You are on page 1of 2

Katangian ng Isang Kritiko

Ayon sa isang kritiko ang pamumuna ay isang paraan ng pagpapaliwanag sa panitikan.


Hinahatulan ng namumuna o nanunuri ang isang likhang-sining ayon sa kahalagahang dulot
nitong mga karanasang intelektwal at sa bisa nito sa damdami’t kaasalan.

Hindi pangkaraniwang gawain ang magsuri ng isang akda. May ilang mga katangiang dapat
taglayin ang isang manunuri upang maging ganap na kapani-paniwala ang ginawa niyang
pamumuna.

Ang pagsusuring pampanitikan, gaya ng nabanggit na, ay isang gawain ng pagtaya at


pagtatagubilin. Dahil dito, magagawa ng isang manunuring timbangan ang isang akda at bumuo
ng isang konklusyon tungkol dito sa paraang mabisa, mapagpahiwatig at marikit. Gayunman,
bago ito maisagawa ng kritiko, kinakailangang magtaglay siya ng mga batayang katangian at
higit pa.

Una, ang kritiko ay kinakailangang may sapat at katangi-tanging kaalaman sa paksa, sa


pagkakabuo ng akda at sa pamamaraang ginagamit ng manunulat. Nararapat siyang magkaroon
ng malawak at mapanlikhang pananaw. Nababatid niya ang buhay ay kaisipan ng may-akda at ng
kalagayan ng kabuhayang pampanitikan ng akdang kanyang sinusuri.

Upang maisagawa ang lalong matapat ang pagbibigay-halaga sa akdang sinusuri,


kinakailangang may kaalaman din ang kritiko ukol sa pinakamahusay na akda sa iba pang bansa
sa daigdig. Nangangahulugan ito na kailangang mabatid din niya ang kanyang tungkulin sa
panitikan at sa likhang-sining upang hindi siya marahuyo sa pansariling interes at upang maging
malaya siya sa pagiging dogmatiko o mapagmataas at mapaniyak sa paraan ng pagbibigay-
halaga.

Kaugnay ng pagiging matapat na isinalig ng mataas na hangaring makabuo sa halip na


makawasak ng katha ay nararapat ding maging mapagkumbaba. Gayunman, sa
pagpapakumbabang ito, mahalaga na maging matatag din siya sa pagigiit ng mga batayang
paniniwala, at mabuting panlasa sa paglalahad ng pagsusuri kung natitiyak niyang may ibang
nagmamalabis sa papuri o ibang hindi tinatasahan ang mabuting pagbibigay-halaga sa mga
akdang inaakala niyang walang uri. Sabihin pa, ang mabuting kritiko ay hindi napatatangay sa
pansariling damdamin o pag-iisip ng iba. May sariling siyang paninindigan at likas sa
kanyanang integridad o kawalan ng pagkukunwari.

Sa wakas, ang gawain ng pagsusuri ay humihiling din na ang kritiko ay maging perseptibo o
mapagpuna upang ganap niyang madama ang kabuuan ng akdang pinag-aaralan.
Nangangahulugan ito na may ganap na pagka-sensitibo ang mga pandama at kaisipan ng kritiko
para mahalata maging ang mumunting kamaliang nakakubli sa madarayang anyo ng kagalinagn
at para madama ang kadakilaang nakatago kahit sa padaskul-daskol na kayarian ng akda.
Samakatwid, kinakailangang pakalimiing mabuti ng kritiko ang bawat akdang sinusuri; ganap
itong makilatis bago siya makapagbitiw ng pahayag ukol sa akda. At ang kanyang mga pahayag,
bilang pagbibigay-diin, ay kailangang maging matatag, malinaw, angkop, tumpak, tiyak at
mapananaligan.

Kahalagahan ng Pagsusuri

Sa pamamagitan ng pagsusuri nakatitiyak ang madlang mambabasa o manunuod ng


makatarungang paghatol; naliliwanagan din ng manunuri ang layunin ng awtor sa pagkatha ng
akdang binibigyang-puna; nakikita rin niya kung mahusay o hindi pagtutugmaan ng layunin,
paksa at estilo ng awtor; naipaliliwang din ang kahulugan ng mga salita,matalinghagang mga
pahayag, ang mga ginamit na pahiwatig, ang mga damdamin at layuning napapaloob sa akda.

You might also like