who sent the fake message
to Wade using another number. Unlike in the first case where he almost got caught
by other students, mukhang pinanigan siya ng swerte sa ikalawang krimen dahil
walang nang-istorbo sa kanya habang ginagawa ang pagpatay kay Serena."

Ewan kung bakit pa-chill-chill pa siya imbes na kontakin ang mga otoridad para
ipaalam sa kanila ang kanyang deductions. "Kailangan na nating tawagan si Inspector
Estrada bago may mapatay ulit si Daniel. Kung ise-search nila ang gamit niya,
posibleng makita ng mga pulis ang mga tea bag na may belladonna."

Inilabas ni Loki ang kanyang phone at sinimulang mag-dial sa kanyang screen. "Hindi
mo na ako kailangang paalalahanan pa. I'm on it."

"Magaling! Gaya ng inaasahan mula sa 'yo, Loki."

Sabay kaming napatingin sa bumukas na pinto kung saan pumasok ang lalaking
nakasalamin na may nakapintang ngiti sa kanyang labi. Kumpara noong una ko siyang
nakita kanina, merong

nakalagay na wireless earpiece sa kanyang kanang tenga. Sinabayan niya ng mabagal


na pagpalapak ang kanyang pagpasok at may nakaipit pang maliit na bag sa kanyang
braso.

Isinara muna niya ang pinto at pinindot ang lock sa doorknob bago muling humarap sa
amin. This doesn't look good. Why would the primary suspect in those two cases
appear before us?

"Nasabihan na ako na kapag napasakamay n'yo na ang police report, malalaman n'yo na
kung sino ang salarin at kung anong trick ang ginamit ko."

"For a suspect, you're quite bold and daring," komento ni Loki, sumandal sa kanyang
upuan at pinagkrus ang mga daliri. Nanatili naman akong nakaupo at ipinasok ang isa
kong kamay sa bulsa kung saan ko inilagay ang stun pen. Maybe this is the proper
time to use it.
"First question: You're not Moriarty, are you?" tanong ng kasama ko.

Lumapit sa mesa si Daniel at tumayo malapit sa aking kinauupuan. Salamat sa ginawa


niya, hindi na ako mahihirapang tusukin siya gamit ang fountain pen. Tiyak na
babagsak kaagad siya sa oras na ginamit ko 'yon sa kanya. Ang kailangan ko lang ay
tamang timing para hindi mabulilyaso ang balak ko.

Lumawak ang ngiti sa mukha ng aming hindi inaasahang bisita. "Ikaw ang detective sa
ating dalawa. Ano sa tingin mo, ako nga ba ang taong ilang buwan mo nang
hinahanap?"

"Probably not," pasulyap-sulyap sa akin si Loki at kinakausap ako sa pamamagitan ng


titig. Mukhang pareho kami ng iniisip na plano para mapatumba ang lalaking 'to.
"Moriarty is a coward who likes hiding behind the skirts of his minions like you."

"Coward?" Napatawa nang mahina si Daniel. "Hindi

tamang pagsalitaan mo siya ng ganyan. Iniisip ni Moriarty na hindi pa ito ang


tamang panahon para magkita kayo. May iba pa siyang problemang pinagkakaabalahan
habang nag-uusap tayo ngayon."

Muling tumingin sa akin si Loki bago niya mabilisang ibinaling ang tingin sa
lalaking katabi ko. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng aking puso at namawis ang
palad na may hawak stun pen. Sa akin nakasalaylay ang buhay naming dalawa.

"Do you mind if I send him a gift? Like a fountain pen or something?"

Pagkasabi ni Loki sa salitang "fountain pen," pumostura na akong ilalabas ang hawak
ko sa bulsa at itinuon ang atensyon ko sa leeg ng aking target para doon 'yon
itusok. Saktong nailabas ko na ang pen nang biglang nagpukol ng tingin si Daniel sa
'kin, dahilan para mapahinto ako.

"Huwag n'yong subukang gumawa ng bagay na pagsisisihan n'yo," may halong pagbabanta
ang kanyang boses. "Sa ngayo'y kausap ko si Moriarty at may dalawa akong kasamahan
na nakaabang sa labas. Sa oras na naputol ang komunikasyon ko sa kanila, baka bigla
silang pumasok dito... at gilitin ang leeg ni Lorelei. Huwag kang mag-alala, Loki,
hindi ka namin susugatan o papatayin. Papanoorin mo lang maligo sa dugo ang iyong
kasama rito."

Napalunok ako ng laway at dahan-dahang ipinasok ulit ang stun pen sa aking bulsa.
Hindi nga naman pupunta ang tulad niya rito kung wala siyang back-up. Pero posible
ring namba-bluff siya dahil wala kaming paraan upang malaman kung may mga
nakabantay sa labas ng pintuan.

"Sinasabi mo bang walang balak si Moriarty na patayin ako?" naningkit ang mga mata
ni Loki habang pinagmamasdan ang bawat kilos ni Daniel.

Ipinatong niya kasi sa mesa ang dala nitong bag.

"Kung meron man, ilang buwan ka na sanang wala rito," binuksan niya ang bag at mula
rito'y inilabas ang dalawang teacups. "Kung tutuusin, pwede ka naming dispatsahin
anumang oras namin gustuhin. Pwede naming pagmukhaing suicide, palabasing aksidente
o lantarang murder. Sa kasamaang palad, ayaw ni Moriarty na ipaligpit ka o galusan
man lang. Ilang beses na naming sinabi sa kanya pero hindi niya pinagbibigyan ang
aming ideya."

"Masyado yata siyang protective sa 'kin. Girlfriend ko ba siya kaya ayaw niya akong
masaktan?" At nakuha pa talagang makapagbiro nitong si Loki kahit na nasa
mapanganib kaming sitwasyon. Hindi ko alam kung may plano siya para lusutan ang
gusot na 'to. Sana meron.

"Sabihin na nating masyado siyang obsessed sa 'yo. Ang sabi mo nga, parang isang
girlfriend." Sunod na inilabas ni Daniel ang maliit na thermos na ipinatong niya sa
tabi ng mga tasa.

"Huwag mong sabihing pumunta ka rito para uminom ng tsaa kasama kami?" Sinundan ng
tingin ni Loki ang tea bag na inilagay ng aming bisita sa dalawang tasa. "Let me
guess, those cups of tea are for me and Lorelei and you will use the same trick you
did on your two victims? Ang akala ko ba, ayaw akong patayin ni Moriarty? Bigla
bang nagbago ang isip niya?"

Hindi kaagad nakatugon si Daniel. Nanatili siyang nakatayo na tila hinihintay ang
sagot mula sa suot na earpiece. "Nagkakamali ka, Loki. Para sa ating dalawa ang mga
teacup na 'yan. Pasensya na kung hindi ko naipagdala ng tasa ang iyong kasama.
Gustong malaman ni Moriarty kung hanggang saan ang limitasyon ng iyong

husay sa deduction."

Binuhusan niya ng mainit na tubig mula sa thermos ang mga tasa at pinanood ang
pagsingaw ng init nito. "Bakit hindi tayo maglaro? Isa sa dalawang tea bag na
nilagay ko sa mga cup ay may lamang belladonna habang ang isa nama'y raspberry
hibiscus tea. Parehong matamis ang kanilang lasa at mabango ang amoy. Ikaw ang
mauunang pipili ng tsaa na gusto mong inumin at mapupunta sa akin ang hindi mo
napili. Sabay nating iinumin ang dalawang 'to at titingnan natin kung sino ang
matitirang buhay."

"Paano kung ayaw kong makipaglaro sa 'yo? May magagawa ka ba?"

Biglang inilabas ni Daniel ang isang Swiss knife at itinutok sa 'kin. Napasandal
ako sa aking upuan at inilayo ang leeg ko mula sa talim nito.

"Kapag ako ang nanatiling buhay sa ating dalawa, papatayin ko ang kasama mo. Pero
kapag ikaw ang sinwerte sa larong 'to, malaya kang gawin kung anong gusto mo sa
'kin kung hindi pa ako tuluyang nalalason. Pwede mo akong ipaaresto sa pulis o
saksakin gamit mismo ang knife na hawak ko. Kung ayaw mong maglaro at handa kang
isakripisyo ang buhay niya, parang pinatunayan mong mas magaling si Moriarty kaysa
sa 'yo."

Nakasalalay na pala sa tsaang iinumin nila ang buhay ko. Nakabantay ang mga mata ni
Loki sa dulo ng patalim. "Ganito rin ba ang ginawa mo sa mga nauna mong biktima?
Pinagbantaan mo rin bang sasaksakin sila kung hindi nila iinumin ang tea na inalok
mo?"

"Pati ang mga taong malapit sa kanila rito sa school," dagdag ni Daniel at saka
siya umupo sa tabi ko. "Nakakatuwa nga namang isipin na pwede mong gamitin ang mga
kaibigan ng isang tao para saktan o pasunurin

sila. Pero alam mo na 'yon, 'di ba, Loki? Matapos ang nangyari kay Rhea."

Hindi kumibo ang kasama ko. Nakatingin na siya ngayon sa dalawang tasang may lamang
tsaa at tila sinusuri ang mga 'to. Fifty-fifty ang tsansang mapunta sa kanya ang
mas ligtas na tea. If Lady Luck is with him and the universe will conspire against
Daniel, he would get the not poisoned drink.

"Do you mind if I sniff the scent of these teas?" Nang tumango sa kanya si Daniel,
kinuha niya ang isang tasa, inilapit ito sa kanyang ilong at suminghot. Gano'n din
ang ginawa niya sa isa pang tsaa. Malakas ba ang pang-amoy niya para matukoy kung
alin sa dalawa ang may belladonna?
"Now let the game begin." Lumawak ang ngiti ni Daniel habang naka-relax na nakaupo.
Kinuha ni Loki ang tasa sa kanan.

"Just one question," hirit ni Loki bago inilapit ang teacup sa kanyang bibig.
"Since this might be the last conversation we will ever have, I wanna know why
Moriarty is so obsessed with me. Mind telling me the reason?"

Kinuha na rin ni Daniel ang isa pang teacup at hinipan ito. "Mula nang makialam ka
sa business niya last academic year, naging interesado na siya sa 'yo. Nang namatay
ang dati mong partner, medyo nalungkot siya dahil bigla kang nawala sa kanyang
radar. Pero muli siyang nabuhayan ng loob nang mabalitaan niyang involved ka sa
kasong nangyari sa Chemistry Lab."

"At dahil doon, bumalik na ako sa kanyang radar?" Hinipan din ni Loki ang kanyang
tsaa at nakipagtitigan sa kanyang kaharap. Maybe he's planning something that's why
he's not yet drinking his tea. Baka segurado siyang ligtas ang tsaang iinumin niya
at

kumukuha lamang siya ng impormasyon kay Daniel.

"Muli ka kasing nakialam sa business niya ngayong academic year. Ang isa sa mga
recent ay ang pagdukot namin sa isang Math prodigy na natagpuan n'yo sa
abandonadong school building. Natatandaan mo rin ba 'yong kaso ng babaeng nag-
suicide na pinapamukhang murder ang nangyari sa kanya?"

"Ang kaso ni Catherine, huh? Ibig mong sabihin, involved rin siya roon?"

"Sa tingin mo ba'y maiisip ng babaeng 'yon ang gano'ng trick? Humingi siya ng
tulong sa amin para gantihan ang kanyang ex-boyfriend. Handa siyang gawin ang
lahat-kahit ibuwis ang kanyang buhay-para makapaghiganti kaya naisip ni Moriarty na
palabasing hindi basta-basta ang kanyang suicide."

Kaya pala gano'n kakomplikado ang naging imbestigasyon namin doon! It was Moriarty
all along and we never felt his presence throughout the case. Wala itong pinagkaiba
sa kasong pagdukot kay Stein Alberts. Ang akala naming ordinaryong kaso, konektado
pala kay Moriarty sa bandang huli.

"Alam niyang kakagatin mo ang red herring na inilagay niya sa biktima kaya
ipinamukha niyang murder 'yon at ang suspek ay ang ex-boyfriend kahit hindi naman
talaga," pagpapatuloy ni Daniel. "Ang sabi niya, mas pipiliin mo raw ang
komplikadong solusyon kaysa sa simpleng paliwanag kaya ginamit niya ang gano'ng
pag-iisip mo para lituhin ka. Medyo nadismaya nga siya nang hindi ikaw kundi ang
kasama mo ang nakakita sa katotohanan sa likod ng kaso."

Dahan-dahang ininom ni Loki ang kanyang tsaa habang pinakikinggan ang kanyang
kainuman. "So in other words, Moriarty and the rest of your team are like my club?

You also solve problems but in a more devilish way?"

Napainom na rin si Daniel bago siya sumagot. "Pinagbibigyan namin ang hiling ng mga
estudyanteng nangangailangan ng tulong. Sa tamang presyo, kaya naming gawin ang
anumang bagay para sa kanila. Kung may tao silang gustong ipatumba, may bagay na
gustong nakawin o impormasyong gustong makuha, ibinabato namin ang request kay
Moriarty at siya ang nag-iisip kung paano namin maisasagawa 'yon."

"Siya ang utak at kayo ang mga galamay..." Inubos na niya ang laman ng kanyang
teacup at inilagay ito sa mesa. "That's interesting. I would really love to meet
him face to face. Maybe we can become good friends."
Either the tea started taking effect on him or he was only joking with that remark.
Pinagmasdan kong mabuti ang itsura niya, baka anumang sandali ngayo'y tumalab na
ang belladonna kung sakaling 'yon nga ang nainom niya.

Naubos na rin ni Daniel ang kanyang tsaa at ipinatong ang teacup sa mesa. Nakangiti
pa siya habang nakatingin kay Loki. "Kumbaga sa isang pelikula, siya ang direktor
at kami ang mga aktor. Sa isang nobela, siya ang manunulat at kami ang kanyang mga
tauhan."

"Kung gano'n, nakita mo na ba siya sa personal?" Ipinatong ni Loki ang mga siko
niya sa mesa at pinagkrus ang kanyang mga daliri. "Do you know who Moriarty is?"

Hindi ko alam kung umiiling si Daniel o iginagala niya ang kanyang mga mata sa
aming clubroom. "Isa lamang akong foot soldier sa aming grupo. Tanging mga high-
ranking na miyembro ang posibleng nakakakilala sa kanya."

"At may kilala ka bang miyembro na nakakaalam sa katauhan niya?" Loki leaned

a bit forward, his eyes narrowed into slits and voice lowered into a hiss.

"Meron kaming... miyembro sa student..."

Biglang bumagsak sa sahig ang nangingisay na katawan ni Daniel, tumitirik ang


kanyang mga mata. Mukhang sa kanya napunta ang tsaang may belladonna. Should I be
happy that he got the poisoned tea?

I turned to my companion and flashed a wide grin. "Loki! Ang galing mo! Paano mo
nalamang hindi 'yong-"

THUD.

Sunod na bumagsak ang katawan ni Loki sa sahig. For a moment or two, I sat frozen
with my eyes widened in shock and mouth opened widely in surprise. Agad akong
nagtungo sa tabi niya at ipinatong ang kanyang ulo sa aking hita. Just like Daniel,
his body was shivering violently as if he's experiencing seizure. His eyes were
almost closed but I could still see them staring back at me. His mouth was moving a
little, trying to say something but no voice would come out.

Napatingin ako sa dalawang tasa na nasa mesa. Posible kayang parehong belladonna
ang tsaang ininom nina Loki? Was Daniel only bluffing when he said that the other
teabag contains raspberry hibiscus tea?

What should I do? What am I supposed to do? Hindi ko alam kung anong gagawin!

Ang tanging nagawa ko ay magsisigaw ng "Tulong!" na sana'y marinig ng mga


estudyanteng nasa labas. My body's under a great shock to move an inch!

And then I felt Loki's shaking left hand touch my cheek. His skin was unusually dry
and his eyes with dilated pupils stared at me for a minute or two.

He tried to speak in his croaky voice and I could only make out some words that
came from his mouth.

"Rhe... Rhea... I... lo..." His hand fell on my lap as his eyelids closed
completely.

I wish he was only joking. I wish he was only playing a prank on me. I wish he
would just open his eyes and shout at me, "Aha! I got you! You always fall for it!"
But he didn't. Naramdaman ko na lang tumulo ang mga luha ko at pumatak sa kanyang
pisngi. Hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga luha ko na parang dam na bumuhos.

"LOOOOOOOKI!"

###

P.S. Loki is now dead. Lorelei will be alone. Moriarty has won. Game over.

At dito na nagtatapos ang Project LOKI! Maraming salamat sa mga tumutok hanggang sa
huling chapter na 'to!

Of course, I'm only kidding! May next update pa! I don't know if I should take a
break from writing Project LOKI or write the next chapter as soon as I can.

So what can you tell about this chapter?

=================

Volume 1 • Chapter 13.5: Belladonna [Loki]

A/N: This is a short but MUST READ update featuring Loki's point of view.

LOKI

"TWINKLE, TWINKLE, little star. How I wonder what you are~"

Who in the world would sing that song?

My back could feel the coldness of the tiled floor. Why was I lying in this place?
My eyes were already opened but I couldn't clearly make out of where I was. May mga
naaaninag akong anino pero hindi ko alam kung ano ang mga bagay na nasa paligid ko.

I tried to get up from the floor. The stabbing pain in my head made it hard for me
to sit upright or stand. Parang minamartilyo ng sampung maso sa sobrang sakit.
Dahan-dahan kong idiniretso ang aking upo habang nakahawak ang kamay ko sa noo ko.

"Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are~"

That familiar tune was playing over and over as if it's on repeat. It's coming from
the room meters in

front of me. Is someone trying to annoy me by making me listen to that song? Only a
few people know how much that children song means to me and how much I hate it.

Dahan-dahan akong tumayo at sinubukang balansehin ang katawan ko. My head was still
spinning and I couldn't walk on a straight line. Daig ko pa ang lasing. Naglakad
ako patungo sa kwarto kung saan nanggagaling ang nakakairitang tunog na 'yon. I
have to stop it before I lose my mind.

May ilang beses din akong natumba habang naglalakad. Dagdag pa sa aking pagkahilo
ang panghihina ng tuhod ko. I felt like a phone drained of all its energy. Hindi ko
na matandaan kung ano ang nakain at nainom ko kanina kaya ako nagkakaganito.

Nang makapa ko ang pintong yari sa kahoy, ipinihit ko ang doorknob at itinulak ito
paloob ng kwarto. The door created a creaking noise that one would usually hear in
a horror film. Lalo pang lumakas ang tunog ng kantang 'yon na tila inaasar ako.

Madilim din sa loob ng kwarto pero may mga napansin akong anino sa bandang likuran.
Kinapa ko sa pader ang switch at pinindot ito.

"Up above the world so high. Like a diamond in the sky~"

When the bulb illuminated the room, I collapsed on the floor with my butt first. I
shook my head violently as my widened eyes stared at the body leaning back on the
wall. It wasn't moving like a mannequin. Its clothes was drenched with crimson
color and a pool of red liquid spread from the body to where I was sitting.

I was used to seeing dead bodies every now and then. But this time, it was
different. I couldn't stand looking at the lifeless and familiar

face of a friend. I couldn't stand looking at Lorelei whose throat was slit, blood
rushing down on her body. Nakadilat pa ang mga mata niya at bahagyang nakabuka ang
bibig kung saan tumutulo rin ang ang kanyang dugo. Kaagad akong napatakip sa bibig
ko-muntikan na akong masuka-at iniwasan ng tingin ang kanyang duguang katawan.

"Hindi... Lorelei... Paano nangyari 'to?" My gaze was averted to the writing on the
wall just a few inches above her head. It was written in dark red like the color of
the blood.

How do you like my offer of friendship? -M

"Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are~"

Kahit na nanghihina pa ako, I mustered all my remaining strength and rushed to


Lorelei's side. My hands pressed her throat as hard as I could to stop the
bleeding. Pero walang nangyari. Patuloy sa pag-agos ang kanyang dugo. Her warm
blood slipped through my fingers.

"Lorelei, please don't. Don't die on me!"


Her pulse was gone. She was no longer breathing.

Damn it! I failed again. I failed to protect her like how I failed to protect Rhea.

Again. He did it again. That heartless bastard who sold his soul to the Devil. He
doesn't want me to die. He just wants to see me hurt by killing those people around
me.

Niyakap ko nang mahigpit si Lorelei. Wala akong pakialam kung madumihan ang suot
kong uniporme. I know she could no longer feel the warmth of my embrace but I
wanted to make her feel that I was there.

I hope this was just a dream. I hope this was just an illusion.

"Hey, Loki? Are you awake?"

Muling

bumukas ang mga mata ko at napahinga nang malalim. My eyes roamed for a moment.
Almost everything around me was white. Then there's the smell that reeks of
disinfectant. A constant beeping sound also rang in my ears. If my deduction's
right, I'm in a hospital.

Sa paanan ng aking kama, nakapatong ang ulo ni Lorelei sa kanyang nakakrus na mga
kamay. Nakaharap sa akin ang natutulog at inosente niyang mukha at nakapikit na mga
mata. Her lips were moving but no sound came out.

Kung natutulog siya ngayon, kanino galing ang boses na narinig ko kanina?

"I'm glad you are awake. I was worried na baka hindi ka na gigising."

No, that can't be. That voice... It's been months since I last heard it.

I looked to my right and saw the figure of a young woman whose long braid of black
hair freely hanging over her right shoulder. Her face was pale while her lips were
rosy red. When my gaze met her brown eyes, I knew that it was her.

"Rhea... What are you-"

She put her finger before her lips. "Huwag kang maingay. Baka magising pa siya."

"Ikaw, paanong..." How in the world could this be possible? She's already dead
months ago, I saw it with my both eyes.

"You're the detective. You tell me," she said with a smile that I haven't seen for
a long time. Her soft lips, her white teeth... How much have I missed those.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit alalahanin kung ano ang nangyari bago ako
napunta rito. Last time I could remember, I was in the Q.E.D. clubroom with Lorelei
and Daniel Gutierrez, one of Moriarty's minions. He challenged me to a tea-drinking
game,

whoever survives will get to live and make the other suffer. Tapos... bigla akong
nahilo, nawalan ng balanse at ng malay.

"Natatandaan mo na ba kung bakit nandito ako?"

Her mere presence in my bedside defies the logic that I strongly believe in. She
can't still be alive. She must be an illusion, a figment of my imagination.

That's right. She must be an hallucination caused by me drinking belladonna.

"You're not real," I groaned as the pain in my head continued throbbing. But I wish
she was.

She began caressing my hair and looked straight at me in the eye. Her touch somehow
made the pain go away. "Hindi ka pa rin nagbabago. You always want to be the
clever. Tingnan mo ang nangyari sa 'yo."

"Oh, please." Sinubukan kong umupo ng diretso . "You know me better than anyone
else."

Her head turned to Lorelei who was still sound asleep and asked, "Is she the new me
in your life?"

"You know there's no one in this world who can take your place. No matter how many
people I meet."

"But you should take care of her as what you did to me," Rhea bat her eyes as she
returned her gaze to me. "She seemed to have grown fond of you. Alam mo bang kanina
ka pa niya binabantayan magmula nang dinala ka rito sa ospital? Halos maiyak nga
siya habang pina-pump ng mga doktor ang belladonna mula sa katawan mo."

She cried for me? Did she think I was really going to die? Why would she do that?

"Hindi mo pa ba alam hanggang ngayon kung bakit? You two are somehow alike-your
circumstances, your attitude." Since Rhea's a part of my imagination, I guess she
could read what's

going on my mind. "Like you, she doesn't easily trust people. She didn't trust you
at first, but after all that had happened, mukhang naging open na siya sa
pakikipagkaibigan sa 'yo."

"Nah, I don't think na katulad ko siya."

"Have you ever realized that she's spending most of her time in the club rather
than being with friends and doing high school stuff?" tanong ni Rhea. "Kakilala mo
ba ang mga kaibigan niya?"

"Ipinakilala niya sa 'kin noong isang araw 'yong kaklase niya." What was her name
again? Rosalie? Rosemary?

"Maliban sa isang 'yon, wala na?"

I shook my head, realizing what she was pointing out. The first time I met Lorelei,
she already gave me the impression that her idea of friendship has been ruined by
whatever happened in the past. No one would just abandon their friends even if they
transfer from one location to another.

Pero gano'n ang ginawa ni Lorelei. Lagi siyang pumupunta sa clubroom kapag break
time, dumidiretso sa apartment pagkatapos ng klase at nagkukulong sa kanyang kwarto
para sumulat ng blog. Ni minsan, hindi pa siya lumabas kasama ang mga kaibigan o
kaklase niya. She also had a past that she was trying to escape from.

In retrospection, we seem to be alike, at least in those aspects. Like me, she has
detached herself from the world. Like me, she finds it difficult attaching herself
with people.
"Ano ba siya para sa 'yo? Is she a mere club member or a puzzle for you to solve?"

"And why are we discussing about her?"

I heard Lorelei let out a soft moan, moving her head a bit. Anong oras na ba? Bakit
hindi siya roon sa

apartment matulog?

Rhea giggled. "You still don't get it, do you? Loki, Loki. Up to now, you still
don't understand us, girls."

"Women are complex puzzles. I could try to solve you and the whole of your gender
but I have other priorities."

"Moriarty, huh?" Rhea drifterd her gaze from me to the glass window of our room.
"Ilang buwan na ba ang nakakalipas? Anim, pito? Hanggang ngayon, hindi ka pa rin
makapag-move on sa kanya. You are always chasing him to the point that it has
become your obsession."

Why did she sound as if my quest to bring her killer to justice is a bad thing?

"I'm doing it for you."

"You're doing it for yourself!" she growled at me. "I understand that my death left
a huge void in your heart. You are trying to fill it by hunting down the guy who
murdered me. Ilang buwan na ang nakalilipas pero saan ka dinala ng paghahabol mo sa
kanya?"

"Are you sure you're still a product of my imagination?" I wondered. "Or are you
the real thing?"

"I speak and act like how you knew Rhea," she answered. "Kung buhay pa siya ngayon,
ganito rin ang sasabihin niya sa 'yo. Look here, Loki. It doesn't matter to me if
you catch Moriarty or not. Patay na ako kaya kahit mahuli mo siya, it wouldn't make
a difference. Will it bring me back to life? No. Instead of wasting your time, why
don't you get on with that precious life of yours?"

"When he's caught. That's when I will move on."

Rhea heaved a frustrated sigh. Not even her words could stop me from my quest of
bringing Moriarty to justice. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Matigas pa rin
'yang ulo mo."

"It's

the only way I can redeem myself... for the tragic fate that your acquaintance with
me brought to you."

There's no one to be blamed but me. Until her death, I haven't fully realized how
much danger I could cause to anyone who gets too close. Parang akong isang
naglalagablab na apoy na kapag may sumubok lumapit, matutupok sila't magiging abo.

She then showed me her clenched fist. "You've been like this ever since we've met.
Noong namatay ako, lalo mo pang hinigpitan ang pagkakuyom ng kamao mo. You're
holding on something without realizing that it's already hurting you. Ayaw mong
buksan 'yan."
As long as the pain's worth it, I don't mind holding on for a bit longer.

"Why don't you try to loosen up?" She slowly unclenched her fist, showing her palm
as pale as snow. "Why don't you try to let go so you can move on? This will help
not only you but also the people around you."

Easier said than done. If only I could, I would. But until my business with
Moriarty is finished, letting go will have to wait.

"Mukhang oras na para umalis ko," she kissed me on the forehead before turning to
the door. "It was nice talking to you again."

"Teka, saan ka pupunta?"

Ngumiti lamang siya at nagtungo sa pintuan, her braided hair bounced as she
approached it. For a moment, I almost forgot she was just a hallucination.

Pero bago niya ito tuluyang pihitin ang doorknob, may pahabol akong tanong sa
kanya.

"Have you forgiven me, Rhea?"

"You've done nothing wrong, Loki."

And then she vanished from my sight. The effects of the belladonna was probably
wearing off. How I wish that the conversation we had was real. How I wish that she
was real.

Slowly I closed my eyes and let the darkness embrace me in its arms.

###

P.S. Next chapter will be on Lorelei's POV again, resuming the regular narrative.
So what do you think about this illusory encounter between Rhea and Loki?

=================

Volume 1 • Chapter 14: The Mystery of the Ominous Melody

LORELEI

"HEY, WAKE up, sleepyhead."


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at iniangat ang ulo ko mula sa
pagkakahiga. Bumungad sa akin ang itsura ni Loki. Hawak-hawak niya ang kanyang
phone at nakatutok sa mukha ko. Malamang kinuhanan niya ng litrato ang mukha ko
habang tulog.

Teka, gising na siya? Talaga?

"Loki!" I jumped from my seat and hugged him as tight as I could. Thank God that
he's still alive! Back in the clubroom, I thought he was already a goner after
drinking that belladonna.

"Geez... What's with that overreaction?" Naramdaman kong medyo nailang siya sa
pagkakayakap ko. "I-I can't breathe. Can you please get your hands off me already?
Baka matuluyan na ako."

Halos maiyak ako sa sobrang pasasalamat. Magmula nang dinala siya rito, paulit-ulit
akong nanalangin na sana'y maging mabuti ang kalagayan niya. Mabuti't narinig ng
langit ang pagsusumamo ko at hinayaan pa siyang mabuhay. Kung kailangan, sampung
beses pa akong magrorosaryo para sa kanya.

I usually don't feel this way when it comes to guys but I guess Loki's a different
case. Kahit mag-iisang buwan pa lang kaming magkakilala, maybe I have grown to care
for him... a bit. After all, he saved my life twice-once during the fake abduction
organized by his brother and the attempt on my life by one of Moriarty's minions.

I let go of him and resumed sitting on my chair. Nahihirapan pa rin siyang gumalaw
at napapahawak sa kanyang ulo. Ang sabi ng doktor na tumingin sa kanya, natanggal
na nila ang traces ng belladonna sa katawan niya pero may aftereffects

pa rin ito.

"How did I get here? Don't tell me you carried me on your back from school all the
way here?" Dahan-dahan niyang inikot ang kanyang ulo habang nakahawak sa batok ang
kanyang kamay.

"Nang mawalan ka ng malay kanina, humingi ako ng tulong sa mga taong nasa labas,"
kwento ko sa kanya. "Mabuti't napadaan si Sir Jim malapit sa club kaya natulungan
niya akong buhatin ka. Mabilis ka niyang ipinasok sa kotse niya at dinala rito sa
ospital."

"Sir Jim?" Naningkit ang mga mata ni Loki, tila nakalimutan na niya kung sino ang
taong nabanggit ko.

"'Yong Math instructor ko at kliyente natin sa kaso ni Stein Alberts." Baka hindi
rin niya matandaan kung sino si Stein kaya ipinaliwanag ko na rin sa kanya. "Si
Stein 'yong lalaking nakita natin sa locker room sa may abandoned building noong
nag-ghost hunting tayo kasama ang Paranormal Club. Pagbalik ni Sir Jim dito, dapat
magpasalamat ka sa kanya."

"Ah, naaalala ko na."

"Bakit ba parang hindi mo natatandaan ang pangalan ng mga taong nakakasalamuha mo?"
nagtatakang tanong ko sa kanya. Kung hindi niya nakakalimutan, nagkakamali siya ng
tawag.

"Lorelei, tell me, what do you do when there are unnecessary files in your hard
drive?" His voice was weak but his tone's still the same whenever he's about to say
something that I might not I agree with. Hindi ko alam kung bakit napunta sa hard
drive ang usapan namin tungkol sa mga pangalan pero sinagot ko pa rin ang tanong
niya.

"Well, I delete them to free up some space for future files."

"Exactly. That's the same concept I'm applying to my mind. Our brain is like a hard
drive-an internal

hard drive-where every byte is equivalent to a piece of information. I don't waste


a byte in my storage for stuff that won't be of any use for me."

"So the names of people you meet-"

"Not only the names but people themselves! Why should I bother remembering
someone's name or their appearance when he or she has nothing to offer to me?
Nakapagbasa ka na ba ng nobela na maraming tauhan? Ilan sa kanila ang natatandaan
mo pa? Kaunti lang, 'di ba? That's because in a story, only the characters with
significance to the plot matter, especially the protagonists and antagonists!"

He may not be back in his usual vigor but I could say that he's really back. Kung
sakali mang namatay siya, mami-miss ko ang kakaibang pananaw niya sa buhay at iba't
ibang bagay.

"Speaking of antagonists, what happened to Daniel Gutierrez?" His voice went deep
and serious.

Marahan akong umiling. "Isinugod rin siya rito sa ospital bu he didn't make it.
Sabi ng mga doktor, mukhang nalason siya. Ipinapa-autopsy na ang bangkay niya."

"Was it because of the belladonna?"

"Posible. Mukhang parehong belladonna ang ininom n'yo pero may halong lason ang
napunta sa kanya. May dadaan mamayang campus police officer dito para bigyan tayo
ng copy ng report."

Loki looked away, still in deep thought. "So he lied to us when he said that one of
the tea bags contained raspberry hibiscus tea. Or possibly, the man who handed him
those tea bags lied to him. They didn't tell him that one was laced with poison."

Biglang bumukas ang pinto at sabay kaming napatingin sa taong pumasok. Maingat na
isinara ng lalaking

nakasalamin ang pinto bago humarap at lumapit sa 'min.

"Mabuti't gising ka na," nakangiting bati ni Sir Jim kay Loki. May bitbit siyang
plastic na ipinatong niya sa maliit na mesa malapit sa kama. "Alam mo bang alalang-
alala itong si Lorelei kanina? Tinawag na niya yata ang lahat ng santo para
siguruhing ligtas ka."

"Sir!" I could feel my cheeks turning as red as tomatoes.

"Oh?" bahagyang napabuka ang bibig ni Loki. "My subsconscious told me earlier that
you were also crying. Was that true?"

I shook my head frantically even if that's true. "Ba-Bakit naman kita iiyakan?
We're not even friends, 'di ba?"

Napatawa tuloy si Sir Jim. "Bagay kayong dalawa."


"What?"

"Ano ho?"

"May ilan na akong nasabihan ng gano'n," napangiti lang si Sir Jim sa sabay na
reaksyon namin ni Loki. Pati ba naman si sir, nang-iintriga? "At karamihan sa
kanila, talagang nagkakatuluyan. Malay n'yo, magkatotoo."

The thought never crossed my mind. Oo, may itsura itong si Loki kahit unorthodox
kung mag-isip at kung minsa'y gusto mong batukan dahil sa mga mapaglaro niyang
trick. But he's not the type of guy that any girl would easily fall in love with.

"You should be careful next time, Loki. Pati na ikaw, Lorelei," paalala ni Sir Jim.
"Whoever's behind these incidents, mukhang seryoso silang manakit ng tao para sa
sarili nilang interes."

He didn't need to remind us of the danger we are in. Both Loki and I knew what we
signed up for.

"Bumili pala ako ng pagkain doon sa canteen. Kumain na kayo, lalo na ikaw, Lorelei.
Huwag mong hayaang malipasan ka ng gutom," sabi ni Sir Jim

habang naglalakad patungo sa pinto. "Pupuntahan ko muna 'yong kaibigan kong doktor
dito sa ospital bago ako umalis."

Nang lumabas na siya, sandali kaming natahimik ni Loki at sabay na napatingin sa


iniwang plastic ni Sir Jim.

"He seemed to be too concerned about us," komento ni Loki. I could sense in his
tone that there's a hint of suspicion. "We only helped him in a single case."

Ewan kung anong pinagtatakahan ni Loki roon. Natural lang sa mga teacher na maging
concern sa mga estudyante kahit hindi sila kabilang sa mga tinuturuang klase, 'di
ba? They are supposed to be our second parents, though medyo bata pa si Sir Jim, so
there's nothing suspicious about it.

"His name also strikes me as curious," dagdag ni Loki habang inaayos ang kanyang
pagkakahiga.

"Jim? Anong kataka-taka doon?"

A slightly confused look flashed across his face. "Don't you know? Jim is now
commonly used nickname for James."

"And the name 'James' holds some significance because...? Dahil ba fan ka ni James
Bond o James Dean?"

"Didn't I tell you before? Professor Moriarty's first name is James."

Our conversation was interrupted by three knocks on the door. A young man in police
uniform went in, holding a folder by his right hand. Pamilyar ang mukha niya sa
'kin dahil nakita ko na siya kaninang lunch time. Siya kasi 'yong officer na
naghatid ng autopsy report sa dalawang biktima ni Daniel.

"Magandang gabi!" Nakasaludo niyang bati sa amin bago siya lumapit sa kama.
"Ipinadala ako ni Inspector Estrada para ibigay sa inyo ang-WHACK!"

Madulas yata ang sahig kaya aksidente siyang


napaupo at nabitawan ang hawak na folder. Kanina sa clubroom, natakid siya sa
paanan ng upuan bago pa niya maiabot sa amin ang report. Either natural ang
pagiging clumsy niya o minalas siya sa dalawa naming pagkikita.

Pero kumpara sa mga karaniwang pulis na nakikita namin sa crime scnee, masyado
siyang bata. Ngayong muli kong nakita ang kanyang mukha, masasabi kong halos
magkasing-edad lang kami. Pwede ring talagang baby-face siya kaya ganyan ang
kanyang itsura. Naka-pin sa kanyang chest pocket ang nametag na "Montreal, B."

Tinulungan ko siyang tumayo at saka nagpasalamat sa 'kin. "Meron ibang kasong


iniimbestigahan ang inspector kaya hindi siya nakapunta rito. Heto nga pala ang
autopsy report kay Daniel Gutierrez."

Pinilit iniangat ni Loki ang kanyang nanghihinang kamay para kunin ang report pero
inunahan ko na siya.

"By the way, aren't you too young to be on the campus police?" tanong ng kasama ko.
"You still look like a teenager even if you are wearing that uniform."

Napakamot si Officer Montreal sa kanyang ulo at tila nahiya sa nasabing komento.


"Actually, isa pa lang akong college student. Criminology ang kinukuha kong course
at bilang part ng on-the-job training namin, in-assign ako sa Clark High School
Campus Police."

"An intern, huh? That must be why they are asking you to run errands. But have you
ever been in an actual crime scene, er... Officer Montreal?"

"Tawagin n'yo na lang akong Bastien. Sa unang buwan ko sa campus police, halos desk
work ang pinaasikaso nila sa 'kin. Pero ang sabi ni Inspector Estrada, isasama na
niya ako sa mga crime scene para magkaroon ako

ng experience sa field."

Sana hindi gumana ang pagka-clumsy niya kapag nasa pinangyarihan sila ng krimen
para maging maayos ang mga imbestigasyon nila. Baka kasi may mga ebidensyang masira
na makatutulong sana sa kanila.

Binuksan ko ang folder at mabilisang binasa ang dalawang pahinang report. Kaagad
kong hinanap ang cause of death section at nabasa ang sumusunod:

A complete autopsy examination showed that aside from belladonna, traces of hemlock
were also found in the victim's system. The analysis from the teacup in the crime
scene also showed the same result.

"Hemlock?" nagpukol ako ng nagtatakang tanong kay Officer Bastien.

"Kung tama ang pagkakaalala ko, ang hemlock ay isa sa mga pinaka-poisonous na
halaman. Umaabot mula dalawampung minuto hanggang tatlong oras bago magpakita ang
sintomas nito," paliwanag niya. "Sabi ng chief medical examiner, kung sanang nadala
kaagad sa ospital ang biktima, baka posibleng nailigtas pa siya. Fast-acting kasi
ang mga toxin kaya agarang solusyon ang kailangan."

Sunod akong napatingin kay Loki. "Maswerte ka pala na hindi 'yong tea bag na may
halong hemlock ang napunta sa 'yo."

"It's not luck, it's instinct," pagtatama niya sa 'kin. "I chose the tea based on
the size of the tea bag that Daniel put in the cup. Mas kaunti ang laman ng tea bag
sa basong pinili ko. Because both cups have the same color and scent, nag-isip ako
ng ibang factor na gagamitin kong basehan sa pagpili."
Kahit ano pang sabihin niya, it was still luck that saved him. Nakipagsugal siya sa
fifty-fifty na tsansang makuha ang mas ligtas na tea cup. Hindi rin

niya alam na may hemlock ang isang tea bag ng bella donna.

"Pinapasabi nga pala ni Inspector Estrada na magpagaling kayo," muling sumaludo sa


amin si Officer Bastien bago siya nagtungo sa pintuan. Hindi ko alam kung bakit
niya kailangang gawin 'yon, ni hindi man niya kami gano'n kakilala. "Mauuna na ako
sa inyo."

Ipipihit na sana niya ang doorknob nang biglang bumukas ang pinto at natamaan siya
sa noo. Napa-Aray! siya sa sakit at napahaplos ang kanyang noo para mawala ang
pananakit nito. Hindi man humingi ng paumanhin sa kanya ang lalaking pumasok.
Tumuloy na lang siya sa paglabas.

Another familiar face emerged from the doorway. Narinig ko ang pag-"Tsk!" ni Loki
kasabay ng panliliit ng mga mata niya at pagpapakita ng ngipin na parang asong
mangangagat.

It was Luthor Mendez, his beloved brother.

"You must be so disappointed that I wasn't killed by belladonna," kaagad na bati ni


Loki sa kakapasok naming bisita. "Have you come here to finish the job?"

"Am I such a terrible person to you that I would wish for my brother's death?" Muli
kong narinig ang malamig niyang boses na biglang nakapagpataas sa bawat balahibo sa
katawan ko. It's been a while since I last heard his chilling voice and saw his
face as blank as a brick. "Good evening, by the way, Lorelei. Thank you for looking
after my brother."

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. His presence was enough to send chills to my
spine. Ewan kung bakit laging ganito ang nararamdaman ko kapag malapit siya sa
akin. It felt like a familiar aura that I would always try to avoid... like my
father's.

"Maybe you have come

here to take photos of me while I'm in my most vulnerable moment," sabi ni Loki.
"Are you thinking of using them to blackmail me one day so I can be a dog to do
your bidding? Sorry but that won't work to me."

"I thought of a good insult but I remember that I didn't come here to trade barbs."
Luthor's voice was as calm as usual while his eyes glowered at his brother. "Prof.
Jim Morayta told me about your predicament so I came here to check on you. Our
parents are out of country so it's the duty of your elder brother to see how you
are doing."

"So you did it out of familial obligation? You even went out of your way to visit
me. Am I supposed to be touched?"

Luthor slowly shook his head, his eyes shooting a sideward glance at me. "You and
Lorelei here are supposed to be reconsidering your position. You have encountered
M's minions twice and you have seen what they are capable of doing. If I were you,
I would stop this foolish quest."

"Reconsider?" Hindi napigilang matawa ni Loki bago siya tumigil at napahawak sa


kanyang tiyan. Mukhang nakaramdam siya ng sakit sa parteng 'yon. "On the contrary,
I am more excited to continue the chase. Habang nakakasalamuha namin ang kanyang
mga galamay, nakakakuha kami ng impormasyon tungkol sa kanya. Eventually, we will
find him and bring him to justice."

Humarap sa akin si Luthor at nagkatitigan kami ng mga walang buhay niyang mata.
"How about you, Lorelei? By now you should have a firm grasp of how dangerous the
situation is. Will you step back or are you prepared to be the next Rhea?"

Ang ibig niya sigurong sabihin, handa

ba akong mamatay gaya ni Rhea dahil sa pagiging malapit ko kay Loki? There's a
voice inside my head that tells me to quit and live a normal life. But somewhere
deep in the abyss of my mind, there's another voice that tells me to proceed and
see how this story will end.

Bago pa man ako lumipat sa Clark High School, nalagay na ako nang ilang beses sa
panganib kaya hindi na ako gano'n natatakot sa posibilidad na baka maulit 'yon. And
every time I'm in danger, there's always someone who will come to save me, like
what Loki did a few weeks ago. Ewan pero baka totoo ngang lapitin ako ng panganib.
Trouble seems to find me every now and then no matter where I go.

Napalunok ako ng laway bago ko sinagot ang tanong niya. "If our club takes on a
particular case, it is my duty as its member to solve it. If our club decides to
never touch or leave the case alone, I will do the same."

A-Ano bang pinagsasabi ko? Bakit parang pinapalabas kong nakatali ang desisyon ko
sa club-or more specifically-sa desisyon ni Loki? Hay. I guess I have no other
choice but use that lame excuse to justify why I'm tagging along the Moriarty
investigation.

"And by the way, brother..." mabilis na humirit si Loki nang matapos ako sa
pagsasalita. His left eye was twitching and I could sense that he's somehow pissed
by what his brother told me. "Rhea's name is not and will never be synonymous to
getting killed. Have some respect, will you?"

"My apologies," he said so but his voice didn't sound sincere nor apologetic.
Parang sinabi niya lang 'yon for the sake of saying it. "Are you sure that there's
no other way I

could talk you out of this?"

Loki giggled. "You know your words would fall on deaf ears. Alam mo ba kung anong
dapat mong gawin? Walk to that door, swing it open and get out of my room. I would
appreciate it. Thank you."

Nagkatitigan muna silang dalawa sa loob ng ilang segundo as if they were in a


staring contest. Iisipin mong nag-uusap sila via telepathy sa seryosong tingin sa
kanilang mga mata at mukha. Loki won as Luthor's eyes blinked and broke their eye
contact.

His brother sighed, still maintaining that bored look on his face. "I hope I won't
be visiting any of you in the morgue the next time they tell me something happened
to you or Lorelei. If that happens. don't tell me you weren't warned."

He then took his leave and left the room in peace. His last words, said in cold and
unemotional manner, left a fleeting impression on me. There's something in his
voice that bothered me. And now, I think I know what it is.

Tumingin ako kay Loki. "Natatandaan mo pa ba 'yong sinabi ni John tungkol kay M
noong in-interview siya ng campus police?"
"Alin doon?"

"Sinabi ni John na nakausap niya si M via phone, 'di ba? At ang sabi niya, malamig
at nakakapangilabot ang boses ng kausap niya." Bahagyang humina ang boses ko, hindi
ko kasi alam kung dapat kong sabihin ito lalo na kay Loki. "Have you ever
considered na posibleng... si Moriarty ay walang iba kundi ang kuya mo? His voice
always gives me goosebumps as if I'm always in danger."

And there it goes! The stupidest thing that I said for today.

"What made you think that way?" Hindi man siya nasorpresa sa sinabi ko. Maybe he
already

thought of it. Maybe he dismissed the idea that his brother is probably the
supervillain he might be after.

Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang deductions ko. "Si Luthor ang vice
president ng student council at gaya ng sinabi mo noon, siya talaga ang may kontrol
nito. I assume na malawak din ang koneksyon niya sa buong campus. Nasa perpektong
posisyon siya para magsagawa ng mga... hindi kanais-nais na bagay."

"My brother may be evil and despicable but he's not a monster," sagot ni Loki. "He
tends to get what he wants through underhanded tactics like bribery and blackmail
but murder is not one of them. Oo, talagang titindig ang mga balahibo mo kapag
narinig mo ang boses niya pero 'yon kasi talaga ang trademark ng mga tulad niyang
laging may lihim na agenda."

It was foolish of me to raise that point. But at least, Loki assured me that his
brother has no stain of becoming a villain. However, I don't think that I should
ever trust him.

For the fourth time, the door swung open. But now, a worried Tita Martha rushed to
Loki's side. Niyakap niya ang kasama ko nang mahigpit hanggang sa punto na hindi na
siya makahinga.

Nang dalhin namin dito si Loki, kaagad kong tinext si Tita para ipaalam sa kanya
kung anong nangyari.

"Naku! Anong gulo na naman ang pinasok mo! Alam mo bang muntikan na akong atakihin
kanina nang mabasa ko ang text ni Lori?" Halos maluha si Tita habang nakatingin ang
mga mata niya kay Loki. Kahit tenant lang niya ang roommate ko, daig pa niya ang
isang concerned na ina sa pag-aalala. "Mabuti't hindi ka napuruhan o naputulan ng
kamay o paa!"

Loki

gave me a why-did-you-tell-her look as he tried to explain what happened.

"Tita, bili muna ako ng maiinom sa may vending machine." Tumayo ako't nagtungo sa
pintuan. Bago ako lumabas, nagbilin ako sa kanya. "May binili pa lang pagkain ang
teacher ko diyan sa mesa. Baka gusto n'yong subuan si Loki. Medyo nanghihina pa
kasi ang mga kamay niya."

Hindi ko na narinig ang pagpoprotesta ni Loki nang mabilis kong isinara ang pinto.
Hindi naman siya nabaldado pero mabuting hindi na siya masyadong mag-effort sa
pagkain.

Naglakad ako sa pasilyo ng ospital, nakasalubong ang mga nurse, doktor at ilang
pasyenteng nakaupo sa wheelchair. Malakas ang amoy ng disinfectant sa paligid at
hindi mo maiiwasang masinghot. Malamig din ang hanging ibinubuga ng aircon na
umiikot sa buong building. Dahil hindi gano'n kakapal ang tela ng uniporme ko,
halos manginig ako sa sobrang lamig.

Nakarating ako sa bandang dulo ng pasilyo kung nasaan ang vending machine. Ipinasok
ko ang isang fifty-peso bill at pinindot ang button para sa paborito kong tomato
juice. Nang lumabas ang lata sa dispenser, kinuha ko ito at kaagad na binuksan.

Naglalakad na ako pabalik sa kwarto ni Loki nang may nakasalubong akong isang
lalaking sumisipol. Hindi ko kadalasang pinapansin ang ibang taong nasa paligid ko
pero may ginawa siyang nakakuha sa atensyon ko.

He was humming a familiar tune-a tune that I heard weeks ago.

♫ ♫ ♫ ♩ ♫ ♩ ♫

The canned juice was centimeters away from my dry lips when it slipped through my
fingers. Before it hit the tiled floor, I quickly turned around

and run to the whistling guy. Hinawakan ko siya sa balikat, dahilan para mapatalon
siya sa gulat.

"Whoa! Kilala ba kita, miss? May ginawa ba akong masama?" Parehong nakataas ang mga
kamay niya.

"Ano 'yong sinisipol mong kanta? Narinig kitang sumisipol, tama?"

"Ah, parang Mary Had A Little Lamb yata," napatingin sa kisame ang lalaki, may tono
ng hindi kasiguraduhan ang kanyang boses. "Pasensya na, hindi ako segurado. Kanina
kasing nasa CR ako, narinig ko 'yon habang sinasagot ko ang tawag ng kalikasan.
Keypad tone yata, parang may nagda-dial ng number."

"Kailan ka pumunta sa banyo? Kanina pa ba o ngayon lang?"

"Actually, kakalabas ko lang. Bakit? Anong meron sa kantang 'yon?"

I ignored his question and shot another one. "Hindi mo ba nakita kung sino ang
kasama mo sa banyo noon? At saang banda 'yon?"

"Diyan sa kabilang dulo," sabi niya sabay turo kung saang direksyon ang kwarto ni
Loki. "Pagkalabas ko sa cubicle, wala nang ibang tao roon maliban sa 'kin. Teka,
ano bang nangyayari?"

Hindi ko na sinagot ang tanong niya at mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon
ng banyong pinanggalingan niya. May ilang napapatingin sa 'kin, nagtataka kung
bakit nagmamadali ako.

That familiar tune! Hindi ako pwedeng magkamali. 'Yon din ang tonong narinig ko
noong may dinial si John Bautista sa kanyang phone habang nasa loob ako ng drum. At
ang kausap niya ng mga sandaling 'yon ay posibleng ang taong nasa likod ng mga
insidente sa school-si Moriarty!

Nalampasan ko na ang kwarto ni Loki at napatigil sa tapat ng comfort room ng mga


lalaki. Huminto muna ako sa gilid at hinabol ang aking hininga

bago ipinagpatuloy ang pagtakbo ko. Kung lumabas na siya ng banyo, posibleng
nagtungo na siya sa exit ng ospital mula sa kinatatayuan ko.
My chase met a dead end when I saw no one suspicious along the hallway or in the
hospital's lobby. Hindi ko rin kasi alam kung sino o ano ang itsura ng lalaking
dapat kong hanapin kaya posibleng nakasalubong ko siya sa daan kanina o isa siya sa
mga nakaupo at pasimpleng nanonood ng TV rito sa lobby.

Lumabas muna ako ng ospital para makalanghap ng sariwang hangin. Posible kayang
coincidence na may taong nag-dial sa numerong may kaparehong tono ng Mary Had A
Little Lamb? Napa-paranoid na kaya ako dahil sa mga nangyari?

No. It's too much of a coincidence. Hindi kataka-taka kung magpapadala ng tauhan
dito sa ospital si Moriarty para tingnan ang kalagayan ni Loki. After all, he
doesn't want him dead.

The question is: Who could it be? Is it someone from the school that I met today
here in the hospital? Or someone whose face I haven't seen?

"Ang sabi nila, nakakamatay ang kuryosidad."

I turned to my right to see where that voice came from. My eyes widened in surprise
when they set their gaze on a guy who's puffing smoke a few meters away from where
I stood. Tumingin sa akin ang mga matatalim niyang mata which gave me a cold
sensation. It was the same feeling that I had back during the Stein Alberts case.

Medyo madilim sa labas pero hindi gaya noong una ko siyang makita, mas nasilayan ko
ang itsura niya ngayon. Natatakpan ng bangs ang kaliwang side ng kanyang noo at
halos hindi ko makita ang kaliwang mata niya. May kapayatan din ang kanyang mukha.
Nakaipit sa kanyang ngipin ang isang sigarilyo na bagong sindi pa lamang. Nakasuot
din siya ng uniporme ng mga lalaking taga-Clark High School.

Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang lalaking nakita ko noong naninigarilyo
malapit sa abandoned school building at nakatitig sa 'kin matapos naming mailigtas
si Stein.

Naglakad siya patungo sa direksyon ko habang nakahalukipkip ang mga kamay niya sa
bulsa ng kanyang pantalon. Pinilit kong igalaw ang mga nanginginig kong binti pero
hindi ako makahakbang. Masyado yata akong na-overwhelm ng takot dala ng kanyang
presensya.

"Kaya dapat lagi kang handa dahil kung hindi, baka mahulog ka sa isang patibong at
masayang 'yang buhay mo," sambit niya nang hindi nakatingin sa 'kin. Aakalain mong
may kausap siyang hindi ko nakikita.

For a moment, my beating heart almost stopped. Ang akala ko'y may gagawin siya sa
'kin pero dinaanan niya lang ako at naglakad palayo sa ospital.

Who in the world was that guy? And was he following me like what he did before?

###

P.S. The shadows are gathering! Tama kaya ang hinala ni Lorelei? Was Moriarty
keeping an eye on Loki?

What to expect next chapter? Either someone from Lorelei's past will appear or the
duo will investigate a stalker case.

Ano ang masasabi n'yo sa update na 'to? I-COMMENT na 'yan!


=================

Volume 1 • Chapter 15: Hidden in Plain Sight

A/N: Medyo chill ang update na 'to though you still have to keep your eyes peeled
for some reason.

LORELEI

HINDI KO muna sinabi kay Loki ang tungkol sa taong nag-dial sa numerong may
kaparehong keypad tone sa taong tinawagan noon ni John Bautista. Maging ang
relasyon ng nursery rhyme na Mary Had A Little Lamb pati ang lalaking tila
sumusunod sa 'kin, hindi ko muna ipinaalam sa kanya nang bumalik ako sa kanyang
kwarto.

Ayaw ko muna siyang papag-alalahanin. Gusto kong tuluyan muna siyang makapagpahinga
at mabawi ang kanyang dating lakas. If I did tell him, he would no doubt jump out
of his bed and try to chase whoever that mystery guy is. Sasabihin ko rin sa kanya,
pero hindi pa ngayon.

The next day, Tita Martha locked our unit from the outside using both padlock and
chain para hindi makalabas si Loki. Kahit kaka-discharge pa lang niya mula sa
ospital at hindi pa tuluyang nawawala ang epekto ng belladonna, gusto na niyang
bumalik sa school at ipagpatuloy ang business ng Q.E.D. Club. Malas niya dahil
walang bintana sa aming unit kung saan magkakasya ang katawan niya at pwede siyang
tumalon mula sa third floor. Kahit may master's o doctor's degree pa siya sa
lockpicking, wala siyang magagawa laban sa mahiwagang kadena ni Tita.

I went to school alone, walking across the busy streets and accidentally bumping
into other pedestrians. Hindi kagaya dati na wala akong pakialam sa paligid,
ngayo'y parati akong lumilingon sa likod pati sa kaliwa't kanan para makita kung
may nakasunod sa 'kin. I'm now aware of my shadow since I met him in

person yesterday so spotting him from a distance won't be difficult.

Pagdating ko sa classroom, nakangiti akong binati ni Rosetta at kaagad na tinanong


tungkol sa nangyari kahapon. Kasing-bilis yata ng pagkalat ng apoy ang pagkalat ng
balita sa nangyari sa Q.E.D. clubroom. Kasalanan ko rin kasi nagsisigaw ako ng
tulong kaya naka-attract ng unwanted attention mula sa mga estudyanteng nasa labas.

"Kung gano'n, okay lang si Loki?" nababahalang tanong ni Rosetta. Kahit na


ipinahiya siya ni Loki noong isang araw, mukhang nakalimutan na niya 'yon. "Paano
na ang club n'yo niyan?"

"Kailangan niya lang magpahinga kaya hindi siya pinapasok ngayong araw."

"Hmm..." Napatingin sa ibang direksyon ang aking kaklase, parang may gusto pa
siyang sabihin pero nagdadalawang-isip. Sa imbes na itanong ko kung may kailangan
siya sa amin, hinayaan kong mamayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Hindi nagtagal ay nagsalita rin siya. "Meron kasi akong kaibigan na gustong humingi
ng tulong sa inyong club. May problema kasing bumabagabag sa kanya. Pero siguro
kapag nandyan na ang partner mo, doon ko na lang siya ire-refer sa inyo."

Ouch. Parang walang tiwala si Rosetta na kahit wala si Loki, kaya kong lumutas ng
mga problema. Sa tingin ba niya, isa lang akong dekorasyon sa club? Hindi ko rin
siya masisisi kasi maging ako, hindi segurado kung kakayanin ko nang wala ang
tulong ng partner ko.

Wait, did I just call that guy as my "partner"? That... doesn't sound right.

Hindi na muna ako pumunta sa clubroom nitong break time namin sa umaga. Nag-stay
ako sa classroom at pinaglaruan ang aking phone

na naka-on ang keypad tone. I'm not a musically inclined person so I have no idea
what I'm doing.

BIP! BOP! BOP! BIP! BIP! BOP!

Tss... Random numbers na ang pinagpipindot ko pero hindi ko pa rin ma-recreate ang
tunog na narinig ko noon. Kung mahuhulaan ko kung anong phone number ang
makakalikha ng tunog ng Mary Had A Little Lamb, malalaman namin kung anong number
ni Moriarty o at least, ng taong may koneksyon sa kanya.

After fifteen minutes, sumuko na ako at nagpokus sa pagbabasa ng notes sa


Chemistry. Maybe Loki will figure this out when I tell him. Sana'y hindi siya
magalit dahil hindi ko kaagad sinabi sa kanya.

***

"Our normal counting system is called 'base ten' because we have exactly ten
symbols to work with-from zero to nine."

Our Math instructor, Sir Jim Morayta, was writing numbers on the whiteboard and
explaining something that bored most of my classmates. May ilan na ngang nakatulog
na o kaya'y palihim na naglalaro ng Clash of Clans sa ilalim ng kanilang desk.

"Once we run out of these ten symbols, we start all over again to zero and add
another digit on the left. After the number 'nine,' we proceed to 'one-zero' or
'ten' as we call it.

Seryoso akong nakikinig sa kanya-hindi dahil gano'n ako kainteresado sa kanyang


subject-kundi dahil sa sinabi ni Loki kahapon tungkol sa pangalan ni sir. Kung
pangalan ang pagbabasehan, candidate ang aking Math instructor sa pagiging
Moriarty. His last name "Morayta" has some resemblance to the codename of the
mastermind.

"Why is our system of counting structured this way? It's probably because we

have ten fingers. But what if we only have eight fingers? We would probably start
over every eighth number instead of every tenth. That's what we call 'base eight'
or octal counting."

Pero kahit saang anggulo ko tingnan, parang imposible na ang tulad niya'y kayang
magpautos na magpadispatya ng tao. Kahapon nga, siya pa mismo ang naghatid kay Loki
sa ospital. But my roommate suspected that there's more to my instructor's concern
than meets the eye.
"In this system, there are eight symbols to work with: from zero to seven. We don't
need eight and nine anymore so the number that comes after seven will be one-zero
or ten."

I can't bring myself to suspect him of any malice. Baka napa-paranoid lang si Loki
o epekto lang 'yon ng belladonna sa kanyang utak.

BEEP! BEEP! BEEP!

Pasimple kong chineck ang aking phone para tingnan kung sinong nag-text. Oh,
speaking of the devil.

LOKI (11:44 AM): Boredom is killing me here. Go to the clubroom later and check if
someone needs our help. If interesting, send it to me.

Wala man lang good morning o pangungumusta kung nakarating ako nang ligtas sa
school. He's too straightforward with his messages, sparing no time for
formalities. Hindi ko na siya ni-reply-an at itinuon ang atensyon ko sa discussion
ni Sir Jim.

After our Math subject this morning, bumili ako ng take-out lunch sa cafeteria at
dinala ito sa clubroom. Nag-pass muna ako sa imbitasyon ni Rosetta na kumain kasama
'yong potential client namin.

Dahil hindi na kami nakabalik dito kahapon, kinailangan ko pang ayusin ang mga
upuan at tanggalin ang mga naiwang kalat.

Somehow, iba ang atmosphere dito sa clubroom ngayong wala si Loki. It's kinda weird
to not seeing him sitting in his usual spot.

Patapos na ako sa pagkain nang may kumatok sa pinto ng clubroom. Pinatuloy ko siya
bago isinubo ang huling kutsara ng kanin.

"Dito ba ang Q.E.D. Club?" tanong ng isang babaeng may abot-balikat na buhok na
sumusunod sa bawat paghakbang niya.

Binilisan kong uminom ng tubig bago ako sumagot sa kanya. "Oo, ito nga. Ano ang
maitutulong namin sa 'yo?"

The young woman's face brightened up when her eyes set their gaze on me. "Ikaw
siguro si Lorelei Rios, 'yong sumusulat ng blog tungkol sa adventures ng club na
'to, tama?"

Natuwa akong marinig na may nakakakilala sa akin at nagbabasa ng blog na ina-update


ko regularly kapag may bago kaming kaso ni Loki. But don't tell me na nandito ang
babaeng ito para humingi ng autograph ko?

Lumapit siya sa 'kin at iniabot ang kanyang kanang kamay. "Sorry for not
immediately introducing myself. Ako nga pala si Agatha Cortez, literary editor ng
Clark Gazzetta, ang official student publication ng Clark High School."

Habang nakikipagkamay ako sa kanya, sinubukan kong alalahanin kung saan ko narinig
o nabasa ang pangalan ng school paper namin. I remember Loki reading a couple of
their issues here in the clubroom.

Pinaupo ko muna si Agatha bago namin ipinagpatuloy ang aming pag-uusap.

"Avid reader ng iyong blog ang editor-in-chief namin," panimula niya. "Noong
nabanggit niya ang tungkol doon, kaagad kong pinuntahan ang iyong blog site at
binasa ang mga entry mo. I must say that you have a talent for literary

writing."

I can't help but feel flattered by hearing those words from the mouth of a student-
editor. And to think that their chief editor would take interest in my writings is
something to be proud of.

"Alam kong kaka-transfer mo pa lang sa school namin kaya baka hindi ka aware na
quarterly, nagre-release ang Gazzetta ng literary folio kung saan kinokolekta namin
ang mga literary piece mula sa mga estudyante. And I'm here to say that our boss
wants to publish some of your works."

Ilang beses na napakurap ang mga mata ko. Kinailangan ko pang ipaulit sa kanya 'yon
bago tuluyang nag-sink in sa isip ko.

My works. Getting published. Did I hear that right? Natulala ako sa kanya habang
patuloy na pinoproseso ng utak ko ang kanyang sinabi.

"Kung may bayad ang bawat blog entry na kukunin namin, the school paper is willing
to make a deal," sabi niya nang hindi ako kumibo nang ilang minuto. "Utos ito ng
editor-in-chief kaya we will exhaust all means para masunod ang gusto niya."

Paulit-ulit akong umiling, nakataas pa ang pareho kong kamay. "Hindi n'yo na
kailangang magbayad. Kung gusto n'yo talagang i-publish 'yon sa folio, sapat na
'yong kapalit sa 'kin."

"Really?" Her brown eyes sparkled with joy as her lips formed a smile. "Of course,
kailangan dumaan sa editing process ng iyong isinulat kaya sana hindi ka ma-offend
kung may babaguhin o puputulin kaming mga salita."

"Trabaho n'yo 'yon bilang editors kaya walang problema sa 'kin basta hindi
magbabago ang takbo ng istorya."

Lumawak ang ngiti sa kanyang labi. "Tiyak na matutuwa ang editor-in-chief namin sa
balitang 'to."

Wala

pa akong nabasa ni isang issue ng Gazzetta kaya hindi ko alam kung sino ang editor
na tinutukoy niya. He must be a big fan of mysteries that's why his interest was
piqued by my blog.

"Sasabihan ko muna ang boss namin tapos babalikan kita." Iniabot ni Agatha ang
isang maliit na card kung saan nakasulat ang kanyang pangalan, posisyon sa school
paper at phone number. "By the way, hindi pa rin ba maayos ang lagay ng kasama mo
rito? I heard about what happened yesterday."

"Nagpapahinga muna siya ngayon. Baka kasi may epekto pa 'yong belladonna na ininom
niya."

Napahaplos si Agatha sa kanyang baba at napatingin sa ibang direksyon, bahagyang


naningkit ang mga mata niya. "So it was belladonna."

Come to think of it, kung taga-school paper siya, hindi ba nila sinusulatan ng
article ang tungkol sa mga krimeng nangyari sa campus?

"Actually, we want to publish a series of articles about these gruesome incidents,"


sagot niya nang naitanong ko. "Pero lagi kaming pinagbabawalan ng student council.
Ang sabi nila, hindi raw maganda sa image ng school at makakasira daw sa mood ng
student body kung maglalabas kami ng mga depressing news. Mula mismo sa student
council president ang pakiusap na 'yon kaya sinunod ng editor-in-chief namin."

No. Malamang galing kay Luthor ang utos na 'yon at hindi sa kinikilalang president.
May punto ang council kung bakit kailangan nilang itago ang mga nangyayari sa ibang
estudyante na hindi aware doon. Pero posible kayang may iba pang dahilan kung bakit
nakikialam sila sa trabaho ng school paper?

"By the way, may gusto sana akong i-refer na kaso sa inyo," Agatha

spoke rather reluctantly, interrupting my train of thought. Tila nag-aalangan


siyang ibahagi sa akin kung ano ang bumabagabag sa kanya. "Gusto ko sanang malaman
ang opinyon n'yo para mapanatag na ang loob ko."

"Kahit wala ang club president namin dito, he might be interested to hear your
problem."

Inilabas ni Agatha ang kanyang phone at mabibilis ang pagpindot ng kanyang mga
daliri sa screen. Muli kong naalala 'yong ginawa kong pagpindot sa mga numero
kanina para makalikha ng tunog na kapareho ng Mary Had A Little Lamb.

"Meron kaming contributor sa literary department, ang pangalan niya'y Edward Allen
Ponce. Mahilig siyang sumulat ng mystery at kakaiba ang gawa niya kaya kinuha namin
siya sa Gazzetta. Kagabi, natagpuan siyang patay sa kanyang kwarto sa White
Hostel."

"Isang murder?"

"Hindi. Sabi ng mga pulis, suicide ang nangyari. May natagpuang bote ng potassium
cyanide capsule sa mesa kung saan siya nakapatong ang kanyang ulo. According sa mga
rumespondeng pulis, may amoy ng almond galing sa bibig niya kaya 'yon siguro ang
ininom niya. At saka, may natagpuan silang suicide note sa mesa kaya nakakasiguro
silang suicide nga ang nangyari."

"Kung 'yon ang naging conclusion ng pulis, anong pinagtatakahan mo roon?"

Iniabot niya sa akin ang kanyang phone sabay sabing, "Ang kanyang suicide note.
Medyo weird kasi ang pagkakasulat. Ilang story na niya ang in-edit ko kaya pamilyar
ako sa paraan niya ng pagsulat. And as far as I can tell, may something off diyan
sa iniwan niyang note."

Ganito ang nakalagay sa suicide note ni Edward:

This written confession

isn't a hoax. Suicide will redeem my guilt as killer. Forgive me, Nicole, for I
took without remorse that writer's life. Manuscript of Unbeknownst which I've
stolen reveals truth. Keep the copy as evidence.

"Sa kanya ba ang handwriting na 'to?" kaagad kong tanong matapos basahin 'yon. Sa
unang tingin, iisipin mo ngang nagpakamatay si Edward dahil sa nakasulat dito. Pero
gaya ng sinabi ni Agatha, may kakaiba sa paggamit ng salita at pagkabuo ng mga
pangungusap. Maging ang pagkakasulat, parang minadali at nanginginig ang kanyang
kamay habang hawak ang bolpen.

"Ipinagkumpara ang nakasulat diyan at sa mga notebook niya. Nag-match ang parehong
penmanship," sagot ni Agatha. "Kung tama ang pagkakaintindi ng mga pulis, may
pinatay na isang writer si Edward at ninakaw niya ang manuscript nito. Unbeknownst
siguro ang working title, gaya ng nakasulat sa note."

"Sino naman si Nicole pati 'yong writer na sinasabing pinatay niya?"

"Si Nicole yata ang girlfriend niya at posibleng kakilala 'yong writer na tinutukoy
sa note. Nasa Grade 10-C yata siya."

"Pwede mo bang i-forward sa akin ang photo ng suicide note ni Edward?"

Nang maipadala na sa 'kin ni Agatha ang hinihingi ko, kaagad ko itong sinend kay
Loki para hingin ang opinyon niya. Dinagdag ko na rin doon ang detalye ng kaso.
Seguradong bored na bored na siya ngayon dahil wala siyang magawa sa apartment.

Matapos ang ilang minuto, biglang tumunog ang phone ko't naka-display sa screen ang
pangalan at number ni Loki.

"Hello? Natanggap mo ba 'yong sinend kong photo at message sa 'yo?"

"It's too easy! Too easy!" There

was a hint of disappointment in his voice. Teka, alam na ba niya kung anong kakaiba
sa suicide note? "I already know the truth behind this case. Tama ang hinala ng
kliyente mo ngayon, hindi ito suicide kundi isang forced suicide."

Na naman? Gaya ng nangyari sa dalawang biktima ni Daniel Gutierrez kahapon?

"If you're thinking that Moriarty is involved in this one, I don't think so." Kahit
na ilang kilometro ang layo ko sa kanya, parang nababasa pa rin niya ang nasa isip
ko. Baka naman may in-install siyang camera dito sa clubroom at nababasa niya sa
aking reaksyon ang iniisip ko?

"Huwag ka nang magpa-suspense diyan," sabi ko sa kanya. "Sabihin mo na kung bakit


forced suicide 'to."

"Hmm... Nope."

"A-Anong nope?"

"Not telling you."

Aba. Ano bang pumasok sa isip ng lalaking 'to at bakit ayaw niyang i-share kung
anong nalaman niya?

"Why should I tell you the answer? First, you let our landlady lock me in this
forsaken room. Ni hindi mo man siya pinigilan sa pagkadena niya sa pinto."

Inilayo ko mula sa aking tenga ang phone, medyo lumakas kasi ang boses ni Loki.
Hindi niya ba naisip na para din sa kapakanan niya kung bakit hindi ako umangal sa
ginawa ni tita?

"Second," humina ang kanyang boses, "I think you can handle this case even without
my help. Ilang linggo mo na akong kasama mula rito sa apartment hanggang diyan sa
clubroom kaya I expect that you have learned some of my methods. I'm confident that
you can close this case on behalf of the club."

My tongue was seemingly glued on the roof of my mouth. I'm at a loss for

words. Gano'n ba siya katiwala sa 'kin kaya ipinapaubaya niya ang kasong 'to o
gusto niya lang sumakit ang ulo ko sa kakahanap ng sagot? Nevertheless, I somehow
felt touched by his remarks. I hope that his confidence in me isn't just a trick.

"O ano, bakit hindi ka makasagot diyan? Huwag mong sabihing hinimatay ka na dahil
sa pressure?"

"Hi-Hindi, no!" Umiling ako para tuluyang bumalik ang kamalayan ko sa kasalukuyan.

"Let me give you a clue before you start. Have you taken an exam where you are one
seat apart from your classmate?"

"What does that supposed to me-"

Binabaan na niya ako ng telepono, ni hindi man niya ako pinatapos sa tanong ko. How
will that vague question of him serve as a clue?

Humarap ako kay Agatha na kanina pa pinapanood ang pakikipag-usap ko kay Loki.
Napakurap nang ilang beses ang kanyang mga mata at bahagyang nakabuka ng bibig.

"Sorry if you had to hear that. Gano'n talaga kami mag-usap ng club president. Ang
sabi niya, mukhang tama ang hinala mo na hindi ito simpleng kaso ng suicide.
Pinilit na magpakamatay ang contributor n'yo."

"Ta-Talaga?"

Itinuon ko ang aking atensyon sa suicide note at paulit-ulit na binasa ito sa aking
isipan. I also read it backwards but the context didn't make any sense. Kung hindi
ako pinagtitripan ni Loki, nakatago sa mga salitang 'to ang lihim na mensahe ni
Edward tungkol sa kanyang killer.

"May gagawin ka pa ba nayong lunch time? Gusto ko sanang kausapin si Nicole. Maybe
I will have a better sense of this code."

Wala naman daw prior commitment si Agatha kaya pumayag siyang samahan ako sa

classroom ng Grade 10-C. Dahil hindi pa tumutunog ang bell, nasa labas ang ilan sa
mga estudyante rito habang ang ila'y nasa loob ng room at nakikipagtsismisan.
Pinagtanong namin sa mga estudyanteng nasa labas kung sino si Nicole. Kaagad nilang
itinuro sa amin ang babaeng nakaupo sa bandang unahan na row na nakikipag-usap sa
kanyang mga kaklase.

"Ano'ng maitutulong ko sa inyo?" tanong niya matapos namin siyang ipatawag sa labas
ng kanilang classroom.

"Uhm..." Lagot, hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pagtatanong. "Boyfriend mo
ba si Edward Allen?"

Tumingin siya sa baba, napalitan ng pagsimangot ang ngiting kanina'y nakapinta sa


kanyang mukha. "Tungkol ba ito sa pagpapakamatay niya?"

"I have a hunch na posibleng hindi suicide ang nangyari." Si Agatha na ang sumagot
para sa 'kin. "Well, not voluntarily."

Napatakip ng bibig si Nicole. "Ang ibig n'yong sabihin, may pumwersa sa kanyang
uminom ng cyanide?"

"Parang gano'n na nga," sagot ko. "Pero tinitingnan namin kung sino ang posibleng
gumawa noon sa kanya. By the way, doon sa suicide note niya, may nabanggit siyang
writer na pinatay at ninakawan umano niya ng manuscript. Kilala mo ba kung sino
siya?"

Tumango si Nicole pero pinilit na iniwas ang tingin sa amin ni Agatha. "Malamang si
Arthur ang tinutukoy niya. Gaya ni Ed, writer din si Art ng mga mystery. Pero two
weeks ago, nabagok ang ulo niya matapos daw mahulog sa hagdan. Kasama niya noon si
Ed."

Kung pinatay ni Edward ang Arthur na tinutukoy ni Nicole, malamang hindi aksidente
ang nangyari kundi sinadya talagang itinulak ang naunang biktima para

mahulog sa hagdan.

"Alam mo rin ba ang sinasabing manuscript sa suicide note?"

Marahang umiling si Nicole. "Walang nabanggit sa 'kin si Ed noong magkasama pa


kami. Pero alam kong may isinusulat siyang nobela na balak niyang i-submit sa isang
publishing house."

"Isinusulat? Nagpapatawa ka ba?" Biglang sumulpot sa aming likuran ang isang


lalaking nakataas ang buhok, may katangkaran pero payat ang pangangatawan. "Baka
ang ibig mong sabihin, nire-revise niya ang manuscript na ninakaw niya para tuluyan
nang mapasakanya."

"Michael!"

"Tama naman, 'di ba?" pagpapatuloy ng lalaki. "Kung hindi niya ninanakaw ang
isinusulat ni Arthur, ninanakaw naman niya ang mga ideya nito. May ilan na akong
nabasang naka-publish sa Gazzetta na nakapangalan kay Edward pero sa totoo niyan,
si Art ang may akda."

Napatingin ako kay Agatha na ngayo'y nakakunot ang noo. Parang hindi siya
makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi niya siguro alam na alleged plagiarist ang
kinuha nilang contributor.

"Kaya mabuti't nakonsensya na siya," nakangiting komento ni Michael habang


naglalakad siya papasok sa kanilang classroom. "Bagay nga sa kanya ang nangyari."

"Pagpasensyahan n'yo na," mahinang sabi sa amin ni Nicole nang nakasiguro na siyang
hindi maririnig ng kanyang kaklase ang boses niya. "Matalik kasing magkaibigan sina
Art at Mike kaya masama ang loob niya kay Ed. Malakas ang kutob niyang may
kinalaman si Ed sa aksidente ni Art kaya ngayong umamin na ang boyfriend ko,
magkahalong galit at saya ang nararamdaman niya."

Sa ngayon, mukhang itong si Michael ang may motibo na patayin si Ed. Common na

ang paghihiganti bilang motive for murder kahit sa mga crime fiction kaya hindi na
ako magtataka kung siya ang nasa likod nito.

Kinuha ko ang number ni Nicole sakaling may kailangan pa akong itanong tungkol sa
biktima o sa ibang taong nasa paligid niya. Kahit paano'y nadagdagan ang detakye
tungkol sa kaso't may nakikita na akong suspek.

Nang pumatak ang ala-una ng hapon, nagkahiwalay na kami ni Agatha para pumasok sa
aming mga klase. Sinabihan kong ite-text ko siya kapag may breakthrough ako sa
forced suicide case ni Edward.

Hanggang sa klase namin sa Chemistry, imbes na lesson tungkol sa chemical compound


ang binabasa ko, nakatutok ako sa suicide note. I tried rearranging the words but
nothing of any sense would come out of it.
Paano kaya kaagad nalaman ni Loki ang nakatagong message sa mga awkward na
pangungusap na 'to? Talaga nga kayang talented siya sa pagde-decipher ng mga code
at walang makakapantay sa kanya sa bagay na 'yon? Even if the answer was staring me
right at the face, I still couldn't see it.

"Have you taken an exam where you are one seat apart from your classmate?"

Muli kong naalala ang clue na ibinigay niya. How's being one seat apart related to
this code? Magkapareho ba kami ng note na binasa kanina o nagha-hallucinate pa rin
siya dulot ng belladonna?

Teka, one seat apart... A space in between... It won't make sense kung sa gano'ng
paraan ide-decode ang hidden message pero keeping that clue in mind...

Nanlaki ang mga mata ko nang muli kong basahin ang note. Loki's clue wasn't
completely vague at all! He's not even hallucinating

when he told me that hint.

Pagkatapos ng aming afternoon period, dumiretso ako sa clubroom para doon


maghintay. Ipinatawag ko rin si Agatha para maging witness at makita niya ang
conclusion sa problemang idinulog niya sa 'kin. Now that I cracked the code, I also
know the identity of the culprit and the evidence that might lead to that person's
arrest.

Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto at pumasok si Nicole. May bahid ng
pagtataka sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa aming dalawa ni Agatha. Binati
ko muna siya bago pinaupo sa monobloc chair.

"May tanong pa ba kayo tungkol kay Eddie?"

Napalunok muna ako ng laway bago tumugon sa kanya. "Ipinatawag kita rito para
kumbinsihin kang sumuko sa mga pulis."

Nabaling ang tingin sa 'kin ni Agatha habang naglaho nang parang bula ang ngiti sa
labi ni Nicole. "Hi-Hindi ko maintindihan. Anong sinasabi mo?"

"Kung ganon, siya ang..."

Ipinakita ko sa kanya ang litrato ng suicide note sa aking phone. "Isang mystery
writer si Edward. Kahit na ginaya niya ang ibang akda ni Art, seguradong may
natutunan siya sa pagsulat ng code. Sa unang tingin, aakalain mong ordinaryong
suicide note 'yan. Pero kung babasahin mong mabuti, makikita mo ang itinago niyang
mensahe.

Inilapit ni Nicole sa kanyang mukha ang phone habang nakakunot ang noo sa pagbabasa
nito. "Wala akong nakikitang kakaiba sa note."

"Kung babasahin mo siya as it is, wala talaga. But if you will start reading it
from the first word and then proceed with every third word, the answer will reveal
itself."

THIS written confession ISN'T a hoax. SUICIDE

will redeem MY guilt as KILLER. Forgive me, NICOLE, for I TOOK without remorse THAT
writer's life. MANUSCRIPT of Unbeknownst WHICH I've stolen REVEALS truth. Keep THE
copy as EVIDENCE.
That's what Loki meant by one seat apart. The words of the true message were
actually "words apart."

"This isn't suicide. My killer Nicole took that manuscript which reveals the
evidence." Ako na mismo ang nagbasa para sa kanya. "Kung inakala mong humihingi
siya ng tawad sa 'yo, itinuturo ka na pala niya bilang salarin sa kanyang
pagkamatay."

Napabuka ang kanyang bibig, sinubukang magsalita pero walang boses na lumabas.
Sandali siyang natulala sa screen ng aking phone habang pinoproseso ng kanyang utak
ang nakatagong sagot sa code.

"Sinabi mo kanina na walang manuscript na nabanggit sa 'yo si Edward. Pero isa


'yong kasinungalingan, 'di ba? You knew about its existence. Kung hindi printed
copy ng manuscript, posibleng soft copy ang kinuha mo mula sa personal computer ng
iyong boyfriend. If the campus police will search your things in your dorm and find
a copy of it, how would you explain that?"

Hindi nakakibo ang suspek na nakahawak ngayon sa pareho niyang nanginginig na


tuhod.

"At first, I thought it was Michael who's behind Edward's forced suicide. Pero
maging ikaw pala, may motibo para patayin siya. Nabanggit mo kanina na childhood
friend n'yo si Art kaya hindi na ako magtataka kung maisipan mo siyang
ipaghiganti."

And then she broke down, tears glistening her pretty face. She confessed to forcing
Edward to ingest potassium cyanide in exchange for not revealing that he
plagiarized every story in the Gazzetta published under his name. She also took a
copy of Arthur's stolen manuscript as a memento of her late friend's magnum opus.

Not until last week, nalaman niyang itinulak ni Edward si Art sa may hagdanan
habang nag-aaway ang dalawa. Nagbanta kasi si Art na ipapaalam sa Gazzetta na kanya
talaga ang mga kwentong nai-publish sa pangalan ni Edward. Nang mahulog si Art at
mabagok ang ulo, Edward made it look like his friend missed a step and fell on his
own. Imbes na akuin niya ang responsibilidad sa pagkamatay ng kaibigan, mas pinili
raw ni Edward na magpanggap na walang alam sa nangyari.

After successfully closing this case (with a bit of help from Loki), Agatha
congratulated and thanked me for my efforts. Maswerte raw siya't personal niyang
nasaksihan kung paano lumutas ng kaso ang mga taga-Q.E.D. Club. Napatunayan ko raw
na totoo nga ang mga kwentong isinusulat ko sa aking blog at hindi kathang-isip
lamang.

Ngayong mapa-publish na sa literary folio ng Gazzetta ang mga kasong nilutas namin
ni Loki, seguradong dadagsa na ang mga kliyente sa club namin.

Speaking of that guy, kumusta na kaya siya sa apartment?

###

P.S. Loki will be back next chapter! Pinagpahinga ko muna siya and I took this
opportunity to show what Lorelei can do without him.

What to expect in the next update? A theater actress appears!

So what can you say about this chapter and the ongoing Moriarty arc?
=================

Volume 1 • Chapter 16: Caught In The Act

A/N: Merry Christmas, my dear readers! At dahil Pasko ngayon, here's one of the
long updates of Project LOKI!

LORELEI

"MARY HAD A Little Lamb?" Nakataas pa ang kaliwang kilay ni Loki habang nakasandal
sa kanyang upuan at magkadikit ang mga daliri na tila nagdarasal. "You sure about
that?"

Tumango ako bilang tugon. Wala pa naman akong problema sa pagdinig kaya malabong
nagkamali ako sa tunog na nag-register sa tenga ko.

"I'm not surprised if that were true. Moriarty's probably fond of nursery rhymes,"
he said as he cocked his head to stare at the white ceiling. "Twinkle, Twinkle,
Little Star. Now, Mary Had A Little Lamb. What's next? London Bridge is Falling
Down?"

Kung ako ang tatanungin, medyo weird ang taste niya sa music. Baka dumating ang
araw na hindi ko na gugustuhing makinig sa mga nursery rhyme dahil kay Moriarty.
"He's creepy... don't you think?"

"He's actually interesting..." Loki smirked impishly as a glint of joy flashed in


his eyes. "I wonder what his ringtone is? BBC Sherlock's Moriarty had Staying Alive
by the Bee Gees. Hindi na ako magtataka kung gano'n din ang piliin niya."

Never pa akong nakapanood ng sinasabi niyang Sherlock kaya hindi ko alam kung anong
ibig niyang sabihin. It must be one of those modern adaptations of Sherlock Holmes
he mentioned before.

Ngayong nagbalik na si Loki sa kanyang paboritong spot dito sa clubroom, pakiramdam


ko'y buo na muli ang Q.E.D. Club. Without his presence, it doesn't feel like the
way

it used to be. At dahil okay na ang kalagayan niya, minabuti kong ibahagi sa kanya
ang nangyari noon sa ospital.

"You should have told me yesterday about this keypad thingy para may
pinagkaabalahan ako kahapon," nabaling sa 'kin ang tingin ng kanyang mapanuring
mata. "Although I can't guarantee that I could have figured it out easily. Kahit
alam natin ang tono, maraming number combinations ang mapagpipilian. Maybe if we
could hear it again, we will know which keys to tap."

Napakrus ang mga braso ko habang pilit na inaalala ang eksaktong tunog na narinig
ko mula sa pagpindot ni John Baustista sa kanyang phone noon. Ang pumapasok na lang
sa isipan ko ay ang pagsipol ng lalaki noong isang araw sa ospital.

"Siguro kung makikilala natin ang taong kumontak kay Moriarty, mas mapapadali ang
pag-identify natin sa number niya." 'Yon lamang sa ngayon ang paraan na naisip ko.
"Kung tama ang hinala ko, posibleng isa sa mga taga-Clark High School na nasa
ospital noong sandaling 'yon ang may koneksyon sa kanya."

So far, tanging ang mga bumisita kay Loki ang alam kong tagarito sa CHS:

Si Sir Jim Morayta, ang aking Math instructor na nagdala kay Loki sa ospital.

Si Bastien Montreal, ang intern ng CHS Campus Police na naghatid sa amin ng autopsy
report ni Daniel Gutierrez.

At si Luthor Mendez, ang vice president ng High School Student Council at kapatid
ni Loki.

Teka, meron pang isa. 'Yong lalaking mahilig manigarilyo na sumusunod sa 'kin.
Hindi ko alam ang pangalan niya pero natatandaan ko pa ang kanyang itsura.

Posible kayang isa sa kanila ang galamay ni Moriarty?

O baka isa mismo sa kanila si Moriarty?

There's also the possibility na wala sa kanila at ibang tao ang nag-dial sa
misteryosong phone number. It could be someone whom I haven't met yet or wasn't
aware of.

"Anyway, we should be aware of anyone who might try to get close to us," Loki
advised, breaking my train of thought. "We are still in the dark on what Moriarty
is planning. All we can do for now is practice constant vigilance. Also, bring that
stun pen at all times. Hindi natin alam kung kailan ka ta-target-in ng mga galamay
niya."

Loki doesn't sound to be worried about himself. Maybe because he trusts Daniel's
words that Moriarty wouldn't let him die. Kaya ngayon, sa akin niya itinutuon ang
kanyang concern. He may say it in a nonchalant way or monotonous voice but I could
feel how he's worried about me.

TOK! TOK! TOK!

Sabay kaming napatingin sa bumukas na pinto. Bumungad sa amin ang nakangiting mukha
ni Rosetta. Oo nga pala, nasabi niya kanina na dadaan siya rito kasama ang kaibigan
niyang gustong humingi ng tulong mula sa aming club.

"Nakakaistorbo ba ako sa inyo?"

"Actually, we're on the middle of-"

"Wala namang kaming importanteng pinag-uusapan," nilakasan ko ang aking boses at


mabilis na sumagot para maunahan ang pambarang tugon ni Loki. "Kasama mo ba 'yong
sinasabi mong potential client namin?"

Tumalikod siya't may sinenyasan sa labas. Nang makita ko ang pigura ng isa pang
babae, sabay na silang pumasok sa clubroom.

"Don't tell me you're planning to apply again in our club? And you have brought
someone who-"
It was probably

the first time that Loki's mouth froze as he gaped at Rosetta's companion. Nanlaki
ang mga mata niya at namutla ang kanyang mukha na parang nakakita siya ng multo.

Curious as to why he made that reaction, ibinaling ko ang aking tingin sa kliyente
namin.

The young woman had a welcoming and contagious smile on her pinkish lips that will
make you move the muscle in your mouth. When our gazes met, I could feel like her
jetblack eyes were speaking to my soul. Mala-porselana rin ang kanyang kutis
katulad sa mga artista na kapag tinamaan ng liwanag ay lalo pang kumikinang. Her
long, brown braided hair was dangling down over her left shoulder.

Ngayon, alam ko na kung bakit na-starstruck itong si Loki. Artistahin kasi ang
itsura at ayos ng babaeng nasa harapan niya. And here I thought he wasn't
interested in women. Tinablan na ba siya ng karisma ng kliyente namin?

We all stared at him for a few seconds. He sat there like a statue, his eyes
weren't blinking and his mouth stayed slightly opened. Nanigas na yata siya sa
kinauupuan niya.

Now it's

getting creepy. Kumaway ako sa harapan niya para makuha ang kanyang atensyon. I
also snapped my fingers near his ears to pull back his consciousness wherever it
went. He then shook his head and his eyes now staring at me.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Rosetta bago pa ako makahirit.

"P-Please take your seat," Loki said, motioning to the vacant monobloc chairs near
mine. Teka, tama ba ang narinig ko? Inalok niyang umupo ang dalawang bisita namin?
Ni minsan yata'y hindi ko pa narinig na lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang
'yon. Napalakas yata ang tama ng lalaking ito.

Tanging si Rosetta ang naiwang nakatayo sa kanilang dalawa ng kasama niya. "Hindi
rin ako magtatagal. Hinatid ko lang talaga itong kaibigan ko rito sa clubroom
n'yo."

"I'm Jamie Santiago from Class 11-A," pagpapakilala ng aming kliyente. Mahinhin ang
kanyang boses na parang hindi makabasag ng pinggan. "Pleased to make your
acquaintance."

"Hindi mo pa siguro siya kilala dahil transferee ka, Lori, pero itong si Jamie ay
isa sa mga premyadong theater actress ng repertory club," tinapik ni Rosetta sa
balikat ang kanyang kaibigan. "Laging sa kanya napupunta ang lead roles at popular
siya sa mga lalaki."

Sa ganda ba naman niyang 'yan, kanino pa ba nila itututok ang spotlight sa


entablado? No wonder kung bakit may problemang bumabagabag sa kanya. Posibleng
dulot 'yon ng mga basher niya-kung meron man-o ng mga admirer niya.

"O sige, iiwan ko na kayo. I hope na matulungan n'yo siya," kumaway muna sa 'kin si
Rosetta bago siya lumabas ng clubroom.

At dahil mukhang naputulan ng dila si Loki na siyang


karaniwang nagtatanong kung anong sinadya ng kliyente sa amin, ako na ang umeksena.
"Pwede mo nang sabihin kung ano 'yang problema mo. We will see if we can provide a
solution for that."

Medyo nahihiya pa siyang magsalita. "Gaya ng sinabi ni Rosie, isa akong theater
actress. Sanay na akong makakilala ng mga fan sa bawat production na pinagbibidahan
ko. Hindi naman sila isyu sa 'kin. Ang mas kinatatakutan ko ay 'yong mga nagtatago
sa dilim at hindi nagpapakilala."

Biglang pumasok sa isip ko si Moriarty. He's been hiding in the shadows all this
time, making him more elusive than ever.

"One time, may naka-chat ako sa Facebook. Hindi ko kilala ang pangalan at mukhang
fake account ang gamit niya. Noong una, nakikipagkaibigan siya sa 'kin. Tapos sa
mga sumunod na raw, bigla siyang nag-send ng mga picture ko habang nasa stage."

"May mga kopya ka ba ng mga litratong pinadala niya sa 'yo?"

Inilabas ni Jamie ang kanyang phone at ipinakita sa amin ang mga photo na tinutukoy
niya. "Last week siyang nagsimulang mag-send sa akin niyan. 'Yong pinakauna ay
noong Martes, 7:56 ng gabi. Sunod sa Miyerkules, 8:34 ng gabi. 'Yong pinakahuli'y
sinend niya kagabi, 9:45."

Lahat ng mga downloaded photo mula sa Facebook, kinunan habang nakatalikod,


nakagilid o kaya'y candid shot ni Jamie habang umaarte sa entabalado. Maging sa
litrato, kapansin-pansin kung gaano kaperpekto ang itsura niya. Pero teka, bakit
memorized niya ang mga oras na ipinadala sa kanya ang mga photo?

"Saan nakunan ang mga 'to?"

"Sa auditorium," sagot niya. "Nagsimula na kasi last week ang rehearsal para sa
susunod

na production. Bilang member ng repertory club, automatic na kaming kasama sa


play."

"So gusto mong ipa-identify sa amin kung sino ang kumukuha ng mga litratong 'to at
ang nanggugulo sa 'yo?"

Tumango si Jamie. "Maliban kasi sa nagiging creepy na ang ginagawa niya, natatakot
akong baka may iba pa siyang gawin sa 'kin kapag hinayaan ko lang. Nagse-send pa
siya ng nakakakilabot na message sa chat. Ano sa tingin n'yo?"

Lumingon ako kay Loki na tulala pa rin at halos hindi na gumagalaw sa kanyang
upuan. Na-stroke na ba siya o may nag-cast ng petrification spell sa kanya?

"If it's not yet obvious to you, I think isa sa mga ka-member mo ang nasa likod
nito," ibinalik ko ang kanyang phone. "Dahil malapitan ang karamihan sa mga shot,
'yon ang pinakaposibleng paliwanag dito."

"Ta-Talaga? Bakit nila gagawin?"

"Siguro nahihiya sila sa 'yo o ayaw nilang ipahalata kung gaano ka niya
hinahangaan." This case reminds me of that secret admirer I had weeks ago. Halos
ganito rin ang nangyari. Ang pinagkaiba, regalo ang ibinibigay sa 'kin imbes na mga
cryptic message at photos. 'Yon din ang unang kaso kung saan humingi ako ng tulong
kay Loki.
"Anyway, we will be needing your chat records with the mysterios guy." Sa wakas,
nagsalita na rin ang lalaking kanina pa walang imik. Ang akala ko'y tuluyan na
siyang naging bato rito. "We need to understand first the culprit before we
pinpoint the suspects."

Kinakausap man niya si Jamie, hindi naman magawa ni Loki na tumingin sa kanya nang
direkta. Iniiwasan niyang magtagpo ang kanilang mga mata. Hindi naman si Medusa ang
kaharap pero bakit gano'n ang naging reaksyon

niya?

"Also, if you don't mind, can you give us a list of all the members in your
production?" Loki added. "We will be doing the process of elimination and try to
narrow down the possible number of suspects."

"Wala pa kaming official list talaga, but I remember the names of everyone who were
accepted in the production," tugon ni Jamie. "We are forty-two all in all."

"Teka, memorized mo ang pangalan ng mga kasama mo?" Halatang hindi ako makapaniwala
base sa naging tono ng boses ko.

"Ang buong pangalan nila, oo," puno ng kumpiyansa ang kanyang sagot. 'Yong tipong
kapag ipina-recite ko sa kanya isa-isa ang mga 'yon, kaya niyang gawin. "I have a
strong retentive memory kaya hindi rin ako nahihirapan sa pagsasaulo ng mga linya."

Isinend muna niya sa amin ang screenshots ng conversation nila ng mysterious guy
bago niya isinulat ang pangalan ng mga kasama niya sa theater. She wrote them
without giving any second thoughts. Tuloy-tuloy ang kanyang pagsusulat. Ni hindi
siya huminto ng kahit ilang segundo para pag-isipan kung tama o mali ang naisulat
niya.

If she really has a retentive memory, that would be awesome. Hindi na niya
kailangang mag-effort sa pagme-memorize ng mga bagay na hindi naman magagamit sa
totoong buhay.

After a few minutes, she handed over the list of over forty names. For a moment,
naisip kong baka hinula niya lamang ang ilan sa mga pangalang 'yon para
ipagmayabang na matalas ang memorya niya. We also asked for her number before
letting her take a leave.

"So what now?" tanong ko kay Loki na subsob sa pagbabasa ng listahan. "Anong
gagawin mo riyan?"

His

lips didn't move and his eyes didn't shot a gaze on me. Tumayo siya't kinuha ang
kanyang laptop na nakapatong sa inaalikabok na bookshelf. He was probably drowned
by the mystery brought by our celebrity client.

"Maiba ako, bakit parang na-starstruck ka kanina kay Jamie?"

Again, he didn't bother to reply. Ewan kung nabingi na ang lalaking 'to o talagang
iniiwasan niya ang aking tanong. For most people, silence would mean, "I was so
engrossed with what I'm doing so I didn't hear you. Can you repeat what you just
said?" Pero para kay Loki, ang katahimikan niya'y nangangahulugang "I have no
interest in answering your stupid question so you better not repeat it. Okay?"

Fine, I won't ask him again. Pumunta na lang ako sa likuran niya para silipin ang
kanyang ginagawa sa laptop niya. I thought he was doing something of significance
to the investigation. He was just browsing on Facebook!

"You're wrong. What I'm doing is relevant to the case."

Wala pa man akong reaksyon, kaagad na niya akong kinontra. Here we go again with
his mind reading thing. At the moment, he was browsing the profile of someone named
Stein Alberts.

Wait, Stein Alberts? Hindi ba siya 'yong lalaking natagpuan naming nakakulong sa
locker room ng abandonadong school building? Loki was going over that guy's
Facebook profile, reading his statuses written in English and scrolling the page
down for more. May ilan akong nakitang status na nakasulat sa dots and dashes. Why
in the world would someone use Morse Code on Facebook?

"Just so you know, I'm checking the profiles of everyone in this list, reading

and observing how they construct their self-centered if not utterly ridiculous
Facebook statuses," paliwanag ni Loki.

"At paano konektado ang status nila sa Facebook sa kasong hinahawakan natin?"

He let out a sigh, lifting his thin fingers off the keyboard and turning to me. "Do
you know that you can recognize someone through their writer's fist? No, not your
'fist' but the way you write. Kahit nagtatago sa isang alias ang ka-chat mo pero
alam mong kakilala mo siya, posible mo pa rin siyang ma-identify sa pamamagitan ng
mga salitang ginagamit niya o ang pagkakabuo ng kanyang pangungusap. In short, ang
kanyang writing pattern."

Sunod niyang ipinakita sa akin ang phone kung saan naka-display ang screenshots ng
conversation ni Jamie sa mystery guy. "I'm attempting to divine who among these
forty-two members of the production team has the same writer's fist as this
person."

Most of the mystery guy's message were written in English. Sa mga naunang chat nila
ni Jamie, mukhang ganado pa itong makipag-usap sa kanya. Pero kinalaunan, naging
weird na ang mga ipinadalang message ng taong 'yon. Kahit ako siguro, hindi ko na
siya re-reply-an at iba-block ko siya sa Facebook para hindi na makapanggulo pa.

Some of that person's chat messages went like this:

Mister Y: I noticed that you have good curves. Do you work out everyday?

Mister Y: I saw you wearing strawberry lipstick today. I can't help but wonder how
those taste like.

Mister Y: Can I touch your legs? I guess they're so freaking smooth!

One word: Creepy. Just by reading that guy's remarks, goosebumps broke out on my
skin.

"You

should have observed by now that this guy-who has an overly lame name-is in the
brink of obsessing over our client. It won't be too long until he's overcome by
that urge," Loki said. "Pretty sure this guy's drooling over Jamie's photos every
night."

If that's true, kailangan nga naming ma-identify kaagad kung sino ang "Mister Y" na
'to bago pa siya makagawa ng bagay na tiyak na ikakapahamak ni Jamie.
Pinunit ni Loki sa dalawa ang listahan at iniabot sa akin ang kalahati nito. "Since
there are two of us here, I thought we should implement a division of labor. Alone,
it will take some time for me to check all of their profiles. So I would appreciate
your help. Kung wala kang laptop, pwede kang pumunta sa CyberSpace room sa fourth
floor para doon mag-check ng Facebook."

Hindi na ako umangal pa't lumabas ng clubroom para umakyat patungo sa ikaapat na
palapag. How I wish I brought my laptop here para hindi ko na kailangang pumunta sa
internet room.

Ang kailangan ko lang naman gawin ay tingnan kung sino-sino sa mga nasa listahan
ang may kaparehong writing pattern ng ka-chat ni Jamie. The moment I logged in
Facebook, tinype ko kaagad ang mga pangalan sa listahan at binabasa ang kanilang
mga status update. Ilan sa kanila'y purong Tagalog kung mag-status. May ilang nag-
i-English pero mali-mali ang grammar. Ang iba nama'y may Facebook nga pero walang
update.

Sa huli, nasa dalawang tao lang mula sa dalawampu't isang nasa listahan ang
napansin kong mahilig gumamit ng English sa mga status nila at maayos ang grammar.
Kaagad ko siyang tinext na tapos na ang pinagagawa niya

sa 'kin. At ang kanyang reply?

LOKI (09:50 AM): K.

Sa nag-iisang letrang 'yon, damang-dama ko kung gaano niya appreciated ang effort
ko sa pagna-narrow down ng list of possible suspects. 'Yong tipong ginamit ko ang
buong break time ko para sa "research" na 'to, tapos ganito niya i-e-express ang
kanyang pasasalamat sa ginawa ko.

Well, I can't do anything about that. Loki is Loki. No one can change that.

Bumalik na ako sa clubroom para ibigay sa kanya ang dalawang pangalang nakuha ko.
Hindi ako segurado kung tama ang ginawa kong batayan o baka may na-miss ako sa
listahan. Posible rin kasing nililinlang kami ng mystery guy sa pamamagitan ng
paggamit ng ibang way ng pagsusulat ng status o chat message. Baka English nga ang
ginamit niya sa chat pero sa totoong account niya, Filipino pala ang preferred
language niya.

"So you think it's a bluff?" Loki answered as I raised that possibility. "Do you
think someone who's stupid enough to name himself 'Mister Y' is what? A genius who
can cover his tracks and commit the perfect crime?"

Probably if Jamie's mysterious chatmate chose a better, classy name rather than a
lame pun on "mystery," Loki would have admired him more.

Sa ngayon, meron na kaming apat na suspek:

Stein Alberts

Wesley Nuñez

Raymond Torres

Alvin Mendoza

"Now, we need to track down who among the four is our guy," sabi ni Loki. "Hindi na
tayo matutulungan ng mga Facebook status nila para lalo pang i-narrow down ang
listahan. We need to see them in person and know more about what they do in the
production. Then we will lay a trap

that will expose themselves."

"Bakit hindi mo na lang gamitin 'yong trick na ginamit mo sa secret admirer ko


noon? Let Jamie send a message to meet him somewhere where we can apprehend him."

He slowly shook his head. "A good magician never uses the same trick twice to the
same audience."

"But you're a detective, not a magician!"

"Both are performers," Loki said proudly. "Without any magic tricks, detectives
always amaze the audience through seamless deductions and superb powers of
observation. Besides, kung gagamitin ko ang trick na ginamit ko noon, magiging
boring ang pagtukoy natin sa stalker. Don't worry, I have a plan in mind. What you
need to do is send Jamie a message and ask her if we could meet the whole
production team later."

Sinunod ko ang gusto niyang mangyari. Kaagad namang nag-reply si Jamie at sinabing
pwede kaming pumunta sa rehearsal nila mamaya sa auditorium kasama ang ibang kasapi
ng kanilang theater production. I can't help but wonder how Loki's planning to lure
out that stalker.

***

Pinag-usapan naming magkita sa may hagdanan sa mismong fifth floor ilang metro mula
sa auditorium. Kailangan kasi muna naming pag-usapan ang plano. Limang minuto
pasado alas-kuwarto nang makarating ako sa meeting spot at nadatnang nag-iisa si
Jamie.

"Nasaan si Loki?" pambungad na tanong niya sa 'kin.

"Baka hindi pa tapos ang klase nila. Huwag kang mag-alala. Seguradong susunod na
'yon dito." Knowing him, mas gugustuhin niyang pumunta kaagad rito kaysa mag-extend
ng ilan pang minuto sa last subject nila nitong hapon.

Then an awkward silence ensued between me and our client. Mas nakadagdag pa rito
ang pagtitig ng mga estudyanteng dumaraan sa hallway at ang pagbulong nila tuwing
nasisilayan ang ganda ni Jamie. Nginitian lang sila ng kasama ko habang ako,
nakatingin palayo, pretending I wasn't on the same plane of existence as her.

"Pwede ba akong magtanong?" She broke that deafening silence and turned to me.

"Sure, I don't mind."

Napatingin pa siya sa sahig na tila nahihiya pang ibato sa 'kin ang kanyang tanong.
"May... May namamagitan ba sa inyong dalawa ni Loki?"

Halos magsalubong ang mga kilay ko at malaglag ang aking panga. Bakit ba may mga
tulad niyang nag-iisip na may relasyon kami ni Loki? Hanggang sa pagiging roommate
at clubmate lang kami.

"Nagkakamali ka." Minabuti kong pabulaanan kung anumang ideya ang pumasok sa isip
niya bago pa ito lumaki at lumala. "Loki and I are just friends... at least in my
own definition. And to be honest with you, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na ma-
fall sa lalaking 'yon. Understood?"

The innocent smile on her lips turned into an impish smirk which I usually see
whenever Loki has thought of something clever. "Just as I thought, Loki will never
fall for someone like you. Nagtataka nga ako kung bakit para kang aso na laging
nakabuntot sa kanya."

data-image-layout="one-horizontal">

W-What?

Ilang beses na napakurap ang mga matang kong nakatitig sa wirdong ngisi sa kanyang
labi. Her black eyes looked at me scornfully while her voice sounded condescending.
For a moment or two, nawala ang maamong itsura ni Jamie. From a sweet and pure
princess, her symmetrical face turned into that of a mischievous but pretty witch.

Tama ba ang narinig ko kanina at nakikita ko ngayon? It's strange. Really strange.
Parang hindi na ang Jamie na nakilala ko kanina ang kasama ko ngayon.

"Bakit kaya tinanggap ni Loki ang

application mo sa kanyang club?" Nakataas pa ang kanyang kaliwang kilay habang


minamata ako. "You look like a dumb chihuahua who has no talent in the art of
detection. Was it because of your pretty face? Or did you let him experience
something unforgettable one night?"

Now I'm at a total loss. Sinaniban na ba ng masamang espiritu itong si Jamie o


nagha-hallucinate ako kahit hindi ako uminom ng belladonna? Gusto kong sampalin ang
sarili ko para magising kung sakaling bangungot lamang ito. Talaga bang ganito ang
attitude ng celebrated theater actress sa campus?

Biglang nagbalik sa pagiging maamo ang kanyang mukha nang makita namin si Loki na
sumulpot sa may hagdanan. Tila nagliwanag ito nang makita niya ang pagdating ng
kasama ko sa club. Nabura ang kahit anong bahid ng mapagmataas na itsura niya
kanina.

"Sorry if I am late," paliwanag ni Loki. "My instructor asked for a thirty-minute


extension so I had to find a way to escape from our classroom. So are we ready?"

Dahil may aftershock pa sa 'kin ang mga sinabi ni Jamie, hindi ko na siya nabati.
Hinayaan ko na lamang siyang ipaliwanag ang kabuuan ng kanyang plano.

"One of these guys most likely is your mysterious chatmate," iniabot niya sa aming
kliyente ang post-it note kung saan nakasulat ang pangalan ng apat na possible
suspects. It only took Jamie five seconds before returning the note to him. "Now
all we need to do is to draw out our prey from his hiding hole."

Hininaan niya ang kanyang boses na parang bumubulong habang ikinukwento kung paano
namin huhulihin sa akto ang salarin. Nang matapos siya sa kanyang paliwanag,

nagbalik sa kasalukuyan ang kamalayan ko't hindi napigilang magkomento.

"Te-Teka! Segurado ka ba riyan, Loki? Hindi ba masyadong mapanganib para kay Jamie
'yan?"
"We will be with her so there's nothing to worry about," sagot ni Loki, walang
kahit anong hint ng pagkabahala sa kanyang mukha. Kumpiyansa talaga siyang gagana
ang kanyang plano. "Of course, that's unless our client doesn't want to do it."

Ilang beses na umiling si Jamie at nagsalita sa kanyang mahinhing boses. "Cool nga
'yang naisip mong plano. Kung sa tingin mo, uubra 'yan, hindi na ako aangal pa."

Napansin kong kahit nakaharap si Loki sa direksyon ng aming kliyente, pilit niyang
iniiwas ang tingin dito. Kapag nagtatagpo ang kanilang mga mata, he quickly averts
his gaze as if nakakamatay ang pagtitig sa mga mata ni Jamie. Seriously, what's the
deal between him and her?

Nang magkasundo na kami sa plano, naglakad na kami patungo sa auditorium. Nagpahuli


ako likod at hinayaang sabay na maglakad sa harapan sina Loki at Jamie. Muli kong
naalala 'yong sinabi ng kliyente namin kanina.

"You look like a dumb chihuahua who has no talent in the art of detection."

Was Jamie's seemingly nice attitude earlier an act? Or was her bitchy approach
really the face she's trying to hide behind the mask?

Sa backstage kami ng auditorium dumaan. Pagbukas namin ng pinto, kaagad kaming


binati ng mga mapanuring mata. They greeted Jamie with warm words of welcome while
they shot curious glares at us. Wala sanang problema kung iilan lamang sila. Pero
dahil nasa kwarenta ang bilang nila, medyo nakakailang. Para

kaming mga walang kamuwang-muwang na usang pumasok sa lungga ng mga leyon,


pinagtitinginan at pinagtatangkaang lapain.

"Huwag kayong mag-alala. They are my friends who want to see our rehearsal,"
paliwanag ni Jamie sa kanyang mga kasama. "Hindi sila mang-iistorbo sa atin kaya we
can proceed with what we need to do."

"Friends, huh?" Someone emerged from the crowd. "You didn't tell us that you are
acquainted with the members of the Q.E.D. Club. Should I assume that they are here
to investigate something?"

Nagkaroon ng mga bulungan matapos humirit ang lalaking 'yon. Base sa mga titig nila
habang nakikipag-usap sa kanilang mga katabi, mukhang alam nila kung ano ang
purpose ng aming club.

But what really took my interest was the guy who declared about our affiliation.
His face was familiar and I could swear that we already met before. Hindi ako
pwedeng magkamali. Siya 'yong lalaking sinagip namin mula sa pagkakakulong sa
locker room noon-si Stein Alberts!

Madilim noong una kaming nagkita kaya hindi ko gaanong napansin ang kanyang
features. Pero ngayong nasa maliwanag na lugar kami, mas malinaw kong nakita ang
itsura niya. Tinatakpan ng bangs ang kanyang malapad na noo at kahawig ng bunot ang
pagkakagupit nito. Among his peers, his squinty eyes with grey-colored pupils stood
out, probably due to the contact lenses he's wearing. He had a small frame and slim
figure, yet his upright posture spoke of his confidence.

"My apologies if I haven't personally thanked you for saving me the other week,"
lumapit siya sa aming dalawa ni Loki at iniabot ang kanyang kamay. "Allow

me to personally introduce myself. I'm Stein Alberts from Class 10-A. Pleased to
meet the two of you."
Nakipagkamay kaming dalawa sa kanya. What a coincidence na ang dati naming niligtas
ay isa na ngayong suspek sa pagiging mysterious chatmate ni Jamie. But somehow, it
bothered me why a Math prodigy like him would join the repertory club.

"If you need my help in anything that's related to numbers, I'm here to offer my
assistance," dagdag niya.

"Pwede ba naming malaman ang papel mo rito?" tanong ni Loki. Since Stein is one of
our four suspects, he probably took this opportunity to begin investigation.

"I'm the director here," sagot niya. "I'm in charge of how the actors and actresses
will deliver their lines, their body movements and their blockings."

"Blockings?"

"The actor's position in a particular scene, where they're going to stand, where
they're going to enter and exit."

"So you're probably in front of the stage, watching the production from the
audience point of view, right?"

Stein chuckled. "Why does it sound as if you're interrogating me? Anyway, it's the
job of the director to make sure the viewing experience is of high quality so I sit
in the front row next to the stage."

"Excuse me," sunod na humakbang papunta sa amin ang isang lalaking may hawak na
makapal na libro. Aakalain mong buto't balat siyang naglalakad dahil sa sobrang
payat niya. Magulo rin ang ayos ng kanyang buhok na tila hindi niya tinitingnan ang
sarili sa salamin. "We will start the rehearsals so I hope you don't mind if..."

Hindi na niya kinailangang tapusin pa

ang gusto niyang sabihin. Tumabi kami sa gilid habang nagsimulang magsipunta sa
iba't ibang direksyon ang mga tao.

Lumapit sa amin si Jamie at pabulong na sinabi, "Siya ang stage manager ng


production, si Wesley Nunez. Sinisiguro niyang nandito na lahat ng mga actor at
crew bago magsimula ang rehearsal. In charge din siya sa pagku-cue sa amin kapag
oras na ng aming eksena."

"Dito lang ba siya sa may backstage?"

"Oo. Minsan sumisilip siya sa left at right wing ng stage para tingnan kung anong
eksena na."

Nagpaalam na muna si Jamie na pupunta sa stage para sa kanilang rehearsal. Kami ni


Loki'y naiwan sa backstage kasama ang iba pang crew na wala pang ginagawa. Habang
busy ang karamihan sa pagtsitsismisan, lumusot kami ni Loki sa may left wing ng
stage at pinanood ang ginagawang pagde-deliver ng lines ng aming kliyente. Nakita
rin namin sa harapan si Stein na itinuturo kung saan dapat siya pumwesto habang
ibinabato ang mga linya.

"Hey, you're not allowed here," pagbawal sa amin ni Welsey na biglang nagpakita sa
likuran ko. "Usually, hindi namin hinahayaang may manood na ibang tao sa rehearsal.
But since you are Jamie's friends, we made an exception. Kung gusto n'yo siyang
panoorin, I suggest that you go to the audience area."

Itinaas ni Loki ang kanyang hintuturo. "Just one question before we leave: Raymond
Torres and Alvin Mendoza are part of this production, right?"
Bahagyang kumunot ang noo ni Wesley. Ang akala ko nga'y sisigawan niya kami. Pero
naging mahinahon ang kanyang pagtugon. "Si Alvin ay nasa balcony sa kabilang dulo
ng auditorium. Siya kasi ang in-charge sa sound

system. He's still familiarizing himself with the buttons and levels so I suggest
that you don't disturb him. Meanwhile, Raymond is our assistant production manager.
Wala siya ngayon dito dahil kinailangan niyang bumili ng snacks para sa amin."

Hindi na nagtanong ng follow-up question si Loki at bigla-biglang umalis nang hindi


nagpapaalam kay Wesley. Ako na ang nagpasalamat para sa impormasyong ibinahagi sa
amin ng stage manager bago ako sumunod sa kanya.

Naging mabibilis ang bawat paghakbang niya palabas ng backstage. Sunod naming
tinungo ang sinasabing balcony ni Wesley. Kinailangan pa naming umakyat sa makipot
na spiral staircase bago kami nakarating doon.

Mula rito sa balcony, kitang-kita ang kabuuan ng auditorium. Napapanood namin ang
ginagawang pag-arte ni Jamie at ng mga kasama niya sa entablado pati si Stein na
nakaupo sa front row ng audience seat. Medyo madilim nga lang sa kinatatayuan
namin.

"Can I help you with anything?" tanong ng isang matabang lalaki na nakaupo malapit
sa isang equipment na may iba't ibang button at level. Sa tabi nito'y nakalagay ang
apat na patong-patong na CD player at isang desktop computer na tila pinaglumaan na
ng panahon.

"Ikaw ba si Alvin Mendoza?"

"Yep, that's me!" masiglang bati ng lalaking in-charge sa sound system. Parang
hindi ko siya nakita sa mga taong nagpukol ng mga nagtatakang tingin sa amin sa
backstage kanina. "May problema ba?"

"I just want to ask if you've been here since last week," Loki panned his head from
left to right, observing the dimly lit balcony. "In this exact spot, I mean."

Alvin made a curious face as he stared at

Loki, wondering what my companion meant by that question. "Yes, dito nila ako ina-
assign para mapag-aralan ang mga component ng sound system. Teka, if something was
stolen in the backstage, I can assure you na wala akong kinalaman doon. Dito na ako
dumidiretso kapag rehearsal at hindi na ako dumadaan doon. Bumababa lang ako kapag
company call na."

"Don't worry. Wala namang nanakawan sa mga kasama mo." Mabilis na tumalikod si Loki
at bumaba na sa makipot na hagdanan. Wala ba talaga sa bokabularyo niya ang
pagpapasalamat sa mga taong nagbibigay ng impormasyong makatutulong sa kanya?

Sunod naming tinungo ang audience seats sa baba. Dahil exclusive ang paggamit ng
repertory club sa auditorium, walang ibang estudyante ang pinapayagang pumasok dito
kaya blangko ang lahat ng mga upuan maliban sa harapang row. As much as possible,
we tried to minimize the noise we create while walking on the marble floor. Ang
heels ko kasi, lumilikha ng malulutong na tunog sa bawat yabag ko.

"Is everything okay?"

Sabay kaming napalingon ni Loki nang pumasok ang isang lalaking may bitbit na
malaking plastic bag sa magkabila niyang kamay mula sa isang grocery store.
Naglakad siya patungo sa front row at inilapag ang mga dala sa bakanteng upuan.
"Are you new members of our club?" nakangiting tanong ng lalaki. "By the way, I'm
Raymond Torres, the assistant production manager. So anong gagampanan n'yo sa play
natin?"

"Do we look like idiots who will-"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Loki at pinigilan ang kanyang mga komentong
posibleng magpalayas sa aming dalawa. "Uhm... mga kaibigan kami ni Jamie. Pinapunta

niya kami rito para panoorin kung paano siya um-acting. I hope you don't mind our
presence here."

"Oh, don't worry! We always welcome Jamie's friends here." May dinukot sa plastic
bag si Raymond at iniabot sa amin ang dalawang mamon at pineapple juice. "Heto,
kain muna kayo habang nanonood. May ilang minuto pa bago mag-break ang mga artista
namin."

"Do you always leave to buy snacks for your members?" tanong ni Loki matapos buksan
ang kanyang canned juice.

"For now, that's my duty as assistant prod manager," sagot ni Raymond habang
nakatitig kay Jamie. "Nandito naman ang stage manager at director kaya tiwala akong
maayos ang rehearsal habang bumibili ako ng pagkain nila."

Tumahimik na kaming dalawa ni Loki sa sulok habang kinakain ang ibinigay na snacks.

"Now that we have met the four suspects, who do you think is our mystery guy?"
tanong ni Loki bago niya kinagat ang mamon.

Uminom muna ako ng juice at hinayaang umagos ito sa aking lalamunan. Sa kanilang
apat, iisa lang ang kahina-hinala at may kakayahan kuhanan ng litrato si Jamie nang
hindi niya napapansin. I told Loki my answer which made him flash a wide grin.

"I see that you are indeed learning from me," he said before taking a gulp of the
pineapple juice. "We have the same culprit in mind. Through the process of
elimination, only that person will be left on our list of suspects."

"Ano nang gagawin natin? Itutuloy pa ba natin 'yong plano mo? Pwede na natin siyang
corner-in mamaya kapag tapos na ang play nila."

He scoffed at my idea. "That's too straightforward and upright boring. Bakit hindi

natin gamitin ang acting skills ng kliyente natin para mas maging entertaining ang
resolution ng kasong 'to?"

Here we go again with the entertaining-yet-complex solution versus simple-but-


boring solutions. He'd always preferred the former over the latter.

"Now all we need to do is wait for the curtains to close before we start Act II."

***

And so we did wait until the rehearsal was over. Alas-singko na ng hapon nang
magsiuwian ang halos lahat ng mga miyembro ng production team. Itinaas ni Loki ang
kanyang kamay na siyang nakita ni Jamie, senyales na oras na para isagawa ang
plano. Hinintay muna naming maubos ang mga tao sa auditorium bago kami nagtungo sa
left wing ng stage. Mabuti't may mga itim na kurtinang nakasabit dito kaya nagawa
naming itago ang aming presensya.

Mula sa aming pinagtataguan, nakikita pa rin naming dalawa ni Loki ang isang bahagi
ng backstage. Nandoon si Jamie, nakaupo sa harap ng salamin at nakatalikod sa amin.
Bilang na rin sa mga daliri ang taong kasama niya roon.

"Hey, Jamie, mauna na kami," paalam ng kanyang babaeng kasama. "Hindi ka pa ba


sasabay sa amin?"

Umiling si Jamie, medyo nanghihina ang boses. "Kailangan ko munang magpahinga,


medyo nahihilo kasi ako e."

"O ayaw mo bang dalhin ka namin sa clinic?"

"Huwag na. Ayaw ko na kayong maabala pa. Mauna na kayo." Kumaway si Jamie sa kanila
na naging cue para ang mga kasama niya'y umalis na.

Sabi ni Loki kaninang bago kami pumasok sa auditorium, kung magpapaiwan ang aming
kliyente sa backstage, malaki ang posibilidad na mag-stay rin

doon ang kanyang mysterious chatmate. Kaya kung sakaling may naiwan pang miyembro
ng production crew dito, malamang siya na ang taong hinahanap namin.

"Are you okay, Jamie?" Lumapit sa kanya ang lalaking may hawak na makapal na libro.

Humarap sa kanya si Jamie, medyo inaantok ang mukha at parang nanghihina. "Mabuti't
nandito ka pa, Wes. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Inayos ko pa kasi ang mga props doon sa stage. Baka mapagalitan tayo. O, bakit
matamlay ka?"

"And there goes our mystery guy..." bulong ni Loki habang pinapanood nang nakangiti
ang eksena sa backstage. Parang nanonood siya ng pinaka-inaabangan niyang movie sa
sinehan.

Gaya ng deductions ko, si Wesley nga ang kumukuha at nagpapadala ng litrato kay
Jamie sa Facebook chat. Hindi man gano'n kahalata sa itsura pero sa apat naming
suspek, siya ang nasa tamang posisyon at anggulo para kumuha ng litrato.

Sa lahat ng mga isinend na litrato kay Jamie sa Facebook, laging nakatalikod o


kaya'y naka-side ang subject. Ang ibig sabihin, kinunan ito habang nasa likod o
nasa gilid ng target ang salarin. Being the stage manager, hindi kahina-hinala kay
Wesley kung pupunta siya sa left o right wing ng stage para palihim na kunan ng
picture si Jamie habang umaarte sa gitna ng entablado.

Hindi 'yon magagawa ni Stein dahil laging nasa harapan siya. Kung siya man si
Mister Y, dapat puro front shot ni Jamie ang ipinadalang larawan.

Hindi rin 'yon magagawa ni Alvin dahil masyadong malayo ang pwesto niya para
makakuha ng mas malapit na shot ni Jamie. At saka sinabi rin niyang hindi siya
nagagawi sa backstage which eliminates

him from the list.

Samantalang ang assistant prod manager na si Raymond, laging umaalis kapag


nagsisimula ang rehearsal para bumili ng pagkain. Maliban doon, sa may audience
seat din siya pumupunta para ilagay ang mga binili niyang snacks at hindi sa
backstage.
All we needed at the moment was to confirm our theory.

Tumayo si Jamie habang nakahawak ang kanyang kamay sa noo niya. Namumutla pa siya
at tila anumang sandali'y mawawalan siya ng balanse. "Siguro kulang ako sa tulog
kaya nahihilo ako ngayon. Dapat yata, huwag na akong magpuyat para-"

And then she collapsed on the floor and apparently lost consciousness. Wesley
immediately rushed to her side.

"Jamie! Jamie!"

Pero hindi kumibo ang babaeng nahimatay. Animo'y prinsesa siyang natutulog sa
malamig na sahig.

Hindi ko namalayang nakalabas na pala ang phone ni Loki at kinukunan ng video ang
sumunod na nangyari. Nagpalinga-linga muna sa paligid si Wesley, tila sinisigurong
wala nang ibang taong nandoon maliban sa kanilang dalawa. Nagdalawang-isip pa siya
kung dapat niyang ituloy ang kanyang gagawin. But the temptation was too much for
him. And so he gave in.

Napangisi siya habang hinahaplos-haplos ang maamong mukha ni Jamie. I caught a


glint of lust in his eyes. He's waiting for this moment for so long. Now it's
within his reach. All he needed to do was reach out and take it.

"You are gorgeous... you are really gorgeous..." bulong ni Wesley sa tenga ng
kanyang biktima kahit wala itong malay. "With that pretty face and sexy body of
yours, I wonder why you still don't have a boyfriend. Are you still a virgin, huh?"

Iginapang

niya ang kanyang kamay sa may hita ni Jamie at dahan-dahang itinaas ang palda nito.
Napaungol ang kanyang biktima na lalong nagpatindi sa pagnanasa ni Wesley.

Lumingon ako kay Loki, hindi ko na kayang tingnan pa ang sunod na ginawa ng lalaki.
"At hanggang kailan tayo manonood rito?"

"Ssshhh! We are getting to the most exciting part!"

Tsss. Palibhasa kasi lalaki ang isang 'to kaya hindi niya alam kung gaano
nakakapangilabot ang pagsamantalahan ng ibang tao ang kahinaan ng isang babae.

Hindi ko na hinintay pa ang signal mula sa kanya. Hinawi ko ang kurtinang


nagkukubli sa presensya naming dalawa.

"Stop that!" I roared at the perverted guy who's still sensually caressing Jamie's
body. I heard Loki click his tongue as he stood next to me.

Tumigil sa kanyang ginagawang kalaswaan si Wesley at tinitigan kami ng mga nanlaki


niyang mata. "You-You two are still here? Te-Teka, nagkakamali kayo sa iniisip
n'yo!"

"Don't deny it, stage manager," ipinakita ni Loki ang kanyang phone. "We caught
everything on cam. Do you think you are the only who can stealthily use your phone
to capture something?"

Napalunok ng laway si Wesley at paulit-ulit na umiling. Itinaas pa niya ang kanyang


dalawang kamay. "I saw her collapse and I was planning to bring her to the clinic."

"Geez. Hindi mo ba masabi kung nag-a-acting-acting-an lang ako o totoong nawalan


ako ng malay?" Iminulat ni Jamie ang mga mata niya na lalong nagpatalon kay Wesley
sa gulat.

"With her testimony and this evidence, you are getting a one-way ticket to the
principal's office," hirit ni Loki.

Walang sinayang

na segundo si Wesley at mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng auditorium. Hindi


na rin nag-effort si Loki na habulin siya.

"And that puts an end to your mysterious chatmate case," sabi ni Loki sa aming
kliyente.

"Thank you." Jamie moved closer to Loki and pressed her pinkish lips into his. She
shut her eyes as she gently kissed the detective who came to her aid. Because no
one saw it coming, Loki wasn't able to resist. He just stood there awkwardly and
stared at Jamie with widened eyes.

And here I was, standing a few steps away from them, watching the two share a
romantic moment. I tried to look away but my eyes were glued at them.

"I hope you like strawberries. Is that enough as payment for your help?" tanong ni
Jamie nang pakawalan niya ang labi ni Loki. "Or do you want something more intimate
in return?"

Napahawak sa kanyang labi si Loki, parang nawala sa sarili at hindi na alam ang
nangyayari sa kanyang paligid. Ako nama'y nanigas sa kinatatayuan ko.

Iniwan na kami ni Jamie sa backstage pero hindi pa rin kami nakaka-move on sa


nakita namin. Ni hindi pa nga nagsi-sink in na ginawa 'yon ng kliyente namin sa
kasama ko.

***

Kinabukasan, binisita kami ni Jamie sa clubroom. Medyo awkward ang naging eksena
matapos ang paghalik niya kay Loki. Ibinalita niya sa amin na nag-quit na sa
pagiging stage manager si Wesley at nangakong hindi na kailanman lalapit pa sa
kanya.

"And also, I want to join this club," dagdag ni Jamie. Muntikan na akong mahulog
mula sa upuan ko nang marinig ko 'yon.

"A-Anong sabi mo?"

"I want to be part of the

Q.E.D. Club. Tumatanggap pa kayo ng member, 'di ba?" she said with a broad smile.

Tumingin ako kay Loki na mukhang nabulaga rin sa deklarasyon ng aming kliyente.
"Ni-reject mo ang application ni Rosetta kaya sa tingin ko, the same verdict should
be given to Jamie."

Segurado akong tatanggihan niya ang application ng babaeng 'to. Sinabi niya noon na
as much as possible, ayaw niyang magkaroon ng liability sa club through its
members.

But I have never been so wrong in my life.


"Sure, you just need to submit the club membership application form." Loki's still
avoiding Jamie's gaze but he looked at her direction.

Surprised, I showed him a what-the-hell-are-you-doing face which prompted no reply.


May gayuma ba ang halik ni Jamie kaya pinayagan niyang sumali sa club? O baka gusto
niya pang matikman ang labi ng babaeng humalik sa kanya?

Ugh. I have a bad feeling about Jamie joining the club. Mabuti sana kung hindi niya
ipinakita kahapon ang isa pang side niya, mas matutuwa pa ako na nadagdagan kami ng
isa.

After Jamie filled out the form and submitted it to Loki, she bade us farewell.
Kailangan daw muna niyang magpaalam sa repertory club na hindi na siya tutuloy sa
pagsali sa production para makapagpokus sa Q.E.D.

I took that opportunity to ask my companion. "You've been acting a bit weird mula
nang pumasok si Jamie sa clubroom natin kahapon. Una, natulala ka. Tapos ngayon,
tinanggap mo ang application form niya bilang bagong member ng club natin. Napansin
ko rin na iniiwasan mo siyang direktang tingnan sa mata. Is there something going
on that I wasn't aware of?"

Imbes na sagutin niya ang tanong ko gamit ang mga salita, ibinato niya ang kanyang
phone na mabuti't nasalo ko. Curious as to why he made that gesture, I looked at
the screen and was surprised to see what was displayed on it.

"If I had known that would be my last photo with her, I would have turned to the
camera," he muttered under his breath. "Anyway, Jamie seems to have a sharp
retentive memory and her acting skills might come in handy someday. I hope you
understand my decision."

Pero hindi ko na binigyang pansin ang mga huling sinabi niya. My attention was
focused on a selfie photo of Rhea with him looking away from the camera. This was
the first time I saw Rhea's face. "Pretty" would be an understatement to describe
her looks and appeal.

That reminds me, Rhea and Jamie both had long, brown braided hair hanging over
their shoulders.

###

P.S. After sixteen chapters, may bago nang member ang Q.E.D. Club! Will Jamie shake
things up for our duo? Anong masasabi n'yo sa karakter niya?

What to expect in the next update? Lorelei and Loki will go on a "date."

Ano ang masasabi n'yo sa chapter na ito? I-COMMENT na 'yan!


=================

Volume 1 • Chapter 17: Over a Cup of Coffee

LORELEI

TOK! TOK! TOK!

HALOS MAPUDPOD na ang mga daliri ko sa kakakatok sa pinto ng kwarto ni Loki. Ilang
minuto na rin akong nakatayo sa tapat ng pintuan pero hindi pa siya sumasagot. Wala
sa bokabularyo niya ang pagpapakamatay kaya imposibleng 'yon ang dahilan kung bakit
hanggang ngayo'y hindi niya pa ako pinagbubuksan.

"Loki? Loki?"

Usually, maagang nagigising ang lalaking 'to kahit weekends. Sa lahat ng araw na
pwede siyang matulog na parang mantika, bakit ngayon pa kung kailan kailangang-
kailangan ko siya?

"Loki? Loki!?

Katok sabay sigaw na ang istratehiyang ginamit ko para gisingin siya. Ilang minuto
ko ring ginawa 'yon bago ko narinig ang pag-unlock ng pinto at ang pagbukas nito.

Binati niya ako ng isang hikab habang nakatakip ang kanyang bibig. "Sinasalakay na
ba tayo ng mga alien o dumating na ang araw ng paghuhukom? Wala naman tayong pasok
ngayong Sabado, 'di ba?"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tiningnan nang diretso sa mata. "Loki,


kailangan ko ang tulong mo."

Muli siyang napahikab. "Our club doesn't accept requests on weekends. Tao rin ako
na kailangang magpahinga."

Ngayon pa lang yata ang unang beses na sinabi niyang "tao rin siya." Noong mga
nakaraang linggo kasi, lagi niyang hinihiwalay ang sarili niya kapag pinag-uusapan
ang dilemma ng mga mortal. Maybe he thought at those moments that he was above us,
like his namesake God who's being worshipped in the Norse mythology.

"This is a personal request so please hear me out." Wala na akong ibang matakbuhan
kundi siya. Kung merong

ibang choice, hindi ko na sana ginambala ang pagtulog niya. Desperado na akong
masolusyunan ang problemang bumungad sa akin ngayong umaga. Kung kailangan kong
lumuhod para makuha ang "oo" niya, gagawin ko.

"Okay, I'm listening. But that doesn't guarantee I will help you out," sabi niya
habang kinukusot ang kanyang mga inaantok na mata.

Huminga muna ako nang malalim, mustering all the courage I have in me. My request
is not something that anyone would hear everyday. Medyo awkward nga na kay Loki ako
hihingi ng ganitong klaseng pabor. Pero kinapalan ko na ang mukha.

"Loki, I want you to be my boyfriend."

Then there was silence.

Nanlaki ang mga mata niya at ilang beses na kumurap ang mga ito. Nawala ang bahid
ng antok sa kanyang mukha habang nakatitig siya sa akin, tila hindi makapaniwala sa
kanyang narinig.

Itinuro niya sa 'kin ang kanyang daliri at bahagyang naningkit ang mga mata niya.
"Are you on drugs or an alien disguising as Lorelei? Maybe you are trying to pull a
trick on me? Sorry but I'm not buying it."

I heaved out a frustrated sigh. Inasahan ko nang gano'n ang magiging reaksyon niya.
It was a ridiculous request after all. Probably it's the last thing that he was
expecting for me to say. "Don't get the wrong idea. I just want you to be my
boyfriend only for today."

"You really serious about that request of yours?"

Tumango ako. "Tatanawin kong malaking utang na loob kung pagbibigyan mo ako."

Nahaplos siya sa kanyang baba at napatingin sa taas. "I might need a cup of coffee
to process what you are asking of me."

Hinayaan ko muna

siyang lumabas ng kanyang kwarto para magtimpla ng kape habang ako'y umupo sa
couch. Muli akong napatingin sa phone ko at binasa ang text na natanggap ko kagabi.

0918-369-24** (11:11 PM): Hey, Lori! How are you? Haven't heard from you. I will be
in Pampanga tomorrow so why don't we meet?

Parang naririnig ko ang malambing niyang boses habang binabasa ang kanyang message.
It's been a while since we last texted or talked to each other. Paglipat ko rito sa
probinsya, I deleted the numbers of my friends and former classmates, including
his. I decided to cut the loose thread that connects me and them. Well, they still
send me messages but I usually ignore them.

Pero may isang number na kahit hindi na registered sa phone ko, kilala ko kung
kanino. Tandang-tanda ko pa ang huling four digits ng number niya. And his message
is something I can't easily ignore hence my dilemma this morning.

"Care to explain the nature of your request?" tanong ni Loki habang hinihipan ang
umuusok niyang baso ng kape. Umupo siya sa kabilang couch at pinagkrus ang mga
binti niya.

"May natanggap kasi akong message mula sa kaibigan ko sa Manila. Gusto niyang
makipag-meet ngayon sa akin ngayon." Napakapit ako sa hawak kong phone, nakayuko't
nakatitig sa aking hita.

"And I should be in this picture because...?" Nakakunot ang noo niya habang dahan-
dahang humihigop ng kanyang mainit na inumin.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. My request doesn't make sense at all.
Makikipagkita lang ako sa dati kong kaibigan kaya bakit kailangan ko ang tulad niya
na magpanggap na boyfriend ko?
Bahala na.

Kung ano ang unang pumasok na palusot sa utak ko, 'yon ang idadahilan ko.

Huminga muna ako nang malalim bago humarap sa kanya. "For some reason, I can't turn
down his invitation. He was asking me out so I thought I should shoot him down by
showing that I already have a boyfriend. Kapag kasi nalaman niyang single pa ako,
bago maisipan niyang lumipat sa school natin para sundan at maligawan ako."

Loki's black eyes blinked for a couple of times, his brows knitted. His face made
an unsatisfied look as if he's doubting my words. Seconds passed by and his
features cleared, darting a mischievous smirk at me.

"Telling him upfront that your heart's already taken is boring. So you decided to
break his heart and crush it into pieces by shoving in his face that you already
have a special someone. I must say that's far more entertaining than the first
solution," he muttered while nodding his head. "Should I be proud that you are
finally learning a thing or two from me about putting a touch of drama in your
actions?"

"Pa...Parang gano'n na nga."

He took a big gulp of his coffee and placed the empty mug on the table. "Well, I
haven't been in a relationship before so I don't know how to be a believable
boyfriend."

"Ta-Talaga?" Wait, why did I sound too surprised to hear that?

"But as far as acting goes, I think I may be of assistance to you," he continued,


ignoring my reaction. "So when and where are we meeting this friend of yours?"

"Pumayag akong makipagkita sa kanya sa isang cafe sa mall ngayong alas-onse ng


umaga," sagot ko pagtapos muling i-check ang message thread. "Meron pa tayong three
hours para maghanda."

Inilabas

ni Loki ang kanyang phone sabay sabing, "The mall is three rides from here.
Masyadong hassle kung magko-commute tayo kaya mas mabuti kung magkaroon tayo ng
sundo. This is a date, after all, no matter how fake it is."

"Anong ibig mong sabi-"

Hindi na niya ako nasagot dahil may kausap na siya sa phone. "Hi, Mr. Valdez? Oh,
Mr. Vasquez pala, I'm sorry. This is Loki. Can you pick me and my colleague at our
apartment around ten-thirty? We need a ride to the mall. Thank you."

"Who's that?" tanong ko nang matapos ang kanyang tawag.

"Our family driver," ibinulsa ni Loki ang kanyang phone at humarap sa 'kin. "Dahil
walang pasok ngayon, hindi niya kailangang ihatid ang kuya ko sa school kaya wala
libre siya ngayong umaga."

Pagpatak ng alas-nuwebe, nag-ayos na kaming dalawa para sa aming "date." To be fair


kay Loki, I also haven't been in a relationship kahit noong nasa Manila pa ako.
There were suitors, yes, but none of them really took my interest. Maybe I wasn't
looking for it. Or maybe I'm really not into getting in a relationship at that
moment.
For today's affair, I chose to wear a white longsleeved blouse matched with beige
pencil skirt. I also straightened my long hair which took half an hour before I was
satisfied with its look. Nag-apply rin ako ng kaunting make-up sa mukha at pink
lipstick sa labi ko para mabigyan ng kulay ang maputla nitong itsura.

Even though this date is only for a show, talagang kinarir ko na ang pag-aayos.

Paglabas ko ng kwarto, nakaabang na sa 'kin si Loki na nakasuot ng checkered


longsleeved polo na pinatungan ng itim na vest matched

with dark pants. Muntikan ko na siyang hindi makilala dahil sa ayos ng buhok niya.
Dati kasi, lagi nitong tinatakpan ang kanyang mga mata. But for today, he combed
his bangs upward, revealing his forehead.

Maging siya, talagang sineryoso ang pag-aayos sa sarili. For a moment, I thought
that we are really dating.

"Shall we go now? Baka ma-stuck tayo sa traffic papuntang mall." Kahit nagbago na
ang itsura niya, gano'n pa rin ang tono ng kanyang pananalita.

Nasalubong namin si Tita Martha nang kami'y pababa na. She was about to greet us
good morning but her mouth froze as she stared at Loki and me, probably she
couldn't believe what she was seeing. Para siyang istatwang nakatayo sa hallway
habang sinusundan kami ng tingin. I hope she won't get the wrong idea.

Sa labas ng apartment nakaabang ang kulay asul na Subaru. Lumabas ang isang
lalaking siguro'y nasa trenta anyos mula sa driver's seat at pinagbuksan kami ng
pinto sa likod.

"Good morning, Sir Loki," bati ng driver sa kanya na hindi tinugunan ng aking
kasama. Nauna siyang pumasok sa loob, what a way to show how good of a gentleman he
is.

The drive to the mall took thirty minutes. Kung sumakay kami ng tatlong jeep para
makarating sa destinasyon namin, tiyak na tumatagaktak na kami sa pawis ngayon at
nangangamoy araw na kaming dalawa. Mabuti't de aircon ang kotseng sinasakyan namin
kaya naiwasan namin ang parusa ng nakatirik na araw at matinding traffic.

All throughout the journey, we remained quiet in our seats, refusing to break the
fragile silence between us. Hindi na kakaiba ang ganitong senaryo dahil kahit noong
sabay kaming umuuwi

o pumapasok sa school, hindi kami gaanong nag-uusap unless something of interest


piques his attention. Busy siya sa kanyang phone, naglalaro ng Criminal Case,
habang ako'y nanonood sa mabagal na pag-usad ng mga sasakyan sa paligid.

Ibinaba kami ng kanyang driver sa tapat ng coffee shop sa bandang likuran ng mall.
Dahil kakabukas pa lang nito, wala pang masyadong customer dito.

Kasabay ng pagbati ng mga staff ng coffee shop ay ang pagbungad sa amin ng malamig
na hanging mula sa aircon. Itinuro nila sa amin ang isang bakanteng pwesto malapit
sa counter. Katabi namin ang isang grupo ng tatlong babaeng magkakaibigan. Wala
pang number sa mesa nila kaya malamang, may hinihintay pa silang kasama bago
tuluyang um-order.

Tinext ko na ang ka-meeting namin para sabihing nandito na ako. Hindi naman siya
usually late kaya nakapagtatakang wala pa siya rito. Siguro hindi niya inaasahang
gano'ng katindi ang traffic papunta rito sa mall.
"Say, is this friend of yours someone important to you?" Nakasalumbaba si Loki
habang nakatitig sa mga customer sa kabilang table. "Sa suot mong 'yan, aakalain ng
ibang tao na may pupuntahan kang job interview at hindi isang date. Was there
something between you and the guy we are about to meet?"

"Wa-Wala." Awtomatiko akong napatingin palayo. Knowing him, he could probably see
the truth through my body language. A simple twitch in the eye o knitting of brows
would already tell him a lot. "Ta-Talagang ganito ako manamit kahit noong nasa
Manila pa ako."

"No doubt. You guys from the imperial Manila are so sophisticated when it comes to
fashion," he said in his monotonous

voice. Mabuti't hindi na niya pinush ang pagtatanong tungkol sa 'kin at ng kaibigan
ko.

Minutes have passed but he still hasn't arrived. Ni hindi man siya nagre-reply sa
text ko. Wala kaming magawa ni Loki kundi um-order na ng drinks dahil
pinagtitinginan na kami ng mga staff. I asked him to buy chocolate chip cream for
me habang ang sa kanya'y dark mocha.

While sipping my cold drink, I looked at the table next to ours. Hanggang ngayo'y
hindi pa sila umo-order ng kahit ano.

"O, nandyan na pala siya!"

Napatingin ako sa pintuan, ang akala ko'y dumating na ang lalaking hinihintay
namin. 'Yon pala, ang dumating ay walang iba kundi 'yong lalaking hinihintay ng mga
taga-kabilang table.

"Pasensya na kung late ako, may aksidente kasi diyan sa may intersection,"
paliwanag ng lalaki bago siya umupo. Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo at
buong mukha.

"At dahil nandito na si Draco, pwede na tayong um-order!" masiglang bati ng babaeng
may kulot na buhok na abot hanggang balikat. Naglabas siya ng isang libong piso
mula sa kanyang wallet at iniabot sa katabi niyang naka-Japanese bun ang ayos ng
buhok. "Treat ko na 'to basta black coffee sa ating lahat, ah? Okay lang ba kung
ikaw na ang mag-order, Adriana?"

"Sige, may ipapadagdag ka pa ba, Sophie?" mahinhing tanong ng babaeng tumayo at


nagbabadya nang pumunta sa counter. Nakita kong ngumiti ang barista matapos marinig
na oorder na ang mga katabi namin.

Umiling 'yong babaeng kulot ang buhok. "'Yon lang. May dala kaming cake dito kaya
hindi na natin kailangang bumili ng pastries. Kaming dalawa ni Stacy ang nag-bake

nito kaya for sure masarap ito! O, buksan na natin."

Inilabas nila mula sa kahon ang isang chocolate cake at humiram ng mga platito't
kubyertos mula sa counter.

"Siguruhin n'yong uubusin n'yo ito, ha," sabi ng babaeng may mahabang buhok na abot
hanggang baywang. Inii-slice na niya ang cake at inilalagay sa bawat platito.
"Sayang ang effort naming dalawa ni Sophie sa pagbe-bake kung magtitira kayo."

Napalunok ako ng laway habang sumusubo ng cake ang kulot na babae. Parang gusto ko
tuloy um-order ng cheesecake o humingi na lang sa kanila.
"Ito ang sa 'yo, Draco," iniabot sa lalaki ang isang platito ng cake pero
tinanggihan niya ito.

"Pa-Pasensya na. Hindi kasi ako kumakain ng kahit anong may chocolate."

"Huh?" Muntikan nang mahulog ang piraso ng cake na nasa tinidor ni Sophie. "Bakit
hindi mo kaagad sinabi? E 'di sana banana cake na lang ang binake namin ni Stacy.
Paano na niyan?"

"So-Sorry," napakamot sa ulo ang lalaki habang nakangiti pa rin. "Kumain na rin ako
sa bahay kaya okay lang iinom na lang ako ng coffee.

Muling bumalik sa kanilang mesa si Adriana at ipinatong ang mga in-oder nilang
drinks. Kitang-kita ko pa mula sa aking kinauupuan ang steam na nanggagaling sa
baso. "Heto na 'yong in-order natin. Pupunta muna ako sa washroom."

Pagkaalis ni Adriana, kaagad na kinuha ni Sophie ang kanyang baso at tiningnan ang
laman nito. "Teka, walang creamer ito."

"Sige, ako na ang kukuha. Tapos na rin akong maghiwa ng cake." Nagtungo si Stacy sa
condiment bar malapit sa counter. Pagbalik niya'y may dala-dala na siyang maliliit
na sachet.

Pagbalik

ng isa pa nilang kasamahan, nagsimula nang kumain ng cake ang tatlong babae habang
ang lalaki'y dahan-dahang hinihipan ang kanyang mainit na kape.

Dahil sa sobrang bored ko sa paghihintay, wala akong nagawa kundi panoorin at


makinig sa usapan ng mga taong nasa kabilang mesa. Anong oras ba darating ang taong
'yon? Halos kalahating oras na mula nang makarating kami rito ni Loki.

"Those three like that guy, don't you think?" tanong ni Loki habang nakatitig ako
sa kalapit na table. Dala siguro ng pagkabagot niya kaya maging siya'y natuon ang
atensyon sa ibang tao. "They have been staring at him whenever the chance presents
itself. But I guess the guy is oblivious to what his so-called friends feel about
him."

You don't have to be a detective to arrive at the same conclusion. Halatang-halata


sa titig ng tatlong babaeng nasa paligid ni Draco na may gusto sila sa kanya. Kahit
gaano pa kababaw o ka-corny ang joke na binibitawan niya, todo tawa ang mga kasama
niya.

"Sorry if I kept you waiting."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses na 'yon. It's been how
many months since I last heard his voice. I slowly turned my head to the person
standing before our table and took a deep breath.

Kahit ilang buwan na mula nang huli kong nasilayan ang kanyang mukha, I still
haven't forgotten his familiar features-his hair swayed on the left side of his
head, those sparkling brown eyes and his pointed nose. He's still wearing that
sweet perfume that could enchant anyone's nose. Wala pa rin siyang pinagbago. Bagay
sa kanya ang suot niyang pink longsleeved polo na tinernuhan niya ng itim na
pantalon.

"Alistair..."
bulong ko nang nagkatitigan ang mga mata namin.

"It's been a while, hasn't it, Lori?" Iniabot niya ang kanyang kamay sa akin. Why
does it feel as if it's the first time I'm meeting him? "Sorry kung hindi ako
nakapag-reply. Nagkaproblema sa network signal ang phone ko."

"A-Ayos lang," nauutal kong sagot. "P-Please take a seat."

"And this must be..." He darted a curious glance at Loki who's as silent and
unmoving as a stone in his chair.

"He's Loki, a classmate of mine... and my boyfriend." Medyo nag-alangan pa akong


banggitin ang huling dalawang salita.

"Oh, it's my pleasure to meet you." Kay Loki naman niya iniabot ang kanyang kanang
kamay. "You're a lucky guy to win Lori's heart. By the way, I'm Alistair Ravena,
Lori's childhood friend."

"Loki Mendez, pleased to meet you as well," Loki forced a friendly smile as he
shook hands with Al. Kumpara sa mga karaniwang pakikipagkamay, tila nagdikit ang
mga palad nila't ayaw nang humiwalay sa isa't isa.

"Do you mind?" Pinilit ni Loki na alisin ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
Alistair clasped his wrist tightly and stared into those lifeless eyes of my
companion.

"You really are Lori's boyfriend, aren't you?"

Napatingin sa kanyang pulso si Loki bago ibinaling ang tingin sa lalaking kaharap
niya. Nakita kong bahagya siyang nagulat sa reaksyon at tanong ni Alistair pero
pinilit niyang magmukhang kalmado.

"Yes, I am. Do you have a problem with that?"

Ilang segundo pang nagtitigan ang dalawa bago pinakawalan ni Alistair ang kamay
niya. Napabuntong hininga siya at tumingin sa 'kin nang nakangiti. "I'm relieved
that you chose a great guy, Lori."

"Ano nga palang ginagawa mo rito sa Pampanga?" Minabuti kong palitan ang aming
topic. If he goes on asking about me and Loki, he might figure out that everything
was just an act.

"Your father told me that you have transferred here so I decided to pay you a
visit," he reclined on his chair while his eyes were still transfixed on me.

Pagbanggit niya kay papa, awtomatikong nanlisik ang mga mata ko. "Did my father
send you here?"

"Kusa akong pumunta rito para bisitahin ka. Walang nag-utos sa 'kin," kalmadong
sagot ni Alistair. "But he did

tell me that you didn't get to meet him when he paid you a visit last month. He
said you were quite busy."

Hindi naman talaga sa busy ako noong mga panahon 'yon. Sinadya kong hindi umuwi ng
apartment nang maaga para hindi ko siya makita.

"But you weren't that busy, were you?" Alistair continued, there's a sudden shift
in voice. It turned a bit serious. "You were deliberately avoiding him. A daughter
wouldn't miss a chance to be with her father whom she rarely sees."

Of all the people close to me, Alistair's probably the only one who knows my issues
with my dad. It wasn't surprising if he thought that way.

"Oh, he's quite sharp. Very astute..." bulong sa 'kin ni Loki kaya pasimple ko
siyang siniko sa tagiliran.

"But I didn't come here to talk about your father," sabi ni Alistair. "Pumunta ako
rito para kumustahin ka. Balita ko hindi mo raw nire-reply-an ang mga dati mong
kaklase. Was it because of what they did to you?"

My grip on the cup tightened as I gritted my teeth. I tried to maintain my


composure.

"Hanggang ngayo'y galit ka pa ba sa ginawa nila noong gabing 'yon?"

"Ano bang nangyari?"

Napatingin si Alistair kay Loki, may bahagyang pagkasorpresa sa kanyang mukha.


"Hindi pa ba sinasabi sa 'yo ni Lori kung anong nangyari noon sa dati niyang
school?"

"She never mentioned it to me," sagot ni Loki, briefly shooting a side-ward glance
at me. "Kung ayaw niyang sabihin, walang problema sa 'kin. But I must say I'm
curious as to what transpired when she was still in Manila."

"Is it okay to tell him?" tanong sa 'kin ni Alistair. "In a relationship, you need

to trust your partner. If you don't, it will crumble easily like a house of cards."

Ayaw ko nang maalala pa. "Kung pwede, huwag nating pag-usapan dito 'yan. Sasabihin
ko rin kay Loki kapag handa na akong mag-open up."

My childhood friend only beamed a smile before standing. "Mag-o-order muna ako ng
coffee. May gusto ba kayong kainin? Donuts or cheesecakes?"

Pareho kaming umiling ni Loki at saka nagtungo sa counter si Alistair.

"He's far from what I expected," sabi ni Loki habang pinapanood ang pakikipag-usap
ni Alistair sa cashier. "You told me that he's head over heels for you. But that
doesn't seem to be the case. So why did you ask me to be here?"

Napalunok ako ng laway habang iniiwasan ko ang kanyang tingin. I knew he would
figure it out sooner or later. It was foolish of me to think that he won't have any
idea.

Nakabuka na ang bibig ko para simulan ang aking paliwanag nang may sumabay na sigaw
na aming tabi.
KYAAAAAAA!

Sabay kaming napatingin ni Loki sa kabilang table kung saan nakita naming
nakahandusay sa sahig ang nag-iisang lalaki sa mesang 'yon. Nakatirik ang kanyang
mga mata sa kisame at parang sinasakal ng kamay niya ang kanyang leeg. Ilang beses
pa siyang nangisay bago tuluyang huminto ang kanyang katawan. Nakatitig sa akin ang
mga halos lumuwa niyang mata habang nakabuka ang bibig niya.

"Don't tell me..." Loki rushed to the guy and touched his wrist. He slowly shook
his head after searching for that guy's pulse. "Wala na siya."

"DRAAACO! NOOO!" Mangiyak-ngiyak pa si Sophie nang lumapit sa katawan ng kanyang


kaibigan

pero mabilis siyang pinigilan ni Loki.

"Don't come any closer!" he roared at the curly-haired girl which prompted the
latter to stop immediately. Nilapit ni Loki ang kanyang ulo sa bibig ng lalaki at
inamoy ito. "This scent of almond... potassium cyanide?"

Pinalibutan na kami ng iba pang staff at bagong dating na mga customer na nagtataka
kung ano ang nangyari. Sinabihan sila ni Loki na tawagin ang mga pulis kaysa
tumunganga't manood na parang may shooting ng pelikula sa loob ng cafe. Mukhang
kahit sa mga ordinaryong araw na tulad nito, ayaw kaming patahimikin ng mga kaso.
Ewan kung sino sa aming dalawa ni Loki ang magnet ng trahedya.

"What's going on here, Lori?" tanong ni Alistair na may hawak-hawak na baso ng iced
coffee. "Ano ang ginagawa ng boyfriend mo sa crime scene?"

Come to think of it, nasa mall kami ngayon at wala sa school. Wala na sa
jurisdiction namin ang paglutas sa kasong ito pero si Loki, hayun, game na game sa
pag-inspeksyon sa crime scene.

"Mga member kasi kami ng isang detective club sa school kaya nasanay na kaming
maka-encounter ng mga ganito," paliwanag ko sa aking katabi na sumipsip ng kanyang
inumin.

A look of surprise and disbelief flashed on his face as he stared at me with his
curious eyes. "Detective club? I didn't know you are into that sort of thing."

Hindi ko rin inakalang magugustuhan kong sumali sa gano'ng klase ng club. Kung
hindi lang ako ibinlackmail ni Loki, baka hindi ako nasabak sa paglutas ng iba't
ibang uri ng mga krimen sa school.

Lumipas ang ilang minuto bago dumating ang mga pulis sa coffee shop. Kaagad nilang

kinordonan ang paligid at nagsimulang kumuha ng llitrato ng crime scene. Ang akala
ko'y si Inspector Estrada ang makikita kong in-charge sa imbestigasyong ito pero
naalala kong hanggang Clark High School lamang pala ang jurisdiction ng campus
police.

"At sinong nagsabing pwede kang tumapak sa crime, ha, iho?" nakataas pa ang kilay
ng lalaking malamang ay nasa kwarenta anyos na, may kapayatan ang mukha at
katangkaran ang pangangatawan. Kung si Inspector Estrada ay may kapansin-pansing
makapal na bigote, ito namang bagong inspector ay may makapal na kilay.

