You are on page 1of 2

Repliksiyong Papel sa Pelikulang “Mowgli”

Ang kalikasan ay isa sa mga likas na yaman na binigay nang ating panginoong maykapal.

Ito ay nagsilbing instrumento upang masustina ang pangangailangan sa ating pang araw-araw na

pamumuhay sa pamamagitan ng pagkuha nang mga yaman kagaya nang mga pagkain, at mga

kahoy na ating nagagamit sa pagbuo nang ating bahay. Sa kalikasan din natin makikita ang

kasaganahan nang bawat halaman at mga hayop na may kalayaang maglaro sa ibang uri. Sa

madaliang salita, ang ating kalikasan ay ang nagsilbing lugar na kung saan ay may kalayaang

gawin kung ano man ang iyong gusto. Pero paano kung itong kalikasan na pinag-iingatan ay

masisira dahil sa kaalipustangan nang bawat tao? May kinabukasan pa ba ang mga hayop na

maglaro sa ibang uri? May kalayaan pa ba ang mga halaman na sumibol at mapanatili ang

kagandahan para sa hinaharap na henerasyon?

Habang nanunuod ako sa pelikula, ay napagtanto ko kung gaano ka ganda ang ating

kalikasan sa mga likas nitong yaman. Pinapakita dito ang kasaganahan ng biodiversidad dahil

maraming mga hayop, insekto, at mga halamang namumuhay dito nang masagana. Namumuhay

silang may kalayaan at kasaganahan dahil alam nilang ligtas sila sa lipunan na kanilang

ginagalawan. Gayunpaman, kahit na masagana ang kanilang pamumuhay, makikita natin na ang

Tigre ay ang naging kalaban nang mga ibang hayop dahil kinakain niya ito. Naging agrisibo ang

tigre lalong-lalot na sa pagdating ng batang si Mowgli dahil sa kadahilanan na ang mga tao ay isa

sa umuobos nang mga uri sa kagubatan. Habang tumatagal ay naging threat sa tigre si Mowgli na

papatay sa kanya dahil sa kadahilanang may kakayahan itong gumamit nang mga armas na

ginagamit sa pag patay nang ibang hayop. Dahil dito, habang lumalaki si Mowgli ay may gigil na
siyang patayin ito pero sa kasamaang palad ay hindi niya ito nagawa dahil sinagip siya nina

Baloo, Bagheera, at pati ang ahas.

Ang pelikulang ito ay pinapakita ang realidad kung gaano inaabuso nang mga tao ang

mga taglay na yaman na bigay at mula sa kalikasan na maging dahilan sa pagka ubos nang ibang

uri ng hayop. Ang biodiversidad rin nang mga hayop ay unti-unting lumiliit dahil karamihan sa

mga tao ay ginagamit ang kalikasan bilang isang tahanan na kung saan ay mobilisado ang lahat

ng bagay kagaya nalang nang mga baril, apoy, at mga bahay nito. Dahil dito, makikita natin ang

agrisibo nang mga tao sa pelikula — isa na dito kung saan intensyonal na pinutol ang tusk nang

Elephante na kung saan ay ating makikita sa kanyang mukha ang kalungkutan dahil isa sa parti

nang katawan ay naputol. Gayunpaman, nawa'y maging aral ito na ang hayop sa ating kalikasan

ay may silbi sa ating biodiversidad dahil ito ang nagpapanatili nang balansi sa ating kalikasan.

Nakakalungkot ding isipin na ang mga hayop ay wala nang masyadong kalayaan dahil kung ito

ay napadpad sa teritoryo nang mga tao— ito ay ikukulong para mapagkatuwaan o patayin para

kainin. Dahil dito, para nating ini-objectify ang mga hayop/halaman sa ating paligid dahil tingin

natin na ang mga ito ay walang buhay. Pero gayunpaman, kahit na may buhay o wala ay

kailangan parin nating pangalagaan ang mga likas na kayamanan ng ating kalikasan.

You might also like