You are on page 1of 2

Department of Education

Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
DOÑA BASILIA S. QUILON MEMORIAL HIGH SCHOOL
Bagong Sirang Pili Cam Sur

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 7
Pangalan:_____________________________________ Baitang at Pangkat:_____________

TEST I. PANUTO:Tukuyin kung ano ang isinasaad sa bawat bilang.Piliin ang sagot sa
loob ng kahon sa ibaba at isulat sa patlang.

___________________1. Ito ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang
isang kaisipan o damdamin.
___________________2. Ito ay tiyakan o tuwirang paghahambing, hindi na gumagamit ng
salitang tulad ng at iba pa.
___________________3. Ang tayutay na ito ay paghahambing sa dalawang bagay na magkaiba
ang uri at ginagamitan ng mga salitang parang, ga-, tila, at iba pa.
___________________4. Isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa
ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na
nabuo.
___________________5. Ang tawag sa mga salitang naglalarawan o tumuturing sa tao, bagay,
pook, hayop at pangyayari.
___________________6. Ay mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay.
___________________7. Ang pagtatrato sa isang tao ng masama dahil sa kanilang lahi,
kapansanan, kasarian o iba pang pampersonal na mga katangian.
___________________8. Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig.
___________________9. Sa paglalarawan ay ginagamitan ng simpleng salita na lantad ang
kahulugan.
___________________10. Klase ng paglalarawan na ginagamitan ng matalinhagang salita.

TEST II.
A. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang isinasad sa bawat bilang.Isulat ang titik
sa patlang.
S - Simili o Pagtutulad
M -Metapora o Pagwawangis

_____ 1. Ang aking ina ay ilaw ng aming tahanan.


_____ 2. Ang kutis ni Diana ay porselana sa pagkakinis
_____ 3. Ang agila ay tila eroplanong lumilipad.
_____ 4. Tulad ng ibong nakawala sa hawla, ang mga bata ay masayang nagtatakbo sa
palaruan matapos ang kanilang klase
______5. Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.

B. Sabihin kung ang paglalarawan na ginamit ay PAYAK o MASINING.


____________6. Ang bulaklak ay nakangiting humarap sa araw.
______________7. Makulimlim ang langit.
______________8. Kumakaway sa akin ang mga sanga ng kahoy.
______________9. Ang kanyang mga daliri ay hugis-kandila.
______________10. Maliwanag ang sikat ng araw.

TEST III. Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M
naman kung mali. Ang hindi pagsunod sa panutong ito ay nangangahulugan ng kamalian
sa sagot.

1. Ayon kay Bob Ong, ang mga clowns ay matatalino subalit idinadaan lang sa patawa
ang pagpapapansin.
2. Ang type B hollow man ay madalas absent sa klase.
3. Ang mga kasapi sa Da Gwapings ay dalawa hanggang apat.
4. Sabay-sabay pumapasok ang mga Spice Girls.
5. Naniniwala ang mga Guiness sa kasabihang “try and try until you succeed.”
6. Kahit lumipas na ang panahon, ang mga Commoners ay hindi makalilimutan ng
kanilang mga guro.
7. Marami ang kaibigan, mababa ang grades at teacher’s enemy ang mga weirdos.
8. Kalahating matalino, kalahating may sira sa ulo ang mga Bob Ongs.
9. Mga walang pakialam sa mundo ang mga weirdos.
10. Ang mga kasama sa celebrity ay may matinding tiwala sa sariili.

TEST IV. Salungguhitan ang pang-uri o pang-abay na ginamit sa pangungusap.

1. Magbibigay ang pamahalaan ng libreng pabahay sa mahihirap.


2. Ang mapagkawanggawa ay lubos na pinagpapala ng Maykapal.
3. Ang matatayog na saranggola ay kawili-wiling pagmasdan.
4. Pinarangalan ng pamahalaan ang magigiting na mga sundalo.
5. Ipinakabit ng guro ang mga banderitas sa matatangkad.
6. Kinamayan niya ako ng mahigpit.
7. Tunay, na maganda siya.
8. Tuwing mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
9. Talagang mabagal umunlad ang taong tamad.
10. Dahan-dahan siyang pumanhik ng hagdan.

TEST V.Pag-sulat ng talata.(10 puntos)

Sumulat ng isa hanggang dalawang talata tungkol sa mga pagbabagong naganap sa iyo
simula noong ikaw ay bata pa.Sa pagsulat ay dapat isaalang alang ang mga tuntunin sa
pagsulat ng talata.

Inihanda Ni:

RAQUEL B. VIÑAS
Guro sa Filipino

You might also like