"Detective Inspector Tobias," tawag ni Loki sa kanya. "Matagal na rin mula nang
huli tayong magkita."
"Hmm?" Naningkit ang mga mata ng pulis na tila pilit na inaalala kung saan niya
nakilala si Loki. Malamang hindi niya kaagad ito nakilala dahil sa ibang ayos
ngayon ng kasama ko. "Hindi ba't ikaw ang bata ni Estrada? Oo, noong nakaraang taon
pa yata tayo huling nagkasalubong sa crime scene. Mukhang hanggang dala-dala mo
'yong sumpa mo."

Tinutukoy niya siguro ang coincidence na may namamatay o nangyayaring krimen kahit
saan magpunta ang kasama ko. The same thing happened to me kahit wala si Loki sa
tabi ko.

"Your boyfriend seems to be well acquainted with the police," komento ni Alistair
habang pareho kaming nakatingin sa pag-uusap nina Loki at Inspector Tobias.
"Instead of kicking him out of the crime scene, they let him do whatever he wants.
May koneksyon ba siya sa kanila?"

I myself have been wondering the same thing. Hindi kasi normal sa mga pulis na
hayaan ang isang high school student na tumulong sa imbestigasyon.

Maybe Loki's parents were associated with the police? Kahit ilang linggo na kaming
magkasama, hindi ko pa naisipang itanong sa kanya.

"I hope you don't mind if my colleague and I would assist in this case," itinuro
niya ako kaya napatingin ang inspector sa aking direksyon. "We happened to observe
these guys on the other table so our insights might prove useful to the
investigation."

"Colleague? May bagong partner ka na pala ngayon?"

"She's... actually my girlfriend," naiilang na sabi ni Loki na parang ikinahihiya


niyang ipakilala ako. "Anyway, like me, she has a good power of observation and her
insights helped me solve some cases in the school."

Sumenyas na si Loki para lumapit ako kanya. Tumingin ako kay Alistair at saka
sinabing, "Sorry, we need to lend a hand sa mga pulis. Would you mind waiting until
we close this case?"

"Don't worry, I would be delighted to see how a couple works in a crime scene,"
nakangiting tugon ni Alistair bago muling sumipsip ng kanyang iniinom na kape.

"Obviously, the victim was poisoned judging by the smell of almond from his mouth,"
panimula ni Loki habang iniikutan ang bangkay na tinakpan ng kumot. "And another
obviously, the one who poisoned him a.k.a. the murderer is among his three female
colleagues."

"Eh?" pagulat na reaksyon ni Sophie, namumugto pa ang kanyang mga mata mula sa pag-
iyak. "Ba-Bakit iniisip n'yong kaya naming patayin si Draco? He's our friend!"

"Being his friend doesn't mean you can't keep a grudge and devise an ingenious plan
to kill him," Loki countered as soon as Sophie's finished talking. "Potassium
cyanide

takes minutes before it kills someone. At dahil kayo ang huling kasama ni Drago sa
huling tatlumpung minuto ng kanyang buhay, you three are the primary suspects."

"Te-Teka, anong motibo namin para patayin siya?" tanong ni Stacy. "Hindi naman
namin siguro siya basta-basta lalasunin nang walang dahilan, 'di ba?"

"At saka... naging mabuti ang pakikitungo ni Draco sa amin," dagdag ni Adriana sa
kanyang mahinhing boses. "Parang imposibleng magkaroon kami ng intensyon na patayin
siya."

"May gusto kayong tatlo sa kanya, tama?" Ako naman ang humirit sa pagkakataong
'yon. "Hindi ko gano'n kakilala ang biktima pero kung tama ang kutob ko, isa-isa
niya kayong idine-date pero wala siyang gustong seryosohin sa inyong tatlo."

"EH?" Namula ang mga mukha ng tatlong babae at napatingin palayo. Sa tingin ko,
silang tatlo rin ang kusang nagyayaya kay Draco na lumabas kapag may free time
sila.

"Kung motibo ang hinahanap n'yo, malamang konektado 'yon sa pag-ibig," dagdag ko
kasabay ng pagkrus ng aking mga braso. "Yon na siguro ang pinakamatinding motivator
para pumatay."

"For now, we need to have everything checked on your table for traces of poison,"
sabi ni Loki habang nakatingin sa mga platitong kanina'y may lamang cake. "Only
Draco didn't eat the cake you brought so I doubt it's poisoned. My guess is on the
coffee that all of you drank."

Iniutos ni Inspector Tobias sa kanyang mga tauhan na dalhin sa kanilang lab ang mga
basong may kaunti pang lamang kape. Inilabas na rin ang bangkay ng biktima habang
ang tatlong suspek ay naiwan kasama namin sa loob ng coffee shop.

'So

who do you think did it?" bulong ni Loki, nakamasid ang kanyang mga mata sa isa sa
tatlong babae. "If you were observing them earlier, you will no doubt have a guess
on who might be our murderer."

Muli kong inaalala ang mga nangyari sa kabilang mesa bago dumating si Alistair.
Kung totoong nasa baso ng kape ang lason, dalawa sa kanilang tatlo ang natitirang
suspek.

Una si Adriana dahil siya mismo ang bumili ng kanilang coffee. Meron siyang
pagkakataon na ilagay ang lason sa inumin ni Draco habang inihahatid niya sa
puwesto nila. At saka nagpaalam siyang pupunta sa washroom pagkatapos ilagay ang
mga inumin sa mesa kaya posibleng idinispose niya roon ang lason.

Pangalawa si Stacy na siyang kumuha ng mga creamer. She could have swapped the
creamers with poisoned ones while she was on the condiments bar.

Ang tanging flaw sa reasoning na 'to: Paano nila masisigurong mapupunta kay Draco
ang baso o creamer na may lason? Kanya-kanya nilang kinuha ang mga baso nang
inilapag ito ni Adriana at sila mismo ang pumili ng mga creamer na inilagay nila sa
kape. The culprit couldn't have relied on luck to make her plan work. Otherwise,
iba ang malalason at hindi si Draco.

Sino sa dalawang natitirang suspek ang posibleng naglagay ng lason? I closed my


eyes and took a deep breath before telling my answer to Loki.

"I think it's Adriana. Pwede niya kasing i-dispose 'yong lason na inilagay niya sa
kape habang nasa washroom siya."

"Oh? I bet it's Stacy." This wasn't the first time that Loki and I had different
opinion on a case which is good because we can pursue other leads and debunk the

other person's deductions. "I found it suspicious that she volunteered to get the
creamer after slicing the chocolate cake. But this is only an initial hunch. We
need more data before we can arrive at a definite conclusion."

Makalipas ang mahigit tatlumpung minutong paghihintay, nakatanggap ng tawag si


Inspector Tobias mula sa mga taong pinabalik niya sa kanilang station. Humarap siya
sa amin sabay bulsa ng kanyang phone.

"Meron nang resulta mula sa lab." May halong pagtataka ang mukhang ipinakita niya
sa amin, parang hindi siya makapaniwala sa balitang ipinarating sa kanya. "May
natagpuan silang traces ng lason sa baso ni Draco."

"Well, that's hardly surprising."

"...At may nakita rin silang traces ng lason sa tatlo pang baso."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Loki, hindi naming inasahan gano'n ang magiging
findings ng mga pulis.

"Ku-Kung gano'n, mamatay rin kami?" nababahalang tanong ni Sophie na napatakip sa


kanyang bibig.

Umiling-iling naman si Stacy. "Ku-Kung totoo 'yan, ka-kailangan n'yo kaming dalhin
sa ospital! Baka ano pang mangyari sa amin!"

Tanging si Adriana lang ang nanatiling kampante sa kanila. "Pero kung talagang
nakainom tayo ng lason, bakit hindi pa 'yon umeepekto sa atin? Hindi ba't sabi ng
lalaking 'yan na fast acting ang ginamit na lason kay Draco."

Ngayong nalaman na naming may lason ang apat na baso, that guaranteed the culprit
didn't rely on chances. Ang naunang flaw na binanggit ko'y bale-wala na ngayon. Her
plan was one hundred percent sure to kill the victim!

Napahimas sa kanyang baba si Loki habang nakatitig sa mga

platito sa mesa. Kung anumang theory ang meron siya kanina, seguradong nagkagulo-
gulo na ito.

Then he smiled as a realization dawned on him. I have seen that grin a couple of
times and it could only mean one thing: He now knows the truth about the case.

"How is it possible that all of them drank poisoned coffee but only Draco was
killed?" tanong niya.

Naningkit ang mga mata ko. Gano'n din kasi ang misteryong bumabagabag sa 'kin.
"Baka may resistance sa lason 'yong tatlong babae at tanging kay Draco lang
tumatalab ang lason? O kaya baka-"

Nabaling din ang tingin ko sa mga platito sa mesa. Alam ko na ngayon kung bakit
nakatitig si Loki sa mga 'yon.

All four of them drank poisoned coffee but only Draco died. Why? Because he didn't
eat the cake!

Teka, walang special power ang cake na binake nina Sophie at Stacy. Pero posibleng
may hinalo sila roon-isang antidote na pangontra sa lason.

"Inspector, I suggest that you also have those cake leftovers examined in the lab,"
sabi ni Loki. "You might find something interesting in them."

"Bakit? May kinalaman ba ang cake na 'to sa kaso?"


"It will explain why these three girls are still alive and kicking. If only Draco
ate the cake, he would still be with us right now."

"Ang ibig mo bang sabihin..."

Lumapit sa mesa si Loki at kinuha ang isang platito. "It was a good trick. Our
culprit mixed the antidote in the cake so when she eats it, she won't be affected
by the poison. Being the victim's friend, she probably knew that Draco would
decline to eat chocolate cake. All she needed to do is find

a way to introduce the poison in their drinks. Between Sophie and Stacy who baked
the cake, iisa lang sa kanila ang kumuha ng bagay na laging inilalagay sa black
coffee."

Both Sophie and Adriana darted a surprised look at Stacy. They knew she's the one
who got the creamer for their black coffee.

"S-Stacy..."

Napatingin sa sahig ang itinurong suspek ni Loki at napakuyom ang mga kamao nito.
Hinintay namin siyang magsalita pero mas pinili niyang hindi kumibo.

"As for the evidence, we can check your bag if you have the container of antidote.
Kung wala 'yon sa mga gamit mo, pwede rin nating i-check ang lugar kung saan kayo
nag-bake ng cake. Baka kasi iniwan mo roon 'yong lalagyan," dagdag ni Loki para
basagin ang katahimikan sa buong coffee shop.

"Pwede ring ipa-check natin ang sachet ng creamer para sa mga fingerprint. Ang
staff ng cafe na 'to ang naglalagay ng mga creamer sa condiment bar kaya kung wala
ang mga print nila sa pabalat nito, ibig sabihin, hindi sa kanila galing ang
creamer na inilagay n'yo sa mga inumin. Hindi naman gano'n kahirap maghanap ng mga
sachet tulad nito dahil walang logo ng coffee shop."

"S-Stacy, totoo bang..." hinawakan ni Sophie sa balikat ang kanyang kaibigan. Kahit
na convincing ang mga sinabing deduction ni Loki, hindi pa rin siya lubusang
makapaniwala, maging si Adriana na tahimik na nakatingin kanila.

"Hi-Hindi ko kakayanin..." Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan, nagsalita na


si Stacy. "Hindi ko kakayanin kung mapupunta siya sa iba. Sinabi ko na sa kanya
kung anong nararamdaman ko pero ang sabi niya, mas gugustuhin niya

raw kung mananatili kami the way it is."

Nagsimulang pumatak ang mga luha sa kanyang pisngi at lalo pang napakuyom ang
kanyang mga kamao, tiyak na mas bumaon ang mga kuko niya sa kanyang balat.

"Tinanong ko kung may iba siyang gusto pero nginitian niya lang ako. Hindi ko na
raw kailangang malaman pa. Kaya naman... Kaya naman imbes na mapunta siya sa iba...
mas minabuti kong..." Hindi na niya natuloy ang gusto niyang sabihin. Napahagulgol
siya't tinakpan ng mga kamay ang kanyang mukhang dinungisan ng mga luha.

"Stacy, nagkakamali ka." Hinaplos-haplos ni Sophie ang likuran ng kaibigan. "Nag-


confess na rin ako noon kay Draco. Pero ang sabi niya, may ibang babae na raw
siyang gusto. Noong una'y ayaw niyang sabihin kung sino. Pero noong kinulit ko
siya, inamin niyang ikaw talaga ang gusto niya."

"Huh? A- Anong-"
"Ang rason kung bakit hindi ka niya pine-pursue kahit na gusto ka niya ay dahil
ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nating apat nina Adriana. Alam niyang may
nararamdaman tayo para sa kanya at ayaw niyang magkaroon ng tensyon sa pagitan
natin kung sakaling may piliin siya. He liked the way it is and he didn't want to
ruin our friendship just because of what he feels. Kaya naman..."

Mas lumakas ang naging paghagulgol ni Stacy at napaluhod pa siya sa sahig.


Nagmistulang panyo para sa kanyang mga luha ang damit ng kaibigan niya.

Somehow I felt sorry for her. It was a bit painful to watch her tears fall like the
pouring rain, ruining the innocent face she had moments ago. And much worse,
everything she did was due to a misunderstanding. No words could probably describe
the regret

she's feeling right now.

"Pasensya na kung pinaghintay kita," sabi ko kay Alistair na kanina pa nakatayo sa


labas ng coffee shop. Naiwan muna si Loki sa loob habang kausap si Inspector
Tobias.

"No need to worry about me. Ayos lang ako," nakangiting tugon niya. "It was quite
entertaining to watch you and your boyfriend participate in the police
investigation."

Sa tingin ko'y ngayon na ang tamang panahon para ibato sa kanya ang tanong na
kanina pa paikot-ikot sa isip. "So... sasabihin mo na ba ang totoong dahilan kung
bakit gusto mong makipagkita sa 'kin? Hindi ka naman pupunta rito sa Pampanga para
kumustahin lang ako, tama?"

He smirked at my bluntness. "Do you think I don't have an idea what's going on?"

I replied with my knitted brows and curious face, wondering what he meant by that
question.

"This act you're pulling with your detective friend. Do you expect me to believe
that you two are really in relationship?"

Shoot. Paano niya nalaman?

"Anyway, it doesn't matter whether you are playing with me or not. I came here to
tell you that I want you to return to Manila, to where you really belong."

"W-What?"

"Wala na 'yong mga kaklase mong muntik nang magpahamak sa 'yo. Your father did
everything in his capacity to have them expelled from school. Pwede ka nang bumalik
doon. Wala nang panganib o banta sa 'yo."

I looked down as my fists clenched. I get it now, Al. You went all the way here to
try to drag me back to the past I tried to escape from. Others would find this
gesture heart-warming. But I didn't.

"Gusto ko pang mag-stay rito sa

Pampanga," may paninindigan kong sagot sa kanya. "Maayos na ang buhay ko rito kaya
bakit kailangan pa itong iwan at bumalik sa dati?"

"Plano mong mag-stay rito permanently?"


Marahan akong umiling. "Hindi ko pa masabi. Darating din siguro ang panahon na
babalik ako sa Manila pero hindi muna sa ngayon."

Muling siyang ngumiti at hindi na pinilit pa ang kanyang ipinupunto. "I already
expected to hear that answer from you. Pero umasa rin akong magbabago ang magiging
sagot mo."

Iniabot niya sa akin ang kanyang kamay. "Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa


'yo. Kaso kailangan ko nang bumalik ng Manila. Alam mo naman kung gaano katindi ang
traffic papunta roon."

I firmly shook his hand for the second time. Ngumiti ako sa kanya. "It was nice
seeing you again. Mag-iingat ka."

"Don't worry, I will be back here soon."

Nang magkahiwalay ang mga kamay namin, saktong dumating si Loki.

"Please take good care of my friend," habilin ni Alistair. I could hear how sincere
he is about his request.

"Oh, you're leaving already?" My companion feigned a surprise look on his face.

Muli niya ring kinamayan si Loki bago siya tuluyang nagpaalam sa amin. Tumalikod
siya't naglakad patungo sa parking lot ng mall.

"He saw through our lie," sabi ko kay Loki habang pareho naming pinapanood ang
paglalakad palayo ng aking kaibigan. "Alam niyang nagpapanggap lang tayo."

"Not surprised though," he replied in his flat voice. "He tried to check earlier if
there's any irregularities in my pulse and if my pupils will dilate when he asked
the confirmatory question if I was really your boyfriend. A lie-detecting
technique. It was too late when I realized it so that's how he probably got the
idea. You do have an interesting friend."

Napatawa ako nang mahina. Muli kong naalala na ginamit na sa 'kin noon ni Alistair
ang technique na 'yon.

"So you requested for me to pretend as your boyfriend to make him feel jealous,
didn't you? I mean, he's not just a friend for you. There's something else going on
behind the scenes."

"Hindi ko siya pinapagselos," sabi ko, nakatitig pa rin ako kay Alistair na ilang
metro na ang layo mula sa amin. "Back in Manila, he was always there to protect and
save me whenever I'm in trouble. I wanted to let him know that he doesn't need to
concern himself with my safety now that I have someone on my side to protect me
here."

###

P.S. Alistair's appearance was brief but he might return in the future updates. Who
knows?

For the next chapter, Loki will be kidnapped while Lorelei and Jamie will team up
to find him! Is M behind this incident or is it someone else?

DISCLAIMER: The trick involved in this chapter was inspired by Detective Conan
Episode 6, just so you know. :)
=================

Volume 1 • Chapter 18: The Double Code Mystery

A/N: Here's my NEW YEAR treat to readers of Project LOKI. Read it till the end.
Enjoy!

LORELEI

MAY ARTISTA bang pumasok sa clubroom namin o naging crime scene na ang lagi kong
tinatambayan tuwing break time? 'Yan ang tanong na pumasok sa isip ko nang makita
ang mga lalaking nakalupong sa labas ng Q.E.D. clubroom. Nagtutulakan at
naghihilaan pa sila para masilip kung sino o anuman ang nasa loob.

At dahil walang nakakordon na POLICE LINE DO NOT CROSS sa labas, malabong may
naganap na krimen doon para makakuha ng ganitong atensyon mula sa kalalakihan. Kaya
isa lang ang natitirang paliwanag kung bakit daig pa nila ang mga namboboso sa mga
naliligong babae: si Jamie Santiago.

"Excuse me. Pwedeng padaan?" Kinailangan ko pang lakasan ang aking boses dahil para
silang mga bubuyog na nagbubulungan. Mabuti't hindi ko na kailangang sumigaw pa't
kaagad silang nagbigay-daan para sa 'kin.

"Ang swerte naman ng lalaking 'yan, dalawang chikas ang kasama niya sa clubroom,"
komento ng isang lalaki sa kanyang katabi. Kahit nakatalikod ako, nararamdaman kong
tinititigan niya ako mula ulo hanggang hita.

Binuksan ko ang pinto ng aming clubroom at sinadyang binagsak nang isinara ko para
magulat 'yong mga mokong na nakatambay sa labas. Pinindot ko rin 'yong lock sa
doorknob para hindi na sila makasilip sa loob.

"Having a bad day, eh?" bati sa akin ni Loki na nakaupo sa kanyang paboritong spot.
Nakapatong ang kanyang mga siko sa mesa at magkadikit ang mga daliri, tila malalim
ang iniisip.

"Hi, Lorelei! Kumusta ang morning

period n'yo?" To my surprise, Jamie greeted me with a bright smile. May kasama pa
itong pagkaway ng kanyang kanang kamay. Wow. Noong isang araw, para siyang
nasaniban ng masamang espiritu at nagsabi ng kung ano-anong hindi mo aakalaing
sasambitin niya. Ngayon, nagbalik siya sa pagiging palakaibigan.

May nakain kaya siyang kakaiba ngayong umaga? At alin sa dalawang side na ipinakita
niya sa akin noong isang araw ang totoong Jamie Santiago?

What's more mind boggling was her reason to leave the repertory club and join the
Q.E.D. Hanggang ngayo'y hindi ko pa mawari kung bakit mas pipiliin niyang iwanan
ang entabladong nagpasikat sa kanya at sumama sa mga tulad naming nakakaengkwentro
ng mga krimen dito sa campus. Kapag nalaman niya ang tungkol sa banta ni Moriarty,
magbabago kaya ang isip niya?

Umupo ako sa tabi ni Jamie at ipinatong ang aking bag sa mesa. She still had the
braided hair which reminded Loki of his dear friend Rhea. Magkaharap silang dalawa
ngayon na parang nakikipag-staring contest sa isa't isa. Nakatitig ang mga tila
nagniningning na mga mata ni Jamie sa kanyang kaharap. Pero itong si Loki, hindi
magawang direktang tumingin sa kanyang katunggali.

"Pawn to C4," sambit ni Loki nang mapapikit ang kanyang mga mata.

Ngumiti naman si Jamie, mukhang naintindihan kung anong kahulugan ng sinabi niya,
at saka tumugon, "Pawn to E6."

"Knight to F3."

"Pawn to D5."

Halos magdikit ang mga kilay ko habang pinakikinggan ang mabilis nilang palitan ng
mga salita. Teka, teka, were they speaking in code or awtomatikong tina-translate
ng mga tenga ko ang sinasabi nila into alien

language?

"Knight to F6."

"Knight to C3."

Though I recognized some of the words they were using, I still don't know what in
the world they were talking about. Hindi na rin ako nakatiis kaya tinanong ko na
sila.

"Ano ba 'yang ginagawa n'yong dalawa at parang napakaseryoso n'yo?"

"We are playing the game of kings," tugon ni Loki nang hindi tumitingin sa
direksyon ko. "Chess, if you don't know what that is."

Sinuri ng mga mata ko ang mesa kung may nakapatong na chessboard rito, pero kahit
saan ako tumingin, wala akong makitang kahit ano, ni isang piyesa nito. Teka, baka
invisible ang board na ginagamit nila? Gano'n na ba ka-hi-tech ang larong 'yon?

"Paano kayo nakakapaglaro ng chess e wala kayong chessboard?"

Itinuro ni Loki ang kanyang sentido at ngumiti. "Nasa utak namin ang board.
Blindfold chess ang tawag dito. No client has come in today so Jamie and I decided
to play this game. Gusto ko ring i-test ang retentive memory nitong si Jamie. I
wanna see if she could remember where every piece is placed on our imaginary
chessboard."
"At saka may pustahan kami sa larong ito," nakangiting lumingon sa akin ang kalaro
niya. "Kapag nanalo ako, sabay kaming magla-lunch mamaya sa cafeteria. I can't
afford to lose."

"Meh, I prefer to eat my lunch here alone," mabilis na hirit ni Loki. "Bishop to
E7."

Lalong kumunot ang noo ko. Talagang si Jamie ang nag-set ng kondisyon ng kanilang
laro? At ito namang si Loki, mukhang ayaw patulan ang lunch invitation. 'Yon mga
lalaki nga sa labas, seguradong makikipagpatayan para makasamang kumain ang theater

actress naming miyembro.

"You should also try playing this game. It will sharpen your memory which is a must
for people in our line of work." He was probably talking to me. I just let out a
sigh and grabbed my notes on Chemistry. Bahala silang maglaro ng invisible chess.

Then someone's phone rang, catching everyone's attention.

"Ooops, sorry," Jamie said as she put out her phone and brought it close to her
left ear. "Hello? Jamie speaking. Ta-Talaga, ma'am? Muntik ko nang makalimutan!"

Ibinaling ko ang aking tingin sa kanya, pinagmamasdan ang bawat pagbuka at pagsara
ng kanyang bibig. On the surface, she looked like your typical popular girl in
school. But there's something with her that made me feel uneasy. Dahil ba nakita ko
noong isang araw ang bitchy side niya?

"Pasensya na! Pinapatawag ako sa faculty room." Tumayo na si Jamie habang muli
kong itinuon ang aking atensyon sa binabasa kong lecture tungkol sa covalent
bonding. "Mamaya na lang natin ituloy ang laro, Loki. Huwag mong kakalimutan 'yong
usapan natin, ha?"

Ang akala ko'y didiretso na siya sa pintuan pero huminto muna siya sa tapat ko.
Idinikit niya ang kanyang pisngi sa aking mukha at humalik. I could smell the
seductive scent of her perfume.

"See you later, Lorelei." Her sweet voice shifted into a slightly deep tone. Ewan
pero may kaunting pagbabanta sa boses niya. Hindi man niya lantarang sinabi pero
parang nangangahulugan 'yon na, "Magkikita pa tayo mamaya. Huwag kang gagawa ng
kalokohan kay Loki, ha."

Hindi ako nakasagot kaagad dahil hindi ko inasahang makikipagbeso siya sa 'kin.

At parang dumakit sa aking balat ang mahalimuyak niyang pabango.

"Is something going on between the two of you which I'm not aware of?" tanong ni
Loki ilang segundo matapos lumabas ng clubroom ni Jamie.

Ako yata ang dapat magtanong sa kanya no'n, ah.

"When she greeted you earlier, you didn't reply. You seemed uncomfortable the
moment you set your eyes on her. Kaninang may kinakausap siya sa phone, nakatitig
ang mga naningkit mong mata sa kanya. And you looked shocked when she gave you a
cheek-to-cheek kiss."

Gano'n ba ako kadaling basahin? I guess my facial expression, eye movement and
silence gave it away.

"Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Pero parang may something off sa kanya. Kasi
noong iniimbestigahan natin 'yong-"

Sasabihin ko na sana sa kanya 'yong sinabi ni Jamie sa 'kin noong isang araw pero
natigilan ako. I had second thoughts if I should tell him about it. Hindi kasi
tamang siraan ko siya kay Loki.

"Isa kang detective, 'di ba? If you have time playing imaginary chess, you could
also find time figuring it out." 'Yon na lamang ang sinabi ko kay Loki. Mas mabuti
kung siya mismo ang makapag-deduce noon. After all, he's a self proclaimed master
deductionist kaya magiging madali sa kanyang tanggalin ang maskara ng pagpapanggap
ni Jamie, kung tama man ang impresyon ko sa babaeng 'yon.

Loki shrugged his shoulders and reclined on his monobloc chair. "I still have
something to work on so I won't have time to delve into your business with her."

Ang akala ko ba wala kaming kliyente? Kaya nga naglaro na lang sila ng chess
kanina, 'di ba?

"No,

it was a personal request to me so I can't involve our club." Hindi ko na


kinailangan pang sabihin sa kanya ang tumatakbo sa isip ko. "I have to handle it by
myself."

Nanahimik na lamang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng aking notes habang siya'y


lumabas muna para bumili ng kanyang paboritong canned coffee.

I hope he won't be blinded by the fact that Jamie somehow resembles his former
partner.

***

Hindi na muna ako pumunta sa clubroom o kumain sa cafeteria nitong lunch time dahil
kinailangan ko pang tapusin ang group report namin sa Filipino. Wala rin akong
ideya kung sino ang nanalo kina Loki at Jamie sa kanilang blindfold chess match o
kung sabay silang kumain ng lunch kanina. But my money's on my detective colleague.

Pasado alas-kwatro ng hapon nang dumaan ako sa aming clubroom. Baka nagkaroon ng
himala at may naligaw na kliyente. Normal lang kasi na walang dumadalaw sa aming
estudyante na may problemang kailangang lutasin. Real life isn't like those in
mystery fiction where almost every day, something troublesome or tragic happens.

I was expecting to see Loki seated in his usual spot but this time, he wasn't
around. Tanging si Jamie ang nakita kong nasa loob nito. There was something
strange with her face. Nakapinta sa kanyang mukha ang pag-aalala habang nakatitig
ang mga mata niya sa hawak na papel.

"Nasaan si Loki?" Hindi ko na naisipan pang batiin siya ng magandang hapon.

"Lo-Loki..." Dahan-dahan siyang humarap sa akin, bahagyang nakabukas ang kanyang


bibig, at ipinakita ang hawak niya. For a moment, I thought she was showing

me a suicide note written by our common colleague which would explain why he wasn't
here. But suicide isn't in his repertoire so that possibility is out of the
question.

Hinablot ko sa kanya ang papel at inilapit ito sa aking mukha. It read like poetry.
Wait, it's more of a riddle.
Hey, you there, why don't we play a game?

Can't find him anywhere? Oh, what a shame!

I will give you time, is forty-five minutes fine?

Better hurry up 'coz his life is on the line!

Find the coordinates, get out of that square,

Then take one step back and see the answer.

14 - 24 - 21 - 14 - 31 - 45 - 24 - 21 - 23 - 55 - 33

Napalunok ako ng laway matapos basahin ito at napatingin ang mga nanlaki kong mata
kay Jamie. It took a few seconds before I spoke a single word. "Missing... Loki's
missing?"

Posible kayang si Moriarty ang nasa likod nito? Did he get bored so he finally
decided to abduct Loki and chain him somewhere out of reach?

"Geez! Bakit kailangan siya pa ang mawala? Pwede namang ikaw." And there it goes.
Jamie once again dropped his nice girl act. The innocence on her face which was
adored by many vanished in the blink of an eye. Nagpalakad-lakad siya sa clubroom
habang kinakagat ang kanyang kuko. "I was looking forward to spending this
afternoon with him."

Napansin kong kapag nagpapalit siya ng persona, bigla siyang nagsasalita ng


English. Pero teka, hindi ko mapapalampas ang sinabi niya. "At bakit mas gugustuhin
mong ako ang mawala? That's something you shouldn't tell someone nonchalantly."

Huminto

siya sa pabalik-balik na paglalakad at tumingin sa akin, nakataas pa ang kanyang


kaliwang kilay at nakakrus ang mga braso. "You're only a decoration in this club.
Loki and I can get along. We actually had a good time together during lunch time."

I was loss at words for a few moments, wondering if my ears heard her right. She
used "together" and "lunch time" in the same sentence. Does that mean...

"Na-Natalo mo siya sa chess?"

"It was a close match but Lady Luck favored me today." Her pinkish lips formed an
annoying smile. "Why, you jealous?"

Hindi talaga ako makapaniwala. Paanong natalo ng babaeng 'to si Loki? Was it
because of her so-called sharp retentive memory? Did she use it to her own
advantage? And she did have lunch with Loki in the cafeteria earlier! Gaano kaya
ka-awkward sa kanya-

No, I shouldn't be distracted with such thoughts. Our club president is missing at
the moment. Kailangan namin siyang hanapin. Gaya ng nakasulat sa riddle, may
apatnapu't limang minuto kami para sagutin 'yon at mahanap siya.

"Wala na tayong oras para pag-usapan kung nabusog kayong dalawa sa lunch n'yo
kanina." Muli kong ibinaling ang aking tingin sa papel at binasa ang nakasulat
doon. This series of numbers must be some kind of code we have to decipher. But no
matter how long I stared at them, they didn't make any sense.

"Shouldn't we ask help from the campus police? Baka matulungan nila tayong
maghanap?" Muling nagpalakad-lakad sa paligid ko si Jamie.

"Meron tayong less than forty minutes para hanapin si Loki. Kung pupunta tayo sa
station nila at ipapaliwanag kung anong nangyari, baka

maubusan tayo ng oras! Besides, hindi natin alam kung maniniwala sila sa atin. They
might think that this is just a prank."

"At sino namang gagawa nito? Meron bang may galit kay Loki kaya naisipan nila
siyang dukutin mula rito sa clubroom at mag-iwan ng isang riddle?"

Sa dami na siguro ng mga kasong hinawakan ni Loki magmula pa noong isang taon,
hindi malayong may iilang naghahangad na gantihan siya, lalo na 'yong mga kaibigan
ng mga suspek na nabuko niya.

Come to think of it, may sinabi siya kaninang umaga.

"Baka may koneksyon ito sa kasong personal niyang iniimbestigahan," napaangat ang
aking ulo nang mapagtanto ang puntong 'yon. "Hindi niya in-involve ang club dahil
sa kanya mismo humingi ng tulong ang kliyente niya. Hey, wala na tayong oras para
mag-usap ng kung ano-ano, kailangan nating ma-decode ito."

"Oh..." She shot a questioning look at me, her voice sounded like she was mocking
me. "So you think you can play the detective without him? Seriously?"

"Kaya nga ako nandito, 'di ba?" mabilis kong banat sa kanya. "For the record, I
already solved one case with minimal help from him. Ikaw? Hanggang pagpapa-cute
lang ba kay Loki ang kaya mong gawin? Bakit ka nga ba sumali sa club na 'to?"

Bull's eye. I saw her left eye twitching and veins throbbing on her temple. She
pressed her lips together and shot a threatening glare through her narrowed eyes.

I finally caught a glimpse Jamie's real face-one without any mask of feigned
innocence.

"Fine! Give that to me!" bigla niyang hinablot mula sa 'kin ang papel. Napahigpit
ang hawak ng mga daliri ko rito kaya

nang pinwersa niyang kunin mula sa kamay ko, napunit ito sa dalawa.

"Hey, anong ginagawa mo-"

Pero hindi pa roon natapos ang kamalasan namin. Biglang umihip ang malakas na
hangin mula sa bintana ng aming clubroom. Nabitawan ko ang kapirasong papel kaya
tinangay ito ng bugso ng hangin palabas. Sinubukan ko itong habulin at abutin pero
nabalewala ang pagtatangka ko. God knows where that torn piece of paper went.

"Tingnan mo ang ginawa mo!" bahagyang tumaas ang boses ko habang nakatitig kay
Jamie na natulala sa nangyari. "Kalahati na lang ng code ang nasa atin. Ano nang
gagawin natin niyan?"

Napatingin si Jamie sa hawak niyang kapirasong papel. Tanging ang huling five
digits ang nandoon. Ang kalahati, hayun, inililipad na ng hangin. Pero imbes na
mag-guilty siya sa nangyari, napangiti pa siya at humalakhak.

"At anong nakakatuwa, huh? Masaya ka na bang wala na ang clue natin para mahanap si
Loki?" Napalagay sa bewang ang mga kamay ko, nagmukha akong nanay na sinesermonan
ang kabulastugang ginawa ng aking pasaway na anak.

"My dear Lorelei, what would you do without me?" nakangisi niyang tugon sa 'kin.
May gana pa talaga siyang ngumiti-ngiti. "Have you forgot that I was bestowed with
a unique gift?"

Kumunot ang aking noo. Nabaling ang tingin ko sa kanyang nakakabighaning mukha at
sunod sa kanyang dibdib na medyo may kalakihan. Ilang segundo rin ang lumipas bago
ko nakuha ang ibig niyang sabihin. I almost forgot that this bitchy young woman has
that retentive memory!

"I remember those numbers like the back of my hand," pagmamayabang nito sabay tapon

sa kapirasong papel na hawak niya.

"Kung gano'n, isulat mo na sa papel para masimulan na natin ang pagde-decode."

She rolled her eyes and looked to the other direction. "Why should I tell you?
Hindi ba't sabi mo'y hanggang pagpapa-cute lang ako?"

Hinawakan ko siya sa braso at pinilitang humarap sa akin. "Wala na tayong oras,


Jamie. Kung gusto mo pang makita si Loki, kailangan nating magtulungang dalawa. I
may not be as good as him but I think we could get through this!"

Hearing Loki's name made Jamie reconsider her earlier thought. Ewan kung talaga
ngang tinamaan ang babaeng ito kay Loki o nakikipag-flirt lang sa kanya. She kissed
him when we investigated her mysterious chat mate case. Earlier, they had lunch
together. Well, I don't need to be Loki to connect the dots.

"Okay, I will type the numbers on my phone and show them to you but let me know
about your plan first."

"Kahit siguro pigain natin ang ating mga utak sa kakaisip kung paano made-decode
'yan, mukhang wala tayong pupuntahan." Napakrus ang mga kamay ko habang nakatingin
sa sahig. "Kung isa-substitute natin ang bawat number into letter, it won't make
any sense. Hanggang twenty-six letters lang ang English alphabet kaya anong isa-
substitute natin sa 33 at 45?"

"Are you saying na imposibleng ma-solve natin ang code na 'to?" She looked more
worried than me.

Umiling ako. "Kailangan nating mahanap ang tamang cipher para dito. Kung sanang
matatawagan natin si Loki para makahingi tayo ng hint sa kanya, mas mapapadali ang
pagde-decode natin."

If only he were here, it would probably take him a few seconds

to crack this code. Kung wala siya, tiyak na babagsak ang Q.E.D. Club. Hay, why am
I cluttering my head with these thoughts? Loki's not here so this case has to be
solved by me and Jamie.

Kung hindi kay Loki, kanino kami pwedeng humingi ng tulong?

Teka, aside from Loki, there's another person in this school who's interested in
codes. Maybe that person could give us a clue on how to decipher this one!

"Jamie, close ba kayo ni Stein Alberts?"


"Eh?" Pagulat na reaksyon ng aking kasama. "He was the director for this season's
theater production. We are not that close but I have his number. Teka, you think
he's the one who's behind this?"

I shook my head. "I think he's the one who can help us crack this code. Pwede mo ba
siyang i-text o tawagan kung pwede siyang makipagkita sa atin?"

"They have rehearsals this afternoon but I guess he could spare a minute or two for
us." Inilabas niya ang kanyang phone nagsimulang mag-type sa screen nito. "He's
also a fan of mine so he wouldn't mind if I ask him a little favor."

Nang makatanggap si Jamie ng reply mula kay Stein, kaagad kaming umakyat papuntang
fifth floor kung nasaan ang auditorium na pinagdarausan ng rehearsals. Naghintay
kami ng ilang minuto sa labas bago bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaking
parang bunot ang buhok at natatakpan ng bangs ang noo.

"Have you decided to return to the production?" pambungad na tanong niya kay Jamie.

"Pasensya na, Stein, pero gusto ko muna talagang mag-break sa theater." Muling
nagbalik sa pagiging malambing ang boses ni Jamie at ang kanyang maamong mukha.

Tila ibang tao na ang nakatayo sa tabi ko.

"So why did you call me here?" Stein shoved his hands in the pockets of his pants
as he darted a curious glance at me. "And why are you with a Q.E.D. club member?
Oh, yeah. You are one of them now. Are you investigating something? Am I suspect?"

"Sinabi mo noong huli tayong nagkita na kung kailangan namin ang tulong mo na may
kaugnay sa numbers, pwede ka naming puntahan, 'di ba?" Tandang-tanda ko pang gano'n
na gano'n ang lumabas sa kanyang bibig.

"As a way to express my gratitude, yes. How can I help you?"

Sumenyas ako kay Jamie na ipakita sa kanya ang code. Muling itinype ng kasama ko
ang mga numero sa kanyang phone at iniharap ito sa kanya. Stein's eyes squinted as
he studied the numbers with interest. A couple of seconds later, a triumphant smile
plastered on his face.

"Do you know Polybius?" he asked out of blue. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jamie.
Pareho kaming walang ideya kung bakit niya naitanong 'yon.

"Polybius was a Greek historian of the Hellenistic Period. Aside from his work The
Histories which described the rise of the Roman Republic, he's also responsible for
developing a tool for cryptography."

Sorry, Stein, but it's all Greek to me, so to speak. Ipinagmamayabang ba niya ang
kanyang kaalaman sa world history o may gusto siyang ipunto na related sa code?

Pumunit siya ng blangkong papel mula sa dala niyang notebook at gumuhit ng grid.
"That was known as Polybius square where the letters of the alphabet are arranged
left to right and top to bottom in a five by five square. To fit all twenty-six

alphabet letters, I and J are combined in one cell. Five numbers are then aligned
on top of the square and another five on the left. We usually arrange the numbers
from one to five."

Ipinakita niya sa amin ang resulta ng kanyang iginuhit at ganito ang kinalabasan:

1 2 3 4 5
1 A B C D E

2 F G H I K

3 L M N O P

4 Q R S T U

5 V W X Y Z

"At anong gagawin namin dito?"

"You cross-reference the two numbers along the grid of the square and a letter
could be deduced," his fingers went over the numbers outside the square. "For
instance, 14 represents letter D while 24 represents letter I or J. The number on
the left indicates the row while the one on the right indicates the column. It's
the same as looking for coordinates."

"Parang sa chessboard," komento ni Jamie habang napapahaplos sa kanyang baba. "Ang


bawat square doon kasi'y nire-represent ng isang letter at isang number. Kunwari,
ang A8 ay nasa top left corner. Kaya kahit wala kaming chessboard ni Loki kanina,
nagawa naming makapaglaro."

"Anyway, now that I have given you the cipher, you can now decode those numbers,"
tumingin si Stein sa relong nakasuot sa kanyang kaliwang kamay. "I need to return
to the rehearsals so I'm going to leave you now. Good luck decoding."

Nagpaalam na kaming dalawa ni Jamie sa kanya't muling bumalik sa clubroom, dala-


dala ang Polybius square na iginuhit ni Stein. Inilapag namin ito

sa mesa at sinimulang i-crossreference ang bawat number sa code.

It took us five minutes before we finished deciphering it. But to our


disappointment, the answer we had in front of us didn't make sense.

D - I - F - D - L - U - I - F - H - Z - N

"We probably used the wrong cipher!" Jamie complained as she began to walk back and
forth behind me. Hearing her footsteps added the pressure I was feeling. "And we
wasted more than ten minutes talking to Stein! We only have less than twenty
minutes before something happens to Loki!"

Huminga muna ako nang malalim at saka ipinikit ang aking mga mata. Sa tingin ko'y
tama ang cipher na ginamit namin pero may kulang kaya hindi pa namin nakukuha ang
tamang sagot.

"Jamie, pwede mo bang i-recite 'yong riddle mula sa umpisa?"

It took her seconds before responding to my request, probably she wondered how
would that help us.

"Hey, you there, why don't we play a game? Can't find him anywhere? Oh, what a
shame!"

There's nothing special with those lines. They only wanted us to know that they
want to mess with us and that Loki is missing.

"I will give you time, is forty-five minutes fine? Better hurry up 'coz his life is
on the line!"

That's about the time limit and the warning that something will happen to Loki if
we don't find him before it expires.

"Find the coordinates, get out of that square."

By coordinates and square, they must be referring to the Polybius square which we
used as cipher. Ang ibig sabihin, tama nga ang ginamit

naming method ng pag-decode sa series of numbers.

"Then take one step back and see the answer."

One step back!

Iminulat ko ang aking mga mata at muling tiningnan ang series of letters na nasa
mesa. Ngayon alam ko na kung bakit hindi kaagad namin nakuha ang sagot. This is a
double-coded puzzle!

"I thought you already fell asleep!"

Minabuti kong atupagin ang code kaysa pansinin ang komento ni Jamie. Isinulat ko sa
ilalim ng bawat letra ang sa tingin ko'y sagot dito.

D - I - F - D - L - U - I - F - H - Z - N

C - H - E - C - K - T - H - E - G - Y - M

Jamie's mouth opened wide as she stared at my answer. "H-How did you come up with
that? May psychic powers ka ba?"

"Ang clue ay nasa last line ng riddle," panimula kong paliwanag. "We already got
this series of letters from the original numbers by using Polybius square. Now all
we need to do is get the letters that come before the ones we have here. C comes
before D, H comes before I, and so on and so forth. That's what take one step back
meant!"

"So Loki is locked away in our gym?"

Wala na kaming oras para mag-usap pa kaya nagmadali akong lumabas ng clubroom at
bumaba ng hagdan. Nakabuntot sa 'kin si Jamie na mukhang hindi pa rin
makapaniwalang nagawa kong i-crack ang code. Sa ilang linggo kong kasama si Loki,
kahit paano'y may natutunan na ako mula sa kanya.

Inabot ng limang minuto ang paglalakad namin mula sa high school building papunta
sa gymnasium. Ilang metro kasi ang layo nito. Mabuti't wala nang masyadong

estudyante sa paligid kaya hindi na namin kinailangang makipagsiksikan at


maharangan sa daan dahil sa bagal ng kanilang paglalakad.

Hinihingal at tumatagaktak na ang pawis namin nang makapasok kami sa gymnasium. We


had no time to rest. Only ten minutes left before the time limit expires.
Kakaunting estudyante na lamang ang nandito, halos karamihan sa kanila'y palabas
na.

"Let's go and check every room here!" suhestiyon ni Jamie. Pero bago pa siya
makatakbo palayo, hinila ko ang kanyang kamay. "Hey, what are you doing?"
"Mauubos ang oras natin kung iisa-isahin pa natin lahat ng kwarto rito!" paliwanag
ko sa kanya. May tatlong palapag ang aming school gymnasium, ang bawat isa'y may
playing court para sa iba't ibang sports. Meron ding mga classroom sa bawat palapag
para sa lecture discussion na karaniwang ginagawa bago magsimula ang actual na
sports. Kulang ang sampung minuto para i-check ang lahat noon.

"Do you have a better idea, huh?"

"Alam mo ba kung ano-ano ang mga lugar dito?" Dahil kaka-transfer ko pa lang, hindi
ko gano'n kabisado ang bawat bahagi ng gymnasium. Ang alam ko lang ay ang locker
room kung saan ako nagpapalit ng damit pam-P.E. Kaya sa ganitong sitwasyon, baka
makatulong ang retentive memory nitong si Jamie.

"Kailangan nating i-deduce kung saan posibleng dalhin si Loki. Posibleng lugar 'yon
dito sa gym na hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante."

Jamie closed her eyes and stretched her arms forward. She began motioning her hands
in the air as if she was illustrating an imaginary map.

"We have the locker room for boys and girls... The basketball

court on the third floor... The men's and women's bathroom in all floors... The
equipment room where they keep all materials for physical education classes... The
storage room where they put all unused or destroyed equipment... The lounge in the
second floor..."

Among those she mentioned, only one location took my interest. It's probably the
only place that's rarely visited by students. If someone was about to commit a
crime and hide the body, that's the most convenient place!

"Nasaan dito 'yong storage room?"

Iminulat ni Jamie ang kanyang mga mata at itinuro ang bandang dulo ng first floor
kung nasaan kami ngayon. "Doon sa dulo tapos kaliwa. You think doon nila ikinulong
si Loki?"

"It's the first thought that came to mind," sabi ko. "Maybe it's worth checking."

Maingat kaming tumakbo sa madulas na sahig sa gymnasium. Kumikintab ito sa linis


kaya pwede mong gawing salamin para tingnan ang iyong repleksyon. Ilang saradong
kwarto din ang kinailangan naming daanan bago kami nakarating sa dulo.

Huminto kami sa tapat ng pintong may nakalagay na "STORAGE ROOM: Only authorized
personnel allowed." Hinabol muna namin ang aming hininga bago ko hinawakan ang
doorknob at pinihit ito. To my surprise, it wasn't locked.

I slowly swung the door open and let the light outside illuminate the darkened
room. Dahan-dahan kaming pumasok at inihanda ang mga kamao namin kung sakali mang
may biglang umatake. Kung iisang katao lang ang nagbabantay kay Loki, baka kayanin
namin siyang patumbahin ni Jamie. At saka nasa bulsa ko 'yong stun pen kaya
paniguradong matatalo namin sila. Ang

problema'y kung dalawa o marami silang nakaabang dito.

"You took your time, Lorelei and Jamie. I thought you wouldn't come in time."

My jaw dropped as I saw him sitting on a broken weight bench, both his arms and
legs crossed. Wala siyang busal sa bibig at hindi rin nakagapos ang kanyang mga
kamay at paa. It was the exact opposite of what I expected to see.
"Hey, huwag mong sabihing..."

"LOOOOKI!" Binangga pa ako sa balikat ni Jamie nang tumakbo siya papunta kay Loki.
Bigla niya itong niyakap nang mahigpit, nakapalupot ang mga kamay niya sa katawan
ng inakala naming dinukot. Para siyang asong sabik na tumabi sa kanyang matagal na
nawalang amo. "Ang akala ko, may nangyari na sa 'yo. Mabuti't okay ka lang!"

What the hell.

Hindi tuloy alam ni Loki kung paano siya magre-react. Medyo awkward na naman ang
sitwasyon para sa kanya. "I... I can feel something soft..."

That's her breasts, you dummy. Dahil parang lintang nakadikit sa kanya si Jamie,
hindi na kataka-takang mararamdaman niya ang hinaharap nito.

Napakuyom ang mga kamao ko at napatingin sa inaalikabok na sahig. What the hell did
he put us through?

"So you were not really abducted, huh?" I muttered, my head still hanging low.

"You may call it a test. I want to know if you can solve a case on your own without
any help from me. I also want to see if you two can work together. Mukhang
effective naman, 'di ba?"

I raised my head, flashing a bitter smile at him. Naglakad ako palapit sa kanya at
huminto sa kanyang harapan. "The riddle, the time limit, the code. Well played.
Very well played."

"Well, what did

you expect fro-"

PAK!

I slapped him hard on the face, my right hand leaving a red impression on his left
cheek. His head turned to the left but his frozen face remained expressionless.

"Hey, what did you have to hurt him?!" Jamie growled, baring her teeth and shooting
a piercing gaze at me. For a moment, she lost her nice girl act.

Hindi ko alam kung tama bang sinampal ko siya. Nagpapasalamat ako dahil walang
nangyari sa kanya. Pero the way he played with my emotion by faking his
disappearance, hindi ko 'yon mapapalampas.

I was worried. I was worried to death about him.

"I thought Moriarty already got you when I saw the message left in our clubroom,"
my voice was breaking as I tried to maintain my composure. Lalo pang bumaon sa
palad ko ang aking mga kuko. "And you thought this is a good joke?"

"Mo-Moriarty?" Jamie asked in a curious tone. Oo nga pala, mukhang hindi pa


nasasabi sa kanya ang isyu namin tungkol sa misteryosong taong 'yon.

Silence reigned inside that crowded, little room. Loki didn't bother to entertain
her question.

"I... I'm sorry," he told me, his voice sounded apologetic. "I never thought this
little act would make such an impact to you."
"Think it through next time." I turned around and started walking away from him.
"Not everyone is entertained with this kind of joke."

Ngayon ko pa lang naramdaman ang pamamaga ng aking kamay. Ito na ang ikalawang
beses na sinampal ko siya sa mukha. W-What was I thinking? The more I think about
it, the more guilty I become. Napasobra ba ako sa ginawa ko sa kanya? Was that out
of line?

Bahala na.

Ang importante'y nailabas ko ang emosyong kinikimkim ko sa loob. Hindi tamang


magpanggap siyang nawawala for the sake of testing our deduction prowess.

"Lorelei, wait for me!"

Palabas na ako ng gymnasium nang marinig ko ang sigaw ni Jamie mula sa likuran.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Dinig na dinig ko rin ang bawat
yabag ng kanyang heels. Sana'y matapilok siya bago niya ako masabayan sa
paglalakad.

"Hey, I'm talking to you!" she grabbed me by the wrist, forcing me to turn to her.
Nasa entrada kami ng gymnasium nang magkaharap kaming dalawa.

"O, ano bang problema mo?" Pinilit kong alisin ang kanyang pagkakahawak sa 'kin.
"Nagsawa ka na ba sa kakadikit kay Loki?"

"Is that the reason why you snapped earlier?"

BIP! BOP! BIP! BIP!

"Sa tingin mo ba'y ganoon ako kababaw? Nagkakamali ka kung-"

BIP! BIP! BOP! BIP! BIP BIP! BOP!

My eyes widened and my mouth froze as I heard those sequences of notes. It


triggered something that I heard before-the tune of Mary Had A Little Lamb!

Nabaling ang tingin ko sa entrance ng gymnasium kung saan nanggaling ang tunog.
Mula sa pintuan, lumabas ang isang lalaking may pamilyar na kasuotan. May hawak-
hawak siyang phone na inilapit niya sa kanyang tenga.

Natulala ako sa kanya habang pinagmamasdan ang paggalaw ng kanyang bibig. Dala na
rin siguro ng pagkagulat kaya pasok sa isang tenga't labas sa kabila ang mga
salitang sinasambit niya.

"Hey? What's wrong? Do you know that guy?"

Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Jamie at tiningnan siya sa mata. Medyo


nagulat siya sa pagbabago ng aking mood. "Narinig mo ba 'yong tono kani-kanina
lang? Katulad sa nursery rhyme?"

"Medyo mahina pero narinig ko pa rin. Mary Had A Little Lamb 'yon, 'di ba?"
nagtatakang tanong niya, nakapinta sa kanyang mukha ang tanong na "So what about
it?"

"Hold on to that piece of auditory information! Huwag na huwag mong buburahin sa


memorya mo, ha?"
"Wait, what's going on?"

I ignored her question and turned around. I watched that young man walk away while
talking to someone on his phone. I couldn't help but ask myself: Anong ginagawa
niya rito sa gymnasium?

It was the intern from the campus police.

###

P. S. Were you able to solve the code before Lorelei and Jamie did?

Anyway, TWO chapters left before the Moriarty reveal! Any deductions on who he
might be? I-share na 'yan sa comments section!

Ano ang masasabi n'yo sa chapter na 'to?

=================

Volume 1 • Chapter 19: Gaslighting

A/N: Here's the penultimate chapter of season one! Are you ready?

LORELEI

"BASTIEN MONTREAL? Mula sa campus police?"

Napahaplos si Loki sa kanyang baba habang nakatingin sa malayo, tila malalim ang
iniisip. Ngayong umaga ko lamang napagdesisyonang sabihin sa kanya ang narinig ko
kahapon sa gymnasium. Kasama rin namin si Jamie sa clubroom na noong una'y walang
kamuwang-muwang sa pinag-uusapan namin.
At dahil confidential ang impormasyong ibinahagi ko sa kanila, kinailangan ko pang
i-lock ang pinto ng clubroom para makasigurong walang biglang makapapasok at
makakarinig sa pinag-uusapan namin.

"Ang ibig n'yo bang sabihin, konektado 'yong lalaking nakita natin kahapon sa taong
tinatawag n'yong Moriarty?" may pagtatakang tanong ni Jamie.

Dahil hindi pa siya miyembro ng Q.E.D. noong naka-engkwentro namin ang mga tauhan
ng misteryosong Moriarty, minabuti naming ipaliwanag sa kanya ang panganib na
kinakaharap ng aming club. Napatakip pa siya ng bibig at mukhang nabagabag nang
ikinwento ko sa kanya ang mga pinagdaanan namin ni Loki-mula sa muntikang pagdi-
dissolve sa katawan ko at sa pagkalason ni Loki gamit ang belladonna.

"Hi-Hindi ako makapaniwalang may gano'ng klaseng tao rito," napahawak si Jamie sa
kanyang braided na buhok at inilapit ito sa kanyang bibig. "Meron na akong narinig
na bulung-bulungan mula sa mga kaklase ko pero dahil hindi 'yon official na balita
at hindi nababasa sa Gazzetta, inisip kong baka tsismis lang."

"Sa utos ng student council, walang pina-publish na kahit anong balita ang school
paper natin tungkol

sa koneksyon ng mga krimen," paliwanag ko. Natatandaan ko pa ang sinabi sa 'kin


noon ni Agatha, ang literary editor ng Clark Gazzetta, nang naitanong ko kung
sinulatan nila ng news article ang mga kaso. "Mukhang ayaw ipaalam ito ng mga
officer para hindi magdulot ng takot sa mga estudyante."

"Paano pa kaya kapag nalaman nilang posibleng konektado ang isang campus police
intern sa taong nasa likod ng mga krimen dito?" dagdag ni Jamie, nabahiran ng
pagkabahala ang kanyang mukha.

Tumayo si Loki at humarap sa bintana kung saan makikita ang maaliwalas at bughaw na
kalangitan sa labas. Magkadikit ang mga kamay niya sa kanyang likuran habang malayo
ang tingin. "Just as I thought, he is indeed connected to Moriarty."

"Eh?" Kung gano'n, pinaghinalaan na niya si Bastien bago ko pa sabihin ang


impormasyong 'to sa kanya?

"Remember during the belladonna case?" humarap siya sa amin. "Officer Bastien gave
us the autopsy and analysis report on the victims around lunch time. Minutes later,
after we realized who the culprit was, Daniel Gutierrez went through that door as
if the campus police officer's exit was his cue to enter our clubroom. Posibleng
coincidence lamang na halos minuto ang pagitan ng paglabas ni Bastien at pagpasok
ni Daniel. But considering the recent developments, I'm inclined not to think so."

"At noong dinala ka sa ospital," hirit ko, "si Officer Bastien ang naghatid ng
autopsy report ni Daniel. Posible kayang tsine-check niya rin ang kalagayan mo
noon?"

"Probably. Daniel said Moriarty doesn't want me dead. It would be a shame if his
playmate would die, wouldn't

it? So he sent one of his agents who's less likely to be suspected to check on my
condition. Do you also remember the guy who melted the corpses of his victims?"

"You mean John Bautista, the one who used sodium hydroxide?"

"Inspector Estrada said he was poisoned while he's in police custody. We suspected
that it's someone inside the campus police. Kung nagsimula na ang internship ni
Bastien noong panahon 'yon, it will further support our suspicion. The thing is,
however, we don't have any proof at the moment to prove his connection with
Moriarty.

"Teka, teka. Kung pinaghihinalaan mo na pala siya, bakit hindi mo kaagad sinabi sa
'kin? Why keep that information to yourself?"

"It wasn't confirmed back then. It was only a hunch. At saka kung sinabi ko sa 'yo,
baka mag-iba ang kilos at pakikitungo mo kay Officer Bastien sakaling madatnan
natin siya sa isang crime scene. That might tip him off and he would be on guard
whenever we are around him."

"So you think I'm stupid enough to act suspiciously in front of him?"

"Better be safe than sorry."

"Ah, guys?" Parang nanonood ng tennis match si Jamie dahil sunod-sunod ang kaliwa't
kanang paglingon ng kanyang ulo sa akin at kay Loki. Medyo na-out of place na rin
siguro siya dahil hindi siya makasingit sa aming usapan. She may look utterly
clueless but deep inside, she's probably cursing me with all the cuss words she
could think of because I got Loki's attention.

"Nevertheless," he returned his gaze on the clear, blue skies outside, "we are now
two steps ahead of Moriarty. We have already identified one of his minions

and we have a hint on how to divine his phone number. If we get close to Officer
Bastien, we might find the thread that will lead us exactly to that mystery guy."

At ang taong makatutulong sa amin para malaman kung ano ang phone number ni
Moriarty ay walang iba kundi si Jamie na ini-record sa kanyang utak ang keypad tone
na pinindot ni Bastien sa harapan ng gymnasium. Mukhang magagamit namin ang
ipinagmamalaki niyang retentive memory sa ganitong bagay.

"May ideya ka na ba kung anong number combination ang lilikha ng tono ng Mary Had A
Little Lamb?" tanong ko sa kanya.

Sa halip na humarap siya sa 'kin, pinili niyang kay Loki sabihin ang sagot. Muling
nag-type ang mga daliri niya sa screen ng kanyang phone, bawat pagpindot ay
lumilikha ng tunog. "Masyadong mahirap i-distinguish kung aling number ang magpo-
produce ng sound na narinig ko. Halos pare-pareho kasi ang tono nila. Obviously, 0
at 9 ang unang dalawang number. Pakinggan n'yo to."

BIP! BOP! BIP! BIP!

"Ang unang apat na numero ay sa part na as-white-as-snow." She then continued


pressing another sequence of numbers, this time much longer than the first one.

BIP! BIP! BOP! BIP! BIP BIP! BOP!

"At ang sumunod na pitong numero ay sa mismong part na Ma-ry-had-a-lit-tle-lamb.


Kung susundin ang tonong 'yon, ganito ang number na lalabas." Tanging kay Loki niya
iniharap ang kanyang phone kaya kinailangan ko pang lumapit sa kanya para makita
ang mga numero.

It's 0921-624-8963.

"Pero hindi lang 'yon ang number na pwedeng ma-generate na may tune ng Mary Had A
Little Lamb. Pwede rin kasing

ganito." Binura niya ang mga numero at muliing pumindot ng panibagong sequence.
Kahit magkaiba ang number na lumabas sa screen, pareho rin ang tonong nilikha nito.
Hindi ko nga napansin ang pagkakaiba nito sa nauna.

This time, it's 0927-381-5369. She also tried a couple of other numbers and they
all produced the same familiar tune. It's hard to distinguish which one matched
Moriarty's number perfectly.

Now that we have a lead, we still can't do anything about it.

"It seems that we need to force the information from his mole in the campus
police." Mukhang hindi nadismaya si Loki sa naging resulta ng aming keypad tone
experiment. May ngiti pa ngang nakapinta sa kanyang mga labi. "If he has a list of
numbers in his call log, the one that matches the tune of that nursery rhyme is the
answer."

"Huwag mong sabihing plano mong nakawin ang phone ni Bastien?" tanong ko. Alam kong
may talent din sa pickpocketing itong si Loki. Noong humingi sa amin ng tulong ang
kuya niyang si Luthor, 'yon ang technique na ginamit niya para makuha ang phone ng
salarin na naglalaman daw ng mga compromising photograph ng student council
president.

"In case we bumped into him one of these days, we need to think of a way to extract
that piece of information," iniwasan niyang direktang sagutin ang aking tanong.
"Hindi natin dapat palampasin ang pagkakataong ito."

The biggest mystery for now is what was Office Bastien doing in the gymnasium?
Moriarty wasn't behind Loki's fake abduction so why was his agent loitering around
that area and why would he contact him? Was it only a coincidence that he was
there? Or

there's something else at play here?

But we didn't have to wait for days or hours to make progress in our investigation.
May narinig kaming katok sa naka-lock naming pinto at pilit na pagpihit sa
doorknob. Sumenyas ako kay Jamie na buksan ang pinto pero inirapan niya lamang ako
at ngumiti sa direksyon ni Loki. Ako na mismo ang tumayo't nagbukas ng pinto para
sa kung sinumang nasa kabilang panig nito.

To my shock and horror, it was the very man whom we were talking about moments ago.
Kahit na binati niya ako ng isang ngiti, napalunok ako ng laway at napahakbang
paurong. Muntikan ko nang isara muli ang pinto para hindi na siya makapasok pa.

Kalma lang, Lorelei, kalma lang. Hindi niya dapat mahalatang may nalalaman ako
tungkol sa kanya.

"Good morning, ma'am!" nakasaludo niyang bati sa 'kin. Tumugon ako ng matamis na
ngiti sa kanya, kunwari'y natutuwa akong makita siya ngayong umaga.

"A-Anong maitutulong namin sa 'yo?"

"May gusto sanang ipakonsulta sa inyo si Inspector Estrada kaya ipinadala niya ako
rito," paliwanag niya, hindi pa rin tinatanggal ang pagkakalagay ng kanyang kamay
sa noo. "Pwede ba akong tumuloy para ma-discuss ko sa inyo?"

"Si-Sige."

Nagmadali akong bumalik sa aking puwesto at napansing bahagyang nanlaki ang mga
mata ni Jamie. Si Loki, hayun, walang pakialam na parang walang kalaban nakatapak
ngayon sa aming teritoryo.
"Oh? Meron pala kayong bagong-OUCH!" Naipit ang kanyang daliri nang sinubukan
niyang isara ang pinto. Hinipan niya ang kanyang kamay ng hangin para mabawasan ang
sakit nito. Taking his clumsiness into account, I don't

know if this guy's really connected to Moriarty.

Unless he's putting up an act like Jamie whenever Loki's around.

Pinapaypay pa ni Bastien ang kanyang kamay nang umupo sa tabi namin, medyo
namumula't nagsisimula nang mamaga.

"It seemed that the inspector is busy the past few days," komento ni Loki, hindi
nakatingin sa kanyang kausap. "May iba pa ba siyang mas interesanteng kaso na
hinahawakan?"

"Pa-Parang gano'n na nga," tugon ni Bastien. "Kaya ako ang dakilang utusan niya
kapag may gusto siyang ipahatid o ipatawag."

"So what brought you here?"

Inilabas niya ang bitbit na Tablet PC at ilalapag sana sa mesa. Pero bago pa niya
ito mailagay sa ibabaw, dumulas ito sa kanyang kamay at bumagsak sa sahig. Mabuti't
hindi nagkaroon ng crack ang screen nito at mukhang fully functional pa naman.

"Meron kaming natanggap na missing person case noong isang araw," panimula niya
habang may hinahanap sa tablet. "Isang Grade 10 na babaeng estudyante ang hindi raw
nakauwi sa bahay nila dalawang araw na ang nakararaan."

"Gusto n'yong hanapin namin siya, gano'n ba?" tanong ni Loki, halatang hindi siya
interesado sa nababagot niyang boses. "Posible kayang nagtanan ang babaeng 'yan
kasama ang boyfriend niya? O kaya baka naglayas dahil mapang-abuso ang mga magulang
niya?"

Natahimik ng ilang segundo si Bastien at napakurap ang mga mata. "Actually, hindi
na siya kailangang hanapin pa dahil natagpuan na siya kagabi."

Napataas ang kilay ni Loki habang napakunot ang noo ko. Taimtim namang nakikinig si
Jamie. Kung nahanap na ang biktima, bakit pa kailangang kumonsulta

ng campus police sa club namin?

"Teka, dapat ko sigurong linawin 'yon. Nahanap na siya pero wala nang buhay sa
isang abandonadong gusali ilang metro mula rito sa campus. Natagpuang sinunog ang
kanyang katawan, halos 'di na nga makilala kundi lang dahil sa gamit niyang
nakakalat doon."

Napatakip ng bibig si Jamie, muntikan nang masuka sa kanyang narinig. Malamang na-
imagine niya kung ano ang itsura ng babaeng tinusta ng apoy. Wala namang reaksyon
si Loki pero mukhang nakuha na ni Bastien ang interes niya sa kaso.

"At bakit may dala-dala kang tablet? Gusto mo bang mag-check ng Facebook dito?"

Umiling si Bastien bago niya pinindot ang video folder sa screen. "Kagabi, may
isang anonymous Facebook user na nag-post ng isang video. Ipinakita sa amin ito ng
mga magulang ng biktima. Ang akala nami'y isa itong clip sa short film na ginagawa
ng mga estudyante. Pero mukhang nagkamali kami."

Pinindot niya ang play button at nilakasan ang sounds nito. Tumabi nang parang
lintang nakadikit sa katawan ni Loki si Jamie habang ako'y tumayo ilang pulgada ang
layo mula sa kanya. Sabay naming pinanood kung ano mang video ang gustong ipakita
ni Bastien.

Wala kaming nakita sa unang sampung segundo ng video maliban sa kadiliman. Nang
pumatak sa ika-labing-isang segundo, bumungad sa amin ang isang babaeng tahimik na
nakaupo. May busal siya sa kanyang bibig at nakagapos ang mga kamay at paa. Nasa
gitna siya ng isang kwartong walang pinto o bintana. Tanging ang sementadong pader
lamang ang makikita sa video pati ang mga kalat-kalat na sirang upuan at mesa.

Mula sa likuran ng lente, may tubig na biglang isinaboy

sa tila natutulog na babae. Pagdampi ng likido sa kanyang mukha, namulat ang mga
nanlaki niyang mata at pilit na nagpumiglas. Dahil sa sobrang likot niya, nahulog
siya mula sa pagkakaupo. Pinilit niyang tumayo pero dahil nakatali siya, nanatili
siyang gumagapang sa sahig.

Isang taong nakamaskara ang pumasok sa frame ng video, may bitbit na itim na
gasoline tank. Binuksan niya ang takip at ipinaligo ito sa babaeng naririnig naming
walang sawa ang pag-ungol. Kahit hindi gano'n ka-HD ang quality ng video, napansin
ko ang pagtulo ng kanyang luha habang nababasa ang kanyang katawan at damit ng
likido.

Nang maubos na ng taong nasa video ang laman ng tank, pumunta siya sa likuran ng
camera. Ang akala ko'y tapos na ang palabas pero may inihagis na lighter mula sa
labas ng frame at tumama sa babaeng nakahandusay sa sahig. Biglang nagliyab ang
katawan niya at mas lumakas ang kanyang pag-ungol, nagmamakaawang sana'y itigil na
ang pagpapahirap sa kanya.

"Ta-Tama na!" Hindi na nakayanan ni Jamie ang kanyang napapanood kaya tumalikod
siya nang nakapikit ang mga mata at natakip ang mga tenga. Ayaw na niyang makita
ang pangingisay ng babaeng nasa video na parang lintang binudburan ng asin.

Oo nga pala, dahil sa retentive memory niya, posibleng ma-register ang video na 'to
sa kanyang alaala at paulit-ulit na mag-play sa kanyang utak. Kumpara kasi sa isang
hard drive, hindi gano'n kadaling magbura ng "file" sa utak nating mga tao.

Nakakapagtaka dahil hindi na ako napatingin palayo habang pinapanood ang gano'ng
kabrutal na pagpatay. Pareho kami ni Loki na seryosong nakatutok sa paglamon ng
apoy sa katawan

ng babae. Posible kayang dahil sa mga nakita kong bangkay sa iba't ibang crime
scene, na-desensitize na ako sa karahasan?

"And why have you shown that video?" tanong ni Loki nang matapos na ang aming
pinapanood.

"Na-take down na ang video na 'to sa Facebook, pero may iilang nag-download at
nagre-reupload," sagot ni Bastien sabay patay sa dala niyang tablet. "Ang babaeng
nasa video ay siya ring natagpuang sunog sa abandonadong gusali. At mukhang
sinadyang i-video ng salarin ang ginawa niyang panununog."

"We have a lunatic on the loose," Loki commented lazily as he shot a curious glance
at Bastien. "So how can we help our premier campus police department? With all the
resources you've got, you can solve this case on your own. Why come to us?"

"Meron na kaming lead sa kung sino ang posibleng may gawa nito sa biktima. Ang
pangalan nga pala niya'y Faye Figueroa. Hinala ng mga magulang niya, isa sa mga
kasama ni Faye sa kanilang org ang salarin."
"Org?"

"Student Executive Committee, kung hindi ako nagkakamali."

Pagkarinig sa pangalang 'yon, napasandal si Loki sa kanyang upuan at napakrus ang


mga braso.

"Ang SEC pala..." bulong ni Jamie, napahawak sa kanyang baba. "Hindi ba't sila ang
nagsisilbing kanang kamay ng student council?"

Ngayon pa lang ang unang beses na narinig ko ang organisasyong 'yon.

"May kakayahan kaming imbestigahan ang suspek sa SEC pero kapag ginawa namin 'yon,
masyadong agaw atensyon," paliwanag ni Bastien sabay pindot sa kanyang tablet at
ipinakita ang larawan ng umano'y suspek. "Kaya gusto sana ng inspector na kayo ang

magtanong-tanong para hindi sila gaanong maalarma."

Sa unang tingin, iisipin mong nagkamali ng larawang ipinapakita itong si Bastien.


Maamo kasi ang itsura ng lalaking nakangiti sa litrato, katulad kay Dr. Jose Rizal
ang ayos ng buhok. Kapansin-pansin din sa litrato ang badge na naka-pin sa kwelo ng
kanyang polo, malamang 'yon ang simbolo ng pagiging miyembro niya ng SEC.

"Siya si Hector Alvarez, kasama ni Faye sa kanilang org at ang itinuturong lead
suspect ng mga magulang ng biktima. Siya kasi ang boyfriend ng biktima at ang
posibleng huling nakasama nito bago siya mawala at natagpuang sinunog."

"Alvarez... Teka, may koneksyon ba siya sa mayor natin?" tanong ni Jamie, mukhang
pamilyar sa kanya ang apelyido ng nabanggit na lalaki.

Nag-alangang sumagot si Bastien at napatingin pa sa ibang direksyon. "Oo. S-Sa


katunayan, pamangkin siya ng mayor ng Angeles."

"I see..." nanliit ang mga mata ni Loki. "Kaya pala gusto n'yong kami ang mag-
imbestiga dahil kapag involved ang campus police at nalaman ng mga estudyanteng
pinaghihinalaan n'yo si Nestor, lilikha ito ng malaking iskandalo."

"Kaya nga hangga't maaari, gusto ng inspector na maging discreet sa imbestigasyon


at kayo ang unang pumasok sa isip niya."

"Huwag kang mag-alala, Officer Bastien. We will take it from here. Expect to hear
from us anytime today. May I get your number so we can contact you for any
developments in the case?"

With that, the campus police intern took his leave and left our clubroom in peace.
For a moment or two, our worry about him being Moriarty's asset vanished as we
chose to focus on the case at hand.

"Ano

nang gagawin natin?"

Tumayo si Loki't nagtungo sa may pintuan, nagbabadyang umalis at iwan kaming dalawa
rito ni Jamie. "We will start the investigation right away. The sooner we close
this case, the sooner we can focus our collective attention to the mysterious
intern. Kayong dalawa ang pupunta sa office ng student executive committee habang
ako nama'y magtse-check ng mga security video sa araw na nawala si Faye."
"Eh? Pwede bang sumama na lang ako sa 'yo, Loki?" mabilis na hirit ni Jamie bago pa
mapihit ni Loki ang doorknob. "Mas marami akong matututunan kung sasama ako sa 'yo,
tama?"

Inasahan ko nang gano'n kaagad ang magiging reaksyon niya. But hey, is she saying
that I'm not competent enough to do my own investigation?

"Don't worry, Jamie. Our colleague here is an able detective-in-training. You could
learn a thing or two from her. See you later at lunch time."

At tuluyan na siyang nawala sa aming paningin. Naiwan kaming dalawa ni Jamie sa


clubroom, namayani nang ilang segundo ang katahimikan sa loob.

"So it's you and me again," Jamie said, annoyed by the unfavorable turn of events.
"It feels like deja vu, huh?"

"We have no time to trade barbs," sagot ko sa kanya bago ako nagtungo sa may
pintuan. "Kung gusto mo, pwede kang magpaiwan dito."

She rolled her eyes as she followed behind me. The two of us left the clubroom and
reached for the stairs.

Mabuti't hindi ko siya iniwan doon. Hindi ko kasi alam kung saan matatagpuan ang
opisina ng student executive committee. I had to endure Jamie's blunt remarks
before she hesitantly led me to our destination. Nakarating kami

sa bandang dulo ng hallway ng first floor at tumigil sa tapat ng pintong may


nakasulat na STUDENT EXECUTIVE COMMITTEE OFFICE. Katabi nito sa pinakadulo ang
opisina ng kapita-pitagang student council.

"Before we enter the lion's den, have you come up with a brilliant plan?" Jamie
crossed her arms across her chest and looked at me with the tiniest hint of trust
in her eyes. "Huwag mong sabihing basta-basta ka papasok diyan?"

Ah... er... I haven't thought of anything at all.

"Geez! Dapat kaming dalawa ni Loki ang nag-imbestiga rito habang ikaw 'yong nag-
check ng security footage," naiiritang sabi niya. However, there's no point crying
over spilled milk.

Come to think of it, why would Loki choose poring over minutes or hours of security
footages-which is in fact a boring task-over asking about the victim and the
suspect?

"Oh? That's a face you don't get to see every day."

Matagal-tagal ko na ring hindi naririnig ang boses na 'yon. Hindi ko na kailangang


tumalikod pa upang makita kung sino ang nagsalita sa likuran ko.

Ngayon, naintindihan ko na kung bakit mas pinili ni Loki na kaming dalawa ni Jamie
ang ipadala rito. Malamang iniiwasan niyang makasalubong si Margarette, ang babaeng
abot hanggang buwan yata ang galit sa kanya.

"Do you have any business with us?" tanong nito. "Or did you get lost?"

Para hindi ako magmukhang bastos, humarap ako sa kanya. Her iconic eyeglasses shone
under the light, hiding her eyes from my sight.

"And that magnet of tragedies isn't tagging along with you, huh? And who's this? A
new rec-"

Her tongue froze for a moment

as she shot a wide-eye stare at Jamie who's been looking at her with such interest.
This reminded me of what happened days ago when Loki set his gaze on Jamie for the
first time. Napansin niya siguro ang pagkakahawig ng kasama ko at ng kanyang
yumaong kaibigan. They could have mistaken her as Rhea's spitting image.

"Uhm... Nandito kami dahil iniimbestigahan namin ang pagkawala at pagkamatay ng isa
sa mga miyembro ng SEC." My words snapped Margarette back to reality. She slowly
shook head, brushing off the thought in her mind, and returned her gaze to me.

"You mean Faye Figueroa? And why is her death the Q.E.D. Club's business?"

Natahimik ako nang ilang segundo, hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa kanya na
ang campus police ang nagpadala sa amin dito.

"I think it's none of your business," 'yon na lamang ang mga salitang nakatakas sa
aking bibig. "Nandito kami para kausapin si Hector Alvarez."

"It is definitely my business. I am the chairwoman of the student executive


committee."

Oh, shoot! Wala akong ideya na gano'n pala ang posisyon niya rito sa campus.
Masyado akong nagpadalos-dalos. Ito siguro 'yong nabanggit sa 'kin ni Loki noon na
hawak ni Margarette ang isang mahalagang posisyon sa student hierarchy.

"Just so you know, the SEC is already conducting an internal inquiry about the
matter so external interference is no longer needed," Margarette continued as she
held the doorknob of their office door. "Pwede na kayong bumalik sa clubroom n'yo
at humigop ng tsaa."

"Pero wala naman sigurong masama kung magsasagawa kami ng hiwalay na imbestigasyon,

'di ba?" tanong ni Jamie, dahilan para huminto si Margarette at lumingon sa kanya.
"Mas mabuti kung may ibang pares ng mata ang titingin sa kaso mula sa ibang
anggulo, tama?"

Nagkatitigan silang dalawa, wala ni isa sa kanila ang nag-alis ng tingin. It took a
few more seconds before Margarette's eyes looked away together with a deep sigh.

"Is this one of Loki's tricks?" bulong niya habang nakatingin sa ilalim at
napahigpit ng hawak sa doorknob. "Anyway, I will allow you to talk to Hector. But
you have to wait outside. Unauthorized students are not allowed beyond this area."

And that explained why Loki asked Jamie to come with me. He probably anticipated
that if Margarette would refuse to help us out, Jamie's resemblance to Rhea could
change her heart. That sly fox who's probably as cunning as his namesake God.

"By the way, this case is of a sensitive nature. If you mess up, everything we have
worked so far will crumble into dust." Margarette shot a threatening glare at me,
one that sent chills to my spine, before forcefully closing the door.

"Nice acting," komento ko kay Jamie.

"I won't be known as a theater actress for nothing," tugon niya at saka ngumisi.
"But what's with her and Loki's reaction the moment they saw me? Para silang
nakakita ng multo."
She's really clueless about Loki and his past.

"Alam mo ba kung bakit?" panimula ko. Sa tingin ko'y wala namang problema kay Loki
kung sasabihin ang totoo sa kanya. "Dahil kamukha mo 'yong pumanaw nilang kaibigan.
'Yang naka-braid mong buhok, 'yan ang lalong nagpapaalala sa kanila sa babaeng
'yon.

Ang pangalan niya'y Rhea."

Yumuko si Jamie at bahagyang humina ang boses. "I-I didn't know that my looks would
bother them, especially Loki. Dapat ko bang palitan ang hairdo ko?"

Wala ako sa posisyon para sagutin ang tanong niya. Hindi naman kasi ako nababagabag
kapag nakikita siya sa ganyang ayos. Kung may dapat siyang tanungin, si Loki 'yon.
Pero at least, nakatulong kahit paano ang pagkakahawig niya kay Rhea sa sitwasyon
namin ngayon.

Bumukas ang pinto ng SEC office at lumabas ang isang lalaking namumukhaan namin.
Kumpara sa litratong ipinakit ni Bastien kanina, makapal at malalim ang eyebags ng
lalaking 'to at parang depressed na depressed sa nangyari.

"Sabi ni madam, gusto n'yo akong makausap? Ako nga pala si Hector Alvarez," inialok
niya sa amin ang kanyang kamay upang pormal na magpakilala. "Ayos lang ba kung
sagutin ko ang mga tanong n'yo habang naglalakad tayo papunta sa parking lot?"

"Walang problema sa amin. Pasensya na sa abala."

"Pinapabili kasi ako ni madam ng mga material para sa redecoration ng office namin.
Tara?" He led the way while Jamie and I followed behind him.

Sa unang tingin, hindi mo aakalaing magagawa niyang sunugin at kunan ng video ang
pagpatay niya kay Faye, kung sakaling siya nga ang salarin. Wala kasi sa itsura
niya kahit saang anggulo tingnan. But looks can be deceiving. Minsan, kung sino pa
ang mukhang inosente, siya pala ang may motibo at masamang balak.

"Gusto sana naming magtanong tungkol sa girlfriend mong si Faye, kung okay lang sa
'yo." Alam kong hindi ito ang tamang panahon para batuhin siya ng mga tanong lalo't
natagpuang patay ang

kanyang kasintahan kahapon. Pero kinapalan ko na ang mukha ko para may mai-report
kami kay Loki mamaya.

A forced smile was plastered on his face. "Bakit, iniisip n'yo bang ako ang may
gawa noon sa kanya? Sa tingin n'yo ba, kaya kong gawin 'yon sa babaeng mahal ko?"

No one can tell, Hector. Love is a vicious motivator for murder. Posible kasing
nalaman mong may ibang lalaki sa buhay ni Faye o kaya'y nakikipaghiwalay na siya sa
'yo pero ayaw mong mawala siya sa piling mo. Kaya imbes na mapunta siya sa iba,
pinatay mo na lang siya. The list of possibilities is probably as long as the
hallway we were walking on.

I would have told him those words but I shouldn't. Hindi siya dapat maghinala na
pinagsuspetyahan namin siya.

"Actually," biglang sumingit si Jamie bago ako makasagot, "kanina pa namin ini-
interview 'yong mga taong malalapit sa kanya. Hindi namin kayo tinatanong ng kung
ano-ano dahil naghihinala kaming isa sa inyo ang nasa likod ng brutal na pagpatay
sa kanya. Gusto lang namin makita ang bigger picture para magkaideya kami kung ano
talaga ang nangyari kay Faye."

Although it was an obvious lie (dahil si Hector lang ang kakilala ni Faye na
nakausap namin), Jamie sounded so convincing that anyone would believe any word
that would come out of her mouth. As expected from someone of her caliber.

"Sige, ano bang gusto n'yong malaman?"

"Huling nakita si Faye rito sa campus dalawang araw na ang nakararaan, tama?"

"Oo, last ko siyang nakita noong afternoon break. Pareho kaming nasa SEC office
noon, may inaasikasong paperwork na inutos ni madam."

"Hindi

na kayo nagkita after no'n?"

Umiling si Hector, malayo ang tingin na tila inaalala ang mga huling sandaling
kasama niya si Faye. "Bumalik na kami kasi noon sa mga classroom namin. Taga-Class
11-B ako habang siya'y taga-Class 10-B. Nagkasundo kaming dalawa na magkikita sa
parking lot kapag tapos na ang klase namin. Heto o."

Ibinigay niya sa amin ang kanyang phone kung saan mababasa ang message thread
nilang dalawa ni Faye.

Hector (3:45 PM): Babe, diretso na tayong magkita sa parking lot?

Faye (3:47 PM): Sige pero may dadaanan muna ako. Okay lang ba, babe?

Hector (3:48 PM): Samahan na kita mamaya, gusto mo?

Faye (3:50 PM): Huwag na. May ka-meeting lang ako sandali. :)

Hector (3:52 PM): Okie. Mag-text ka kapag on the way ka na, ha? Ingat!

Faye (4:12 PM): Pasensya na, babe! Medyo natagalan. Papunta na ako riyan sa parking
lot. Don't leave me, ha?"

Hector (4:14 PM): Ikaw pa? Kahit hanggang mamaya, maghihintay ako rito basta para
sa 'yo.

Hector (4:30 PM): Babe, where ka na? Ang sabi mo papunta ka na?

Faye (4:50 PM): Sorry, something came up. Okay lang ba kung mauna ka na? Ite-text
na lang kita kapag nakauwi na ako.

Hector (4:52 PM): Hey, okay lang? Saan ka ba ngayon? Gusto mong puntahan kita?

Hector (6:00 PM): Good evening, babe! Nakauwi ka na ba?

Hector (6:22 PM): Babe?

Wala nang natanggap na reply si Hector mula sa kanyang babe, este mula kay Faye.

"Ang sweet n'yo namang dalawa," komento ni Jamie. Ano bang sweet sa naging
conversation nilang dalawa? Nanindig pa nga ang mga balahibo ko habang tinitiis na
basahin ang bawat

message nila.
"Ang hinala ko, kung sino man ang ka-meeting niya bago kami nagkita, siya ang may
kagagawan ng karumal-dumal na bagay na 'yon kay Faye," napakuyom ang mga kamao ni
Hector at nakita ko sa kanyang mga mata ang galit. "Kapag nalaman ko kung sino
siya, seseguraduhin kong mas masahol pa sa sunog ang ikakamatay niya."

"Wala ka bang ideya kung sino ang taong ka-meet niya noong araw na 'yon?" tanong ko
habang palabas na kami sa high school building. Bumungad sa aming tatlo ang
nakakapasong sikat ng araw.

"Wala siyang nabanggit sa 'kin. Pero baka 'yong lalaking nakita kong kausap niya
dati. Mukhang kahina-hinala at hindi katiwa-tiwala. Nakababa ang bangs ng lalaking
'yon at halos hindi makita 'yong isang mata niya. Naninigarilyo pa siya noon kung
hindi ako nagkakamali. Hindi ko na tinanong si Faye kung sino 'yon dahil ayaw kong
isipin niyang sinusundan."

Biglang nag-flash sa utak ko ang itsura ng taong nakita ko noong dinala sa ospital
si Loki. Kaparehong-kapareho ng description ni Hector ang kahina-hinalang lalaking
'yon. Kung iisa nga sila, bakit makikipagkita si Faye sa kanya? Posible kayang siya
talaga ang nasa likod ng kasong ito?

Hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa parking lot kung saan nakaparada
ang itim na kotse ni Hector. Mukhang bagong modelo o kaya'y bagong car wash kaya
walang kahit anong bahid ng putik sa gulong o katawan nito. Tinted rin ang bintana
kaya mahirap makita kung anong nasa loob.

"Kung may kailangan pa kayong itanong sa 'kin, pwede n'yo akong puntahan mamaya sa
office namin." Binuksan ni Hector ang pinto sa may driver's seat.

Bago siya tuluyang makapasok, humirit pa ako. "O-Okay lang ba kung makuha namin ang
number mo? Para mas madali ang communciation natin kung sakaling may tanong pa
kami."

"Sure, I don't mind."

Pagkabigay niya sa kanyang numero, humarurot na ang kanyang sasakyan at unti-unting


naglaho sa aming panangin.

"He's a damn good actor," komento ni Jamie habang tinatanaw mula sa malayo kung
nasaan na ang kotse ni Hector. "If he's lying, that is. Kapani-paniwala ang kanyang
kwento but I'm not totally convinced. Base sa message thread nila ni Faye, maayos
naman ang relasyon nila kaya ano ang posibleng motibo para gawan niya ng masama ang
babaeng 'yon?"

"Pero ang kwento niya tungkol sa kahina-hinalang lalaking kasama ni Faye noon,
mukhang totoo naman," dagdag ko. "Unless he's sending us to a wild goose chase.
Baka sinabi niya 'yon sa atin para ilihis ang atensyon natin sa kanya."

Napatingin ako sa orasan ng aking phone at saka nabaling ang tingin ko kay Jamie.
Tatlong minuto na lamang bago mag-alas-diyes. "Anyway, mamaya na natin pag-usapan
sa clubroom ang napag-usapan natin dito. Oras na para sa second half ng morning
period natin."

***

Pagpatak ng alas-dose ng tanghali, nagkita-kita kaming tatlo nina Loki at Jamie sa


clubroom. Sinimulan naming talakayin ang resulta ng mga ginawa naming pagtatanong-
tanong at pag-iimbestiga nitong umaga.
Muli kong ikinwento kay Loki ang isinalaysay sa amin ni Hector. Kahit ako ang
nagsimulang magkwento, laging sumisingit si Jamie para magpakitang-gilas at
iparamdam na may silbi siya rito sa club maliban sa kanyang retentive memory.

Hinayaan ko na lamang itutok sa kanya ang spotlight, malamang nasanay na siya sa


gano'ng atensyon.

Now it's Loki's turn to share his findings. Hindi pa man siya nagsasalita, tutok
na tutok na sa kanya si Jamie, parang isang estudyanteng nasasabik na marinig ang
lesson na ituturo ng kanyang guro.

"I watched two videos at the security office earlier-ang CCTV footage sa entrance
ng high school building at sa mismong gate ng campus noong araw na napabalitang
huling nakita si Faye. She was seen leaving the building at 4:15 PM but she was
never seen leaving the campus grounds through the gates."

"Around 4:12 PM noong na-receive ni Hector ang text message ni Faye na nagsabing
papunta na siya sa parking lot," bulong ni Jamie, muli na naman niyang ipinapamalas
ang kanyang matalas na memorya. "Kung gano'n, totoo ngang on the way na siya noon
sa meeting spot nila ni Hector."

"Pero anong kinalaman ng hindi niya pagpapakita sa CCTV footage sa main gate?"
tanong ko. "Indikasyon ba 'yon na nasa campus pa siya noong oras na 'yon?"

Loki reclined on his chair and tilted his head to face the ceiling. "The CCTV
camera at the gates only captures those students who are entering and leaving the
campus on foot. The fact that Faye didn't appear on the footage only means one
thing: Hindi siya naglakad palabas ng campus. Someone sneaked her out of school
through a not-so-suspicious method."

"Ipinasok siya ng salarin sa kotse, tama? Kung nakapokus ang camera sa mga
estudyanteng naglalakad papasok at palabas ng campus, the cars going in and out
won't be noticed," I deduced.

"As long as they have

the school gate pass," dagdag ni Loki, nakataas ang kanyang hintuturo. "At dahil
sinabi n'yong makikipagkita dapat si Faye kay Hector sa parking lot, everything now
makes sense."

"So it's Hector after all." Pero may bumabagabag pa rin sa 'kin. Anong motibo niya
para gawin 'yon? "Kung talagang nagkita silang dalawa sa parking lot, posibleng
boluntaryong pumasok si Faye sa kotse at hindi na kinailangan pang pwersahin ni
Hector."

"Teka, 'di ba may natanggap na text message si Hector mula kay Faye na nagsasabing
mauna na siya around 4:50 PM?" tanong ni Jamie. "Ang ibig n'yo bang sabihin, fake
din ang message na 'yon? At paano niya nagamit ang phone ni Faye para mag-send ng
message sa kanya?"

"It was probably meant to establish an alibi for Hector or, at least, reduce the
suspicion anyone might have on him," paliwanag ni Loki. "Posibleng nilagyan ni
Hector ng pampatulog ang aircon ng kanyang kotse kaya pagpasok ni Faye rito, unti-
unti siyang nakatulog. Para hindi siya madamay ng pampatulog, malamang lumabas muna
ang salarin habang hinihintay itong tumalab. Nang mawalan nang malay ang kanyang
biktima, kinuha niya ang phone nito at saka nagpadala ng text message sa sarili
para kunwari'y may ibang pinuntahan ang kanyang ka-meeting."

Tumango ako sa senaryong inilahad niya sa amin. That's the most probable
explanation if Hector is indeed the culprit. Tinted rin ang car window niya kaya
hindi masisilip ng mga security guard sa gate kung may iba siyang kasama sa loob.

"He also probably waited until it got dark before bringing his victim to the
abandoned building, meters away from

the school. Anong kulay ng kotse niya? Itim, tama? It would be a bit difficult to
identify a car with that color in the dark," pagpapatuloy ni Loki.

"Ano nang gagawin natin ngayon? Dapat na ba nating sabihin ito kay Officer Bastien
o sa campus police?"

"We have an idea on how he sneaked Faye from the school but we have no evidence
that would incriminate him," kontra ni Loki. "Tandaan n'yong kamag-anak siya ng
mayor kaya kung may akusasyon tayong ibabato sa kanya, dapat may kaakibat itong
ebidensya. Fortunately, I thought of a plan on how to produce the evidence."

"Teka, produce? Hindi natin hahanapin?"

"I don't think Hector is a fool to leave any traces in the crime scene. There's
nothing to be found in that abandoned building that would point him as the culprit.
Or at least, that's what he believes in."

"Imbes na magpaligoy-ligoy ka riyan, bakit 'di mo na lang direktang sabihin sa amin


ang plano mo?"

Humarap siya sa aming dalawa ni Jamie, may ngiting nakakurba sa kanyang mga labi.
"Do you know what gaslighting is? It is a form of psychological abuse where we
present false information to disorient our target. Hector probably believes at the
moment that his crime is perfect, but what if we tell him it isn't? Posibleng
magduda siya sa kanyang pinaniniwalaan at mapipilitan siyang gumawa ng isang bagay
na papabor sa atin."

Napapalakpak ang mga kamay ni Jamie at nakaukit ang pagkamangha sa kanyang mukha.
"Gaya ng inaasahan sa 'yo, Loki! May naisip kang paraan para mapatunayang siya nga
ang nasa likod ng krimeng 'yon!"

There's no need to praise him, to be honest. Sa tagal ko nang kasama ang lalaking
'yan,

hindi na ako nagugulat pa kung may kakaibang trick siyang naisip para ma-corner ang
suspek.

"Kinuha mo ba ang number ni Hector?"

Iaabot ko na sana kanya ang aking phone kung saan naka-flash ang number ng aming
suspek pero biglang sumingit itong si Jamie.

"It's 0915-246-13**," she spoke of every number as if she's reciting the letters of
the alphabet. How convenient it must be to have that kind of ability.

"Later, I'm going to text him that he forgot something in the crime scene,"
nakangising sabi ni Loki habang tina-type sa kanyang phone ang number ni Hector.
"He would probably panic and rush to the building where he did it."

"Sapat na ba ang pagbalik niya sa crime scene bilang ebidensya?"

"No. I'm thinking of something more clever than that. Malalaman n'yo rin mamaya.
Wala naman kayong lakad after class, 'no? Okay, so we will meet again later at four
o'clock and prepare the trap for him. Meanwhile, I need to get some things."

***

Nakakordon pa ng POLICE LINE DO NOT CROSS ang abandonadong gusali nang makarating
kami roon. Dahil maliwanag pa noong bandang alas-kwatro y media ng hapon,
kinailangan naming mag-ingat sa pagpasok dahil baka may makita sa amin at mag-
report na trespassing kami.

Aakalain mong pinamumugaran na ng mga espiritu ang dalawang palapag na bahay na 'to
dahil sa bitak-bitak nitong sahig at dingding. Wala nang gamit rito maliban sa mga
sira-sirang kagamitan na iniwan na lang basta-basta ng may-ari nito. Hanggang
ngayo'y naaamoy ko pa rin ang nakakasulasok na amoy ng gasolina at ng nasunog na
bangkay rito.

Umakyat

kami sa second floor kung saan walang bintana, kagaya ng nakita namin sa video.
Kitang-kita pa rin sa sahig ang marka kung saan sinunog nang buhay ang kaawa-awang
babae. Napatakip kami ng ilong ni Jamie habang si Loki'y naglibot-libot sa kwarto.
Ipinatong niya ang dala-dalang camera sa isang spot kung saan hindi kaagad makikita
ng sinumang papasok dito.

"Ngayon, kailangan nating hintayin ang pagdating ni Hector," sabi niya sabay turo
sa barikadang ginawa niya gamit ang mga sirang gamit doon. Mabuti't hindi pa 'yon
gaanong nasunog. "In the meantime, we need to hide until he arrives."

Tumabi sa kanya si Jamie habang ako'y ilang talampakan ang layo sa kanila, malapit
sa inilapag na camera. Inianggulo ko ito para kaagad na makita ang pagpasok ng
hinihintay naming salarin.

Lumipas muna ang ilang minuto bago namin narinig ang tunog ng makina ng kotse sa
labas. Dahil walang bintana rito, hindi namin alam kung kay Hector ang sasakyang
'yon. Nanatili na lamang kaming tahimik habang inaabangan ang kanyang pag-akyat sa
second floor.

Hindi na kami nagulat nang lumitaw sa aming paningin ang lalaking nakausap namin
kanina. Nakatakip ang kanyang bibig ng panyo habang palinga-linga sa paligid.
Tumingin siya sa bawat sulok at unti-unting papalapit kung saan kami nagtatago.

Biglang tumayo si Loki, may suot-suot na gloves at may hawak-hawak na maliit na


kumikinang na bagay. "Hello, Nestor. Heto ba ang hinahanap mo?"

It's Hector, Loki, not Nestor! Ipinakita niya ang isang badge na pamilyar ang
itsura.

"Hindi ba 'yon ang simbolo ng mga taga-SEC? May ganyan din si Margarette, 'di

ba?" bulong ni Jamie habang pinapanood ang makapigil-hiningang eksena sa pagitan


nina Loki at Hector.

Ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng palda ko kung saan nakatago ang stun pen.
Kung sakaling may mangyaring kaguluhan dito, at least nakahanda akong gamitin ito
sa aming salarin.

Ibinaba ni Hector ang hawak niyang panyo at itinuro ang daliri sa aming kasama. "I-
Ikaw si Loki, 'di ba? Mula sa Q.E.D. Club, tama? Marami na akong narinig tungkol sa
'yo. Ikaw rin ba ang nag-text sa 'kin kanina?"
"Pumunta kasi ako kaninang tanghali rito para maghanap ng clue na magtuturo sa
salarin. At tingnan mo kung anong nahanap ko-isang badge ng miyembro ng student
executive committee!"

Teka, hindi naman siya pumunta rito kanina. Kaya anong pinagsasabi niyang-teka,
baka parte ito ng kanyang trick.

"Ikaw ang nagmamay-ari niyan, tama?" nakangising tanong ni Loki, puno ng kumpiyansa
ang kanyang boses. "Habang sinusunog mo nang buhay si Faye, hindi mo namalayang
natanggal 'yan sa kwelyo mo."

Inihagis niya ang badge na sinalo naman ni Hector. Ilang segundo niya rin itong
sinuri bago ibinatong muli kay Loki.

"Hahaha! Nagkakamali ka. Hindi ko suot ang badge na 'yan noong pumunta ako rito
kaha-"

Ngunit huli na nang mapagtanto niyang nadulas ang kanyang dila. Tiyak na nakunan
'yon ng aming naka-set up na camera dito.

"Aamin ka ba sa krimeng ginawa mo kay Faye? O magmamatigas ka pa?"

Ngumisi si Hector na parang demonyong nag-anyong tao. Nawala na ang inosenteng


mukhang bumati sa amin kaninang umaga. "Sa tingin mo ba, sapat na 'yon para madiin
n'yo ako sa krimeng sinasabi

n'yong ginawa ko?"

"That slip of the tongue? No. But this," muling ipinakita ni Loki ang badge na
ibinalik sa kanya ni Hector. "This badge now has your fingerprints. I can tell the
police that I found this thing while searching for evidence in this building. You
will then officially become suspect number one. Imagine the scandal that it will
cause to your family."

"Ang galing..." tutok na tutok si Jamie sa panonood kay Loki, manghang-mangha sa


ginamit nitong trick para makapag-produce ng ebidensya kahit na sa maduming paraan.

"The police can also conduct a thorough search on this floor and they will no doubt
find your fingerprints now that you have revisited the crime scene," dagdag ni Loki
sabay lagay ng badge sa loob ng plastic. "Na-record din namin ang pag-akyat mo rito
sa second floor through our cleverly concealed camera kaya kung ako sa 'yo, mas
mabuti pa kung sumuko ka na sa pulis."

"Hihihihi..." Yumuko si Hector at tumawa nang mahina. Habang tumatagal, lalong


lumalakas ang paghalakhak niya, tuluyan na yata siyang nasapian ng masamang
espiritu. "Hahahaha! HAHAHAHA!"

Inilabas ko na ang hawak-hawak kong stun pen. Kung bigla niyang atakihin si Loki,
nakahanda na akong gamitin ito laban sa kanya.

"Binalaan na nila ako tungkol sa 'yo, pero hindi ako nakinig," nakangising sabi ni
Hector. His calm face earlier twitched and turned into a facade of the devil.
"Masyado yata kitang minaliit. Kasama mo ba sa maliit mong club 'yong dalawang cute
na babaeng nagtanong sa 'kin kanina?"

"Who warned you about me?" Loki ignored his last question.

"Huwag kang magmaang-maangan


na 'di mo siya kilala," lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Hector. "O baka gusto
mo pang banggitin ko ang pangalan niya-si Moriarty."

Loki clenched his fists at the mention of that name but he tried to maintain his
cool. "Siya ba ang nag-utos na sunugin mo nang buhay si Faye?"

Naglakad-lakad sa maliit na kwarto si Hector pero hindi niya inaalis ang kanyang
tingin sa markang iniwan ng panununog niya kahapon. "Kasalanan ko kung bakit
nangyari ito kay Faye. Masyado siyang napalapit sa 'kin. Hindi, teka, kasalanan
pala niya. Kung hindi siya napalapit sa 'kin, hindi ko sana maiisipang tustahin
siya na parang lechon."

"What are you saying?"

"Ang relasyon namin ay isa lang ilusyon, isang kasinungalingan para mapalapit siya
sa 'kin," lumuhod si Hector malapit sa itim na marka at hinaplos ang sahig.
"Kamakailan ko lang nalaman na iniimbestigahan ako ng SEC dahil sa koneksyon ko kay
Daniel Gutierrez. Pamilyar ang pangalang 'yon sa 'yo, 'di ba?"

Nanatiling poker face si Loki kahit na alam niya kung sino ang tinutukoy ni Hector.
Kaming dalawa ni Jamie, sinusundan ang bawak galaw ng salarin, mula sa pagkumpas ng
kanyang kamay at paghakbang ng mga paa.

"Ginamit nila si Faye para obserbahan ang mga kilos ko. Mabuti't magaling akong
umarte at magpanggap na inosente kaya hindi nila kaagad nahalata. Noong isang araw,
tuluyan kong nakuha ang tiwala ni Faye at inamin niya sa 'kin kung anong
ipinapagawa sa kanya ng SEC. Kung hindi ko siya niligpit, tiyak na ako ang
napabalitang patay kahapon."

"He eliminates those who fail him. He doesn't leave loose ends, huh? That
Moriarty..."

Loki muttered, his eyes still transfixed at Hector.

Ngumiti ang salarin at ipinasok ang kamay sa kanyang bulsa. "Tama, isang malaking
kasalanan para sa kanya ang pagkakamali. Kaya nga..."

Mabilis na inilabas ni Hector ang isang Swiss knife mula sa kanyang pantalon at
tumakbo patungo sa direksyon ni Loki. Lumabas na ako mula sa pagkakatago at
inihanda ang hawak kong stun pen. Dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi kaagad
nakakilos si Loki. Mabuti't bago tumarak ang kutsilyo sa kanyang katawan, naidikit
ko na ang stun pen sa tagiliran ni Hector at pinindot ang button.

Bzzz!

Nabitawan nito ang hawak niyang Swiss knife at nangisay nang ilang segundo sa sahig
bago tuluyang nawalan ng malay.

That was a close one.

"LOOOKI!" Jamie rushed to our colleague's side. Kinapa niya ang katawan ni Loki at
tiningnan kung may natamong galos at sugat bago niya mahigpit na niyakap ito.

"I'd like to thank Lorelei for her quick reflexes but we need to proceed to the
second part of the plan." Okay, so his "thank you" will have to wait.

Inilabas niya ang kanyang phone at nag-dial ng numero. "Hello, Officer Bastien?" he
hissed like a snake. "I can't reach Inspector Estrada, his line is probably busy.
Can you please come to the crime scene? We are about to confront the culprit. Thank
you."

Hindi ko na tinanong pa kung bakit sinabi niyang kokomprontahin namin ang salarin
gayong napabagsak na namin siya. It's probably part of his plan.

"Now, girls," humarap siya sa aming dalawa ni Jamie. "You need to punch me in the
face. As hard as you can. 'Yong mukhang nakipagbugbugan

ako kay Hector."

***

Like in typical Filipino action movies, the campus police arrived when everything
was all said and done. Nadatnan nilang nakahandusay sa sahig si Loki na may bugbog
sa mukha at si Hector na walang malay. Kaming dalawa ni Jamie, hayun, nagpanggap na
kunwari'y na-trauma sa nasaksihan namin.

"Bakit hindi n'yo kami kaagad tinawag?" tanong ni Inspector Estrada, nakalagay sa
kanyang bewang ang mga kamay niya na parang nanenermon na magulang. "Sa mga
ganitong kadelikadong sitwasyon, huwag kayong basta-basta lulusong sa panganib!
Paano kung may nangyari sa inyo?"

"Pa-Pasensya na po," sabay kaming humingi ng paumanhin ni Jamie.

"Inspector, sabi ni Loki sa 'kin, hindi raw po niya kayo ma-contact kaya hindi nila
kaagad tayo naabisuhan," depensa ni Bastien. "Magpasalamat na lang tayo na walang
nangyari sa kanila."

Naghihimutok na bumaba ng second floor ang inspector at pinagsisigawan ang mga


officer niya sa labas. Naiwan naman si Officer Bastien kasama ang ilang crime scene
examiners na kumukuha ng litrato.

"Kahit kailan talaga..." bulong niya habang nakatitig sa walang malay na katawan ni
Loki.

Sumenyas ako kay Jamie para masimulan na namin ang plano. Tumayo siya't lumapit sa
aming target na pailing-iling dahil sa nangyari sa aming kasamahan.

"Officer, pwede ko bang mahiram ang phone n'yo? Kailangan ko kasing tawagan ang
parents ko, baka nag-aalala na sila kung bakit hindi pa nakakauwi nang ganitong
oras." Mangiyak-ngiyak pa si Jamie at nagpa-puppy eyes pa habang binibitawan ang
mga linya.

Napakunot ang

noo ni Bastien habang nakatitig sa naglalawang mata ni Jamie. "Wala ba kayong


dalang phone?"

"Iniwan po kasi namin sa clubroom kasi akala naming hindi magkakaaberya ang plano
ni Loki. Nahihiya naman akong humiram ng phone sa ibang officer dito o kaya kay
inspector."

Batid sa mukha ni Bastien ang pagdadalawang-isip kung dapat niyang pagbigyan ang
hinihinging pabor ni Jamie. Pero kinalauna'y sumuko rin siya't iniabot ang kanyang
phone.

"O, heto. Ang pass code ay 5-6-5-4."

"Thank you po!" Pinunasan ni Jamie ang kanyang luha bago sinimulang mag-dial sa
phone ni Bastien. With her retentive memory, it would be a piece of cake to
memorize all numbers in our target's call logs. And probably, among them, is the
number that would lead us directly to Moriarty. The moment she set her gaze on that
phone, Loki's plan became a success.

Habang inilalagay sa stretcher ang nagpapanggap naming sugatang kasama, pasimple


siyang nagbigay ng thumbs up. Everything went according to plan, from proving that
Hector is the culprit up to extracting the mysterious number.

Jamie did call her parents. Otherwise, it would be suspicious if no new number was
registered on the phone's call log. Nakangiti niyang ibinalik kay Bastien ang phone
at nagpasalamat.

Nang ibinaba na ang dalawang stretcher, sumunod kami ni Jamie. We were walking side
by side when I asked her, "Nakuha mo ba?"

"There were ten numbers in his call logs before I made a call. But only one seemed
to have followed the pattern. Hindi ko na kailangang i-turn on ang keypad tones
para malaman kung alin doon ang hinahanap nating number."

"So what is it?"

Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong,

"It's 0921-654-5666. Yes, it has the devil's number at the end."

###

P.S. Moriarty reveal next chapter and the end of season one! It will be a two-part
chapter kagaya ng Chapter 13: Moriar-tea.

What to expect in the season finale?

"The student council needs your help, Loki. This is no time to be stubborn!"

"Why don't you drop the act and reveal who you really are? It's a checkmate now."

"Twinkle, twinkle little star~ How I wonder what you are~"

"I am Moriarty. This isn't the first time we meet face-to-face, right, Loki?"

So... who's your top Moriarty candidate? I-COMMENT na 'yan!


=================

Volume 1 • Chapter 20: The Napoleon of Crime (The Code)

A/N: The final chapter of Project LOKI (Volume 1) will be divided into three
chapters.

LORELEI

MORIARTY'S IDENTITY is still a mystery but we are now one step closer to unveiling
it. Ngayong hawak na namin ang kanyang number (o kung sinumang malapit sa kanya),
may mabigat na clue na kaming magtuturo sa kanyang katauhan. Pero katulad sa isang
sugal, gaya ng sinabi sa 'kin ni Loki, hindi namin dapat kaagad ilabas ang alas.
Kailangan daw naming maghintay sa tamang oportunidad para ilahad ang hawak naming
baraha. Sa gano'ng paraan, mas masisiguro ang aming tagumpay.

"Once I dial this number, I want to see that person vis-a-vis answer my call so I
can confirm whether he is Moriarty or not," Loki told me when I brought up the
topic last night. He seemed to be fired up by the progress we have made yesterday.
"Texting or calling him now would be an idiotic move. We need to wait for our
window of opportunity."

Thanks to Jamie and her God-given retentive memory skill, extracting Moriarty's
number went so smoothly that we didn't have to break a sweat. Well, we had to punch
Loki in the face so he would appear injured and unconscious. In that way, Officer
Bastien who responded to Loki's call would let his guard down, making himself
vulnerable.

Kapag iniisip kong malapit na naming malaman kung sino si Moriarty, lalo akong nae-
excite. Sa hinaba-haba ng kwentong ito, sino ba naman ang hindi masasabik na makita
ang katapusan? It would also be thrilling to know if the man behind Moriarty is
someone who would shock

us or leave us dumbfounded.

Alas-nuwebe y media ng umaga nang ipatawag ako ni Loki sa aming clubroom. Pagpasok
ko roon, nagtaka ako dahil hindi ko nasilayan ni anino ni Jamie. Kadalasan kasing
nauuna siya sa 'kin dito sa clubroom tuwing umaga.

"Susunod raw siya kapag tapos na ang pinapagawa sa kanila," paliwanag ni Loki nang
makitang nakapinta sa aking mukha ang pagtataka. Hayun siya't nakasandal sa
nakasanayan niyang monobloc chair. Wala na yata siyang balak na mag-request ng
swivel chair na dati niyang inuupuan. "By the way, do you know what 'x' means?
Jamie texted me earlier and there are three x's at the end of her message."

Inilapag ko sa mesa ang aking bag at saka umupo sa kabilang dulo. Hindi na siguro
ako dapat masorpresa na wala siyang kamuwang-muwang sa mga gano'ng expression. "A
feminine expression of affection. Nangangahulugan 'yong 'kiss' katulad sa 'xoxo' na
ang ibig sabihin ay hugs and kisses. Pero pwede rin 'yong mangahulugang 'target,'
parang sa X marks the spot."

"Why would she send me three kisses then?"

Napabuntong-hininga ako nang makitang nakakunot ang kanyang noo. Even though he can
read someone like an open book, his obliviousness to simple gestures related to
expressing emotions is something worth taking note of. Ito namang si Jamie, mukhang
interesado talaga kay Loki. That's fairly obvious-in Loki's own words-after she
kissed him in the lips and hugged him tightly in two separate occassions.

Sometimes I wonder why she joined our club. Was it because she's interested in
solving mysteries or because of Loki?

My train of thought was interrupted

when someone knocked on our wooden door. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong
sabihan siya ng "Come in" dahil kusa na mismo niyang binuksan ang pinto. A familiar
figure emerged, shooting us with his cold stares that raised every hair in my body.

"Brace yourself, Lorelei, the apocalypse is about to begin," Loki commented while
his eyes were transfixed on his dearly beloved brother, Luthor. "Should we expect
the seven angels to blow their trumpets and for the four horsemen to arrive now?"

Here he goes again with his exaggerated interpretation of his brother. He spoke of
Luthor as if he's a spawn of darkness or an abomination that would bring the world
to ruin. Before, Loki likened him to an evil wizard who could emerge from a demonic
pentagram or could materialize from a plume of black smoke. God knows how many
allusions he could come up with for his brother.

"I was told that there are now three of you," Luthor walked across the room, the
sound of his footstep sent chilling sensation to me. Hindi ko mawari kung anong
klaseng aura ang nakapalibot sa kanya kaya ganito lagi ang nararamdaman ko kapag
malapit siya. "Margarette told me she's a spitting image of your late friend."

"Should we cut to the case now?" Loki complained impatiently, the mere presence of
his brother is probably enough to annoy him or change his mood. "What does Emperor
Palpatine want from the Jedi knights?"

"Hindi ba pwedeng pumunta ako rito para kumustahin ang nakababata kong kapatid?"

"Don't give me that crap. You won't go out of you way just to visit me here."

"Very well, I won't beat around the bush."

Luthor halted on my side, his towering figure loomed over me. "The student council
wants to request for your club's assistance."

"And what kind of assistance? Was it to dominate the world or eliminate the threats
to your secret empire? If either's your answer, I don't want to take part in any of
it."

"Oh... I don't think you would refuse to take on our request." Luthor pulled
something out of his breast pocket-a small envelope-and showed it to Loki. "Thirty
minutes ago, a letter was received by the student council. We thought that as the
campus detective club, you are the right person to take charge of this case. You
are the expert in this sort of thing so..."

My colleague shot him a curious look. "Why would you think so? That we will accept
your request?"

"Because it's from a close friend of yours. Someone who has probably grown tired of
waiting in the shadows and decided to shake things up."

Ibinigay niya sa 'kin ang envelope. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang
pangalang nakasulat sa likod nito.
"Mo-Moriarty?" It was written in cursive. The strokes of every letter was
splendidly done.

Dahan-dahan ko itong binuksan at inilabas ang isang piraso ng papel. Nakaimprenta


dito ang ilang numero katulad sa code na ginawa noon ni Loki nang nagpanggap siyang
dinukot at dinala sa sotrage room ng gymnasium.

Greetings from Henry VIII!

11 0 14 10 4 10 15 17 21 16 17 22 21

16 16 14

Lumapit sa akin si Loki at mabilis na hinablot ang papel. Hearing Moriarty's name
prompted him to take this case seriously.

"We are planning to send it over to the campus police to check if there are any
fingerprints on it," sabi ni Luthor habang pinagmamasdan niya ang reaksyon ng
kapatid.

"You're a fool to think that Moriarty or whoever wrote this letter would leave any
traces," tugon ni Loki. "He's far too meticulous to leave breadcrumbs for us to
follow."

"Nevertheless, the student council deems that this message shouldn't be taken
lightly. You should know by now what our friend is capable of," Luthor's voice
remained calm but there's a hint of warning in his tone. "It might be the name of
his target or the location of a bomb he planted somewhere in school."

"He's not my friend so you should stop referring to him as such," Loki returned to
his seat, his eyes now glued to the code. "By the way, why didn't you refer this
case to your student executive committee? Iniimbestigahan din nila ang kaso ni
Moriarty, hindi ba?"

It took seconds before Luthor could properly give him a reply as if he had to
collect his thoughts first. "They have their hands full with the ruckus you made
yesterday. Margarette's not pleased with you interfering with their business. You
cut loose the thread that might lead them to that mystery guy."

"Some sacrifices have to be made, my dear brother. They are no way closer to
Moriarty that we are."

Luthor's face maintained its expressionless look but his eyes narrowed into slits
and brows knitted.

"What do you mean?"

A forced smile was plastered on Loki's face, probably meant to annoy his brother.
"Need not to know. If you don't mind, could you please leave us now? Your presence
here is an irritant. I need to concentrate. If this message does spell doom to
someone, time is of the essence."

Nagkatitigan muna ang magkapatid bago kumalas ng tingin si Luthor at naglakad


patungo sa pintuan. Ni hindi na siya nagpaalam sa aming dalawa ni Loki't basta-
basta na lamang binuksan ang pinto at lumabas.

Agad akong lumapit sa tabi ng aking kasama at muling tiningnan ang code. Kumuha
siya ng papel at mabilis na isinulat ang sequence ng mga numero. Sa ilalim nito,
may mga isinulat siyang letra. Pero nang sinubukan kong basahin...
11 0 14 10 4 10 15 17 21 16 17 22 21 16 16 14

K - N J D J O Q U P Q V U P P N

Loki slammed his right hand on the table. "Darn it. Alphanumeric substitution
doesn't work as a cipher."

I thought it would only take him seconds before he cracks the code. But since
Moriarty was probably the one behind it, I doubt it would be too easy to solve.

"Hindi mo ba pwedeng i-try ang Polybius square?" tanong ko. Ganito rin kasi ang
itsura ng code na isinulat niya noon kaya baka pwedeng ma-apply ang parehong method
of deciphering.

Umiling

siya at saka itinuro ang numbers 0 at 4. "There are two single digit numbers here.
Polybius square only works for two-digits numbers."

I looked again at the numerical sequence before shooting another suggestion. "Paano
kung katulad ito ng double code na ginawa mo? 'Yong taking one step back sa bawat
letter?"

Sinunod niya ang payo ko at mabilisang isinulat ang panibagong sequence ng mga
letra. Pero gaya ng nauna, the result didn't make any sense to me or to him.

K - N J D J O Q U P Q V U P P N

J - M I C I N P T O P U T O O M

Napahawak ang mga kamay niya sa magkabilang sentido at minasahe ito. This was one
of the rare moments where I saw him a little bit frustrated. "If Moriarty chose a
cipher that I am not aware of, he had me in this one. Maybe it's not one step back,
but one ro two steps forward?"

He scribbled another series of letters which he eventually scratched when they made
no sense to him. Halos mapuno na ang papel na kanyang sinusulatan pero hindi pa rin
siya nakakuha ng kasagutan.

Dala ng pagkainis, nilamukos niya ang papel at saka inihagis sa pader. Tumayo muna
siya't nagpalakad-lakad sa palibot ng mesa. "Every code follows a pattern that's
why it can be cracked by someone who's devoted to solving it. Either this series of
number means nothing and Moriarty's messing with me or I missed

something of importance."

Kinuha ko ang papel at muling sinuri ang mga nakasulat dito. Nakakuha sa atensyon
ko ang pambungad na nasa itaas. "Sa tingin mo ba walang kinalaman itong 'Greetings
from Henry VIII' sa code?"

Huminto si Loki sa paglalakad at nabaling ang tingin sa 'kin. "Do you know who
Henry VIII is?"

"Probably one of monarchs of the United Kingdom?" nag-aalangan kong sagot. Hindi
kasi ako pamilyar sa mga tao sa kasaysayan lalo na ng ibang bansa. "It sounds like
a perfect name for a king."
"You're right about him being a king," Loki crossed his arms over his chest and
went closer to me. "Henry VIII is the second monarch of the Tudor dynasty in
England. Aside for being married to six wives in the hopes of getting a son, I
don't think he contributed anything to the world of cryptography."

"Pero bakit 'yon ilalagay rito ni Moriarty?" Napahaplos ako sa aking baba at
napatingin sa malayo. "Why would he put something unnecessary if it won't matter in
the solution? Maybe there's something with Henry VIII that's a clue to this code."

"Interesting insight, Lorelei," kinuha niya mula sa 'kin ang papel at muling sinuri
ito. "There has to be something with this fat British monarch."

"Paano kung ang eigh-"

Naputol ang sinasabi ko nang biglang may kumatok sa pintuan. Kasabay ng pagbukas
nito ang pagpasok ng isang babaeng mukhang nahihiya pang tumuloy.

"Sorry but we are currently busy at the moment," Loki dismissed the young woman
without looking at her. He's preoccupied at the moment but he didn't have to be
rude to turn someone away in that manner.

"Uhm...

Gusto ko sanang itanong kung dumaan dito si Jamie," mahinhing sabi ng babae,
inilibot niya ang kanyang mata sa aming clubroom. "O baka alam n'yo kung saan siya
pumunta."

Pagbanggit sa pangalan ng aming kasama, sabay kaming napatingin sa kanya ni Loki.


"Hindi pa siya dumaraan dito, bakit?"

Napadampi sa kanyang mga labi ang babae at nabalot ng pag-aalala ang mukha. "Naku,
saan kaya siya pumunta? Pumasok kasi siya kaninang umaga sa klase pero bigla ring
umalis. May pupuntahan daw. Nagsimula na 'yong first subject namin pero hindi na
siya nakabalik."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Loki. Kahit hindi niya sabihin, mukhang pareho kami
ng iniisip ngayon.

"Hindi ba't nag-text sa 'yo si Jamie kanina?" tanong ko. "Ang sabi niya, tinatapos
niya ang pinapagawa sa kanila, 'di ba?"

"Pero hindi siya nakapasok sa klase nila. Posible kayang..."

Mabilis niyang inilabas ang kanyang phone at tiningnan ang kanyang inbox. Sumilip
na rin ako sa naging conversation nila ni Jamie. Pasadong nine o' clock ang huling
text message na ipinadala sa kanya ng aming kasama sa club.

Loki (9:09 AM): Come at once to the club if convenient. If not, come all the same."

Jamie (9:18 AM): Good morning, Loooki~ Sorry pero may ipinapagawa pa kasi sa amin
ngayon. Hahabol na lang ako kapag tapos na kami. Okay lang ba? Thank you! xxx

Loki (9:20 AM): K.

Pati pala si Jamie ay nabiktima na rin ng napaka-meaningful na "K" ni Loki. But


more importantly, kung hindi nga nakapasok ang babaeng 'yon sa klase nila kanina,
may dalawang posibleng senaryo: Una, posibleng naisipang magbulakbol ni Jamie at
gusto niyang ipakitang nasa klase siya kaya gano'n ang naging sagot niya.
Pangalawa, ibang tao ang nagpadala ng text message kay Loki para hindi magmukhang
kahina-hinala kung sakaling hindi siya makapag-reply.

Loki's features darkened as his eyes narrowed into slits. He probably realized the
most probable explanation to what had happened to Jamie.

"You were right about the meaning of letter X," he said, turning to me with a
serious look on his face. "Considering the recent news, it was probably meant to
mark the target. And in this case, it's none other than Jamie Santiago."

###

P.S. Moriarty once again made his move! Can you crack the code before the duo? I-
COMMENT na 'yan!

=================

Volume 1 • Chapter 20: The Napoleon of Crime (The Revelation)

A/N: DO NOT proceed if you haven't read Part 1: The Code.

Dedicated to XQCTs100 for cracking the code last chapter.

LORELEI

JAMIE BEING Moriarty's target should have been expected. Kaakibat na ng pagsali sa
Q.E.D. Club ang paglalagay ng sarili sa panganib. Minsan na akong nalagay sa
gano'ng sitwasyon. Kahit na may hindi kami pagkakaunawaan ng babaeng 'yon,
nangangamba pa rin ako para sa kalagayan niya. Noong ngang dinukot ako ni John
Bautista, muntikan na niyang tunawin ang buong katawan ko. Kung nagawa 'yon ng
tauhan ni Moriarty sa 'kin, magagawa rin 'yon sa tulad ni Jamie.

Nagpalakad-lakad sa clubroom si Loki, nakakrus ang mga braso't bakas ang


pagkabahala sa kanyang mukha. Pareho naming hindi inaasahan na ngayon pa kikilos
ang mortal niyang kaaway. Posible kayang nanghinala si Officer Bastien kahapon nang
hiramin ni Jamie ang kanyang phone kaya ipinapadispatya na siya ni Moriarty? O baka
noong malaman niyang may bago kaming miyembro, 'yon na kaagad ang naisip niya?

Wala nang oras na dapat sayangin. May mga katanungang pang hindi nasasagot pero
pwede pa naming asikasuhin 'yon mamaya. Ang importante'y ang kaligtasan ni Jamie na
nakasalalay sa code na ibinigay ni Moriarty.

"She's still alive," sabi ni Loki, dinig ang pag-aalala sa kanyang boses. "She's
definitely still alive. The question is until when. Moriarty's giving us a chance
to find her location before he gets bored. Ang kaso, hindi ko alam kung paano ika-
crack ang code na 'yan."

"Imbes

na tumayo ka riyan, bakit hindi ka umupo rito't muling harapin ang code?" tanong
ko. Walang magagawa kung maglalakad-lakad siya hanggang mamaya. The code will not
solve itself. "Sa puntong ito, kailangan nating magtulungan para mailigtas si
Jamie."

He put his fingers near his mouth and began biting his nails. "Hearing that news, I
can't give my full attention to those sequence of numbers. Darn it. I really hate
this feeling."

Somehow, naiintindihan ko ang frustration niya. Ganito rin siguro ang kanyang
naramdaman noong ako ang tinangkang targetin ng tauhan ni Moriarty. He seemed to be
harsh and insensitive in most occassions, but deep inside, he has a soft heart that
cares for others. At saka iniisip niya siguro na kargado ng kanyang konsensya kung
may mangyayaring masama kay Jamie.

Moriarty doesn't have any intention to kill him at the moment, but he surely knows
method how to torture Loki.

"I need to clear my head," he turned to the door and looked back at me. He seemed
to be agitated by the recent developments in the case. "Come with me and let's pay
my big brother a visit."

Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan at sumunod sa kanya. Naging mabibilis at


malalaki ang kanyang bawat paghakbang, indikasyon kung gaano ka-kritikal ang oras
sa pagkakataong ito. Sabay kaming bumaba ng hagdan patungong ground floor at
nagtungo sa pinakadulong bahagi ng hallway. May ilang estudyante siyang nakabangga
at natapakan ng sapatos pero hindi na siya nag-abalang humingi ng paumanhin.

Pagdating namin sa tapat ng pintong may nakasulat na HIGH SCHOOL SUPREME STUDENT
COUNCIL, hinawakan

niya agad ang doorknob, ni hindi naisipang kumatok, at binuksan ang pinto.
Pipigilan ko sana siya pero naging mabibilis ang mga sumunod na pangyayari.

Aakalain mong nasa lounge ka ng isang five-star hotel pagpasok sa room ng student
council. Bubungad kaagad ang malamig na bugso ng hangin at ang mga nakaayos na
couch. Sa mga dingding nakasabit ang iba't ibang group photo ng mga nagdaang
student council mula noong taong itinayo ang Clark High School.

Walang taong bumati sa amin sa loob kaya nagtungo si Loki sa bandang likuran ng
opisina. Pinasok niya nang hindi kumakatok ang nakahiwalay na conference room kung
saan posibleng nagpupulong ang mga kapita-pitagang miyembro ng student council.

The moment we entered the room uninvited, five pairs of eyes shot daggers at us
with their questioning gazes, surprised by our unannounced arrival. Sa limang
nakaupo sa palibot ng pabilog na mesa, tanging si Luthor ang nakikilala ko sa
kanila.

"We are currently having our meeting here," Luthor darted a piercing glare at Loki,
not pleased by our intrusion. "You could have texted me that you will come here
instead of suddenly barging in."

"I'm sorry to interrupt the boring discussions about your plan to dominate the
world," Loki quipped. "The evil overlord a.k.a. the vice president asked for our
assistance on behalf of your glorious council. Now I need you to lend me your
resources."

"Have you cracked the code?"

"No, but I know who was taken by our mysterious sender. Our newest club member
didn't go to her class this morning though she was seen by her classmates. Malakas
ang hinala naming dinukot

siya at dinala sa isang lugar dito sa campus. The code will point us to that
location. But unfortunately, our efforts to decode it were in vain so I decided to
use an alternative."

"And that is?"

"I want you to command all students at your disposal to search every room in this
building," walang prenong sagot ni Loki. Parang kasingdali ng paghingi ng candy ang
kanyang hinihinging request. "She's still probably somewhere in this high school
building, in a place convenient to hide a body."

Nagkatinginan ang limang student council officer at nagbulungan na parang mga


bubuyog. Their whispers were unintelligible but Loki appeared to be reading their
lips.

"No, wala na tayong oras para humingi ng approval mula sa admin," sabi niya,
dahilan para tumingin sa kanya ang mga officer maliban kay Luthor na may bahid ng
pagtataka sa mga mukha. "Kung ayaw n'yong dumagdag ang body count ng mga biktima ni
Moriarty, mas mabuti kung ititigil n'yo na 'yang pagbubulungan n'yo't ibigay ang
tulong na hinihingi ko."

And there was a deafening silence. This time, the student council officers stared
at one another as if they were communicating telepathically. After a few
excruciating moments, Luthor turned to a young woman with ponytail on his right and
said, "Very well. Jessica, kindly summon Margarette here. Say it's an urgent
business."

Mabilis na kumilos ang babae't lumabas ng kanilang opisina. It only took her less
than two minutes before she returned. Ngayon, kasama niya ang babaeng nakasalamin
na nasorpresang makita ang mga anino namin ni Loki.

"What the hell are you doing here?" Ni

hi or hello, hindi niya kami naisipang batiin.

"Margarette," Luthor called her in his chilly voice. Kung sigurong tatawagin niya
ang pangalan ko sa kanyang boses, tiyak na mangingilabot ako. "The Q.E.D. Club is
requesting manpower for the search of the presumed target of the man called
Moriarty. Mobilize all available members of the student executive committee."
Tumingin muna si Margarette sa 'kin bago ibinaling ang tingin kay Loki. A mocking
smile formed on her lips. "Don't tell me your new club member got abducted by your
mortal enemy? I knew you would bring tragedy to people around you. You already had
a taste of it, right, Lorelei?"

Napatango ako't panandaliang sinariwa ng aking isipan ang insidente kung saan
dinukot ako ni John Bautista, isinilid sa drum at tinangkang buhusan ng kemikal.

"Anyway, I should ask my colleagues to search every room in this building," sabi ni
Margarette sabay talikod sa amin. "I will inform you once she's found. Let's hope
she's still alive."

"Thank you, Maggie," mahinang tugon ng kasama ko.

Bago pa buksan ni Margarette ang pinto, lumingon muna siya sa amin at sinabing,
"Don't thank me. I'm not doing this for you. And please, stop calling me Maggie."

She slammed the door and vanished from our sight. I still fail to understand why
she couldn't seem to forgive Loki for what happened to Rhea. It's not like my
companion wanted that tragedy to happen.

"And now, I need to contact my friend in the campus police."

Basta-basta na lamang iniwan ni Loki ang mga sutdent council officer. Ako na mismo
ang nagpasalamat sa kanilang tulong

at nagpaalam para sa aking kasama.

Paglabas namin ng student council office, nakadikit na sa tenga ni Loki ang kanyang
phone at nagtungo sa hagdanan. Hindi niya inalintana kung may nakakasalubong siyang
estudyante o professor na muntik na niyang makabangga o matapakan ng sapatos.

"Hello, inspector. Gus-Oo, nasa mabuti akong kalagayan, salamat sa pagtatanong-


Gusto kong hingin ang tulong n'yo. Nawawala kasi ang kasama ko sa club, posibleng
dinukot siya ng mga masasamang elemento. Pwede ba kayong magsagawa ng search sa
gymnasium at abandonadong school building? Ise-send ko ang photo niya sa inyo."

Kahit pilit na itinatago ni Loki, nakikita ko sa kanyang kilos at naririnig ko sa


kanyang boses ang pagkadesperado niyang mahanap kaagad si Jamie. He wouldn't ask
for his brother's help in the first place if he wasn't too desperate to close this
case. Ito na kasi ang pinakasimple at pinakamabilis sa solusyon sa problemang
kinakaharap namin. And in Loki's own terms, this method is too "boring" and
"straightforward." For now, he probably chose to give up his preference on complex
yet entertaining solutions.

Saktong nasa third floor na kami nang ibinaba na niya ang tawag. I wanted to ask
him kung ano nang plano niya ngayong marami nang kumikilos para hanapin si Jamie
pero mas bumilis ang kanyang paglalakad patungong clubroom. Every pawn on his side
of the chessboard is now on the move.

"While they are searching all possible hiding places in this campus, we can try to
solve this code in the meantime," sabi niya pagpasok naming dalawa sa aming
opisina. Muli niyang inilapag

sa mesa ang sulat na galing kay Moriarty at saka kumuha ng isang piraso ng malinis
na papel. Compared minutes ago, he appeared to have cleared his mind from
distracting thoughts.

"So you said that Henry VIII might be the clue to cracking this sequence, huh?"
Napatango ako. It wouldn't make sense kasi kung ilalagay 'yon ni Moriarty for the
sake of greeting us. There has to be something in it. Parang nasa dulo ng dila ko.

I crossed my arms over my chest as I stared hard at the name of the British
monarch. Tila tumigil ang takbo ng oras sa paligid ko habang lalong napapatagal ang
titig ko sa pangalang 'yon. Lumingon ako kay Loki pero maging siya'y hindi na rin
gumagalaw.

Ano bang meron kay Henry VIII? Gaya ng sabi ni Loki, wala siyang na-contribute sa
mundo ng cryptography kaya bakit siya ang napili ni Moriarty sa code na 'to? Baka
naman wala sa Henry kundi nasa VIII ang sagot na kanina ko pa hinahanap.

Anong meron sa eight? In the Bible, eight represents a new beginning. Sideways,
eight looked like the infinity symbol. In Chemistry, eight is the atomic number of
oxygen. In computer technology, eight bits is equivalent to one byte. In Chinese
and other Asian culture, eight is considered to be a lucky number.

Pero teka, parang may narinig na ako kamakailan lang na konektado rin sa number
eight.

"But what if we only have eight fingers?"

Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na inaalala kung kailan ko narinig ang
tanong na 'yon. Noong nakaraang buwan ba? O noong isang linggo?

I went deeper into my memories as I tried to recall where I heard

that statement.

"We would probably start over every eighth number instead of every tenth. That's
what we call 'base eight' or octal counting."

"BASE EIGHT!" sigaw ko kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. Napatingin sa akin si
Loki na nakakunot ang noo, halos mapatalon sa bigla kong reaksyon.

Kinuha ko ang papel sa kanya at muling tiningnan ang code.

11 0 14 10 4 10 15 17 21 16 17 22 21 16 16 14

"Alam mo ba kung ano ang base eight?" tanong ko kay Loki na lalong nagpakunot sa
kanyang noo.

"Is that some kind of game or something?"

"Nope, that's a way of counting numbers." Isinulat ko sa papel ang numbers mula
zero hanggang seven. "Itinuro ito sa amin ng prof ko sa Mathematics. Noon yatang
ni-lock ka ni Tita Martha sa apartment at hindi ka pinapasok sa school."

"Mathematics prof? Ang ibig mo bang sabihin... si Sir Jim Morayta?"

I nodded as I continued writing the next sequence of numbers, starting from 10 to


17. "Feeling ko'y tama ang alphanumeric substitution na ginamit mo pero hindi dapat
ang tradisyonal na decimal counting ang naging refererence mo."

"I was probably sleeping in class when they taught that one," komento ni Loki.
Nabanggit nga niya nang minsan na tinutulugan niya ang klase nila nang nakapikit
ang mga mata.
Pakiramdam ko'y sa 'kin nakatutok ang spotlight dahil ako ang nakakaalam ng cipher.
For once, it felt

good to know stuff that Loki wasn't aware of. Sana nga lang ay tama ang naisip kong
paraan ng pag-crack sa code ni Moriarty.

0 - A 10 - I 20 - Q 30 - Y

1 - B 11 - J 21 - R 31 - Z

2 - C 12 - K 22 - S

3 - D 13 - L 23 - T

4 - E 14 - M 24 - U

5 - F 15 - N 25 - V

6 - G 16 - O 26 - W

7 - H 17 - P 27 - X

Now that I have the cipher, I cross-referenced it to the numbers in the code.
Tahimik lamang na nakamasid si Loki sa 'kin habang isinusulat ko ang sagot.

11 0 14 10 4 10 15 17 21 16 17 22 21 16 16 14

J A M I E I N P R O P S R O O M

"Jamie in props room?" bulong ni Loki at saka kami nagkatinginan. The message made
sense which means my cipher was correct.

We were then interrupted by the ringing of Loki's phone.

"Hello, Maggi-I

mean, Margarette?" kaagad niyang sinagot ang tawag at naglakad palayo sa 'kin.
Inilagay niya ito sa loudspeaker mode kaya dinig na dinig ko ang sagot ni Maggie.
"Did you find her?"

"We didn't. My colleagues searched every room in this building but there was no
sign of your club member. Maybe you were wrong."

"No, I was right. Lorelei cracked the code moments ago. We know her possible
location. Have you checked the props room?"

"Didn't I say that we checked every room?" Margarette sounded annoyed. I could
imagine her making faces while saying those words. "There's nothing in the props
room."

Loki darted a curious glance at me. "Maybe your people didn't look closer." And
then he hang up.

"Ano na ngayon?" tanong ko sa kanya. "Kung wala silang nakita sa props room, baka
mali ang sagot natin sa code."

Umiling ang aking kasama. "We can't trust the words of those executive committee
members. We have to see it for ourselves if Jamie's really not there. Shall we go
now?"

Nagmadali kaming lumabas ng clubroom at umakyat sa hagdanang patungong fifth floor.


Kung tama pa ang pagkakatanda ko, nasa pagitan ng auditorium at costume room-kung
saan ako dinala noon ng mga tauhan ni Margarette-ang props room.

Pagdating namin sa fifth floor, napansin naming nakalupong ang ilang estudyante sa
hallway. Malamang sila ang mga miyembrong ipinadala ng SEC. Kaagad na binuksan ni
Loki ang pinto sa props room at pumasok dito. Bumungad sa aming dalawa ang iba't
ibang kagamitang ginagamit sa isang theater play. May mga punong idinesenyo sa
plywood, mga batong gawa sa paper mache, mga backdraft ng mga

eksena at iba pa. Pero ang kaagad na nakuha sa atensyon ko ay ang malaking baul na
nasa likuran at ang charcoal brazier na katabi nito.

"There's only one place in this room where they can hide a body." Mukhang pareho
kami ng iniisip ni Loki kaya sabay kaming lumapit sa malaking baul. Kahit siguro
dalawang tao'y kasya rito. Pero kung nandito talaga si Jamie, bakit hindi siya
nakita ng mga estudyanteng naghanap sa kanya kanina? May problema ba sila sa
paningin o sinadya nilang huwag tingnan ang laman ng malaking kahon?

Dahan-dahang binuksan ni Loki ang baul. Nang matamaan ng liwanag mula sa labas,
wala kaming nakitang laman sa loob. Muling napalingon sa paligid ang aking kasama,
siguro'y tinitingnan niya kung saan pa pwedeng itago ang katawan ng isang tao. Pero
wala ni isang gamit doon maliban sa baul ang pasok sa criteria.

"Posible kayang inilipat siya ni Moriarty?" tanong ko matapos makita ang


pagkadismaya sa kanyang mukha.

"That won't be fair. She must be somewhere in this room. Look!" Itinuro niya ang
charcoal brazier sa kanyang kanan na may lamang uling. "Moriarty-or his minion-is
planning to kill Jamie via carbon monoxide poisoning. As long as this room is air
tight and the victim is unconscious or bounded, she would succumb in a matter of
seconds or minutes."

"Kung gano'n, nasaan siya rito?"

Sinubukang buhatin ni Loki ang baul. Kahit wala itong laman, mukhang nahirapan
siyang iangat ito. Mabilis niya ring ibinaba ang kahon kasabay ng paglawak ng ngiti
sa kanyang labi.

"What an old trick!" he exclaimed as he opened the lid of the box. Ang akala ko'y
bigla

nang magpapakita ang katawan ni Jamie sa loob pero wala pa rin itong laman.

"Jamie is in this box," he declared confidently though what we were seeing was the
exact opposite. "Whoever's behind her abduction used an old magician's trick."

Kinapa niya ang loob ng baul at may tinanggal na manipis na bagay. Isa 'yong
salamin na tila inilagay rito. Pagkaalis niya roon, bumungad sa amin ang tila
mahimbing na natutulog na si Jamie.

Ngunit nanlaki ang aming mga mata nang makita ang pulang likido sa kanyang damit.
Mabilis na iniangat ni Loki ang walang malay niyang katawan at inilapag sa sahig.

"Jamie? Jamie!" He shouted repeatedly as he frantically shook Jamie's body. A


worried look dawned on his serious face when our abducted club member didn't
respond.

Hinawakan ko ang kamay ng walang malay naming kasama at naramdamang meron pa itong
pulso. "She's still alive!"

Kinapa ko ang kanyang katawan kung saan may dugo pero wala akong napansing kahit
anong sugat o galos. Mukhang ibinuhos lamang sa kanya ang pulang likido para
ipalabas na duguan ito. Maybe it was all for a show.

It took a few moments before Jamie slowly opened her eyes. A faint smile plastered
on her face as she exchanged glances with the man cradling her body. Hinaplos niya
ang nababahalang mukha ni Loki sabay sabing, "Lo... Loooki... S-S..."

My companion shushed her and called the students waiting outside the props room to
help him bring Jamie to the clinic. He probably felt the same desperation and
relief weeks ago when I was also in the same dangerous situation. I could see in
his eyes that he's grateful that nothing

untoward happened to our club member.

Habang binubuhat palabas ng mga estudyante ang katawan ni Jamie, lumingon sa 'kin
si Loki at muling bumalik ang seryosong tingin ng kanyang mukha. Tiyak na hindi
niya mapapalampas ang ginawa ni Moriarty sa aming kasamahan.

"Now that Jamie's out of harm's way, it's time for us to meet face to face with
Moriarty," he said with firm conviction.

"I-tetext o tatawagan mo na ba ang number na nakuha natin mula kay Officer


Bastien?"

Napataas ang kaliwang kilay niya habang nakatitig sa 'kin. "You have his number,
don't you?"

"Hindi ko sinave sa contacts ko-"

Loki shook his head and cut me mid-sentence. "I'm not talking about the number we
got yesterday. I'm talking about the number he was probably giving out to his
students."

It took me three seconds before I understood what he meant.

"Teka, ang ibig mo bang sabihin-"

"I want you to set a meeting at four o'clock with Prof. Jim Morayta a.k.a.
Moriarty. I believe we are overdue for a chat."

***

Loki didn't explain why he thought my professor was the criminal mastermind he's
been seeking over the months. Was it because of the "base eight" that we used as
cipher earlier? Or was it the uncanny similarities between his name and the
fictional character's name?

Anyway, Jamie was brought to the hospital para maobserbahan at masuri siya roon.
Ayon kasi sa school nurse namin, masyadong matapang ang kemikal na ginamit para
patulugin siya. She was barely conscious when we saw her being brought inside an
ambulance.

It might take hours before she could completely regain her consciousness.
Pagsapit ng alas-kwatro ng hapon, nagtungo kami ni Loki sa Diogenes Cafe sa labas
ng aming campus. Doon naming napagpasyahang i-meet ang professor ko sa Mathematics.
Kaninang kalagitnaan ng afternoon period namin, tinext ko siya kung pwedeng
makipagkita after class sa nasabing cafe para magpatulong sa aming assignment.
Kaagad siyang pumayag sa imbitasyon at lahat ay umayon sa plano.

Nakapag-order na kami ng inumin ni Loki habang hinihintay ang pagdating ng aming


ka-meeting. Amoy na amoy ang aroma ng kape sa buong cafe. Nakaka-relax din ang
ipinapatugtog na instrumental music dito. Maya-maya'y seguradong titindi ang
tensyon kaya mas mabuti kung enjoy-in ko na ang moment ng katahimikan na 'to.

"Bakit hindi mo pa gamitin 'yong number na nakuha natin? Kung tatawagan mo 'yan at
narinig mo ang boses ng sumagot, paniguradong malalaman na natin kung si Sir Jim
nga si Moriarty," sabi ko bago ko inumin ang aking kape. Muntikan nang mapaso ang
aking dila sa sobrang init nito.

"This number is our last resort," sagot ni Loki habang hinahalo ang creamer sa
kanyang black coffee. "If he denies being Moriarty, I will dial this number and
give him a call. If he picks up the phone-or should I say his other phone-then
that's the confirmation we have been looking for."

"Pero paano kung mali ang hinala mo?"

He stared at me strangely as if I asked nonsensical question. "Kailan pa ba ako


nagkamali?"

I could enumerate instances where he was proven wrong but I chose not to ruin his
mood. Pinili kong enjoy-in

ang aking latte habang hinihintay si Sir Jim.

Kinse minutos pasado alas-kwatro, dumami pa ang mga tao sa cafe. Kabilang sa mga
bugso ng mga customer na pumasok ay ang aking prof na aakalain mong isa ring
estudyante dahil sa kanyang batang itsura.

"Pasensya na kung na-late ako. May meeting pa kasi kami sa org na hina-handle ko."
Nabaling ang tingin ni Sir Jim kay Loki nang makaupo siya. "O, kasama mo pala si
Loki? Kumusta ka na?"

Hindi kumibo ang aking kasama. Tahimik lamang siyang nakatitig sa aking guro na
tila inoobserbahan ang bawat pagkilos at paghinga nito.

"Medyo pagod siya, sir, kaya pagpasensyahan n'yo na." Kung Facebook chat ang
senaryong ito, daig pa ni Sir Jim ang na-seenzone kay Loki.

"So anong gusto mong itanong, Lorelei? Magpapaturo ba kayong dalawa sa 'kin ni
Loki?" nakangiting tanong ng aking math instructor. Kahit saang anggulo ko tingnan,
parang malabo talagang siya si Moriarty. Ewan kung mali ang judgment ko o talagang
biased ako, pero hindi ko maramdaman ang Moriarty vibe mula sa kanya.

"Actually, sir... Hindi naman talaga-"

"Can you please drop the act now?" biglang hirit ni Loki, dahilan para sabay kaming
mapalingon sa kanya ni Sir Jim. "This nice teacher act... can you please take that
mask off and show us who you really are?"

Naglaho ang nakapintang ngiti sa mukha ni Sir Jim at napalitan ito ng seryosong
ekspresyon. "Hindi kita maintindihan, Loki. Anong ibig mong sabihin? At bakit n'yo
ba ako pinatawag dito?"

Loki leaned forward and crossed his fingers, he was grinning from ear to ear as he
watched his prey

trying to maintain his composure. "Your name 'Jim Morayta' has close resemblance to
the name 'James Moriarty. You are also a Mathematics instructor just like the
Napoleon of crime. Everyone in this campus respects you and a word against you
might be considered as slander. Choosing 'Moriarty' as your alias would be a
perfect choice, wouldn't it?"

Nakabuka pa ang aking bibig habang hinhintay ang tugon ng aking guro. Sumandal siya
sa kanyang upuan at ipinagkrus ang mga braso. "So you think I'm Moriarty? Aaminin
kong hindi ito ang una o ikalawang beses na narinig ko ang pangalang 'yon. Pwede mo
bang sabihin sa 'kin kung bakit mo naisip 'yon?"

"Noong malason ako ng belladonna, base sa ikinwento sa 'kin ni Lorelei, ikaw ang
nagdala sa akin sa ospital. Kahit hindi mo ako estudyante, gano'n ang pag-aalala mo
sa tulad ko. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi sa akin ni Daniel Gutierrez na ayaw
akong ipapatay ni Moriarty. Sa katunayan, parang concerned pa nga siya sa 'kin."

"Masama ba para sa isang guro na mag-alala sa isang estudyante? Wala akong


nakikitang mali roon," buwelta ni Sir Jim. Aaminin kong may punto ang sinabi niya.

Nanatili pa rin ang malawak na ngiti ni Loki. Inilabas niya mula sa kanyang bulsa
ang tinuping papel at ipinakita ito sa kanyang kaharap. 'Yon ang code na ipinadala
sa amin ni Moriarty kaninang umaga.

"In case you pretend to know nothing about that piece of paper, it's a code that
could only be solved by using base eight. Nasabi ni Lorelei sa 'kin na naituro mo
sa kanila ang method of counting na 'yon. Who would think of such a complicated
code except for a Math

enthusiast?"

Naningkit ang mga mata ni Sir Jim at napakamot sa ulo. "Dahil ba itinuro ko ang
base eight, ibig sabihin no'n, ako na ang gumawa ng code na 'to? Just to remind
you, Loki, octal counting is not an exclusive knowledge. Lahat ng mga taong
mahihilig sa Math, alam ang bagay na 'yon."

"But among those who have knowledge of base eight in our school, you are the most
suspicious," mabilis na hirit ni Loki.

Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin o kung dapat akong mamagitan sa
kanilang dalawa. Nakatulala lamang ako na parang nanonood ng isang tennis match sa
aking upuan habang nagsasagutan sila.

Ilang segundo ring nagkatitigan at nagkapalitan ng tingin sina Loki at Sir Jim.
Aakalain mong nasa staring contest sila dahil ayaw nilang kumalas ng tingin sa
isa't isa.

"Pasensya na, Lorelei, pero mukhang kailangan ko nang umalis," sabi ni Sir Jim sa
'kin at saka siya tumayo. Sunod niyang ibinaling ang kanyang tingin kay Loki na
nakatingin pa rin sa kanya hanggang sa mga sandaling 'yon. "Nagkakamali ka kung sa
tingin mo'y isa akong kaaway. Sa katunayan nga, magkakampi pa tayong dalawa."

Nang nagsimulang naglakad patungo sa exit ang aking Math instructor, mabilis na
inilabas ni Loki ang kanyang phone at idinial ang number ni Moriarty. Inilapit niya
ito sa kanyang tenga nang nagsimula itong mag-ring.
"Now answer the damn phone and reveal who you really are," he muttered while his
eyes still fixated on Sir Jim who's a few steps outside the cafe. Maging ako'y
napatingin sa labas para tingnan kung sasagutin ng aking prof ang tawag.

Twinkle, twinkle little star~ How I wonder what you are~

Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Loki nang marinig ang pamilyar na kantang
'yon. Hindi nagmula sa labas kundi nasa loob mismo ng cafe ang pinagmumulan ng
nasabing tunog. Nakatutok pa rin kami kay Sir Jim na tuluyan nang naglakad palayo,
ni hindi man niya nilabas ang kanyang phone.

"To whom do I have the pleasure of speaking?" narinig kong sagot ng taong nasa
kabilang linya. But that voice didn't come from phone alone. Parang nasa malapit
lamang siya. Parang nasa kabilang mesa rito sa cafe.

Dahan-dahan kaming lumingon ni Loki sa aming likuran nang napagtanto namin kung
saan galing ang boses na 'yon. We saw a familiar face on the other table, holding a
black phone near his right ear and flashing an enigmatic smile. We shot him a wide-
eye stare as we recognized who he was.

"This is Moriarty. This isn't the first time we meet face-to-face, right, Loki?"

It was Stein Alberts.

###

P.S. Next update will be the last part of Chapter 20 and end of Season One! Stay
tuned!

=================

Volume 1 • Chapter 20: The Napoleon of Crime (The Confrontation)

A/N: The third and final part of Project LOKI's season finale. Let's end this
season with WHAM!

LORELEI

I-IMPOSSIBLE! STEIN Alberts was a victim of Moriarty. How could he be Moriarty? No


matter where I look at it, everything didn't make any sense!

Pareho kaming natulala ni Loki sa kanya habang pinagmamasdan ang kanyang ngiti-
isang pagkurba ng labing nakakapanindig balahibo. Hindi ko alam kung dahil ba ito
sa sinabi niyang si Moriarty o may tinatagong pagka-creepy si Stein. With phones
placed on their ears, the two gentlemen were locked in a staring contest. Loki was
speechless, probably he's connecting the dots that he didn't know exist.

Ibinaba ni Stein ang kanyang phone at lumapit sa aming mesa. Bawat yabag ng paa
niya'y nagpapabilis ng tibok ng aking puso. Napalunok pa nga ako ng laway nang
magkasalubong ang aming tingin.

"Do you mind?" he asked, taking a seat across ours without waiting for our
permission. He reclined on his chair and crossed his legs as if he's a king
settling on his iron throne. He motioned to our seats and continued, "Please take a
seat. I don't like talking while looking up on you, literally."

Napatingin ako kay Loki na hanggang ngayo'y tulala pa rin at nakatayo na parang
estatwang hindi kumikibo sa aking tabi. Was the shock too much for him that it
rendered him frozen on his feet?

Ilang sandali pa'y ibinaba na rin niya ang hawak na phone at dahan-dahang bumalik
sa pagkakaupo. Sumunod ako sa kanya't ipinasok ang kanang kamay ko sa aking bulsa.
Palihim kong inihanda ang stun pen kung sakaling magkagulo

rito.

"It's nice to officially meet you, Loki. The first time we met, it was so dark,
scary and the environment reeked of tension. Not conducive for conversation, eh?"
Stein smirked impishly. He then opened his palms. "But now, we are in a relaxed
environment. We can talk for minutes or hours. No one's gonna stop us."

"How did you know we are here?" Sa wakas, naka-get over na rin sa pagka-speechless
si Loki.

Kumunot ang noo ni Stein at nagpukol ng nagtatakang tingin sa aking kasama. "Is
that really a question? I have eyes and ears everywhere. It won't be difficult for
me to track you two down. I know you paid a visit to the student council office
this morning. I know you asked for the help of the campus police in searching for
your club member."

Ngayong nanggaling mismo sa kanyang bibig ang kumpirmasyong may mga galamay nga
siya rito sa campus, hindi ko maiwasang isipan kung sino-sino sa mga nakasalamuha

na namin ang tumatanggap ng utos sa kanya. He sounded as if he had a vast network


of spies in the school.

"I got news that Jamie's recovering from the drug used to knock her out. Maybe I
should have asked my man to use the charcoal brazier before you arrived in the
props room," his eyes stared at the ceiling for a moment. "It was a wasted
opportunity. Well, there's no point in crying over spilled milk. By the way, did
you enjoy the touch of fake blood we dripped over her body?"

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Loki habang nakapatong ang mga ito sa kanyang
tuhod. May nakapintang galit sa kanyang mga mata, tila pinipigilan niya itong
kumawala sa abot ng kanyang makakaya.
"You were also abducted, weren't you?" tugon niya. "Or was that all for a show?"

Ipinatong ni Stein ang mga braso niya sa mesa. "Oh, that! I was thinking of ways on
how I should meet you. Knocking on your club's door and introducing myself as
Moriarty is too boring so I thought of something with a touch of drama. Ginusto ko
ring subukan kung gano'n pa rin katalas ang utak mo. I feared that you were losing
your touch because of your new companion here."

Napasulyap siya sa 'kin na may kasama pang pagngisi. Nang muling magtagpo ang mga
mata namin, mabilis akong napatingin palayo. "Before I forget, Lorelei, sorry about
John's attempt in melting you to liquid. And congratulations to Loki for being the
white knight that saves the day. Bravo, sincerely, bravo."

Sinundan niya ito ng palakpak na may kasama pang marahang pag-iling na hindi namin
ikinatuwa. Parang isang laro o biro sa kanya ang pagtatangka

sa buhay ko. Ano nga ba namang dapat kong asahan sa tulad niya? He's twisted, he's
sick, he's insane. Kahit ilang minuto pa lamang kaming nag-uusap, I could already
tell as much.

"You seem to be fond of theatrics," tugon ni Loki, pinapanatili pa rin niya ang
kanyang kalmadong postura. "Kaya ba naisipan mong mag-part time bilang director ng
theater club? Daniel told me you were like a movie director while everyone else is
an actor. It perfectly suits you."

"You think so? I had nothing to play with so I chose to mess with that acting
group," he then chuckled as if a funny thought crossed his mind. "Don't you find it
silly how humans can be so easily manipulated? They do exactly what you tell them
to do. They are like puppets while I'm the one pulling the strings. Have you tried
that too, Loki?"

"I do sometimes manipulate people but for a good cause," hirit ng aking kasama.
"Huwag mo akong itulad sa 'yo."

"And that makes you a bit boring." The smile on Stein's pale lips faded as his face
turned serious. "If you would only use your talent

in plotting almost perfect crimes instead of solving them, you can make money out
of it. There's too much evil intention buried in the hearts of men around us. While
you were too busy extinguishing that dark, cold flame, I made a business out of
it."

"Should I say congratulations? Because your business seems to be booming. But you
don't mind me interfering, do you?"

"You already tried before. Someone ended up being dead."

That was a low blow to Loki, ni hindi na niya nagawang makapagbitiw ng witty na
komento. Stein's definitely referring to Loki's former partner. Gaya ng sinabi sa
'kin ni Luthor noon, Rhea's the collateral damage cause by the collision of these
two opposing forces. I remembered him warning me that the same thing might happen
to me if I got too close to his brother. It almost did.

"Don't worry, I won't ask you to stop me," Stein said as my companion's still at a
loss for words. "In fact, I'd like to thank you for the entertainment. All these
time, I've been looking for a challenge. Now I found you. But I

must admit I'm a teensy bit disappointed that you haven't suspected me before."

Sino ba namang mag-aakala na ang biktimang iniligtas naming nakakulong sa locker


room sa abandonadong high school building ay walang iba kundi ang taong ilang buwan
nang hinahanap ni Loki? He played the victim card so well, we didn't suspect him
the moment our eyes met.

"It was a good trick," sagot ni Loki kasabay ng pagkrus ng kanyang mga braso. "You
got me there."

"I also can't afford to lose you so I will keep you alive until I get bored again,"
Stein replied. "Come to think of it, that fake abduction you schemed was brilliant.
When your two cute girls showed me the code, I began to worry that someone might
have got you before me. When I cracked the code on my own, I asked my friend to
check the gymnasium. It turned out that it was only a hoax. God knows how relieved
I was to hear that news!"

Kaya pala nasa gymnasium noon si Officer Bastien! Malamang tinawagan niya noon si
Moriarty para ibalitang isa lamang palabas ang pagdukot kay Loki. Maliban sa aming
dalawa ni Jamie, tanging kay Stein lang namin ipinakita ang code. He's the only one
who could have possibly known Loki's location!

Why didn't I think of that earlier? Kung sanang sumagi sa isip ko 'yon, I would
have suspected Stein as Moriarty or at least someone connected to him.

"I'm deeply touched by your concern," Loki scoffed. "I was really moved by how much
you care about me. Honestly."

