You are on page 1of 2

Pangalan : ________________________ Pangkat : ____________________

LAGUMANG PAGSUSULIT

Identification.
Panuto: Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang konseptong tinutukoy ng bawat pahayag.

_______________1. Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong


komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
_______________2. Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may pagkakatulad na katangian ng
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa atn bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
_______________3. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan.
_______________4. Isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay- kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan
_______________5. Nagsisilbing batayan ng mga asal, kilos, o gawi ng isang indibiduwal sa lipunang
kaniyang kinabibilangan.
_______________6. Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa
isang lipunan.
_______________7. Tumutukoy sa isang pampublikong bagay na karaniwang kaugnay ito ng krisis o
suliranin sa mga institusyong panlipunan.
_______________8. Ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito.
_______________9. Kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at
ang lipunang kanyang ginagalawan.
_______________10. Tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at
tinatanggap na totoo.

Process/Skill.
Panuto: Gumuhit ng mapa ng iyong lipunan. Ipaliwanag ang ugnayan ng mga istrukturang ito sa isa’t isa.
Pagsulat ng Sanaysay
Panuto: Sumulat ng sanaysay na nagpapahayag ng iyong pag-unawa tungkol sa pagkakaiba ng personal
na isyu at isyung panlipunan. Gamitin ang sumusunod na rubric sa pagtupad ng gawain na ito.

Rubric sa Pagmamarka ng Sanaysay

Pamantayan Deskripsiyon Puntos NAKUHANG


PUNTOS
Malinaw na naipaliwanag ang pagkakaiba
ng personal na isyu at isyung panlipunan.
Pag-unawa Nakapagbigay ng mga kongkretong 6
halimbawa upang suportahan ang mga
paliwanag
Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng
ideya. Maayos na naipahayag ang
Organisasyon 5
pagkakaiba at pagkakaugnay ng mga
tinalakay na konsepto.
Wasto at makatotohanan ang
impormasyon. Nakabatay ang nilalaman
Nilalaman 5
sa mga tinalakay na paksa.

Sumunod sa mga pamantayan sa


pagsulat ng sanaysay tulad ng paggamit
Teknikalidad 4
ng tamang bantas, kaayusan ng
pangungusap, at pagdebelop ng kaisipan.
Kabuuan 20

You might also like