You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan G7

Ikaapat na Markahan: Ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong


Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Aralin Bilang 1

I. LAYUNIN
Napahahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang
A. Pamantayang Pangnilalaman
Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon ( ika-16 hanggang ika-
20 siglo).
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa
pagbabago, pagunlad at pagpapatuloy sa Silangan at Timog Silangang
B. Pamantayan sa Pagganap
Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20
siglo)
C. Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng pagpasok ng
kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-
16-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog Silangang Asya.
AP7KIS-IVa-1.1

1. Natutukoy ang mga dahilan ng pagpasok ng mga Kanluraning bansa


hanggang sa pagtatag ng kanilang mga kolonya o kapangyarihan sa
Silangan at Timog Silangang Asya.
2. Naiisa- isa ang mga paraan ng mga kanluraning bansa sa pagtatatag
ng kapangyarihan sa Silangan at Timog Silangang Asya.
3. Natataya ang epekto ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-
usbong ng unang yugto ng kolonyalismo.

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog


II. NILALAMAN Silangang Asya
 Mga dahilan,paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Modyul para sa mga Mag-aaral ph.330-337
Website: https://www.youtube.com/watch?v=1eTxhLcjLVI
B. Iba pang Kagamitang
laptop, DLP, mga larawan
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik Aral sa mga Ano ano ang mga naging kontribusyon ng mga Asyano sa iba’t ibang
larangan na naging daan sa pag-unlad ng kanilang kultura?
unang natutunan
B. Paghahabi sa layunin MATH-INIK MAG-ISIP!
ng aralin
(Pagganyak) Magbibigay ang guro ng isang ekwasyon sa matematika na kailangang
masagot ng mga mag-aaral upang mabuo ang salitang nakapaloob dito
batay sa katumbas na pantig ng mga piling numero.

________ + ________ + ________ + ________


(8-3) + 2 5+2 + 4 (10-6) + 7 5+2 + 7

Gabay na tanong:
1. Ano ang salitang nabuo gamit ang ekwasyon sa matematika?
2. Anong konsepto at ideya ang maaring mong ibahagi sa klase na may
kaugnayan sa salitang nabuo?
(Integrasyon ng Numeracy Skills)

AWITIN NATIN!
Magpaparinig ang guro ng isang awiting sasabayang kantahin ng mga
mag-aaral.(Yoyoy Villame:Philippine Geography)
C. Pag- uugnay ng mga https://www.youtube.com/watch?v=oSFqkuMvtRM
halimbawa sa bagong
Gabay na tanong:
aralin ( Presentation)
Ano ang nais na ipabatid ng awiting inyong narinig?
(Integrasyon sa Musika)

MAPA-NAKOP

Panuto:Gamit ang mapa sa ibaba,tukuyin ang mga bansa na nasa


Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng mga kanluranin sa
pamamagitan ng pagdikit ng flaglets sa mga nasakop na bansa.
D. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan No I
(Modeling)

http://tinyurl.com/y7ro9sco

Mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng mga


Kanluranin

Portugal France England

Pamprosesong tanong:

1.Ano ang mga bansang Asyano na nasakop ng mga bansang


Kanluranin?
2.Bakit nais sakupin ng mga kanluranin ang mga bansang ito?
(Integrasyon sa Matematika- Geometry)
PANGKATANG GAWAIN:

Pagpapangkat sa mga mag-aaral sa apat at pagbibigay ng mga paksang


kanilang tatalakayin;
Pangkat 1:Paglalakbay ni Marco Polo ( Awit )
Pangkat 2:Merkantilismo ( Tula )
Pangkat 3:Krusada (Jingle )
Pangkat 4: Pagbagsak ng Constantinople (Maikling Dula dulaan )
(Integrasyon sa MAPEH- Multiple Intelligence)

Alin sa palagay ninyo ang nagpasidhi sa adhikain ng mga kanluranin


E. Pagtatalakay ng na tuklasin at sakupin ang Asya? Ipaliwang ang iyong kasagutan.
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan No. 2. Dahilan
( Guided Practice) at
Paraan ng
Pananakop

Merkantilismo
Krusada
Sa pamamagitan Marco Polo
ng pagpaparami Pagpapalawak ng
Paglalakbay ng
ng ginto at pilak kanilang
kanyang aklat
relihiyon

I-GUHIT MO NA ‘YAN!

Guguhit ang mga mag-aaral ng larawan ng naging epekto ng unang


yugto ng pagpasok ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Asya.
F. Paglinang sa Matapos ito, pipili ang guro ng ilang bata na magpapaliwanag ng
Kabihasahan natapos nilang gawain.
(Tungosa Formative
Assessment)
( Independent Practice ) Rubriks: Pamantayan ng Pagmamarka

Konsepto ng larawan - 5 puntos


Kaayusan ng pagguhit- 5 puntos
Kaangkupan ng ideya- 5 puntos
Kabuuan- 15 puntos
ANONG SAY MO?

G. Paglalapat ng aralin Kung ikaw ay nabuhay noon (KAHAPON), ano kaya ang maaari mong
sa pang araw araw na ginawa sa pagdating ng mga mananakop? Sa kasalukuyang panahon
buhay (NGAYON), kung sakali na may mananakop na dumating sa bansa, ano
(Application/Valuing) ang iyong gagawin? Kung sa hinaharap (BUKAS) ay may darating na
mananakop, paano mo ito haharapin?

H. Paglalahat ng Aralin SALITA MO LANG ANG KULANG!


(Generalization)
Punan ang mga patlang sa loob ng talata upang makabuo ng
paghahalaw.
Sa araling ito, natutunan ko na may iba’t ibang salik o dahilan ang mga
Kanluranin sa pagtuklas at pananakop ng mga lupain sa Asya tulad ng
___, ___, ___, ___ at ___. Sa kabuuan, napagtatanto ko na ang
pinagplanuhan at pinagpasyahan nilang pananakop sa Asya ay ___ .

Panuto: Punan ng wastong sagot ang patlang sa bawat pangungusap


1. Ang aklat ni _______ ay patungkol sa kanyang paglalakbay at
pumukaw sa interes ng mga Europeo na tuklasin ang Asya.
(Marco Polo)
2. Ang sistemang umiral sa Europa kung saan ang kapangyarihan ng
bansa ay nakabatay sa nalikom nitong ginto at pilak ay tinatawag na
____________. (Merkantilismo)
I. Pagtataya ng Aralin 3. Mahalagang yugto sa kasaysayan ng Europa na nagbigay-daan sa
imbensyon ng mga kagamitan sa paglalakbay ang ___________.
( Renaissance)
4. Ang pangyayaring _________ ang naging dahilan ng mga Europeo
upang tumuklas ng bagong rutang pangkalakalan mula Europa
hanggang Asya. (Pagbagsak ng Constantinople)
5. Kampanyang militar ng mga Kristyano laban sa mga Muslim ang
____________ na naglalayong mabawing muli ang mga lupain na
nasakop ng huli kabilang ang Jerusalem.( Krusada)

1.Paano nabago ang pamumuhay ng mga Asyano sa panahon ng


kolonyalismo at imperyalismo?
J. Karagdagang gawain 2.Ano ang mga transpormasyon na naganap sa mga bansa sa Silangan at
para sa takdang aralin Timog Silangang Asya?
( Assignment)
Sanggunian: Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 340-344

V.MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag- aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiya ng
pagtuturo na katulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like