You are on page 1of 13

BFP MISSION

WE COMMENT TO PREVENT AND SUPPRESS DESTRUCTIVE FIRES;


INVESTIGATE ITS CAUSES; ENFORCE FIRE CODE AND OTHER RELATED LAWS;
RESPOND TO MAN MADE AND NATURAL DISASTERS AND OTHER
EMERGENCIES.
So, dito palang po sa mission namin malalaman nyo na po kung anong
pinaggagawa ng mg bombero. Hindi po kami natutulog lang po sa station. 24/7 nasa
station natutulog. Hindi po, Sabi po kasi nung iba natutulog lang kami nag aabang ng
sunog. Sa tingin ko po mas maiging natutulog kami at nag aabang ng sunog kasi po ibig
sabihin, walang nangyayaring sunog. Pagkakasi po lumalabas na kami at may sunog,
ang kapalit po kasi nun masaklap, kasi hindi lang ari-arian ang nasisira pati po minsan
nadadamay ay buhay.
PREVENT AND SUPPRESS DESTRUCTIVE FIRE
75% po na trabaho namin ginugugol po namin sa prevention, kasi nga po
may kasabihan tayo na “PREVENTION IS BETTER THAN CURE” so mas pinaiigi po
namin ang prevention then yung suppression po, ito po yung nakikita ninyo na
ginagawa ng bombero, yung napapalabas sa TV na nagpapatay ng sunog. Ayaw po
namin kasi na dadating pa po tayo dun sa point na nagpapatay na po ng sunog kasi yun
nga may mga ari-arian na nawawala at may buhay na minsan ay nadadamay. Mas
gusto rin namin na hindi na dapat doon sa puntong yun ksi nga po masyadong
matrabaho yung part na yun tapos napakataas ng risk samin, sa mga responder kasi
nga po hindi naman po sa minamaliit ko ang ating goberno, medyo kulang pa po kami
sa kagamitan rumerespondi po kami sa sunog usually ang dala po namin ay bimpo, lagi
po kaming may dalang bimpo para incase na may sunog, may pantakip po ako sa ilong.
Kulang pa po ang nabibigay saming gamit pero unti-unti naman pong nararamdaman
namin nagkakaroon na po kami ng mga kagamitan, slightly palang kungbaga.
ENFORCE FIRE CODE AND OTHER RELATED LAWS
So, dito po napasok yung pag inspect ng mga building kung ano po yung
mga hazards na meron doon sa isang establishment, kung ano po yung mga dapat
itama, kung kulang ba sila sa mga firefighting apparatus, kung yung mga detection
system po ba nila ay sapat na and yung mga fire exit po natin. Yung mga fire exit po, di
po natin dapat na binabarahan, dapat po yan accessible talaga kasi hindi po natin
masasabi kung kailan magkakaroon ng disaster or ng sakuna, dapat diyan laging
nabubuksan.
RESPOND TO MANMADE AND NATURAL DISASTER AND OTHER EMERGENCY
Hindi lang naman po puro sunog ang pinupuntahan namin, pumupunta rin
po kami sa mga nilindol, sa mga baha, sa mga landslide, sa mga vehicular accidents.
Kasi nga po nung time na ipinatupad yung proffessionalism ng bureua, lahat po ng
napapasok ay college graduate, at may PRC/CIVIL SERVICE. Mostly po ng mga
nursing ngayon pag ayaw sa hospital, ayaw mang-ibang bansa, hindi na po ang
takbuhan ay BPO or CALL CENTER, may ibang choice na po, FIRE/BFP, PNP or
BJMP. Kung may gusto pong mag-apply samin, sa babae po, 5’2 ang height,college
graduate, any course, PRC or CIVIL SERVICE, sa lalaki naman po 5’4 ang height, age
21 to 30. Baka gusto niyong jomoin.

BFP VISSION
A MODERN FIRE SERVICE FULLY CAPABLE OF ENSURING A FIRE-
SAFE NATION BY 2034
Pumunta na po tayo sa VISSION, ang vission po ng BFP ay “ A
MODERN FIRE SERVICE FULLY CAPABLE OF ENSURING A FIRE-SAFE NATION
BY 2034” Nilagyan po namin ng target na date para po natutupad kasi po pag walang
target na date, parang pangarap lang lagi siya.
LEGAL MANDATE OF THE BFP
Ang legal mandate of BFP ay rumesponde sa lahat ng klase ng
destructive na sunog. Ang bibigyan diin ko nalang po ay yung mga barko, once po ang
barko ay nakadaong o nasa pyer, under po siya ng BFP pero once na nakapaglayag
na, nasa gitna na po ng dagat hindi na po siya under ng BFP ang may hawak na po sa
kanya ay philippine coastguard or yung mismong safety officer nung barko.