Nginitian muna ni Stein si Loki bago siya napatingin sa kanyang phone. Napapalatak
siya nang makita kung anuman ang naka-flash sa screen

nito. "I'd like to continue our conversation but business calls. I'd better be off
now. Really glad we had a proper chat. It's long overdue, don't you think? No
worries, the game has just begun. See you around~"

Kinindatan niya ako at saka siya tumayo. Ilang hakbang pa lamang ang layo niya mula
sa mesa namin, tumayo rin si Loki at humirit.

"Wait!"

Stein turned around and looked at him with interest. "Why? You forgot to tell me
something?"

"Paano ko malalamang ikaw nga si Moriarty at hindi isang galamay lang?"

That's indeed a possibility. The mystery guy likes to play mind games with Loki and
it wouldn't be surprising if he sent a minion to act as him to say hello. But that
scenario, however, would make things more complicated. If Stein's not Moriarty,
then who?

Napabuntong-hininga si Stein at inarapan ang aking kasama. "Have you ever kissed
that girl? The dead one? Her lips tasted like strawberries. They were soft and
pinkish. I enjoyed them but she didn't seem to enjoy it. Mas maganda sana kung
pumalag siya pero naalala ko, patay na pala siya noong hinalikan ko. Hahaha~"

I could see the pain in Loki's eyes as he listened to that guy's answer. Nanindig
ang mga balahibo ko habang inilalarawan niya ang ginawa niyang pang-aabuso sa mga
labi ni Rhea. Kahit na siya nga si Moriarty, I never thought he's capable of doing
creepier stuff.

"She smelled like jasmine. Her pale, smooth skin tasted like vanilla ice cream,"
Stein licked his lips as he reminisced that moment. "She was also clean. My only
regret is that I didn't get to hear her moan. But I got to hear her last words.
'Loki, please save me' or something along those lines."

Loki hung his head low, his clenched fists shaking uncontrollably. This must be the
first time he heard about Rhea's last words and what Moriarty did to her. I could
feel the rage welling up inside him. And like a volcano, he's going to erupt
anytime now.

Except he didn't. The trembling of his fists stopped as he raised his head. Muling
tumalikod si Stein at naglakad palayo sa amin.

And that's how our first meeting with Moriarty ended.

Or so I thought.

"Wait..." sabi ni Loki, parang nagmamakaawa na ang kanyang boses. Pilit niyang
tinatago ang emosyong naglalagablab sa kaloob-looban niya.

"Is there something else that you want to know?" tanong ni Stein bago niya muling
hinarap ang aking kasama.

The moment he turned around, Loki quickly grabbed a wooden chair on his side and
slammed it on his head. Sa lakas ng impact, nawalan ng balanse si Stein at nag-
collapse sa sahig.

Binitawan ni Loki ang hawak niyang upuan at paulit-ulit siyang pinagtatadyakan.


Dinig na dinig ko sa bawat sipa ang poot na matagal na niyang kinikimkim. Palakas
nang palakas ang mga ito at walang tigil sa pagtama sa kawawang katawan ni Stein.

"DAMN YOU, YOU BASTARD! DAMN YOU TO HELL!" Loki cursed repeatedly, the boiling rage
inside him could be seen in his eyes. His face twitched and for a while, I didn't
recognize the guy in front of me. Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakita ko
siyang nagkaganito.

Hindi ko inasahang ganito ang gagawin niya. Nakatulala lamang akong nakaupo habang
pinapanood ang ginagawa niyang paninipa kay Stein. Ang ibang taong nasa cafe,
napatakip ng bibig samantalang ang ila'y kumukuha ng litrato at video ng pagka-
beastmode ni Loki.

Nakasara na ang isang mata ni Stein, duguan na ang kanyang ilong at halos magsuka
na niya ng dugo sa sahig. He positioned his body

in a fetal position as he tried to endure my companion's wrath.

Nang magbalik ang aking kamalayan, kaagad akong tumayo at niyakap si Loki mula sa
likuran. Pinilit ko siyang hilahin palayo pero nagpupumiglas pa rin siya.
"LOKI! TAMA NA, PLEASE! LOKI!" pagsusumamo ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa
pananadyak. The glint of anger in his eyes, his flared nostrils and his gritted
teeth told me that no one could stop him from exacting his vengeance.

The person I'm hugging right now is not the Loki that I know. He was no longer the
mysterious guy I first met in Tita Martha's apartment. He was no longer the cunning
guy who used me as a bait to lure out my secret admirer. He transformed into a
completely different person-someone close to a monster.

There's only one way to bring back the old Loki.

"HINDI MATUTUWA SI RHEA SA GINAGAWA MO!" I shouted, hoping that the magic word
would work. Pagkasabi ko no'n, may luhang tumulo mula sa aking kanang mata.

I didn't want to see him in this terrifying state. I wanted to see the old Loki
that I used to know.

Before he could land another kick on Stein's body, his entire body froze with wide-
eye stare and slightly opened mouth. Rhea's name was the only thing in this world
that could calm him down. He left me with no other choice but to use it.

By the time he stopped, Stein was already coughing up blood. Cafe personnel rushed
to his side while the others called for an ambulance. Pumasok din ang security
guard at naglakad patungo sa kinatatayuan namin.

"Loki..." mangiyak-ngiyak kong bulong sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit para
tuluyan nang pakalmahin ang galit na kanina pa nagwawala sa loob niya.

"What have you done?"

-END OF VOLUME ONE-

=================

Volume 1 • Afterword

Posted by LORELEI RIOS

July 25, 2015

11:11 PM

KUNG MAY nagbabasa man ng blog na ito, lubos akong nagpapasalamat dahil naglaan
kayo ng oras para basahin ang mga adventure namin ni Loki. Hindi ko inakalang may
magbabasa nito at magbibigay ng komento. Talagang na-appreciate ko ang mga feedback
mula sa inyo.
Mahigit isang buwan ko ring isinulat ang mga entry na nabasa n'yo. Napuno ng
misteryo, suspense at aksyon ang mga nagdaang kabanata. I myself enjoyed every
twist and turn of the story. I hope you enjoyed the ride as well.

Have we reached THE END? Was it a GAME OVER already? If yes, that would be
disappointing, don't you think? Ayaw kong iwan kayo sa ere at pag-isipin kung ano
ang kahihinatnan ni Loki matapos ng kanyang ginawa kay Stein a.k.a. Moriarty. Sabi
nga niya sa amin noon, "the game has just begun."

Heads up: I won't be updating this blog for a while. Magkakaroon kasi kami ng
recollection kaya ilang araw din akong hindi makakapag-update. Pero huwag kayong
mag-alala, babalitaan ko kayo kung sakaling may mangyaring kababalaghan. Kung
talagang nahawa ako sa pagiging magnet ni Loki sa mga kamalasan at trahedya, for
sure may kasong mangyayari sa trip namin. But my fingers are crossed that nothing
bad will happen.

In the meantime, bibigyan ko na kayo ng patikim kung ano ang dapat na abangan sa
mga susunod kong entry:

Of course, there were consequences for Loki's action. The status quo has definitely
changed since the day he assaulted Stein. (Should I get used to calling him
Moriarty from now on?) Due to what had happened, the student government and the
school admin mulled whether to close the Q.E.D. Club permanently or not.

Weeks ago, someone paid me a surprise visit. I wasn't pleased by that person's
unannounced appearance. And he brought nothing but bad news to me. I wish I hadn't
seen him at all. You will find out why soon.

Alistair, my childhood friend whom I mentioned in one of the entries, would become
a series regular in my next updates. I should have expected this to happen when he
told me, "Don't worry. I will be back here soon." Little did I know that was a
foreshadowing!

Maybe I should tell you about some cases we solved outside the campus. May ilang
engaging na kaso kaming hinawakan na sana'y papatok din sa inyo. Thanks to this
blog, hindi na limitado sa mga estudyante sa campus ang mga kliyente namin. Gumawa
rin kasi ng Facebook page si Loki para sa mga may request. But I will tell you more
about that soon.

Teka, bago ko makalimutan, may mga kaso ba kayong gustong mabasa? May mga
nakatambak kasi akong notes ng mga nilutas namin ni Loki pero hindi ko alam kung
ano ang swak sa panlasa n'yo. Pwede kayong mag-suggest sa comment section at
titingnan ko kung may nalutas na kaming gano'n.

And before I forget, sa mga fan ni Jamie, huwag kayong mag-alala dahil maayos na
kalagayan niya. She once slept over in our apartment... in Loki's bedroom. God
knows what those two did!

Again, thank you for reading my blog! Abangan n'yo sa susunod kong update ang
simula ng SEASON 2! For now, I will mark this piece as completed until further
notice.

P.S. Naghahanap din pala ako ng artist. Gusto kasi ni Loki na lagyan ng
illustration ang ilan sa mga post ko para mas engaging daw. Kung may interesado, i-
comment n'yo rin sa baba.

Hanggang sa susunod na update!


=================

Volume 1 • FAQ GANERN! (Spoilers!)

I posted this section para sa mga reader na may tanong tungkol sa Project LOKI.
There are times that I can't reply immediately to comments and I sometimes forget
to answer. Narito ang ilan sa mga tanong na kadalasang nagpa-pop mula sa mga
reader:

1. Meron bang VOLUME TWO ang Project LOKI? Kung meron, kailan ito mapo-post?

Yup, rest assured na may next volume ang adventures nina Loki at Lorelei. I said
before na February pero dahil sa real life at ibang commitments, na-push ito later.
(I'm already part of the working class so life sometimes takes most of my time.)

UPDATE (04/06/16): Volume 2 will be published starting May 4.

2. Eh? Bakit antagal naman?

Hindi gano'n kadaling magsulat ng detective fiction kung ikukumpara sa ibang genre.
Pero once na bumalik na ang LOKI sa regular schedule, one chapter every two days,
if not every day, ang mapo-post. Ang average word count ko for LOKI ay 4,000. Pero
minsan, umaabot ng 6,000-7,000 words.

3. Ilang chapters ang ine-expect n'yo sa Project LOKI? At may ending na ba kayong
naisip?

Originally, twenty chapters lang dapat. Kaso natuwa ako sa reception ng mga reader
at sa chemistry nina Loki at Lorelei kaya na-extend. I'm eyeing for fifty chapters,
divided into three volumes.

Yes, I have an ending in mind. It will be a good one, I promise. Pero pwede pang
magbago along the way. Hehe.

4. Magkakaroon ba ng development ang relasyon nina Loki at Lorelei sa Volume Two?

I can't guarantee na magle-level up ang relationship nilang dalawa. Unang-una sa


lahat, mystery ang focus ng plot,

hindi love story. But I can add a pinch of romance. However, dahil sa pagpasok sa
eksena ni Jamie at sa pagdating ng isa pang character, that "romance" sub-plot is
still unclear.

5. Malalaman ba namin ang backstory ni Lorelei sa Volume Two?

Nag-drop ako ng hints throughout the first volume and I think it's fairly obvious
to some what might have happened to her. In the second volume, we will go back to
where it all began.

6. Magiging part ba ng Q.E.D. Club si Rosetta?

Loki already shot down the idea so I guess malabo nang maihabol pa ang membership
niya. Haha.

7. Ano pong ibig sabihin ng Q.E.D.?

Huh? Hindi ko ba na-mention sa nakalipas na twenty chapters? You can search it on


the Internet. Meron ding manga na ganyan ang title at parehong mag-partner ang male
and female lead (brains + brawn thingy).

8. May mga minor character ba sa first volume na magpapakita sa next volume?

Yes, and you should have paid attention to those characters, either formally
introduced or briefly mentioned. Who knows how significant they are?

9. Si Stein Alberts ba talaga si Moriarty? At napatay ba siya ni Loki?

Chapter 20 revealed that he is indeed Moriarty. If you think it's an ass-pull


revelation, I suggest that you re-read Chapter 18. That's probably the most
important clue as to Stein's "other" identity.

If you're not convinced, well, carry on.

He's still alive, by the way.

10. Pwede n'yo bang patayin si Jamie?

Nope. Nope. Nope. I like her as a character and I enjoy writing her.

11. How can Moriarty,

assuming he's a high school student, make everyone in his organization obey him?
Such as Officer Bastien?

He has cunning methods to secure absolute and blind obedience from his underlings.
Will be explored more on the second volume.

12. Saan po galing ang mga code na ginamit n'yo?

Most of the codes have been researched. Don't be surprised kung nabasa n'yo na ang
mga 'yon sa ibang mystery/detective fiction stories. Pinaka-common na yata ang
Caesar's Box. 'Yong skip code sa Chapter 15, nabasa ko siya sa isang Sherlock
Holmes story. 'Yong base eight code, inspired siya sa isang Sherlock pastiche (pero
mas komplikado 'yon dahil roman numerals ang gamit).

Idinadaan ko sa execution ang ibang codes para maging unique. Kunwari 'yong Morse
Code (dots and dashes), ginawa ko siyang "knocks and scratches" sa Chapter 11. Pati
'yong double code mystery sa Chapter 18. 'Yong code sa Chapter 5, biglang pumasok
sa isip ko habang tintingnan 'yong periodic table of elements.

At the moment, may mga bagay akong nakikita na pwedeng gawing code. Try n'yong
tumingin sa keyboard or keypad n'yo ngayon, something might jump out of you na
pwedeng inspiration for a code.

13. Magkakaroon ba ng ibang setting ang mga case? Kasi puro nasa school e.
Ah, sorry. Gusto ko kasing bumalik sa school kaya laging doon ang setting ng lahat
ng stories ko. Haha! Pero sa second volume, I guarantee na lalabas na sila. Pwedeng
mapunta sila sa isang villa kung saan aatake ang isang serial killer, like what a
reader suggested.

14. How about ang mga type of cases? May something new ba na dapat abangan aside
from the usual murders?

Iniisip ko pa kung paano ako makakasulat ng locked room mystery. Meron na sumagi sa
isip ko pero masyadong visual at nahihirapan ako to put it into words.

Serial killings would also be a nice addition to the arsenal of mysteries for the
second volume.

So far, ang mga covered case ay: murder, suicide, murder-disguised-as-suicide,


abduction, blackmail, stalker

AND THE MILLION PESO QUESTION:

15. Kailan kayo mag-u-update? Ipo-post n'yo rin ba rito ang next chapters o gagawa
kayo ng bagong book for the second volume?

May hinihintay pa ako kaya hindi ko masabi kung kailan. Pero gaya ng sinabi ko,
most probably sa March. Kapag dumating na 'yon, I will inform you right away.

***

At the moment, I'm trying out other forms of mystery/detective fiction kaya may mga
bagong story ako. If you are into mystery, you may want to give them a shot.

May tanong ba kayo sa akin? Feel free to post your questions below and I will
answer them.

Kung may expectations o suggestions kayo kung paano mapapaganda ang VOLUME TWO,
feel free to also post them below.

As a writer, I will highly appreciate your feedback. Thank you!

P.S. As a bonus sa mga nagtiyagang magbasa nito, I present you this:

Moriarty has four "generals" and they have been introduced and/or mentioned in the
first volume.

=================

VOLUME 2

New volume. New cases. New members. The adventures of the Q.E.D. Club continue!

Moriaryt's identity has been finally revealed in the first volume but the battle
between him plus his organization and the Q.E.D Club has just begun!

And don't forget to say "Hi!" to Moriarty and friends!


=================

Volume 2 • Chapter 21: The Pandora's Box

LORELEI

THE RINGING of the school bell marked the end of today's Mathematics lesson. Due to
a series of brain-racking equations, my classmates have been excruciatingly waiting
for this moment. Standing before the whole class, Sir Jim Morayta cleared his
throat before giving us his parting words.

"Don't forget that we will have a long quiz tomorrow!" anunsyo niya sabay hawak sa
bridge ng kanyang salamin na may itim na frame. "Class dismissed!"

Isa-isang nagsitayuan ang mga classmate ko habang binubura ni Sir Morayta ang mga
nakasulat na komplikadong equation sa board. Halos duguin na ang ilong ng ilan sa
amin kanina dahil sa sobrang hirap na makuha ang solution.

I put my moleskin notebook and pen in my bag before walking to the exit. Pero bago
ako tuluyang makalabas, tinawag ako ng malambing na boses ni Sir Morayta.

"Lorelei, a moment please?"

Kaagad akong tumalikod at lumapit sa teacher's desk kung saan inaayos niya ang
kanyang mga gamit. Did I do something wrong in the class that prompted him to call
my attention?

"Ano 'yon, sir?"

He placed the pile of books on the desk and turned to me. I couldn't clearly see
his jetblack eyes because the lens of his glasses reflected the light outside.

"I hope you don't mind me asking. Kumusta na si Loki?"

Gulp. I didn't expect that he will ask for my flatmate's welfare. It has been a
while since I last heard someone speak of his name.

"He's... doing great." 'Yon lamang ang nasagot ko sa kanya. It was the truth after
all. Pagkatapos ang nangyari dalawang

linggo na ang nakararaan, balik na sa status quo ang lahat.

"Pasensya na. Medyo nagdadalawang-isip nga akong itanong sa 'yo pero hindi ko
mapigilang mag-alala." A glimpse of concern was etched on my teacher's face and his
voice sounded sincere. "Also, I heard na nasa ospital pa rin si Stein."

Due to the blunt force trauma on his head, Stein Alberts a.k.a. Moriarty has been
in coma for two weeks now. The news about Loki assaulting spread like wildfire
dahil sa mga estudyanteng nasa coffee shop noong araw na 'yon. Nakunan kasi nila ng
video ang nangyari at ipinost pa sa social media.

"I hope na maayos na ang lahat ng gusot at makabalik na rito si Loki," napalitan ng
ngiti ang pag-aalala sa mukha niya. "May ilang bagay tayong dapat pag-usapan
tungkol kay Moriarty at sa mga kasong kinasangkutan niya."

Nang wala na siyang dinagdag, nagpaalam na ako at tuluyan nang lumabas ng aming
classroom. I'd wanted to ask him what he knew about Moriarty but I held my tongue.
Masasagot din siguro ang mga tanong na bumabagabag sa isip ko kapag dumating ang
tamang panahon.

That reminds me, he told us back in the coffee shop that he's an ally of Loki, not
an antagonist. I have been thinking what he meant by that.

"Mukhang malalim ang iniisip mo."

I raised my head and saw Rosetta waiting on the corridor. She still has that warm
smile plastered on her face. Her long hair was smoothly flowing along with the
wind.

"Seryoso yata ang tinanong sa 'yo ni Sir Morayta?" dagdag niya.

"Kinumusta niya lang si Loki. Medyo nag-aalala rin daw siya."

"Ilang araw ko na rin siyang

hindi nakikita," sabi ni Rosetta bago kami nagsimulang sabay na maglakad sa


hallway. "Totoo ba ang mga tsismis na expelled na siya?"

"Indefinitely suspended," I corrected her. "Hangga't hindi pa tapos ang


imbestigasyon ng school admin tungkol sa coffee shop incident, hindi muna siya
papapasukin."

Rosetta crossed her arms across her chest and looked at the ceiling. "Hindi pa rin
ako makapaniwala na kaya niyang gawin 'yon sa isang honor student. Wala kasi sa
itsura ni Loki na kaya niyang manakit ng kapwa."

That's also what I thought before. But whenever Rhea is involved, his calm demeanor
changes into an aggressive stance. Twice have I seen the "other Loki" who lets his
emotions get the better of him.

"Sana ma-lift ang suspension niya. Siguradong natambakan na kayo ng request sa


Q.E.D. Club."

Naghiwalay na kami ng landas sa staircase. Bumaba siya sa ground floor para


makipagkita sa mga Paranormal Club member habang ako'y umakyat sa third floor kung
saan ang aming clubroom.

Our mini-detective agency is never the same without him. I still could imagine him
seated on his swivel chair, reading piles of paper with ciphers written on every
page. The table that was once covered with complex codes is now empty. It won't be
an exaggeration to say that he brought color to the club. Without him, everything
is in monotone.

"I knew you would be here."

I jumped out of surprise when I heard a cold voice behind me. Nakaramdam ako ng
pangingilabot at tumindig ang mga balahibo ko. Turning around, I saw Luthor's
expressionless face and his bored eyes looking down on me. He still

had the chilling aura that could freeze anyone only if he had any superpower.
Hindi ko man narinig ang mga yabag niya o naramdaman ang pagpasok niya sa loob.
Napaisip tuloy ako kung totoo ngang kaya niyang mag-materialize mula sa hangin o
lumitaw mula sa isang pentagram, gaya ng paglalarawan ni Loki sa kanya.

"A-Anong ginagawa mo rito?" I asked.

His footsteps didn't make a sound as he walked around the room, his hands behind
him. "I'd like to inquire on how's my brother doing the past few days? I am well
aware that you two are living together in an apartment unit."

Napalunok ako ng laway at napatulala sa kanya. Susubukan ko sanang linawin kung


bakit gano'n ang arrangement namin ni Loki pero pinili kong ibang topic ang pag-
usapan namin. "Bakit hindi mo siya bisitahin doon kung talagang concerned ka sa
kanya?"

"I don't want to ruin his day. My mere presence is enough to upset his stomach.
What more if I ask him how he's doing?"

He had a point. Until now, I do not know why Loki hates his brother so much. The
feeling doesn't seem to be mutual though. Kung sigurong pwedeng magtakwil ng
kapamilya, siguradong si Luthor ang unang-una sa listahan niya. Ayaw ko ring
itanong kay Loki dahil masyadong personal ang bagay na 'yon.

"I believe he is savoring the suspension," he added when I didn't reply. He stopped
near the window and peeked at the green landscape of our campus. "He really hated
going to class and acting like a normal student. He must be grateful for what he
did to that young man."

"Speaking of Stein, may progress na ba sa imbestigasyon ng school admin at

pulis sa kanya?" I took this opportunity para makakalap ng impormasyon. Hanggang


ngayon, hindi pa rin namin alam kung makukulong na ang lalaking 'yon dahil sa mga
kasong nangyari sa school na konektado sa kanya.

"On the allegation that Stein Alberts, the school's Math prodigee, is a criminal
mastermind? I'm not supposed to tell you this info but maybe you should know.
There's no evidence that he is what my brother claims him to be."

My eyes blinked and my mouth slightly opened in shock. A dead silence ensued as I
curiously stared at Luthor. For a moment, hiniling kong sana mali ang aking
narinig.

"A-Anong pinagsasabi mo? Walang ebidensya? Hindi ba ebidensya ang laman ng phone
niya para ma-incriminate ang lalaking 'yon?"

"There's nothing in his phone except for the call from Loki," he said slowly,
emphasizing on the second word. "Also, the school's investigation revealed that
Stein was a victim of Moriarty, locked in the abandoned building for a day. So how
can he be the mastermind you two are claiming him to be?"

Slowly I shook my head in disbelief. Paanong walang laman ang phone niya? 'Yon
malamang ang ginagamit niya para makipag-communicate sa mga galamay niya kaya
paanong walang nakitang kahit ano ang mga pulis? Could it be the work of his
accomplice inside?

"S-Stein's playing with your minds! He wanted you to think that he was a victim."
My voice grew louder as I insisted our claim.

"Or maybe... that's what you want to think. You and Loki want to believe that he's
Moriarty even if he's not."

"No! Stein confessed that he is Moriarty!" I roared at him.

"Then

where is your evidence? Did you record his confession?"

This is unbelievable. Feeling a bit hopeless, I heaved a sigh as my head hung low
and my fists clenched. Bakit ba niya pinagdududahan ang deduction ng kapatid niya?
Bakit ayaw niyang i-entertain ang posibilidad na totoo ang akusasyong si Stein ay
si Moriarty?

"Since we are on that topic, I'd like you to know that the student executive
committee and the student council will be deciding this Friday whether or not we
will dissolve this club. Frankly, I don't think they will vote in your favor."

Iniangat ko ang aking ulo at muling nabaling ang tingin sa kanya. "Bakit nadamay
pati ang club namin? Hindi ba't ang isyu rito ay sa pagitan nina Loki at Stein
Alberts?"

"The school admin believes that this club is enabling my brother to pursue wrong
leads and fanciful theories which led to the assault of an innocent man. It's now
up to us if you will stay or not."

"And you did nothing to defend your brother and the club that's dear to him?"

"If I didn't do anything, my brother would be in jail by now," he said coldly. "I
cannot clean all the mess he made."

Whatever "help" he's referring to, I have absolutely no idea.

"I need to leave you now. Send my regards to my brother." He waved his left hand
and silently walked out of the room. The chilling air that filled the four corners
dispersed upon his leave.

Napaupo na lamang ako sa monobloc chair at muling ni-replay sa utak ko ang mga
sinabi ni Luthor. This doesn't look good. No one believes Loki except me, and
everyone thinks he's the villain and Stein's the victim.

What they do not know is that it's the other way around.

* * *

Pagpatak ng alas-kuwatro, dumiretso na ako pauwi sa aming apartment. Dahil


suspended ang number one puzzle solver ng Clark High School, temporarily closed ang
Q.E.D. Club at wala munang estudyanteng pumupunta sa clubroom para humingi ng
tulong sa paglutas ng mga misteryo sa kanilang buhay. Hindi rin bumisita si Jamie
nitong nakalipas na linggo sa club. I wonder what she is up to the past few weeks.

Nang huminto ako sa tapat ng pinto ng apartment namin, may nakita akong note na
nakadikit malapit sa doorknob: UNLOCK ME.

This must be his doing. I rolled my eyes before putting out my lockpicking kit.
Ipinasok ko ang dalawang mala-alambreng bagay sa loob ng keyhole at kinalikot ito.
Ilang minuto rin ang lumipas at ilang butil ng pawis ang tumagaktak bago ko na-
unlock ang pinto.

Huminga ako nang malalim at saka itinulak ito papasok. Loki must be testing me if I
learned anything from our lockpicking sessions. He's been sharing some of his
tricks to me while he's on suspension. Sabi niya, kailangang magaling ang isang
detective sa pagbubukas ng kahit anong pinto. The world should be thank him for he
is not teaching robbers or else the news will be filled with robbery reports.

Pagpasok ko sa loob, bumungad sa akin ang isang malaking teddy bear na nakabigti sa
aming kisame. My heart almost shattered into pieces when I recognized that life-
sized stuffed toy.

"LOKI!" I looked at the man who's comfortably seated on the couch and busy reading
a book. "WHAT HAVE YOU DONE WITH MY TEDDY BEAR?"

He raised his right index finger and said, "Correction: MY teddy bear, no longer
yours. Have you forgotten that you passed the ownership of that cuddly thingy to me
after you had thrown it away?"

"But that's not the issue here! Bakit kinailangan mong ibigti ang kawawang manika?"

He waved his hand, dismissing my concern. Why do I bother to argue with this man?
"Don't worry, Theodore doesn't mind. You should be proud of him, he helped me prove
the innocence of a young man accused of hanging his girlfriend. The counter-
argument is that he couldn't have committed the crime because his height lacks a
few inches."

"Theodore? Bakit pangmatanda ang pangalan?"

"Teddy bears were named after US President Theodore Roosevelt who-"

"Yeah, I know! Pero andami namang pangalan diyan na pwedeng pagpilian."

And why are we having this conversation about the poor teddy bear? Umupo na lamang
ako sa isa pang couch at ipinatong ang aking bag sa tabi.

His bored gaze returned to the "Harry Potter and the Goblet of Fire" book. This was
probably the first time I saw him not reading a mystery or detective novel. At alam
ko, hindi siya naniniwala sa magic kaya nakakapagtakang nagbabasa siya ng story
about a boy wizard.

"So how's your day?" he asked after a moment of silence.

I began by telling him that Sir Morayta wanted to meet us once his suspension is
lifted. The unexpected visit of his brother to the clubroom was also mentioned,

especially the update about the Moriarty case. When I informed him that the student
council is mulling over the dissolution of the Q.E.D. Club, I didn't observe any
glimpse of concern on his face, to my surprise.

"Moriarty is an able strategist," he commented after my long narration. "The faux


abduction in the abandoned school building, the clean content of his phone-
everything was set into place to ensure that nothing would link him to the crimes.
If we want to put him behind bars, we need to find a solid evidence."

"What about the Q.E.D. Club? Parang hindi ka nababahala na baka i-dissolve 'yon ng
student council?"

He flipped another page of the book and darted a quick glance at me. "I'm currently
suspended so I can't do anything at the moment. And because the club president
won't be around any time soon, the responsibilities fall on the vice president
which, by the way, is you."

Hindi ko na matandaan kung kailan ako pumayag na maging vice president niya o
talagang by default na ang second member ng isang club ay automatically appointed
sa gano'ng posisyon.

"But isn't that club dear to you?" I asked. "Hindi ka ba nanghihinayang na baka
mawala ang isang bagay kung saan marami kang nagawang alaala? Paano na ang memories
n'yo ni Rh-"

My mouth froze before I could finish mentioning the name of his old acquiantance
and probably the first friend he ever had. It has been my own unspoken rule in our
apartment and in the clubroom to never speak of her name. Ayaw kong muling masaktan
si Loki kapag naaalala niya ang babaeng 'yon.

"You probably have some questions

buried in your mind. Ask away."

For a few weeks now, I have avoided this topic. Ayaw ko na kasing buksan ang sugat
na unti-unting naghihilom dahil baka muli itong humapdi. But there's something I
wanna know.

"Do you feel good now? Nailabas mo na ba lahat ng kinikimkim mong galit kay
Moriarty?"

There was a brief silence in our living room and I thought he won't be answering my
question. "Strangely, the feeling was far from satisfaction. I should feel ecstatic
now that I have exacted my revenge on him, right? Pero bakit ganito? I feel
disappointed. Dahil ba hindi ko siya tinuluyan? O dahil hindi ko inakalang nagawa
ko 'yon sa kanya?"

"Maybe that's not how justice should feel like."

For a man who want to bring evildoers to justice, it is kinda out of character for
Loki to take the law into his own hands. Stein had it coming and he himself pressed
Loki's berserk button.

"My God! Bakit nakasabit sa kisame ang teddy bear na 'to?"

Dahil sa sobrang seryoso ng usapan namin ni Loki, hindi namin napansin ang pagpasok
ni Tita Martha sa aming unit. May dala-dala siyang isang platter ng sandwiches na
ipinatong niya sa mesa.

"Pasensya na, tita, bored kasi si Loki kaya naisipan niyang pag-trip-an ang teddy
bear ko."

"Correction, it's MY teddy-"

"MUKHANG BUSY kayo ngayon, tita? Anong pinagkakaabalahan n'yo?" Mabilis akong
sumingit bago pa matapos ni Loki ang kanyang hirit. Ayaw ko nang balikan ang topic
tungkol sa kawawang teddy bear.

"Kinailangan ko kasing ipaayos 'yong antenna ng cable sa bubong," inalis ni Tita


Martha ang mga kalat sa mesa. "O hayan, magmiryenda

muna kayo."
Kumuha ako ng isang sandwich habang tiningnan lamang ni Loki ang pagkain sa harapan
niya. Either wala siyang ganang kumain o mas gusto niyang tapusin muna ang kanyang
binabasa.

"By the way, Lorelei, busy ka ba bukas ng hapon?" tanong ni tita.

Nginuya ko muna at nilunok ang pagkain sa bibig ko bago sumagot. "Free ang schedule
ko tomorrow after class. Bakit ho?"

"Ah! Wala, naitanong ko lang," nakangiti niyang tugon. Pero pakiramdam ko, may
itinatago siya sa likod ng kanyang ngiti. "O ubusin n'yo itong mga sandwich at
huwag n'yong kakalimutang tanggalin sa pagkakasabit ang teddy bear na 'yan, ha?
Baka biglang bumigay ang kisame."

Pagkaalis ni Tita Martha, kumuha pa ako ng isang sandwich.

"Now it's my turn." Ibinaba ni Loki ang hawak niyang libro at tumitig sa akin. "Are
you free this weekend?"

"I don't have anything on my schedule. Why?"

"I'd like to invite you for a date."

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Kaagad akong kumuha ng isang basong tubig
sa kusina at diretsong ininom ito. After wiping my mouth clean, I returned to my
seat and asked, "Are you serious? Or is there a punchline waiting for me?"

"Just kidding~" he replied nonchalantly. I knew he was joking. The Loki that I know
wouldn't invite someone for a date. He had no time for any romantic inclination. He
would rather lock himself in a room and solve puzzles than go out and eat dinner
with someone.

"Pero seryoso ako sa tanong ko kung free ka ngayong weekend."

"Bakit ba?"

"An acquaintance of mine needs my wisdom to solve a seemingly bizarre case.

We both owe him a favor so he deserves our help."

Kumunot ang aking noo habang nakatitig sa kanya. "Teka, in what way did I owe that
person anything? I don't even know any acquaintance of yours."

"You will find out soon."

I thought he would elaborate the request but he fell silent and continued reading
the book.

Pagkatapos kumain, dumiretso na ako sa aking kwarto para magpalit ng damit.

* * *

Kinabukasan, pagkatapos kong mag-ayos para pumasok sa school, nakita kong nakaupo
si Loki sa paborito niyang spot sa couch. Hawak-hawak niya ang kanyang laptop at
tila hinihintay akong lumabas ng kwarto. He's not usually awake around half past
six in the morning.

"May lakad ka ba ngayong araw?" tanong ko habang isinusuot ang aking flat shoes.
"Magdya-jogging ka ba kaya maaga kang nagising?"
Without saying good morning or any pleasantries, he approached me and stretched out
his arms holding a silver laptop. "I want you to have this."

My eyebrow raised as I stared at his gadget. "And what am I supposed to do with


this thing?"

"Yesterday, you sounded so concerned about the club. Thus I am offering you the
club's salvation."

"Gusto mo bang ihampas ko 'yan sa mukha ni Luthor at ng mga kasama niya sa student
council?"

He shook his head. Nangangawit na siguro ang mga braso niya dahil hindi ko pa
kinukuha ang kanyang hawak. "This laptop is the Pandora's Box. Once you open it,
you can make anyone bow to your will. Kung gusto mong mailigtas ang club mula
pagkaka-dissolve, ang kailangan mo lang gawin ay buksan 'yan."

I took

the laptop from him and opened it. A window prompted me to input the password. "So
paano ko mabubuksan ito?"

He returned to the couch and crossed his legs. "There won't be any fun if I tell
you right away. Why don't you try to deduce it?"

Inasahan ko nang gano'n ang sasabihin niya. Wala akong nagawa kundi titigan siya
nang ilang segundo. He must be joking. How could I possibly deduce his password if
there are an infinite number of possible combinations?

"My laptop has a nine-digit code. When decrypted, those numbers will reveal the
word DETECTIVE. Sounds easy, right?"

Ilang beses akong napakurap at pilit na in-absorb ang mga pinagsasabi niya. "So you
encrypted the word DETECTIVE into a numerical code and set it as your password?"

"Anyone will have a hard time figuring it out," he replied. "I expected that one
day, the club will be in danger of being dissolved so I prepared a dossier that
will turn the tables in our favor. And that day has come! The salvation of our club
is now in your hands."

Wow. Thanks for giving me that task. "Any clue that might help me?"

"Try Mary Had A Little Lamb."

Though I still don't understand why he mentioned that children's song, I took his
laptop with me and left the apartment. Napakabigat ng responsibilidad na ibinigay
niya sa akin. If it's true that this laptop could save the club, bakit kailangan pa
niyang i-withhold ang kanyang password at pahirapan ako? Some problems have simple
solutions but Loki always wants to pursue complex methods to arrive at the answer.

I spent the whole morning scribbling the possible

combination for the password. The simple substitution, the use of base eight-I
tried all codes we have encountered so far. My effort yielded some results,
however, I do not know how the clue could be connected to the numbers.

By lunch time, I went to our clubroom and reviewed my notes. The first number
combination is based on a simple number substitution cipher. Letter A is 1, letter
B is 2, letter C is 3 and so on and so forth. For letters substituted with two-
digit numbers, I combined them para maging isang digit sila. Following that logic,
for example, the letter M which is substituted by the number 13 will become 4.

4 5 (2) 5 3 (2) 9 (4) 5

"The password is incorrect. Two attempts left."

Wh-What?! Meron palang limit kung ilang incorrect password ang pwedeng ilagay! Loki
should have told me earlier that I'm only given three tries. What would happen if
all my inputs are incorrect? Will this laptop self-destruct or will the files
inside be deleted?

Looking at the next set of passwords-which are quite many-I can't pick a random
combination and enter them on the box. I'm still thinking over the clue that Loki
gave me. How could a children's song help me encrypt the word DETECTIVE? Could the
encryption key be a date shift cipher? When was that song composed? No, it's not a
number substitution cipher so I can't use it.

Inilabas ko ang aking phone at inilagay sa keypad screen nito. Kailangan ko nang
humingi ng dagdag na clue mula kay Loki para ma-unlock ko na ang laptop niya. I do
hope

that he would give me something helpful.

I was typing his number when a thought occurred to me. Aside from being a
children's song, Mary Had A Little Lamb is also the tune of Moriarty's number when
dialed. Each number key has a corresponding note.

If memory serves me right, his number is 0921-654-5666. Sinubukan ko siyang i-dial


at pinakinggan ang tune.

Bip! Bop! Bip! Bip! Bip! Bip! Bop! Bip! Bip! Bip! Bop!

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung bakit ito ang binigay na
clue. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa keypad screen kung saan naka-arrange
ang mga numero mula one hanggang nine. Sa ilalim ng bawat number, may mga nakalagay
na letra.

Hawak-hawak ang aking phone sa kaliwang kamay, sinimulan kong mag-type sa laptop
habang pasulyap-sulyap sa keypad screen.

3 3 8 3 2 8 4 8 3

Click!

"Welcome, Loki Mendez!"

Nakahinga na ako ng maluwag matapos tanggapin ang password. Kaya pala nabanggit
niya ang children's song bilang clue. Every number key has a corresponding note. In
the case of Loki's password, every number has corresponding letters. Kinailangan
kong piliin kung saang numero nabibilang ang bawat letra ng salitang DETECTIVE.

There was nothing on Loki's desktop except for the black background and the folder
at the center named "Pandora's Box." Talaga nga yatang pinanindigan niya ang Greek
mythology reference na 'yon. That would mean hell will break loose once I open that
folder.

Click!
The new window

that greeted me had a number of sub-folders with unfamiliar names. I randomly


clicked a folder and what my eyes saw next made me gasped.

Kaagad kong isinara ang laptop at huminga nang malalim. What was seen cannot be
unseen. I never thought na gano'n ang laman ng bawat folder. Now I understood why
Loki called it the Pandora's Box. I immediately regretted taking a peek at their
contents!

This reminded me of a case we solved a few weeks ago. I have a gut feeling that
Loki, after retrieving that device that can spell doom to anyone, copied its
contents in his laptop so he could use them to his advantage one day.

Now that day has come and it's up to me whether I will save the club or not...
through a repugnant method.

* * *

"I'm doing this for the club," I kept telling myself while walking across the
hallway. Pagkatapos ng aming afternoon period, nagmadali akong nagtungo sa office
ng High School Supreme Student Council para kausapin si Luthor. Iniwan ko muna ang
laptop sa clubroom pero dala-dala ko ang isang envelope kung saan nakapaloob ang
mga ipina-print ko kaninang lunch time.

Nang makarating ako sa tapat ng kanilang pinto, ilang beses akong kumatok bago ako
pinagbuksan.

"Yes?" tanong ng isang babaeng naka-ponytail. If I remember correctly, siya 'yong


secretary na inutusan dati ni Luthor na tawagin si Margarette noong araw na dinukot
si Jamie.

"I need to talk to the vice president."

"Sorry pero may meeting kami ngayon. Ire-relay ko na lang sa kanya ang gusto mong
sabihin."

Napailing ako. "No, I have to talk to him

in person. It's an urgent matter."

"Pasensya na talaga pero-"

"Is there any problem, Jessica?"

Hindi ko pa man nakikita si Luthor, nanindig na ang balahibo ko sa boses pa lang


niya. Bigla siyang nagpakita sa likod ng kausap kong babae at binati ako ng walang
kaemo-emosyon niyang mukha.

"Lorelei. I didn't expect you to show up here," he said in his usual voice that
could send chills to my spine. "What's so important that you had to pay us a visit
after class?"

"Kailangan kitang makausap, Luthor, tungkol sa plano n'yong pag-dissolve sa Q.E.D.


Club." Nilakasan ko na ang aking loob para sabihin sa kanya ang pakay ko. "I have
an offer which you cannot refuse."

He stared at me for a few seconds, maybe he's wondering by what I meant with the
word "offer." He then let me in and escorted me to the conference room where the
other council members were seated. With just a single nod, everyone in the room
left except for the president.

He pulled me a chair and offered me a seat. "I apologize for the interruption but a
member of the Q.E.D. Club needs to urgently speak with us. She has an offer to
make."

The president, whose name I still don't know, stared at me with curiousity.
Magkasing-haba ang buhok naming dalawa pero wavy ang itsura ng kanya.

Napalunok muna ang ako ng laway at nag-ipon ng lakas ng loob. "Gusto kong siguruhin
n'yong hindi madi-dissolve ang aming club. Narinig ko kay Luthor na plano n'yong
pagdesisyunan kung ano ang dapat gawin sa club namin pagkatapos ng insidente sa
coffee shop."

"But that's not something we can control," sabi

ng president na may malambing na boses. "Pagbobotohan namin bukas kung dapat pa


bang i-retain ang inyong club. Hindi namin pwedeng diktahan ang choice ng bawat
isa."

Napasulyap ako kay Luthor na nanatiling tahimik at pinapanood ang palitan namin ng
salita ng presidente.

"Kaya nga may offer ako sa inyo para masiguro n'yong majority ang hindi papayag sa
pag-dissolve ng club," I continued, sliding the brown envelope across the table. I
watched the president as she opened it. Luthor remained unmoving, staring at us
with his hawk-like eyes.

Nanlaki ang mga mata ng president at bahagyang bumuka ang kanyang bibig habang
tinitingnan ang mga larawang laman ng envelope. "W-Wait a minute. These are-"

"Do you still remember Charles Meliton, the one who tried to extort money from you
in exchange for not leaking those photos?" My arms crossed over my chest as I savor
the shock on her face. "Kapag natuloy ang pagka-dissolve ng aming club bukas,
expect that those photos will be posted by an anonymous user via social media."

"You think this is enough to control us?" At last, Luthor broke his silence. "You
seem to have misread us, Lorelei."

"Meron pa akong hawak na photos ng mga kasama n'yong student council officers at
mga miyembro ng executive committee. I did a quick research and found out that some
of you are from influential families. Can you imagine the damage to be done to
their families' honor once those compromising photographs get leaked?"

Never in my life have I ever imagined that I would resort to this vile method. Ayaw
kong i-blackmail sila para pumabor

sa amin ang desisyon pero sa ganitong sitwasyon, ang mga maruruming taktika ni Loki
ang effective. Nanginginig nga ang mga tuhod ko habang pinagbabantaan sila,
senyales na hindi bukal sa loob ko ang aking ginagawa.

There was a deafening silence as the two high-ranking students exchanged glances.
There was something in their stares that tell me they are communicating
telepathically, deciding whether they should accept my offer or not.

"I never thought that you would use the method of Loki to bring us to our knees,"
Luthor gazed at me with his dull eyes. "Regarding your offer, we need a guarantee
that you will not leak those photos if we vote in favor of your position."

"You have my word."

He stood and extended his left arm to me for a handshake. "Then it's a deal."

Now that the club is saved, my business with the student council has concluded.
Pagkalabas ko sa kanilang opisina, parang nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan at
nakahinga na ako nang maluwag.

I never imagined that I would be attached to that club. I also never imagined that
I would go to such lengths to protect it.

BEEEEP! BEEEEP!

The moment I felt the vibration in my pocket, I quickly took out my phone and saw
Tita Martha's name flashing on the screen. Kaagad kong sinagot ang kanyang tawag.

"Hello, tita? Mabuti't napatawag ho kayo?"

"Nasa school ka pa ba? Nasa coffee shop ako malapit sa campus n'yo. Diogenes Cafe
yata ang pangalan. Pwede mo ba akong puntahan?"

Hearing the name of that shop reminded me of the confrontation between Loki and
Stein. What a coincidence

na roon gustong makipagkita ni Tita Martha. Pero ang nakakapagtaka, bakit nandoon
siya? Gusto niya bang magmiryenda muna o tikman ang best-selling latte nila?

Kinuha ko muna ang laptop ni Loki sa aming clubroom bago ako tuluyang umalis ng
campus. Dahil nasa kabilang side ng kalsada ang meeting place namin ni tita, hindi
ako natagalan bago nakarating doon.

Ang una kong napansin, parang walang tao sa loob. Bakante ang mga upuan at mesa
pero hindi naman nakasabit ang "SORR WE ARE CLOSED" sign nila. Sa ganitong oras
kasi, dapat dagsa na roon ang mga estudyanteng gustong mag-chill after ng isang
hectic na araw.

Pagbukas ko sa pinto, naramdaman ko ang malamig na hanging bugso ng aircon. Pero


kumpara noong last time na pumunta ako, tila mas dumoble ang lamig at biglang
nanginig ang mga braso't tuhod ko.

Dahil wala ngang tao rito, mabilis kong nahanap si Tita Martha na nakaupo... at may
kasamang isang lalaking nakatalikod. Gaya ng naramdaman ko kay Luthor kanina,
nanindig ang mga balahibo ko.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanilang mesa habang pinagmamasdan ang


lalaking kasama ni tita. He had some strands of white hair, probably in his
fifties. His black suit and the rolex watch on his left wrist indicate that he is a
man of means. There's also a cup of tea on the table.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko ang profile ng kanyang mukha.
Tita Martha's question yesterday if I'm available this afternoon, the empty seats
in the cafe, the chilling atmosphere here, the choice of tea on the table-I should
have realized sooner that I was lured into a trap!

"Ti-Tita,

anong ibig sabihin nito?" Hindi na ako nag-hi o hello sa kanya dahil napangunahan
na ako ng kaba. I shot a sideward glance at the man who was reading a magazine.
Kahit nasa tabi na niya ako, parang hindi ako nag-e-exist sa paningin niya.

"We need to talk in private," sabi ng lalaki. "Thank you, Martha. You can now
leave."

Tinapik ako sa balikat ni tita at nginitian ako. Akala niya siguro'y natutuwa ako
sa surprise na inihanda nila para sa akin.

"Take a seat," the man gestured at the vacant chair on the other side of the
circular table.

Gusto kong tumakbo palabas, pero hindi nagawa ng mga binti ko. Sinunod ko na lamang
ang gusto niya at umupo sa harapan.

Meet my dearly beloved father, Walter Rios. If there's an award for the best dad in
the world, he won't probably win it. Ilang buwan ko na ba siyang hindi nakikita?
Dalawa o tatlo? I lost track of it.

"Would you like tea or coffee?"

"Neither," sagot ko. Hindi ko maiwasang mapakapit sa aking mga tuhod para makontrol
ang panginginig ng mga ito. After how many months of no contact, he

would just appear before me.

"Anong ginagawa n'yo rito? Naligaw ba ang driver n'yo?"

He flipped the page of the magazine and, without looking at me, answered, "I met
with a valued client yesterday. Since I'm in this city, I thought I would check up
on you. The last time I went here, you were busy with school activities so-"

"So you decided to pay me a surprise visit, huh? And you conspired with my aunt to
pull this off?"

Kinuha niya ang teacup sa mesa at hinipan ito bago uminom. It must be his favorite
chamomile tea.

"Hindi naman kayo pumunta rito para kumustahin lang ako, tama?" I asked. "Pwede
n'yo naman akong i-text o tawagan para itanong kung buhay pa ako. O baka na-delete
n'yo na ang number ko?"

For the first time since I arrived in this cafe, our eyes finally met. Ibinaba niya
ang binabasang magazine at inilabas ang kanyang phone. May ilang pagpipindot muna
siyang ginawa sa screen bago niya ipinatong ito sa mesa.

Curious with what he wanted to show me, I took a peek at the phone screen. To my
surprise, it was something I had seen before-Loki's assault on Stein that happened
in the cafe we are in. Ang alam ko, na-delete na ang video na 'yon sa internet kaya
paano siya nagkaroon ng kopya?

"This isn't the first time you were seen in a video scandal," my father's deep
voice reminded me of Luthor's. "Months ago, I sent you here in Pampanga because I
thought you will keep yourself away from trouble. It turned out that I was wrong."

"Sa-Saan n'yo-"
"Alistair brought it to my attention." I gulped at the mention of my childhood
friend's name. "He told

me that you have acquainted yourself with the violent young man in the video. I
can't help but feel disappointed in you."

Nakakurap na lamang ako at lalo pang humigpit ang kapit sa mga tuhod ko.

"In light of recent events, I want you to return to your previous school," my
father continued after sipping his tea. "Alistair may have already told you that
those who were responsible for that incident have been expelled. I can talk to my
friends in the school's board of directors so we could arrange your immediate
transfer."

I shook my head. "No, I don't want to return! Matapos n'yo akong ipatapon dito,
ngayon, kukunin n'yo ako ulit?"

"I must admit that I wanted you out of sight after that incident. But considering
what happened here, it would be better if you were within my reach."

"I'm not a child anymore, dad," I replied, trying to maintain my composure. "I
won't allow you to control my life again."

He then smirked as if I said something funny. "Alistair was right. You have grown
too stubborn. Is it because of the young man in the video? Is he the reason why you
want to stay here?"

"Loki has nothing to do with my decision!"

"Loki..." he muttered as his eyes narrowed into slits. "What a coincidence."

My eyes shot him a curious look. I was about to ask what he meant by his last
remark but he cut me short.

"I already expected that you would insist on staying. I believe there's nothing I
could say to change your mind."

Dahil wala na ring patutunguhan ang usapan namin, tumayo na ako. "Since you failed
in convincing me, I'd like to leave now. Thank you for wasting my time, dad."

Iniwan ko siyang iniinom ang paborito niyang tsaa at naglakad ako patungo sa exit.
Bago ko pa maitulak ang pinto, may pahabol siyang hirit.

"By the way, what do you think of Alistair? Do you think he's a perfect match for
you?"

Ignoring his question, I walked out of the cafe, leaving that old man behind.

It may have been a while since the last time we talked face to face. But my dad
hasn't changed a bit. He can't even say my name-not even once-throughout our
conversation.

###

=================
Volume 2 • Chapter 22: The Petrarchan Connection

LORELEI

THE SMELL of the garlic from the kitchen woke me up today. I could hear the
striking of the spatula to the metallic frying pan. Obviously, someone's cooking.
But who?

Not even once have I seen Loki cook anything. Ni hindi nga siya marunong magprito
ng itlog o hotdog. Lagi siyang umo-order sa mga fast food chain kapag walang
dinadalang pagkain sa amin si Tita Martha. Kaya imposibleng siya ang nakagising
nang ganito kaaga para magluto.

Could it be Tita Martha? Possible, pero may sarili siyang kusina kaya bakit
kinailangan niyang magluto sa mismong stove namin? And she would not barge into our
unit unannounced.

Could it be my great father? My aunt could give him access to our unit but I doubt
he would waste time cooking for her daughter. Hindi ko nga alam kung marunong
siyang magluto dahil laging mga kasambahay namin ang naghahanda ng pagkain.

To clear my head of this early morning mystery, I got off my bed and exited my
room. Rubbing the sleep from my eyes, I turned to the kitchen and noticed a young
woman standing before the stove and frying a couple of eggs. Seeing her long
braided hair, I realized who it was-Jamie Santiago.

"Good morning, Jamie," I said as I walked to our bathroom door.

"Good morning too, Lorelei!" she greeted me with a warm smile. I don't know if it's
genuine or not. "Did you have a good night sleep?"

"Yeah, I did. Thanks to-"

Wait. Something's not right here. I traced my step backwards and stared into the
slim figure of my companion. My eyes then roamed around the kitchen, a bit confused
if I was

still in our apartment unit. The familiar arrangement tells me that I am.

Now only one question remains: What in the world is Jamie Santiago doing in our
apartment?!

"Gusto mo na bang mag-breakfast?" nakangiting tanong ni Jamie. "I prepared meals


for three."

My eyes blinked for a couple of times. Kinailangan ko ring kusotin ang mga mata ko
para makasigurong hindi ako nananaginip o nag-iilusyon lang.

"You must be surprised that I'm here." Inilagay niya sa mesa ang isang plato ng
fried rice at mga itlog. "Loki let me in last night when you were already asleep."

"Last night? So dito ka natulog?"

"I also brought my uniform para dito na ako makapagbihis." Sunod niyang kinuha ang
mga kubyertos at inilapag ang tatlong plato sa mesa. "Kung pwede lang, dito na rin
ako mag-i-stay kasama si Loki. Don't you think that's a good idea?"

After how many days of not seeing her, Jamie pops up in our very home and cooks
breakfast for us. What was she

up to the past few days?

"You two seem to be getting along."

Tumalikod ako't nakita si Loki na kakalabas lang ng kanyang kwarto habang humihikab
pa. Kinukusot din niya ang kanyang mga nakasarang mata.

"Good morning, Loooooki!" dumikit nang parang linta si Jamie sa kasama naming
lalaki at hinila patungo sa mesa kung saan nakahanda na ang agahan. They looked
like a young couple who started living in.

"Your knitted eyebrows tell me that you have a question," sabi ni Loki. There's no
need to say my thoughts out loud. "You were probably surprised to see Jamie in our
apartment. Just so you know, she begged to stay here until the sun rises."

"Obviously, that would mean na natulog siya rito. Where did she sleep?"

"I offered our cozy couch to her but she insisted on sleeping in my room."

"So natulog siya sa kama mo habang ikaw ay natulog sa sahig?"

"Why would I sleep on the floor?" Loki scoffed. "We shared the same bed."

I stared blankly at Loki, my eyes blinking. Then I shifted my gaze to the girl who
was smiling widely as if she had won the war. Seryoso ba ang dalawang 'to? Or are
they pulling a prank on me?

"You two... slept together?"

"Something wrong with that?" walang kaemo-emosyong tanong ni Loki. "Is there a law
prohibiting a boy and a girl from sleeping on the same bed?"

"Wala pero kayong dalawa... natulog sa isang kama... ibig sabihin..."

"Do you really wanna know what happened last night?" Jamie teased, keeping the grin
on her lips. "It was fun actually."

Before she could continue teasing me, I strode off to the bathroom, rolling my

eyes. Gusto kong takpan ang mga tenga ko para hindi ko na marinig ang mga sunod na
lumabas sa kanyang bibig.

I can't believe what the hell was happening.

***

Matapos kong makaligo at makapagbihis, kaagad na akong umalis sa aming apartment.


Nawalan ako ng ganang kainin ang breakfast na inihanda ni Jamie at wala rin ako sa
mood para makasabay sila sa pagpasok.

Pagdating ko sa classroom, nadatnan ko si Rosetta na nakalupong kasama ang iba kong


kaklase. Kahit na naku-curious ako kung ano ang pinag-uusapan nila, hindi ako
nakikitsismis. Rosetta always tells me the latest "tsismis" in our class so there's
no need to stick my nose into other people's business.
Umupo na lamang ako at nagsimulang magbasa ng notes ko sa Math. Ilang segundo ang
lumipas, gaya ng inaasahan, lumapit sa akin si Rosetta.

"Hey, Lori! Narinig mo na ba ang tsismis?"

"Hmm?" Napataas ang kaliwa kong kilay. "Anong meron?"

"Napadaan kasi ako sa faculty room kanina at nakita ko ang adviser natin na may
kausap na lalaking estudyante. At first, I didn't pay too much attention pero
narinig kong magta-transfer daw siya sa class natin!" Rosetta sang in glee. I don't
know why she's so excited about this news.

"Pero nasa kalagitnaan na tayo ng semester. Tumatanggap pa pala ang school ng


transferee?"

"Baka special case ang lalaking 'yon. In fairness, may itsura siya at may killer
smile."

Now I get it. They are all excited about a handsome boy transferring to our class.
Maybe I am one of the few students in this class who's not looking forward to
meeting that guy.

Makalipas

ang ilang minuto, pumasok na ang class adviser namin kaya tumahimik ang mga
nagtsitsismisan kong kaklase. Bumalik sila sa kani-kanilang upuan at umupo nang
maayos.

"Good morning, class!" bati ni ma'am matapos ipatong sa mesa ang mga dala-dala
niyang libro. "Before we start our homeroom session, I have a few announcements to
make. First, let me introduce to you someone who will be with us starting today."

Rosetta, who was seated next to me, turned to my direction and muttered, "Ayan na
siya!"

Uninterested, I chose to focus on my notes than waste another second of my life on


the transferee. Dahil na rin siguro sa ilang buwan ko nang kasama si Loki, nahawa
na ako sa I-don't-care attitude niya sa ibang tao.

Narinig ko ang mga mabibigat na yabag ng lalaki pero hindi ko pa rin naisipang
iangat ang ulo ko para tingnan siya.

"Good morning. My name's Alistair Ravena."

"Alistair?" I murmured as I turned the page of my notebook. "What a nice name."

Wait. Alistair? Parang pamilyar ang pangalan na 'yon, a. Pati 'yong boses ng
nagsalita.

My head tilted up and shifted my gaze to the student standing before the whole
class. Nabitawan ko ang aking notebook nang makita ng mga nanlaki kong mata ang
mukha ng lalaking 'yon.

It was Alistair Ravena, my childhood friend! I couldn't believe what I was seeing.
He's in Manila! So what in the world is he doing here?

Kanina, si Jamie. Ngayon, si Al. How many surprises are in store for me today?
"Alistair's recently transfered here from Manila. Please be good to him, okay?"
nakangiting sabi ni ma'am na nakahawak sa balikat

ng transferee. "Gusto mo bang maupo roon sa likod ni... ano nga kasi ang name mo?
Miss Rios, right?"

Hindi na umangal pa si Al at dire-diretsong naglakad sa mga row ng upuan. Ang ilan


sa mga babae kong kaklase, nakatitig sa kanya at halos tumulo na ang laway. I made
a stifled response when he passed by my seat. Sa sobrang pagkagulat ko, hindi ko
alam kung paano ako magre-react.

Sa buong homeroom session namin, hindi ko pinansin ang lalaking nasa likod ko.
Kunwari hindi siya nag-e-exist. Si Rosetta naman, hayun, kaagad nakipag-close kay
Al.

Hinintay ko munang matapos ang first period namin bago ko nilapitan si Al. Busy
siya sa pagsusulat sa kanyang notebook nang bigla kong hinawakan ang kanyang braso
at hinila siya palabas ng classroom. I didn't care if my other classmates would
make a fuss over my sudden action.

"Grabe, napaka-aggressive pala ni Lorelei!"

"Sa guwapo ba naman niyang si Alistair, kahit ako magdada-moves na ako!"

Maging si Rosetta, halos malaglag ang panga dahil sa ginawa ko. Tinawag niya ang
aking pangalan pero hindi ko na muna siya pinansin.

Siniguro ko munang medyo malayo na kami sa classroom bago ko simulang kausapin ang
lalaking 'to. I do not want my classmates to eavesdrop on our conversation. Hindi
nga nila alam na magkababata kami at dating magka-schoolmate ni Al.

"Sa ganitong paraan mo ba ako balak batiin, Lori?" nakangiti niyang tanong matapos
kong bitawan ang kanyang braso. "Hindi mo man ako nginitian nang dumaan ako sa tabi
mo."

"First things first: What are you doing here? Did my dad send you?"

"Do you think I'm a dog to do your father's bidding?" he replied. "I'm not here
under anyone's orders. I'm here because of you, Lori."

"Be-Because of me?"

He shot a sideward glance on students passing by and waited until they were gone
before continuing. "Ever since I watched that video, I have become worried about
you."

He must be referring to the one where Loki assaulted Stein Alberts. Which he showed
to my father, by the way.

"I thought you got yourself in some deep trouble for being associated with that
detective guy," he continued. "Gusto kong siguruhin na hindi na ulit mangyayari sa
'yo ang nangyari noon."

Napakuyom ang mga kamao ko at halos bumaon ang aking mga kuko sa palad ko. It was a
topic that I have always avoided since I transfered here in Pampanga. Whatever
happened that night, I do not want to remember anymore.
"Are you here to protect me... again?"

"As always, Lori."

The tension I felt on my shoulders eased a bit as my fists unclenched. Wala na rin
akong magagawa dahil nandito na siya.

"By the way, I'd like to meet that detective guy and visit your detective club,"
sabi niya nang nagkaroon ng awkward silence sa pagitan naming dalawa. "It's been
weeks since I last saw him."

Medyo nagdalawang-isip ako kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang current status
ni Loki.

But knowing him, he would definitely find out sooner or later so I better break the
news to him.

"He's been indefinitely suspended while the school admin is investigating what
happened in that video."

Napahaplos sa kanyang baba si Alistair, bahagyang naningkit ang mga mata at


napatingin sa ibang direksyon. "His name is Loki, right? Could it be..."

"Hmm?"

"Ah, nevermind. Balik na tayo sa classroom? Baka ano pang isipin ng mga kaklase
natin."

There's an urge inside of me to ask why Loki's name seemed to ring a bell. Pero
sumunod na lamang ako sa kanya pabalik sa aming klase.

Pagkatapos ng morning period, niyaya ko si Alistair na bumisita sa Q.E.D. clubroom.


Kaagad namang nag-react ang mga kaklase ko, lalong-lalo na si Rosetta, dahil sa
biglaang pagiging close naming dalawa ng childhood friend ko. Shrugging off their
remarks, we left the classroom and proceeded to our next destination.

"So this is where your adventures begin, huh?" he commented while roaming around
our small room. Naalala ko tuloy noong isang araw na napabisita si Luthor dito.

"We usually have clients every day. There were some interesting cases."

"Ah! Those written in your blog?"

"Yes-Wait, you are reading my blog?"

Alistair turned to me and beamed a warm smile. "Just recently."

Huminto siya sa may bintana at sinilip ang paligid sa labas. "Tell me, may
kinalaman ba sa isa sa mga kasong iniimbestigahan n'yo ang nangyari sa video? I
don't think Loki's the type of man who would assault someone without any particular
reason."

I took a deep breath, thinking if I should also tell

him about our pursuit of the elusive Moriarty. I bit my lip as I reconsidered the
thought. In the end, I decided to narrate to him the salient points, beginning from
Rhea's death until our confrontation with Stein Alberts.

"Now I understand why he acted that way. It was a natural response," he said, still
standing. Wala yata siyang balak umupo. "Nevertheless, he should have let justice
take its course."

"Unfortunately, no one believes him. There was no evidence to prove that Stein is
Moriarty."

"That would mean Stein, once he wakes up from his coma, can go after you two and
put your lives in danger, right?"

"That's possible."

"Then I'd like to join this club."

Ilang beses munang napakurap ang mga nakatitig kong mata sa kanya. Seryoso ba siya
sa kanyang sinabi?

"Sa ganitong paraan, I will always be there to protect you."

"I don't need protection."

"Then I wanna share the enthusiasm you have for mysteries," he said. "Would that
reason be enough?"

The decision whether to accept new members or not is the responsibility of the club
president. Loki has had rejected some membership applications before-one of them
was Rosetta-but since he's suspended and I am acting on his behalf, I could make
crucial decisions for the club. Pero dapat siguro'y konsultahin ko muna siya kung
gusto niyang makasama si Alistair. Kung papayag siya, magiging apat na kami sa
Q.E.D. Club.

"Maybe I should talk to Loki about your intention," I replied. "I can't really
decide for myself."

"Excuse me?" Sumilip ang isang babaeng may buhok na abot hanggang balikat

sa siwang ng pintuan. Sinabayan niya pa ito ng tatlong sunod-sunod na katok kaya


nakuha niya ang atensyon namin ni Al.

Her face was familiar and I knew I have seen her before. If I remember correctly,
she's the literary editor of Clark Gazetta-Agatha Cortez.

"Good afternoon, Lorelei! Do you still remember me?" tanong niya. Nakita kong may
bitbit siyang ilang papel at mula sa kinatatayuan ko, may mga nakikita akong
nakasulat na red marks sa ilang bahagi nito. She's probably editing the pieces
submitted to her.

"Yes, of course," nakangiti kong sagot. "Please take a seat."

"Ah, hindi na kailangan. Hindi rin naman ako magtatagal dito." Lumapit siya sa may
mesa at napatingin sa kasama kong si Al. She's probably wondering why an unfamiliar
face is inside the clubroom.

"By the way, he's Alistair Ravena, a potential member of our club," I gestured to
my classmate who shook hands with the literary editor. "What brings you here?"

"Gusto sana kitang i-inform na tapos na ang draft ng literary folio namin where
some of your blog entries were featured." Iniabot sa akin ni Agatha ang mga hawak
niyang papel. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naka-layout na ang mga isinulat
ko. Some words were either encircled or crossed out and replaced with another word.
"Medyo na-delay ang pag-process nito dahil sa nangyari two weeks ago. Doon sa
kasama mo," dagdag ni Agatha, bahagyang humina ang kanyang boses. "Kinailangan pang
i-defend ng editor-in-chief sa admin kung bakit kailangang ma-publish ang mga gawa
mo despite what happened."

Sa pagkakatanda ko, avid reader daw ng aking blog

ang kanilang editor-in-chief. Maybe that's why he did everything to have my works
published.

"Mapa-publish na 'yan next month kaya gusto ko sanang ipakita muna sa 'yo bago
ipadala sa printing press."

Gusto kong magtatalon sa saya. Al was smiling at me, muttering the word
"Congratulations." Ako naman, minadaling tiningnan ang bawat page ng draft. Mukhang
'yong mga story ko lang ang ipinapakita ni Agatha kasi nag-jump ang mga pahina.

"By the way, busy ba kayo ngayon?" tanong ni Agatha matapos ang ilang sandaling
katahimikan. "As a Q.E.D. Club?"

Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Dahil wala pa si Loki rito, hindi pa kami
tumatanggap ng mga request. Bakit?"

"Uhm..." Tumingin sa kabilang direksyon si Agatha at napakagat ng labi. Nag-


aalangan siguro siyang sabihin sa amin kung ano ang nasa isip niya. "May panibagong
misteryo na naman kasi sa isa sa mga staff namin."

The first time we met in this same room, may ni-refer din siyang kaso sa akin about
a contributor who was found dead in his room. Ano naman kaya ang nangyari ngayon?

"Kung may time kayo, gusto n'yo ba akong samahan sa editorial office? Mas mabuti
siguro kung ang editor-in-chief mismo ang magsasabi sa inyo ng buong nangyari."

Nagkatinginan muna kami ni Al at kahit walang lumabas ni isang salita sa mga bibig
namin, mukhang nagkaintindihan kami at sabay na tumango. Though Loki may not be
around, as the club's acting president, I have the authority to accept request. At
isa pa, pwede ring ma-test ang kakayahan ni Al sa paglutas ng mga kaso. Not that
I'm doubting his skills. He may even be superior to me.

On our way to Clark Gazetta's office,

magkapantay ang lakad namin ni Al habang nasa unahan si Agatha, binabati ang mga
nakakasalubong niyang prof.

"Ito ba ang magiging qualifying exam ko sa club?" pabulong na sabi ni Alistair


pagkaliko namin sa hallway.

"Pwede. Pero mas mabuti sana kung nandito si Loki para personal niyang makita ang
performance mo."

Hile-hilerang mesa ang nadatnan namin sa opisina ng student publication. Abala ang
lahat ng mga writer at editor na nadaraanan namin sa kani-kanilang mga article. Sa
bandang dulo ng room, meron isang cubicle kung saan nakalagay ang signboard na
EDITOR-IN-CHIEF.

Agatha knocked on the door before swinging it open. "Gus, nandito na ang mga taga-
Q.E.D. Club."
Napalunok ako ng laway bago ako tumuloy sa loob. I haven't seen the face of the
chief editor nor his shadow. Siguro siya 'yong mukhang istrikto at malalim ang
eyebags dahil sa sobrang dami ng article na nile-layout at ine-edit.

But it was the exact opposite. His face wasn't that serious, he was actually
welcoming. He even greeted us with a smile. He had a swept-back hair and a pair of
circular spectacles lie before his jetblack eyes.

Tumayo pa siya para iabot ang kanyang kamay sa amin. "At last! It's nice to meet
you face to face, Miss Lorelei. I'm an avid reader of your blog. My name's Augustus
Moran. But you can call me Gus."

I replied with an awkward smile while shaking his hand. Hindi talaga ako marunong
mag-react sa mga ganitong sitwasyon.

"And you must be?" Gus shot a curious look at my companion. "You are not Loki,
aren't you?"

"Alistair Ravena, a member-in-training of

the Q.E.D. Club," nakangiting sagot ni Al. "Pleased to meet you."

"Pleasure's mine." The editor-in-chief gestured to the vacant chairs before his
wooden desk. "Have a seat."

"Sinabi ni Agatha na may gusto kang ikonsulta sa amin na problema," panimula ko


nang makaupo na kami ni Al. "Pwede ba naming malaman kung ano 'yon?"

May inilabas na folder si Gus mula sa drawer ng kanyang desk at ibinigay ito sa
akin. "Dahil papalapit na ang release ng folio, puspusan na ang preparation para
dito. Tuwing may meeting, lahat ay present maliban sa isang female literary writer
namin na ilang araw na naming hindi nakikita."

"Kung gano'n, isang case of abduction?"

"I don't know kung masasabi mong dinukot talaga siya. Here's what's strange. Kahit
na hindi siya nagpapakita sa amin, nagagawa niyang mag-submit ng mga tula para sa
folio. Tinanong namin via email kung bakit hindi siya nag-a-attend ng mga meeting.
Ang sabi niya, wala raw kaming dapat alalahanin."

"Baka may sakit siya?"

"We considered that possibility pero recently, nalaman namin na hindi na rin siya
pumapasok sa klase niya the past few days. Wala man siyang sinabihan sa mga kaklase
niya o maging ang teacher niya kung bakit siya absent."

"Ang mas weird pa riyan ay ang mga sinubmit niyang tula," dagdag ni Agatha na
nanatiling nakatayo sa may pintuan. "Meron kami kasing theme na sinusundan sa
folio. Pero ang lahat ng sinend siya via email ay malayo sa category na sinet ko."

"Nasubukan n'yo na ba siyang tawagan? O puntahan sa bahay niya?" tanong ni Al.

"Nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi niya sinasagot,"

kwento ni Agatha. "Pumunta ako sa dorm na tinutuluyan niya pero sabi ng mga kasama
niya, hindi pa raw siya umuuwi ilang araw na ang nakalilipas. Wala na rin ang mga
parent niya kaya wala siyang ibang posibleng puntahan."

The narrative reminded me of the Stein Alberts abduction case and somehow, I'm
getting a bit of Moriarty vibes here. Pero imposibleng sangkot dito ang criminal
mastermind dahil sa pagkakaalam ko, naka-comatose pa siya hanggang ngayon.

Binuksan ko ang binigay na folder ni Gus at bumungad sa akin ang dalawang piraso ng
papel na may nakasulat na tula. I gave Gus a questioning look which prompted him to
explain.

"Those are the poems written by our literary writer. Agatha and I were thinking
that despite knowing the themes for the folio, our writer intentionally sent those
poems to send a message."

Isa-isa kong binasa ang mga tula habang nakatingin lang si Al sa akin.

"They make perfect sense to me," I commented as I passed the poems to Al so he


could have time to examine them. "Bakit inisip n'yong may kakaiba sa tulang
sinubmit niya?"

"Ni minsan kasi, hindi pa sumulat ng romantic poem ang writer namin," paliwanag ni
Agatha. "At isa pa, ang theme para sa dalawang 'yan ay patriotism at horror. Malabo
namang magkamali siya ng sinend sa amin."

"I guess you were right."

Sabay-sabay kaming lumingon kay Alistair na kakatapos lang basahin ang dalawang
tula. The three of us made a what-do-you-mean face.

"This is an SOS message from one of your writers. And she needs saving," tugon sa
amin ni Alistair.

"That would mean na tama ang hinala namin?"

"Pero paano ka nakasisiguro na SOS nga 'yan?"

Lumapit si Al sa desk at ipinatong sa mesa ang dalawang tula. "Sa unang tingin,
mukhang normal ang mga tulang ito at posibleng nagkamali siya ng sinend sa inyo.
Pero sinadya niya ito para magpahatid ng mensahe."

Sunod niyang inilabas ang kanyang pen mula sa chest pocket niya. "Pamilyar ba kayo
sa mga uri ng rhyme schemes? Kagaya ng Petrarchan sonnet?"

"Napag-aralan na namin 'yon sa English class namin. Which reminds me, mahilig
gumamit ng Petrarchan sonnet rhyming scheme ang writer na 'yan."

Hindi ako gano'n kapamiyar sa mga rhyming scheme kaya naisipan kong itanong kung
ano ang tinutukoy nila.

"May sinusundang scheme ang Petrarchan sonnet na may fourteen lines: a-b-b-a-a-b-b-
a-c-d-e-c-d-e. Kahit hindi sinundan ng missing writer ang strict format nito,
sinunod naman niya ang rhyming scheme," panimula ni Agatha habang

nakakrus pa ang mga braso.

"Ang mga linyang magkaka-rhyme ay nile-label base sa letters ng alphabet,"


paliwanag ni Alistair sabay turo sa unang linya ng Searching for A. "Base sa
nasabing rhyming scheme, ang first, fourth, fifth at eighth line ng tulang ito ay
may parehong rhyme kaya ile-label natin sila bilang "A." Gano'n din ang gagawin
natin sa ibang lines na may parehong rhyme."

Alistair wrote a letter at the end of every line of the two poems.

"Ngayong alam na natin ang rhyming scheme, ang next clue ay ang title ng dalawang
tula." Binilugan ni Alistair ang mga pamagat. "Searching for A." Ito na siguro ang
pinaka-obvious na hint na iniwan ng writer. Ang tinutukoy niyang "A" ay ang mga
linyang nilabel natin sa letrang 'yon. Kailangan natin silang pagsama-samahin. Ang
next hint ay ang clicher: "The First Word." Babasahin natin ang unang salita ng
bawat linyang naka-label na "A" para ma-decipher ang nakatagong message."

Tinupi niya ang parehing tula at pinadikit ang mga ito. Doon namin lubusang
naintindihan ang gusto niyang sabihin.

"Please-Save-Me-From-My-Lover-His-House!" I exclaimed as I shot a wide-eyed stare


at my companion.

"Do you know where his boyfriend's house is?" tanong ni Al kay Agatha na nagulat
din sa nalaman niyang sagot sa code.

"Ilang kanto lang 'yon mula rito sa campus. Naitanong ko na rin sa lalaking 'yon
kung alam niyang nawawala ang kanyang girlfriend. Pero sabi niya, mukhang wala
namang

problema kasi nakaka-text at nakakausap niya pa sa phone. Kailangan na ba nating


tawagan ang Campus Police?"

"Oo pero mas mabuti kung iko-confirm muna natin kung nandoon pa ang writer," sagot
ni Alistair. "Kailan ba na-send ang mga tulang ito? Last night? If her boyfriend
decided to transfer her to somewhere out of our reach, the police efforts would be
in vain. If he was any smarter, he might have realized that the poems his
girlfriend sent were an SOS message."

"Anong dapat nating gawin?"

"Pupuntahan muna namin ang bahay ng boyfriend niya at itse-check kung nandoon pa
siya. Kapag confirmed na, call the police and tell them someone was abducted."

"That sounds like a good plan," komento ni Gus na inayos ang pagkakalagay ng
kanyang salamin. "We will wait for your confirmation."

Kumuha ng isang sticky note si Agatha at isinulat ang numero at address ng bahay ng
sinasabing boyfriend. "Here it is. Ang alam ko mag-isa siyang nakatira sa apartment
kaya kung meron man siyang in-abduct at dinala roon, wala kaagad makakapansin."

"Lorelei, do you wanna come with me? Or maybe you should stay behind with them?"
tanong ni Alistair.

"Of course, I should also be there as part of the Q.E.D. Club," sagot ko.

"Then see you guys later. We will keep in touch." Pinauna ako ni Alistair na
lumabas sa cubicle ng editor-in-chief at saka niya ako sinundan.
For a moment, I thought Loki was with me dahil siguro pareho sila ng body frame.
Pero iba ang aura ni Alistair sa kanya. My missing-in-action companion would be
striding down the hallway with a mischievous smile on his face after

knowing that someone was abducted and things might get interesting. Alistair, on
the other hand, had a worried look plastered on his face and he seemed genuinely
concerned for the missing writer.

Imbes na dumiretso kami sa main gate ng campus, dumaan kami ni Alistair sa parking
lot. Naalala ko tuloy 'yong isang kasong sinolve namin noon kung saan may sasakyan
'yong suspek at doon niya inilagay ang katawan ng kanyang biktima para maipuslit
palabas.

Inilabas niya ang kanyang car remote key at itinutok sa kulay puting Subaru na
lumikha ng beeping noise. He also brought his car pala sa Pampanga.

"Get in," he motioned to the passenger's seat after he entered the car. Sumunod
naman ako sa utos niya't pumasok sa loob sabay suot ng seatbelt. Al just turned
eighteen this year so he probably has a driving license. Kahit baguhan pa siya sa
driving, I felt safe sa pagmamaneho niya.

It only took us a matter of minutes before we reached the apartment indicated in


the address Agatha gave us. Walang nagbabantay sa gate nito kaya hindi kataka-taka
kung paano naipasok ng lalaki ang dinukot niyang writer dito. We went to the
furthest among the five units and stopped before the door.

"Classes are still ongoing so the boyfriend should still be in school," Al said as
he was peeking through the window. "Hindi natin dapat problemahin kung bigla siyang
bumalik dito. We should call the landlord here and explain the situation para
buksan niya ang pinto."

Saktong humakbang siya palayo sa pintuan nang hinila ko ang kanyang braso. "There's
no need to call the landlord. Kaya kong buksan ang pintong 'to. Magtiwala

ka sa akin."

His brows knitted as he gazed on me with a curious look. "Do you mean we will be
picking the lock of the door? Isn't that illegal?"

"It is the most convenient thing to do here. Paano kung wala rin ang landlord sa
mga oras na 'to? Do we still have to wait for him hanggang sa dumating siya? What
if the writer needs medical attention?"

Surprised by what he heard from me, he just stared and let me put out my
lockpicking kit. This is probably the first time I put Loki's lesson into use.
Kinalikot ko nang ilang beses ang doorknob, pasulyap-sulyap sa paligid dahil baka
biglang dumating ang landlord o ang kapit-bahay ng suspek. Matapos ang ilang
pagpatak ng pawis at paglipas ng ilang segundo, bumukas ang pinto at tinulak namin
ito papasok.

"Where did you learn that technique?" nagtatakang tanong ni Al.

"Loki taught me in case something like this happens."

Maliit lamang ang apartment na pinasok namin at nakakalat kahit saan ang mga damit
at pinagkainan ng nakatira dito. Kung sigurong hindi ako naging flatmate ni Loki,
baka ganito rin ang eksena sa sala niya.
Dahan-dahan kaming naglakad sa loob, pinakikinggan kung may maririnig kaming ungol
ng paghingi ng tulong. Nagtungo kami sa tapat ng kuwarto sa bandang likuran at
marahang binuksan ang pinto.

Halos maluha ako sa aking nakita.

Nakahandusay sa sahig ang isang babaeng may mahabang buhok, punit-punit ang damit
at bahagyang nakadilat ang mga mata. Nakatakip din ng masking tape ang kanyang
bibig. Meron din siyang blackeye sa kanang mata. Kitang-kita ko sa mga braso at
binti ng kaawa-awang biktima ang

mga pasa, bugbog at sugat.

Nang makita niya kami, sinubukan niyang gumalaw pero damang-dama ko ang paghihirap
niya sa pagkilos. She was beaten up by her boyfriend. She was abused. And although
we do not know each other personally, seeing her in that state breaks my heart.

Mabilis siyang nilapitan ni Al at dahan-dahang inalis ang tape sa bibig ng babae,


pati sa kanyang mga binti at kamay. Tsineck ng kasama ko ang pulso ng biktima at
ang paghinga nito.

"She needs to be brought to the hospital," sabi ng kasama ko. "Puwede natin siyang
isakay sa kotse ko pero mas mabuti kung isasakay siya sa ambulansya."

Inilabas ko ang aking phone at sinimulang i-dial ang number ng pinakamalapit na


ospital dito. Ipinaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon ng babae at sinabihan akong
hintayin ang pagdating ng ambulansya. Sunod kong kinausap si Agatha para sabihing
kumpirmado ngang nandito ang nawawala ang writer.

"They're on their way," I told my companion as I put my phone in my skirt's pocket.

Sabay kaming napalingon ni Al sa may pintuan ng kuwarto nang may marinig kaming mga
mabibilis na yabag. Ang bilis naman yatang rumesponde ng ambulansya?

Pero nang makita namin ang figure ng kakapasok lang na tao, napaurong ang aking
hakbang. Isang lalaking hinihingal pa habang tumatagaktak ang pawis. Hinabol niya
muna ang kanyang hininga bago niya inilabas ag isang Swiss knife mula sa kanyang
bulsa.

"A... Anong ginagawa n'yo rito?" he set his gaze on me then on Alistair who was
calmly standing beside the victim. "Pa... Paano kayo nakapasok?"

"Kung ako sa 'yo, susuko na lamang

ako," payo ng kasama ko sa kanya. "Paparating na ang mga pulis at alam na nila ang
tungkol sa ginawa mo. There's no escaping now."

Humakbang siya papalapit sa akin habang nakatutok ang kanyang patalim sa direksyon.
"Heh! Sa tingin n'yo ba maniniwala ako sa bluff n'yong 'yan? Dahil nandito na rin
kayo, bakit hindi ko kaya kayo isunod sa babae 'yan?"

He quickly thrusted his knife forward but before it could reach me, Al's hand
caught his wrist. Sinubukang alisin ng lalaki ang mahigpit na pagkakahawak ng
kasama ko sa kamay niya pero lahat ng effort niya'y nabalewala.

"You should never hurt a girl," sabi ni Al habang dahan-dahang bumubukas ang
nakakuyom na kamay ng lalaki hanggang sa mabitawan niya ang patalim. Sinundan niya
ito ng isang suntok sa sikmura, dahilan para mamilipit sa sakit ang salarin at
mapaluhod sa sahig.
On a hand-to-hand combat, no one can hold a candle to Al. Even if he's outnumbered,
he could take down anyone with ease. Gaya ng nangyari noong gabing 'yon.

"I do not want to resort to violence but we need to incapacitate him until the
police arrives." Kinuha ni Al ang nakakakalat na masking tape sa mesa at tinalian
ang mga kamay ng lalaki.

Minutes later, the ambulance arrived followed by the police. The abused girl was
taken to the white van while the guy was arrested by the authorities. It was a case
closed.

But there's something that's been bothering me since the suspect set foot in his
own apartment: Did he know that we were in his unit? If yes, then how? 'Yon ba ang
dahilan kaya nagmadali siyang umuwi kahit may klase pa sila?

***

Ayaw

ko noong una, pero mapilit talaga itong si Al. Matapos kaming dumaan sa police
questioning para ipaliwanag kung paano namin nalamang nakakulong sa apartment ang
nawawalang writer, inalok niya akong ihatid sa tinutuluyan ko. Hindi ko pa
naikukuwento sa kanya na sa iisang unit lamang kami nakatira ni Loki. No idea on
how he would react on that news.

Pagka-park ng kanyang kotse sa tabi ng aming apartment, dumiretso kaming dalawa sa


third floor at tumigil sa tapat ng Room 302. Mabuti naman at walang naghihintay na
lockpicking challenge sa akin ngayon. Pagbukas ko sa pinto, kaagad na bumungad sa
amin ang naka-dekwatrong si Loki na nagbabasa pa rin ng Harry Potter and the Goblet
of Fire.

"Let me guess. Something happened in school that's why you were unusually late this
afternoon," sabi ng flatmate ko nang hindi man iniaangat ang kanyang ulo o
tumitingin sa direksyon ko.

For a brief moment, I saw a hint of surprise on Al's face. He must be wondering why
my fake boyfriend and club colleague was comfortably seated on the couch. Sana nga
lang e hindi pumasok sa isip niya ang ideyang nagli-live in kami.

Dahil wala akong witty na sagot o mabagal ang response time ko, napatingin sa akin
si Loki bago sa kasama ko. Isinara niya ang binabasa niyang libro at napatayo. "I
didn't know that we have a guest. We have met before, haven't we? What was your
name again? Altamont, right?"

"It's Alistair," I corrected him. He has never changed, still forgetting people's
names.

"Ah, your childhood friend!" he exclaiimed as he approached us, his hands behind
him and a finger stuck in the middle of the book he was reading. "So he decided to
transfer to our school and drive you home. What a surprising development."

"How did you know that we arrived here by ca-" Ah, nevermind! He must have smelled
the scent of Al's car air freshener or heard the sound of the car engine nearby.

Al extended his right hand to Loki, as if they were meeting for the first time.
Again. "It's been a while, hasn't it? I hope you don't mind if I join your
detective club."
Loki, who was about to shake hands with him, stood frozen for a while. "Of course,
you are welcome to join. But since I am currently suspended, the decision lies on
the acting president."

Ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin. Sabi ko na nga ba, ganito ang magiging
scenario. Sa akin din niya ipapasa ang burden ng pagdedesisyon. Sunod na napatingin
sa akin si Al na tila naghihintay ng sagot ko.

I took a deep breath before giving my verdict.

"As the acting president, I accept Alistair's application to the club."

###

P.S. It took me a week to write this more than 6,000-word chapter! I hope it's
worth the wait!

Next Chapter Preview:

"These Harry Potter Club members were found dead after receiving a text message."

"What message?"

"Avada Kedavra!"

=================

Volume 2 • Chapter 23: Avada Kedavra Curse (The Case)

LORELEI

LOKI NEVER struck me as an art enthusiast, but what he did on the wall of our
living room was impressive. From my room's doorway, it looked like a spider's web
of scarlet threads. If you look closer, you will notice the photos of familiar
faces whom I have met in the past few weeks strategically placed on the web. And at
the center of it, a smiling face of a seemingly innocent student was pinned.

Whose face was it?

Stein Alberts.

The last news I heard about him was he's still in coma. Though it's something that
Loki should feel sorry about, Clark High School has never been peaceful since the
disappearance of the young criminal mastermind. If Loki wasn't suspended, he will
be surely bored by the lack of thrilling cases.

"What can you say about my artwork?"

I quickly turned around to see my roommate emerging from his room. On his right
hand, he's holding the Harry Potter book he's been reading recently. Hindi ko pa
siya
natatanong kung bakit naging interesado siya sa wizarding world. He never brought
up the topic either.

"Is this for your art class? Or were you bored last night so you decided to weave a
couple of red threads?"

He slowly walked toward his so-called artwork, his head held up high. "That is not
just a couple of red threads. That is Moriarty's spider web of conspiracy. As you
have probably noticed, everyone attached on my magnum opus is or was someone
connected to him. Most of them are dead while few are still breathing and walking
free."

"So Stein Alberts a.k.a. Moriarty is a spider?"

"He is a spider that sits motionless at the center of this bloody web, if I were to
borrow Sherlock Holmes' words. The magnitude of his organization wasn't apparent to
me until we met some of his agents. And whenever we are close to getting the
answer, Moriarty always finds a way to cut that thread so it can't be traced back
to him."

Itinuro niya ang isang thread malapit sa picture ni Stein at sinundan ito hanggang
sa marating ng daliri niya ang picture ng isang taga-Campus Police.

"At this point of the game, there's only one living man we know who's connected to
him," he pointed at the photograph and turned to me. "Bastien Montreal. We have no
proof that Stein is connected to the murders plotted by Moriarty. But we can
probably find proof from people associated with his psychopathic alter ego."

"So Bastien will be the evidence? Or he will provide the evidence needed to convict
Stein?"

"Precisely," Loki started walking behind me, his hands at his back. "The question
is how. Will we ever encounter

him in a case again? Or should we take the first move?"

Bastien is part of the Campus Police so we will definitely cross paths again...
especially when Moriarty and his agents begin wreaking havoc in our high school.
Ang tanong ay kung kailan.

"But," Loki came into a halt and faced the web of conspiracy, "there's one
possibility that I've been thinking about. Something that bothers me."

"And that is...?"

"What if Stein is not the real Moriarty? What if he's only a proxy sent by the real
one to play mind games with us?"

"Hindi pa ba enough proof ang pagkikipagkita natin sa kaniya sa coffee shop? He


knew the details about Rhea's murder, didn't he? Only Moriarty should know how Rhea
died."

He made a dismissive gesture by waving his hand and continued walking back and
forth. "Just a random thought. For now, we will consider Stein Alberts as Moriarty
until an evidence suggesting otherwise surfaces."

Pumunta siya sa maliit naming kusina at nagbuhos ng mainit na tubig sa tasa. It's
seven in the morning and it's weird to see him up this early, lalo na ngayong
weekend. Since his suspension, late na rin siyang nagigising.
"You are probaly wondering while I'm already awake," he said while adding creamer
to his coffee. Here we go again with his mind reading thing. But why should I be
surprised?

"Didn't I tell you a few days ago that we are going on a date?"

"But that's a joke, right? And if ever you are going to date someone, you will
probably go with Jamie, not me."

Those words escaped my lips without giving them much thought. Loki was stirring his
morning

drink when he paused to dart a sideward glance at me. Iniwasan kong magkaroon kami
ng eye contact kaya umupo na lang ako sa couch.

I heard the sound of his spoon tapping his ceramic cup before I noticed his shadow
emerging behind. "An acquaintance of mine needs our help. A curious case, you may
call it. Have you read any of the seven Harry Potter books or watch any of the
eight movies?"

"My former high school classmates are fans of the franchise. They even call
themselves Potterheads."

"Why Potterheads? Do they have clay instead of brain in their skulls?"

There are times na mapapaisip ka kung nagbibiro o talagang hindi gano'n ka-aware si
Loki sa mga bagay-bagay. Whether he's joking or not, I let it slide. Arguing with
him would lead us nowhere.

"Is that why you were reading Harry Potter and the Goblet of Fire?" I asked,
ignoring his question. "Ang akala ko naging interested ka na sa magic."

He showed me the Harry Potter book and then threw it behind him. Kung may
Potterheads kaming kasama sa room, siguradong kinuyog na siya at hindi na pinalabas
ng buhay. "Never fond of anything that defies logic. Kinailangan kong basahin 'yong
book para magka-idea ako sa important element ng kaso."

"Tell me more about it."

"Are you familiar with chain messages? Na kapag hindi mo pinasa sa ibang tao, may
mangyayaring masama sa 'yo?"

"Uso 'yan sa amin sa dati kong school. Paano naging connected si Harry Potter
diyan?"

"In my acquaintance's school, there's a group dedicated to the fans of the young
wizard," Loki began waving the spoon in the air as if it's a wand and

he's casting a spell. "Recently, two members of that club were found dead after
receiving a mysterious text message."

"What message?"

"AVADA KEDAVRA!" he casted, pointing his spoon at me. Nagkatitigan kaming dalawa
habang nakaturo pa rin sa akin ang kutsara niya. Pwede nang isingit ang sound
effect ng mga kuliglig dahil sa sobrang tahimik.

"At para saan ang Abra Kadabra?" I'm not sure kung ano ang pronunciation ng spell
na narinig ko.

He then continued stirring his coffee, blowing the steam off his cup. "According to
the Goblet of Fire, it's one of the Unforgivable Curses that will give you a one-
way ticket to Azkaban a.k.a. the wizard prison. It causes instantaneous, painless
death to the target."

"Bale nakatanggap ng Abra Kadabra or whatever message ang dalawang club members
nila at bigla na lang bumulagta sa daan?"

He drank his coffee, bottoms up until the last drop, before replying to me. "That's
the initial narrative told by my acquaintance. We need to find out more later. You
have nothing on your schedule today so you're free to tag along, correct?"

"I've got nothing on my plate," I answered as I watched him stand and walk to the
kitchen. "Is Jamie coming with us? Alistair?"

"This is a personal request so I'd rather not involve the club here. But maybe you
can contact Alistair and see if he's available. You have witnessed his deduction
skills. I want to see it for myself."

"Okay, let me call him."

"Ask him if he can bring his car. If not, I'm gonna call Mr. Valdez to fetch us
here."

Mr. Vasquez (not Valdez, Loki!), if memory serves right,

was the Mendez family chauffeur who drove us to the mall a few weeks ago where Loki
and Alistair first met. 'Yon ang araw na humingi ako ng pabor kay Loki na
magpanggap na boyfriend ko.

Kumuha ng tuwalya ang aking roommate sa kaniyang kwarto at dumiretso na sa


bathroom. Ako naman, kinuha ang phone ko at idinial ang number ng aking childhood
friend slash classmate slash co-member.

"Hello, Al?"

"Good morning, Lori. Buti napatawag ka?"

"Loki wanna know kung gusto mong sumama sa pupuntahan naming school ngayon. May
nag-request kasi ng assistance niya about sa isang case."

"I'd love to pero on the way na kasi ako ngayon pabalik ng Manila."

"Ah... ganon ba? Sige, pasensya na sa abala-"

"But I can give you my insights on the case, if ever they're needed. Just text me
the details or call me later. I don't wanna disappoint our club president."

"Pero may gagawin ka, 'di ba? Hindi ba nakakaabala sa 'yo?"

"Truth be told, I'd rather go with you and investigate that case than deal with
this unfinished business."

"Sige, I will tell him na you will be in touch."

Binaba ko na ang tawag at nagtungo na rin sa kwarto para maghanda na. I was
expecting my Saturday to be a boring one but this case we are about to take might
make things more interesting.

* * *

By nine o'clock, a familiar blue Subaru fetched us from Tita Martha's apartment.
Mr. Vasquez drove us through the business roads of Angeles City. Dahil sa
ginagawang road widening project sa dinaanan namin, na-stuck kami sa traffic at
walang

galawan ang mga kotse.

Loki was busy playing with Criminal Minds while I watched him finish a couple of
levels with ease. I already told him that Alistair won't be coming with us. Hindi
siya nadismaya sa ibinalita ko.

"How about Jamie? Hindi mo ba siya inimbitahang samahan tayo?" tanong ko.

"She had something important to do today since it's her brother's birthday," sagot
ni Loki nang hindi tumitingin sa akin. Tutok na tutok siya sa kaniyang nilalaro.
"Why, do you want her to tag along?"

To be honest, no. Dahil siguradong makikipagplastikan siya sa akin at didikit na


parang linta kay Loki hanggang matapos ang imbestigasyon. And I believe we won't be
needing her retentive memory in solving the case.

"The other day, you were surprised to hear that she slept in my room and in my own
bed. Does it bother you?"

"Why would it bother me personally?" I rolled my eyes and stared at the scene
outside the car. "Para kasing hindi appropriate na magkasamang natutulog ang
lalaki't babae sa iisang kama."

"You have nothing to worry about. I did nothing to Jamie. I built a wall of pillows
between us when we slept together."

How reassuring. But I'm more worried about what she might do to you while you are
asleep.

Nang malampasan na ng aming sinasakyan ang kalsadang sinira at inaayos ulit,


bumilis na ang aming biyahe. It took us fifteen minutes before our car arrived at
the parking lot of Cavalier Academy. It was one of the schools considered by my dad
when I was deciding where to transfer here in Pampanga.

"I will call you when we need the ride home," sabi ni Loki

nang makalabas na kaming dalawa sa kotse. "Thank you, Mr. Velasquez."

"It's Vasquez, sir," the driver corrected him but his words fell on deaf ears. I
followed Loki as he marched toward the main gate of the school.

Nakakabinging katahimikan ang sumalabong sa amin. It wasn't surprising because


today's a Saturday and most students of Cavalier Academy are at home, bingewatching
their favorite series or still asleep in their cozy beds. Apart from silence, their
five-storey school buildings greeted us with their calming colors.

"Our client today is one of my QED Irregulars," Loki hastened his steps to the
guard house. "If Sherlock Holmes has his Baker Street Irregulars, I also have my
own version. I consult with them whenever something baffles me or when I need
assistance."
"Teka, you said before that I am indebted to him. How?"

"He's a tech geek and a brilliant inventor," he answered. "He can make a fortune
out of it only if he wants to but he doesn't. Remember the stun pen you have? He
created it. Pati 'yong Moriarty remix na pinatugtog ko after we found out the
codename of the Napoleon of Crime."

Natatandaan ko pa 'yong paulit-ulit na Mo-mo-ri-yar-ti chant na gumising sa akin


noon. I thought pinasok na kami ng mga tribal people.

Bigla kaming hinarang ng security guard sa masikip na entrance, nakalabas ang


kaniyang batuta at marahang pinapalo ito sa kaniyang palad. "Anong business n'yo
rito, sir? Sarado ang mga offices ngayong Sabado."

"Let them in, Kuya Guard! They are with me!"

A young man wearing a lab coat emerged from afar, running

to our direction. If Loki has a somewhat unkempt hair, this bespectacled guy's
hairdo was an absolute mess. Parang nakita mo in person si Albert Einstein noong
bata pa siya. One may think na walang salamin sa bahay nila kaya hindi siya
nakakapagsuklay ng maayos.

His conversation with the guard took a minute or two before they let us in. He
flashed a smile at me as he extended his right arm.

"You must be Lorelei, member of Loki's club," he said. "I'm Herschel Aguirre, a
Grade 12 student and president of The Inventors Club (temporary name). Some people
call me Hershey. You can, but then I will have to electrocute you. Just kidding~"

Ipinakita niya sa akin ang flash drive na tinanggalan niya ng takip. Masyadong
maliwanag sa labas pero may nakita akong sparks sa metallic plug na 'to. Maybe it
can produce a jolt of electricity that can shock someone.

"I prefer to call you by your real name," I smiled awkwardly as I shook hands with
him. He then led the way to the first school building on our sight.

"You seem to have power over people here, Hershey," Loki hissed like a snake,
looking back at the guard house. "The guard didn't ask for our identification and
questions about why we are here. That's the standard procedure, isn't it?"

"They owe me. A lot." Herschel pointed at the CCTV camera on a lamp post we passed
by. "I upgraded their faulty security system, free of charge. That thing now has an
X-ray function that can detect suspicious objects such as blunt weapons, firearms
and explosive devices. Last year, we foiled an attempted bomb attack in the school,
all thanks

to me."

He put his hands back in his lab coat's pockets as we continued the stride to our
destination. I find it hard to believe that such individuals exist outside science
fiction stories. Yet here I am, walking with the living proof that they do exist.

We reached the fifth floor of the school building via elevator. Mas modern ang
itsura ng mga gusali nila kumpara sa Clark High School. We strode across the white
hallway, walking past the locked classrooms, and halted in front of Room 505.

"By the way, Loki, your request about the phone records-"
"Let's talk about that later," my companion cut off Herschel's words before the
latter could finish. "Let's focus on the case at hand first."

"Okay," the young inventor turned the knob and swung the door open. Biglang
bumungad sa amin ang makapal na itim na usok at amoy ng sunog na pagkain. We all
covered our noses as we drive the black smoke away with our bare hands.

"Sorry! Sorry!" We heard a feminine voice inside and saw a woman's figure in the
smokes. I can see her swiftly moving across the room, probably opening the windows.

It took a few minutes before the smoke dispersed but we could still smell something
burnt.

"LEONA! WHAT IN THE WORLD WERE YOU DOING?" Herschel yelled, storming inside the
room that resembles a laboratory. Everything was white and a number of devices were
laid on long tables. They were probably in the brink of new breakthroughs.

"Sorry, Hershey! Nakalimutan kong hindi pala compatible ang voltage ng oven natin
sa outlet," a girl in high ponytail said in defense. Like her club

president, she was wearing a white lab coat that was fit on her slim figure.
"Magpapainit sana ako ng binili kong pizza."

"That's not an ordinary oven! Nakalimutan mo na bang isa 'yang clothes dryer!" He
then turned around and grinned at us, his mood changed in an instant. "Meet my
assistant, Leona Divino. She's my version of Lorelei. She helped me develop the
stun pen you requested before."

Pinunasan muna ng kaniyang lab assistant ang mga kamay nito gamit ang puting coat
bago nakipagkamay sa aming dalawa ni Loki. "My pleasure to meet you! Naikwento sa
akin ni Hershey na you can solve any case by using logic."

"Leona's the one who brought the Avada Kedavra case to my attention," sabi ni
Herschel sabay upo sa mesa. "She's a member of the Harry Potter club called... what
was the name again?"

"Order of the Phoenix."

Loki looked away, his hand covering his mouth, trying to suppress his laughter. He
might be thinking that the name was so lame it would put all of its member to
shame. I gave him a nudge after Leona shot a curious gaze at him.

"Dalawang members ng Order ang natagpuang wala nang buhay sa hallway." Leona turned
on the desktop computer placed at one corner of the room and sat on the swivel
chair. "To be specific, the victims were two of the founders."

Lumapit kaming dalawa ni Loki sa kaniya para tingnan kung anong balak niyang
ipakita sa amin. She clicked some folders and double-clicked a video file. We
waited until a new window popped up.

It was a CCTV footage on a certain hallway somewhere in this school. A man dressed
in black robe with a red-and-yellow striped

scarf wrapped around his neck was walking. Closed classrooms could be seen on the
left while pillars were on the right.

"This happened after the Order's general assembly, around six in the evening."
When the man was at the center of the frame, he came into a halt and put out
something from his pocket-a phone. He stared at it for a moment, looked behind to
see if someone was following him. Nang wala siyang mapansing bumubuntot sa kaniya,
he took a few steps forward but suddenly...

"Now this is the most baffling part."

The man stood frozen then collapsed on the floor. He wasn't moving. And no one-not
even a shadow-could be seen in the footage. Leona sped up the video until students
began gathering around the lifeless body of the man.

"Magnificent," Loki smirked lopsidedly. I could see his gray eyes sparkling in
curiouity. It is not decent to describe someone's death as "magnificent" but being
around with Loki for a few months, I got used to it.

Leone opened another video and clicked the fullscreen option. Compared sa unang
pinapanood niya sa amin, may iilang estudyanteng nasa hallway-ang ila'y nakatambay
habang ang iba'y naglalakad.

"I was there when it happened," kwento niya. "Kakatapos lang ng meeting namin para
sa club acquaintance party na gaganapin mamayang hapon."

Nakasuot din ng kulay itim na robe ang isang lalaki at nakabalabal sa kaniya ang
scarf na may green at white na stripes. Ilang hakbang lang ang layo nina Leona at
iba pang member ng kanilang club na may kaparehong outfit.

"Watch closely," Leona pointed at the man in front of them who

checked his phone. The footage may not be that clear but I could see the guy making
a confused face. Bigla siyang napahawak sa kaniyang batok pataas sa kaniyang ulo.

Everything seemed fine... hanggang sa bumulagta siya sa hallway. Mabilis na lumapit


sa kaniya ang mga lalaking kasama ni Leona at sinubukan siyang i-revive pero hindi
na gumalaw pa ang lalaki. Binuhat nila siya sa kabilang direksyon hanggang sa hindi
na namin sila makita sa frame.

"Exquisite." I heard Loki mumble that word, a sign that he's now extremely
delighted with the case. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapag-solve ng
mabigat na kaso mula nang ma-suspend siya kaya naiintindihan ko ang pagkasabik
niyang simulan ang imbestigasyon.

"Some members of the Order think that the message containing the Avada Kedavra
curse caused the deaths of the two founders," Leona turned his swivel chair to us
as she crossed her arms over her chest. "But that's ridiculous, isn't it?"

Loki began rubbing his palms and walked back and forth across the room. "There's no
such thing as magic. It only exists in a fantasy world where aspiring wizards go to
a historic castle to receive education. An ingenious trick is involved in their
deaths."

"So what do you think?" Herschel stood beside his assistant and gave Loki a curious
look. "Is this case worth your trip here in Cavalier?"

My companion shot a sideward glance at me before answering.

"Lorelei and I would be glad to take on this case."

###
A/N: Hi! I apologize that the updates of VOLUME 2 were halted. Rest assured na
sunod-sunod na starting today! I can't guarantee na may new chapter every day pero
it will be frequent compared before.

The next chapter will be posted tomorrow or the day after. Stay tuned!

SHAMELESS PLUG:

If you are a fan of PROJECT LOKI, join our Facebook group! Just search The Q.E.D.
Club (Project LOKI) or go to https://www.facebook.com/groups/theqedclub

=================

Volume 2 • Chapter 23: Avada Kedavra Curse (The Investigation)

A/N: Read the Avada Kedavra Curse (The Case) part before proceeding. This update
contains 4,200 words so I decided to cut the Resolution part.

LORELEI

I PORED over the files on the deaths of the two founders of the Order, looking if
something weird jumps out at me. Habang binabasa ko ang ilang pahina ng autopsy
report, abala naman si Loki sa pagre-review ng CCTV footage, paulit-ulit na
binabalikan ang mga scene bago at pagkatapos bumulagta sa sahig ang mga biktima.

"Coffee?" Leona placed a steaming cup of coffee on my side. She also offered one to
Loki who didn't bother to thank her. He's now absorbed in this case so he wouldn't
notice the people around him.

Nanghiram ako ng ilang libro kay Leona at isinandal doon ang aking phone. Siniguro
kong mahahagip ng front cam ang aking mukha.

"Okay na ba ang connection? Nakikita at naririnig mo ba ako, Al?"

"Loud and clear, Lori."

Gaya ng sinabi kanina ng aking childhood friend, willing siyang magbigay ng


insights sa case bilang member ng QED Club. I decided to call him and tell him the
details. We were having a video call. His phone was placed conveniently somewhere
in his car's dashboard because its camera caught a good angle of him.

"I don't think na biglang naging unconscious ang mga biktima out of the blue. What
does the autopsy say?"

I flipped through the pages of the medical examiner's report, looking for the
phrase "cause of death." Hiniwalay ko ang dalawang reports at sabay na inililipat
ang mga page nito. Nakita ko ang word na "curare" sa

autopsy report ni Godfrey Griffin, ang biktimang nakasuot ng scarf na may red and
yellow stripes. It matched with the report on Sylvester Salazar, the one wearing
green-and-white striped scarf.

"Curare. Looks like it's a type of poison that causes paralysis and leads to
asphyxiation owing to the inability of the victim's respiratory muscles to
contract."

"How was it introduced to the victims? Did they ingest it?"

I read further until I found the part that answers Al's question. "The medical
examiner believes the poison entered the victim's system through the needle mark on
their nape."

That confirms it. There's no abra kadabra involved in the deaths of Godfrey and
Sylvester. Like what Loki said, it was an ingenious trick. The question is what and
how.

"So someone punctured the back of the victims' necks with a needle-like object.
Maybe when the crowd gathered around the victims after they collapsed, someone
could have poked them by a needle laced with curare."

"Pero paano nag-collapse ang dalawang biktima matapos basahin ang Avada Kedavra
message? There's nothing in that spell that will make them lose their
consciousness. At mukhang pagbagsak ng katawan nila sa sahig, wala na silang
buhay."

"Maybe the culprit was wearing the invisibility cloak?"

"Invisibility what?"

"Invisibility cloak, one of the three Deathly Hallows in the Harry Potter series
that can make the wearer-obviously-invisible."

"Al, we both know that such thing doesn't exist in our world."

"Sorry, I was trying to lighten up the atmosphere. Masyado ka kasing

seryoso. Anyway, text me the new details that come in. I will keep in touch with
you after my business here."

Nagpaalam na ako sa kaniya sabay pindot sa hang-up button. I reclined on my chair


and heaved a sigh. This case is getting more complicated. Whoever's behind this
series of murders must be clever. Not sure if Loki has the same opinion on the
culprit.

Saktong nag-turn ang upuan ko sa direksyon niya nang makita ko siyang tumayo. He
began walking back and forth in the room, his eyebrows furrowed, making a serious
face.

"Found anything on the footage?"

"Still wondering how those two victims were pricked by a needle-like object laced
with curare."

"Oh?" napasulyap ako sa folder na nasa mesa. Hindi ko pa binibigay sa kaniya ang
autopsy report kaya medyo nagulat akong marinig na alam na niya ang cause of death.
"You already knew what killed those two? Have you read the report?"

"No, I was listening to your conversation with Alastor while I'm watching the
videos over and over again. Have I told you that I'm good in multi-tasking?"

Bago ko pa masagot ang tanong niya, bumukas ang pinto ng mini-lab at pumasok si
Herschel na may dala-dalang dalawang set ng uniform at magkaibang kulay na scarf.
It was the same outfit that the two victims wore the day they died.
He handed a set of the famous Hogwarts uniform to me and gave me a scarf with
yellow and black stripes. Herschel told me that my House is Hufflepuff and we need
to wear this costume for the party later. The event is exclusive to members of the
Order.

Loki received the other set of uniform but compared

to mine, he was handed the scarf with blue and white stripes that makes him a
member of the Ravenclaw House. Pretty sure my companion wasn't also aware what
those Houses signify.

"By the way, Hershey, have you tried tracking down the number of the Avada Kedavra
message sender?" Loki asked as he began playing the scarf. Parang kinikilatis niya
ang pagkakahabi at ang telang ginamit dito. "That would be a piece of cake for you,
wouldn't it?"

"I tried locating the two different phone numbers where the text messages came
from, but my efforts yielded no result. The culprit probably expected that the
authorities will attempt to track his number down."

My companion then wrapped the scarf around his neck. "Who made the costumes of
these Harry Potter fanatics? The materials seem to be substandard. Parang ang scarf
na 'to, medyo manipis."

"Ipinapagawa nila 'yan," sagot ni Leona. "Nakakapagtaka nga e. Mataas ang singil
nila sa membership fee at miscellaneous expenses pero parang hindi worth it 'yong
kapalit. That's why some Potterheads in school decided not to join the Order."

Baka may kickback ang mga naniningil kaya mahal ang membership fee. May club sa
dati kong high school noon na ginawang business ang paghahakot ng members.

"You're a man who believes in science and logic," Loki turned to Herschel who was
checking the "clothes-drying oven" on the table at the far-end of the room. "How
come you were involved in the Order of the Sphinx?'

"Phoenix," Herschel corrected him but my detective friend didn't bother to listen.
"Not really interested in their own fan club.

But they asked for my help. They needed my genius."

"Help?"

Herschel opened the white cabinet at the back of the room and rummaged through
whatever's inside. He put a black stick, around twelve to fourteen inches long, and
showed it to us.

"Leona dear, kindly close the windows and turn off the light."

At first his assistant shot him an annoyed look, silently protesting on Herschel's
command. But she later gave in and did what she was asked to do. The room became
dimly lit as all windows were closed. The moment Leona pressed the light switch,
everything went pitch black.

Herschel clered his throat first before yelling, "LUMOS!"

The darkness was driven away as a light coming from the tip of the stick
illuminated the room. I stared in awe at him smiling triumphantly.
"So you created a flashlight that look like... what? A wand?" Loki jested, unamazed
by what he witnessed.

"It may seem ordinary to you but this wand has a voice recognition system," he held
the stick at both ends. "No need to press a button or switch. You only need to say
the magic word. At the moment, we only have five spells available."

"Wow, brilliant." Loki spoke dryly, still unimpressed by his acquaintance's


invention. "Can we now focus on the case? Leone, when you found the second victim's
body, did you notice anyone pricking him on the nape? Or did you see a needle-like
object?"

The lab assistant slowly shook her head. "We didn't have time to search the body.
Binuhat siya ng mga kasama ko no'n para dalhin sa clinic kaya kung may tumusok sa
kaniya, hindi na namin napansin."

"Sino-sino

ba ang mga kasama mo?" If I remember correctly, Leona was walking alongside two
other guys dressed in the same black robes and scarves with different stripes.

"Rowen Ravino and Helios Hontoveros, the other two founders of the Order."

"Nagkakasundo ba silang tatlo?" tanong ko. "Maybe it's only me but they did not
appear quite close to the victim. Friends usually walk side by side but in their
case, nauuna si Sylvester at may distance sa pagitan nila. I didn't observe any
sense of urgency sa pace ng lakad niya kaya bakit siya mauuna?"

"Spot on observation, Lorelei." Loki gave me an approving look and I felt a bit
flattered. He didn't sound sarcastic so he probably meant it.

Leona fell silent for a moment. "The four founders always have disagreements. And
you are right, they are not quite close. Gusto kasi ni Sylvester na maging istrikto
sa pagpili ng tatanggaping members sa Order. 'Yong iba kasi nakikiuso lang dahil
sikat ang club namin. Pero 'yong tatlo, open sila sa kahit sinong interested basta
willing magbayad ng membership fee."

"That would mean the remaining two founder will somehow benefit from their
colleague's death," Loki scratched his chin. "No more opposition for them. Who else
will benefit from it?"

I saw a hint of hesitation in Leona's face. "Ayaw kong isipin n'yong suspect din
ang isang 'to but since you are asking, I might tell you as well. After Godfrey's
death and before Sylvester's, naghanap na kaagad ng kapalit sina Rowen at Helios.
They were vetting a friend of mine for the vacant slot in the Hogwarts Four. His
name is Lucius Malvar."

"Is that why you

were with them? Because they want to know more about the potential candidate?"

She nodded. "Kaagad kasing nagpasa ng application si Lucius para makasali sa mga
founder ng Order. At mamaya sa acquaintance party, ia-announce na nila ang
appointment niya. They are still searching for Sylvester's replacement."

"If the culprit is someone who has grudge against the founders, they might need to
vet for more replacements," Loki commented. "If one of the two remaining founders-
or if both of them-drops them this evening, then this is indeed a serial killing."
"And the acquaintance party later is the perfect opportunity to attack," Herschel
added. "Yes, there will be a huge crowd, but that didn't stop the culprit from
killing Sylvester."

If ever that's true, I hope Loki and I can stop the murder from happening. We
cannot allow blood to spill in this school. At magiging malaking sampal din 'yon sa
amin bilang mga detective.

* * *

We spent the rest of the morning going through the files of every member in the
Order. Thanks to the Facebook group page created by the Founders, we have a
tentative list of suspects. If the killer really wants to take the life of one or
both of the Order's founders in the party later, then they will have to attend the
event. We reviewed their posts on Facebook, their tweets on Twitter but nothing
jumped out at us.

In the end, the only choice we have was to wait for the party to begin where we can
observe the attendees and try to deduce who among them is the most suspicious.

Meanwhile, Alistair hasn't called

back for hours. Baka busy pa siya sa meeting na pinuntahan niya. He might have some
ideas that will help us close this case.

By three in the afternoon, Loki and I went to Herschel's apartment to change our
clothes. Akala ko noong una, may iba siyang kasama roon dahil sa sobrang laki nito
pero mag-isa lamang pala siya. He led me to a separate room and closed the door
before I took off my clothes.

"Perfect," I muttered, standing in front of the circular mirror and turning around
a couple of times. I was wearing a thick, grey V-neck jumper over a plain white
buttoned shirt with the necktie sporting yellow and black stripes. Tinernuhan pa
'yon ng pleated skirt na hindi man umabot sa tuhod ko ang haba.

Sinuot ko muna ang plain black robe at ibinalabal sa leeg ko ang manipis na scarf
bago ako lumabas sa kuwarto. Nakita kong nakaabang na sa living room sina Loki at
Herschel. Halos pareho ang suot naming tatlo, maliban sa kulay ng necktie at scarf
(parehong may blue at white stripes ang sa kanila) at siyempre, grey trousers ang
suot nila imbes na palda.

"And before we go..." Inabutan kami ng wand ni Herschel bago kami lumabas sa
kaniyang apartment. Naghihintay na rin sa labas ang kaniyang black Mistubishi na
ginamit niya rin kanina para ihatid kami rito.

Pareho kaming nasa backseat ni Loki habang walang nakaupo sa tabi ni Herschel.
Nagmukha tuloy siyang driver namin. Then a question surfaced in my mind.

"Paano pala kami makakapasok sa event? 'Di ba exclusive lang 'yon sa Order of the
Phoenix? We are not members of the club."

"Don't you worry. Leona and I have already arranged your special pass. Sinabi namin
sa founders na representatives kayo ng Harry Potter fan club sa ibang school."

That doesn't sound reassuring. Paano kung bigla nila kaming tanungin tungkol sa
Harry Potter? Baka mapahiya kami kapag wala kaming nasagot.
By four in the afternoon, we arrived at the campus grounds. Dire-diretsong nag-
drive si Herschel, nilalampasan ang ibang school building ng Cavalier Academy. We
saw other students donning the same Harry Potter outfit, walking on the pavement
and waving their wands.

The car stopped at the parking lot before a huge function hall. Pagbaba ko sa
kotse, may naririnig na akong mabagal na instrumental music mula sa loob.
Soundtrack siguro 'yon ng favorite Harry Potter movie nila.

Leona ran to us, greeting everyone in our small group with a smile. She was also
wearing the same outfit except for the scarf. Hers has green and white stripes. She
led us inside the "Grand Hall" along with other attendees.

But before I could come inside, I felt a vibration in my pocket so I put out my
phone. Alistair's

name was flashing on the screen.

"Go ahead," I told my colleagues, tracing my steps outside the venue. Maingay na
rin kasi sa loob kaya baka hindi kami magkaintindihan ni Al.

"What took you so long?"

"Sorry, my lunch meeting with your father took some time."

"I thought something hap-wait, what did you say? You had lunch with my dad? Why
didn't you tell me?"

"I knew you would protest once you found out. Kinumusta ka lang niya sa akin.
There's nothing to be worried about."

Why do I feel otherwise? Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni dad bago kami
nagkahiwalay noong araw na muli kaming nagkita. Pakiramdam ko, may kinalaman ang
lunch meeting nila ni Alistair doon. Or maybe, napa-paranoid lang ako.

"Anyway, are there any developments in the case?"

"Our clients believe that the two deaths are part of a serial killing. And they
think it might happen again to the other colleagues of the victims. Nasa
acquaintance party nila kami ngayon para i-observe kung sino ang kahina-hinala sa
mga attendee."

"Observe those who come in contact with the potential targets. 'Yong mga
nakikipagkamay at lumalapit sa kanila, pati 'yong hindi gano'n kalayo."

"Huh? Bakit?"

"I did some research on curare and found out that it's a poison used by indigenous
people in South America. They dip their arrows or blowgun darts in curare then
shoots their prey. I reviewed the videos you sent and after thinking it through
while waiting for your father, I couldn't come up with any other theory."

"Iniisip mo bang pinatay ng killer ang mga biktima kahit hindi niya

sila hawakan?"

"Like those South American indigenous people, posibleng gumamit siya ng blowgun
para i-shoot ang karayom na balot ng lason. Pero kahit anong review ko sa video,
wala sa mga estudyanteng visible sa frame ang naglabas ng gano'ng bagay at
direktang itinutok sa biktima. It's either the culprit was out of the video's frame
or he thought of a clever way to conceal the weapon."

Out of frame? Come to think of it, may mga pillar sa hallway na dinaanan ng mga
biktima. Posibleng nagtago doon ang salarin, hinihintay na dumaan ang target niya
at inihahanda ang murder weapon. That would explain why we saw no one suspicious in
the video.

"Pero may flaw sa reasoning na 'yon. If the culprit shot the needle-like object,
paano naka-penetrate 'yon sa suot na scarf ng mga victim? Sabi mo, ayon sa autopsy
report, may needle mark sa batok nila."

Napahawak tuloy ako sa telang nakabalabal sa leeg ko. Ganito rin ang ginawa ni Loki
kanina. "Hindi makapal ang telang ginamit sa scarf kaya baka tumagos ito at tumusok
sa balat ng mga biktima."

"Ano pa lang deductions ni Loki sa kasong 'to? He must have some theory on how the
killer committed the murders."

"Wala pa siyang sinasabi sa akin pero mukhang gusto niya munang makilala ang mga
suspect."

"If he already has a suspect in mind, my insights won't be needed anymore. Call me
kung may bago kang balita. I'd like to know how this case will be resolved."

With that, my childhood friend hung up and I returned inside the Grand Hall. Sa
sobrang dami ng taong nasa bulwagan at dahil pare-pareho ang

suot namin, nahirapan akong hagilapin sina Loki, Herschel at Leona. The huge room
was illuminated by candle-like bulbs on the chandeliers. Four banners with
different colors and animals printed on them were hanging on the ceiling.

I walked past the long tables where some students seemed to be too eager to start
the party. Ang naging palatandaan ko para makita ang mga kasama ko ay ang magulong
hairdo ni Herschel. Nag mai-spot-an ko 'yon, dali-dali akong lumapit sa kanila at
napansing may kausap silang dalawang lalaki.

"It's a pleasure to have you here," I heard the man with curly hair spoke, shaking
hands with Loki. His circular eyeglasses were slipping down his nose. He's wearing
a blue scarf and blue necktie.

"Sana invite n'yo rin kami kapag may ganitong party sa club n'yo," dagdag ng katabi
niyang lalaki na may malapad na pangangatawan. His bowl haircut made him look a bit
goofy, at least for me.

These two must be the two surviving founders of the Order. And one of them, if not
both, might end up collapsing on the floor later after receiving the Avada Kedavra
message.

"Oh, by the way," Herschel motioned his right hand to me. "This is Lorelei Rios,
the vice president of their Harry Potter fan club. She's a Hufflepuff like you,
Helios."

"Ah!" Inalok ng matabang lalaki ang kaniyang kamay sa akin. "Pareho pala tayong
taga-Hufflepuff House. Ako nga pala si Helios Hontiveros, pleased to meet you."

"And I'm Rowen Ravino from the Ravenclaw House, such an honor to make your
acquaintance," the bespectacled guy introduced himself next.
Nakipagkamay ako sa

kanilang dalawa, pinilit kong ngumiti at magmukhang friendly sa kanila. Hindi ko


ma-explain kung bakit parang hindi ako gano'n ka-comfortable.

"Enjoy the party." Both Rowen and Helios flashed a smile at us before leaving our
company. Napansin kong nakasabit sa kanilang belt ang kanilang wand na may ibang
disenyo. They do not look like the plain black sticks we have.

"So what did Alastair tell you?" Loki whispered as we slowly walked across the
hall.

I gave him a questioning look. "How did you know it was him?"

"I've been with you the past few weeks and never have I observed you receive a call
from someone. Can it be your father? Yes, but you somehow dislike him so your
conversation wouldn't last for more than thirty seconds. Alastair's the only one
who can make you stay on the line for five minutes."

He got everything correct except for one thing: If my father were to call me, our
conversation wouldn't last for three seconds because I willl immedaitely hang up.

"He suspects that the culprit probably used a blowgun to shoot the poisoned needle
at the victims."

Loki only nodded, he didn't appear surprised. "I thought as much. This case reminds
me of the Sherlock Holmes story The Sign of Four. The murderer used a blow pipe to
shoot a poisoned dart at the victim."

"Why didn't you tell me?"

"You never asked. But the more important question is how the Avada Kedavra killer
concealed the murder weapon. We didn't see anyone blowing a pipe on the two CCTV
footages."

That's the same question Al had in mind. My guess? The blow gun or pipe is
disguised

as something else so it wouldn't appear suspicious. Loki might be thinking the same
thing.

"The program is about to start in a few moments. Please stand, prepare your wands
and come closer to the stage."

Nagsitayo ang ibang members ng Order mula sa mga long table at pumunta sa harapan.
Mabuti't nasa bandang unahan na kami.

Everything went pitch black inside the Grand Hall. Kahit na maliwanag pa sa labas
dahil alas-kuwatro pa lamang, aakalain mong kumagat na ang dilim. Tinakpan siguro
ng black clothing ang mga bintana para hindi makapasok ang liwanag sa labas.

"They will ask us to do a stupid thing," Loki who was standing on my right
muttered. "In three, two, one..."

"Raise your wands up high and illuminate the Grand Hall with your magic! On the
count of three!"

"Three! Two! One!"


"LUMOS MAXIMA!"

"Let there be light!" My voice was drowned by their synchronized casting. Hindi ko
kasi alam kung anong spell ang isisigaw. Pero kahit na mali ang sinabi ko,
nagliwanag pa rin ang aking wand.

"Avada Kedavra!" Loki shouted one of the Three Unforgivable Curses. Bet he didn't
care if anyone heard him.

Biglang nagliwanag ang venue, hindi dahil muling binuksan ang mga ilaw kundi dahil
sa liwanag na nagmula sa dulo ng mga wand. Salamat sa voice recognition system na
in-install ni Herschel, magmumukha talagang magic ang lahat.

Napalingon ako kay Leona na nasa kaliwa ko. I noticed the furrowed eyebrows and
confused look on her face as she's inspecting her wand. Its tip wasn't lighting up.

"Is there any problem?"

"Ayaw yatang

gumana ng voice recognition function ng wand ko. I will check it later, baka may
naputol na wire sa loob."

While staring at the plain black stick she was holding, an idea struck me. Like
what I thought earlier and based on what Al said, that's how the culprit did it in
the first two murders. And now the killer might be holding the murder weapon
without anyone noticing it!

Tumuntong sa stage sa aming harapan sina Rowen at Helios, kasabay ng pagpapatugtog


ng isang march na mabilis ang tempo. It must be the school march played in Harry
Potter. [A/N: Listen to the attached media!]

The two founders waved their wands in the air as they drew cheers from the crowd.
Muling binuksan ang mga ilaw sa chandeliers ng Grand Hall.

Rowen stood before the podium set on stage while Helios stood a few steps behind
him as the music slowly faded. Hinintay niya munang humupa ang sigawan at hiyawan
ng mga member ng Order. Tinakpan ko nga ang tenga ko dahil baka mabasag ang aking
eardrums sa sobrang ingay.

"To the new members of the Order, welcome! To the old members, welcome back!" he
addressed everyone in the venue which again drew cheers. "Before we officially
begin our acquaintance party, let us offer a moment of silence for the two fallen
founders of the Order."

Yumuko ang karamihan sa amin at namayani ang katahimikan sa bulwagan. After a


minute or two, Rowen raised his head and faced the crowd again.

"Now I'd like to make some announcements. In line with the deaths of our
colleagues, Helios and I decided to open one of the two slots in the Hogwarts Four.
And we finally found the right man to join our ranks. Ladies and gentlemen, a round
of applause for Lucius Malvar, the new Head of the Slytherin House!"

A young man with a pale, pointed face emerged. His jetblack, flowing hair reaching
his shoulders bounced with every step. Sinalubong siya ng palakpakan habang paakyat
sa stage. I noticed that his wand was also different from ours-it had a unique
design.

"In the name of the Hogwarts Four, we hereby ap-"


Biglang huminto sa pagpapasalita si Rowen at tila may inilabas mula sa kaniyang
itim na robe. Dahil malapit ang kinatatayuan namin sa kaniya, napansin kong namutla
ang kaniyang mukha habang palingon-lingon sa paligid. There was a hint of fear on
his face.

Loki craned his neck to see what caused the interruption. He began panning his
head, trying to spot any suspicious person. "He's looking at his phone. It must be
the Avada Kedavra message."

But the show went on. Lucius, who was a few steps away from Rowen, knelt before the
founder and offered his wand. Inilabas ni Rowen ang kaniyang wand at babasbasan na
ang bagong miyembro ng Hogwarts Four.

Ngunit bigla siyang huminto, napahawak ang kaniyang kaliwang kamay sa leeg na
parang may kinakapa. Nabalot ng pagtataka ang mukha ng mga nakapalibot sa kaniya.

Moments later, he collapsed on the stage and his wand rolled until it fell on the
marble floor.

###

Who do you think is the killer and how did they commit the murders?

P.S. I might post the Resolution part this evening.

=================

Volume 2 • Chapter 23: Avada Kedavra Curse (The Resolution)

A/N: Do not read if you haven't read the first two parts. The curse of the Avada
Kedavra ends here.

LORELEI

WE HAVE seen it with our own eyes. How someone was killed by the Avada Kedavra
killer. Everything went on silent mode and everyone was holding their breath as if
the world has stopped from turning.

"ROWEN!" Napatayo si Lucius mula sa kaniyang pagkakaluhod at akmang hahawakan na


ang founder na nakabulagta sa stage. Pati si Helios na ilang hakbang lamang ang
layo sa kapwa niya founder, tinangka rin siyang hawakan. Pero....

"DO NOT LAY A FINGER ON HIM!" Loki shouted as he charged to where the victim was
lying unconsciously. His yell caused the two on the stage to freeze for a moment.
He knelt before the victim's body and felt the pulse on the latter's wrist.
Tumingin siya sa akin at dahan-dahan siyang umiling.

"He's gone."
Everyone in the hall gasped, causing unintelligible murmurs that sounded like a
buzzing of bees.

"Baka 'yan 'yong Avada Kedavra curse!" sigaw ng isa sa mga member. Napa-"oo nga"
ang ilan sa mga katabi niya at lalo pang umingay sa hall.

"If you think that a curse killed him, you are an idiot." Loki stood and put his
hands inside his robe's pockets. "An ingenious trick is involved here, not a spell
that can instantly kill someone. Lorelei, come here."

Pagtawag niya sa aking pangalan, lumapit naman ako na parang asong tinawag ng
kaniyang amo. I walked past Leona who's looking a bit worried and Herschel who's
perfectly calm despite the situation.

"Sino ba kayong dalawa?"

nakakunot-noong tanong ni Helios habang nakatitig siya sa amin. "Ayaw n'yong


lumapit kami sa katawan ni Rowen pero kayong dalawa, nandiyan sa tabi niya."

"Sorry, we lied." Loki knelt near the victim's body and began observing the scarf
wrapped around Rowen's neck. "We are not Harry Potter enthusiasts. We are
detectives hired to investigate the Avada Kedavra murders."

He lifted his head and turned to Herschel who was only a meter away from the stage.
"Did you bring that thing?"

Lumapit ang kaniyang kakilala at inilabas mula sa bulsa ng kaniyang robe ang isang
magnet. Iniabot niya ito kay Loki who replied "very good" instead of "thank you."
Gumamit siya ng panyo para hawakan ang magnet at inilibot niya ito sa bandang leeg
ng biktima. He must be trying to attract the needle-like object that stung Rowen.

"Gotcha!" he smirked as a thin, metallic object about two inches long got attached
on the magnet. He was cautious on handling it, iniiwasang matusok ang kaniyang
kamay dahil baka siya na ang sunod na biktima.

"So that's the needle laced with curare," Herschel commented, pointing at the
magnet on Loki's hand. "There should be a needle mark on his neck."

"Can you now call the police, Hershey?" my companion asked as he began removing the
blue-and-white scarf on Rowen's neck. I leaned closer to the victim's body and saw
a tiny red dot around his throat. May kaunting dugong lumalabas doon. "It's about
time Inspector Tobias and the Angeles City Police arrive here. And make sure no one
leaves this hall. The culprit is definitely among us."

Tobias? That's the name

of the inspector in-charge of the coffee shop murder case. Siya 'yong may makapal
na kilay na pinaniwala naming mag-boyfriend-girlfriend kami ni Loki.

"Got it!" Herschel started tapping on his phone screen and talked to someone on the
other line.

Sunod na kinapkap ni Loki ang bulsa ng robe ni Rowen kung saan niya nakita ang
phone ng biktima. He made some wiping gestures on the screen and tapped the
messages icon. He then showed to me a message from an unregistered number. It said
"Avada Kedavra" and was sent four minutes ago, before Loki took the stage.

"Then the culprit sent that message a few moments before shooting Rowen with a
poisoned needle, right?" I crossed my arms over my chest as we exchanged glances.
"'Yon ba ang nagsisilbing cue niya bago i-shoot ang karayom?"

"That seems to be case, based on the first two murders," he returned the phone
inside the victim's robe. He also removed his black cloak to cover the corpse. "I
compared the time those two victims received the message and the time they looked
at their phones in the CCTV footages. They both matched."

Naalala ko 'yong part sa footage kung saan napahawak si Sylvester sa kaniyang batok
matapos mapatingin sa kaniyang phone. "So the culprit shot the Rowen when he was
about to give Lucius his blessing, after he was briefly interrupted by the Avada
Kedavra message?"

Loki nodded before placing the magnet on the podium and darting a suspecting look
at Helios, Lucius and the crowd. "Now the question remains: how was this needle
shot? This is the same trick used to kill the two other founders. And the culprit
did

a pretty good job on concealing the murder weapon."

"Pero paano siya natusok ng karayom?" tanong ni Helios, may namumuong pawis sa
kaniyang noo. "Bago siya bumulagta diyan, wala namang humawak sa leeg niya."

"No need for physical contact," Loki faced the last remaining founder. "All they
needed is a clever contraption that can shoot this poisoned needle."

"And that might be something that won't look suspicious," I added, walking across
the stage as if we were on a play. Inilabas ko ang itim na stick sa bulsa ng aking
robe at ipinakita ito sa audience. "For instance, the culprit disguised the blow
dart into a wand. Walang maghihinala na kaya nitong mag-shoot ng karayom na may
lason."

"This is the part where we apply the process of elimination." Without glancing at
Helios, Loki motioned his hand toward him. "You are on the stage with Rowen, only a
few steps away from him. Hindi ka mahihirapang target siya dahil malapit ka lang."

"Pero nasa likod siya ni Rowen habang binabasbasan si Julius, 'di ba?" Hindi ko na
napigilan ang sarili kong mag-share ng deductions. Medyo nakakaba kasi nakatutok sa
akin ang ilang pares ng mga mata ng mga taga-Order. "Kung siya nga ang nag-shoot ng
karayom sa biktima, sa batok niya ito tatama. Compared sa dalawang naunang biktima,
ang sting mark ay nasa leeg mismo ni Rowen sa bandang lalamunan."

"I was also watching him the whole time," Loki nodded. "He didn't draw his wand
while the dead man was delivering his speech or when he was about to annoint the
new guy."

"How about Lucius?" Napatingin ako sa lalaking maputla ang mukha. Natural na yata

talaga 'yon sa kaniya dahil gano'n ang kulay nito noong una ko siyang nakita. "When
he was a few steps away, inilabas niya ang kaniyang wand. Pwedeng doon na niya
ishinoot ang karayom."

"Possible, but he would find it difficult to aim at Rowen's neck while walking. Do
you know why all victims were shot around the neck?"

"Dahil sa suot nilang Hogwarts uniform at makapal na itim na robe, balot na balot
ang mga katawan nila. Ang tanging vulnerability ay sa leeg dahil manipis lang ang
scarf, tama? Doon lang makakapag-penetrate ang karayom."

"Correct. And if you will try to link it to the first two murders, Lucius wasn't in
the footage. Assuming that these serial murders were committed by one person,
Lucius couldn't have done it."

"If not them, then who?"

"Someone from the crowd, someone who's a meter or two away from Rowen." Loki faced
the members of the Order who had puzzled expressions on their faces. He then turned
to me. "There's a quite a lot of suspects but we can cross out everyone else on our
list except the perpetrator."

Sa tantiya ko, nasa mahigit dalawandaan ang members ng Harry Potter club na 'to. Sa
sobrang dami nila, mahirap i-narrow down ang bilang ng mga suspek. So how will he
do it?

"Who among them are within the range to shoot Rowen with the poisoned needle?" He
waved his right hand on the crowd near the stage. "Those who are standing in front,
near the podium. And among them, who could have modified a wand into a murder
weapon that can shoot posioned needles?"

My eyes widened in shock as I stared at our two companions-Herschel and Leona.

Dahil member sila ng Inventors Club, silang dalawa lamang ang may kakayahang i-
modify ang wand. And between the two of them...

No, it can't be. I slowly shook my head, trying to get rid of that thought in my
head.

"Who among them appeared in the video footage?" He shifted his gaze to Leona whose
face turned white and her body trembling. Napatingin din si Herschel sa katabi
niyang babae pero walang bakas ng pagkagulat sa mukha nito.

Loki jumped off the stage and approached Leona while I stood frozen, staring at the
girl who was being suspected of killing three men. This was one of the rare moments
where I hope Loki's deductions were entirely wrong. I just can't imagine that she
could have done it.

"You are in the perfect position to shoot Rowen with the needle." Loki trailed his
lackluster eyes down Leona's right sleeve and stared at her wand. "All you need to
do is adjust the angle, point it at your target then shoot."

Bumaba rin ako mula sa stage at nilapitan ang kasama ko. Nakita kong kumuyom ang
mga kamao ni Leona at lalong humigpit ang hawak niya sa pinaghihinalaang murder
weapon.

I wanted to hear her defense, I wanted to hear her deny the accusation. But she
kept silent, possibly an admission of guilt.

That explains why her wand wasn't lighting up earlier. It was probably the modified
version na may iba nang function, not the one that Herschel invented. Kaya noong
isinisigaw ng lahat ang spell na "Lumos," hindi gumana ang wand niya. And maybe
around that time, she was preparing it to commit murder.

If one would connect the dots from the first murder up to

the third one, it will make sense. She wasn't seen in the footage of Godfrey's
death but she could be hiding behind the pillars, waiting to send the Avada Kedavra
message and for the victim to walk past her. Nang dinumog na ng mga estudyante ang
katawan ng biktima, malamang nakisali na rin siya sa kanila para hindi magmukhang
kanina-hinala.
In the second murder, she was walking across the hallway with Rowen and Helios
while discussing Lucius' appointment to the Hogwarts Four. Some time before
Sylvester collapsed, she must have secretly sent the Avada Kedavra message and
shoot the victim in front of her. Kagaya ng ibang members ng Order na nag-attend sa
meeting, black robe ang suot niya noon na kakulay ng kaniyang wand kaya kapag
pinanood sa video na hindi gano'n ka-clear, hindi kaagad mapapansin.

And now, Rowen's murder. She was only a meter away from her victim. Because she was
standing still, she probably didn't have hard time aiming the wand at her target.
Hinintay niya lamang na huwag masyadong gumalaw si Rowen para hindi magmintis ang
kaniyang tira.

It was her all along.

"Do you mind if Herschel would inspect your wand?" My companion stretched out his
hand to Leona, waiting for her to surrender the murder weapon.

Our suspect looked away, her eyes began welling up with tears. "I-It was a mistake
to have you involved in this case. I-I underestimated you two. I shouldn't have
told Hershey about it."

This is the part where the culprit confesses his crime and reveals his motive. I
was expecting Leona to hand over her wand to Loki... but she suddenly pointed it at
herself.

Everyone around her took a step back.

"This is a game over for me!" she shrieked, her hands were shaking uncontrollably.
Though her body is betraying her, I could see in her eyes that she's ready to pull
the trigger.

"I won't let the police take me away. I'd rather-"

"STUPEFY!"

May kulang pulang liwanag na nag-flash sa tabi ni Leona. Mabilis akong napatingin
kay Herschel na nakatayo sa kaniyang kaliwa at nakatutok ang wand sa dalaga.
Biglang nabitawan ni Leona ang kaniyang hawak at bumagsak siya sa malamig na sahig,
nakamulat pa ang mga mata pero tila nanigas ang katawan.

"Stupidify?" Loki covered his hand with a handkerchief before picking up Leona's
wand. "Is that spell effective against stupid people?"

"Stu-pe-fy," Herschel had to enunciate every syllable as he received the murder


weapon. "It's a stunning spell that renders a victim unconscious. But there's no
magic involved here. The wand generates a high-voltage but low amperage electrical
charge like a stun gun. The red flash of light earlier was only for a show."

The door of the Grand Hall swung open and a familiar figure entered, along with
some police officers. Loki exchanged pleasantries with Inspector Tobias who
commented again that he was bringing bad luck again to a seemingly peaceful place.
He explained the details of the case while I watched the police put Leona on a
stretcher and carry her outside.

The Avada Kedavra case is now closed but there were some questions lingering in my
head. Hindi ko nalaman kung ano ang motibo kung bakit niya nagawa ang lahat ng ito.

"Don't be sad about it." Loki and


I were under the waiting shed near the guard house. Napansin niya sigurong
nakatulala ako, tila wala sa sarili dahil sa conclusion ng case kanina. Hinihintay
namin ang pagdating ni Mr. Vasquez para ihatid kami pabalik sa apartment. "There
are cases where the client is the suspect himself. And sometimes, like in
Moriarty's case, the evildoer pretends to be the victim."

If that was his way of cheering me up, he misterably failed. "She knew that we are
investigating the case yet she went on with the killing. Gano'n ba siya ka-
confident na hindi natin siya mahuhuli?"

"She did say that she underestimated us. And serial killers love being appreciated.
Knowing that we were at her heels, she became more challenged in continuing she
needed to do."

"When did you know that it was her? Was it during the party?"

"When we were still in their mini-laboratory, after realizing that the killer
concealed the murder weapon into something that wouldn't appear suspicious. There
are only two students in this academy that are capable of inventing a clever
device. Hershey wasn't in any of the CCTV footages and he had an alibi around the
time of the two murders so I crossed him off the list. I already told him about the
truth before we left his apartment."

"And you kept it secret from me?" Mabuti pa ang acquaintance niya, sinabi niya.
Kaya pala hindi nasorpresa si Herschel nang ibunyag ni Loki kung sino ang killer.
That also explained kung bakit naka-ready ang wand niya para i-stun si Leona.

Naalala ko noong nalaman kong galamay ni Moriarty si Bastien Montreal. Hindi man
nagulat si Loki sa sinabi

ko dahil pinaghinalaan na niya noon pa. Parang deja vu, ah.

"Don't you trust me? Do you think I will spill the beans and sabotage the entire
investigation? Is that why you kept me in the dark?"

He looked at me in the eye and paused for a while. "I trust you, believe me, I do.
But I needed you to act naturally. I don't want you to look upset once you find out
that a seemingly innocent girl is behind those murders."

I let out a long sigh and rolled my eyes, turning my gaze to the opposite
direction. A blue Subaru then appeared on the horizon and parked in front of us.

Pero bago kami sumakay, narinig namin ang sigaw ni Herschel mula sa aming likuran.
May iwinawagayway siyang isang folder. Hinabol niya muna ang kaniyang hininga bago
niya iniabot kay Loki ang dala-dala niya.

"I almost forgot to give you this!" Herschel wiped the sweat on his forehead. He
seemed fine, not bothered by the fact that his assistant was involved in a series
of murders. "Those are the phone records that you requested."

Loki opened the folder and went over the documents. His eyes narrowed into slits
and his face had that serious look whenever he's in deep thought.

"I couldn't retrieve the messages of the phone number you provided but I managed to
get the call logs over the past few weeks," Herschel explained, pointing at the
list of numbers on the paper. "I hope those phone numbers in the log would prove to
be useful in your investigation."
"Thank you, Hershey."

"My pleasure, Loki. If you need anything, I'm only one call away." He waved his
right hand as Loki and I walked toward the car. Mr. Vasquez opened

the door to the back seat for us and drove away from Cavalier Academy. My seatmate
was staring blankly outside, he must thinking about the documents he received from
his acquaintance.

"Stein Alberts' phone records," he mentioned out of the blue while my eyes were
transfixed on the folder. "I gave his phone number to Hershey and asked the latter
to retrieve every data he could. If we can find out who his other contacts are, we
will have another thread to trace back to him."

Then the two of us went silent until we reached Tita Martha's apartment.

Pag-akyat namin sa third floor, huminto muna si Loki sa tapat ng pintuan ng aming
unit. May isang sobrang liit na papel na nakakalat sa harapan. Pinulot niya ito at
dahan-dahang binuksan ang pinto. There was weird look on his face.

Umupo ako sa couch habang dumiretso sa kaniyang kwarto si Loki. Lumikha ng ingay
ang mga gamit na hinuhulog niya sa sahig. May hinahanap siguro siya sa kaniyang
cabinet o drawer. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong isa siyang batang
sinusumpong ng tantrums.

Minutes later, he emerged from his room, a serious expression dawned on his face.
His mood made a 180-degree turn compared noong bago kami pumasok.

"Is something wrong?" I sounded worried.

"Someone broke into our unit." He showed me the tiny piece of paper he picked up
earlier. "Before leaving our apartment earlier, I put this thing in the narrow gap
between the door and the frame. If anyone lockpicks the door and opens it, this bit
will fall on the floor. Oh, no need to be amazed, it is a basic trick."

If that's true, kailangan ko ring i-check kung may nawawala sa mga gamit ko. "Is
there anything missing in your room?"

He nodded. "My laptop containing the Pandora's Box is gone."

###

Next Chapter Preview: "Miss me? Did you miss me?"

"If you attempt to push me off a cliff, rest assured I will drag you down with me."

"If I were assured that pushing you over will be your end, I would be glad to join
you down the cliff."

Guess who's back?

=================

Volume 2 • Chapter 24: The Reichenbach Resonance (Part I)


LORELEI

"SO THAT's how the case was solved?" Alistair asked while the two of us were
walking across the school's hallway, on our way to the QED clubroom. Kakatapos
lamang ng aming morning period kaya may time kaming bumisita roon.

I was supposed to call him last Saturday to tell him about the case resolution pero
nakalimutan ko dahil sa nangyari sa apartment. Speaking of which, Tita Martha
claimed she did not notice anyone suspicious entering the apartment building. Wala
ring CCTV camera na naka-install kaya wala kaming paraan para ma-identify kung sino
ang pumasok sa aming unit.

No one knew about the Pandora's Box in Loki's laptop except the two of us. Kaya nga
nagtataka kami kung bakit 'yon ang pinuntirya ng sinumang nanloob sa amin. I never
mentioned its contents to anyone when I brought it to school to blackmail Luthor
and the student council.

Whoever's in possession of that laptop, as long as he can crack the password, can
literally and figuratively make anyone kneel before him.

"Loki knew it was Leona after he realized that the culprit disguised the murder
weapon into something that won't appear suspicious," I continued explaining.
"Herschel told us last night that Leona confessed committing the crime, at inamin
niyang pinatay niya ang tatlong founder dahil ginagamit nila ang paborito niyang
series para makapangolekta ng pera."

"Being an avid fan of something is a dangerous thing," Alistair commented as we


started climbing the stairs going to the third floor. "And murder should never be
the

solution to express how disgusted you are at an organization that uses your
favorite book or movie for profit. Where did she get the curare?"

"From the science lab. They have a storage full of poisons that's off-limits to
anyone. She must have found a way to get in."

Al chuckled as if a funny thought crossed his mind. "Naalala mo pa ba 'yong club sa


dati nating school? Nagre-recruit sila ng maraming members, naniningil ng malaking
fee tapos wala mang club activities maliban sa cheap na shirt at pin?"

"'Yong Treasure Hunters' Club?"

He pointed his right forefinger at me. "That's the one! Ikaw mismo ang nag-expose
sa kanila sa student council noon kaya na-dissolve din ang club. You found out that
they were fabricating their club report to the Office of Student Affairs."

A faint smile flashed on my lips as I remembered that incident in our previous


school. That was a couple of months ago but my recollection of it is still vivid.
It was fulfilling to do something right but it had its cost. I have made enemies-
quite a lot of enemies-from people around me.

And my expose led to one of the most painful memories that scarred me for life.

"Their foundation day is fast approaching. May balak ka bang pumunta doon?" tanong
ni Al, saktong nasa tapat na kami ng clubroom. Akmang pipihitin ko na ang doorknob
nang napahinto ako.
Then there was silence. It was a categorical question yet it took me a few seconds
to think about it. Of course, I missed my old school and if given the chance, I
want to visit it again. However, the bitter memories that I had of it made me
reconsider.

ended up not answering his question as I turned the doorknob and pushed the door
open. Papasok na sana ako pero nang tuluyang bumukas ang pinto, nanigas ako sa
aking kinatatayuan. There were two familiar figures at the end of our long table

"Lo-Loki?!" I gasped with my eyes wide open. There he was, seated in his usual spot
with Jamie standing beside him. Parang ilang taon na kaming hindi nagkita kahit
magkasama kami halos araw-araw. Hindi ko kasi in-expect na makikita ko siya ngayon
dito sa clubroom.

"Ba-Bakit ka nandito?" Kinusot ko pa ang mga mata ko at lumapit sa mesa para


tingnan kung siya nga talaga ang nakaupo doon o baka isang mannequin lang na ginawa
ni Jamie dahil sobrang miss na niya si Loki. Walang ekspresyon sa mukha ng lalaking
tinititigan ko kaya aakalain mong isa siyang manyika.

"Why do you sound so surprised? I am the club president and I have the right to be
here."

Oo, siya nga ang nasa harapan ko at hindi isang mannequin. I did not mean to sound
as if I am not happy to see him here. Pumuslit ba siya para makapasok dito sa
school building?

"Pero 'di ba suspended ka? Paano ka nakapasok?"

"Haven't I told you that my suspension has been lifted?" His brows furrowed, a
curious expression was etched on his face. "Or was I talking to myself when I
received the news from my brother?"

My eyes shifted their gaze from him to the girl who's been massaging Loki's
shoulder. Nakaka-miss din pa lang makita si Jamie lalo na 'yong laging pagdikit
niya kay Loki kapag nasa clubroom kami. After ilang days ng pagiging missing in
action niya, sa wakas ay nagpakita na siya. At ang

rason kung bakit muli siyang sumulpot? Dahil kay Loki.

"Have you met Alasdair?" tanong ni Loki sa kaniya. "No? He's our new club member,
recruited by Lorelei during my absence as president."

"Oh!" Jamie glared at me before approaching the guy on my right. May meaning na
naman ang masamang tingin niyang 'yon.

"I'm Jamie Santiago, such an honor to meet you."

"Alistair Ravena. The pleasure is mine."

The two of them shook hands and exchanged smiles. Parang malagkit ang tingin ni
Jamie sa childhood friend ko, katulad sa isang hunter na nakahanap ng bago niyang
target. Sa pinaggagawa niya kay Loki, posible ngang dumikit din siya na parang
linta kay Al.

Jamie clapped her hands, a grin plastered on her lips. "Why don't we have a party
to celebrate Loki's return and welcome Alistair to the club?"
"Instead of having a party, we should focus our attention on solving cases," Loki
said in his usual monotonous voice. "Once the students know that the QED Club is
back to normal, requests will start pouring in."

"Pero minsan lang naman, Loki~ Pagbigyan mo na~" Her voice sounded flirtatious
which irritated me for a moment.

"I saw it," Al whispered to my ear. "How quickly she changes her facade. That smile
when we entered the room, that glare she shot at you, and that smile when we shook
hands. She's hiding something."

My mouth slightly opened as I glanced briefly at my friend. This was the first time
he met Jamie and I never mentioned that woman to him. But he already sensed
something off with her in a few moments they exchanged their names.

Why should I be

that surprised? The moment he and Loki met at the coffee shop weeks ago, he found
out that my companion and I were only pretending to be a couple. He had a skill of
seeing through the masks of those whom he encounter.

"Pero habang wala pa tayong clients, enjoyin muna natin ang pagbabalik mo. Don't
you agree, Lorie?" nakangiting humarap sa akin si Jamie. Ngayon, tinatawag na niya
ako sa nickname ko na para bang close talaga kami.

I'm not against the idea so I nodded. "Wala namang masama kung magpa-party tayo
hangga't wala pang kumakatok sa pinto natin."

"How about you, Alistair? Okay lang ba sa 'yo na mag-party tayo?"

"I don't mind."

"But something else is much more important tha-"

Jamie leaned on our protesting club president and pressed her forefinger on Loki's
lips, silencing him instantly. "Three of us voted for the party kaya ipu-push na
namin. Just relax and enjoy, okay?"

Loki scowled at her defiantly. Bilang club president, may choice namang siyang i-
veto ang suggestion pero hinayaan na lamang niya. "Fine, as long as you don't ask
me to buy the food and drinks."

"Don't worry," she then turned to me and Al. Looks like I know where this is going.
"Is it fine kung kayong dalawa na lang ang bumili ng pagkain at inumin sa
cafeteria?"

Siya ang nag-suggest ng party pero sa amin niya ipinapasa ang legwork. Gusto lang
niyang ma-solo si Loki kaya kaming dalawa ni Al ang inuutusan niya. I may not be as
good as Loki or Al but I can see right through your intentions, Jamie.

Pero bago pa ako makapagbitaw ng oo o hindi, may narinig kaming tatlong

katok sa pinto. Kung sinuman ang nasa labas, hindi na niya hinintay ang sagot namin
at basta-basta pinihit ang doorknob at binuksan ito.

I took a step back and clutched on the nearby chair tightly. My body began
trembling as I stared at the familiar face of our visitor. Luthor's the only one
who can send chills down my spine. But as it turns out, there's another one.
Napalingon ako kay Loki, nabalot ng seryosong ekspresyon ang kaniyang mukha,
nakapatong ang mga siko niya sa armrest ng kaniyang upuan at ipinagdikit ang mga
daliri niya na parang nagdarasal. Napawi naman ang ngiti sa mukha ni Jamie, I could
see fear in her face, an expression that I rarely see on her.

Nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng clubroom. Napuno ng katahimikan at tanging


ang mga sapatos ng aming bisita ang lumilikha ng ingay.

It was Stein Alberts a.k.a. Moriarty. I thought he was still in coma. But seeing
him in the flesh meant he has woken up from his long slumber.

"What's with the heavy atmosphere here?" Al whispered while watching the young man
pace the room. Naikwento ko na sa kaniya ang tungkol sa encounters namin sa
tinaguriang Napoleon of crime noong dinala ko siya rito sa clubroom pero hindi pa
pala niya alam ang itsura ni Stein.

"That's the person I told you before. Moriarty."

Stein put his hands inside his pockets and stood near the end of the table,
directly opposite to Loki. "Sorry if I barge in without your permission."

Dahil malapit kami sa kaniya, my instinct told me to take a few steps backwards.
Hinila ko rin ang sleeve ng uniform ni Al para mapaurong din siya. Stein's

aura was suffocating me kahit wala pa siyang ginagawa.

"Congratulations, you are still alive," Loki greeted him dryly. I saw a glint of
anger in his dull eyes. He was probably maintaining his composure before the man
who killed his friend.

Stein dragged a chair and sat on it. He crossed his legs and placed hands on his
lap as if he was a king comfortably seated on his throne.

"How about a thank you?" he asked. "Won't you be expressing gratitude to me?"

"Why should I?"

"Because I did not pursue a case against you. You could have been in jail by now if
I did."

"Oh, you want me to say the magic word? Thank you."

"That didn't sound sincere."

"Doesn't matter. You only wanted me to say those words and I did."

"Okay, okay!" Stein raised both hands. "You have nothing to worry about. I won't be
filing a case against you. I can't lose my archenemy now that things are getting
more interesting. Because if I did, I would lose a valuable playmate."

"So

plotting someone's death was a game for you."

"The same could be said whenever you solve those cases."


Watching their exchanges felt like watching a tennis match. You look at one player
then to the other while they keep on swinging their rackets. It's getting more
intense in the clubroom and none of us except Loki chose to engage with Stein.

"It is nice seeing new faces in your little club," he flashed a mischievous smile
at me, Al and Jamie. Ibang-iba na siya sa Stein Alberts na una kong nakita sa
abandoned high school building. From being an innocent victim, he transformed into
an evil overlord. "I may need to update my target list."

The corner of Loki's lips twitched, his eyes still transfixed at our guest. "What
do you want?"

"To say hi? It's been a while since the last time we spoke. Did you miss me?"

"A bit." There was a hint of bitterness in his voice. "Why don't I ask my members
here to tie you on that chair and torture you until you confess your crimes?"

Napatingin sa direksyon namin si Stein, nag-reflect sa lente ng kaniyang salamin


ang liwanag sa labas. Nanindig ang mga balahibo ko nang humarap siya sa akin. "I
doubt your friends here would resort to violence. And that would be
anticlimactic... and disappointing."

"If you don't want me to do it myself, you better leave. You have already said hi
to me and my club. And you have no business with us."

Stein smirked. "Let me be blunt. I know you will exhaust your resources to find
loose ends in the crimes you have alleged to me. But there won't be any."

"You think your crimes are perfect?" Loki giggled.

"News flash: There's no such thing as perfect crimes because those who commit them
are humans who are prone to errors. We will find the breadcrumbs that will lead us
to you."

"Then I hope you don't mind if I retaliate," he said before darting a quick glance
at us. "You lost a queen the last time we played. Now you've got more chesspieces
to lose, Loki."

"So this is part where you threaten us?"

Stein stood, straightened his necktie and buttoned his royal blue blazer. "If you
attempt to push me off the cliff, rest assured I will drag you down with me."

Loki replied with a mocking smile before saying, "If I were assured that pushing
you over will be your end, I would be glad to join you down the cliff."

"But don't expect a soft landing beneath." Stein went to the door and touched the
knob. Before turning it, he looked back at Loki with a cunning smile on his face.
"By the way, I prepared something to celebrate our return. I'd like to start our
game... with a boom!"

He then left the clubroom and a deafening silence ensued among us. Sa sobrang
intense ng palitan nilang dalawa, nanginig ang mga tuhod ko at muntikan nang
bumigay. I was about to sit on Stein's chair pero mabilis akong nakalipat sa katabi
nito.

Al stood beside me, he managed to remain calm and composed throughout the
conversation. Jamie sat on the chair next to Loki who was staring blankly.
Moriarty's words had some effect on us. What more kung totohanin niya ang kaniyang
banta?

Tumayo si Loki at nagsimulang maglakad-lakad nang nasa likod ang kaniyang mga
kamay. He must be thinking about what Stein told us. "I didn't expect him to be so
straightforward. Looks like our party is cancelled."

"But what did he mean with this parting words? Start your game with a boom?" tanong
ko.

Loki put his hands together and placed them close to his lips. "He must have
planned something before meeting us here. An appetizer before the main course,
probably."

"He said boom! Could it be-"

BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM!

Nakarinig kami ng malakas na pagsabog sa labas, dahilan para bahagyang yumanig sa


clubroom namin. Lumabas kaming apat para tingnan kung saan galing 'yon.

I clapped my hands over my mouth as I saw black smokes coming from the Chemistry
Lab on the opposite wing. Nagsilabasan din ang ibang estudyante para makiusyoso
kung anong nangyari doon.

"So this is what he meant," Al commented.

