You are on page 1of 13

ISANG PAG-AARAL SA MGA KAKAYAHAN NG MAY KAPANSANAN: ANG KANILANG

HALAGA SA LIPUNAN

PANIMULA

Sa mapang husgang mundo na ating ginagalawan, maraming tao ang na aapektuhan. Sa bawat
taong may kapansanan na nakakasalubong natin sa daan, maraming tanong ang tumatakbo sa ating isipan.
Nakalulungkot mang isipin, marami sa atin ang walang tiwala sa kakayahan ng may kapansanan. Likas na
rin para sa ating mga Pilipino ang mangutya,manghusga, at pagtawanan ang mga taong may kapansanan
tulad ng bulag,pipi,bingi,pilay at kung ano-ano pang depekto ang meron sila. Minsan ba ay sumagi sa ating
isipan kung ano ang nararamdaman nila sa tuwing sila ay pinagtatawanan,kinukutya at hinuhusgahan?
Marahil karamihan sa atin ay oo, sapagkat meron tayong mga kakilala na malapit sa atin tulad ng ating mga
kamag-anak,kaibigan,kamag-aral at iba pang may kapansanan. Subalit karamihan din sa atin ay walang
pakialam ,sapagkat wala sila sa sitwasyon ng mga taong may kapansanan. At maaaring hindi nila kilala ang
mga taong taong biktima ng mapanghusgang mundo na ating ginagalawan.

Para sa mga taong normal, likas na rin sakanila ang mahusgahan ang kanilang kakayahan at ang
kanilang mga talento. Paano naman kaya ang mga taong may kapansanan? Maaring doble doble o mas higit
pa ang panghuhusga na ibinabato sakanila ng mga taong hindi naniniwala sa kakayahan na mayroon sila.
Ngunit marami na ring tao sa ating mundo ang may kapansanan na nakilala o naging popular ng dahil sa
kanilang mga talento. Kabilang na dito ang Dakilang paralitiko na sa Apolinario Mabini, Ang pipi’t bingi na
manunulat na si Hellen Keller, ang walang kamay na piloto na si Jessica Cox, Ang lumpong Gobernadora na
si Grace Padacca, ang sikat na bulag na mang aawit na si Stevie Wonder ay ilan lamang sa mga kahanga-
hangang indibidwal sa buong mundo na nagging mataugumpay sa kabila ng kanilang mga pisikal na
kapansanan kabilang na dito ang mga ordinaryong bingi, pipi, bulag at ibang kapansanan na naghahanap
buhay sa mga kalye o mga establisimiento. Ilan lamang sila sa nga nag papatunay na lahat ng tao sa mundo
ay may kontribusyon sa iba’t-ibang larangan hinggil sa musika,litertura government service at pagiging
bayani. Hindi rin nagging hadlang ang kanilang kapansanan upang marating nila ang tugatog ng kanilang
mga pangarap. At katulad din nila, libo-libo ring mga may kapansan sa kasalukuyan ang nakikipag sapalaran
upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya. At nararapat din nating ikintal sa ating mga isipan na sila ay
normal na tao kahit pa na sila’y may kapansanan. At magagawa rin nila ang kayang gawin ng isang normal
na tao sa anumang oras.

kasabay ng pagkakaroon ng modernisadong mundo, lumalaki rin ang posibilidad na maging normal
silang tao. Sa tulong ng siyensa at ng teknolohiya maaring dumaan sila sa isang operasyon. Halimbawa
nalang nito ay mga bulag na mayroong compatible donor. Isasailalim sila sa isang operasyon na kung saan
ay posibleng mag karoon muli ng liwanag ang kanilang madilim na mundo. Para sa mga bingi, meron ng
naimbento ang mga siyentipiko. Ito ay tinatawag na hearing aid ito ay isang uri ng gadyet na kapag inilagay
sa tenga ay maaring makarinig ang mga bingi. At para naman sa mga taong putol ang paa na dulot ng
aksidente o inbor meron na tayo sa panahon na ngayon na tinatawag na artipisyal na paa na maaring ipalit
sa pang nawala dulot ng aksidente o inborn.

