You are on page 1of 1

Esguerra, Mikhaella V.

11-Socrates

“Kalunos-lunos na Sanggol”
Malakas na iyak ng bagong silang na sanggol tila siya ay naghihikahos sa mga hirap at
dagok na kanyang hinaharap. Nababalot siya ng takot na baka ito na ang nalalabing oras ng
kanyang buhay. Nasilayan ng Diyos ang kanyang pagkasira, lumuha siya sa sakit na
naramdaman.Nawasak ang kanyang puso sa dinanas ng sanggol kung hindi tanging hangad
lamang ay punan ang pangangailangan ng tao.

Mga batas, polisiya, mga organisasyon na may mga adbokasiyang mapangalagaan ang
kalikasan. Kung tutuusin ay napakalaki ng utang natin sa kalikasan, hindi na nga natin
mabayaran ay nakukuha pa nating abusuhin at sirain. Halos lahat ng mga pangangailangan natin
ay sakanya nagmumula. Tila nagsisilbing kapakipakinabang sa lahat, mula sa pagkain, tirahan,
gamot at marami pang iba.

Magsulong ng mga programang nangangalaga sa kalikasan, simpleng pagtatanim lamang


ng mga puno ay maaari nating gawin. Ang mga likas na yaman ay limitado lamang, hindi habang
buhay ay mayroon tayo, ang magagawa lamang natin ay konserbasyon sa mga ito. Ang
pangangalaga ay isang katangiang dapat taglayin at linangin ng bawat tao dahil masasalamin dito
ang pagiging responsable at pagtanaw ng utang na loob sa biyayang binigay. Isipin pa natin ang
susunod na henerasyon na makikinabang sa kalikasan

Kalunos-lunos din ang sinasapit ng ilan sa mga tinaguriang “endangered species” sa


bansa. Sa pagputol ng mga puno at pagkakalbo ng kabundukan, nawawalan ng tirahan ang ilan sa
ating mga natatanging hayop. Unti-unting nauubos ang lahi ng mga hayop na ito tulad na lamang
ng mga mamag o Tarsier na isa sa mga dinadayo sa Bohol. Noong 1997, ang tarsier ay idineklara
ng gobyerno ng Pilipinas bilang isang “partikular na pinoprotektahang” na hayop. Kaya ang
panghuhuli sa tarsier, pagsira sa tirahan nito, o pag-aalaga dito bilang pet ay ilegal.

Sa kasalukuyang panahon nakaaalarma na ang nangyayari sa ating kalikasan ngayon


dahil sa ating kapabayaan. Dahil kung anong ginanda noon ay iyon naman ang kinabaliktaran sa
panahon natin ngayon sapagkat hindi natin napapangalagaan ng maayos. Kung ito lang ay
natratrato ng tama hindi na sana natin nararanasan ang mga dilubyo at krisis na sinasagupa sa
panahon natin ngayon.

Napakarami ng nangyari, nangyari at posibleng mangyari pa sa ating kalikasan. Nasa


kamay natin ang posibleng kinabukasan at kakaharapin ng susunod na salinlahi. Nawa’y ang
paraisong minsa’y kinamulatan natin ay huwag iapgakiat sa mga sisibol na salinlahi. Ikaw
kabataan na katulad ko ang magbibigay katuparan nito.. handa kana ba?

You might also like