You are on page 1of 2

Kabanata 6

MADALING ARAW NG PANITIKANG FILIPINO


(Panitikan sa Panahon ng mga Hapon)

Nangulimlim ang panitikang Filipino nang sumiklab ang digmaan at masakop tayo ng mga
Hapones noong 1941 hanggang 1945. Tinabangan ang mga manunulat na Pilipino nang
mapasailalim tayo ng mga Hapones. Kasabay ng pagwawagayway ng bandila ng Hapones ay
ang pagpapatigil sa pagbabasa ng malayang pahayagan. Tanging ang mga babasahing Hapones
lamang ang inilalathala sa panahong ito. Pagkalipas ng ilang buwang pagpasok ng mga Hapon
ay nabuksang muli ang lingguhang Liwayway ng mga Roces subalit kontrolado ng mga Hapon.
Sumunod ang Taliba sa Liwayway na nabigyan ng pagkakataon na makapaglathala ng
mga tula at kuwento. Dahil dito kung kaya nabuhayan ng loob ang mga manunulat sapagkat
makasusulat na silang muli na pangunahing pinagkakikitaan nila. At sa ganitong dahilan ay
dumagsa ang mga manunulat. Dumami ang mga makatang gumawa ng tulang tinatawag na
Malayang Tula o Free Verse. Tinularan ng ilan ang uri ng tulang Hapon na kung tawagin ay Hokku
o Haiku.

Ang Haiku ay binubuo ng tatlong taludtod: limang pantig sa unang taludtod,


pito sa ikalawang taludtod at lima sa huling taludtod.

Ang Tribune at Philippine Review ang minsan lamang sa isang buwan ang labas ng
napaglathala ng mga tula at kuwento. Dahil dito kung kaya nabuhayan ng loo bang mga
manunulat sapagkat makasusulat na silang muli na pangunahing pinagkakikitaan nila. At sa
ganitong dahilan ay dumagsa ang mga manunulat sa Ingles na nangagsisulat na sa Tagalog. Ang
tanyag sa mga ito’y si Juan C. Laya na naging tanyag sa larangan ng panitikang Tagalog.

Subalit mapapansing sa panahon lamang ng mga Hapones naitaas ang pedestal na


kinalalagyan ng Wikang Filipino sapagkat ang mga Hapon ay galit sa mga Amerikano kung kaya
sa halip na Ingles ang ipinagamit ay Tagalog na ang ipinagamit sa mga Pilipino.
Sa panahong ito rin ng pananakop hanggang sa maitaboy ng mga Amerikano ang mga
Hapon sa Pilipinas, ang mapapansing mga paksain sa mga kuwento, sanaysay, tula at iba pa ay
ang buhay lalawigan. Ang mga nagsisulat ng mga ganitong paksain sa mga kuwento ay sina
Brigido C. Batungbakal, Macario Pineda, Serafin Guinigundo at iba pa.
Ang pinakamahusay na akda ng taong 1943 ay pinili ng isang lupon na binubuo nina
Agustin C. Fabian, Francisco B. Icasiano, Jose Esperanza Cruz, Arsenio R. Afan, Antonio L.
Rosales, Clodualdo del Mundo, Buenaventura Medina at Teodorico C. Santos. Ang pamimiling
ito ay ginanap noong 1944. Ang dalawampu’t limang napili ay ipinasuri naman kina Lope K.
Santos, Julian Cruz Balmaceda at Iñigo Ed Regalado. At ang kinawakasan ng pagsusuri ay ang
pagpapasiyang nagkamit ng mga gantimpala ang mga sumusunod na kuwento:

1. Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes – Unang Gantimpala


2. Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo – Ikalawang Gantimpala
3. Lungsod, Nayon at Dagat-Dagatan ni N.V.M. Gonzales – Ikatlong
Gantimpala
Panahon ng Hapon
Sa panahong ito, nagkaroon ng mabuting pagkakataon ang mga manunulat ng dula.
Dahilan sa hindi pagbibigay ng Sandatahang Hukbong Hapones na mailabas sa lahat ng sinehan
ang mga pelikulang Amerikano kung kaya ang mga mandudula ay nakapaglabas ng dula.
Ang Liwayway na nasa pangangasiwa ng mga Hapones (Manila Sinbunsya) ay umunlad
nang gayon na lamang. Ang unang taon ng Liwayway noong 1942 ay masasabing nagbukas ng
“pinid na pintuang pampanitikan sa mga kapatid na manunulat sa Ingles.”
Nilikha noong 1943 ang “Lupon ng mga Tagasuring Inampalan” na nagbigay sa panitikan
natin ng “Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943,” at mga aklat-katipunang
nalimbag nang sumunod na taon (1944).
Maituturing na Gintong Panahong Dulaan ang panahon ng Hapon. Wala na ang pelikulang
naging kaagaw ng dula sa katanyagan at wala na rin ang mga ipinagbabawal na mga pelikulang
dayuhan. Sanhi nito, ang mga samahan ng pagtatanghal ng dula ay sumigla at sumigabo sa
pagtatanghal na naibigan ng mga taong kasalukuyang sabik sa mga panoorin.
Ang pangkat ni Lamberto Javellana ang kauna-unahang pangkat ng mga mandudula ang
kumilos sa pagtatanghal ng mga dulang Tagalog sa entablado.
Samakatuwid, masasabi ring may sinapit na kaunlaran ang dulang Tagalog noong
panahon ng Hapon sapagkat naging masigla ang pagtatanghal ng mga dula, na karamihan ay
halaw sa mga kathang nasusulat sa Ingles.
Mga Halimbawa ng Tanaga

Paraluman

Paraluman
Humahalimuyak ka
Parati sa pangarap
Gayundin sa panimdim
Paralumang nilangit.

Pagkabigo

Pagkabigo
Pag ang pag-ibig binigo
Langit ko’y maglalaho
Pag ika’y di nasilayan
Mundo’y magugunaw.

Mga Halimbawa ng Haikku


Buwan
Hugis kang plato
Kay inam kung pagmasdan
Gabing mapanglaw
Pag-ibig
Titibok-tibok
Puso ng nililiyag
Pag-ibig nga ba?

You might also like