You are on page 1of 3

Banghay-Aralin

Kahalagahan ng Komunidad
I. Layunin
Sa loob ng 60 minuto, inaasahang hindi bababa sa 75% sa 40 na bilang ng mga mag-aaral
ang makakapagpaliwanag kung ano ang mga kahalagahan ng isang kumunidad upang makakuha
ng antas ng kasanyan na 75% at pataas.
a. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng komunidad na kinabibilangan.
b. Natutukoy ang mga uri ng pamumuhay sa komunidad na ayon sa kanyang kapaligiran.
c. Nauugnay ang mga uri ng pamumuhay ayon sa kinaroroonan ng komunidad na
kinabibilangan.
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Kahalagahan ng Komunidad
B. Sanggunian: Grade 2 CG AP2KOM-la-2, Yugto ng Buhay, IKSPP, Elders
C. Kagamitan: Larawan ng iba’t ibang komunidad, ilustrasyon, mga kuwento (Bog books),
powerpoint presentation, maikling bidyo tungkol sa komunidad.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagtukoy sa mga pumasok
Nandito ̶ weyo ok
Wala dito ̶ eyen
2. Balik-Aral
Ipakita ang mga larawan kung saan maaaring matagpuan ang isang
komunidad.
Ipakita ang maikling bidyo tungkol sa komunidad
3. Paghahawan ng Balakid
Magpakita ng larawan ng mga katutubong Dumagat
Remuntado na nangingisda, nagtatanim at nangangaso
Itanong kung saan ginawa ang mga ito
4. Pagganyak ng Tanong
Bakit mahalaga ang kumunidad?
B. Paglalahad
a. Ipaskil sa pisara ang komunidad na matatagpuan sa ibat-ibang lokasyon.
Komunidad sa tabing ilog
Komunidad sa kapatagan
Komunidad sa kabundukan
Komunidad sa talampas
Komunidad sa lungsod
Komunidad sa industrial
b. Itanong
1. Anong komunidad ang nakikita niyo sa unang larawan? Pangalawa?
Pangatlo? Pang-apat? Panglima? Pang-anim?
2. Sa inyong palagay, saan nanggagaling ang ikinabubuhay ng mga taong
nakatira sa mga sumusunod:
Komunidad sa tabing ilog
Komunidad sa kapatagan
Komunidad sa kabundukan
Komunidad sa talampas
Komunidad sa lungsod
Komunidad sa industrial
C. Panlinang na Gawain
1. Gawain A.
Pag-aralan ang isang komunidad na ipinaskil sa pisara at ilahad sa papel kung anong
klaseng komunidad ang inpinakita.
2. Gawain B.
Mula doon sa mga naisulat na sagot ng mga mag-aaral ay tumawag ng boluntaryo
upang ipaliwanag ang sagot sa pamamagitan ng mga gabay na tanong:
a. Anong klaseng komunidad ang nakapaskil sa pisara?
b. Sino ang mga posibleng mamamayan ang nakatira sa komunidad na ito?
Anong tawag sa kanila?
c. Ano-ano ang mga pangunahing gawain ng mga mamamayan sa
komunidad na ito? Anong uri ng hanap-buhay ang maibibigay ng
komunidad sa mga mamamayan?
D. Pangkatang Gawain
Pangkat 1. Magpakita ng isang maikling bidyo tungkol sa komunidad na nasa
kabundukan. Mula sa mga karanasan niyo at ang nakikita niyo sa maikling bidyo, ano
kaya ang maaaring gawin ng mga taong nakatira sa komunidad na nasa kabundukan
upang mapakain ang kanilang pamilya. Sa loob ng dalawang minuto ay pag-usapan ito ng
mga ka-grupo at ipaliwanag sa klase ang mga napag-usapan.

Pangkat 2. Magbigay ng larawan ng isang komunidad na nasa lungsod, kapatagan at


idustrial. Sa loob ng dalawang minuto ay pag-uusapan ng grupo kung anong klaseng
komunidad ang nasa larawan. Isulat ang sagot sa ibaba ng larawan at ipaliwanag sa klase.

Pangkat 3. Pag-aralan ang larawan ng komunidada na nasa talampas. Ano-ano ang mga
gawaing maari nilang gawin upang mapanatiling buhay ang kanilang pamilya . isulat ang
mga ito sa ibaba ng larawan at ipaliwanag sa harapan kung bakit?
Pagkatapos ipaliwanag ng bawat grupo ang ang mga gawa nila, sagutin ang mga gabay na
tanong:
1. Ano-ano ang mga ikinabubuhay ng mga komunidad na nasa kabundukan? Bakit?
Tingnan ang gawain ng pangkat 1.
2. Bakit ibang trabaho naman ang hanapbuhay ng mga nasa komunidad ng kapatagan,
lungsod at industrial? Tingnan ang gawain ng pangkat 2.
3. Ano-ano ang mga makikita at mayroon sa kapatagan, lungsod at industrial?
4. Sino-sino ang mga bumubuo ng komunidad sa talampas? Tingnan ang gawain ng pangkat
3.
5. Bakit ang uri ng hanapbuhay ay iba-iba?

Tandaan Natin:
Ang hanap buhay ng bawat komunidad ay naaayon sa kinaroroonang kapaligiran.
Ang kapaligiran o komunidad ang nagpapanatili ng pagiging malusog at patuloy na daloy
ng buhay.

E. Paglalahat
a. Ano ang kahulugan ng komunidad?
b. Ano-ano ang bumubuo ng komunidad?
c. Saan maaaring matagpuan ang komunidad?
IV. Pagtataya
Piliin ang mga hanapbuhay ng mga tao ayon sa komunidad na kinabibilangan.

Pangingisda Pagtatanim Pangangaso Pagtitinda Inhenyero Paghuhukay

______________________1. Komunidad sa lungsod


______________________2. Komunidad sa kapatagan
______________________3. Komunidad sa induustriyal
______________________4. Komunidad sa kabundukan
______________________5. Komunidad sa tabing ilog

You might also like