"H-How could he...?" Jamie's voice faded. Kagaya ko, napatakip din siya ng bibig.

Loki stared at the smoke, watching some students get out of that room. The first
shots have been fired by Moriarty. The game is indeed afoot.

This only means one thing: Moriarty is indeed back.

###

=================

Volume 2 • Chapter 24: The Reichenbach Resonance (Part II)

LORELEI

THE FIREFIGHTERS immediately responded to the explosion in the chemistry lab. They
were able to put out the fire before it could affect the nearby rooms.
Unfortunately, one person was killed in the explosion while ten others were
wounded.

If this was the game Moriarty mentioned earlier, then it literally started with a
boom. I had a feeling na ito pa lamang ang umpisa ng party na inihanda ng criminal
mastermind para sa amin.
Buong puwersang nagtungo ang QED Club malapit sa scene ng pagsabog. Kinordonan ng
mga officer ng Campus Police ang paligid ng chemistry lab kaya hindi kami basta-
basta pinapasok. Masyado pa raw delikado ang sitwasyon at hindi pa cleared ng mga
bomb expert kung ligtas na. Pinalipat muna ang lahat ng mga nagkaklase sa wing na
'yon sa mga vacant room sa kabila.

"It must be a homemade bomb designed to cause small explosion enough to blow up an
entire room," Loki said while staring at one of the bomb experts inside the burnt
lab.

"How did you know?" tanong ko. Wala pa siyang kinakausap ni isa sa mga awtoridad na
nasa loob. Nakapagtataka kung sino ang source niya sa impormasyong 'yon.

"I was reading the lips of the officer-in-charge inside," he faced us three. "That
skill is necessary in situations where you can't directly talk to authorities or
eavesdrop to their conversation."

"Is that it?" Alistair asked. "He already said 'hi' to us and 'I'm back' to the
entire school."

Loki slowly shook his head. "No, this is only the first act. There's more to come."

"More

what?"

"Boom!"

"Kung totoo man 'yan, hindi pa tayo pwedeng kumilos dahil hindi natin alam kung ano
ang susunod na mangyayari," sabi ni Al. "We don't know where to start. We don't
know where to find the next bomb... or bombs."

"If Moriarty wants to play a game with us, he will definitely set up the chess
board and invite us to play," said Loki. "The explosion here is a warning that he
is serious."

"Shouldn't we evacuate the students in the building first?" Jamie suggested. "Baka
mas marami pang masaktan kapag nagpatuloy ang mga pagsabog."
"That won't be necessary if we can diffuse the bomb." Our club president had an air
of confidence about him, talking like an expert in bomb diffusal.

"You know how to diffuse one?" I asked.

"No, but this is a good opportunity to learn a new skill," he answered in a matter-
of-fact tone.

"Loki, there are lives at stake here!" I told him with my hands on my waist.

"And we can't take chances with people's lives," Al came to my support. "We need to
do something to avoid having more casualties."

"Lorelei!"

The four of us turned around and saw Sir Jim Morayta running to our direction.
There was a grave look on his face as if something bad had happened. Nang magawi
ang tingin niya kay Loki, may kaunting pagkagulat sa kaniyang mukha. His face told
us, "Oh, you're back?"

This is their first meeting since the coffee shop incident. Loki suspected before
that Sir Jim Morayta is the face and name behind the criminal mastermind. It turned
out that he was wrong.

"Hinahanap

ko kayo sa clubroom pero wala kayo doon." Inayos ni Sir Jim ang pagkakalagay ng
kaniyang salamin at inilabas ang kaniyang phone. There was a hint of urgency in his
voice. "What I'm about to tell you shouldn't be leaked to other students.
Otherwise, magkakaroon ng panic at baka maraming masaktan."

Bigla siyang napatingin sa dalawa pang kasama namin. I could read through his
facial expression that he's skeptical of sharing it in the presence of Jamie and
Al. Na-meet na niya ang childhood friend ko sa Math classes namin pero si Jamie,
mukhang hindi pa.

"Members din sila ng QED Club kaya pwede n'yo ring sabihin sa kanila ang gusto
n'yong sabihin sa amin," I assured him.

"An unknown number texted every faculty member saying there are bombs in the
campus," sagot ni Sir Jim habang tina-tap ang screen ng kaniyang phone. "Inako niya
ang pagsabog sa chemistry lab at sinabi niyang may tatlo pang pagsabog na dapat
asahan."

"Ta-Tatlo?" magkasabay na pagulat na tanong namin ni Jamie. There was no reaction


on Loki's face while a hint of concern flashed on Al's.

"Kailangan na nating i-evacuate ang mga estudyante bago pa sumabog ang mga 'yon!"

Umiling si Sir Jim. "'Yan din ang unang solusyon na naisip namin pero hindi pwedeng
gawin. Kapag may napansing kakaibang kilos ang bomber sa mga estudyante,
papasabugin niya kaagad ang mga bomba. Mukhang gusto niyang i-diffuse natin sila o
sumama tayo sa pagsabog."

Ipinakita niya sa amin ang text message ng isang unregistered number. Gaya ng
sinabi ni Sir Jim, malabo ngang magsagawa kami ng mass evacuation. That must be why
he was so discreet earlier. Kapag nalaman

ng mga estudyanteng may bomba, magpa-panic ang lahat. That's the last thing we want
to happen.

The three bombs will explode in three different locations simultaneously.

When the clock strikes twelve, there will be boom! boom! boom!

P.S. I left a gift for you in the first scene of explosion.

Sabay-sabay kaming napalingon sa aming likuran kung saan lumabas ang isa sa mga
bomb expert na may hawak-hawak na brown envelope. Pinakita niya ito sa mga
kasamahan niya at nagbulungan sila.

"That must be it!" sabi ni Loki sabay takbo sa kanilang kinatatayuan. Sumunod naman
kaming mga member niya kasama si Sir Jim.

"Nakita namin 'to sa sahig," narinig kong kwento ng bomb expert. "Weird nga kasi
buong-buo pa 'to. Dapat nagkapira-piraso na nang sumabog 'yong bomba sa loob. May
nakasulat sa likod na FOR THE QED CLUB at LOVE LOTS FROM M."

"We are from the QED Club to whom that gift is addressed." Hinawi ni Loki ang
kordon para makalapit sa dalawang officers. "May we have a take a look at that?"

Pinagtinginan kami ng mga awtoridad, may halong pagdududa sa kanilang mukha.

"Excuse me?" lumapit si Sir Jim sa kanila at ipinakita ang kaniyang ID. "I'm a
faculty member. This is the QED Club, our detective group in this school.
Iniimbestigahan din nila ang nangyaring pagsabog dito. Kung talaga ngang para sa
kanila ang package na 'yan, okay lang na i-hand over n'yo sa kanila, tama?"

Nagkatinginan ang mga bomb expert. "Hindi naman boobytrapped ang package na 'yan
kaya

walang panganib kung bubuksan."

Tinanggap ni Sir Jim ang envelope at ipinasa kay Loki. "Galing 'to sa taong may
codename na M. Is it possible na si Moriarty ang may kagagawan nito?"

"It is not a possibility. It is a certainty."

Muling napahawak si Sir Jim sa bridge ng kaniyang salamin at nag-reflect sa mga


lente nito ang liwanag sa labas. I couldn't see whether there's a hint of surprise
in his eyes.

"Then I shall leave this case to your capable hands," he said. "In the meantime, I
will talk to the student council and the executive committee to figure out kung may
iba pang solusyon."

Hindi pa man siya nakakalayo sa kinatatayuan namin, muli siyang napalingon sa aming
direksyon. "By the way, Loki, I hope we can talk about the Moriarty case one of
these days."

Isang thumbs up ang isinagot ng kasama ko habang abala siya sa pagbukas ng


selyadong envelope. Our Math instructor told me a week ago that he wants to meet
us. Ang tanong ay kung ano ang nalalaman niya tungkol sa misteryong ilang buwan
nang nilulutas ng QED Club.
"That thing should have been caught in the explosion, right?" tanong ni Jamie na
sobrang dikit kay Loki. Kulang na lang ay ipalupot niya ang kaniyang mga kamay sa
katawan ng lalaking dinidikitan niya. "Bakit buo pa rin 'yan?"

"Maybe it wasn't there when the explosion happened," sagot ni Al who seemed to be
anxiously waiting to see the contents of the envelope. "Pagkatapos ng pagsabog,
posibleng may pumasok sa loob ng chemistry

lab at iniwan 'yan doon. Whoever left that envelope must be an agent of Moriarty."

Loki carefully opened the flap and slowly pulled out a thin, rectangular device-an
iPad. He pressed the ON button and the screen lit up.

"Are you ready?" These three words flashed on the screen along with a "yes" and a
"no" button. He clicked yes.

Nakakahilong tingnan ang series ng mga letra kaya napatingin ako palayo. Tutok na
tutok naman sina Loki at Al sa pagbabasa.

"Who is Blaise?" tanong ni Jamie na lalo pang dumikit kay Loki. She was obviously
taking advantage of the situation and the guy she was clinging onto didn't care.

The letters on the screen faded as another set of sentences surfaced.

Call the experts, cut off the wires and the bombs will explode!

If you want to stop the boom, here's a puzzle to decode.

Then there was an image of the chessboard with black and white pieces scattered
across. I thought the bomber was challenging us to a chess match.

But after observing that the image was static, it dawned upon me that that was the
puzzle.
"This is what I have been missing the past few days," Loki smirked. Kung kanina'y
matamlay at walang buhay ang kaniyang mga mata, ngayo'y parang kumikislap na ang
mga 'to. "I can now sincerely thank Moriarty."

Naiintindihan ko ang pagkasabik niyang mag-decode ng puzzle pero hindi lamang


basta-basta laro ang sitwasyon ngayon. Lives could be lost by mid-day and that risk
is something one should not be thankful for.

After half a minute or so, the chessboard faded and the words "Good luck!" flashed
on the screen. Loki turned on the iPad again to review the codes but it did not
light up. Pinagpipindot niya rin ang ibang button pero ayaw nang sumindi.

"Shoot!" He threw the iPad on the floor and starting pacing back and forth. "We
forgot to take photos of those series of letters and the arrangement on the
chessboard!"

The young woman beside

him giggled. She started typing something on her phone screen. "My dear Loki, have
you forgotten that I have an excellent memory?"

Ipinakita niya sa amin ang serye ng letrang nag-flash sa iPad kanina. Aside from
flirting at Loki, this is one notable skill of Jamie. None of us can confirm if
those letter are correct but I trust her retentive memory.

"Brilliant," Loki muttered. "I have been away for a couple of weeks, I almost
forgot you have a retentive memory. How about the chessboard code, can you
reproduce it for us?"

"Basta para sa 'yo, Loki." Kinuha ni Jamie ang envelope at inilabas ang kaniyang
pen para gumuhit ng mga linya kagaya sa isang chessboard.

"So she's not your ordinary clingy girl," Al whispered to me, his arms crossed
while watching Jamie draw an eight-by-eight grid. She began writing the names of
the chesspieces.

"Did you know that she and Loki had a blind chess match weeks ago and she managed
to beat him?"
"Really? That makes her more interesting."

Sunod akong napaharap kay Loki na nakakunot ang noo habang nakatitig sa hiniram
niyang phone kay Jamie. There was an invisible sign hanging on his neck that says
"Do not disturb, I'm thinking."

"Have you figured out how to decode the three series of letters?" Al asked. "Do you
know who Blaise is?"

"That was a dead giveaway," Loki answered. "Just so you know, Blaise isn't someone
in this school whom we can ask for help. He was a French cryptographer. Have you
heard of the Vigenere cipher? No? That method of encryption was earlier invented by
Giovan Battista Bellaso but it was misattributed

to Blaise de Vigenere."

He bombarded us with trivia that's too much to absorb. All we needed to know is how
to crack the codes. His other hand put out his phone and did some swiping gestures
before showing to us rows and columns of letters. Lalo akong nahilo sa sobrang dami
ng mga letra doon.

"Tabula recta. Vigenere cipher consists of several Caesar ciphers in sequence with
different shift values. Its concept is similar to Polybius square but it is more
complicated."

Those two ciphers rang a bell in me. Natatandaan ko pa 'yong araw na pinalabas ni
Loki na nadukot siya't nag-iwan ng double code sa clubroom para i-crack namin ni
Jamie. Because we were desperate back then, we asked for Stein's help without
having any clue that he is Moriarty.

"In order to crack a Vigenere cipher, you need this tabula recta as reference and
the keyword which the bomber made too obvious-BOOM. I could go on and explain the
whole process but we don't have much time left."

"So what are the three locations?"

"Library. Auditorium. Gymnasium."


"We need to strategize first," Al suggested. "We need to search those places and we
only have less than an hour left. Since there are four of us, bakit hindi natin
hiwa-hiwalay na puntahan ang mga lugar na nilagyan ng bomba?"

"Okay lang sa akin basta kasama ko si Loki," tugon ni Jamie sabay pakita ng papel
kung saan ni-reproduce niya ang arrangement ng chessboard. I have to admit that I'm
impressed by her skill.

"No,

you better go with Lori."

Nagulat ako sa suhestiyon ni Al kaya napatingin ako sa kaniya. I had a what-are-


you-doing question written all over my face. Hindi ko pa naikuwento sa kaniya ang
status ng relasyon namin ni Jamie kaya siguro iniisip niyang okay lang na
pagsamahin kami.

"But-"

"Dividing our forces may be a good idea," patango-tangong sabi ni Loki. "Al and I
can defend ourselves if ever Moriarty deployed some henchmen to those locations.
You two can take down someone together with the help of Lorelei's stun pen."

Nagkatitigan kaming dalawa ni Jamie. Sandaling nanlisik ang mga mata niya sa akin
bago bumalik ang mga 'to sa normal nilang itsura. Lagi niyang sinisiguro na
nakaanggulo siya't hindi makikita ni Loki ang make faces niya. And by the way, the
word "together" doesn't sit well with us.

"The problem now is the code," Al touched his chin, squinting his eyes as he
studied the placement of the chesspieces. "Does it have anything to do with the
coordinates? O kung anong piece ang nakalagay sa particular square?"

"We have to see the bombs first para malaman natin kung ilang digit ang kailangan,"
sagot ni Loki, Kinuhanan niya ng litrato ang drawing ni Jamie gamit ang kaniyang
phone. "The clock is ticking. We have to move. We will keep in touch through
messages and calls."

Nagkapalitan kami ng phone numbers bago ibinigay ang kani-kaniyang assignments.


Kaming dalawa ni Jamie ang na-assign sa library, si Al ang pupunta sa gymnasium
habang si Loki ang maghahanap sa auditorium.

We bid one another good luck before we set out to find the bombs. Around forty-five
minutes left before they go off.

I heard Jamie repeatedly clicking her tongue while we were climbing down the
stairs. Hindi pa kami nag-uusap mula nang humiwalay kaming dalawa kina Loki at Al.
She must be extremely disappointed by the turn of events.

Iniisip ko rin kung bakit 'yon ang naging suggestion ng childhood friend ko.
Pairing me and Jamie was not a good move. Wala naman akong ill will sa kasama ko
ngayon pero baka siya, meron sa akin. Medyo hindi lang ako komportable kapag nasa
tabi ko siya.

Then I remembered what Al whispered to me back in the clubroom.

"She's hiding something."

Maybe that was his intention all along. Gusto niyang gamitin ko ang pagkakataong
ito para alamin kung may tinatago nga si Jamie. Sa aming tatlo nina Loki at Al, ako
lamang ang posibleng makagawa no'n. Loki's judgment of her could be clouded because
of the latter's resemblance to his late partner. Al's a new member so he cannot ask
questions.

Meanwhile, I'm the only one in the club kung kanino ipinapakita ni Jamie ang other
side niya-whether that's the real her or not. It would be a waste if I let this
chance pass.

I darted a glance at her sullen face, nakikita ko sa mga mata niya ang
pagkadismaya. If Al's initial observation of her is true... then what are you
hiding, Jamie?

###

=================

Volume 2 • Chapter 24: The Reichenbach Resonance (Part III)


LORELEI

"What are you looking at?" Jamie asked irritably before rolling her eyes. She was
quick to notice my gaze.

"Nothing. I thought there was a dirt on your face." I looked away as we reached the
landing on the ground floor. Everything seemed peaceful. Nagtatawanan pa ang mga
estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway. Ang hindi nila alam, ilang minuto
mula ngayon, baka mawala na ang ngiti sa mga mukha nila.

Nagpatuloy kami sa pagbaba ni Jamie, nauuna siya ng ilang hakbang sa akin. She
doesn't want to walk beside me. That must be her way of expressing that we are not
on the same level.

Then as we were about to exit the high school building, I felt a threatening glare
from someone, sending shivers down my spine. Tumalikod ako at nagpalingon-lingon sa
kaliwa't kanan, hinahanap kung saan galing ang kakaibang pakiramdam na 'yon. Either
I'm only imagining things or someone is really shooting daggers at me with their
piercing eyes.

"Hey, what's wrong?" Maging si Jamie, napahinto sa kaniyang paglalakad. Bakas ang
pagkairita sa kaniyang mukha.

For the last time, inilibot ko ang aking mga mata sa paligid, pero wala akong
napansing kahina-hinala. If anyone's looking at me, he must be hiding behind the
pillars.

This reminds me of what I felt weeks ago. I had the same shivering feeling when
Loki and I were investigating Stein's disappearance. After we found Stein in the
abandoned building, I saw a silhouette of a mysterious man staring back at me. That
shadow's face was revealed in the hospital when Loki was rushed there after
drinking belladonna.

Could

it be the same person following me before? Is he someone connected to Moriarty?

"Bahala ka nga diyan kung gusto mong tumunganga," Jamie whined as she continued her
stride to the other school building meters away from us. I shook my head and
followed her lead. Considering the situation we are in, wala kaming panahon para
ma-distract.

The library was unusually packed this morning. Dati kasi, para itong sinehan kung
saan showing ang isang flop na movie-nilalangaw. Puno ang mga upuan at mesa ng mga
estudyanteng subsob sa mga librong binabasa nila. Malamang inutusan sila ng
kanilang instructor na pumunta rito para magsagawa ng research.

Although this is good for the library, this is bad for us. If a bomb goes off at
twelve noon, everyone in this building will become casualties and the death toll
might rise. If we tell them to leave now, the bomber might set off the bomb and we
will be caught in the explosion.

The only solution in this case is to crack the bomber's code and diffuse the bomb.

"It has been a quite some time, hasn't it, Loki's assistant? Glad to see you still
alive and kicking."

I was busy looking at my left that I didn't notice the young woman who greeted me.
Indeed, it has been quite some time since we last saw each other's face. May
nagbago sa itsura niya kaya it took me seconds before recognizing her. But thanks
to her bangs, naalala ko pa kung sino siya. The badge pinned on her shirt's collar
was a symbol of her authority as the chairwoman of the student executive committee.

"Margarette," I mumbled, our eyes locked. Noong huli ko siyang nakita,

may suot pa siyang salamin na may transparent frame. Mukhang inalis na niya ito o
nakalimutan niya sa kanilang bahay. But I bet it's the former than the latter.

She took one step closer to me, maintaining a foot distance between us. "Napaka-
unsual na makita ka rito sa library. The last time you went here was weeks ago."

"If you've been briefed about the situation, you know why we are here."

"Of course, the QED Club is always here to save the day. How's Loki? He's probably
enjoying the situation, isn't he?" She then rolled her eyes to Jamie. "You
shouldn't get yourself with that man, Rhea. Mapapahamak ka lang."

"It's Jamie, not Rhea." My colleague, who had an irritated look on her face
earlier, flashed a smile as she corrected the name.

Margarette briefly closed her eyes. Jamie's resemblance to her late friend (and
Loki's) must have caused the confusion. "Sorry, my mistake. You really look like
her."

"Lori, don't we have something else to do?" Jamie's sounded so sweet. Aakalain mo
ngang mag-bestfriend kami kapag narinig mo ang tono ng kaniyang boses.

"Excuse me, Margarette. We have a bomb to diffuse." We walked past her as she stood
frozen on the ground. She did not bother to bid us good luck or farewell.

Dumiretso kami ni Jamie sa librarian's desk kung saan nakapuwesto ang matabang
babae na mukhang hindi maganda ang gising. Nakasimangot siya at halos magdikit ang
kaniyang kilay. Para siyang leyon sa zoo na iiwasan mo dahil baka bigla kang
lapain.

Tsk. Mahihirapan kaming maghanap kung nandito siya. Balita ko, kapag nag-iingay ka
raw sa library o nanggugulo sa kapayapaan

dito, babatuhin ka niya ng kaniyang mahiwagang pamaypay. Laging bullseye ang mga
tira niya kaya mahirap umiwas.

Paano namin siya mapapaalis sa puwesto niya? Pwede kong sabihin sa kaniya ang
sitwasyon pero baka maging exaggerated ang reaksyon niya't maalarma ang mga
estudyante. Hindi rin siya mapapakiusapan na hayaan kaming maglibot sa library para
i-check kung saan itinago ang bomba.

Kung sanang may authority lang ako.

Wait, authority?

Napalingon ako sa likuran at nakitang hindi pa tuluyang nakakalabas ng library si


Margarette. May nakasuot na wireless earphone sa kaniyang tenga, tila may kausap.

"Stay here," sabi ko kay Jamie bago ako naglakad nang mabilis papunta kay
Margarette. Iniwasan kong magmukhang tumatakbo dahil baka masampolan ako ng
pamaypay ng librarian.
"Margarette!" I called her in a husky voice. Napahawak ako sa magkabilang balikat
niya. Nabigla tuloy siya at napahawak sa kaniyang dibdib.

"Wh-What's wrong with you?" tinanggal niya ang suot na earphones at tiningnan ako
ng mga nanliit niyang mata. She seemed pissed by what I did.

"I need your help," I looked her in the eye to show how we badly needed her
support. "Kailangan naming mapaalis ang librarian. There's a bomb hidden here and
we can't move freely while she's on the lookout."

She stared at me for a few seconds, probably pondering on what I meant. "And how
exactly am I gonna do that? Do you want me to drag her out of the library?"

"No. Just tell her that a person of authority wants to meet her somewhere."

"You are asking me to lie?"

"Sometimes we need to lie for the greater good."

Napatingin ako sa clock display sa aking phone. Mahigit thirty minutes na lamang
bago sumapit ang alas-does ng tanghali. "It's now or never, Margarette. Time is not
on our side."

She clicked her tongue before walking toward the librarian's desk. I followed her
but maintained a few steps between us.

"What did you do?" Jamie asked. "Wala tayong oras para makipagtsismisan."

"Kailangang umalis muna ang librarian bago tayo magsagawa ng search."

"Excuse me, ma'am? I'm Margarette Fernandez from the student executive committee. I
was sent here by Sir Jim Morayta."

Tumingin ako sa ibang direksyon para hindi obvious na nakikinig ako sa usapan
nilang dalawa. Pero teka, bakit pangalan ni Sir Jim ang ginamit ni Margarette?

"He wants to ask something about the incident here a few weeks ago. I don't know
the exact details but maybe you can come with me and visit his office?"

"Naku, bakit ngayon pa? Andaming estudyante rito. Hindi ko pwedeng basta-basta iwan
ang library dahil baka may kunin silang mga libro!"

"Sir Jim says it's urgent. If you are concerned about the book thieves, maybe we
can ask those girls to hold the fort while you are away? They are members of the
QED Club and they are keen observers. Kung may pupuslit ng mga libro mula rito sa
library, mapapansin nila kaagad."

I observed from my peripheral vision that Margarette motioned her hand to our
direction.

"Sabi mo 'yan, a? Kapag may nawalang libro dito, sa inyo ko ipapa-charge 'yon."

Pinapunta kami ni Margarette sa may librarian's desk at pinakilala kami sa masungit


na tagapagbantay

ng library. She wasn't interested in knowing our names. Ang gusto niya lang ay
masigurong ligtas ang mga libro dito. Well, kapag hindi namin na-diffuse ang bomba,
lahat ng pinakamamahal niyang libro dito'y magiging abo.
"Make sure you diffuse that bomb. And remember, you owe me," Margarette whispered
as she walked past me, the ill-tempered librarian tagging along. I answered with a
confident smile, kahit wala pang kasiguraduhang maliligtas namin ang school na 'to
mula sa banta ni Moriarty.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ni Jamie, umupo siya sa desk ng librarian
at inilibot ang mga mata sa buong library. There were a number of bookshelves plus
the tables and chairs. Mukhang kulang ang natitirang oras para halughugin ang
lugar. "Where should we start?"

"Paghatian natin. Doon ako sa kaliwa, doon ka sa kanan para ma-cover natin ang
lahat ng areas."

"No."

"No?" Nakakunot-noo kong tingin sa kaniya. "What do you mean by no? Alam kong mas
gugustuhin mong makasama si Loki kaysa sa akin pero kailangan nating magtulungan.
Let's set aside whatever we have against each other and work together, okay?"

I don't wann use the word "together" but I hope it would work to make Jamie
cooperate with me.

"I also look forward to working with Alistair than you," she smirked then her bitch
face returned. "But seriously, you misunderstood me, Lorelei. When I said no, that
doesn't mean na ayaw kong makipagtulungan sa 'yo. I just have a better idea."

Napataas ang kaliwang kilay ko. "And that is?"

Tumayo siya't naglakad-lakad sa paligid ko. "Don't you see? There

are many students in this library. We would be fools if we don't take advantage of
the situation."

Looks like you are good at taking advantage, gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero
nagpigil na lamang ako.

"So how are we supposed to ask these students to help us look for a bomb? Do you
seriously think that they will cooperate?"

She grinned. "Nakalimutan mo na yata kung sino ang kasama mo?"

Without telling me anything about her plan, she went to the center. Hindi maiwasan
ng mga estudyante-lalo na ng mga lalaki-na mapatingin sa kaniya. Ang ilan ay
malalagkit ang tingin na para bang hinuhubaran na siya sa kanilang isip.

Muntik ko nang makalimutan. She is the Jamie Santiago.

"Good morning, everyone! I'm Jamie Santiago from the Theater Club. May I have your
attention please?"

All heads turned to her, kahit na 'yong mga estudyanteng abalang-abala sa


pagsusulat ng kanilang research paper. May ilang lalaki sa tabi ko na nagbulungan
at sinabing, "Siya nga 'yong napanood natin sa play! Sabi ko sa 'yo e."

"E? Ang ganda pala niya sa personal!"

"Suwerte siguro ng boyfriend niya. Imagine having a girlfriend like her."

I rolled my eyes and focused my attention to Jamie. Mukhang alam ko na ang


binabalak niyang gawin.

"Our propsman in the club created a fake bomb as prank. Kaso may isa sa amin na
kumuha nito at itinago raw sa library. We do not want to create panic here kaya
gusto na naming i-retrieve bago pa may makita doon. Gusto sana naming humingi ng
tulong mula sa ilan sa inyo para hanapin 'yong fake bomb."

Nag-unahang

nagsitayo ang mga lalaki at nagpahayag ng willingness na tumulong sa aming search.

"Possible na nakadikit siya sa ilalim ng mga mesa, upuan o kaya nakaipit sa


bookshelves o naka-disguise bilang libro. Sa mga busy, okay lang kahit hindi kayo
tumulong, naiintindihan namin. Game?"

Tama nga ang desisyon kong paalisin muna ang librarian kundi pinagbabato na kami ng
pamaypay. The volunteers-mostly men-went to different parts of the library and
started the search.

Napa-thumbs up at napangiti sa akin si Jamie. Whether that's sincere or she's just


mocking me because she thought of a better idea, I wouldn't know.

Aside from her retentive memory that she boasts whenever the opportunity presents
itself, her charms and popularity in the school can be useful. Sometimes.

Tumulong na rin kaming dalawa sa paghahanap ng bomba sa bawat sulok ng library.


Wala kaming pinalampas na spot at halos suyurin na namin ang buong lugar. The
search took twenty minutes but no sign of bomb was seen. Mas na-pressure tuloy ako
nang makatanggap kami ng text message mula kina Loki at Alistair, saying they
already found the bombs in their assigned locations.

Ang ibig sabihin, tama nga ang ginawang pag-decipher ni Loki sa unang tatlong codes
na nag-flash sa iPad. Ang problema ay kung saan dito sa library itinago ang bomba.

"Maybe we should ask for their help?" Jamie suggested, she was still smiling at the
boys who helped us. "We don't have much time, do we?"

"They are now trying to decode the chessboard puzzle. Kailangan nilang mag-focus sa
part na 'yon kundi sasabog pa rin ang mga

bomba kahit nahanap na natin sila," kinailangan kong hinaan ang boses ko dahil
pinagtitinginan na kami ng ilang nasa paligid namin.

She rolled her eyes and let out a sigh. "If we die here because of the explosion, I
will kill you."

I ignored her threat. "At saka dalawa tayong nandito. Maybe we can put our minds
together and work on looking for that bomb. Loki said something before about
eliminating all other factors and the one that remains is the answer."

"And what are those factors?"

"'Yong mga lugar na tiningnan natin. Wala sa mga mesa't upuan, wala sa bookshelves,
wala sa mga librong nandoon, wala rin sa ilalim ng librarian's desk."

"Chineck din nila 'yong mga halaman sa pot pati 'yong loob ng aircon pero wala
rin," dagdag ni Jamie sabay tingin sa kisame. "The ceiling is concrete here so the
bomber can't place it there."
Saan ba pwedeng itago ang bomba nang hindi magmumukhang kahina-hinala? Muli kong
inilibot ang mga mata ko sa library, nakita ko ang mga masasayang mukha ng
estudyante. May iilan ding seryoso sa pagbabasa habang may ibang walang pakialam sa
mundo.

If I were Loki, where would I check next?

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang estudyanteng may suot na itim na
jacket at walang tigil ang pangangatog ng mga tuhod. I could see fear on his face
but there's no reason to be afraid dahil walang nakakaalam maliban sa amin ni Jamie
na may bombang sasabog mamayang alas-dose.

"I think I know where it is," I whispered to my colleague sabay turo sa


estudyanteng naka-jacket.

Her mouth slightly opened, her eyes narrowed. "How can you say?"

"Process of elimination. Loki talked about it numerous times in our clubroom and in
the apartment," I answered. "Wala ang bomba kahit saan dito sa library. Ang
natitirang factor na nandito ay ang mga estudyante."

"So the bomb is strapped on his body? Maybe that's why my charms didn't work on
him. Kanina pa kasi siya nakaupo diyan at hindi siya tumulong sa atin kanina."

"We need to approach him in a not so suspicious manner or-"

Pero hindi na ako pinatapos pa ni Jamie at basta-basta na lamang nilapitan ang


lalaki. May sinabi siya rito bago niya hinila ang kamay nito papunta sa
kinatatayuan ko. Kahit sobrang lamig na rito dahil sa aircon, pinagpapawisan pa rin
ang lalaki at lalong nabalot ng pagkabahala ang kaniyang mukha.

"Te-Teka, a-anong gagawin n'yo sa akin?" garalgal ang kaniyang boses. Nakikita ko
sa mga mata niya na gusto na niyang maluha.

"Huwag kang mag-alala. Nandito kami para i-diffuse ang bombang nasa katawan mo.
Tama ba ako?"

"Can you please open your jacket?"

The student was hesitant at first but he gave in to our request and unzipped his
jacket. Dahan-dahan niyang binuksan ito at bumungad sa amin ang isang improvised na
bomba. May nakadikit na lumang Nokia phone doon at nakasulat sa screen nito:

ENTER THE 8-LETTER PASSWORD:

_ _ _ _ _ _ _ _

###

=================

Volume 2 • Chapter 24: The Reichenbach Resonance (Part IV)

LORELEI
NAPAPUNAS AKO ng pawis sabay lunok ng laway habang tinititigan ang countdown timer.
Less than ten minutes left before the bomb goes off. Tinext ko na kaagad sina Loki
at Alistair para sabihing natagpuan na namin ang bomba.

"What should we do now?" tanong ni Jamie. Kung kanina'y pangiti-ngiti pa siya,


ngayo'y nagkaroon na ng bahid ng pagkabahala sa kaniyang mukha. She probably
realized how critical the situation is.

Pinaupo namin ang lalaking may nakapalupot na bomba sa librarian's desk at


sinigurong nakatalikod siya sa kaniyang mga kapwa estudyante. Creating panic at
this dangerous scenario is the last thing we want to happen.

"You have the chessboard puzzle?"

"Here." Inilabas ni Jamie ang papel kung saan iginuhit niya ang arrangement ng mga
chesspiece sa board. I'm not that familiar with how this game works which made it
hard for me to contribute anything to the group.

"Maybe we should call them," I said as I dialed Loki's number first. Once he's
connected, I called Alistair's phone next and put it in a conference call.

Biglang dumikit sa akin si Jamie at inilapit ang mukha niya sa phone. "Hello, Loki~
Na-miss mo ba ako?"

My God, Jamie. Marami pang mas importanteng tanong kaysa diyan.

"How's everything on you end?" Loki ignored his question. I could imagine his bored
face by listening to his monotonous voice. Kahit na kulang-kulang sa ten minutes
ang natitira sa amin, sigurado akong napapanatili niyang maging kalmado sa ganitong
sitwasyon.

"The bomb is strapped around

a student's body. And we got no idea on how to crack the code."

"Creative," he commented. Narinig kong parang humikab siya. "Mine was placed under
the bleachers. How boring. How about you, Al?

"Under the piano here in the auditorium," my childhood friend answered. Walang
kahit anong hint sa boses niya na kinakabahan siya. "May mga nagre-rehearse na
taga-Theater Club dito but I managed to convince them to let me search the area."

"Any ideas on the code?" tanong ko habang nakatitig ang mga mata ko sa nakasulat na
queen sa isang square.

"Maybe it has something to do with the chesspieces on the board?" Al wondered.

"I believe they were randomly picked by the bomber," Loki replied. "It doesn't
matter whether it's a king, queen or pawn on a particular square."

"How about the square coordinates? Though the words that I form do not make sense."

"And the password requires only eight letters. If every piece stands for a single
letter, then our answers won't fit that criteria. Not to mention, the chessboard
only gives us eight letters from A to H. Too limited."

I scratched my chin, trying to make sense of the whole puzzle. Kahit sina Loki at
Al, nahihirapan sa pag-decipher. If Moriarty's the one who created this code, he
did a great job of giving the QED Club a challenge. But now's not the time to
praise him. We only have about seven minutes left before the explosion.

Maybe each chesspiece represents something, but not as individual letters. There
are eight squares, there are eight rows and columns. The

password has eight letters. There must be something with that number. Remember the
base eight code? Moriarty even mentioned Henry VIII in the note before.

"Hey, do you know a code that has something to do with the number eight?" I asked
over the phone, hoping that it would help them. Among us, Loki's the only one
knowledgeable of different codes.

"Ah! I have been thinking the same, Lorelei." I could hear the scribbling of his
pen on a paper. "There are eight squares in every row, and every piece on each
square might represent a particular unit. We have to mark every square occupied by
a chesspiece an-"

Silence.

"Hello? Loki?" Na-disconnect ba ang tawag o sadyang natigil lang siya sa


pagsasalita? "Hello?"

"Binary code."

"Bina-what?"

"This is a binary code! An eight-digit sequence with only two numbers-zero and
one."

"Paano natin malalaman kung alin ang zero at one dito?"

"The squares, perhaps?" sagot ni Al. "Maybe the empty squares represent zero while
the occupied squares represent one."

Mabilis kong kinuha ang aking ballpen at sinulatan ang papel na ibinigay sa akin ni
Jamie. I crossed out the names of the chesspieces and replaced them with the number
"1." 'Yong mga square na bakante, sinulatan ko ng "0." And this is how it looked
like:

"Jamie, is your phone connected to the internet? Maybe you can search the binary
code alphabets."

"On it," she complied without rolling her eyes or complaining. It only took her
seconds before showing me an image of a series of 0's and 1's plus their equivalent
letters.

Ipinag-match ko ang binary series sa image na ipinakita niya at unti-unting na-


reveal ang mensaheng tinatago ng code.

01001101-M

01001111-O

00100010-R
01001001-I

01000001-A

01010010-R

01010100-T

01011001-Y

"Moriarty!" I exclaimed after cracking the code.

"If we only suspected that he had used his alias as the password, we wouldn't have
to go through the trouble of deciphering this code," natatawang komento ni Loki.

"But we can't take chances. Baka dahil sa isang maling input, posibleng sumabog
agad ang bomba. Mas okay nang dinecode natin ito," sabi naman ni Al.

"Make sure that when you key in the answer, it's in all caps."

We hang up as we focused our attention on diffusing the bomb.

Inutusan ko si Jamie na siya ang mag-type ng password pero sinagot niya lamang ako
ng paulit-ulit na pag-iling. I have no other choice, I have to do it myself.

Less than three minutes left before the explosion. I remember Jamie telling me
earlier about taking advantage of the situation. Dahil sa sinabi niyang 'yon,
pumasok sa isip kong tanungin siya ng bagay na matagal nang bumabagabag sa akin.

"Ah, Jamie?"

"Hmm?" taas-kilay niyang sagot.

"We might die here if I input the incorrect password so I want to take this
opportunity to ask you something."

Ilang segundo siyang nanahimik, tila pinag-isipan pa kung may karapatan akong
magtanong sa kaniya. "Sige, pagbibigyan kita. What is it?"

I looked at her in the eye, observing her bitchy face whenever I'm alone with her.
Noong unang araw pa lang ng pagkakakilala namin, ipinakita na niya sa akin ang
other side niya. At tandang-tanda ko pa ang unang tanong niya sa akin no'n: Kung
may namamagitan sa aming dalawa ni Loki.

"Why are you so clingy to Loki? Ever since you two met, you seem to be very
attracted to him."

Her annoyed facial expression turned blank, the mocking smile on her pinkish lips
waned.

"Why? You jealous? Are you also attracted to my dear Loki?"

Hindi tamang gamitin niya ang possessive pronoun na "my" bilang pang-modify kay
Loki dahil unang-una, hindi niya pagmamay-ari ang roommate ko. And we haven't had
any confirmation nor hint that these two have mutual feelings for each other.

"Just this once, be serious and answer my question," I told her with a straight
face.
Then there was silence.

She looked away, the sparkle on her eyes faded. Parang may sumagi sa isip niyang
malungkot na alaala. Was it a sensitive question? Was it too personal?

"Loki... reminded me of my brother. They are both smart and charming."

"Your brother?" I never heard her mention a sibling once to me. Hindi na kataka-
taka dahil hindi kami ganon ka-close. But I remember Loki telling me na birthday ng
kuya ni Jamie nitong weekend kaya hindi siya nakasama sa Cavalier Academy. "How old
is he?"

"He should be twenty by last Saturday."

"Should be?"

She returned my gaze and I could see the sadness in her eyes. My gut feeling told
me that her melancholic expression was genuine. "He is dead. Two years ago. He was
also a student here. He was the student council president... until he met an
accident."

That was a crack on her mask. Sa ilang linggo ko nang pagkakakilala sa kaniya,
ngayon ko pa lang yata nakita ang side niyang 'to.

"But why am I telling you that?" she wiped something off her eyes and pointed at
the bomb. Her lips forced a curve. "Focus on diffusing that thing! Gusto ko pang
makita si Loki!"

The sudden change in her mood was a sign that that's as far as I can go about her
brother. Truth is, I want to know more, especially after she mentioned the word
"accident."

But for now, hindi ko na muna ipu-push ang pagtatanong sa kaniya at magpo-focus
muna sa kailangan naming gawin.

Kahit na na-crack na namin ang code, hindi pa rin naiwasang manginig ng mga kamay
ko. Lumayo nang ilang hakbang sa akin si Jamie habang sinimulan ko nang pindutin
ang keypad ng lumang Nokia phone. Malamig man

dito sa library, pinagpapawisan pa rin ako.

M-O-R-I-

One minute left before explosion.

Kung kinakabahan ako, lalong kinakabahan ang estudyanteng kaharap ko. Naiiyak na
siya't namumutla sa sobrang takot. Parang hihimatayin na siya.

M-O-R-I-A-R-T-Y

Ipinikit ko ang aking mga mata sabay lunok ng laway. Wala mang ticking sound ang
bomba, dinig na dinig ko naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. If our method of
decryption is wrong, we would all blow up.

Click.

I pressed the OK button as I remained frozen on my feet. There was nothing but
silence in the library. A few seconds later, I slowly opened my eyes and looked at
the timer on the bomb.

It stopped at 0:59.

Napaupo ako sa sahig at napabuntong-hininga. We did it. We diffused the bomb and
eliminated Moriarty's threat to the school. Nang naka-recover na ako mula sa
tensyon, I called Loki and Al to check if they are fine.

"We're still alive. How about you?"

"Also alive and kicking."

"Ano nang gagawin natin ngayon?"

"We saved the school from destruction. We should be awarded medals and our faces
should be printed on every local newspaper. Fair enough, don't you think?"

I giggled at Loki's jest as I looked up the ceiling. Despite the danger that
Moriarty posed, we lived to see another day. I wonder how many times will our wits
be tested by that criminal mastermind.

"We should call the authorities and ask them to dispose of these bombs," Al
suggested. "Kahit na tumigil na ang timer, pwede pa rin silang sumabog."

"And

let's meet at the clubroom when everything is clear," Loki added. "Moriarty made
the first move. We shall prepare a countermove."

I hang up the phone and dialed the number of the campus police. Ipinaliwanag ko sa
kanila ang sitwasyon sa library at sinabing nakadikit sa katawan ng isang
estudyante ang bomba. Gusto ko mang tanggalin na ang pagkakatali nito, nagdalawang-
isip ako baka biglang may magalaw sa wires at sumabog.

It took ten minutes before they arrived at the library. Napatingin sa kanila ang
mga walang kamuwang-muwang na estudyante, nagtataka kung balik may mga awtoridad
rito. To my surprise, a familiar face stood out from their group as they approached
the librarian's desk.

"Hey, isn't that guy..." Jamie nudged me on my left arm as her voice trailed off.
It was Bastien Montreal, the only living link we have to Moriarty. Proud na proud
siyang naglalakad patungo sa amin pero bigla siyang nadulas at muntikan nang
mapaupo sa sahig.

Calm down, Lorelei. I need to act normally. I need to remove the thought that he is
one of Moriarty's minion.

"Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita, Ms. Rios at Ms. Santiago." Nakangiti
niyang bati sa amin habang pinapanood ang mga kasama niyang dahan-dahang inaalis
ang pagkaka-strap ng bomba sa estudyante. "Huli yata tayong nagkita sa isang
abandoned building malapit sa campus, tama?"

That particular case was etched in my mind. Doon kasi namin na-trick si Bastien
para hiramin ang kaniyang phone at makuha ang number ni Moriarty. Jamie was a big
help back then, thanks to her retentive memory.

Now I know why Loki

is always keeping secrets from me. Hindi ko alam kasi kung paano mag-react sa harap
ni Bastien. Natatakot ako. Kani-kanina lang, hindi na ako pinagpapawisan dahil wala
na ang banta ng bomba pero may naramdaman akong namumuo sa aking noo ngayon.

"Mukhang busy kayo ngayon, officer?" Jamie replied with a friendly smile. She
didn't seem to be intimidated by the young man's aura.

"Thanks to whoever set this up, naging productive ang araw namin." I sensed sarcasm
in his voice.

Maya-maya'y tinawag na siya para tulungang dalhin sa clinic ang estudyanteng may
suot na bomba. Natanggal na nila ang naka-strap sa katawan nito at madaling
inilabas ang pampasabog. Sabay-sabay ring lumabas ang mga campus police officer
nang nasigurong ligtas na ang library mula sa kahit anong banta.

Everything's now clear so Jamie and I decided to return to the clubroom. Excited na
nga ang kasama ko na makita ulit si Loki na para bang ilang araw silang hindi
nagkita. I wanted to ask her more about the connection between Loki and her brother
but I chose to hold my tongue. Maybe now is not the time. Baka hindi rin niya i-
entertain ang tanong ko.

Saktong paglabas namin sa library, nanindig ulit ang mga balahibo ko't nakaramdam
na parang may mga matang nakamasid sa akin. Kapareho ito nang naramdaman ko habang
palabas kami ng school building kanina.

My head turned to the left as I saw another familiar face. Nakasandal siya sa isang
pillar at sandaling nagkatitigan ang mga mata namin. He was the guy I saw that
night in the hospital, the guy who was smoking near the abandoned school building
and the guy who was following me.

Hindi rin nakaiwas sa paningin ko ang babaeng kausap niya. Nakatalikod siya sa akin
at tanging ang abot-balikat niyang buhok ang nakikita ko. Pero nang napansin niya
sigurong nakatingin sa direksyon ko ang kaniyang kasama, napalingon siya.

It was none other than Margarette. Our eyes locked for a moment and no one bothered
to say a word.

"Hey, bakit tulala ka na naman?" nakapamewang na tanungin ng kasama ko. Bumalik na


siya sa dating Jamie Santiago na kilala ko, laging iritable kapag ako ang nasa tabi
niya.

"So-Sorry. Let's go." Kumalas ang tingin namin sa isa't isa ni Margarette at saka
ako nagpatuloy sa paglalakad patungo sa destinasyon namin.

Now I'm left wondering what is her connection to that mysterious guy.

###

=================

Volume 2 • Chapter 25: She's Dating the Casanova (The Case)

LORELEI
MY KNEES cannot stop shaking. My heart's beating faster than normal and I could
hear every throb of it. Lalong lumalakas ito habang lumilipas ang mga segundo.

"Heroes do not need to wear capes. They come in different outfits such as our
school uniforms. And sometimes, they save us from danger without us realizing the
peril."

Sanay naman akong humarap sa mga tao pero iba ang pakiramdam ngayon. Once we walk
across that stage, we will be greeted by all pairs of eyes here in Clark High
School. The feeling is overwhelming kaya siguro hindi ko mapigilang manginig.

Loki, Jamie, Alisair and I are at the backstage, waiting for our cue to enter the
scene. I shot a sideward glance at them at kumpara sa akin, they are calm and
composed.

Nakasandal si Loki sa pader, nakakrus ang mga kamay at mukhang bagot na bagot. He
is not a fan of this sort of events. He'd rather lock himself in the clubroom but
he had no choice. I dragged him to the gymnasium.

Si

Jamie naman, palihim na nakasilip sa maliit na butas sa kurtinang tinaktakpan ang


backstage, pinapanood kung ano na ang nangyayari sa stage at audience area. She
told us na parang blockbuster movie dahil sa sobrang dami ng estudyante nakaupo.

Habang si Alistair, naglalakad-lakad sa harapan ko habang busy sa kaniyang phone.


He must be reading his favorite eBooks or browsing the net.

"And now, as your student council president, I am honored to introduce to you the
heroes of Clark High School!"

Pagkadinig namin sa line na 'yon, nagsiayos na kaming apat at naglakad patungo sa


stage. Sinalubong kami ng palakpakan at hiyawan. I forced a smile at the
enthusiastic audience while I saw Loki on my peripherals wearing a bored face. Si
Jamie nama'y parang beauty queen na malawak ang ngiti at kumakaway-kaway pa habang
si Al ay ipinakita ang kaniyang killer smile.

We stood at the center of the stage, a few steps away from the podium where the
student council president was standing. If it weren't for the bomb incident
yesteday, we won't be standing in front of the crowd and be honored by the school.
And if it weren't for us, some students here may not have lived to see another day.

Lumapit ang student council president sa amin at isa-isa kaming ginawaran ng medal.
She shook our hands one-by-one, smiling at us while uttering the words "Thank you!"
and "Congratulations!" We then posed for a photograph and flashed the most charming
smiles we could-except Loki.

Another warm round of applause echoed within the walls of the gymnasium. Pagkatapos
ng photo op with the student council

president, nag-exit na kami sa backstage. Pagtapak ko doon, biglang nanindig ang


mga balahibo ko. I felt a chill down my spine as I looked around where that cold
aura is coming from. It could only be Stein Alberts or...

"Luthor," I muttered as I saw the towering figure of Loki's brother. Nasa likod ang
kaniyang mga kamay habang naka-taas-noo siyang nakatingin sa amin. Isa-isa niya
kaming kinamayan nang makalapit kami sa kaniya. When it was my turn, I felt his
hands as cold as ice.
"No need for formalities," Loki dismissed Luthor's hand as they stood face to face.
My roommate hasn't seen his brother for a few weeks since he was suspended. "So the
president speaks before the student body and poses for a photo op while you stay
behind the curtains and pull the strings."

"The council needs to have a face. And Em is the perfect candidate."

By Em, Luthor must be referring to Emeraude Emerson, the lovely student council
president who can win votes by just smiling, according to my classmates.

"And that's why you chose her as your president, didn't you?" Loki replied. "You
used her charm and popularity to catapult you to power. Manipulative as always.
Same old you."

"They are not that close, are they?" bulong ni Al sa kaliwang tenga ko. "Though
they are brothers, the distance tells me that there's an invisible wall standing
between them."

He got it right. Again. I told him only a bit about Loki and Luthor's brotherly
love. Ayaw ko kasing pangunahan siya at sabihin sa kaniyang hindi talaga
nagkakasundo ang magkapatid. The animosity between them may be one-sided lalo na
kay Loki and

it has been a mystery for me why.

Biglang nabaling sa akin ang nanlalamig na tingin ni Luthor. I looked away,


pakiramdam ko kasi kaya niya akong gawing yelo sa titig niya. Parang si Medusa,
kaso imbes na gawin kang bato, papatigasin ka niya na tulad ng yelo.

"There's one thing I need to ask," sabi ni Luthor, nararamdaman kong nakatingin pa
rin siya sa akin. "You told me you kept no copies of Charles Meliton's blackmailing
paraphernalia. How come Lorelei got hold of several copies?"

"The answer is obvious," Loki rolled his eyes. "I lied to your frozen face. We were
cut from the same cloth so it should not come as a surprise to you. You also lied
and you are still lying to everyone."

His brother toned down his voice but I could still hear it. "If someone steals
those files, this school will be in chaos."

"If that happens, you know who to call," Loki said as he took a few steps away from
Luthor. "Let me know immediately if someone's being threatened."

He may not have said it directly to his brother but Loki has already warned him
that any day from now, someone might get blackmailed. We still have no idea on who
might have stolen his laptop. Ang suspetya ni Loki, alam ng nagnakaw sa laptop na
may laman 'yong sensitive files na pwedeng gamitin sa kasamaan. Pero maliban sa
akin, wala na siyang ibang pinagsabihan.

The only ones who know that we have the compromising photographs and videos are the
members of the student council but I never revealed to them that they are stored in
Loki's laptop.

I also thought it might be Jamie because she's the only outsider

who entered our apartment unit. Pero wala naman siyang kaalam-alam tungkol doon.
Unless, of course, someone told her.
Was this a random incident? O posible kayang konektado ito kay Moriarty?

"Excuse me?" A familiar student wearing circular spectacles approached us. May
kasama siyang isang babaeng naka-ponytail ang buhok at may hawak-hawak na pen at
notebook.

"Gus?"

"Glad to know na kilala mo pa ako, Lorelei," nakangiting sabi ng editor-in-chief ng


Clark Gazetta. Inayos niya ang pagkakalagay ng dumudulas niyang salamin bago niya
iniabot ang kaniyang kamay sa club president namin.

"You must be the legendary Loki Mendez. Matagal ko nang sinusundan ang mga case na
sino-solve mo rito sa school but unfortunately, we can't publish them. I'm Augustus
Moran, editor-in-chief of the Clark Gazetta. Call me Gus."

Tinitigan lang ni Loki ang kamay ni Gus at hinayaang mangawit ang braso nito. "Nice
to meet you, Mr. EIC. You are the one responsible for mind conditioning every
student in the campus. I've been reading your issues every week and I'm grateful
for not being easily swayed by your words."

"We will take that as a compliment."

"You have already met Alistair, right?" I tried changing the topic dahil baka ano
pa ang masabi ni Loki. Gumaganda na ang image ng aming club, salamat sa nangyaring
bomb incident. But if he will insult the chief editor of the school paper, the
Clark Gazetta can destroy us in less than seven words.

"Oh! The one who solved the Petrarchan poem, yes."

"How about Jamie Santiago?" I motioned my hand to our ever smiling member who was
twirling her braided

hair.

"The Madonna of the Repertory Theater!" Gus shook hands with her, both exchanged
pleasant smiles. "Sino bang hindi makakakilala sa kaniya? A kind, sweet, young lady
sought after by princes and knights across the kingdom."

Kind? Sweet? Sandaling nagkasalubong ang mga kilay ko nang marinig ang mga salitang
'yon. To some, gano'n ang impresyon nila kay Jamie, pero iba kasi ang ipinapakita
niya sa akin kapag kaming dalawa ang magkasama. Find tthe antonyms of those words
and that's how I would describe her.

Gus cleared his throat before address the four of us. "We are here because we want
to feature your club on the cover of our magazine issue. Matagal na naming pinag-
iisipan kung sino ang student na magiging cover pero after the bomb threat
incident, napagdesisyonan ng editorial board na kayong apat ang ilagay. What do you
think? The QED Four."

"That would be fun! As long as magkatabi kami ni Loki sa cover," sabi ni Jamie
kahit wala pa kaming official decision bilang club. She seemed enthusiastic about
it. Sanay na kasi siya sa spotlight kaya siguro ganito ang attitude niya.

"I don't mind being on the cover," sagot ni Al sabay tingin sa akin. "Not everyone
gets the chance to be featured so bakit hindi natin i-take ang opportunity na 'to?
And it might be a good press for the club, right?"

"No," Loki answered in a matter of fact tone. "We don't have time to indulge
ourselves with magazine interviews. We have cases to solve. Thanks for the offer.
Goodbye."

Without waving a hand or flashing a smile, he turned around and walked away. Pero
bago pa siya tuluyang

makalayo sa amin, hinila ko ang sleeve ng kaniyang uniform at pinabalik siya sa


dati niyang kinatatayuan.

"What?"

"Gusto mong sumikat ang club, 'di ba?"

"Yes, and we already got the exposure we need, thanks to the student council."

"Iba naman ngayon ang nag-o-offer ng exposure na kailangan ng club. Ang palay na
mismo ang lumalapit sa manok. Kapag na-publish na ang magazine kung saan featured
tayo, they will archive some copies and our legacy as QED Club members will
remain."

His bored face maintained its expressionless look, still unimpressed by my


reasoning. Daig pa yata niya ang isang babae, ang hirap i-please.

"Years from now, kung hindi pa dissolved ang club, makikita ng mga successor natin
kung sino-sino tayo at kung ano na ang nagawa natin. If you want to immortalize
your legacy, then accepting their offer would be the right choice."

Nagkatitigan lamang kaming dalawa hanggang sa mapatingin siya palayo at


mapabuntong-hininga. His face told me he's not convinced that the magazine feature
is worth our time. But after seeing his sigh that could mean submission, he
probably changed his mind.

"If we vote who's in favor of the interview, it's gonna be three against one. So
fine, let's have that interview."

"I hope we won't be too much of a bother to your club. I know you have tons of
cases to solve," sabi ni Gus. "Our features editor is here to get your numbers. We
will be in touch para malaman kung anong date kayo pwede for interview and for
photoshoot."

Exchanging contact details didn't take that long and we were free from the grasps
of the Clark Gazetta.

We bid farewell to Gus and his fellow editor bago kami lumabas sa gymnasium at
dumiretso sa school building. Nakakapit ang mga kamay ni Jamie sa braso ni Loki
habang magkapantay kami ng lakad ni Al.

Kung dati'y hindi kami masyadong pinapansin ng mga estudyante, ngayo'y


nagbubulungan na sila kapag nakakasalubong kami sa daan. Sana nga lang, hindi
tsismis ang pinagbubulungan nila.

Pagpasok namin sa clubroom, umupo kami nina Al at Jamie sa palibot ng mahabang mesa
habang nagpalakad-lakad sa paligid namin si Loki.

"Now that we've been officially branded as heroes, that makes Moriarty and his gang
the villains." His eyes showed he is in deep thought. "I wonder what evil plan he
is concocting right now. The bomb threat was only an appetizer. He is yet to serve
the main course."
"While he is not on the move again, bakit hindi tayo maghanap ng thread na magli-
lead sa kaniya?" sabi ko, dahilan para huminto siya sa paglalakad. "Maybe we should
start with your missing laptop? If that incident is connected to Moriarty."

Al and Jamie have been already briefed with the contents of Loki's so-called
Pandora's Box, but our previous discussion was interrupted by another case. Ngayon,
habang tahimik pa ang lahat, baka pwede na naming ipagpatuloy ang imbestigasyon.

"I have been pondering about it," Loki crossed his arms and resumed pacing the
room. "Bilang sa mga daliri ko ang taong nakakaalam na may copies pa tayo ng mga
sensitive photo. It won't take them that long to deduce that those files are stored
somewhere in the clubroom or our apartment."

"Among the student council then?" Al

scratched his chin, his brows furrowed slightly.

"I only showed the photos to the president and vice president in the conference
room of their office," I recalled. "No one should know of the existence of the
photographs unless they told the others."

"Like their co-officers?" dagdag ni Jamie.

"Yes," napatingin ako sa kaniya. "Or maybe someone close to them. Like the student
executive com-"

My eyes stared widely at Jamie as a disturbing thought crossed my mind. The pieces
of the puzzle do not seem to fit right now but they can paint the bigger picture.

"You have something in mind." Loki probably saw through my facial expression that I
had some sort of eureka moment.

"Margarette," I muttered dryly.

Hindi ko pa sinasabihan si Loki tungkol sa aking nakita sa labas ng library.


Margarette was talking to a mysterious and suspicious guy who followed me a couple
of times. Though I felt something was strange, pinili kong manahimik na lamang
dahil wala pa akong ideya sa affiliation ng lalaking 'yon, if he's a friend or an
enemy. But maybe, now is the time to tell him.

"What happened to Margarette?"

"May compromising photographs ang ilan sa mga member ng executive committee. Luthor
or anyone from the student council probably told them about it."

"And why did you single out Margarette?"

"Because I spotted her speaking with a shady man." I shot a sideward glance at
Jamie. "You saw it too, right?"

She nodded. "'Yong lalaking nakababa ang bangs at halos natatakpan ang isang mata?
Nakita ko ngang kausap siya ni Margarette sa tapat ng library. Wait, why does

his description sound familiar?"

"Remember the case where a student executive committee member burnt his colleague
alive?" Nakalimutan ko na ang pangalan ng salarin sa kasong 'yon pero natatandaan
ko pa kung gaano kabrutal ang ginawa niya sa kaniyang biktima. "The suspect told us
that his victim was seen talking to the guy with that description."
"And that person is significant to us in what way?"

"He followed me in different occassions. Noong hinanap natin si Stein sa


abandonadong school building, noong isinugod ka sa ospital dahil sa bella donna at
kahapon sa library. When I met him face to face outside the hospital weeks ago, he
warned me that curiosity can kill."

Loki's eyes squinted. "And you never told me anything about him?"

"We were too preoccupied with cases at hindi na siya nagparamdam kaya I didn't
bother to tell you."

Silence ensued and only Loki's footsteps could be heard in the room. That gave us
something to think about.

"Correct me if I'm wrong but you are thinking that the suspicious guy is connected
to Moriarty?" he asked.

Tumango lamang ako.

"And assuming that that guy has links to Moriarty and you saw him speaking with
Margarette, are you implying that the student executive committee chairwoman is one
of the villains?"

I shrugged my shoulders. "I don't want to imply anything but maybe it is an angle
worth looking at? Aside from Bastien Montreal, we have no other leads."

Again there was a brief silence before Loki broke into laughter. "You seriously
think Margarette would align herself with Moriarty? The man

who killed... That's absurd."

Kaya nga hindi ko kaagad sinabi sa kaniya dahil inasahan kong ganito ang magiging
reaksyon niya. To be clear, I am not fifty percent convinced that Margarette's part
of an evil conspiracy in the campus.

"If not the chairwoman, it might be someone among their ranks," Al said. "If this
incident is indeed connected to Moriarty, let's assume that he has an agent in the
committee. Matapos niyang marinig na may kopya pa ng mga photo, they deduced kung
saan n'yo pwedeng i-save ang mga file at nagplano sila kung paano makukuha ang mga
'yon."

"And if Moriarty is as brilliant as we think he is, deducing its location to your


apartment unit won't be that difficult," Jamie added while playing with her braided
hair. "Kailangan niya lang sigurong magpadala ng someone skilled para looban ang
kwarto mo at kunin ang laptop."

"Now we have something to work with," sabi ni Loki. "It may be someone in the
student council or the executive committee, but I don't honestly think it's
Margarette."

Parang ganyan din ang sinabi niya nang binanggit ko noon na baka posibleng ang
kapatid niya at si Moriarty ay iisa. But he shot down the idea.

Biglang may kumatok sa pinto kaya sabay-sabay kaming napatingin doon. Sinabihan
namin ang taong nasa labas na tumuloy.

A young woman with curly hair entered our clubroom. She forced a smile as she waved
her right hand at us. I can see on her gloomy face and the darkening circles under
her eyes that she was restless. Something must be troubling her immensely.

Tumayo si Al at hinila ang isang monobloc chair para paupuin ang aming kliyente.

"How can we help you?" nakangiting tanong ni Jamie, naunahan ako sa pagbati sa
babae.

"I trust na wala kayong pagsasabihan na pumunta ako rito. Dahil kapag may nakaalam,
baka..." Yumuko siya at humina ang kaniyang boses. Pinunasan niya ang nangingilid
na luha sa kaniyang mga mata bago niya kami muling hinarap.

"Enough with the drama. Tell us your problem." Loki really knows how to deal with
people. And that hasn't changed a bit since I met him.

"My name is Venus Velasquez. I was forced into a relationship by a charming guy.
Now I want to break up with him. Kaso-"

"Boring~" Loki spoke in a singsong voice, interrupting our client's narrative. I


glared at him for being rude to the helpless girl. "You should go to the guidance
and counselling office, not the QED Club. We are not Cupids who can pull out the
arrows already shot at-"

"Kapag nakipag-break ako sa kaniya, ipapakalat niya ang ilang personal photos ko!"
Tears began flowing on her angelic face and she tried to wipe them with her bare
hands. Inabutan siya ng panyo ni Al para gawing pamunas.

Loki, who was so eager in asking her to leave, stood frozen and stared at our
client. "What did you say? Saan galing ang mga photo na sinasabi mo?"

"Ewan kung saan niya nakuha pero ni minsan hindi ko pinahawak ang phone ko sa
kaniya o pinayagang kunan niya ako ng embarrassing pose."

Napasandal ako sa aking upuan at nagkatinginan kami ng mga kasama ko. We were only
discussing about it moments ago and now, we are about to deal a case connected to
it.

"Looks like the Pandora's Box has been opened," Loki said.

###

=================

Volume 2 • Chapter 25: She's Dating the Casanova (The Trap)

LORELEI

WHO DARED open the Pandora's Box? 'Yan ang tanong na tumatakbo ngayon sa isip at
malamang, pati kay Loki. Hell will break loose if those sensitive files get leaked
sa campus. At gaya ng sinabi ni Luthor, there will be chaos.

Bumalik si Loki sa kaniyang usual spot saka bilang dulo ng mesa at ipinatong ang
mga nakakrus niyang daliri sa hapag. His mood took a hundred and eighty-degree as
Venus' case piqued his interest. "Please tell us more about your case."

Muling pinunasan ng aming kliyente ang kaniyang mga luha gamit ang panyong ibinigay
ni Al. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago ituloy ang kuwento niya.

"Do you know Adonis Abellana?"

Marahan akong umiling at saka tumingin sa mga kasama ko. The name probably didn't
ring a bell to Loki since he often forgets the names of people whom he deemed
irrelevant. Alistair might not also be familiar with the guy dahil kaka-transfer pa
lamang niya rito a few weeks ago. But there's a hint of recognition on Jamie's
face.

"Is he a varsity player in our school's basketball team?" she asked, squinting her
eyes a little.

Tumango si Venus. "I loved him more than anyone in this campus."

"Loved? Past tense? You no longer have strong feelings for him?" sabi ni Alistair.

"Not until recently noong malaman kong hindi lang pala bola ang kaya niyang
laruin," muli na namang tumingin palayo si Venus. "Ang buong akala ko, ako lang ang
babae niya sa buhay. He told me he loves only me. Pero isa pala 'yong
kasinungaling."

"May third party?"

Venus nodded, biting her lower lip as she tried to endure the pain welling up in
her heart. "At ang mas masakit, hindi lang isa kundi tatlo ang ibang babae niya."

The four of us exchanged glances. Dapat ba akong mapa-wow! sa galing ng lalaking


'yon pagsabay-sabayin ang apat na babae?

"Your boyfriend's not only a basketball player, he's also a juggler," pabirong
hirit ni Loki. "He has been tossing and catching many hearts at the same time.
Quite a skill to have."

"Ayaw kong may kahati sa kaniya kaya I decided to break up with him. Pero noong
sinabi ko sa kaniya 'yon, bigla niya akong pinagbantaan at ipinakita ang mga
private photo ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon. Ngayon, wala akong
magawa kundi sumunod sa gusto niya."

"So you want us to retrieve those photos from him and make sure they are
destroyed?'

"Hindi lang 'yon sa akin. Kung nagawa niyang kunin ang mga private photo ko, baka
may hawak din siyang pam-blackmail sa ibang babaeng kinakasama niya."

Deja vu. Her request reminded me of the Charles Meliton case where Luthor asked us
to get the device where the compromising photos of the student council president
were stored. Hindi pa namin alam kung hawak ni Adonis ang Pandora's Box o kung
konektado siya kay Moriarty. But we will find out soon enough.

"You two are close, aren't you?" sabi ni Loki. "We would like to know his schedule,
the places he frequents and everything that might help us in this investigation."

"Ibibigay ko sa inyo kahit ano, basta makalaya lang ako sa pamba-blackmail niya."
"Consider this case solved.

We will get those photos as soon as possible.

"Thank you."

Matapos magpaalam, lumabas na si Venus sa clubroom at iniwan kaming tahimik at


malalim ang iniisip. Ini-lock ko ang pinto para walang bigla-biglang makaistorbo sa
amin.

"We now know who might have the Pandora's Box. That's no longer a mystery. The
question is how can we get our hands on those files?" Loki blurted out, staring at
the ceiling while thinking of a way.

"So Adonis Abellana is Charles Meliton 2.0 and we are facing the same problem we
had before," I commented. Jamie and Al gazed at me, their faces told me they have
no idea about the man I mentioned.

"Who's Charles?"

"He's a serial blackmailer who was extorting money from students," Loki took the
liberty to answer. "He was the original owner of the Pandora's Box until we stole
it from him."

Yes, by creating chaos through pressing the fire alarm button with the help of
Loki's pickpocketing skills. Maybe if Loki didn't keep copies, we won't have to
deal with almost the same case. I thought of bringing this up but I kept my mouth
shut. Wala rin kaming mapapala sa pakikipagtalo sa isa't isa.

"But this Adonis Abellana is different," Loki added. "He is using his victim's
private photograph not to extort money but to collect people, particularly girls.
And that might be his weakness."

"By the way, Jamie, kilala mo ba si Adonis?" tanong ko.

"Yeah, binigyan niya ako ng isang bouquet ng rosas pagkatapos ng play namin last
theater season. He seemed to be interested in me."

"Hindi mo siya in-entertain?"

"He's not my type. I like brains,

not brawn." In other words, she prefers the likes of Loki than those of Adonis.

"The ideal solution to this case is to tell the authorities that a minor is being
blackmailed," Al suggested. "But that would be risky."

"If Adonis is clever enough to play these cards, he would have placed a fail-safe
in the event that one of his victims decides to tell the police about it," Loki
added. "We can't take that chance."

"So how are we going to confront that man?" tanong ko.

Nagkaroon ng biglaang katahimikan habang lahat kami'y nag-iisip kung paano


malulutas ang kasong 'to. I could hear Loki's finger tapping the wooden table and
the sound grew louder as the seconds passed by. We have no codes to crack nor a
murderer to catch. Ang kailangan lang namin ay makuha ang storage device para hindi
na ito magamit sa kasamaan.
"Bakit hindi natin gamitin ulit 'yong trick kay Charles?" tanong ko, dahilan para
mapatingin silang tatlo sa akin. "Gagawa tayo ng kaguluhan para pwersahin siyang
dalhin kung saan man nakatago ang mga photo tapos dudukutin natin sa kaniya 'yon?"

"How original, Lorelei, but you know that I do not use the same trick twice," Loki
made a dismissive gesture as he shot down my suggestion. "And besides, Adonis may
not be the same as Charles who can be easily fooled. We need a plan that guarantees
a hundred percent success."

Muli kaming natahimik. Ang tanging naririnig namin ay ang ingay na gawa ng daliri
ni Loki.

Nagulat na lamang kami nang bigla siyang tumayo habang magkadikit ang kaniyang mga
daliri na tila nagdarasal. Probably his eureka moment.

"This

is gonna be a battle of leverage," sabi niya nang naglalakad-lakad sa palibot ng


mesa. Sinusundan namin siya ng tingin hanggang sa makaramdam kami ng pagkahilo.
"Adonis has a leverage on Venus and the other girls so they can't do anything
against him. But he got nothing on us thus we are not under his thumb."

Naningkit ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. His words made sense, but at the
same time, they did not. "Can you be more specific?"

He halted from pacing and raised his right index finger while looking at the blank
space in front of him. "We need to have something to use against him. Something
that will force him to hand over the storage device."

"Teka, ang ibig mo bang sabihin, iba-blackmail natin ang blackmailer?" tanong ni
Al.

"Exactly! I told you earlier that he likes to collect people. If we throw a bait,
we can put him in a position where we can catch him."

"So who's going to be the bait? Venus?"

"Not Venus or his other prized possessions. Someone whom he might be interested in
collecting."

"And that person is?" tanong ni Jamie.

Pareho kaming tumingin ni Loki sa kaniya na parang walang kamalay-malay na siya ang
tinutukoy ng aming club president. She shifted her gaze from me to Al, then to her
beloved Loki.

"A-Are you serious?" Jamie flashed a nervous smile.

"He was interested in you. We are fools if we don't take advantage of that fact."
For all we know, kahit anong ipagawa ni Loki, bukal sa pusong susundin ni Jamie
para lang ma-please ang lalaking gusto niya. "We need something that he can't fight
off. For instance, a video

of his attempt to abuse you."

"Hey, that's too much!" My fists clenched so tight that my nails dug deep into my
skin. Kahit may hindi kami pagkakaunawaan ni Jamie at kahit naiirita siya kapag
kasama ako, ayaw kong malagay siya sa gano'ng posisyon.
"I also do not agree of that method," Al seconded, his arms crossed as he exchanged
glances with Loki. "Using a bait to lure out the enemy and put him in our crosshair
should never be our first option."

"Alistair, if this is the only solution to close this case quickly, won't we choose
to go down this path?"

"Unfortunately, Loki, this isn't the solution. We can try other methods but not
this one. It's reckless, it's risky."

"But if we will achieve the desired outcome, all will be well. The end justifies
the means."

The two gentlemen got themselves into a staring contest-Loki's eyes were cold and
deep like the depths of the ocean while Alistair's were calm like the sea before a
storm hits. They may be both brilliant but I could see how these two will differ
from each other. Knowing my childhood friend, he would never approve of anything
that would risk someone's life.

"What do you say, Jamie? Are you willing to be the bait?" tanong ni Loki, hindi pa
rin inaalis ang kaniyang tingin sa aking kababata.

"I don't mind being used as a bait as long as it will help us solve this case."

"Good," Loki slowly nodded as he turned his gaze to Jamie. "Then we will proceed
with my plan."

I could feel the tension rising between the two men who prefer different methods.
Kaming dalawang babae ang naiipit dito.

"Sigurado

ka ba sa gagawin mo?' tanong ni Al, dinig ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.

"I trust Loki so should you," nakangiting sagot ni Jamie. "He will never let anyone
or anything harm me kaya hindi ako magdadalawang-isip na maging pain."

"Don't worry, Alistair. If worse comes to worst, we will interfere and save her
from the hands of that wretched blackmailer." Loki put out his phone and tapped his
screen a couple of times. "Now Venus sent me our target's schedule. We need to
execute our plan as soon as possible before he could do something damaging."

"What's the first step then?" tanong ko.

"You and Jamie will go to the breeding ground of our fish and prepare the bait.
Alistair can watch over you while I will meet with Hershey and ask him if he has
something that we need for this case."

"And where can we find this fish?"

"At four o'clock in the afternoon, he will be at the gymnasium for his daily
shooting practice."

"At anong dapat naming gawin doon?"

"Shoot."

***
This was what Loki called as laying the foundation of our plan. Wala akong choice
kundi samahan si Jamie sa gymnasium para maglaro ng basketball. Mabuti na lamang at
may dala-dala akong PE uniform kaya mas magmumukhang legit ang pagpa-practice kuno
namin.

Habang naglalakad kami sa maple floor ng gym, isang lalaking may matipunong
katawan, matangkad at nakataas na buhok ang nakatayo sa three-point line ng isang
court. Sunod-sunod niyang isinu-shoot ang mga ipinapasang bola sa kaniya sa ring.
May ilang babaeng nagchi-cheer sa kaniya at kasama doon ang kliyente naming si
Venus.

"We need to get

his attention, right?" Itinaas pa ni Jamie ang kaniyang shorts para lalong maglaway
ang mga lalaking nasisilaw sa mapuputi at makikinis niyang binti. Tumakbo siya
patungo sa kabilang court at kinausap ang mga lalaking naglalaro doon. Ilang
segundo lang ang kailangan para mapaalis niya sila.

"I told them na kailangan nating mag-practice para sa basketball game natin bukas,"
bumalik siya sa akin na may hawak-hawak na bola. "Men are so easy to charm, aren't
they? Just a wink, smile and wave, you can make them kneel before you."

As expected, she used her other asset again (aside from her retentive memory). I
wonder whether her charms worked on Loki kaya pinayagan siyang sumali sa aming
club. But maybe it is more on her resemblance to our club president's former
assistant.

Napalingon ako sa bleachers at nai-spot-an si Al na nagbabasa ng latest issue ng


Clark Gazetta. Gaya ng sinabi ni Loki, dapat lagi siyang nakabuntot sa amin ni
Jamie para masigurong walang mangyayaring masama. He never liked Loki's idea but he
had no choice than to ensure we won't be harmed while investigating.

Habang abala akong pinagmamasdan ang paligid, biglang inihagis sa akin ni Jamie ang
bola nang walang sinasabi. Natamaan tuloy ako sa hita kaya napa-aray ako.

"Oh, sorry~ Hindi ka kasi focused kaya nasaktan ka."

Tsk. Bakit kasi ako ang napili ni Loki na isama sa babaeng 'to? Kahit gustuhin man
ni Al na siya ang makalaro ni Jamie sa basketball, hindi raw magandang impression
'yon sa aming target dahil baka isipin niyang magkasintahan silang dalawa. It would
be easy for him to take the bait

if he only sees two girls playing on the court.

Muli kong ipinasa kay Jamie ang bola at sinensyasan siyang i-shoot 'yon sa ring.
She tried, but her shot missed. Pinigilan kong matawa dahil sobrang layo ng bola sa
board.

Now we need to catch Adonis' attention who was still busy shooting non-stop sa
kabilang court. Kapag nakuha na namin ang atensyon niya, kailangan naming gumawa ng
senaryo para magpansinan sila ni Jamie. And that's probably the most difficult part
lalo na't walang hinabilin si Loki.

Nagpatuloy lang sa pagsu-shoot si Jamie kahit kinakapos ang tira niya. Tumatagaktak
na kaniyang pawis at malalalim na ang kaniyang hingal pero hindi pa rin siya
nakaka-shoot. Sumigaw tuloy ang mga lalaking nanonood sa amin na "Okay lang 'yan,
miss! Maganda ka naman!"

Salamat sa pagpapansin nila, lumingon sa aming direksyon si Adonis. Kaagad nabaling


ang tingin niya kay Jamie habang umiinom siya ng energy drink at pinupunasan ang
kaniyang pawis. It may be only me but his eyes sparkled with lust as if he's a
predator who found another prey.

"You're doing it the wrong way!" sigaw niya mula sa kabilang court. He threw the
ball he was holding at saka nagsimulang maglakad patungo sa amin. Tumingin kaagad
sa kaniya si Jamie at nginitian, the same smile she used to captivate the hearts of
men.

"Oh, Adonis! Nandito ka rin pala?" tanong ni Jamie, dinig na dinig sa boses niya
ang pagkagulat na parang hindi namin napansin ang target na kanina pa naglalaro
dito sa gym.

"What brings you here? Ang akala ko ba e hindi ka mahilig sa sports?"

"Ah, kailangan kasi naming mag-practice para sa PE class bukas. Alam mo namang
hindi ako sporty na tao."

Nang makalapit na sa kaniya si Adonis, kinuha ko ang bolang gumugulong sa floor


sabay tawag sa kasama ko.

"JAMIE!"

"Yes?"

I gathered all of my strength on that ball and threw it as hard as I could at


Jamie's face. Saktong pagharap niya sa akin nang tumama ang bola sa kaniyang noo.
With a single hit, she instantly collapsed on the floor. Ewan kung umaarte pa siya
niyan, pero baka sa sobrang lakas ng bato ko, talagang nahimatay siya.

She would probably curse me the moment she regains consciousness. But this time,
kailangang mawalan siya ng malay para matuloy ang plano namin. Adonis cradled her
body to check if she was still conscious. When he confirmed that she's still
breathing though unconscious, binuhat niya ang katawan ni Jamie at idinala sa
clinic.

Pretending to be her good friend, sumama ako sa kanila para obserbahan ang gagawin
ni Adonis. Now that he and Jamie have established contact, everything will probably
go exactly as what Loki planned. Nagpahuli ako para magkasabay kami ng lakad ni Al.

"Are you sure about this? Did you really have to knock her out?" My childhood
friend must have been surprised by what I did.

"Loki did not give any instruction so I improvised." Truth be told, I have been
wanting to do that to Jamie, para lang makabawi ako sa pagmamaldita niya sa akin.
"Now we have to wait for any developments."

###

=================

Volume 2 • Chapter 25: She's Dating the Casanova (The Resolution)

A/N: Just keep your eyes peeled.

LORELEI
KINABUKASAN, nagkita-kita ulit kaming apat para pag-usapan ang susunod naming
galaw. The seed has been already planted and we only have to wait for it to grow.
But Jamie had a suprising news.

"Really? He invited you to his apartment?!"

She nodded as a curve formed on her lips. Now that was quick. Hindi ko inaasahang
ganito kabilis ang developments ng kaso.

Hinawakan niya ang kaniyang noo sabay sabing, "Thanks to someone. Things developed
rather quickly than expected.

Should I feel guilty for throwing a ball at her face? No.

"Were you the one who asked access to this apartment?" tanong ni Loki.

"We were discussing about something and then he told me that he has a particular
collection at home," sagot ni Jamie. "Asked me if I want to see it. I said yes.
That's part of the plan, isn't it?"

"But don't you find it weird na kaagad kaniyang iimbitahan sa apartment niya?" May
pagdududa sa tono ni Alistair. "You only talked for less than an hour in the
clinic."

Yesterday, nang dinala si Jamie sa infirmary, nagpaalam ako kay Adonis at tinanong
kung pwedeng siya muna ang magbantay kay Jamie. With only the two of them in the
same room, that guy will put down his guard and be more vulnerable to our
colleague's charm. I don't know kung anong technique ang ginamit ni Jamie pero it
seemed to work.

"Don't worry! Everything is going exactly as Loki planned," Jamie smiled brightly,
her voice brimming with confidence.

"He might

use that chance to take advantage of you," Loki went to his things and rummaged
through the contents of his bag. "And that's where we come in."

Ipinakita niya sa amin ang isang maliit na kahon na aakalain mong naglalaman ng
wedding ring. Ibinigay niya ito kay Jamie, kulang na lang ay lumuhod siya para
magmukhang nagpo-propose siya ng kasal sa dalaga.

"Open it."

"Oh, my dear Loki... isn't it too early?" Jamie's cheeks turned as red as tomatoes
as she shied away from the face of our club president. "And to do it in front of
Lorelei... and Alistair."

There was no response from Loki's face. It remained as plain as a brick.

Kinuha ni Jamie ang kahon at binuksan ito. She was smiling at first but it later
turned into a frown. Kung anuman ang laman no'n, inilabas niya para ipakita sa
amin.

"A pair of earrings?" I asked as I turned to Loki. "What is she supposed to do with
those?"
"I met with Hershey yesterday and asked him if he has a secret camera that won't
look too obvious," he answered. "Those earrings have a built-in HD camera and
microphone that can record anything its lenses see. Magagamit natin 'yan para
makapag-produce ng pam-blackmail kay Adonis."

There was a slight disappointment on Jamie's face. Did she really think for a
second na magpo-propose na talaga sa kaniya ang club president namin?

"I'm still not comfortable with that plan," Al slowly shook his head as he crossed
his arms. "Kahit na in-invite ng target si Jamie sa kaniyang apartment, paano tayo
makasisiguro na gagawin niya ang inaasahan natin?"

"She will need to seduce him," Loki

replied, pointing at the bait. "But she should not make the first move. Let Adonis
feel the temptation."

"And how can we be sure na walang mangyayaring masama kay Jamie? What if that guy
forces himself into her?"

"That's where you come in, Alistair. You have expressed concern over her so I
decided to give you a role that's perfect for you. You will be within the vicinity
so you can respond immediately. When the situation gets worse, you knock on their
door or take it down if necessary to rescue our colleague here."

I raised my hand. "And how about me?"

"You and I will monitor the video feed via Jamie's earrings. Once we have enough
footage, we will charge into Adonis' unit and make the threat. His video in
exchange for the photos he has in store."

Sinubukan nang suotin ni Jamie ang pearl na hikaw. Hindi naman sila ganon kalaki at
hindi rin naman halata na may hidden camera sa mga 'yon. Herschel is no doubt a
genius. Kung nandito lang siya sa Clark High, maybe we can use more of his
inventions.

We also tried checking the video feed. Thanks to the wireless connectivity,
napapanood namin sa phone ni Loki kung anuman ang nakikita ni Jamie. Sinubukan din
namin siyang palabasin at palayuin sa amin para makita kung magkakaproblema sa
connections dahil sa distance. Medyo lumalabo ang feed habang papalayo siya sa amin
kay dapat malapit din kami sa kaniya.

Kinailangan na lang naming maghintay hanggang sa dumating ang oras ng pagkikita


nina Jamie at Adonis.

"Something's really off," bulong ni Al. "Ang bilis ng developments. Parang kahina-
hinala. We are setting a trap for

that blackmailer but why do I feel as if we are the ones being lured into a trap?"

There's also this unsettling feeling inside me. Not all the time na pumapabor sa
amin ang sitwasyon pero masyado ngang mabilis ang mga pangyayari. But we are
already at this point. We only have to be prepared with anything that might happen.

Pagpatak ng alas-kuwatro, pinauna na namin si Jamie papunta sa isang apartment


ilang kanto mula sa campus. Sumunod si Al sa kaniya na tinanggal ang uniporme at
nagsuot ng casual clothes.
Para hindi kami mahirapan ni Loki sa connection sa earrings ni Jamie, we decided to
be within the vicinity of the apartment. Tumambay kami sa isang carinderia na wala
masyadong katao-tao at katapat lamang ng tinitirhan ni Adonis. Tutok na tutok na si
Loki sa kaniyang phone, pinapanood ang dinadaanan ng aming asset.

And the waiting game begins.

Loki dialed Al's number and passed a wireless earphone to me, saying he wants me to
communicate with him while he's recording the video feed on his phone. Jamie
couldn't hear us through the earrings so if something bad happens, it will be my
childhood friend's turn to get her out of the apartment.

Our bait is now at the door of Room 303 on the third floor of the apartment
building. She knocked on the door and waited till Adonis opened it for her.
Nakasuot lamang ng sando ang lalaking 'yon kaya kitang-kita ang pagkakisig ng
kaniyang katawan.

"Sorry kung hindi na kita nahintay sa school. Kailangan ko pa kasing ayusin ang
collection ko."

"I don't mind. Gusto ko rin maglakad-lakad para ma-exercise naman

ang mga paa ko. Teehee~"

Hindi ko man makita ang mukha ni Jamie pero ramdam ko ang pagiging flirty niya sa
linyang 'yon.

"Why don't you come in? Pagpasensyahan mo na, my room is in a mess."

Tumuloy si Jamie sa kwarto at agaw-pansin nga ang mga kalat-kalat na damit sa mga
upuan. May mga cup noodles din na nakatiwangwang sa mesa at ilang bote ng
softdrinks. For a man who invites a woman in his crib, mukhang walang pakialam sa
kalinisan ang lalaking 'to.

We heard two clicking noises mula sa likod ni Jamie. That must be Adonis pushing
the lock button of the doorknob and bolting it.

"Ayaw ko kasing may bigla-biglang pumasok kaya sana okay lang sa 'yo."

The camera shook slightly kasabay nang pagbaba ng anggulo nito. Jamie must have
taken a seat while facing our target.

"So nasaan 'yong collection na nabanggit mo kahapon?"

Adonis bit his lip as he looked down. He let a few seconds pass before replying to
the question. "To tell you the truth, my collection isn't really here. They are
still at school, probably studying for their exams tomorrow or finishing their
assignments."

"Wh-What do you mean?"

"Oh, don't pretend that you have no idea." Lumapit si Adonis sa camera at lumuhod
sa harapan ni Jamie. He reached out his hand to her face, probably touching her
chin. "I was warned about you and your group. Sa tingin mo ba ganon ako katanga
para payagan kang makapasok dito sa apartment ko?"

"I-I don't understand what you are talking about." Jamie's voice was shaking.

Tiningnan
ko si Loki pero seryoso pa rin siyang nanonood. There was no sense of urgency
etched on his face as the predator approached its prey. The trap we tried to set up
backfired and one of our own kin was within the beast's grasps.

"Her cover has been blown. What should we do?" I asked but he only shushed me.

"Now's not the time. This is getting more interesting."

"Loki!"

Muli akong napatingin sa camera. Dahil sa sobrang lapit nito sa mukha ni Adonis, I
could see in his eyes the same lust that I observed yesterday at the gym. His smirk
also added to the danger Jamie is in.

"One of my collections must have come to you and asked for help. I bet it's Venus.
Siya lang naman ang nagbantang iiwan ako kahit na may alas ako laban sa kaniya. You
want to know where I kept the photos, right?"

The camera remained unmoving. Jamie could have run to the door, but she knew it
would be futile dahil hihilahin lamang siya ni Adonis pabalik sa kaniyang upuan.

Inalis ko muna ang wireless earphone at tinakpan ang microphone nito. "What should
we do? Kailangan na ba nating sabihan si Al?"

"Sssshh! Hindi pa natin nakukuha ang gusto nating makuha!"

"But Jamie is-"

"Jamie agreed to this plan knowing the risks. We won't let anything bad happen to
her. We need to wait for that one moment before we strike. The target knows that we
are after the photos but he doesn't know that Jamie has a hidden camera."

I just rolled my eyes as I tried to keep myself from arguing with him. No matter
what I say, my words will only fall on deaf ears.

"Let's say na tama ang sinabi mo,"

I heard Jamie speaking, her voice wasn't shaking despite the situation. "What are
you gonna do to me?"

"Ano pa nga ba? I will add you to my collection! Sino bang hindi maiinggit sa akin
kapag nalaman nilang alipin ko ang hinahangaan nilang si Jamie Santiago? Hahaha~"

Adonis leaned closer to Jamie and I could feel she's resisting.

"Let's stop this charade and do something! May gagawin nang masama si Adonis kay
Jamie!" Sa lakas ng boses ko, napatingin sa amin ang ilang customer pati na ang
nagse-serve ng ulam at kanin.

"Isn't that what we have been waiting for? We need a few seconds or minutes of it."

"LOKI!" Again the people in the carinderia shot curious glances at us, probably
wondering why I needed to raise my voice. Baka isipin tuloy nila na may lovers'
quarrel kaming dalawa.

I put back the wireless earphone on my right ear and heard Al on the other line.
"Hey, Lori? May problema ba? Narinig yata kitang sumisigaw."
"Adonis already knew that Jamie is investigating him. And now, he's about to do
something not good."

"You mean our plan backfired?"

"That seems to be the case. Malapit ka lang sa room nila, 'di ba?"

"Just four or five doors away. I'm gonna barge in now and get Jamie out of his
room."

"Teka, Al!" But I received no further response from him. Mukhang tinanggal na niya
ang kaniyang earphone.

"Something wrong with him?" tanong ni Loki nang hindi lumilingon sa akin. His phone
continued recording whatever's on the screen.

"Pupuntahan niya ang unit ni Adonis. Ililigtas niya si Jamie."

"But we

haven't got anything useful yet!" He grabbed the wireless earphone from me and put
it in his right ear. "Alistair, do not do anything without my signal! Hey, do you
copy? Alistair?!"

He threw the earphone to the ground, shocking the people around us, and got up to
his feet. "Shoot! He's about to ruin our plan!"

Nagmadaling tumakbo patungo sa apartment si Loki, dala-dala pa rin ang phone saka
pinapanood ang nangyayari kina Jamie at Adonis. I could hear our colleague fighting
off the stength of the guy.

Kaagad naman akong sumunod sa kaniya. Everything's now a mess and I have no idea on
how this story will end.

Pag-akyat namin sa third floor, dumiretso kami sa left wing kung saan namin
natatandaang dumaan si Jamie kanina. May nakita kaming room na may nakabukas na
pinto. Huminto kaming dalawa ni Loki sa tapat noon at sinilip ang nasa loob.

Al was standing in front of Jamie while Adonis was on the floor. Napahawak ang
aming target sa kaliwa niyang balikat at kitang-kita sa namimilipit niyang mukha
ang iniindang sakit. Nasampolan siguro siya ng martial arts ng kaibigan ko.

"Lorelei, close the door and make sure no one will disturb us," he told me before
going inside.

Mabilis kong isinara ang pinto bago pa may makakita sa ginawa naming pag-trespass
sa loob. Sa lakas siguro ng pagkakatadyak o tulak ni Al sa pinto, nasira ang bolt
nito. Pinindot ko na lang ang lock button sa doorknob.

Then I saw Loki approached Al and held him by the collar. "I warned you not to do
anything without my signal."

"I did what I thought was right."

Nabaling ang atensyon ko sa

dalawang lalaking nagkakasukatan ng tingin. Tila nagngingitngit ang mga ngipin ni


Loki habang kalmadong nakatingin sa kaniya si Al. It was such a rare sight to see
our club president lose his temper.
After a few seconds of staring contest, tinanggal na ni Loki ang pagkakahawak sa
kwelyo ni Al at itinuon ang tingin sa lalaking nasa sahig. Nilapitan ko naman si
Jamie na tila nakatulala, bukas ang unang butones ng kaniyang blouse at sumisilip
ang kaniyang damit panloob. Kung hindi kaagad dumating si Al, malamang natuloy na
ang masamang balak ni Adonis.

"A-Alam n'yo bang pwede ko kayong kasuhan ng trespassing, ha?" pagbabanta niya.
"Hindi porke't sikat na kayo ngayon sa school, hindi ko na kayo pwedeng ireklamo!"

Loki stepped on Adonis' left shoulder, causing the latter to scream in pain. A
smirk formed on his lips as he heard our target's cry for help. "This was supposed
to end peacefully but circumstances have changed."

Tumingin ako sa ibang direksyon at tinakpan ang aking tenga. Ayaw ko nang marinig
ang nakaririnding pag-aray ni Adonis na parang kinakatay na baboy. Kahit hindi ko
nakikita, nararamdaman kong lalo pang dinidiinan ni Loki ang pagtapak sa fractured
shoulder ng lalaki.

"I don't think you should torture our target," Al commented while watching our club
president torment the poor casanova. "Pwede niya tayong kasuhan ng assault.
Remember what happened between you and Stein Alberts? Ayaw mo na ulit ma-suspend,
tama?"

"Thanks to your untimely interference to my plan, I am now forced to resort to


violence. If he tries to sue us, then we will ask his victims to file extortion

charges against him."

"But you don't have anything-ARGH!"

"You will tell us where you kept the photos or I will crush your collarbone,"
Loki's threat did not sound like him. Parang ibang tao ang nasa harapan namin. "Now
let me ask you: where did you keep the photographs?"

"I won't tell you-AAAACK!"

"Let me repeat the question: Where did you keep the photographs?"

"The hell would I tell-AACCCK!"

"I don't wanna take part in this madness," sabi ni Al bago siya lumabas ng unit. He
was probably disgusted by Loki's unorthodox method. He would rather resolve this
issue in a manner where we won't have to inflict pain to someone.

And here I was, seated beside Jamie, torn kung dapat akong manatili rito at tiisin
ang pagsigaw ni Adonis o sumama kay Al para hindi ko na marinig ang kaniyang
pagdaing.

"He deserves it," Jamie muttered after regaining awareness of her surroundings.
Inayos niya ang pagkakabutones ng taas ng kaniyang blouse. "Taking advantage of his
victims' weakness while asserting dominance over them... Kulang pa ang ginagawa ni
Loki dear sa kaniya."

Justice comes in many ways one can imagine. And Adonis will certainly face judgment
for what he did.

"OKAY! OKAY! SASABIHIN KO NA KUNG SAAN! NASA JACKET NG NOTEBOOK BINDER KO!"
Itinuro ni Adonis ang kaniyang shoulder bag sa upuan. Loki asked me to put out the
black notebook binder which I handed to him. Nakatapak pa rin ang kaniyang kanang
paa sa balikat ni Adonis.

"A memory card, huh?" itinaas ni Loki ang maliit na chip bago niya isinaksak sa
kaniyang phone. He did some swiping

gestures on the screen and showed a photo of Venus. I looked away quickly dahil
medyo may kalaswaan ang image. What was seen cannot be unseen though.

"Now where did you get these photos?" Inalis ni Loki ang kaniyang paa sa
pagkakatapak sa balikat ng kaawa-awa naming target at hinayaan itong makaupo nang
maayos. "Ito lang ba ang laman ng memory card na 'to? Did you make some copies?"

"Hindi ko alam kung sino siya! Basta may bigla na lang tumawag sa akin at tinanong
kung gusto kong bilhin ang private photos ng mga girlfriend ko. He told me na pwede
ko raw gamiting pam-blackmail 'yon para hindi nila ako iwan. At wala akong ibang
kopya, believe me!"

"He? Lalaki ang nakausap mo?"

Umiling si Adonis. "Hi-Hindi ako sigurado. Na-Naka-voice changer yata ang tumawag
sa akin kasi tunog pambata ang boses. But he introduced himself as M."

"Moriarty," I muttered. Hearing that single letter made me shiver. It did not come
as a surprise to learn that the criminal mastermind or at least one of his agents
is involved in this case.

With the tips of his fingers put together, Loki began walking around our target.
"Do you usually give your number to people?"

Napahawak sa kanyang balikat si Adonis at nakita ko ang pagkirot nito sa mukha


niya. "'Yon nga ang nakapagtataka. Hindi ko basta-basta ipinamimigay ang number ko.
Ayaw ko kasing may kung sinong magte-text o tatawag sa akin."

My colleague stopped and squinted his eyes as he darted a questioning look at him.
"Do you know kung sino recently ang humingi ng contact details mo?"

"Maliban sa teammates ko, meron pang isang nagtanong. Gusto kasi nila akong
interviewin para sa kanilang magazine issue."

"Ma-Magazine issue?" My eyes slowly widened in surprise. Naalala ko ang pag-uusap


namin ni Gus at ng kasama niyang babaeng naka-ponytail na ipinakilala bilang
features editor.

"Oo, ma-maniwala kayo! Taga-school paper yata 'yong humingi ng number ko. They
needed to ask me a few questions for a sports feature article at para ma-schedule
namin ang photoshoot."

Nagpalitan kami ng tingin nina Loki at Jamie. Maybe we are connecting dots that do
not exist. Maybe we want an odd piece of the puzzle to fit in the empty space. But
the timing of two seemingly unrelated events-someone asking Adonis' number for an
interview and the cautiously disguised caller offering him private photos-cannot be
ignored.

I initially thought we should look into the student council or the executive
council para hanapin ang tauhan ni Moriarty sa kanila. But the development in this
case pointed us to a different direction. Of course we should never discard the
possibility that someone among the student government is a villain. But now, we
have a more concrete angle to look at.

Whoever has the Pandora's Box might be a writer or editor of Clark Gazetta.

###

A/N: And that concludes our 25th chapter! The next chapter will introduce one of
Moriarty's generals and will probably leave a clue to the other one. Stay tuned!

SHAMELESS PLUG:

If you are a fan of PROJECT LOKI, join our Facebook group! Just search The Q.E.D.
Club (Project LOKI) or go to https://www.facebook.com/groups/theqedclub

=================

Volume 2 • Chapter 26: Game of Shadows (First Murder)

A/N: MUST READ. 'NUFF SAID. Artwork courtesy of HideAiden.

LORELEI

STIRRING MY cup of hot chocolate, I stared at the new photos posted on our
apartment unit's wall. Out of twenty-five, only four faces were familiar to me.

"Are you planning to make a collage or something?" I asked as I glanced at Loki who
was seated on our couch, reading the A.B.C. Murders by Agatha Christie.

Ilang oras na ang nakalipas mula nang makakuha kami ng isang importanteng clue mula
kay Adonis Abellana. Kaagad siyang kumuha ng kopya ng Clark Gazetta at isa-isang
sinearch ang mga estudyanteng nasa masthead nito. Mukhang mga Facebook profile
photo ang ipina-print niya, 'yong iba kasi naka-peace sign pa at naka-duck face.

"One of them is most likely related to Moriarty and we need to know who among them
should be

added to my spider's web," he said as he turned the page of the book he's reading.
"If I were Moriarty and I need to pick one agent in the school paper, I'd choose an
editor."

Hinawakan ko ang litrato ni Augustus Moran, ang editor-in-chief ng Clark Gazetta.


Among all writers and editors on our list, he seemed to be the best choice to be
Moriarty's asset. Meron siyang final say sa lahat ng ipina-publish ng paper at kaya
niyang kontrolin ang impormasyon sa mga estudyante.

How about Agatha Cortez? Kung 'di ako nagkakamali, sa mga taga- Gazetta, siya ang
unang nag-approach sa amin at nag-offer na i-publish ang mga case na sinolve namin
ni Loki, with the approval of Gus whom I haven't met back then. She also brought
two cases before our club.

There's also the features editor who introduced herself as Mignonette San Miguel.
Kaninang umaga pa lang namin siya nakilala at wala akong naramdamang masamang aura
sa kaniya. Never did it cross my mind na pwede siyang maging tauhan ng Moriarty.

Kasama rin 'yong babaeng niligtas namin ni Alistair sa Petrachan poem case. I
forgot her name but I recognized her face. Sabi ni Agatha, okay na ang kalagayan
niya matapos siyang abusuhin ng kaniyang boyfriend.

Wait, that reminds me of something. Noong pinuntahan namin 'yong apartment kung
saan siya ikinulong, kaagad na nakauwi 'yong lalaki at tinangka kaming saksakin.
Mabuti na lamang, na-disarm siya ni Al at na-neutralize bago pa siya makasakit sa
amin.

But the question is: Bakit parang alam niyang nandoon kami sa apartment niya para
iligtas ang inabuso niyang girlfriend? Did someone tell him?

If someone did,

bilang sa mga daliri ng isa kong kamay ang nakakaalam ng impormasyong 'yon:
Alistair, Augustus, Agatha at ako.

The rest of the staff, hindi ko na kilala. Maybe Moriarty's agent isn't someone too
prominent para maiwasan ang paghihinala sa kaniya. Or maybe it is the other way
around. We need to find a way para ma-eliminate ang lahat ng unlikely suspects.

"By the way, have you talked with Al after the case kanina?" umupo na rin ako sa
isa pang couch sabay ng inom ng mainit kong tsokolate.

"Why should I? Is there something we need to talk about?" He turned another page
without darting a glance at me. The topic did not seem to interest him. Typical
Loki.

"You had a difference of opinion about the plan so I thought you should clear up
the misunderstanding."

Ibinaba niya ang binabasang libro at tumingin sa akin. "To be blunt with you, I
never appreciate it when something doesn't go according to plan. He went off-script
and his action almost botched the operation."

"You can't blame him for acting on what his moral code tells him." Honestly, I
agree with what my childhood friend did. Kahit anong klaseng plano ang iniluto ni
Loki, hindi dapat nalalagay sa panganib ang buhay o dignidad ng kaniyang pain.

Speaking of pain, another question popped in my mind. "Have you apologized to


Jamie? For what almost happened to her?"

"Why should I?" He answered in monotone as he continued reading the book. Gusto
kong ibuhos ang iniinom kong hot chocolate sa kaniya. Para kasing wala siyang
pakialam sa consequence ng kaniyang plano. He only cared about the outcome because

he always believes that it justifies the means.

Could this be the "Moriarty" syndrome? Dahil sa possibility na konektado sa


criminal mastermind ang blackmailing case, he got excited with acquiring more
information and retrieving the lost Pandora's Box. Whenever Moriarty is involved,
Loki tends to forget his morals. Remember the missing students case? Kung hindi ko
siya pinigilan, nilusaw na niya ang katawan ng suspek gamit ang sodium hydroxide.
He also showed that brutal side when he confronted Stein Alberts and slammed him
with a wooden chair.

At kanina, tinorture niya si Adonis para lang malaman kung saan nakatago ang mga
pam-blackmail na litratong hawak ng lalaki.

Inubos ko na lamang ang inumin ko at iniwan siyang busy sa pagbabasa ng crime


novel. He said before na marunong siyang mag-multi-task. While reading, he might be
thinking of ways to lure out Moriarty's mole in our school paper kaya hindi ko siya
makausap nang matino.

And then there were three knocks on the door. Tita Martha only knocks twice so it
might not be her. Naulit ang pagkatok sa aming pinto pero tila walang naririnig si
Loki. Was he too absorbed with the story o baka tinatamad lang siyang tumayo?

Ako na mismo ang nagbukas ng pinto, nakakahiya naman kasi sa kasama ko na mas
malapit sa pintuan. As soon as I turned the doorknob, I was greeted by a guy in
light blue uniform resembling that of the police. Nang tumingala ako para makita
ang kaniyang mukha, bigla akong napaurong ng isang hakbang.

It was Bastien Montreal, one of Moriarty's agents.

"Good evening, Miss Rios. Nandiyan ba si Loki?"

Napalunok

ako ng laway habang nakatitig sa kaniyang seryosong mukha. What is this? A frontal
attack by the enemy?

"Miss Rios?"

I shook my head of any preoccupation. Hindi dapat ako kumilos na parang aware akong
isa siya sa mga tauhan ni Moriarty. Kalma lang, Lori. Act normal.

"Oo, nandito siya. May kailangan ba kayo sa kaniya?" Pinilit kong ngumiti. That's
how we normally greet people who appear on our doorsteps, right?

"Do you mind if I come in? May mensahe si Inspector Estrada sa kaniya."

Papatuluyin ko na sana siya pero bigla kong naalala ang spider's web of conspiracy
na nakadikit sa pader namin. Nandoon ang litrato niya na may nakakonektang pulang
thread kay Stein. He should never ever catch a glimpse of Loki's artwork.

"Pa-Pasensya na, medyo marumi kasi sa apartment namin kaya kung okay lang, dito na
lang kayo mag-usap."

"What's the matter, Lorelei?" Parang kabuteng sumulpot sa likuran ko si Loki,


hawak-hawak pa rin ang librong binabasa. "Officer Bastien, what a pleasant
surprise. What brings you here?"

I stepped aside at pumwesto sa anggulo para hindi makasilip si Bastien sa loob. My


roommate greeted him with a blank face. Kahit alam niyang tauhan ni Moriarty ang
campus police officer sa harapan niya, Loki managed to pretend unaware of Bastien's
affiliation to the criminal mastermind.

"Gusto ka sanang papuntahin ni Inspector Estrada sa crime scene sa campus ngayon,"


sagot ni Bastien. "Kung okay lang daw sa 'yo."

"The fact that he asked you to pick me up this late must mean it's an urgent
matter."

"May ilang elements kasi sa crime scene na pamilyar


sa 'yo at malamang makapagbigay ka raw ng insight sa kaso."

Loki jerked his thumb over his shoulder toward me. "Does he mind if Lorelei tags
along?"

"Another pair of eyes won't be a problem."

"Hey, wala akong sinabing gusto kong suma-" I tried to protest but Loki silenced me
with a single stare. He couldn't say it directly to me but his eyes told me
something, as if we were communicating telepathically.

I understood what he meant by that look. Now's the time to investigate not only the
crime scene that Inspector Estrada wants him to observe, but also the scarlet
thread that could lead us to Moriarty-Officer Bastien Montreal.

Nagsuot ako ng jacket dahil medyo malamig ngayong gabi bago kami lumabas ni Loki sa
apartment. Bastien led the way out of the building and to the police car parked in
front of the gate. Sumakay kaming pareho ni Loki sa back seat.

Nang magsimula nang umandar ang kotse, pinagtinginan kami ng mga taong nasa labas.
Pakiramdam ko tuloy, para kaming mga kriminal na inaresto at dadalhin sa presinto.

The trip to the campus grounds only took us around ten minutes. Dumiretso lang ang
kotse hanggang sa huminto sa tapat ng White Hostel. May ilang police car na ring
naka-park doon at mga residente ng dorm na nakikiusyoso kung ano bang nangyari.

We went inside the white dormitory with Officer Bastien leading the way. Hindi na
namin kailangang magsulat sa logbook dahil nandito kami para sa police matters.

Papasok na kaming tatlo sa elevator nang biglang matapilok ang kasama naming police
officer. Dire-diretso lang sa paglalakad si Loki kaya ako na ang tumulong kay
Bastien

na tumayo. I can't imagine how he became to be one of Moriarty's agents kung ganito
siya ka-clumsy.

The elevator stopped at the fourth floor and we paced the hallway with quick steps,
walking past the other rooms. Maalala ko lang, dito rin sa palapag na 'to ang unit
ni Rosetta. Meron nang murder case na nangyari noon dito at sinolve ni Loki, sa
Room 404 kung tama ang pagkakaalala ko. At base sa yellow cordon sa labas ng Room
410, mukhang may krimen na naman. Is this floor cursed?

Itinaas ni Officer Bastien ang POLICE LINE DO NOT CROSS at pinadaan kaming dalawa
ni Loki. Inspector Estrada was waiting at the door. Matagal-tagal ko ring hindi
nasilayan ang makapal niyang bigote.

"Long time no see, Loki... and Lorelei." The inspector shook hands with my
companion then with me. Inabutan niya kami ng gloves bilang bahagi ng protocol sa
crime scene investigation. "Pasensya na kung pinatawag ko kayo nang ganito ka-
late."

"There must be something interesting about this case," sabi ni Loki sabay suot ng
kaniyang gloves. "You won't be disturbing our peaceful night kung wala, tama?"

Inspector Estrada's eyes blinked a few times as he fell silent for a few seconds. I
could see the hesitation on his face. "Hindi ko alam kung dapat kong ipakita sa 'yo
'to, Loki. Pero kailangan ko ang input mo para mabigyan ng hustisya ang biktima."

"Why don't we cut the drama and let me see the body?" Loki sounded impatient and
excited at the same time. This is gonna be the second case he's about to
investigate today.

Binuksan ng inspector ang pinto at bumungad sa amin ang ilan sa mga

tauhan niyang abala sa pangdo-document sa crime scene. May mga kumukuha ng larawan
gamit ang mga camera na nagpa-flash, may ilang bina-brush ang mga mesa at upuan,
naghahanap ng fingerprints.

Nakakailang hakbang pa lang si Loki nang bigla siyang mapahinto. I peered his
shoulders to see what caused him to stop.

Nakasandal ang duguang katawan ng isang babae sa pader, may hiwa sa kaniyang leeg
at tadtad ng saksak ang kaniyang katawan. Tumingin ako palayo at napatakip ng
bibig. Pinilit kong huwag masuka sa aking nakita.

"I really... hate that pose."

I glanced at Loki and noticed him biting his lower lip. His dull eyes looked like
they were wet with tears. He also muttered the same thing during our investigation
of the murder case in Room 404. It reminded him of something, a memory that he
might be trying to repress.

Maliban sa kalunos-lunos na sinapit ng bangkay ng babae, meron ding nakasulat sa


pader. Kasing pula ng dugo ang bawat letra.

Loki stood in front of the bloody writing on the wall and touched it. The
excitement on his face faded and was replaced by a feeling of nostalgia.

"The strokes... the width of every letter... all familiar," he muttered.

"Kaya nga nagdadalawang-isip ako kung dapat ba kitang papuntahin ngayon." Nilapitan
siya ni Inspector Estrada na nakakrus ang mga braso. "This crime scene reminds you
of that case."

My companion let out a long sigh through his nose as he turned around and faced the
inspector. "Is there anything else?"

Inspector Estrada called one of his officers who brought him a plastic bag
containing a piece of evidence found in the crime scene. Inside of it was a black,
rectangular object with the size of a phone.

"Hawak-hawak 'yan ng biktima nang matagpuan siya kanina. Paulit-ulit daw na


pinapatugtog ang isang pamilyar na kanta."

He handed the cassette tape player to my colleague whose hands were trembling.
Inilapit niya ito sa kaniyang tenga bago pindutin ang PLAY button.

Twinkle, twinkle, little star~ How I wonder what you are~

###

And the Twinkle, Twinkle murders begin.

=================
Volume 2 • Chapter 26.5: The Woman [SPECIAL]

A/N: This is a SPECIAL chapter written in Loki's point-of-view. I will update the
illustrations used in here once they are done.

LOKI MENDEZ

January 14, 2015

"LOKI? Loki?"

AS I opened my eyes slowly, I was greeted by an ever smiling face of girl whose
long braided hair was hanging by left shoulder. Her hazelbrown eyes were blinking
like Christmas lights, staring at me to check if I am fully awake.

My back could feel the coldness of the table I have been laying on for a few hours.
I had nothing to do this morning so I decided to take a long nap while waiting for
an interesting case.

"Hindi ka na naman ba pumasok sa klase n'yo?" she asked.

"Nothing interesting in my class," I answered. "Just some trivial stuff that I


won't be using in my line of work. I prefer to enjoy these moments of peace in the
clubroom than hours of excruciating boredom in the classroom."

She put her bag in one of the monobloc chairs and erased the random codes I wrote
on our whiteboard. Whenever she comes

here, she always makes sure that everything is clean and in proper order. Without
her, this place would be a garbage dump. Not that I'm lazy, but as long as I could
work effectively in an environment, I don't mind not cleaning.

Rhiannon-or Rhea, as how I fondly call her-is the one and only member of the QED
Club. She may not be as sharp as I am, but she complements what I lack as a person.
One can say that she's my assistant. But eventually, once she gets used to my
methods, she can also be a good deductionist.

"Kahit na nabo-bore ka sa klase, kailangan mo pa ring pumasok," she placed both


hands on her waist, like my mom when she's scolding me. "Paano kapag bumagsak ka sa
mga subject mo? Paano kapag naging repeater ka?"

As much as I appreciate her concern, I don't really care about the numbers. For the
sake of ending this discussion, I gave her a lazy nod. "Okay, papasok na ako
mamaya. Kahit labag sa loob ko."

She then smiled at me again, showing her white teeth. "Good. Dadaan ako sa
classroom n'yo mamaya para tingnan kung pumasok ka talaga."

Now she's acting like my older sister though I'm a year older than her.

"By the way, have you figured out something about the M case?"

"No clues yet. The two cases we encountered so far had no direct connection except
that bloody letter. If this is the start of a serial killing, then the culprit
might be randomly picking his victims. Everything was planned meticulously."

"Uhm..." Rhea bit her lower lip and shifted her gaze briefly on the floor. "I hope
you don't mind kung nag-request ako ng ilang case files

sa campus police."

I sat upright on the table, my legs hanging over the edge. "What for?"

"It is just a hunch pero naisip ko kasi na baka hindi ito ang unang beses na
involved ang M na 'yon sa mga nangyayari sa school. Remember the suicide cases a
year ago? Sabi ng mga kaibigan ng mga biktima, hindi sila capable na magpakamatay."

Of course, I am well aware of those incidents as I studied them with great detail.
But nothing jumped out at me during the investigation. "But they did not have any
signature from the mysterious M so how can we connect these two murders and the
previous cases?"

"I told you, it's just a hunch. My intuition told me. But maybe it's worth looking
at, right? What if ngayon lang naisip ni M na gawing public ang involvement niya sa
mga kaso?"

In this case where we have nothing to concrete, Rhea's intuition may be worth
considering. If we look closer, maybe we could see a scarlet thread that links all
related cases. Good to know that she's learning my methods.

Then there was a knock on our door. A plump man probably around his forties
appeared on our doorstep. Donning the standard light blue police uniform, his large
build entered our room. Apart from his belly, the thick moustache could be easily
noticed.

"Inspector Estrada, what brings you here? May kaso ka bang ire-refer sa amin?" I
greeted him.

Gareth Estrada is the senior inspector assigned to the campus police. How did I
know him? He and my father are close friends, they have a bond as true as steel
that has been tested through time. They worked together back in the metropolitan
police department

where my father served as the chief superintendent.

"Kinausap ako ng university chancellor kani-kanina lang tungkol sa dalawang murder


case nitong nakaraang linggo," the inspector explained. "Naisipan kong isabay na
ang files na ni-request ni Rhea at hingin din sana ang tulong n'yo para matapos na
kung anuman ang nangyayari sa school na 'to."

He handed the folder to Rhea who pored over the files. Her eyebrows knitted and
there's a hint of confusion on her face. "Uhm... inspector? Mukhang mali po yata
'yong nakuha n'yong file. Mga robbery-theft case ang laman ng folder."

Inspector Estrada grabbed the folder and flipped through every page. He heaved a
sigh as he looked away. "Pinaasikaso ko 'to sa bagong intern namin. Nagkamali na
naman siya ng ibinigay. Tsk. Tsk. Huwag kayong mag-alala. Ipapahatid ko na lang
dito 'yong tamang files."

"Rest assured, inspector, that we will close this case as soon as possible," I told
him. "We just need to find the right dots to connect."
The inspector took his leave. I looked at the clock display on my phone and saw
that it's already twelve noon.

"Gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain sa cafeteria?" Rhea said as she took out her
wallet from her bag.

"Sherlock once said the brain works better on an empty stomach."

"Yeah, you said that many times but we have no case at hand na paggagamitan mo ng
utak. At wala pa 'yong mga file na nirequest ko sa campus police. So why don't we
take a break from club-related activities and grab a bite?

I prefer to eat alone but ever since Rhea has become a part of my club, she's alway
dragging

me with her during lunch time. It's hard to say no to her so I just go with the
flow.

The school cafeteria is as usual packed with famished students. Some of them are
already done eating, but they still wanna stay on their tables to have their
inaudible chit-chats. I bought a burger and a can of soda while Rhea ordered a
slice of pizza and an orange juice.

Some may think we are dating, but we aren't. We're just two club members wanting to
satisfy our hunger, though I'm not hungry at all.

I roamed my eyes on the tables nearby as I took a bite on my burger. Two students
are seated across each other. The guy with large build was laughing, probably
cracked a joke, as he took in a spoonful of rice. The girl with long, wavy hair
only gave a faint smile and was repeatedly looking at her phone.

"What can you deduce about these two students on my right?" I asked, returning my
gaze to my companion.

"The guy and girl who looked like dating?"

"Yes." I took another bite.

Rhea's eyes narrowed as she began observing the facial expressions, the eye
movements and the physical gestures by those two. When she's done, she resumed
eating her Hawaiian-style pizza.

"May nararamdaman akong awkwardness sa part ng babae, parang hindi talaga niya
gustong makasabay na kumain 'yong lalaki. Whenever she smiles, it is forced. She
looked at her phone for two times in a span of thirty seconds, naghihintay ng oras
para makaalis na siya."

"Same observation." I took a sip of my soda. "You are getting sharper each day."

"I was taught by a great deductionist," she smiled.

"And what is the meaning

of this? Are you two dating?"

I almost choked on my drink when I heard a female voice coming from my side. A girl
with straight bangs appeared on my right, her eyeglasses with transparent frame
reflected the light outside. She's Margarette Fernandez, the vice chairperson of
the student executive committee.
"I don't usually see you here, Loki. But when I do, lagi mong kasama si Rhea," her
eyes showed a glint of intrigue. "Is something going on between you two? May hindi
ka ba sinasabi sa akin, Rhea?"

"Kung may something sa amin, hindi ko naman itatago sa 'yo iyon, Maggie." My
companion looked a little uncomfortable. "Alam mo namang wala akong maitatago sa
'yo."

"And just because a boy and girl are eating together doesn't necessarily mean that
they have a romantic relationsip or something closer to that," I said. "You and my
brother are always together but never did it cross my mind that you share something
more intimate."

"Your brother is the committee chairperson. As his second-in-command, kailangang


nasa tabi niya ako lagi," Maggie defended herself even though I did not allege
anything between her and my older brother.

"What's holding you up here, Maggie?" I heard a chilling voice from my right, and a
guy who's a bit taller than me appeared. His hands were always behind him and his
dull eyes, as some would say, could freeze people in just a single stare.

"Luthor, kinumusta ko lang sina Rhea at Loki."

I put down my burger on the table, and Rhea glared at me. "I was enjoying my burger
until someone ruined my appetite."

"I hope Maggie's presence here did not upset your stomach," my brother said coldly.
Either he's mocking me or he wasn't aware that I was actually referring to him. "We
still have a one o'clock meeting. We should be on our way."

"Can I stay just for five minutes? Masyado kasi tayong busy, hindi ko na sila
nakakausap. I will be right behind you."

Luthor sighed as he shot a brief glance at me and Rhea. He left our table without
saying a single word. When he's out of eyeshot, Maggie sat beside my companion.

"Why do you hate your brother so much?" Rhea asked as she finished her slice of
pizza. "Mukhang wala naman siyang bad blood sa 'yo pero ikaw, parang may kinikimkim
kang galit sa kaniya."

"You don't know Luthor as much as I do. When we were still children, he used me as
a scapegoat para hindi siya mapagalitan ni mama. He made me take the fall for him."

"But that was years ago! Gano'n ka ba kagrabeng magtanim ng galit?"

"Sorry for the term but he is a manipulative bastard. He uses people like pawns on
a chessboard. He sacrifices them to win the game. Pustahan tayo, meron siyang grand
scheme sa school na 'to."

"Hmm... He's actually planning to run for student council," Maggie shared as she
looked out if my brother decided to return inside the cafeteria. "And he wanted me
to succeed him as chairperson of the executive committee."

"So he's adding you to his collection, huh? I

remember him saying something about power back then and I quote, 'Power lies on the
people we collect.' Just be cautious so you won't end up as a pawn he could
sacrifice."

"Tatakbo ba siyang student council president?" Rhea asked. "May experience na siya
bilang chair ng committee, and that's actually the second highest student
organization in school."

I drank a bit of my soda before replying. "I highly doubt that. Luthor prefers not
to be on the spotlight so he won't run for president. He will probably choose to be
someone's vice president. I wonder who might be the sacrificial lamb?"

"Speaking of the student council, alam n'yo bang 'yong minurder na estudyante last
week ay possible candidate para maging president?"

Maggie's word made me stop from drinking as I stared at her. We never came across
that information.

"Alam n'yo naman ang student council elections, it's mostly based on popularity,"
she went on. "And that dead guy is quite popular especially among girls. Sikat din
ang family niya rito kaya noong nabalitaang pinatay siya, the university chancellor
wants to close the case as soon as possible or else it might ruin the school's
image."

That explains Inspector Estrada's visit to the school building earlier and why he
sounded desperate to ask for my club's help.

"Thank you for that info, Maggie. Now we have something to work with."

"Balak n'yo bang imbestigahan ang kasong 'yon?" Maggie's brows knitted.

"We are about to start, as soon as the campus police gives us the files," Rhea
answered.

"Bakit hindi n'yo lang ipaubaya sa mga awtoridad ang kaso?" Maggie

sounded worried, I could even see it on her face. "As your friend, I suggest that
you drop the case and focus your attention elsewhere."

"It's our school's reputation at stake here so as the only detective club, we are
compelled by our mandate to take part in the investigation."

"But this is not your regular case! You don't know what you are dealing with! Paano
kapag nalaman ng suspect na iniimbestigahan n'yo siya at napapalapit kayo sa
katotohanan? He might go after one of you!"

"The more reason we should remove his mask and expose him to the campus police," I
remarked. "Whoever that M is, sisiguruhin kong pagbabayaran niya kung anumang
krimen ang ginawa niya."

Maggie couldn't probably take it anymore so she stood, shaking her head. "Just a
friendly advice: Drop this case. Please."

She then strode off to the exit of the cafeteria, bidding us no words of farewell.

"Ano sa tingin mo? Dapat na ba nating huwag pakialaman ang kaso kay M?" It took a
minute before Rhea could utter a word, surprised by her friend's abrupt walk out.

"I already pledged our assistance to the campus police and I believe that if we do
nothing on this case, it will never be closed. I appreciate Maggie's concern but
I'd rather risk my life for this cause than watch others risk their own without me
doing anything."

"Kung anuman ang desisyon mo, I'm with you." For the nth time today, Rhea flashed a
smile at me. I could see the determination in her eyes that she wants to solve this
case with me. I would offer her the option to step back and let me do the work, but
hearing it come from

her mouth dispelled my doubts.

Once we have finished our meal and drinks, we left the cafeteria and were greeted
by the blinding light from the sun.

"Wait!" Rhea stopped on the shade of a tree as she took out her phone. I looked
above to see if there's something hovering above our heads. But it was just the
clear, blue sky.

"What is it?"

"Why don't we take a picture?"

My eyes stared at her for a few seconds, my mind wondering whether she's serious
about that suggestion. But her face told me that she wasn't joking.

"Sige na! Wala pa tayong picture dalawa, 'di ba?"

"But why now? And why here?"

"Because the weather is nice today. And everything's still peaceful. Dark clouds
may brew later on so why don't we capture this moment?"

She stretched her right arm and clicked the front camera option. I saw my face on
her phone screen.

"One... Two... Three... Smile!"

The moment she said "smile," I quickly looked away from the camera. To be honest, I
am not fond of taking photos or being in one of them.

"Geez! Bakit sa ibang direksyon ka tumingin? Isa pa!"

While she's busy looking at her phone, I took the opportunity to walk past her and
led the way back to the school building.

"We have two cases to review. Hindi dapat tayo mag-aksaya ng oras."

Even if I don't dart a glance at Rhea, I could imagine her making a disappointed
face.

"This is better than nothing," she said as she followed behind me. "Ise-send ko sa
'yo mamaya para may copy ka rin."

Tss.

* * *

The information Maggie shared earlier somehow helped me and Rhea find the dots that
we thought do not exist. The victims, despite being totally unrelated with each
another, had one common denominator-both are possible candidates for the student
council presidency.

I decided to take home the files given to us by the campus police so I could take a
look again and see if we missed something. But before I could concentrate on the
files, I needed to clear my apartment of any distraction. I have a new roommate who
just moved in last week and his presence alone irritates me.

In order to get rid of him, I asked an acquaintance of mine to make a recording of


a ghostly voice calling that guy's name. While my roommate was busy taking a
shower, I used my lockpicking skills on his room's doorknob, went inside and placed
the cassette tape player under his bed.

There's a fifteen-minute dead air in the tape-carefully calculated for his usual
fifteen-minute shower time-before an old woman's voice asking for help starts
playing. By the time he returns to his room, he

would get freaked out by the ghost.

"Na-Narinig mo ba 'yon?!" he asked me. Only a white towel was covering the lower
part of his body.

"Ano ba 'yon? Bakit namumutla ka diyan?" I turned another page of the case file
without looking at him.

"Ma-May multong tumatawag sa 'kin! Sh*t! Totoo nga ang sinabi nilang haunted ang
unit na 'to!" Without wearing any decent shirt or shorts, he left our room. He
probably went to the landlady to express his concern about the fake ghost. Sooner
or later, he will force himself out and I will have the whole unit to myself.

Beep! Beep!

My phone screen lit up as the image of Rhea and me looking away popped up. I used
it as her new contact photo.

Rhea (07:14 p.m.): I think I found something in the M case. I wanna discuss it
ASAP. Can you come over to my apartment?

That's weird. She normally calls whenever she wants to tell me something important.
Maybe she's too absorbed by her own investigation so she can't afford to call?

I replied that I'm coming in a bit. Her apartment isn't that far from where I live.
It would only take ten minutes to get there if I go by foot.

The hallway on the second floor of her apartment building is eerily quiet. I stood
at her room's doorstep and knocked three times. But there was no reply. I tried
calling her phone, but it only kept ringing. Was she taking a bath?

I leaned my ear close to the narrow gap on the doorframe. There's a familiar tune
playing but I couldn't hear it clearly. Looking around to see if anyone's
approaching, I took out my lockpicking kit and inserted two thin wires

in the keyhole. In less than thirty seconds, I unlocked and door and swung it open.

Twinkle, twinkle, little star~

The room was so dimly lit so I turned on the light. There was no sound of gushing
water from the toilet so she's not there. My eyes roamed around and noticed that
the door to her bedroom was slightly opened. I could also hear the familiar
children's song coming from that room.

"Rhea? Are you here? Rhea?"

How I wonder what you are?

As I opened the door, I was greeted by a person's silhouette slumped against the
wall. As I lay my eyes on that figure, my heart began to race. My hands started
trembling uncontrollably as I searched for the light switch on the wall.

I hope it's not what I think it is.

Up above the world so high~

My fingers flicked the switch and the whole room was illuminated. I took a step
back as I saw the face of the person slumped against on the wall.

No, it can't be... How can it be... Rhea... Why her?!

Her eyes were half closed, blood was oozing from her slitted throat and her clothes
were disheveled. A pool of blood formed on where she was seated, most of it coming
from stab wounds she sustained in her stomach.

I did not know what to do. My mouth was shaking, my eyes began to well up with
tears. I wanted to scream, I wanted to cry for help, but no word would come out as
if something's stuck in my throat.

Rhea... my dear Rhea... The only friend I had... Why did they do this to you? Who
could-

As much as I didn't want to look at her body bathing in blood, my eyes couldn't
help but observe the writing on the wall, just a few inches above her head.

My fists clenched so tight that my nails dug deeper into my skin. My teeth gritted
as I stared at the blood writing. Seeing that letter filled my heart with rage and
I could kill anyone right now.

THAT BASTARD! I will make sure he will pay for this!

"Rhea? Are you here? Nandito na ako."

I heard footsteps coming from the living room and a familiar female voice echoed
within the walls. I noticed a shadow emerging from behind.

"Rhea? Nasaan ka-KYAAAAAAAAAAAAH!"

Maggie screamed at the top of her lungs as her eyes widened by shock stared at the
dead body of her friend.

"RHEA! NO!" She ran to the dead body but I grabbed her arm before she could step on
the pool of blood. Tears began flowing on her face and her red eyes glared at me.
"LET ME GO! LET ME GO!"

"This is now a crime scene! We must not contaminate it." I tried to contain the
emotions raging inside me. I wanted to hold Rhea's body for the last time, caress
her innocent face that has always greeted me with a smile. But I can't. I don't
want to ruin any traces that could lead us to the person who did this to her.

Maggie pounded my hand as hard as she could but I never let go of her arm. "IT'S
YOUR FAULT! I TOLD YOU TO DROP THE CASE! I TOLD YOU HE MIGHT COME AFTER ONE OF YOU!
IF YOU TWO ONLY LISTENED, RHEA WOULD STILL BE-"

She then broke into tears, sobbing endlessly on my side. She was frantically
shaking her head as she looked away from Rhea's direction.

Maybe Maggie was right. Maybe it's really my fault. Rhea's blood is on my hands.

###

=================

Volume 2 • Chapter 26: Game of Shadows (Second Murder)

LORELEI

"LOKI? ARE you still with us?"

Our club president has been staring blankly at the window, his eyes looking
faraway. Parang lumulutang ang isip niya mula nang makita niya ang duguang biktima
sa White Hostel.

He was muttering some words last night which we couldn't comprehend so Inspector
Estrada decided to send us home and consult us once my companion's feeling a bit
okay. Hanggang sa apartment namin, tulala siya habang nakaupo sa couch at nakatitig
sa spider's web of conspiracy ni Moriarty. He must have been in deep thought.

This morning, I gathered the two other members of our club to discuss about the new
White Hostel murder case. Inspector Estrada had someone deliver last night's report
to us. Alistair and Jamie started reviewing the findings of the campus police-the
time and cause of death, the discoverer of the body, etc.

"Maybe I should do something to make him feel happy?" Jamie whispered as she turned
the files on the next page. If there's one person whom Loki should avoid seeing
right now, that's probably her. Dahil kahawig niya si Rhea, baka ma-trigger na
naman ang masamang alaalang pilit kinakalimutan ni Loki.

The crime scene reminded my roommate of how he discovered Rhea's body more than six
months ago. Hindi na ako magtataka kung bakit nagmukha siyang na-trauma ngayon.
Kung magkapareho nga ang crime scene, then this is a hundred percent connected to
Moriarty. That criminal mastermind grew tried of playing with Loki's mind. Now he's
attacking his heart.

Anyway, we need Loki at his finest now so we can close

this case as soon as possible. May delay yata sa transmission sa utak niya dahil
ngayon lang siya lumingon sa akin. We need him to be focused.

"I reviewed the front desk footage sa White Hostel and compared it to the logbook,"
sabi ni Alistair sabay pakita ng laptop kung saan naka-play ang isang monochromatic
video. "Ayon sa findings ng campus police, may alibi ang lahat ng bumisita, mula sa
mga estudyante hanggang sa fast food delivery guy. Pero may isang hindi tumugma."

A man whose back was shown on the video talked to the receptionist before
proceeding to the elevator. May suot siyang sumbrero kaya hindi namin makita nang
malinaw ang mukha niya. The time stamp at the video was at 5:47 p.m.

"He said he's going to pick up some dirty laundry sa fourth floor. Meron ngang
nagpapa-pick up ng damit, taga-Room 401, pero hindi siya pinuntahan ng laundry
guy."

That would mean na nagpanggap na may business sa ikaapat na palapag ang salarin
para makapasok sa loob. He probably wore a disguise para hindi siya kaagad makilala
ng mga makakasalubong niya.

"The police also called the laundry shop na pinagtatrabauhan umano ng lalaking 'to
pero they denied that they have an employee with that name."

"Pretending as a laundry guy won't make him look suspicious once he knocks on the
victim's door." The three of us turned to Loki who finally broke his unusual
silence. "He needed the victim to open the door for him before he could commit the
crime."

"What about the writing on the wall?" tanong ni Jamie. "He wrote that this is just
beginning. So there will be more murders?"

"Possibly."

Loki got to his feet and started walking around, his hands behind him. "This could
be a serial killing and the victim is just the first person on the killer's list.
We need to find out more about who could be the next targets and anticipate his
thinking."

The victim's name is Perry Enriquez, a Grade 9-C student. She was living alone in
her unit at the White Hostel. Her time of death was estimated to be around five-
thirty and six in the evening and the cause of death is the multiple stab wounds in
her abdomen. Ang unang naka-discover sa kaniyang bangkay ay ang kaniyang kaibigan
na bumisita para magtanong ng kanilang assignment.

"Maybe some of her classmates will be the next on the killer's hitlist?" Jamie
asked. "If someone's holding a grudge against her, that is possible, right?"

"We need to talk to the people in her class and ask if they know someone na galit
sa kaniya," Al suggested.

"Good to have something to work with," said Loki as he picked one of the folders on
the table.

Maybe now's not the right time to ask, but it might be related to the case so I
gathered enough courage to raise a point.

"Do you think this case is connected to Moriarty? Ang sabi mo, Rhea's case also had
the same circumstances. The method of killing, the writing on the wall and the
nursery rhyme being played in the crime scene."

Biglang natigil ang kasama ko at tila natulala ulit ang mga mata niya. He then
flipped the pages of the case report. "The similarities between this case and that
case are uncanny. I believe that these separate murders were done by the same
person."

I hesitated

to throw a follow-up question pero kailangan para alam ko kung saan kami lulugar.
"Rhea was murdered by Moriarty. So does that mean Moriarty is directly involved
here?"

His face remained expressionless, speaking in a matter-of-fact tone. "After


everything that we have found out about that criminal mastermind, I doubt Moriarty
would kill anyone personally. Meron siyang mga pawn na pwede niyang utusan para
gawin ang dirty work."

"But when we confronted Stein Alberts in the Diogenes Cafe, he told some things
that only the person who killed Rhea could have possibly observed."

"Maybe he was there with the killer. Maybe he wasn't there and he was just teasing
me in the cafe. Either way, the murders were done by the same artist who has a
unique stroke and remarkable use of paint brush. Moriarty could have been a
spectator to see that the artwork is perfectly done."

"What if someone only copied the circumstances of that case to mislead us?" Al
asked. "Maybe the culprit wants to throw us off track."

"The report on Rhea's murder was never released to the public. Only the campus
police has access to that information. So your copycat theory does not stand."

With no other questions raised, Al and I were about to leave to gather info from
the Perry's classmates. Pagbukas namin sa pinto, may nakita kaming isang babaeng
palakad-lakad sa tapat, kinakagat ang kaniyang kuko at mukhang hindi mapakali.

"Excuse me. Can we help you?" Gusto niya sigurong pumasok sa loob para konsultahin
kami tungkol sa problema niya pero may pagdadalawang-isip siya. We have our plates
full right now so we might not be able to accommodate

whatever request she has for us.

Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Please, help me! Takot na takot ako!
Hindi ko na alam ang gagawin!"

"Paano ka namin matutulungan?" We don't have much time to entertain her for now but
she looked and sounded so desperate, I couldn't help but listen to her.

"Sa tingin ko, ako na ang susunod! Pero ayaw ko pang mamatay kaya please, tulungan
n'yo ako!"

"Susunod? What do you mean?"

"Alam n'yo ba 'yong nangyaring murder sa White Hostel kahapon?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Al. What a coincidence. 'Yon din ang kasong
iniimbestigahan namin.

"Kilala mo ba ang biktima? Bakit takot na takot ka?"

"Kaklase niya ako at isa rin ako sa mga malapit niyang kaibigan." Lalo pang
humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. Gusto kong mapaaray pero tiniis ko na
lamang. "I heard na may iniwang message ang pumatay kay Perry. This is just
beginning, tama? Malakas ang kutob ko na baka ako na ang sumunod!"
"Let's discuss this case inside." Binuksan ulit ni Al ang pinto at pinauna ang
kliyente namin. "We were actually about to go to your class para magtanong-tanong
tungkol sa biktima."

Muli kaming pumasok kasama ang babaeng nakalimutan munang magpakilala bago kami
kinausap. I told Loki and Jamie that she might be the link we were looking for in
this case. Pinaupo namin siya sa kabilang dulo ng mahabang mesa.

"I'm Leigh Pineda, taga-Class 9-C rin gaya ni Perry. Magmula nang mabalitaan ko ang
nangyari sa kaniya, halos hindi na ako makatulog. Feeling ko, hinahaunt na kami ni
Jenny."

"Who's Jenny?"

"She was a classmate

of ours who committed suicide last year."

"You feel responsible for her death? You bullied her, didn't you?" sabi ni Loki.

Tumango si Leigh. "We were just fooling around. Hindi namin inakalang seseryosohin
niya ang pambu-bully namin sa kaniya. Until now, we feel sorry about what happened
to her and we haven't forgiven ourselves for it."

Napasulyap ako kay Loki at napansing sa kabilang direksyon nakatuon ang kaniyang
tingin. I remember that he also felt responsible for Rhea's death and maybe,
sinisisi niya pa rin ang sarili niya kaya hindi pa siya makapag-move on.

"And what makes you think na kagagawan ito ni Jenny?" tanong ni Al.

Ipinakita ni Leigh sa amin ang isang message sa kaniyang phone. Written in all caps
were the words HELLO FROM HELL. The message sender was named Jennifer Jimenez, the
same Jenny she mentioned earlier.

"Ilang oras bago namin nabalitaang patay na si Perry, natanggap naming


magkakaibigan ang message na 'yan. That was Jenny's number when she was still
alive. Paano siya makakapag-text sa amin kung patay na siya? It must be her ghost."

"Ghosts do not exist, just an FYI in case you haven't moved on from your childhood
fears," Loki retorted. "I can offer you five explanations why her number managed to
send you and your friends a creepy message. But the most probable would be someone
took her phone or SIM card and waited for the right moment to use it and scare the
shit out of you."

"Have you told the campus police about this case?" tanong ko.

"Oo. Ang sabi nila, susubukan nilang i-trace ang phone number na 'yan. They also
told

us na huwag basta-basta maniniwala sa kahit anong text dahil baka patibong 'yon ng
killer."

"Us? Pwede mo bang sabihin sa amin kung sino-sino pa ang mga kasama mong nam-bully
kay Jenny?"

Binigyan siya ni Al ng kapirasong papel at inabutan ng ballpen. Doon isinulat ni


Leigh ang buong pangalan ng kaniyang mga kaibigan. Nang matapos na siya, ibinigay
niya sa amin ang listahan.
Leigh C. Pineda

Perry A. Enriquez

Jessy B. Nepomuceno

Jade D. Tadeo

"While we are investigating the case, it's probably best if the remaining three of
you will exercise extra caution," paalala ni Al. "Do not trust anyone easily
especially if you don't really know them."

"'Yan din ang advice sa amin ng campus police. Ganyan nga ang gagawin namin. I hope
you can catch him bago pa siya may mabiktimang iba."

"May kakilala ka bang malapit kay Jennifer na posibleng may kinikimkim na galit sa
inyo?" tanong ni Jamie. "Gaya ng sinabi ni Loki, ghosts do not exist so the
perpetrator is probably someone among the living."

Napatingin sa taas si Leigh, tila may inaalala. "Meron siyang best friend na
lalaki, si Jeffrey. Galit na galit siya sa ginawa naming pambu-bully kay Jenny lalo
na noong nag-suicide siya. Pero kung iniisip n'yong siya ang may gawa nito, I doubt
it."

"Bakit naman?"

"Wala sa itsura niya ang pagiging isang killer. Isa siyang typical nerd na lalampa-
lampa kaya nga wala siyang nagawa noong binu-bully namin si Jenny."

"Don't be so sure," kontra ni Loki. "One of the nerdy-looking guys we met was
actually capable of plotting almost perfect crimes."

He must be referring

to Stein Alberts who later introduced himself as Moriarty. That was a huge plot
twist when we were investigating the criminal mastermind's identity. Who would have
thought that a Math geek and code addict was behind some evil schemes?

"Maybe Jamie and I could visit him in your classroom and see if he has an alibi
during the time of the crime," I suggested. "In the meantime, Loki and Al can
review can look into other angles."

"Eh? Bakit ako?" Jamie protested. "Pwede namang kayong dalawa ni Al ang mag-
interview kay Jeffrey, a!"

"Dito natin magagamit ang charm mo kaya marapat lang na sumama ka sa 'kin," sabi ko
habang naglalakad patungo sa kinauupuan niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at
hinila siya papunta sa pinto. "Mas mabuti kung kakausapin na natin siya ngayon
habang naka-break sila."

"Pero gusto kong-"

"Walang pero-pero, Jamie. Let's do this for the club." Tama, mas mabuti kung
ilalayo ko muna siya kay Loki. Her resemblance to Rhea might trigger something in
Loki's mind and distract him again in our investigation. Kailangan kong tanggalin
ang distraction.

Ipina-describe ko muna kay Leigh ang itsura ni Jeffrey bago kami lumabas ng
clubroom ni Jamie. I had to drag her out para sumunod sa akin.

"Bakit mo ba ako kailangang i-drag?" reklamo niya habang naglalakad kami sa


hagdanan. Medyo hininaan niya ang kaniyang boses nang may nakasalubong kaming ibang
estudyante. "Talaga bang gusto mong maging kontrabida kaya pinaglalayo mo kaming
dalawa ni Loki?"

"Pwede mong landiin si Loki, pero huwag muna ngayon. Kailangan natin siyang naka-
focus sa imbestigasyon."

"Ano

bang ibig mong sabihin? Bakit naman siya madi-distract?"

Dalawang hakbang na lang bago ako makatapak sa second floor. Huminto muna ako sa
paglalakad at hinarap siya. "I told you before na kahawig mo 'yong only friend
niya, 'di ba? Vulnerable siya ngayon dahil may pagkakapareho ang case na 'to sa
pagkamatay ng kaniyang kaibigan. Kung bigla niyang maalala si Rhea sa 'yo, what do
you think will happen? His judgment will be clouded and he won't be able to think
straight. So please, bear with me for this case."

She sighed through her nose as she looked away. Gusto ko sanang i-advise sa kaniya
na magpalit ng hairdo pero gusto ko na sa kaniya mismo magmula ang initiative.

"Fine. I will stay away from Loki. Temporarily."

"Thank you."

Then we continued our way to Leigh's classroom which was only a few doors from the
stairs. Base sa pagkaka-describe niya kay Jeffrey, the guy wore thick, black-framed
glasses, payat ang pangangatawan pero katangkaran. Mahilig din daw siyang umupo sa
pinakahuling row kaya doon kaagad natuon ang atensyon namin. Hindi kami nahirapang
mahagilap siya.

Inutusan ko si Jamie na pumasok sa classroom at tawagin si Jeffrey. Noong una'y


ayaw niya kaya kinailangan ko siyang itulak sa loob para mapilitan. Dahil
pinagtitinginan na siya ng ilan sa mga estudyante, wala na siyang magawa kundi
puntahan ang target namin at kausapin siya. A few moments later, sabay na silang
lumabas ng classroom. Pinagtitinginan pa rin kami ng mga taong nasa loob.

"Pasensya na kung kailangan ka naming istorbohin," panimula ko. "Pero may ilang
tanong lang kaming gustong malaman. My name's---"

"Lorelei

Rios and Jamie Santiago," he cut me short before I could finish. Tinanggal niya ang
kaniyang salamin at pinunasan ng panyo ang parehong lente nito. "No need for
introductions. Kilala ko na kung sino kayo, thanks to the assembly the other day.
Let's get to the point: Anong kailangan n'yo sa 'kin?"

"Aware ka naman siguro sa nangyari sa isa sa mga kaklase n'yo? Kay Perry?"

"Yes, of course." Muli niyang isinuot ang kaniyang salamin. "It felt like justice."

"Excuse me?"

"You heard me. Justice," he smirked. "Ang sabi nila, justice delayed is justice
denied. Pero sa tingin ko, justice waits for the perfect opportunity to strike
those who have wronged others."
"At paano naging justice 'yon?"

"Perry's one of the bullies who drove my friend to death. Ngayon, naisipan na ng
pagkakataon na singilin ang mga nagkasala. Narinig kong posible itong maging serial
murders. And I'm looking forward to it."

Habang tumatagal ang usapan namin, lalong lumalakas ang hinala kong may kinalaman
siya sa pagkamatay ng unang biktima.

"You seemed to be pleased about what happened," I commented, observing his face
that was filled with glee.

"Not pleased. Extremely grateful."

"I hope you don't mind kung naisip kong posible kang suspek sa kasong ito? Pwede mo
bang sabihin sa amin kung nasaan ka noong mga oras na naganap ang krimen? Around
five-thirty or six in the evening?"

"Pumunta ako sa convenience store na katabi ng Diogenes Cafe. Naubos na kasi ang
battery ng phone ko at kailangan kong mag-charge kaagad dahil may importante akong
kausap. Nag-stay ako roon hanggang seven."

"May

magpapatunay bang nandoon ka sa oras na sinabi mo?"

"Hmm... Hindi ko alam kung natatandaan ako ng mga cashier. Wala rin kasi akong
ibang kasama noon. Pero baka pwede n'yong i-check ang CCTV footage. Makikita n'yo
ako sa charging station at 'yon ang magpapatunay na wala akong kinalaman sa
krimen."

Kung totoo man ang sinabi niya, that will give him a perfect alibi.

"Natutuwa ako sa nangyari kay Perry at mas matutuwa ako kung susunod na ang mga
kaibigan niya, pero that doesn't mean that I am the killer. Sorry, pero kailangan
ko nang bumalik sa klase. Magre-review pa ako para sa long quiz namin."

Nagpaalam na siya sa amin at pinasalamatan ko siya para sa kaniyang kooperasyon. If


he was indeed the killer, he was too calm and confident with his alibi. Maybe it's
not really him, but we can't cross him off the suspect list until we confirm what
he said about being in the convenience store at the time of the crime.

"We should keep an eye on that guy," komento ni Jamie habang naglalakad kami
pabalik sa clubroom. "Nakita mo kung gaano siya kasaya kanina nung pinag-uusapan
natin 'yong mga biktima."

Nang paakyat na ulit kami sa hagdanan, biglang nanindig ang mga balahibo ko. My
instinct told me to look behind. I saw a familiar figure of a man. Kaagad siyang
nagtago sa likod ng isa sa mga pillar. This feeling was the same whenever that
mysterious guy is following. I can confront him right now but I chose not to. I
will deal with him once this case is solved.

Back in the clubroom, we told Loki and Al about our encounter with Jeffrey. Our
club president then contacted Inspector Estrada to ask them to check

the surveillance footage of the store. Sinabihan naman kami ni Al na so far, wala
nang ibang posibleng may galit kina Leigh at sa kaniyang mga kaibigan.
"We need to wait until something happens," Loki said after hanging up. "The culprit
made his next victims aware of his threat. He's confident that he can continue this
killing spree."

"I hope we can stop him before he commits another murder," sabi ni Al. "We can't
afford to lose another innocent life."

"If revenge is the motive, the killer won't consider his targets as innocent," Loki
was standing by the window, looking at the green landscape outside. "Remember, they
drove an innocent and bullied young woman to death."

We spent the rest of the day with our regular classes (of course) and reviewing the
White Hostel video footage. Baka kasi may na-miss kaming clue na magtuturo sa
salarin. The more I look at the figure of the culprit, lalo kong nakikita sa kaniya
si Jeffrey.

Later on, ibinigay din ng campus police ang kopya ng CCTV footage sa convenience
store. Nasa tabi nga ng charging station si Jeffrey at hindi siya umalis doon until
past seven in the evening.

"So should we remove him from our suspects list?" tanong ni Jamie. Kumpara kanina,
medyo lumayo na siya kay Loki. She kept in mind what I told her earlier and that's
good.

"The man has an alibi so he can't be the killer. Unless this convenience store
video is edited or the one at the White Hostel front desk has been tampered."

"Ano nang gagawin natin sa ngayon?" I closed the video on our laptop and rmy eyes
roamed over my colleagues. "Should we do what the police

call stake-out?"

"We will wait until the culprit strikes again and let's hope his targets are not
foolish enough to be lured into a trap."

* * *

The next morning, sabay kaming pumasok ni Loki sa campus. Mula nang natapos ang
kaniyang suspension, lagi na kaming sabay na naglalakad papuntang school.

Paglampas namin sa entrance gate, natanaw na namin ang ilang police cars sa palibot
ng isang puno. May ilan ding estudyanteng nakapalibot doon, nakikitsismis kung ano
ang nangyari.

"I have a bad feeling about this," he muttered as he ran toward the crowd. I had no
choice but to follow him. Masama rin kasi ang pakiramdam ko nang makita kong
nakalupong ang mga police car doon.

We saw a young woman in her casual clothes, slumped against the tree trunk. Her
throat was slit and there were signs of multiple stab wounds in the abdomen.
Kaparehong-kapareho ito ng crime scene sa White Hostel. I looked to my right and
noticed na ilang metro lamang ang layo ng puting dormitory sa panibagong crime
scene.

Hinawi ni Loki ang cordon at hindi siya pinigilan ng mga nagbabantay na pulis.
Pinuntahan niya si inspector Estrada na mukhang inaantok pa. Inabutan siya ng hot
coffee ni Officer Bastien Montreal bago ito bumalik sa kaniyang puwesto.

Sumunod din ako sa aking kasama. Mukhang kilala na rin ako ng ibang campus police
officer dahil hindi na nila ako hinarangan. Pinagsuot kami ng latex gloves bago
kami pinayagang lapitan ang bangkay.

"Umagang-umaga, ganito ang madadatnan mo," Inspector Estrada commented before


taking a sip of his steaming

coffee. "Ilang linggo ring walang murder sa school na 'to, tapos ngayon,
nagkasunod-sunod naman."

"Any info on the victim?" tanong ni Loki na lumuhod sa tapat ng biktima.

"According sa staff ng White Hostel, her name is Jessy Nepomuceno. Isa siyang
tenant doon kagaya ng biktima sa Room 410. And I assume this is the second murder
by the same killer."

Iniabot ni Inspector Estrada ang isang plastic bag na may lamang casette tape
recorder katulad sa naunang crime scene. Hindi na kinailangan pang i-play ni Loki
dahil alam na siguro niya na ang kinaiinisan niyang children song ang laman no'n.

"Nakita raw siyang lumabas ng hostel alas-nuwebe kagabi, mukhang nagmamadali,"


pagpapatuloy ni Inspector Estrada. "Her time of death is roughly between nine and
ten in the evening. Nagtatanong-tanong na rin kami kung may nakakita sa kaniya sa
mga oras na 'yon, pero mukhang negtive."

"At bakit ngayon lang nakita ang bangkay niya?"

"Natakpan daw ng kulay itim na plastic kaya malamang hindi kaagad napansin,"
paliwanag ng inspector. "Nang magwawalis na ang groundskeeper sa parteng ito ng
campus, inalis niya ang plastic at ang duguang bangkay na 'to ang bumungad sa
kaniya."

Tumingala ako sa punong kinasasandalan ng babae at nakitang nakasulat doon ang mga
salitang tila naghahamon.

###

=================

Volume 2 • Chapter 26: Game of Shadows (Third Murder)

A/N: One of Moriarty's four generals is hereby revealed. Read on.

LORELEI

MINUTES LATER, Jamie and Alistair also arrived at the crime scene after I texted
both of them. Dahil ito ang first time nilang ma-involve sa isang totoong
pinangyarihan ng krimen sa mismong campus, ipinakilala namin silang dalawa kay
Inspector Estrada. Piangsuot din sila ng latex gloves bago hinayaang mag-inspeksyon
sa paligid ng puno.
"The strokes and the width of every letter are similar to the first writing on the
wall," Jamie touched the blood on the tree and sniffed it. "No doubt na isang tao
lang ang sumulat nito."

Kahit wala siyang dalang reference para ipag-compare ang callligraphy ng nakasulat
sa puno, she probably used the image stuck in her mind. Thanks to her photographic
memory, she can easily remember and recall everything she sees.

"How about the message?" bahagyang tumingala si Al at nilapitan ang graffiti.


Nakakrus pa ang mga braso niya. "It sounds as if the culprit is challenging
someone."

"Not someone, but some people." Loki stood beside my childhood friend. They seemed
to be okay now, after what had happened in the blackmailing case a few days ago. "I
don't think the killer left this message for the victims. I think he left it for
us."

Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya, bahagyang nakabuka ang bibig namin ni


Jamie. "Do you mean the culprit expected us to be involved in this case?"

"Possibly. If he was clever enough to murder two people without anyone noticing
him, then he might have expected

that the campus police or the victims will come to us for help."

Kaya pala "Can you stop me?" ang iniwan niyang message. Tinatanong niya kaming mga
miyembro ng QED Club kung kaya naming tuldukan ang kaniyang killing spree. How bold
of him.

"Wala pa rin bang bagong clue na magtuturo sa kanya?" tanong ko habang tinitingnan
ang damuhan, baka may naiwan ang killer na maliit na bagay na pwedeng magsilbing
ebidensya.

"Inspector Estrada told me that some campus police officers were patrolling the
school grounds last night. Kung may napansin sila, kaagad naman nilang ire-report.
But there's something missing in this scene."

"Ano 'yon?"

"I asked the officers earlier if they found the victim's phone. Sinearch nila ang
unit niya pero wala silang nakita. Wala rin sa kaniyang suot nang natagpuan siya
rito."

"Posible kayang kinuha 'yon ng suspek?"

"But why would he steal his victim's phone?" Jamie looked clueless.

"Maybe he's trying to hide something," Al touched his chin. "Maybe he sent a text
message to Jessy when he lured her out. Baka natatakot siyang mgkahanap ng paraan
ang mga awtoridad na ma-trace ang kaniyang number o kung anong laman ng kaniyang
message kaya kinailangan niyang kunin."

"Especially if the texter is familiar to the victim," Loki added, raising his index
finger. "Ang ipinagtataka ko, alam na ng biktima na nasa panganib ang buhay nila
pero bakit lumabas pa rin siya para makipagkita sa kung sinumang ka-meet niya sa
labas ng kaniyang dorm?"

"Maybe the victim knows that person!" Jamie exclaimed. "Kaya pumayag siyang bumaba
para makipagkita
sa taong 'yon. It must be someone that Jessy could trust."

"Someone among her circle of friends?" I blurt out as the idea crossed my mind. "At
this point kasi, sila-sila lang ang magtitiwala sa isa't isa dahil nasa parehong
peligrosong sitwasyon sila."

"Let's assume that the killer is among Jessy's closest circle of friends. What
would be the killer's motive?" tanong ni Al, dahilan para mapaisip kaming apat.
"And how can we relate it to the suicide case of Jennifer Jimenez?"

"Maybe there's something else in the story that they are not telling us?" hirit ni
Jamie. "What if it wasn't really suicide? What if it's murder and the four of them
plotted it? Now one of them wants to confess so in order to hide the secret, this
killing spree began."

"Sounds like a cliche mystery story," Loki commented, his face unimpressed. "But
let us not go further into conjectures. Let's focus on what we have at hand. And
let's be open to other possibilities as well."

"So two down and two more to go," Jamie maintained her distance from Loki. "Sino
kaya sa dalawang targets ang isusunod niya?"

"Are you aware of the ABC Murders by Agatha Christie?" Loki asked as he paced the
crime scene, avoiding the pool of blood and the calk marks.

If memory serves right, I saw him reading a novel written by that author. And Then
There Were None yata ang title.

Nang puro pag-iling ang sinagot namin, he was compelled to explain.

"A detective fiction about a series of murders wherein the victims were murdered
alphabetically. Alice Ascher, Betty Barnard, Carmichael Clarke. Kahapon, nang

ipinakita sa atin ng kliyente ang mga pangalan nilang magkakaibigan, napansin ko


ang middle initials nila. Natatandaan n'yo pa ba ang mga buong pangalan nila?"

"Leigh C. Pineda, Perry A. Enriquez, Jessy B. Nepomuceno, Jade D. Tadeo." Ni-recite


ni Jamie isa-isa ang mga pangalan nang walang kahirap-hirap. The advantage of
having a retentive memory.

"Their middle initials!"

"The first victim is Perry Enriquez whose middle initial is A. The second and
latest victim is Jessy Nepomuceno who has B as her middle initial. Kung may pattern
na sinusundan ang killer, I guess we know who will be his next target."

"Leigh C. Pineda," sabay banggit namin ni Jamie.

"This is the part where we step in and prepare to foil a murder attempt."

"What's our plan?"

"We need to stay close to the potential victim. Sisiguruhin nating hindi na
makakapambiktima pa ang killer. Kailangan nating makausap si Lea."

"Lea?"

"Yes. Lea, our client."


"It's Leigh," I corrected him, but why would he care about people's names?

We wrapped up the inspection of the crime scene and went back to the clubroom.
Nakuha ko ang number ni Leigh kahapon kaya may contact ako sa kaniya. I immediately
texted her and asked her to drop by.

Kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagka-stress. Lalong lumalim ang kaniyang eyebags
at sobrang putla na niya kumpara noong una ko siyang nakita. The death of her two
friends was taking its toll on her.

"A-Ako na ba ang susunod?" bungad niya sa amin pagbukas niya ng pinto. Nilapitan ko
siya para akbayan patungo sa monobloc chair. Mukha kasing

bibigay na siya anumang sandali mula ngayon.

"We still haven't identified the killer but we have a plan to expose him. And we
need your help."

"Anything you say basta matapos na ang nakaka-stress na bagay na 'to."

"I believe the killer won't act as long as you are in a situation where it would be
difficult to kill you. In other words, you are untouchable while you are at school
with your classmates and friends. The only time he can make a move is when you are
either alone or when the field is clear for him to hunt, like at night."

"Anong gusto mong i-suggest?" Leigh asked Loki, looking desperately to have this
case closed.

"Later, kung okay lang sa 'yo, gusto kong isama mo ang dalawa sa amin sa
tinutuluyan mo. If you were to ask me, it would be better to have me and Al para
maprotektahan ka namin."

"Pero strict doon sa dorm ko," umiling si Leigh at napasulyap sa kasama niyang
babae sa clubroom. "Only girls are allowed so hindi kayo pwedeng dalawang lalaki."

"Then take Lorelei and Jamie with you. If something happens, they can contact us
and we will come to your rescue."

"Teka, ipinapain mo na naman ba sila?" Al protested, darting a questioning look at


the club president. "Remember Loki, we are dealing with a serial killer. Hindi na
ito kagaya ni Adonis."

"I am well aware, Alistair. You don't have to worry that much. Lorelei is equipped
with a stun pen that can paralyze a giant. And besides, I don't think the killer
will knock on the door and kill them. He might try to lure his target out of the
safety zone."

