You are on page 1of 24

Aralin 2

LIPUNANG PAMPOLITIKA,
PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY
AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.
Panimula:
• Isa sa pinakamasayang
bahagi ng buhay high-
school ang paghahanap ng
mga matatalik at tunay na
kaibigan.
• nagsasama-sama ang mga
magkakatulad ang mga
INTERES, HILIG, o
PANGARAP.
Panimula:
• Ang pamayanan ay parang isang BARKADAHAN.
Sama-sama silang bumubuo ng mga sistema kung
paano haharapin ang mga hamon sa buhay. May
mga kwento silang pinagdadaanan at nabubuo
ang kanilang kultura.
Ano ang kultura?
• Kultura ang tawag sa mga
nabuong gawi ng pamayanan.
• Ito ang mga tradisyon,
nakasanayan, mga
pamamaraan ng pagpapasya,
at mga hangarin na kanilang
pinagbahaginan sa paglipas
ng panahon.
• Gabay ang mga tradisyong ito
sa mga hamon sa
kinabukasan.
Lipunang Pampolitikal
• Habang lumalaki ang mga grupo, nagiging mas
mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin ang
dating nakukuha lamang sa bigayan at
pasensiyahan.
• Sa dami ng interes at nagkakaiba-ibang pananaw,
mas masalimuot na ang sitwasyon. Hindi na lamang
iisang kultura ang mayroon, maraming kultura ang
umiiral na pare-parehong nagnanasa ng
pagyabong.
Lipunang Pampolitikal
• Pampolitika ang tawag sa paraan ng
pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na
ang mga bawat isa ay malayang magkaroon
ng maayos na pamumuhay, makamit ang
pansariling mithiin sabay ang kabutihang
panlahat.
• Pinangungunahan ito ng pamahalaan.
Tungkulin ng pamahalaan sa lipunan
1. Gumawa ng mga batas na naglalaman sa mga
pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayan.
2. Magtatatag ng mga estruktura na maninigurong
nakakamit ng mga tao ang kanilang batayang
pangangailangan.
3. Mag-iipon, mag-iingat, at magbabahagi ng yaman sa
pamamagitan ng pagbubuwis at pagbibigay-serbisyo.
4. Magpapatupad ng batas upang matiyak ang soberanya
at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng
bansa na kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan.
Isang kaloob ng tiwala
• Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng
tiwala. Nagiging pinuno ang isang tao dahil sa tiwala
ng mga nasasakupan.
• Ang mga pinuno ay may matatayog na pangarap na
maaaring maabot sa pakikipagtulungan sa iba. May
talas sila ng paningin upang makita ang potensiyal
ng grupo o pamayanan. Mulat sila sa mga
katutubong yaman ng grupo at ang mga potensyal
sa pag-unlad nila nang sama-sama.
Ang lipunan ay hindi pinapatakbo
ng iilan. Kailangan pa ring
makilahok ng taumbayan, gawin
ang kayang gawin ng bawat isa, at
ibahagi ang bunga ng paggawa sa
bayan.
Ang proyekto ng pinuno ay
hindi proyektong para sa
kanyang sarili. Ito ay proyekto
para sa kanya at para sa
kaniyang pinamumunuan.
PRINSIPYO NG
PAKIKIPAGTULUNGAN
(SUBSIDIARITY)
• Tumutulong sa pamahalaan ang
mga mamayan na magawa nila ang
makakapag paunlad sa kanila na
walang makakahadlang sa kalayaan
ng mga mamayan mula sa pinuno
sa pamamagitan ng pag –aambag
sa estado ng kanilang buwis, lakas
PRINSIPYO NG PAGKAKAISA
(SOLIDARITY)
• Tungkulin ng mga mamayan ang
magtulungan at ng pamahalaan ang
magtayo ng mga estruktura upang
makapagtulungan ang mga
mamayan.
Ang LIPUNANG PAMPOLITIKA ay isang ugnayang
nakaangkla sa pananagutan ng pinuno na
pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay
hindi gawa ng pinuno, gawa ito ng pag-ambag ng
talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang
Ang pag-unlad ng
lipunan ay hindi
gawa ng pinuno.
Gawa ito ng talino
at lakas ng mga
kasapi sa
kabuuang
pagsisikap ng
Ang namumuno ay hindi espesyal
na nilalang na hiwalay sa
kasaysayan ng tao at bayan.
Nangunguna lamang sila sa grupo,
hindi nasa itaas ng iba. Utang na
loob nila sa taumbayan na
ipinaubaya sa kanila ang
pangunguna sa bayan.
Kapwa “boss”
ang pangulo at
ang
mamamayan.
Tulad ng isang
barkada, walang
sinuman ang
nangunguna.
“Boss” ng bayan ang pangulo –
magtiwala ang bayan sa
pangunguna ng pinuno dahil
may makikitang higit at dakila
ang pinuno para sa kasaysayan
at kabutihang panlahat.
“Boss” naman ng pinuno ang
taumbayan – walang gagawin
ang pinuno kundi ingatan,
payabungin, at paunlarin ang
mga karapatan at kalayaan
ng mga tao sa bayan.
Ang tunay na “Boss” ay ang
KABUTIHANG PANLAHAT –
ang pag-iingat sa ugnayang
pamayanan at ang
pagpapalawig ng mga tagumpay
ng lipunan.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalaga ang prinsipyo ng


pakikipagtulungan at pakikipagbukluran
sa loob ng lipunan?
• Bakit mahalagang makita ang
pagpapatakbo sa lipunan bilang kapwa-
pananagutan ng pinuno at mamamayan
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa Mag-
aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• EsP 9 M2 Lipunang Pampolitika by Ian Mayaan Retrived
02 May 2017 from
https://www.slideshare.net/justinemayaanpatricio/module-
2lipunangpampolitikaprinsipyongsubsidiarityatprinsipyongsolidarity
• MODYUL 2: Lipunang pampolitika, prinsiplyo ng
subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa by Mary Krystine
P. Olido Retrived 02 May 2017 from
https://www.slideshare.net/RalphIsidro/modyul2-
lipunangpampolitikaprinsipyongsubsidiarityatprinsipyongpagkak
aisa2-1
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
1. Ang tawag sa mga nabuong gawi ng
pamayanan.
2. Tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan
upang masiguro na ang mga bawat isa ay
malayang magkaroon ng maayos na
pamumuhay.
3. Tumutulong sa pamahalaan ang mga
mamayan na magawa nila ang makakapag
paunlad sa kanila na walang makakahadlang
sa kalayaan ng mga mamayan.
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
4. Tungkulin ng mga mamayan ang
magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo
ng mga estruktura upang makapagtulungan
ang mga mamayan.
5. Ang tunay na “Boss” ay ang ___________.
SAGOT:

1. Kultura
2. Pampolitika
3. PRINSIPYO NG PAKIKIPAGTULUNGAN
(SUBSIDIARITY)
4. PRINSIPYO NG PAGKAKAISA
(SOLIDARITY)
5. Kabutihang Panlahat

You might also like