Mula sa tulang ginawa ni Coralie Severs, ipinapahayag niya rito ang mga saloobin at gustong gawin ng
mga taong may kapansanan.

Wala akong paa,

Pero mayroon pa naman akong pakiramdam,

Hindi ako nakakakita

Subalit naka pag-iisip ako sa lahat ng oras,

Bagamat ako’y pipi,

Gusto ko pa ring makipag-usap,

Bakit ang ibang tao’y tinitignan ako na walang kabuluhan,walang pang-unawa,walang boses,

Gayong ang kakayahan ko’y gaya rin ng kakayahan ng iba,

Lalo na sa kamalayan ng ating mundo.

Ang tulang ito ay tinig ng milyon-milyong kabataan at katandaan na namumuhay sa iba’t-ibang panig
ng mundo na may kapansanan. Tungkol sa iba’t-ibang mukha ng diskriminasyon sa kanilang pang araw-
araw na pamumuhay. Para sa kanila, ang kakayahan ng mga tulad nila ay hindi pinapansin at minamaliit sa
ating lipunan.
Para sa kabatiran ng lahat, ang mga may kapansanang kabataan at katandaan sa mundo ay
mayroong karapatan gaya ng tinatamasa ng sino man.
KALIGIRAN NG PAG AARAL
Ang isang taong may kapansanan (Ingles: disability, handicap) ay isang mamamayan na may
pisikal na kapinsalaan o kasiraan sa anumang bahagi ng kaniyang katawan. Ito ang nagiging sanhi ng
pagiging kaiba niya sa ibang mga tao. May mga likas na kapansanan at mga kapansanang dahil din sa mga
karanasang katulad ng mga sakuna. Halimbawa na nito ang mga pagkabulag o pagkawala ng
isangpaa o kamay.
Ayon sa isang website, Malupit ang mga isinaunang mga primitibong tao sa sinumang may
]kapansanan sapagkat hindi sila ganap na nakakatulong sa angkan o tribo katulad ng sa paghahanap o
paghuli ng mga makakain. Dati ring pinaniniwalaan, kung kakaiba ang isang tao dahil sa kaniyang
kapansanan, na mayroon siyang kaugnayan sa mga diyablo o masasamang mga espiritu. Itinatakwil at
pinalalayas sila sa kanilang mga tahanan, bayan o tribo, maging mga bata pa lamang.

May mga kapansanan na lumitaw na sa panahon pa lamang ng pagsilang o bago pa isilang


(tinatawag na konhenital, o mga sanhi ng henetiko). May mga sanggol na iniluwal na walang mga kamay o
paa, may pinsala sa utak, mga kasungian na nagiging sanhi ng kahirapan sa pagsasalita kapag malaki na
ang bata, at may mga bata rin na may kapansanan sa mga glandula na tumutulong sa paglaki at pagtaas.
Ilan sa mga halimbawa ng mga kapansanang likas o konhenital ang cerebral palsy, may sungi sa nguso, o
hiwa sa ngalangala.

Mayroon din namang mga kapansanang dahil sa mga sakit na nagiging sanhi ng mga pang-habang-
buhay na epekto. Katulad ang mga paralisado, kung saan hindi mapagalaw ang mga masel, na sanhi
ng polio o atake sa puso. Mayroon namang nagiging lampa at lumpo dahil sa arthritis. May mga nabubulag
dahil sa glaucoma.

Meron din namang dahil sa mga aksidente: mga hindi maigalaw ng maayos ang kamay dahil sa
pagiging biktima ng sunog, o mga naging imbalido o paralisado dahil sa pagkakapinsala ng kurdong
panggulugod noong makaranas ng pagkabundol ng sasakyan o pagkabangga ng sasakyang minamaneho.
At mayroon pang mga naputulan ng mga binti dahil sa pagsabog ng mga paputok o bomba habang
nagtatrabaho sa minahan.

Marami ring mga taong may-kapansanan ang nabibilang sa mga taong tumatanda dahil sa kanilang
edad.