BE RESPONSIBLE FOR THE ENFORCEMENT OF THE FIRE CODE OF THE


PHILIPPINES(RA 9514) & OTHER RELATED LAWS
Lahat po ng nasa fire code ay kailangan po naming ipatupad, ang isa
pong educational na establishment ay dapat every quarter nagkakaroon ng fire drill. Sa
unang taon po ng pagconduct natin ng fire drill, pwede nyo po kaming i-invite ng
magseminar po, and the other 3 pwede po kaming mag observe nalang po, titingnan po
naming kung ano po yung mga ginagawa niyo na pag-exit, kung ano po yung mga
mali,kung may kakulangan or kung may tama ay puriin po kayo.

SHALL HAVE THE POWER TO INVESTIGATE ALL CAUSES OF FIRES & IF


NECESSARY, FILE THE PROPER COMPLIANT WITH THE CITY OR PROVINCIAL
PROSECUTOR WHO HAS JURISDICTION OVER THE CASE;
Ang arson po ay isang heinous crime,kagaya po siya ng rape, murder,
non-bailable po. Ang arson po para maging arson kailangan po may intent ka na
manunog ng property ng ibang tao, ay amount, maski sampung piso na halaga na pag-
aari ng ibang tao, once na sinadya mong sunugin can lead to arson
IN TIME OF NATIONAL EMERGENCY, ALL ELEMENTS OF BFP SHALL UPON
DIRECTION OF THE PRESIDENT, ASSIST THE AFP IN MEETING THE NATURAL
EMERGENCY;AND
Dito po pumapasok yung mga nakikita niyong mga BFP pag may
malakihang bagyo, sila po ay pinapadala din nan gaming bureau para po tumolong
mag-assist sa pagbibigay ng tulong sa mga nagrarally kami po yung mga taga-bomba
ng tubig sa kanila kapag rarally sila.

SHALL ESTABLISH AT LEAST ONE (1) FIRE STATION WITH ADEQUATE


PERSONNEL, FIRE FIGHTING FACILITIES AND EQUIPMENTS IN EVERY
PROVINCE, CITY AND MUNICIPALITY SUBJECT TO STANDARD RULES AND
REGULATION AS MAYBE PROMULGATED BY THE DILG
Yung istasyon po naming ginagawa na, yung adequate personnel ditto po
sa pambujan ang ratio po ay 1 is to 1000. 12 lang po kami sa station ang facilities
naman po ang kagandahan naman po sa pambujan. 2 po an gating firetruck pero yung
isa ay laging nasisira dahil cguro sa katandaan na,andun po saamin then meron pa po
tayong brgy 1, 6 & 8 fire brigade so pag nagkasunog po hindi po agad lalaki kasi nga po
sila mismo ang unang rerespondi po sa sunog sa kanilang barangay napakarami ng
firetruck natin na rumerespondi agad, an medyo problema lang po dito sa pambujan,
yung mga draft wire po mabababa.

ORGANIZATIONAL CHART
Fire marshal dapat po ang pinoposisyon natin dito ay yung pinaka may
alam regarding sa mga disaters, sa mga sakuna siya po yung dapat na nandun. Then
dalawang part lang naman po yan, firefighting group and supporting group. Fifill-in po
natin yan. Dapat po may floor captain,siya po yung bahala sa ganitong floor, then room
captain, dapat po yung room mismo cheni-check niya bago siya lumabas. So ang
pinaka-importante po daw diyan ay yung mga parte po ng cr kasi po pag nagkaroon ng
firealarm minsan po yung nasa cr, hindi niya masyadong rinig. Kunwari kumakanta siya
sa cr habang jumi-jingla.

