You are on page 1of 28

Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION


Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 1 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Pamagat na Papel: Pamamaraan sa Pagtuturo Kaugnay Pagkatuto ng mga mag-aaral sa


Asignaturang Filipino

Pangalan ng mga Mananaliksik: Bandin, Ckellysherr C.


Bobadilla, Nessa B.
Coronado, Bo Jek L.
Dimalanta, Thalia Joy O.
Elma, Jetth Andrei T.
Potestades, Marcus Morello R.
Trinidad, Gian

Strand : Academic strand,STEM track

Contact ng mga Mananaliksik : 09097798286


09097749495
09151850611
09469251755
09067424211
09

Isang pananaliksik na iniharap


para kay : Ms. Karl Pauline Oriacel
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 2 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat an gaming ipinapaabot sa mga sumusunod na indibidwal,


tanggapan at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral sa walang humpay ma suporta ,
tulong at kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpay ang pag-aaral na ito.

Sa Manuel S. Enverga University Foundation Library para sa paglalaan nila ng mga


aklat,dyornal, thesis at iba pang mga dokumento na nakatulong upang makita ang mahahalagang
impormasyon at kaalaman na aming nagamit sa buong pananaliksik.

Sa aming kapwa mag-aaral na nasa ika-labing isang baitang para sa pagtutulungan,


pagbibigay ng inspirasyon at pag suporta upang matapos an gaming pananaliksik.

Kay Ms. Karl Pauline Oriacel, ang aming minamahal na punong guro at tagapayo
sa asignaturang Filipino, ipinaabot namin ang aming pasasalamat dahil sa inyong walang sawang
pagsuporta, pagtulong, paggabay at pag-unawa samin habang isinasagawa namin ang aming
pananaliksik at lalung-lalo na sa pagbabahagi ng inyong kaalaman ukol dito.

Sa poong maykapal sa pagbibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa


at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa aming
pananaliksik. Sa pag dinig sa aming mga panalangin lalung-lalo na sa mga panahong kami ay
pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 3 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

UNANG KABANATA

Rasyonal ng Pananaliksik

“Dekalidad na Edukasyon” ito ang sigaw ng bawat isa sa atin. Nag nanais tayo na ito ay

matugunan ng institusyon kung saan tayo nag-aaral. Ang dekalidad na edukasyon makakamtan

lamang kung malalaman ang salik na siyang makukutulong upang paunlarin ang performans ng

mga mag-aaral. Ang gawaing ito ay responsibilidad ng guro, dapat niyang malaman kung anu-

ano ito, sa ganoon ay makapagplano siya ng mga estratihiya na makapagbibigay daan sa mas

maunlad at produktib na resulta sa performans ng mga mag-aaral.

Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat programa sa pag-aaral na

inilatag ng DEPed ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang asignatura na tumatalakay sa mga

bagay-bagay na may kaugnayan sa Wikang Pambansa.

Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito, sa kadahilanang dito

nakasalalay kung tunay nga bang Pilipino ang isang indibidwal. Sa kasalukuyan ang

asignaturang ito ay isa sa may mababang grado lalo na sa resulta ng NAT examination. Masakit

mang isipin ngunit kailangang tanggapin.

Bilang tugon sa mga pangyayari at sa globalisasyon ang mga mananaliksik ay naglalayon

matulungan ang mga guro sa pagdetermina kung anu-ano ang mga epektibong estratihiya ang

magagamit upang mapaunlad ang performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 4 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay nilalayong alamin ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-

aaral sa Senior Highschool upang makapagbigay ng mabisang pamamaraan sa pagtuturo sa

asignaturang Filipino.

Ang pananaliksik na ito ay nilalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1.) Anu-ano ang mga estilo sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ng mga mag sa Senior

Highschool batay sa mga sumusunod na batayan:

1.1 Pampaningin (visual) na paraan?

1.2 Pandinig (auditory) na paraan?

1.3 Pandama (tactile) na paraan?

1.4 Paggalaw (Kinesthetic) na paraan

2.) Ano ang mabisang pamamaraan ng pagkatuto sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa

Senior Highschool?

3.) May mahalaga bang pagkakaiba sa pamamaraan ng mga guro sa pagtuturo at pamamaraan ng

pagkuto ng mga mag-aaral sa Senior Highschool?


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 5 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Mga Layunin

1.) Matukoy ang antas ng kaalaman ng mga mag aaral sa Senior Highschool sa mga estilo sa

pagkatuto sa paaralan.