Sa kasalukuyang pananaw, Sa makabagong panahon, nalalaman na mga tao na kailangang


tulungan natin ang mga may-kapansanan. Maaaring mapabuti ang mga pisikal na depektong ito sa
pamamagitan ng siruhiya o panggagamot na pisikal. May mga pasadya at espesyal na mga
pagsasanay na makatutulong sa mga may-kapansanan para magamit nila ang mga bahagi ng
katawan na may kahinaan o kapinsalaan. Sa ngayon, tinatanaw na ngayon ang mga may-kapansanan
bilang mga "tao na may kapansanan" at hindi bilang "isang may-kapansanang tao" sapagkat, katulad
ng mga walang-kapansanan, mayroon din silang mga talento at abilidad. Mas gusto ng mga may
kapansan na respetuhin sila at bigyan ng paggalang, sa halip na kaawaan. Mas ibig nila na ituring
silang isang taong "katulad din ng iba o karamihan". 1

Sa larangan ng trabaho, marami nang isinagawang mga pag-aaral na kadalasang mas


mainam na trabahador ang mga may-kapansanan kung ikukumpara sa mga walang-kapansanan, lalo
na kung malalagay sa isang gawaing nababagay para sa kaniya. Dahil sa kagustuhan niyang
magtagumpay, mas nagiging katangi-tangi ang rekord sa pagpasok sa trabaho at maging sa pag-
iingat ng sarili ang isang taong may-kapinsalaan.

Maraming mga pribado at mga ahensyang pampamahalaan na nagbibigay ng serbisyong


pangrehabilitasyon para sa mga may-kapansanan. Marami nang mga taong dumaan sa pagsasanay
upang makatulong sa pagbibigay ng serbisyong pangrehabilitasyon sa mga may-kapansanan.
Balangkas Teoretikal
Ang Batas Republika 7277, higit na kilala sa taguring Magna Carta for Persons with Disability
(Magna Carta para sa mga Taong May Kapansanan), ay pinagtibay upang isulong ang mga karapatan ng
mga mamamayang may kapansanan. Kasama ang mga susog na ginawa ng Batas Republika 9442 at mga
takda ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 437, tinitiyak ng batas na ito ang pagpapatupad ng mga
hakbang kaugnay ng rehabilitasyon at pagtiyak sa pansariling pag-unlad ng mga taong may kapansanan
upang manatili sila bilang produktibong mga kasapi ng lipunan.

Tinitiyak ng Batas Republika 7277 ang mga karapatan ng mga taong may kapansanan kaugnay ng
pagkakaempleo, pagkakaroon ng edukasyon, serbisyong medikal, karagdagang pantulong na paglilingkod,
at iba pa.

Ipinag-uutos ng batas ang pagbibigay ng pamahalaan ng vocational rehabilitation sa mga taong may
kapansanan. Layunin ng ganitong hakbang na paunlarin ang kakayahan at potensyal ng mga taong may
kapansanan upang magkaroon sila ng pagkakataong makahanap ng trabaho o manatili sa kanilang trabaho.
Ipinag-uutos din ng batas ang pagbibigay ng vocational rehabilitation at serbisyong pangkabuhayan maging
sa mga pook-rural at ang pagsusulong sa pagtutulungan ng pamahalaan, mga samahang di-
pampamahalaan at mga pribadong samahang nagbibigay ng vocational rehabilitation services sa larangang
ito. Kaugnay ng probisyong ito ay ipinalabas ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 437 noong 2005 na nag-uutos sa mga lokal na pamahalaang maglunsad
ng Community-Based Rehabilitation Program upang pag-ibayuhin ang paglilingkod ng mga lokal na
pamahalaan sa mga taong may kapansanan sa kanilang nasasakupan.

Itinatadhana rin ng batas ang pagbibigay ng mga institusyong pang-edukasyon ng sapat na


pagkakataon sa mga taong may kapansanan na makapag-aral. Hinihikayat nito ang gayong mga institusyon
na isaalang-alang ang natatanging mga pangangailangan ng mga taong may kapansanan kaugnay ng
kanilang paggamit sa mga pasilidad ng paaralan, iskedyul ng klase, paglahok sa edukasyong pagpapalakas
ng katawan, at iba pa. Bibigyan ng pamahalaan ng tulong pinansyal ang mga taong may kapansanan na
may kakayahang intelektwal ngunit nagkukulang sa aspetong pinansyal.