WHAT IS FIRE?
Yan po yung tatlong characteristics ng apoy. Mainit po siya, maliwanag
and nage-emit po siya ng smoke. Sa tingin nyo po ba alin sa mga characteristics na
mga ito ang unang papatay sa isang tao? Yung smoke po, kasi mangyayari, kunwari
na-trap ka sa isang room na puno ng usok, unang mawawala sa inyo ay malay then
kasunod na nun mahihimatay, dirediretcho nap o yun, hindi na kayo gigising. Kasi na
so-suffocate na kayo kasi po ang pagkain ng apoy ay oxygen kaya lahat ng oxygen sa
loob ng isang room ay kukunin niya, ia-absorb niya kasi yun po yung magus-sustain ng
sunog then magi-emit naman siya nga usok so mawawala po talaga ng oxygen. On the
brighter side,mauuna kang mamatay bago ka masunog, hindi mon a mararamdaman pa
na nasusunog ka kasi patay ka na sa suffocation, kaya diretcho cremate ang
nangyayari pero wag po kayong mag alala kasi buhay pa kayo, ilalabas na naming
kayo.
WHAT ARE THE FOUR STAGES OF FIRE?
INCIPIENT STAGE
Dito po nag-uumpisa palang po yung apoy at ito daw po yung
pinakamadaling pang pataying ang apoy kasi nga nag-uumpisa palang
GROWTH STAGE
Yung almost 50% na nung laman ng area ay nasusunog na
FULLY DEVELOPED
80-100% na nung laman ay nasusunog
DECAY
Ito po yung pinakamahaba kasi nga pow ala ng apoy, puro baga nalang
siya pero mainit pa rin po.
WHAT ARE THE COMPONENT OF FIRE?
May apat po na component ang apoy, una po oxygen, heat, fuel and
chemical chain reaction. Nire-represent po siya sa fire tetrahedron, una po kasi fire
triangle lang siya, heat,fuel, and oxygen pero maski present naman yung tatlo kung
wala naman nung chemical chain reaction hindi po magkakaroon ng apoy kaya po siya
ginawang tetrahedron.
OXYGEN- Ang oxygen po sa normal na setting meron po tayong 21 percent ng oxygen
ang kailangan lang daw po para magkaroon ng apoy ay 16% so napaka-abundant po
ng supply natin ng oxygen. Dito sa part na to para bang siya yung pag nagkaroon ng
apoy, siya yung nagpapatuloy ng apoy, para bang katulad natin na kailangan natin ng
oxygen para makahinga parang katulad din po siya sa apoy. Siya yung nagpapatuloy
na magsilab yung apoy.
FUEL – May tatlo pong klase ng fuel, tatlong state, gas, liquid and solid. Inuna ko po
yung gas kaysa tatlong state na yan ang pinakamabilis pong magsilab ay gas. Kasi
simpleng flick niyo lang yong burner nag-aapoy na yung kalan. Liquid, kailangan niya pa
pong mag-undergo ng vaporization, at sa solid naman po kailangan niyang mag-
undergo ng pyrolysis. Dito po sa pyrolysis, hindi po mismo yong posporo na nasusunog
yong nag-aapoy, yung nag-aapoy po ay yung gas na ini-emit nung pusporo kasi nga
nareach na niya yung ignition point kaya nag-iemit na siya ng gas. Ganun rin po sa
kahoy, hindi po mismo yung kahoy.
HEAT- meron din pong iba’t ibang klase ng heat, chemical, electrical, mechanical,
nuclear at solar.May tatlo pong klase ng transfer ng heat, conduction, convection and
radiation. Conduction, may direct contact sa apoy or doon sa mainit na bagay.
Convection, yung pataas na init. Radiation, yung galing sa araw, kahit malayo yung
araw ramdam natin yung init. Bigyan ko lang ng diin yung radiation , laging nangyayari
sa sunog to. Kunwari yung bahay A, bahay B, bahay C, nasusunog si bahay B,
tumawag siya, “Sir, nasusunog po bahay ko , punta po kayo.”pumunta kami, pagdating
naming doon almost 80% po nung bahay sunog na pero wala pong na-trap o naiwan na
tao sa loob ng bahay. Ang gagawin po namin, ang bobombahin na po naming ay yung
bahay A at bahay C, adjacent building na po kasi gawa na po ng radiated heat pwedi
siyang magtransfer sa kabila. Ang tawag po naming doon ay cover exposure, ang ayaw
po naming mangyari doon ay yung radiated heat ay makasunog pa ng kabilang bahay.
FIRE EXTINGUISHER
So, ang Fire Extinguisher po ay ginagamit lang po incase of anu parang
first aid lang siya sa apoy, pagsubrang laki na hindi na niya kakayanin, so ididiscuss ko
muna sa inyo yon PARTS NG FIRE EXTINGUISHER. So, ito po yong SAFETY SEAL
para hindi po siya basta-basta napaglalaroan ng mga bata. Then ito pong taas, ito po
yon OPERATING LEVER, Ito po baba yon ay HANDLE dito niyo po siya hahawakan, so
pagkaminsan kasi subrang taranta tatanggalin yon pin, napipisil po parehas yon handle
and operating lever so naiipit po yon pin kahit anung gawin niyo diyan hindi niyo po
makakalas yan kasi nga po pinipress niyo, so ang hawak lang po ay sa ilalim hangga’t
hindi niyo pa natatanggal yon pin. Then, ito po yon PIN tatanggalin niyo lang para
mapress niyo yon operating lever so hindi po ito parang granada na paghinugot niyo
