You are on page 1of 5

“Epekto ng Pagkakaroon ng Magulang na Nagtatrabaho sa Ibang Bansa sa Pag-aaral ng mga

Piling Mag-aaral ng San Guillermo Academy”

Ipinasa Nina:

Mendoza, Kristine Jane Melanie C.

Dalisay, Gean Jeryl B.

Leguis, Jose Miguel B.

Ipinasa Kay:

Bb. Agnes M. Jumarang

Ipinasa Noong:

Setyembre 2016
A. Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pamilya ay ang pinakamahalagang kayamanang mayroon ang isang tao. Dito unang

nagsisimula at nahuhubog ang kanyang pagkatao at mga pananaw sa buhay. Ang bawat

miyembro nito ang walang sawang nagbibigay sa isa’t isa ng suporta, gabay at kung ano man ang

kanilang mga pangangailangan na kailangang matugunan. Hindi maitatangging napakahalaga

nito lalo na sa mga lumalaking bata.

Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak kung saan may kanya-kanya silang

ginagampanang karakter upang masabi at matatag ang pamilyang kinabibilangan nila. Ang ama

ay ang tumatayong haligi ng tahanan na nagtatrabaho upang mapunan ang pantustos sa mga

pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang ina ay ang nagsisilbing ilaw ng tahanan na

nangangalaga sa buong kabahayan at sa buong pamilya. Ang mga anak naman ang nagbibigay

aliw sa mga magulang at nagbibigay ng lakas at dahilan upan magtrabaho at magpursigi sa buhay.

Ngunit sa paglipas ng panahon, marami ang naging pagbabago; maging na ang mga

nakasanayan at laang gawain ng mga magulang ay nagbago na. Ito ay dulot ng hindi sapat na

trabahong kayang ibigay ng bansa sa mga mamamayan o di kaya’y kakulangan ng sweldong

ibinibigay sa mga manggagawa ng kanilang mga pinagsisilbihan na nakakaapekto ng higit sa

panangailangang pinansiyal ng pamilya. Dulot nito, napipilitang magdesisyon ang mga magulang

na makipagsapalaran sa ibang bansa upang matustusan at matugunan ang pangangailangan ng

buong pamilya; mapa-babae man o mapa-lalake. Dala-dala ang pag-asa at lakas ng loob na sa

pangingibang bansa nila’y magkakaroon sila ng higit na oportunidad at mas malaking kita para sa
pamilyang iniwan nila sa bansang sinilangan, hindi na sila nagdalawang isip pa na doon

magtrabaho.

At dahil nga para sa kinabukasan ng kanilang mga anak ang pinaka-mabigat na rason kung

bakit nila piniling lisanin ang bansa, sila rin ang higit na nakatatanggap ng napakalalaking mga

epekto ng kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa, na pawang mga positibo at negatibo. Ang mga

positibo at negatibong epekto na ito ay nakikita sa paraan ng pamumuhay ng isang bata, kung

paano siya naging bilang isang anak at isang mag-aaral. Ilan sa mga positibong dulot ng

pangingibang bansa ng mga magulang ay ang pagkakaroon ng kakayahang mapapasok ang anak

sa isang maganda at pribadong paaralan na may magandang kalidad ng edukasyon, nahahayaang

makasali ang anak sa mga aktibidades ng paaralan na kung saan ay hindi maitatangging

kakailanganin ng pinansiyal na usapin, at higit sa lahat natutugunan ang lahat ng mga

pangangailangan ng anak sa paaralan nang hindi naghihirap sapagkat kanila itong mabilis na

natutugunan. Ngunit bagaman napakagaganda at talagang positibo ang mga epektong ito, may

mga negatibo pa ring epekto ito gaya na lamang ng pagiging malayo ng loob ng anak sa kanyang

magulang, ang pagkakaroon ng walang kakayahang masubaybayan ng magulang ang kanyang

anak habang ito’y nag-aaral, at ang pagkakaroon ng posibilidad na hanapin ng presenya ng

kanyang anak sa mga panahong kailangan niyang magpatulong dito sa kanyang mga gawain sa

paaran. Hindi maitatatuwang ang mga epektong ito ay umiiral at patuloy pa ring umiiral sa mga

kabataang mag-aaral na mayroong mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa para lamang

sa kanilang kinabukasan.
Mag-aaral- mga batang estudyante na nag-aaral ay mayroong magulang na nagtatrabaho sa

ibang bansa para sa kanilang mga pangangailangan higit sa lahat para sa kanilang pag-aaral.

-taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-

aaral at makadiskubre ng mga bagay.

San Guillermo Academy- paaralan kung saan isasagawa ang pananaliksik at kung saan ang mga

respondente nanggaling.
“Sanhi ng Pagbaba ng Marka ng mga Mag-aaral ng San Guillermo Academy”

Ipinasa Nina:

Mirana, Nica Lorein

Cacao, Krstine Joy C.

Meer, Romer Andie R.

Ipinasa Kay:

Bb. Agnes M. Jumarang

Ipinasa Noong:

Setyembre 2016

You might also like