Isinusulong ng batas ang pagbibigay ng abot-kayang serbisyong medikal sa mga taong may
kapansanan. Isinasaad nito ang paglulunsad ng pamahalaan ng isang komprehensibong programa na
kabibilangan ng mga hakbang tungo sa pagpigil sa pagkakaroon ng kapansanan (sa pamamagitan ng
pagbabakuna, wastong nutrisyon, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa), maagang pagtuklas sa mga
kapansanan upang maagapan ang paglala ng mga ito, at pagbibigay ng serbisyong pangrehabilitasyon.

Itinataguyod ng batas ang karapatan ng mga taong may kapansanan na magkaroon ng


pagkakataong makabili ng mga kagamitang prosthetic (pamalit sa bahagi ng katawang nawala tulad ng
artipisyal na paa o pantulong doon sa hindi lubusang gumagana tulad ng hearing aid), paunlarin ang
pagtingin sa kanilang sarili, at pagsasanay sa mga kasapi ng kanilang pamilya na tugunan ang kanilang mga
pangangailangan.

Itinatadhana rin ng batas ang karapatan ng mga taong may kapansanan na gamitin nang walang
bayad ang mga sentrong libangan at pampalakasan na pag-aari ng pamahalaan para sa kanilang mga
gawaing pangkasayahan, pampalakasan at paglilibang.

Ipinagbabawal ng batas ang pagtatangi sa mga taong may kapansanan kaugnay ng pagbibigay sa
kanila ng karapatang makapagtrabaho; gumamit ng mga pampublikong transportasyon; at makinabang sa
mga paglilingkod ng mga establisimyentong panlibangan, pang-edukasyon, medikal, at pampalakasan,
gayundin ng mga kainan, hotel, at kauri nito.

Sa bisa ng Batas Republika 9442 na sumusog sa Batas Republika 7277, ipinagbabawal na ngayon
ang panunuya sa mga taong may kapansanan, maging sa pamamaraang pasulat, pasalita o sa pamamagitan
ng mga kilos. Ipinagbabawal din ang paninira sa puri ng mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng
mapanirang mga salita o anumang gawaing makapag-uudyok ng pagkamuhi sa kanila. Pinagtibay ang mga
susog na ito upang pigilan ang pagbaba ng tingin ng mga taong may kapansanan sa kanilang sarili.

 RA 7277. (Hinango noong 15 Enero 2009).


 Republic Act No. 9442. (Hinango noong 15 Enero 2009).
 Executive Order No. 437. (Hinango noong 15 Enero 2009)
BALANGKAS KONSEPTWAL

Paano magiging pantay-


pantay ang mga pagtingin ng
mga tao sa mga may mga
kapansanan?

Unang-una ibahin ang maling kaisipan


ng mga tao, magtiwala sa mga
kakayahan ng may kapansanan at
palakasin ang mga loob nito. Tingnan
ang kanilang kakayahan, abilidad
hindi ang pisikal o kaisipang
kapansanan.

Kung ito’y magiging kaugalian


ng mga tao maraming may
kapansanan ang mas lalong
magtitiwala sa kanilang
kakayahan at ito’y mas lalo
pang lalago. Masusubukan rin
nilang mamuhay kagaya ng
mga normal na tao,
magkaroon ng trabaho, mag
kapamilya at iba pa.
PAGLALAHAD NG SURILANIN

Ang pag aaral na ito ay naglalayon na malaman ang kakayahan at nararamdaman ng may
kapansanan at para mapatunayan na lahat lamang ay pantay pantay. At upang malaman ang mga
kasagutan sa sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang nagiging epekto ng pangungutya ng mga tao sa mga may kapansanan?
2. Anu-ano ang nakakatulong sa isang may kapansanan upang mas lumago pa ang kanyang mga
kakayahan?
3. Anu-anong mga benepisyo ang nakukuha kapag ika’y may kapansanan?
4. Bilang isang may kapansanan sa paanong paraan mo maipapakita na kaya niyo rin kumilos ng
parang walang diperensya.
5. Ano ang gusto mong iparating na mensahae sa mga tao tungkol sa iyong kakayahan bilangisang
may kapansanan?
SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa kakayahan at halaga ng may kapansanan. Naglalaman ito ng
reaksyon at opinyon ng lipunan sa taong may kapansanan. Nais ng pag aaral na ito na patunayan na
pantay pantay lang ang bawat tao at lahat ay mayroong di kayang gawin o limitasyon.