Nakaukit sa mukha ni Al ang pag-aalangan. He already

saw what Loki was capable of so I understand why he is having doubts. "As long as
we don't put them in harm's way, I will not oppose your plan."

"Thank you and I hope you won't just barge in when worse comes to worst."

* * *

There were no new developments in the case throughout the day kaya hindi rin umasad
ang imbestigasyon namin. Mukhang ang tanging paraan lang upang makakuha pa kami ng
clue tungkol sa killer ay ang pagdikit sa kaniyang target.

Leigh's dormitory was not that far from the campus kaya nilakad lang namin ito.
Gusto nga ni Jamie na sumakay ng tricycle but I ignored her idea.

The apartment was only a two-storey building. Sa gate pa lang, bubungad na ang site
na FEMALE TENANTS ONLY. Meron ding female guard na nakabantay sa labas kaya
mahihirapang pumuslit ang mga lalaki. Dinala kami ni Leigh sa second floor at
pinapasok kami sa Room 202.

While the two of us are with the target, naka-standby lang sina Loki at Al sa
labas, observing kung sino-sino ang mga pumapasok sa apartment. If the killer is a
female, hindi siya mahihirapang makapasok. Pero kung lalaki siya, he needed to
disguise as a woman or magpanggap na may official business sa apartment, like a
fast food delivery or laundry guy.

Hindi ganon kalaki ang unit ni Leigh, sakto lang para sa isang tao. Wala siyang
monobloc chair kaya sa lapag kami umupo ni Jamie.

"It would be much better if Loki was here with me than you," bulong niya, nakatutok
ang kaniyang mga mata sa phone. "Mas masaya kung magdamag kaming magkasama habang
hinihintay ang killer."

"Wala ka

nang magagawa dahil mukhang ayaw talaga kayong pagsamahin ng tadhana sa mga
activity tulad nito." Mabilis akong nag-tap sa screen para mag-compose ng message
kay Al at sabihan siyang nakaposisyon na kami sa unit ng target.

Alas-kuwatro ng hapon kami nakarating doon at pagkalipas ng tatlong oras, wala pa


ring kumakatok o nagte-text o tumatawag kay Leigh. Dahil hindi namin naiwasang
mabagot, naisipan kong manood ng cat videos habang si Jamie nama'y may nilalaro sa
kaniyang phone.

Kung kami'y pa-relax-relax lang, hindi pa mapakali si Leigh. Naglalakad-lakad siya


sa harapan namin habang kinakagat ang kaniyang mga kuko.

"Kahit ikaw ang susunod niyang target, hind pa natin alam kung kailan siya aatake,"
sabi ko sa kanya. "Mas mabuti kung kumalma ka muna at huwag masyadong pa-stress."

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Mukhang may sasabihin siya pero
hindi na niya itinuloy.

Dahil wala rin akong magawa, naisipan kong lumabas muna ng kaniyang unit at
dumungaw sa may veranda. Maaliwalas ang kalangitan at tanging ang mga kumukutitap
na bituin ang makikita.

"Twinkle, twinkle little star. How I wonder what you are," I sang while staring at
the blinking lights above. Mabuti't wala si Loki dito kundi baka nawala na naman sa
mood 'yon.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Salamat sa mga posteng may ilaw, kahit
paano'y may nakikita pa ako sa dilim. Normal ang senaryo sa labas-mga aleng
nagtsitsismisan, mga lalaking nakatambay sa mga tindahan-pero biglang may nakapukaw
sa atensyon ko.

There was a man who was standing behind a lamp post. I could see the smoke

of his lit cigarette from where I stood. I had the feeling it was the same man who
followed me this morning.

Maybe it's time to confront him and ask why he's been in the places na pinupuntahan
ko.

Akmang maglalakad na ako patungo sa hagdanan pababa nang marinig kong bumukas ang
pinto sa likuran. I saw Leigh's face as white as snow, showing me her phone where
an unregistered number was flashing on the screen. Bumalik ako sa loob at umupo sa
tabi ni Jamie. Sinensyasan ko si Leigh na sagutin ang tawag at ilagay sa
loudspeaker ang phone.

Napalunok muna siya ng laway bago siya nakasagot. "Hello? Sino ho sila?"

"Good evening! Si Leigh Pineda po ba ang kausap ko ngayon?" The voice sounded
masculine, probably around thirties to forties.

Nabalot ng pagtataka ang mukha ng babae. "A-Ako nga ho. May kailangan kayo sa
akin?"

"Eto nga pala si Restituto Mijares, isa sa mga campus police officer. Nakuha ko ang
number mo noong pumunta kayo sa station namin para sabihin na may possible threat
sa mga buhay n'yo."

Nagliwanag ang mukha ni Leigh. "Ah! Oo, naaalala ko. May update na ho ba kayo sa
kaso?"

"Na-apprehend na namin ang suspek sa pagpatay kina Perry Enriquez at Jessy


Nepomuceno. Baka lang ma-identify n'yo kung sino siya."

"Ta-Talaga!" Huminga nang malalim si Leigh, biglang nawala ang pangamba sa kanyang
mukha.

"Isasailalim na siya sa inquest proceedings. Pwede ba kayong pumunta ngayon sa


campus? Hintayin ko kayo sa entrance gate?"

"Sige, mag-aayos lang ako nang kaunti then pupunta na ako diyan."

"I-text n'yo na lang ako kapag malapit na kayo o kapag nasa gate na kayo para
masundo

ko kayo"

Pagkababa niya ng tawag, ngumiti si Leigh sa amin na parang nanalo na siya sa


lotto. "Yes! Nahuli na raw 'yong killer!"

Nagkatinginan lang kami ni Jamie. If she was easily fooled by that call, we
weren't.

"Sorry to burst your bubble, but the one who called you was probably the killer."

The wide smile on Leigh's face faded and it was replaced by her knitted eyebrows.
"But you heard him, right? He said he's from the campus police."

Ngayon ko na napagtanto ang lahat. The reason why Jessy was seen hurrying out of
the hostel kahit alas-nuwebe na ng gabi. The reason why, despite the warning from
the campus police and her friends, she met with someone and had herself killed.
Maliban kasi sa mga kaibigan niya, may ibang tao pa silang pwedeng pagkatiwalaan
ngayong nanganganib ang mga buhay nila-ang mga pulis.
If we weren't here to stop Leigh, she would have been killed in the next few
minutes or hours. Kaagad kong tinawagan si Loki para humingi ng payo kung ano ang
susunod naming gagawin.

"Someone from the campus police, huh?" He didn't sound surprised by what we found
out.

"What should we do now? Clearly hindi namin pwedeng papuntahin doon si Leigh dahil
siya ang target."

"We can use her as a bait but Alistair would protest about using this method.
However, we can't let this chance pass. The culprit will reveal himself to his
target before killing her so it can be our window of opportunity."

"But how?"

"We need to pretend to be his target."

Jamie and I exchanged glances.

"What do you mean, my dear

Loki?" tanong niya. "Paano kami magpapanggap na target niya?"

"One of you disguises as Lea, from her hairdo to what she wears. Madilim na ngayon
kaya the culprit can't easily tell who's who. Decide between you and Jamie kung
sinong magdi-disguise."

Narinig ko ang boses ni Al na nagrereklamo but Loki abruptly hang up kahit may
ilang katanungan pa ako sa kanya. My friend must be debating by now na hindi kami
dapat gawing pain.

I looked at Leigh and observed her curly hair that went past her shoulders. Meron
din siyang bangs gaya ko at payat din ang pangangatawan niya tulad ni Jamie.

"Let's settle this thing the old way, shall we?" sabi ni Jamie as she showed me her
clenched fist. "Kung sinong matatalo, siya ang magiging bait, okay?"

Wala akong magawa kundi pumayag sa arrangement na gusto niya. If luck is on my


side, I will win and Jamie will have to pretend as Leigh.

"Game."

"Jack-en-poy!"

* * *

Lady Luck wasn't smiling upon me today at ako ang napiling maging tribute para sa
planong ito. Isinuot ko ang casual clothes ni Leigh at ikinulot nila ang buhok ko
gamit ang hair curler. Nang tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, wala naman
masyadong nagbago. Kung kilala man ako ng killer, kaagad niyang mare-recognize ang
mukha ko.

"Let me borrow your phone. The killer will probably contact you para itanong kung
nasaan ka na."

Hindi na nagdalawang-isip pa si Leigh at kusang ibinigay ang kaniyang personal


gadget. Nang okay na ang lahat, lumabas na kami ni Jamie sa kaniyang unit.
"Remember: Habang wala pa kami, wala kang papapasukin

or huwag kang lalabas, ha?" paalala ko sa kaniya.

Tumango siya. "Basta balitaan n'yo ako kaagad kapag nahuli n'yo na siya."

"We will, don't worry."

We left her apartment building and walked our way back to the campus. Medyo
nakakapanibago ang temporary hairstyle ko at ang suot kong damit. I hope we can
fool the killer with my appearance.

Nang malapit na kami sa entrance gate, tinext ko ang number na tumawag kanina para
tanungin kung saan kami magkikita. He replied to me na he is at the second crime
scene sa may puno kaya baka pwedeng dumiretso na ako doon.

Nakita kong nakaabang sa guard house sina Loki at Al. I could see the hint of worry
on my childhood friend's face. Dati kasi, si Jamie ang ginawang pain. Ngayon, ako
naman. Speaking of her, tumakbo siya papunta kay Loki at niyakap ito na parang
antagal na nilang hindi nagkita. Pupuntahan ko sana sila pero sumenyas si Loki na
dumiretso lang ako.

Ilang hakbang pa lang ang layo ko mula sa kanila, naramdaman ko ang pag-vibrate ng
aking phone at sinagot ang tawag mula kay Loki. "What is it?"

"Do not hang up. We want to hear how the killer's voice sounds like and how he
speaks. Don't worry, we will be right behind you."

Hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdamang kaba. Whoever I'm meeting with,
he could easily slit my throat and stab me many times, but that didn't scare me.
Baka dahil tiwala ako na maliligtas ako nina Loki at Al sa oras na nasa panganib na
ako. Or maybe I was already used to it.

Lumingon ako sa aking likuran at sandaling inilibot ang mga mata ko. Hindi ko na
maaninag

ni anino ng lalaking sumunod sa akin sa apartment ni Leigh.

Ilang metro na lang ang layo ng White Hostel mula sa nilalakaran ko. At sa bandang
kaliwa, malapit sa puno kung saan nakitang nakahandusay ang bangkay ng ikalawang
biktima, naka-park ang isang police car. May isang lalaking nakasuot ng light blue
na damit, kasing kulay ng uniform ng mga taga-campus police.

Pinilit kong umubo at umasang magtutunog malambing ang aking boses, gaya ni Leigh.
Lumapit ako sa lalaking nakatalikod sabay sabing, "Officer Mijares?"

"Sorry, may ginagawa pa si Officer Mijares kaya ako muna ang pinadala niya para
sunduin ka."

Pagkatalikod niya, bumati sa akin ang isang pamilyar na mukha. Napalunok ako ng
laway at napaatras ng dalawang hakbang. Ipinasok ko aking kamay sa kanang bulsa ng
suot kong palda kung saan nakatago ang stun pen.

"Inasahan kong makikialam kayo sa kaso kaya hindi na ako nasorpresang makita ka
rito. Kahit ano pang ayos sa buhok mo, makikilala pa rin kita, Lorelei Rios."

Ngayon lang nag-sink in ang kabang hindi ko naramdaman kanina. Lumabas ang tibok ng
puso ko at naramdaman kong namuo ang malamig na pawis sa aking noo. Gusto kong
tumakbo pero tila nanigas ang mga paa ko at ayaw nilang gumalaw.
"Moriarty wanna say hi," said Officer Bastien Montreal, revealing a knife in his
right hand.

###

P.S. One general down (out of four), one more to be revealed in the next update!
The resolution part will be posted on 08.08.16.

=================

Volume 2 • Chapter 26: Game of Shadows (The Resolution)

A/N: Another general is about to be revealed. NO SPOILERS in the comments section


please!

LORELEI

"DON'T MOVE," Bastien Montreal whispered to my ear. Itinutok niya ang hawak na
kutsilyo sa aking leeg at naramdaman ko ang talim nito. Napalunok ako ng laway,
nakatingin sa kaniyang nakangising mukha. Kitang-kita sa kaniyang nakakakilabot na
ngiti na may balak siyang masama sa akin.

I never saw this side of him ever since Loki and I met him in the bella donna case.
What I saw before was a clumsy campus police officer. Baka ako lang pero tila
nagkulay pula ang pupil ng kaniyang mga mata, and I could see the lust for blood in
them.

It would be foolish to shout or run away while his knife is at my throat. He could
kill me any moment now, pero hindi niya magawa. I am at his mercy, and he's
probably enjoying the sight of my

pale face.

"Ilabas mo ang mga phone na itinatago mo."

Dahil sa takot na bigla niyang gilitan ang leeg ko, sinunod ko ang gusto niya. I
gave him Leigh's phone and mine. Lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang makitang
naka-connect pa rin si Loki na malamang ay nakikinig sa pagbabanta sa akin ni
Bastien.

Tinanggal niya ang case ng parehong phone at itinapon ang mga battery nito sa
damuhan. Ibinulsa niya ang mga ito at muling ibinaling ang tingin niya sa akin.

"You are too predictable. Using a bait to lure me out," kumurba ang gilid ng
kaniyang labi. "Hindi na ako nagtataka kung bakit laging ahead si Moriarty sa
inyo."

"A-Anong balak mong gawin sa 'kin?"


Itinuro niya ang police car. "Get inside. Dadalhin kita sa lugar na walang
makakakita sa atin."

Without any protest, sumunod na naman ako sa utos niya. Nakatutok pa rin ang
patalim sa aking leeg at pakiramdam ko'y bahagya nang nasugatan ito sa sobrang
lapit.

Umupo ako sa passenger's seat habang siya nama'y nasa tabi ko. Ini-lock niya ang
pinto para siguruhing hindi na ako makakatakas. Ang tanging magagawa ko lang ay
agawin ang manibela sa kanya at i-crash ang kotse sa puno o pader para magkaroon
ako ng pagkakataong makatakas.

Ang pag-asa ko na lamang para makaalis sa sitwasyong ito ay sina Loki at Alistair.
But how could they find me kung naka-off na ang phone na pwede sana nilang i-track?

Sinimulan ni Bastien na paandarin ang police car at nilibot namin ang campus
grounds. Sinabayan niya ang pagda-drive ng pagha-hum ng Twinkle, Twinkle, Little
Star kaya lalo akong nangilabot. Nanigas ako sa aking kinauupuan. Kung

pwede lang basagin ang bintana at tumalon, gagawin ko.

I remember Inspector Estrada telling us na walang na-monitor na kahina-hinala ang


nagpa-patrol na campus police officer noong gabing pinatay si Jessy. If Bastien's
the one behind these murders and he was in-charge of patrolling the school grounds,
then that made it easier for him to commit a crime. Sino bang makakaisip na pulis
ang nasa likod ng krimen?

"Ikaw ba ang pumatay kina Perry at Jessy?" nagtatapang kong tanong sa kaniya. I
only looked at him through the rearview mirror. There's a glint of madness in his
eyes. This is what it feels like to be alone with Moriarty's agent. Fear is
creeping into my skin.

Sumulyap siya sa akin bago niya muling ibinaling sa daan ang kaniyang tingin. "I
believe you don't have any recording device with you kaya walang problema kung
aaminin ko sa 'yo. You will not be able to tell the police after all."

Dapat pala hiniram ko 'yong earrings na imbento ni Herschel na kayang palihim na


mag-record ng video at audio. He is about to confess a crime and such confession
can be used as evidence against him. Bakit ngayon ko lang naisip 'to?

"Oo, ako nga ang pumatay sa kanilang dalawa."

Ilang beses na siguro akong lumunok ng laway sa "road trip" namin. "Pero bakit?
Meron ka bang galit sa kanila kaya iniisa-isa mo sila?"

Naging seryoso ang kaniyang mukha pero napapanatili ng kaniyang mga mata ang
nakakakilabot na tingin nito. "I have nothing against them, but since a client
requested for our group's help, we needed to deliver. Kung iisipin, halos pareho
lang tayong may kani-kaniyang grupo,

kaso magkaiba ang purpose natin."

Someone already told me that Moriarty and his agents are criminals for hire, hindi
ko lang matandaan kung sino. At ang unang taong sumagi sa isip ko na iha-hire ang
mga tauhan ni Moriarty para patayin sina Leigh at mga kaibigan niya ay si Jeffrey.
That must be why he's delighted to hear about their deaths.

Inihinto ni Bastien sa likod ng abandoned school building ang kotse. Binuksan niya
ang compartment sa dashboard at inilabas ang isang casette tape recorder na tulad
sa mga iniwan sa dalawang crime scenes.

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at ngumiti na parang isang demonyo. "Ayaw
kong sirain ang pattern pero kailangan kong gawin 'to dahil napili mong humadlang
sa misyon ko."

May namuong malamig na pawis sa aking noo na hinayaan ko lang tumulo. Sana mahanap
kaagad ako nina Loki at Al. Sana mailigtas nila ako mula sa balak gawin ng lalaking
'to.

Muli niyang itinutok ang patalim sa likod ko at pinauna akong lumabas ng police
car. Dahil nasa likod kami ng abandonadong gusali, wala akong maaninag na
estudyanteng dumaraan para hingan ko ng tulong. Pagtapak ko sa damuhan, naisip kong
pwede na akong tumakbo palayo sa kanya. Pero sa sobrang takot, hindi kakayanan ng
mga binti kong makatakbo nang malayo.

Pumasok kami sa loob ng walang katao-taong school building. Inilabas niya ang
kaniyang flashlight para ilawan ang dinadaanan namin. Dinala niya ako sa isang
lumang classroom na may crack na sa sahig at sira-sirang armchair na nagkakapatong-
patong sa isang gilid.

He closed the door that made a creaking noise. I looked around

the dimly lit classroom para tingnan kung may tatakasan ako maliban sa pintuang
pinasukan namin. Unfortunately for me, that was the only entrance and exit.

Inilabas ni Bastien ang kaniyang phone at nagsimulang mag-tap sa screen nito. I


heard the familiar tune of Mary Had A Little Lamb. Kahit wala siya rito, naramdaman
ko ang presensya ni Moriarty. My hairs raised nang marinig ko ang parang boses ng
batang sumagot sa mga tanong ni Bastien.

Napahawak ako sa aking palda at nakapa ang mala-ballpen na bagay sa bulsa ko. Dahil
sa sobrang takot ko magmula nang makita ko si Bastien, nakalimutan kong may armas
pala akong pangontra sa kaniya. I only need to stab him with the stun pen and press
the button at the end para ma-paralyze siya.

But I can't just charge at him and try to neutralize this killer. Kailangan kong
maghintay ng tamang timing. Or else, my attempt will fail and I will end up like
his first two victims.

Lumapit siya sa akin at pinaglaruan ang dulo ng patalim sa leeg ko. Parang
tinatantiya niya kung saan niya ito gigilitan. Malamig ang blade nito kaya tuwing
tumatama sa aking balat, tumatayo ang mga balahibo ko.

"Saan ako dapat magsimula? Sa leeg o..." Dahan-dahan niyang ibinaba ang patalim,
bahagyang nakadikit sa aking balat kaya parang ginuguhitan niya ako. Inihinto niya
ito sa aking tiyan. "...baka pwedeng dito?"

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at napalunok ng laway. Hindi ko na


mapigilan ang panginginig ang mga tuhod ko, gusto na nilang bumigay sa takot.
Napakapit din ako sa hawak kong stun pen sa bulsa. Dapat maunahan ko siya bago pa
niya ako

masaksak.

"This is what happens when you get in Moriarty's way. Don't blame me fo-"

WEE-WOO-WEE-WOO-WEE-WOO!
Iminulat ko ang aking mga mata pagkarinig ko sa sirena ng mga pulis. Dahil sa hindi
inaasahang tunog na 'yon, lumingon-lingon si Bastien sa kaniyang paligid, tila
hinahanap kung saan nanggaling 'yon.

Now's my chance! Mabilis kong tinakbo ang exit ng classroom at inabot ang doorknob.
Bastien was like a hungry lion who jumped at me para pigilan akong makatakas. Bago
ko pa maabot ang pinto, bigla itong bumukas at parang torong lumusob si Al. He
kicked Bastien sa abdomen, dahilan para matumba ang campus police officer nang una
ang likod.

"Al!" Halos mapaluha ako nang makita ko ang aking childhood friend. Niyakap ko siya
nang mahigpit at hinaplos niya ang likod ko. Moments ago, I thought I was already a
goner. If it weren't for him, I would be lying on the dirty floor, bathing in my
own blood.

Sunod na pumasok si Loki sa loob kasama si Jamie na nakahawak sa kaniyang braso. He


was holding his phone at doon galing ang tunog ng police siren. Ang akala ko'y
dumating na ang pulis, ngayon pala'y ginamit niya lang itong pang-distract kay
Bastien.

"Paano n'yo nalamang nandito ako?" nanginginig pa ang aking baba habang binabanggit
ang bawat salita sa tanong ko.

"I contacted Herschel the moment we lost contact and asked him to track down your
phone and Leigh's," Loki explained as he started tapping on his phone screen. "But
because both phones were turned off, he wasn't able to locate them."

"Mabuti na lang, natatandaan ko 'yong phone number ng

tumawag kay Leigh kanina," sumingit si Jamie na parang lintang nakadikit sa aming
club president. "I told them the number and my dear Loki's friend told us the
direction."

"Dahil nagmadali kaming pumunta rito, hindi na namin na-contact ang campus police
para sabihin sa kanilang nasa panganib ang buhay mo," dagdag ni Al sabay hawak sa
chin ko.

"Don't worry, I'm about to call Inspector Estrada and tell him that one of his
underlings is a suspect for murd-"

SHIIIIIIIIIING!

Bastien threw a knife at Loki's direction at saktong tumarak ito sa kaniyang phone.
Napatingin kaming lahat sa campus police officer na tumayo't ipinagpag ang suot
niyang itim na pants para maalis ang alikabok.

"Sa tingin n'yo ba'y kaya n'yong akong patumbahin sa isang sipa lang?"

The enraged campus police officer charged at us but Al quickly stepped in front and
faced Bastien head on. He threw some punches and kicks at him but Bastien only
blocked them with his strong arms. Muling sumuntok si Al pero napigilan ito ng
campus police officer nang hawakan niya ang kamay nito.

"What-"

Sinikmuraan ni Bastien ang aking kababata, dahilan para mapabuga siya ng laway. The
campus police officer then made a quick chopping gesture at Al's nape. I clapped my
hands on my mouth as I saw my childhood friend collapse on the floor. Ngayon pa
lang ako nakakita ng taong nakatalo sa kaniya.
"AL!"

Wala nang inaksaya pang sandali si Bastien at lumusob sa direksyon ko. I pulled out
my stun pen and prepared to stab him with it but he anticipated my move and grabbed
me by the wrist. Hinigpitan niya ang hawak

sa kamay ko hanggang mabitawan ko ang stun pen. Bigla niyang tinamaan ang tiyan ko
gamit ang kaniyang kanang tuhod.

"LORELEI!"

Parang mawawalan na ako ng malay sa sobrang sakit. Napahawak ako sa parteng


tinamaan niya sabay bagsak sa sahig. Namimilipit na ako sa iniindang tama sa aking
tiyan.

Iniangat ko ang aking ulo at napansing naglabas ang serial killer ng isang bagong
patalim. Sunod na siyang naglakad sa direksyon ni Jamie.

"Totoo nga ang sabi nila, kamukha mo nga ang babaeng 'yon," sabi ni Bastien habang
iwinawasiwas ang kaniyang blade.

Napaurong ng hakbang si Jamie kasabay ng pagpagitan sa kanilang dalawa ni Loki.


Hindi ko pa nakitang makipaglaban ang aming club president kaya hindi ko masabi
kung may ibubuga siya laban sa bihasang campus police officer.

Ang tanging makakapigil lang kay Bastien sa sitwasyong ito ay ang stun pen na
gumulong malapit sa paanan ni Loki. Nakahawak pa rin ako sa aking tiyan at dahan-
dahang gumagalaw para hindi ko masyadong maramdaman ang sakit.

"Tumabi ka, Loki," seryosong sabi ni Bastien. "Hindi kita pwedeng saktan. You are
untouchable."

"What do you mean?"

"Moriarty made it clear to us that no one should lay a finger on you except him.
Kung sasaktan kita ngayon, my head will be on a spike."

"Dadaan ka muna sa akin bago mo siya masaktan." Loki stretched his arms na parang
goalkeeper sa isang soccer game na ayaw makapuntos ang kalaban. Niyakap siya ni
Jamie mula sa likuran at kahit medyo madilim sa classroom na 'to, nararamdaman kong
puno na ng takot ang mukha ng babae."

"Naalala mo ba si Rhiannon sa babaeng

'yan kaya ayaw mong mangyari sa kanya ang ginawa ko sa partner mo?"

Silence.

It took a few seconds bago nag-sink-in sa utak ko ang mga sinabi ni Bastien. In a
way, he confessed that he was the person behind Rhea's murder!

"It was you." Loki's voice grew colder and I could feel him shooting daggers at the
killer. "I thought you were merely copying how my friend was killed to remind me of
that tragic memory. The reports on her murder were never made public so the only
ones who could have replicated the crime scene must be someone from the campus
police. And it happened to be you."

"Sinunod ko lang kung ano ang plano ni Moriarty. He wanted to emotionally torture
you by making the crime scenes similar to Rhiannon's."

"Then why did he have her killed?"

"She stepped on something that she shouldn't have. Nang sinabihan ko si Moriarty
tungkol doon, ipinag-utos niya kaagad na patahimikan siya."

It was dark in the room so I can't catch a glimpse of Loki's reaction. Pero
nararamdaman ko ang galit na muling kumulo sa loob niya. He must be restraining
himself lalo na't nasa disadvantage kami ngayon.

"Step aside, Loki. Ayaw kitang masaktan."

"I won't."

"I told you to step asid-"

May biglang pumasok na liwanag mula sa pintuan, liwanag mula sa iilang flashlight.
Sinundan ito ng mga mabibigat na yabag ng paa.

"Officer Bastien Montreal, put down your weapon!"

I turned to my side to see who arrived just in time. Four to five men wearing the
same light blue uniform like Bastien held their guns firmly and pointed them at
their colleague. Pagkalingon niya sa pintuan,

mabilis na yumuko si Loki, dinampot ang stun pen sa sahig at itinusok ito sa leeg
ng lalaking nasa harapan niya.

Bzzz!

Bastien drooped his knife and collapsed on the floor, his eyelids were half closed
as he stared at the ceiling. All Loki needed was a distraction, thanks to the
arrival of the other campus police officers. But how did they know that we are
here? Hindi naman natuloy ang tawag ni Loki kay Inspector Estrada kanina.

"Are you okay, Lorelei?" lumapit ang isang lalaking nakasalamin sa akin at
tinulungan akong makaupo nang diretso. Napa-aray ako dahil masakit pa rin ang tiyan
kong tinamaan ni Bastien kanina.

Iniangat ko ang aking ulo at nakita ang nag-aalalang mukha ni Sir Jim Morayta. May
naaninag akong lalaki sa likuran niya at sinubukan kong kilalanin ito.

I gasped when I recognized the face. The bangs that covers one of his eyes, the
cigarette stick stuck between his teeth. It was the guy who was following me
earlier.

"You always put yourselves in dangerous situations," Sir Jim silenced me when I
tried to speak. "Maybe it is time for us to talk about this case. But not now.
Kailangan n'yo munang magpahinga."

Inilalayan ng dalawang campus police officer si Al na wala pa ring malay hanggang


ngayon. Kinakausap naman ng isa sa kanila sina Loki at Jamie, tinatanong kung
nasaktan sila o nasugatan.

Though he's still unconscious, Bastien was handcuffed by his co-officers and
brought out of the abandoned building. Inilagay sa plastic bag ng mga pulis ang
patalim na ginamit niya para pagbantaan kami. If that's the same knife he used to
kill Perry and Jessy,
then they will find traces of their DNA and he will be incarcerated for murder.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinayaan buhatin ako ng mga campus
police officer. I endured the pain for a bit longer.

* * *

Pinatingin nila kami sa clinic at pinagpahinga ng ilang oras. Al remained


unconscious due to the blows he received from Bastien but he is now okay. Pagpatak
ng alas-nuwebe ng gabi, sinundo kami ng campus police officers at dinala sa
kanilang station. They want us to testify against their own personnel who was
involved in the recent murders.

Loki, Jamie and I were led to the observation room. Nandoon na si Inspector
Estrada, nakakrus ang mga braso, may bahid ng pagkadismaya sa kaniyang mukha at
nakatingin sa salamin. Through that glass, we could see Bastien whose handcuffed
hands were placed on the table.

"Hindi ko inakalang magagawa ng isang tulad niyang makapatay ng tao," the inspector
said while shaking his head, still staring at the image of his guilty subordinate.
"Isang malaking dagok sa amin kapag nalaman nilang kabaro namin ang killer sa
dalawang babaeng 'yon."

"Make it three. He confessed earlier that he also killed my late partner more than
six months ago." Loki stood beside the inspector and set his gaze at the culprit.

There was a hint of surprise on the old man's face as he briefly shot a concerned
look at my companion. "Are you... okay?"

"There are some questions I wanna ask that guy. His answers might help us solve the
Moriarty case."

"Hindi ko pinapayagan ang mga sibilyan na makausap ang suspek. It is against our
protocol," muling ibinaling

ng inspector ang kaniyang tingin kay Bastien. "Pero lagi mo naman kaming
tinutulungan sa mga kaso kaya I will make an exemption tonight."

"Thank you," sabi ni Loki bago siya lumabas ng observation room at pumasok sa
kabila. Iniwan niya kaming dalawa ni Jamie sa tabi ng inspector. Nakita namin ang
kaniyang pagpasok sa interrogation room at ang pag-upo niya sa tapat ni Bastien.
Sinamahan siya ng isa pang campus police officer.

"When I was hugging him earlier, I could feel him trembling, not in fear but in
rage," Jamie shared while we were patiently waiting for what Loki will say or do.
"Rhea's death really had an impact in him."

"And now, he's face-to-face with her killer," I added. I could feel how hard he
tries to repress his anger. Hindi gaya ng komprontasyon nila ni Stein noon, mas
nakakapagtimpi na siya ngayon.

"Tell us what you know about Moriarty," Loki began as they locked sights in each
other's eyes. "Tell us everything you know about him."

"And why would I do that?" Bastien started tapping his finger on the table. There
were some quick taps and long taps which Loki observed. "Telling you a thing about
him would cost me my life."
My companion fell silent and only the soft sound of Bastien's tapping finger could
be heard in the room. When he stopped, Loki resumed his questioning.

"Is Stein Alberts the real Moriarty?"

Taaaap. Tap. Taaaap. Taaaap.

Tap.

Tap. Taaaap. Taaaap. Tap.

"Stein who? Hindi ko siya kilala. Sorry to disappoint you," Bastien shook his head
slowly.

"Why did Moriarty have Rhea killed? Was it because of the case files from

a year or two ago that she requested from the campus police?"

"Hindi ko na maalala ang nangyari noon. Sorry to disappoint you. Again." Bastien
repeated the same tapping pattern seconds ago. He was tapping the table as if it
was a rhythm of a song. "Maybe you can ask Moriarty when you meet him face to
face."

"He is obviously evading the questions!" Jamie hissed, looking irritated. "Bakit
hindi na lang niya aminin? Nahuli na rin naman siya."

Aside from Bastien's tapping, something's weird with Loki. He wasn't repeating the
question or demanding a straight answer from his interviewee.

"How large is your group? How many agents does Moriarty have?"

"Pasensya na pero wala akong ideya kung gaano kalaki ang organisasyon. But there
are four of us whom he trusts. Kung halos lahat ng mga tauhan niya ay mga pawn,
kaming apat ang tumatayong rook, bishop at knight habang siya ang king. You can
consider us as his generals."

"Four?"

Nagbato ng pagtinging may pagdududa si Bastien sa kasama nilang officer sa kuwarto.


Sunod siyang tumingin sa direksyon namin kahit sa tingin ko'y hindi niya kami
nakikita. He leaned forward, a little closer to Loki, and lowered his voice.

"I usually clean the mess kapag may pumalpak na tauhan si Moriarty. Kung may mahuli
ang campus police, sinisiguro kong mapapatahimik ko siya bago siya kumanta. While
I'm doing the dirty work, the three of us are assigned to... let's say...
administrative duties."

"You know who they are?"

"Hindi ko kilala 'yong dalawa pero nakausap ko na 'yong isa. We needed to keep in
touch so I can pass along information to

him."

"You were reluctant to say anything earlier. Why spill the beans now?"

"So you would know kung anong panganib ang pinasok n'yo. Arresting me is barely
scratching the surface."
"Then tell us who can lead us to Moriarty's inner core. You are already under
police custody. No one can hurt you now."

Tumawa nang mahina si Bastien at saka siya sumandal sa kaniyang upuan. "Hindi ako
nag-aalala para sa sarili ko. Nag-aalala ako para sa taong malapit sa akin."

"What do you mean-"

"If Moriarty can't hurt you directly, then he will hurt the people you hold dear.
That's how he gained his agents' loyalty. He exploits people's weak spots," tugon
ni Bastien. "He told everyone in our organization that you are never to be harmed
but we can hurt anyone around you. Look at what he asked me to do to your late
friend."

Loki only stared at him for a few seconds. "Give us a clue on one of his so-called
generals. If we take down Moriarty's organization now, they can't hurt someone you
care about."

Sumenyas si Bastien sa kasama nilang officer. "Medyo nauuhaw na ako sa pagtatanong


ng lalaking 'to. Pwede ba akong makahingi ng malamig na tubig, 'yong may yelo."

Hinintay muna nilang dalawa na bumalik ang pulis na may dala-dalang baso ng tubig.
Diretso itong ininom ni Bastien, halatang uhaw na uhaw nga siya. Nang naubos na ang
iniinom niya, kumuha siya ng yelo rito at ipinakita kay Loki.

"You want a hint? Here's your clue."

"An ice cube..." Loki eyed that thing before returning his gaze to the guy seated
across the table. "How will that ice help me uncover his general's

identity?"

"Show me your palm."

Mukhang nagdalawang-isip muna si Loki bago niya ginawa ang sinabi ni Bastien.
Ipinakita niya ang kaniyang palad sa kaniyang kausap at sinundan ng mga mata niya
ang galaw ng kamay nito.

Bastien put the ice on Loki's palm and he began drawing a certain symbol on it.

"An infinity sign?" taas-kilay na tanong ng kasama namin.

"To remind you that your pursuit of Moriarty will lead you nowhere. You will go in
circles until you grow tired of the chase."

TOK! TOK! TOK!

Their conversation was interrupted by three knocks on the door. Another campus
police officer appeared and told Bastien that it's time for him to be escorted to
the city's police department.

"Good luck on your quest, detective," he told Loki before leaving the interrogation
room. Lumabas din si Inspector Estrada para samahan ang mag-e-escort kay Bastien.

"May nakuha bang useful info si Loki dear sa kaniya?" tanong ni Jamie nang maiwan
kaming dalawa sa observation room. "Ang alam ko lang ay may apat na generals si
Moriarty."

"We already got one of them. Three more to go."


Saktong lalabas na kaming dalawa ng kwarto nang biglang may marinig kaming
kaguluhan sa labas.

"EVERYONE, DON'T SHOOT!"

"OFFICER BASTIEN, PUT DOWN THE GUN NOW!"

"Forgive me, Elle."

BANG!

The sound of a gunshot rang outside the room. Nakasalubong namin si Loki na
tumatakbo rin sa hallway patungo pinagmulan ng putok. Pumunta kaming tatlo sa lobby
ng police station kung saan nakapalibot ang mga pulis at si Inspector Estrada sa
katawan ni Bastien.

He was holding a gun and his brains scattered on the floor along with a pool of
blood.

I quickly looked away while Jamie screamed at the sight of the horrific scene. I
heard Loki cuss as he stared at the corpse of the man who could have helped us
close the Moriarty case.

"Hinablot niya ang baril ng isa sa mga police escort niya at binaril ang sarili,"
paliwanag ni Inspector Estrada.

Pinalabas muna kami sa station habang nililinis ng mga pulis ang suicide scene ni
Bastien. Nakita kong nakaupo si Jamie sa may hagdanan, kinakagat ang kuko at
nanginginig ang mga tuhod. Hinaplos ko ang kaniyang likod para pakalmahin siya. Her
retentive memory probably saved that gory image.

Palakad-lakad lang si Loki sa harapan namin habang magkadikit ang mga daliri. He
seemed to be disappointed and in deep thought. The only scarlet thread that will
lead us to Moriarty has been cut.

"We are back to square one again," I commented, still caressing Jamie's back.

"No, we are not," Loki said with conviction.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "What do you mean?"

"Before Bastien himself severed the thread that connects him to Moriarty, he told
me a vital clue."

"About the four generals on Moriarty's chessboard?"

"No, about one of the four."

I tried recalling what Bastien told Loki in the interrogation room, but never did
he say a word about it. "Wala naman siyang sinabi. He only showed an ice cube and
drew some symbol on your palm."

Loki paused from pacing the pavement and turned to me. "You see but you do not
observe. That ice cube and the infinity

symbol are the clues he left for us to identify one of Moriarty's generals."

"But how? Anong clue ang meron sa kapirasong yelo?"


"As every human being should know, ice is spelled as I-C-E. If you rearrange those
letters, you can form an acronym that may make sense to you."

"How about the infinity symbol?"

"It wasn't an infinity symbol. It was the number eight! Think of anything related
to that number!"

Naalala ko lang 'yong base eight na itinuro sa amin ni Sir Jim at ang oxygen na may
atomic number na 8. Sumagi rin sa isip ko 'yong bombang may eight-letter password.

Masyado nang maraming nangyari ngayong araw kaya hindi na ako makapag-isip nang
matino.

"Spill it already."

"The eighth month in the Gregorian calendar is August, named in honor of Augustus
Ceasar. If you put those two clues together..."

My eyes widely stared at Loki as I finally got the clues Bastien left for us. That
confirms our suspicion! Back in the blackmailing case, Loki deduced that someone
from the school paper who had Adonis' phone number gave that casanova compromising
photos of some students.

"One of Moriarty's generals is Augustus Moran, the EIC of Clark Gazetta."

###

A/N: To those who have "guessed" that Gus is one of M's generals, you are right. To
those who have "deduced" his affiliation with Moriarty, congratulations!

Two down (one dead), two more to go! Who's next?

NEXT CHAPTER PREVIEW:

"Moriarty's gang became active two years ago. We believe they started by disguising
their targets' death as suicide or accident."

"Meron ba silang prominent victim noon?"

"A former president of the student council. Pagkatapos ng aksidenteng kinasangkutan


niya, naging lantaran na ang pagpatay na ginagawa ng mga tauhan ni Moriarty."

"And that person's name is?"

"President Jaime Santiago."

SHAMELESS PLUG:

If you are a fan of PROJECT LOKI, join our Facebook group! Just search The Q.E.D.
Club (Project LOKI) or go to https://www.facebook.com/groups/theqedclub

=================
Volume 2 • Chapter 27: The Spider's Scarlet Threads (The Case)

LORELEI

THE CASE of the so-called Twinkle, Twinkle Murders was finally closed. The news
about Officer Bastien Montreal's involvement in the foiled serial killings was
never brought to light in the fear that the incident will undermine the integrity
of the campus police. Our school paper, though privy to this information, chose not
to publish anything related to the case.

Sa sumunod na araw, bumalik na sa normal ang lahat as if nothing happened. Alistair


and I continued our seemingly peaceful student lives as we intently listened to Sir
Jim Morayta's Math lesson for today. Hindi ganon kagrabe ang mga tamang tinamo niya
mula sa campus police officer na naka-one-on-one niya, pero may iniinda pa rin
siyang kaunting sakit.

Pagtunog ng school bell, pinatayo na kami ng aming Math instructor at sinabihan ng


assignment para bukas. When he was done, our clasmates began leaving the room.
Hinintay pa ako ni Al sa pag-aayos ng gamit habang nagpaalam naman ang seatmate
kong si Rosetta na mauuna na sa cafeteria.

"Excuse me? Miss Rios? Mister Ravena?"

Napalingon kami ni Al sa teacher naming binubura ang isinulat niya sa whiteboard.


The light reflected on the lens of his eyeglasses made it hard for me to see if he
was looking at my direction.

Isinara ko ang aking shoulder bag at nagtungo malapit sa teacher's desk. Al and I
exchanged brief glances as we wait for our instructor to finish cleaning the board.

"Yes, sir?"

"Remember what I told you before?" Sir Jim put the white board eraser in his little
box. "Na kailangan

nating mag-usap nina Loki tungkol sa Moriarty case?"

Nakaramdam ako ng pangingilabot matapos marinig ang pangalang 'yon. I did remember
him telling me noong suspended pa si Loki na marami raw kaming dapat pag-usapan. He
also said back in the Diogenes Cafe that he is an ally.

"Sa tingin ko, this is now the right time for us to talk about it. We are overdue
for a chat."

Napakurap ang mga mata ko sa sinabi. Did the incident last night compelled him to
reach out to us? "Mga anong oras at saan ho, sir?"

"Do you mind meeting me at the student executive committee office around twelve
noon? May kailangan lang akong kausapin ngayon sa faculty room."

"Sige ho."

He dismissed me and Al while he continued packing up his stuff on the table.


Lumabas na kaming dalawa ng childhood friend ko sa classroom at naglakad patungo sa
QED clubroom.
"That was the teacher who called the campus police officers last night?" tanong ni
Al, sadyang hininaan ang kaniyang boses para hindi marinig ng mga nakakasalubong
naming estudyante. Na-knockout nga pala siya kagabi nang iniligtas kami ng mga
awtoridad sa kamay ni Bastien. I wasn't able to tell him other details after he
regained consciousness.

I nodded as I darted a glance at him. "Ang hindi ko lang alam ay kung paano niya
nalamang nandoon tayo sa abandonadong school building. At saka kasama niya 'yong
lalaking sumusunod sa akin minsan kung saan man ako magpunta."

"Does that mean he's an ally?" Al asked, his eyebrows knitted. "If he's an enemy,
he could have not called the police and let that officer kill us."

"I hope that he is not

one of the bad guys." Wala rin akong nase-sense na evil aura mula kay Sir Jim kaya
malakas ang kutob kong hindi siya kabilang sa mga tauhan ni Moriarty. And he's
mature enough to be serving as a pawn to someone who considers himself as a king.

Tanging si Loki ang bumungad sa amin sa clubroom. His face was covered by latest
issue of Clark Gazetta he was reading. And surprisingly, there were no signs of
Jamie. It's either late siyang darating o wala talaga siya ngayon.

"Jamie's not feeling well today so she won't be with us today."

I haven't said anything but Loki already read my mind. Me looking around the
clubroom might have given my thoughts away.

"She could still remember what she saw last night so the image upset her."

One may say that having a retentive memory is a gift. But for those who possess it
like Jamie, it might be a curse. I remember one time noong may nirefer na kaso sa
amin ang campus police at ipinanood ang isang video kung saan sinusunog ng buhay
ang isang babae, Jamie quickly looked away, afraid that the image might be etched
in her exceptional memory.

Napatakip ako ng bibig nang muling sumagi sa isip ko ang itsura ni Bastien matapos
barilin ang sarili. Wala man akong memorya katulad ng kaniyang Jamie, sariwa pa sa
isip ko ang nangyari. Imagine kung magpe-persist ang ganong kadugong imahen sa utak
mo, it will scar you for life.

Al and I took our usual spots around the wooden table and told Loki about Sir Jim's
invitation to meet him at twelve. Our club president folded the newspaper and threw
it to the bookshelves.

"About time

for us to share information, huh?" Loki remarked as he got to his feet and started
pacing the room.

"We now know that Augustus Moran is one of Moriarty's generals. Maybe we should-"

Loki shushed me before I could even finish my sentence. "We will not tell them
about him."

"But why? If they are our allies and they can help us solve the Moriarty case,
dapat nating sabihin sa kanila ang mga impormasyong alam natin."

"We cannot be sure if they are really our allies. Remember what Bastien said back
in the interrogation room? The other three generals do some administrative duties.
Maybe they do not commit murder. Maybe they just keep the whole organization
running. And to be an effective administrator, one should have authority as a
front."

"What do you mean?"

"Moriarty's other two generals may be a part of the student council, the executive
commiittee or the faculty. Look at Augustus, he controls every information being
disseminated to the student body."

The moment he said student council, sumagi sa isip ko si Luthor. Loki described him
before as someone who reeks of evil and called him manipulative. Maybe he fits the
role as one of Moriarty's top officials. But I don't think Luthor will associate
himself with a group steeped in blood.

"By the way, you asked Bastien some questions last night but he avoided giving
direct answers." Muli kong naalala kaya naisip kong itanong sa kaniya. "Why didn't
you press the questions?"

"You may not have noticed it, but he already answered my questions. Not in the most
obvious way, if I may add."

Kumunot ang aking

noo. Parang ang gulong intindihin ng sinabi niya. "Does his finger tapping have
anything to do with it? Inoobserbahan mo kasi ang bawat tap ng daliri niya
kahapon."

"He was communicating via Morse code. A short tap represents a dot while a long tap
represents a dash. He may have verbally answered no, but he secretly answered yes."

Hindi ko memorized ang Morse code kaya wala akong ideya sa isinagot ni Bastien sa
kanya. "You asked him if Stein Alberts is Moriarty and if Rhea's death was
connected to the files she requested from the campus police."

"He answered yes to both questions," Loki replied. "I had my doubts about
Moriarty's identity but hearing it from one of Moriarty's closest confidants, I am
now inclined to think that Stein is the real criminal mastermind."

Never did I suspect that Stein might be the man pulling the strings in all the
murders and evildoings in the campus. Ilang buwan o taon na siyang nag-eexist sa
Clark High kaya malamang, nagsawa na siya sa pagtatago sa dilim at naisipan na
niyang tumapak sa liwanag. He's now playing a game similar to chess against Loki.
Moves and countermoves.

We did not waste anymore time at bumaba na kaming tatlo sa ground floor, patungo sa
office ng student executive committee. Katabi lang ito ng opisina ng student
council kaya pagtitig ko sa pintuan sa kanan, tila nararamdaman ko na ang aura ni
Luthor.

Tatlong beses na kumatok si Al sa pinto bago siya pinagbuksan ng isang lalaking


hindi namin kilala pero may badge na naka-pin sa kaniyang collar. We told him that
we are here to meet with Sir Jim Morayta.

Teka,

bakit nga pala dito napiling mag-meet ng Math instructor namin? We could have met
sa faculty room pero bakit kailangang sa execom office?
The guy ushered us into their office that was as big as the student council's.
Malamig din sa loob dahil sa airconditioning. Maraming papel ang nakakalat sa round
table sa gitna kung saan nakapalibot ang apat na estudyante, kasama na si
Margarette.

I initially suspected her as someone connected to Moriarty. Noong kasagsagan ng


bomb threat incident, nakita ko siyang kausap ang lalaking nakabuntot sa akin. I
assume if that guy is connected to the criminal mastermind, then Maggie is also
connected to him. Pero nang makita ko ang lalaking 'yon na kasama ni Sir Jim sa mga
sumagip sa amin, my suspicion subsided.

"What brings our famous detective club here?" she adjusted her spectacles as she
set her sight on us. Noong huli ko siyang nakita, hindi niya suot ang kaniyang
salamin. Wala man lang "good morning" o simpleng "hi" at "hello."

Loki pulled one of the chairs and sat on it. Parang feel at home siya rito. "We are
here to have a tea party with Sir Morayta. I believe you are invited as well."

Upon hearing the name of my professor, inutusan ni Margarette ang mga kasama niyang
ayusin ang mga nakakalat na papel sa mesa. Umupo rin kami ni Al sa tabi ni Loki,
kaharap ang chairwoman ng executive committee.

"You must be one of the new recruits," Margarette said with a smile, nakatuon ang
kaniyang tingin kay Al. "What's your name?"

"Alistair Ravena. Pleased to meet you."

"Margarette Fernandez. It's my pleasure," she then shifted her gaze to Loki

whose right hand was lightly tapping on the table. "I'm a little surprised to see
that your little club is growing. More potential collateral damage, huh? I heard
what happened last night, and the danger that almost got your other members
killed."

Loki stopped tapping as he gazed at the bespectacled girl across him. Maging kami
ni Al ay napatingin sa kanya.

"How did you know?"

But Margarette only flashed a mocking smile, showing an I-know-something-you-don't


face. Malabo na yatang magkaayos ang dalawang 'to. And maybe it's because of Rhea.

"That wasn't the first time you were put in danger, Lorelei. Binalaan na kita noong
una tayong nagkita," Margarette eyeglasses shone, reflecting the light from the
flourescent lamps on the ceiling. "And yet you are still here, trying to stay
alive."

"And I managed to survive every danger I have encountered," I replied.

We just stared at each other's eyes before she resumed reading a pile of papers on
her side. Kami namang tatlo, tahimik lang na nakaupo habang hinihintay ang
pagdating nni Sir Jim.

Tumingin ako sa clock display ng aking phone. Halos labinlimang minuto na ang
lumipas mula nang pumasok kami rito. Nabagot na rin sa kahihintay si Loki kaya
naisipan niyang maglaro ng Criminal Case sa kaniyang phone.

"Sorry to say, but Sir Jim is running late," Margarette read the text message she
received. "Napahaba ang discussion ng kausap niya kaya kinailangang mag-extend."

Ilang minuto pa ang nagdaan hanggang sa pinatugtog ang Angelus, senyales na alas-
dose na ng tanghali. Pagkatapos noon, biglang may kumatok sabay bukas ng pinto.

"What

is it?" tanong ni Margarette sa lalaking may naka-pin ding badge sa kaniyang


collar.

"Maggie! May nangyari na namang nakawan!" humingal-hingal pa ang lalaki at pilit na


hinahabol ang kaniyang hininga. Mukhang nagmadali siyang pumunta rito para ibalita
kung anuman ang nakita niya.

Tumigil muna sa pagbabasa si Margarette at pinuntahan ang lalaking payat ang


pangangatawan. Dahil sa tunog "urgent" ang sasabihin niya sa kaniyang boss, napukaw
ang atensyon namin.

"Nagrereklamo na naman 'yong mga club na nasa ground floor! Nanakawan na naman daw
sila ng lunch!"

Loki rolled his eyes from the guy as he continued playing the game on his phone. He
probably thought it wasn't worth his attention.

"Bakit naulit na naman 'to, Gaston?"

Marahang umiling ang lalaking kausap ni Margarette. "Hindi rin alam ng mga nakausap
kong estudyante. Iniwan lang daw nila 'yon biniling lunch mula sa cafeteria para
maghugas ng kamay. Pagbalik nila, wala na 'yong pagkain!"

"Some people's lunch boxes are missing, so what?" Loki said curtly, his eyes still
glued on his phone. "Why make a big deal about it?"

"Dahil hindi lang 'to isang beses na nangyari! At hindi lang iisang club ang
nabiktima! There were two or three clubs who experienced the same thing!" Gaston
sounded agitated. "Teka, ano nga palang ginagawa nila sa loob ng office natin?"

"Sir Jim wants to talk with them so they will be-wait a minute. Since you three are
here, why don't you take this case?"

Tumigil si Loki sa pagsa-swipe sa screen ng kaniyang phone at mabagal na lumingon


kay Margarette. "Excuse me?"

"Some of the clubs occupying the first floor have a case that might interest you.
Why don't you try to solve it while waiting for Sir Jim?"

"Missing lunch boxes do not interest me," muling ibinaling ni Loki ang tingin sa
kaniyang nilalaro. "And that case may not have an interesting feature worthy of my
time."

"Diyan ka nagkakamali," kontra ni Gaston. "Bago pumunta sa comfort room ang mga
estudyanteng nag-iwan ng lunch sa kanilang clubroom, ni-lock nila ang pinto para
makasigurong walang ibang taong makakapasok at makakapagnakaw sa pagkain nila.
Pagbalik nila, naka-lock pa rin ang pinto pero sa loob, wala na 'yong binili nila!"

Nagkatinginan kami ni Al habang mukhang wala pa ring pakialam si Loki.

"A locked room case, huh?" my childhood friend muttered.


###

=================

Volume 2 • Chapter 27: The Spider's Scarlet Threads (The Detour)

LORELEI

"I AM not interested." Loki did not bother to look at us when we tried convincing
him to take the case. Mas pipiliin niya pa yatang maglaro ng mobile games kaysa
tulungan kaming lutasin ang request ng taga-executive committee.

"But why?"

"I'd rather look for missing bodies than missing lunch boxes. If you and Alistair
want to solve it, go ahead. I won't stop you. Just come back when Sir Jim Morayta
arrives here."

I rolled my eyes, turning to Gaston who had been waiting for our decision.

"On behalf of the QED Club, we will take on your request. Kailangan lang naming
malaman ang iba pang detalye."

"Sige, ipapakilala ko kayo sa mga club member na ang reklamo sa akin kanina."

Sumunod kami ni Al palabas ng office ng executive committee at bumuntot sa lalaking


nasa harapan namin. We turned left on the hallway and stopped in front of Room 104.
Pagkatok ni Gaston, pinagbuksan na siya kaagad ng pinto.

"Yes?" tanong ng babaeng may abot-balikat na buhok kagaya ni Margarette, pero may
pagkakulot ito.

"Naikuwento ko sa mga taga- QED Club ang tungkol sa pagnanakaw sa lunch n'yo,"
sagot ni Gaston. "Baka pwede nila kayong matulungan sa misteryong 'to."

"Really?" Kaagad na hinawakan ng babae ang aking kamay. "I heard so many things
about your club, lalo na 'yong bomb threat noong isang araw."

Her moves were so sudden I didn't know how to react. Ngumiti na lamang ako sa kanya
sabay sabing "thank you."

"At ikaw naman si Loki!" sunod niyang hinawakan ang kamay ni Al. "Marami na rin
akong narinig

tungkol sa achievements mo bilang campus detective."

Napakamot tuloy sa pisngi si Al at nagpakita ng awkward na ngiti. "Pasensya na,


pero hindi ako si Loki. My name's Alistair, the newest member of the club."

"Ay, pasensya na! I was not aware! Hindi ko kasi alam ang itsura ni Loki kaya I
assumed na ikaw 'yon dahil kasama ka ngayon ni... Lorelei, tama? My name's Jackie."

Tumango ako. "Medyo busy si Loki ngayon kaya kami ang ipinadala niya rito para
imbestigahan ang nawawalang lunch boxes n'yo. Don't worry, we are efficient and
effective kahit wala siya."

"Can you tell us the details of the case?" tanong ni Al.

Pinapasok kami ni Jackie sa loob ng kanilang office. I forgot to ask kung anong
pangalan ng kanilang club. Halos kasing liit lamang ito ng mini-detective agency
namin. May mahabang mesa sa gitna at bookshelves sa bandang likuran. Medyo
maalinsangan din kahit na umaandar ang ceiling fan. Mabuti na lamang at bukas ang
mga bintana. May pumapasok na preskong hangin sa loob.

Itinuro ni Jackie ang mesang yari sa kahoy. "Kagagaling namin sa cafeteria ng mga
kaibigan ko para bumili ng pagkain. Dahil wala namang tumatambay na clubmates ko
rito, dito namin naisipang kumain."

Lumapit si Al sa mesa at kinatok 'yon nang dalawang beses. Nakatuon ang mga mata
niya sa ibabaw nito na tila may hinahanap. "Anong nangyari pagkatapos?"

"Bago namin buksan ang pagkain, pumunta muna kaming tatlo sa washroom para maghugas
ng kamay. Pero siniguro naming walang makakapasok dito dahil may mga bulung-
bulungan na may nagnanakaw ng lunch simula kahapon.

I went near the

doorknob and observed the area around the keyhole. There were no scratches on the
surface. Either magaling mag-lockpick ang nanloob sa kanilang clubroom o may ibang
dinaanan ang magnanakaw.

"Pagbalik namin, wala na ang mga binili naming pagkain. Pinagtatanong namin sa mga
taong nakatambay sa labas kung may napansin silang pumasok dito pero wala raw
silang napansin."

"So confident kayong walang pumasok sa pamamagitan ng pinto?"

"'Yon ang sabi ng mga estudyanteng nakausap namin."

Dumungaw si Al sa bintana at tila pinagmamasdan ang mga dumadaang estudyante sa


tapat. If the culprit didn't enter the clubroom through the door, then he must have
used other ways to get in. Ang kaso...

"A human won't fit in here," Al jerked his thumb toward the windows. "Unless he's a
midget or he can walk through walls."

Tumingala ako sabay tingin sa pag-ikot ng ceiling fan. Wala ring kahit anong butas
sa kisame na pwedeng pasukan ng kahit sinuman. At gawa 'yon sa semento kaya
imposibleng manggaling doon ang magnanakaw.

Bumalik malapit sa mesa si Al. "Saan nakalagay ang lunch meal na binili n'yo?"

"Naka-paper box siya tapos nakalagay sa puting plastic."

"Magaan lang ba?"

"Half rice lang ang binibili namin dahil nagda-diet kami kaya hindi ganon kabigat."

Napahawak sa kaniyang baba si Al at bahagyang naningkit ang mga mata. He must be


thinking hard and deep about how the culprit managed to get in and steal the food
inside this clubroom.

"Gaston, you said na hindi lang sa club na 'to nangyari ang nakawan ng pagkain,
tama?"

"Pati sa katabing club nila, ninakawan

din sila ng pagkain kahapon."

"Any similarities?"

"Bumili rin ng lunch meal sa cafeteria 'yong nasa kabilang room. Sandali lang
silang lumabas pero pagbalik nila, nawala na rin. Pero teka, 'yong isa yata nagdala
ng sariling lunch box. 'Yong lang yata ang hindi natangay ng magnanakaw."

Sunod na humarap sa akin si Al. He is now on deduction mode. "Tama naman ang
assumption ko na kapag bumili ka ng lunch sa cafeteria, ilalagay nila 'yon sa box
tapos isusupot sa plastic?"

Tumango ako. "Ganon nga ang process sa canteen. Pinapabayad pa nga nila 'yong box
na ginagamit e."

"Mukhang alam ko na kung paano nanakaw ang mga lunch box nang walang nakakapansin
sa salarin."

"Ta-Talaga?" Pagulat naming tanong sa kanya. We were only in the room for about
five minutes pero alam na niya ang sagot.

"Just stay right here," sabi niya kina Gaston at Jackie. "Lori and I will try to
track down the thief. Bantayan n'yo ang lugar na 'to dahil baka dumaan siya rito."

He led the way out of the clubroom and walked acrossed the hallway. Sumunod naman
ako sa kaniya, nagtataka pa rin kung paano niya nalaman nang ganon kabilis ang
identity ng magnanakaw.

"Saan tayo papunta?"

"Outside. We will follow the footprints of the thief."

Lumabas kami ng high school building at naglakad sa gilid nito, sa may damuhan.
Salamat sa shade na ibinigay ng gusali, hindi kami direktang natatamaan ng
nakakapasong sikat ng araw. Tumigil kaming dalawa sa tapat ng bintana ng Room 104
kung saan nandoon pa rin ang dalawang kasama namin kanina.

"You seriously think na pumasok ang magnanakaw sa

bintana at lumabas din siya rito?"

Al nodded as his eyes roamed over the grass, searching for something. "The thief
couldn't have gotten inside through the door so the next sensible point of entry is
the window."

"Pero ikaw na mismo ang nagsabi, hindi magkakasya ang tao diyan!"

"I did say that."

"So bakit mo pinagpipilitan na diyan dumaan ang magnanakaw."

"You will find out soon."

Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad sa gilid ng school building. Al's eyes were
focused on the ground. Ewan kung naghahanap siya ng footprints na makapagtuturo sa
amin kung saan tumakbo ang salarin.

Our search led us to the back of the building, the most deserted part of the
campus. Doon kasi nakalagay ang mga garbage dump kung saan dinadala ng mga
housekeeper ang mga basura.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid, baka nandito na ang salaring hinahanap namin.


Pero ni figure o anino ng tao, wala akong napansin. Dumiretso lang si Al sa
paglalakad patungo sa mga garbage bin. Pareho kaming napatakip ng ilong dahil medyo
mabaho.

Biglang siyang huminto na tila nakita na niya ang aming hinahanap. He turned to me
as his hand motioned to the side of the garbage bin.

"Meet the thief that has been stealing students' lunch."

Humakbang pa ako palapit sa kaniya para tuluyang makita ang kaniyang itinituro. My
mouth widened in surprise as I saw a fluffy ball of fur munching on the contents of
a box.

"A cat....?"

Its fur was as white and pure as snow. The cat stopped from eating and stared at me
with its eyes having different colored irises-one was blue while the other was
green.

"Meow~" it cried softly.

Umupo ako sa harapan niya at dahan-dahang inilapit ang aking kamay. I expected it
to be a little hostile when coming in contact with a human, pero nagpatuloy lamang
siya sa pagkain. With no resistance from the feline creature, I softly scratched
its chin na mukhang nagugustuhan niyas. Iniaangat niya ang kaniyang ulo at papikit-
pikit pa.

I have a soft spot for cats. Kaya nga mahilig akong manood ng cat videos dahil
naku-cute-an ako sa kanila. They are so adorable! If I can keep one at the
apartment, I would pet a cat.

"Cuuuuuute~" I smiled at the little ball of fur. "So how are we gonna tell those
guys that the thief is a cat?"

"They don't need to know. Kailangan lang natin silang i-remind na huwag iiwang
nakabukas ang bintana ng kanilang clubroom para hindi na maulit ang nakawan ng
pagkain."

Humarap ako kay Al na nakangiti rin sa maamong pusa. "How did you know na hindi tao
ang nasa likod ng nakawan 'yon?"

"Process of elimination. A human being with the body size of an average student
won't fit in the windows. They can't also enter through the locked door. Kaya
inalis ko ang kahit sinong tao sa list ng suspects. And then..." Inilabas ni Al
mula sa kaniyang bulsa ang isang pirasong balbon ng puting pusa. "...nakita ko 'to
sa windowsill at sa mesa. That backed my deduction that a non-human being stole
their lunch."

Tumayo na ako't hinayaan


ang pusang tapusin ang kaniyang lunch. Saktong pagtayo ko nang maramdaman ang pag-
vibrate ng aking phone.

LOKI (12:24 PM): JM is here. Come at once.

"Nandoon na raw si Sir Jim sa execom office," I told my companion as I pocketed my


phone. "Let's go?"

Iniwan na namin ang pusa sa may garbage bins. Pagala-gala siguo siya rito sa
campus, naghahanap ng pagkain mula sa tira ng mga kumain sa cafeteria. If only I
could adopt it, I would.

Habang naglalakad kami pabalik sa entrace ng school building, may naramdaman akong
malambot na bagay sa paanan ko. I looked down and saw the white cat rubbing its
head on my leg.

"The cat likes you," nakangiting komento ni Al habang pinapanood ang pusa sa aking
kaliwang paa.

"Meow~"

Muli akong umupo sa harapan ng pusa at na hinimas-himas ang ulo nito. I somehow
feel sorry for the cat. "I'd love to keep you but I can't. Don't worry, dadalhan
kita ng cat food bukas, okay?"

"Meow~ Meow~"

I don't know kung naintindihan niya ang pinagsasabi ko. Hindi ko rin kasi
maintindihan kung anong gusto niyang sabihin sa akin. I just patted its head before
leaving the cat behind. This time, hindi na siya sumunod sa akin.

Before I entered the building's entrance, I looked back and saw the cat sitting on
the grass.

Al told Gaston and Jackie about our seemingly fruitless search for the lunch thief.
He told them to close the windows whenever they are gonna leave their lunch boxes
in the clubroom. After receiving their thanks, we then proceeded to the office of
the student executive committee.

Nasa same spot pa rin si Loki, his legs were crossed and his hands were placed on
his lap. Katabi na ngayon ni Margarette ang Math instructor namin. Sa kaniyang
kaliwa, nakaupo ang isang lalaking natatakpan ng bangs ang isang mata at sersyosong
nakatingin sa akin.

Saktong uupo na ako nang makaramdam ng pangingilabot mula sa lalaking 'yon. Dahil
sa liwanag, malinaw ko nang nakikita ang kaniyang mukha. He was the guy standing
behind Sir Jim when they rescued us last night-the same guy who had been stalking
me.

Pero kumpara sa mga nauna kong encounter sa kanya, hindi na ganon katindi ang
paninindig ng balahibo ko. Knowing that he might not be on the dark side, nabawasan
na siguro ang animosity ko sa kanya. The badge pinned on his collar was probably a
sign that he's an ally.

"Sorry for coming in late," sabi ni Sir Jim sabay turo sa mga bakanteng upuan.
"Please take a seat."

Hinintay muna nila kaming makaupo bago muling nagsalita ang teacher sa harapin
namin.
"I'm Jim Morayta, adviser of the student executive committee and in-charge of the
school's internal investigation on the Moriarty case," he put his hands on the
table, his tone more serious compared when he's discussing our Math lesson.

"Now, shall we talk about the criminal mastermind at large?"

###

=================

Volume 2 • Chapter 27: The Spider's Scarlet Threads (The Alliance)

LORELEI

"BEFORE WE proceed, I want to introduce you to the key members of the executive
committee," Sir Jim motioned to the man beside him. "Meet Rye Rubio, isa sa mga
pinagkakatiwalaan kong execom member."

The formerly mysterious man's name has been revealed. He nodded at us as a sign of
recognition.

"Ikaw ang laging nakasunod sa akin," sabi ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
"Mula noong hinahanap namin si Stein hanggang sa nangyari ang Twinkle, Twinkle
murders."

"Inutusan ko siyang magmatyag sa inyos mula nang malaman naming involved na kayo sa
kaso ni Moriarty," paliwanag ni Sir Jim. "Lagi siyang nakabuntot sa 'yo, Lorelei,
para masigurong hindi ka malalagay sa pahamak. Loki can manage himself, but you? We
need to protect you from harm."

"Which I didn't ask."

"But that's what we must provide. It was a direct order from the university
chancellor."

I have a feeling na may koneksyon ang chancellor na 'yon sa papa ko kaya gusto nila
akong protektahan. But I'm not a damsel in distress. I can protect myself from
harm, but not all the time.

"Mabuti't palihim na nakasunod si Rye sa inyo kahapon kaya kaagad kong natimbrehan
ang campus police para mailigtas kayo sa mapanganib na sitwasyon," dagdag ni Sir
Jim.

And that explains the quick response of the campus police.

"So what do you want to discuss?" Loki began tapping his finger on the table,
looking bored as ever.

"Stein Alberts," Sir Jim quickly replied. "You accused him of being the man behind
the elusive Moriarty. Bilang

in-charge sa internal investigation ng school sa mga kasong kinasangkutan niya,


nagsagawa kami ng background check. Wala kaming nakitang kongkretong ebidensya na
mag-uugnay sa kaniya sa mga pagpatay kaya we presented our conclusion that he might
not be Moriarty."

"But...?" Loki shot a glance at my Math instructor. "You said you found nothing
concrete. But maybe you found something else?"

Naging marahan ang pagtango ni Sir Jim kasabay ng pagbigay niya sa amin ng isang
folder. Bumungad sa amin ang litrato ni Stein Alberts at ang personal details niya.
The copies had the seal of the Registrar's Office.

"What's this?"

"We dug deeper into Stein's school records to see if the possibility of him being
Moriarty exists," inalis ni Sir Jim ang kaniyang salamin at pinunasan ang mga lente
nito. "He transfered here at Clark High School two years ago. Malinis ang kaniyang
record mula sa kaniyang dating high school."

"Let's skip to the part where you found something."

"Ipinag-match namin ang date ng kaniyang transfer dito at ang mga buwan kung kailan
posibleng nagsimula ang mga krimeng konektado sa taong kilala natin noon bilang M."

"Months after Stein's transfer to Clark High, doon na nagsimula ang mga kaduda-
dudang aksidente at suicide sa campus." It was Margarette's turn to speak. "The
police didn't consider the possibility of foul play dahil masyadong malinis ang
pagkamatay nila."

"We believe that's the time Moriarty and his gang became active," sabi ni Sir Jim
sabay suot sa kaniyang salamin. "They started by disguising their target's death as
suicide or accident."

So

Moriarty's terror began two years ago. But why does the phrase "two years ago" seem
to ring a bell in me?

"He is dead. Two years ago. He was also a student here. He was the student council
president... until he met an accident."

I could hear Jamie's voice in my ears as I remembered what she told me back during
the bomb threat incident. Maliban sa "two years ago," nag-match din ang binanggit
niyang "accident" sa mga na-mention nina Sir Jim at Margarette na cause of death ng
mga unang biktima ni Moriarty.

"Meron ba silang prominent victim noon?" I blurt out sa my curious eyes stared at
my Math instructor. "Someone whose death also seemed suspicious?"

"If I'm not mistaken... a former president of the student council," Sir Jim
recalled. "He was also unconvinced of the suspicious circumstances of the victims'
deaths back then."

"The one who died in an accident?" sumingit si Margarette. "Luthor mentioned him
before to me. That late president actually asked for an investigation of those
accidents and suicides. Pero sa pagkakatanda ko, naaksidente 'yong sinasakyan
niyang kotse?"

"Sa pagkamatay niya, wala nang ibang nagsulong na magsagawa ng imbestigasyon. Weeks
or months later, naging lantaran na ang pagpatay na ginawa ng mga tauhan ni
Moriarty."
My eyes squinted a little, my curiosity now piqued by our topic. "And that person
is?"

"President Jaime Santiago."

Nagkatinginan kami ni Al habang si Loki nama'y napahinto sa pagta-tap ng kaniyang


daliri at sandaling napatitig kay Sir Jim.

"Jaime Santiago... 'yon din ang pangalan ng kasama natin sa club, 'di ba?" tanong
ni

Al. "Kapangalan lang ba niya o..."

"Jamie, our absent club member, mentioned to me before that she had a brother who
served as a student council president and died in an accident," I told the other
party as I observed slight confusion on their faces.

"As how I see it, Moriarty considered that president as an obstacle to his plans
kaya he arranged for his death," Al touched his chin, his eyes transfixed on the
table's surface while in deep thought. "With no actual opposition, Moriarty
probably thought his moves were less restricted than before."

"Kaya lalong lumakas ang hinala namin na posible ngang si Stein ang hinahanap
nating Moriarty," Sir Jim remarked. "The timing of his arrival in this school and
the start of the killings may not be coincidence."

"Let me do you a favor so we can move on," Loki cut in. "Stein Alberts is Moriarty.
That's a fact."

"Not yet a fact until proven."

"Bastien Montreal confirmed his identity as the criminal mastermind. Minutes before
he blew his head off, he communicated the confirmation to me via Morse code."

"At paano tayo makasisigurong totoo ang sinabi niya?"

"Why would a man tell one last lie moments before he committed suicide?" tanong ni
Loki. "The moment he was arrested, he knew it was a game over for him. Either he
kills himself or an agent of his boss kills him."

"If that's the case, he should have confessed everything he knew," tugon ni
Margarette. "Sana sinabi niya sa campus police ang koneksyon ni Stein sa lahat ng
kasong involved si Moriarty."

"Maybe hindi niya ginawa 'yon dahil may hawak na alas

ang kaniyang boss sa kaniya," I said. "Remember? Bastien said Moriarty may not hurt
him while he's in police custody, but those whom he cared about might get
involved."

"Collateral damage," muttered Loki. "He told only me about this confirmation. And I
haven't told anyone except the people in this room. Let's keep it to ourselves if
we don't want to have another dead body."

The three members of the student executive committee nodded. If none of them is a
spy of Moriarty, then revealing that info won't do any damage.

"Now we should talk about proving Stein Alberts connection to these murders."
"Bastien was the only scarlet thread that will connect us to the brains of evil but
he cut himself off," Loki said. "We are now at a total loss."

Of course, he's lying. Alam na niya kung sino ang susunod naming dapat
imbestigahan. He trusted them with the confirmation that Stein is Moriarty but he
did not want to tell them that Augustus Moran is also involved in the gang. I
wonder what's going on with Loki's mind.

"Do you have any suggestion where we should look at?"

"Since you are the second highest student organization here, why don't you start
with the student council?" Loki suggested which surprised Margarette.

"Yo-You think that one of them is an agent of Moriarty?" the chairwoman asked in
disbelief, shaking her head slowly.

"The reason why he remained elusive all these months and years was due to him
having eyes and ears everywhere," Loki defended. "Bastien admitted that he was put
in the campus police so he can eliminate the agents who might talk. If I were

Moriarty, I would have one of my minions infiltrate the major student


organizations."

"That's absurd!"

"It isn't," I came to Loki's defense. "There was one case where an execom member
burnt his colleague alive because the latter was getting closer. Kung nangyari 'yon
sa grupo n'yo, posibleng ganon din ang sitwasyon sa pinakamataas na student
organization."

Margarette looked away, probably thinking about the possibility that one of her
superiors took part in the madness plaguing this high school. "I will look into it.
Discreetly."

"And maybe Sir Jim may want to check out his friends in the faculty room," Loki
pointed his right index finger at my instructor. "Having a spy among the teachers
who are privy to some confidential information will help our criminal acquiantance
expand his influence."

"I doubt na merong isa sa amin na gugustuhing masangkot sa conspiraccy na 'to."

"We need to consider every possibility, sir. We are dealing with Moriarty after
all."

"How about you? Anong gagawin n'yo?" tanong ni Margarette.

"We are gonna be featured on Clark Gazetta's magazine issue," sagot ni Loki. "We
can start our investigation on our student-writers to see if one of them is acting
as a spy for the Moriarty."

"So we will have all major areas covered, huh?" After minutes of silence and
staring at us, Rye finally spoke. Hindi ko na nga matandaan ang boses niya dahil
matagal-tagal na rin mula nang una kaming magkausap.

"It's about time we take the offensive and close this case," Loki said as he stood.
"Do we still have something to discuss? Because

I now need to charge my phone so I can continue playing Criminal Case."


"Mukhang 'yon lang muna sa ngayon," nakangiting tugon ni Sir Jim. "Sasabihan namin
kayo kung may update na kami. I hope you will do the same once you figure out
something."

"I give you my assurance." Loki walked toward the door while Al and I followed
behind him. Kami na ang nagpaalam sa mga miyembro ng execom dahil basta-basta na
lang lumabas si Loki.

"You told them about Bastien confirming Stein is Moriarty," sabi ko sa kaniya
habang paakyat kami sa hagdanan. Siniguro ko munang malayo na kami sa execom office
bago ako nagsalita. "But you still kept Gus' involvement a secret."

"I want to know if they can be trusted," Loki answered, still playing on his phone
while climbing the stairs. "If something happens to someone connected to the late
campus police officer as punishment for betrayal of trust, that would reveal that
one of them is an enemy."

Not sure if I should be impressed by how he used that piece of information to


determine their true allegiance. Nilalagay niya rin kasi sa panganib ang buhay ng
isang inosenteng tao.

Pagtuntong namin sa third floor, may narinig akong mahina pag-iyak mula sa dulo ng
hallway. It sounded familiar na tila narinig ko na kanina. Nauna na ako kina Loki
at Al para kumpirmahin ang hinala ko.

"Meow~"

Oh, my. That little ball of fur! The white cat was sitting in front of the clubroom
door as if it was waiting for me. Nang makita niya ako, mabilis siyang lumapit sa
akin kasabay ng patuloy niyang pag-meow. It rubbed its head on my legs. Umupo ako
para kamutin ang ulo niya.

"Wh-What

is that?!" Napaurong nang isang hakbang si Loki pagkakita niya sa pusa. If only I
had my camera phone ready, I would take a snap of his surprised facial expression.

"It's a cat, obviously!" I carried that cute, little fellow on my arms and cradled
it like a baby. "How did you know na nandito ako, ha?"

"Maybe the cat followed your scent. They have incredible sense of smell after all,"
Al commented as he also touched its head.

Loki's hand made a dismissive gesture before reaching for the doorknob. "Tell that
thing to not come here anymore. Ayaw kong mangamoy pusa ang clubroom."

"Why don't we keep it? As our club cat?"

Nakakaisang hakbang pa lang si Loki sa loob nang napalingon siya sa akin. "You
seriously wanna keep that cat?"

"Hindi natin siya pwedeng dalhin sa apartment dahil ayaw ni Tita Martha sa mga
hayop. But we can take care of this cat while we are at school."

"Ayaw mo ba sa mga pusa, Loki?" dagdag na tanong ni Al. Mukhang nag-e-enjoy ang
pusa sa pagkamot ng childhood friend ko sa chin nito.

"I just don't want a cat rubbing its face around our headquarters and spreading its
pheromones to mark the whole room as its territory."

"Meow~"

Tumalon ang pusa mula sa aking mga braso at nilapitan si Loki. Kiniskis nito ang
kaniyang mukha sa kanang binti ng naiilang na club president namin.

"If we are gonna keep that cat as our pet, we should name it!" I suggested, still
watching Loki's awkward face as he tried to deal with the feline creature.

"If it were a puppy, I would name it Fenrir," Loki said.

"It's a girl so we need a cute name that matches its cuteness."

"How about Catherine? So we can call her Cat."

"Too common," I said while shaking my head. "She needs a cute yet unique name."

"Mingming-"

"NO."

Hindi na siguro natiis ni Loki ang pusa kaya kinarga na niya ito. He began by
touching the cat's nose.

"How about Freya?"

Ewan kung namamalik-mata ako o talagang totoo ang nakikita ko. The cat made Loki
smile. Sino nga ba namang hindi matutuwa sa pusang 'yon? Kahit kasing-tigas ng bato
ang puso ni Loki, lalambot din ito sa cuteness ng karga niya.

"Why Freya?"

"The Norse goddess Freya is known for her love of cats. She rides a chariot pulled
by two of them," Loki explained, scratching the head of our new club pet.

"Freya sounds like a good name to me and it matches the Norse origin of your name,"
Al nodded.

"Then Freya it is."

###

P.S. This is a "cooldown" update after the intense previous chapter.

NEXT CHAPTER PREVIEW:

"We have been waiting for you, Augustus Moran."

"The QED Four! What a pleasant surprise."

After being in the defensive the past few weeks, the QED Club now takes the
offensive!

"We won't stop until we expose your connection to Moriarty."

"I don't appreciate being threatened in my own office. Just to remind you, I can
destroy you and your little club in less than five words."
=================

Volume 2 • Chapter 28: The Fall of QED Club

A/N: I am dedicating this chapter to CHRISTILE LOVENIA. KEEP FIGHTING!

LORELEI

"BAGAY BA sa akin?

If found myself standing in front of a mirror, turning around to see if the brown
tweed cloak suits me. I looked at Alistair through the reflection as he looked at
me from head to toe. Magkapareho kami ng suot pero parang mas bagay ng mga lalaki
ang ganitong outfit.

"It looks perfect on you."

"You sure?" I turned to him and observed his smiling face. Baka kasi sinasabi niya
lang 'yon para hindi sumakit ang loob ko. Hindi naman masagwang tingnan ang suot
kong costume pero naninibago siguro ako dahil first time kong magsuot ng ganitong
damit.

Kung may ibang taong makakakita sa amin, aakalain nilang may dadaluhan kaming
cosplay event. But the truth is, nag-request ang editorial team ng Clark Gazetta na
suotin namin ang Sherlock Holmes costume para sa cover photoshoot ng kanilang
magazine issue. We were reluctant at first, but their features editor Felicity
Ferrer convinced us.

Habang sineset-up nila ang camera, lighting at design sa audio-visual room, nasa
kabilang kuwarto naman kami para ayusin ang mga suot namin. Donning the Sherlock
costume, Loki sat on a chair with his eyes closed and fingers put together. On his
lap was our club cat Freya, purring while licking its paws.

Then our cat jumped out of surprise when someone slammed the door. Lumapit sa akin
si Freya, iwinasiwas ang kaniyang buntot at parang may pagkabahala sa kaniyang
mukha. Dumilat naman si Loki dahil sa ingay na umistorbo sa

concentration niya.

"Sorry if I'm late!" Pumasok si Jamie na dala-dala ang kaniyang costume. Napayuko
siya kasabay ng paghabol sa hininga niya, mukhang minadali ang pagpunta rito. It
seemed that she's now okay after being disturbed by what she saw two nights ago.

Isinara niya ang pinto at niyakap si Loki mula sa likuran. "Hello, Loki~ Did you
miss me?"

Wow. Isang araw lamang siyang hindi pumasok, parang ilang buwan na niyang hindi
nakikita ang club president namin. As usual, there was no response from Loki, not
even a nod or shake of his head. Kung mahilig siyang mag-K-zone sa text messages,
may ganong version na rin siya in person.

Humarap siya sa aming dalawa at pagkakita niya sa akin, she quickly rolled her eyes
to look at the guy beside me. "Na-miss n'yo rin ba ako?"

"A bit."
Sunod na nabaling ang tingin niya sa pusang nasa paanan ko. Marahang nanlaki ang
mga mata niya't lumawak ang ngiti sa kaniyang labi. She clapped her hands over
mouth. I could see her delight through her eyes upon seeing the feline creature.

"O-M-G! A cat!"

"Her name's Freya. Loki's choice," paliwanag ni Al kahit hindi tinatanong ng


babaeng nasa harapan niya. "She was resting on Loki's lap before you arrived."

The cat took two steps backwards as Jamie stretched her arms forward. Freya's tail
is whipping back and forth rapidly. Hindi ko alam ang meaning ng mga paggalaw ng
kaniyang buntot pero nararamdaman ko na parang natatakot siya.

"Oh, my sweet and cute little ball of fur, come to mommy~" Jamie tried wooing our
pet with her gentle voice that can easily charm men.

Pero mukhang hindi effective 'yon sa pet namin.

"HISSS!" Lalo pang umurong si Freya at ipinapakita na ang pangil nito. Her pupils
were reduced to slits as her eyes were closely observing the human in front of her.

Hindi nagpatinag si Jamie sa offensive stance ni Freya kaya itinuloy niya ang
paglapit dito. "Loki's your dad and I'm your mom kaya wala kang dapat ikatakot sa
akin~"

"HISSSSSS!"

Mahahawakan na sana ni Jamie si Freya nang bigla siyang kinalmot nito. Mabuti't
mabilis na naiurong ni Jamie ang kaniyang mga kamay kundi nasugatan na siya.

Binuhat ko na lamang ang alaga namin at kinarga siya sa braso ko. I scratched her
head and chin kaya nawala ang pagiging mabangis niya.

"You probably brainwashed that cat to dislike me," Jamie whispered, palihim na
sumusulyap kay Loki dahil baka marinig siya nito.

"Cats trust their own instincts. They know when there's danger around," sagot ko
habang patuloy na nakikipagkulitan kay Freya.

"Are you saying that I'm danger-"

Her words were cut short when Felicity opened the door and asked us to prepare for
the shoot. Naka-set-up na raw ang camera, mga ilaw at background image.

Iniwan muna namin si Jamie sa waiting room dahil kailangan niya pang suotin ang
costume. Pagpasok namin sa audio-visual room, bumungad na sa amin ang tatlong staff
ng school paper. May isang nakapuwesto sa DSLR camera na naka-tripod, may isang
naka-assign sa lights, at isa pang may nakasabit na camera sa leeg para siguro sa
behind the scenes.

"Standby na kayo! Hintayin lang natin matapos magbihis 'yong kasama nila!" utos ni
Felicity sa staff niya, sumusunod

sa kaniyang galaw ang naka-ponytail na buhok.

"It's been a while, hasn't it?"

Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang boses ng lalaking 'yon. Napalunok pa
ako ng laway nang maramdaman kong nakatingin siya sa direksyon ko. This suffocating
aura... There are only two students who can make me feel this way-Luthor and Stein.
I did not feel the former's cold aura so that means...

"Stein Alberts." Loki already turned around to greet his archnemesis. Despite being
involved in numerous crimes in this school, Stein can still freely walk around.
"I'd like to shake hands with you but yours are too dirty."

The bespectacled only smiled as he approached the three of us. Freya, who followed
me from the other room, seemed frightened by his presence.

"How does it feel to be in the spotlight?" tanong niya, hindi pa rin napapawi ang
nakakaasar niyang ngiti. "Your club is now getting the recognition it deserves. And
I must say that I was impressed by how you handled that bomb threat incident."

"Is this the part where you tell us to thank you?" Loki asked. "Did you come all
the way here just to hear our words of gratitude? You could have texted me."

Oo nga naman. Bakit ba nandito ang lalaking 'to? Sa pagkakaalam ko, para sa aming
taga-QED Club ang photoshoot.

"Don't be selfish just because your club got the cover feature," Stein replied.
"Yours truly will be also featured for acing the regional Math contest. They had
taken my photos before you came in."

That must be the competition Sir Jim told us when he asked us to look for the
"abducted" Stein more than

a month ago. Kung hindi namin kaagad nahanap ang lalaking 'to, si Monica Segundo
ang magiging pambato namin. But in the end, it was only an act-his creative way of
saying hi to Loki.

"What a shame. I was thinking of asking you to join us," Loki's tone was serious
but I know he was joking. "This won't be possible without you. You deserve more
credit than we do."

Once again, Stein smirked as he tapped Loki's shoulder. Something in his smile
creeps me out. I could sense danger. "You better enjoy this moment in the
limelight. It won't last that long."

He waved his right hand and made his way out of the audio-visual room.
Nagkatinginan lamang kaming tatlo nina Loki at Al. Nakahinga na rin ako nang
maluwag nang umalis na ang source ng nakaka-suffocate na aura.

"That was a threat, wasn't it?" tanong ni Al, nakatitig sa pintong nilabasan ni
Stein. "The thing about us being in the spotlight not that long."

"We need to act soon," Loki muttered, his eyes staring blankly at the wall in front
of him. "We have been on the defensive since the beginning. It is about time to
take the offensive."

"You got a plan?"

"We can pay someone a visit later and try to connect that person to the center of
this giant web of conspiracy."

Muling bumukas ang pinto ng audio-visual room at pumasok si Jamie, may halong
pagtataka sa kaniyang mukha at napapaturo sa labas. Suot na rin niya ang kaniyang
Sherlock costume.
"Di-Did you meet that guy?" Jamie must be referring to Stein. "Nakasalubong ko siya
nang lumabas ako sa waiting room."

"The editorial team also took photos of

him for a feature article," sagot ni Loki sabay ayos sa kwelyo ng kaniyang cloak.
"And he also sent his regards."

Nang makita na kaming kumpleto, nilapitan kami ni Felicity na kanina pa kinakausap


ang mga kasama niya. "Are you now ready for the cover shoot?"

We nodded as we were led to the area illuminated by warm lights. May isang
cushioned na upuan sa gitna kung saan pinaupo si Loki. I sat on the chair's left
arm while Jaime stood near the right side. Si Alistair naman ang pinatayo sa
likuran ng upuan, kitang-kita pa ang kaniyang upper body.

Itinaas ng cameraman ang kaniyang kamay at isa-isang binababa ang mga daliri na
nagsisilbing countdown. Bago niya cinlick ang capture button, biglang tumalon si
Freya sa lap ni Loki at humarap sa camera na tila gusto ring sumama sa cover shoot.

"Is it okay kung kasama ang pusa?" I raised my hand as I direct the question to
Felicity who was standing beside the cameraman. Masyadong maliwanag kaya sumingkit
tuloy ang mga mata ko.

"As long as magbe-behave siya sa harap ng camera, we don't mind including her in
the frame," sagot ng features editor.

Muling itinaas ng cameraman ang kaniyang tatlong daliri.

Three. Two. One.

CLICK!

* * *

After the cover shoot which did not take that long, inalis na namin ang Sherlock
costumes at bumalik sa aming club room. Loki wanted us to formulate a plan on how
we can begin taking down Moriarty's organization. Meron na kaming isang baraha na
hawak, pero hindi pa namin alam kung paano gagamitin 'yon.

"We will catch him by surprise," Loki said while pacing the room. "We need to get
evidence

that Augustus Moran is one of Moriarty's generals."

"Paano natin magagawa 'yon?" Jamie asked while twirling her braided hair.
"Kailangan ba nating gumawa ng sitwasyon para makakuha ng ebidensya?"

"Maybe an admission of his association with Moriarty will do the trick," Al


suggested, his arms crossed over his chest.

"At kapag nakakuha tayo ng pag-amin niya, anong gagawin natin?" tanong ko habang
hinihimas-himas ang ulo ni Freya. Kanina pa siya nakahiga sa may lap ko.

Huminto sa paglalakad si Loki at humarap sa amin. "If we show that evidence to the
police, they might invite him to the police station and interrogate him about his
involvement with Moriarty's organization. But that's too premature. We need to use
that card wisely."
"Then what do you suggest?"

"We will use such evidence as a leverage para makakuha pa tayo ng info tungkol kay
Moriarty o sa dalawa pa niyang generals. Augustus probably do not want to end up in
jail so he might talk."

Natahimik kaming apat habang pinag-iisipan kung paano namin gagawin 'yon. Kung
sakaling aminin nga ni Gus na isa siya sa mga tauhan ni Moriarty, we need to put in
on record. Something that he cannot fight off easily.

Huminto sa paglalaro ng kaniyang buhok si Jaime at tumingin sa amin. "Why don't we


use the hidden cameras in the earrings? Kung kaya nating palihim na ma-record ang
kaniyang admission at ilang bagay na tanging sila lamang ang nakakaalam, pwede
nating gamitin 'yon laban sa kaniya."

"I have the same thought," muling nagpatuloy sa pag-iikot si Loki sa mesa. "Kagaya
ng sinabi ko kanina, we might need to pay Augustus a surprise visit

and gamble the info that Bastien left us."

"At dahil hindi siya handa para sa pagbisita natin, hindi siya kaagad makakaisip ng
pangdepensa," dagdag ni Al, marahan ang kaniyang pagtango. "We will catch him off
guard."

"I still have those earrings under that table," Loki pointed at his usual spot.
"Lorelei and I should be the ones to confront Augustus. If we all go there, baka
ma-intimidate siya at hindi natin makuha ang gusto nating malaman mula sa bibig
niya."

Jamie was quick to raise her hands. "But how about me? Bakit hindi na lang ako ang
isama mo?"

"Gus is an avid fan of my blog," I explained. "That's what Agatha told me when she
approached me during the skip code case. And we already met in two separate
occassions."

"And we need you and Alistair to record everything that the hidden cameras will
pick up," Loki added while pointing at our two colleagues.

"Hindi ba magiging delikado para sa inyong dalawa?" tanong ni Al. "He may look
harmless at first but he is a high-ranking official in Moriarty's organization."

"Augustus does not strike me as a man who would point a gun at us once we corner
him. Don't worry, Lorelei has the stun pen with her. If he tries to do something
funny, we will neutralize him. Are you bringing it?"

I nodded as I took it out of my pocket and showed it to him.

"Great. Now we shall commence this operation."

Hindi na kami nag-aksaya ng oras kaya nag-set-up na sina Al at Jamie sa club room
ng laptop kung saan direktang naka-connect ang earrings na may hidden camera. Hindi
rin ganon kalayo ang publication office ng

Clark Gazetta kaya walang problema sa feed na napapanood sa kanilang screen.

When Loki and I were ready, nagpaalam na kami kina Al at Jamie (she was glaring at
me). Sinubukang sumunod ni Freya pero sinabihan ko siyang mag-stay sa club room.
Mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko't hindi na siya bumuntot sa akin.
Kumatok muna kami sa pinto ng publication office bago kami pumasok sa loob.
Abalang-abala ang ilang estudyanteng nakaupo sa harapan ng kanilang laptops at
walang tigil sa pagtakatak ang kanilang mga daliri. Ni hindi nga yata nila kami
napansin.

Dumiretso na lamang kaming dalawa sa cubicle ng editor-in-chief pero mukhang walang


tao sa loob.

"It's still lunch time kaya siguro wala pa siya," sabi ko habang inoobserbahan ang
buong opisina ng aming school paper. May isa sa kanilang napatingin sa direksyon
namin at tila nasorpresang makita kami rito.

Tumayo ang babaeng may dala-dalang notebook at nilapitan kami.

"Good afternoon. You two must be from the QED Club?" nakangiting tanong niya sa
amin. "I'm Zoey Bernardo, one of the news writers here."

"Oo, kami nga. May maitutulong ba kami sa 'yo?" tanong ko dahil walang kahit anong
tugon si Loki.

"Before I tell you what it is, are you here to see the chief? He went out for lunch
but he will be back in a bit. You can stay in his office while waiting if you
want."

Binuksan ni Zoey ang pinto ng cubicle ni Gus at pinapasok kami sa loob. She told us
to take our seats as she locked the door. Loki's eyes started to roam around the
room, probably looking for clues that can link Gus to Moriarty.

"I

was about to go to your club room pero dahil nandito na rin kayo, gusto kong i-grab
ang opportunity para magtanong. May isinusulat kasi akong article tungkol sa mga
kaso kung saan involved daw ang taong nagngangalang Moriarty."

Upon hearing the codename of the criminal mastermind, Loki looked back at her.
"What questions do you have? Make sure it is worth my time. I had enough answering
the foolish questions by your features writers."

How rude, Loki. Paano kung 'yan ang isulat niya sa kaniyang article? Baka masira
ang image ng club.

"Do you mind if I record our conversation. Just a few questions?"

"Fire away."

Zoey cleared her throat before shooting her first question. "Is Moriarty real?"

Loki's eyes narrowed into slits as he stared at the female writer. "Of course, he
is real. He has been involved in numerous cases in this campus."

"So you are saying that he is not a figment of your imagination?"

Hindi pa rin nawawala ang panliliit ng mga mata ni Loki. Umiling na lamang siya
kaysa magkomento laban sa news writer. To me, her line of questioning is absurd. Sa
tingin niya ba, gawa-gawa lang namin si Moriarty?

"How many times should I tell you that Moriarty is real? I already met him in
person but I'd rather not talk about it."
Tumango-tango si Zoey kasabay ng pagsusulat niya sa kaniyang notebook. "You solved
every case involving the so-called Moriarty. There were a few people who told me
that they find it hard to believe that you stumble on those cases."

"And your question is?"

"It may sound nonsense pero gusto kong marinig mula

sa 'yo at mailagay ito sa record. You never staged those cases para sumikat ka at
ang inyong club sa campus?"

Nagkatinginan lamang silang dalawa nang ilang segundo habang pinagmamasdan ko ang
reaksyon ni Loki.

"You already answered your own question. That is nonsense."

Zoey closed her notebook and clicked on the screen of her phone which she used to
record their conversation. "Thank you for your time. Hintayin n'yo na lang ang EIC
namin dito. Darating na 'yon any moment from now."

Tanging ang mga takatak ng keyboard ang narinig namin mula sa labas nang umalis na
si Zoey at bumalik sa kaniyang puwesto. Loki seemed to be a little disturbed by the
questions asked moments ago. But as usual, he never brought up the topic.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago bumukas ang pinto at pumasok ang isang
lalaking nakasalamin. He greeted everyone in the office a good afternoon as he went
on his way to his cubicle. Pagbukas niya sa isa pang pinto, tila nagulat siya nang
nakita niya kaming dalawa ni Loki na naghihintay sa loob.

"We have been waiting for you, Augustus Moran," said Loki, his voice never sounded
enthusiastic upon meeting our target.

"Loki Mendez. Lorelei Rios. What a pleasant surprise," Gus greeted us with a wide
smile as he locked the door. Lumakad siya patungo sa kaniyang desk at saka inalis
ang kaniyang salamin. "What brings you here? Do you have concerns about the cover
shoot?"

"This may be unorthodox but we wanna interview you about something." Loki sat on
the seat across me and crossed his legs.

"We are the ones who are supposed to interview you,

not the other way around." Napatawa nang mahina si Gus habang pinupunasan ang
kaniyang salamin. "So what do you wanna discuss?"

"Your connection with Moriarty."

Napahinto sa kaniyang ginagawa si Gus at napatingin kay Loki. "Excuse me?"

Sinuguro kong nakatutok ang mga hikaw sa anggulo ni Gus para kapag umamin na siya,
kitang-kita ang paggalaw ng kaniyang bibig.

"Drop the act now, editor-in-chief. We know that you are one of his minions."

Gus shook his head slowly as he reclined on his swivel chair. "You are making a
serious allegation here, Mr. Mendez. I can charge you for slander."

"You can only call it slander if it weren't true. But this is not an allegation.
This is the truth."

"Then where's your evidence? Where did you get this ridiculous information?"

"From a man who knows your affiliation to Moriarty's organization."

"Do you have it on record? Do you have a concrete proof that he linked me?"

"He communicated the information through a clever method. It corroborates with my


earlier theory."

"What theory?"

"That someone from the Clark Gazetta is in possession of a number of compromising


photographs. You introduced yourself as M to Adonis Abellana and offered some
photos which he used to blackmail his girlfriends."

"And what makes you think that our school paper is allegedly involved in that
case?"

"Adonis told us that he never gives out his personal number to anyone," I answered.
"Days or weeks before he started blackmailing his so-called collection, someone
from your office got his number for interview purposes."

"And

that's how you managed to get in touch with him and offer him the photos," Loki
added, pointing at the editor-in-chief who seemed too relaxed despite our
accusations.

"The more I think about it, the more ridiculous it gets," Gus chuckled as if he
wasn't taking our words too seriously. "Parang nagsulat kayo ng isang controversial
news article na puro quotes ang basehan para sa isang alegasyon."

"Except that these quotes make sense."

"Yes, they may make sense but as what I always tell my staff, you need something
concrete." Muling isinuot ni Gus ang kaniyang salamin at unang ibinaling ang tingin
kay Loki bago sa akin. "What you have are quotes, not facts. And you are trying
hard to connect the dots that don't exist."

"You can dodge these accusations now, but you cannot dodge forever," Loki's tone
sounded threatening. "We won't stop until we expose your connection with Moriarty."

Gus smirked as he leaned forward. "I don't appreciate being threatened in my own
office. Just to remind you, I can destroy you and your little club in less than
five words."

"I wanna see you try," Loki said as he stood and walked out of Gus' cubicle. Kaagad
akong sumunod sa kaniya palabas ng publications office. Nagmamadali siyang
naglalakad kaya kinailangan kong bilisan at lakihan ang mga hakbang ko.

Pero parang may kulang sa ginawa namin.

"Ang akala ko papaaminin natin siya para ma-record sa hidden cameras ang confession
niya?" tanong ko nang magkapantay na kami ng lakad.

"You should have noticed his reaction while I'm putting all of my cards on the
table," Loki replied, looking a
bit disappointed by how the events turned. "No matter how long we stay in that room
and how many theories we hurl at him, he won't budge. Iiwasan lang niya ang putik
na ibabato natin."

"So are you saying our mission failed?"

"Plan A failed. Now it is time for Plan B."

"You never told us about Plan B."

"I never thought of it until Augustus continued dodging earlier," he said. "Now
that he knows that we found a thread that will link him to Moriarty, he might do
something drastic to prevent us from uncovering his tracks. Once he actually does
something, that's our opportunity to strike."

We returned to our club room and we did not have to explain much dahil napanood na
nina Al at Jamie ang lahat ng nangyari. Loki told us to be on our guard because Gus
might retaliate after our confrontation with him.

* * *

The next morning, maaga kaming umalis ni Loki sa apartment para maglakad patungong
campus. Nang makalampas na kami sa guard house, may mga nakita kaming estudyanteng
may hawak-hawak na diyaryo habang naglalakad. Nakakunot ang mga noo nila na tila
may binabasa sila na hindi nila mapaniwalaan.

"Must be some school gossip," Loki sounded uninterested when I brought up the
topic. Pero masama ang kutob ko lalo na nang pinagtitinginan kami ng ilang
estuyante pagpasok namin sa school building.

"LORI!"

Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Rosetta. Sumabay sa malakas na
bugso ng hangin ang paggalaw ng kaniyang mahabang buhok. Kagaya ng ibang
estudyante, may hawak-hawak din siyang diyaryo.

She usually greets me good morning bago magsimula ng conversation. But her tone and
the worried look on her face told me that something wasn't right.

"Lori, nakita n'yo na ba ito?" Iniharap niya sa amin ang latest issue ng Clark
Gazetta at itinuro ang front page nito. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mga
letrang nakasulat sa bold.

QED'S PATH TO FAME?

Victims, suspects claim deceit

by Zoey Bernardo

Napalunok ako ng laway sabay tingin kay Loki na tila nagulat din sa nakita niya.

"In less than five words, huh?"

###
=================

Volume 2 • Chapter 28: The Fall of QED Club (Part 2)

LORELEI

NAGKATINGINAN KAMI ni Loki matapos basahin ang headline ng article na pinublish ng


Clark Gazetta. The headline alone was enough to diminish the credibility of our
club. Kaya pala pinagtitinginan kami ng ilang estudyante kanina. They know our
faces, they know we belong to the the QED Club.

"Kahit anong nakasulat sa article na 'yan, I still believe in QED," sabi ni Rosetta
habang nakatitig pa rin siya sa headline. "Baka nagkamali ang news writer na 'yan o
baka nagsisinungaling ang mga ininterview niya."

"Call Jamie and Alistair. Ask them to meet with us as soon as possible." Loki
grabbed the newspaper from Rosetta's hand and hastily strode across the hallway.
Nagpaalam ako sa kaklase ko na baka mahuhuli ako sa klase.

I took out my phone and contacted the two other members of club. Binilisan ko rin
ang paglalakad dahil malalaki ang mga yabag ni Loki.

Zoey Bernardo wrote the damaging article, but there's only one man in this school
who could be behind this attack-Augustus Moran, the editor-in-chief and one of
Moriarty's generals.

Pinagtitinginan pa rin kami ng mga estudyanteng may hawak ng latest issue ng aming
school paper. Hindi sila normally nagbabasa ng diyaryo pero dahil siguro
kontrobersiyal ang nasa front page nito, na-curious sila at naisipang kumuha ng
kopya.

Napahinto kaming dalawa ni Loki nang makarating sa tapat ng club room. May mga
graffiti sa pinto kung saan nakasulat ang mga salitang "LIARS! FRAUD! FAMEWHORE!"
Nang lumingon ako sa paligid namin, nagsitakbuhan

palayo ang mga estudyanteng may hawak-hawak na balde ng pintura.

First, the news against the club. Now, the graffiti. What a good way to start our
morning!
Loki's hands clenched as he stared at the words written in blood red color. I could
imagine how painful it must be for him to have his reputation tainted with false
words. Ilang buwan ko na siyang nakasama and I can prove to anyone that all cases
we solved are real.

"We must find a place where these piercing eyes won't reach us," sabi niya bago
siya nagmadaling nagtungo sa hagdanan. Medyo dumistansya na ako nang kaunti dahil
nararamdaman kong nag-iinit na siya sa galit.

Loki kicked the door to the rooftop. Sa isang sipa niya lamang, bumigay na kaagad
ang pinto. Simula nang magtangkang magpakamatay rito ang isang estudyante (thanks
to Loki), ginawang off-limits na ang lugar na 'to sa mga estudyante.

Kung kanina'y maaraw pa, ngayo'y unti-unti nang kumukulimlim.

He threw the newspaper on the floor and started pacing back and forth. "Now it
makes sense why Zoren asked some questions while we were at their office
yesterday."

Zoey, Loki, not Zoren.

Pinulot ko ang diyaryo at sinimulan ulit basahin ang article laban sa amin.

"Nasaan na pala sina Jamie at Alistair?"

"They are on their way. I told them to proceed to the rooftop as soon as they get
here."

Iniladlad ko ang diyaryo para buong mabasa ang news article. It started with a lead
about our club's success in closing cases occuring in the school. Pero...

But students interviewed by the

CLARK GAZETTA said that some cases have been staged to catapult the club into fame.
Benjamin Tenorio, a Grade 10 student, said he was threatened by the QED Club to
strap a bomb on his body during the bomb threat incident last week. He said that
the incident was staged by the club to "make themselves look like heroes."

"Ayaw kong ma-involve sa plano nila pero binlackmail nila ako kaya wala akong
nagawa kundi sumunod," Tenorio said in an exclusive interview with the GAZETTA.
"Hindi raw ako dapat matakot na sumabog 'yong bomba kasi ililigtas daw ako ng
dalawa nilang kasama."

The two club members, identified by Tenorio as Lorelei Rios and Jamie Santiago,
came to the library where he was asked to wait for his supposed rescuers.

"There's no way a high school student can diffuse a bomb," Tenorio added. "Kaya
malakas ang kutob kong kasabwat din ang dalawang babaeng 'yon sa plot na 'to."

My God. How could he accuse us of staging the bomb threat! Mamutla-mutla pa siya't
halos himatayin noong inaalis namin ang bomba sa katawan niya!

I moved on to the next paragraph where a familiar name popped up.

The school's basketball varsity player Adonis Abellana supported Tenorio's claim
against the club. He said the club president had asked him to blackmail some of his
female friends with the use of sensitive photos.

"Pumunta pa talaga sila sa apartment ko. Noong sinabi kong ayaw kong gawin ang
pinapagawa nila, bigla akong itinumba ng president nila at halos durugin na ang
collarbone ko. Wala akong nagawa kundi

sumunod," he said.

Abellana had his right shoulder checked after being assaulted by QED Club president
Loki Mendez.

According to a source who requested anonymity, this wasn't the first time Mendez
assaulted a student.

"Na-suspend na dati si Loki [Mendez] dahil sa pagbugbog niya sa Math prodigy ng


school natin. Mendez claimed that [Stein] Alberts was behind some murders sa ating
campus. Ang tawag yata sa kaniya ay Moriarty. Pero ayon sa imbestigasyon ng school,
Loki's claims are baseless."

Weeks ago, a video of a student being kicked repeatedly at the Diogenes Cafe went
viral. Witnesses confirmed that Alberts was being beaten by Mendez at the time.
Asked for confirmation, Alberts declined to comment.

The CLARK GAZETTA has received reports about the existence of a man called
"Moriarty" but no substantial evidence of his existence has surfaced so far except
the crimes being alleged to him.

When asked to comment about Moriarty, Mendez insisted in interview that the so-
called criminal mastermind is real and not a "figment of his imagination."

However, some sources claimed that Rios' blog about the cases they solved might
have affected Mendez' thinking and created an imaginary criminal mastermind. Other
sources said the club might have been tempted to take advantage of their genius to
make themselves famous.

Napatakip na lamang ako ng mukha at hindi ko na tinapos basahin ang buong article.
The rest of it was nonsense and its only purpose was to destroy our club's
reputation.

"Maybe we should have

taken Gus' threat seriously," sabi ko kay Loki na kanina pa palakad-lakad sa


harapan ko. "They spun everything against us. Nagmukha talaga tayong masama sa
article na 'to."

"Their words against ours," he replied, putting his hands together and his eyes
looking faraway. "Now how do we survive this story?"

"Gaya nga ng sinabi mo, these are only words," I showed him the front page again.
"Wala silang ebidensya na magpapatunay na gawa-gawa natin ang lahat nito."

"I can sense that they still have something up their sleeves," Loki glanced at me.
"Remember what Gus said? He always tells his writers that they need something
concrete before they publish an article. These quotes cannot be used as solid proof
against us."
Our conversation was interrupted by two knocks on the door. Jamie and Al entered
the rooftop with confused looks on their faces. They must be wondering "What the
heck is going on?" Ang gandang salubong sa umaga namin.

Ipinakita ko sa kanila ang kopya ng Clark Gazetta. Ilang beses ding napataas ang
kilay nila, napakunot ang mga noo at napabuka ang bibig-the same reactions I had
earlier.

"This is crazy!" Muntikan nang punit-punitin ni Jamie ang newspaper sa sobrang


pagkainis niya pero napigilan siya ni Al. Ganon din ang naramdaman ko kahit 'di ko
pa tapos basahin ang article.

Al only shook his head, maintaining his calm compoure. "Is this Augustus' response
to your threat yesterday?"

Loki nodded. "They are on a mudslinging campaign to discredit everything that we

have achieved so far. If the whole campus were to believe the lies of Clark
Gazetta, who else would believe a single word that we say about Moriarty?"

"We need to issue a statement!" Jamie suggested as both Loki and Al looked at her.
"Kailangan nating sagutin ang mga alegasyon nila."

"I don't think that will help," Al replied. "Magmumukha tayong defensive at mas
paniniwalaan pa rin ng mga tao ang sinulat ni Zoey dahil mas matimbang ang salita
ng mga source nila."

"Then we need to discredit their source," Loki said. "They might have been coerced
to say these words in the interview. Moriarty and his gang grazed our cheeks and we
must stop the bleeding immediately."

"At paano natin madi-discredit ang kanilang sources?" tanong ko.

"We will split into two," sagot ni Loki. "You and Jamie will talk to Ben Ten while
Alistair and I will deal with Adonis. Kulang pa yata ang ginawa ko sa kanya noon."

"Don't do anything that our enemies can use against you," payo ko sa kanya. "Kung
sasaktan mo si Adonis, lalong lalakas ang hinala nilang baka nga tinatakot mo siya
para mapasunod sa gusto mo."

"There is no need to worry, Alistair will be there to stop me," he darted a quick
look at my childhood friend. "I still have a copy of Adonis' schedule so we know
where we can find him. How about you?"

"Baka ipagtanong namin sa mga taga-Grade 10."

With that, nagkahiwa-hiwalay na kaming apat. Pumunta sa gym sina Loki at Al dahil
may morning training si Adonis doon habang kaming dalawa ni Jamie

ay pumunta sa third floor.

It feels like deja vu to be working with her.

"Normally I would comment about how unlucky I am to be stuck with you," Jamie said
as we walked across the hallway. May ilang napapatingin sa amin at pinagbubulungan
kami. "But we are dealing with a bigger enemy here kaya ceasefire muna tayo. Kapag
nakita ko ang bitch na 'yon, I will slap her face."

Who's the bitch? You or Zoey?

Nang makarating kami sa mga classroom ng Grade 10 students, pinagtanong-tanong


namin sa mga estudyanteng nasa classroom kung kaklase nila si Benjamin Tenorio.
Hindi pa tumutunog ang school bell kaya hindi kami nahirapang makahanap ng
mapagtatanong.

But I can sense na medyo umiiwas sila sa amin.

"Ben Tenorio?" We called on a guy who was busy reading his notes near the railings.
Napaharap siya sa amin at bahagyang nagulat nang makita kami.

"Taga-QED Club kayong dalawa, 'di ba?" Isinara niya ang kaniyang binabasa para
ituon ang buong atensyon niya sa amin.

"Yes, and you mentioned us in an article published on the Clark Gazetta." Hindi na
nagpaligoy-ligoy pa si Jamie at direkta nang tinanong ang lalaking nasa harapan.
"Gusto naming malamin kung bakit ka nagsinungaling."

"Nagsinungaling?" napataas ang kanang kilay ni Ben. "Hindi ako nagsinungaling noong
ininterview ako ng news writer nila. Bakit naman ako magsisinungaling? Anong
mapapala ko doon?"

"Did someone force you to say what you've said sa interview?" I gave it a soft
touch, masyado kasing agresibo si Jamie kaya baka lalong manlaban si Ben. "Did
someone coach you to tell the interviewer na tinakot ka

ng aming club?"

Marahan siyang umiling. "No one coached me. At sa tingin ko, alam ko na ang dahilan
kung bakit nandito kayo. Gusto n'yong bawiin ko ang lahat ng sinabi ko?"

"Ang gusto lang namin ay sabihin mo ang katotohanan. Kung may nanakot sa 'yo para
pagmukhaing masama ang club, matutulungan ka namin."

"Pawang katotohanan lamang ang mga sinabi ko. Kapag 'di pa kayo tumigil sa
pangungulit, sasabihin ko sa Gazetta na sinubukan n'yo akong takutin para bawiin
ang sinabi ko."

Kumuyom ang mga kamao ni Jamie, damang-dama ko ang pagtitimpi niyang sampalin ang
lalaking 'yon. Mukhang kahit anong pakiusap namin, hindi magbabago ang isip niya.
He looked surprised when he saw us but he did not seem to be in any kind of
trouble. Kung tinakot siya ng mga tauhan ni Moriarty, then there would be any sign
of it.

Hinila ko na lamang ang kamay ni Jamie at iniwan si Ben. Nagpoprotesta pa ang


kasama ko kung bakit bigla kaming umurong sa laban.

"Malakas ang kutob kong tauhan siya ni Moriarty," sabi ko. "Kaya kahit anong gawin
natin, hindi magbabago ang statement niya laban sa club."

"Do you mean sinadya ni Moriarty na ilagay sa sarili niyang tauhan ang bomba?"

Tumango ako. "Para kung may sasabihin man siyang panira sa atin, mas madali siyang
paniniwalaan ng lahat. Isa siya sa mga muntik nang maging biktima kaya may bigat
ang sasabihin niya."
Alam kong hindi dapat ako mamangha pero grabe ang foresight ni Moriarty. A
seemingly sacrificial pawn before is now being used to damage our credibility.
Parang time bomb na hinintay lamang pasabugin

sa tamang oras.

Muli kaming nagkita-kita sa rooftop para i-report ang progress ng mission namin.
Hindi na rin kami pumasok sa first subject namin dahil mas importanteng
maprotektahan ang club kaysa sa boring discussion.

This time, karga-karga ni Loki si Freya sa kaniyang mga braso. Pero napansin kong
nagkakulay ang mga paw niya. Kaagad siyang tumalon mula sa bisig ni Loki at tumakbo
papunta sa akin. I checked her paws and smelled paint on them.

"HISSS!" bati niya kay Jamie nang makita ito. Napalayo naman ang babaeng nasa tabi
ko sa takot na baka kalmutin siya ni Freya.

"Any luck?" tanong ni Loki.

I shook my head slowly. "We thought Ben Ten was a random victim chosen by Moriarty
to wear the bombs, but I believed he was planted in the library for the purpose of
ruining our club's image. Kumusta si Adonis?"

"No luck either. He said he cannot and will not change any word of his statement,"
sagot ni Loki. He still sounded calm despite our efforts being in vain.

"Kung anuman ang hawak ni Moriarty laban kay Adonis, masyadong malakas kaya hindi
natin basta-basta makukumbinsing baligtarin ang sinabi niya sa Gazetta," dagdag ni
Al. "We need to think of another way to turn this around."

Jamie raised her hand. "Maybe we can intimidate the writer para baguhin niya ang
isinulat niya? You may not approve of this method pero baka we can dig up some dirt
on that girl and threaten her to tell the truth?"

"And give the Gazetta another proof of intimidation?" Loki shot down her idea. "We
are already being accused of alleged threatening victims for our personal gains,
dadagdagan pa ba natin?"
Natahimik

kaming lahat. This is the first time we deal with this problem. We can solve cases
to prove someone's guilt or innocence. Ngayon, nahihirapan kaming patunayan
kasinungalingan ang lahat ng mga sinabi nila sa amin.

"If we can't kindly ask the sources to change their statements..." humarap si Loki
sa aming tatlo, "why don't we change their statements?"

"Good idea," komento ko habang hinahaplos ang chin ni Freya. Nang mapagtanto kong
magulo ang sinabi niya, sabay kaming tumingin ng pusa kay Loki. "What did you say?"

"Only the sources can change their statements," sabi ni Al. "Unless mag-issue sila
ng bagong statement na kino-correct ang naunang pahayag nila, walang magbabago sa
takbo ng istorya."

Muling naglakad-lakad si Loki sa harapan namin. "Lorelei, you probably observed


yesterday that Zoey used her phone to record our short interview. I assume she also
recorded her interviews with Ben Ten and Adonis to serve as proof in case someone
questions the article."

"And how can we use the recorded interviews to our advantage?" tanong ko. "That
only susbtantiates the credibility of Zoey's article-"

"Unless," Jamie cut in, "we're gonna change the contents of the recorded
interviews?"

"That's impossible!" I exclaimed, dahilan para mapatalon si Freya mula sa mga braso
ko. "Naka-record na ang mga 'yon!"

"Lorelei, nakalimutan mo na yatang pwedeng i-edit ang kahit anong recording." Jamie
looked at me as if I uttered a stupid idea. "Kung mae-edit natin ang audio
recording ng interviews nila, we can refute Zoey's article."

"That's a bold suggestion," komento ni Al. "Pero kung gagawin natin 'yon, Zoey's
credibility as news writer will be in question. Assuming na hindi siya direktang
inutusan ni Augustus na siraan tayo o hindi siya connected kay Moriarty, maybe she
only wrote that article based on what she had."
Loki put his hands behind him and faced Al. He somehow reminded me of Luthor who
does the same gesture. "What's more important, Alistair? Her credibility as a
writer or our integrity as a club? Moriarty is playing dirty, using our school
paper to sling mud at us. We may need to resort to cunning strategies."

"Pero paano natin gagawin ang pag-e-edit?" tanong ko kay Loki. "Alam kong marunong
kang mag-lockpick pero marunong ka rin bang mag-edit ng audio clip?"

"Fortunately, I know someone perfect for the job." Loki showed his phone and
started tapping on the keypad.

"Who?"

"Herschel Aguirre."

###

=================

Volume 2 • Chapter 28: The Fall of QED Club (Part 3)

A/N: HAPPY 50TH UPDATE! Thank you sa mga active at silent reader na walang sawang
sumusuporta sa story. Nasa 800K mark na tayo!

I also wanna give a shoutout to Wendy Preciosa! Stay awesome, gurl~

And I'd like to officially confirm here on Wattpad that I will be collaborating
with DETECTIVE FILES author ShinichiLaaaabs. We haven't discussed the details yet
but it might be a crossover between PL and DF characters. Hope you will support our
collaboration!

LORELEI

"MAY I remind you na isa akong tech geek at hindi isang magician."

It only took less than two hours before Herschel Aguirre-also known as Hershey-
arrived in our school. As usual, magulo pa rin ang buhok niya na parang tinamaan ng
kidlat at nakasabit sa likuran niya ang kaniyang lab coat.

Loki told him about our dilemma and his request of editing the audio clips in
Zoey's possession against our club. Napakamot tuloy ng ulo si Hershey dahil sa
pinapagawa
sa kaniya.

"Hindi ko basta-basta mare-reproduce ang boses nila. Kailangan ko ng source na


pagbabasehan at doon ko lang magagawang i-edit ang buong clip," dagdag ni Hershey,
hinahaplos ang ulo ni Freya na nakaupo sa tabi ko.

Dahil hindi pa safe na bumalik sa QED clubroom, sa rooftop muna ang temporary
headquarters namin. Sa sahig lamang kami nakaupo dahil walang available na upuan
dito sa taas. Salamat din sa maulap na kalangitan dahil hindi kami masyadong
naiinitan.

"It won't be that difficult to get a copy of Zowen's recorded interviews with her
sources," Loki said. "Maybe I can ask her to give us copies so we can examine if
the witness statements are true."

"Pero may nakakalimutan ka yata," Al cut in. "Sabihin na nating mae-edit ni


Herschel ang recording, paano natin maipapalabas na mas genuine ang hawak natin?
Zoey will still have her own copy of the recordings and proof that hers are the
real ones."

"You underestimate Herschel, Alistair. He's a man who can make a seemingly
impossible thing possible."

"Not really," namula ang pisngi ni Hershey, he seemed flattered by Loki's words.
"What we need to do is to overwrite the files in her device."

"So we need to steal her phone or laptop?"

"No, we only need to find a way to make her download a certain file where we will
secretly attach the edited versions. Kapag dinownload niya 'yon at inopen, the
mechanism will automatically overwrite the ones saved in her gadget."

I have absolutely no idea how he's gonna do it, but Herschel sounded so confident
that he can deliver exactly what Loki wants. Tama nga ang

desisyon ng club president namin na humingi ng tulong sa kaniya. The question is:
Paano namin mae-execute ang lahat nito?

Tumingin si Loki sa screen ng kaniyang phone at lumingon sa akin. "It's still lunch
time. Maybe we can pay our journalist friend a visit and start our plan. Lorelei,
come with me. Jamie and Alistair, stay with Herschel and make sure he won't get
bored."

"Loki~ pwedeng ako na lang ang isama mo?" hirit ni Jamie, nag-puppy eyes pa siya
habang nakatitig kay club president.

"No." Loki turned to the rooftop door and climbed down the steps.

Sinubukang sumunod ni Freya sa akin pero mabuti't kinarga siya ni Al. Loki and I
will go to the battlefield. It would be better for her to stay in the safe ground.

Bago ako tuluyang nakababa, nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Jamie sa akin.
She should not get mad at me. Wala naman akong sinuggest kay Loki na ako ang isama
niya sa pupuntahan namin.

"Once the edited recordings overwrite the original files, what are we gonna do?" I
curiously asked my companion as we rushed down the stairs. May mga nakasalubong
kaming estudyante na pinagtitinginan kami. They must have read the Gazetta's
article.

"We need to make the recordings public and make everyone in the campus believe that
Zoey edited her sources' statements to ruin our image."

"But what if Zoey wasn't aware that her sources were only forced to feed her wrong
information?" This was the same argument that Al raised earlier. Kung inosente ang
writer, masisira ang kredibilidad at pangalan niya sa buong campus. Loki's plan was
to publicly humiliate

her para walang maniwala sa isinulat niya!

My companion paused at the middle of the flight of stairs and turned to me. "Look
at the bigger picture here, Lorelei. By damaging Zoey's reputation as a writer, the
Gazetta-their editor-in-chief in particular-will also take blow from this
conundrum. Mapapaisip ang ilan, bakit hinayaan ng mga editor na ma-publish ang
isang erroneuous report?"

"In other words, ito ang magsisilbing ganti natin sa Gazetta?"

"When someone shoots you with bullets, pull the pin of a hand grenade and throw it
at them," he said as he resumed his trip to the ground floor. "They messed with us,
we will mess with them."

Of course, we need to fight back. But I do not want any collateral damage from this
clash between our club and the school paper. Pero mukhang kahit anong gawin namin,
this is inevitable.

On our way to the publications office, we had to endure piercing looks from curious
students. I could hear their whispers, badmouthing our club. Na-tempt akong
pagsabihan sila na kasinungalingan lamang ang mga nabasa nila sa newspaper. But I
restrained myself because it won't do any good sa amin.

Weeks ago, I defended the club from being dissolved by blackmailing the student
council. Now we are on our quest to diminish the credibility of our school
publication to clear our club's name. Ganito pala kapag attached ka sa isang bagay,
handa kang ipaglaban ito kahit gumagamit ka ng mga unorthodox method.

Saktong pagdating namin sa tapat ng kanilang office, nakita namin si Zoey na may
dala-dalang manipis na kahon, mukhang isang package na ipinadala

para sa kaniya. She smiled at us while Loki kept his poker face.

"I was about to greet you good afternoon, but I think that would be too
insensitive." Huminto siya sa tapat ng pinto ng kanilang opisina at hinarap kaming
dalawa. "You probably have hard feelings on me for what I wrote, but I only did my
job."

"Your job is to tell the truth," Loki countered, his voice told me that he's
restraining himself from engaging in a harsher word war with the writer. "There's
no truth in the article you published."

"Nakakasakit ng loob ang sinabi mo pero naiintindihan ko ang nararamdaman n'yo."


What's more annoying is that Zoey kept that smile on her lips. "Sooner or later,
the school admin will launch an official investigation on your alleged involvement
in some cases that happened here."

"If you are really committed to the truth, then our club asks for copies of the
audio recordings of your interviews with your so-called sources," Loki sounded
demanding. "If you have nothing to hide, then you can grant our request."

"I can give you the transcript," tugon ni Zoey, "to save you from the trouble of
listening to how many minutes of audio clips."

"We want the raw files. Baka may inedit ka sa transcript kaya para makasigurado,
ibigay mo sa amin ang actual recordings."

Tinitigan muna kami nang ilang segundo ni Zoey, she seemed to be reluctant to agree
with Loki's demands. "Fine, we promote transparency in the Clark Gazetta so I see
no problem sending the files over. Kung 'yon ang ikatatahimik ng konsensya n'yo,
pagbibigyan ko ang hiling n'yo. Fair enough?"

Loki nodded.

"Send them to . Since you are committed to the truth, do you mind if our club will
give an official statement about the accusations?"

"That would be great! Do you wanna do an interview now? Free ako hanggang one
o'clock."

"Not an interview. A press release, sort of. I will send it to you after we review
the audio recordings."

"I'd prefer a one-on-one or group interview with your members so I can raise
important points about the issues."

"Need not to worry. I can enumerate at least ten questions that you probably have
in mind right now. We will answer those possible questions in our press release."

"Looking forward to it," Zoey waved her right hand as she entered their office.
Umakyat ulit kami patungo sa rooftop para hintayin ang ipapadalang file niya.

Now everything hinges on those recordings. We can turn the tide in our favor if
Loki's plan succeeds.

Ang akala ko'y didiretso kami sa rooftop para balikan sina Hershey, Jamie at Al,
pero biglang lumiko si Loki sa fifth floor at diretsong naglakad hanggang sa
marating namin ang university radio station.

"Anong gagawin natin dito? Balak mo bang mag-practice na maging disc jockey?"

"If we want to publicly humiliate our school publication, a live radio broadcast
would do the trick. We will ask the station manager to air our one-on-one face-off
with Zoey across the campus."

"Teka, kaya nilang gawin 'yon?" Dahil isa akong transferee dito, hindi ako ganon
ka-aware sa kanilang radio station. Alam kong nag-e-exist ito, pero ni minsa'y
hindi pa ako nakapag-tune-in sa kahit anong segment nila on-air.

"The

radio station plays Christmas songs every lunch time starting November. And in
special occassions, such as the student council election debates, they broadcast it
live across the campus."

"But you never told Zoey about this radio broadcast."

"Once the party is set, she will have no choice but to attend," Loki said, halting
in front of the station's door. I followed him as he went inside.

This is the first time that I have been here. May maliit lamang na lounge sa loob
kung saan may mga nakalagay na couch. On our left is the station manager's small
office while on our right is the DJ's booth.

"You wait here," sabi ni Loki bago niya ako iniwan sa lounge at pumasok sa cubicle
ng station manager. A bald man probably around his fourties greeted my companion
and shook hands with him. I could only see Loki's mouth moving but I couldn't hear
a single word. Napakrus ang mga braso ng station manager, patango-tango habang
patuloy sa pagsasalita ang kasama ko.

Weeks ago, when Loki was suspended due to what he did to Stein, he told me about
his skill of lip reading. Noong literal na nagpasabog si Moriarty, he demonstrated
that skill to know what the officers on the scene were talking about.

My eyes squinted as I tried to observe every movement of his lips. I could make out
some syllables from it but when I tried to put them together like pieces of a
puzzle, nothing made sense. It's all gibberish.

Napabuntong-hininga na lamang ako at umupo sa couch. The fact that I am not Loki
means that I cannot do some things that he can do. Ni hindi ko nga kayang matulog
nang dilat ang mga mata-a skill which he proudly showcased

before.

Ilang minuto ang lumipas bago siya lumabas sa cubicle. He jerked his thumb to the
door at sumunod ako sa kaniyang paglabas. I could not see any hint of
disappointment on his face, though it was really hard to read. Baka umayon ang
lahat sa kaniyang plano.

"How did it go?"

"Tomorrow at lunch time, there will be a special program where I can air our side."
Nagmamadali na naman siyang maglakad na parang hinahabol ng aso. "I told the
station manager that I will also invite Zory to present the whole picture of the
case. Just so you know, I helped him find the missing CDs in the station that's why
he owes me a favor. Wasn't a difficult case."

So far, everything's going smoothly as Loki planned and Zoey has no idea that a
trap is being laid for her. I wish the circumstances did not need to reach this
point, pero nandito na e.

Nadatnan namin sa rooftop sina Jamie at Alistair na tutok na tutok sa laptop ni


Hershey. Parang may ipinapanood siyang pelikula or something na tiyak na nakakuha
sa atensyon nila. Maging si Freya, nakikiusyoso rin sa pinapanood nila.

"What do we have here?" tanong ni Loki, dahilan para lumingon silang tatlo sa
kaniya. Mabilis siyang nilapitan ni Jamie at saka hinila patungo sa spot kung saan
nakaupo si Hershey.

"Herschel is showing us the software he will use to edit the audio recording, and
it's cool!" Jamie explained, hindi pa rin niya pinakakawalan ang braso ni Loki.
Lalapit sana si Freya sa kaniyang amo pero napaurong siya nang makita si Jamie.
"Kumusta ang pakikipag-usap n'yo kay Zoey?"

"She will send the raw files within the

hour. Kapag na-receive ko na, i-e-email ko kay Herschel para matapos niya agad. How
long do you need?"

Lumingon si Hershey sa kaniya at iniangat ang ulo. "An hour or two. I also need a
close and quiet workplace para hindi ako masyadong ma-dsitract."

"How about my apartment?" Loki suggested.

"That will do, basta walang maingay," sagot ni Hershey sabay tayo at pagpag sa
kaniyang pantalon. "Tara?"

"Teka," itinaas ni Al ang kaniyang kanang kamay. "Mag-a-ala-una pa lang ng hapon.


Are you suggesting na mag-cutting classes tayo?"

"Alistair, if the world is about to be destroyed and this is the only chance we can
save our planet, what would you choose?" Loki asked. "Spend your last remaining
hours in your boring classrooms or protect the world from devastation?"

Masyado naman yatang malayo ang ginawa niyang analogy sa sitwasyon namin at sa
pagkawasak ng mundo.

"It won't hurt our grades if we cut class once in a while," my childhood friend
gave in to his duty to the club. Ever since magkakilala kami, I knew that he would
prefer to follow the rules. He always find it hard to break them. But there are
some instances where he set aside his principles. "We can use my car if you want.
Kasya naman tayong lima doon."

Bumaba na kami mula sa rooftop, hawak-hawak pa rin ni Jamie sa braso si Loki habang
nakaalalay naman sa akin si Al. Sumabay sa aming pagbaba si Freya. Hindi pa rin
nawawala ang nagtatanong na tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong namin sa
hagdan.

We went straight to the lot kung saan naka-park ang puting Subaru ni Al. Loki took
the passenger's seat

(though hinila siya ni Jamie para umupo sa back seat) habang kaming tatlo ang nasa
likuran. Before I closed the right car door, I saw Freya licking her paws as her
heterochromic eyes blinked at me.

Gusto ko sana siyang isakay at isama na sa apartment pero hindi pwede. Kahit auntie
ko si Tita Martha, I cannot be exempted sa general rule niya na no pets allowed. It
might cause an issue sa mga ibang nangungupuhan kung bakit pinayagan kaming
magkaroon ng alagang hayop samantalang sila'y hindi.

I scratched Freya's chin. Nafi-feel din siguro niya na hindi siya pwedeng sumama sa
amin kaya hindi na siya pumasok sa loob ng kotse. All I can do is to assure her
that we will be back to play with her in the clubroom once this ruckus is over.

* * *

Kaagad na sinet-up ni Hershey sa aming living room ang kaniyang laptop at isinuot
ang headset. By the time we reached the apartment, Zoey already sent the audio
clips to Loki which were forwarded to our tech expert. Nakasalalay na ang lahat kay
Hershey ngayon.

"I already told Zoey that she's welcome to join me tomorrow in the special radio
program," Loki said as he sat on the couch with his brand new laptop. "She seemed
excited about it. No person could easily resist the temptation of the spotlight.
What I need to do next is the official statement of the QED Club."
"My dear Loki, do you want coffee or tea?" pumwesto si Jamie sa aming kusina at
pinagbubukas ang mga cabinet. Masyadong abala sa pagta-type sa keyboard ang
lalaking tinanong niya kaya hindi siya sinagot nito. "How about you, Alistair?"

"Anything's fine,"

sagot ni Al na nakatayo sa tapat ng spider's web of conspiracy ni Moriarty. He


followed one of the scarlet strands that led him to the photo of Augustus Moran.

Jamie asked Hershey next, but she also got no reply from the man who's now absorbed
with editing the audio. I wasn't surprised when she did not ask if I want a drink.
She treated me as if I'm invisible. Malamang nagseselos dahil ako ang sinama ni
Loki kanina.

"Lori, do you have a moment?" humarap sa akin si Al sabay turo sa labas ng


apartment. I followed him outside, curious on what he had to tell me.

Dahil abalang-abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa, walang nakapansin sa


paglabas namin. I closed the door of our unit before turning to my friend.

"What is it?"

"I don't think that I need to remind you, but it's your father's birthday this
Sunday."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbuka ng aking bibig. Ano nga bang
date sa Linggo? I almost lost track of time. Anyway, should I thank Al for
reminding me that it's my dad's birthday?

"He's going to host a dinner party at your house and he wants me to ask if you can
come," Al continued.

I only stared at him for a few seconds, then I let out a restrained laugh. "Did he
misplace my number kaya hindi niya ako ma-contact? He could have texted or called
me! But wait! He must be sooo busy with his business that he did not bother to do
it himself."

"He believes you blocked him from your contacts kaya ipinadaan niya sa akin ang
invitation."

I bit my lower lip. I actually did. After he set up a trap to meet me at the

Diogenes Cafe, kaagad kong inilagay sa blocked list ang number niya.

"So you are playing the messenger now?"

"He wants to see you. Otherwise, he won't go through the trouble of asking me to
relay his message. Will you come?"

I crossed my arms over my chest and my fingers began tapping. My default response
would be no. But there's something that is holding me back from refusing to go. At
kung sasabihin kong "no," kukulitin at kukulitin ako ni Al na pumunta. He accepted
the challenge of persuading me to come kaya siguradong he won't let my dad down.

"Let me think about it." This is the safest answer for now. "My mind's currently
preoccupied by what happened to our club kaya hindi ako makakapagbigay ng matinong
desisyon at the moment."

"I hope you will come to the party," Al smiled. But it wasn't his usual smile,
parang may iba pang meaning 'yon. "I assure you that some attendees will surprise
you."

"Wait, what do you mean?"

Tumalikod siya't muling pumasok sa loob, ni hindi man ako binigyan ng kahit anong
hint sa huling sinabi niya. He's hiding something. He's definitely hiding
something. And my curiosity is killing me!

"Hey, Al! Alistair!"

Ugh. I cannot force him to tell me anything. Ewan kung sinabi niya lang 'yon para
ma-curious ako at mapilitang pumunta sa party.

It took only an hour for Hershey to finish the editing. Bigla siyang tumalon mula
sa pagkakaupo at iwinagayway ang mga kamay niya na parang sumasayaw ng random dance
moves. Hinawakan niya ang kaniyang laptop at nagpaikot-ikot muna bago niya
ipinakita sa amin ang "completed rendering"

ng audio files.

"Ladies and gentlemen, the original version," he said before clicking the enter
button. Narinig namin ang boses ni Zoey na nagsimulang magtanong at ang boses ni
Ben Ten na dire-diretso kung sumagot. Talagang idinidiin ni Ben na gawa-gawa namin
ang bomb incident para magpasikat sa buong campus.

"Do you believe the QED Club masterminded the foiled bomb attack?" tanong ni Zoey.

"Matatalino ang mga member nila kaya hindi na ako magtataka kung makakaisip sila ng
ganitong gimik para sumikat. Gusto nilang magpanggap na mga bayani sa school kaya
naisip nila 'to. They are not real heroes," sagot ni Ben.

"And... here's your salvation," muling cinlick ni Hershey ang enter button. The
next audio clip started the same way as the first one, pero ang pagkakaiba...

"Do you believe the QED Club masterminded the foiled bomb attack?"

"Matatalino ang mga member nila kaya hindi sila makakaisip ng ganitong gimik para
lang sumikat. Hindi nila gustong magpanggap na mga bayani sa school kaya hindi nila
maiisip na gawin 'to. They are real heroes."

Napatakip ng bibig si Jamie sa pagkamangha habang patango-tango si Al matapos


marinig ang buong edited version. With Hershey's superb skills in editing, nagawa
niyang gawing pabor sa amin ang statement ng mga witness. And it was flawless!
Hindi mo man mahahalata na may ginawa siyang pag-eedit sa audio.

Sunod niyang pinlay ang interview ni Zoey kay Adonis. Gaya kanina, puro pandidiin
sa amin ang mga sagot niya. Pero nang mapakinggan namin ang edited version, we only
heard Adonis defending our club's name from the allegations.

"What

can you say?" nakangiting tanong ni Hershey.

"Perfection, Herschel, perfection!" Loki exclaimed with matching slow clap. "We can
turn the tables now, thanks to you. I can imagine the surprised look on Zoey's face
once she hears the overwritten audio clips."

"Now I need to secretly embed these clips on the file that your poor victim will
download." Muling umupo si Hershey at tinutukan ang kaniyang laptop. Sunod-sunod na
pagtakatak ng keyboard ang narinig namin. "Tapos ka na ba sa official statement
mo?"

"Just in time," Loki replied as he pressed a button on his laptop. "Email sent."

Humarap siya sa aming tatlo nina Al at Jamie. "Now let's show Augustus that he
should never ever mess with the QED Club."

* * *

"You have no conclusive proof that our club is behind the bomb incident or any
cases that occurred in this school," Loki argued calmly, his usual monotonous voice
echoing in my ears. "We firmly deny these baseless accusations, as what I have
written in our official statement."

"Baseless accusations?" Zoey giggled. "We have witnesses who claimed that your club
orchestrated these so-called cases para makilala kayo. If we put the statements of
these witnesses together, we will see a big picture that your club has been
deceiving the public."

Gaya ng sinabi ni Loki, kinagat nga ni Zoey ang special radio program kung saan
dinedepensahan ng aming president ang club. Naka-broadcast ito live sa buong campus
kaya siguradong maraming napapatigil sa kanilang pagkain o paglalaro para tutukan
ang debate sa pagitan nilang dalawa.

Only Loki

was allowed inside the DJ's booth. Kami nina Al at Jamie, naghihintay sa lounge ng
radio station habang nakikinig at pinapanood ang dalawa sa katabing cubicle. Freya
was sleeping on my lap, probably she also wanted to hear how Loki's plan would play
out.

"How sure are you that your witnesses' statements have any credibility?" Loki
replied. "Paano kung tinakot lang sila para magsalita laban sa amin? And it is also
possible that you misunderstood what they said."

"You asked for copies of the audio clips so we heard the same thing."

"I don't think so. I heard exactly the opposite of what you have claimed in your
article."

Biglang napawi ang ngiti sa mukha ni Zoey at kumunot ang kaniyang noo. "You cannot
refute the statements of the witnesses kaya ang understanding ko sa sinabi nila ang
tinitira mo ngayon? Are you that desperate, Mr. Mendez?"

"You should have reviewed the audio clips, Ms. Beltran. You might have
misunderstood what your interviewees said."

Not that it matters, but her surname's Bernardo, not Beltran!

"I transcribed our interviews and doublechecked it. Imposibleng nagkamali ako."

"Then do you mind if you let everyone in this campus listen to the interviews? We
are in a live broadcast anyway."

Zoey smirked as she took out her phone and started swiping on the screen. "If you
insist."
Itinutok niya ang hawak na phone sa kaniyang microphone. Una niyang pinlay ang
interview niya kay Ben Ten.

"Do you believe the QED Club masterminded the foiled bomb attack?"

"Matatalino ang mga member nila kaya hindi sila makakaisip ng ganitong gimik

para lang sumikat. Hindi nila gustong magpanggap na mga bayani sa school kaya hindi
nila maiisip na gawin 'to. They are real heroes."

As the audio clip went out, dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Zoey at bumuka ang
kaniyang bibig. Her shocked face told me "what the hell is going on?!" Maging ang
student disc jockey na nasa booth ay nagulat.

"In your article, you wrote that Ben Ten said the bomb incident was staged by our
club to make ourselves look like heroes." May dala pa talagang kopya ng Clark
Gazetta si Loki na ipinakita niya kay Zoey. "Then why did your audio clip
contradict everything that you wrote?"

The news writer shook her head in disbelief. "Hindi, may mali rito. Sigurado akong
tama ang pagkakadinig ko sa mga sinabi niya!"

"The evidence is in your hand, Ms. Beltran," Loki spoke slowly, probably savoring
the confusion on Zoey's face. This is what he wanted after all. "And the evidence
never lies. But you can, whether intentionally or not. What about the other audio
clips? Can you play them as well?"

Nanlisik ang mga nakatitig na mata ni Zoey kasabay ng kaniyang pag-tap sa screen ng
kaniyang phone. Sunod niyang pinlay ang interview niya kay Adonis.

"Pumunta pa talaga sila sa apartment ko para kunin ang mga blackmailing


paraphernalia ko. Pinuwersa nila akong itigil na ang pambablackmail sa mga babae.
Wala akong nagawa kundi sumunod-"

"No, no, no! Something must be wrong with these recordings!" Kaagad na inihinto ni
Zoey ang pag-play sa audio clip, balak na nga yata niyang ibato ang kaniyang phone
kay Loki. "You! You probably tampered with

these files! Is that why you asked for copies yesterday?!"

"I needed to listen to them for reference to our official statement. And just so
you know, I never touched your phone so how could I tamper with your files?"

"GO, LOKI DEAR!" Tumayo pa talaga si Jamie at itinaas ang kaniyang kanang kamao
para i-cheer ang club president namin. Nagising tuloy si Freya sa pagkakahimbing
niya.

"Whether Ms. Beltran intentionally or unintentionally twisted the words of her


interviewees to ruin our club's image, I believe it is clear to everyone listening
to this broadcast that the article was erroneous." Despite his apparent victory
over Zoey, Loki remained composed. Pinipigilan niya siguro ang sarili niyang
ngumiti sa pagkapanalo niya. "We appeal to the editorial board of the Clark
Gazetta, especially to editor-in-chief Augustus Moran, to investigate this matter
so it won't happen again."

"Ha-ha. Ha-ha-ha! Hahahaha!"

Everyone in the radio station turned to Zoey, who laughed out of the blue. I hope
she's not yet losing her mind because of humiliation.
"Brilliant! I gotta hand it to you, Mr. Mendez," she continued, a wide smile
plastered on her lips. "I don't know how you did it, but you managed to turn the
story around."

"Are you gonna admit your mistake as a campus journalist who swore to deliver
nothing but the truth?"

"No," Zoey answered with conviction. Naging seryoso ang ekspresyon ng kaniyang
mukha. "I stand by my report that the QED Club tried to deceive everyone and made
themselves look like the good guys where in fact, they are rotten to the core."

"Your so-called proof no longer corroborates your report."

"But I have a much solid proof that your club is involved in illegal activities
like blackmailing."

Biglang sumama ang kutob ko sa pahayag ni Zoey. Loki mentioned yesterday that she
might have something up her sleeves. At baka ito na 'yon.

"I wasn't supposed to tell anyone about this information until we verify it, but
Mr. Mendez forced my hand," she went on. "Kahapon, nakatanggap ako ng package mula
sa isang concerned citizen na naniniwalang hindi malinis ang QED Club."

Package?! Come to think of it, may dala-dala siyang manipis na kahon nang kausapin
siya ni Loki kahapon.

"When I opened it, I saw a silver laptop. Ang akala ko nga, nagkamali ang courier
na pangalan ko ang nakasulat sa recipient. There was a piece of paper inside kung
saan nakasulat ang password. Out of my curiosity, I logged in... and found
something interesting."

Oh my! That silver laptop! Could it be-

"Anong nakita mo sa laptop?" tanong ng radio program host na kanina pa natahimik


dahil sa intense na palitan ng dalawang guest niya.

"There's a folder containing compromising photos of several students in this


campus," sagot ni Zoey. "One may use those materials to blackmail a certain group
of people."

"Teka, paano ito naging konektado sa QED Club?"

"Upon checking, I found out that the laptop belongs to Loki Mendez. And he chose
the most appropriate of names for that particular folder. Once you open it and leak
its contents, hell will break loose."

"Pwede mo bang sabihin ang pangalan ng folder?"

Zoey grinned triumphantly. My heart started beating faster than usual. I have an
idea on what she's referring to.

"Why don't you ask the laptop's owner? I'm pretty sure the name 'Pandora's Box'
rings a bell."

###
=================

Volume 2 • Chapter 28: The Fall of QED Club (Part 4)

LORELEI

HOW ARE we gonna survive this story?

I thought victory was at hand when Zoey played the edited audio clips. But no, she
had something up her sleeves and we were caught by surprise.

The Pandora's Box. Who would have thought that it can be used against Loki? It was
a trump card saved by the enemy until the very last moment-the time that we were
about to claim that we won.

Moves and countermoves. This mudslinging campaign was initiated by one of


Moriarty's generals and Loki's silver laptop was stolen probably by one of the
mastermind's agents. Right now, we are losing. Malapit na kaming ma-checkmate.

"Timing! Timing!" Loki exclaimed as he began pacing the rooftop, his fingertips put
together. Kung kanina'y kalmado siya sa radio station dahil inakala niyang matatalo
na namin si Zoey, ngayo'y medyo nababagabag na siya. "We were about to steal the
gun away from her. Then she suddenly took out a bazooka."

Jamie raised both of her hands as she attempted to approach Loki, pero may pag-
aalinlangan siya. "Ka-Kalma ka lang, Loki. Malulusutan pa natin 'to. I f we managed
to turn the witnesses' statements against the student publication, we can still
turn the tides to our favor."

Tumigil si Loki sa paglalakad at hinarap siya. "But how? My name's on the laptop.
They can check the date when the Pandora's Box was created and it will only further
solidify their claim against me, against us. We need to think of something."

"What if you tell them the truth? On how you got those photos and why you saved
them in your laptop?" It

was Alistair's turn to suggest. "The only way we can prevent a lie from growing
like a flower that allures people is by quickly cutting it with the sharp blade of
truth. "

"But the truth doesn't matter anymore," Loki countered as he resumed pacing back
and forth. "Zoey and the Gazetta will only twist the facts to suit their claim that
we are a dirty club. And the Pandora's Box might be the nail in the coffin!"

"Can't Herschel do anything?" tanong ni Jamie. "Nagawa niyang i-edit ang mga audio
clip at i-attach ang mga 'yon sa pinadala mong file kay Zoey. If he can use a
mechanism that can overwrite files, maybe he also has something that will delete
the contents of the Pandora's Box?"

"I already asked him if he can hack my laptop so he can erase evidence that might
incriminate me. But he couldn't access my stolen device because it wasn't connected
to the internet."
Napatakip na lang ako ng mukha at yumuko. Freya tried to cheer me up by rubbing her
body on my leg. She could sense the tension rising among us. The situation rwas so
severe that we couldn't afford to smile anymore.

Loki was staring at the skies, his fingertips glued together, when he snapped his
fingers and turned to us. Nagkaideya na siguro siya kung paano namin malulusutan
ang sitwasyong 'to.

"We have no choice but resort to underhanded tactics. Again. We will steal the
laptop in their possession."

"So how are we gonna do it?" Al crossed his arms over his chest. "Hindi naman tayo
pwedeng pumasok sa publciations office ng Clark Gazetta at biglang hablutin ang
laptop mula sa kanila."

"We have to

create a commotion that will force them to leave their office immediately," sagot
ni Loki. "We only have an hour before they turn over the laptop to the Campus
Police. Kailangan na nating kumilos."

"How about a bomb threat!" Jamie raised her finger, with eyes widened and face
brightened up. "Kung ite-text natin ang isa sa mga professor, telling them that we
planted a bomb somewhere in the campus, everyone will be forced to vacate their
rooms immediately."

"Brilliant idea, Jamie!" our club president replied. "That will keep them away from
the office while we steal the laptop. We choose a professor who's easily alarmed
and there shall be chaos."

"Chaos, huh?" Al remarked, his eyes blinking as they gaze at Loki. "I wonder if
this plan won't backfire on us. Hindi pa natin ito masyadong pinag-iisipan. Yes,
everything may go exactly as planned. But have we considered the consequences that
this chaos will create?"

"We need to create chaos so we can put everything back in order again," our club
president said. "I do not like how the chessboard is set. The solution? Flip the
chessboard and put all pieces back to their rightful places again."

"How about the potential casual-"

KKKRRRRRRIIIIIIIIINNNNNNNGGGG!

Napatakip kaming dalawa ni Jamie ng tenga nang bumulabog sa amin ang nakakabinging
tunog na 'yon. Lumingon-lingon sina Loki at Al sa paligid para alamin kung saan
galing ang mala-sirenang tunog.

"That's the fire alarm, isn't?" Loki looked at us with knitted eyebrows.

"This isn't a part of your trick?" tanong ni Al.

"We just agreed that we will use the bomb scare strategy as a diversion. We haven't

even discussed or opened the topic of using the fire alarm."

"Kung ganon, totoong may sunog sa school building?" may pag-alalang komento ni
Jamie, napatakip pa ng bibig. "What a coincidence, isn't it?"
"You may consider it as a miracle."

"Attention to all students! This is a surprise fire drill! Please vacate your rooms
immediately. I repeat, please vacate your rooms immediately. Campus police officers
have been deployed to assist you. Do not panic. I repeat, do not panic!"

"We would be fools if we let this opportunity pass!" sabi ni Loki sabay takbo sa
hagdan. Sumunod kaming tatlo sa kanya, maging si Freya, at nakipagsabayan sa mga
estudyanteng nagmamadaling bumaba. May ilan pa kaming nabangga sa dinaanan namin.

"Huwag mag-panic! Huwag masyadong magmadali!" sigaw ng isang campus police officer
na nakaistasyon sa ground floor. He was directing the students to proceed to the
exit.

Dumiretso kaming apat sa kabilang wing, sumasalungat sa bugso ng mga estudyanteng


galing doon. Kinarga ko na si Freya sa mga braso ko dahil baka matapakan siya ng
mga nakakasalubong namin.

"Just in time!" Loki exclaimed as we reached the door to the publications office.
Mukhang wala nang tao sa loob dahil naka-lock na ito. He took out his lockpicking
kit as he prepared to intrude.

"Excuse me? Ano pang ginagawa n'yo rito?"

Lumingon kami at nakitang papalapit sa amin ang isang campus police officer. He was
probably assigned to this wing of the school building.

"May nakalimutan kasi kami sa loob ng office namin kaya kailangang kunin," palusot
ni Jamie sabay pagpapa-cute

sa officer. Pakurap-kurap ang mga mata niya't nagpa-pout pa para kumbinsihin ang
lalaki. That's Jamie for you-her irresistible charm on men.

"Ang utos kasi sa amin ni chief ay siguruhing walang maiiwang estudyante sa


building." Oops, looks like someone wasn't one hundred percent enchanted by Jamie's
sweet smiles. "I'm sorry pero kailangan n'yo nang lumabas ng building. Pwede n'yong
balikan 'yan mamaya."

"Just two minutes, please?" Nagpa-puppy eyes na si Jamie sabay hawak sa kamay ng
campus police officer. "Your superior won't know unless we tell him, right?"

"You have nothing to fear," pasimpleng lumapit si Loki sa pinto ng publications


office at sinubukang ipasok ang dalawang mala-alambreng bagay sa keyhole sa
kaniyang likuran. "You can tell Inspector Estrada that this is for a case we are
investigating."

"Unfortunately, Inspector Gareth Estrada is no longer the chief of the campus


police."

"Inspector Double M!" biglang sumaludo ang campus police officer.

Natigil si Loki sa ginagawa niyang lockpicking nang makita namin ang isa pang
lalaking may katangkaran na sumulpot sa likuran ng pulis. Matipuno ang kaniyang
pangangatawan, fit na fit sa kaniya ang suot niyang uniporme na kagaya kay
Inspector Estrada. But what really got my attention was the scar across his nose.

"What do you mean... sir?" tanong ni Loki, mabilis niyang itinago sa kaniyang bulsa
ang lockpicking kit at humakbang palapit sa lalaking nasa forty o fifty years old
na siguro.
"Inspector Estrada has been relieved from his duty as chief of campus police and
reassigned to another unit."

W-What?

Dahil ba 'to sa mga nangyari nitong nakaraang araw? Lalo na nang malaman nilang
isang killer ang officer ng campus police?

"I am now the chief," the middle aged man added, his hands inside his pockets.
"Morgan Morales, at your service. You can call me Double M."

Napaurong nang ilang hakbang si Jamie at napakapit kay Loki habang nanatili si Al
sa kinatatayuan niya. I felt intimidated by the mere presence of the new campus
police inspector.

"Officer, guide these students out of the building. They must have lost their way."

"Yes, sir!"

Wala nang nakakibo sa aming apat, maging si Loki. His aura was so strong that we
did nothing except follow the officer's lead across the hallway. Kung kailan
makakatulong sana ang pagiging acquainted namin kay former Inspector Estrada, doon
pa siya ni-reassign.

"What should we do now?" tanong ni Jamie habang nakatingala sa rooftop kung saan
kami nag-uusap-usap kanina. "I don't think the new campus police chief will
cooperate with us."

"I figured it would be pointless to convince him so I decided not to speak a word,"
sabi ni Loki habang nagdo-drawing ng barko sa may lupa. "Just when everything's
sailing smoothly, life cries 'plot twist!' and sends crushing waves to our ship."

Is fate playing a trick on us? Bakit kung kailan malapit na naming makamit ang
tagumpay, biglang may susulpot o mangyayaring hindi inaasahan? Noong una, 'yong
Pandora's Box. Ngayon, 'yong bagong campus police chief.

Nilapitan tuloy ni Freya ang aming club president at sinubukang pasiyahan ito.
Hinaplos-haplos ni Loki ang ulo ng pusa at bahagyang napapangiti

sa reaksyon ni Freya.

"So much for underhanded tactics now," Al commented. "What Loki can do now is to
tell them the truth and answer their questions about the contents of the laptop."

"Looks like that's the only option left," Loki said, still scratching the chin of
our club cat. "Maybe I can turn everything around during the interrogation. Don't
worry, if worse comes to worst, I will insulate you from the charges."

"LOKI!" sabay naming bulyaw sa kaniya ni Jamie.

"If I go to prison, please bring me a basket of oranges and a box of donuts." Hindi
ko alam kung nagjo-joke ba siya o sineseryoso niya ang posibilidad na makukulong
siya dahil sa mga sensitive photo sa laptop niya.

"I won't let that happen!" biglang niyakap ni Jamie mula sa likuran si Loki.
"Kakalbuhin ko si Zoey kapag nangyari 'yon! I swear!"

Bigla ko tuloy naalala 'yong sinabi niyang "take advantage of the situation." Maybe
this is an example of it?

Beep! Beep! Beep!

Inilabas ni Loki ang kaniyang phone, nakadikit pa rin na parang linta si Jamie sa
likuran niya. When he saw the number flashing on the screen, he rolled his eyes
first before answering it.

"Zoey, what a pleasant surprise," he answered drily to the call. Pinindot niya ang
loudspeaker button para marinig din namin ang usapan nila ng writer na nagtangkang
magpabagsak sa amin.

"We will present the evidence to the campus police later. If you want to see for
yourself if we really have the laptop, you can come to the station."

"Thank you for the generous invitation. Much appreciated," he replied before

tapping the hang up button.

"Will you come?" tanong ko.

Loki nodded. "Declining their invitation might be seen as a sign of guilt. It is


best to appear in the station to show good faith."

* * *

Now the moment of truth.

Isinama ako ni Loki sa campus police station dahil ako lang-maliban sa kanya-sa
aming apat na member ng QED Club ang nakakita sa laman ng Pandora's Box. Baka kasi
may ginawang trick sina Zoey at mga kasamahan niya sa Gazetta para lalo kaming
idiin sa kanilang akusasyon sa amin.

Habang papasok kami sa lobby, naalala ko 'yong nangyari ilang gabi na ang
nakararaan... when Officer Bastien Montreal shot himself after revealing a bit of
information about Moriarty. Napatakip ako ng bibig at muntikan nang masuka nang
maalala ko ang madugong scenario dito.

Moriarty... He must be enjoying his cup of tea now while laughing at the crisis
that our club is facing. Augustus may have initiated the mudslinging campaign, but
it was probably Moriarty who had approved of this operation.

Dumiretso kami sa interrogation room kung saan nakaupo na si Zoey, hawak-hawak ang
isang laptop case. The new campus police chief was also there with the officer we
met earlier.

"Please take a seat." Inspector MM motioned to the vacant seats near Zoey's. Kahit
may tensyon sa pagitan namin at ng news writer, umupo kami sa kaniyang tabi at
kunwari'y okay ang lahat.

Binuksan ni Zoey ang case at inilapag ang laptop sa mesa. "We verified the contents
of this laptop which is owned by Loki Mendez. This will prove that he was in
possession of some

sensitive materials."

The inspector's fierce eyes glanced at me and Loki. Agaw-pansin talaga ang peklat
sa kanyang ilong. It made him appear scarier and more intimidating. "If what she
said was true, formal charges can be filed against you, Mr. Mendez. Medyo
nakakapanghinayang lang. I heard so much good things about you."

Zoey turned on the laptop and the Windows loading screen appeared. Iniharap niya
ito kay Inspector MM at sinabayan pa niya ng isang malawak na ngiti. "The truth
shall be revealed now."

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko, parang kahit anong sandali ay sasabog ito.
This could be our club's downfall, exactly what Moriarty wanted. I looked at Loki,
he maintained his composure but I could see on his clenched fists that he's
containing his anger.

Kung tumitindi ang tensyong nararamdaman naming dalawa, kumpiyansang-kumpiyansa


naman si Zoey sa ebidensyang hawak niya. I still wanna believe that she wasn't
being deliberately used by Moriarty to destroy our club.

"Hmm?" tumaas ang kanang kilay ni Inspector MM, nakaukit sa kaniyang mukha ang
pagtataka. "There is nothing here."