yon pin ihahagis niyo sa sunog at mawawala na yong apoy, hindi po ito ganito, so, ito
po yon GAUGE dito niyo po makikita kung meron pa pressure sa loob, din ito po yon
HOSE, NOZZLE, & BODY, tapos LABEL kung makikita niyo po dito kung siya ay
naiinspect kada buwan, kasi po may labing dalawang rows diyan,so dapat po kada
month iniinspect siya,then inspect, LABEL nakikita niyo po may CLASS A, B, & C, so
intended po siya sa ganun klaseng apoy. Ok po, yong ibang fire extinguisher po mostly
nakikita niyo yon CO2 lang ang medyo bibigyan ko kayo ng warning yon nozzle niya po
mahaba yon nozzle niya para po torotot malaki po ang CO2 po alam namin po natin ay
malamig so wag niyo po siya hahawakan sa mismong nozzle niya, may nakalagay na
intended po na handle dun na hawakan, so pagka sa nozzle kayo napakapit at binumba
niyo yon CO2 malamig po yon puydi pa po kayo maprosbite, so ok, ang pagmaintain po
ng fire extinguisher ay dapat nga po monthly nga nachecheck niyo kinakalog-kalog niyo
kasi yon powder niya sa loob init-lamig, init-lamig nasa baba lang puydi po siya lalabas
lang pressure hindi kasama yong powder niya kaya dapat kinalog-kalog siya saka para
malaman niyo po kung siya ay mamomo.o na, itapat niyo lang sa tainga niyo din
baliktarin niyo, iyan so pagkapumatak po ay isang buo blueki mamomo.o na yon, kung
pumatak po parang buhangin ibig sabihin ok pa po siya, kalog-kalogin niyo po kapag
mamo.o din yon mga hose, ito po hose para po yan tao, para po kaso-kasoan, inunat-
unat po yan pag kasi po nakastock lang siya na ganyan eh, pagkaganyan lang eh
maninigas po lang yan pag-inunat niyo ng ganyan biglang crack nabibitak lang po so
pagbumba niyo baka banatin niyo, galaw-galaw din pag may time iyan, tapos
paggagamit kayo ng fire extinguisher tandaan niyo lang po itong menomic: T-P-A-S-
S ,T-twist the pin...para mabreak yon seal. P-Pull the pin...pagnapull niyo yon pin,hagis
na, hindi, puydi niya na mapress yon operating lever. A- Aim the nozzle at the base of
the fire.S-Squeeze the operating lever.S-Sweap from side to side. So, ang I.aim niyo po
yon mismong nasusunog na bagay hindi po yon bright light kasi yon po ay gas lang ang
pinakabubumbahin niyo po yon pinanggagalingan nong apoy.Then, observe niyo lang
po yon wind direction kapag nasa open area po tayo, nagkakaroon ng sunog kasi nga
po kailangan upwind kayo, kasi kapag paganito yon hangin, dapat nandito kayo upwind
kasi pagnandun kayo sa kabilang side darang kayo sa init din yon powder sa mukha
niyo, so dapat upwind, din 6 to 8 feet po ang layo sa apoy. So, tantsahin niyo nalang po
eh assess niyo nalang po baka lang po naman yon nasususunog subrang liit
nakamaximun kapa sa 8 feet ang layo puydi naman po lapitan niyo yan habang maliit
pa yon apoy puydi niyo lapitan,ok po.
SAFETY AND FIRE PREVENTION TIPS
INSTALL AND MAINTAIN SMOKE ALARMS
 Smoke alarms alerts you to fire and give you time to escape.
 Test smoke alarms regularly and follow the manufacturer’s instructions.
 Replace weak or dead batteries immediately with new ones.
So, sa balay po dapat meron tayo,dito sa workplace, meron po tayo
dapat dito smoke alarm, so lala po sa mga lugar na di natin masyado napupuntahan or
nabibisita, kasi po kapag dun magkaroon ng apoy, bago niyo pa malaman, ibig sabihin
subrang laki na,kung meron kayo smoke alarm mag-aalarm agad siya mapapatay niyo
agad, sabi ko nga po ang best way para patayin ang apoy ay kapag maliit pa siya. So,
sa bahay naman maganda kung meron tayo ganito kasi nga p kunwari ang bahay mo
ay two storey, nag-umpisa ang apoy sa 2nd floor bago niyo malaman na nagkakaroon
ng apoy sa 2nd floor at lahat ay kunwari nasa 1st floor kayong lahat bago niyo
malaman, ibig sabihin subrang laki na yong apoy, bakit hot gases po pataas, so
uunahin po niya pupunuin ng usok yon kisame ng 2nd floor pababa ng pababa
hanggang umabot sa 1st floor yon usok, pag-umabot na sa 1st floor yon usok ibig
sabihin napakalaki na nung apoy hindi niyo na kayang patayin. Dba, kaya ang gagawin
niyo nalang dun ay lumabas at tumawag ng bumbero. So, kung meron kayo smoke
alarm mapipigilan/mapreprevent niyo yong malakihang sunog, saka parang 800 lang po
ito sa mga hardware. Dba, nagastos nga tayo sa pagbigay sa inaanak natin isang
libo,so dapat ang safety ay mataas din ang pagtingin natin, tapos pagbibili kayo ng
smoke alarm dapat yon battery operated para incase mawalan ng kuryente gagana pa
rin siya, every six month palitan niyo ng battery.
 If a fire occurs in your home, GET OUT, STAY OUT AND CALL FOR HELP.
Never go back inside for anything or anymore.