2.) Maisa-isa ang kaugnayan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamaraan sa pagtuturo sa

asignaturang Filipino.

3.) Matapos malaman ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga estilo sa pagkatuto , ano

ang maaring issanguni ng mga mananaliksik sa Administrasyon at mga Guro upang

makapagbigay ng mabisang pamamaraan sa pagtuturo sa asignaturang Filipino.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makapagbigay ng impormasyon tungkol sa

impluwensya sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Senior Highschool, upang makapagbigay ng

mabisang pamamaraan sa pagtuturo sa piling mag-aaral sa sekundarya.

Para sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ideya kung anong uri ng

impluwensya sa pagkatuto ang kanilang ginagamit sa loob ng paaralan. Makakatulong ito upang

makapagpataas ng kanilang marka dahil malalaman nila ang pagtugon sa iba’t-ibang mga

Gawain na batay sa kanilang kakayahan at interes.

Para sa mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magkaroon ang mga guro ng

angkop na kaalaman sa impluwensya sa pagkatuto ng kanilang mag-aaral. Makakatulong ito

upang mas maging mabisa ang kanilang pagtuturo sa iba’t ibang asignatura. Magagamit rin ang
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 6 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

pag-aaral na ito upang maging batayan sa pagbuo ng mga aralin, Gawain at pamamaraan sa

pagtuturo na naka-batay sa estilo ng pagtuto ng mag-aaral.

Para sa Administrasyon. Makakatulong ang mga impormasyon sa impluwensya ng pagkatuto

ng mga mag-aaral upang maangkupan nila ng tamang pasilidad ang paaralan batay sa

pangangailangan ng mga mag-aaral. Makakatulong rin ito upang mas lalong mapa-unlad ang

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang impormasyon sa estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay

magbibigay ng kabatiran upang maging batayan sa pagbuo at pagpaplano sa mas lalong

mabuting pagkatuto ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura.

Para sa Mananaliksik at Magiging Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng

impormasyon ukol sa impluwensya ng pagkatuto ng mga mag-aaral na magsisilbing gabay sa

darating na panahon bilang isang guro sa kasalukuyan.

Delimitasyon at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino

kaugnay sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Senior Highschool.

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng talatanungan hinggil sa apat na estilo ng pagkatuto ng

mga mag-aaral sa Senior Highschool. Ang apat na estilo sa pagkatuto ay ang: pampaningin

(visual); pandinig (auditory); pandama (tactile); at paggalaw (kinesthetic). Ang talatanungan ay


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 7 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

gagamitin upang malaman ang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Senior Highschool na

makakatulong upang mahinuha ang mabisang pagtuturo sa asignaturang Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa lahat ng antas o baitang sa loob ng paaralan.

Ito ay may kinalaman lamangn sa mga mag-aaral sa Senior Highschool. Ngunit anuman ang

magiging kalalabasan ng nasabing pag-aaral ay hindi malayo sa mga mag-aaral sa iba’t-ibang

baitang sa loob ng paaralan.

Inaasahang Output

Gamit ang impormasyong mahihinuha ng mga mananaliksik batay sa sorbey at

pakikipanayam sa mga mag-aaral sa Senior Highschool. Hinahangad ng mga mananaliksik na

matuklasan ang iba’t-ibang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Senior Highschool upang

maging batayan sa pagbuo at pagpaplano sa higit na pagpapabuti sa pagkatuto ng mga mag aaral

sa asignaturang Filipino. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng ideya sa mga

guro ukol sa mga estilo sa pagkatuto na makakatulong upang maging mabisa ang pamamaraan

nila sa pagtuturo sa asignaturang Filipino.


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 8 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Konseptuwal na Balangkas

Senior Estilo sa pagkatuto


ng mga mag-aaral
High
School Pamamaraan sa Pampaningin (visual)
pagtuturo
Pandinig (Auditory)
Pandama (Tactile)
Paggalaw
(Kinesthetic)
Antas ng
pagkatuto ng
mga mag-
aaral

Pigura 1. Konseptuwal na balankas ng pag-aaral sa pamamaraan sa pagtuturo kaugnay sa

pagtuto ng mga mag-aaral sa Senior High School sa asignaturang Filipino

Makikita sa itaas ang kaugnayan ng paksa at subtopics na mahihinuha sa pananaliksik.

