You are on page 1of 1

PANAHON NG HAPON

Itinuturing ito ng marami na gintong panahon ng maikling kuwento at ng dulang Tagalog. Ang
wikang Ingles nanakuhang maipasok ng mga Amerikano hanggang sa kamalayan ng mga Pilipino ay
ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat ang nagtamasa ng bunga ng pagbabawal na ito ay
ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Ang isang manunulat ay likas na manunulat, kayat nang
ipagbawal ang pasulat ng Ingles siya’y napilitang gumamit ng wikang Tagalog upang makapagsulat
lamang. Ang isang naging bunga nito ay ang paglitaw ng isang uri ng pamamaraan sa pagsusulat na
gagad sa Ingles, maging sa pagbuo ng mga pangungusap hanggang sa istilo ng pagsusulat.

Nabigyang- sigla ang Pambansang Wika dahil na rin sa pagtataguyod ng pananakop. Binigyan
pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P Laurel upang mangulo sa baying sa kanilang
pamamatnubay. Nasangkot ang Pilipinas. Nasakop ng mga Hapones.

Mailkling Katha

Itinuturing na pinakamaunlas ang sangay ng mailkling kuwento sa lahat ng sangay ng pantikan


sa panahong ito. Sa pamamahala ng Surian ng Wikang Pambansa, pinili ang itinuturing na
pinakamahusay na maikling kuwento sa panahong ito.

Ang Tula
Namalasak ang haiku noong panahong iyon. Ang Haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang
ikalawa’y may pitong pantig; ang ikatlo ay may limang pantig (5-7-5). Kahit na napakaikli ng haiku,
ito’y dapat na may masaklaw na kahulugan , matayog na kaisipan, matiim na damdamin at di
mapasusubaliang kariktan.
Bunuhay naman ng makatang Ildefonso Santos ang tulang tanaga. Ito’y maikli ring katulad ng
haiku ngunit ito’y may sukat at tugma at ang bawat taludtod ay may pitong pantig.

Ang Dula

Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan. Ang mga tao’y humanap ng kahit na kaunting
mapaglilibangan sa mga dulaan. Natigil ang pagsasapelikula dahil sa giyera at ang mga artista ng
puting tabing ay lumipat sa pagtatanghal sa mga dulaan. Ang malalak’t maliliit na teatro tuloy ay
nagsipaglabas ng dula.

Nobela

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, masasabing lalong hindi namulaklak ang pagsulat
ng nobela. Dahilan ito sa kahirapan ng buhay at halos walang magamit na papel ang mga
manlilimbag.

You might also like