"EH?!" biglang napatayo si Zoey sa kaniyang upuan at dali-daling tumabi sa chief ng


campus police. Nagtinginan kaming dalawa ni Loki, maging kami'y nagtataka kung
anong nangyayari.

"I-Impossible! Dapat nandito lang 'yon! Bakit nawala ang mga file nito?!" Halos
magdikit na ang kilay ni Zoey habang desperadong nagta-type sa keyboard. Naging
mabibigat ang bawat pagpindot niya sa keys, kulang na lang ay masira niya ang
laptop.

"Sigurado ka bang may laman 'yan bago mo dinala sa amin?"

tanong ni Inspector MM.

"Last naming binuksan ito noong lunch time bago ang fire drill!" sagot ni Zoey,
bahagyang lumakas ang kaniyang boses at tuluyan nang nawala ang ngiti sa kaniyang
labi. "My colleagues can prove that there is a folder named as Pandora's Box here!"

"Pero nasaan 'yon? Baka aksidente mong na-delete o na-format ang laptop?"

"No! This is our evidence against them, we will not do something stupid!"
Sinabunutan na ni Zoey ang sarili niya at halos maiyak na. Bumulong-bulong pa siya,
tinatanong kung anong nangyari.

Tumayo na si Inspector MM kasabay ng mabagal na pag-iling. "Mukhang nagsayang lang


tayo ng oras dito. You have no proof or whatsover of claims against Mr. Mendez."

"Pero sigurado akong may laman ang laptop na 'to!"

"Then show it to us," the inspector said before leaving the interrogation room.
Napaupo na lamang si Zoey at natulala, bahagyang bumuka ang bibig at nangingilid
ang mga luha.

And here we are, still seated, wondering what in the world happened. Maybe this is
another twist of fate. But this time, it was in our favor.

* * *

All's well that ends well. It was good news to the club that Zoey produced no
evidence to support her stand against us. Ilang beses ko ring tinanong kay Loki
kung meron ba siyang Plan B kaya nabura ang mga file sa laptop. Pero ilang ulit din
niya akong sinagot na wala siyang kinalaman sa nangyari.
The tables will turn again, now in our favor. This incident will deal a heavy blow
on our student publication. Zoey's mistake was to broadcast that they have
something

to prove our club's alleged illegal activities. Pero dahil wala siyang naipakita sa
campus police, magba-backfire ang mga sinabi niya. I can't help but wonder how
Augustus will spin this story.

Pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon, dumaan muna ako sa girl's comfort room bago
dumiretso sa club room. Kinailangan ko ring pumasok sa afternoon classes namin
kanina pagkatapos ng confrontation sa campus police station.

"That was close," narinig ko sa aking likuran nang lumiko ako sa hallway. Pamilyar
ang boses ng lalaking 'yon. I came into a halt and slowly turned around.

"Congratulations, your club survived."

"Rye Rubio," I muttered. He's the guy from the student executive committee.
Nakasandal siya sa pillar at nakapamulsa pang humarap sa akin. Gaya ng dati,
natatakpan ng bangs ang isa niyang mata.

"Pasalamat kayo sa fire drill kanina, nabaligtad pa natin ang sitwasyon," tugon
niya nang hindi tumitingin sa direksyon ko.

Teka, natin? Fire drill? Ang ibig niya bang sabihin... "You guys were behind it?
You were the ones who erased the contents of the laptop?"

"Hindi namin binura ang laman ng laptop. Pinalitan namin ito ng kaparehong model,"
sagot ni Rye, sa wakas ay ibinaling na niya ang tingin sa akin. "The fire drill,
the laptop switch. It was Luthor's idea to save your club. He asked Maggie to
arrange everything. Salamat sa bomb scare na napigilan n'yo dati, kaagad naming
nakumbinse ang campus police na magsagawa ng drill."

Lu-Luthor! So he was the brains behind what happened earlier! I doubt Loki would
ask for his help so he probably mobilized everything out of his

own will. Despite his younger brother's attitude toward him, Luthor cares for Loki.
If he doesn't, he would not go through the trouble of saving Loki and our club out
of this dire situation.

"We will send the laptop back to your partner, but this time, siguruhin n'yong wala
nang makakakuha nito." Umalis na siya mula sa pagkakasandal sa pillar at naglakad
patungo sa kabilang direksyon. "Magkakampi na tayo ngayon kaya kailangan nating
tulungan ang isa't isa."

He did not say any words of farewell but he waved his hand at me. I watched him
vanish from my eyeshot, still surprised about their commitment to the alliance
between us and the student executive committee.

* * *

The next day, we read a post on the Clark Gazetta's bulletin board about the
resignation of their news editor and Zoey for the erroneous article they published
about the QED Club. They promised to verify the reports and their sources before
publishing them to avoid another smilar incident from happening again.

"They had it coming," Loki commented as he walked away from the bulletin board.
"I was expecting Gus to resign since he was the one who gave the go-ahead to print
the QED story," I replied, following him to the stairs. "Pero mukhang hindi siya
basta-basta magre-resign."

"His position as editor-in-chief is too valuable to Moriarty's organization. He


cannot afford to lose it. Someone needs to take the fall. In this case, the news
writer and the editor."

Pagtuntong namin sa second floor, we noticed a number of students huddled outside a


classroom. Meron din akong napansing cordon sa pintuan nito at ilang campus police
officer na nakaistasyon sa labas.

Out of curiosity, Loki ran toward the crime scene, passing through the barricade
made by the students. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya at sumingit sa mga
grupo ng estudyante.

We saw a male student who was hanging on the ceiling. There's a rope tied around
his neck and a chair below him. I squinted my eyes to look at his face. It was
familiar, probably I met him before.

Tinakpan ko ang aking bibig nang makilala ko siya. It was Benjamin Tenorio, one of
Zoey's sources who said something against the club. Kahit na nakabigti siya at
mukhang suicide ang nangyari, my guts told me that it was murder disguised as
suicide.

"Mo-Moriarty?" I asked Loki as I gazed at him. Connecting the dots, only the
criminal mastermind can order any of his agents to kill Ben.

"I don't think so," my companion replied, pointing at the bloody writing on the
whiteboard.

What's going on here?

"Apparently, someone is trying to get Moriarty's attention," Loki said.

###

P. S. Chapter 29 and 30 will be Lorelei-centric. After more than twenty chapters,


the question "what really happened to her?" will be answered. Stay tuned for the
next updates!

=================

Volume 2 • Chapter 29: Festival Fiasco

LORELEI

"LORELEI? RELAX ka lang diyan, ah? Don't worry, mag-e-enjoy ka naman mamaya.
Hihihi~

Ungh! Ungh! Ungh!


"Ssshh! I-reserve mo na lang ang pag-ungol mo mamaya, 'kay?"

"Oo nga! Huminga ka na lang nang malalim."

"Ang kulit-kulit mo kasi. Alam mong hindi mo dapat binabangga ang Queen Bee."

"Tingnan mo ngayon ang nangyari sa 'yo. Sa susunod, huwag kang umastang detective,
ha?"

"Kahit may alam ka o feeling mo may kahina-hinala, shut up ka na lang para hindi ka
mapahamak."

"Teka, sigurado ba kayong malakas ang tama nung nilagay n'yo sa inumin niya?"

"Don't worry, bro. Kahit ano'ng gawin natin sa kanya, hindi na niya matatandaan
paggising niya bukas."

"LORELEI!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo, malalalim ang bawat paghingal na parang


muntikan nang malunod sa dagat. Oo, muntikan na nga talaga akong malunod, pero
salamat sa kaibigan ko, nailigtas ako mula sa kapahamakan.

I sat upright on the passenger's seat, looking at my reflection through the hand
mirror. Those images... it has been a while since they haunted me. Maybe I was too
preoccupied with the cases we solved that I somehow forgot about them.

"Okay ka lang ba? You look pale," may pag-aalalang sabi ni Alistair na sandaling
sumulyap sa akin. His hands were on the wheel and his eyes were focused on the road
ahead. "Gusto mo bang mag-stop over muna tayo?"

I shook my head slowly. His concern is much appreciated but there's nothing to be
worried about me. Minsan talaga, dinadalaw ako ng mga bangungot. May ilang

mga alaala na kahit gaano mo kalalim ibaon para malimutan mo, babalik at babalik pa
rin sila at guguluhin ang buhay mo.

From Angeles City, Pampanga, we traveled all the way to Manila, particularly to
Sherrinford High, our previous Alma Mater. When Al asked me weeks ago kung gusto
kong bumisita doon para sa cultural festival, medyo nag-alinlangan ako. Part of me
wanted to go, part of me wanted to forget that such place existed. Once you are
scarred for life, you'd wish that a part of you never existed.

And a part of me existed in that school where I learned the warmth of friendship
and value of camaraderie.

In the end, I decided to go with Al and revisit my old home. The past is a good
place to visit, but never linger on it because it would only bring back memories
that you wanted to forget.

Dahil na rin sa haba ng biyahe kaya nakatulog ako kanina at napanaginipan ang
nangyari noon. But as I fell deeply into that nightmare, Al pulled me back like
what he did before.

"Sayang, hindi natin kasama sina Loki at Jamie," may panghihinayang niyang sabi
habang na-stuck kami sa traffic. His fingers were tapping the driving wheel as he
waited for the green light. "It would be probably fun with them. Kailangan din
nating mag-break. Masyado nang maraming nangyari the past few weeks."
Yes, Al invited Loki to come with us. But knowing my roommate, alam kong tatanggi
siya at sasabihing mas gugustuhin niya pang magkulong sa kuwarto kaysa pumunta sa
isang school festival. It is no longer a secret that he's a bit anti-social and he
does not like mingling with others.

At dahil hindi

siya kasama, hindi na rin sumama si Jamie. She was looking forward to it when we
brought up the topic. Pero biglang nagbago ang isip niya nang sabihin namin wala si
Loki.

Maybe it's best kung wala si Loki dito dahil baka may mangyaring krimen sa
kalagitnaan ng festival. Sabi nga ni Inspector Estrada, sinusundan siya ng
kamalasan kahit saan man siya magpunta. If his mere presence would only ruin the
festivity, I'd rather that he would stay at the apartment.

But our trip back to Manila is not only about visiting our old Alma Mater.
Coincidentally, my father's birthday party is set tomorrow. Hindi ko pa alam kung
dadalo ako dahil ayaw ko pa siyang makita sa ngayon.

We arrived at the entrance gate of Sherrinford High at around nine o'clock in the
morning. Mula sa malayo, kitang-kita na ang malaking tarpaulin kung saan nakasulat
ang mga salitang "WELCOME TO SHERRINFORD HIGH'S 50TH CULTURAL FESTIVAL!" Marami
ring mga outsider na pumapasok para makisaya sa fiesta.

How I missed this sort of school events! Noong nag-aaral pa ako rito, I was always
looking forward sa mga festival dahil talagang pinaghahandaan at dinadagsa maging
ng mga taga-ibang school. Sa Clark High kasi, dahil hindi ganon ka-prestigious
tulad ng Sherrinford Academy, simple lang ang mga activity.

Binuksan ng mga security guard ang iron gate at pinapasok ang kotse ni Al. Salamat
sa sticker na nakadikit sa kaniyang windshield, may easy access siya sa loob at
labas ng campus. He drove to the parking lot and found a spot where he could park
his blue Subaru.

"Let's go?" He asked as he unfastened his seatbelt.

"Just

a moment." I combed my long hair and put it in a bun. Isinuot ko rin ang aking
shades bilang proteksyon sa nakakasilaw na sikat ng araw. Maalinsangan ang panahon
kaya hindi advisable na nakalugay ang buhok ko.

"Putting up a subtle disguise, huh?" Al smirked as he darted a curious glance at


me. That smirk could only mean he saw through my motive.

Yeah, he's right. Sinubukan kong mag-disguise gamit ang ibang hairstyle at shades
para hindi ako makilala ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. What happened
before might still be fresh in other people's mind so I'd rather take precaution.

Pero hindi lang dahil doon. Nahihiya din akong makita ng mga dati kong classmate. I
ignored their messages of concern the past few months, when I transfered to Clark
High. Seenzoned silang lahat sa akin. Imagine the look on their faces once they see
their snobbish former classmate walking in broad daylight.

"I only told Lionel that you would come with me," Al said as we approached the open
area where groups of people gathered. Maingay rin ang pinatutugtog nilang music
kaya kinailangan niyang lakasan ang kaniyang boses. "He's ecstatic to see you
again. How long has it been? Six or seven months?"
Lionel... Matagal-tagal ko na ring hindi narinig ang pangalang 'yon. Isa siya sa
mga kaibigan ni Al. Like my childhood friend, he has a strong sense of justice.

My eyes widened as I stared at the colorful booths stationed in every corner of the
open area. Halos lahat ng mga tao rito'y naka-casual clothes lang. Hindi siguro
ipina-require ang pagsusuot ng uniform dahil cultural festival naman.

Bigla

akong nagbalik-tanaw sa mga dating school festival na inattendan ko rito. Ang mga
booth, ang mga makukulay na banderitas, ang maiingay na sound system pati 'yong
paos na announcer sa message booth... Para akong nag-time travel nang ilang sandali
sa nakaraan.

I sometimes wonder: What would have happened if I stayed here? Would my life be
more peaceful? There's no Moriarty here, no Stein Alberts, no series of baffling
cases.

But if I stayed, I wouldn't have joined the QED Club. I wouldn't have felt the
thrill whenever we are solving a case. I wouldn't have met the two-faced Jamie and
be intimidated by Luthor's chilling aura. And most importantly, I wouldn't have met
Loki.

I shook my head, hoping to shrug off these thoughts. Nandito ako ngayon para mag-
enjoy, para pansamantalang kalimutan ang mga pinagkaabalahan namin sa Clark High. I
wouldn't want to ruin a seemingly perfect day by retrospection.

"Maybe we should visit Lionel's office first," Al suggested, and we strode off to
the school building just ahead of us.

"Teka, ano na nga bang posisyon ni Lionel dito? Bakit siya nagkaroon ng office?"

"Hindi ko pa ba nasasabi sa 'yo? The student council president resigned so as the


vice president, he took over the highest post in the student body."

"Oh, really? Siya na ang boss sa office of the student council?"

"Imagine him playing around the swivel chair while his officers are cramming to
submit liquidation reports."

Kilala pa ng security guard na nakaistasyon sa entrance ng school building si Al


kaya hinayaan niya lang pumasok kahit wala na siyang ID. Ako naman, medyo

tiningnan niya ng mga nanliit niyang mata. He must be trying to remember my face.
Dahil hindi na siguro niya matandaan-it's been months since I last went here-he
eventually gave up and let me in. Mukhang effective naman ang not-so-obvious
diguise ko.

However, the struggle was real when we walked across the hallway. May mga
nakakasalubong pa rin kaming estudyante at ilang teachers na pilit kong iniwasan ng
tingin. I have been repeatedly chanting under my breath, "Sana wala akong
makasalubong na classmate at teacher ko dati."

"Relax, everyone's busy with the cultural festival so it is less likely that they
will notice you," Al told me as we turned left on the hallway. "And besides, walang
nakakaalam na pupunta ka kaya hindi nila aasahang makikita ka nila dito."

We stopped in front of the room with the signboard STUDENT COUNCIL OFFICE. Kumatok
nang tatlong beses si Al at pareho naming hinintay na pagbuksan kami ng pinto.

The door creaked open and a young man with curly hair greeted us with a bored face.
Ilang segundo rin ang lumipas bago nagliwanag ang mukha niya. He must have
recognized who we are.

"Alistair! It's been a while," he shook hands with my companion. "Muntik ko nang
makalimutan na pupunta ka pala sa cultural festival!"

"Natambakan ka na siguro ng mga ginagawa mo sa council kaya nawala sa isip mo.


Kumusta ang pagiging student council president, Lionel?"

"It's exhausting! Late na kaming umuuwi gabi-gabi dahil sa mga preparation para sa
event na 'to." He then shifted his gaze at me. Noong una'y kumunot ang kaniyang
noo, pero muling nagliwanag ang mukha niya at

nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Lorelei!" he touched my hand gently as he leaned closer to me. "Is that really
you? It's been... what? More than half a year since I last saw your beautiful face.
How are you?"

"I-I'm fine." I forced a smile at him, medyo naawkwardan akong makita ulit ang isa
sa mga dati naming kaklase.

"Come inside! Baka may paparazzi na makakita pa sa inyo." His hand motioned to his
lair.

I have been in their office before and I wasn't surprised to see that nothing has
changed. Halos kamukha nito ang mala-hotel lounge na layout ng student council room
ni Luthor. The difference? Wala silang hiwalay na cubicle para sa meeting room. May
pabilog na mesa sa gitna kung saan nakakalat ang ilang piraso ng papel. Sa kaliwang
side ang pantry nila habang sa kanan ang mga couch. Sa bandang likuran ang desk ng
president, may nameplate pa ni LIONEL DE LEON.

"I expected you to be busy," Al commented as he walked around the room, looking at
the portraits of the previous presidents. "Parang napaka-chill mo ngayong umaga.
Shouldn't you be assisting in the event?"

"I leave the legwork to my colleagues," sagot ni Lionel na humiga sa couch. "The
president should only be signing documents and delivering speeches. Para saan pa
ang position ko kung magbibilad ako sa araw?"

He somehow reminded me of Luthor who always works behind the scenes (like what he
did in the Clark Gazetta issue). The only difference is that Lionel does not strike
me as someone who's equally manipulative as Loki's brother.

"Alistair told me that you two joined a detective club in your

new school?" tanong ni Lionel. "Noong una, ayaw kong maniwala. Pero looking back to
what you did when you were still here, I think you have talents to be detectives."

Umupo ako sa isa sa mga wooden chair malapit sa pabilog na mesa. I still don't feel
comfortable with talking to people whom I haven't spoken to in recent months. "At
first, I was dragged by our club president in one of the crime scenes. He even
blackmailed me to join the club."

"May nakita siguro siyang potensyal sa 'yo kaya sinama ka niya doon." Lionel craned
his neck, staring at the white ceiling. "That reminds me. Ikaw 'yong nag-expose sa
Treasure Hunters' Club noon, 'di ba? Sinabihan mo ang student council tungkol sa
fabricated club reports nila, which eventually led to their club's dissolution."

I nodded before looking down at my shoes. That was exactly the trigger which led to
a series of unfortunate events.

"You drew the ire of Regina who wasn't pleased with what you did," Lionel
continued. Hearing the name of that woman made me clench my fists. "Halos isumpa ka
niya noon dahil sa ginawa mo. She was your bestfriend, wasn't she? Tapos naisipan
ka niyang-"

Biglang huminto sa pagsasalita si Lionel. Nang iniangat ko ang tingin ko sa kaniya,


I saw him looking at Al's direction. Maybe my childhood friend told him in some way
to stop.

"May stage play mamaya sa auditorium, 'di ba?" After a few seconds of awkward
silence, Al tried to divert the topic. "Baka pwede mo kaming samahang manood?"

"I would if I could, but I can't." Lionel sat upright as his face flashed a serious
look. "Something's been

bothering me for a while. Ayaw kong pansinin pero sabi ng gut feeling ko, hindi ko
dapat i-ignore."

"May we know what that is?"

"Since you two are detectives, maybe you can help us." Tumayo siya't lumapit sa
pabilog na mesa. He then knocked on it twice. "Someone's planning to ruin the
cultural festival. May natanggap kaming threat letter mula sa isang anonymous
sender noong nakaraang linggo. Dahil wala pang nangyayari, we dismissed it as a
prank."

"Can you tell us more?"

"I wish I could, but I do not know the details. Pero baka pwedeng ipaliwanag sa
inyo ni Vessy. She was the one who received the threat letter."

"Ve-Vessy!" I exclaimed.

"I appointed her as my secretary. Sigurado akong matutuwa siya kapag nalaman niyang
nandito ka."

I hope na ganon nga ang maging reaksyon niya at hindi siya nagtatampo sa akin. She
was one of my former classmates na sineenzoned ko sa Facebook chat at text message.
During the first few months of my transfer to Pampanga, she was consistently asking
about how I was.

"Baka gusto n'yong sorpresahin natin siya?" Lionel flashed a mischievous grin.
"Let's visit her sa kaniyang room sa dormitory. Baka magtatalon 'yon sa tuwa kapag
nakita ka niya in person."

Nagkatinginan kami ni Al nang ilang segundo. I could read in his eyes that he was
asking me if it's okay to meet my long ignored classmate. Tumango lang ako sa
kaniya, and we decided to pay her a visit.

The student dormitory was not far away from the school buildings. Ilang metro lang
din ang layo nito mula sa parking lot. As we enterted the seven-storey edifice,
tinanong ng
nakabantay na guard sa lobby kung sino ang pakay namin at sinabihang mag-log kami
sa kanilang record book.

Using the elevator, we reached the sixth floor and walked across the narrow hallway
until we stop in front of Room 606.

"Tingnan natin kung makikilala ka niya sa disguise mo," nakangising sabi ni Lionel
bago siya kumatok sa pinto.

"Vessy? Vessy? Si Lionel 'to. Gising ka na ba? May emergency meeting tayo!"

But no one responded.

"Vessy? Nasusunog na ang dorm n'yo! Lumabas ka na diyan!"

We waited for about three minutes, but still no answer.

"Weird," bulong ni Lionel. "Sabi niya sa akin kanina, magpapahinga muna siya sa
room niya para may energy siya mamayang hapon. May pinuntahan kaya siya?"

Al touched the doorknob and turned it. Surprisingly, it was not locked so he pushed
it. Naunang pumasok si Lionel at sumunod kami ni Al sa kaniya.

"Vessy? Naiwan mong bukas ang pinto! Vess-WAAAAAH!"

Napaupo sa sahig ang nauuna naming kasama, nakaturo ang nanginginig niyang kamay sa
taas. Lumapit kami sa kaniya para makita kung ano ang itinuturo niya.

My right hand covered my mouth as my eyes widened at the sight of a body. Someone
was hanging by the ceiling using a rope. Due to the wind coming from the outside,
the body slowly turned to us and we recognized the face.

"VE-VESSY!" sigaw ni Lionel. Pupuntahan na sana niya ang nakabigti naming kaklase
nang hilahin ni Al ang braso niya.

"It would be better if we wait for the authorities to bring her down. Can you call
the police?"

The president nodded as he took out his phone and dialed a series of numbers. He
was stuttering when he was explaining what happened.

I do not know exactly what to feel. Because I was so used to seeing dead bodies
every now and then, I somehow became desensitized to it. Dati kong kaklase at
kaibigan ang katawang nasa harapan ko ngayon, pero bakit pakiramdam ko, she's only
another piece of the puzzle that we have to solve?

Maybe it's better off this way? That my judgment is not yet clouded by emotions. I
can think with perfect clarity and maybe I can provide some input on what led to
this unfortunate incident.

Habang abala si Lionel sa pakikipag-usap sa pulis, nilibot ko ang aking mga mata sa
kuwarto. I noticed the chair below Vessy's feet. Kung nagpakamatay nga siya,
ginamit niya 'yon bilang tuntungan.

But something did not seem to match here. Parang may mali sa senaryong ito.

Wait a minute! This suicide scene reminds me of what happened recently in Clark
High, kung saan natagpuang nakabigti sa isang classroom si Benjamin Tenorio. Sa
unang tingin, mukhang suicide 'yon but Loki noticed something's off: the gap
between the sole of the victim's feet and the seat on the chair.

Dahil kulang sa height ang biktima, imposibleng maabot nito ang noose ng lubid.
Kaya posibleng may ibang tumuntong sa upuan habang buhat-buhat ang biktima at
inilagay ang noose sa leeg nito.

Lumingon sa akin si Al, nakapamulsa pa ang postura. His eyes told me that he
probably had the same observations as I did. "Did you notice it too?"

I nodded, my eyes shifting their gaze on the lifeless body of our former classmate.

This might be a murder case, not a suicide. And the culprit must be someone whom
the victim knew.

###

A/N: Chapter 29 will feature a series of cases so stay tuned for the next
updates! :)

=================

Volume 2 • Chapter 29: Festival Fiasco (Murder or Suicide?)

LORELEI

MABUTI'T MAY mga pulis na nakaistasyon sa campus dahil sa cultural festival kaya
kaagad silang rumesponde. Pagdating nila sa Room 606, ibinaba nila ang katawan ni
Vessy, inilagay sa stretcher at tinakpan ng puting kumot.

When it finally sank in, I couldn't help but feel sorry for my old classmate.
Nakakalungkot na hindi ko man siya nakausap mula nang lumipat ako sa Pampanga.
Maybe I shouldn't have ignore her messages.

While we waited for the arrival of the police, bumaba muna si Lionel para i-divert
ang atensyon ng mga estudyanteng nagsasaya sa mga booth. He did not want to ruin
the lively mood outside because of what had happened here.

"Ang saya-saya sa labas tapos biglang may mangyayaring ganito?" komento ng isang
middle-aged na lalaking magulo ang buhok na parang bagong gising. The thick, dark
circles under his brown eyes told me that he's staying up late at night. Matangkad
siya pero payat ang katawan, gusot-gusot ang suot na police uniform at pahikab-
hikab pa.

It has

been months since I last saw the face of Senior Inspector Stanley Hernandez. Wala
pa rin siyang pinagbago sa asta at pananamit niya. Kung hindi mo alam na isa siyang
police inspector, you would mistake him for being a lousy police officer.

Napabuntong-hininga si Inspector Stan habang nakatitig sa inilalabas na stretcher


mula sa kuwarto. "Ang mga kabataan talaga ngayon, basta-basta na lang tinatapon ang
kanilang buhay. Kung hindi nalululong sa bisyo, nagpapakamatay. Tut-tut-tut."

Dahil hindi ganon kadalas magkaroon ng insidente sa Sherrinford High-kumpara sa


Clark High, thanks to Moriarty-minsan-minsan lang namin nakikita si Inspector Stan
at ang mga pulis dito sa campus noon.

"Alistair? Ikaw ba 'yan?" Nilapitan niya ang kasama ko. Naningkit ang mga mata ng
inspector bago nagliwanag ang kaniyang mukha. "Ikaw nga! Ilang buwan na rin tayong
hindi nagkikita! Kumusta ka na?"

Al flashed an awkward smile as Inspector Stan patted his head. "Nice to see you
again, sir. Lumipat na kasi ako ng school kaya hindi n'yo na ako makikita rito."

"Kayo ba ang nakakita sa katawan ng nagpakamatay na estudyante?" tanong ng


inspector na iginala ang mga mata mula kay Al papunta sa 'kin. Dahil siguro sa
disguise ko kaya nahihirapan siyang kilalanin ang mukha ko. "At... sino itong
kasama mo? Girlfriend mo ba?"

Napatawa nang mahina si Al sabay sagot, "She's... my cousin from the states. Niyaya
ko siyang pumunta para ma-experience niya ang cultural festival dito."

"Hmm..." Tumingala sa kisame si Inspector Stan at napahaplos sa kaniyang baba.


"Parang pamilyar ang mukha niya. Feeling ko nagkita na kami noon.

Hindi ko lang matandaan kung saan."

Minsan pa lang kami pormal na nagkausap ng inspector. It was during the incident
that made some noise in the campus. I couldn't fault him for not remembering who I
was. Mas mabuti na rin ang she's-my-cousin cover ni Al para hindi na ako masyadong
tanungin pa.

"Nakakalungkot na ganito ang nadatnan n'yo sa masaya sanang festival," pailing-


iling na sabi ng inspector. "Gayunaman, ayaw naming masira ang mood kaya hindi
namin ginawang obvious na may nangyari dito sa dormitory. May mga nakikiusyoso na
nga sa baba e. Salamat doon sa kasama n'yong student council president, nalilihis
ang atensyon ng iba."

I wonder kung anong gimik ang naisip ni Lionel para hindi pansinin ng mga
estudyante ang presensya ng pulis dito. Malapit lang din kasi ang kinatatayuan ng
mga booth mula rito kaya imposibleng hindi mapansin ng mga estudyante ang mga
dumating na police car.

"Dahil isa itong suicide, case closed na kaagad ito. Nasabi n'yo na siguro ang
lahat sa first responders namin kaya wala na tayong dapat pag-usapan, tama?"

"May duda kami kung talagang suicide 'to," sagot ni Al sabay turo sa loob ng
kuwarto. "We are also looking at another angle for this case. Baka kasi may foul
play na nangyari."

"F-Foul play?!" Nanlaki ang mga mata ng inspector at mabilis na lumingon sa


kaliwa't kanan. Humina ang kaniyang boses na parang bumubulong. "Do you think na
isa itong... murder?"

"Hindi pa kami sigurado doon, sir, pero may posibilidad nga na baka ganon ang
kasong 'to."

"Tell me more about it!" May pagkasabik sa tono ng boses ni Inspector Stan. Tila
ginanahan

siya nang malamang may ibang anggulo pa ang naturang suicide incident. "You know na
malakas ka sa akin at papakinggan ko ang mga reasoning mo."
"Bago 'yon, pwede ba tayong pumasok sa crime scene?" Al jerked his thumb to the
room. The door was cordoned off by the police so he needed permission from the
inspector to enter.

I took out my phone and began dialing Loki's number. The hanging incident reminded
me of the crime scene we witnessed before and some details seemed to be suspicious.
Maybe he can provide some insights hundreds of kilometers away from here?

"Lori-Lorraine, hindi ka ba sasama sa amin?" tanong ni Al matapos niyang hawiin ang


kordon. Pareho na silang nasa kuwarto ni Inspector Stan, hininhintay ang pagsunod
ko sa kanila.

"May tatawagan lang ako. You can go ahead and tell the inspector about what's
suspicious in the scene."

I was left in the hallway with two police officers chatting unintelligibly after
their boss disappeared from earshot. Nakatatlong dial na ako kay Loki pero hindi pa
rin niya pini-pickup. Sabado kasi ngayon kaya malamang, tulog pa siya.

"'Lo?" And he finally answered the call after my ninth attempt. Yes, he did not
bother to complete the common "Hello" greeting.

"Good morning, Loki? Are you wide awake now? Or do you want me to call again
later?"

"I'm still asleep and you are talking to my astral projection."

I rolled my eyes upon hearing his remarks. He did not sound sleepy kaya baka hindi
niya lang napansin na tumatawag ako kanina.

"Are you enjoying the visit to your old Alma Mater? Are you having

fun with the extravagant yet seemingly unnecessary festivities?"

Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi niya. Bitter lang siya pagdating sa mga
ganitong event. "Listen, we are on a crime scene right now-"

"Oh, that's interesting. Better than watching a lousy stage play by amateur actors
and actresses. Romeo and Juliet, I presume?"

" -WHERE a former classmate of mine hung herself."

"And?"

"And... what?" My eyes caught a glimpse of Al making hand gestures, explaining to


Inspector Stan why we think this might not be a simple suicide.

"You wouldn't call me if it's a straightforward suicide. You think there's a foul
play involved?"

He beat me to the punch. My silence probably gave away what I was thinking. "Yes,
and strangely, the scene reminded me of the one we encountered this week."

"Are you referring to the case involving... Bembol or Berto or somehing?"

It's Benjamin, but I did not bother to correct him. He would immediately forget the
name anyway so what's the point of telling him? "Gaya ng napansin mo doon, parang
may mga suspicious circumstances sa crime scene na 'to. Al is currently explaining
to the inspector those points."
"You no longer need my advice since Al is already with you to provide some
insights. And besides, you have already proven yourself capable of forming
deductions. My presence here is irrelevant, unless you believe that the culprit is
the same person who killed Bembol."

"Gusto ko lang i-confirm ang reasoning mo noon kung bakit isa 'yong murder case."

"Bembol was

only five feet tall. He was five to seven inches short for his head to reach the
noose of the rope. Following that reasoning, someone must have pulled him up, tied
the rope around his neck and let him hang there until he's found."

"But do you have any clue on who might have killed him?"

"Probably someone who's five feet and seven inches tall. Muscular build, can lift
someone weighing about sixty kilos. Usually stays late at school. Knows the victim
and his connection to Moriarty."

"Sinabihan mo na ba si Inspector MM tungkol sa suspect sketch mo?"

"I tried, but he wouldn't listen to anyone who isn't a witness or police. I
requested for the autopsy report but he refused to provide anything. Kahit 'yong
mga kakilala kong officers, natatakot na bigyan ako ng kopya."

If only Inspector Estrada was still the chief of the campus police, hindi siya
mahihirapang humingi ng kailangan niya mula sa kanila or tumulong sa pag-iimbestiga
ng mga kaso.

"Good luck to your investigation. Tell me if your hunch is correct. I have to go


now. Jamie and I will play the Game of the Generals online."

"Game of the what?"

And then he hung up. Wala pa naman akong problema sa pagdinig. He said he will play
a certain online game with Jamie.

Anyway, back to the case. If this was a murder disguised as suicide, I could use
Loki's notes to find the culprit. Pumasok na ulit ako sa crime scene para samahan
sina Al at Inspector Stan. Mukhang kakatapos lang nilang pag-usapan kung bakit
posibleng murder ang nangyari dito.

"May logbook ang security guard sa baba, tama? Kung

kakilala ng biktima ang pumatay sa kaniya, baka nakasulat doon ang pangalan niya.
Hintayin n'yo ako rito, kakausapin ko lang ang security personnel ng dorm."

Iniwan muna kami ni Inspector Stan sa crime scene. That logbook would give us names
of people who might have killed Vessy, if this was indeed a murder case. We only
need to use process of elimination on the least likely suspects to narrow down the
list.

"Don't you think it's unusually hot here?" tanong ni Al, nakatingala sa lubid na
ginamit na pagbigti. "When we went inside, parang nasa oven tayo kanina."

Dahil na rin siguro sa pagkagulat ko kaya hindi ko na napansin ang init. Nakasara
kasi ang mga bintana sa kuwarto kaya talagang makukulong ang init sa loob.
"Maybe the aircon was turned off when the crime was committed?" I pointed at the
appliance stuck on the wall. Meron ding heater sa isang sulok. "Kung suicide nga
ito, parang weird na papatayin pa ni Vessy ang aircon bago siya magpakamatay."

"At kung murder naman ito, weird din na nakapatay ang aircon." Nilapitan ni Al ang
aircon at binuksan 'to. Bumugso ang malamig na hangin sa amin. "Mukhang wala namang
problema dito."

While waiting for the inspector, we walked around the room, looking for other hints
that will help us solve the puzzle. Maybe there's a piece that was hidden from the
plain sight. We only need keep our eyes peeled for the clues.

Nagawi ako sa maliit na mesa kung saan isang paperbag ng chocolate at candies ang
nakapatong. I covered my hand with my hanky before touching some pieces. Noong
hinawakan ko ang chocolate, naramdaman ko na sobrang

lambot na nito. It was melting on my hands.

"Something's also weird here."

I turned to Al who was checking some receipts from the trash bin. Iniabot niya sa
akin ang ilan sa mga resibo at tiningnan kung ano-ano ang mga biniling item. Mostly
meals and drinks ang nakalagay doon, pero may apat na bagay na nakakuha sa atensyon
ko.

Isang bote ng sleeping pills mula sa isang drugstore.

Isang plastic ng cube ice mula sa convenience store.

Dalawang bote ng gin mula sa liquor store.

Isang cutter mula sa school supply store.

Dahil walang nakalagay na pangalan sa mga resibo, hindi tuloy namin malaman kung si
Vessy ba mismo ang bumili o ang mga kakilala niyang dumalaw sa kaniya dito sa dorm.

Kinuha ni Al ang mga resibo at pabulong na binanggit ang mga nakalagay dito. Sunod
siyang napatingin sa monobloc chair na ginamit ng biktima bilang tuntungan para
magbigti.

"Posible kayang..." Naningkit ang mga mata niya at hindi na tinuloy ang gusto
niyang sabihin.

Sakto namang dumating si Inspector Stan, dala-dala ang isang kulay asul na
hardbound notebook. Hinihingal pa siyang pumasok sa kuwarto na parang tinakbo niya
mula ground floor hanggang dito sa sixth floor.

"Good news!" Iniabot niya sa amin ang logbook. The smile on his face told me that
we were closer to solving the mystery of Vessy's apparent suicide. "Kung talagang
murder ang insidenteng 'to, hindi tayo mahihirapang hanapin ang suspek natin. Ayon
sa guard, buhay pa ang biktima kaninang alas-siyete ng umaga kaya kung sinong
bumisita sa kaniya bago n'yo siya natagpuang nakabigti, malamang na siya ang
salarin!"

Al turned the pages quickly until he reached the part that was bookmarked.
Tiningnan namin ang listahan ng mga bisita ngayong umaga. Sa "person to visit"
column, hinanap namin ang pangalan ni Vessy. May apat na bumisita sa kaniya-ako,
sina Al at Lionel... at isa pang pamilyar na pangalan.
My mouth slightly opened as I stared at the name of that certain someone. I tried
to forget about him... and the others... but seeing his name in the logbook gave me
quick flashbacks of what happened that night.

"O sino ang gustong mauna? Bilisan natin kasi baka magkamalay na 'to!"

"Kung ayaw n'yo, ako na lang! Hindi n'yo dapat pinapaghintay ang pagkain. Mamalasin
kayo!"

"Tirahin mo na para makakain na rin kami. Huwag mong uubusin, ha?"

"Hahahaha!"

"Lor-raine, are you okay?"

My shoulders jerked up as Al touched me. For a moment, my mind was lost in my grim
recollections. Was fate pulling a prank on me? Why, of all people, would the
suspect be that guy?

"Salamat sa isinulat niyang phone number, na-contact na namin siya," Inspector Stan
said in glee. "He's on the way here as we speak. Pwede natin siyang tanungin kung
may kinalaman ba siya sa pagkamatay ng biktima. Ano nga ulit ang pangalan niya?"

"Adelbert Gutierrez," I spat the name like it was poison.

###

=================

Volume 2 • Chapter 29: Festival Fiasco (Connecting Dots)

LORELEI

"OH, WHAT a night! Late December back in '63~"

Many were looking forward to the annual Prom. But me? Not that enthusiastic.
Pumunta lang naman ako rito dahil na-pressure ako ng mga kaklase at dahil may
incentives sa aming grades sa finals.

I was at the makeshift bar in our gymnasium, sitting on a bar stool and watching
the flashes of different colors as they give life to the late night event. Most
attendees were clad in coats and gowns, dancing on the floor as if it was the last
day of their lives. Meron din ibang kagaya ko na nakaupo lamang at painom-inom ng
juice sa isang tabi.

"You don't seem to be enjoying the party." A girl with long, blonde curls
approached me. May dala-dala siyang dalawang wineglass. She placed one on the bar
counter. "Here, have some drink."

I stared at the contents of the glass. It was blue. "Cocktail?"

Regina Victorina drank hers straight before putting her own glass on the table.
"Yes. Martini, my favorite."

"You know that I don't drink alcohol," I answered, pushing the glass away from me.
"Minsan-minsan lang magkaroon ng ganitong pagkakataon tapos tatanggi ka pa?" She
sat at the bar stool next to mine. "You are really fun at parties."

I wasn't dumb to not sense the sarcasm. "I promised not to drink."

"Then consider this cocktail as my thank you gift to you," she slowly pushed the
wineglass in front of me. "You made me realize a lot of things kaya gusto kong
magpasalamat sa 'yo. My eyes were opened."

Regina

must be referring to the fabricated financial reports of the Treasure Hunter Club
which she was a part of. Nang in-expose ko ang tungkol sa mga discrepancy sa
report, she was initially mad at me for slinging dirt at the club. But later on,
she calmed down and seemed to have understood my intention.

My eyes once again stared at the drink. Kahit hindi pa ako nakakatikim non, I could
imagine the bitter taste of it in my mouth. And I hate anything that's bitter.

"Now go ahead and drink," Regina's scarlet lips curved as she shot a glance at the
wineglass. "Hindi na masarap ang lasa niyan kapag hindi mo kaagad ininom."

"Oo nga, Lorie! Try mo lang!" Some of our classmates who were seats away cheered.
Kanina pa nila kami pinagtitinginan ng kaibigan ko.

"Iinom na 'yan! Iinom na 'yan!"

Fine. Just this once, I will break my vow. Kinuha ko ang wineglass at dineretsong
ininom ang laman nito. Nanaig ang pait sa bibig ko at muntikan ko nang maisuka,
pero tiniis ko ang lasa. Bottoms up, I placed the glass on the bar counter and
wiped my lips. The aftertaste was horrible!

Our classmates began clapping as if drinking that cocktail was a challenge. Kung
nandito si Alistair, tiyak na pagsasabihan niya ako. Nasaan na nga ba siya?
Tumutulong sa trabaho ng student council?

"Excuse me, Lorelei?"

I turned to my side and saw the face of a young man with curly hair. He wore a
black coat matched with red necktie. May hawak din siyang wineglass sa kaniyang
kanang kamay na ipinatong muna niya sa counter.

"Yes, Adel?"

"I was wondering if you wanna dance with me?" he leaned a little closer to me.
Hindi ako sanay na ganon kalapit ang mukha ng isang lalaki sa akin kaya lumayo ako
nang kaunti.

"Sorry, but I'm not into dancing." I felt glares from women around me. Not everyone
is offered a chance to dance with probably one of our campus heartthrobs. But here
I am, shooting down his offer as quick as it came.

"Hindi mo mae-enjoy ang Prom na 'to kung hindi ka sasayaw kahit minsan," Adel
insisted, offering me his right hand and bowing slightly.

Regina nudged me on the arm. "Sige na, sayaw lang naman iyan e. At huwag mong
ipahiya si Adel sa harap ng maraming estudyanteng nakatingin sa inyo. Masasaktan
ego niyan kapag tinurn down mo."
To be honest, I could care less about what others would think of me. But Regina's
words seemed to have penetrated my conscience. Normally, I was supposed to say "no"
the second time. Pero ngayon, parang gustong pagbigyan ng isipan ko ang suggestion
niya.

"Sasayaw na 'yan! Sasayaw na 'yan!" Our classmates cheered again, putting a little
more pressure on me. I stood from my bar stool and touched Adel's right hand. My
vision began to blur while my ears felt clogged. I could hardly hear what people
around me were saying, but I went to the dancefloor with Adel anyway.

Hindi pa ako nakakasayaw kaya hinayaan ko lang ang classmate ko na mag-lead sa


akin. Surprisingly, I was able to follow his lead. Naiwasan naming magkatapakan ng
mga paa.

Parang bumibigat ang mga talukap ng mga mata ko at unti-unti

itong sumasara. I looked up... and saw different lights dancing all over the hall.
Adel's mouth was moving, parang may sinasabi siya sa akin pero hindi ko na
maintindihan.

What's... going... on.

Everything then turned black.

"Lorelei?"

My consciousness snapped back into the present as Al tapped my shoulder. Those


images... why do they keep on flashing in my mind? Masama bang ideya na bumalik
dito sa school kung saan nangyari ang lahat?

"Okay ka lang ba?" tanong ni Al, nakikita ko ang bahid ng pagkabahala sa kaniyang
mukha. "Baka gusto mong pumunta ng clinic at magpahinga doon?"

I shook my head. Thanks for the concern, by the way. "Baka napagod lang ako sa
biyahe. Matagal na rin kasi mula nang huli akong pumunta dito."

Dahil nandito na rin ako, now might be the time to face my past. Hindi ko alam kung
coincidence lang ang lahat ng nangyari, but maybe fate is trying to tell me to stop
running away and put an end to everything I tried to escape from.

We waited until Inspector Stan received message from his officers that Adelbert
Gutierrez-the only person of interest in this case so far-has arrived at the
building. Inayos ko ang pagkaka-bun ng aking buhok at hindi muna tinanggal ang
aking shades kahit walang nakakasilaw na liwanag sa kuwarto.

A young man with curly and trimmed hair appeared at the doorway. Namumugto pa ang
mga mata niya na tila kakatapos lang umiyak. He was only wearing casual clothes.

"To-Totoo ba? Na wala na si Vessy?" tanong niya kay Inspector Stan nang makita ito.
Compared to the last time that I saw him,

pumayat yata siya at nabawasan ang kaniyang charisma.

Napapikit ang mga mata ng inspector at marahang umiling. "Nagbigti siya ngayong
umaga.... or so it seemed."

"Anong 'or so it seemed' na sinasabi n'yo?" Naningkit ang mga mata ni Adel. Masyado
siyang focused sa kausap niyang pulis kaya hindi pa nagagawi sa amin ni Al ang
kaniyang tingin. "Is it possible na hindi talaga suicide ang nangyari? Murder ba
'to o homicide? Sino ang mga suspect?"

"Meron kaming isang person of interest," sagot ni Inspector Stan sabay turo sa
kaniya. "At ikaw 'yon. Ikaw lang kasi ang huling nakitang kasama ng biktima bago
siya natagpuang walang buhay ng mga kaibigan niya."

"Kaibigan?" Lumingon na sa amin si Adel, nanlaki ang mga mata nang makita si Al. It
must be a surprise for him to see the face of an old friend. "A-Alistair! A-Anong
ginagawa mo rito?"

"Matagal na rin tayong 'di nagkita, Adel." Kumaway ang kasama ko sa kaniya na
sinamahan pa ng isang ngiti. Nagkabatian sila na parang walang nangyari noon.
"Lionel invited us to the school festival kaya nagpunta kami rito."

Sunod na napatingin sa akin si Adel, medyo nanliit ang mga mata. My face may seem
familiar to him but he couldn't recognize who I am. All thanks to the bun and to my
sunglasses.

"Teka, sir! Are you saying that I'm the primary suspect here?" pagulat na tanong ni
Adel. "Kaya ba pinatawag n'yo ako rito dahil pinagsususpetsahan n'yo ako?"

"Kung isa itong murder, mukhang ikaw nga ang unang taong dapat naming tanungin,"
Inspector Stan replied. "Either ikaw ang mismong salarin o baka may napansing kang
kakaiba sa biktima para

patunayang nagawa niyang mag-suicide."

Adel shook his head. "I can't believe you. I love Vessy kaya hindi ko siya
magagawang patayin! Ni hindi ko nga siya magawang masaktan e!"

"But considering the circumstances-if this is indeed a murder-you are the most
likely suspect." Pilit kong tinigasan ang aking boses para hindi niya makilala. "If
we check the floor's CCTV footage and no one else came to the victim's room, then
you are the only one who could have killed her."

"Teka, sino ba 'tong feeling detective na 'to?" naasar na sabi niya sabay turo sa
akin.

"She's Lorraine, my cousin from the States," biglang singit ni Al. "Mahilig din
siyang mag-solve ng mga mystery. In fact, she is a high school detective in their
school."

"Whether she's a detective or a detective wannabe, hindi tamang paghinalaan n'yo


ako nang walang ebidensya!"

"So are you saying that someone who cannot be seen by the cameras and can walk
through walls killed Vessy?" My voice slightly raised as my blood began to boil.
Mabuti't tinapik ako sa balikat ni Al kaya nakapagtimpi pa ako.

Now that I get a closer look on his face, I suddenly remembered that disgusting
feeling back when he and his friends almost took advantage of me. If this case is
indeed a murder, I will send this man to jail for murdering my former classmate.

"Pwede ba naming malaman kung anong ginawa n'yo ng biktima kaninang alas-siyete at
bago ka umalis?" Inilabas ni Inspector Stan ang kaniyang notepad at inihanda ang
ballpen.

"She's busy the past few days preparing for the event. Doon na nga sila sa council
room natulog kahapon
para ma-finalize na ang program. Early this morning, I brought her some candies and
chocolates at pinagdala ko rin siya ng breakfast."

I glanced at the plastic of melted chocolates on the table. Siya pala ang nagdala
non para kay Vessy.

"Kumain kami ng breakfast dito. Because she was exhausted, I decided to her a
massage. We talked until she said she wanted to sleep. Pagkatapos non, umalis na
ako sa unit niya."

"You may say that, but do you have proof na ganon nga ang ginawa mo habang kasama
siya?" I butt in.

"Dapat ba nag-selfie ako o vinideohan ko ang ginawa namin para may ebidensyang
hindi ko siya ibinigti?" Nagawa pa talaga niyang ngumiti kaya napakuyom ang mga
kamay ko.

"Huwag kang masyadong padala sa emosyon mo," bulong sa akin ni Al. "You will not
find clarity in this case if you let your emotions get the better of you. Alisin mo
muna kung anong nararamdaman mo sa kaniya."

Sinusubukan ko, pero maya't maya, biglang sumasagi sa isip ko ang ginawa niya sa
akin noon. That memory has been unlocked from my mind vault ever since I returned
to this school.

"Napansin mo bang malungkot siya o may pinoproblema nitong mga nakaraang araw?"
tanong ni Al. "Chineck namin ang mga resibo sa trash can niya at napansin naming
bumili siya ng dalawang bote ng gin. Those were purchased two days ago."

"She did not mention anything to me," Adel answered. "Ni hindi ko rin alam na
bumili siya ng gin. Hindi naman siya iinom dahil sa pressure na dala ng pag-
oorganize sa isang event."

"Sa relasyon n'yong dalawa, hindi ba siya nanlamig sa 'yo?"

"Nanlamig? Hindi

ko masasabing ganon dahil talagang busy siya sa ginagawa niya sa school. Minsan,
niyayaya ko siyang... gawin ang bagay na ginagawa ng mag-boyfriend at girlfriend...
pero tumatanggi siya. She said she was too tired from council works that she cannot
do it with me."

"Wala ba kayong naging away recently?"

"Hindi talaga away. Pero nagtampo lang siya kasi hindi ako nakasipot sa date namin
sa isang mall. May ipinagawa kasi ang family ko sa akin noong araw na 'yon kaya I
did not make it."

"Hmm..." Al touched his chin, his eyes narrowed into slits and his mind probably
putting together the puzzle pieces. I still believe that Adel is suspicious though
I have nothing to prove that he killed Vessy except for circumstantial evidence.

"Inspector!" A young policeman appeared by the door, saluting at his superior. He


was carrying a folder which he handed to the inspector. "May mga nakita kaming
content sa smartphone ng biktima. Baka posibleng related ang mga 'to sa kaso."

Inspector Stan flipped over the pages, surprised by what he saw. He then showed us
what caught his attention.
"Mr. Gutierrez, hindi ko alam kung related ito sa kaso, pero maaari mo bang sabihin
sa amin kung ano 'to?"

A photo of Adel with another girl was printed on the paper. Some popular
establishments could be seen on the background and it was crowded wherever that
was.

"Pa-Paanong-" Adel's eyes widened in surprise as he glanced over the photos.


"Galing ito sa phone ni Vessy?"

"If the victim suspected that you are cheating on her, we may now grasp the reason
why she bought alcoholic drinks and why

she seemed cold to you," Al observed.

"These photos were taken a week ago! Noong araw na dapat kaming mag-date ni Vessy.
My family asked me to escort my female cousin who returned to the Philippines. She
is not a third party or something."

"Posibleng na-misinterpret ng biktima ang mga larawang kinunan niya," komento ni


Inspector Stan. "Kung titingnan natin ang suicide angle, nagpakamatay ang biktima
dahil akala niya'y niloloko mo siya."

"Kung sanang sinabi niya sa akin ang hinala niya, hindi mauuwi sa ganito."

"Pero nakalimutan n'yo na yata, inspector? Imposibleng magpakamatay si Vessy base


sa height difference niya at ng lubid na ginamit na pambigti." I raised that point
which I believed is crucial in this case. "We may not know the motive on why Vessy
killed herself or why she was killed by someone, but the circumstances of her
suicide are suspicious."

"Anong height difference?"

"Mr. Gutierrez, pwede ka bang tumuntong doon sa monobloc chair?"

Hindi na umangal pa si Adel at sumunod sa utos ni Inspector Stan. When he stood on


the chair, napansin namin na sakto ang noose ng lubid sa kaniyang leeg.

"Para saan ba 'to?" he curiously asked.

"Here's a theory: While you were standing there, you lifted Vessy's body and tied
the noose around her neck. You probably used the sleeping pills she bought to
render her unconscious. Then you let her body hang and left the room as if nothing
happened."

"That's absurd! Masyadong komplikado 'yang trick na ipinaliwanag mo, miss!"

"Lorelei..." bulong ni Al. "Your theory makes sense, but some crime scene

conditions still do not match."

"What?"

"We thought that this crime scene is a murder disguised as suicide, but what if
it's the other way around?"

"A suicide disguised as murder? You think we were wrong with what our instinct told
us?"
"There's only one explanation that would tie up all the pieces of the puzzle here,"
Al answered. "The receipts, the condition of the room when we entered, and the
apparent cold treatment of the victim to Adel. Everything is connected."

"Ano? May bago ba kayong theory sa kaso?" tanong ni Inspector Stan.

"On second thought, maybe this case is indeed a suicide incident. But there's a
darker shade to it. The victim tried to make this case appear as murder and point
Adel as her killer."

"What do you mean? Ang sabi n'yo suspicious ang height difference ng victim at ng
noose ng lubid?"

"Oo, inspector. Pero matapos naming inspeksyunin ang crime scene, may naisip na
akong paliwanag kung paano nangyari 'yon."

Natahimik kaming lahat at binigay ang buong atensyon namin kay Al.

"Una, ang kondisyon ng unit na 'to nang matagpuan namin ang bangkay. Mas mainit sa
loob kumpara sa labas. Maybe that was because of the heater being turned on."

Napansin nga naming maalinsangan sa kuwarto pagpasok namin dito.

"Then if you check some receipts, you can deduce that the victim was undergoing
depression-sleeping pills, gin and cutter. Pero may isang resibo doon na sa tingin
ko ay dapat nating pagtuon ng pansin."

Muling kinalkal ni Al ang basura at iniabot ang isang piraso ng papel kay Inspector
Stan.

"Resibo

ng isang plastic ng ice cube?"

Al nodded as he approached the mini-refrigerator. "That was purchased yesterday.


Malamang gusto niyang bigyan ng yelo ang iniinom niyang gin. Pero sa tingin ko, may
iba pa siyang dahilan sa pagbili niyan. At kung tama ang hinala ko..."

Binuksan niya ang ref na walang kalaman-laman maliban sa isa pang bote ng gin na
hindi pa nabubuksan.

"What should we be looking for?"

"Kung bumili siya ng isang plastic ng ice cubes, saan na napunta 'yon? Imposible
namang nagamit niya 'yon sa isang gabi lang."

Now's my eureka moment! Naintindihan ko na kung anong koneksyon ng ice cubes, ng


heater at ng pagkakabigti ni Vessy.

"Te-Teka, ang ibig mo bang sabihin-"

"May iba pa siyang pinaggamitan sa yelo," sabi ko habang tinititigan ang monobloc
chair. "That's what she used to create an illusion that baffled us."

"Hindi ko kayo maintindihan." Napakamot tuloy ng ulo si Inspector Stan. "Kindly


enlighten us."

"Kaya sumagi sa amin na posibleng murder ang kasong ito ay dahil sa height
difference ng biktima at ng lubid." Lumapit si Al sa upuan at tumuntong doon.
"Under that assumption, we thought the culprit is someone who's tall and who could
lift the victim's body so it can reach the noose. But we were wrong."

"It was the victim who hang herself," I added. "But in order for her to reach the
noose, she needed to add something on that chair. Something that can disappear
after a certain period of time."

"Tumuntong siya sa bloke ng ice cube na ipinatong niya sa monobloc chair. At doon
na niya nagawang i-set-up ang noose na ginamit

niyang pambigti."

"Teka, teka! Kaagad bang matutunaw ang ganong karaming yelo sa loob ng isa or
dalawang oras?" Kung nagbigti siya noong umalis na si Mr. Gutierrez, dapat may mga
yelo pang natira sa upuan."

"Dito pumapasok ang heater na sinet-up ng biktima." Bumaba na si Al mula sa upuan


at nilapitan ang heater na nasa sulok ng kuwarto. "Bago siya magbigti, tinaasan
niya ang temperature para mapabilis ang paglusaw ng yelo. Sapat na siguro ang isa o
dalawang oras para ma-dissolve ang yelo at mag-evaporate ang likido."

"Aside from the unusual heat we felt upon entering the room, the melted chocolates
brought by Adel supports the theory that the heater was used," I brought the
plastic of sweets placed on the table. "She probably activated the timer function
so she wouldn't have to turn it off."

"At ang lahat nito ay ginawa ng biktima... dahil sa maling akala?" Napakagat sa
dulo ng kaniyang pen si Inspector Stan. Kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang labis
na pagtataka. It may sound absurd to him, but for Vessy who planned this all along,
it was meant to have significance.

"For a girl who loves someone and gives him everything, seeing her boyfriend with
another girl would be heartbreaking," paliwanag ni Al. "And she probably thought of
making him feel the pain by setting him up as a murderer."

In the end, Vessy's attempt to make her suicide look like murder failed. It
reminded me of a case in Clark High months ago where a girl jumped off the building
and tried to put the blame on her boyfriend.

"Thank you, Alistair," Adel shook hands with my childhood friend.

"I thought na talagang ituturo n'yo na ako bilang killer. At sa 'yo rin, miss...?"

"Lorraine," I answered, touching the bridge of my sunglasses. Until now, he hasn't


recognized who I am. Should I be thankful or not?

"Kumusta ka na? It's been a while since the last time we saw each other." Though Al
was the one who stopped Adel and his friends from doing "that" to me, he didn't
seem to bear any grudge against him.

"As you probably know, we were expelled from this school," Adel sounded
disheartened, his eyes looking down. "Bumibisita na lang ako dito dahil kay Vessy.
We haven't enrolled in any other high school. Sinubukan namin pero hindi nila kami
tinatanggap."

"But why?"

"Some said na kagagawan ito ng dad ni Lorelei." There was a hint of hesitation on
mentioning my name. "I heard na maimpluwensya siya kaya parang naka-blacklist kami
sa lahat ng school na aming pinupuntahan."

My dad never gives idle threats to anyone. He is like a hurricane that destroys
every obstacle on his path, especially those who try to disdain our family name.
The incident involving me put him and our family in unnecessary publicity because
of the scandal it created. And that angered him. If Adel's assumption is true,
napasobra naman yata siya sa pagpaparusa sa kanila.

"I regret what I did before. I knew we shouldn't have done it," Adel sounded
apologetic. "But I still wanna continue my studies. Hindi ko lang alam kung paano
makakapagsimula muli."

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. I hated this man for months and I tried to
erase him from my memory. What he did to me. What they did to

me. But hearing him say those words that sounded genuine, I couldn't help but pity
him.

I wanna speak to him and tell him that I can forgive him. But I chose silence.
Maybe now's not the right time to speak about it.

"If you see Lorelei again, tell her I'm sorry," Adel forced a smile. "Nice to see
you, Alistair. And nice meeting you, Lorraine."

He waved his hand and went on his way to the elevator. God knows how painful it
must be for him to lose a girl he loved... if he really loved her.

"I need to talk to my father," I muttered when he was no longer within my eyeshot.
"Maybe it's time to make amends."

"So you finally decided to... forgive them?"

"Not yet. But I don't want them to lose their dreams and hopes. They almost took
something away from me. My father took something away from them."

"Ahm... excuse me? Alistair?"

Inspector Stan appeared on our side, holding a transparent plastic bag with a piece
of paper inside.

"Yes, inspector?"

"Tsine-check kasi namin ang gamit ng biktima kanina. May napansin ang isa sa mga
officer ko na akala niya'y konektado sa kaso. Baka kasi suicide note niya pero
hindi namin maintindihan maliban doon sa mga nakasulat talaga sa language na alam
namin."

Our eyebrows knitted when we saw what was written on that paper. The first part can
be read normally but the succeeding part... parang 'yong answer sheet sa mga
multiple choice exams.

Nagkatingin kaming dalawa ni Al. This must be the threat letter that Lionel spoke
of earlier!

###

P.S. The first one to crack the code above will get a dedication next chapter!

=================

Volume 2 • Chapter 29: Festival Fiasco (Cultural Committee Conundrum)

LORELEI

"YOU HAVE brought bad luck to your former school."

Loki's bored face was on my phone screen, yawning repeatedly as if he just woke up.
After getting the threat message from Vessy's unit, kaagad ko siyang tinawagan para
konsultahin tungkol sa code.

"At sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan?" I remembered Margarette's remarks before


that Loki was some sort of magnet of tragedies. Mula nang magkakilala kaming
dalawa, lagi na lamang may nangyayari sa paligid ko. Siguro nahawa na rin ako sa
kung anumang sumpa meron siya.

"Let me see the code again," he instructed. Itinutok ko ang camera ng aking phone
sa papel na puno ng mga shaded na bilog. I could see him scratching his head as he
inspected them eagerly with his hawk-like eyes.

"I have an idea on what type of code was used."

"Ano 'yon?"

"Sorry, but I'm not in the mood yet to discuss it. Jamie beat me in the online Game
of the Generals," Loki yawned again. "Having a retentive memory put her at an
advantage."

"Pwede mo nang sabihin sa akin para masimulan na namin ang pag-decode."

"I will tell you when I'm ready. I need to pour myself a cup of tea first."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Kapag talagang ayaw niya, ayaw niya. "Tell me
that this isn't binary alphabet."

"A binary code uses a string of eight digits in either 0's or 1's. Your code only
has six characters containing shaded and unshaded circles."

"Hindi rin Morse code, tama?"

"You need to distinguish which between the shaded and unshaded circles represent

the short and long signals. Anyway, I will call you back later."

"Wait, you haven't-"

Then he hung up. Ito na ba ang ikalawang beses na pinatayan niya ako ng tawag?
Nasanay na akong makatanggap ng "K" replies mula sa kaniya kaya hindi na ako
nagulat pang bigla niyang ibinaba ang call ko.

"Looks like he hasn't told you anything yet," sabi ni Al na kanina pa nakaupo sa
couch at pinag-aaralan ang code. We returned to the student council office after we
solved the dormitory suicide case.

"Kung totoo ngang threat ang nakalagay sa code na 'yan, masasabi ba nating legit
'yan?" may pagdududang tanong ni Lionel. He looked exhausted from controlling the
crowd of onlooker earlier. "Baka kasi nanggugulo lang ang nagpadala niyan at
gustong makuha ang atensyon namin."

"We cannot underestimate the sender," sagot ni Al, darting a serious glance at the
president. "He went this far to send a coded message. Mas mabuti nang mapaghandaan
natin kung anuman ang binabalak niya."

"Ugh!" Napaupo si Lionel sa kaniyang upuan at napatakip ng mukha. It must be


frustrating for a man in his position to be put in such situation. "Bakit ba
ngayong term ko nangyayari ang mga kamasalang 'to? We wanted this festival to be
fun. Nag-outsource pa kami ng mga booth sa labas para mas maging lively ang event."

"Maybe whoever sent this message has another definition of fun." I once again
stared at the circles. Naalala ko 'yong mga sinasagutan naming multiple choice
exams kung saan kailangang i-shade ang bilog ng tamang sagot. "I hope Loki will
call us back soon."

I tried asking our dear old friend Google

for the answer and searched for "code with shaded ad unshaded circles."
Unfortunately, walang kahit anong search result na magtuturo sa amin kung anong
kalseng code ang ginamit ng sender. Our only hope is Loki or if God would give us a
clue accidentally.

While thinking deeply about our dilemma, the door to the student council room swang
open as someone rushed inside with quick and heavy footsteps. Naririnig ko pa ang
paghingal niya na parang ilang kilometro ang itinakbo sa labas.

Isang lalaking may black vest kagaya ng uniform ni Lionel ang pumasok. Tumatagaktak
ang kaniyang pawis na pilit niyang pinupunasan sa kaniyang panyo.

"Mister President!" sigaw niya kaya napatalon si Lionel sa kaniyang upuan. "May
emergency tayo!"

Napabuntong-hininga ang student council president. Looks like another problem


knocked on his doorstep. "What is it this time?"

"Ang chairman ng organizing committee... natagpuang duguan at walang malay sa


kanilang office!"

"Ano?!" Lionel got to his feet, his face filled with shock. "Can this day get any
better? Nasaan na siya ngayon?"

"Nandoon pa rin siya sa office. Hindi pa namin ginagalaw dahil baka lumala ang
kondisyon niya. On the way na ang mga nurse sa clinic para dalhin siya roon."

Humarap sa amin ang president sabay sabing, "Al? Lori? Would you come with us?"

Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Al. Since we are stuck with the mysterious code
and we cannot make any progress until Loki calls, I nodded to my childhood friend.
"We got nothing better to do at the moment." Sabay kaming tumayo ni Al at tumango
sa kaniya.

"Good."

Lionel turned to his schoolmate and said, "Lead the way."

Lumabas kaming apat sa student council room at nagmadaling naglakad patungo sa dulo
ng hallway. We hastened our pace as we approached the end of the hallway. Lumiko
kami sa kaliwa at dumiretso hanggang sa marating ang room na may signboard na
"CULTURAL FESTIVAL COMMITTEE."

Mabuti't suot-suot ko pa rin ang aking shades at naka-bun pa rin ang buhok ko kaya
hindi ako basta-basta makikilala ng mga estudyante at teacher na nakakasalubong ko.
If it worked on Adelbert, maybe it will also work on them.

Pagpasok namin sa loob, natagpuan naming nakahandusay sa sahig ang isang lalaki.
His back was turned to us and we could see the fresh wound at the back of his head,
just a little above his left ear. Nakatayo lang sa paligid niya ang iba pang
miyembro ng organizing committee.

"Don't worry, he's still alive," a bespectacled guy assured us. "Meron pa siyang
pulso at humihinga pa naman siya."

Iginala ko ang aking mga mata sa kanilang office. Isang parihabang mesa ang
nakaposisyon sa gitna at may mga cabinet sa magkabilang side. Natagpuan sa bandang
kaliwa ang walang malay na estudyante, katabi ng cabinet. At sa tabi niya, meron
isang silver trophy na nabahiran ng dugo ang base nito. It was standing upright.

Hindi nagtagal ay dumating ang mga nakaputing lalaki na may dala-dalang stretcher.
Maingat nilang iniangat ang katawan ng chairman ng organizing committee para ilagay
doon. I could see his chest contracting and expanding so him being alive is true.
As long as he's given proper medical care, he can make it. Sumama

sa kanila ang lalaking nag-inform sa amin tungkol sa nangyari.

"So who can tell me what happened here?" tanong ni Lionel sa tatlong natitirang
miyembro ng committee. Walking back and forth, he slowly shook his head as another
problem greeted him.

A guy with messy hair raised his right hand before speaking. Nakasulat ang
pangalang SHAWN sa kaniyang nameplate na naka-pin sa chest pocket niya. "Mr.
President, I believe this is an accident. Baka sinusubukang abutin ni Charlie ang
trophy sa cabinet nang bigla niya itong nabitawan at tumama sa ulo niya."

"Charlie is sometimes clumsy kaya siguro nangyari 'to," pailing-iling na sabi ng


babaeng may hanggang balikat ang haba ng buhok na naka-perm. The name PATRICIA was
engraved on her nameplate. "We should have volunteered to get the trophy here
instead of him."

"Teka, bakit nandito nga pala kayong tatlo?" tanong ni Lionel, bahagyang kumunot
ang noo. "You should be in the activity center, right?"

"Oo, kaso naisipan naming bumalik dito para kunin ang mga material para sa susunod
na event," sagot ng lalaking napahawak sa kaniyang salamin gamit ang kaliwang
kamay. His name, based on his nameplate, is Paolo. "At mahigit thirty minutes na
ring hindi bumabalik sa puwesto namin si Charlie kaya naisip namin na baka
nahihirapan siyang dalhin 'yong mga trophy."
"Crucial ang role niya sa event na 'to kaya sana dapat naging maingat siya," Lionel
commented. "I dealt with curious onlookers sa nangyaring suicide incident sa dorm
kanina. Tapos may sino-solve kaming threat letter mula sa isang anonymous sender.
And now, this."

"By

the way, sir, who are those two?" Patricia pointed her right forefinger at Al and
me.

"Meet Alistair and Lore-Lorraine, detectives from the QED Club in Clark High." We
waved our hands at them and flashed a smile. I owe Lionel for staying on the script
with Al in not revealing who I am.

"De-Detectives?! May ipinapaimbestigahan kayo, Mr. President?"

"Hindi. Nataon lang na bumisita sila rito nang mangyari ang mga sunod-sunod na
kamalasan sa school natin. Anyway, due to the chairman's incapacity, the vice
chairman shall take charge of the committee."

Naglakad-lakad muna si Al sa loob ng office habang patuloy na nag-uusap ang mga


student officer. Pareho kami siguro nang iniisip tungkol sa nangyari kay Charlie. I
doubt that was an unfortunate accident.

"Can I ask a question?" He knelt beside the bloodstained trophy and faced the
members of the organizing committee. All of them nodded. "You said that the
chairman went here to get the trophies. While he was away, did you leave your
post?"

Nagkatinginan ang mga miyembro bago sila sumagot.

"May mga times na umalis ang tatlo sa amin," Paolo answered, touching the bridge of
his eyeglasses with his left hand. "Meron kasi kaming mga papel na nilalakad at
ibang bagay na inaasikaso para sa solidarity night mamaya. Bakit?"

Tumayo ang kasama ko sabay pasok ng mga kamay sa kaniyang bulsa. "You said na
posibleng aksidente ang nangyari. But I don't think that's the case."

"Wh-What?!"

"A-Anong ibig mong sabihin?" nauutal na tanong ni Patricia. She covered her mouth
in surprise with her right hand. "Are you trying

to say that someone hit Charlie with the trophy?"

"There are some things in this scene that I found weird." I stood beside my friend
and pointed at the silver cup. "Una, 'yong trophy na tumama sa chairman. Kapag
nahulog ang isang bagay, kadalasan ay nakatumba ito. Pero kung napansin n'yo ang
trophy kanina, nakatayo ito na parang maayos na inilagay sa sahig."

"Then the injury of the victim," Al added, raising his right forefinger. "He was
hit on the left side at the back of his head. Kung nahulog sa kaniya ang trophy
habang inaabot ito, mas mataas ang possibility na matamaan ang kaniyang bumbunan."

"Teka, teka!" Shawn raised both of his hands. "Napasobra yata ang pagka-fanatic
n'yo sa pagiging detective. Pwede n'yo nang gawan ng istorya ang theory n'yo."

"Who among you left your place in the activity center?" tanong ni Al, hindi
pinansin ang mapangutyang komento ni Shawn.

All three members of the organizing committee in the room slowly raised their
hands.

"This is ridiculous, Mr. President!" reklamo ni Shawn, parang may lalabas na usok
sa kaniyang ilong. "They are making a big deal of this simple accident!"

"I trust them completely," Lionel replied with conviction, looking at them straight
in the eye and with a serious face. "Kapag sinabi nilang hindi ito aksidente,
posibleng hindi nga ito aksidente. Let me inform you that they confirmed that the
dorm incident earlier was a suicide."

"Pero-"

"Kung wala kayong itinatago, let them investigate. If you are innocent, malalaman
nilang wala kayong kasalanan dito. As simple as that."

Lumapit sa akin si Al, nakamatyag pa rin ang mga mata niya sa tatlong

suspek sabay bulong sa akin, "We can pinpoint who the suspect based on one fact."

"Yes, the victim's injury-"

"Don't let them hear you. Siguradong kinakabahan na siya ngayong alam na nating
hindi ito basta-basta isang aksidente. Kailangan lang natin kumpirmahin ang isang
bagay."

"Kung ano talaga ang ginagamit niya, tama?" Because I have been with Loki for
months, I began to be observant on people around me. Kaya pagkakita ko pa lang sa
crime scene, naramdaman ko nang may mali at kakaiba rito. Al's thinking the same so
maybe we are on the right track.

"Kailangan din natin ng ebidensya para hindi siya makalusot."

"Yeah, but let us start with asking who among the three wants to see Charlie
harmed, or worse, dead."

"Maybe you can start asking the question?"

Tumango ako bago humarap sa tatlong suspek. "May we know kung sino sa inyo ang may
motibo para atakihin ang chairman? Meron ba sa inyong may galit o hinanakit sa
kaniya?"

"Kung motive ang pag-uusapan, number one na diyan si Paolo." Unang humirit si
Shawn, sabay turo ng kaniyang kanang hinlalaki sa lalaking nakasalamin. "Silang
dalawa ang naglalaban noon para maging chairman ng committee. And it is a known
fact here na naging bitter si Paolo nang si Charlie ang piliin."

The bespectacled guy crossed his arms and looked sternly at his colleague. "Huwag
ka ngang magmalinis diyan, Shawn. Kung motibo lang ang pag-uusapan, pasok ka sa
listahan ng mga suspek. Hindi ba't nagrereklamo ka kapag inaangkin niya ang mga
idea mo?"

"Anong sinabi mo, apat na mata?!"

"Hey, kalma lang kayong dalawa!" namagitan

sa kanila si Patricia bago pa masuntok ni Shawn si Paolo. "Nakakahiyang nag-aaway


kayo sa harap mismo ng student council president at ng mga bisita."

"Huwag ka ring umasta na parang wala kang motibo, Pat," sunod na pinuntirya ni
Paolo ang babae nilang kasama. "May gusto ka kay Charlie, 'di ba? Nagpagamit ka sa
kaniya dahil akala mo magugustuhan ka rin niya kapag ginawa mo 'yon. Hanggang sa
malaman mong wala talaga siyang gusto sa 'yo at ginamit ka lang niya!"

"Pe-Pero..."

Now it is crystal clear. The three of them have the motive to hurt their chairman.
I wonder how these guys get along despite their differences and spite against their
leader.

"Kung isa sa inyo ang nanghampas ng trophy sa kaniya at hindi naging maingat, may
made-detect na fingerprints dito." Al used a handkerchief to carefully lift the
trophy and placed it on the table. "We have friends in the police. Kung sasabihin
naming may nagtangkang pumatay sa isang estudyante rito, they will cooperate with
us."

"We hope that you will let them take your prints," I added. "Cooperation is a proof
of your innocence. Pwede rin nating i-confirm kung hinawakan nga talaga 'yan ng
chairman para kunin."

While Paolo and Patricia looked calm, Shawn had a worried look on his face and
raised his right hand. "Uunahan ko na kayo. Siguradong may makukuha kayong
fingerprints ko sa trophy. Ako ang bumili niyan at ako rin naglinis niyan kaninang
umaga. Gumamit ako ng anti-tarnishing agent sa buong trophy para hindi siya kaagad
mangalawang."

Bzzz! Bzzz! Bzzz!

I took out my phone as I felt vibration in my pocket coming

from my phone. Loki's name flashed on the screen. Nasa mood na siguro siya para
tulungan kami sa pag-crack ng code.

"Hello?"

"Good news. I just finished my cup of tea."

"Good news indeed. That will help us save the world from destruction," I said as I
rolled my eyes and turned around from everyone in the room. Hinayaan ko muna si Al
na magtanong-tanong sa mga suspek.

"You sound less enthusiastic than earlier we spoke. Did something happen? Don't
tell me the sender of this message decided to attack now?"

"We encountered another case again, apart from that code. May isang estudyante rito
na hinampas ng trophy sa ulo. We are trying to figure out who among the three
suspects is the culprit."

"My, my. You brought extreme bad luck to your school!"

"Maybe you passed your curse to me." That's not a joke that I would want to make
but it slipped my tongue. "Teka, you said something about the sender attacking
now?"

"I figured out the code and as it turned out, it is indeed a threat message. Are
you familiar with the Braille?"
"Braille? 'Yan ang ginagamit ng mga may kapansanan sa paningin para makapagbasa,
tama?"

"Developed by Louis Braille, it is made up of six dots that can be felt using your
fingers. The letters of the alphabet are represented by raised dots arranged in two
columns and three rows."

"You said two columns and three rows. But the six circles in the code are lined in
a single row."

"The same concept still applies. To decode them, you need to rearrange the circles
in the format of Braille cell. Put

the third and fourth circles in the second row and the fifth and sixth circles in
the third row."

"Got it. Thank you. You may now enjoy a second cup of tea."

"Wait, I need to ask you something. Urgently."

My left eyebrow raised. "What is it?"

"Are you free tomorrow? I'd like to invite you to go somewhere."

I bit my lower lip. My dad's birthday is tomorrow and I already promised Al that I
will attend. "Sorry, but I have commitments this Sunday."

"Okay. I will ask Jamie then. Goodbye."

At least, he did not hang up on me. Bakit kaya niya ako biglang natanong? I doubt
he's asking me out for a date. If he did, it was either a joke or it was for a
case.

While Al is busy interrogating the three suspects about their whereabouts around
the time the chairman left, I took out the paper containing the code. Isinearch ko
sa Google ang Braille alphabet para gawing reference at sinimulan ang pag-decode sa
paraang nabanggit ni Loki.

It took a while until I translated the whole code into letters and words that human
can comprehend. I read it through my eyes and was surprised to know the whole
message.

AT SEVEN IN THE EVENING

THERE WILL BE SCREAMS

THERE WILL BE BLOOD

"What the-"

"Hey, Lori?" Al appeared beside me, staring curiously at my shocked face and the
paper in my hand. "My interrogation did not yield anything conclusive. Lahat sila'y
posibleng nagawa ang krimen."

"On the

other hand, my decoding of this message has been successful. Thanks to Loki."
Ipinakita ko sa kaniya ang papel at inobserbahan ang kaniyang reaksyon. His eyes
widened slightly after mouthing the words I scribbled.

"Meron pa tayong walong oras para alamin kung anong binabalak niya," sabi niya bago
lumingon sa mga miyembro ng organizing committee. "But first, we have to solve this
case first. May alam na akong way para malaman natin kung sino sa kanila ang
nanghampas ng trophy sa chairman. If you noticed that person earlier..."

"I saw it too."

"But we need to prove it." He darted a glance at the three suspects. "Salamat sa
pagsali ko sa QED Club, may natutunan ako mula kay Loki kahit wala siya rito."

"What are you planning to do?"

Ngumiti lang siya sa akin pagkatapos ay muli siyang lumapit sa tatlo. I somehow
hate it whenever they keep me in the dark about their plans.

"Alam na namin kung sino sa inyo ang pumunta rito para hatawin ng trophy ang
chairman," panimula ni Al, nakapamulsa pa siya habang naglalakad sa harapan ng mga
suspek. "Narito ang naisip kong senaryo. Posibleng meron nang nakaabang dito sa
office bago pa man pumasok ang biktima. Posible ring tahimik at maingat na pumasok
ang isa sa inyo habang nasa loob ang chairman."

He turned to me and gave me the look that told me it was my turn. "But one thing is
certain here. The culprit hit the chairman from behind, hence the injury at the
back of his head near the left ear."

"And if you will observe the injuries of the chairman, it is-"

Biglang tumigil si Al sa pagsasalita, natulala ang mga

nanlaking mata sa likuran ni Paolo. He pointed his finger at the blank space behind
the four-eyed guy. "Something's behind you!"

Paolo turned his head to the left to see what my companion was pointing at. "A-Ano
'yon?"

"Meron din sa likod mo!" Sunod na itinuro ni Al ang espasyo sa likod ni Patricia.
Like Paolo, she turned to her left and tried searching for whatever that's not seen
by the naked eye. "Na-Nasaan?"

"And you as well!"

Turning his head to the right, Shawn was the last to be tricked by Al and he wasn't
pleased by what seemed to be a joke. "What are you playing at?"

Al smirked as he watched the confusion on the suspects' faces. Gets ko na kung


bakit nabanggit niya si Loki kanina. He wanted to do something that had a little
touch of the dramatic.

"With that test, I checked who among you is most likely the culprit."

"Enlighten us, Al," sabi ni Lionel sabay kamot sa kaniyang ulo. "Kahit ako,
nalilito kung para saan 'yong ginawa mo. Akala ko may nakikita kang hindi namin
nakikita."

"Huwag kang mag-alala, malapit na nating malaman kung sino sa kanilang tatlo ang
umatake sa chairman. Meron ba kayong bolpen at papel diyan?"
The three of them showed their pens. Nagtataka pa rin sila kung para saan ang lahat
ng pinagagawa ni Al. I have an idea on what he was trying to accomplish. But I'd
rather not spoil it.

"Now write your names on that piece of paper," Al instructed. They wanted to
complain, I could see it in their faces, but because the president is trusting Al
and his methods, they chose to comply.

Surprisingly or maybe not, only two of the suspects were writing their names. 'Yong
isang hindi nagsusulat ay hawak-hawak ang pen sa kaniyang kaliwang kamay at
nakatitig sa blangkong papel.

"Is something wrong?" tanong ni Lionel sa isa sa kanila. "Al asked you to write
your name. Bakit hindi mo magawang magsulat?"

"He finally realized something," I butt in when the person being questioned chose
silence. "If he writes his name, it will only add suspicion that he was the one who
hit the chairman using the trophy.

"Isn't that right, Paolo?"

###

=================

Volume 2 • Chapter 29: Festival Fiasco (Conclusion)

LORELEI

FINALLY, THE moment of truth.

May namumuong pawis sa noo ni Paolo habang naka-steady pa rin ang kamay niyang may
hawak na pen. I could see him swallowing the lump in his throat as he got cornered
by us.

"A-Ano bang pinagsasabi 'yo? Masakit lang kasi ang kamay ko kaya hindi ko maisulat
nang maayos ang pangalan ko."

I already expected him to give us a lame reason and he did not fail us. Kapag nga
naman na-corner ang isang tao, iisip at iisip siya ng paraan upang makalusot. But
not under our watch.

"How does writing his name prove his guilt?" tanong ni Lionel.
"If you noticed the victim's injury, it was located at the back of his head on the
left side," Al began his explanation, touching the same part near his left ear. "It
is most likely that the chairman was attacked from behind."

"And...?"

"Kung hahampasin mo ng mabigat na bagay ang isang tao mula sa likuran gamit ang
iyong kanang kamay, saan 'yon tatama?" Al smirked as Paolo's face turned pale, his
sweating got worse. "On right side at the back of his head. Pero dahil ang sugat ng
biktima ay nasa kaliwa, that would mean he was hit by someone who's left-handed."

"Pagkarating namin dito sa office, napansin kong lagi mong hinahawakan ang bridge
ng iyong salamin gamit ang kaliwang kamay mo." Dinemonstrate ko pa talaga para lalo
nilang maintindihan. "Naging habit mo na 'yon kaya we can deduce from there that
you always use your left hand."

"Pero siyempre, that's purely circumstantial," dagdag ni Al. "Posibleng nasanay ka


lang na kaliwang kamay ang ginagamit

mo para hawakan ang iyong salamin at talagang kanang kamay ang dominant hand mo.
Kaya kinailangan kong i-test kung ano nga ba talaga ang handedness mo."

"Aha!" Napapalakpak si Lionel. "Para doon ba 'yong ginawa mong pananakot kanina?"

"Kinailangan ko kayong biglain kanina para obserbahan ang inyong spontaneous


reaction." Naglakad-lakad si Al sa harapan ng tatlong suspek, nakatitig ang mga
mapanuring mata sa salarin. "When you ask someone to look behind, they will turn
their heads to the side that they are comfortable with. And whichever that side is
reveals your handedness. Pero that's also circumstantial."

"Kaya inutusan kayo ng kasama ko na isulat ang inyong mga pangalan habang nagtataka
kayo kung para saan 'yon," I added, my hand motioned to the papers on the table.
"He wanted to catch you off guard para malaman kung sino sa inyo ang may dominant
left hand."

"And without thinking..." Al pointed at Paolo's hand which was trembling, "...you
instinctively held the pen with your left hand and was about to write your name.
But you realized what the whole point of my exercises kaya bigla kang huminto."
Biglang natawa si Paolo, umaangat pa ang magkabilang balikat, sabay bitiw sa hawak
niyang pen. He touched the bridge of his eyeglesses with his left hand. "E ano
ngayon kung left handed ako? Does that automatically mean na ako na nga umatake kay
Charlie? At 'yong mga pinagsasabi n'yo ay puro circumstantial. They prove nothing."

Al flashed a wide grin, erasing the smile on the four-eyed guy's face. "We knew you
would say something like that. Tama, hindi sapat ang mga sinabi namin para madiin
ka bilang suspek."

"O ano

na? Kung wala kayong ebidensya, balewala ang lahat ng mga sinabi n'yo-"

"Meron ka bang panyo?"

"Eh? Panyo? Meron. Bakit mo biglang natanong?" Kumunot ang noo ni Paolo. Hindi rin
namin naiwasang magtaka sa biglaang tanong. But one thing's for sure: It will help
us pin the suspect down.

"When mentioned about the possibility of the culprit leaving his fingerprints on
the trophy, you seemed calm." Muling hinawakan ni Al ang trophy gamit ang kaniyang
sariling panyo. "You are confident na wala kang iniwan na kahit anong marka sa
bagay na 'to, tama?"

"Hindi ko alam kung anong ipinupunto mo pero hindi ko hinawakan ang trophy na 'yan
o ginamit na pampalo kay Charlie."

"You sure?"

"I swear! Why don't you have it checked for fingerprints?"

"Hindi trophy ang ipapa-examine namin," sagot ni Al bago itinuro ang hawak na panyo
ni Paolo. "We want your handkerchief."

"Ba-Bakit? Anong kinalaman ng panyo ko sa kasong ito? Gusto mong tingnan kung meron
dugo?"
"I don't see any cloth here na pwede mong gamitin para burahin ang iyong
fingerprints. Kaya naisip kong baka ginamit mo ang panyo mo para doon."

Napangisi ang lalaking salamin, talagang kumpiyansa na hindi namin siya mako-corner
kahit anong gawin namin. His overconfidence was somehow annoying. But once he's
proven guilty of slamming the chairman, he would be on his knees.

Iniladlad ni Paolo ang kaniyang panyo sa harapan namin. Kasing puti ng niyebe ang
kulay nito at walang kahit anong bakas ng dugo o pulang marka.

"No bloodstains." Lionel shifted his gaze from

the handkerchief to my friend. "Is that what you are looking for?"

"Satisfied?" Hindi pa rin nabubura ang ngisi ni Paolo. "Kung gusto mo, pwede mong
ipadala sa lab 'yan para ipa-check kung meron kahit kaunting patak ng dugo."

"Do you mind?"

"No. Be my guest, detective."

Nang maiabot kay Al ang panyo, muli niya itong iniladlad sa harapan namin. "You
probably wiped your prints on the trophy using this handkerchief. Naging maingat ka
para hindi mamantsahan ng dugo sa wooden base nito."

"Kahit anong teorya ang buuin n'yo, hindi mapapatunayan niyan na may kinalaman ako
sa nangyari sa chairman. Theorize pa more!"

If Paolo was brimming with arrogance, Al kept it cool and maintained the smile
across his lips. "Noong hiniram ko ang panyo mo, I wasn't looking for any
bloodstain. But it would certainly help kung meron man."

"Eh?"

"Shawn mentioned earlier na nililinis niya ang trophy gamit ang isang anti-
tarnishing agent. He would be wiping the silver cup part with that chemical para
siguruhing hindi kakalawangin."
"Teka, kanina ako. Ngayon, si Shawn? Ano ba talaga ang ipinupunto mo?"

"He meant that if you used that handkerchief to wipe your fingerprints off the
trophy, there would be some traces of the anti-tarnishing agent on it," I said.

Paolo's arrogant smile slowly faded as his eyes widened. Parang tumigil siya sa
paghinga nang ilang segundo matapos marinig ang paliwanag. I have been waiting for
the moment to wipe that smirk on his

face.

"We can ask our police friends to have this cloth examined," Al folded the
handkerchief and dangled it in front of its owner. "Sinabi mo kanina na hindi mo
hinawakan ang trophy. Kung may makita silang trace ng anti-tarnishing agent dito na
match sa ginamit ni Shawn, kailangan mong ipaliwanag kung paano nangyari 'yon."

Paolo closed his eyes, looked away and bit his lower lip. It was a bull's eye. Wala
na siguro siyang ikakalusot sa lahat ng mga paliwanag ni Al.

The case was eventually closed after Paolo confessed to the crime. Inamin niyang
hindi pa rin niya matanggap na si Charlie ang napiling chairman ng committee. He
did not intend to kill the chairman, pero kung mai-incapacitate si Charlie at siya
ang magiging in charge bilang vice chair, maipapakita niya sa kaniyang mga kasama
na siya ang karapat-dapat na mamuno sa komite.

No matter what his reason was, hindi basta-basta palalampasin ang ginawa niya. The
student council president assured na mapapatawan siya ng karampatang parusa. In the
meantime, they needed to work together para masigurong magiging matagumpay ang
cultural festival.

"I don't know what would have happened kung wala kayong dalawa rito." Lionel tapped
Al's shoulder and mine as we walked across the hallway. I flinched as I felt his
hand touched a part of me. "Baka talagang destined na bumisita kayo rito sa school
para i-solve ang mga problema namin."

"Speaking of problem..." Inilabas ko ang papel kung saan ko isinulat ang deciphered
na code. "We finally cracked it, thanks to the wisdom of our club president."
Napahinto sa paglalakad si Lionel

habang seryosong binabasa ang mensahe. He returned it to me with a concerned look


on his face.

"Anong meron mamayang alas-siyete ng gabi?" I asked.

"The highlight of the festival. The cultural night. We expect ninety percent
attendance sa mga estudyante dahil ginawang mandatory 'yon."

"Mas maraming darating, mas maraming madadamay." Napahaplos sa kaniyang baba si Al


habang nakatitig sa papel. "The perfect venue to create chaos. 'Yon siguro ang ibig
niyang sabihin sa screams at blood."

Natahimik kaming tatlo habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Lionel. A


bigger problem lies ahead of us. "Should I cancel the cultural night later? Para
maiwasan ang kahit anong untoward incidents?"

I shook my head. "If you cancel it, siya ang lalabas na panalo. We must not let
that person win."

"But I need to prioritize the safety of the students! Kung legit talaga ang bantang
'to, kailangan kong isaalang-alang 'yon."

"Kapag ginawa mo 'yon, you will give that person the leverage," I continued. "Hindi
ang cultural festival ang last activity na i-o-organize n'yo. Paano kung sa susunod
n'yong event, magpadala ulit ng threat letter ang taong 'to? Ika-cancel mo ba
ulit?"

"May punto si Lori." Al nodded. "Naintindihan kong gusto mong siguruhin na walang
masasaktan mamaya, pero kailangan mo ring isipin ang implication ng desisyon mo sa
hinaharap."

"The only way to stop this looming madness is to hunt this mad person," I said.
"Kung balak talaga niyang maghasik ng lagim, siguradong pupunta rin siya sa
cultural night mamaya."

Isang malalim na buntong-hininga


ang isinagot sa amin ni Lionel. "Do you think you can catch whoever this person
is?"

"We cannot guarantee that part," Al shook his head. "Ang kailangan nating i-
prioritize ngayon ay kung paano masisigurong ligtas ang event mamaya."

"I will ask the Office of Campus Security to step up the inspection at the
entrance. Masisiguro nating walang maipapasok na patalim o baril ang mga pumapasok
sa school para sa festival."

We continued our conversation inside the student council room. We sat around the
circular table and started preparing for the worse.

"Paano siya makakagawa ng insidente mamaya kung saan dadanak ang dugo at mapupuno
ng hiyawan ang gymnasium?" Lionel asked.

"Why don't we ask the expert?" I took out my phone and dialed Loki's number for a
video call. It took three tries bago niya ako sinagot.

"What is it this time?"

"Before that, say hi to Lionel and Alistair."

"How are you, Leondale? I hope you are not stressing yourself with everything on
your plate right now."

"It's Lionel," the student council corrected him.

"Yes, I heard Lorelei the first time. What do you need from me?"

"I wanna ask you something. Paano ka gagawa ng gulo sa isang school event kung saan
marami ang masasaktan?"

"Where's the venue of that event? Open area? Closed space?"


"Closed space. In a gymnasium," sagot ni Lionel.

"If everyone's having fun, it would be much funnier for me to announce

that a bomb is about to explode in a minute. People are prone to panic so everyone
will rush to the exit. It might cause a stampede and there will be a number of
casualties if it is not controlled."

"So you think that whoever sent this message might want to cause an alarm to the
attendees?"

"That's one of the ten scenarios that I can think of. Meron pang pwedeng ibang
gawin. Shouting 'fire! fire!' while everyone's having fun is another way to create
unnecessary panic."

Tama, masyadong maraming posibleng mangyari mamayang kagabi and we cannot prepare
countermeasures to every possibility.

"I advise that you try to understand who might be behind the threat. I have a thing
or two to say about that person, but it would be better if you figure them out by
yourself."

"Mas mapapabilis kung sasabihin mo na lang sa amin."

"I have to go now. Bye~"

And he hung up again.

"Let's try to follow Loki's advice," sabi ni Al. "Let's try to get inside the head
of the anonymous sender."

Inilahad namin sa mesa ang original copy ng threat message.

TO THE DEAREST STUDENT COUNCIL,


I AM HURT THAT I AM NOT INVITED TO THE FESTIVAL. NEVERTHELESS I SHALL SEND MY HAPPY
REGARDS TO THE STUDENTS.

"The part where it says the sender is not invited to the festival... Don't you find
that weird?" Al's eyes narrowed into slits as his finger underlined those words.

"How?"

"I'd like us

to entertain the possibility that an outsider might be behind this ruckus," sabi ni
Al. "If he is a student here, why would he say that he's not invited to the
festival? Lahat ng mga estudyante ay expected na dumalo sa event n'yo, tama?"

"So an outsider..."

"An outsider who knows something about the cultural festival." Al looked at me
first then at Lionel. Someone who is familiar with the school."

"In other words, the sender is an outsider who has been here. He or she might be
part of the alumni or a former student of the-"

I stopped halfway when I realized something. I glanced over the decoded message
again and read the last part.

LOVINGLY YOURS,

C-Could it be... that the sender of this message...

"You found something, Lori?"

Tumingin ako sa kanilang dalawa sabay tanong, "What's the first word that comes to
mind when you see the letter Q?"
"Quill?"

"Quail?"

"Queen-" Al froze for a moment after saying that word. We looked at one another as
the realization dawned on us.

"Natatandaan n'yo pa ba kung sino ang may palayaw na 'queen'? We know someone who
used to call herself by that name."

Al's eyes narrowed as he muttered, "Do you think that she's behind this threat?"

"Her first name means "queen" while her surname means 'victory.' Put two plus two
together, you will get "Queen of Victory" or as how she wanted to be called: Queen
Bee."

"Kahit hindi na siya

official student dito, she can still pay a visit as an outsider," sambit ni Lionel.
"Ang kailangan niya lang gawin ay mag-iwan ng valid ID sa mga guard at isulat ang
pangalan niya sa log book."

Ganon din siguro ang ginagawa ni Adel kaya siya nakakapasok at nakakabisita sa dorm
ni Vessy. May she rest in peace.

"Uutusan ko ang mga officer ko na i-check sa logbook kung nakasulat doon ang
pangalan niya." Mabilis ang mga sumusunod na tap ni Lionel sa screen ng kaniyang
phone. "Posibleng nandito na siya para ihanda kung anuman ang pasabog niya. I will
also ask the guards to be on lookout for her."

"Speaking of pasabog, baka puwede ka ring mag-deploy ng mga tauhan sa gymnasium at


sa activity area," payo ni Al. "I don't think Regina would go as far as planting a
bomb in those places, but as a precaution..."

"An ounce of prevention is worth a pound of cure," dagdag ko. "Mabuti nang masiguro
nating wala pang nakalagay na kahit anong bagay na magdudulot ng panic sa mga lugar
na 'yon para mabawasan ang mga pangamba natin."

"On it!"

For the next couple of hours, we stayed in the student council room. Naghintay kami
ng mga report mula sa kaniyang mga officer at maging sa mga guard. There was no
"Regina Victorina" in the guard's logbook, but to be sure, we asked their Office of
Campus Security to let us review their CCTV footages. Ilang oras din ang ginugol
namin para tutukan ang mga 'yon, pero wala kaming naaaninag na babaeng kamukha o
kasing-katawan ng dati naming kaklase.

Pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon, nagpahinga muna kami sa kanilang office. Lionel


asked for refreshments para sa amin ni Al. But our

mind were too occupied with the problem that the idea of eating became the least of
our priorities.

"Kung hindi siya makakapasok sa campus, hindi maisasagawa ang mga banta niya,"
komento ni Al. Sinusuri niya ang kopya ng logbook. He had a copy of Regina's old
papers in class and compared the penmanship of our former classmate to those who
have signed their names.

"Maybe that was an empty threat?" Kumagat sa kaniyang pizza si Lionel habang
pinapanood ang ginagawa ng kasama namin. "Maybe she only wanted to scare us by
sending that message?"

Sending that message? Napatingin ako sa kaniya sabay taas ng kamay. "Saan n'yo nga
ulit nakuha ang threat message?"

"Pagbukas ko rito sa office noong isang araw, nakita ko sa sahig ang isang
envelope. Baka ipinasok niya 'to sa pamamagitan ng napakaliit na siwang sa ilalim
ng pintuan."

Napatayo ako mula sa aking upuan at nagsimulang maglakad-lakad. Great, nagagaya na


tuloy ako kay Loki who always paces the room with his fingertips put together while
thinking.

"She needed to get inside the campus to personally deliver that letter to the
council. Natatandaan mo pa ba kung kailan 'yon?"
"Uhm... If I'm not mistaken, Tuesday last week yata. That was a busy day."

Hindi ko na kinailangang sabihan pa si Al. Siya na mismo ang tumingin sa log


entries noong Martes ng nakaraang linggo para tingnan kung nakasulat doon ang
pangalan ni Regina.

My friend slowly shook his head, looking a bit disappointed.

"Baka meron pang ibang paraan upang makapasok sa campus nang hindi kailangang mag-
log sa mga guard?"

"Usually, pinapatuloy ng mga guard ang mga

taong may sasakyan at may official business sa school. Kinukuha lang 'yong pangalan
ng driver o ng kung sinuman ang head nila pati 'yong plate number."

"Do you know kung sino-sino ang mga may official business on that day?"

"I don't have a list of everyone who's going in and out of the campus by car,"
sagot ni Lionel. "Ang alam ko lang ay ang mga ipinagpaalam kong makikipag-meeting
sa akin para sa cultural festival."

"You said earlier that you outsourced some of the stuff you need for the event,
right?" Al asked. "Do you still remember kung sino sa kanila ang naka-meet mo noong
araw na 'yon?"

Lionel took out his notepad and flipped some pages. His finger traced something on
the paper and stopped once he found what he was looking for. "Naalala ko na! I met
with the bar manager who will provide unlimited drinks later. May iilan din siyang
kasama na nagbigay ng ilang particulars sa meeting. Kinailangan na kasi naming i-
finalize ang deal para maihanda na kaagad ang check."

Nagkatinginan kami ni Al. We are probably thinking the same thing right now.

"Kung kasama si Regina sa staff, she would be riding the car with the manager, thus
bypassing the log book requirement," Al deduced.
"Should I call the manager and ask if they have a staff named Regina?"

I nodded. "Oo, para ma-confirm na natin. But tell him to keep the conversation
between the two of you. Kapag nalaman ni Regina na may nagtatanong tungkol sa
kaniya, she might go off the script."

* * *

I had an idea on how Regina is planning to wreak havoc in the cultural night. Not

belittling her intellect, but I highly doubt that she would bring a bomb and plant
it somewhere. She will probably employ the same technique she used on me half a
year ago. But this time, it might be a little more dangerous.

We waited until the darkness blanketed the sky and the stars shone their twinkling
lights. The moon peeked through the dull, grey clouds. Students in their most
comfortable semi-formal wear started flocking to the gymnasium. Hindi kagaya sa
promenade, hindi ganon ka-enggrande ang kanilang isinuot.

I still wore my disguise. Mahirap na, baka makilala ako ni Regina at mabulilyaso
ang plano namin. The staff of the bar arrived in the gymnasium an hour before the
program proper. May limang personnel na nakasuot ng itim na vest at bowtie ang nag-
set-up ng kanilang makeshift bar sa isang sulok.

Various flashes of light danced in the whole gym. Kapag nakikita ko ang mga
liwanag, biglang sumasagi sa isip ko ang mga nangyari mahigit anim na buwan na ang
nakalilipas. It felt like deja vu.

"Lori? Are you okay?" Al asked, tapping my right shoulder and ending my grim
reminiscence.

"I-I'm fine." My eyes looked away from the lights. Kailangan kong umiwas sa mga
bagay na makapagpapaalala sa akin ng mga nangyari noong gabing 'yon.

"Lionel's men are stationed in every corner of this place, all eyes are on the bar
staff." Nilakasan na ni Al ang kaniyang boses dahil nagsisimula nang mag-ingay ang
mga estudyante. "So far, no suspicious

movement."
Iginala ko ang aking mga mata sa makeshift bar at hinanap ang babaeng may blonde,
curly hair. Unfortunately, wala ni isa sa dalawang babae roon ang match sa
description. Either Regina did not come or she changed her appearance. Nakalimutan
naming itanong sa bar manager kanina kung ano na ang itsura niya.

The only way to find out is through a close encounter. I told Al to leave
everything to me while they watch closely on what's about to unfold. Lumapit ako sa
kanilang bar at iniwasan ang mga estudyanteng excited na para sa program.

I sat on a bar stool and watched the two female staff prepare the glasses. The
first one at the counter had a short hair, wearing eyeglass and red lipstick.
Dalawang beses siyang napatingin sa akin pero hindi niya ako pinansin.

The other one at the counter had long hair tied in a ponytail and pinkish lips. She
was busy arranging the bottles that she did not take any notice of me.

"Hey! Can you give me something to drink?" Iniba ko ang aking accent para lalo nila
akong hindi makilala.

"Would you like some lemonade?" tanong ng babaeng may maiksing buhok. I also
couldn't recognize her voice.

"Alcohol, please!"

"Sorry, pero hindi kami nagse-serve ng alcoholic drinks sa mga minor," sagot ng
babaeng may mahabang buhok. She looked annoyed by my demand.

"I'm no longer a minor! Mukha akong bata pero college student na talaga ako."

The short-haired girl stared at me suspiciously as she stopped putting the glasses
on the table. "What kind of alcohol

do you want, ma'am?"

"Anong isa-suggest n'yong dalawa sa akin? Tell me your favorites!" Medyo nahihiya
na ako sa pinaggagawa ko. Hindi talaga ako ganito magsalita at kahit kailan, hindi
ako mag-o-order ng alcoholic drinks. "I prefer cocktails, by the way."
"My favorite's margarita on the rocks," sagot ng babaeng naka-ponytail ang buhok.

"Mine's martini," sagot naman ng babaeng may maiksing buhok.

Gotcha. Her preferred color of lipstick and her favorite cocktail... Kahit ibahin
niya ang kaniyang itsura, may ilang bagay siyang hindi mababago.

"I choose martini," I pointed my finger at the short-haired girl before turning my
back to them. Nakita kong pasimpleng nakamasid si Al mula sa isang sulok. I mouthed
"I found her" para hindi ko na siya kailangang puntahan pa.

"Dumating na 'yong yelo. Magpapatulong ako kay Vince para dalhin dito," narinig
kong sabi ng babaeng may mahabang buhok. "Ikaw muna ang bahala rito sa bar, ha?"

"Sure," sagot ng babaeng pinaghihinalaan kong Regina. She placed the wineglass on
my side. "Here's your martini, ma'am."

Now that she's alone, she can finally execute her plan to bring chaos in this
event. Siyempre, hindi ako puwedeng humarap sa kaniya dahil magiging conscious siya
sa akin at hindi niya magagawa ang dapat niyang gawin.

Kaya inilabas ko ang aking phone, binuksan ang camera app at pinindot ang front cam
button. Pretending to be taking selfies, I was trying to monitor her move behind
the counter.

She looked anxious

as her head panned from left to right and vice versa. Sinisiguro niyang wala sa mga
kasamahan niya ang papalapit sa bar. When she thought the coast was clear, inilabas
niya ang isang maliit na bote mula sa kaniyang vest at dahan-dahan itong binuksan.
She opened the bottles of wine and was about to pour the contents of her flask in
it.

I knew she would do that thing. Sinadya kong sagiin ang martini sa tabi ko para
tuluyang mahulog ang wineglass at mabasag sa sahig. Lumikha ito ng ingay kaya
napatingin ang karamihan sa mga taong nakapaligid sa akin.
"Oh, sorry! Hindi ko sinasadya!"

"Nasaktan ba kayo, ma'am?" Nilapitan ako ni Regina na may dala-dalang panyong


ginamit niyang pamunas sa damit ko. Nang dumampi ang kaniyang kamay sa katawan ko,
I quickly gripped her right hand tightly.

"Te-Teka, a-anong problema mo? Pupunasan ko lang kung natapunan ang damit n'yo!"

"I appreciate the concern," I said in my real voice. "But it would be much
appreciated if you will show what's in your vest pocket."

"A-Anong-"

"The last time we met, you put something in my drink, didn't you? Six months later,
you're putting something again in other people's drinks."

"Last time? Teka, nagkakamali ka yata, ma'am. We haven't met before."

Hindi nga talaga niya ako nakilala. Oras na siguro para pormal akong magpakilala.
Hawak-hawak pa rin ng kanang kamay ko ang isa niyang braso kaya ginamit ko ang
kaliwa para alisin ang suot kong shades at tanggalin mula sa pagkaka-bun ang buhok
ko. Her eyes widened as she finally saw my whole face.

"Y-You...! W-Why are you here?!"

Binitawan ko ang kaniyang kamay at tinitigan siya nang diretso

sa mata.

"I was only visiting my old school when I learned from Lionel that someone wants to
cause trouble here. We cracked your coded message and we knew that it was you who
sent that threat."

Nanlisik ang mga mata niya at nagngitngit ang kaniyang ngipin. I could see the
burning rage in her eyes. Any moment, pwede niya akong lusubin na parang gutom na
tigre.
Though I have every reason to feel the same on her, wala akong naramdamang galit. I
should be the one looking at her with piercing eyes, not the other way around. I
should be the one gritting my teeth, not the other way around.

"Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa 'to, Regina. The school kicked you out after
that incident. Ngayon, gusto mong maghiganti sa pamamagitan ng panggugulo sa
kasiyahan dito. Para doon ba ang laman ng boteng nasa bulsa mo ngayon?"

Kinapa niya ang kaniyang vest pocket at hinawakan ito nang mahigpit.

"You... You ruined my life!" she hissed with gritted teeth. "Kung hindi dahil sa
'yo-"

"YOU scarred me for life!" I retorted. After what she tried to do to me, siya pa
ang may lakas ng loob para sisihin ako sa nangyari sa buhay niya? Sinubukan kong
manatiling kalmado. I should take the high road here.

"You asked your father to expel us from this school!" She was repeatedly pointing
her finger at me. "Tapos ipina-blacklist n'yo kami sa lahat ng school na pwede
naming pasukan!"

All eyes are on us as she went on throwing baseless accusations at me. She even
called me a bitch. Tinitigan ko lang siya sa mata at hinintay na matapos.

"Are you done?"

Lalo pang nanlisik ang mga mata

niya.

"I never asked my father or anyone to kick you out. I never asked him or anyone to
blacklist you and the others. Kung meron kang dapat sisihin, hindi ako, kundi ang
sarili mo."

Nagkakatitigan lamang kaming dalawa hanggang sa bigla siyang tumawa. "Tama ka


siguro, kasalanan ko nga kung bakit nangyari ang mga kamalasang 'to. Look at me
now! I'm out of school! I'm working in a bar! My parents disowned me for what I did
to you!"

"But you can still change." I tried to make my voice sound soothing. "Adel realized
that what he did was wrong. He wants to change. So should you."

"Change? Maybe it's a little too late for that." Inilabas niya ang flask mula sa
kaniyang vest pocket at ipinakita ito sa akin. "I was planning to pour this thing
in the drinks. I want everyone in this party to cough blood, to fill the hall with
screams. Thanks to you, sira na ang mga plano ko. But I still have a way out."

"What do you-"

Binuksan niya ang bote at itinutok ito sa kaniyang bibig. I swang my right hand and
slapped her face as hard as I could, making it turn to one side. Nabitawan niya ang
lasong balak niyang inumin.

"Wh-Why the hell did you stop me?! 'Di ba mas sasaya ka kung mamamatay ako?!"

I looked at her straight in the eye. "I cannot forget what you did to me, but I
cannot forgive myself if I let you kill yourself in my presence. I haven't forgiven
you for what you did to me. But I can forgive you... and the others."

"You...!" Tear began welling up in her eyes. She bit her lower lip, trying to
control herself from crying. But eventually, she broke down on her knees and beads
of tears started falling.

Lumapit

ako sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi na niya napigilang


mapahagulgol sa aking bisig. She may have changed her appearance, but there's no
doubt that she's the Regina I know.

She wanted to appear strong, but she's really weak inside.

* * *
Since nothing serious happened, the case was put to rest. Nagpatuloy ang kasiyahan
ng mga estudyante sa gymnasium at natapos ang program nang walang aberya.

Regina might face some charges for her attempt to poison almost everyone in the
party. But I asked Lionel to ensure that she won't face anything serious. She
already suffered too much with everything that happened in her life the past few
months. Ayaw kong madagdagan pa ang kaniyang problema.

Case closed. The series of unfortunate events in Sherrinford High ended tonight. Al
and I went on our way to the parking lot. Ihahatid sana kami Lionel pero meron pa
silang post-party meeting.

We had a long day and my energy was almost depleted. Parang gusto ko nang mahiga sa
kama at matulog magdamag. Medyo na-stress ako nang maalala kong nasa Manila pala
ako. Being in Manila means we have to brave the horrendous traffic later.

Al's Subaru was parked a few steps ahead. But I halted when I saw a black limousine
parked beside it. The plate number was also familiar. Don't tell me...

Lumabas ang aming family driver at binuksan ang isang pinto ng kotse. Bigla akong
nakaramdam ng panginginig na tila may malamig na hanging dumaan. My eyes shot a
curious look at my friend, asking for an explanation.

"Your dad texted me earlier

and asked kung nasaan ka," sagot ni Al. "Mahigit isang oras na yata mula nang
makarating siya rito."

Wow. Nagawa niyang maghintay ng ganon katagal? I thought "waiting too long" wasn't
in my dad's dictionary.

"Sumabay ka na sa kaniya. Alam kong pagod ka na rin sa sobrang dami ng nangyari


ngayong araw."

My friend waved his hand as he bid farewell. Kapag nga may iniutos ang dad ko sa
kaniya, there's no way that he would not follow it.

Napatingin ako sa aming driver na kanina pa hawak-hawak ang cardoor at hinihintay


akong pumasok. For his sake, kahit labag sa loob ko, I decided to get inside.
"Good evening, Miss Rios!" he greeted and I forced a smile at him. He closed the
door before returning to the driver's seat and starting the engine. Guess who's
already seated beside me?

Ilang linggo na ba mula nang huli kaming magkita ni papa? Ah, nevermind. It doesn't
matter to me as much as it doesn't matter to him.

"It has been a while, hasn't it?" he spoke only after a few minutes we departed
from the school. His cold voice reminded me of Luthor who can send chills down my
spine by merely hearing it.

"Yeah," I replied dryly. Nakadagdag ang pagod ko ngayong araw kaya lalong matamlay
ang sagot ko.

The images of the lively city at night flashed before the car window. I wished na
sana'y makarating kami kaagad sa bahay para magkahiwalay na kaming dalawa. Gusto ko
na ring mahiga at magpahinga.

But before that, I need to bring up that topic. Ngayon na siguro ang perfect
opportunity para ma-settle na 'yon.

"I won't attend your birthday celebration tomorrow," sabi ko nang magkaroon ako ng
lakas na magsalita. I did not bother to look at him. Instead, I enjoyed the scenery
outside the car.

"Al told me that you are going," he replied.

"I already changed my mind," sagot ko. "But I can change my mind again under one
condition."

"Tell me what it is."

"I want you to remove my former classmates involved in that incident from your
blacklist. There's only one man in this city who can ask officials of other schools
to automatically deny their application. Kung gagawin mo 'yon, magbabago ang isip
ko."
"Deal."

My head slowly turned to him, his eyes are on the road. To be honest, I was
expecting him to ask me why he should grant my condition. But he did not. Kaagad
niyang ibinigay ang kaniyang mapait na oo.

"If you say so, then I will attend the party. You have my word."

Sumandal na lamang ako sa aking upuan at hinintay na makaalis sa traffic jam ang
sinasakyan namin. It would take hours before we reach our destination. That means
that I have to endure hours sitting beside my dad.

Sana makauwi na kami kaagad sa mansyon.

###

Next update is Chapter 30: The Assassination of Walter Rios!

=================

Volume 2 • Chapter 30: The Assassination of Walter Rios (The Invitation)

LORELEI

HOME SWEET home.

Or maybe not.

Wala pa ring ipinagbago ang mansion ni daddy. It still has that gloomy look and the
melancholic atmosphere once you step inside. Hindi naman ito isang horror house o
lumang bahay na itinayo noong panahon pa ng mga Kastila. Maybe the owner of the
house reflects the aura of the mansion. My dad is a no-nonsense and cold person
kaya ganon din ang pakiramdam kapag tumapak ka rito.

Pagtigil ng limousine sa entrada ng aming bahay, kaagad na akong lumabas at inakyat


ang mga hagdan papasok. Nakasalubong ko sa loob ang mga kasambahay namin na tila
nagulat na makita ako. Hindi tuloy nila ako nagawang batiin. They must be so
surprised to see me here... after months of my absence.
Tumuloy ako sa pag-akyat sa aming malawak na staircase hanggang marating ang second
floor. I proceeded to the right wing and walked past a couple of doors. Sana hindi
pa niya ipinatanggal ang mga gamit sa dati kong kuwarto.

The door creaked open when I turned the doorknob and pushed it slowly. The room was
dimly lit so I needed to turn on lights. My king-sized bed and my cabinet were
still there, pati na 'yong favorite lampshade ko. Strangely, it was the same room
that I left months ago. Maayos din ang pagkakaayos ng kama at malinis ang paligid.

Did my father really expect me to come home tonight? If he did not, then my room
would be in a mess right now.

Humiga ako sa malambot kong kama at ini-stretch ang mga kamay ko. Kanina pa ako
tinatawag ng higaan dahil sa sobrang pagod. Mukhang mapapasarap ang tulog ko
mamaya.

Bigla akong napatingin sa headboard ng kama at napansing may nawawala.

I almost forgot. Dinala nga pala sa apartment ni Tita Martha ang malaking teddy
bear ko (na pagmamay-ari na raw ni Loki). I used to sleep with it and hug it
tightly every night. Para kasing niyayakap ko na rin ang mama ko kapag kasama ko
ang teddy bear.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at chineck ang aking cabinet. Nandito pa rin
ang mga damit ko noon, maging ang uniform ko sa Sherrinford High.

Isinari ko ang aking Cabinet at inilibot ang mga mata ko sa buong kuwarto. Nothing
has changed since I left.

The comfort of my bed was seducing me again. My stomach then growled and my hand
instinctively touched it. Oo nga pala, hindi masyadong marami ang nakain ko kanina
sa party. I did not have the appetite because of what had happened.

Lumabas muna ako ng kuwarto para magtungo sa kusina. The cook must still be up,
preparing meal for my dad. Sana may pagkain din para sa akin. I walked across the
hallway, staring at the delicately decorated walls and lamps that illuminated the
corridor. Dumampi ang kamay ko sa pader at kinapa ang design nito.

I felt like a stranger in my own home.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang marating muli ang staircase. I was about to
take a step down when I heard someone's voice.

"Please, sir! For your sake, i-cancel n'yo na ang party!"

It was a woman's voice. At nakikilala ko pa kung kanino ang boses na 'yon.

Napahakbang ako paurong at dahan-dahan naglakad patungo sa gitnang silid. If my


memory still knows the layout of the house, that would be my father's

study.

"I have already made my decision." Oh, speaking of the devil who's also inside.
Sumandal ako sa pader malapit sa pintuan ng study. Dahil hindi nakasara nang maayos
ang pinto, dinig na dinig ko kung ano ang pinag-uusapan nila sa loob. And
thankfully, wala sa mga kasambahay namin ang nasa paligid. They would find me weird
for acting like a spy inside my own house.

"But sir, kaligtasan n'yo ang nakasalalay rito! Hindi natin pwedeng maliitin ang
death threat sa inyo!"

De-death threat? My dad received one?

"My family friends and colleagues have confirmed their attendance tomorrow. If I
cancel the event tomorrow, can you imagine the embarrassment?"

"Alam kong nakakahiya kung ika-cancel natin. Pero siguradong maiintindihan nila
kapag ipinaliwanag natin na dahil 'yon sa security reasons."

"We will have our security personnel double their efforts to make sure that no one
would ruin my own party. If they can't assure my safety, then why am I paying them
twice their salary?"

Natahimik na lamang ang kausap niya. There's no point arguing with my father. You
will always find yourself in the losing side. Kaya nga noong bata pa ako, lagi
akong tumatango at sumusunod sa mga pinapagawa niya. Thankfully, none of those were
illegal.

"Have you bought the dress for my daughter?" he asked after a few moments of
silence.

"Yes, sir. But I don't know Miss Lorelei's taste so I bought ten of them. I will
present them to her tomorrow."

Te-Ten? Those dresses must have cost thousands of pesos! What will we do to the
nine that did not suit my taste?

"Make sure that all eyes will

be on her tomorrow. Call the best hairstylist, call the best make up artist. I want
her to look like a princess."

"Understood, sir. Is there anything else?"

"None. You may leave."

"Thank you and good night, sir."

She was wearing high heels, judging from the noise her shoes make when they hit the
marble floor. Biglang bumukas ang pinto papasok ng study at lumabas ang isang
babaeng naka-ponytail ang buhok. The rectangular spectacles worn before her brown
eyes reflected the light from the chandelier.

"Miss Nancy!" I hissed, prompting her to turn to me. Nanlaki ang mga mata niya na
parang nakakita siya ng multo sabay lingon sa pintuan. Nilapitan niya ako at hinila
ang aking kamay.

"Ma'am Lorelei!" She brought me to the end of hallway, meters away from the study.
Sumilip pa siya roon na tila iniiwasan niyang makita ako ni daddy. "Totoo ngang
nandito ka na! Na-miss kita, alam mo ba?"

Niyakap niya ako nang mahigpit hanggang sa hindi na ako makahinga. I replied with
an embrace and patted her back. "Naging malungkot na ang bahay na 'to mula nang
umalis ka! My gosh. Hindi ko ma-express kung gaano ako kasaya na makita ka ulit.
Akala ko nagjo-joke lang ang papa mo nang sabihan niyang uuwi ka rito."

Pinunasan ni Miss Nancy ang kaniyang nangingilid na luha gamit ang kaniyang puting
panyo. She has never changed. Hanggang ngayon, emosyonal pa rin siya. Hanga ako sa
kaniya dahil nasisikmura niyang makatrabaho ang demanding kong ama. Kung ibang tao
lang 'yan, baka first day pa lang nila, nag-resign na sila sa trabaho.

"Kumusta na kayo?"

"Heto, nahihirapan

pa rin minsan sa daddy mo. Huwag mo akong isusumbong sa kaniya, ha?"

Sabi ko na nga ba.

"May pinoproblema nga ako ngayon. Ayaw niyang makinig sa akin kahit ilang beses ko
siyang pakiusapan."

"Tungkol saan?" Nagkunwari akong walang narinig kanina. Hindi ko rin kasi alam ang
buong detalye kaya mabuti kung manggagaling mismo kay Nancy.

Muli siyang napasilip sa hallway, medyo balisa ang kaniyang mukha. She was bothered
by whatever she and my dad were discussing.

"Your dad received a death threat three days ago," Nancy whispered closer to my
ear. "We received a mail from an unknown sender. Nang buksan namin 'yong package,
it contained nothing but five orange seeds."

"O-Orange seeds?" My eyebrows furrowed as I continued to listen intently to her.

"At first, akala namin na prank lang 'yon. But your dad consulted his friend and
the latter told him that the seeds meant danger," Nancy continued to lower her
voice, shooting glances at the hallway. "Are you familiar with Sherlock Holmes?"

I shook my head. "My friend in Pampanga is a fan of that detective. Why?"

"Meron daw isang Sherlock short story kung saan pinadalhan ng limang buto ng orange
ang isang tauhan." Parang nagkukuwento siya ng horror story sa sobrang intense ng
kaniyang mukha at boses. "Do you know what happened to that man? He died."

"And you think na isa 'yong legit na death threat?"

"Your father makes more enemies than friends every day," sagot ni Nancy. "Kaya nga
hindi na kataka-taka kung may magpapadala ng pananakot sa kaniya. We mostly dismiss
them as idle threats. Hindi nila kayang gawin ang pagbabanta

nila."

"But there's something in this case, isn't it? Kaya kumbinsido kang baka nga
totoong may magtatangka sa buhay ni papa?"

Nancy showed her phone to me and went to her gallery. She then opened photos
showing a series of flowers with missing petals and leaves. Weird.

"These flowers were enclosed in another package addressed to your father. It had
the same handwriting with the package containing the orange seeds."

"Do you know what these flowers mean?"

"Your father consulted his friend again and the latter told him that something
might happen in his birthday party." She slowly muttered the next word. "Death."
Napahawak ako sa aking baba habang tinititigan ang mga bulaklak. This must be some
sort of code and my father's friend managed to crack it. The question is how.

Pero hindi ko na kailangang problemahin pa. The mystery was solved already. Now we
should focus on the threat.

Hinawakan ni Nancy ang aking mga kamay. "Kaya nga I wanna ask you to convince your
dad to cancel the event tomorrow. He's as stubborn as a ten year-old kid! He won't

listen to me. Maybe he would listen to you."

I heaved a long sigh. "Miss Nancy, you know that when dad makes up his mind,
there's no way he would change it. Kahit siguro lumuhod tayong dalawa sa harapan
niya, his decision is final and irrevocable."

Napabuntong hininga rin si Nancy. I may not get along with my dad, but I still care
about his welfare. I would talk to him if there's any chance to turn his "no" into
a "yes." Kaysa magsayang ako ng laway, mananahimik na lamang ako.

"Kung hindi talaga magbabago ang isip niya, susundin ko na lang ang gusto niyang
mangyari," sabi ni Nancy. "Kailangan kong kausapin si Douglas para siguruhing tight
ang security bukas."

Douglas is the head of my dad's security. He's been with us for almost a decade
now. Under his watch, ni minsa'y hindi nalagay sa peligro ang buhay ni daddy. Maybe
his effectiveness as a security head would prevent anything untoward from
happening.

"In other matters, binili kita ng sampung dress para sa party bukas." Napawi ang
kalungkutan at napalitan ng ngiti ang pangamba sa mukha ni Nancy. "Sana may mapili
ka sa mga pinamili namin kanina. Your dad instructed me to make you look gorgeous-
very gorgeous-tomorrow."

Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko ang simpleng itsura at pananamit. Ayaw
ko nang masyadong agaw-pansin. Ayaw ko ng sobrang make-up. Hindi naman kasi
coloring book ang mukha ko na pwedeng lagyan kahit anong cosmetic products.

"You must be tired. Dapat siguro'y magpahinga ka na muna," Nancy patted me on the
head. "We have a big day tomorrow. I hope that... you would... enjoy it."

The crack

in her voice tells me that something's gonna happen tomorrow. Pero hindi niya
magawang sabihin sa akin. I wonder what that is.

Hinatid niya ako sa aking kuwarto at nagpaalam na babalik sa kaniyang room. My


hunger went away as my mind became preoccupied with the looming threat on my
father's life. Loki once quoted Sherlock Holmes, saying that the brain works better
in an empty stomach.

Humiga ako sa kama at iniunat ang mga braso ko. I stared at the light on the
ceiling, trying to figure out if there's anything that I can do for tomorrow.

But my mind eventually turned blank. Naubos na yata lahat ng "deductive juices" sa
utak ko para makapag-isip. How many cases did we close today? Three? That's too
much for my brain to handle.

I decided to close my eyes and let the darkness embrace me. I wanna have a good
sleep tonight.

* * *

"Lorelei? Gising na."

Bigla akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. I thought I heard a gentle woman's


voice. Lumingon-lingon ako sa paligid at pilit na hinanap kung saan galing ang
boses na 'yon.

Pero walang ibang tao sa kuwarto maliban sa akin. Hindi pa naman siguro naging
haunted house ang bahay namin.

But whatever. Whether that's a ghost or not, I have better things to do. Bumangon
na ako't naghilamos sa sarili kong banyo. I washed my face with the cold water and
wiped it with the fresh towel.

Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Medyo magulo ang buhok ko at
halatang inaantok pa ang mga mata ko. I have another case to solve today. And
maybe, I can ask for Alistair's help since he will attend

too.

Bigla ko ulit naisip. Talaga yatang nahawa na ako kay Loki na laging sinusundan ng
mga kaso. Kahapon, sa dati kong school. Ngayon, sa mismong bahay namin. I hope may
paraan upang makontra ang sumpa na 'to.

I finished my breakfast at the dining hall where I sat at one end of a long table.
Our cook served a plate of eggs and bacon with garlic rice. Meron pang kasamang
fruits na nasa isang platter. Did I eat with my dad? No, he asked for his breakfast
to be brought to his study.

Medyo naweirdohan nga ang mga kasambahay namin dahil usually, sa dining hall siya
kumakain. Ngayon lang daw siya muling nag-agahan sa kaniyang study. I don't know if
he doesn't want to eat with me or he knows that I don't want to eat with him.

The birthday party, I heard, will be at night so I rested all day in my room. I
might need my full faculty in the evening. God knows what will happen later.

At gaya ng sinabi ni Nancy kahapon, inihatid nila sa kuwarto ko ang isang rack kung
saan sampung dress ang nakasabit sa hanger. May dala-dala rin silang isang tall
mirror para makita ko ang buong katawan ko kapag suot ang damit.

Kagigising ko lang ng bandang alas-kuwatro ng hapon pero hinila na nila kaagad ako
para mag-try. Pwede bang nakapambahay na lang para hindi na ako masyadong ma-stress
sa pamimili?

There were too many choices to choose from. Merong revealing na kita ang cleavage
ko. Merong iba na exposed ang aking likuran. When my dad said "all eyes should be
on me," I hope he did not mean that I should show more skin than usual to attract
attention.

In the end, I chose

the light blue dress na sleeveless. Mabuti't hindi ako tumataba dahil fit na fit sa
katawan ko ang damit. It exposes my thin arms and my neckline, but I think it's
still wholesome.

"Perfect!" napapalakpak si Nancy habang pinapanood ang pag-ikot-ikot ko sa harapan


ng salamin. "Ikaw ang magniningning na star of the night!"

Napangiti na lang ako at muling tiningnan ang itsura ko sa salamin. I must say that
the dress looks good on me.

"Now!" Muling pumalakpak si Nancy sabay lingon sa pintuan ng aking kuwarto. Pumasok
ang dalawang babaeng kulot-kulot ang mga buhok at may mahahabang eyelashes. Base sa
kit na bitbit nila, they are the hairstylist and make-up artist who will transform
me from a simple maiden into a royal princess.

I took a bath first before I sat down with them. "I prefer to look simple. Wala
masyadong make-up. Wala masyadong arte."

"You heard the girl!" Nancy walked around the three of us. "Make her look simple...
but elegant!"

Napapikit na lamang ako at hinayaan silang simulan ang pag-aayos sa akin. Ang wish
ko lang, sana'y hindi ako magmukhang coloring book.

* * *

As the orange sky turned dark, cars began driving into our residence. Sumilip ako
sa bintana ng kuwarto ko at may nakitang isang asul na Subaru na nag-park sa
harapan ng bahay. Mamahalin ang lahat ng mga sasakyan ng mga attendee ngayong gabi.

Knowing the influence of my dad, he must have invited politicians, businessmen and
other guests with standing in the society. Kaya nga kung ika-cancel niya ang
kaniyang party, talagang kahiya-hiya sa mga bisita. I

somehow understand his dilemma.

Nasa West Wing ng aming mansyon ang function hall kung saan gaganapin ang party.
Pagpatak ng alas-siyete ng gabi, lumabas na ako sa aking kuwarto at dumaan sa isa
pang hallway na nagkokonekta sa wing na pagdarausan ng event. Through this pathway,
no would would notice me enter the hall.

Guests in their expensive coats and gowns started pouring in. Pero bago sila
tuluyang makapasok, kailangan muna nilang dumaan sa security na nag-set ng metal
detector sa entrance. Tsine-check din nila ang mga gamit ng mga dumalo at
kinakapkapan ang mga suot.

Our function hall was decorated with dark blue wall and ceiling drapes. Tablecloths
with the same cloth covered the round tables at the center. Classical music-my
dad's favorite-played in the background while everyone's chatting with one another.

I hold onto my chest as I walked toward the crowd. I'm the daughter of the
celebrant so people might start greeting me.

"You look stunning tonight."

Napahinto ang mga paa ko sa paglalakad at dahan-dahang tumalikod para harapin ang
lalaking nagsalita. If it weren't for his iconic hair, I wouldn't have recognized
Alistair. He wore a white coat over a gray polo with matching black necktie. He
looked as manly as ever.
Kung sigurong hindi ko siya childhood friend, I might have fallen for him.

"H-Hey," nahihiya kong bati sa kaniya. This was not the first time he saw me in a
dress, but I somehow felt embarrassed. Pero teka lang. "Did you expect that I will
be coming out of that door?"

"You are not the type of person who would want to attract attention so you would
rather slip inside the hall secretly," he deduced, jerking his thumb toward the
door where I came in. "Kung papasok ka kasi mula sa mismong entrance nito,
siguradong pagtitinginan ka ng mga bisita sa ganda mong 'yan."

My cheeks turned red,

I could feel them. Al knows how to flatter a girl. But there's something that I
need to tell him. About the attempt on my father's life.

"Kailangan ko ang tulong mo." I made a serious face as I uttered those words.
"Something might happen tonight. We need to be on guard."

He raised his right hand, telling me to stop. "Alam kong importante ang sasabihin
mo, pero bago 'yan, may ipapakilala muna ako sa 'yo."

My eyebrows knitted as I stared at him in some sort of disbelief. "I just told you
that something serious might happen in this party and you'd rather introduce me
first to someone?"

He grabbed me by the wrist and pulled me as we walked across the hall. Muntikan na
akong matapilok dahil naka-heels ako. Can you slow down, please! At kanino niya ba
ako ipapakilala? Sa girlfriend niya? Though I know that he still doesn't have one.

Tumigil kami sa tapat ng isang table. Nakatalikod sa amin ang isang babaeng may
mahaba at straight na buhok. She wore a sensual scarlet dress and red heels.

"Meet our friend."

Whoever that girl was, she turned to me. At first, may nakapintang malawak na ngiti
sa kaniyang labi, kita pa nga ang mga mapuputi niyang ngipin. But when she saw my
face, her eyes widened in surprise at muntikan pa niyang mabitawan ang hawak na
wineglass.

"Wh-What are you doing here?" tanong niya. Sa tono ng pananalita niya, parang
kilala niya ako. At medyo pamilyar ang boses niya. Saan ko na nga ba....

"Have we met before?" I replied, looking at her from head to heels. Revealing ang
kaniyang suot, kitang-kita ang kaniyang cleavage at tila pinangangalandakan kung
gaano kalaki ang kaniyang hinaharap. Parang nakita ko na noon ang mukha niya, tapos
'yong...

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Nagkatitigan kaming dalawa, tila hindi
makapaniwala na nasa iisang lugar kami.

"Lorelei!"

"Jamie!"

Ako yata ang dapat magtanong sa kaniya ng "What are you doing here?" Bakit nga ba
nandito siya?
"Excuse me?" said someone from behind. Hearing that monotonous voice sent shivers
down my spine. "I hope you are not trying to steal my date."

I slowly turned around to confirm my suspicion. Isang lalaking magulo ang ayos ng
buhok, laging inaantok ang mga walang buhay na mata at naka-poker face ang bumati
sa akin. Nakasuot siya ng itim na coat na nakapatong sa kaniyang dark blue polo at
tinernuhan ng itim na necktie.

"Lo-Loki?!"

###

P.S. Who expected Loki and Jamie to attend the party? And what can you say about
Jamie's appearance tonight?

Credits to coffeebreakren for the illustrations!

=================

Volume 2 • Chapter 30: The Assassination of Walter Rios (The Threat)

LORELEI

LOKI? JAMIE? What in the world are they doing here?

Nakanganga akong nakatitig sa kanilang dalawa na nasorpresa ring makita ako dito sa
birthday ni dad. Parang si Alistair lang yata ang hindi nagulat sa attendance ng
dalawa naming kasama sa QED Club.

"I thought you have commitments today?" tanong ni Loki.

"This is my commitment," I answered, my eyes still squinted at them and my brows


furrowed. "Teka, you want me to go with you in this party? Kaya ba naitanong mo
kahapon sa akin?"

"If I knew that you are also invited here, I wouldn't have asked you."

"Lorelei wasn't invited here," Al corrected him. "She's the daughter of the
celebrant."

Nanlaki ang mga mata ni Jamie habang no reaction naman si Loki. Napapalakpak pa ang
kasama naming hindi na naka-braid ang buhok. "I knew it! Kaya pala the name on the
invitation sounds

familiar! I never thought that you two are blood related!"

Loki turned to her, looking absolutely clueless. "What name?"

"The celebrant's name is Walter Rios. Her name's Lorelei Rios. See the connection?"

"Oh, Rios pala ang apelyido mo?" Marahang napatango si Loki. "Why didn't you tell
me before?"

Sighing, I rolled my eyes to the opposite direction. The first day we met at Tita
Martha's apartment, I already introduced myself and told him my complete name. So
how come he forgot that my-Oh, nevermind! Loki's hopeless when it comes to people's
names.

Hinarap ko si Al na nakangiti lang magmula pa kanina. His smile told me that he


knew something. "You do not seem surprised by this unexpected turn of events. Alam
mo bang pupunta sila rito?"

"I told you before, didn't I? That some attendees will surely surprise you." The
smile across his lips was yet to fade.

"And you didn't bother to tell me?"

"Ayaw kong mawala ang element of surprise. And teasing you with the surprise guests
might convince to attend your dad's birthday."

Okay! The question now is why were these two invited? I don't recall my dad meeting
Loki or Jamie before. Did Al invite them over?

"No, it wasn't Al who invited us here," Loki spoke after I shifted my gaze to my
childhood friend.

Kung hindi si Al, sino-Wait a minute! How did he know about what I was thinking?
Wala pa naman akong sinasabi ni isang salita.

"Hindi ka pa ba nasanay sa akin? I could read what's on your mind based on your
small gestures," muling sumingit si Loki kahit wala pang lumalabas sa bibig ko.
"You stared

at us then you glanced at Al, probably thinking how we got here and if Al played a
role. The answer is no. We received an invitation from Mr. Walter Rios."

"You know my dad personally?"

Loki shook his head. "I only heard of his name a few days ago. Wala nga akong ideya
kung sino siya bago ko natanggap ang invitation."

"And why is Jamie here? You received an invitation for two?"

"The other one's for my brother. But he can't come so I tried to look for a
replacement. When you declined, I called Jamie and she agreed to accompany me
tonight."

Jamie then locked her right arm on Loki's. "Look at us! Bagay kaming tingnan, 'di
ba? Hihihi."

"I must say that you look gorgeous tonight," komento ni Al. Sana'y hindi nahi-
hypnotize ang childhood friend ko ng revealing na suot ni Jamie. "Loki's probably
thinking the same, right?"

"Yes, she looks... nice," Loki replied in a bored tone. I wonder how he's feeling
that Jamie's almost rubbing her body on him. Awkward? Maybe. Mukha nga talaga
silang magka-date.

"I'm glad that you made it tonight, Louis."


My dad appeared on our side. He was clad in black coat with white longsleeved polo
and white bowtie. Unlike his cold appearance which I was used to seeing, his aura
was warm and friendly tonight, flashing wide smiles at the guests.

Just a few steps from him, nakatayo ang dalawang bodyguard niya na palingon-lingon
sa paligid. This must be the enhanced security arrangement that my dad requested.
When I saw a fountain pen clipped on the breast pocket of one of the security
personnel, naalala ko ang stun pen ko.

Pero teka,

sino si Louis? Sa aming apat siya lumapit pero wala ni isa sa amin ang may
pangalang Louis. Baka nagka-memory loss na si papa?

"It's a pleasure to be here, Mr. Rios." Loki shook hands firmly with him as they
exchanged pleasantries. "My father sends his deepest regrets that he couldn't come
to your party, sir."

"I understand," my dad nodded. There's no hint of disappointment on his face.


"Since he retired, Odinaire has been traveling around the world. I heard he is
currently at London this week. Nakausap ko nga siya nitong linggo."

Odinaire? 'Yon ba ang pangalan ng tatay ni Loki? Loki. Thor. Odin. Talaga yatang
pinanindigan ng pamilya ang kanilang Norse myth naming scheme.

My dad touched my left shoulder and pulled me closer to him. My body automatically
flinched, pero hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang ipakita kina Loki at Jamie.
He wanted to show them that we have a good father-daughter relationship.

"I was surprised to hear that Lorelei is friend with Louis," my dad said, his hand
held me firmly as if he didn't want me to leave his side. "Kung hindi sinabi sa
akin ni Alistair na magkasama kayo sa iisang club, hindi ko malalaman. Lorelei
tends to forget informing me with such things."

"Dad, his name's Loki, not Louis," pagtatama ko sa kaniya. Huwag niyang sabihing
nahawa rin siya sa pagiging makakalimutin sa pangalan kagaya ni Loki. Pero
maiintindihan ko pa 'yong sa kaniya dahil tumatanda na rin siya at pumupurol ang
memorya niya.

"Louis Kingsley Mendez. That's your full name, isn't it?" tanong ni papa.

Loki's nod surprised both me and Jamie.

After all this time, we thought na "Loki" talaga ang given name niya! This night is
indeed full of surprises.

"I fashioned myself as Loki, based on the combined first two letters of my first
and second name," paliwanag niya. "The name Louis reminds me of a French king who
was beheaded while Kingsley sounds too old-fashioned."

"Why didn't you tell us before?" Lalo pang humigpit ang pagkakapit ni Jamie sa
kaniya. "Whatever your name is, matatanggap ka pa rin namin."

"It was irrelevant so I chose not to tell anyone," Loki answered.

"Where's Lucian?" My dad looked at Loki before glancing to the girl in red. "I was
expecting to see him here."

First, Louis. Now, Lucian. Sino naman kaya ang nabanggit niya?
"He is still busy planning for world domination so he also couldn't come," sagot ni
Loki. "But he sends his regards and wishes you good health."

Wala akong ideya noong una, pero nang banggitin niya ang "world domination," I
think I know who in their family tree is Lucian. May iisang tao lang sa mundong ito
na ilalarawan niya sa ganong paraan-his brother Luthor.

And that only means na hindi talaga "Luthor" ang pangalan ng vice president ng High
School Supreme Student Council. We have been deceived all the time. Again.

"When I visited Pampanga a few weeks ago, I managed to speak with him... about your
case," kuwento ng papa ko. "He seems to be a responsible man like your father."

Ang huling pagpunta niya sa Pampanga, kung tama ang pagkakatanda ko, ay noong
sinet-up kami ni Tita Martha na magkita sa Diogenes Cafe. He mentioned about his
reason for being

there. If my memory serves right...

"I met with a valued client yesterday. Since I'm in this city, I thought I would
check on you. The last time I went here, you were busy with school activities so-"

Is it likely na si Luthor ang tinutukoy niyang valued client? At ang pinag-usapan


nila, posible kayang 'yong kaso ni Loki dahil sa pag-assault niya kay Stein
Alberts?

Ugh! The more I think about my dad's connection with Loki and his family, the more
na sumasakit ang ulo ko. Also, my dad knew his dad and based on how my father
describes the latter, they know each other really well.

"Sorry but I have to meet the other guests." My dad finally released me from his
grasps as he smiled at my friends. "Enjoy the night."

Makalipas ang ilang minuto, nakahinga na rin ako nang maluwag. It was a bit
suffocating to be standing next to him.

"You don't feel comfortable with your father," Loki said once my dad is out of
earshot. "You flinched when he pulled you closer. Your shoulders aren't relaxed.
You feel threatened."

Nice observation. Alam kong nabanggit ko na sa kaniya noon na hindi ako komportable
kapag nandiyan si dad.

"Am I right in assuming that the Lucian he mentioned is your brother Luthor?" I
asked, drifting the topic away from my apparent hostility to my father.

"Lucian Thoren," he answered, his eyes followed the bodyguards accompanying my dad.
"Quite ironic, if you ask me. The name 'Lucian' means light yet my brother brings
darkness anywhere he goes."

And that is today's episode on Why I Hate My Brother.

"Maybe I should thank Luthor or Lucian,"

hirit ni Jamie, her right arm still clinging on Loki's. "Kung hindi siya nag-pass,
hindi ako makakasama ni Loki dear dito sa party."

Enough with that "Loki dear." Hindi naman kasi kayo and people might get the wrong
idea sa pagiging clingy mo sa kaniya.

"Speaking of pass, didn't you say before that you hate going to social gatherings,"
I asked the only attendee in this party whose face showed boredom. "I forgot the
exact words you used, but it was clear to me that you abhor parties."

"I don't have any plans of coming here, kahit ikaw mismo ang mag-invite sa akin.
But there's something that caught my attention, hence my presence here."

"Anong something?"

"A few days ago, my father asked me to attend this party and make sure that nothing
untoward happens to the celebrant."

Napalunok ako ng laway. Is he or his father aware of the threat in my dad's life?

"Apparently, your father sent a photo of five orange seeds to my father. The latter
deduced it was a warning that something bad might happen to the former. Then your
father sent a photo of flowers with missing petals and leaves. My father again
deduced that the threat might be real and it will happen during the party."

So the friend of my dad that Nancy mentioned last night was Loki's father? Ganon ba
ka-close ang mga parents namin?

"I asked for copies of the five orange seeds and the flower patterns," Loki went
on. "And I was able to confirm his deductions. Your father's life might be in
danger."

"Lori, heto ba ang importanteng bagay na gusto mong sabihin kanina?" tanong ni Al,
nabalot ng pagkabahala ang kaniyang

mukha.

Tumango ako. "Aware ako sa banta sa buhay ng papa ko dahil naikuwento sa akin ng
secretary niya. She tried to persuade my dad to cancel the event but to no avail."

"You can't simply cancel an event where people with big names are attending," Loki
said, observing the people talking to my dad right now. Businessmen, I think?

"That explains why two men with large build are with your dad," Jamie gently
touched her chin. "I also noticed the bulge on their coats. Sa tingin ko, may dala
silang mga baril."

"Consider the tight security at the entrance too," Loki added, jerking his thumb
over his shoulder and pointing to the door. "Extreme cases require extreme
measures. After all, from what I heard, your father is an influential man."

"Is there anything that we can do?" tanong ni Jamie, a hint of worry on her face.
"To ensure that everything will go smoothly and no one will be harmed?"

"Ginagawa naman ng security detail ni Mr. Rios ang lahat para walang makalusot sa
kanila," sagot ni Al. "Sa ganitong kahigpit na seguridad, there's slim chance that
something bad might happen."

"But consider the bad guy's attitude," Loki countered. "The orange seeds. The
flower pattern. The bold declaration of malicious intent. Our guy is brimming with
overconfidence. If he's smart enough, he probably anticipated the tight security
here. And he will find a way to get inside without being detected."
"So..." Al roamed his eyes around the hall. "It is possible that he's already here,
waiting for the perfect opportunity to strike."

"Ang tanong ngayon ay kung paano natin siya

mai-identify at mapipigilan ang balak niyang gawin."

"He will probably choose a moment when everyone's attention is focused on something
else. He can take advantage of that situation and execute his plan."

"According to the programme, my dad will deliver a speech at the start of the
program."

"It would be easy to target him then, while he's standing still in front of the
crowd. I have thought of a plan on how to narrow down the number of possible
suspects."

"How?" sabay naming tanong ni Jamie.

"We will use the same strategy he used on your father," A flash of mischievous grin
was plastered on Loki's face. "He sent five orange seeds to his target, knowing
that those seeds meant danger to anyone who receives it."

"At paano 'yon makatutulong sa paghahanap natin sa kaniya?" tanong ko.

"Don't you get it, Lorelei?" Jamie butt in with an eyebrow raised. "Assuming that
our guy is already among the attendees, we will give everyone here five orange
seeds."

"He may not be expecting that someone would use his tactic against him, so he will
be caught by surprise," Loki continued. "Those who react suspiciously will fall
under the suspicious category and we will monitor their movements."

"So what do you need?" I asked.

"Do you have a basket of oranges?"

* * *

Thanks to me being the daughter of the celebrant, we did not have any difficulty in
executing the plan. Inutusan namin ang mga kitchen helper na tanggalin ang mga buto
ng orange. Once the first task is done, I asked Nancy to give us tons of envelopes
where we enclosed

five orange seeds.

Hiningi ko rin ang listahan ng mga attendee mula reception at inilagay ang mga
pangalan nila sa sobre. There are less than fifty attendees so it did not take much
time to finish what we need.

Once the envelopes were ready, we asked the waiters to deliver them to every guest.
Nakaupo na sila sa kani-kanilang mesa habang hinihintay na magsimula ang program.
We asked the emcee to delay it habang hindi pa kami tapos sa obserbasyon.

"Are you ready?" Loki made a conference call so the four of us could immediately
share our observations. Naghiwa-hiwalay kaming apat para mas malaking area ang ma-
cover at mas maraming tao ang maobserbahan namin.

"Ready!" Jamie answered enthusiastically. Her retentive memory would be useful in


this situation. Aside from flirting kay Loki, at least may iba na siyang
maitutulong sa amin.

Sinadya naming hindi pagsabay-sabayin ang pagpapahatid ng mga envelope sa mga


guest. We asked the waiters to do it by table para magkaroon kami ng sapat na
panahon para obserbahan ang reaksyon nila. Nasa bandang harapan ako at nakabantay
sa dalawang mesa na may sampu hanggang dalawampung guest.

With curious looks on their faces, they opened the envelopes and looked at what's
inside. Karamihan sa kanila, ibinuhos sa mga palad ang mga buto ng orange. Most of
them had furrowed brows and narrowed eyes-expressions of wonder, no doubt-but none
of them was startled or surprised to receive those seeds.

"Two tables are clear," I said over the phone. "How about at your end?"

"Nothing suspicious here," Al spoke next. "Nagtaka silang lahat

kung para saan 'yong mga buto."

"Nah-uh. No one was shocked to see the contents of the envelopes," Jamie's voice
sounded flirtatous.

"I expected that this might happen," Loki spoke last. Mukhang wala rin siyang
naispotan na kahina-hinalang reaksyon. Kahit ganon, walang tono ng pagkadismaya sa
kaniyang boses. "Now that it has come to this, maybe we should start looking
elsewhere."

The lights inside the hall dimmed as a man in sparkling silver coat appeared on
stage. Sinalubong siya ng masigabong palakpakan ng mga guest kaya nahirapan kaming
makapag-communicate sa phone.

"Let us meet near the stage," I told them. "My dad's going to deliver his message
soon."

"Tama, mas mabuti kung malapit tayo sa kaniya," Al answered. "We can act quickly in
case someone starts doing something suspicious."

Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan habang hinihintay ang mga kasama ko. Four
security personnel in black coat were near the stage, standing still and looking
for any signs of threat.

"And now, the man of the hour!" The emcee's shrill voice was somewhat annoying, but
it was overflowing with energy. "Let us all welcome Mr. Walter Rios!"

Biglang tumugtog ang isang background music na angkop para sa mga nanalo ng
Oscar's. He was met with cheers and applauses as he climbed his way to the stage.
The emcee passed the mic to him and vanished in the shadows.

Saktong dumating sina Loki, Al at Jamie sa puwesto ko. Now my dad's an easy target
to his assassin. If he has a gun, all he need to do is draw his weapon and shoot my
dad with it.

"Time's running out," sabi

ni Loki, walang tigil siya sa paglingon sa paligid. "We are lucky if our guy won't
act while your father's giving his message."

"I can't remember seeing anyone acting suspicious among the guests," Jamie added.
"Maybe the person we are looking for is not one of them?"
"If not the guest, only those who serve the food and drinks are inside the hall,"
Al stared at the men with black vests. They were standing at the back of the hall,
waiting for the cue to serve food. It is unlikely na isa sa kanila ang assassin
dahil masyado silang malayo sa stage.

"For a sure-kill shot, the assassin needs to be near his target," Loki formed a gun
with his right hand. "If he's going to shoot your father, the closer he is, the
higher the chances of killing."

"And the only people who are near Mr. Rios are the guests at the front tables, the
security personnel near the stage and the emcee who's at the side stage," Al
pointed at them inconspicuously. "Sino kaya sa kanila ang..."

"Remember what I told you earlier? May baril ang mga security niya!" Jamie
exclaimed. "What if the assassin got inside this party by applying as a bodyguard?"

Loki nodded. "If he anticipated that your father would ask to double his security
because of the threat, that will give him the opportunity to get inside."

"Pero sino sa kanilang apat ang-"

"Before I proceed with my message for everyone who graced this event, I'd like to
make an annnouncement first," my dad said, all eyes and ears were on him. "May I
call on my daughter Lorelei? And her friend Alistair from the Ravena family."

Nagkatinginan kaming apat sa ibaba. While Loki and Jamie looked clueless, Al did
not seem surprised by the sudden call. Dahil ayaw kong mapahiya si papa sa harap ng
mga bisita, nakangiti akong umakyat sa entablado at inalalayan pa ni Al. When I
stepped on the platform, I saw Nancy slowly nodding her head. She looked happy and,
at the same time, sad.

We stood side by side with my dad who looked excited with the news he's about to
break. Nakakapagtaka nga lang kung bakit kailangang nandito kaming dalawa ni Al. I
don't see any point to it.

"The Rios and the Ravena families have maintained a close and good relations
throughout the years. Alastor, who's not with us tonight due to his business trip
overseas, and I agreed that we need to strengthen the bonds of our families."

Teka, masama ang kutob ko rito. I think I know where this scenario is going!

"That's why tonight, I want to announce the marriage of Alistair Ravena and my
daughter Lorele-"

"PEN GUN! TAKE COVER!" biglang sigaw ni Loki kaya nagulantang ang lahat ng mga
guest. He tackled one of the security personnel on the floor and grappled with him.
May hawak-hawak na fountain pen ang lalaki at itinutok sa amin. Kaagad na
rumesponde ang mga kasama niyang security. Pero-

BANG! BANG! BANG! BANG!

"LORELEI!"

"LORIE!"

I saw bloodstains on my dress.

###
=================

Volume 2 • Chapter 30: The Assassination of Walter Rios (The Truth)

LORELEI

BANG! BANG! BANG! BANG!

"LORELEI!"

"LORIE!"

I saw bloodstains on my white blue dress as something warm wrapped around my body.
The dim light in the hall made it quite difficult for me to see the person who's
been embracing me a few seconds after the gunshots.

Mabilis ang mga pangyayari. Nakatulala lamang ako sa stage habang ang lahat ng mga
nasa paligid ko'y gumagalaw. May ilang tumakbo palayo sa entablado. May ilan namang
pinuntahan ang security personnel na naglabas ng pen gun.

When the bright lights in the hall were turned on, I recognized the face of the
person wrapped around me.

"Da-Dad..." I muttered as I observed the pain etched on his face. He was panting
heavily and his eyelids were slowly closing.

It took a few seconds before I realized what happened.

"DA-DAD!" I screamed at the top of my lungs as he lost consciousness on my side.


Kaagad akong nilapitan nina Alistair at Nancy para tulungan akong ihiga si papa
ssahig.

"DAD! DAD!" I gently slapped him on the face to see if he would respond. His plain,
white longsleeved polo was covered in blood. Life was slowly leaving him as seconds
pass by.

Al touched my dad's wrist. "He's still alive but his pulse is erratic. Kailangan
natin siyang dalhin kaagad sa ospital!"

"My God!" Nancy was almost clawing her face as she saw the blood. Ngayon ko lang
siya nakitang natataranta mula nang maging secretary siya.

"CALL AN AMBULANCE!" I shouted, prompting her to dial a number on her phone with
trembling fingers.

Blood continued

to ooze from the gunshot wound on his abdomen and he was getting paler by the
second. Binuksan ko ang polo ni papa at hinanap sa duguan niyang katawan ang tama
ng baril. It was all covered in red so it took some time before I found it. May
tama siya sa tagiliran na patuloy sa paglalabas ng dugo.

I asked for a clean cloth and applied pressure on the wound with the heel of my
hand. I have read before that this will close the blood vessels by spasm and allow
early blood clot formation. Kailangan kong i-maintain ito ng ilang minuto hanggang
sa dumating ang ambulansya.

Napatingin ako sa tabi ng stage kung saan pinosasan ng mga security personnel ang
kasamahan nilang bumaril sa papa ko. Two men took him away, probably for
questioning, while the others stayed to control the panicking crowd.

"How's Mr. Rios?" Loki jumped onto the stage while Jamie took the steps to climb.
Lumapit silang dalawa sa amin at tiningnan ang kondisyon ni papa.

"He's still alive but he needs immediate attention," I answered as I kept the
pressure on the wound. Nabahiran na ng dugo ang mga kamay ko but that didn't
matter.

Just hang on a little bit longer, dad!

It did not take a while for the ambulance to come. Paramedics rushed inside the
hall, led by Nancy who has been trying to remain calm. They put an oxygen mask on
my dad and checked his vital signs before carefully lifting him on the stretcher.

Sumama ako sa kanila sa loob ng ambulansya kasama si Nancy. They kept on applying
pressure to the wound and monitoring my dad's pulse rate. The ambulance siren
wailed as we broke through the heavy traffic.

Thankfully,

my dad made it to the hospital. He was rushed to the operating room with doctors
asking questions about their patient's condition. Pinaghintay nila kami sa labas
habang ongoing ang operasyon.

Nakatulala akong umupo habang naglalakad-lakad si Nancy sa harapan ko. She was
biting her fingernails, her eyes welling up with tears. She excused herself to make
some calls.

I never felt this way before when it comes to my dad. I always thought of him as
someone who was cold and uncaring. But after what happened tonight, maybe I was
wrong.

Seconds before the gunshots, Loki and Al shouted my name as the security personnel
pointed the pen gun at me. My dad used himself to shield me from the bullets. Kung
talagang wala siyang pakialam sa akin, he wouldn't have done something that might
cost him his life.

Maybe I was wrong about him all along. Maybe my biased impression of him clouded my
judgment on how he is a father to me.

"Lorelei?"

I lifted my head a little and saw Loki and Jamie, still in their formal attire,
standing in front of me. Bigla akong napatayo at niyakap si Loki. Maybe he was
surprised and he had no idea how to react. Tinapik niya lang ako sa likuran nang
tatlong beses bago ako kumalas ng pagkakayakap sa kaniya.

"Lorelei..." malimbing na tawag ni Jamie. Loki's black coat was draped on her.
Unlike her fierce aura earlier in the party, there were some traces of melancholy
on her face. Siya naman ang yumakap sa akin nang mahigpit at hinaplos ang likuran
ko. "Don't worry. Your dad will be fine."
"Thank you," I whispered after a minute of warm embrace. My eyes roamed

around the white hallway, looking for someone. "Where's Al?"

"Pinauna na niya kami rito," tugon ni Jamie. "He wanted to know more about the man
who tried to assassinate your dad."

"He was calm, but I could see in his eyes the desire to get to the bottom of this
case," Loki added. "He has high respects for your dad so he won't let the assassin
get away."

Jamie sat beside me on the chairs while Loki chose to stand and recline on the
wall. Nancy, who hasn't returned yet, must still be busy answering calls, probably
from the guests and my dad's friends worried about his condition.

The night seemed longer as the hours passed by. The light on the OPERATING ROOM
sign was still on, thus our worries cannot be allayed yet. My dad must be fighting
for his life as we wait.

Half an hour later, Al finally arrived at the hospital. With everything that
happened tonight, he seemed exhausted but still managed to keep a smile across his
lips. He hugged me and told me that everything's gonna be alright.

"How's the interrogation?" Loki asked, his arms crossed over the chest.

Al slowly shook his head. "The assassin confessed that he was paid to infiltrate
Mr. Rios' security detail but the one who hired him was anonymous. He was only
after the money."

"So it's a dead end, huh?"

"Seems like it," he answered before turning to me. "But it must be one of your
father's enemies. This wasn't the first time his life was threatened, according to
the head of his security."

I let out a sigh. The one who held the gun was caught, but the one who hired him to
fire the gun remains

at large. Hindi pa rito nagtatapos ang panganib sa buhay ng papa ko.

"Gusto n'yo ba ng maiinom?" tanong ni Al. "Merong vending machine doon. A can of
coffee or juice, maybe?"

"I'm fine. I can't drink anything right now," tugon ko. Hindi siguro ako makakainom
ng kahit ano habang wala pa kaming natatanggap na balita mula sa ER.

"A can of coffee," sabi ni Jamie.

"How about you, Loki?"

"I'd like to see the choices. I'm a bit particular with the brand of canned
coffee."

Al turned to me and Jamie. "Do you mind if we leave you two for a while?"

"No problem," sabay naming sagot ng katabi ko.

The hallway was eeriely quiet. Only Al's and Loki's footsteps could be heard
echoing in the narrow corridor.
"I know how hard it must be for you... that your father's life is on the line,"
Jamie said out of the blue, her eyes staring at the OPERATING ROOM sign. Her voice
wasn't as annoying as before. It was gentle, it was soothing.

There was something strange about her. Dahil ba 'to sa naka-rebond niyang buhok?
Her eyes told me that she was reminiscing something from the past. Hinayaan ko lang
siyang magsalita.