Ipinapakita nito ang mga paraan at kaugnayan ng baryabols sa pananaliksik. Ang antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral sa Senior Highschool ay magsisilbing pangunahing kadahilanan

upang mahinuha ang mabisang pamamaraan sa pagtuturo. Higit pa rito, ang mga estilo sa
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 9 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

pagkatuto ng mga mag-aaral ay magbibigay ideya sa mga guro upang malaman ang mabisang

pagtuturo sa mga mag-aaral sa Senior Highschool.

Depinisyon ng Termino

Ang mahahalagang terminolohiya ay binigyang kahulugan upang lubos na maunawaan

ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito:

Asignaturang Filipino- ay isang asignatura na itinuturo sa mataas na antas na

makakapagpalawak sa kaalamang pampanitikan at pangwika

Estilo sa Pagkatuto- ay ang paraan o metodolohiya ng pagkatuto ng bawat mag-aaral

Paggalaw o Kinesthetic learning- ay isang estilo sa pagkatuto kung saan ang mga mag-aaral ay

natututo kapag ito ay kanilang aktwal na nararanasan

Pandinig o Auditory learning- ay isang estilo sa pagkatuto kung saan ang mga mag-aaral ay

natututo kapag ito ay kanilang naririnig

Pampaningin o Visual learning- ay isang estilo sa pagkatuto kung saan ang mga mag-aaral ay

natututo kapag ito ay kanilang nakikita

Pandama o Tactile learning- ay isang estilo sa pagkatuto gamit ang kanilang pandama kungn

saan ang mga mag-aaral ay mas natututo gamit ang kanilang kamay

Pagkatuto- Isang proseso na nagpapakita ng pagkilos, pag-proseso, pagdanas ng nakuhang

kaalaman o kasanayan
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 10 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

IKALAWANG KABANATA

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa literature at pag-aaral na kaugnay ng pananaliksik

na ito. Ang mga ito ay magsisilbing batayan sa pagbibigay ng konklusyon at rekemendasyon sa

kalalabasan ng pananaliksik at magbibigay hinggil sa suliraning tinangkang sagutin sa pag-aaral.

Ang mga mananaliksik ay nagsaliksik sa mga aklat, dyornal, magasin, at mga di-limbag na pag-

aaral na tumatalakay at may kaugnayan sa pananaliksik na ito. Ang mga natipong datos at

impormasyon ay magbibigay ng kaalaman at magsisilbing batayan upang mapagtibay ang pag-

aaral na ito.

Mga Kaugnay na Literatura

Estilo sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Anonat (2009) isang sikolohiko na nag-aaral tungkol sa pagkakaiba

ng pagkatuto ng bawat indibidwal, karaniwang ang isang mag-aaral ay nangunguna dahil sa

estilo niya sa pagkatuto. Bawat isa ay may kani-kanilang paraan ng pagkatuto katulad ng iba’t-

iba nilang ugali o personalidad. May mga mag-aaral na mas madaling matuto kung sila ay

nakakarining o nakakakinig ng musika, samantalang mas natuto ang iba sa paraang tahimik,

maging ang kanyang paligid. Ang iba namang mag-aaral at natututo sa particular na pakitang-

turo ng guro,samantala ang iba ay hindi. Kaya’t nararapat na alam ng guro ang iba’t-ibang estilo

sa pagkatuto ng bata upang maisaalang-alang ito sa estratihiyang kangyang gagamitin.


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 11 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Batay naman sa pag-aaral ni Aquino (2011) ang estilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa

katangian ng mag-aaral sa pagproseso ng mga impormasyon na kailangang matutunan. Ang mga

mag-aaral ay may malaking gampanin sa proseso ng pagtuturo. Ang mag-aaral ay nagtataglay ng

iba’t-ibang katangian: pangkalahatan at tuwirang kompetensi at estilo sa pagkatuto. Ang ilan sa

mga mag-aaral ay may kanya-kanyang paraan din kung paano sila matututo at ano ang dating sa

kanila ng pagtuturo ng mga guro. May mga mag-aaral na mas natututo kapag hinahawakan nila

ang isang bagay samantalang may ilang mag-aaral na mas natututo kapag pinapakinggan nila sa

radyo ang kanilang paboritong programa o kaya naman ay pinapaanood nila sa telibisyon ang

gusto nilang programa habang isinasagawa ang Gawain sa papgtuturo ng guro. Ang mgga

ganitong pangangailangan ng mga mag-aaral ay makatutulong ng Malaki sa kognitibong estilo sa