PAMBUJAN FIRE STATION HOTLINE: 09


Kapag nagkaroon ng apoy, GET OUT, STAY OUT and CALL FOR HELP,
sino po my number ng PAMBUJAN FIRE STATION...Sa cp niyo lagyan niyo yon mga
ex niyo pag-alisin niyo diyan sa contact niyo wag na kayong umasa, tapos na yan ex na
nga eh, wag niyo na ipilit. Kame 24/7 nandito d kayo iiwan namin. Yan po hotline
number namin 09........ kung meron po kayo concern puydi niyo po itawag sa amin.

HAVE A HOME FIRE ESCAPE PLAN


 Look for two ways out of each room-windows and doors. If you get caught
in smoke, the cleanest air will be near the floor.
 Get down on your hands and knees and crawl to the nearest safe exit.
 Arrange an outside meeting place and a safe location to call emergency.

So alam niyo po ba kung saan kayo pupunta kapag my sunog or kampante


nalang tayo natutulog sa balay pagkagabe kasi, ito magandang bonding niyong mga
anak niyo pagdrawingin niyo siya ng lay-out ng bahay, kung baga yung pinakasimple na
bahay parang ganyan lang para kasi alam niya kung saan siya pupunta, diba kalimitan
my trabaho tayo tapos parehas pa kayo ng wife mo my trabaho walang maiiwan sa
bahay kundi yung kasangbahay, so si kasangbahay hindi masyado familiar sa kung anu
gagawin lalo na yung anak na naiwan hindi nila alam tayo kasi matatanda the need
guidance, so dapat since my bonding na kayo my safety pa, dapat dalawa yung exit, isa
dun sa lugar kasi kapag nablockan yung exit na yon my alternative na kayo exit, so sino
po dito ang bahay na puno ng grills, yon puno ng grills and window, kasi po minsan
subra natin pag-adopt ng security sa mga magnanakaw nalilimutan na natin yon safety,
naalala niyo po yon anak ni dating speaker divinicia napatay po siya kasi hindi po siya
nakalabas sa bahay kasi puno ng grills nakabaon pa yong grills niya sa cemento kaya
hindi mahila-hila ng firetruck, so kapag meron kayo grills pwede naman niyo lagyan ng
maliit na daanan pa po yan, din lagyan niyo ng padlock, make sure lang po na lahat ng
tao sa bahay ay alam kung saan nakalagay yon susi, para po alam nila kung saan
kukunin, tapos nagkakaroon po ba tayo dito ng seminars, teambuilding, outside po dito
sa inyong lugar/workplace. So ngayon magpupunta kayo sa ibang lugar, so pagdating
niyo dun kalimitan sa hotel po yon or resort. Pagdating niyo po dun anu po dun una niyo
dun ginagawa, selfie, hashtag, workshop, teambuilding, 20/70,kalimutan yun date eh,
ok so, hindi niyo po cheni-check emergency number dun sa lugar lalo na dun dayo kayo
hindi kayo mismo taga dun, una check niyo yun emergency number. Next, hindi niyo
cheneck yung evacuation plan, yun mga nakalagay po sa mga pader parang mga mapa
kung saan yon mga fire extinguisher, kung nasaan yon fire exit, hindi natin nagagawa
icheck yon. Then next, hindi niyo nagawang icheck yon fire exit baka mamaya fire exit
lang yan ang tagos pala niyan bangin nakalagay lang siya as display o barado pala may
nakaharang na mga upuan, diba. Next, hindi niyo dinaanan yon fire exit, remember
kapag nagkaroon ng sunog, earthquake cut-out yon supply ng kuryente, panu kapag
gabe nangyari hindi ka familiar sa step ng hagdan pwede ka magstamble dun din
bumarble yon ulo mo dun ka namatay, hindi ka namatay sa sunog or lindol, diba yon
sinabi kung apat siguro magconsume lang siya ng 30 mins. Ng buong pagstay mo dun
sa area na yun, diba natagal ka nga ng 2 oras sa fb pag-udate ng buhay ng my buhay
nakikiniis kapa ng problema, diba, 30 mins lang depinde kung mataas yon floor niyo
siguro isang oras kung 100 floors pero kalimitan 30 mins lang po yon apat na sinabi ko
hindi naman po kabawasan sa inyong pagstay dun,ok so next.