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL


Sa panahong ito maraming Pilipino ang di maunawaan ang kalagayan ng isang may kapansanan.
Maraming tao na siyang may problema sa kaisipan tungkol sa may kapansanan. Naniniwala ang mga
mananaliksik ng pag aaral na ito na makaktulong at mapapakinabangan ang pag aaral na ito ng lipunan.

Sa mga magulang, sa pag aaral na ito mas lalo nilang mauunawaan ang kalagayan ng may
kapansanan na tao at maituturo nila sa kanilang mga anak kung ano ang kahalagahan ng may mga
kapansanan.

Sa mga guro, makakatulong ito sa mga guro dahil maaari nilang maituro sa mga estudyante ang
halaga ng isang may kapansanan sa ating lipunan sa gayon ay maging pantay ang pagtingin nila rito.

Sa mga kabataan, makakatulong ito upang mas maunawaan nila ang kalagayan ng isang may
kapansanan.

Sa mga may kapansanan, mas higit nilang mauunawaan ang importansya ng bawat isa. Hindi man
sila nabigyan ng normal na pag-iisip o magandang pisikal na kaanyuan, karamihan naman sa kanila ay
nabigyan ng magandang talento na kaya nilang ipagmalaki sa buong mundo na hindi kayang gawin ng
normal na tao.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Abilidad- kakayahan ng isang tao.

Artikulo - isang seksiyon na naglalaman ng impormasyon na kalimitan ay makikita


sa magasin, dyaryo, internet o kaya sa anumang uri ng publikasyon.

Diperensya- kakulangan o depekto

Diskriminasyon- ang pagtatrato sa isang tao ng masama dahil sa kanilang lahi, kapansanan, kasarian
o iba pang pampersonal na mga katangian.

Glaucoma-

Hakbang-

Hangarin - kagustuhan.

Ikinta l- itatak sa isipan ng tao.

Importansya- pagbibigay halaga.

Intitusyon- nagmamahala o nagsasaayos sa lipunan.

Kabatiran- kaalaman.

Kapansan- taong may diperensya.

Kontribusyon- kararagdagang tulong.

Layunin-

Likas- natural o normal.

Limitasyon- limitado at may hangganan.

Literatura- kolekdyon ng mga tula, nobela, akda, at iba pang likha ng mga tao binibigyan ng kakaibang
kakayahan sa pagsusulat.
Lumago-

Maitaguyod- maiaahon.

Mananaliksik- taong nagsasaliksik tungkol sa isang pag-aaral.

Maunawaan- pagbibigay kaalamanan.

Nag-uudyok- nagtutulak o nanghihikayat.

Naglalayon- ninanais.

Pag-ibayuhin- paghusayan at ipagpatuloy.

Paglilibang- pagkakaroon ng pampalipas oras.

Pakikipagsapalaran- walang kasiguraduhan o katiyakan.

Pampalakasan- isang uri ng aktibidad.

Panunuya- pang-iinis o pang-aasar.

Paunlarin- pagyamanin o palawakin.

Pinagtibay- itinatag o isinabatas

Pinapahayag- ipinapaalam o ipinababatid.

Rehabilitasyon- pagbabago.

Saklaw- sakop ng isang kabuuan.

Sentro- gitna

Sinusulong- tinutulak at pinapatupad.

Siyensiya- sistematikong pag-aaral ng bagay at pisikal na sansinukob, ito ay bata’y sa pagmamasid,


eksperimento at pagsukat.

Susog- kinatawan ng isang kasapi.

Teknolohiya- ginagamit upang mapabilis at mapadali ang pamumuhay ng isang tao.

Tinatamasa- nararanasan.
Tinitiyak- sinisigurado.
MGA KAUGNAY NA LITERATURA

You might also like