You are on page 1of 2

Naratibo

at
Dokumentasyon
(Hunyo)

Ipinasa ni:
Elyssa Jewel A. Enrile
XII- Eiffel

Ipinasa kay:
Gng. Genalynn Alva
“Kung may tanim may aanihin” ito’y isang salawikain na nagpapatunay na lahat ng ginagawa
ng tao ay may katumbas na reaksyon o resulta, masama man o mabuti.

Sa simula ng aming pagtatanim, ako ay nag aalangan dahil hindi ganoon kalawak ang
kaalaman ko sa pagtatanim ngunit nang magsimula na ang pagtatanim nagbukas ang aking isip
sa ganoong bagay. Una, nagbungkal muna kami ng lupa na pagtataniman, mahirap rin pala
magbungkal ng lupa kapag wala kang angkop na gamit para rito dahil kailangan na medyo
malalim ang iyong mabubungkal. Pangalawa, lalagyan na ng lupa na dala namin ang
napagbungkalan, matapos naming maglagay ng sapat na lupa kumuha naman kami ng
karagdagang fertilizer na nasa school. Pangatlo, nilagay na ang “seeds” sa lupa at nilagyan muli
ng lupa at fertilizer. At panghuli, diniligan na ang aming kanya-kanyang tanim. Sa pagtanim
naman ng sili, mayroon ang karamihan na tig-tatlong lalagyan ng pagtataniman. Ito ay meron ng
tanim kaya’t binunot ang mga ito, binungkal at hinalo ang mga lupa at dinadagdagan ng
panibagong lupa at fertilizer. Pagkatapos nito, binudbod na ang mga seeds ng sili. Muli ito ay
diniligan naming upang hindi masyadong matuyo ang aming tanim.

Ibabahagi ko lamang ang aking naging reaksyon sa aming pagtatanim, nang matapos
kami sa pagtatanim nadama ko ang pagod dulot nito. Umaga ng lunes, nang makita namin ang
aming tanim na may tumubo na ay lumigaya ang aming umaga. Mula sa salawikain sa unang
talata ay masasabi kong napatunayan nito ang pinaparating nito dahil sa pagtatanim na aming
isinagawa.

You might also like