pagkatuto na maaring makaimpluwensiya kung paano maaring tanggapin at iproseso ang mga

impormasyon sa pamamagitan ng mga talatanungan at inventories, malalaman ang iba’t ibang

estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Idinagdag ni Aquino (2009) na ang estilo sa pagkatuto ay ang paraan ng pagpili ng bawat

indibidwal ng kondisyon sa proseso ng pagkatuto na maaring makaapekto sa pagkatuto ng bawat

indibidwal kasama kung saan, kalian at paano nagaganap ang pagkatuto, at ang kagamitan kung

saan siya may higit na matutunan. Dapat ding tandaan na bawat indibidwal ay may kanya-

kanyang estilo sa pagkatuto. Walang indibidwal na maaring magkatulad sa estilo sa pagkatuto at

may mga salik na maaring makaapekto sa pagkatuto ng bawat indibidwal.


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 12 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Inilahad din sa pag-aaral na isinagawa nina Baron (1994); Bina (1999); Wagmeister at

Shifrin (2000), ang mga mag-aaral na right brain ay may isa o higit pang mga tungkulin: (1)

biswal- ang mga mag-aaral ay may kakayahang makita ang mga impormasyon habang nakikinig

sa guro; mahilig gumuhit ng mga larawann o arrows o mag doodle habang nagtatala ng

mahahalagang impormasyon; at nangangailangang matahimik na lugar para makapag-aral; (2)

pandinig- ang mga mag-aaral ay nakikinig ang impormasyon: nagbabasa ng malakas o

nagsasalita nang malakas habang nagsusulat; nangangailan ng tunog o musika habang nag-aaral;

ang paulit-ulit na pagsasabi na pagsasabi ng mga impormasyon para mas maalala ang mga ito; at

(3) pandama ang mga mag-aarala ay natututo kapag sila ay gumagalaw at may ginagawa; ayaw

na ayaw making o magbasa ng panuto; minsan ay binabagalan ang paggawa sa mga Gawain; at

nagtatala ng mga impormasyon habang tinatalakay ang aralin subalit madalang itong pag-aralan (

Ornstein at Sinatra, 2005)

Sang-ayon kay Casazza (2000) na binanggit ni Ang (2010), “learning styles involve

several factors that affect the expectations that teacher, parents, and students have about learning

in the classroom and at home. Others have investigated the relationship of learning styles to

wether we are left-brained or right-brained learners.” Ang termino sa pagkatuto ay tumutukoy sa

pagpili sa paraan kung paano makukuha, mapoproseso at matatandaan ang mga impormasyon sa

pinaka-mabisang paraan. Ang bawat tao ay may kanya-kanya at iba-ibang paraan ng pagkatuto.

Maaring maapektuhan ng personal na karanasan, mga guro kaibigan ang indibidwal na estilo sa

pagkatuto.
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 13 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Kaugnay din nito, inihayag ni Casinto (2010) na maraming kaparaanan kung paano

matututo at mapapaunlad ang pagkatuto ng bawat mag-aaral. Bawat mag-aaral ay may kanya

kanya ding angking kakayahan at kaparaanan kung paano sila matututo. Nakapaloob dito ang

iba’t-ibang uri ng estilo sa pagkatuto: una, ang pampaningin (visual) na paraan ng pagkatuto

kung saan ang mga mag-aaral ay natututo batay sa kaninag nakikita; ikalawa, ang pandinig

(auditory) na paraan ng pagkatuto kung saan ag mga mag-aaral ay mas natututo batay sa

kanilang naririnig; ikatlo, ang pandama (tactile) na paraan ng pagkatuto kung saan ang mga mag-

aaral ay mas natututo kung aktwal nila itong ginagawa.

Pamamaraan sa pagtuturo

Ayon kay Gacelo (2012) ang tungkol sa Improved Instructional Practices na

pamamaraan ng pagtuturo na nakatuon sa mga mag-aaral bilang sentro ng pag-aaral kailangang

matukoy ang pangangailangang nakatutulong sa pag-unlad ng pangkaisipan, pakikisalamuha at

pandamdamin. Ilan sa mga halimbawa ng pamamaraang ito ay ang mga sumusunod: 1.)

integrative learning, 2.) discovery approach, 3.) process approach, 4.) conceptual approach, 5.)

mastery learning, 6.) programmed instruction, tulad ng pangkatang pagtuturo, simulation

teaching at paggamit ng modyul, 7.) pagtalakay ng aralin tulad ng panel discussion, symposium,

forum, debate, at round table conference, at 8.) special techniques-learning process.

Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagtuturo ang paggamit ng mabuting pamamaraan.

Nakasalalay sa mabuting pamamaraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang

pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng guro. Subalit walang isang paraan lamang na masasabing
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 14 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

sadyang mabisa para sa lahat ng uri ng paksang aralin o isang pamamaraan kaya na angkop

gamitin sa lahat ng pagkakataon. Kaya ang guro ang nagbalak at nagpasya sa pamamaraang

kanyang gagamitin, na angkop sa kakayanan ng mag-aaral at gayundin sa uri ng paksang-aralin

at asignaturang kanyang itinuturo. Halimbawa ang pamaraang pabuod o Inductice method ay

angkop na angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng pagbuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang

paglalahat o generalization ang pamamaraang ito kung minsan ay tinatawag na ‘Limang Pormal

na Hakbang sa Pagtuturo’ o dili kaya Herbatian Method sapagkat ipinakilala ito sa larangan ng

pagtuturo ni Herbert. Sa paraang ito, ang pag-aaral ay nagsisimula sa nalalaman patungo sa

tuntunin kaya’t nasasabi ito ay erugule na pamamaraan. Ang paghahanda o preparation, 2.)

paglalahad o presentation, 3.) paghahambing at paghahalaw o comparison and abstraction, 4)

paglalahat o generalization, at 5.) paggamit o application (syndicaeduc.blogspot.com, para 2)

Samantala, sa pahayag ni Bermino (2010) sa isang babasahin ukol sa Center-Based

Language Learning Approach, ang dulog ay namumuhunan sa paniniwalang ang mag-aaral ay

may iba’t-ibang katalinuhan (multiple intelligences) na maaring may nangingibabaw at maari

ring malinang sa pamamagitan ng paghahanda ng iba’t-ibang sentro ng pagkatuto sa loob ng

klasrum. Ito ay ang mga sumusunod: Pang kalahatang Sentrong Pandiskusyon. Dito ibibigay ng

guro ang pangkalahatang direksyon sa Gawain ng bawat sentro ng pagkatuto sa Sentro ng

Pagbabasa; nagbabasa ang mga mag-aaral ng gawaing nakaatas sa kanila na inihanda ng guro sa

mga “Kard na Gawain” sa Sentrong Panlaro, inihahanda ng mga guro ang mga bagay na maaring

gamitin ng mga mag-aaral upang lalong mapagtibay ang kasanayan nila sa paksa. Karaniwang
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 15 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

makikita rito ang boggle, world puzzle, scrabble, geo safari, at iba pa na magagamit sa pagtuturo

ng kasanayan sa wika. Sa sentrong pansining, nakahanda naman ang mga kagamitan asa sining

tulad ng krayola, papel na may kulay, watercolor, at molder. Sa sentro ng teknolohiya, maaring

ang kompyuter, TV, karaoke o cassette na maaring makatulong sa mga mag-aaral sa paglinang

ng kasanayan sa wika. Ang mga mag-aaral ay pinapangkat ditto ayon sa dami ng sentro.

Binibigyan sila ng takdang oras na mamalagi sa bawat sentro ayon sa dami ng kanilang

gagamitin sa bawat isa. Pagkatapos ng kanilang iskedyul ay lilipat sila sa pang sentrong nakatala

sa kanilang kard hanggang malibot ang layo ng sentro ng pagkatuto.

Layunin naman ng pag-aaral ni Pinera (2009) na magkaroon ng angkop na pamamaraan o

estratihiya ang mga guro sa pagtuturo ng wikang Filipino. Dapat na pag-iba-ibahin ang

pamamaraan ng pagtuturo upang maging mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Higit na

mabisa at epektibo ang pamamaraang makabago upang maging dinamiko ang pagkatuto. Ang

pag-aaral ay gumagamit ng paglalarawang pamamaraan na ang pokus ay Cooperative Learning

sa mag-aaral ng Narsing. Gumamit ng talatanungan sa pagkuha ng mga datos. Ayon sa resulta ng

pag-aaral ay gumamit ang guro ng pagkatang Gawain na isang nangungunang estratihiya ng

pagkatuto babg tulung-tulong upang maging mahusay at epektibo ang talakayan.

