You are on page 1of 2

Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay
na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit.

Salawikain: Kung may isinuksok, may dudukutin.


Kahulugan: Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha
sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Salawikain: Ang Hindi lumingon sa pinanggalingan Hindi makakarating sa paroroonan.


Kahulugan: ibig sabihin nito ay dapat tayong tumanaw ng utang na loob sa mga bagay o taong
naging maganda ang dulot sa ating buhay.

Salawikain: Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.


Kahulugan: Para kanino pa ang tulong na ibibigay mo kung huli na ang lahat.

Salawikain: Nakikita ang butas ng karayom, hindi ang butas ng palakol.


Kahulugan: Nakikita ang kasalanan ng iba hindi ang sariling kasalanan.

Salawikain: Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.


Kahulugan: mag-ingat sa pagpapasya.

Salawikain: Kapag may isinuksok may madudukot.


Kahulugan: Kung marunong magtipid, may madudukot sa oras ng kagipitan.

Salawikain: Huli man daw at magaling, naihahabol din


Kahulugan: Ok lang na huli kung mabuti naman ang nagawa o ginawa.

Salawikain: ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwag


Kahulugan: Nagiging makabuluhan at matiwasay ang pamumuhay ng isang tao kung siya ay
nagiging matapat sa kanyang mga layunin at gawain na may kinalaman sa
pakikitungo sa iba o sa pakikipagkapwa-tao nito.

Salawikain: Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.


Kahulugan: Mapapasagot ang babaeng nililigawan magtyaga lamang o kung ikaw ay matyaga.

You might also like