You are on page 1of 7

Intro sa Pamamahayag

Written Report

I. Paksa : Pagsulat ng Tanging Lathalain Petsa: February 21, 2019


Pangkat : Adona, Esalyn O. Pangkat at Iskedyul:
Cerilla, Sharicah Ashyll O. BSEd 4-9 / MTh
Loso, Alita D. 09:00 – 10:30 A.M
Palogan, Fe E.
Pido, Jhonel E.
Rubenecia, Arjoy T.

II. Estratehiya : ROUND TABLE DISCUSSION

A. Deskripsyon:
Ang Round Table Discussion ay isang estratehiya na ang kalikasan ay upang
malaman ang kakayahan ng mga mag-aaral batay sa ibinahaging konsepto ng
guro. Ginagamit ito upang mabigyan ng pagkakataong mismong ang mga mag-
aaral ang umintindi sa paksang pag-uusapan. Mismong ang mga mag-aaral ang
gumagawa ng paraan upang matutuhan o malaman ang konseptong itatalaga sa
kanila. Samakatwid, ang bawat indibidwal na kasapi sa klase ay magkakaroon ng
partisipasyon sa pagbuo ng panibagong ideya mula sa paksang tatalakayin. Sa
kabilang banda papasok ang presensiya ng guro sa parteng bibigyan ng
malalimang pagtatalakay ang bawat paksa. Ilalahad ng guro dito ang mungkahi o
proseso na nasasaad sa aklat na pinagbatayan.

B. Inaasahang Bunga:
Inaasahang malilinang ng mga mag-aaral ang kolaboratibong pagganap, kritikal
na pag-iisip, maayos na ugnayan at produktibong pagbuo ng mga konsepto sa
pagkatuto. Binibigyan ang bawat indibidwal o mag-aaral na kasapi sa bawat grupo
ng oportunidad na malinang ang sariling kakayahan bilang responsable, kritikal na
mapanuri at tumatayo sa sariling katuwiran na magbubunsod sa kaniyang
pagkatuto. Samakatuwid, pagkatapos ng talakayan inaasahan na ang mga mag-
aaral ay malalalaman ang kahalagahan, katangian, layunin at higit sa lahat ang
mga uri ng lathalain. Kung kaya’y inaasahan ding hindi lang matutukoy ng mga
mag-aaral ang katangian, paksa at iba’t ibang uri ng lathalain bagkus ay
makabubuo rin sila ng sariling lathalain na susuri sa kanilang natutunan.
C. Pamamaraan
1. Pangkatin ang klase sa apat
Papasimulan sa isang pagpapangkat ang klase bilang pagsunod sa
estratehiyang gagamitin. Ang guro ang siyang magpapasimula sa usapin at
magbibigay siya ng isang bowl na naglalaman ng mga numero ng pagkasunod-
sunod ng mga paksang pag-uusapan.

2. Pumili ng moderator at tagapag-ulat


Pagkatapos ng nasasaad sa itaas ay pipili ang bawat pangkat ng
moderator at tagapag-ulat. Ang moderator ang magsisilbing tagasulat at
tagapagbuo ng mga konseptong ibabato ng bawat kasapi sa grupo. Samantalang
ang tagapag-ulat naman ay siyang maglalahad ng mga impormasyon kanilang
nabuo sa konseptong ibinigay sa kanila ng guro.

3. Pumili ng paksang pag-uusapan


Dito na pipili ang mga moderator ng paksang pag-uusapan. Tatawagin ng
guro ang bawat mag-aaral upang makapili ng numero. Pagkatapos ay babalik sa
grupo upang pag-usapan ang paksang napili.

4. Sasabihin ng moderator sa pangkat ang paksang tatalakayin

5. Sisimulan ang talakayan ng bawat grupo


Sisimulan ng bawat grupo ang talakayan sa napiling paksa. Magkakaroon
ng bagyohang-utak ang bawat grupo upang mabigyan ng katwiran ang bawat
paksang pag-uusapan. Inaasahan na dito na lalabas ang kolaboratibong
pagganap, kritikal na pag-iisip, maayos na ugnayan at produktibong pagbuo ng
mga konsepto upang matamo ang pagkatuto. Dito na masusubok ang talas at
sariling pagpapakahulugan ng mga mag-aaral sa paksang kanilang napili.
Bibigyan lamang sila ng 4 na minuto upang pag-usapan ang bawat paksa.

6. Ang tagapag-ulat ng grupo ang siyang maglalahad ng impormasyon


Ilalahad ng tagapag-ulat ang kanilang mga impormasyong nahinuha sa
paksang napili. Kasabay nito magiging salitan ang gawaing ito sapagkat kung
tapos ng magsalita ang unang grupo ay dudugtungan naman ng guro ang mga
impormasyong mayroon ang mga mag-aaral. Kung baga ang daloy ng talakayan
ay “grupo-guro-grupo-guro”. Upang mas lubos na maunawaan ng mga mag-aaral
ang paksang pag-uusapan. Mula simula hanggang sa katapusan ito ang
magiging daloy ng talakayan.
III. Ebalwasyon:
Panuto: Mula sa ibinigay na mga newspaper ay maghanap ng isang lathalain.
Pagkatapos tukuyin ang katangiang taglay, uri at paksa nito. Ilagay ito sa isang bond
paper (long) at kalakip nito ang mga hinihinging impormasyon. Para sa pagmamarka
tingnan ang pamantayan sa ibaba:

Pamantayan Puntos
Natukoy na Lathalain 5
Uri ng Lathalain 5
Pagkakatukoy ng Paksa 5
Pagkakatukoy ng Katangian 5
Kabuuan 20 puntos

Panuto: Pagkatapos ay bumuo ng pangkatang lathalain at ilagay ito sa isang bond paper
(long), Arial 12, 1.5 spacing, at 1 margins. Kinakailangang napapanahon ang lathalaing
bubuoin. Para sa pamantayan ng pagmamarka tingnan ang nasa ibaba:

Pamantayan Puntos
Uring ginamit sa pagbuo 5
Kapanahonan ng Lathalain 5
Kaangkopan ng Gramatika 5
Presentasyon ng Lathalain 5
Kabuuan 20 puntos

You might also like