You are on page 1of 1

Hannah’s Promise

Ang ating istorya ngayon ay tungkol sa isang tao na nagngangalang Hannah. Gustong gusto niyang
magkaanak. Taon taon ay nagpupunta sila ng asawa niyang si Elicana sa lugar ng Shiloh. Sa lugar na yon
ay may festival na ginagawa taon taon para magthankyou kay Papa God sa lahat ng ginawa Niya sakanilang
kabuhayan or business. Pinapakita nila kay Papa God kung gaano sila ka-thankful sakanilang mga
natatanggap.
Ngunit, ito din ang dahilan kung bakit malungkot si Hanna. Gusto niya maging thankful gaya ng
iba. Ngunit hindi niya ito magawa dahil hindi siya magkaanak. Kaya sobra siyang nadidiscourage at
nalulungkot. Pero hindi niya naman ito ipinapakita sa iba, tinatago niya lang. Mahal na mahal si Hanna ng
asawa niya kaya tinatry nitong maging okay siya lagi kaso parang walang epekto.
Kaya naman ginawa ni Hanna ang nagiisang makakaya niyang gawin para solusyunan ang kanyang
problema. Isang gabi, pagkatapos nilang kumain ng hapunan si Hanna ay dumiretso sa templo o church nila
upang magumpisang manalangin.
Sobrang honest niya sa Panginoon noong mga oras na yun, sinabi niya tlaga ang kanyang
nararamdaman, umiyak siya sa harapan ng Panginoon. Feeling niya kinalimutan na siya ni Papa God. Pero
hindi naman maaaring mangyari yon dahil kahit kailan hind tayo kinalimuta ni Papa God. Kaya naman sa
panalangin ni Hanna, ganto ang sinabi niya. “Dear God, kung nakikita niyo lamang po kung gaano ako
kalungkot at kamiserable ngayon sana po payagan niyo po akong magkaanak. Kung ibibigay mo po saaakin
ang kahilingang ito, ibibigay ko po siya sainyo ng buong puso kapag siya ay lumaki na.
Habang nagdarasal si Hanna nakita siya ng isang pari na Eli ang pangalan. At napagkamalan pa
siyang lasing dahil sa paraan niya ng pagdarasal. Kasi nagdarasal ng sarili si Hanna, walang salita pero
nagalaw ang kanyang mga labi. Pede din tayong ganto magpray. Tahimik lang pero kinakausap padin natin
si Papa God.
Nang marealize ni Eli na sobrang honest nitong si Hanna sa Panginoon siya ay sinabihan niya ng
ganito, “Lakad umuwi ka at naway dinggin ng Panginoon ang panalangin mo.”
Noong sumunod na araw, may isang mabuting nangyari. Naalala ng Panginoon si Hannah (dahil
kahit kailan ay hindi ito marunong makalimot sa kahit sino saatin) at binigyan Niya nga ng anak itong si
Hanna. At pinangalanan niya itong SAMUEL.
Sobra ang kagalakan ni Hanna dahil sa wakas ay nagkaanak na siya. Mahal na mahal niya ang
kanyang anak. Si Hanna ay sobrang honest na tao kapag nangako siya lagi niyang tinutupad at ni minsan
ay hindi niya ito kinakalimtan. Kaya, ibinigay niya ng buong puso sa Panginoon ang kanyang anak. Tapat
si Hanna sa kanyan mga pangako.
Noong si Samuel ay lumaki na dinala na siya ni Hanna kay Eli at doon na siya tumira. “Naalala mo
ba ako? Sabi ni Hannah. “Ako ang babaeng nanalangin sa Panginoonna bigyan ako ng anak at ipinangako
kong ibibigay ko ang buhay nito ng buong puso kapag lumaki na siya. Ipagkakatiwala ko na siya sayo para
matuto at magtrabaho kasama ka.
Masakit ito para kay Hanna, pero ito ang ipinangako niya. Kaya naman pagkauwi niya ay bnless
siya ni Papa God at bingyan pa ng maruming anak na babae at lalaki.

You might also like