Ayon namn kay Abad at Ruedas (2001), ang anumang bagay na ginagamit bilang

pantulong sa pagtuturo at pagkatuto ay maituturing na kagamitang pampagtuturo. Dahil sa dami

ng sinasaklaw nito, ang binibigyang pansin ditto ay ang mga kagamitan sa pagtuturo na

karaniwang inihahanda, ginagamit at kinakailangan ng isang guro.


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 16 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Mga Kagamitang Pampagtuturo

Ayon kay Acero (2007), ang pinakamagandang kagamitan pampagtuturo ay ang sariling

karanasan sa buhay. Ito mismo ang dahilan kung bakit ang mga karanasan ay hinahalinhan ng

mga kongretong kagamitan. Ilang halimabawa ng mga ito ay ang teksto, mga larawan, atbp.

Ipinapaliwanag din nila na ang mga guro ay pumipili ng mga kagamitang naayos sa particular na

Gawain. Ang mga ito ay kinakailangang ayos sa layunin upang magdulot ng kawilihan sap ag-

aaral tungo sa pagkaunawa at mabisang pagkatuto. Sa makatuwid, ang pinaka mabisang

kagamitang pampagtuturo ay yaong gumigising sa pandama ng tao. Ang pagiging malikhain ng

isang guro ay nangangahulugan ng pagtataglay ng pagiging orihinal. Bago mag simula ang

pagtuturo ng isang guro, kinakailangang mapukaw na agad niya ang intension ng mga mag-aaral

upang magkaroon sila ng interes sap ag-aaral ng isang aralin.

Sinabi naman ni Arrogante (2007), napakalaki ng nagagawa ng “mass media” sa

edukasyon o sa pagkatuto. Hindi kailangang isa-isahin pa ang mga programa sa telibisyon na

nagtuturo ng iba’t-ibang “educational television programs” sa mga local na istasyon ng bansa.

Ang napakaraming kagamitang pampagtuturo ay iyongn mga makabagong instructional media at

maraming-marami pang iba, idagdag pa ang elektronik midya.

Batay sa pananaw ni Lucido (2007), ang pagtuturong gamit ang teknolohiya ay nakukuha

ang interes o kawilihan ng mga mag-aaral at nakapag-papadagdag ng motibasyon, sa panahon

ngayon ang pagsasama ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ay malawak ang nasasakop para

sa pagtuklas ng bagong kaalaman.


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 17 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Ang isinagawang pananaliksik nina Cuadra (2011) ukol sa pag-termina ng mga paraan ng

pagkatuto ng mga piling mag-aaral ng unang taon sa kolehiyo sa pamamagitan ng sistemang

VARK ay naglayong malaman kung anu-ano ang mga paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral,

particular sa kursong BSA at BSBA-MA. Ang mga mananaliksik ay nag pamigay ng mga

talatanungan sa mga mag-aaral ukol sa sistemang Vark, isang kilalang Sistema sa internet na

ginagamit ng nakakarami upang madetermino ang kanilang paraan sa pagkatuto. Ang mga

tanong ay idinikteyt at ang iba naman ay pinasagutan sa mga mag-aaral. Ang mga resulta sa

bawat seksyon ay sinuring mabuti at ipinagkumapara upang matermina ang pinakaangkop na

paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Batay sa mga resulta, ang Visual Learning Preferences ang pinaka-angkop ba paraan ng

pagkatuto para sa mga mag-aaral sa unang taon ng kursong BSA at BSBA-MA. Ang nasabing

paraan ng pagkatuto ay higit na nagging epektibo kung isang mag-aaral ay may nakikitang mga

visual aids at iba pang edukasyunanl na mga bagay. Ayon na rin sa sistemang VARK, napag-

alaman na hindi nagkakalayo ang mga presensya ng bawat mag-aaral sa mga paraan ng

pagkatuto. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na subukang gumawa ng panibagong

pananaliksik ukol sa iba pang mga paraan ng pagkatuto at sa mga multiple intellenges (Cuadra,

2011).
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 18 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Mga kaugnay na Pag-aaral

IKATLONG KABANATA

Metodolohiya

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pamamaraang gagamitin ng mga mananaliksik sa

pagsasagawa ng pag-aaral. Naglalaman ang kabanatang ito ng: disenyong ginamit ng

pananaliksik, at paraan ng pananaliksik. Gayundin, tinalakay rin dito ang instrumentasyon ng

pananaliksik at paglalapat istatistikal

Disenyo ng pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibo-ebalwatib na paraan ng pananaliksik upang

alamin ang kadalasang nalalaman ng mga katugon sa mga pamamaraan sa pagtuturo. Gayundin

naman ang antas ng kaalaman ng mga katugon sa mga pamamaraan sa pagtuturo, gayundin ang

kaugnayan nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Tumutukoy ang deskriptibo-ebalwatib na

pananaliksik sa masusing pagtiyak sa kahalagahan ng kasalukuyang pag-aaral. Sa paraang ito ay

nabibigyang linaw ang mga datos na nakalap mula sa mga katugon o mga respondents.

