You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


BIÑAN CAMPUS

ANG BANGHAY ARALIN

In Partial Fulfilment

for the Requirements of the Subject

INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO

GEED 10123

PREPARED BY:

GONZALES, Ma. Veronica AMBAS, John Lorenz BALDOMINO, Ednalyn

BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION


MAJOR IN SOCIAL STUDIES 2-1

SUBMITTED TO:

JEAN J. TOLENTINO, Ph.D

AUGUST 24, 2019

SCHOOL YEAR 2019-2020


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
BIÑAN CAMPUS

ANG BANGHAY ARALIN

KAHULUGAN NG BNGHAY ARALIN


 Ang banghay-aralin ay isang plano ng mga aralin ng isang guro. Dito nakalagay
kung ano ang magiging takbo ng talakayan sa araw-araw.
 Isang skrip na sinuunod ng isang guro sa pagtuturo ng isang tapik para sa isang
tiyak na oras at panahon.

URI NG BANGHAY ARALIN


 MASUSING BANGHAY NG PAGTUTURO/DETELYADONG BANGHAY ARALIN – Ito
ay ginagamit ng mga bagong guro (3 taon na pagtuturo). Sa ganito Banghay aralin
pati ang mga tanong ng guro at inaasahang sagot ng estudyante ay nakatala rito.
 MALA-MASURING BANGHAY NG PAGTUTURO/SEMI-DETELYADONG BANGHAY
ARALIN –Higit na maikli sa detelyadong banghay. Ito ay binabanggit na lamang ng
sunod-sunod ang mga gagawin ng guro sa klase.
 MAIKLING BANGHAY – Sapat na rito banggitin kung anong pamamaraan ang
gagamitin sa pamamagitan ng maiikling salita.

BAHAGI NG BANGHAY ARLIN


 LAYUNIN
I. Dito naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain
na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.
II. Makikita rin dito ang mga estrateheya na nararapat gamitin at ilapat ng
mga guro sa pagtuturo.
III. Ang mga layunin ay dapat na nakatuon sa tatlong aspeto: ang
‘kognitibong’ layunin na sumusukat sa pag-iisip ng mag-aaral, ang
‘apektibo’ para sa damdamin at ‘saykomotor’ para sa pagsasagawa ng
mga natutunan.

Kognitib domeyn o Pangkabatiran (Bloom)


o Mga layunin na lumilinang sa mg kakayahan at kasanayang
pangkaisipan ng mga mag-aaral

o Tumutukoy rin ito sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko at


intektwal
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
BIÑAN CAMPUS

Apektibong Domeyn o Domeyn na Pandamdamin


(Krathwohl)

o Nauukol ang mga layuning pandamdamin sa paglinang ng mga


saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahayaga ng mga mag-
aaral.

o Ito ay may limang kategorya, Pagtanggap (Receiving), Pagtugon


(Responding), Pagpapahayagag(Valuing), Pag-oorganisa
(Organization), at Karakteresasyon (Characterization).

Domeyn na Saykomotor (Simpson)

o Mga layunin na lumilinang sa mg kakayahan at kasanayang


pangkaisipan ng mga mag-aaral

o Tumutukoy rin ito sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko at


intektwal

 PAKSANG ARALIN

Sa paksang-aralin naman nakalagay ang pamagat ng aralin na tatalakayin, ang


mga sanggunian o referens at ang mga kagamitan upang higit na matuto ang mga
mag-aaral.

 PAMAMARAAN

Ang pamamaraan ay naglalaman ng mga gagawin ng guro at ng kanyang mga


estudyante mula sa panimulang gawain, motiveysyon, paglalahad ng aralin,
malayang talakayan, paglalahat, paglalapat hanggang sa pagsasagawa at
pangwakas na Gawain.

 PAGLALAHAD AT PAGLALAHAT

 EBALWASYON/PAGTATAYA

Upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral ay magbibigay ang guro ng


evalwasyon na binubuo ng ilang mga tanong tungkol sa napag-aralan.
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
BIÑAN CAMPUS

 TAKDANG – ARALIN

Ang huling bahagi naman ay ang pagbibigay ng kasunduan o asaynment


para sa susunod na aralin.

KAHALAGAHAN NG BANGHAY ARALIN

A. Maayos at sistematoko ang pagtuturo

B. Magkakaroon ng hangganan ang pagtuturo

C. Maihahanda ng guro ang mga angkop na kagamitan, teknik, tanong,


pasilidad, at iba pang sanggunian sa isang tiyak na aralin.

D. Mahalaga ang Banghay Aralin dahil dito itinatalaga ang mga impormasyon
na kinakailangan ipabatid o ibahagi sa mga mag-aral, at ng saganon ay
mas maging maganda at presentable ang pagpapahayag o pagtuturo.

You might also like