KITCHEN SAFETY
 Never leave cooking unattended
 If a pot catches fire, cover it with a lid to smother the flames and turn off
the burner.
So kanina po natin paulit-ulit diyan, bigyan diin ko nalang yon mga LPG, so sino
po dito sa inyo ang naniniwala na sumasabog po ba ang LPG TANK? So ang tangke po
nasabog po yan pero kapag siya ay darang na sa init, hindi po na sinasabi na bigla
kang nagswitch off, bigla ka nagswitch on ng kuryente or bigla ka nagbukas ng ilaw
bigla siya sumabog ang tangke hindi po tangke ang nasabog dun, ang nasabog po dun
yon naipon na gas dun sa loob ng area, pero yon tangke po ay pwede sumabog po yan
kasi nga po diba seal yan so pressurize yon loob niya liquid pa yan bago siya lumabas,
kapag kumulo siya ng kumulo maover pressure yon tangke hanggang pumutok so dun
po nasabog pero yon nangyayari sa bahay na bigla sumabog ay yon po nag
accomulate na LPG dun sa area kasi po ang LPG ay mas mabigat po magcliclink po
siya sa ground una niyo po pupunu-in yon ground pataas ng pataas hanggang maabot
niya yon mga outlet, swicth ng kuryente, pagswitch mo niyan magspark dun sa loob di
mo naman mapapansin yon spark na yan biglang magkakaroon ng explossion, kasi nga
po ang LPG po ay odorless, tasteless, nagkaroon lang ng incident sa europe,
nagkaroon ng incident kasi nga sa kanila hindi naman tangke, sa kanila kasi nakagas
line eh magleak pala dun sa area na yan biglang nagkaroon ng spark sumabog yon
most ng students namatay, ang sinisi yon gas kasi nga hindi nila alam odorless,
tasteless so ang nangyari diyan ginawan niya ng substance para magkaroon ng amoy,
yon po naaamoy niyo na mapanghi, diba napansin niyo kapag my leak ang LPG may na
amoy amoy niyo na mapanghi-panghi, yon po yon ethel merchantant po ang tawag dun
para malaman natin na meron nangyayaring leak at pagmay amoy kayong leak kuha po
kayo ng sponge basain niyo at lagyan niyo ng sabon pabulain niyo ikoskos niyo dun sa
mismong valve pag may bumula ibig sabihin yon valve mismo my leak, yon kung wala
dun sa hose padaanan niyo din ng sponge na may sabon, kapag may bumula dun ibig
sabihin nandun yon leak sa hose. Ang hose po ng ating LPG ay hindi po panghabang
buhay anu, hindi purkit bumili kayo ng hose and regulator ay yan na po habang buhay.
Ang lifespan po ng hose ay 1 year kasi anu po ang napapansin niyo sa LPG malamig
diba malamig siya, init-lamig-init-lamig ng hose nagiging brital yan nagkakaroon ng
butas-butas yan, so ang pinaka-lifespan po ng isang hose ay 1 year pinapalitan po yan.

CANDLE SAFETY
 Extinguish candles before leaving the room or going to sleep.
 Place candles in sturdy containers and at least 0.3 metres(one foot)
away from anything that can burn.

So, sino po sa atin ang nakaexperience ng brown out/blackout kapag wala


naman grabe na anu, so ok, saan niyo nilalagay ang candila?sa platito?buti ng
mangtika, saan pa po ako minsan iniinitan nalang ang ilalim sabay tayo, so hindi po
ganun ha ang platito po at baso ng mantika intended sa tuyo, patis, dessert yon po
dapat nakalagay diyan hindi po kandila, so ang buti po ng mantika sa mantika po yan.
Ang tama po lagayan ng kandila ay batya, kung gaano kataas ang kandila niyo dapat
ganun kataas/ ang serkunpirense nung batya na may lamang tubig na kapag pumatak
siya ang patak niya dun sa tubig kasi nga po meron tayo mga alaga sa bahay na hindi
man natin alaga mga daga, pusa, na bigla nalang pumapasok sa atin bahay mo na
hindi mo alam matabig niya bigla yon, sunog na po, tapos parang awa niyo na po bago
kayo matulog nakikiusap na po ako bago kayo matulog patayin niyo na po yon kandila
kasi try niyo po pumikit niyo ngayon madilim pagkayo ay natutulog madilim walang ng
silbi yon kandila bukas.ok po.

SMOKING IS HAZARDOUS
 Remember it is just as dangerous to fall asleep smoking on the
couch or in a chair as it is in a bed. Never smoke in bed or when you
are feeling drowsy.

Yan sa mga naninigarilyo po maging responsible po lalo na po ngayon tag-init


wag po tayo basta tapon ng tapon ng upos.
KEEP MATTCHES AND LIGHTERS OUT OF REACH
 Keep matches and lighters out of reach of children-up high and
preferably locked up.
 Teach children that matches and lighters are only for adults.