"It's been two years since I last visited a hospital," she went on. "When they
called me that my brother met an accident and rushed to the operating room, I
immediately went to visit him."

Her brother? If I remember correctly, his name is Jaime Santiago. He died from a
car accident, according to Sir Jim Morayta and Margarette.

"Alam kong nasabi ko na sa 'yo noon ang tungkol sa kaniya. He didn't survive the
operation. Around midnight, he was pronounced

dead."

May mga namuong luha sa mga mata niya at gumaralgal ang kaniyang boses. I could
feel the pain of loss in her. It's been two years already yet the sorrow exists.

"No matter how good you are in this world, you will still gain enemies," Jamie
said. "My brother was a good man. Pero dahil sa pagiging mabuti niya kaya siguro
nagkaroon siya ng mga kaaway."

"What do you mean? Paano naging related 'yan sa nangyari sa kapatid mo?"

She looked at me straight in the eye and said, "I don't think it was an accident. I
think someone set it up to look like an accident."

My brows furrowed as my eyes stared at her with curiosity, prompting her to explain
further.

"According to the examination on his car, pumalya ang brake ng kaniyang sasakyan
kaya bumangga siya sa isa pang kotse. My brother was a meticulous man. Lagi niyang
tsine-check kung maayos ang lagay ng sasakyan niya. Kaya I doubted the report that
it was accident."

"A foul play, you mean?"

Jamie nodded. "Meron sigurong nakialam sa car brake niya habang naka-park ito sa
campus grounds. He was going home when he met an accident."

"Pero bakit hindi mo sinabi sa mga pulis?"

She flashed a bitter smile. "Who would believe? All circumstances point to one
conclusion. And if my brother had enemies at that time, I couldn't produce a list
of suspects. Kaya nanahimik na lang ako and I tried to swallow the generally
accepted theory."

"I am... sorry to hear that."

Jamie wiped her tears using the sleeve of Loki's coat. "I should be the one
apologizing. I know na mabigat ang iniisip mo ngayon tapos heto ako,

idinagdag pa ang drama ko."


It was such a rare occassion to see another side of her. She's usually flirty,
brat-like high school student who loves clinging on to Loki and annoying me in
every way possible. But tonight, it was a different Jamie Santiago seated beside
me. The atmosphere of the hospital may have made her feel emotional.

"Here's your water." Al handed me a bottle the moment they returned. I don't
remember asking him to buy me anything, but I appreciate it. Nanunuyo na rin naman
ang lalamunan ko matapos ang ilang oras ng paghihintay.

Bigla ko tuloy naalala ang inanunsyo ni papa kanina. I do not know when, but he and
I are going to be married. Gusto ko sanang tanungin kung may alam siya sa
arrangement na 'yon. But I'd rather not talk about it at the moment.

"It's been three hours since he was brought here," sabi ni Loki, sipping some
coffee. "The bullet must have pierced a vital organ."

"It was only a small caliber bullet, but if it hit the liver or kidney-"

Al's words were cut short when the door of the operating room opened and a doctor
who just removed his surgical mask came out. A nurse followed him.

I got to my feet and approached him. "Kumusta na ho ang dad ko, doc?"

"We removed the bullet near his liver. He's in a stable condition but he lost a lot
of blood. We need to perform blood transfusion but..."

"But?"

"Our hospital ran out of type O blood packs that match your father's. It might take
an hour or two before we receive our next supply. Kaya kung pwede, sa mga kamag-
anak niya ako hihingi ng dugo."

"You can take mine!"

sagot ko.

"What's your blood type, miss?"

"AB."

I felt Loki and Al's suspicious gaze at me while Jamie remained clueless.

Looking surprised, the doctor slowly shook his head. "People with type O are
universal blood donors but they can only receive the same blood type.
Unfortunately, we cannot use your blood."

What?

Loki raised his right hand. "I am a type O. That will perfectly match the
patient's, right?"

"Yes. If you are willing to donate your blood, you need to undergo the screening to
see if you meet the requirements. Our nurse will lead you to the room."

Sinamahang maglakad ni Loki ang nurse, pero bago siya tuluyang makaalis sa tabi
namin, I grabbed him by the wrist and muttered, "Thank you."

He replied with a soft smile and went on with the blood donation procedure.
Nagbalik ulit kami sa upuan habang hinhintay ang susunod na mangyayari. Thank God
that my dad is finally safe from the grasps of death.

"Lorie, do you mind me asking a question?" Al blurted out of the blue after moments
of deafening silence.

"Go ahead."

"What's your mother's blood type?"

I tried to recall what was written on my mom's record. If I'm not mistaken...

"Type A."

Al's eyes narrowed into slits as he gently caressed his chin. Hindi ko maintindihan
kung bakit niya biglang naitanong ang blood type namin. Was there something wrong
with it?

"The friction between you and your dad. His apparent cold treatment to you and your
thoughts about him... I think I figured out the missing piece of the puzzle."

"Puzzle?" Jamie repeated. "Was there something

going on with Lorie and her dad?"

But Al ignored her. "Hindi ko alam kung ito ang tamang panahon para sabihin sa 'yo
'to, Lorie. But based on the information presented, I happened to form a
conclusion. Now that something happened to your father, maybe you should entertain
the thought."

Kumunot ang noo ko habang nakatitig ang mga nagtataka kong mata sa kaniya. What in
the world is he trying to say?

* * *

I did not have much sleep that night. Al's deductions sounded ridiculous that I
found it hard to believe every single word of it. But if we were to follow the
rules of science, his theory makes sense.

The operation lasted until midnight and we were too sleepy by the time the doctors
went out of the operating room. After the blood transfusion, my dad was brought to
a private room. Nancy told me that she will stay with my dad along with some
security personnel. She advised me and my friends to sleep at our residence and
return in the morning.

Hindi ako nakatulog nang maayos dahil gusto kong malaman ang katotohanan. I stayed
up late until the morning sun rose above the horizon. I took a bath and changed my
clothes before going to the hospital.

Pagdating ko sa private room, my dad was already awake, reading the newspaper. I
asked Nancy if dad and I can talk privately. Without asking anything, our secretary
left us alone in the room.

"How are you feeling?"

"Never better," my dad answered as he folded the newspaper and put it on his lap.
He still looked pale and weak, and his intimidating aura somehow subsided. I no
longer feel suffocated when I got closer to him.
"When

you get better, don't forget to thank Loki. He was the one who gave you blood."

"Yes, I heard from Nancy." His jetblack eyes looked duller than before. "I couldn't
speak too much so I suggest that you tell me why you had to let my secretary go."

I sat on his bedside and looked at him in the eye.

"I am my mother's daughter, but I'm not yours. Is that correct?"

My dad looked away. He said nothing to deny it so it must be true.

Confirmed. Al's deductions were spot on. I felt a deep stab in my chest as my dad
confirmed it with silence.

"How did you find out?" my dad's voice was hoarse but still audible.

"Last night, I volunteered to donate the blood that you need. But the doctor told
me that someone with type O cannot receive from someone with type AB."

He was still looking at the other direction, avoiding my eyes. But I continued.

"My mom is type A. If we follow the rules of blood type genetics, there's no way
that my type O dad and type A mom would produce a type AB daughter."

It hurt me so much to say those words. If I wasn't my dad's daughter, that would
mean my mom committed infidelity in their marriage.

"You gave me everything that I need except the love that I deserve as your
daughter. 'Yon ba ang dahilan kaya hindi kayo naging caring na ama sa akin?"

Still no response.

"Now I understand. I'm only a bargaining chip to you. Is that why you arranged a
marriage between me and Alistair without my consent? It's all about business, isn't
it?"

Hindi na siguro siya nakatiis sa panggigisa ko kaya napatingin na siya sa

akin. "When I learned the truth, it was hard for me to accept it. I tried, but
whenever I see you, I remember your mother. The thought of her infidelity hurt my
pride as a man, and I cannot wholly accept a child who doesn't have my blood."

I swallowed the lump in my throat as I waited for him to continue. Alam kong
nahihirapan siyang magsalita dahil sariwa pa ang sugat niya. Nahihirapan din akong
tanungin siya dahil masakit para sa akin na malaman ang katotohanan matagal niyang
itinago.

"Though I am not your biological father, you are listed as my daughter in the
official documents. You will inherit my estate, my wealth and my name upon my
death."

Wala akong pakialam sa mga ipapamana niya sa akin. What I want to know right now is
the truth.

"I'm getting old and gaining more enemies than friends every day," my dad went on.
"I may not have been the best father for you, but there's one thing that I need to
do: Secure your future with someone whom I can completely trust."

I bit my lower lip as I tried to contain the overwhelming emotions inside me. "I'm
nothing but a chesspiece on your board. You can move me anywhere you like because
you are the king."

Once again, he looked away. No words came from his mouth, but his silence spoke for
him. I don't know what exactly to feel. Should I be happy that I now know the
truth? Or should I be angry that he kept it from me for years?

"I... want you to cancel the arrangement you've made with Alistair's family.
Maraming beses ko na kayong pinagbigyan sa mga gusto n'yo noon. But please, huwag
n'yong diktahan kung sino ang dapat kong pakasalan. Let me decide for my future,
that's all I ask."

He kept silent but I knew that he heard me. Importanteng malaman niya kung ano ang
opinyon ko sa biglaang announcement niya kagabi. Even my mom won't agree to it.

And then there was silence again. Para kaming nasa radyo na nade-dead air kapag
walang maisagot ang isa sa amin.

"Do you have any idea on who my biological dad is?" I asked.

Marahan siyang umiling bilang tugon. "I never found out about the affair until
after your mother's death. And I never bothered to look for the other man. But if
you wish to, I could hire investigators to identify him."

"There may well come a time for me to find him but it isn't now," I answered. "Like
what you've said, on paper, you are my father and I wanna keep it that way so it
won't cause any scandal to the Rios family."

"Thank you, Lorelei."

This was the first time he called me by name in a personal conversation. Tinatawag
niya lamang ako sa pangalan kapag may ibang taong nakapaligid sa amin, gaya noong
party kagabi.

"I hope you don't mind if I return to Pampanga later this afternoon." Umalis na ako
sa tabi niya. I was advised not to make him talk too much so I better end our
conversation. Nakuha ko na rin naman ang katotohanang gusto kong malaman.

"I understand," he replied. "Have a safe trip back to the province."

"By the way..." I shot one last glance at him before closing the door of his room.
"...I'm glad to see you doing well, dad."

Still, the truth hasn't completely sunk in. It was too much for me to handle.

###

P.S. We will return to Clark High in the next chapter! Did you miss Luthor and
friends?

=================

Volume 2 • Chapter 31: Game of the Generals (The Case)


A/N: Dedicating this chapter to ShinichiLaaaabs. I hope you had a blast on your
birthday!

This is the 60th update and the 31st chapter of Project LOKI. Here's a relevant
artwork courtesy of for today's triple update. Enjoy reading!

LORELEI

FREYA WAS waiting for me at the doorstep of the clubroom, gently whipping her tail
on the floor. Her heterochromatic eyes blinked at me as I got closer. Her fur was
still as white as snow.

Nakakapagtakang nandito siya sa labas at naghihintay para sa akin. Lagi kasi siyang
nasa loob, nakahiga sa ilalim ng mesa o sa taas ng bookshelf. Kapag dumarating ako,
bigla na lamang siyang magigising at tatakbo papunta sa akin.

Did someone lock her out?

"Meow~" she purred softly, rubbing her body on my right leg. I carried her on my
arms

and played on her nose. She seemed to like it.

Nadatnan ko sa loob sina Loki at Jamie, magkaharap at seryosong nakatitig sa


gameboard na nasa mesa. It was not chess dahil hindi checkered board ang gamit nila
at wala 'yong mga pamilyar na piyesa.

Freya hissed when I walked past Jamie's seat. Ever since the two had met, our
feline friend never liked her. Parang latigo ang buntot ni Freya kapag nagkikita
silang dalawa. According to what I've read, cats slap their tails back and forth
rapidly as a warning for someone to stay away.

There are two possible explanations why our club cat was outside: First, she didn't
want to see Loki playing with the girl she dislikes. Second, Jamie locked her out
so she and Loki could focus on their game. Alin sa dalawa ang more probable?

Umupo ako sa kabilang dulo ng mesa habang pinapanood ang paggalaw ng mga metal
piece sa gameboard. The moves are only limited to one square at a time.

"Impeccable timing, Lorelei!" Loki said as he moved a piece forward. He did not
bother to look at me. "We need an arbiter for this game. This is getting
deliciously challenging."

I scratched Freya's chin, watching Jamie moved hers. "Sorry pero hindi ako familiar
sa larong 'yan."

"Didn't I tell you via phone call before?" lumingon si Loki sa akin. "Game of the
Generals, remember?"

Yeah, he did mention it noong tinawagan ko siya habang nasa Manila ako. He said
that he lost the game to Jamie. Still, wala akong ideya kung paano laruin o kung
ano ang mga tawag sa mga piyesa nila.

"This is only for the intelligent," Jamie beamed a smile

at me. Naka-braid na ulit ang buhok niya so she's back to being the typical Jamie.
"Only those with superb foresight and hindsight know about this board game."

Ako lang ba o parang may gusto siyang ipahiwatig sa sinabi niya? Once again, Freya
hissed at the woman, baring her fangs. Hinaplos ko ang ulo niya para maging maamo
ulit siya.

"You two usually play chess-blind chess, to be specific-kaya bakit iba na ang
nilalaro n'yo ngayon?"

Loki put his piece on top of Jamie's before turning to my direction. "You may not
notice it, but the Game of the Generals somehow resembles our game against Moriarty
and his goons."

"At paanong napasok ang Moriarty case sa laro n'yo?"

"In this game, you place your pieces wherever you want on your side of the board,"
Loki explained, hovering his left hand over the metal pieces. "The goal is to
capture the enemy's flag. But here's the twist: You do not know the rank of the
enemy pieces."

"Hindi rin alam ng kalaban mo kung ano ang ranggo ng mga piyesa mo at kung saan mo
ipinuwesto ang flag," dagdag ni Jamie kahit hindi naman siya tinatanong. "You
always take a risk whenever you attack an enemy piece."

"But what makes GG perfectly relatable to the Moriarty case are the five generals."
He showed me a metal piece with five stars. Sinadya niyang inilayo kay Jamie para
hindi makita. "From the one-star brigadier general up to the five-star general of
the army. However, according to the late Officer Bastien-may God bless his soul-
Moriarty only has four high ranking officers. We have already identified the two."

"In the game, a blank metal piece

can be a weak private, a high-ranking officer or a spy," Jamie butt in again.


"Using that analogy, a typical happy-go-lucky student in this high school might be
a trusted man of Moriarty."

Just like Stein Alberts. We were in for a surprise when we found out at the cafe
that he's the young criminal mastermind.

"Right now, we don't know how to corner the flag a.k.a. Moriarty, but we can take
down his generals first so we can focus on him later on."

How I wish that we could close this case as soon as possible. As long as he's still
walking free, there won't be any peace in Clark High.

I looked at the clock display on my phone and noticed that it's quarter to nine
already. Patuloy pa rin sa paglalaro ang dalawa. Jamie's never fading smile was
etched across her lips while Loki's serious face was unchanging.

"Hindi ba kayo pupunta sa gymnasium? May program ngayon, 'di ba?"

"Not interested," sagot ni Loki, sabay patong ng kanyang piyesa sa kalaban. "I'd
rather play GG with myself than waste my time listening to whatever they wanna
say."

"Don't worry, Loki, I will play with you as long as you like," mabilis namang hirit
ni Jamie. "You can leave us kung gusto mong mag-attend sa school event. By the way,
where's Al? I haven't seen him around."
"He had to meet his dad in Manila so he's absent today." I have an idea why he was
summoned urgently. Maybe it was about the cancelled marriage between me and him. My
dad seemed to heed my words.

Wala naman kaming kliyente ngayong umaga kaya wala akong dahilan para mag-stay
rito. Kailangan ko ring bumawi dahil ilang araw din akong

nag-skip ng klase.

I gently laid Freya on my seat and left my bag on the table. Our club cat stood and
cried "meow," parang gusto niyang sumama sa akin. Unfortunately, pets are not
allowed in the gymnasium so I can't bring her along.

Wala pa sa halos kalahati ang mga estudyanteng nasa loob na ng gym. I was with
Rosetta who's been narrating her recent ghosthunting adventures with the Paranormal
Club.

"Gusto ko sanang i-refer sa inyong club kaso baka i-reject ni Loki," she said,
combing her long, straight hair. "Napaka-mysterious kasi ng pagkamatay nila. Maybe
it's worth looking at?"

"Tungkol saan ba?" tanong ko habang pinapanood ang mga CAT officer na ayusin ang
pila ng mga pumapasok na estudyante. "Loki never believed in anything supernatural
but if the case was made to look like it was caused by supernatural forces, I think
he would be delighted to debunk it."

"We call it the 'Haunt of Bougainville' because the incidents happened in the
Bougainville Subdivision. Ayon sa mga residente doon, may nakita silang matandang
lalaki na nakabulagta sa daan. Halos lumuwa raw ang mga mata niya at todo buka ang
bibig na parang may nakitang multo. He died of a heart attack. The night before he
was found dead, may nakakita raw sa kaniyang tumatakbo na parang may humahabol sa
kaniya."

"Baka may in-inject sa kaniya na magpapamukhang inatake siya sa puso?"

Umiling si Rosetta. "Meron pang isa. Bumangga ang kotse ng isang lalaki sa malaking
puno sa subdivision. Nadala siya sa ospital pero binawian din ng buhay dahil sa mga
sugat na tinamo niya lalo na sa ulo."

"Drunk driving?"

"No!

Base sa autopsy report, hindi siya nakainom nang bumangga ang kotse niya. Meron
ding poste ng ilaw sa mga kalsada ng subdivision kaya imposibleng hindi niya nakita
ang puno. Ang theory ng mga nakausap namin, baka meron siyang nakitang you-know-
what habang nagda-drive siya."

If Loki were here, he would surely laugh at Rosetta's narrative and mock at how
gullible the people in the subdivision were. Maging ako'y nagdududa kung talagang
supernatural ang may kagagawan non. But maybe if we were to take up this case, we
could either prove or disprove the ghost theory.

Rosetta went on telling me the details of the case. I listened to her intently
until I saw Luthor enter the gymnasium along with the student council officers and
executive committee members. It has been a while since I last saw him around the
campus.
I excused myself to Rosetta and walked to the direction of the vice president. He
was talking to a tall and muscular CAT officer clad in his sky blue uniform.

"Excuse me, Lucian?"

Luthor

turned around with a teensy bit of surprise on his expressionless face. His grey
eyes were still as dull as ever, giving me a shudder whenever I stare right at
them. His intimidating aura, however, subsided as I approached him. Dahil siguro
malaki ang space sa gym at maraming tao kaya hindi ko masyadong dama. He dismissed
the officer with the rank of "corp commander."

"There are only four people who call me by that name," he greeted. "How are you,
Miss Lorelei?"

"I'm doing and feeling great," I answered. "Sorry if I had to call you by your
given name. It slipped."

Our conversation gave me the feeling as if I'm talking to Loki who's a hundredfold
cold, minus the sarcasms. Parang kausap mo nga ang presidente ng Pilipinas kapag
kaharap mo siya.

Dahil nga ngayon lang kami ulit nagkita, hindi ko pa siya napapasalamatan sa ginawa
niya para sa QED Club. Rye Rubio of the execom revealed that Luthor asked them to
do a fire drill as they replaced Loki's laptop that was in the possession of Clark
Gazetta. If it weren't for him, our club might have fallen and Loki might be facing
charges right now.

"Thank you for what you did last week. The club owes you a favor," I continued.

"No need to thank me," he replied as we walked across the maple floor. "I trust
that you did not tell my brother about my involvement in that case?"

I bit my lower lip. "Nasabi ko sa kanya noong isang araw. He wasn't too surprised
when I told him."

"Loki loves his club more than he loves his brother," Luthor replied. "He may not
hold me in the highest regard, but I'd rather not see him lose something

that's valuable to him."

Despite their strained relationship, Luthor was still concerned about his younger
brother. Loki may have likened him to a despicable wizard and the apocalypse, but
Luthor may not be person he thinks he is.

The vice president came into a halt and turned to me. He did not look straight at
my face. Instead his gaze was focused elsewhere-on my feet.

"Your little friend managed to bypass our security," Luthor commented.

Huh? My eyes looked down as I felt something soft and furry rubbing on my leg. It
was Freya! How did she get inside the gym without anyone noticing?

"She might have gone through the comfort room window," Luthor said as if he read
the question in my mind. "It won't be that difficult for her to leap and squeeze
herself in the grills."
Luthor's eyes were fixated on the cat, as if he was trying to freeze her in one
look. Freya, in return, hissed and started whipping its tail back and forth. That
was the same reaction whenever she sees Jamie in the clubroom.

But Freya's hostile attitude on Luthor didn't last for a minute. Bigla siyang umamo
kahit hindi ko siya pinagsabihan at ikinaskas ang kaniyang katawan sa paa ng vice
president. She seemed to like Luthor as well despite her initial reacton.

"We had a dog before," Luthor said as his eyes were glued on the cat. "Loki
insisted that we should name him Fenrir but I objected the thought."

"Fenrir? Another character from the Norse mythology?" Loki did mention before that
if we had a puppy on our clubroom's doorstep, he would name it as such. Sana'y
hindi nag-ugat sa pagpapangalan ng aso ang rocky

relationship nilang magkapatid.

"In the end, I got the privilege of naming the dog and christened him as Mjolnir."

Another weird sounding name. I bet that's a character or an artifact in the Norse
lore.

Freya returned to my side, rubbing her body once again on my right leg.

"I won't ask the officers to take her away," sabi ni Luthor. "Make sure that they
won't see her."

Just when Luthor was about to go, we saw two housekeeping personnel drawing
handguns and pointing them at the CAT officers.

"Isara n'yo ang pinto, bilis!" bulyaw ng isa sa kanila. Walang reklamong sumunod
ang mga cadet sa entrance at ini-lock ang pinto ng gymnasium.

Sunod na itinutok ng mga armadong lalaki ang kanilang baril sa mga estudyanteng
nasa bleachers.

"Kayong nasa taas! Bumaba kayo rito kung ayaw n'yong paputukan namin kayo."

Fearing that the armed men will start a shooting spree, everyone gathered at the
center. They asked us to sit on the floor while pointing their firearms at us.
Everything was going smoothly until one courageous student made a lunge at the two
men.

BANG!

"UGH!" The student wailed in pain, rolling on the floor while touching his wounded
left arm. Blood began dripping from his hand. Kaagad siyang nilapitan ng mga kapwa
estudyante niya at sinuri ang kanyang sugat.

"Akala n'yo siguro fake ang mga baril namin, ah?" nagyayabang na tanong ng isa sa
mga lalaki. "Kapag may nagtangka pa sa inyong magpakabayani, sa ulo na namin kayo
patatamaan!"

Luthor was silently observing the armed men's movements, probably assessing on how
we can solve this problem. Parang nakikita ko sa kanya si Loki without the glaring
side comments. They are brothers after all.

"Wala kaming balak saktan kayo basta makipag-cooperate kayo sa amin!"


"Nandito kami para kay Emeraude Emerson," anunsyo ng lalaki sabay pakita sa isang
litrato ng babaeng may wavy na buhok. "Kung ayaw n'yong masaktan, ituro n'yo siya
sa amin o dalhin dito sa harapan!"

"N-No need for that!"

Napalingon kaming lahat sa babaeng biglang tumayo. Nakataas pa ang dalawang kamay
ng student council president habang naglalakad patungo sa dalawa.

"I will come to you willingly but make sure you keep your word that you won't hurt
anyone."

"Madam President!"

Emeraude looked back at the students, forcing a smile. "Don't worry, everything
will be fine."

"Ano bang kailangan nila sa presidente natin?" bulong ko kay Luthor na sinusundan
ng tingin ang mas nakatataas sa kanya.

"You may not be privy about this fact but Emeraude is from a wealthy family here,"
paliwanag niya. "I think they want hold her as hostage in exchange for a ransom."

There are only two of them kaya hindi kami masyadong mahihirapang pabagsakin sila.
I can take down one using my stun pen while the other can be taken care by someone
who's physically strong. Ang problema namin ngayon ay ang mga baril nila. Masyadong
risky kung basta-basta kami lulusob.

Dahan-dahan kong ipinasok ang aking kamay sa kanang bulsa ng palda ko. I need to
prepare my stun pen while thinking of a plan-

Teka, bakit wala? Bakit hindi ko makapa?

My God. I forgot the stun pen in my bag!

###

=================

Volume 2 • Chapter 31: Game of the Generals (The Plan)

LORELEI

WHAT AN unlucky day for me to forget that pen! Hindi ko rin kasi in-expect na may
mangyayaring ganito sa gymnasium. If only I knew that our lives would be in danger,
I wouldn't have taken it out of my skirt pocket.

"Is something wrong?" tanong ni Luthor. He probably read my surprised yet


disappointed reaction.
"I had this pen that can tranquilize anyone who comes in contact with it," sagot
ko. "It was invented by Loki's tech geek friend. Unfortunately, I forgot it in the
clubroom. If only I were bringing it with me, I could take down one of those two."

"What a shame," Luthor's eyes glanced at the two housekeeping personnel. "We have
to rely on other methods then."

"Ibigay n'yo sa amin ang mga phone n'yo kung ayaw n'yong masaktan!" utos ng
armadong lalaki. Walang nagtangkang umangal dahil nakatutok sa amin ang mga baril
nila.

If Loki and Alistair were here, they could have thought of an ingenious plan that
could turn the tables. Ngayong wala na kaming gadget para makapag-communicate sa
mga taong nasa labas, our chances of being rescued by them dramatically decreased.

The only way to survive this situation is to let these hostage-takers get what they
want... or we can stop from achieving their goals.

Wait a minute. May pag-asa pa! Luthor's here with me. Loki spoke highly and
despicably of his methods when it comes to manipulating people and events. Kung
magagamit namin ang ability niya, baka mabaligtad namin ang sitwasyon.

"Good morning, Mr. Emerson!"

masiglang bati ng hostage-taker sa kausap niya sa phone. "Meron kaming surprise


para sa 'yo!"

Itinapat niya ang phone sa harap ni Emeraude. "Pa-Papa!"

"Kung kilala mo kung kanino ang boses na 'yon, alam mo na siguro na hawak namin ang
anak mo pati na ang ilang estudyante rito sa Clark High. Huwag kang mag-alala. Wala
kaming balak gawing masama sa kanila basta walang magbibida-bida rito... at kung
ibibigay mo ang gusto namin."

So they were really after the money.

"Gusto naming i-transfer mo ang limang milyon sa bank account na ibibigay namin sa
'yo. Barya lang naman sa 'yo iyon, 'di ba? Bibigyan ka namin ng isang oras. Kapag
hindi ka sumunod, babarilin ko ang anak mo. Oh, teka! May nabaril na pala akong
isang estudyante kanina. Nauubusan na siya ng dugo kaya bilisan mo."

"Kailangan n'yo na siyang dalhin sa ospital!" sigaw ng isang babaeng ipinapatigil


ang pagdurugo ng sugatang lalaki. "Kapag hindi siya kaagad nabigyan ng medical
att-"

The hostage-taker pointed his gun at the girl. "Sinabi ko bang magsalita ka, ha?
Mr. Emerson, narinig mo ba ang sinabi niya? Nakasalalay sa 'yo ang buhay ng anak mo
at ng isang estudyante rito. Hindi na kita babalaang huwag tawagin ang mga pulis,
pero kapag pinuwersa nilang pumasok dito, hindi kami magdadalawang-isip na
pagbabarilin ang mga hostage namin."

"Mukhang kailangan nating patumbahin ang dalawang 'yan sa lalong madaling panahon,"
sabi ko matapos ibaba ng hostage-taker ang tawag. The waiting game begins.

"Maybe you can use your cat," Luthor

said, darting a glance at the feline creature beside me. Gusto ba niyang ihagis ko
si Freya sa mga hostage-taker para pagkakalmutin at pagkakagatin sila?

No, that's not what he meant, of course! I could make use of Freya's sneakiness
para makahingi ng tulong sa mga nasa labas, lalo na kay Loki.

Inilabas ko ang aking Moleskin notebook at pumunit ng isang pahina nito. While one
of the hostage-takers was making rounds on the other side, I took the opportunity
to write the following words on the piece of paper.

Send

Over

Stunner

I rolled it and tied around Freya's neck like a choker. Siniguro kong hindi siya
masasakal at hindi niya basta-basta matatanggal ito. Cats weren't supposed to act
like messengers but I trust our feline friend's intelligence that she would deliver
the message to Loki. Sana nga lang ay hindi siya mag-detour sa ibang lugar dito sa
campus.
"I'm counting on you, Freya!" I whispered and let her run stealthily to the women's
comfort room. Doon siguro siya lumusot kanina kaya doon din siya lalabas.
Thankfully, the bad guys were too busy with the human hostages that they didn't
take notice of the white ball of fur running across the maple floor.

Now what should we do while waiting for any response?

"We need to disarm the hostage-takers," sabi ni Luthor, nakatuon pa rin ang kanyang
tingin sa mga armadong lalaki. "Once the threat of being shot is removed, we could
take care of them easily. Do you know what type of gun he's using?"

I slowly shook my head. Mukhang revolver ang gamit ng mga hostake-taker, base sa
nakikita kong chamber

ng baril.

"Smith & Wesson. Six rounds."

Surprised by the hoarse voice, my head turned to my right and saw a guy whose left
eye was covered by his bangs swayed on one side. Ni hindi ko man naramdaman ang
paglapit niya sa akin.

"What are your plans, Mister Vice President?" tanong ni Rye Rubio. Huli ko siyang
nakita noong nakaraang linggo kung kailan niya ibinalita sa akin ni ginawa ni
Luthor para sa club. "Hihintayin ba nating ma-complete ang transaction nila?"

"Assuming that the chamber is fully loaded, he could fire six shots at most."
Luthor's eyes had a farway look on them and its usual lack of vibrance. "He already
shot one at the student. We need to make him shoot the five other bullets without
hurting or killing anyone."

"Kung ganyan ang senaryo, hindi natin sila dapat hayaang makapag-reload," dagdag ni
Rye, nakatingin sa lalaking nagbabantay kay Emeraude sa harapan. "The less bullets
they have in their guns, the less

casualties there would be."


"We are not sure if they're going to let everyone go unscathed," sabi ni Luthor. "I
could see the bloodlust and the greed for money in their eyes. Kailangan ding
madala kaagad sa hospital 'yong estudyanteng binaril nila kanina."

"Basta maipadala ni Loki ang stun pen sa pamamagitan ni Freya, kaya na nating i-
knockout ang isa sa kanila," I butt in. "The stun pen can only neutralize one
person at a time, so if we want to take down the other guy, we need to do it the
usual way."

"I have no problem dealing with one of them," sagot ni Rye. "Matapang ang dalawang
'yan dahil may hawak silang baril. Pero kapag mano-mano ang labanan, hindi sila
ganon kalakas."

Why does it feel like I have a substitute Loki and Al on my side? Someone who's
good at planning and someone who might be good at hand-to-hand combat.

"Pwede rin akong makipag-coordinate sa mga CAT officer para may back-up," dagdag ni
Rye. "Sasabihin ko kay Margarette ang plano natin para aware din sila."

Dahan-dahang umalis si Rye sa tabi ko habang hindi nakatingin sa direksyon namin


ang mga hostage-taker. Nakabantay ang isa sa kanila kay Emeraude habang patuloy na
umiikot sa paligid ang kasama niya.

"The man beside Emy has five bullets while the other making rounds still has six,"
sabi ni Luthor. "Using the stun pen, you will target the man whose gun is yet to be
fired while we will make the other one fire his remaining bullets."

"Pero paano natin mapapaubos ang bala nung isa?" tanong ko.

"First, we need to isolate the other guy from the man with five bullets. Sa
ganitong paraan, siya lamang ang makakagamit ng mga bala

niya."

"But how?"

Luthor pointed at the three CCTV cameras on the ceiling. "We must make him shoot
those so he would lose three more bullets. We can tell him that their faces might
have been recorded and if ever they succeed, the police can use the footage for a
sketch."

"And who's going to do that?"

He looked at me. "These men may mean harm to us, but if we let a girl speak, they
would listen."

"Yo-You want me to tell them to destroy school property?"

"Those cameras can be replaced by the student council, if that's what you're
concerned about. Between you and me, they will be more interested to hear you out."

Napabuga na lamang ako ng hangin at napapikit ang aking mga mata. Naiintindihan ko
ang ipinipunto ni Luthor, pero sa tingin ko, ayaw lang talaga niyang siya mismo ang
magsabi no'n.

"Fine, I will tell them."

"But we need to wait for our window of opportunity," Luthor's eyes now fixated on
Rye who's talking to Margarette. "I trust that Maggie could be thinking the same
strategy."

"Excuse me?" Margarette's right hand was up in the air, getting the attention of
our hostage-takers.

"Ano 'yon?" tanong ng armadong lalaki na nag-iikot sabay tutok ng baril sa


chairwoman ng execom.

"Sorry to bother you, but I really, really need to go to the comfort room. Please?"

Nagkatinginan ang dalawang hostage-taker. Tumango ang lalaking nagbabantay kay


Emeraude sa kanyang kasama sabay sabing, "Ako muna ang magbabantay sa kanila.
Samahan mo siya sa CR, baka may gawin ang babaeng 'yan para makahingi ng tulong sa
labas."
Margarette was escorted by the other hostage-taker to the

comfort room. It would be risky to attack the armed man in front of us lalo na't
nandiyan pa ang kasama niya na pwedeng bumaril sa amin.

But this is now the window of opportunity that Luthor spoke of.

I raised my hand next, quickly getting the attention of the hostage-taker in front.
"Excuse me?"

He pointed his gun at me kahit medyo malayo siya. "Ano? Gusto mo ring pumunta sa
CR?"

Okay, I need to act like Jamie. "Medyo concerned lang ako dahil namo-monitor ng mga
taga-security office ang nangyayari dito sa loob."

"Namo-monitor? Paanong namomonitor?" Halos magsalubong ang kilay ng lalaki,


bahagyang ibinaba ang kanyang baril.

Itinuro ko ang tatlong CCTV camera sa likuran niya. "Nagta-transmit kasi ng live
footage ang mga 'yan sa security office. Kapag nahagilap nila ang mga mukha n'yo sa
camera, makakapaglabas sila ng sketch na pwedeng-"

BANG! BANG! BANG!

Without saying a word, the hostage shot the three cameras with such precision. Only
two bullets left in his revolver's chamber.

"Bakit mo sinabi sa kanila?" bulong ng mga estudyanteng katabi namin. Sorry,


kailangan kong gawin 'to alinsunod sa plano ni Luthor.

"Salamat sa pag-inform sa akin, miss," nakangising sabi ng armadong lalaki. Ang


hindi niya alam, parte 'yon ng plano namin para mautakan sila.

Saktong bumalik sina Margarette at ang isa pang hostage-taker mula sa comfort room.
Thanks to her, we took the first step in turning the tables.
"What's next?"

"We shall wait until your cat returns," sagot ng katabi ko. "Kapag nasa 'yo na ang
stun pen, doon pa lang tayo makakagalaw."

"Can I ask you a question? To pass the time?"

Luthor gave me a slightly curious gaze. "You've been asking questions since this
ruckus has started."

"Not entirely related to this case," hininaan ko ang aking boses dahil baka marinig
ako ng lalaking dumadaan sa gilid namin. "Nagtataka kasi ako kung bakit kontrabida
ang turing sa 'yo ni Loki. He always describes you as someone who's evil that
everyone should avoid. I hope it had nothing to do with naming your dog."

His gray eyes blinked as he looked faraway. "You may call it a sibling rivalry for
our parents' affection. Since we were kids, Loki never liked the fact that I have
become an achiever through my unconventional yet practical methods. He said he was
playing fair and square while I was taking the shortcut."

I would have guessed as much. But I can't imagine Loki being a seven or eight year-
old child throwing tantrums and complaining how his brother was playing not by the
rules.

"The end justifies the means, I always tell him when we were kids. Years later, he
began to adapt my principles, using them in his own detective work. Ironic, isn't
it? Maybe he dislikes me because I, the brother he loathed so much, have somehow
influenced his methods. Maybe he thinks that I corrupted him."

"Pero ang babaw naman non!" Kung may ganon mang impluwensiya si Luthor-na kaya
niyang i-corrupt ang paniniwala ng isang tao-maybe Loki's warning was not all about
disliking his brother. Baka gusto niyang iwasan ng iba ang kanyang kapatid para
hindi sila matulad sa kanya na nag-iba ang pananaw sa paggawa ng mga bagay-bagay.

"I thought so. But Loki is not your average man. I'm absolutely certain

that you already had that observation. He dislikes things that most people like. He
looks down on things that most people would look up to."
Being with that guy for a few months now, Luthor's statements somehow resonated in
me. Loki is a contrarian, going against the current and choosing an unpopular
method of dealing with matters.

"But another factor why he considers me as an antagonist might be Rhea's death,"


Luthor voice slightly trailed off but I surely heard him.

"What about Rhea's death?"

My question was cut short when I felt the furry body of our feline friend. Freya
returned from her mission to the clubroom. Wala na 'yong papel sa kanyang leeg pero
may tali sa katawan niya kung saan nakalagay ang fountain pen.

Now we could end this case.

"Pwede na nating ituloy ang plano," sabi ko kay Luthor sabay pakita ng stun pen sa
kanya. I don't know if this was the first he laid his eyes on Hershey's gadget.

"You need to isolate the other guy, just like what Maggie did earlier," Luthor's
eyes were following one of the hostage-takers' moves.

"At kapag nasa loob na kami ng comfort room, ine-neutralize ko siya gamit ang stun
pen, tama?"

He nodded. "Rye or anyone here can lunge at the other guy and disarm him. Kailangan
maging well coordinated tayo para hindi pumalya ang plano. Remember, the man in
front still has two bullets. There can be two casualties if we aren't cautious. And
we should never allow him to reload."

"At ano naman ang gagawin mo?"

"I should watch from here to see if everything will go exactly as planned.

Once you neutralize him, scream so we will have a go signal."


Parang siya ang direktor ng pelikula habang kami ang mga artista. When the
instructions were clear to me, I raised my left hand to get the attention of our
targets.

"May I go to the comfort room?" I asked, gripping the stun pen in my right hand
pocket. Nakita kong pumwesto na sa bandang harapan si Rye pati ang ibang CAT
officer. Gaya ng inaasahan, ang lalaking sumama kay Maggie kanina ay siya ring
naghatid sa akin sa comfort room.

I went to one of the cubicles while the guy stood near the entrance. Remember, may
anim na bala pa ang kanyang revolver kaya kung magkakamali ako ng galaw rito,
malalagay ako sa disadvantageous position. Sa akin din nakasalalay kung magiging
tagumpay ang mission namin.

"Ehem! Ehem!" I forced a cough to get his attention." Excuse me? Pwede mo ba akong
tulungan?"

Binuksan ko ang pinto ng cubicle at hinintay siyang magpakita sa harapan ko. Don't
worry, wala naman siyang maboboso sa akin.

"Yes?"

Ayaw ko mang sabihin ang mga susunod na salita pero ito lang kasi ang naiisip ko
ngayong paraan upang ibaba niya ang kanyang depensa. I channeled a bit of Jamie in
myself.

"I can't remove my skirt. Do you mind lending a hand?"

Sabi na nga ba. Basta pagdating sa mga ganitong bagay, game na game ang mga tulad
niya. I could at least take advantage of men's weakness.

Napaupo siya sa harapan ko at hinawakan ang aking baywang. Nang dumampi ang mga
kamay niya, bigla akong nangilabot. Bago pa niya maibaba ang palda ko, mabilis kong
inilabas ang stun pen, itinarak ito sa kanyang leeg sabay pindot sa button.

BZZZ!
Para siyang halamang nalanta nang mag-collapse siya sa malamig na sahig. Siniguro
ko munang wala na talaga siyang malay bago ako tumili.

KYAAAAAAAAAAAH!

"Hoy, anong ginagawa n'yo riyan?" narinig kong bulyaw ng kasama niya sa labas.

BANG! BANG!

Umalingawngaw ang dalawang putok ng baril sa buong gym. Napatakip pa nga ako ng
tenga dahil sa sobrang lakas nito. Lumabas ako ng comfort room at sinilip kung
anong nangyayari sa labas.

Rye was wrestling with the man whose gun was pointing at the ceiling. Sinikmura ng
taga-execom ang hostage-taker gamit ang kanyang tuhod kaya nabitawan nito ang hawak
na baril. Tumulong na rin ang CAT corp commander at sinipa ang baril palayo.

"Madam President!" I ran toward Emeraude and guided her out of harm's reach.
Malamang nasorpresa siya sa bilis ng mga pangyayari.

"Sh*t!" When we thought it was over, the last remaining hostage-taker took out
something from his pocket and threw it on the floor. Ang unang akala nami'y granada
ito pero imbes na lumikha ng pagsabog, naglabas ito ng puting usok.

Because of the white smoke, nahirapan kaming kumilos. Balak niya sigurong tumakas
gamit ang smoke grenade para hindi siya makita ng mga pulis.

Then I heard a metallic clicking noise behind me. If that's the hostage-taker, he
must be reloading his revolver!

"Huwag kayong lalapit sa akin! Kundi papasabugin ko ang ulo ng babaeng ito!" he
shouted when the smoke began to clear.

He wrapped his arm around my neck and pointed the gun at my head.
###

=================

Volume 2 • Chapter 31: Game of the Generals (The Chase)

LORELEI

THIS IS too much, fate! Bakit lagi na lang ako? Sa dinami-dami ng pwede niyang
gawing hostage, ako pa talaga ang nataong napili niya?

Iwinasiwas ng hostage-taker ang kanyang baril sa harapan. Balak sana siyang


sunggaban ni Rye ngunit dahil nga sa akin, mukhang mahihirapan siya.

"Sige, subukan n'yong lumapit! Talagang tutuluyan ko ang babaeng 'to!" Muli niyang
itinutok sa ulo ko ang baril at idiniin ang muzzle nito sa aking sentido. I heard
him reload his gun moments ago so if he pulls the trigger, my head will be blown
off.

"Buksan n'yo ang pinto, bilis!" utos niya sa mga CAT officer. He dragged me along,
still pointing the gun at random people who might get in the way.

Paglabas namin sa gymnasium, bumungad ang mga taong nakasuot ng police uniform at
nakatutok ang mga baril sa nang-hostage sa akin. Lalo pang humigpit ang
pagkakasakal niya habang palingon-lingon siya sa paligid.

Among the campus police officers, I saw their new chief inspector wearing a black
jacket over his dark blue uniform. Nakita ko rin sina Loki at Jamie na naghihintay
sa labas kasama ang ilang estudyanteng na-curious kung ano ang nangyayari.

"Drop your weapon now!" sabi ni Inspector Double M gamit ang megaphone. His
piercing eyes stared at the man holding me as hostage.

"Subukan n'yong magpaputok! Papasabugin ko ang ulo nito!" gigil na gigil na banta
ng hostage-taker. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng kanyang
pagkaka-lock sa leeg ko.

"Meow~"

I heard Freya's soft voice behind. Please, don't come closer to me. This man might
shoot you!

"Meow~"

Please, don't!

Paurong na naglakad ang lalaki patungo sa isang pick-up truck na naka-park sa labas
ng gym. This must be the getaway vehicle they prepared in case they succeed in
their plan. Considering the current situation, they have miserably failed and the
only thing he could do is escape from here.

Pinapaupo niya ako sa passenger's seat habang nakatutok pa rin ang baril sa akin.
It would be risky if I try to grab his gun from him so I obeyed without any
complaint. Ini-start niya ang engine ng sasakyan ang sinimulang i-drive ito.

"Basta wala kang gagawing kahit anong ikakapahamak mo, hindi kita sasaktan," he
said while looking at the sideview mirror. Hindi na nakaharap sa akin ang baril
niya dahil nakahawak ang kaniyang mga kamay sa manibela. "Papakawalan din kita
kapag hindi na ako mahahabol ng pulis."

Sa ngayon, wala akong magagawa kundi umasa sa ipinangako ng lalaking 'to at sa mga
pulis na malamang ay balak akong iligtas. Pasulyap-sulyap siya sa sideview mirror,
tinitingnan kung may sumusunod sa amin. Nang makarating kami sa campus gate,
binangga niya ito para bumukas. Malayo-layo pa kami sa main road.

I glanced at the rearview mirror

and caught a glimpse of a police car speeding up behind. Sa sobrang bilis ng


pagpapatakbo nito, nalagpasan niya pa kami. Sinubukan kong tingnan kung sino ang
nagda-drive at nakita ang mukha ng isang lalaking may peklat sa ilong. It was
Inspector Double M with another police officer.

"A-Ang bilis nila!" komento ng hostage-taker nang ilang metro na ang layo ng police
car sa harapan namin. If the inspector is planning to put up a blockade before our
car reaches the main road, hindi sapat ang iisang kotse lang. Paglingon ko sa
likuran, wala nang ibang sasakyang sumusunod sa amin.

"Akala niya siguro mahuhuli niya ako! Hahahaha!" natatawa ang kasama ko pero
garalgal na ang kanyang boses. He must have realized the bad news brought by the
police car ahead of us. Pero may tsansa pa siyang makatakas basta malampasan niya
ang sinasakyan ng inspector.

Just when the police car reached the intersection road, it made a sudden drifting
move, creating a loud screeching noise that we heard even if we were still meters
away. Their car is now driving toward our direction on the same lane. If this goes
on, the two vehicles will collide!

"A-Anong ginagawa nila? Gusto ba nila tayong banggain?!" nagsimula nang mataranta
ang hostage-taker. "Puwes tingnan natin kung kaninong sasakyan ang mas matibay!"

He shifted his gear and put the engines in full throttle. Napakapit na ako sa
dashboard dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya.

As the car in front of us got closer, mas nakita ko pa ang seryosong mukha ni
Inspector Double M. There was no hint of fear on what he was about to do. Mukhang
determinado

nga siyang ibangga ang kotse nila sa sinasakyan namin. The short-haired police
officer seated beside him looked slightly terrified as our cars were about to be
engaged in a collision.

CRASH!

We almost slammed our heads on the dashboard due to the impact. Thanks to the
airbags that automatically deployed, hindi nauntog namin ang ulo namin. Mabuti't
naka-seatbelt kaming dalawa kundi baka lumusot na kami sa windshield sa sobrang
lakas.

"Aray!" napahawak sa kanyang ulo ang hostage-taker. Nabitawan na niya ang hawak na
baril kaya wala na siyang magagamit na pagbanta sa akin. Sumandal muna ako sa upuan
dahil parang nahilo ako.
"Get out of the car." Inspector Double M appeared on the driver's side, his gun
pointed at the hostage-taker. Ang kasama naman niyang police officer, tinulungan
akong makalabas sa bumanggang sasakyan at inalalayang maglakad.

"May masakit ba sa inyo, ma'am?" Medyo nasorpresa ako nang marinig na boses babae
pala ang pulis na tumutulong sa akin. I glanced at her nameplate to know who's the
kind policewoman helping me. The name COSMIANO, R. was engraved on it.

"I feel a bit dizzy but I'll be fine. Thank you."

"May karapatan kang manahimik," narinig kong sabi ni Inspector Double M habang
pinoposasan ang hostage-taker. "Anumang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa
iyo sa loob ng hukuman. May karapatan kang kumuha at pumili ng sarili mong abogado.
Kung hindi mo kayang kumuha ng abogado, ang korte ang kukuha ng abogado para sa
iyo."

We were escorted back to the campus, the two hostage-takers now in police custody.
Somehow, the car collision

earlier reminded me of Jamie's story back at the hospital in Manila. Sabi niya, may
foul play na nangyari. Naisip ko lang, noon bang bumangga ang kotse ng kuya niya,
was there any airbag deployed upon impact? Baka kasi naka-survive siya kung meron
man.

"Lorelei!" Jamie came running to me as if she was the best bestfriend I ever had.
Niyakap niya ako nang mahigpit hanggang sa hindi na ako makahinga. Teka, talaga
bang genuine concern ang pagyakap niya sa akin o nakikipagplastikan lang siya dahil
nasa tabi niya si Loki?

"Jamie... tama na."

"So-Sorry!" She freed me from her tight hug, allowing me to breath.

"Glad to see you okay," sabi ni Loki. He only looked at me, but there was a hint of
worry on his face. "I thought he's gonna take you away from us. We were about to
give chase, but the chief inspector ordered us to stay here and let him handle the
pursuit."

"I have survived a number of cases before," tugon ko. "Fate may have put me in
tough situations but she has always let me live to see another day."

"Meow~"

I turned around to see Freya slowly whipping her tail, her blue and green eyes
blinking at me. I was so relieved that nothing happened to her earlier. I cradled
her on my arms and touched her nose repeatedly.

"Meow~"

"Lorelei!"

We all turned to the long haired girl running to us, beaming a wide smile.
Rosetta's worried face turned into a relieved one after seeing me okay.

"Thank God na ligtas ka!" she also embraced me like what Jamie did, slightly
squeezing Freya in between. "Ang akala ko, may nangyari nang masama sa 'yo!"

"It
has been a while, hasn't it, Rosiah?" Loki greeted with a bored face.

"Uhm... My name's Rosetta. Anyway, it's nice to see you Loki. And Jamie! Talaga
palang official member ka na ng QED Club! Na-miss kitang mapanood sa theater."

Kahit ilang beses mong i-remind si Loki tungkol sa pangalan mo, hindi niya ito
mare-recall moments or days later.

"This club is cool!" masiglang sagot ni Jamie sabay hawak sa braso ni Loki.
"There's never a dull moment. Lahat ng ginagawa namin ay exciting!"

Sandaliang napasulyap sa akin si Rosetta, nababasa ko sa kanyang mukha kung ano ang
gusto niyang itanong. She probably wants to bring up-what's the name of the
incidents again?-ah! The Haunt of Bougainville to our club.

"May free time ba kayo ngayong weekend?" tanong niya. "May ire-refer sana akong
kaso sa inyo. Nasa turf naming Paranormal Club ang mag-investigate ng mga
supernatural incident. But maybe, this case is worth your time."

"I have told you before that-"

KYAAAAAAAAH!

Lahat kami'y napalingon sa gym kung saan galing ang sigaw ng isang babae. Kaagad na
tumakbo si Loki papunta roon kaya sumunod kaming dalawa ni Jamie sa kanya. Sorry,
Rosetta, but your request will have to wait.

Pagpasok namin sa loob, nadatnan naming nakalupong ang mga estudyante sa


nakabulagtang katawan ng isang lalaki. We were surprised to see the boy's face.
Pero ang mas nakakasorpresa ay ang note na may nakasulat na:

"Si Adonis 'yan, 'di ba?" Jamie muttered as she looked away from the dead man. Her
retentive memory might save the image of the boy who seemed to be clawing his left
chest with protruding eyes and widely opened mouth.

Judging by the message, the same person who killed Benjamin Tenorio struck again.
Coincidentally, those two were mentioned in the article written by Zoey Bernardo
against our club. Meron bang pattern ang pagpatay niya?

Whoever killed him, someone took advantage of the commotion earlier.

Loki put on his latex gloves and carefully approached the dead body. Kinapa niya
muna ang pulso nito bago niya inilapit ang kanyang ilong sa bibig ng biktima.

"No scent of almond. His lips aren't turning bluish. This isn't murder via potassum
cyanide." Sunod niyang tiningnan ang leeg ni Adonis. "The poison was injected
through the vein in his neck, based on the punctured mark here."

"Anong klaseng lason ang ginamit?"

Tumayo si Loki, nakatingin ang mga mata sa walang buhay na biktima. "Autopsy needs
to be performed on the body to determine what poison. But my guess? Potassium
chloride, one of the drugs being used in lethal injection. Stops the heart. Quick
death. Look at the way he's holding his chest."

"Who gave you permission to play around the crime scene?"


All heads turned to Inspector Double M who just entered the gym. Kasama niya ang
ilang campus police officers, pati na 'yong babaeng pulis kanina.

"You have nothing to worry about, inspector." Loki removed his latex gloves and
turned to the man with scarred face. "Rest assured that I did not contaminate the
crime scene."

"Ayaw kong may nakikialam sa crime scene nang walang permiso mula sa akin."
Nakapamulsang lumapit kay Loki ang chief inspector. "Trabaho ito ng pulis at hindi
isang laro para sa 'yo at sa inyong club."

"I have always helped the campus police whenever they are in a pinch. You can ask
your subordinates about our invaluable contribution to your unit."

The inspector's towering figure and fierce facade would have intimidated anyone who
crosses paths with him, but not Loki. "Nakalimutan mo na bang hindi na si Gareth
Estrada ang chief inspector dito? Kung noo'y pinapayagan ka nilang basta-basta
pumasok sa crime scene, ngayo'y hindi na pwede 'yon."

"But sir-"

"I don't want to see you loitering around our crime scenes ever again," may
pagbabantang sabi ni Inspector Double M. "Kapag nakita ko pa ulit kayong pakalat-
kalat, sa kulungan ang bagsak n'yo. We can solve this case without your help."

Mukhang may panibago kaming problema na haharapin.

###

P.S. And we are down to four chapters! Next update will be "The Haunt of
Bougainville." The title is based on Doyle's "The Hound of the Baskervilles."

=================

Christmas Special • Case of the Secret Santa I: Intersection

A/N: MERRY CHRISTMAS, EVERYONE! Yours truly and ShinichiLaaaabs bring you this
little treat for Christmas Day. Credits to coffeebreakren for the promotional
artwork. Enjoy reading!

LORELEI

Hark the herald angels sing~

Glory to the newborn King!

Peace on earth and mercy mild~

God and sinners reconciled!

CHRISTMAS IS coming. Or should I say, Christmas is already here.


Hinding-hindi mawawala sa Pasko ang pagde-decorate ng Christmas tree at paglalagay
ng Christmas lights. Kapag kasi wala nito, parang kulang ang atmosphere ng
holidays. Lagi ring present ang mga batang nangangaroling sa labas na mali-mali ang
lyrics at

kadalasa'y wala sa tono ang pagkanta.

I decided not to go home in Manila during our Christmas break. Meron din kasi
kaming schoolworks na dapat tapusin. I have a gut feeling that our teachers
conspired to ensure that we won't be fully enjoying the vacation by giving us tons
of assignments. And that's their way of saying "Merry Christmas!"

Tita Martha brought a tree to our unit and asked for my help to decorate it. Gusto
niya kasing dito namin i-celebrate ang Pasko. My past Christmas celebrations were
as cold as the yuletide breeze. My dad was away, my mom's no longer with us so I
usually celebrate this once-a-year event alone in my room, watching movies and
eating the food that our cook prepared.

But this year might be different. Despite the chilling winds that hammer on our
windows, I could feel the warmth of the season with my aunt. And of course, with
Loki-though he and the Christmas breeze share the same coldness.

Where is he, you ask? He's in his room, probably reading one of his mystery novels.
Bago kami nag-start mag-decorate ni Tita Martha, nakaupo lamang siya sa couch at
tahimik na nagbabasa, katabi si Theodore the teddy bear. Pero nang nag-request ang
tita ko kung pwedeng magpatugtog kami ng Christmas songs, bigla siyang pumasok sa
kaniyang kwarto.

I wonder how he spent his Christmas the past few years.

"Ano bang ginawa niya rito last year?" napatingin sa taas si Tita Martha, iniisip
ang sagot sa tanong ko habang inilalagay ang ibang decor sa Christmas tree. "Sa
pagkakatanda ko, mag-isa siyang naglalaro ng chess noon. Binigyan ko siya ng mga
iniluto ko pero

tinanggihan niya kasi may inorder siyang pizza at softdrinks."

"Wala hong bumisita sa kaniya? Hindi man ba siya umuwi sa kanila?"

"Masisira daw ang Pasko niya kapag nagkita sila ng kaniyang kuya. Hindi ko alam
kung anong problema ng dalawa. Ni minsan kasi, hindi pa bumisita rito ang kapatid
niya kaya wala akong ideya kung bakit ganon sila."

Hanggang Pasko ba naman, may tensyon pa rin ang dalawa? They should at least call
for a ceasefire this season of giving.

Once we're done decorating the tree, may nakita akong ibang bagay na pwede kong
pagdiskitahan. I asked Tita Martha if I can borrow a Santa Claus costume. No, I
won't be dressing as the old man in red clothes. I wanna surprise my roommate with
something.

Dahil umalis na ang tita ko sa unit, ipinahinto ko na rin ang pag-play ng Christmas
songs. Pumalit naman sa mga pinapatugtog namin ang mga batang nangangarolling sa
labas.

"Pasko na naman, o kay tulin ng ara-"

"PATAWAD!"
Wearing his V-neck shirt and pajamas, Loki went out of his room and strode off to
the kitchen. Pabalik na siya sa kaniyang kuwarto dala-dala ang ginawa niyang tea
nang bigla siyang mapalingon sa sala. His eyes widened as if he saw something
abominable.

"What have you done with Theodore?!" He ran to the teddy bear wearing Santa Claus
costume (with matching white beard!) and touched its fluffy face. Para siyang
doktor na tsine-check kung buhay pa ang kaniyang pasyente.

"I dressed him up like Santa Claus."

"But why?"

"Uhm... Because it's Christmas?"

Napakamot tuloy siya ng ulo at saka ibinaling ang

tingin sa Christmas tree. "You've tortured me with lousy Christmas songs and put up
an eyesore in the corner. Aren't those enough?"

"Do you hate Christmas?" I asked him frankly.

"I love Christmas, but I hate Christmas," he answered without second thoughts.

Now I get i-Wait, what did he say?

"You are not making any sense. You love and hate Christmas at the same time?"

"Let me explain to you why," he said, waling closer to me. "I love Christmas
because I don't have to go to school and endure eight to nine boring hours of my
life-with the exception of the time spent in our club activities. I hate it because
it has lost its value for the past few years. Kids go to their godfathers and
godmothers as if the latter were ATM that can dispense money with just a single
mano. People are compelled to buy gifts for others because those others are
compelled to give them a present in return."

I only stared at him for a few seconds. "That's one way of looking at it. Hindi
lahat ng mga nagmamano ay pera lang ang habol sa kanilang ninong at ninang. At
hindi lahat ng mga nagbibigay ng regalo ay napipilitang bumili dahil may ka-
exchange gift sila."

"And Christmas is now about satisfying Epicurean pleasures," he went on, ignoring
my reply. "And of course, it is time for everyone to brag what they've received.
They post it on Facebook with the subliminal intention of saying 'Hey, I received
an iPhone as a Christmas present. How about you poor human?' Something along those
lines."

"Baka ikaw lang ang nag-iisip niyan? Not everyone who posts something on social

media wants to boast about their new-"

"Knock! Knock!"

We both turned our heads to the door where Tita Martha appeared. Baka tuloy isipin
niyang meron kaming lover's quarrel ni Loki.

"Merong naghahanap sa inyong dalawa. Kaibigan n'yo raw siya," sabi ni tita bago
tumalikod para tawagin kung sinuman ang nasa labas. If he's indeed our friend, why
would he visit us without giving prior notice? Wala naman akong natanggap na text o
tawag galing sa mga classmate ko.

Kung ganon, sino ang-

Napaurong ako nang bumungad sa amin ang inosente at nakangiting mukha ng isang
lalaking nakasalamin. He thanked Tita Martha and smiled at her before turning his
gaze on us.

It was Stein Alberts.

Loki slightly raised his head, his inquisitve eyes narrowed into slits. Maging siya
siguro'y nagulat na bibisitahin kami ng kaniyang archenemy ilang araw bago ang
Pasko.

"Is this the part where you say Merry Christmas?"

Stein looked around our small living room, the lenses of his eyeglasses gleamed
with whatever malicious intent he has in store for us. Nabaling ang tingin niya sa
spider's web of conspiracy sa pader.

"You can relax, Lorelei. I don't want to dampen the mood of the jolly Christmas
season by murdering you two and the landlady." He stood face-to-face with us,
smirking as if he's got an evil plan in his mind. "Pwede ba tayong maupo? Baka
mangalay tayo kung mag-uusap tayo nang nakatayo."

Umupo siya sa isang couch katabi ni Theodore the santa bear habang pumuwesto naman
kami ni Loki sa kabila. What worse in this situation is that I forgot my stun pen
in my room.

"Uunahan

na kita. Patawad," sabi ni Loki, nakatutok ang mga mata niya sa bawat galaw ni
Stein.

"Patawad?" Our guest raised his eyebrow. "You're already forgiving me? It must be
really Christmas!"

"Nope. Sinabi kong 'patawad' dahil kung may balak kang mangarolling sa harapan
namin, wala kaming maibibigay sa 'yo."

Stein only giggled as he leaned back in the couch. "Pwede bang mag-ceasefire muna
tayo kahit ngayong Christmas season lang? I'm not here as your enemy. I'm here as
your client."

"Sorry, but we don't accept criminal masterminds as clients." Loki stood and
pointed at the door. His archenemy's presence here was ruining his mood entirely.
"You may leave now. Thanks for dropping by. Don't come again."

Unmoving, Stein crossed his legs and placed his hand on his knees. "Consider this
as a Christmas gift from me. Alam kong magiging boring ang Pasko n'yo dahil wala
kayong kasong hinahandle. But this case might entertain you."

"What case?" napatanong tuloy ako. Kahit ayaw ko siyang makita sa kahit anong araw,
gusto kong malaman kung bakit siya naparito.

He glanced at our TV that was covered with sticky notes. "Are you familiar with
Nicholas Santos-the Secret Santa that's all over the news?"
"Parang may napanood akong news at nabasa sa Facebook tungkol sa kanya," sagot ko.
"Don't tell me he's dead?"

The Secret Santa that he has mentioned was a trending topic in the past Christmas
seasons. Isa siyang good Samaritan na nag-iiwan ng pera sa mga taong
nangangailangan. Minsan, siya na ang nagbabayad ng hospital bill ng mga mahihirap.
He only appears during Christmas.

He was supposed to be anonymous, but recently, he finally decided to reveal


himself.

Now why is Moriarty interested in that guy?

"No, no, no," Stein said, shaking his head slowly. "He's still alive and kicking,
and I have no intention of doing him any harm. Dahil Christmas season ngayon, none
of my agents are allowed to act. Let there be peace on earth!"

"I told you to leave, didn't I?" Loki's piercing glares didn't seem to work with
our guest. "Hindi kami interesado sa kasong ire-refer mo sa amin. Got it? And
Lorelei please, don't talk to this man anymore."

"Maybe you would be more interested to know that the man who revealed himself as
Secret Santa is a phony. And tomorrow, he will be appearing before the media to
formalize the Secret Santa Foundation."

Then there was silence. Inasahan kong kokontrahin ng kasama ko ang sinabi ni Stein,
ngunit mukhang napaisip yata siya.

"Let's say... we are interested," Loki answered. "What's up with him? Why should we
care that a fake Santa is about to build a foundation?"

"Imagine how many kind-hearted people are there in this world? How many millions or
billions can they donate to support a noble cause? And imagine how much of that
money will go to the pockets of the fake Santa once the foundation is established?"

"Sinasabi mo bang posibleng kurakutin niya ang perang ido-donate sa foundation?"


tanong ko.

"He's an impostor, trust me. And I want you to expose him tomorrow before the
media. There must be some loose ends that will prove that he's a fake. Solve this
case and I will give you a gift in return."

May

iniabot siyang envelope sa akin matapos niyang tumayo. The case details must be
enclosed here. As Stein got to his feet, Loki was quick to say, "We didn't say that
we will take the case."

"Oh, I am certain that you will. Gusto mong malaman kung anong ireregalo ko sa iyo,
'di ba? I'd like to stay a bit longer here but it's getting late already. I hope
you won't slam me with a wooden chair the moment I turn around."

Unlike in the Diogenes Cafe, walang ibang upuan na pwedeng buhatin si Loki para
ihampas kay Stein. Kaya hindi niya dapat ikabahalang baka ma-comatose ulit siya.

Bago pa tuluyang makalabas ang bisita namin, may pahabol akong hirit. "Why do you
want us to expose him?"

He was about to reach for the doorknob but froze for a while before turning to us.
"Because it's Christmas. And no one should take advantage of anyone's kindness
during Christmas."

The criminal mastermind left our apartment, leaving me and Loki a bit shocked by
the surprise visit.

"Are we gonna take the case or not?" tanong ko.

"Just this once, I agree with him. No one should take advantage of the Christmas
season for their personal interest-except the businessmen. And he went out of his
way to refer this case to us. Do you have anything to do tomorrow?"

"Just my homeworks, pero pwede ko silang tapusin after Christmas."

"Good. We will take Moriarty's case."

* * *

THE NEXT morning, bumungad sa amin ang balita na magpapa-presscon ang nagpakilalang
Secret Santa na si Nicholas Santos sa isang

hotel. I still don't understand why Stein would be interested in exposing that guy.
He's currently on break in his villainy so maybe he decided to target other
villains.

Fortunately for us, sa isang hotel sa Clark gaganapin ang event. Thanks to the
"passes" that were enclosed in Stein's envelope, hindi kami mahihirapang makapasok.

Mag-a-alas-otso ng umaga nang sunduin kami ni Al gamit ang kaniyang kotse. We


called him and Jamie para samahan kami sa imbestigasyon. I sat on the passenger's
seat, strapped on the seatbelt, while the other two were at the backseat.
Nakapangalumbaba si Loki sa may kanang car window habang nakapatong naman ang ulo
ni Jamie sa kaniyang balikat. My roommate didn't seem to mind.

"But how did Moriarty know that the Secret Santa is fake?" tanong ni Al, pasulyap-
sulyap sa sidemirror at tinitingnan kung may makakasalubong kaming ibang sasakyan
sa kabilang lane. "Paano kung gusto niyang ipahiya tayo sa media sa gagawin nating
pag-dispute sa identity ng good Samaritan?"

"I doubt that he's luring us to the trap," sagot ni Loki, ibinaling ang tingin kay
Al sa pamamagitan ng rearview mirror. "Isn't it suspicious that a man who's been
anonymously helping others suddenly decided to reveal himself? I can sense an
ulterior motive here."

"Baka dahil walang nag-claim bilang Secret Santa, that person took the opportunity
to grab the credit for every goodness that the real Santa has done." Inalis na ni
Jamie ang pagkakasandal ng kaniyang ulo sa balikat ni Loki.

"And it would be quite ironic. He calls himself the Secret Santa, and yet he chose
to remove his mask and reveal

his face to the world."

"Maybe Stein knows who the real Santa is," sabi ko habang nakatingin sa mga
dinadaanan naming buiding. "That's why he wanted to expose the false Samaritan?"

"I'm more interested in what he would gain. Moriarty doesn't strike me as a man who
would do random stuff for nothing. What's the catch?"
"Maybe the essence of Christmas has somehow gotten to him? Stein may be the worst
man we had the misfortune of meeting, but he still could have a shred of goodness
in him."

"I highly doubt that."

Al continued driving until we reached the parking lot of the Grand Hotel. May mga
nakita kaming van ng national at local media na naka-park sa labas. Sinusundan
talaga nila ang news tungkol sa Secret Santa. Little did they know that Nicholas
Santos is a fake.

Damang-dama na sa loob ng hotel ang Christmas season. Pagpasok mo pa lang, bubungad


na kaagad ang isang giant Christmas tree na may mga nakabalot na regalo sa stand.
The hotel staff wore Santa hats and greeted us with the warmest of their smiles. We
asked the receptionist kung saan gaganapin ang press conference ng Secret Santa. At
itinuro sa amin ang direkyson ng conference room.

"The media are overhyping this Santa news," Loki commented as we walked across the
lobby. "Given their prior coverage, it will be a bigger story once they find out
that the Santa is a fake."

"Christmas is the time for joy and hope. You cannot blame them for feeding their
viewers with positive news," I answered, keeping my eye on a reporter with a
familiar face talking to her crew.

"The news has been filled with killings

kaya para siguro mabalanse ang mga balita, they needed to report something good,"
Al joined the conversation. "Masyado nang toxic ang mga news. Kailangang may maiba
naman."

Just when we are about to reach the hallway leading to the conference room, isang
babaeng kasing edad namin ang sumulpot sa harapan at bumangga kay Alistair. I can
see from her furrowed eyebrows and piercing eyes that she got annoyed by something.
And her mind must be preoccupied because she didn't notice us coming from the
opposite direction.

The pale-skinned young woman fell on the floor butt first, grimacing. Al offered
his hand and helped the girl get back to her feet.

"Are you okay, miss?"

Pinagtinginan lang kami ng babae as if she was trying to read our life story with a
single glance. She was skinny, possibly keeping her shape through some sort of
workout. Parang hindi siya 'yong tipo ng babaeng madalas na ngumingiti.

She excused herself and walked to the opposite direction. Nang magpatuloy kami sa
paglalakad, muntikan na kaming banggain ng dalawang lalaki at isang babaeng tila
nagmamadali at may hinahabol. They stopped at the center of the lobby as if they
were looking for someone.

"They must be chasing after that girl," komento ni Al sabay baling ng tingin sa
amin. "She looked annoyed while those three looked concerned. Friends, probably."

"Oh, friends?" Loki muttered with disgust. "Thank God that I don't have one."

"But you have me, my dear!" Jamie insisted. Na-hurt yata siya sa sinabi ng kasama
ni Loki. Knowing that person, he doesn't have the same concept of friendship like
normal people do. "Don't worry, hindi kita iiwan. Hindi ako kagaya ng iba diyan."

Sa sobrang kapit mo ba naman kay Loki, talagang hindi ka mahihiwalay sa kanila.


Baka nga mapagkamalan pa kayong couple dahil sa sobrang closeness n'yo. And once
again, Loki didn't mind.

Thanks to the pass that we got from Stein, the security personnel allowed us to get
inside the conference room. Umupo kaming apat sa gitnang row ng mga upuan. May
isang mahabang mesang naka-set-up sa harapan at nakaposisyon na rin ang mga
cameraman sa iba't ibang sulok ng kuwarto.

As usual, Jamie clung to Loki's arm while Al was seated on my right. Napaaga yata
kami ng dating dahil wala pa sa kalahati ang mga tao rito. We waited for about
twenty minutes until people began arriving.

Nang mapalingon ako sa entrance, I saw the girl that we bumped into earlier along
with the three guys. Al was right, those three are probably her friends. Pero bakit
nandito rin sila? They don't seem to be members of the media. Maybe they also have
the special pass that we got?

All eyes were on the table when a man around thirty years of age appeared. He was
dressed in white polo and plain black pants. That person, according to the news
I've watched, is Nicholas Santos-the person who claimed to be the Secret Santa.

"Meron ba tayong dapat gawin dito sa press con?" I asked my seatmate Loki who was
staring at the wall. Mukhang malalim ang iniisip niya sa ganong postura at ni
minsa'y hindi siya kumurap.

"Hey, any idea?"

The moment I tapped his right shoulder, bigla siyang napatayo at huminga nang
malalim na parang

nag-dive siya sa karagatan. Dahil lumikha ng kaluskos ang kaniyang upuan, natuon sa
amin atensyon ng ilan. He wiped the sleep from his eyes and returned to his seat.

"What are you doing?" I hissed at him.

"I slept again... with my eyes open. Hypnos cradled me in his arms as we waited for
this press conference to start."

Hindi kaya made-damage ang mga mata niya kapag lagi niyang ginagawa 'yon? He said
before that he's using that technique when his classes bored him.

"Have you thought of any plans? The media are here. Heto na ang perfect opportunity
para i-expose natin siya."

"Clearly, we cannot shout 'You're a fake Santa!' while all cameras are on him,"
Loki answered as his eyes roamed the conference room filled with reporters.

"Baka ma-ban pa tayo sa hotel kapag ginawa natin 'yon," Jamie added. Parang may
glue yata sa mga braso niya dahil hindi matanggal-tanggal ang mga 'to kay Loki.

"Alam nating fake siya dahil sinabi ni Stein pero wala pa tayong ebidensya na
magpapatunay na hindi siya ang totoong Secret Santa," sabi ni Al. "Masyado pang
premature kung ilalabas na natin ang mga baraha natin dito."

"So we need to gather information first?"


"He will hold another press conference later in the evening to formally establish
the Secret Santa Foundation." Loki had a glimpse of the clock display on his phone.
"We have around twelve hours to find evidence that will expose him."

Jamie nodded. "The other benefactors will be there so that's the more perfect
opportunity to unmask him."

"But we need something solid," sabi ni Al. "We cannot present

theories that he can fight off. Magiging katawa-tawa tayo sa media."

"Who knows? Baka tayo pa ang ma-front page kapag inakusahan natin siyang fake pero
hindi natin mapatunayan," biro ni Loki. "Bad publicity is still publicity, right?"

Natuon na sa lalaking nasa harapan ang atensyon namin. The facilitator introduced
him as Nicholas Santos, a small business owner who helps people in need.
Pinalakpakan siya ng mga taong nasa conference room. And they really fell to his
trap.

"We will take questions from the members of the media," the facilitator said,
craning his neck as he looked for anyone whose hand was in the air.

The reporters began asking the most expected of questions: background ng buhay
niya, bakit niya naisipang maging Santa, sino ang naging inspirasyon niya at kung
ano ang mga susunod niyang plano. Kapag narinig mo ang mga sagot ni Nicholas,
talagang mahahabag ang damdamin mo. 'Yon siguro ang dahilan kaya marami siyang
nauto sa kaniyang kwento.

Once they're done, Loki raised his right hand. Dahil wala nang ibang nagtatanong,
the facilitator called him.

"Yes, mister?"

"Why did you reveal yourself before the media? You call yourself a Secret Santa but
now, your secret identity is no longer a secret."

Nicholas cleared his throat. He didn't look offended by the way Loki shot the
question. "Talagang gusto kong maging anonymous ang lahat ng ginagawa ko para sa
mga kababayan natin. Pero napagtanto ko noong isang araw ang potential nito. What
if meron ding iba na gustong tumulong sa mga kapwa nating Pilipino pero hindi nila
alam kung paano? Gusto kong maging inspirasyon

sa kanila at maging tulay para maging Santa sila tuwing Pasko."

For me, it sounded like a well rehearsed answer. Baka in-expect na niyang may
magtatanong kung bakit biglang nawala ang salitang "secret" sa Secret Santa.
Confident pa siya sa sagot niya.

"Other people can't help but ask: Maybe you are just claiming credit for the things
that you didn't actually do?"

The fake Secret Santa only smiled. "Bakit ko gagawin 'yon? At kung totoo ngang
credit grabber ako, e 'di sana meron nang nagpakilalang siya ang Secret Santa at
pinasinungalingan ako?"

Loki was about to rebut but someone else took the opportunity. One of the people
we saw earlier threw the follow-up question.

"Why the sudden decision to build a foundation gayong sa mga nagdaang taon ay mas
pinili mong tumulong sa tahimik na paraan?" The young man with serious face asked.
He somehow reminded me of my seatmate because of his pokerface expression. "Could
it be that you have a hidden agenda in this publicization? Like personal interest
or to commit fraud?"

For the second time, Nicholas replied with an awkward smile. Pasimple siyang
tumingin sa mga security personnel at parang sinenyasan sila.

"That's a bullseye!" Jamie sang out as she savored the priceless reaction on the
fake Santa's face.

"Sir, excuse me? Can you please come with us quietly?" Biglang may sumulpit na
security personnel sa gilid namin. Hinawakan niya sa balikat si Loki at nakangiting
binulungan.

"Why? I thought we were allowed to ask questions here?" tanong ni Jamie kahit hindi
naman siya ang sinabihan.

"Are you with him, ma'am? Huwag

tayong gumawa ng eksena rito kaya mabuti pa, sumama kayo sa akin."

The four of us looked slightly puzzled. Mukhang hindi nagustuhan ng mga organizer
ang pagtatanong kanina ni Loki. Nabaling ang tingin ko sa bandang kanan kung saan
meron din isang security personnel na kumakausap sa lalaking kakatanong lang.

Para wala nang gulo, we followed the guard who let us out of the conference room.
My hunch was right. Hindi nga sila natuwa sa paraan ng pagtatanong ni Loki. Pero
hindi lang pala kami ang pinalabas. Sumunod sa amin ang lalaking may seryosong
ekspresyon sa mukha pati na ang tatlo niyang kasama. They got kicked out as well.

"Hey! It's you who asked the first offensive question!" The bubbly guy with dyed
hair pointed at Loki. "You're so cool, bro! Nagkalakas tuloy ng loob si Gray na
magtanong din ng ganoong tanong. Tsk!"

Loki is not fond of talking to strangers. But he made an exception this time. "It
may be offensive but it is the truth. Why should we miss the opportunity to expose
a lie?"

The guy with the poker face approached him. "I hope you don't mind me asking why
you came up with such question?"

Our colleague only darted a glance at that person and chose not to reply. How rude.
Kung ayaw niyang magpaliwanag, e 'di ako na lang.

"I don't know if we should share this info with you, pero may nagsabi sa amin na
isang impostor ang nagpakilalang Secret Santa. We are here upon someone's request
to unveil the truth."

"Really?!" the girl with dimples exclaimed. Her voice was somehow... flirty like
when Jamie's teasing Loki. "You think that he is fake? That's what

we're up too! Something's fishy with him."

"Bestie! That's them," the bubbly guy whispered to the girl we already met earlier.
He seemed to be excited to meet us in person. Kilala niya ba kami?

"Them?" She stared at us with raised eyebrows.


"The QED Club! The four-man high school detective club that I told you before!"

The bubbly guy started shaking hands with us na parang politiko na tatakbo sa
eleksyon. Nagulat kaming apat kung bakit ganon na lang ang reaksyon niya nang
makita kami. Did we meet him somewhere before? I couldn't recognize his face. Jamie
also looked puzzled so I doubt na kilala niya ang lalaki.

"Finally got a chance to meet you all! We are the Detective Triumvirate. That guy
is Gray Ivan Silvan. On our triumvirate, he's the one on the apex," he said,
pointing at the poker-faced guy in their team. The name didn't ring a bell so baka
nga hindi pa kami nag-meet dati.

"This one is Amber Sison. She's the one on the middle," the guy touched the hair of
the girl we bumped into. Hindi yata niya nagustuhan ang ginawa ng lalaki kaya
tiningnan niya ito nang masama.

"And lastly, I'm Jeremy Martinez, the one on the base. And oh, don't get me wrong.
I am the base but that doesn't mean that I have the least task. Remember, in a
triangle, the base is the one with the largest part. I am the base because I have
the biggest and toughest task ever. And that is to stimulate my group's thinking in
preparation for the mind racking cases ahead. And oh, I am an avid reader of Miss
Lorelei's blog."

Re-Really? I was flattered to know that he's reading my online journal. Now I know
why

he seemed to know everyone in our club.

Pero teka, he forgot to introduce the other girl with dimples. Sinadya niya ba o-

"And that's Math," pahabol ni Jeremy as the unnamed girl glared at him. "Math. Just
Math."

"My name is Math Corazon, a detective just like the four of you," she said as she
began shaking our hands. Isa pa 'tong kakandidato yata sa eleksyon. "Wow! You
formed a detective club at your school? I planned to form one too in my previous
school but wasn't able to do it. I was drafting the club's CBL at that time para
ma-recognize na kami. But I became busy in our Debating Union since we're joining a
national competition at that time. Sumabay pa ang other commitments ko from other
organizations at school, maging sa student publication, kaya napabayaan ko ang
plano kong pagtatayo ng detective club. Oh well, that was fine dahil nag-transfer
na ako by the next school year. So hi!"

We were confused kung talagang ganon niya ipakilala ang sarili niya o sadyang gusto
niyang ipaalam sa amin ang mga achievement niya. Mas mahaba pa yata ang
introduction niya compared sa pinagsamang pagpapakilala sa tatlo niyang kasama.

"To sum it up, she's Math, the furniture shop owner," Jeremy added. So this Math's
a businesswoman as well? Or was that a reference to something else?

Anyway, it's our turn to introduce ourselves.

"I'm Lorelei Rios, the club vice president." I jerked my thumb to my colleagues
behind me. "Meet our club president who rarely smiles, Loki Mendez, and the ever
supportive member with braided hair beside him, Jamie Santiago."

"And I'm Alistair Ravena,

the newest member who just transfered to Clark High a few months ago." Ang kaibigan
ko na mismo ang nagpakilala sa sarili niya. "We have the same goal, same target but
different clients. Hindi kaya mas mabuti kung magtutulungan tayo para sa kasong
'to?"

"That's definitely a brilliant idea!" Math exclaimed. "That way we can-"

"There's no need for some kind of alliance between Jeremiah's group and ours," Loki
quickly cut her off which surprised us. "Gaya ng sinabi mo, Alistair, magkaiba ang
kliyente natin. We need to solve this case on our own, without any help from
outside parties."

"Loki dear is right!" Heto na naman si Jamie na laging naka-ready upang mag-second
the motion. "Nandito naman siya sa team natin kaya hindi na natin kailangan ang
tulong ng iba. No offense to you, guys."

"But Al has a point," I commented as I supported my friend's suggestion. "Wala


namang mali kung makikipagtulungan tayo sa kanila. Remember, we have nothing
concrete against the guy claiming to be the Secret Santa. If we have more manpower
and resources, baka mas madali nating maso-solve ang case na 'to."

"Maybe we should ask the other party first?" tanong ni Al sa amin bago niya hinarap
ang Detective Triumvirate. "What do you think? Are you open to the idea of working
with us?"

"Fine with me," sagot ni Gray. "Eight minds are better than four. Isa pa ay mas
mapapadali ang gawain natin if we will team up. Even if we have different clients,
we have the same motive."

"I've already made my decision," Loki butt in when the other guy paused. "We won't
be working with them. If you ask me, I wanna compete with them. Gusto kong malaman
kung ang team ba natin o ni Graille ang unang makakapag-expose sa pekeng Secret
Santa."

Ni hindi man siya nagpaalam bago siya nag-walk out. He only waved his hand and went
to the direction of the hotel lobby. Kaagad na sumunod sa kaniya si Jamie.
Nagtinginan muna kami ni Al at humingi ng pasensya sa Triumvirate.

We had no choice to follow our leader.

=================

Christmas Special • Case of the Secret Santa II: Roundabout

LORELEI

"WHERE DID my Loki go?" palingon-lingong tanong ni Jamie. She's been trying to call
our club president, but to no avail. "It's been twenty minutes since he left."

Himala nga kung paano nakawala si Loki sa kaniya. Para kasing nakadikit na ang mga
braso niya sa kasama namin.

"He's probably gathering pieces of information," sagot ni Al. "We only have about
nine hours before our last chance to prove that the Secret Santa is fake."

Loki loves doing things in his own way kaya minsan hindi niya kami ino-orient kung
ano ang plano niya. But since we are a team here, he should sometimes let us know
what's going on his mind. Kung hindi kami well coordinated, talagang mahihirapan
kaming i-solve ang case na 'to.

Ah, speaking of the devil! Kasabay ng pag-Ding! ng elevator ang paglabas ni Loki
mula roon. He's hands were in his pockets as he approached our seats. As usual, he
had that

unreadable expression on his face.

Sinalubong siya ni Jamie kasabay ang pag-cling sa kaniyang braso.

"I hope na hindi ka naligaw sa hotel within the twenty minutes na nawala ka,"
pagbati ko sa kaniya.

Loki crossed his legs as he sat on the couch. "Don't worry. My trip to the tenth
floor was fruitful."

"And what did you on that floor?"

"According to the personnel that I talked to along the way, Nicholas Santos is
staying in Room 1010. While he's still busy with the media, I decided to pay his
room a visit."

"You broke into his room?"

"Aren't you worried that the cameras might have caught you on video?" tanong ni Al,
bahagyang naningkit ang mga mata niya. "Baka nakunan ka ng CCTV nila?"

"You have nothing to worry about. The cameras are only placed in front of the
elevator."

"And what did you do sa kaniyang kuwarto?"

"I left note telling him that I know he's a fake. If he doesn't want me to expose
him to the media, he should call the number on the note. I told him that I'm
willing to shut my mouth in exchange for money."

"Let me guess. You want him to confess on phone that he's a phony?" Al deduced in a
confident tone. "Then you will record it so you have something to use against him?"

Loki smirked. "Brilliant, Alistair. That's exactly my plan. He had to look cool
earlier because the cameras were rolling. But what if he's alone in his room and he
read my message?"

Al nodded. "I like your plan. Pero sana sa susunod, inform mo kami tungkol sa balak
mong gawin. We are a team here, remember?"

He took the words out of my mouth.

"There's no need for that, Al!" Here goes Jamie again. "Ang kailangan nating gawin
ay magtiwala kay Loki dear. He knows what he's doing after all."

"And if I brought you three with me, it might appear suspicious that we are
gathered around a hotel room door while I'm lockpicking it," depensa ni Loki.
"All's well that ends well."

Nagsimula nang magsilabasan ang mga mediamen mula sa conference room. We saw the
cameramen bringing out their equipment and the reporters checking their notes.
Lumabas na rin si Nicholas Santos at pumasok sa elevator kasama ang ilang guest
kanina.

Inilabas ni Loki ang kaniyang phone at ipinatong ito sa glass table. "Now we wait
for him to call."

"How sure are you that he's not going to ignore your note?" tanong ko.

"He's a fake so he cannot easily ignore a threat that can compromise his secret,"
sagot niya. "If he's the real one, hindi niya papatulan ang note. Pero kung-"

Beep! Beep! Beep!

Speaking of the devil. Just as Loki predicted, an unknown number flashed on the
screen. We leaned closer to the phone as our companion put his finger before his
mouth, warning us to keep quiet.

Loki cleared his throat before his finger swiped the screen to answer and pressed
the loudspeaker option.

"Inaasahan kong tatawagan mo ako, fake Santa." Loki's monotonous voice turned
baritone with matching accent pa.

"Porke't tinawagan kita, hindi nangangahulugan 'yon na-Bzzz-totoo ang mga paratang
mo. You're not the first one to accuse me of being a impostor."

"Alam nating dalawa ang katotohanan kaya-Bzzz-huwag kang

magpanggap na ikaw talaga ang tunay na Santa."

There's something weird in the communication lines. Parang may naririnig akong
static every now and then. Or maybe it's just me.

"Let's say totoo ang sinabi mo, for the sake of discussion lang, meron ka bang
ebidensya? Dahil baka-Bzzz-ginagawa mo lang ito para siraan ako?"

"Hindi ko kailangan ng ebidensya. Ang kailangan ko-Bzzz-ay iyong konsensya."

"Konsensya? Wala naman akong ginagawang-Bzzz-masama. Gusto kong makatulong sa mga


taong nangangailangan. Anong masama roon?"

"Pero inaangkin mo ang hindi sa 'yo-Bzzz-kaya lahat ng mabuting hangarin mo ay


katulad mo. Peke."

Medyo weird na marinig na diretsong magsalita ng Filipino si Loki. Nasanay kasi


akong laging English ang ginagamit niya. But I understand him. He needed to change
the way he speaks and the tone of his voice para hindi siya makilala ng fake Secret
Santa.

"Kung sinuman ka man-Bzzz-siguruhin mong meron kang ebidensya bago ka mag-akusa.


Otherwise, this is nothing but-Bzzz-an empty threat."

"Huwag kang mag-alala, makakahanap ako ng ebidensya para patunayang hindi talaga
ikaw ang Secret Santa, impostor."

"Do your worst. Teka, you went into-Bzzz-my room, right? May mga naririnig akong
static noise habang-Bzzz-nag-uusap tayo. And it's really annoying. Did you-Bzzz-bug
my room?"

"Hindi na kita kailangang tawagan pa kung naglagay ako ng bug sa kuwarto mo."
"Anyway, it's nice talking to you. Better luck-Bzzz-next time. Hahanapin ko ba ang
listening bug na-Bzzz- nakatago sa hotel

room ko."

At binabaan na niya kami ng tawag.

"I assume na hindi ikaw ang nag-iwan ng listening bug?" sumandal si Al sa couch
matapos ang intense na limang tatlong minutong pag-uusap nila.

Loki shook his head, his eyes slowly squinting. "I didn't bring any of Herschel's
gadgets with me so there's no way that I can plant a bug. At dahil ako lang ang
pumunta sa kaniyang hotel room kanina, imposibleng isa sa inyo ang naglagay non."

"If not us, then who?" Jamie roamed her eyes at the three of us.

Al touched his chin. "Maliban sa atin, meron pang isang group na interested sa fake
Secret Santa."

"The Detective Triumvirate plus one!" I exclaimed.

"I must say that I'm impressed. They have their own version of Herschel in their
team," Loki commented, but he was in no way looking any impressed. "So they decided
to take our challenge, huh?"

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ayaw mong makipagtulungan sa kanila," sabi
ni Al. "We have the same target but different clients. If we will coordinate with
them, mas mapapadali ang pagso-solve natin sa kasong 'to."

Jamie raised her right eyebrow. "Ano ka ba, Al? We already have Loki on our side!
Hindi na natin kailangan ang tulong nila."

"Look here," Al's hands made some gestures. "Kung nakipag-coordinate tayo sa
kanila, we would know na naglagay sila ng listening bug sa hotel room ng fake
Santa. Dahil nag-iwan ng note si Loki para tawagan siya, kaagad nabuking ni
Nicholas ang move ng kabilang team. Parang nabulilyaso natin ang plano nila."

"He would eventually find out about the bug once he makes other calls," Loki
explained. "So that thing

being discovered is inevitable."

Napabuntong-hininga na lamang si Al at muling sumandal sa couch. Sometimes there's


no point in arguing with Loki. There are times na nababago namin ang isip niya
tungkol sa kaniyang strategies, pero bilang sa mga daliri ang mga pagkakataong
'yon.

* * *

Pagpatak ng alas-dose ng tanghali, we decided to take our lunch. Wala rin naman
kaming mapapala sa kahihintay sa lobby. Sa hotel restaurant na kami dumiretso dahil
walang malapit na fast food chain.

Habang maikli pa ang linya sa buffet-style service, pumila muna kaming apat. Loki
only got himself a glass of water. When asked why he wasn't eating, he replied with
the Sherlock Holmes quote about the brain working better on an empty stomach. Both
me and Al got our usual serving of meal while Jamie only took some fruits and
vegetables dahil nagda-diet daw siya.
Pinuntahan namin ang bakanteng mesa na pangwalong customer. We would opt for a
smaller table that can accommodate four persons if only there's a vacant one.

Sinubukan ni Jamie na subuan si Loki, but the latter refused to be fed like a
child. Tahimik lang kaming kumakain ni Al habang pinaglalaruan ni Loki ang
natitirang tubig sa kaniyang baso.

"Hi! Do you mind if we share table with you?"

A familiar voice surprised us from behind. It was the bubbly guy earlier named
Jeremy and his three other friends.

"As you see, wala na kasing bakanteng mesa sa paligid." Hindi pa rin nawawala ang
tila na-starstruck niyang expression sa mukha. He looked sincere with his
admiration for my blog and

he didn't strike me as a man who's two-faced like Jamie.

"NO," Loki answered with a resounding voice.

"YES, you can sit with us," I said, motioning to the four vacant seats around the
table. Saktong-sakto para sa aming walo ang mesa.

They thanked us before taking the seats.

"Why don't you feel comfortable with these guys?" I whispered to Loki who's seated
on my left. Looking a bit annoyed, he continued playing with the water in his
glass. "They also have the same noble intention like ours. Kaya I don't get your
hostile attitude towards them."

He put down his glass and started hissing like a snake. "First, I don't want to
engage in a conversation with people who call themselves Detective Triumvirate when
in fact they are actually four. They should call themselves Detective Quadrumvirate
for obvious reason!"

"Nakalimutan mo yatang Detective Triumvirate plus one ang tawag ni Jeremy sa


kanilang grupo. And there must be a reason why they stuck to that name. Huwag mo
silang kaagad i-judge. Napakababaw naman kung group name ang dahilan kaya ayaw mo
silang makasama?"

Napapasulyap na sa amin ang iba naming kasama kaya tumigil na kami sa


pagbubulungan. Halata kasing sila ang pinag-uusapan namin.

Bago pa makasubo ng pagkain si Jeremy, he took out his phone and clicked on the
camera app. He stretched out his right arm, trying to find an angle that will put
us all in one frame.

"Can we take a groufie?" he grinned. "I'm gonna upload it on Instagram with the
caption Is this real life or is this just fantasy?"

"Stop it, Jeremy. We're here to eat." Amber

scolded him. They looked embarrased for what their friend was doing. Wala namang
isyu sa amin ang pagkuha niya litrato.

"Pareho tayong nandito upang mangalap ng impormasyon tungkol kay Santa, 'di ba?" He
asked after putting down his phone and looking a bit disappointed. "At dahil diyan,
it is my honor to share my stimulating quizzes to the QED Club."
Quizzes? My colleagues and I curiously looked at him. It might be a good ice
breaker between our groups, considering that Loki publicly declared war against
them. Mas na-curious ako kung bakit napasinghap ang mga kasama niya.

"Correction, it's called Stupid Puns," Math warned, earning a glare from Jeremy.

"Don't mind her. Hindi kasi niya masagutan ang quizzes ko kaya bina-badmouth niya
ako sa inyo."

"Go ahead," Al put down his spoon and fork as he prepared to listen.

Jeremy cleared his throat, looking at us one by one. "What do you get when you
cross a Santa and a detective?"

"Uhm... Santa Cross?"

"Eeeeeenk!"

"Shoot."

"E 'di SANTA CLUES! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Napahalakhak sa tuwa si Jeremy and


it's kinda embarrasing dahil pinagtitinginan kami ng mga nasa katabing table. Ang
mga kasama niya'y napatampal sa noo at napailing habang kami nama'y nagtitigan,
nagtataka kung anong nakakatawa doon.

Loki's expression didn't change but I could feel him getting annoyed by what seemed
to be a joke. Al, on the other hand, only smiled. I have known him as a man who
expresses himself genuinely. But him smiling at one of the lamest puns I've ever
heard in my lifetime made me doubt about that. Either napilitan siyang tumawa para

may maka-appreciate sa joke o mababaw ang kaligayahan niya.

"What?" Tumigil sa pagtawa si Jeremy nang mapansing walang sumasabay sa kaniya.


"Tsk, that was easy pero hindi niyo nasagot? Oh, I'm so disappointed."

"And this is one reason why I didn't want to share table with them," Loki whispered
as he averted his gaze.

"Let's move to the next one!" Despite the lack of appreciation, mukhang iba pang
baong puns si Jeremy. "Ano ang pinagkaiba ng Snowmen sa Snowladies?"

"Their gender!" Loki was the first to answer since no one dared to. He sounded
serious and at the same time irritated. "Obviously snowmen are male while
snowladies are female."

"Eeeeenk! Mali pa rin. It's SnowBalls! HAHAHAHAHAHAHAHA! Sorry, that was kinda
green."

Nakita kong nagtitimpi ang mga kasama ni Jeremy lalo na si Amber na huwag siyang
kaladkarin palabas ng restaurant o 'di kaya ibusal sa kaniya ang kanin sa plato.
Again, wala na namang naka-appreciate ng joke ni Jeremy.

"Let's try this easy one. What do you call people who are afraid of Santa Claus?"

Oh, so there's another one? Marami talaga yata siyang baon na puns.

"Santaphobia?" It was Alistair's turn to make a guess. Considering the first two
puns, the answer must be also lame.
"It's claustrophobic! HAHAHAHAHAHA!" Muli na namang napahalakhak si Jeremy sa
sarili niyang joke kaya muli ring napa-facepalm ang mga kasama niya. If they could
only gag his mouth, they would have done so. Meanwhile, Loki began playing with the
knife on the table. Pray that he won't throw it at the quiz master.

"You! Bakit ganyan ang hairstyle

mo?" Jeremy asked Loki out of the blue, leaning a bit closer to our companion.
Pasalamat siya dahil hindi siya sinaksak ni Loki gamit ang kutsilyo.

"Do you have any problem with it?"

"Kung tatlong piraso na lamang ang buhok mo, anong gusto mo? Nakakumpol o
nakakalat?" tanong ni Jeremy.

Only Math, who almost choked herself, laughed at that joke. Kaagad siyang inabutan
ng isang basong tubig ni Al bago pa siya tuluyang mabilaukan.

"If it weren't Christmas, I would have murdered a guy right now," Loki muttered as
he played the knife with his fingers.

Maybe Jeremy felt that Loki's no longer amused with his puns so he decided to stop
and started enjoying his meal.

No matter how lame his jokes were, at least he managed to break the ice.

Our attention was diverted to someone else when the people around us turned to the
door of the hotel restaurant. Nicholas Santos, still being followed by the media,
entered and sat at one of the now vacant tables.

"He should enjoy the spotlight while it lasts," bulong ni Loki. "Soon, once the
world learns of his deception, he would pay the price."

Maging ang ibang customer sa restaurant, hindi na rin napigilang lumapit sa Secret
Santa at kumuha ng selfie kasama siya. Parang nagkaroon nga ng isang pila rito-isa
para sa buffet at isa para kay Nicholas.

While everyone's busy with him, I noticed a young kid na parang ayaw papasukin ng
restaurant crew. He was showing a piece of jewelry or necklace inside a plastic
bag. Nakikiusap yata siya na kung pwede ay hayaan siyang makapasok.

I excused myself from my colleagues

and approached the kid. I told the guard that he's my cousin.

"Pasensya na ho, ma'am. Hindi niya kasi kaagad sinabing may kasama siya sa loob,"
paumanhin ng guard.

Nagpaalam na ako sa kaniya at hinawakan ang kamay ng bata. Nakikita ko sa


pagmumukha niya na medyo hindi siya komportable.

"Don't worry, hindi kita kikidnapin," panigurado ko. Bago kami makarating sa aming
mesa, napaupo ako sa harapan niya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. I
don't know why I decided to let this kid inside the restaurant. But I could feel he
has something to say.

"Bakit gusto mong pumasok dito?"


"Gusto ko po kasing ipakita 'to kay Secret Santa," sagot ng bata sabay pakita ng
heart-shaped locket. "Ibinigay niya po kasi sa akin ito noong nasa ospital pa ako."

"May problema ba, Lorelei?"

Hidni ko namalayang nasa likod ko na pala sina Amber at Jeremy, mukhang na-curious
kung bakit bigla kong nilapitan ang bata.

"What's your name, kid?" tanong ni Amber.

"Rudolph po, ate," sagot ng bata.

"He said he wanted to meet the Secret Santa," sabi ko.

"Naku! Huwag mo nang pangaraping ma-meet siya! After all, he's a fa-"

Before Jeremy could finish the sentence, Amber quickly shushed him.

"Saan at kailan niya ibinigay ang locket na 'to sa 'yo?" tanong ko.

"Noong last Christmas po. Kinailangan ko po kasing sumailalim sa bone narrow


transplant kaso walang pera sina mama na pambayad ng bill. Mabuti na lang po,
dumating si Secret Santa at siya na ang nagbayad sa operasyon ko."

"Paano mo siya na-meet sa ospital?"

"Pagkatapos ko pong maoperahan, sinabi po

ng nurse sa akin na nandyan 'yung lalaking nagbayad sa bill. Hinabol ko po siya sa


hallway at doon ko siya nakausap."

"Namumukhaan mo ba siya?" tanong ni Jeremy. "Kamukha ba siya ng lalaking nandito


ngayon sa resto?"

Napatingin sa sahig ang bata. "Hindi ko na po matandaan ang mukha niya kasi
nakasuot siya ng sumbrero noon at naka-shades pa."

"Pero sigurado kang siya nga ang Secret Santa?"

Tumango ang bata. "Ibinigay niya sa akin ang locket na 'to bilang lucky charm.
Nagbiro pa nga siya na kapalit daw nito, wala akong pagsasabihan na nakausap ko
siya."

"Can we borrow the locket for a while?" tanong ni Amber.

Eh? Bakit naisipan niyang hiramin?

"We will meet the Secret Santa in person later," she went on, smiling. "I was
thinking na baka kapag ipinakita namin ang locket sa kaniya, maalala ka niya at
makipagkita din siya sa 'yo nang personal."

"Ta-Talaga po?! Gagawin n'yo po 'yon para sa akin?"

Hindi pa rin mabura-bura ang ngiti ni Amber, ibang-iba sa ekspresyon niya noong
unang nagkita kami. "Yes, kung okay lang sa 'yo na hiramin namin. Ibabalik din
namin sa 'yo kapag natapos na kami."

With such soothing words, the kid voluntarily handed the locket over to Amber and
smiled. "Thank you, ate! Gustong-gusto ko talagang makausap si Secret Santa para
makapag-thank you ako nang personal sa kanya."

"Kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain?" tanong ni Jeremy. "Tara, pila tayo doon sa
buffet."

Naiwan kaming dalawa ni Amber habang sinamahan ni Jeremy ang bata sa pila.

"Anong plano n'yong gawin sa locket? Bakit kailangan n'yong hiramin?"

"You heard

the kid earlier. Ang sabi niya, galing mismo kay Secret Santa ang locket. Kung
totoo 'yon, that would mean na posibleng may fingerprints pang naiwan dito. Kung
iko-compare natin ang prints dito at ng nagpakilalang Santa, we can produce a
supporting evidence to our theory."

"So ipapadala n'yo sa pulis ang locket para maisailalim 'yan sa fingerprints
analysis?"

"No need. Math has a device that we can use to match the prints. Kailangan lang
nating makakuha ng fingerprints ng fake Santa para meron tayong basis."

I can't help but smile. "I think I know the perfect person for the job."

"Who?"

Without answering her question, bumalik kami sa aming mesa. Saktong kakatapos lang
kumain ng mga kasama namin.

"We found a way on how we can expose the fake Santa," anunsyo ko sa kanila.

"That's good. But it would be better to announce it without the presence of the
other party," sabi ni Loki.

"No," sagot ko sabay harap kay Amber. "This time, it would be best if our teams
will work together."

Amber nodded before showing the locket in a plastic bag. "We talked to a kid who
happened to meet the Secret Santa in person last Christmas. And he gave this locket
to him. I'm planning to ask Math to have the fingerprints checked. We still have
around six to seven hours. Enough na siguro 'yon para sa analysis."

"The problem is wala pa silang prints mula sa nagpakilalang Secret Santa," I


crossed my arms over my chest. "But I already found a way on how we can produce
them."

"How?"

"Kailangan namin ang skills mo, Jamie."

"Eh? Ako?!" napaturo pa siya sa kaniyang sarili at saka lumingon-lingon

sa paligid. Siya lang ang nag-iisang Jamie na kilala namin dito kaya wala na akong
ibang tinutukoy pa. "Bakit ako? At bakit ikaw ang nagde-decide kung anong dapat
nating gawin?"

"Hindi na natin dapat pagtalunan 'yan, Jamie. While the fake Santa is here, heto na
ang perfect chance natin para makakuha ng prints niya."
"But how?"

I pointed at the people who are waiting for their turn to get a selfie with
Nicholas Santos. "Pwede nating i-take advantage ang pilang 'yan para makakuha
tayo."

"Should I approach him and say, 'Hey, can I have your fingerprints please?' then
walk away after?" Jamie sounded annoyed. She never liked being ordered by me.

"You can ask for a selfie and ask the fake Santa to touch your phone with his
hand," Loki suggested. "His prints will be on it."

"But we need to get the prints of both hands," dagdag ni Al. "Maybe you can find a
way to make him take a selfie with his left hand. He's right handed kaya kung
magpapa-autograph ka rin sa kaniya, he would definitely use that dominant hand to
hold the pen."

I heard Jamie click her tongue. Alam kong ayaw niyang gawin at talagang kaagad
niyang tututulan ang idea. Pero dahil nag-comment na rin si Loki sa plano, she will
have no other choice but to do what needs to be done.

"Fine. I'll do it!" she exclaimed as she started wiping the fingerprints off her
phone. Hinawakan niya ito sa gilid para hindi na dumikit ang kaniyang prints.

We watched as she lined up for the fans of the Secret Santa. Dahil puro selfie lang
naman ang request ng mga tao, mabilis na umusad ang pila. When it was her turn, she
gave a pen and a piece of paper to Nicholas. Gaya ng sinabi ni Al, hinawakan niya
sa kanang kamay ang ball pen. Pero bago pa siya makapagsulat, iniabot ni Jamie ang
kaniyang phone at ipinahawak ito sa kaliwang kamay ng Santa.

Dahil may hawak na sa kanan si Nicholas, wala siyang choice kundi hawakan sa kabila
ang phone. He didn't even suspect that the girl he was talking to is working for
the man who threatened to expose his secret.

It was all too easy for Jamie. She delicately held the pen and the phone with our
target's fingerprints. Maingat niya itong iniabot kay Math.

"Take care of my phone," paalala niya. "Maraming memories na naka-save diyan.


Return it as soon as you're done."

Now all we have to do is wait for the results.

=================

Christmas Special • Case of the Secret Santa III: Parting of Ways

LORELEI

MAG-AALA-SAIS NA nang makatanggap kami ng tawag mula sa Detective Triumvirate (plus


one!). Math, who was on the line, told us that she already confirmed it.

Pagsapit ng alas-siyete ng gabi, nagsimula nang magsidatingan ang mga taga-media


para i-cover ang pagbuo ng foundation para sa mga anonymous donor. We went down the
conference room by the time that everything's prepared. Noong una, ayaw pa kaming
papasukin ng security personnel sa loob dahil nga sa nangyari kanina. Thanks to
Jamie's charm, she convinced the guard to let us in.
The Christmas songs played on repeat habang hinihintay namin ang pagdating ng man
of the hour. Magmula pa kanina, parehong mga kanta ang pinapakinggan namin kaya
siguro mukhang iritable si Loki.

Pero wala pa rin ang Detective Triumvirate (plus one!) sa venue. They should be
here by now to support our theory.

Moments later, dumating na si

Nicholas kasama ang ilang guests. Like earlier, he sat before the table in front.
Pero ngayon, may mga kasama na niyang nakaupo sa harapan. It was, after all, a
signing of a memorandum that will lead to the establishment of a foundation.

When the cameras started rolling, Loki raised his right hand. Parang deja vu ng
ginawa niya kaninang umaga.

"Uhm... We will accept questions later after the signing," sabi ng facilitator.

"I wanna say something to our no longer Secret Santa."

Palapit na naman sa puwesto namin ang security personnel. Nangako kami kanina na
hindi namin i-interrupt ang event pero siyempre, we cannot just sit here and let
the fake Santa take all the credit.

"We met a kid earlier who wants to meet you again in person. You helped his parents
pay the bills a year ago. Do you mind if we allow him inside the hall?"

Nicholas flashed an awkward smile. Dahil hindi nga siya ang tunay na Santa, hindi
niya alam ang tungkol sa bata. But he needed to pretend that he knew the kid. "By
all means, let him in."

Al excused himself as he fetched the kid waiting in the lobby. Gaya ng ipinangako
ni Amber kanina, we will find a way for him to meet his savior. But little did he
know that man he's about to face is a phony.

Sinamahan sa harapan ni Al ang bata para mas malapit nilang makita ang
nagpakilalang Secret Santa.

"Do you remember him?" tanong ni Loki.

"Marami na akong tinulungan na bata kaya hindi ko na matandaan ang kanilang mga
pangalan. Pero pamilyar ang mukha niya. I think that I already met him somewhere."

"His name's Rudolph," Al introduced the

kid while touching him on both shoulders. "Kinailangan niyang operahan sa isang
general hospital dahil sa isang sakit. Nagkausap nga raw kayo noong paalis ka na ng
ospital noon."

"Ah, yes! I remember now!" nagliwanag ang mukha ni Nicholas na para talagang kilala
niya ang bata. "Narinig ko mula sa mga nurse noon na walang pambayad ang mga
magulang niya para sa operasyon kaya ako na mismo ang sumagot sa kanilang bill."

"What exactly was his illness?" Loki asked, his face remained expressionless
despite the fact that the enemy was falling into his trap.

Nicholas' eyes blinked as he looked up. Pilit niyang hinuhulaan kung ano ang sakit
na inoperahan sa bata. The only way for him to get the correct answer is to read
our minds, which is impossible.

"Uhm... Lymphoma?"

"Wrong!" Biglang lumakas ang boses ni Loki kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.
"He had a leukemia so he needed to undergo bone marrow transplant. How can you not
remember that?"

"If I met a kid with a certain illness and I decided to help, matatandaan ko kung
anong sakit niya," dagdag ni Jamie na todo suporta na naman sa mga pahayag ni Loki.
"Hindi ba't kahina-hinala na hindi mo alam ang ganong kaliit na detalye?"

Ayaw kong depensahan ang unti-unting nako-corner na fake Santa, but not all people
have sharp minds like you two. Ni hindi ko nga maalala kung anong kinain ko two
nights ago. Surely, Nicholas would find a way to get away with it.

"Sinabi ko na sa inyo, marami na ang akong mga natulungan. Do you expect me to


remember every single face, every single problem and every single disease?"

I knew he would

use that as a defense.

"But you do remember this kid?" Al asked, smiling. "That you met him a year ago in
a hospital?"

"Nakalimutan ko na kung saang ospital pero pamilyar nga ang mukha niya."

"Do you remember giving him a locket?"

"Huh? A locket?"

"Nang makausap namin ang bata kanina, he told us that you gave him a locket as a
good luck charm for his health. Naaalala mo pa ba 'yon?"

"Ye...s, I think so," Nicholas answered with hesitation. "Minsan binibigyan ko ng


memento ang mga taong tinutulungan ko para sa ganon ay maalala nila ako at para ma-
inspire din silang tumulong sa iba kapag kaya na nila."

If I didn't know the truth, he would sound so convincing and inspiring that I might
sign up for his soon-to-be-built foundation.

"I hope we made it on time!"

The Detective Triumvirate with Gray on the lead entered the conference room. We all
set our eyes on the locket he was holding. A letter M was engraved on its surface.
"If you're not a phony, do you recognize this locket?"

Annoyed by the sudden interruption, tumaas ang boses ni Nicholas pero halatang
natitimpi na siya sa galit. "Oo naman! That's the locket that I gave the kid after
I paid his hospital bills! Right, kiddo?"

"Talaga?" Sunod na nagsalita si Jeremy na sinalo ang locket na inihagis ni Gray sa


kaniya. Well, they're putting up a better show than us. "I thought the M here
stands for Mathilde. But you said it is your remembrance to this kid here. So ano
ang M? Mudolph? Manta Claus?"

He threw the locket at Math who caught it by her right hand. Sinuot niya ito bago
sinimulan ang kaniyang paliwanag. "It's all over, Nicholas
Santos. You're not the Secret Santa. We can give you proof if you want. And I
assure you, our evidence is concrete enough to prove that you are a phony. Mom gave
me this locket kaya imposibleng ito ang ibinigay mo kay Rudolph."

"Thanks to Jamie's efforts. We were able to obtain your fingerprints and compared
it to the fingerprints from this locket." Amber showed the real locket that she got
from Rudolph. "Unfortunately, they don't match. That's why we came with such
conclusion."

Cornered, Nicholas looked for the way out of the conference room. Every tinge of
color has left his face and beads of sweat began forming on his forehead. Nakatutok
pa rin ang camera sa kaniya, waiting for his defense to the accusations thrown at
him.

Wala na siguro siyang maisip na palusot kaya tumakbo siya patungo sa exit. He ran
as fast and desperately as he could to reach the door. Mabuti na lang, mas matuling
tumakbo si Al sa kaniya at kaagad siyang naabutan bago pa siya makatakas. Our
friend took the fake Secret Santa down on the floor and placed his hands on his
back. Pinilit niyang pumalag, pero dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Al, hindi
siya nakawala.

Despite the revelation, he still got what he wanted-media milleage. Nakatutok pa


rin sa kaniya ang mga camera habang pinipilit niyang kumawala sa mga kamay ni Al.

"He tried to reap what he didn't sow," Loki commented as he watched our target roll
on the floor. "Serves him right."

"Pero hindi na hahantong dito ang sitwasyon kung nagpakilala ang tunay na Secret
Santa," sabi ko. Ang mga security personnel na ang may hawak ngayon

kay Nicholas. "He could have easily disputed the fake Santa's claim."

"The real Secret Santa wants to keep his identity a secret, hence his silence on
the matter. He does not want the spotlight. Maybe it didn't matter for him if
someone grabs the credit. He will still continue his anonymous contributions."

"But I have a feeling... that whoever the Secret Santa is, he had a hand in this
expose." Jamie squinted her eyes as she turned to us. "Stein referred this case to
us. Someone asked the Detective Triumvirate plus one to also investigate the fake
Santa."

"So there's a possibility that Stein Alberts is the one true Secret Santa?" Loki
asked mockingly. "As far as I can remember, he gives away dead bodies as gifts, not
only during Christmas."

"Baka ang ibig sabihin ni Jamie, connected ang mga client natin sa totoong Secret
Santa, kundi man sila ang good Samaritan na 'yon," I explained. "Baka nga ayaw niya
talagang magpakilala pero posible ring gumawa siya ng paraan para mabuko ang taong
gumagamit sa pangalan niya."

At least we have fulfilled the end of our bargain. Dahil kino-cover na ng media ang
recent development sa Secret Santa news, malamang alam na ni Stein na na-solve na
namin ang kaso.

Speaking of the media, they began huddling around us. Gusto siguro nilang makakuha
ng scoop kung paano namin nalaman na fake ang nagpakilalang Secret Santa.

"Now that the case is closed, we can finally leave," Loki led his way out of the
conference room bago pa kami tuluyang ma-corner ng mga reporter. Ni hindi na niya
kaming nagawang hintayin. Hindi kaagad nakasabay sa amin

si Al dahil siya ang unang dinumog ng media. Mabuti na lang, nagamit niya ang
pagiging maliksi para makatakas.

Lumingon ako sa likuran kung saan nakapuwesto ang Detective Triumvirate. Naglupong-
lupong na rin ang mga mediamen sa kanilang paligid. I caught a glimpse of Amber who
was also looking at my direction. Nagawa ko pa siyang nginitian bago pa siya
matakpan ng mga reporter.

"Hey, aren't we going to say to the Triumvirate plus one?" Pinilit ko talagang
habulin ang bilis ng paglalakad ni Loki. Parang may hinahabol pa siyang
appointment. "Hey?"

"What for? We've done our part. They've done their part. No need for formalities
such as bidding farewells! And the media are on our heels!"

***EPILOGUE***

Mag-a-alas-nuwebe na ng gabi nang makabalik kami sa apartment. We invited Jamie and


Al inside para makainom muna ng tubig at makapagpahinga mula sa biyahe.

When reached our unit door, may natagpuan kaming isang maliit na kahong nakabalot
sa Christmas wrapper. Pinulot ito ni Loki at tiningnan ang nakasulat sa greeting
card. His expression changed upon reading the name of the sender.

"From whom?"

Ipinakita niya sa amin ang nakasulat sabay sabing, "It looks like our client has
fulfilled his end of the bargain."

Written in cursive, the name "Moriarty" could be read on the "from" blank. 'Yan na
siguro ang sinasabi niyang Christmas gift sa amin kapalit ng pag-expose sa identity
ng pekeng Secret Santa.

Loki unlocked the door as we entered our apartment unit. He shook the box near his
ear, probably checking if its content was a small bomb. While he's busy inspecting
it, pumunta kami ni Jamie sa kusina at naghanda ng maiinom para sa aming apat.

"So what's inside?" tanong ko pagkatapos makainom ng tubig.

"Clearly not a bomb so we're safe here." Loki placed the box closer to his eyes.

"Not booby-trapped?" Al asked, his eyes curiously observing Moriarty's Christmas


present.

"I don't think so. It's too small for any mechanism to fit in."

With curiosity getting the better of him, Loki started tearing the wrapper,
revealing the small container. Lumapit kaming apat sa kaniya para makita rin namin
ang laman.

He removed the lid and peeked at what's inside. Nanlaki ang mga mata niya at
biglang nagbago ang timpla ng kaniyang mukha. He closed the lid and walked around
the room. He seemed to be bothered by whatever he saw.

"A-Are you okay, Loki dear?" Jamie asked in a worried tone. "Is something wrong?"
But my roommate did not reply and kept on walking in circles. He put his hands
together close to his lips while his eyes were blinking more than usual.

"Hey, Loki?"

Still no response.

"Hey, Loki? Tell us what's inside the box."

###

A/N: Hello, there! Thank you for reading the Christmas special! I hope you enjoyed
reading it as much as we enjoyed writing it.

Project Loki will return to its regular schedule in the next update!

=================

Volume 2 • Chapter 32: The Haunt of Bougainville

A/N: Let us all greet 2017 with a BANG! HAPPY NEW YEAR, everyone!

LORELEI

LOKI IS still disappointed by the recent developments. Handang-handa na siyang i-


solve ang kaso na malamang ay konektado kay Moriarty.

But thanks to Inspector Double M, he could no longer do that. During Inspector


Estrada's term campus police chief, he can enter a crime scene whenever he wants
and offers his assistance for free. Ngayon, parang naka-blacklist na ang club namin
sa lahat ng pangyayarihan ng krimen sa Clark High.

Thus he became extremely frustrated. He tried to entertain himself by playing


Criminal Case as a substitute, but he wasn't satisfied. Jamie attempted to soothe
him, but to no avail.

A case. That's what he needs right now. Kailangan niyang i-distract ang sarili niya
sa ibang bagay. Mabuti na lang, may naisip akong kaso na pwede naming
pagkaabalahan.

"I thought mare-reject na naman ang request ko!" Rosetta rejoiced when I told her
that we are willing to accept her case. Nang sabihin ko kay Loki, hindi na siya
umangal pa. Kahit anong kaso yata, papatulan niya.

Pagsapit ng hapon nitong weekend, nagkita-kita kaming mga member ng QED Club at ni
Rosetta sa tapat ng school. Alistair brought his car so we wouldn't have any
problem with the transportation. Wearing my seatbelt, I sat on the passenger's seat
while Loki, Jamie and Rosetta sat at the back.

Bigla ko tuloy naalala, muntikan nang maging member ng aming club si Rosetta...
kundi lang ni-reject ni Loki ang application niya. Nakapag-move on na siguro

ang classmate ko. Hindi rin kasi siya nagpapakita ng kahit anong sign na may tampo
siya kay Loki.

"So we are gonna investigate if there's a ghost in a certain subdivision?" Al


glanced at Rosetta through the rearview mirror. "That's quite refreshing. Ito na
yata ang first supernatural case na iha-handle natin."

"If we count the ghost in the abandoned school building that Loki and I solved,
this will be the second one," sagot ko sa kaniya. Come to think of it, Rosetta also
referred that case to our club. I can still remember that incident. Little did we
know that we already met the enigmatic Moriarty inside that forsaken building.

"Sorry to trouble you, guys!" Rosetta played with her long, black hair. "Natatakot
kasi 'yong mga ka-member ko sa Paranormal Club kaya sa inyo ko na lang ini-refer."

"Paano n'yo nalaman ang tungkol sa multo? May nagbalita ba sa inyo?" sunod na
tanong ni Al.

"Na-share siya sa akin ng kaibigan ko. Alam niya kasing taga-Paranormal Club ako
kaya naisip niyang baka interesado kami sa kababalaghan sa subdivision nila."

"Tch."

Only Loki would click his tongue to express his annoyance. Either hindi siya
komportable na nakapagitan siya sa dalawang babae o naiinis siya sa narrative ni
Rosetta.

"And this is the main reason why you didn't get accepted to our club," he said as
his eyes looked away from his seatmate. "You believe in something that doesn't
exist! Ghost stories are made by our parents and elders just to scare us."

Despite the harsh words and tones, Rosetta did not seem to be offended. "Kaya nga
dinala ko sa inyo ang kaso. Gusto kong malaman kung

totoo nga 'yong rumor na may supernatural force na naging cause ng kamatayan ng
dalawang residents doon."

"You can cut my head off if the ghosts did kill those victims," Loki boasted. "For
all we know, their deaths were caused by human being who wanted to disguise them as
supernatural cases."

"Hey, don't say that, Loki!" Jamie finally broke her silence. "Hindi rin ako
naniniwalang ghosts ang pumatay sa kanila. But never gamble your life in something
trivial! I still need you by my side."

And here she goes again with her flirty remarks. Hinawakan pa talaga niya ang braso
ni Loki na parang ayaw na niyang pakawalan.

"It's so trivial and laughable that I'm willing to risk my life," Loki giggled.
"Let us prove to you once again, Roswell, that ghosts do not exist and that your
club's existence is a joke."

Ouch. Isa pa 'tong humihirit ng masasakit na salita sa kliyente namin. And her
name's Roset---oh, nevermind. He wouldn't remember anyway.

After less than an hour, we arrived at the gate of the Bougainville Subdivision.
The guards asked for Al's ID before lifting the boom barrier and letting our car
inside. We went past the two-storey buildings painted in white. Gaya sa subdivision
namin sa Manila, walang tao sa daan at nakakabingi ang katahimikan.

"Sino bang pupuntahan natin dito?" tanong ko sabay lingon kay Rosetta.

"A friend of mine lives here. I think kilala n'yo rin siya. Well, almost everyone
at school must have heard of her name."

Her? Babae? I don't recall any of my female classmates or schoolmates who live in
an exclusive subdivision.

Our

car stopped in front of another white house (that's exactly the same as the
others). Unang lumabas si Rosetta mula sa kotse para pindutin ang doorbell.

Ding-Dong!

Hinintay naming lumabas ang isang babaeng may mahabang kulot na buhok. Nang makita
ko nang malapitan ang kaniyang mukha, nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napabuka
ang bibig.

"M-Madame President?!"

The curly haired girl looked shocked when our eyes met. "QED Club? What a surprise!
Ang akala ko, taga-Paranormal Club ang kasama mo, Rosie."

"Hindi ko ba nasabi sa 'yo, Em? Sorry!"

Medyo nagulat din ako na palayaw ang tawagan ni Rosetta at ng student council
president. Ganon na ba sila ka-close?

"Who's she?" Loki mumbled. "Is she some sort of celebrity?"

"She's the student council president!" sagot ni Jamie. Pilit niyang hinihinaan ang
kaniyang boses para hindi marinig ng babaeng nasa harapan namin. "Nakalimutan mo na
ba, dear? Siya 'yong nagbigay ng award sa atin when we stopped the bomb threat."

"Ah!" Loki's face brightened up. "My brother's puppet!"

We all turned to him, mostly with confused faces. I nudged him on the elbow.
Napaka-rude namang tawagin niyang puppet si Emeraude.

"Sorry-I meant my brother's president," he quickly corrected.

Nginitian lamang siya ni Emeraude, mukhang hindi naman na-offend sa unang narinig
niya kanina. "You must be Luthor's brother. Marami na siyang nakuwento tungkol sa
'yo."

"I bet he told my most embarrasing moments at home."

"May ilan siyang nabanggit sa akin," Emeraude giggled. "Why don't you come in? Sa
loob na natin pag-usapan ang

ikukuwento ko sa inyo."

Pinapasok niya kami sa kanilang bahay. It was eeriely quiet, parang walang tao.

"My dad is on a out-of-the-country trip while my mom is working abroad," kuwento


niya nang pinatuloy niya kami sa kanilang sala. "Ako lang mag-isa ang laging
nandito kapag wala pa si papa."

I heard from Luthor that her dad was a politician (and quite rich too). 'Yon ang
dahilan kaya tinarget siya ng mga hostage-taker sa campus nitong linggo. Thanks to
Luthor and his "friends," we managed to save her out of trouble.
"Dito muna kayo. Maghahanda lang ako ng juice," sabi ni Emeraude. "Mag-relax muna
kayo diyan. Malamang napagod kayo sa biyahe."

"Samahan na kita!" At sumunod si Rosetta sa kaniya.

Nagtungo silang dalawa sa kusina habang naiwan kaming apat na member ng QED Club sa
sala. Loki sat on the sofa and played with his phone while Jamie positioned herself
beside him. Tumayo ako at naglakad-lakad sa paikot ng sala. I can't help but look
around while waiting for the return of the two.

"She looked different in this photo," Al appeared on my left, pointing at


Emeraude's portrait on the wall.

Halos walang pinagkaiba ang mukha niya ngayon at ang mukhang nasa larawan. Kaya
malamang recently lang 'yon kinunan. Straight pa ang buhok niya noon kumpara ngayon
na parang pansit canton.

After how many minutes, Emeraude and Rosetta returned, bringing glasses of orange
juice. Inilapag muna nila ang mga 'to sa center table bago sila umupo sa katabing
sofa.

"We came here to solve a case, not to drink some refreshments," Loki commented as
he put down his

phone.

"Don't mind him," I told our host and client. "He had a bad day kaya wala siya sa
mood."

"Who said that I had a ba-"

"You can tell us the case, now." Nilakasan ko pa ang boses ko para masapawan ang
pagprotesta ng kasama namin.

Emeraude cleared her throat. "Two victims of the so-called Haunt of Bougainville
were my relatives. The one who died with a heart attack was my uncle while the one
who crashed his car on the tree was my cousin."

"Coincidence?"

Our host shrugged her shoulders. "Walang nakitang kakaiba ang mga pulis nang
imbestigahan nila ang scene. But before my uncle suffered a heart attack, natawagan
pa niya ang anak niya at sinabing 'hinahabol ako ni Kamatayan!' Later that night,
he was found at the roadside with his right hand holding his chest tightly."

"Is it possible that your uncle was hallucinating when he encountered Death?" Loki
asked bluntly.

"Wala naman siyang iniinom na ibang gamot. Hindi rin siya nakainom noong gabing
'yon. Kaya paano siya inaatake sa puso?"

"How about your cousin?" tanong ni Al. "What made you think na related ang
pagkamatay niya sa tito mo?"

"Dahil hindi kami naniniwalang aksidente niyang mababangga ang isang puno dito
mismo sa subdivision. Una sa lahat, may mga poste ng ilaw sa bawat street kaya
malabong hindi niya nakita ang puno. Pangalawa, nang suriin ang car brake matapos
ang aksidente, walang nakitang problema rito. At pangatlo, hindi rin nakainom ang
pinsan ko noong bumangga siya."

"So you were thinking that he also got chased by Death?"

"Unlike my uncle, he didn't call

anyone to say what was chasing him. Pero malakas ang kutob namin na pareho ang
naging sanhi ng pagkamatay nilang dalawa."

"Naisip n'yo ba kung bakit hahabulin ni kamatayan ang mga kamag-anak mo?"

Emeraude bit her lower lip. "There are rumors na malas ang tinitirhang bahay ng
pamilya nila. They acquired it after their family friend failed to pay his debts to
them."

"At paano naging malas?"

"Bago pa mapunta sa tito ko ang bahay, pinapaupahan ng dating may-ari 'yon. Sabi ng
mga kapit-bahay, wala ni isang tenant ang nagtagal ng mahigit tatlong buwan doon
maliban sa isa na naaksidente noong pauwi na siya rito."

"You think that the house was cursed and that Death took the lives of your uncle
and cousin because they stayed there for more than three months?" Loki's eyes
squinted.

Emeraude nodded. "What else could have caused the misfortune on my relatives?
Despite the suspicious circumstances of their deaths, idineklara ng mga pulis na
aksidente ang pagkamatay nila."

Loki smirked. "My prior hypothesis must be true."

"Hypothesis?"

"That these deaths were in fact murders disguised as accidents. Whoever the culprit
is, he or she used the rumor of a curse justify their misfortune."

"Ang sabi ng tito mo, hinahabol siya ni Kamatayan?" tanong ni Al. "Kung totoo ang
theory ni Loki, baka merong nag-costume bilang si Kamatayan para takutin ang tito
mo?"

"But wouldn't he notice that someone was disguised as Death?" Jamie commented.
"Kung may nakita akong tao na may suot na itim na robe at may dala-dalang scythe,
I'd probably laugh at him."

"And it would be a joke if your cousin crashed

his car on a tree just because he saw a Grim Reaper cosplayer on the road."

"Wala bang CCTV camera sa bawat street ng subdivision?"

Umiling si Emeraude. "Tanging sa entrance gate may naka-install na camera. Kung


sanang naglagay sila stratetgically sa ilang parts ng subdivision, baka nalaman
natin kung ano ang eksaktong itsura ng humahabol kay tito o pinsan ko."

"Wala bang witness na nakakita kung ano ang humahabol sa kanila?"

"Merong isa o dalawang nakausap ang pulis. Narinig kasi nila ang pagsisigaw ng tito
ko kaya napatingin sila sa labas. Ang sabi nila, parang may tinatakbuhan daw siya.
May nakita raw silang parang lumilipad na itim na tela. Hindi rin sila makasiguro
kasi baka namamalikmata lang sila."

"Itim na tela?" That may not be enough to make someone run for his life and die of
a heart attack.

"Kung gusto n'yo, pwede nating puntahan ang bahay ng tito ko. Doon din nakatira
'yong mga anak niya. Baka pwede nila kayong bigyan ng insight."

Unang-unang tumayo si Loki mula sa couch. "Much better. I'd rather hear the stories
straight from their mouths. And if that house is cursed as you claim it to be,
there might be another victim from their family.

Inubos muna namin ang aming orange juice bago lumabas ng bahay. Nilagpasan lang
namin ang dalawang unit at tumigil sa tapat ng isang bahay. Naagaw ng nakaparadang
police car sa labas ang atensyon namin. May nangyari na naman bang aksidente?

Pinindot ni Emeraude ang doorbell at hinintay naming may lumabas. From the door, an
old lady who's probably at the same age as Tita Martha appearred and opened the
gate.

Nagdalawang-isip pa ang ale nang sabihin ni Emeraude na nandito kami para mangalap
ng dagdag na impormasyon.

"Aba, nandito rin ang mga pulis, nagtatanong ulit tungkol sa nangyari sa tito at
pinsan mo."

"Huh? Ang akala ko ho ba itinuring nilang aksidente ang kaso?"

"Tinitingnan din daw nila ang anggulo ng murder," sagot ng ale. "Ewan ko ba sa
kanila. Biglang nagbago ang isip nila. Ayaw nilang maniwala na baka ang sumpa ng
bahay ang may kagagawan nito."

"Pwede ho ba kaming tumuloy? Para marinig din namin kung anong itatanong ng pulis
sa kanila?"

Pinatuloy kami ng katiwala sa loob ng bahay. Bumungad na kaagad sa amin ang mga
kamag-anak ni Emeraude sa sala at may kausap na pulis na malaki ang katawan.
Somehow, his body frame was familiar as if I already saw him somewhere.

"Excuse me ho? Nandito ho ang mga kakilala ko sa school. Gusto rin kasi nilang
imbestigahan ang nangyari kay tito at sa pinsan ko. Sila nga ho pala ang QED Club,"
pagpapakilala sa amin ni Emeraude.

"QED Club?" Unti-unting lumingon ang pulis sa aming direksyon. Pagkaharap niya,
napansin ko ang pamilyar na makapal na bigote at ang ilang hibla ng kaniyang buhok
na namumuti na.

No doubt, it's Inspector Estrada!

"Loki! Lorelei! Jamie! Alistair, tama?" Nagliwanag ang mukha niya at nilapitan ang
grupo namin. Nagmistulang reunion ang pagpunta namin dito. Parang kamag-anak namin
siya na ilang taon na kaming hindi nakita. "Kumusta na kayo? Kumusta na ang Clark
High?"

"You

are sorely missed, inspector." I couldn't say whether Loki was smiling or not.
Ganon kahirap basahin ang facial expression niya. He worked with the former chief
of campus police for a year or two kaya malamang ay na-miss niya talaga ito. "Clark
High is better off with you as the chief."

Biglang natawa si Inspector Estrada. Hindi ko alam kung anong ranggo niya ngayon
kaya I will keep calling him in his old rank.

"Mukhang hindi kayo nagkakasundo ni Inspector Double M, ha? Inasahan ko nang


mangyayari 'yan. Ayaw niya kasing humihingi ng tulong sa mga taong hindi parte ng
official police force."

"Saan na kayo naka-assign ngayon?" tanong ko.

"Nasa Angeles City Police Department na ako ngayon, sa Major Crimes Division.
Coincidence bang nandito rin kayo o pilit talaga tayong pinagkukrus ng tadhana?"

"Why don't you return to the campus police?" Loki insisted. "This must be fate's
way of saying that Clark High needs you again."

But the inspector only flashed a bitter smile. "Isang malaking karangalan ang
nakapaglingkod sa inyong high school. Pero sabi n'yo ngang millenials, walang
forever. Dumarating talaga sa puntong kailangang umalis sa mga posisyong
hinahawakan namin."

If I remember correctly, Inspector Double M told us in our first encounter that


Inspector Estrada was relieved from his position. As chief of a police unit,
malaking sampal siguro 'yon sa kaniya.

"I thought the police already concluded that the two deaths were accidents," Loki
decided to change the topic. "Why are you still reviewing the case?"

"Gusto naming i-check kung posibleng murder ang nangyari, gaya ng sinabi ng aming
consultant."

"Consultant?" Loki's eyes narrowed into slit. "But I haven't contacted you in a
while. I haven't told you what I thought of this case."

"Ah, ibang tao ang tinutukoy ko," napakamot tuloy ng ulo si Inspector Estrada.
"Pwede mong sabihin siya ang bagong ikaw sa aming department. Kailangan mo rin
siguro siyang makilala. Siguradong magkakasundo kayong dalawa! Ah, nandiyan na pala
siya!"

We all turned to the door where a short-haired young woman entered. Kasing edad din
siguro namin siya.

"Sorry if I'm late, inspector. I just solved a murder in a restaurant. Who are
these-"

Nanlaki ang mga mata niya at lumawak ang ngiti sa kaniyang labi nang mabaling ang
kaniyang tingin kay Loki. Parang na-starstruck siya sa kasama namin.

"I am not dreaming, am I?" tanong niya sa inspector. "Is he really... that person?"

Inspector Estrada nodded. "In the flesh. Siya 'yong lagi kong ikinukuwento sa iyo.
Ang number one consultant ko sa Clark High noon. Coincidence na nandito rin sila."

Biglang nilapitan ng babae si Loki at hinawakan ang dalawa niyang kamay. Lalong
nagningning ang mga mata niya, tila nakakita ng artista. Jamie glared at her for
holding Loki's hand while Al stared at her curiously.

"You must be the legendary Loki! You can call me Hel, your number one fan!"
He-Hel?

"Do you mind if I call you 'dad'?"

###

=================

Volume 2 • Chapter 32: The Haunt of Bougainville (Father and Daughter)

A/N: This is the SECOND PART of the "Haunt of Bougainville" case. Read the first
part before you proceed.

LORELEI

JAMIE'S LOOK on her face is priceless. I would have taken a photo of it kung naka-
ready lang ang camera ko. Her temple was pulsating, her right eye was twitching but
she managed to keep a smile.

Kahit sino naman siguro, masosorpresa sa biglang paghawak ng stranger sa kamay ni


Loki. At ang mas nakapagtataka ay kung bakit tinanong niya ang kasama namin kung
pwede siyang tawaging "dad."

"Anong dad? E hindi pa nga kami nagkakaanak ni Loki," bulong ni Jamie. Parang may
nakikita akong usok na lumalabas sa kaniyang ilong.

Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang napatay na ang babaeng nagpakilalang
"Hel." What a weird name, by the way.

"Hey, Lori! We should do something about that girl!" she hissed at me. "Hahayaan mo
na lang bang may biglang umeksena at umagaw kay Loki?

Aba, teka. Bakit bigla tayong naging close ngayon at humanap ka pa ng kakampi sa
akin? I don't mind kung may biglang lumapit kay Loki. Gaya ng sinabi ni Hel, she's
a fan of our club president.

Staring at the mysterious young woman, Loki's eyes blinked for a few times. There
was a slight hint of surprise on his face.

"Magkakilala ba kayo, Loki?" nakangiting tanong ni Alistair.

Our president slowly shook his head without getting his eyes off the girl. "This is
the first time I've seen her. Though I understand why she wanted to call me dad."

"Why?"

"Hel is a goddess in the Norse mythology who rules over

Helheim," he explained. "She is one of the three children of the Norse God of
mischief sharing the same name as mine."

"As expected from you, dad~ You know me~" Hel was grinning widely. Pilit na inaalis
ni Loki ang mga kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak ng mga 'to. "How about
it? Do you mind if I call you dad? Do you mind~ Do you mind~"

"Al, may chainsaw ka ba sa car trunk mo?" tanong ni Jamie. "May puputulan ako ng
kamay mamaya."

"I am sorry." Dahan-dahang inalis ni Loki ang mga kamay ni Hel sa kaniya. "I don't
allow someone who's unworthy to call me 'dad' or any other nickname. You might very
well think that our Norse myth connection is a reason for you to call me as such,
but that isn't enough."

The smile across Hel's lips faded and her big, sparkling eyes became dull and
narrowed slightly. Biglang naging seryoso ang timpla ng kaniyang mukha.

"You are real. I thought you are a myth." Maging ang boses niya, naging malalim at
malamig. The tone somehow reminded me of Luthor's. "You are real."

"Now excuse us. We have a case to solve."

"We?" Hel repeated.

Muling napalingon sa kaniya si Loki. "Yes, 'we.' Me and my club. Got a problem with
that?"

"You can solve this case on your own, but I wonder why you decided to drag three or
four of your club members here? You consider yourself as a King on the chessboard.
But you cannot win the game with that piece alone, right? Is that why you brought
some pawns with you?"

"I bet Inspector Estrada told you too much about me."

"Just enough to satisfy my curiosity."

Nagkasukatan ng tingin ang dalawa,

parang bumigat ang atmosphere sa sala.

"That's not fair!" Jamie blurted. "Just to correct you, Hell, we are not pawns. I'm
his Queen while Lorelei and Alistair are his bishop and knight!"

Teka, hindi yata ako na-inform. Kailan pa naging queen si Jamie?

Hel only chuckled as she looked at my braided companion. "A white queen or a black
queen?"

In an instant, the annoyed expression on Jamie's face vanished. Napalitan ito ng


magkahalong pagtataka at pagkagulat.

"Anyway~ let me prove myself worthy of your attention by solving this case~" Hel
said in a sing-song tone. Muling nagbalik ang kislap sa kaniyang mga mata at
liwanag sa mukha. Sino kaya sa kanilang dalawa ni Jamie ang mas mabilis magpalit ng
expression?

"Napaka-insensitive n'yo naman!"

Napalingon kami sa mga taong kanina pa kami pinapanood. Muntikan na naming


makalimutang nandiyan sila sa sobrang intense ng mga eksena.

"Ano sa tingin n'yo ang nangyari sa tatay at kapatid namin? Isang laro?"
nanggagalaiting sabi ng lalaking nakasalamin at magulo ang ayos ng buhok.
Sasagot sana si Loki pero inunahan na siya ni Inspector-na ngayo'y Officer-Estrada.
"Pagpasensyahan n'yo na sila. Mga bata pa kasi pero sinisiguro ko sa inyong
makatutulong sila para malutas ang misteryo ng pagkamatay ng mga kapamilya n'yo."

"Mga detective sila sa aming school at marami na rin silang na-solve na kaso,"
dagdag ni Emeraude. "Kaya magtiwala lang tayo sa kanila."

Pinaupo na nila kami sa kanilang mga sofa. Halos kapareho ang interior design nito
at ng bahay ni Emeraude. Magkakatabi kaming mga miyembro ng QED

Club, magkasama sina Officer Estrada at Hel habang nasa kabila naman ang mga
kapamilya ng biktima.

"Ang sabi n'yo noong una, isang aksidente ang pagkamatay nina dad at kuya," sabi ng
lalaking nakasalamin na nagpapakilala sa amin bilang si Henry. He's the second
eldest son in the family. "Tapos ngayon biglang nagbago ang isip n'yo? Napaka-
incompetent naman yata ng mga pulis."

"Hindi naman sa incompetent kami," depensa ni Officer Estrada. "Meron kasi kaming
nakitang ibang anggulo para maipaliwanag ang ilang kakaibang senaryo sa pagkamatay
nina Sir Hugh at Charlie."

"Teka, baka naniniwala kayo na isang sumpa ang pumatay sa kanila?" natatawang sabi
ng lalaking naka-ponytail ang buhok sa sobrang haba. He introduced himself as Jack
Basco, the third son in the family.

"There's no curse involved here~" Hel replied with a playful voice. She was playing
with the strands of her short hair. "But it was made to look like one~"

"Nakakainis 'yang pa-sing-song niyang pagsasalita," bulong ni Jamie. Halos


magsalubong ang kilay niya habang pasulyap-sulyap sa kasamang consultant ni Officer
Estrada. "Pwede namang normal ang tono ng boses niya. Nakakairita, 'di ba, Lorie?
'Di ba?"

Heto na naman siya. Bakit sa isang iglap, kakampi na ang tingin niya sa akin?
Iniisip niya bang parehong kalaban ang turing namin kay Hel?

"Meron bang makakapagpaliwanag sa inyo kung ano ang sanhi ng pagkamatay nila?"
tanong ng babaeng mabagal magsalita. Kapansin-pansin ang mga tila inaantok niyang
mata at malalalim na eyebags. Her name, as I recall it, was Laura-the youngest of
the four Basco siblings.

"We

still don't know how, but we will eventually get there~ Kaya nga nandito kami para
mag-imbestiga~"

"Kapag hindi siya tumigil, mababatukan ko ang babaeng 'yan," naaasar na sabi ni
Jamie.

"But we are looking at murder," Hel's tone became modulated and serious again,
shooting daggers at the three.

"Anong murder?!" biglang sumingit ang katiwala ng pamilya. "Ilang beses ko na bang
sinabi sa inyong mga pulis na isang sumpa ang pumatay sa kanila!"

Nilapitan siya ni Jack at hinawakan sa magkabilang balikat. "Kalma lang, Tita


Elisa. Alam naming mahilig kayo sa mga pamahiin pero nasa modern age na tayo
ngayon. Hindi na totoo 'yang sumpa-sumpa na 'yan."

"Makinig kayo sa 'kin!" Idinuro ni Aling Elisa ang kaniyang daliri sa kaniyang
alaga. "Sinabihan ko na kasi noon ang ama n'yo na huwag kunin ang bahay na 'to pero
nagmatigas pa rin siya! Tingnan n'yo ang nangyari sa kaniya!"

Biglang nag-walkout ang kanilang katiwala at nagtungo sa kusina. Hindi na siya


sinubukan pang habulin ni Jack.

"Pagpasensyahan n'yo na si Tita Elisa. Talagang naniniwala siya na isang sumpa ang
pumatay kina papa at kuya."

Itinaas ni Al ang kaniyang kanang kamay kaya napatingin sa kaniya ang magkakapatid.
"Ang kuwento sa amin ni Emeraude, isang kaibigan ng pamilya n'yo ang dating
nagmamay-ari ng bahay na 'to. Gaano na kayo katagal nakatira dito?"

"Mahigit anim na buwan na rin," sagot ni Henry sabay hawak sa bridge ng kaniyang
salamin.

"If your dad and brother's deaths were caused by a curse, why did it take that long
to haunt them?" Napakrus ang mga braso ni Loki kasabay ng

kaniyang pagtatanong. "Na-delay kaya ang sumpa kaya ngayon lang siya umepekto sa
inyo? No matter where we look at it, the curse angle is too absurd!"

"Naniniwala akong sumpa ang pumatay sa kanila," sabi ni Laura sabay taas ng
kaniyang kamay. "Nag-aaral ako ng mga occult at meron talagang mga bagay na hindi
maipapaliwanag ng science o reason."

Loki tried to hold back his chuckle. "Seriously? You're wasting your time in that
occult study! You could have spent it to more worthwhile subjects!"

"My sister is a fan of the occult," paliwanag ni Henry. "Meron nga siyang bookshelf
ng mga occult-related book sa study namin."

"Kasalanan ko kung bakit namatay sina papa at kuya." Natuon sa sahig ang tingin ni
Laura at nabalot ng kalungkutan ang kaniyang mukha. "Ilang araw kasi bago sila
naaksidente, sinubukan kong gumawa ng ritwal at tawagin ang mga kakaibang nilalang
mula sa ibang dimensyon."

"Creepy..." komento ni Jamie. "Who in their right minds would call the demons?"

"Pero hindi kami naniniwalang kagagawan niya 'yon," kaagad namang bawi ni Jack.
"Either aksidente talaga ang nangyari o may ibang anggulo, gaya ng sinabi n'yong
murder."

"Your sister's a fan of the occult," Loki roamed his eyes over the Basco brothers.
"How about you two? Are you also practicing to summon Baphomet? Or are you
collecting demonic artifacts that mught have unleashed the curse in your family?"

"Isa akong artist," sagot ni Jack. "Hobby ko kasi ang mag-design ng mga costume at
masks kaya may ganong business kami. Ginagawa ko sila gamit ang isang 3D printer.
Kung gusto n'yong makita, pwede ko kayong

i-tour mamaya sa mini-workshop ko."

"Mahilig akong mangolekta ng mga model car, ship at aircraft. Meron akong personal
collection doon sa kuwarto, pwede ko ring ipakita sa inyo," sagot naman ni Henry.
"Hindi ko lang alam kung paano makatutulong 'yon sa imbestigasyon."
"Interesting," sabay na nasambit nina Loki at Hel, dahilan para magpalitan sila ng
tingin. Lalo pang nainis si Jamie sa timing ng dalawa.

"So what happens now that your dad has died?" Loki asked.

"Anong ibig mong sabihin?"

"In most murder cases, there is always a motive unless the culprit is a psychopath
who kills people for no particular reason," paliwanag ni Loki.

"At anong posibleng motibo sa pagpatay kay papa?"

"Your family seems to be well off," komento ni Al sabay tingin sa mga nakasabit na
painting sa mga pader. "At sa mga mayayamang pamilya, kapag namatay ang head, ang
magiging isyu ay ang inheritance."

"Ano?!" biglang napatayo si Henry, nagngingitngit sa galit ang kaniyang mga ngipin.
"Sinasabi n'yo bang isa sa amin ang pumatay kina papa at kuya?"

Pinaupo ni Jack ang kaniyang kapatid. "Kalma ka lang, kuya. Pero hindi nga fair na
assessment ang sinabi n'yo. Oo, kapag namatay si papa, may makukuha kaming mana
mula sa kaniya. Sa tingin n'yo ba ganon kami kababaw para patayin siya?"

"Oh, you should never underestimate the power of money," sabi ni Hel. "Money can
change a person. It can turn an innocent lamb into a hungry wolf."

"Kung totoo man ang sinabi n'yo, bakit kailangang patayin pati ang kuya namin?"
nagpukol ng inaantok na tingin sa amin si Laura.

"Para

lumaki ang share ng bawat isa sa inyo," sagot ni Loki. "Mas kaunti ang pamamanahan,
mas malaking pera ang makukuha n'yo, tama?"

Marahang napailing ang ulo ni Henry. "I cannot believe these guys! At sa kanila
n'yo pa ipagkakatiwala ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga kapamilya namin?"

"Kami pa ring mga pulis ang may hawak ng kaso," panigurado ni Officer Estrada.
"Consultant lang ang magiging papel nila sa imbestigasyon."

"Siguruhin n'yo lang na hindi papalpak ang imbestigasyon n'yo," may pagbabantang
sabi ni Henry. "Dahil kung hindi, kakasuhan namin kayong mga pulis pati na ang mga
consultant n'yo."

We left the Basco residence at around seven in the evening. Tumambay muna kami sa
tapat ng kanilang bahay kung saan naka-park ang police car.

"Any ideas?" napahimas sa kaniyang bigote si Officer Estrada at ibinaling ang


tingin sa amin.

"We now have an initial list of suspects," Loki answered, jerking his thumb to the
house behind him.

"Shouldn't we consider the other tenants who had lived in their house?" tanong ni
Al. "Pati na 'yong kamag-anak ng kaibigan nilang dating may-ari ng bahay?"

"We already checked the previous tenants. Most of them are no longer in the city
while the remaining few had no motive or whatsoever," Hel answered.
"How about the neighbors? Since the deaths happened inside the subdivision,
everyone here could be a suspect."

"We also checked that angle but none of their neighbors knew the victims. Nakilala
lang sila nang mabalita ang kanilang pagkamatay."

"So using the process of elimination, only a member of the Basco residence could

have murdered their own kin," Loki concluded, raising his right forefinger while
walking back and forth.

"Kailangan na lang nating maipaliwanag kung paano nagmukhang aksidente ang


pagkamatay ng mga biktima," dagdag ni Al sabay hawak sa kaniyang baba. "That's the
missing piece of the puzzle. We can only view the bigger picture once we find that
part."

With three brilliants minds in one case, there's little doubt na hindi nila maso-
solve ang kasong ito. Para ngang silang tatlo lang ang nagkakaintindihan. I've seen
Loki and Al work before kaya interesado akong makita kung paano makapagtrabaho ang
bagong consultant na si Hel.

"I have an idea on who might be behind the murders," Hel remarked, the smile across
her lips spoke of victory.

"You are not the only one," Loki replied. "I also have someone in mind but I need
proof."

"I'm not as bad as you think, am I? Am I? Am I?" She reverted to her childish
voice. Ambilis talaga ng expression at voice change niya.

But Loki only stared back at her.

"May araw din ang pa-cute na 'yan." Nagulat na lamang ako nang makitang nanlilisik
na ang mga mata ni Jamie habang pinagmamasdan ang titigan ng dalawang consultants
ni Officer Estrada.

Mukhang hindi lang ang misteryo ng pamilya Basco ang kailangang i-solve ngayon.

"Gusto n'yo na bang mag-dinner muna?" tanong ni Emeraude. "I can cook something for
everyone here."

"Nagutom na rin ako," sagot ni Rosetta sabay hawak sa kaniyang tiyan. "Tara, guys?
Your deductions can wait later or tomorrow."

Nauna na sa amin ang dalawang magkaibigan kasama sina Jamie at Al. Susunod na

rin sana ako kaso napansin kong nagpahuli si Loki.

"Kailangan ko nang bumalik sa police station," sabi sa amin ni Officer Estrada.


Saktong bubuksan na niya ang pinto ng police car nang lumingon siya sa kaniyang
consultant. "Hel, sasama ka ba sa akin?"

"Just a moment, officer! I have to call someone~" Lumayo siya nang ilang metro sa
amin bago siya nag-dial ng numero sa kaniyang phone.

"Inspector, do you have a moment?" Loki muttered.

"Alam kong maraming gumugulo diyan sa isip mo." Binitiwan ni Officer Estrada ang
car handle at hinarap ang kasama ko. "At saka huwag mo na akong tawaging
inspector."

"First of all, where did you meet that girl?" Pasimpleng itinuro ni Loki si Hel sa
pamamagitan ng tingin. "I didn't know that the police departments also employ
consultants."

"Nakilala namin siya habang iniimbestigahan ang isang murder case. At kagaya mo,
bigla na lang siyang pumasok sa crime scene at nagpakitang-gilas ng kaniyang
deduction skills."

"Just because of one case, you decided to make her your consultant?"

"Nataon na nasa sumunod na mga crime scene siya at tinulungan niya ulit kaming ma-
pinpoint ang mga salarin. Ang sabi niya, meron siyang kakayahang makipag-usap sa
mga patay. Kaya raw alam niya kung saan ang mga crime scene."

"And you believed that rubbish?"

"Hindi mo rin kami masisisi kung magbilib kami sa kaniya. Tama ang mga ibinigay
niyang deduction at mas napapabilis ang trabaho namin kapag nandiyan siya. Isang
tingin niya lang sa bangkay, parang nabasa na niya ang life history nito."

"She doesn't talk to the dead. She deduced things based on what she saw on

the corpse. And you seriously think that there's a human being in this world who
can communicate with the departed? She's obviously playing a trick on you."

This must be one of the rarest occasions where Loki became interested in someone.
Ang obsession niya kasi nitong mga nagdaang buwan ay si Moriarty kaya
nakakapanibagong marinig na nagtatanong siya tungkol sa babaeng ngayon lang niya
nakilala.

"Anyway, as long as she brings criminals to justice, I don't mind her acting as
your new consultant," Loki said, darting one last glance at Hel. "May mas
importanteng bagay pa akong dapat itanong sa inyo."

"Tungkol ba 'yan kay Inspector Morgan?" Ngumiti si Officer Estrada na sinabayan


niya ng pagkrus ng kaniyang mga braso.

"Very good, sir. You got a little bit sharper since the last time we met."

That was quite rude, Loki. Parang sinabi mong hindi ganon katalas ang isip niya.

"Shoot your question. Susubukan kong sagutin sa abot ng aking makakaya."

"Do you know any of the new chief's weaknesses? Something that I can use against
him?"

"Loki!" I called his name. Ang akala ko hihingi lang siya ng background sa bagong
chief inspector. Ngayon pala'y naghahanap siya ng butas na pwede niyang gamitan
kontra dito.

"Lorelei, you know that we cannot fully function as a detective club if the campus
police won't allow us in their crime scenes. I'm doing our club a great deal of
favor."

Biglang natawa ang matandang pulis. "Pasensya na. Mataas ang respeto ko kay Morgan
at matalik kaming magkaibigan. Wala akong mapupuna sa kaniya. Malakas ang kaniyang
sense of justice at mas magaling siyang magtrabaho

kaysa sa akin."

"Sorry to ask pero bakit ho kayo ni-relieve sa puwesto?" I hope he wouldn't get
offended.

Napabuntong-hininga siya at napatingin sa lupa. "Alam n'yo namang ilang taon na rin
akong chief ng campus police. At sa ilalim ng pamumuno ko nangyari ang mga kasong
konektado kay M o Moriarty kung 'yon ang gusto n'yong itawag sa kaniya."

"And?"

"Hindi n'yo narinig sa akin 'to, okay? Dahil sa mga sunod-sunod na insidente,
malapit nang ipasara ang Clark High. Inisip siguro ng school admin na ineffective
ako bilang chief kaya naisipan nilang ipa-relieve ako at ipalit si Morgan sa aking
posisyon."

"Sa dami ng mga patayang nangyari, they should have closed the school months or
years ago," komento ni Loki.

"May dalawa kasing option ang school. Una, ipasara ang Clark High at mag-risk na
baka hindi na namin matukoy ang mga salarin. Pangalawa, ipagtuloy ang mga klase na
parang walang nangyari sa pag-asang mahuhuli namin sila at matuldukan na ang mga
krimen."

"Pero bakit kailangan kayong tanggalin? Hinawakan n'yo na ang mga Moriarty case
magmula pa noong una kaya hindi ba mas mabuti kung kayo ang tatapos nito?"

"Kahit gustuhin ko mang masaksihan kung paano mawawakasan ang kasong 'to, ang utos
ng nakatataas ay hindi na mababali. Hindi rin sila nagkamali sa pinalit nila sa
akin dahil may progress na kaagad si Morgan."

"Progress?" Loki shot a curious glance at him.

"Nagkita kami ni Morgan nitong linggo at naikuwento niya sa akin na malapit na


siyang magkaroon ng lead kay M. Kung matutukoy nila kung sino ang nasa likod ng mga
bagong pagpatay sa

Clark High, one step closer na sila sa kaniyang target. Ipinakita nga niya sa akin
ang list ng mga suspek niya. Base daw 'yon sa mga CCTV footage noong mga oras na
naganap ang mga krimen."

"L-List? Double M showed you something?" pagulat na tanong ni Loki.

"Oo, tinanong niya sa akin kung meron bang pangalan doon na sa tingin ko'y kahina-
hinala. Umiinom kami noon kaya hindi ako makapag-isip nang maayos. Pina-send ko na
lang sa kaniya sa email. Pero nang chineck ko, wala rin akong naibigay na insight."

Napahawak si Loki sa magkabilang balikat ng officer na ikinagulat nito. "Inspector,


have I told you before that you are heaven-sent?"

"Ito pa lang yata ang unang beses na sinabi mo 'ya- Te-Teka! Alam ko kung ano ang
iniisip mo! Gusto mong ipakita ko sa 'yo ang listahan?"

My colleague flashed a menacing grin. "Exactly! Malaking tulong kung malalaman din
namin ang mga bagay na alam ng campus police. We can help in the investigation in
our own way. Rest assured that we won't drop your name as the source of the list."
"Sinabihan ako ni Morgan na huwag na huwag ipapakita sa inyo ang listahan sakaling
hingin n'yo sa akin. Bilang kaibigan niya at respeto sa kaniya, hindi ko pwedeng
baliin ang tiwala niya sa akin. Alam kong malaki ang naitulong mo noong ako pa ang
chief pero ibang usapan na kasi ngayon."

Inspector Double M's hindsight is remarkable. Nahulaan niyang pupuntahan namin si


Officer Estrada para pagtanungan.

"If you still have any love for Clark High, do our high school a favor and show us
the list."

Great, Loki. Appeal to his conscience. Make

him break the trust given to him by his friend.

Ngunit mukhang effective naman yata ang pangongonsensya niya dahil napaisip si
Officer Estrada.

"Let me think about it. Pero wala akong pinapangako na kahit ano, ha? Malinaw tayo
diyan."

"Thank you, inspector!" Loki tried so hard to sound sincere in his expression of
gratitude. Sinabayan niya pa ito ng pagtapik sa balikat. "Now you can leave with
your new apprentice while we eat our dinner."

Nagpaalam na ako kay Officer Estrada para sa kaniya (dahil bigla-bigla na lamang
siyang naglakad palayo). Nakakailang hakbang pa lang kami nang marinig namin ang
pahabol na hirit niya.

"Speaking of apprentice, the late Bastien Montreal was Morgan's protegee. Sa kaniya
galing ang referral letter para sa internship ni Bastien sa campus police."