Paraan ng Pagkuha ng Datos

Ang talatanungang binuo ng mga mananaliksik ay ipinabaledeyt sa gurong tagapamahala ng pag-

aaral ng mga mananaliksik upang ito ay maipaprenta na ng tama at maayos. Upang

makapagpasagot ang mga mananaliksik ng mga talatanungan sa mga napiling tagatugon,

magkakaroon muna ng isang sulat-pahintulot ang mga mananaliksik sa punung-guro ng Senior


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 19 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

High School upang maging legal at maayos ang maging transaksyon nito sa loob ng paaralan.

Pagkatapos nito, ang mga mananaliksik ay hahanap na ng mga katugon sa kanilang talatanungan

sa ayon sa nakatalagang bilang ng mga mag-aaral sa baytang labing-isa (Grade 11) at baytang

labing-dalawa (Grade 12) na mayroong nakalakip na pahintulot. Ang pagkuha ng datos ay

nakabatay sa pasulat na talatanungang ibinigay sa mga katugon ng pag-aaral.

Instrumento ng pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Likert scale na uri ng surbey dahil ito ang

pinakaangkop na uri dahil ang uri ng riserts ay Quantitative na nangangailangan ng eksaktong

datos. Gagamit ng “structured interview” sa pagkalap ng datos upang mas maging isa ang

magiging sagot ng mga respondents at mas maayos itong maanalisa upang makuha ang nais na

datos. Ang mga katanungan ay nakabase sa mga naging pagbabasa at pananaliksik ng mga

risertser sa mga kaugnay nitong literature at pag-aaral.

Higit pa dito, ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan na batay sa Learning

Style Self Assesment Instrument na ginamit sa pag aaral ni Jus (2012) upang makita o malaman

ang mga iba’t-ibang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Senior Higschool na

kinapapalooban ng apat na uri ng estilo sa pagkatuto batay sa pampaningin (visual), pandinig

(auditory). Pandama (tactile) at paggalaw (kinesthetic) na paraan. Binigyan ng sapat ng oras ang

mga tagasagot upang sagutan ang talatanungan.


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 20 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Mula sa mga nakalap na impormasyon sa pakikipanayam sa mga mag-aaral sa Senior

Highschool. Ang impormasyong natipon galing sa talatanungan ay magagamit ng mag-aaral

upang makapagbigay ng ideya kung anong uri ng estilo sa pagkatuto ang kanilang ginagamit sa

loob ng paaralan. Makakatulong ito upang makapagpataas ng kanilang marka sa kadahilanang

malalaman nila ang pagtugon sa iba’t-ibang mga Gawain na batay sa kanilang kakayahan at

interes. Ang mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik ay magagamit ng mga guro

upang maging mabisa ang kanilang pagtuturo sa asignaturang Filipino.

Samantala ang impormasyong mahihinuha sa mga respondante ay makakapagbigay ng

ideya sa administrasyon upang maangkupan nila ng tamang pasilidad ang paaralan batay sa

pangangailangan sa paaralan. Ang impormasyon ukol sa estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral

ay magbibigay ng kabatiran upang maging batayan sa pagbuo at paplano sa mas lalong mabuting

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Paglalapat Estatistikal

Sinuri ng mga mananaliksik ang mga nakalap na impormasyon batay sa pagkuha

ng WAM (Weighted Arithmetic Mean) gagamit ang pananaliksik na ito ng pormulang:

∑ 𝑓𝑤
𝑊𝐴𝑀 =
𝑛

Kung saan:

WAM= Weighted Arithmetic Mean


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 21 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Ʃfw= kabuuan ng frequency

n= kabuuang bilang ng mga tagasagot

Ang mga mananaliksik ay gumanit ng Simplified Statistics for Beginners (SSB) upang

makuha ang Weighted Arithmetic Mean bilang pagsuri sa resulta ng ginawang pagsusulit ng mga

mag-aaral na Tayabasin.