Ilayo po ang lighter at pusporo sa mga bata alam naman po natin na mapaglaro
ang mga bata may incident, isang bata naglalaro po ng pusporo ang bata at sunog po
yon kanyang kama at nadamay po yon upuan so buti po hindi nakalaki, may pusporo po
pakalat-kalat dun sa paligid.
USE ELECTRICITY SAFELY
 If an appliance smokes or smells like it is burning, unplug it
immediately and have it repaired.
 Check all of your electrical cords and replace any that are cracked or
frayed.
 Don’t overload electrical outlets or run extension cords under rugs
or carpets.
So,ang extension chord po sino po ang guilty na extension chord ay ginawa ng
habang buhay na outlet, ang extension chord po ay ginagamit sa lugar na walang
kuryente, pag tapos na po kayo dun tatanggalin niyo na po ang extension chord,
ngayon po kung magstay kayo dun ng matagal magpagawa kayo dun ng outlet dun kasi
nga po ang extension chord ay maliliit lamang ang wire niyan pagsinak-sakan niyo lahat
ng butas ng gamit iinit po ang wire niyan hanggang lumulutong yon insulator kapag
lumutong na insulator nasunog na siya nagdikit na ang dalawang wire nagkakaroon na
ng short circuit din sunog na po, ok po, tapos sa may pamilya na or gusto niya
magpamilya palang remember kapag una palang bahay niyo pa lang papagawa kayo
ng bahay anu po gamit, binibili na gamit sa bahay, yon una palang diba ha diba electric
fan, refregiretor, tv, plantsa, so halos yon lang diba,ngayon matagal na 7 years na kayo
or 10 years na kayo napromote na siya, napromote ka na rin, pinalitan mo na yon
electric fan, pinalitan mo ng aircon, yon tv, pinalitan mo ng yon refregiretor, pinalaki mo
na rin, yon plantsa pinalaki mo na rin, nagdagdag ka na rin ng ibang gamit, so ang
mangyayari yon ang komsumo ng kuryente hindi na katulad ng pinagawa mo ng bahay
hindi na gaanong kaliit lang remember yon wire niyo noong inumpisahan gawin yon
bahay may maximun na load lang siya na kaya, eh since, ganun lang nga gamit mo sa
bahay kaya pa nga pero yon yumayaman ka na dumadami na appliance mo sa bahay
anu na hindi na kaya ng wire ng load ng kuryente, so ang mangyayari nagkakaroon na
ng pag-init ngayon nakatago sa mga pader yon mga wire mo hindi niyo na mapupuna
nagkakaroon ng pag-init din mamaya mapupuna niya nalang nag-init siya pag may
sunog na, so pagka-payaman ng payaman, payamanin mo din natin yon mga linya ng
kuryente natin, maghanap tayo ng certified na electrician at ipacompute natin yon load
natin din ichecheck niya yon kung tama dun sa wire kung kaya ng isusustain, ngayon
kung hindi na magpapalit na kayo ng mga wire sa bahay.

STOP, DROP, AND ROLL


If your clothes catch fire, don’t run.
 Stop where you are,
 Drop gently to the ground, cover your face with your hands to
protect your face and lungs,
 Roll over and over until to the flames are smothered.

So, pag nagkaroon ng sunog ang damit STOP, DROP, AND ROLL so coveran
ang mukha habang nagroroll dahil po kahit anung hitsura niyan puhunan pa rin niyan
makakatagpo ng forever yan, hintay2x lang.

IF CAUGHT IN THE BURNING BUILDING


 Use the wall of the building as a guide to exit.
 Make sure to check first the door.
 When leaving a burning room, make sure to close the door to delay
the spread of fire.
 If you can’t find your way out, go to the window and flash a light
colored thing or clothing as it does not easily blend with smoke.
 Familiarize yourself with the exit points of you workplace.

So, ito naman kunwari kapag natrap kayo sa building, natrap kayo sa isang
nasusunog na room anu po yon puno na ng usok yon room siguro hanggang baywang
na yon usok kapag tumayo ka hindi muna nakita yon paa mo so una mong gagawin ay
bumaba ka sa sahig kasi 1 to 2 feet from the ground mayroon fresh air kasi nga po
fresh air pataas, cold air pababa tapos humanap ka ng pader, bakit po?gawin mo guide
yon pader,bakit po?wala naman po yata pinto na nakatayo sa gitna ng room, lahat
naman po yata ng pinto nakadikit sa pader, so gawin niyo po ng guide yon pader para
makalabas, papunta mo sa pinto na nakapa muna yon pinto make sure na bago kapa
pumunta sa pinto na yon kapain muna kung mainit kung yon paligid niya ay yon mga
pintura ay nalubo-lubo na ibig sabihin my sunog sa kabilang side, wag muna tangkain
lumabas dun maghanap ka ng ibang exit, ngayon anung ibang exit panu kung yon lang
isang pinto, bintana exit at nasa 30th floor ka so panu gagawin mo, kumuha ka ng light
colored materials mga kulay puti, yon ang iwagayway mo sa bintana kasi hindi siya
magble-blend sa usok makikita kaagad ng mga rescuer at pagka-tapos mo iwagayway
makita ka ng mga rescuer magdasal ka na makapunta ka agad sa lugar mo, basta kahit
anung sakuna wag kalimutan magdasal si lord ang magsasalba sa inyo so ngayon
naman pagnakita mo safe lumabas dun sa pinto make sure na isara mo yon pinto yon
pinanggalingan mong lugar isara mo yon pinto para hindi makapasok yon oxygen
mamatay kusa yon apoy dun sa loob.
OPLAN LIGTAS NA PAMAYANAN

