You are on page 1of 2

KAPANGYARIHAN NG WIKA

 Wika ang prominenteng behikulo ng paghahatid ng mga mensahe , positibo man o negatibo.

 Wika ay isang armas na panggapi sa kalaban o kaya’y sandata upang lumaya .

 Wika ay hindi lamang instrumento ng komunikasyon at sagisag ng pagkakakilanlan.

 Kasangkapan sa paglaya at instrumento sa pang-aalipin o dominasyon .

 Nagdadamit sa ating kamalayan .

MGA TUNGKULIN NG WIKA


M.A.K. Halliday

Tungkulin ng wika Katangian Halimbawa Halimbawa


Pasalita Pasulat
A. Nakapagpapanatili/ Pormularyong
Interaksyonal Nakapagpapatatag Panlipunan Liham-
Ng relasyong sosyal Pangungumusta Pangkaibigan
Pagpapalitan ng biro
B. Tumutugon sa mga Pakikiusap, Liham- Panga-
Instrumental pangangailangan Paguutos Ngalakal

C. Kumokontrol at Pagbibigay ng
Regulatori Gumagabay sa direksyon, paalala o Panuto
Kilos/asal ng iba babala
D. Napagpapahayag Pormal/ Di- pormal
Personal Ng sariling damdamin o na talakayan Liham na Patnugot
opinion
E. Nakapagpapahayag
Imahinatibo Ng imahinasyon sa Pagsasalaysay, Akdang
Malikhaing paraan Paglalarawan Pampanitikan

F. Naghahanap ng mga Pagtatanong Sarbey,


Heuristiko impormasyon Pakikipanayam Pananaliksik

G. Nagbibibigay ng Pag-uulat, Pagtuturo Ulat, Pamanahong


Impormatib impormasyon papel
BARAYTI NG WIKA

 DAYALEKTO
 Wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko ( WIKAIN )
 SOSYOLEK
 Barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal
 IDYOLEK
 Kanikaniyang paraan sa paggamit ng wika .

ANTAS NG WIKA

Nahahati ang antas ng wika sa kategoriyang Pormal at Impormal

Pormal :
Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala , tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo
na ng mga nakapag-aral ng wika .

1. Pambansa
Ito ang mga salitang karaniwang gingamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat
ng mga paaralan . Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga
paaralan .

2. Pampanitikan o Panretorika .
Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan . Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalim , makulay at masining .

Impormal :
Ito ang mga salitang karaniwan , palasak , pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan .

1. Lalawiganin
Ito ang mga bokabularyong dayalektal . Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o
lalawigan lamang , maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita – kita sa ibang lugar
dahil natural na nila itong naibubulalas . Makikita rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono. o ang
tinatawag ng marami na punto .
2. Kolokyal
Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal . Maaaring
may kasangkapan nang kaunti sa mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa
kung ang nagsasalita nito .
3. Balbal
Ito ang tinatawag sa ingles na slang . sa mga pangkat –pangkat nagmumula ang mga ito
upang ang mga pangkat ay magkaroon ng salitang codes. Mababang antas ng wika ito .
4. Bulgar
Pinakamababang antas ng wika .

You might also like