Ang magiging interpretasyon sa pananaliksik na ito ay may katumbas at berbal na

kahulugan na nakabatay sa talahanayan.

Talahanayan 1: 5-Point Likert Scale

Bilang Katumbas Berbal na Paglalarawan

5 4.21-5.00 Lubos na Sumasang-ayon

(LS)

4 3.41-4.20 Sumasang-ayon (S)

3 2.61-3.40 Bahagyang Sumasang-ayon

(BS)

2 1.81-2.60 Di-Sumasang-ayon (DS)

1 1.00-1-80 Lubos na Di-Sumasang-ayon


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 22 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

TALATANUNGAN

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang talatanungan bilang isang instrumento upang

makakuha ng datos at makapaglahad ng mga interpretasyon ayon sa mga kasagutan ng mga

katugon. Ang talatanungan na ito ay ginawa ng mga mananaliksik hinggil sa Pamamaraan sa

Pagtuturo Kaugnay sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa asignaturang

Filipino

PANGALAN (Opsyonal): _________________________

BAYTANG/STRAND: _______________________

TIRAHAN:___________________________

PANUTO: Sagutan ng may katapatan ang mga sumusunod na pahayag ayon sa kaalaman.
Lagyan ng check (√) ang iyong napiling tugon gamit ang iskala na nasa ibaba:

5- Lubos na Sumasang-ayon (LS) 4- Sumasang-ayon (S)


3-Bahagyang Sumasang-ayon (BS) 2-Di-sumasang-ayon (DS)
1- Lubosna Di-sumasang-ayon (LDS)
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 23 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Pahayag 4 fw 3 fw 2 fw 1 Fw Σfw n WA Ver rank


M bal

I. Estilo sa pagkatuto sa Asignaturang Filipino


Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 24 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

1.) Mas madali akong


natututo kapag nakikita
kong isinasagawa ang
mga bagay
2.) Mas natatandaan ko
ang mukha ng isang tao
Pahayag 4 fw 3 fw 2 fw 1 fw Σfw n WA Ver rank
kaysa ang kanilang M bal
pangalan
3.) Natutunan ko ang
tamang baybay ng salita
kapag ito ay nakasulat
sa pisara o papel
4.) Nakapag-aaral ako
sa lugar na walang
taong nakakaabala sa
akin
5.) Mas gusto ko na
nakikita ang ekspresyon
ng mukha at galaw ng
katawan ng aking guro
upang lubos ko siyang
maunawaan
6.) Mas natatandaan ko
ang mga bagay na aking
nababasa
7.) Lumilikha ako ng
mga bagay o imahe sa
aking isip upang mas
madali kong
maunawaan ang mga
salita
8.) Nauupo ako sa
unahan upang lubos
kong Makita ang
ginagawa ng aking guro
9.) Mas gustoko ang
magbasa kaysa makinig

10.) Napupuntahan ko
ang isang lugar sa
pamamagitan ng
paggamit ng mapa
Estilo sa pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral sa Senior High School batay sa
pampaningin (visual) na paraang
Estilo sa pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral sa Senior High School batay sa
pandinig (auditory) na paraang
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 25 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

1.)

2.)
Pahayag 4 fw 3 fw 2 fw 1 fw Σfw n WA Ver rank
M bal
3.)

4.)

5.)

6.)

7.)

8.)

9.)

10.)

Estilo sa pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral sa Senior High School batay sa
pandama (tactile) na paraang
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 26 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

1.)

2.)
Pahayag 4 fw 3 fw 2 fw 1 fw Σfw n WA Ver rank
M bal
3.)

4.)

5.)

6.)

7.)

8.)

9.)

10.)

Estilo sa pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral sa Senior High School batay sa
paggalaw (kinesthetic) na paraang
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 27 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

2.)

3.)

4.)

5.)

6.)

7.)

8.)

9.)

10.)
Document Code: DCAVRKMI-F-SHSRPF
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION
Lucena City Document Title: Senior High School Research Proposal
Form
An Autonomous University
Page No.: Page 28 of 28
DR. CESAR A. VILLARIBA RESEARCH AND Revision No.: 0
Effectivity Date: June 2017
KNOWLEDGE MANAGEMENT INSTITUTE
Prepared by: DCAVRKMI
QUALITY FORM Reviewed by: QMR
Approved by: President

Bibliyograpiya

Aklat

Dyornal

Tesis/Disertasyon

Internet at iba pa

You might also like