Nasusunog na kabahayan, naaabong ari-arian, matagal ng iniinda ng


mamamayan ang salot na dulot nito sa atin kumunidad, noong naipasa ang R.A 9514 or
ang bagong fire code of the philippines ng 2008 malaki ang binaba ng mga incidenti ng
sunog sa industrial areas ngayon ay nasa 55% ng lahat ng sunog sa bansa ay
nagmumula sa residential areas, ayon sa pag aaral ni dr. Gloria nenita v. Velasco ng
philippines institute of developmental studies my relation ang population at urbanization
sa pagtaas ng incidente ng sunog taon-taon ay tumataas ang population kaya ang
mithiin ngayon ng BFP sa pamamagitan ng directorate for fire safety and enforcement
ay ang pagpapatibay ng kakayahan at kakayahan ng atin mga kababayan ukol sa
kaligtasan sa sunog ito ay sa ilalim ng “OPLAN LIGTAS NA PAMAYANAN” binibigyan
nito ng balangkas ang dati ng barangay ugnayan, ang OLP ay binubuo ng apat na
programa ito ay ang HANDANG PAMAYANAN PROGRAM, BAYANIHAN PROGRAM,
KAAGAPAY PROGRAM, AND LINGAP PROGRAM:

Ang HANDANG PAMAYANAN PROGRAM ay nagbibigay pagkakataon sa isang


pamayanan na suriin ang kanyang paligid at magsasagawa ng community fire
protection plan or CFPP kabilang sa plano nito ay hazard evaluation, hazard elimination
and tactical defense, nakalakip din sa programang ito ang community hazard map kung
saan sinusuri ang mga lugar na mataas ang posibilidad na magkaroon ng sunog kasali
na ang mga routa at evacuation area sa oras ng mga emergency, ang CFPP at ang
hazard map ay ipapaskil sa mga barangay hall at fire station.

Ang BAYANIHAN PROGRM brigada ng bayan tungo sa ligtas na tahanan at


pamayanan o bayanihan program ito ay pagpapalawig ng kakayahan ng barangay
volunteer fire brigade sa pamamagitan ng pagsasa-ayos ng structura nito sa
Community Fire Auxillary Group or CFAG sila ay nagsisilbing first responder unit sa
oras ng pangangailangan. Ang Community Fire defense unit sa ilalim ng CFAG ay may
mga sub-unit na humahawak sa mga cluster na tig-100 kabahayan ang mga member
nito ay sinasanay ng mga kawani na pinakamalapit na fire station kasama din sa
programang ito ang community fire safety team ang makakatawan ng BFP sa bawat
barangay upang punahin ang mga fire hazard tulad ng maling pagkakabit ng kuryente,
pag-iimbak ng langis, mapanganib na kimikal at iba pa. Sinasamantala rin ng
programang ito ang kapangyarihan ng social media sa pamamagitan ng pagbuo ng
account ng mga bayani ng barangay sa bawat kumunidad, dito maipapaskil ng
pamayanan ang kanilang napupuna upang maagapan o maisama sa community hazard
map.
Ang KAAGAPAY PROGRAM ang katuwang at gabay sa ligtas na pamamahay at
pamayanan o kaagapay program ay ang pakikisalamuha ng mga bumbero sa loob ng
pamayanan sila ay nagsisilbing gabay sa CFAG sa paggawa ng kanilang tungkulin sa
ganitong paraan ay nababantayan nila ng maigi ang kanilang lugar ng kanilang
nasasakupan at mas mararamdaman ng madla ang presinsya ang bumbero sa kanilang
kumunidad sa pamamagitan din ng programang ito maisasagawa ng mga bumbero ang
fire safety education sa kanilang nasasakupan, bawat bumbero sa station ay may
hahawakan na area of responsibility sa kanilang lugar.

Ang LINGAP PROGRAM ang pangkaligtasan na pagsisiyasat at pagbibigay alam


sa bawat tahanan or lingap program ay pagsasagawa ng house-to-house fire safety
survey sa mga high hazard area sa community hazard map ng mga kasapi ng mga bfp
at CFAG mas nasusubaybayan ang pagtanggal sa mg fire hazard sa mga lugar na ito,
tulad ng pag-issue ng seal of good house keeping sa mga barangay na maganda ang
pamamahala, nagbibigay din ang bfp ng bayanihan seal sa mga barangay na sumunod
sa mga panuntunan ng OLP magkakaroon ng search for best fire station and
commuinty na magagawaran ng bayanihan seal award sa occassion ng anniversaryo
ng BFP sa kasalukuyan ay sinasama na sa taonan budget ang oplan na ito inaasahan
ang buong implimentasyon nito sa pagpasok ng 2019.

Ang BFP sumasailalim sa malaking pagbabago upang matugunan ang mga


mandato at responsibilidad nito sa bayan sa pagbibigay kaalaman at kakayahan sa
bawat kumunidad sa buong bansa nakakasigurado ang BFP sa kaligtasan ng bawat
mamamayan sa panganib, paminsalang sunog. Ito ang BFP naghahangad ng ligtas na
pamayanan tungo sa ligtas na pilipinas.

You might also like