Nagkatingin kami ni Loki whose eyes slightly squinted. Something popped in my head,
an idea that I don't wanna entertain. Maybe it was a-

"Loki dear!" Biglang sumulpot sa aming likuran si Jamie na mabilis na hinawakan ang
braso ng lalaking lagi niyang dinidikitan. "Ang akala ko kinidnap ka na ni Impy!"

"I-Impy?"

"Impy, short for Impyerno! Tagalog ng Hell," nakangising sagot ni Jamie. Parang
matagal niyang pinag-isipan kung anong pang-asar niya kay Hel. "Oh, speaking of the
devil."

"Sorry, officer~ Napahaba ang pag-uusap namin sa phone~" Abot-tenga ang ngiti na
ipinukol sa amin ni Impy-este ni Hel. "Mukhang sa susunod na lang tayo magkikita,
dad! Kailangan na naming umalis~"

"I haven't given you permission to call me by that name," buwelta ni Loki.

"Oh, you will. Soon." Muling nagbago ang aura ni Hel. Ang kanina'y mapaglaro,
ngayo'y naging seryoso na naman. "See you around."

We watched them as Officer Estrada drove the police car out of the subdivision.

Something must be in that Hel that caught Loki's attention. Maybe he finally met
his match, apart from Moriarty.

###
=================

Volume 2 • Chapter 32: The Haunt of Bougainville (The Wraith)

A/N: This is the THIRD PART of the "Haunt of Bougainville" case. Read the first and
second part before you proceed.

LORELEI

WE DECIDED to take our dinner and spend the night at Emeraude's place. Strangely,
Loki did not object to the suggestion. Gusto niya raw kasing puntahan mamaya ang
mga crime scene sa kaparehong oras na namatay ang dalawang miyembro ng pamilya ng
Basco.

"We have two guest rooms here," sabi ni Emeraude sabay turo sa dalawang kuwarto sa
second floor. "Lorelei and Jamie can stay here while Loki and Al can occupy the
other room. Sa kuwarto ko na matutulog si Rosie."

With that, pumasok na kami sa kani-kaniyang room namin. Kasya na kaming dalawa ni
Jamie sa king size bed. Meron din sariling comfort room ang kuwarto namin.

Jamie looked disappointed that she wasn't paired up with Loki to sleep in one room.
Mabuti nga, baka ano pang gawin niya habang natutulog ang club president namin.

"Lorie, bakit parang wala kang pakialam sa bagong umaaligid kay Loki?" Humiga na
siya sa kama at nag-unat-unat ng mga braso. Wow, bakit bigla kaming nagkaroon ng
"bestie" talk? "That Hel might become a contender one day. She's also a detective
like my dear Loki."

Binuksan ko ang bintana ng kuwarto at sinilip ang view sa labas. Dahil mag-a-alas
nuwebe na ng gabi, balot na ng kadiliman ang buong subdivision. Wala ring tao na
naglalakad o kotse na dumaraan. Only the lamp posts illuminated the seemingly
deserted place.

"Unlike you, I am not competing for Loki's affection," sabi ko sabay harap kay
Jamie na niyayakap

ang puting unan. "At mukhang hindi rin siya interesadong magkaroon ng love life
kaya hindi ka dapat maalarma kay Hel."

Napabalikwas sa kama ang kasama ko, halos magdikit ang kaniyang mga kilay. Meron
bang nakakasorpresa sa sinabi ko? "Really? Wala kang nararamdaman para kay Loki? As
in wala?"

"Loki is... a friend for me though the feeling may not be mutual. Kilala mo naman
ang lalaking 'yon. He has a twisted sense of friendship. As far as I can recall,
there's only one person whom he considered as a friend."

Itinuro ni Jamie ang kaniyang sarili. "Me?"

"Rhea," I corrected her. "They were quite close, I guess? Kaya nga masyado siyang
apektado noong namatay ang dati niyang partner sa QED Club."
Now that I have mentioned it, bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Inspector
Estrada sa unang meeting namin. Loki has changed since Rhea's death. Hindi ko alam
kung gaano kalaki ang kaniyang pinagbago or whether he changed for better or worse.
But if Moriarty did not have Rhea killed, Loki's heart may not be as stonecold as
it is today.

"Did Loki like Rhea that much?" The mood on Jamie's face changed. Melancholy was
chiseled on her features.

"I don't know. Hindi ko pa naitanong sa kaniya. But based on how he reacts whenever
Rhea's fate is being brought up, she's close to his heart. Kaya nga hindi niya
mapapatawad si Moriarty."

This was... what? The second or third time that we talked as if we are the best of
friends in the world. Kung sanang ganito lagi ang attitude ni Jamie, kahit masyado
siyang clingy kay Loki, I would have liked her more.

"Maybe I can change

his heart?" she said with a smile. "If Loki's heart is covered in ice, I can be the
fire that melts it away."

Possible. After all, she resembles Rhea, at least through her braided hair. Kaso
nga lang lagi siyang dumidikit kay Loki. Rhea may not be as clingy as her.

"How about it, Lorie?" The sadness on her face vanished. "If you really have no
romantic interest with my dear Loki, why don't you help me get closer to him? In
that way, I can start treating you like a friend instead of a potential rival."

"But I am not Cupid." Kung ganon, karibal pala ang turing niya sa akin magmula nang
magkakilala kami? Why would I be surprised? She did not treat me as a friend since
the beginning.

"You can be the bridge between me and my dear! Pwede kong palambutin ang puso
niyang-"

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Jaime habang nakatitig sa direksyon ko at


unti-unting napabuka ang bibig niya. Halos mawala na ang lahat ng kulay sa kaniyang
mukha dala ng kung anuman ang kaniyang nakita.

"KYAAAAAAA!"

"Hey, Jamie?" Kaagad ko siyang nilapitan at hinawakan ang magkabilang balikat.


Itinuro niya ang bintana kung saan ako nakadungaw kanina. "Anong nakita mo? Anong
meron doon?"

"Mu-Multo!"

"Multo?"

"M-May nakita akong su-sumilip kanina diyan sa wi-window!" Her widened eyes stared
at me. "Kamukha niya ang Grim Reaper! Bungo lang tapos nagliliwanag ang mga pulang
mata!"

"Sigurado ka ba sa nakita mo? Baka namamalik-mata ka lang?"

She shook her head frantically. "Hi-Hindi pa ako in-inaantok kaya imposibleng
imahinasyon ko lang ang nakita ko."
Either she's telling the truth or she's playing

a prank on me. Her shocked reaction looked quite real.

Nagmadali kong binuksan ang bintana at dumungaw sa labas. My eyes roamed from left
to right, looking for a something that resembled the Grim Reaper. Iniangat ko rin
ang aking ulo pero walang kahit anong senyales ng supernatural being.

Pinagtitripan lang yata ako ni Jamie.

"I saw it! Believe me!" sabi niya, garalgal ang kaniyang boses at hindi pa rin
mabura-bura ang takot sa mukha. "Nandiyan lang siya kanina!"

"Wala naman akong nakita. At saka imposibleng may sumilip dito sa bintana dahil
wala siyang matatayuan unless lumilipad talaga siya gaya ng sabi ng mga witness."

Tumayo bigla si Jamie at hinila ang kamay ko. "Why don't we see for ourselves? Baka
nagtatago lang siya sa labas."

"He-Hey!"

Hindi na ako nakapalag pa at tuluyan na niya akong nahatak palabas ng kuwarto.


Malamang sound-proof ang mga guest room kaya hindi narinig nina Loki at Al na nasa
kabila ang pagtili ng kasama ko.

"Why don't we call Loki and Al?" tanong ko habang maingat na bumababa ng hagdan.
Ayaw talaga niyang pakawalan ang kamay ko.

"We need to confirm it first kundi baka pagtawanan ako ni Loki dear!" Muntikang
matapilok si Jamie nang lumingon siya sa akin. "Kailangang makita natin sa ating
mga sariling mata bago natin sabihin sa kanila."

Bago kami tuluyang lumabas ng bahay, hiniram ni Jamie ang mop na nakasandal sa
labas. Ako naman, kumuha ng walis para magsilbing pang-self defense sakaling naka-
cosplay lang na Kamatayan ang nakita ng kasama ko. Kung totoo ngang supernatural
force 'yon, baka hindi rin maging effective ang

mga sandata namin.

Paglabas ng gate, lumingon-lingon kami sa paligid. Nakahanda na ang mga pamalo


namin kung may biglang susulpot sa aming likuran. Napatingala rin kami sa maulap na
kalangitan, naghahanap ng lumilipad na bungong may nagliliwanag na mata.

"Baka talagang namalik-mata ka?" Ibinaba ko na ang hawak kong walis. Baka
pagkamalan pa kaming naghahanap ng away kapag may ibang nakakita sa amin.

"Lorie, I swear! Totoong may nakita ako! Nakabalot pa nga siya ng itim na tela!
Gaya ng ikinuwento sa atin kanina!"

"Kung ganon..." hinarap ko ang side ng bahay kung saan makikita ang bintana ng
kuwarto namin. "...paano nakasilip diyan ang sinasabi mong Grim Reaper? Unless siya
si Superman na nakakalipad o Spiderman na kayang gumapang pader, there's no way
that that thing could take a peek at our window on the second floor."

"Kung cosplayer man siya, baka marunong siyang mag-rappel?" tugon ni Jamie sabay
turo sa bubong. Matapos niyang magpakita sa atin, baka umakyat siya sa bubong at
doon siya nagtatago?"

Posible. Ngunit paano makakapag-set-up ng ganon kabilis nang hindi namin


nahahalata? Kung may naglalakad man sa bubong, dapat narinig namin ang mga yabag
niya. At bakit sa dinami-rami ng mga bahay dito sa subdivision, sa bahay pa ni
Emeraude naisipang magpakita ni Kamatayan?

Teka, there's only one explanation why the so-called wraith would appear on our
windows.

SKREEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!

"Anong tunog 'yon?"

Jamie and I looked around the pitch-black surroundings. Lalo pang lumakas at parang
palapit ang tunog habang lumilipas ang bawat segundo.

"Oh sh-!"

Paglingon namin sa likod,

biglang nagpakita ang isang hooded figure na may bungo bilang mukha. Gaya ng
inilarawan ni Jamie, nagliliwanag ang mga pulang mata nito at bumubuka ang bibig na
tila tumatawa. Balot na balot siya ng itim na robe At ang mas ikinatakot namin?
Lumulutang siya.

"RUUUUUN!"

"KYAAAAA!"

Kumaripas kami nang takbo ni Jamie, binitawan ang mga hawak naming pamalo.
Adrenaline started pumping in our veins. The eerie sound coming from the Grim
Reaper got louder as it caught up with us.

"Ouch!"

Biglang nawala si Jamie sa aking likuran. She tripped on a rock and probably
scraped her arm or knee. Kahit na papalapit ang apparition ni Kamatayan, binalikan
ko ang aking kasama at tinulungan siyang makatayo.

"Are you okay?"

"Ye-Yeah! T-Thank you, Lorie."

"Mamaya ka na mag-thank you, kailangan nating tumakbo!"

SKREEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!

But we were already too late. The wraith was a foot behind us. Hindi na kami
lumingon sa likuran dahil ayaw na naming makita ang nakakatakot nitong itsura.

KYAAAAAAAAAA!

The wraith was about to reach us, but it flew up and vanished into the darkness.
Huminto na kami sa pagtakbo ni Jamie at hinabol muna ang hininga namin.

"Y-You saw it too, r-right?" napaupo siya sementadong daan. "Hindi ako namalik-mata
kanina!"

Naging malalalim ang mga paghingal ko, sinabayan pa ng malalamig na pawis. "W-What
was that? T-The wraith looked real."
"Ba-Baka 'yon ang sumpang sinasabi ng katiwala sa mga Basco?"

"Lorie! Jamie!"

Tumatakbong nagtungo sa kinauupuan namin sina Al, Rosetta at Emeraude habang tila
naglalakad sa buwan

si Loki na nakahalukipkip pa ang mga kamay. Ang layo rin pala ng itinakbo namin
kanina.

"Ayos lang ba kayong dalawa?" Tinulungan kami ni Al na muling tumayo. Nangangatog


pa ang mga tuhod namin at muntikan nang bumigay ang aming mga binti.

"Na-Nakita namin 'yong sinasabi nilang Grim Reap-Ouch!" Umaray sa sakit si Jamie
nang mahawakan ang nagalusan niyang siko. "Meron kasing sumilip sa kuwarto namin
kanina kaya we decided to check if what I had seen was real."

"A horrifying skull served as head and his glaring, murderous eyes glowed red," I
said, describing the features of the wraith that chased us moments ago. "He was
wrapped in jetblack cloak and floated in the air. There was an otherworldly noise
when he got closer to us."

"At nasaan na siya ngayon?"

"Lumipad siya nang pataas at biglang naglaho sa kadiliman. Parang totoo siyang
multo."

Napahawak sa kaniyang baba si Al, bahagyang naningkit ang mga mata. "It can float,
it can fly and it produces weird noise. Interesting."

"So was he carrying any scythe?" nababagot na tanong ni Loki. "Did you feel as if
he was sucking the life out of you when he got closer?"

"No. Just fear."

He smirked, a sign that something finally made sense to him. "If we were to believe
your narrative, I now have a firmer theory on how these so-called hauntings
happened."

Al turned to him and seconded, "May nabuo na rin akong theory kung paano at sino sa
tatlong Basco ang posibleng may kagagawan nito."

"But why would the wraith appear near my house?" tanong ni Emeraude. "Kahit na
magkamag-anak kami, hindi naman ako miyembro ng pamilya

nila na sinasabing isinumpa."

"Gusto tayong takutin ng salarin," sagot ni Al. "Dahil alam niyang iniimbestigahan
natin ang pagkamatay ng kamag-anak nila at hindi tayo naniniwalang aksidente o
sumpa ang may kagagawan, sinubukan niyang ipahinto ang balak natin sa pamamagitan
ng pananakot."

"Unfortunately, the plan backfired." The smirk on Loki's face remained. "Thanks to
the foolish attempt by our culprit, I figured out the trick that he used in the
killings."

"Baka gusto n'yong ipagpatuloy na lang sa loob ang pag-uusap natin?" suhestiyon ni
Rosetta na napalingon sa bahay. "Lumalamig na kasi. Kailangan din nating linisin
ang mga galos ni Jamie."
Bumalik na kaming anim sa loob ng bahay. Loki went straight to his room while the
five of us stayed in the living room. Napaaray si Jamie nang buhusan ni Al ng
alcohol ang kaniyang galos sa siko at tuhod. Nang masigurong malinis na, tinapalan
niya ang mga ito ng band-aid.

By ten o'clock in the evening, parehong lumabas ng bahay sina Loki at Al para
bisitahin ang mga pinangyarihan ng krimen. Pinag-stay nila kaming mga babae sa
loob. Dahil na-shock pa rin kami sa aming nakita kanina, natulog na kaming dalawa
ni Jamie.

* * *

SKREEEEEEEEEE!

"KYAAAAA!"

Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga sa kama. Malalalim ang bawat paghingal
ko. Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Nasa kuwarto pa rin ako. Dala na siguro ng
sobrang takot ko kanina kaya maging sa panaginip ko, sinundan ako ng wraith.

Sana'y hindi nagising ang katabi kong si-teka, nasaan si Jamie? Bakante ang space
niya sa kama. Nakapatay

ang ilaw at nakabukas ang pinto sa comfort room kaya malamang ay wala rin siya
doon.

Tila nanuyo ang lalamunan ko sa aking bangungot. Naisipan kong bumaba sa kusina at
kumuha ng maiinom na tubig. Dahil nakapatay na ang lahat ng ilaw, kinailangan kong
magdahan-dahang bumaba sa hagdanan. Anong oras na ba? Mag-aalas-dose pa lang ng
hatinggabi?

Kumuha ako ng baso at binuhusan ng malamig na tubig mula sa fridge. Parang may
hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. Baka kapag paakyat na ulit ako sa hagdan,
biglang magpakita ang wraith. Kahit na hindi siya totoo, nakakatakot pa rin ako na
ma-encounter ko siya sa ganitong kadilim na lugar.

Nang maubos ko na ang tubig, inilagay ko na sa kitchen sink ang walang laman na
baso. Saktong tumalikod ako nang may marinig akong pamilyar na tunog.

BIP! BOP! BIP! BIP!

Marahang nanlaki ang mga mata ko. Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan.

Keypad tunes! That nursery rhyme!

BIP! BIP! BOP! BIP! BIP BIP! BOP!

The notes came somewhere inside this house! Kahit nahihirapan akong makakita sa
dilim, nagpalingon-lingon sa paligid at pilit na hinanap kung saan galing ang
tunog. Sinundan pa ito ng mahinang boses na hindi ko na klarong narinig.

No, hindi ako nananaginip. Hindi ito bunga ng aking imahinasyon. I am a hundred
percent sure that I heard that tune!

Thanks to the moonlight permeating through the windows, may nagsilbing guide sa
aking paglalakad. But no one was around the living room or any other places on the
first floor. Whoever dialed the ominous number must be someone on the second floor.
Maingat akong umakyat sa hagdanan, nakahawak sa handrail para masigurong hindi ako
mahuhulog. Wala rin akong marinig na mga yabag sa paligid.

I walked on tiptoe through the hallway, careful not to make any noise. Saktong
paliko ako sa isang kuwarto nang-

"HEY!"

Napalingon ako sa likuran nang may maramdaman akong malamig na kamay na humawak sa
aking kanang balikat.

"Did you get lost, Lorie?"

It was Jamie.

###

=================

Volume 2 • Chapter 32: The Haunt of Bougainville (Resolution)

A/N: This is the FOURTH and LAST PART of the "Haunt of Bougainville" case. Read the
first three parts before you proceed.

LORELEI

I DID not get much sleep last night. Matapos kong marinig ang tune ng Mary Had A
Little Lamb, I've been thinking kung kanino phone galing ang tunog.

"Are you okay, Lorie?"

Nagbalik sa kasalukuyan ang aking kamalayan. Sa sobrang dami ng iniisip ko, hindi
ako kaagad nakakain ng agahan na inihanda nina Emeraude at Rosetta. Nakapalibot
kami ngayon sa mahabang mesa. Nasa kaliwa ko si Alistair habang nasa kanan sina
Jamie at Loki.

"Hindi ka ba nakatulog nang mahimbing kagabi, Lorie?" nakangiting tanong ni Jamie.


"Dahil ba 'yan sa nakita nating wraith?"

"Ah... eh... parang ganon na nga." I forced a smile at her. Ewan pero hindi ako
komportableng makipag-usap sa kaniya. Dahil ba siya ang nakita kong pagala-gala
kaninang madaling-araw?

Whoever dialed Moriarty's number is someone in this house. Kung gagamitan ko ng


process of elimination...

It can't be Loki. Siya mismo ang tumutugis kay M, unless meron siyang psychological
disorder at may episodes siya ng split personality.

It can't be Alistair. The Moriarty cases began two years ago. Kasama ko pa noon ang
childhood friend ko sa dati naming high school. There's no way that he can get
himself involved in an organization steeped in blood miles away.

But it can be someone among the three other girls with me: Jamie, Rosetta and
Emeraude.

Ayaw kong isipin na si Jamie ay connected kay M. Remember, she became Moriarty's
target on the day he

revealed himself to us in the Diogenes Cafe. Baka nataon lang na nakasalubong ko


siya kanina sa hallway ng second floor.

But Al said before...

"I saw it. How quickly she changes her facade. That smile when we entered the room,
that glare she shot at you, and that smile when we shook hands. She's hiding
something."

Maybe she's indeed hiding something, but not her affiliation with Moriarty's
organization. Despite how she treated me the past few weeks, gusto kong isipin na
she's with us.

If not her, it's between Emeraude and Rosetta. The former is the student council
president who's being used by Luthor as a front while the latter's a happy-go-lucky
girl who loves hunting ghosts.

Ugh! Bakit pa ba kasi ako lumabas ng kuwatro? Kung sanang hindi ako bumaba, hindi
ko maririnig ang nursery rhyme at hindi ako maguguluhan ngayon. Ayaw kong
pagsuspetyahan ang mga taong malapit sa akin. Unfair para sa kanila.
How I wish I could share this information with Loki and Al right now. Baka
masagutan nila ang tanong na bumabagabag sa utak ko. But for now, I will keep it to
myself. Kung totoo ngang isa sa tatlong babaeng kasama ko rito ay may koneksyon kay
Moriarty, kailangan kong kumpirmahin 'yon sa sarili kong paraan.

"Hindi ba masarap ang niluto namin, Lorie?" tanong ni Rosetta nang umupo na silang
dalawa ni Emeraude sa mga bakanteng upuan.

Umiling ako. "It tastes good! May iniisip lang ako kaya ganito ang itsura ko.
Hehe~"

"How can you say that the food is good when you haven't taken a spoonful or bite of
it?" Loki darted a glance at me. He sipped his cup of coffee and pointed at my
plate. "Ni hindi mo pa nga nagagalaw

'yang pagkain mo."

"I didn't know that you are interested whether I already took a bite of my food or
not," tugon ko sabay kagat sa hotdog.

"You were in deep thought, your face is pale, you seemed to lack apetite," Loki
enumerated in a matter-of-fact tone. "I'd like to know if we need to call an
ambulance or bring you to the nearest hospital. I don't want you collapsing later
while we are pinning down the culprit."

"Napansin ko rin na parang malalim ang iniisip mo." Ibinaba ni Al na hawak na


kubyertos at napatingin sa akin. "Is something wrong?"

Smiling, I shook my head. "Wala kayong dapat ipag-alala sa akin. Kaunti lang kasi
ang tulog ko kanina kaya mukhang wala akong gana ngayong umaga."

"Gusto ko nang malaman kung ano ang katotohanan sa apparition ni Kamatayan na


nakita n'yo kagabi," masiglang sambit ni Rosetta bago siya sumubo ng kanin. "Kung
mga kasama ko sa Paranormal Club ang nakakita doon, malamang hinimatay na sila sa
daan."

"At para din matanggal na ang stigma ng mga tao sa tinutuluyan ng mga kamag-anak
ko," dagdag ni Emeraude. Mahinhin niyang ininom ang kaniyang inihandang green tea.
"Our neighbors have been thinking na baka nga isinumpa na ang kanilang pamilya."

"Loki and I arrived at the same conclusion," Al wiped his lips. "We can explain to
you later kung anong trick ang ginamit niya para sa lumilipad na wraith."

"Once you find out how the trick is done, you will only laugh at it," Loki added,
looking at his phone. "Oh, Officer Estrada and his new consultant will visit the
Basco residence later at nine. What a coincidence."

"Kasama na naman

'yong karibal nating detective," bulong sa akin ni Jamie. But she was quick to
retract her words. "Ay, sorry! Karibal ko lang pala."

Napilitan na naman akong ngumiti sa kaniya. Thanks to this uneasy feeling, hindi
ako makasabay sa attempt niyang pakikipagkaibigan sa akin.

Once we are done with our breakfast, nagsihanda na kami para sa resolution part ng
so-called supernatural case na 'to. Tinanong namin sina Loki at Al kung ano ang
trick na tinutukoy nila, but they didn't want to spoil us.

When the clock struck nine, we visited for the second time the Basco residence.
Pinatuloy kami sa loob ng kanilang katiwala na si Aling Elisa. Pinaupo niya muna
kami sa sala bago tinawagan ang tatlong magkakapatid.

"Nandito na naman kayo?" naasar na tanong ni Henry. Kakalagay lang ng kaniyang


salamin sa mata. "Anong out of this world theory ang ihahain n'yo sa amin ngayong
agahan?"

"Pakinggan muna natin sila," sabi ni Jack sabay tapik sa balikat ng kaniyang
kapatid. "It won't hurt kung hahayaan natin silang i-share ang kanilang theory."

"Naniniwala na ba kayo na ang ipinatawag kong nilalang mula sa kabilang mundo ang
pumatay kina papa at kuya?" panghuling bumaba si Laura na malalalim pa rin ang
eyebags. Parang hindi siya natulog kagabi.

"What killed your dad and brother isn't something that humans cannot comprehend."
Sinabayan ng tingnan ng tatlo si Loki nang bigla siyang tumayo at naglakad-lakad sa
paligid namin. He could have shared his deductions while seated, ngunit mas gusto
niya yatang may nilalakaran siyang space.

"Walang kahit anong supernatural na nangyari dito. As long as you have the proper
materials, you can

execute the plan."

"Pwede ba naming malaman kung ano-ano ulit ang hobby n'yong tatlo?" sunod na
nagtanong si Al.

"Nangongolekta ako ng mga model tank, ship at aircraft," sagot ni Henry na hindi pa
rin mabura-bura ang pagkairita. "Teka, bakit ulit-ulit ang tanong n'yo? Bakit hindi
n'yo na lang kami diretsohin?"

"Next, please?" Loki gestured at the younger Basco brother, ignoring the outburst
of the older.

"Gumagawa ako ng mga costume at mask na ibinebenta namin sa aming shop," tugon ni
Jack. Hindi gaya ng kuya niya, kalmado lang siyang magsalita. "Meron bang relevance
ang hobby namin sa kaso?"

"You will find out later. How about you, miss?"

"Lahat ng mga related sa occult, meron ako," sabi ni Laura. "Kung gusto n'yo, pwede
ko kayong turuan ngayon kung paano tumawag ng masamang espiritu."

"Ang weird talaga ang babaeng 'yon," bulong ni Jamie. Pasimple naman akong tumango
bilang tugon.

"We won't ask your helper about her hobby since I don't think she's in anyway
capable of coming up with this trick," Loki waved his hand at the old lady before
putting his fingers together. "The culprit is among the three of you."

"Kagabi, hinabol ng isang wraith ang dalawang babaeng kasama namin dito," Al
followed up. "May we know kung sino sa inyo ang lumabas ng bahay bandang alas-
nuwebe ng gabi?"
Nagkatinginan muna ang mga magkakapatid bago sumagot. "Nandito kaming lahat sa loob
ng bahay, sa kani-kaniya naming kuwarto."

"Can anyone confirm that?"

Itinaas ni Aling Elisa ang kaniyang nanginginig na kamay.

"Nandito lang ako sa sala kagabi. Wala akong napansing lumabas sa kanila nang
pumasok na sila sa kani-kanilang kuwarto."

"Kung walang lumabas sa amin, ibig sabihin, wala ni isa sa amin ang posibleng
gumawa ng kung anumang trick ang ipapaliwanag n'yo," nakangising sabi ni Henry.
"Diyan pa lang, basag na kaagad ang inyong theory."

Loki couldn't help himself but giggle. "The culprit needed not to go out of this
house to execute the trick. Kaya niyang takutin ang mga kasama namin kahit nasa
kuwarto lang siya."

"Salamat sa ginawa niyang pananakot, alam na namin kung paano niya nagawang
aksidente ang pagkamatay ng papa at kuya n'yo," Al said, flashing a wide smile.

Kanina pa nila kami tine-tease na alam na nila ang trick pero hanggang ngayon, ayaw
pa rin nilang ipaliwanag. They really want to build up the suspense.

Teka, nasaan na ba sina Officer Estrada at Hel? Ang akala ko ba nine o'clock ay
dapat nandito na rin sila?

"Huwag na kayong magpatumpik-tumpik pa!" Henry sounded so irritated. "Sabihin n'yo


na ang dapat n'yong sabihin! Nagsasayang lang yata tayo ng oras dito."

"The wraith wasn't summoned from the other world, as what your sister has been
claiming," Loki shot a sideward glance at Laura. "But it can be created by a black
piece of cloth... and a skull of Death."

"Sabi ng mga kasama namin, nagliliwanag ang mga pulang mata ng bungong nagsisilbing
ulo ng wraith," Al said. "Kung sinuman ang may gawa noon, talagang pinaghirapan
niyang bigyan ng special effects ang

bungo."

Lahat ng mga mata'y napatingin kay Jack. Sa tatlong magkakapatid, siya ang mahilig
na gumawa ng mga maskara at costume. Siya lang ang itinuturo ng mga nabanggit na
hint nina Loki at Al.

"Teka, Loki dear!" Itinaas ni Jamie ang kaniyang kamay na parang estudyanteng
magtatanong sa guro. "Sabihin na nating kayang gumawa ni Jack ng ganong wraith.
Pero paano niya nagawang paliparin ito at habulin kami kagabi?"

"May sinabi ba kaming si Jack ang salarin?"

"Huh?" Nabalot ng pagkagulat ang mga mukha namin.

"Kaya nga niyang buuin ang nakakatakot na itsura ng wraith, pero hindi ibig sabihin
non na siya na ang salarin," paliwanag ni Al. "Dahil may isa pang criteria na
lalong magdidiin sa may kagagawan nito."

"And that is...?"

SKREEEEEEEEEE!

Napatingin kami sa bintana kung saan sumilip ang figure ng bungong nakasuot ng
kulay puting robe. Nagsitayuan ang ilan sa mga kasama namin, akmang tatakbo paalis
ng sala.

"Ang galing! May pinrepare pa talaga kayong sample!" Napapalakpak sa tuwa si


Rosetta.

"That's not ours," Loki said, turning to his fellow detective. Al, in return,
slowly shook his head.

"Pasensya na kung natakot namin kayo~"


That nonchalant, sing-song voice could only come from one person. Hel.

Pinagbuksan sila ng gate ni Aling Elisa at pinatuloy sa loob. Officer Estrada and
his consultant Hel emerged from the doorway. The young detective greeted us with a
handwave and bright smile.

"Kumusta kayo~ Pasensya na kung late kami~"

"Naipit kasi kami sa traffic

papunta rito at kinailangan pa naming tapusin ang props ni Hel," paliwanag ng


kasama niyang police officer.

"Tch." Jamie clicked her tongue, baring her teeth. Tumitibok-tibok na naman ang
ugat sa kaniyang sentido. "Here comes Impy. Ang kapal ng mukha niyang istorbo si
Loki dear sa gitna ng deduction show!"

Nakalimutan niya yatang deduction show ito hindi lang ni Loki kundi maging si Al.

"I hope na hindi pa kami late sa party~"

"Naku!" napalakpak sa kaniyang noo si Henry. "Dumagdag pa ang sakit namin sa ulo.
Tapusin n'yo na itong palabas n'yo para maka-move on na tayo!"

"Huwag kang masyadong atat." In the blink of an eye, Hel's childish tone turned
serious and the look on her face became fierce. Ipinakita niya sa amin ang inakala
naming multo na lumilipad sa may bintana. "We will now raise the curtains and
reveal the truth behind your dad and brother's deaths."

"I thought you couldn't come," Loki darted a slightly curious glance at the newly
arrived guest.

"Don't worry, dad! I won't let you down~" From serious, naging mapaglaro na naman
ang boses ni Hel. Hindi ko masabi kung personality na niya ang nagpapalit-palit o
ang boses lang.
"Mukhang na-solve mo na rin ang mystery ng wraith?" tanong ni Al sa kaniya.

"Oo. At ang sagot... ay nasa loob nito!"

Inalis niya ang pagkakatakip ng puting tela sa kaniyang hawak. As the white cloth
fell on the floor, nakita namin ang isang bagay na "plus sign" ang hugis at kasing
lapad ng plato. May mga maliliit na propeller sa apat na sulok nito. It looked like
a small robot.

"Ladies

and gentlemen, an unmanned aerial vehicle or drone," Hel introduced. Sunod niyang
ipinakita ang controller sa amin. "The most crucial piece of the trick."

"Kung ganon, ipinapalipad lang ng robot na 'yan ang nakita naming wraith kagabi?"
tanong ni Jamie sabay turo sa hawak ng babaeng kinaiinisan niya. "And I'm not
asking you, Impy."

"I-Impy?"

I nudged Jamie on the elbow. Mabuti na lang at wala masyadong pumansin sa sinabi
niya.

Loki nodded and he continued pacing back and forth in the living room. "Maingat na
idinesenyo ang figure ng Grim Reaper sa drone para hindi dumikit ang itim na tela
sa propeller nito."

"Teka, paano niya makokontrol 'yan kung nasa loob lang ng bahay ang salarin?"
Rosetta asked. "Sinabi n'yo kanina na kahit nasa kuwarto, nagawa niyang takutin
sina Lorie at Jamie."

"Some drones have cameras attached on their bodies," paglilinaw ni Al. "Kaya niya
itong i-view sa sarili niyang monitor sa kuwarto. Parang naglalaro lang siya ng
video game."

"You finally explained the trick," sabi ni Emeraude. "So who among the three Basco
siblings is the culprit?"
There was silence.

Until Loki broke it.

"Sino ba sa kanila ang mahilig sa model aircraft?"

All eyes turned to Henry who now looked more shocked than annoyed. Napalunok siya
ng laway habang pinagtitinginan ang mga taong nakatitig sa kaniya.

"You said that you love collecting model tanks, ships and aircraft," Loki stared at
him with those cold eyes that resembled the depths of the sea. "It won't come as a
surprise if you own a drone."

"A-Ano bang pi-pinagsasabi n'yo? Porke mahilig

akong mangolekta ng eroplano, ako na agad-agad ang salirin?"

"Controlling a drone may appear as if you are playing a video game, but it still
requires a certain set of skills," sagot ni Al. "At sa inyong tatlo, ikaw ang most
probable na may kakayahang magpalipad ng drone, being an enthusiast yourself."

"Na-Nagkakamali kayo! Hu-Huwag n'yo nga kaming paikutin diyan sa theory n'yo!"

"Why don't we search your room?" Hel suggested, waving a folded piece of paper.
"May nakuha na kaming search warrant para sa iyo. You must be keeping the drone
somewhere, along with the Grim Reaper props. If you have nothing to hide, you
wouldn't object, would you?"

"Pwede na ba naming simulan ang pagse-search sa iyong kuwarto, Mr. Henry Basco?"
Nilapitan na ni Officer Estrada ang salarin at iniabot ang search warrant. "O aamin
ka na sa krimeng ginawa mo?"

Napapikit ang mga mata ni Henry at napayuko. He did not have to respond. Judging by
his reaction, it's already a game over for him.

* * *
Thus, the "Haunt of Bougainville" has been solved. Now in handcuffs, Henry Basco
was led to the police car.

"That was lame~" komento ni Hel habang pinapanood ang pagbi-brief ni Officer
Estrada sa pamilya Basco. "I was looking forward to a more thrilling case~"

"Some cases sound promising but end up being a disappointment," Loki heaved a sigh.
"At least, justice has been served."

Mukhang magkakasundo nga ang dalawang 'to. They look at cases as puzzles for them
to solve.

"Now," humarap si Hel sa aming club president at muling hinawakan ang kamay nito,
"have I proven myself

worthy of calling you as my dad? Have I? Have I?"

The two consultant locked into a staring contest. Nagngitngit naman sa pagkainis si
Jamie. Lulusubin na sana niya si Hel pero hinawakan ko ang kaniyang braso.

"Bakit mo ako pinipigilan, Lorie?!" she hissed like a snake. "Pababayaan mo na lang
ba si Impy?!"

"Never ruin a father and daughter moment," sagot ko. "Don't misunderstand the
scene. Humingi lang naman ng permission si Hel na tawaging 'dad' si Loki. Hindi
naman magiging sila."

"What?! I bet you don't understand kung gaano ako nasasaktan na may ibang
nakakakuha sa atensyon ni Loki dear! I'm not like you, Lorie!"

Hey, I'm not like you either. Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak ko sa kaniya,
baka makawala pa.

"I look forward to solving cases with you in the future," Loki said. The fact that
he didn't object means he's accepting Hel as her daughter.
"Me too, dad~ Have a great weekend!" Hel smiled at him and let go of his hand.
Pumasok na siya police car para bantayan ang nahuli nilang suspek.

Pabalik na rin sa sasakyan si Officer Estrada. Before he could open the car door,
Loki approached him and whispered something. Tungkol siguro 'yon sa hinihingi
niyang pabor.

"Pasensya na, Loki. Kahit na marami kang naitulong sa akin noon, hindi kita
mapagbibigyan. Ayaw kong pagtaksilan ang tiwala sa akin ni Morgan."

"But inspector! Think about how fast we can solve that case if the QED Club gets
hold of the-"

"Nakapagdesisyon na ako, Loki! Humanap ka ng ibang paraan upang makuha ang


listahan. Ayaw kong madamay sa gulo n'yo."

Losing his temper, umupo na sa driver's seat si Officer Estrada at ibinagsak ang
pintuan ng kotse. Nagawa pang kumaway sa amin ni Hel bago nag-drive paalis ng
subdivision ang police car.

"Paano na niyan? Saan natin makukuha ang list ni Inspector Double M?" tanong ko.

But Loki only flashed a wide grin. Marahan siyang yumuko at pinulot ang isang
nakatuping papel sa spot kung saan nakausap niya ang dating chief ng campus police.
Teka, wala ang papel na 'yan kanina, ah.

Lalo pang lumawak ang ngiti sa kaniyang labi nang mabasa ang laman ng papel. Na-
curious tuloy ang mga kasama ko sa kung anuman ang binabasa niya.

"Ano 'yan, Loki dear? Bakit pangiti-ngiti ka diyan?"

"A gift from former Clark High Campus Police Chief Inspector Gareth Estrada." He
showed us around fifty names written on the paper.

"The list of Inspector Double M's suspects on the recent killings."


###

P.S. And we are down to the last three chapters (about nine more updates) of
Project LOKI V2! Stein Alberts returns next chapter!

SHAMELESS PLUG:

Join our official Q.E.D. Club Facebook group:


https://www.facebook.com/groups/theqedclub/

Like the official Project Loki fan page: https://www.facebook.com/ProjectLoki/

You can also follow me on Twitter: https://twitter.com/AkoSiIbarraWP

=================

Volume 2 • Chapter 33: The Enemy of My Enemy

A/N: Happy birthday kay Mellisa at belated happy birthday kay Aly Hernandez! Hope
you two had a great day!

LORELEI

JAMIE AND I are now official best buddies!

Or so it seems.

Mula nang napadaan sa buhay ni Loki ang bagong consultant ng Angeles City Police
Department na si Hel at sabihin kong wala akong romantic interest sa aming club
president, Jamie's attitude on me made a 180-degree turn. She's no longer rolling
her eyes at me or speaking in a sarcastic tone.

Kasing-bilis din yata ng pagpapalit niya ng expression ang pakikitungo niya sa


akin. When our club met this morning to discuss the new development in the recent M
killings, I volunteered to buy food and drinks for the team. Nabigla na lamang ako
nang biglang tumayo si Jamie at sinabing sasamahan niya akong bumili.

Si Jamie pa ba talaga 'to? Baka nabagok ang ulo niya nitong weekend o baka dinukot
ng alien ang totoong siya at pinalitan ng mas mabait na version.

"Napag-isipan mo na ba, Lori?" tanong niya paglabas namin ng cafeteria. Pareho


kaming may bitbit na supot. Kung ang dating Jamie ang kasama ko ngayon, siguradong
sa akin niya ipinadala pareho.

"Napag-isipan ang alin?" nagtataka kong tanong. And take note that she's calling me
by my nickname!

"Kung tutulungan mo akong mas mapalapit kay Loki dear!" Puno ng pagkasabik ang tono
ng pananalita niya. "Dahil wala kang pagtingin sa kaniya at malabong maging karibal
kita, bakit 'di mo na lang tulungan ang iyong friend?"

Yeah... friend. Bilang sa mga daliri ko ang beses na ginamit niya ang

salitang 'yon. Friend naman ang turing ko kay Jamie kahit hindi mutual ang
treatment namin sa isa't isa.

Natanong na niya sa akin ito noong nasa bahay kami ni Emeraude. Salamat sa
nagpakitang wraith, biglang nadirekta sa ibang bagay ang atensyon naming dalawa.

"Sa anong paraan kita matutulungan? Hindi kasi ako expert sa ganyang bagay."

"Kahit sa mga simpleng gesture lang, Lori! Kunwari, tayong tatlo ang natira sa
clubroom. Pwedeng mag-excuse ka muna at iwan mo kaming dalawa sa loob. Give us time
para lalo kaming magkakilala."

So ako pa ang mag-a-adjust para sa kanila? I wonder kung anong gagawin niya kay
Loki kapag walang ibang tao sa paligid nila. Jamie strikes me as an aggressive
woman who's willing to do everything for the man she likes.

But something's bugging me ever since the night I heard the Mary Had A Little Lamb
tune. Sinubukan kong kalimutan ang mga paghihinala ko para walang magbago sa
pakikitungo ko sa kaniya... at sa iba pang suspek na nandoon.
My eyes shot a glance at Jamie who kept on talking. Pasok sa isang tenga, labas sa
kabila ang mga sinasabi niya. Excluding me, Loki and Alistair, that tune could have
only come from the phone of Jamie, Rosetta or Emeraude.

Ayaw kong paghinalaan ang member ng sarili naming club. But if-emphasis on the
"if"-she was in one way or another connected to Moriarty, siya ang may pinaka-
convenient na posisyon. Malapit siya kay Loki, alam niya kung ano ang gagawin ng
aming club at pwede niyang sabihan si Moriarty tungkol sa mga balak naming gawin.

However, there are some contradictions on that angle. She was a victim of

Moriarty, her life was put in danger whenever M's agents are on the move, gaya ng
pagtatangka sa amin ni late Officer Bastien.

At isa sa mga lalong nagpapagulo ng sitwasyon ay ang kaniyang yumaong kuya. If


there was a foul play involved in Jaime Santiago's car accident and Moriarty was
involved in it, why would Jamie align herself with the person who plotted her
brother's death?

May ilang dots na pwedeng pagdugtungin, may ilang dots na hindi pwedeng
pagkonektahin. This overarching Moriarty case is getting more complicated than
ever!

"Hey, Lori? Bakit natulala ka diyan? Kanina ka pa nakatitig sa akin."

"Huh?" I shook my head to get rid of my disturbing thoughts. I hate it when my mind
gets preoccupied by mysteries. Baka hindi na naman ako makatulog mamayang gabi.

"Don't tell me..." Jamie mumbled as her curious eyes squinted, "...na sa akin ka
may gusto at hindi kay Loki?"

Halos malaglag ang panga ko at magdugtong na ang mga kilay ko sa sinabi niya. Teka,
teka. Hindi porke't hindi pa ako nagkaka-boyfriend ay nangangahulugang babae talaga
ang gusto ko. No, no, no. Jamie got it all wrong.

"I understand your case, Lori. May ilan na ring babaeng nag-confess na nato-tomboy
sila sa akin."
Napabuntong-hininga na lamang ako. I also hate it when people misunderstand my
simple gestures.

"Marami lang akong iniisip, Jamie. Don't misread my actions."

"E bakit tulala ka sa akin? May dumi ba ako sa mukha?"

Nagkatitigan kaming dalawa. Maybe this is the perfect opportunity to

ask that question. Habang wala sina Loki at Al.

"When we slept over at Emeraude's place, did you hear a familiar tune? Like a
nursery rhyme?"

"Noong nakita kita sa hallway ng second floor?" Jamie pressed her right forefinger
on her lips and looked up, trying to recall something. "I have a retentive memory
so nothing can escape my senses. Pero... dahil naalimpungatan ako noon, medyo
lutang pa ang utak ko. I heard some noise but hindi ako sigurado kung ano. Why?"

I slowly shook my head. "Nothing. Baka nagkamali lang kasi ako ng dinig noong
gabing 'yon. Unlike you, our memories can't be trusted."

No, I shouldn't show my cards on the table yet. I should keep them close to my
chest. Kahit na member namin si Jamie, hindi ko dapat i-dismiss ang posibilidad na
baka nga-pero huwag sana-konektado siya kay Moriarty. Ang dapat kong gawin ngayon
ay i-disprove na isa siya sa mga galamay ng criminal mastermind.

There are only three suspects here. No need to involve Loki and Al for now. I am
not a QED Club member for nothing.

But thanks to the friendship being offered by Jamie, I can get closer to her and
investigate her further.

By the time we reached the clubroom, Loki and Al were still poring over the files
of the students. Salamat sa koneksyon ng aming club president sa Office of the
Registrar, nakiha niya ang mga kailangan naming document.
"Mag-break muna kayo. Kanina pa kayo nakababad diyan," nakangiting sabi ni Jamie
sabay lapag ng mga binili namin sa mesa.

Freya jumped at the table and began sniffing the food that we bought.

"Shooo!" Jamie repeated moved her hand away from her to frighten the club cat.
"Para kay Loki dear ang mga 'yan! Meron ka nang cat food sa baba. Huwag kang
matakaw, ang taba-taba mo na nga!"

"HISSS!" Freya started whipping her tail rapidly as she bared her fangs and claws.
Either she hates Jamie or she doesn't want to be called "fat." Napaurong tuloy ang
kasama namin sa takot na makalmot siya ng pusa.

"You can give my food to Freya," sabi ni Loki. Tumayo siya't nilapitan ang
corkboard sa kaniyang side. "I already have what I need to survive the day. A food
for the brain!"

"Hindi ka man nag-dinner kagabi at nag-breakfast kanina, 'di ba?" Being his
roommate, nao-observe ko rin kung kumain na siya o hindi pa.

Madaling malaman kung paano. Walang ibang plato, baso at kubyertos sa kitchen sink
kagabi maliban sa mga ginamit ko. Walang plastic o paper bag mula sa mga fast food
chain sa basurahan. Wala ring nakakalat na resibo.

Knowing Loki, he wouldn't waste his time washing the dishes or taking out the
garbage. Lagi kayang ako ang naghuhugas ng plato at naglalabas ng basura. That
would mean na hindi siya kumain kagabi o kaninang umaga.

"Hey, Lori!" Lumapit sa akin si Jamie at bumulong. "Kapag hindi kumain si Loki dear
ng dinner o breakfast, i-chat mo ako para mapaghanda ko siya ng pagkain."

I simply nodded. Mukhang balak nga niyang career-in ang plano niyang mapalapit sa
roommate ko. Pero paano ko siya itsa-chat, hindi pa nga kami friend sa Facebook?

"You better eat something," payo ni Al sa ever busy naming club president.

"We don't want you passing out due to starvation. We have a long day ahead."

Rolling his eyes, Loki grabbed a burger sandwich from the plastic and took a big
bite. Inilapag lang niya ito sa mesa at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. He was
pinning photos of unfamiliar faces on the corkboard.

"At the moment, we are narrowing down the list of suspects," paliwanag ni Al bago
buksan ang kaniyang canned pineapple juice. "Through process of elimination, hindi
malabong bumaba sa lima hanggang sampu ang mga suspek."

"We have deduced the criteria that we should follow on crossing off the unnecessary
names from our list," Loki said as he pinned the fifth photo on the board. "If
Officer Estrada is right about Inspector Double M being a competent policeman, we
are on the right track. Thanks to them, our job has become a lot easier."

Though Officer Estrada argued with Loki about not cooperating with us, he
intentionally dropped a piece of paper containing the names before he left the
subdivision. Hindi niya siguro matiis na tulungan kaming apat para malutas na
kaagad ang kaso.

"Sino-sino ang mga nasa suspect list?" tanong ko nang biglang lumapit sa Freya sa
akin at humiga sa aking mga hita.

"According to the report, Benjamin Tenorio's time of death was between five and six
in the evening," Al explained, showing a report that we probably got through
illegal means. "Ang oras ng uwian sa campus ay alas-kuwatro ng hapon. Bandang ala-
singko, kakaunti na lamang ang mga

estudyanteng nasa school."

"As what Officer Estrada told us, the list was based on the CCTV footage. Those who
left the school building entrance around the time the victim was killed are
included here," Loki showed us the piece of paper. "It is our job to determine who
among them is the culprit."

"Karamihan sa mga nasa school pa noong oras na 'yon ay mga estudyanteng may after-
school activities," nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Al. "The student council, the
student executive committee, the student publication and the CAT officers. Ang iba
nama'y mga estudyanteng gusto yatang mag-stay sa campus hanggang magsara ito."

"We can also cross-reference our list to the attendance sheet during the school
activity at the gymnasium. Remember Adonis Abellana who died due to potassium
chloride? The culprit must be among those who were held hostage at the time."
"Pwede sana nating i-compare ang CCTV footage sa loob ng gym. Kaso binaril ng mga
hostage-taker ang mga camera kaya wala tayong magagamit sa comparison."

That was the incident kung saan nagtulungan kami ni Luthor para mailigtas si
Emeraude at ang iba pang estudyante mula sa mga hostage-taker. It was his idea to
have the hostage-takers shoot the CCTV cameras para mabawasan ang kanilang bala.

"Gaya nga ng sinabi ko kanina, we will have a long day ahead," sabi ni Al bago
muling ibinaling ang tingin sa mga file.

TOK! TOK! TOK!

Sabay-sabay kaming lumingon sa pintong pinagmulan ng katok. After telling them to


come in, pumasok ang isang lalaking hapong-hapo ang itsura at namumuti ang mukha.

"Di-Dito ba a-ang QED C-Club?" nauutal niyang tanong.

"Kung marunong kang

magbasa ng signboard sa la-"

"Oo, dito nga," humirit na kaagad ako bago matapos ni Loki ang kaniyang
pamimilosopo. "Anong maitutulong namin sa 'yo?"

"Ka-Kailangan namin ang tu-tulong n'yo!" garalgal ang boses ng lalaki. Tila may
nakita siyang hindi niya maipaliwanag. "S-Sa Math and Physic So-Society!"

"Anong meron doon?" tanong ni Jamie.

"Ma-May nakita kaming patay na e-estudyante! Ma-May iniwang note na 'This is for
you, M' gaya noong dalawang insidente!"

Nagkatinginan kaming apat na may bahagyang pagkagulat sa aming mga mukha. What a
coincidence. Dini-discuss pa lang namin ang insidenteng konektado roon tapos may
panibagong kaso na bubungad sa amin.
"Nandoon na ba ang campus police?"

"Wa-Wala pa. Ka-Kayo ang unang pu-pumasok sa isip ko kaya sa inyo ko muna sinabi."

"Good. Don't tell the campus police yet until we are done," sabi ni Loki.

Kapag naunahan kami ng campus police, tiyak na hindi nila kami papasukin.

"Let's go?" sabi ni Al sabay tayo.

"No, Alistair. Stay here with Jamie. Lorelie, come with me."

"Teka, bakit hindi n'yo na kami isama, Loki dear? Won't it be better kung full
force ang QED Club doon?" Gusto lang siguro ni Jamie na makasama si Loki.

"This case and the one we are investigating have equal importance. We cannot
sacrifice the one for the other. You two will continue reviewing the file while
Lorelei and I will investigate the new M incident."

"Roger that," Al answered, taking his seat again.

"If that's your decision..." Jamie couldn't help but follow Loki's instruction.
Wala na siyang magagawa kapag ang club president na mismo namin

ang nagbigay ng utos.

"Lead the way," Loki told the bespectacled student.

Naging mabibilis at malalawak ang mga hakbang namin habang nilalakad ang kahabaan
ng hallway. Loki had a serious look on his face while the student who hasn't
introduced himself tried to look calm. He saw a dead body after all so it might
take some time before he can regain his composure.

"Ka-Kailangan ko munang pumunta ng comfort room!" sabi ng estudyanteng kasama


namin. "Di-Diretsohin n'yo lang 'yan tapos pumasok kayo sa katabing kuwarto ng
Chemistry Lab."

Kaya rin siguro hindi na siya mapakali ay dahil tinatawag na siya ng kalikasan. He
walked away awkwardly as he went to the direction of the men's restroom.

"That's weird," bulong ni Loki bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

The Chemistry Lab was still under repairs after the explosion caused by Moriarty's
gift a few weeks ago. Mabuti't hindi nadamay ang mga katabing room nito.

Loki took out a handkerchief before touching the doorknob of the Math and Physics
Society. Dahan-dahan niya itong binuksan, sumilip muna sa loob kung may ibang tao.
Pagpasok namin sa loob, maingat kaming naglakad dahil baka may matapakan kaming
ebidensya o ma-contaminate ang crime scene.

Kumpara sa Chemistry Lab, mas boring tingnan ang clubroom na 'to. May whiteboard na
nakapako sa pader at mga mesang nakahilera sa gitna. The room looked like an
ordinary one minus the armchairs.

But there was no dead body. No pool of blood. No murder weapon. No note that read
"This is for you, M" lying on the floor.

"Tama ba ang room na pinasukan natin?"

"We followed that guy's instruction. And the sign outside clearly stated that this
is the room."

The door behind us made a quick creaking noise, followed by the sound of a doorknob
lock. Kapwa kami napalingon ni Loki sa aming likuran.

Was it a trap or-

On the door, we saw a bespectacled student whose arms were crossed over his chest.
No, it wasn't the guy earlier. It was a familiar face.
He greeted us with a wide grin as he touched the bridge of his rectangular
spectacles.

"Forgive me if I summoned you this way. Like you, I cannot resist a touch of the
dramatic."

"Stein Alberts," Loki muttered.

###

=================

Volume 2 • Chapter 33: The Enemy of My Enemy (This Is For You)

A/N: This is the SECOND PART of Chapter 33. Read the first part before you proceed.

LORELEI

STEIN ALBERTS. That friendly smile and innocent face is a mask that hides his true
facade-malevolent, cunning and deadly.

"Someone said that there is a dead body here," Loki greeted as his eyes followed
the movements of the young criminal mastermind. "It's either yours... or ours."

"My, my, relax!" Stein's grin grew wider, the lenses of his spectacles gleamed.
"Thou shall not be harmed, remember? 'Yan ang golden rule ng mga taong nasa ilalim
ko. I could have arranged your death anytime I want, but I won't. Consider yourself
under my protection."

"If this is your most creative way of saying hi-and you wasted our time and effort-
let me now say goodbye. Lorelei, come."

Hinawakan ni Loki ang aking kamay at hinila nang maglakad siya palabas ng Math and
Physics clubroom. Muntikan na nga akong matapilok dahil sa biglaang paghatak niya
sa akin.

"I have a case for you and your little club."

Saktong bubuksan na ni Loki ang pinto nang mapahinto siya. Mabagal siyang lumingon
sa lalaking nababalutan ng liwanag mula sa labas. Nagmistulang silhouette si Stein
at tanging ang lente ng kaniyang salamin ang malinaw naming nakikita.

He chuckled. "I knew that's the magic word to get your attention."

"Case? What case?"

Hinila ni Stein ang isa sa mga monobloc chair at ipinosisyon ito sa gitna ng
kuwarto. "Why don't we sit down first? Go ahead, take a seat. Make yourself
comfortable as if you are in your own clubroom."

"I

changed my mind." Muling tumalikod si Loki at akmang maglalakad paalis. "We don't
accept criminal masterminds as clients."

"This is for you, M."

For the second time, Loki came into halt and turned around. Kanina pa niya hawak-
hawak ang kamay ko kaya para akong aso na sunod-sunod kung saan man siya magpunta.

"Alam kong interesado ka sa kasong 'yon," Stein said, removing his eyeglasses and
started wiping the lenses. "Unfortunately, the new campus police chief isn't
cooperative with your club and banned you in future crime scenes."

"Okay, let's cut the chase. What do you want?"

"Are you aware that the recent killings have nothing to do with me directly?"
tanong ni Stein. "My famous codename was mentioned, but I haven't instructed anyone
in my gang to cut the loose ends."

"Someone's trying to get your attention. Because you have ignored him for quite
some time."

Perfect. Stein is saying things that only Moriarty knows. Kung mare-record ko ang
mga pinagsasabi niya, we can produce evidence against him. Maingat kong ipinasok
ang aking kaliwang kamay sa bulsa ko (dahil hawak pa rin ni Loki ang kabila) at
pinindot ang homescreen button ng phone. The recorder app is only one tap away.

"That would be futile, Lorelei." Nakangiting tumingin sa akin si Stein. Sinundan ng


kaniyang mga mata ang kaliwang braso ko hanggang sa bulsa ng aking palda. "There
are phone jammers installed in this room-a project of the Math and Physics Society.
That's one reason why I chose to meet in this place. I am an honorary of the club
so they let me use this space for a couple of hours."

Inilabas ko ang aking

phone at sinubukan itong i-turn on. Ngunit kahit anong pindot ko, nanatiling black
ang display screen.

"Now we can talk without the fear of our conversation being secretly recorded."
Stein turned his gaze at Loki whose eyes were fixated at our client. "Whoever's
behind the recent killings must be one of my people. And that's what I want you to
find out: Who among my minions is acting without any order from me?"

"If one of your agents is not following your rules, that's a flaw on your
leadership," Loki said. "And because of your failure as a leader, these loose ends
ended up being victims themselves."

"It is not a failure, Loki. If you were in my shoes, you would be inclined to think
that the recent killings are motivated by ambition. Frailty of a human, I guess?"

"Ambition?"

"Yes. Because you created a huge hole that needs to be filled."

"What hole?"
Tumayo si Stein at nakapamulsang naglakad-lakad sa palibot namin. "You managed to
arrest Officer Bastien Montreal which then led to his suicide. He knew that by
failing in his mission, he had already signed his death warrant."

"And that's related to the case because...?"

"Bastien is one of my generals. Now that he's gone, there's a vacancy in my inner
sanctum. One of the aspirants badly wanted that position so he went on a killing
spree to prove himself worthy."

"So this is an internal issue within your organization?"

"You can put it that way, but it has extended beyond our group. I want it to stop.
Though the victims may be loose ends, I could have used them in my future plans.
But thanks to this

certain someone, I am losing my pawns on the chessboard unnecessarily."

"Why don't you investigate it yourself?" tanong ni Loki. "You should keep your
troops in line. Lalo ka pang magmumukhang mahinang lider kung hihingi ka ng tulong
mula mismo sa mga kaaway n'yo."

"This is not weakness." Tumapat si Stein sa aking kasama at nagkatitigan sila. "May
ibang bagay pa akong dapat bigyang pansin. A matter of priorities."

"Kung ganon, bigyan mo kami ng listahan ng mga suspek mo para mapadali ang trabaho
namin. That would be easy for you, wouldn't it?"

Napangiti ang criminal mastermind kahit wala namang sinabing nakakatuwa si Loki.
"Sa tingin mo ba'y ganon ako katanga para pagbigyan ang request mo? I can produce a
list but that will risk the identities of my other agents. You will interrogate
them and force them to say things that can incriminate me. Nice try, Loki."

"At least I tried my luck," Loki chuckled. His expression quickly changed into a
serious one. "Anyway, I have no intention of helping you with your own problem.
Kanya-kanya tayong linis ng bakuran. Tapat mo, linis mo."

"Once you find out who the killer is, you can ask him anything that you want about
our organization," Stein said as he returned to his seat. "If he loosens his
tongue, you can have any information that you need. But pray that my other agents
won't get to him first. Otherwise, your efforts will be in vain."

Ilang segundo silang nagkatitigan ni Loki bago kumalas ang aking kasama. He finally
walked away and pulled me out of the room. Bago mawala si Stein sa paningin ko,
hinatak ko pabalik si Loki para huminto kaming

dalawa.

"By the way, does the name 'Jaime Santiago' ring a bell?" tanong ko.

"Jamie? Your club member?"

"No, the late student council president."

There was a hint of recognition on his face as he slowly raised his head. A smile
formed across his lips. "That's a name that I haven't heard in recent months."

"Are you in any way involved in his accident?"


Stein maintained the smile on his face. A second of silence or two before he
answered. "You have a case to solve. Don't put too much on your plate."

Muli akong hinila ni Loki upang tuluyan na kaming makaalis mula sa Math and Physics
Society clubroom.

"Why did you ask about someone who's dead?" tanong niya nang paliko na kami sa
corridor. "Is there something of interest to that person?"

"I have a feeling that Jaime Santiago is one of the missing pieces in the Moriarty
mystery," sagot ko. Tama, posibleng siya ang nawawalang piyesa sa puzzle na matagal
nang pilit binubuo ni Loki. At mahalaga ring malaman ko kung sangkot nga ba talaga
si Moriarty sa pagkamatay nito. My suspicion on Jamie may change depending on the
answer.

"We have a bigger case to solve! Don't let yourself be distracted!" I could hear
the excitement in Loki's voice. He is on fire-not literally. Sa sobrang pagkasabik
niyang imbestigahan ang kaso, mas bumilis ang paglalakad niya at mas humigpit ang
pagkakahawak ng kaniyang kamay sa akin.

"Uhm... Loki?"

"Yes, Lorelei?"

"My hand."

"Oh?" Bigla niyang binitawan ang aking kamay. Hindi na siguro niya namalayan na
kanina niya pa ito hawak-hawak dahil sa intense

na palitan nila ni Stein kanina.

Habang naglalakad kami sa hallway, napansin namin ang mga CAT officer na kumakatok
sa pinto ng bawat classroom. Isa-isang lumabas ang mga estudyante, bakas ang
pagkabahala sa kanilang mga mukha.

"Is there a school activity or something?" nagpukol ng nagtatakang tingin ang


kasama ko sa mga taong nakakasalubong namin. "Bakit lumalabas na sila sa classroom?
Classes are about to resume in a few."

"Wala namang naka-schedule na event ngayon." I tried listening to the conversation


of students who passed me by but I can't make anything out of their babblings. Loki
stopped for a while and observed the CAT officer who got inside a classroom.

"There's a bomb threat in school," he muttered. "That's why everyone in this school
building is being asked to evacuate."

"Bomb threat? This isn't a drill?"

Nagmadali kaming bumalik sa clubroom para tingnan kung nandoon pa sina Jamie at Al.
Mukhang 'di pa nila alam ang nangyayaring forced evacuation sa building.

"Bo-Bomba?" pagulat na tanong ng dalawa matapos sabihin sa kanila ang sitwasyon.

"I used my lip-reading skills at one of the officers in sky blue uniform." Bumalik
si Loki sa kaniyang usual spot. "Everyone is asked to remain calm."

"Should we leave this room as well?" tanong ni Al. "Hindi natin pwedeng balewalain
ang ganong banta."
"This is just a hoax," Loki's hand made a dismissive gesture. "Someone probably
wants to play prank on the teachers and students."

"Hindi kaya si Moriarty ang may gawa nito?" tanong ni Jamie. "He threatened to bomb
the school last time. He can do it again."

"I

don't think he's involved," sabi ko sabay haplos sa ulo ni Freya. "Siya ang
nakausap namin kanina sa Math and Physics Society. And he has a request to our
club."

"Eh?"

"He wanted us to find a rogue member of his organization who killed Benjamin
Tenorio and Adonis Abellana," Loki explained as he pinned two photos of familiar
faces on the corkboard. "Hindi na niya tayo kailangang sabihan pa dahil inumpisahan
na natin ang imbestigasyon. But we are not doing this for him nor his
organization."

Napahawak si Al sa kaniyang baba. "If we catch the killer, magkakaroon na tayo ng


lead kay Moriarty."

"But we need to protect him once he's under our custody. Or prevent himself from
committing suicide. We already let one big fish off the hook before. We cannot
afford to lose another one."

TOK! TOK! TOK!

"Let's hope that not another member of a club who claims to have found a dead body
in the room," sabi ni Loki bago namin pinabuksan ang pinto.

A young man in sky blue uniform peeked inside before opening the door. Judging by
his outfit, he must be one of the CAT officers.

"Pasensya na sa istorbo. Pinabababa ang lahat ng mga estudyante sa open area.


Merong natanggap na bomb threat ang mga faculty member. We advise na huwag kayong
mag-panic habang palabas ng school building."

"We are perfectly fine here. Thank you!" Loki forced a smile before returning to
his board. "Wala kayong dapat ikabahala. Isa lang itong masamang biro ng
estudyante."

"Biro man ito o hindi, standard procedure ang pagpapababa sa mga estudyante,"
paliwanag ng CAT officer. "Kaya sana makipag-cooperate

kayo sa amin."

"May problema ba rito?"

Biglang nagpakita sa likuran ng lalaki ang isa pang CAT officer na mas matangkad at
maskulado ang pangangatawan. I remember his face! He's the corp commander who was
talking to Luthor during the hostage-taking incident at the gymnasium.

"Sir! Ayaw nilang bumaba kahit sinabi ko nang may bomb threat sa school."

"Ah, ang QED Club?" Sumilip sa loob ang corp commander na may nakaburdang
CASTILLEJOS, C. sa kaniyang name tag. "Alam naming busy kayo sa mga request pero
mas mabuti kung bababa muna kayo hangga't hindi pa clear ang building. Para na rin
ito sa kaligtasan ng lahat."

"But we have more important-"

"Bababa na kami." Nilakasan ko na ang aking boses para hindi na makahirit pa si


Loki. Nagkatinginan kaming apat sa loob at tumango, senyales na susunod kami sa
mandatory evacuation. Ibinaba ni Loki ang mga hawak niyang litrato at iniwan ang
mga 'to sa mesa.

Nagmamaktol na bumaba sa hagdanan ang aming club president. Karga-karga ko naman sa


aking mga bisig si Freya. Mahirap na, baka may sumabog talaga sa building at
madamay pa ang kawawa naming club cat.

Nagtipon-tipon sa open area ng campus ang iba pang estudyante. Pinanood naming
pumasok sa school building ang bomb disposal unit ng campus police. Nandoon din si
Inspector Double M, hinihintay ang updates mula sa kaniyang mga tauhan gamit ang
radio.

"Why would someone fall for this prank?" Loki rolled his eyes from the policemen
waiting with us outside.

"Mas mabuti nang makasiguro kaysa magsisi tayo sa huli," sabi ko habang
pinaglalaruan ang ilong ni Freya. She

was more relaxed than most students around us.

Biglang dumikit na parang magnet si Jamie kay Loki at hinawakan ang braso nito.
Here she goes again. "Kahit merong sumabog o wala, ang importante'y magkasama tayo,
Loki dear~"

Naalala ko tuloy si Hel sa sing-song niyang tono ng pananalita. Speaking of that


consultant, nasaan na kaya ang babaeng 'yon?

"Negative? Did you double-check the surroundings?" Narinig naming sabi ni Inspector
Double M sa kaniyang kausap sa radio. "A-Ano? May nakita kayong... Buhay pa ba?"

Lumayo nang kaunti sa amin ang inspector. Napansin siguro niyang nabaling sa kaniya
ang tingin ng mga nasa paligid namin.

"Buhay pa ba?" pag-uulit ni Al sa bahagya niyang huminang boses. "Something


happened inside the building?"

"Mukhang hindi lang bomb threat ang nangyari dito," dagdag ni Loki. "I could feel
it. That murderous intent... When you get involved in too many murders, you can
sense whether something bad is going to happen or not."

"I hope it's not that serious," bulong ni Jamie sabay sandal ng kaniyang ulo sa
balikat ng lalaking dinikitan niya.

"While waiting for any developments," unti-unting inilayo ni Loki ang ulo ni Jamie
mula sa kaniya, "why don't we try to solve who sent that bomb threat message?"

Seryoso ba siya?

"Posible bang ma-trace natin kung kanino galing ang prank message?" nakangiting
tanong ni Al. "Malamang itinapon na o sinira ng sender ang SIM card matapos niyang
pindutin ang send button."
Loki replied with a smirk. "I have an idea or two on how we can find out who the
prankster is."

Hinawi niya ang

mga nakaharang na estudyante at sinadyang bungguin ang ilan na ayaw tumabi. Panay
"excuse me" kami tuloy sa mga nadaraan namin.

He went to the area where faculty members gathered, whispering to one another about
school stuff. Pumuwesto kami sa likuran ni Loki at hinayaan siyang magsimula ng
kung anuman ang balak niyang sabihin. Hindi kami na-brief kaya wala kaming ideya
kung ano ang plano niya.

"Excuse me, ma'am and sir?" He sounded so polite, which is not normal. "We are
members of the QED Club and we want to investigate who disrupted our regular class
schedules through a bomb threat message."

"Sila 'yong pumigil dati sa bomb threat, 'di ba?"

"'Di ba fake lang ang mga 'yan? Gawa-gawa lang nila 'yong mga kaso?"

"Naku, ma'am, tsismis lang ho 'yon para sirain ang club nila."

"Humingi na ng sorry ang Clark Gazetta para doon sa misleading article kaya cleared
na sila."

Habang nagbubulong ang mga faculty member, inilibot ko ang aking mga mata sa
kanila. Napansin kong wala si Sir Jim Morayta. Nakasalubong ko pa lang siya kanina
bago ako pumunta sa clubroom.

"Paano n'yo malalaman kung sino ang may pakana nito?" a male teacher asked, his
arms crossed over the chest.

"I have two ideas," Loki raised two of his fingers. "Either a bored student who
doesn't want to go to school or someone who doesn't want to take an exam sent that
message to the faculty members. Which one do you think is more probable?"

"Halos pareho lang yata?" tugon ni Jamie. She started twirling her braided hair.
"Anyone can send that message and the result will still be same."

"Baka kailangan

nating i-consider ang timing?" sagot naman ni Al. "Kaka-resume lang ng morning
period nang ipinadala sa mga teacher ang bomb threat. Maybe the sender was trying
to avoid something that's supposed to happen around this time."

"Kung may exam sila ngayong ten o'clock at natanggap ang bomb threat sa ganitong
oras, malamang ipapa-cancel muna ang pagsusulit." Nasa mga bisig ko pa rin si Freya
at marahan siyang dinuduyan.

"The sender knows that the classes will be interrupted the moment the news of the
bomb threat gets leaked," Loki walked around as the teachers kept an eye on him.
"Gaya ng sinabi ni Al, timing ang primary factor sa kasong ito. The sender must be
smirking in the shadows as we speak."

"Sino ho sa inyo ang may naka-schedule na test ngayong ten o'clock?" tanong ni Al.

"Ako."
Dahil wala sa mga kaharap naming teacher ang sumagot, napalingon kami sa aming
likuran at nakita si Sir Jim na nakataas ang kanang kamay.

"Meron kaming scheduled quiz ng mga Grade 10 at halos twenty minutes na nilang
sinasagutan 'yon," sagot niya. "Salamat sa bomb threat na 'to, mukhang kailangan
naming i-reschedule. By the way, it's nice to see the QED Club in action."

"Saan ka ba galing, Sir Morayta?" tanong ng nakatatandang guro. "Ang akala namin
na-trap ka na sa loob ng building."

"Pasensya na, ma'am, may dinaanan muna ako sa faculty room."

"Teka, ano 'yon?"

"Bakit parang may estudyanteng naka-stretcher?"

Nagawi sa entrance ng school building ang aming tingin. Nagmamadaling lumabas ang
mga medic na may buhat-buhat na stretcher kung saan nakahiga ang isang babaeng
duguan ang tagiliran. May nakatarak na icepick sa katawan niya.

Loki pushed his way through the crowd to get a closer look. Sumunod kaming tatlo sa
kaniya para tingnan kung anong nakita niya. Ipinarada sa tapat ng gusali ang isang
ambulansya at ipinasok sa loob ang babaeng naka-stretcher.

Bago tuluyang mawala sa paningin namin ang babae, tila nakilala ko ang mukha niya.
I tried recalling her name, but my mind seemed to fail me at the moment.

"Stein Alberts' classmate. The eternal rank number two," bulong ni Loki nang
tuluyan nang umalis ang ambulansya at ipinatunog ang sirena nito.

Mo-Monica Segundo?!

Sunod na lumabas sa school building ang mga pulis at ang bomb disposal unit. Ang
isa sa kanila'y may hawak-hawak na plastic bag na may lamang kapirasong papel.

"Kaagad n'yong i-check ang papel na 'to pati na ang ginamit na icepick, baka may
naiwang fingerprints," utos ni Inspector Double M sa kaniyang mga tauhan. Dahan-
dahan niyang inilabas ang papel at binasa ang nakasulat dito.

This is for you, M.

###

=================

Volume 2 • Chapter 33: The Enemy of My Enemy (Come With Us)

A/N: This is the THIRD PART of Chapter 33. Read the first and second part before
you proceed.

LORELEI
MORIARTY'S ROGUE agent has struck again. To be fair, all of Moriarty's agents are
rogue.

Since an ambulance was called, the victim is still alive. The only question now is
if she can make it to the hospital and get treated.

"Why would he target Monica Segundo?" tanong ko sabay harap kay Loki. "Dahil ba
classmate siya ni Stein Alberts?"

"Monica who?" Nakakunot-noong tanong ni Jamie. Oo nga pala, hindi pa pala sila
member ng club nang i-solve namin ang kaso kung saan involved ang sinasabing
eternal rank number two.

"Merong ni-refer na case sa amin noon si Sir Jim. Hindi kasi pumapasok sa klase si
Stein Alberts, ang pambato ng school pagdating sa Math," paliwanag ko habang
hinahaplos ang ulo ni Freya. Pakiramdam ko'y parang nagbe-babysit ako ng sanggol.
"We later found out that Monica asked Moriarty's minions to abduct Stein upang
hindi siya maka-attend sa screening para sa Math competition."

"Later on, we also found out that the abduction was staged by Stein and his goons
to set us up for an informal meeting," Loki continued as he walked through the
crowd. "If I had known that he is Moriarty, I should have let him rot inside the
locker."

That was a good trick, by the way. We have to hand it to Stein for pretending to be
a victim of the criminal mastermind.

"Base sa tatlong biktima, tinatarget nila ang mga taong nagkaroon na ng contact sa
mga tauhan ni Moriarty," Al deduced, his eyes focused on the

plastic bag that Inspector Double M was holding. "And that's his offering to the
criminal mastermind. Kaya siguro lagi siyang nag-iiwan ng note na This is for you,
M bilang signature."

"Gusto niyang ipakita na kaya niyang linisin ang mga gusot, ganon?" tanong ni
Jamie. "Sounds like someone we know."

"He wanted to fill the shoes left by the late Officer Bastien," sagot ni Loki.
"That campus police officer confessed that his task is to make sure that there are
no loose ends. Halos kapareho ito ng ginagawa ngayon ni Bastien 2.0. But we will
deal with that case later. May uunahin muna tayo."

Nagbalik kaming apat sa area ng mga faculty member. Nagulat yata sila na bigla na
lamang kami umalis kanina.

"As I was saying earlier, the sender of the bomb threat message is someone who
wants to skip the exam," Loki explained, raising his right forefinger while pacing
back and forth. "Sir Jim Morayta, you said that your class was having their quiz
before the news of the bomb threat spread?"

"Oo, wala man yatang thirty minutes bago kami pinababa ng mga CAT officer," sagot
ng aming Math instructor sabay ayos sa pagkakalagay ng kaniyang salamin. I couldn't
help but remember Stein from that simple gesture.

Al took a step forward, joining Loki in his mini-deduction show. "Kung ang klase
lang na hawak ni Sir Jim ang may quiz noon, malamang nasa kanila rin ang sender.
That would be the most probable explanation."

"That's around twenty to thirty students, but we can still narrow them down to a
single digit," Loki darted a glance at his co-detective before turning to the
teacher. "Did you collect

their test papers, sir?"

Tumango si Sir Jim at ipinakita sa amin ang isang envelope na nakaipit sa kaniyang
braso. "Ito rin ang magiging basehan ko para sa attendance."

"May absent po ba sa mga estudyante n'yo?"

Umiling ang aming Math instructor. "Alam nilang may quiz ngayong araw kaya walang
lumiban sa klase. Mahirap na ring makahabol lalo na't hindi ako nagbibigay ng
special exam sa mga absent."

Napahawak si Al sa kaniyang baba at napatingin sa ilalim. "Ngayon, nawala na ang


possibility na ang salarin ay isang estudyanteng um-absent at gustong ipa-
reschedule ang test."

"It would also be suspicious if there's a lone absentee in the class and this bomb
threat incident occured," Loki added. "The authorities might suspect someone who
wasn't in the campus premises at that time. Can we take a look at the exam papers,
please?"

Sir Jim hesitated for a moment, but eventually handed over the envelope.
Nagmadaling inilabas nina Loki at Al ang mga papel at isa-isa itong chineck.
Nakitingin na rin si Jamie kahit wala siyang input sa kanilang deductions.

"Found it!" Loki exclaimed as he raised a piece of paper. Inihiwalay niya ito sa
mga tsine-check nila at ipinakita kay Al. "Meet our primary suspect number one."

"Norman Guevarra," basa ni Al sa pangalang nakasulat sa gawing itaas ng papel. We


scanned the whole page. The first part was multiple choice. Sinubukan naming
hanapin ang sagot niya sa unang sampung item pero wala kaming nakita.

"How did he become the number one suspect?" tanong ni Jamie.

"Take a look at his paper. There's not a single answer," sagot

ni Loki sabay ayos sa mga hawak niyang papel bago ibinalik ang mga ito sa loob ng
envelope. "Don't you find that weird?"

Iniabot namin kay Sir Jim ang test paper. Napahaplos siya ng baba habang ini-scan
ito. "Nakakapagtaka nga dahil napakadali ng mga sagot sa unang limang multiple
choice item. Hindi naman kasi kailangang i-solve 'to gaya ng iba."

"Wala nga siyang sinagot, pero paano n'yo nasabing siya ang nag-send ng bomb
threat?" tanong ko.

"Sabi nga ni Sir Jim, madaling sagutan ang first five items," tugon ni Al. "Ano sa
tingin mo ang dahilan kaya wala siyang naisagot sa mga 'yon?"

"Baka kakarating lang niya kaya hindi siya nakasagot?" Jamie guessed. "O kaya baka
binasa niya muna ang lahat ng items tapos hindi siya nakapagsimulang mag-answer?"

"May fifteen hanggang twenty minutes pa ang mga estudyante ko para sagutan ang
ilang parts ng quiz," paliwanag ni Sir Jim. "At hindi rin na-late si Norman kaya
imposibleng wala siyang time para sagutin ang mga 'yan."

"I could only think of one possible explanation why his test paper is blank," Loki
raised his right forefinger again as he faced the faculty members. "He knew the
classes will be the suspended because of the bomb threat he sent to you. So why
bother answering the questions?"

"Alam din niya sigurong mahirap i-trace ang number na ginamit niyang pang-send nito
kaya confident siyang walang makakaalam ng ginawa niya," dagdag ni Al.

"Once everything's clear, summon him to the principal's office for causing the
disruption of classes," Loki suggested as he handed over the envelope to the Math
instructor. "We only have circumstantial

evidence but if you ask the right questions and threaten him, he will probably
confess."

The teachers looked dumbfounded except for Sir Jim. Nasaksihan na kasi niya kung
paano magtrabaho si Loki at ang QED Club. If our club president is a magician, our
Math instructor would be an audience who already saw the same magic trick twice.

"As expected from our premier detective group!" komento ng Math instructor na
sinabayan pa ng palakpak. "Kaagad na case closed ang bomb threat incident na 'to."

Nang masiguro ng bomb disposal unit na "clear" ang school building, muling
pinapasok ang mga estudyante. Some were disappointed becasue they thought that the
school admin would suspend the classes. Good luck kay Norman Guevarra na nasa likod
ng pagkaantalang ito.

Nagmadali kaming bumalik sa aming clubroom para ipagpatuloy ang imbestigasyon


namin. Ngayong muling nagparamdam ang tauhan ni Moriarty, may bagong thread na
naman kaming susundan.

Dala na siguro ng kaniyang pagkasabik na ma-solve ang kasong ito, nasa bandang
unahan si Loki. Nakakailang hakbang pa lamang siya sa loob nang bigla siyang
napahinto.

"Is something wrong?" Ibinaba ko na si Freya. Nakakangawit din kasi na halos isang
oras ko siyang karga-karga.

Sniffing like a dog, Loki made a 360-degree turn as if he was looking for a certain
scent.

"Naku! Baka dito mismo sa clubroom nagdumi 'yong pusa!" naasar na sabi ni Jamie.
"Dapat kasi sa labas natin pinapag-stay si Freya at doon na rin siya pinapakain!"

Hindi na lamang kumibo ang pusa at humiga sa kaniyang usual spot, sa taas ng
bookshelf.

"There's

something weird in here," Loki continued sniffing as he walked around the clubroom.
Iginala niya ang kaniyang mata sa files sa mesa at sa mga litratong naka-pin sa
corkboard. "Can you smell a strong perfume?"

Napasinghot tuloy kami at pilit na inamoy ang scent na sinasabi ng aming club
president. Tama nga siya. Parang merong nagpabango na may matapang na amoy.

"Hindi ganon katapang ang perfume ko, ha?" depensa ni Jamie habang nakatitig sa mga
papel na nasa mesa. She stretched out her arm over the table. "Don't worry, wala
namang nawawalang kahit anong document dito. Ganitong-ganito ang set-up ng clubroom
noong umalis tayo. Wala ring nawawalang photo diyan sa board."
"I'm relieved to hear that." Loki touched the pinned photo of Adonis Abellana. "But
the fact remains that someone was here minutes ago. Otherwise, that strong smell
won't linger."

"Baka may gustong sumilip kung ano ang ginagawa natin sa loob?" Isa-isang binuksan
ni Al ang mga folder at inilabas ang mga papel. "No doubt that our club has become
more popular than before. Thanks to the exposure."

"But I locked the door," sabi ko. Natatandaan kong pinindot ko ang latch nito bago
kami bumaba. Kaya paanong may nakapasok sa loob?

Bigla na lamang tumakbo si Loki sa tapat ng pinto at napaluhod ang isang binti
niya. With his eyes as keen as the eagle's, he observed the exterior knob and the
key cylinder.

"No recent scratches near the keyhole," he stood and put his hands inside his
pockets. "Kung tama ang sinabi ni Lorelei na ini-lock niya ang pinto, the culprit
must be someone who also has experience in lockpicking like me."

"But

who can it be? And for what purpose?" Jamie played with her braided hair. Lumapit
siya nang kaunting hakbang sa aming club president.

"You sure that there's nothing weird in this room?" tanong ni Loki sa kaniya.

Our member with retentive memory shook her head. "Walang nagbago sa arrangement ng
files. Mukhang wala ring nawawala sa mga document na nire-review natin."

"Wala ring nadagdag? The intruder might have left something in this clubroom,
possibly a bomb."

Muling umiling si Jamie. "Trust me and my memory. Wala pa akong napapansing


kakaibang bagay sa loob."

"The question still remains." Isinira ni Al ang folder at napatingin sa malayo.


"Ano ang dahilan kung bakit pinasok tayo rito? It doesn't make any sense kung mag-
e-effort siyang buksan ang pinto para mag-sightseeing sa loob."

"We will find out soon." Bumalik na si Loki sa kaniyang swivel chair, isinandal ang
likuran at ipinagdikit ang mga daliri. "In everything that we do, there's always a
reason. In every crime committed, there's always a motive. Whoever trespassed in
our territory must have some sort of motive for doing so. In the mean time!"

His hand gestured at the piles of paper on the table. That's his way of saying
"back to work!"

Dahil mag-a-alas-dose na ng tanghali, hindi na kami pumasok sa aming mga klase. The
faculty members must be interrogating the student behind the hoax bomb threat so
they won't be using the remaining thirty minutes of their classes.

We classified the student records based on the gender, height, weight and if they
attended the school activity where a hostage-taking

happened. Sabi nga nina Loki at Al kanina, meron na silang nabuong criteria para
ma-narrow down ang tauhan ni M.

And like what we did earlier, Jamie and I bought lunch meals for our colleagues.
Masyado na silang tutok sa pagbabasa ng mga file. Baka bigla na lamang silang
mahimatay at maudlot ang aming imbestigasyon.

Then came three knocks on the door.

"Come in!" I shouted.

The knob was unhurriedly turned and the door slowly swung open. Sinundan ito ng mga
mabibigat na yabag ng sapatos. A muscular man with a scar across his nose stood
before us. It was Inspector Morgan Morales, the new campus police chief.

"Good day, inspector. What brings you to our humble abode?" Loki seemed more
accommodating than usual. Gusto niya sigurong bumuti na ang tingin sa kaniya at sa
amin ng campus police chief para makapasok na kami sa mga crime scene.

"Mukhang busy kayo ngayong umaga?" Inspector Double roamed his eyes around the
clubroom. Sandaling napako ang kaniyang tingin sa mga litratong nasa corkboard.

"We are investigating a curious case that our mysterious client has brought up."

The inspector was holding something in his hands na itinatago niya sa kaniyang
likuran. All I could see was a plastic bag that they used to preserve evidence.

"I am here to ask for your help, lalo na mula sa 'yo, Loki Mendez."

Abot-tenga ang ngiti ng aming club president sa kaniyang narinig. "I knew that this
day would come. Hindi n'yo kami matitiis. I assume you want our help in solving the
recent M killings?"

The scarred-face campus police chief slowly nodded. "Kahit pagbawalan ko kayong
umeksena sa mga crime scene, alam kong hahanap at hahanap kayo ng paraan upang
makapag-imbestiga. The former inspector and my staff told me as much."

"Please take a seat, sir. We are interested to listen to the pieces of information
that you would like to share."

"Why would I?" Inspector Double M replied, followed by a chuckle.

Looking confused, Loki's eyes narrowed into slits, his eyebrows furrowed. "You said
you wanted our help-especially my help."

"Sinabi ko nga kanina na gusto kong hingin ang tulong mo. Ngunit hindi para lutasin
ang kasong ito."

"I beg your pardon?"

"Gusto kong hingin ang kooperasyon mo, Loki, para sa tangkang pagpatay kay Monica
Segundo."

The inspector showed us the plastic bag containing a piece of paper. I could read
the words This is for you, M from where I was seated. Why would he-

"Your fingerprints were found on this evidence as well as on the icepick used to
stab the victim. I want you to come with us to the campus police station."

"WHAT?!" Everyone in the clubroom except the policeman exclaimed. Nagising tuloy si
Freya mula sa kaniyang pagkakaidlip at nilapitan ang aming club president.

"That can't be!" protesta ni Jamie.


"You are our primary suspect, Loki Mendez."

###

P.S. And we are down to the last TWO chapters of PL V2! Enjoy the ride!

=================

Volume 2 • Chapter 34: Thou Shall Not Be Harmed (Part One)

A/N: This is the penultimate chapter of PL V2! Enjoy reading!

LORELEI

LOKI HAS been taken away by Inspector Double M. Kahit anong paliwanag namin sa
kaniya, he wouldn't listen. He wouldn't waste a second listening to why our club
president cannot be the one who attempted to kill Monica Segundo.

Strangely, Loki did not resist. Kusang loob siyang sumama sa hepe ng campus police.
Cooperating with the authorities must be his way of proving his innocence. Kapag
ininterrogate siya mamaya, siguradong mailalabas din ang katotohanan.

"Loki dear was with us the whole time!" Nagpalakad-lakad sa aming clubroom si
Jamie. Kanina pa siya hindi mapakali mula nang sunduin si Loki. "How could he have
stabbed someone with an icepick kung kasama natin siya? Ano 'yon? Kaya niyang
pahintuin ang oras para puntahan 'yong Monica at saksakin?"

"Words cannot easily refute the evidence," Al said, still browsing the folders of
the Bastien 2.0 suspects. "The fact that they found his fingerprints on the weapon
and on the note will prove it hard for us to turn the table."

"Let's set things straight," sabi ko. "Loki is not a killer, though he almost
killed Stein Alberts back at the Diogenes Cafe. He has no motive or whatsoever to
kill Monica Segundo. And he does not own or hide any icepick in the clubroom."

"Mas mabuti na yatang si Inspector Estrada pa rin ang chief ng campus police!"
padabog na reklamo ni Jamie. "Kung ire-review niya ang unang dalawang killings, he
would find out that Loki could not have been the culprit!"

"But how

can we explain the fingerprints?" tanong ko. "'Yon siguro ang major factor kaya
naisip ni Inspector Double M na primary suspect si Loki."

"Diyan pumapasok ang nanloob kanina sa clubroom natin." Al closed a folder and
opened another. His eyes darted glances at us while he kept on reading. "Gaya ng
sinabi ni Jamie, walang nawawala o nadagdag sa mga gamit na nandito. Maybe the
culprit is after something else."

"Loki's fingerprints?" I mumbled as my slightly widened eyes stared at my childhood


friend.

"Bastien 2.0-as how Loki calls the culprit-or his accomplice, if there's any, took
advantage of the fake bomb threat. He knew that everyone will be asked to evacuate
kaya sinamantala niya ito para buksan ang lock ng clubroom at kumuha ng
fingerprints ni Loki mula sa mga bagay na hinawakan niya."

"But is that even possible?" tanong ni Jamie. "To transfer one's fingerprints from
one object to another?"

"Some said it is possible, some said it is not." Al's eyes blinked a few times.
"But the three of us know that there's no way Loki would touch an icepick to stab
someone. The only possible explanation here is that Bastien 2.0 lifted our
president's fingerprints and put them on the weapon and note."

"I believe in Loki. I believe that he can get out of this mess," I said with
conviction.

"Pero hindi lang tayo pwedeng maghintay dito!" tumigil sa tapat ko si Jamie. "That
Bastien copy cat might do something else to further incriminate Loki dear! If he
managed to frame him up through the fingerprints, he can use other methods!"

"Kaya nga kailangan nating i-identify kung sino ang Bastien 2.0,"

sabi ni Al. "We are getting closer to the truth and to the identity of that person.
While Loki is away, let me lead the investigation temporarily."

"You have our support, Al! Basta mailigtas natin si Loki!"

"We will follow your lead."

Flashing a bright smile, Al approached the corkboard that Loki was playing at
earlier. Isa-isa niyang nai-pin ang larawan ng nasa halos limampung suspek sa mga
magkakasunod na kaso. Kinuha naman namin ni Jamie ang folder para may reference
kami sa pagpapaliwanag ni Al.

"We started off with forty-eight suspects. Parehong lalaki at babae." His hand made
a swiping gesture in front of the corkboard. "Now I want you to remember the
apparent suicide case of Benjamin Tenorio. What can you recall about the case?"

"Loki told me before that the one who hung Benjamin was around five feet and seven
inches tall. Muscular build. Knows some weightlifting."

"Now I get it!" Parang may bumbilyang umilaw sa ulo ni Jamie. "'Yon ba ang dahilan
kaya ipina-group n'yo ang mga suspek based sa kanilang height at weight?"

Al nodded. "There were no signs of a pulley or other device used to lift the
victim's body kaya masasabi nating mano-mano niyang binuhat ang katawan ni
Benjamin. Following that line of reasoning..."

Tinanggal niya ang halos kalahati ng mga litratong nasa corkboard. From forty-
eight, we are down to twenty-four suspects.

"Ang galing! Loki would probably deduce the same if he were here," napapalakpak na
komento ni Jamie. "Paano pa natin mababawasan ang mga suspek?"

"Next is the attendance sheet," Al picked a piece of paper on

the table and handed it to us. "We marked kung sino-sino ang mga nasa gymnasium
noong nangyari ang hostage-taking. Only those who were at the gym that time could
have injected the potassium chloride in Adonis Abellana's vein. With that
deduction..."
Nasa dalawampung litrato ang sunod na inalis niya mula sa corkboard. Some familiar
faces remained.

"Meron pa sana tayong isang criteria na pwedeng gamitin para lalong ma-narrow down
ang mga suspek." Lumipat sa kabilang banda ng corkboard si Al. "Pwede nating hingin
sa mga faculty member ang kanilang attendance sheet upang malaman natin kung
pumasok ba ngayong araw ang mga suspek natin."

"If he or she didn't go to class today, that would be make it impossible for him or
her to have attempted on Monica's life," Jamie said, stating what was supposed to
be an obvious fact.

"This is under the assumption that only one man is behind the killings. Kung meron
siyang kasabwat na tumulong sa kaniya para patayin ang mga biktima, magiging less
credible ang ating listahan."

"It's better than nothing! Kaso..."

Nabaling ang tingin naming tatlong mukhang naka-pin sa board. Gaya ng sinabi ko,
they are all familiar faces:

Luthor Mendez, vice president of the High School Supreme Student Council

Rye Rubio, member of the Student Executive Committee

Cedric Castillejos, corps commander of the Citizenship Advancement Training

"So one of them is Bastien 2.0?" Isa-isang hinawakan ni Jamie ang mga litrato, tila
isine-save sa kaniyang memorya ang mga mukha nila.

"If our deductions are correct,

only these three could have committed the crimes," sabi ni Al. "But there's another
possible suspect. Someone who won't appear suspicious."

Parehong naningkit ang mga mata namin ni Jamie na nakabaling sa kaniya. "Who else?"

May kinuha siyang litrato mula sa files at idinikit ito sa corkboard. Nanlaki ang
mga mata namin nang makilala kung kanino mukha 'yon.

"I-Inspector Double M?!"

"Sigurado ka ba diyan, Al?"

My childhood friend slowly nodded. "Tandaan n'yo na sa kaniya galing ang listahang
ito. Perfectly fit din sa kaniya ang physical description ni Bastien 2.0.
Matangkad, maskulado ang katawan. Kung nag-iikot siya sa school building noong oras
na napatay si Benjamin Tenorio, may pagkakataon siyang gawin ang krimen. Ayon din
sa kuwento n'yo, nasa gym din siya noong tinurukan ng potassium chloride si Adonis
Abellana."

"But there's a flaw on that angle," I pointed out, "Inspector Double M was with us
when the bomb disposal unit started searching for the bomb. Ni hindi man siya
pumasok sa loob bago idinala sa ospital ang katawan ni Monica."

Al looked down and gently scratched his chin. "'Yon din ang piyesang hindi
nagtutugma sa kaniya. Kung siya nga si Bastien 2.0, paano niya nagawang saksakin ng
icepick ang biktima? The only explanation would be an accomplice who committed the
crime for him."

"Teka, teka, tutal pinagdududahan na natin si Inspector Double M, sumagi ba sa isip


n'yo ang timeline ng mga pagpatay ni Bastien copycat?" tanong ni Jamie.

Nagkatinginan kaming tatlo. That's an angle worth considering!

"It happened days after the late Officer Bastien committed

suicide," I recalled. "Pero nangyari ang unang pagpatay-partikular kay Benjamin


Tenorio-ilang araw matapos nating malaman na si Morgan Morales na ang bagong hepe
ng campus police!"

"And he banned us from investigating the succeeding deaths caused by the Bastien
copycat!" Nagningning ang mga mata ni Jamie. "Inakala nating ayaw niyang may
nakikialam na hindi taga-campus police sa mga crime scene. Pero paano kung may
itinatago lang siya at ayaw niyang mabunyag natin 'yon?"

"Interesting point, Jamie," Al nodded. "If he's indeed the one behind the recent
killings, nasa perfect position siya upang hindi siya mapaghinalaan. Who would
suspect the inspector? Even the late officer wasn't suspected that he was part of
Moriarty's organization until after we exposed him."

"At may database ang campus police ng mga fingerprint ng mga estudyante sa Clark
High!" Jamie never sounded this excited. She's on a roll. "He probably found a way
para ma-transfer ang prints ni Loki doon sa icepick at sa note!"

"Let's say for the sake of discussion that Inspector Double M is the new Officer
Bastien. Why would he blame Loki for the crimes he committed?" tanong ko. "What
would he gain from it?"

Al raised two of his fingers. "May dalawang dahilan kung bakit. Una, gusto niyang
matanggal ang sagabal na si Loki sa kaniyang landas. Kung ang club president natin
ang lalabas na kriminal, mababawasan ang sakit ng ulo niya para sa mga susunod na
krimeng balak niyang gawin."

"At ano ang ikalawang rason?"

"Gusto niyang kunin ang atensyon ni Moriarty. Mukhang kahit sinong patayin niya,
hindi siya

mapapansin ng kaniyang boss kaya baka naisipan niyang magbago ng istratehiya. Loki
is an important piece to Moriarty, remember?"

"Thou shall not be harmed," bulong ko bago iniangat ang aking tingin sa dalawa kong
kasama. "'Yan ang golden rule ni Moriarty sa kaniyang mga tauhan. If Bastien 2.0
does some harm on Loki, hindi na siya pwede pang balewalain ng boss niya."

"Teka lang, kung merong database ang campus police na pwedeng pagkunan ni Inspector
Double M ng fingerprints ni Loki, para saan pa ang panloloob sa ating clubroom
kanina?" tanong ni Al. "No matter where you look at it, parang redundant na gagawin
pa 'yon ng inspector kung siya nga ang salarin."

"Baka may iba pang nanloob dito?" nakakunot-noong tugon ni Jamie. "Wala akong
naamoy na matapang na pabango nang pumasok dito si Inspector Double M."

"Huwag muna tayong pakasiguro na siya nga si Bastien 2.0," Al advised, looking
again at the three photos on the corkboard. "Kailangan muna nating i-cross out ang
tatlong suspek natin. If they have an alibi during the evacuation earlier, all
roads will lead to the campus police chief."

"Ano nang gagawin natin?" Jamie asked, putting her hands on her waist. "Loki's
still in police custody kaya baka hindi siya makatulong sa atin."

"Excluding the inspector, there are three suspects and there are three of us here.
Para mas mapabilis ang trabaho natin, we can assign each suspect sa bawat isa sa
atin. Fair enough?"

Jamie and I nodded.

Una akong hinarap ni Al. "You've known Luthor Mendez for quite some time kaya sa
iyo ko siya ipapaubaya. Baka pwede mo ring sabihin

sa kaniya na dinala sa campus police station si Loki dahil pinagsususpetyahan


siya."

Tumango ako. "Copy that."

Sunod na hinarap ni Al si Jamie. "Better siguro kung isang babae ang makikipag-usap
sa mga bruskong lalaki. Kung ako ang mag-i-interview sa kanila, malamang ay hindi
nila ako seryosohin."

"Sanay naman ako diyan kaya leave it to me!" Jamie replied with two thumbs up. "I
won't fail you."

"Ako nang bahala sa member ng executive committee." Napatingin si Al sa litrato ni


Rye Rubio. "Sana'y hindi tayo mahirapang kausapin silang tatlo."

Bago pa magsimula ang afternoon period, kumilos na kami nina Al at Jamie. Dahil
magkatabing room lamang ang student council at executive committee, sa parehong
direksyon na kami naglakad ng aking childhood friend habang sa kabilang direksyon
naman nagpunta si Jamie. Nasa kabilang wing kasi ang headquarters ng mga CAT
officer.

"You two seem to be getting along."

"Eh?" Napatingin ako sa aking kasama. "You mean, kaming dalawa ni Jamie?"

Al nodded. "Sinamahan ka niyang bumili ng pagkain at inumin para sa club. The Jamie
before does not and will never do that. Para ngang nag-iba na ang aura niya. What
changed?"

"Baka dahil sa napag-usapan namin sa Bougainville Subdivision at doon sa bagong


consultant na kasama ni Officer Estrada. Kung napansin mo, daig pa yata namin ang
mag-bestfriend."

"Ano bang napag-usapan n'yo noon? If you don't wanna share it, no problem."

Dahil hindi naman ganon kaimportante para sa akin ang topic namin ni Jamie tungkol
kay Loki at Hel, I decided not to share it with Al before. Now that he asked about

it, I don't mind sharing what was discussed to him.

"Jamie was so concerned about the new girl who wants to call Loki her 'dad.'
Natanong niya sa akin kung may balak ba akong gawin sa babaeng umaaligid sa club
president natin. Sinagot ko siya at sinabing wala akong plano dahil hindi naman ako
romantically attracted kay Loki."

Napatakip ng bibig si Al at pilit na pinigilan ang kaniyang tawa. "Sorry, I can't


help it. Kaya pala laging nagsa-side comment noon si Jamie at tinanong niya kung
may chainsaw ako. She's getting jealous."

"At binalak niyang makipag-alyansa sa akin laban kay Hel. I have nothing against
the new consultant. Wala ngang problema sa akin na 'dad' ang itawag niya kay Loki.
Minsan talaga, overacting lang si Jamie."

"Ang ibig mong sabihin, simula nang malaman niyang wala kang gusto sa ating club
president, nagbago ang ihip ng hangin at naging magkaibigan na kayong dalawa?"

Ang bilis nga eh. Kasing bilis yata ng ibang babaeng nakakapag-move on kaagad sa
kanilang boyfriend.

"Mas gusto ko ang Jamie ngayon kaysa sa Jamie noon," sabi ko. "'Yong dati kasi,
ramdam ko na nakikipagplastikan at nagbabait-baitan kapag nandiyan sa tabi si Loki.
'Yong ngayon... somehow ramdam ko ang pagiging sincere niya."

Not to mention, may ilang moments na kaming nai-share ni Jamie sa isa't isa kung
saan nagka-crack ang kaniyang maskara. At ang common denominator sa mga 'yon ay ang
kaniyang kuya. Remember the real bomb threat incident? She opened the topic na
naalala niya ang kaniyang kapatid kay Loki. The second instance would be in front
of the operating room nang mabaril si papa.

"You

two can be good friends," Al shot a sideward glance at me. "Just be sincere. You
can develop genuine friendship with Jamie."

"I hope so."

'But-"

Kaagad akong napasulyap sa aking kasama. He was about to say something but he held
his tongue. His silence gave me an uneasy feeling.

"What is it, Al? You said 'but.' What do you mean by that?"

Saktong nakarating na kami sa tapat ng student council office. He turned to me, his
eyes looked serious and said in a low voice.

"Don't trust her too much. I have this unsettling gut feeling about Jamie. Hindi ko
maipaliwanag kung ano. I told you before that she's hiding something, right?"

I nodded.

"That must be the reason why I don't feel completely comfortable around her. Parang
switch ng ilaw. Minsan naka-on, minsan naka-off. I cannot tell. You thought Loki
was the unreadable one, but I think Jamie is more deserving of that title."

Sabay na kaming kumatok sa kani-kaniyang office na pinuntahan namin. After three


knocks, the door to the student council office opened and a girl in ponytail
greeted me with a smile. I was waiting for her to ask what is my business with
them. But her response surprised me.

"The vice president is expecting you. Come in!"


Luthor? How did he know that I-Oh, well. Bakit pa ba ako nagtataka? Marami siyang
sources dito sa campus.

Pagpasok ko sa loob, bumungad sa akin ang nakakapanginig na bugso ng aircon. Mas


dumoble pa ang lamig nang makita ko ang likuran ni Luthor na nakaupo sa isang
swivel chair. Beside him was Emeraude Emerson, the student council president with
wavy hair.

"I have been expecting you, Lorelei." The vice president's chair slowly turned to
me, revealing Luthor's face as blank as a brick. It was devoid of any tinge of
emotion.

Here it comes. That shivering feeling whenever our eyes meet. Tumindig ang mga
balahibo ko sa katawan nang magkasalubong ang tingin namin.

"I assume you've come here to talk about my little brother."

###

P.S. Last two updates.

=================

Volume 2 • Chapter 34: Thou Shall Not Be Harmed (Part Two)

A/N: This is the SECOND PART of Chapter 34. Read the first part before you proceed.

LORELEI

LUTHOR MENDEZ. It's been a while since I last saw his face. It was so cold it could
freeze you to death by staring at his dull eyes. While Loki always had that bored
look, his brother had an intimidating facial feature that can scare anyone.

"Thanks again for the help last time," Emeraude smiled at me before turning to her
right hand man. "Luthor, do you need to talk to her in private?

The vice president answered with a nod which is enough to make Emeraude and Jessica
leave the room. Gaya nga ng sinabi ni Loki, talagang puppet yata ang student
council president at ang kaniyang kapatid ay ang tunay na nagpapalakad ng council.

When the two locked and closed the door, Luthor motioned to the chair next to him.
"Please take your seat."
Tumango lamang ako. Habang papalapit ako sa kaniya, lalong lumalakas ang lamig na
nararamdaman ko. Unlike in the gym, mas maliit ang espasyo rito kaya damang-dama
ang kaniyang chilling aura. Call it an exaggeration but that's what you would
really feel when meeting the Luthor Mendez.

"Paano mo nalamang pupunta ako rito? The secretary said that you were expecting
me?" nagbato na kaagad ako ng tanong pagkaupo ko. Loki was only taken away around
fifteen to twenty minutes ago. At siguradong hindi binroadcast ni Inspector Double
M that they already caught the person of interest.

"I have eyes and ears everywhere, Lorelei." He called out my name in his usual
chilling tone. Goosebumps

were all over my body. "Don't worry. I don't believe that my brother is a killer.
He would shoo a fly away instead of killing it."

He held the teacup on the table delicately and sipped like an English gentleman.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang sapatos. Kahit saang anggulo ko tingnan, hindi
ko ma-imagine na kayang pumatay ni Luthor ng tao. Loki described him as a
manipulator, a puppeteer who pulls the strings on his marionettes.

If ever Luthor had any stain of murder upon him, he would ask someone else to do it
for him. Unless he got bored ordering around and decided to do the killing himself.

Para sa ikakatahimik ng isipan ko, kailangan kong alamin kung may alibi siya noong
oras na 'yon. After that, I can leave this place and escape from this aura.

"Your silence is quite disturbing, Lorelei. Is something wrong?"

"Gu-Gusto ko sanang itanong kung nasaan ka noong ipinababa ang mga estudyante mula
sa school building."

The teacup was halfway from his lips when the hand holding it froze. His grey eyes
shot an electrifying side-ward glance. Mabilis akong napatingin sa kabilang
direksyon. I couldn't stand staring at him any longer.

"You think that I might be the one behind Monica Segundo's attempted murder? Is
that why you are really here?"
Umiling ako. "Like what you think of Loki, I also don't believe that you are
capable of murder. Pero dahil nasa suspect list ka namin, kailangan kong i-confirm
ang iyong alibi para matanggal ang pangalan mo."

He returned the cup on the saucer and his body turned to me. "I was here

at the student council room around the time those CAT officers asked us to evacuate
the building."

"Hindi ka pumunta sa open area gaya ng ibang estudyante?"

Shaking his head, he picked up the spoon and stirred his tea. "The bomb threat was
only a hoax. A student who wants to skip his class or not take an exam is behind
it. How did I know? Balance of probabilities."

Magkapatid nga silang dalawa ni Loki. They think alike.

"Meron bang makakapag-testify na nandito ka talaga at hindi ka lumabas? Alam mo na,


para saksakin si Monica gamit ang icepick."

"I was alone in this room," he replied before taking another sip of his tea.
"Emeraude and others complied with the standard procedure. I asked them to lock the
door so it would appear that no one's inside."

"But you do know that makes you more suspicious. If among our three suspects you
have no alibi, then our attention will be focused on you."

"I'm not saying that I killed anyone, but if you think that I am the most
suspicious, you have to prove that I committed the crime."

Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Kahit walang alibi si Luthor, hindi ko pa


rin maisip na siya ang nasa likod ng mga krimen a.k.a. Bastien copycat. Ayaw ko
ring isipin na involved siya sa kahit anong paraan sa organisasyon ni Moriarty.

I hope that among the three, may mas kahina-hinala pa kay Luthor. I don't think
it's Rye since he's a member of the student executive committee and one of our
allies. It could be the corps commander.
Only Alistair's and Jamie's findings can clear their names.

"Anyway, wala ka bang balak na tulungan si Loki? He's under the custody of the
campus police. Unfair naman na dinala siya kaagad doon dahil lang na-detect ang
fingerprints niya sa weapon at sa note."

"This is where I draw the line, Lorelei. I have the utmost confidence in him that
he will manage to find his way out of this one. He's a detective after all. Unlike
the previous situations, I find no need for me to intervene."

Makailang beses nang nilagtas ni Luthor ang kaniyang nakababatang kapatid. When
Loki was suspended, Luthor met with my father to make sure that his younger brother
won't end up in jail. When Loki was being accused as a keeper of sensitive files on
some students, Luthor ordered the executive committee to do an emergency fire drill
and retrieve the "Pandora's Box" from the office of the student publication.

Luthor did almost everything for his brother. But I never heard a single "thank
you" from Loki. Maybe he isn't expressive to utter those words especially to the
man whom he describes as evil incarnate. Kahit hindi niya lantarang sabihin, I hope
he appreciates his brother's efforts.

"Is there anything else that you would like to discuss, Lorelei?"

I shook my head as I stood. "None. Thank you for your cooperation."

Nagmadali akong naglakad patungo sa exit, hindi ko na kasi makayanan ang lamig sa
loob. But before I could turn the doorknob, I heard the vice president's parting
words.

"Be careful, Lorelei. You, my brother and your club. A storm is coming. You

better brace yourself for it."

Storm? What kind of storm? Hindi ko na siya ni-replyan pa at tuluyan na akong


lumabas. That was the third time that I had a private conversation with him. And
the atmosphere hasn't changed.

Dahil mabilisan lamang ang ginawa kong interview sa naka-assign na suspek sa akin,
ako pa lang ang nakabalik sa aming clubroom. While waiting, nakipaglaro muna ako
kay Freya. She must be missing Loki kahit halos isang oras pa lamang itong
nawawala.

"Meow~"

"Don't worry, makakabalik din siya rito. Magtiwala lang tayo, okay?" I held her up
and played with her nose. Niyakap ko siya nang mahigpit katulad ng ginagawa ng
isang magulang sa kaniyang anak.

Napaisip akong bigla sa mga huling salita ni Luthor. Anong tinutukoy niya na
paparating na bagyo? Does he know something that we don't? Like his brother, he's
enshrouded in mystery. Like a code, he proves to be quite difficult to decipher.

Sampung minuto pa ang lumipas bago nakabalik sina Al at Jamie. They seemed to have
had a productive conversation with the suspects.

"Rye Rubio was helping the other CAT officers in ensuring that every student in the
school building has evacuated," Al showed his notepad where some words were
scribbled. "Part daw 'yon ng duty nila sa executive committee. There are two or
three officers in sky blue uniform who can confirm that he did not disappear from
their sights to commit the crime."

"Mukhang ganon din ang case sa corps commander ng CAT na si Cedric Castillejos,"
Jamie was the next to present the fruits of her labor. "He was making rounds in
every floor and corridor kaya siguradong

may mga nakakita sa kaniyang ibang officer. I confirmed it with his other
colleagues, hindi raw nawala sa kanilang paningin ang kanilang lider."

"How about you, Lori? How's Luthor Mendez?" nakangiting tanong sa akin ni Al.

Marahan akong umiling sabay sabing, "He did not have any alibi. Mag-isa raw siyang
nasa loob ng student council office noong ipinapa-evacuate ang lahat ng
estudyante."

"He did not try to lie about it?" nagtatakang tanong ni Jamie. "It would be much
easier for him to say that he went outside and joined the other students in the
open area."
"He could have lied if he wanted to, but he didn't." May punto nga naman si Jamie.
Mas madali kay Luthor na magsinungaling kaysa sabihing wala siyang alibi. Most
suspects would find a way to make an alibi for themselves. But it did not matter
for Luthor.

"Parang ang hirap isipin na si Luthor mismo ang hinahanap nating Bastien 2.0,"
napahawak sa kaniyang baba si Al bago muling ibinaling ang tingin sa akin. "That
would only mean that he was the one who framed up his younger brother."

"Which doesn't make sense," I added as I caressed Freya's head. "Luthor did
everything to save his brother and our club from trouble. Bigla na lamang ba niyang
naisipang itulak si Loki sa bangin?"

Beep! Beep! Beep!

Huh? I felt a vibration on my phone so I took it out. Nanlaki ang mga mata ko nang
makita sa screen ang pangalan ni Loki. Mabilis ko itong binuksan at binasa ang
kaniyang text message.

CPS. COME AT ONCE. TNX.

"Si Loki dear ba 'yan, Lorie?!" nilapitan ako ni Jamie at biglang hinablot ang
aking phone. Napatakip pa siya ng bibig nang mabasa

ang naka-flash sa screen. "Oh my-Mukhang okay naman si Loki dear! Pinapapunta niya
tayo sa-Teka, anong CPS?"

"Campus police station," sagot ni Al. "Tinatamad na siguro ang ating club president
na i-type ang buong pangalan ng lugar."

Knowing him, he would prefer to use abbreviation. Ni hindi nga niya naisipang mag-
effort para i-spell out ang "Thanks" eh. Not surprising. Just your typical Loki.

Alam kong gustong sumama ni Freya pero sinabihan ko siyang hintayin na lamang kami.
Sakaling may muling manloob sa clubroom, baka matulungan niya kaming i-trace kung
sinuman 'yon.

Nagmadali kaming bumaba ng hagdan para marating ang first floor. We all want to
know how the interrogation went with our club president. Nang paliko na kami sa
hallway...

"Teka, may nakalimutan akong gawin sa clubroom," huminto si Al sa paglalakad at


napaturo ang kaniyang daliri sa taas. "Mauna na kayong dalawa sa campus police
station. Susunod na lang ako. Sisiguruhin ko lang na wala nang makakapag-trespass
sa teritoryo natin."

"Mag-ingat ka, Al."

Pinagmasdan ko ang pagtalikod niya at muling pag-akyat sa hagdan. I don't know why
those words slipped from my tongue. Maybe it was due to the uneasy feeling that I
had since Luthor warned me about a brewing storm.

It took less than five minutes before we reached the campus police station. Hinabol
muna naming dalawa ni Jamie ang aming hininga bago namin inakyat ang mga step na
patungo sa building.

We found

Loki seated near the police desk. How I missed his face etched with boredom. Wala
naman siyang visible na pasa sa mukha at sa ibang bahagi ng katawan.

Nagkasalubong kami sa entrance at hinawakan kaming dalawa ni Jamie sa balikat. With


a soft push, he made us turn around and face the exit. Para tuloy kaming mga tanga
na kakapasok lang sa istasyon tapos biglang lalabas.

"Pinayagan ka na nilang makalabas ng police station?" tanong ko.

"My, my. Isn't this the part where you should ask me whether I'm okay or not?"
sagot ni Loki. Mukha ngang walang ginawang masama sa kaniya ang mga pulis. He's
still the same Loki who left the clubroom earlier. "By the way, where's Alistair?
Shouldn't he be with you?"

"May ginawa lang siya sa clubroom. Baka makasalubong din natin siya rito." Si Jamie
na ang sumagot. "Kumusta ka naman, Loki dear? Sinaktan ka ba nila doon?"

"I'm perfectly fine! In fact, I had a productive conversation with the inspector."
"You managed to convince them that you are not the one who attempted to kill
Monica?" I asked.

Loki shook his head. "I didn't because I did not have to."

Kapwa magsasalubong na ang mga kilay namin ni Jamie. "What do you mean?"

"Officer Estrada was right. Inspector Morgan Morales is, without a doubt, a sharp
policeman. He did not believe that I was behind the attempted murder nor involved
in any killings."

"Eh bakit parang kriminal na ang turing niya sa 'yo kanina?" tanong ni Jamie. "Kung
hindi ka siguro boluntaryong sumama sa kaniya, baka kinaladkad ka niya palabas ng
clubroom."

"It was all an act. Inspector

Double M knew that whoever's behind the murders wanted to pin the blame on me. He
thinks that I might get targeted."

"Kung ganon, bakit ka niya hinayaang lumabas ng istasyon?" ako naman ang nagtanong.
"The act that he set up got destroyed the moment you left the building."

"It was my suggestion to let myself go. I would be more valuable to the campus
police if I walk free and vulnerable to be targeted."

"Don't tell me... you're planning to lure out Bastien 2.0? Is that what you want?"

"Excellent, Lorelei! You are beginning to understand how my brain works. The months
that you've been with me paid off, I see."

May masamang kutob ako sa balak niyang gawin. Geez. Bakit ba lalong lumakas ang
kaba sa dibdib ko? Something does not seem to be right. Parang may mangyayaring
mali.
"Remember Moriarty's golden rule?" he said with an air of confidence. "Thou shall
not be harmed. Kahit na pumapatay si Bastien 2.0 nang walang utos mula sa criminal
mastermind, he wouldn't dare to do something that might anger his boss. I assume
you already narrowed down the list of suspects?"

"Yes, thanks to Alistair," sagot ni Jamie.

"I knew Al can lead the investigation even without my presence."

Speaking of Al, hindi pa rin namin siya nakakasalubong sa daan. Nakaakyat na kami
sa third floor, wala ni anino niya ang naaninag namin. Maybe he decided to stay in
the clubroom at hintayin kami doon kasama si Freya?

"It's time to solve this case once and for all!" Loki said before opening the
door.

The moment it swung open, parang tumigil ang mundo namin. Unti-unting nanlaki ang
mga mata namin. Napabalikwas

ng tingin si Jamie sa ibang direksyon.

No...it can't be...

No...

It cannot be...

A-Alistair...

My childhood friend was lying on the floor... with a pool of blood near his head.
Kaagad akong pumasok sa loob at pinuntahan ang kababata ko. Loki said something
about not contaminating the crime scene, pero hindi ko siya pinakinggan.

"A-Alistair? Hey? Alistair? Please respond!"


Hindi ko na namalayang tumutulo na ang mga luha mula sa isa kong mata. Iniharap ko
ang kaniyang mukha sa akin at doon pumatak ang mga luha ko.

"Hey, Al? Sumagot ka, please! Al, please!"

Inihiga ko ang kaniyang ulo sa aking hita. Wala na akong pakialam kung nabahiran ng
dugo ang aking uniform.

What matters right now is the life of my friend...

...my only trusted friend.

"Al, naririnig mo ba ako? Sumagot ka, Al? Please?"

My tears began flowing like a broken dam. I gently slapped his face in the hopes
that he would wake up.

But there was no response.

He seemed to be resting in peace.

"Don't worry, he's still alive!" Hindi ko napansin ang paglapit ni Loki sa tabi ko
at ang paghawak niya sa pulso ng kasama naming duguan.

"Call an ambulance immediately! We need to bring him to the hospital as soon as


possible!"

"C-Copy that, Loki dear!" Jamie's voice was trembling.

Please let him live.

Please.
Let him live.

"Ugh..."

"A-Alistair!" Loki and I both exclaimed. Muling bumalik ang liwanag sa aming mga
mukha. The heavens probably heard my plea!

"Lo-Lo...ri..." his voice was hoarse.

I shushed him before he could complete my name. "Say no more words! Reserve your
strength! Please hang on!"

"F-Fre...ya..."

Al's trembling right hand moved slowly and his finger pointed under the table.

Napalunok ako ng laway. Natulala sa aking nakita. Parang pinagbagsakan ako ng


langit at lupa.

Freya was covered in blood...

...lying on the cold floor...

...and not moving.

###

P.S. One update left to be posted tomorrow.

=================
Volume 2 • Chapter 35: Napoleon-Gone-Wrong [Season Finale]

A/N: This is the 75th and last chapter update of PROJECT LOKI VOLUME 2. Avoid
commenting SPOILERS as much as possible. Enjoy reading!

LORELEI

ALISTAIR IS still alive but the back of his head continued bleeding.

Freya is not moving but she's barely breathing. Mabilis ko siyang ikinalong sa
aking mga bisig. I could hear her deep breaths as she tries to cling onto her life.

"Just hang on, Freya!" I whispered to her ear as a teardrop fell on her furry face.
She wanted to speak, but she couldn't. She was stabbed somewhere in the belly.

Mabilis na dumating ang mga paramedic sa aming clubroom. Maingat nilang binuhat si
Al at inihiga sa dala-dala nilang stretcher. Hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo
ng kaniyang ulo.

"Someone hit him with a blunt object," Loki deduced, watching the paramedics take
away our club member. "I've known Alistair as an alert person. Whoever attacked him
possibly caught him off guard."

"But who would do such a thing?" naiiyak na sambit ni Jamie. "Alistair's a good
man! Sino ang makakagawa nito sa kaniya?"

Loki turned to me, his eyes fixated at our wounded club cat. For the first or
second time, his dull eyes were filled with sadness. He felt sorry for what
happened to our poor feline friend.

"I can't forgive him," he bared his teeth. He gently caressed the head of the cat.
"Whoever did this to you and Alistair, I will never forgive him."

Sunod na dumating ang tinawag naming taga-veterinary clinic. Ipinaubaya ko na sa


kanila si Freya. She shot me one last glance before completely closing her

eyes.

I hope they both make it in time.

The atmosphere in the clubroom became gloomy. The pool of the blood on the floor
was still there. Umupo kaming tatlo sa mga monobloc chair at tila natulala sa bilis
ng mga pangyayari.

But why? Why would someone attack Al in our very own clubroom? We shouldn't have
let him leave noong sinabi niyang may babalikan siya rito.

Somehow I feel guilty. There's something in my chest that gave me an uneasy


feeling. Ito na ba ang bagyong nabanggit ni Luthor kanina? Did he know that
something bad will happen to one of our own club members?

Namayani ang katahimikan sa clubroom, wala ni isang gustong kumibo sa aming tatlo.
Loki was only tapping his fingers on the table. Jamie's face was filled with worry
as she bit her fignernails. Ako naman, naghihintay ng text message o tawag mula sa
ospital at clinic. I badly wanted to know if they made it.

"Eh?" Jamie exclaimed, her eyebrows furrowed as she focused her gaze on the
corkboard. "The pinned photos are missing. Look!"
Nabaling ang tingin namin ni Loki sa board. Kung kanina'y may apat na larawang
naka-post doon, ngayo'y wala na.

"And the folders here..." sunod na itinuro ng kasama namin ang mga file sa mesa.
"Nabawasan ng tatlong folder. Hindi ako pwedeng magkamali. My memory tells me that
something's not right in our room set-up."

Isa-isang binuksan ni Loki ang mga folder nang mabilisan. He's on fire again, but
not because he's excited to solve the case. I could see the glint of anger in his
sharp eyes and clenched fists.

He pointed at the board and asked, "Kani-kaninong

litrato ang nandiyan sa board kanina?"

"Luthor Mendez, Rye Rubio and Cedric Castillejos," tugon ni Jamie, mentally
recreating how the photos were placed. "Meron ding photo ni Inspector Morgan
Morales sa bandang dulo."

"Did you talk to the three of them?"

"Al assigned one suspect to each of us. Pinuntahan namin sila at kinausap para
malaman kung meron silang alibi," sagot ko. "Ako ang nagtanong kay Luthor, si Al
ang kay Rye habang si Cedric ang na-assign kay Jamie."

"Rye and Cedric have an alibi," dagdag ni Jamie. "May mga kasama silang CAT officer
na makakapag-testify na nandoon sila noong pinapababa ang mga estudyante."

"Only your brother doesn't have an alibi." I observed Loki's reaction when I said
those words. Ngunit walang pinagbago ang kaniyang facial expression. He's boiling
in rage.

"We know that Luthor cannot kill anyone or try to frame me up," sagot niya. "He's
better than that!"

"Do you think na isa sa kanila ang umatake kay Al?"

"Let's cross Luthor off the list... and Inspector Double M. He was in the campus
police station the whole time I was being interrogated. Unless he teleported from
there to here, he couldn't have hit Alistair and hurt Freya."

"So it's between Rye and Cedr-" Jamie's mouth froze as an idea crossed her mind.
"Teka, 'di ba si Al ang nagtanong kay Rye kung meron siyang alibi? What if pumunta
siya rito sa clubroom para nakawin ang mga file? Hinintay niya tayong umalis bago
siya pumasok. Kaso hindi niya alam na babalik ang kasama natin dito?"

Rye Rubio fits the physical description of Bastien 2.0. Noong hostage-taking, siya
mismo

ang nagpatumba doon sa mga hostage-taker. If he and Al would be engaged in a hand-


to-hand combat, he probably has a chance of putting up a good fight.

But something does not make sense.

"Rye made it clear that he is our ally, like Margarette and Sir Jim. I don't think
he has any connection with Moriarty's organization. Just a gut feeling. And
remember, may alibi siya."
"Don't forget that he's a member of the executive committee, the second highest
student organization!" Jamie argued. "Pwede niyang utusan ang mga CAT officer na
mag-testify para sa kaniyang alibi!"

"No."

Jamie and I both turned to Loki. Sumandal siya sa kaniyang upuan at nagkadikit ang
mga daliri.

"What do you mean by 'no,' Loki dear?" kunot-noong tanong ni Jamie. "You don't
think that Rye Rubio is the Bastien copycat?"

He slowly shook his head, his eyes staring at the blank corkboard. "The suspects
are in the position to ask anyone to lie for them. Thus, they can claim that they
have alibi during the time the crime was committed."

"Then who is it?"

Napabalikwas ang kaniyang tingin sa amin. "You may not have noticed it, but before
Alistair lost consciousness, he gave us a clue to the identity of the person who
attacked him."

Sinubukan kong alalahanin kung may naibulong si Al na clue. But no matter how hard
I try to recall, wala akong matandaan. He only called the name "Freya." Wala rin
siyang iniwang kahit anong scribbles sa sahig.

"Enlighten us please, Loki dear!"

"What did he do before he passed out?" he stood and put his hands inside his
pockets. Nagsimula siyang

maglakad sa palibot ng mesa.

"Itinuro niya si Freya," I replied. That's all I can remember. "Anong meron sa
kan-"

Nanlaki ang mga mata ko nang aking mapagtanto kung anong clue ang itinutukoy ni
Loki. Al wasn't directing our attention to our injured pet! He was pointing at a
hint!

"Teka, teka, bakit parang kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan? Isali n'yo
naman ako!"

Nagkatinginan kami ni Jamie. "Freya is our club cat, remember? A cat!"

"Cat is spelled as C-A-T. Alistair was trying to say that a CAT officer attacked
him," Loki finished. "Bastien 2.0 is none other than Cedric Castillejos, the corps
commander."

"Pe-Pero meron si-siyang ali-"

"He is the boss of their own organization," Loki raised one of his fingers. "Pwede
niyang utusan ang ibang cadets na sabihin sa mga nagtatanong na kasama nila siya sa
pagra-rounds sa school building. Loyalty is a big factor in their group, especially
to their commander."

"At nakasilip din siya kanina sa clubroom natin noong pinapababa nila tayo," I
added. "He probably saw the photos on the corkboard and the files on the table.
Maybe he suspected that we have already started our investigation on the recent
killings."

"He was probably alarmed noong nagtanong ako sa kaniya kanina," napahaplos sa
kaniyang baba si Jamie. "Kaya siguro naisipan niyang bisitahin ang clubroom natin
para tingnan kung ano na ang ating progress sa kaso. But Alistair went back and
then..."

"CAT officers are also physically strong. They train their bodies everyday with
push-ups and other exhausting activities. Frederick can match Alistair's

strength. Why don't we pay him a visit?"

"Now na?"

Loki nodded. "About time to close this case once and for all... for Alistair and
Freya. Lorelei, don't forget your stun pen. It might come in handy."

Kinuha ko mula sa aking bag ang gadget na likha ni Hershey at ibinulsa ito. Basta
kapag nagkaroon ako ng opportunity mamaya, kaagad ko itong itatarak sa leeg ng
corps commander. He will pay for what he did to my friend and Freya.

Nang handa na kaming tatlo, lumabas na kami ng clubroom at nagmadaling bumaba ng


hagdanan. Dahil nakapunta na si Jamie kanina sa lungga ng mga CAT officer, she led
the way. Habang papalapit kami, lalong lumakas ang pagkabog sa dibdib ko.

I hope everything will be all right.

We stopped in front of the door that had "CAT OFFICE" sign. Loki cautiously touched
the doorknob and turned it, but it didn't budge. Lumingon-lingon muna siya sa
paligid bago mapaupo. Inilibas niya ang kaniyang lockpicking kit at kinalikot ang
key cylinder ng pinto.

Mabuti't wala masyadong dumaraan kaya walang nakakapansin sa ilegal niyang


ginagawa. It took him only a few seconds before we heard a clicking noise. He
pushed the door gently and it swung open.

To our surprise, a towering man with muscular build was waiting for us inside, his
back turned on us. Dahan-dahan siyang humarap sa amin na may nakapintang ngiti sa
kaniyang labi.

"The QED Club? May mga tanong pa ba kayo tungkol sa alibi ko kanina?"

Ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng palda at mahigpit na hinawakan ang stun
pen. Lalo pang lumakas ang kaba sa aking dibdib. This was the same feeling that

I had when we confronted the late Officer Bastien at the abandoned building.

There's no doubt. The man standing before us is the Bastien copycat. How could he
smile like that when he almost killed two people and hurt an innocent cat?

"Drop the act now, Frederick. We know that you are behind the recent killings in
the school," Loki spat the name, though incorrect, like a poison. His voice was
threatening but his words had no effect to the culprit.

Basta magkaroon lang siya ng opening, papatumbahin ko na ang lalaking 'to. Just one
small window of opportunity... for Alistair and Freya.

"Cedric, not Frederick," he corrected as he sat on the table and pressed his palms
on its edge. "Sinagot ko na ang tanong ng kasama n'yong babae rito. Meron akong
alibi noong nasaksak si... ano nga ulit ang pangalan niya? Ah, Monica Segundo."

"We both know that's not true," Loki countered. "Your alibi is a lie. Your
underlings are ready to lie for their commander, aren't they?"

Naramdaman kong napahawak sa aking braso si Jamie. She looked frightened. "S-
Something's wrong. Parang may masama akong pakiramdam dito."

Don't worry. Once I hit that man with my stun pen, the threat would be neutralized.
Timing lang ang kailangan ko. Isang pulgada ang layo niya sa akin kaya either ako o
siya ang kailangang lumapit.

"Inaakusahan mo akong namemeke ng alibi at ang pumatay sa dalawa o tatlong


estudyante. Ngunit nasaan ang ebidensya n'yo? Nakita ba ang fingerprints ko sa
murder weapon? O baka puro circumstantial evidence lamang ang hawak n'yo? Tama ba
ako?"

Lalong kumuyom ang mga kamao ni Loki. Nanginginig

ang mga ito, nangangati na sigurong ipatama sa mukha ni Cedric. Pero hindi niya
kayang gawin. He knew that he couldn't win in a physical combat. If only Al was
here, we can stand a chance against Bastien 2.0 kahit walang tulong ng stun pen.

"We usually surrender suspects to the campus police," sabi ni Loki. "But maybe,
I'll make an exemption this time. I want you to tell me everything you know about
Moriarty's organization. Only in that way you can redeem yourself."

Cedric replied with a chuckle and bowed his head. He took a few steps forward, his
tall figure cast its shadow on our club president. "Moriarty? Sabihin na nating may
koneksyon ako sa kaniya, gaya ng akusasyon mo. Pero bakit ko naman sasabihin sa
inyo? Do you take me for a fool?"

He's now within my reach! Habang abala siya sa pakikipagsukatan ng tingin kay Loki,
pwede ko na siyang patumbahin.

I quickly drew my stun pen and lunged forward, my hand prepared to stab it on
Cedric. Malapit na siyang matamaan ng dulo nito nang bigla akong napahinto.
Something made me stop.

"Ugh! Ugh!"

Biglang may nagtakip ng aking ilong at bibig. My senses began to blur. While we
were focused on Cedric, someone appeared behind and tried to pacify us. Nakita kong
sky blue rin ang uniporme nila tulad sa kanilang corps commander.

Ugh... It was a trap!

Pinilit naming magpumiglas pero masyadong madiin ang pagkakatakip sa ilong namin.
Jamie was the first one to pass out. Loki tried to fight off the man behind him,
but the effect of whatever chemical was in the cloth kicked in.

"Inasahan ko nang pupuntahan n'yo ako rito," narinig kong sinabi

ni Cedric bago siya tumalikod sa amin. "You are, after all, the prestigious QED
Club. Mabuti na lang, nakapaghanda kami sa inyong pagdating."

Dahan-dahang bumigat ang talukap ng aking mga mata. Pinilit kong labanan ito ngunit
masyadong matapang ang chemical.
I gave in to the darkness. I let it cradle me in its cold arms.

* * *

"AAAAAH!"

Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga sa malamig na sahig. Was it a dream?


That Alistair and Freya were hurt? That Loki, Jamie and I fell to the trap of
Cedric?

No, it wasn't. Everything that happened so far was real.

Pagkamulat ng aking mga mata, inilibot ko ang mga ito sa paligid. Mukhang nasa
lumang gusali kami na inabandona na. Sira na ang mga kisame, nakakalat ang mga
malalaking tipak ng bato sa sahig. Tanging ang liwanag mula sa maliit na butas ng
bubong ang dahilan kaya nakikita ko ang mga bagay-bagay rito.

Jamie was lying on my left. Sinabukan ko siyang hawakan para gisingin, pero nadama
ko ang taling nakapalupot sa aking mga kamay. Pati ang mga paa ko, nakagapos.

Nabaling ang tingin ko sa kanan. Wala si Loki sa aking tabi o kahit saan sa
kuwartong kinalalagyan namin. Saan siya dinala? At bakit kami nandito?

"Jamie, gising! Jamie!" bulong ko sa kaniya. Kailangan naming makaisip ng paraan


kung paano makakatakas dito.

"Where are we, Lori? Bakit ang dilim dito?" Her eyes were half open as she panned
her head.

"Dinala nila tayo sa kung saan. Looks like an abandoned building."

"Na-Nasaan si Loki dear? Bakit hindi ko siya nakikita?"

"Baka nakatakas

siya o kaya dinala siya sa-"

"AAAAAH!"

Halos mapatalon kami sa gulat nang marinig namin ang tunog ng paglatigo at ang
malakas na pagdaing ng isang lalaki. Don't tell me that scream was from-

"AAAAAH!" A male scream rang in our ears. Hindi ako maaaring magkamali! Kay Loki
galing ang boses na 'yon!"

"Lo-Loki dear, i-ikaw ba 'yan? Loki dear, sumagot ka!" Pinilit ni Jamie na umusad
sa maduming sahig at lapitan ang pintuan. "Please don't hurt my Loki dear!"

Lumikha ng kaluskos ang pagbukas ng pinto. We gasped as we saw our Loki hanging by
a rope. Nakatali ang mga kamay niya at idinuduyan ang kaniyang katawan. Kahit ilang
metro ang distansya namin, napansin ko ang marka ng mga latay.

My God. What have they done to him?

"LOOOKI?!" sigaw ni Jamie na sinabayan niya ng paghagulgol. "Please, don't hurt


him! Nagmamakaawa ako sa inyo!"
Parang nawalan ako ng boses sa aking nakita. Cedric is one of Moriarty's minions.
And under Moriarty's golden rule, Loki shall never be harmed! Pe-Pero bakit
ngayon... Anong ginagawa niya...

The devil

stood before Loki, grinning at us. May hawak-hawak siyang latigo na muli niyang
inihampas sa walang kalaban-laban na lalaki sa harap niya.

"AAAAAH!"

"PLEASE STOP!" Jamie and I yelled in unison. We couldn't stand hearing the cries of
our dear club president.

He's not supposed to be harmed! What is Cedric doing?! He's not supposed to be
harmed!

Lumapit ang kasamang CAT officer ng demonyong nakangiti kay Jamie. Sinakmal niya
ang panga nito at iniangat ang ulo.

"Huwag kayong masyadong maingay, ha? Nagwa-warm up ang boss namin."

"P-Pwease! Pakawawan n'yo na si Woki!" naiiyak na sambit ni Jamie. "He doesn't


desewved this tweatme-KYAAA!"

The guy groped her breasts violently and repeatedly. Her moan was music to that
person's ears. He seemed to be enjoying it.

Damn it. Naiinis ako sa sarili ko. Wala akong magawa para tulungan ang mga kasama
ko. Without the stun pen, I am useless.

"Kapag narinig pa namin kayong sumigaw, kayo ang susunod naming ibibitin,"
nakangising banta ng lalaki. Gusto kong paulanan ng suntok ang nakakairita niyang
mukha. "Kaya behave lang kayo, girls."

Kaagad kong nilapitan si Jamie nang bitawan na siya. Tears were coursing down her
cheeks non-stop. She felt violated by a disgusting man.

"Dapat yata matagal ko nang ginawa ito," sabi ni Cedric habang pinaglalaruan ang
kaniyang latigo. "Dahil sa 'yo, mukhang mapapansin na ako ni Moriarty. Binalewala
niya ako noon, pero hindi na ngayon. Ha-ha-ha-ha-ha!"

Hinawakan niya ang panga ni Loki at inilapit ang kaniyang ulo rito. "Ang kabilin-
bilin niya sa amin, huwag kang sasaktan. Pasensya

na kung kailangan kong gawin sa 'yo ito para mapansin niya ako. As long as I have
you here, he can no longer ignore me-"

Natigil si Cedric nang bigla siyang duraan sa mukha ni Loki. Dala ng pagkainis,
sunod-sunod na nilatigo ng corps commander ang aming kasama. Sunod-sunod na
pagdaing ang narinig namin. Napapikit na lamang kami at nanalanging sana'y matigil
na ito.

Who else is there to save us? The three of us are here. Alistair's in the hospital.
Herschel isn't aware of our situation. Probably no one in the school knows that we
have been taken away.

My hope is like flickering light. Unti-unti nang nilalamon ng kadiliman ang pag-asa
namin.
"Twinkle, twinkle, little star~ How I wonder what you are~"

Cedric paused from whipping Loki as he took out his phone. He smiled as his eyes
read the numbers flashing on his screen.

"Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo, M," napa-thumbs up pa ang demonyo sa


kaniyang mga kasama. "Alam mo na siguro kung ano ang hinihingi kong kondisyon.
Papakawalan ko si Loki kung personal kang makikipagkita sa akin at pag-uusapan
natin ang request ko. Ayaw kong makipag-usap sa iyong stand-in. Gusto kong ikaw
mismo ang makaharap ko."

He must be talking to Moriarty. Could he be our last hope? The man that we've been
hunting all these months? Will Stein Alberts save the day for us?

"Mukhang kailangan naming ipadala sa ospital si Loki, medyo nagalusan kasi siya
matapos niyang manlaban sa amin." Pilit na pinigilan ni Cedric ang kaniyang tawa
pati ng mga kasama niya. Anong nanlaban? How could Loki fight back with his hands
tied?

"Untie

him," utos niya sa dalawang kasama sabay baba ng phone. "Bring Loki to the nearest
hospital. Moriarty will come here in a few."

"Paano 'yong dalawang chicks?"

Napasulyap sa amin si Cedric. "Dito muna sila hangga't hindi pa natatapos ang deal
namin ni Moriarty. Kapag okay na, alam n'yo na ang gagawin sa kanila."

Ngumiti na parang demonyo ang mga kasama niya. "Tig-isa tayo, ha? Pwede ring
magsalitan."

"Painumin n'yo muna silang dalawa. Ayaw kong may makasagabal sa pag-uusap namin
mamaya."

Hapong-hapo na ang katawan ni Loki nang ibinaba na ito. Halos hindi na siya
makatayo. Ni hindi na niya magalaw ang kaniyang mga kamay at paa. Halos madurog ang
puso ko na makita siya sa ganong lagay.

One of the Cedric's goons carried our club president out of the building. We heard
a car engine starting and driving away from us. Kahit paano, masaya akong madadala
na siya sa ospital.

"Heto, uminom muna kayo." Binigyan kami ng tig-isang baso ni Jamie. Nanunuyo na rin
ang aming mga lalamunan. Dahil nakatali ang aming mga kamay sa likuran,
kinailangang ilapag sa sahig ang baso at ilapit ang aming bibig na parang aso upang
makainom.

Dala na siguro ng pagkauhaw, Jamie drank hers and almost emptied the glass. Nang
ako na ang iinom, aksidenteng nasagi ng aking ulo ang baso kaya nabuhos ang tubig
sa sahig.

Hanggang sa pag-inom ba naman, minamalas ako ngayon?

Isinara na ng tauhan ni Cedric ang pinto sa kuwartong kinalalagyan namin. But I


still could hear them discussing about their plans once Moriarty welcomes him in
the inner sanctum. Naramdaman kong ipinatong ni
Jamie ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"Lo...ki... dear..." She mumbled as her eyes slowly closed. Posible kayang may
gamot ang ipinainom nila? I could still hear Jamie breathing so I doubt it was
lethal. Pampatulog kaya? I bet they wouldn't want us overhearing the conversation
between Cedric and Moriarty.

Kahit hindi ako nakainom ng tubig na hinaluan ng drug, napapapikit na ang aking mga
mata sa kakahintay ng susunod na mangyayari. Muling nagising ang aking diwa nang
marinig ang pagbukas ng pinto sa labas. It was followed by footsteps that echoed
within the four walls of the old building.

Stein has finally arrived. Would our enemy be our salvation?

"At long last, I'm meeting you face to face, sir."

Cedric sounded like a fan boy who met his idol after how many years of waiting. His
guest did not respond. Dahil nakaharang ang pinto ng kuwarto, tanging ang boses
lang nila ang naririnig ko.

"Aaminin ko, sir, na medyo nagulat akong makita ang mukha sa likod ng letrang M.
Ang akala ko, talagang si Stein Alberts ang tunay na Moriarty. Loki said that the
Math genius is the man behind the shadows."

Teka, what did he say? Hindi si Stein ang kausap niya ngayon? And what's with the
"sir"?

"Stein Alberts is a front that I use in our game. Evil need to have a facade. Do
you think that I'm a fool to reveal my real face to the person hunting me all these
months?"

It can't be... Napalunok ako ng laway nang marinig ang kaniyang boses. How I wish
na mali ang pagkakadinig ko.

"Bago natin simulan kung anuman ang dapat nating pag-usapan, why don't we have some
tea first,

sir?"

"An afternoon tea? Perfect. Mukhang mahaba-haba ang kailangan nating pag-usapan,
Cedric."

Hindi ako nagkakamali ng dinig. That voice... That familiar voice! It can only
belong to one man in school.

"Sana'y naiintindihan n'yo kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito. Gusto kong
patunayan na kaya ko ring gawin ang ginawa noon ni Montreal."

"I understand it very well, Cedric. You want to prove that you deserve a spot in my
inner sanctum. That's why I came here in person. Gusto kitang makausap nang
personal para malaman kung qualified ka talaga."

No... it can't be. Why him?

"Malaking karangalan sa akin na mapabilang sa mga heneral mo, sir. Nakahanda akong
gawin ang lahat para sa 'yo. Gaya ng ginawa ko kina Benjie, Adonis at Monica."

"Like in chess, I don't mind other pawns being sacrificed in the game. So I don't
have a serious issue with you removing the loose ends. Kaya nga lang..."
No... it can't be. I must be dreaming.

"Hmm? Kaya nga lang?"

"You violated my golden rule, Cedric. I made it clear that Loki Mendez shall never
be harmed."

No... it can't be. This must some kind of trick.

"Hindi ko siya sinasadyang saktan, sir. Ang totoo niya-"

"Never lie to me. I have eyes and ears everywhere."

No... it can't be. Why of all people...

"Let me exp-AAACK!"

I heard a loud thud outside followed by the crashing noise of a cup hitting the
hard floor. Narinig ko rin ang mga malalalim na paghingal ni Cedric.

"Na-Naging lo-loyal a-ako sa-sa'yo!"

"Disobedience means death. You

violated my golden rule. This is your punishment."

"M-Moooriaaaarty!"

Then there was silence. Kahit hindi ko nakikita ang nangyayari sa labas, I could
imagine the scenes. But there's one thing that I don't wanna imagine: The face of
the man who introduced himself as Moriarty.

"Thank you for setting up his death, Lucas. Have you prepared the suicide note?"

"O-Opo. Pineke na namin ang pirma ni Cedric."

"Good. How about the two female QED Club members? Nasaan na sila ngayon?"

"Nandiyan sila sa kuwarto, sir. Pinainom namin sila ng pampatulog kanina."

"I'd like to see them."

"Right this way, sir."

Habang palakas nang palakas ang tunog ng yabag ng kanilang sapatos, lalong lumakas
ang pagtibok ng puso ko.

Sana mali ang iniisip ko. Sana mali ang narinig ko kanina.

Ipinikit ko ang aking mga mata nang dahan-dahang buksan ang pinto. Siniguro kong
may makikita pa ako kahit kaunti lang. The darkness in the room would make it hard
for them to see if my eyes were totally closed.

I want to see that man's face. I want to prove myself wrong.

Una kong nakita ang disenyo ng kaniyang sapatos. It had the same design with that
man's. No, that can be a coincidence.
Mabagal kong iniangat ang mga mata ko para makita ang kaniyang mukha. Tila
nanlambot ako nang maaninag ko 'yon.

His eyes sent chills down my spine.

It was Luthor Mendez.

-END OF VOLUME TWO-

P.S. And there you have it! Thank you for reading the second volume of PROJECT
LOKI! I hope you enjoyed every chapter as much as I enjoyed writing each of them!

Special thanks to coffeebreakren for the amazing illustrations!

I will post an AFTERWORD and FAQs section. Stay tuned for the announcements!

Oh, by the way:

=================

Volume 2 • Afterword

SAVED AS DRAFT by LORELEI RIOS

September 18, 2015

09:18 p.m.

IF YOU have been following my blog, I am pretty sure that you have the same
reaction as mine.

I still cannot believe what I saw back at the abandoned building. How I wish na
sana, ininom ko na rin ang tubig na may pampatulog para hindi ko na narinig ang
kaniyang boses at nakita ang kaniyang mukha. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako
makapaniwala.

The police came to our rescue a few hours after that person left the building. By
that time, nagising na si Jamie, ngunit may kakaiba sa kaniya. When the police
tried helping her to stand, bigla na lamang niyang itinaboy ang mga kamay nila at
nagsisigaw ng "Don't touch me!" Maging ako'y nasorpresa sa naging reaksyon niya.
Her face was filled with horror as she glared at the policemen.

Dinala muna nila kami sa pinakamalapit na ospital para doon ipa-check-up. Jamie and
I underwent psychological debriefing. Posible raw na na-trauma kami after
everything that happened. Since I have been in this situation before, the effect
was not that much. But Jamie... she's screaming at the doctors who tried touching
her. What Cedric's minion did to her had an impact. She was violated. I tried to
calm her down, pero nang haplusin ko ang likod niya, nanlisik ang mga naluluha
niyang mata at sinigawan din ako.
Coincidentally, doon din dinala si Loki na inoobserbahan pa ang lagay matapos
hagupitin ng latigo nang mahigit limampung beses. Nang sumilip ako sa kuwarto niya,
nanghina ang mga tuhod ko at gusto kong maiyak. I have never seen him in such a
pitiful

situation before. His body was scarred with wounds and bruises. Gusto ko siyang
yakapin, hoping that my embrace can somehow ease the pain.

Luthor came to the hospital to visit his brother. I clenched my fists, my nails dug
deeper into my skin, as I saw his seemingly emotionless face looking at the
unconscious Loki. His mere presence alone was enough to almost choke myself.

He isn't the person who he seems to be.

Some things now make sense. Remember John Bautista? The guy who made female
students disappear by soaking them in a drum of sodium hydroxide? Before he died
due to poisoning, he had confessed to the police that the man he spoke to has a
chilling voice. The thought occured to me na baka si Luthor ang Moriarty na
hinahanap namin, but when I brought up the idea to Loki, he laughed it off and
dismissed it as something that's impossible to happen.

When Jamie was abducted and put inside a large chest in the props room, Luthor
personally handed over a piece of paper containing clues on our member's location.
Pwede naman kasing ipadala direkta sa amin ni Moriarty 'yon, pero bakit kinailangan
niyang ipadaan sa student council? At bakit ang vice president mismo ang
nagmistulang messenger?

Luthor never believed that Stein Alberts is Moriarty. He argued to me when he


visited the clubroom that we have no evidence proving our Stein-is-Moriarty theory.
Either he intentionally left that as a clue or he was defending Stein from our
accusations. Nevertheless, he used the Math prodigy as a front to play mind games
with Loki.

Speaking of the stand-in Moriarty, Stein told us before that he doesn't want to
lose Loki. And he reiterated a couple of times that he doesn't want to cause any
harm to Loki. Stein is nothing but a mouthpiece while the "golden rule" message
came from the real Moriarty.

Pero... may isang bagay na hindi nagtutugma. If Luthor is Moriarty, why did he have
Rhea killed in the first place? Her death greatly devastated Loki so if Moriarty
didn't want to hurt his own brother, why take away the most important piece of his
playmate?

I came up with a number of theories, but only Luthor can confirm which of those is
correct.

Later that evening, I received a call from another hospital and the veterinary
clinic. Stable na ang kondisyon ni Freya. Our club cat's injury has been treated.

But my childhood friend, Al, is in a comatose state. Dahil daw 'yon sa lakas ng
pagkakatama sa kaniyang ulo.

Today is a sad day for all of us.

Loki is badly injured.

Jamie is traumatized.

Alistair is in coma.
The QED Club has fallen... or so it seems.

P.S. I won't be publishing this blog entry anytime soon. Loki will be devastated to
know the truth.

=================

Volume 2 • FAQ GANERN! (Spoilers!)

I'd like to take this opportunity para pasalamatan ang lahat ng patuloy na
sumusuporta sa Project Loki. Malayo na ang narating ng adventures nina Loki at
Lorelei kasama sina Jamie at Alistair. At dahil sa inyo, naging posible ang lahat
ng ito!

Narito ang mga katanungang bumabagabag sa ilang readers:

1. May Volume 3 pa ba? Kung oo, kailan mapa-publish sa Wattpad?

(UPDATE) Posted na ang Volume 3! Separate book na ito so you can check my profile.
The title is Project LOKI V3.

Volume 3 will have 15 chapters. Kung three parts per chapter, the number of updates
would be around 45. Word count is 2,500 to 5,000 per part.

2. What should we expect in Volume 3?

Volume 3 is the final volume of the PL series(#LamPoreber). Dito na ang huling


showdown between the QED Club and Moriarty's organization. I will try to write
other types of cases. In the last FAQ Ganern, I said that the club will solve cases
outside the school. Somehow, na-fulfill ko 'yon but I want to write more out-of-
school cases.

Of course, more twists to come! Ang kagandahan sa isang mystery story ay walang
"final answer" hangga't hindi pa nararating ang ending. What you know right now may
not be the truth. Malay n'yo, pinapaikot ko lang kayo (pero 'di gaya ng boyfriend
n'yo na magaling sa bola).

3. Wala ba kaming aasahan sequel (after the Moriary overarching arc) or prequel?

Magkakaroon siguro ng indirect sequels in the form of QED Club series. Kung nagawi
na kayo sa aking profile, ang ilan sa mga story na nakita n'yo ay part noon. Gusto
ko rin kasing

mag-focus sa ibang stories and try other stuff.

4. Ano ang laman ng gift ni Stein Alberts kay Loki sa Christmas special?

I leave it up to the readers kung ano sa tingin nila. But it has something to do
with Rhea, hence Loki's reaction.

5. Magkakaroon na ba ng romantic development ang mga character, particularly Loki


and Lorelei (or Loki and Jamie)?
I said it time and time again that the "mystery factor" is the priority. Adding
romance or turning my characters into romantics may ruin the story. Imagine Loki
saying some cheesy lines, it would destroy his character. I can write teasers but
no full-blown romance. This is one factor that separates PL from other WP stories.

As a detective fiction writer, I would prefer of course if you are reading the
story because of the mysteries rather than the relationship development.

6. Jaime Santiago, Jamie's brother, was mentioned a couple of times in the story.
Does he have any significance to the plot?

Lorelei thinks that he is the missing piece of the puzzle. Remember the talk
between the QED Club and the executive committee with Sir Jim? Moriarty's origin
can be traced back two years ago in the PL timeline.

7. Ilang taon na ang QED Four?

Following the K-12 system, nasa 17-18. Loki and Alistair at 18 while Lorelei and
Jamie at 17.

8. Magkakaroon ba ng new member ang QED Club?

Volume 3 is the late game so parang medyo late na kung mag-i-introduce ako ng new
member out of nowhere. I do not want to complicate the plot any further since

complicated na ito at the moment.

9. Makikita ba namin ulit ang mga non-QED Club members like Herschel and Hel?

Herschel was supposed to be a one-shot character. But due to the readers'


reception, I decided to make him a recurring character, helping the QED Club every
now and then.

Hel has been planned to be a recurring character, appearing in cases outside Clark
High. Expect deduction showdowns between her and the QED Four. To be honest, I
don't want her to affect the main plot.

10. Magpapakita ba ang parents nina Loki at Luthor?

Lorelei's father was introduced and mentioned in Volume 1 but he only appeared in
Volume 2.

Loki's and Luthor's father was mentioned in Volume 2 so the possibility is high
that he's going to appear. Plano ko ring bigyan ng glimpse ang readers sa Mendez
family to tie up some loose ends before ending the story.

11. Sino ang totoong ama ni Lorelei? May possibility bang blood-related ang ilang
characters maliban sa mga obvious na magkapatid?

Okay, l do not want to complicate things kaya we can put the who-is-Lorelei's-dad
issue to rest. I have no plans of introducing him.

I read some theories sa Chapter 30 na baka si ganito ay kaano-ano ni ganyan. No


such thing.

12. You said in your first FAQ Ganern that Stein IS Moriarty! And now you-

Let me be clear. My answer to that question is...


"Chapter 20 revealed that he is indeed Moriarty."

I mentioned a specific chapter supporting the premise that Stein IS Moriarty.


Parang ang dating ng sagot ko noon ay "according

to Chapter 20, Stein is Moriarty." Pwede ko namang diretsong sabihin na "Yes, he is


the real Moriarty" but I didn't.

And I ended my answer with this one: "If you're not convinced, well, carry on."

13. Bakit hindi na-reveal ang last at female general ni Moriarty sa Volume 2?

I was supposed to reveal her but I changed my mind. The latter half of the volume
was focused on the rogue Moriarty minion kaya baka masapawan siya. Let us give
Cedric the spotlight muna. But I dropped a hint in Chapter 32 which I believe would
suffice for the female general hunters.

14. Magkakaroon ba ng pasilip sa past ng mga character, particularly ng QED


members?

Yes. I gave you a teensy glimpse of Loki's past in Chapter 26.5, Lorelei flashbacks
in Chapter 29. Wala akong masyadong masabi kay Alistair. Pero kay Jamie,
considering her brother's name being mentioned now and then, dapat meron.

15. Kailan mawawala si Jamie?

Heto na naman tayo. Forever nang nandiyan si Jamie. And after what happened in
Chapter 35, you should feel sorry for her, kahit slight lang. Honestly speaking,
Jamie (and later Alistair) changed the dynamics of the story. Imagine kung hanggang
ngayon, sina Loki at Lorelei lang ang member ng QED Club. (For sure, matutuwa ang
#LoreKi shippers)

16. Is "L" the real Moriarty?

According to Lorelei's narrative in Chapter 35, he is. And you can connect the dots
from the beginning until the last chapter.

17. If "L" is the real Moriarty, bakit niya ipinapatay si Rhea?

If you read Chapter 26.5 and Chapter 27, you can form a theory as to why. I will
leave that to you, dear reader.

18. Will one of the QED Four die?

Yes.

19. Kailan ang target date n'yo para tapusin ang PL?

Hopefully this year bago mag-second anniversary ang book sa November 25.

20. Mapa-publish ba ang PL as a book?

May iilan nang lumapit sa akin at nag-offer ng kanilang self-publishing services.


Medyo reluctant ako kasi hindi pa talaga tapos ang PL. But I would prefer if a
publishing company will pick up the whole series.

I can self-publish PL anytime I want since I have the resources, but I'd rather
wait and see muna.
***

Kung meron pa kayong questions na kaya kong sagutin o suggestions para mas
mapaganda ang story, feel free to comment below. Thank you!

=================

Volume 3 • Teaser

Twinkle, twinkle, little star~

How I wonder what you are~

In the third and final volume of Project LOKI, there will be....

Lies.

"You have misunderstood the situation, Lorelei. I am not Moriarty."

"Please stop... Stop lying to me! I heard you! I saw you!"

Old faces.

"Didn't I tell you that I can talk to the dead~"

"If you really did, she should have whispered the name of her killer to you."

New faces.

"One of his eyes isn't moving. Why is that?"

"It's artificial. His eye was badly damaged during a police operation, forcing him
to retire from the force."

Secrets.

"Please, Lorelei! Don't tell anyone especially Loki!"

"I can't. He needs to know the truth!"

"PLEASE!"

Breadcrumbs.

"So this is Jaime Santiago, the late student council president?"

"Yes, my dearest and sweet brother. How I wish that you could meet him in person."

Confirmation.

BIP! BOP! BOP! BIP! BIP! BIP BOP!

"No, it can't be... Why of all people..."

Truce.
"You can cut off the head, but only I can dispose of the body."

"Are you suggesting that we-"

"The choice is ultimately yours."

Confrontation.

"Welcome to the final stage, Loki and the Q.E.D. Club!"

"I have been waiting for this day so I can put an end to your villainy."

"This is a checkmate now, isn't it?"

Resolution.

"We both know how this ends."

"LOOOOOOOOOOOOOOOOKI!"

PROJECT LOKI: Q.E.D. (Art by CryAllen)

"That's right, Loki. I am Moriarty."

=================

EXTRA: The Final Project

Did you miss the QED Four? Here's my special treat for everyone who has read and
continues to support the story!

https://youtu.be/9VT3VXR_eWE

"The Final Project" features some scenes in the series. Can you recall them as you
watch the video?

This project won't be possible without coffeebreakren, one of the excellent artists
that I've ever met. We've been working on it for months. Conceptualization began in
late November 2016. The project was green-lighted in December 2016 after we got
permission for the music.

And today, it's finally done!

Special thanks to JefferzKM who allowed us to use their English cover of Ai No


Scenario.

PROJECT LOKI VOLUME 3 IS NOW POSTED! Check out my profile.

=================

BREAKING NEWS: PL SOON TO BE PUBLISHED


You read the title right! Project LOKI Volume 1 is going to be published under
PSICOM Publishing Inc. To all PLayers out there, a big THANK YOU for your support!

Happy first anniversary, QED Club!

=================

ANNOUNCEMENT: Project LOKI Volume 1 • Part 1

Project LOKI is set to be released first at the Henosis Squad meet-up on July 23,
2017 at Valenzuela People's Park.

Get your copies for only ₱100 and have them signed by yours truly!

The book will be available in bookstores probably a week or two after the event.

And here's the book cover, courtesy of COFFEEBREAKREN!

As always, thank you for the unwavering support! This won't be possible without
you. I owe every reader a huge part of my story's success! :)

You might also like