You are on page 1of 3

HAKBANG SA PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN

YUGTO SA PAGBUO NG AKADEMIKONG SULATIN


 Bago Sumulat
 Pagbuo ng Unang Draft
 Pag-e-edit at Pagrerebisa
 Huli o Pinal na Draft
 Paglalathala/Pagpapalimbag

PAGPAPLANO - pagtatakda ng paksa, paraan ng pangangalap ng datos, pagsusuri, at


panahon kung kailan sisimulan at matatapos ang akademikong sulatin.
PAG-AAYOS - paghahanda ng sarili upang maayos na maisulat ang akademikong sulatin.
Makatutulong ang pagbabalangkas ng paksa sa bahaging ito.
DRAFTING - panimulang pagsulat o pagmamapa ng mga ideya.
PAGREREBISA - mula sa ginawang sariling pagtataya ang mga kamaliaan ay babaguhin at
aayusin upang paunlarin ang akademikong sulatin.
PINAL NA PAGBASA AT PAGSULAT - mula sa ginawang proof reading maisasapinal ang
akademikong sulatin taglay ang tamang wika at nilalaman.

BAHAGI NG AKADEMIKONG SULATIN


1. Paksa o Tesis Bilang Panimula. Ito ay tanging mahalagang bahagi ng sulatin dahil
nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang sulatin.
2. Nilalaman Bilang Katawan. Marapat na huwag kalimutan ang estruktura at kaayusan ng
akademikong sulatin. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng akademikong sulatin.
3. Lagom at Konklusyon Bilang Wakas. Marapat itong mag-iwan ng mahahalagang puntos na
dapat matandaan o maikintal sa puso at isip ng mambabasa.

SAYSAY NG PAGSASALAYSAY AT PAGLALARAWAN BILANG HULWARAN SA


AKADEMIKONG LARANGAN

PAGSASALAYSAY
 Ay diskurso na naglalahad ng mga pangyayari na madalas ay tapos na.
 Kapaki-pakinabang na gamit para sa pagsusunod-sunod o pagsasa-ayos ng mga detalye
at impormasyon sa lohikal na kaayusan, madalas kronolohikal.
Katangian ng Pagsasalaysay:
1. May maayos na pagkakasunod-sunod
2. Isinasagawa nang malinaw at may tiyak na kaayusan
3. Nagbibigay pansin lamang sa mahahalagang pangyayari.
4. Gumagamit ng punto de vista
5. Naghahatid ng mahalagang mensahe
6. Nangangailangan ng mahusay na paggamit ng wika

Kahalagahan ng Pagsasalaysay:
1. Naibabahagi, naihahatid, at napapahalagahan ang impormasyon
2. Nakagagamit ng mabisa, masinig, at angkop na wika

PAGLALARAWAN
 Ay diskurso na nagbibigay hugis, anyo, kulay, katangian sa mga tao, bagay, lugar o
pangyayari.

Katangian ng Paglalarawan:
1. Nakatuon sa pangunahing katangian
2. Gumagamit ng salitang makahulugan at matalinghaga
3. Nagsasangkot sa iba’t ibang pandama.
Kahalagahan ng Paglalarawan:
1. Naipapakita ang kagandahan ng daigdig
2. Nagagawang konkreto ang abstrakto

PAGLALAHAD AT PANGANGATWIRAN BILANG SANDIGAN NG


AKADEMIKONG KALAKASAN

PAGLALAHAD
 Uri ng diskurso na nagpapaliwanag o naglalarawan ng isang paksa.
 Mahusay ang pagkahanay ng mga impormasyon
 Maaaring nagbibigay ng depinisyon at tumutukoy sa sanhi at bunga, sa paraan ng
pagsasagawa, problema, at solusyon.
PANGANGATUWIRAN
 Layunin nitong mapatunayan ang validity ng ideya.
 Ito ay nagtataglay ng ng matibay na argumento at pagtatalakay na lubusang humihikayat
sa mambabasa.
 Karaniwang binibigkas sa pamamagitan ng talumpati

You might also like