You are on page 1of 14

PAGSUSURING PAMPANITIKAN

I. Pamagat ng Katha: Si Buktot ug iyang Kapalaran

II. Kahulugan ng Pamagat:

Si Buktot ug ang iyang kapalaran ay isang kwentong nagbibigay kabuluhan sa

katauhan ni Veron di lamang sa pagmamahal niya kay Ado kundi kung paano magmahal ang

isang buktot na walang hinihinging kapalit. Ang kapalaran ng isang baklang buktot na

nagmahal, nasaktan, nagkasakit at binalikan.

III. May Akda: Jed P. Acero

IV. Tungkol sa May Akda:

Si Jed P. Acero ay isang guro sa Senior high school sa paaralang Ana High School.

Nagtuturo rin siya bilang isang guro sa asignaturang Filipino sa University of Mindanao. Isa

siyang manunulat ng mga kwentong piksyon na nakapokus sa pag-ibig, mahika, at iba pa. Ilan

sa mga likha niyang literatura ay ang The Story of Lake Mainit, Katas ng Pawis, at Si Buktot ug

ang iyang kapalaran. Nagsilbing inspirasyon niya ang kanyang pamilya upang makalikha ng

mga kwento.

Sabi niya, “Ma share nimo ang imong soul sa literature, kasi pag research, very scientific,

whereas in literature na-express ko talaga yung aking sarili, yung aking emotions, ang aking

feeling, at aking kaluluwa, while research not the same feeling doon ko nakita ang diperensya.

V. Buod:

Si Veron ay nakatira sa Buda. Maaga siyang nangulila sa kanyang ina sapagkat

namatay ito ng ipinanganak siya. Hindi siya tanggap ng kanyang pamilya at siya ay

pinapahirapan kaya napagdesisyunan niyang lumisan sa kanilang tahanan at dumako sa


Lungsod ng Davao at doon nakipagsapalaran. Doon niya nakita sa Ado na may iniindang sakit

kaya agad niya itong dinala sa kanyang boarding house at binihisan at inilagaan. Tinulungan

ni Veron si Ado upang magkaroon ito ng trabaho bilang isang security guard. Hindi maiwasan

ni Veron na pagpantasyahan si Ado dahil may nabubuo ng pagtiingin si Veron kay Ado. Minsan

niya din itong pinagmamasdan habang ito ay natutulog na naka brief lamang ngunit pinipilit

niya ang kanyang sarili na hindi ito galawin. Ninais ni Ado na mag-aral bilang isang seaman at

tinulungan naman ito ni Veron. Kalaunan ay naging seaman na si Ado ngunit hinid na niya

binalikan si Veron. Nagkaroon na rin ng sariling pamilya si Ado.. Pinipilit ni Veron na maging

maayos kahit siya ang nag-iisa.

Nagkasakit si Veron ng tuberculosis at siya’y umuwi sa kanilang tahanan. Hindi

naglaon ay naging maayos din ang kanyang kalagayan. Tumigil din si Ado sa pagiging seaman

dahil nagkasakit ito sa prostate na isang epekto sa kaniyang trabaho sa barko. Dahil din sa

sakit ni Ado ay iniwan siya ng kanyang asawa na si Jenny at sumama sa ibang lalake. Isang

araw, nagkita si Veron at Ado sa simbahan at niyakap nila ang isa’t-isa at pinalipas nila ang

oras habang sila ay nagsama. Umuwi si Veron sa kanila na may ngiti sa labi.

Nagkasakit na naman Veron ng kanser sa buto. Pumunta siya sa isang stasyon sa radio

upang humingi ng tulong pinansiyal. Narinig ito ni Ado kaya agad niya itong pinuntahan. Nang

makita ni Ado si Veron ay agad niya itong niyakap at nagtanong kung bakit di siya humingi ng

tulong sa kanya. Dinala ni Ado si Veron sa kanyang tahanan at ipinakilala niya ito sa kanyang

anak. Tanggap naman ng mga anak ni Ado si Veron at tumulong din sila sa pag-aalaga nito. Sa

huli, namatay si Veron sa kanyang sakit na kanser at naging emosyonal si Ado habang siya ay

nagbilin ng kanyang pasasalamat.


VI. Pagsusuri

A. Istilo ng Paglalahad

Ang istilo ng paglalahad ng may-akda ay hinango ang panyayari sa totoong buhay

ngunit nito nagkakaibang sikolo kung saan mararanasan din ng tauhan sa ang saya sa huli.

Ang kwentong ito ay nagbibigay aral. Inilahad ng maayos ng may-akda ang mga pangyayari

upang mas maintindihan ng mambabasa. Ngunit may bayas sa anyo ng lengguwahe dahil iilan

lamang ang mga mambabasa dahil iilan lang ang nakakaintindi sa diyalektong ginamit. Mas

makabubuting isinulat ito sa wikang Pilipino lalong-lalo na nakapaloob dito ang kakaiba ngunit

napakamahulugang konsepto ng kwento na maaaring pumukaw sa lahat ng mga Pilipinong

mambabasa.

B. Tayutay na Ginamit

“Ning agik-ik ang kama”-

‘’Hapak sa balod’’-

“Kaliwat ni birheng Maria’’-

VII. Sariling Reaksyon

1. Mga Pansin at Puna sa:

A. Mga Tauhan:

Veron- isang kubang nagmahal kay Ado. Siya ay mabuti at

matulungin.Siya ang tumulong kay Ado na makapagtapis ng pag-aaral.


Ado- ang lalaking minahal ni Veron. Naging mayaman at

matagumpay na nakamit ang kanyang pangarap dahil kai Veron.

Jenny- asawa ni Ado

Ama ni Veron- pinilit niyang maging tunay na lalaki si Veron.

Ina ni Veron- namatay ng ipinanganak si Veron.

B. Panahon at Tagpuan:

Buda, isang bukid na kung saan isinilang si Veron. Panaga kung saan isinilang si

Ado. Kasunod nito ang Lungsod ng Davao, dito nanirahan si Veron noong siya ay lumisan sa

Buda at sa lugar ding ito ay nakilala niya si Ado.

C. Galaw ng Pangyayari:

Ang bawat galaw ng mga tauhan at pangyayari ay may pagkakapareho sa

mga nangyayari sa totoong buhay, ngunit masasabi ko ring kakaiba ang kwento

dahil may mga pangyayaring di inaakalang mangyayari sa kwento. Matuturing ang

kwentong ito bilang isang makabago dahil sa paggamit at pagtanggap ng ikatlong

kasarian.

VIII. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman

A. Kalagayang Sosyal ng mg Tauhan

Simpleng pamumuhay lamang ang mayroon sina Veron at Ado. Sa simpleng

buhay na iyon ay may isang pangarap ang natupad, may isang relasyon ang

nabuo. Pagkakaibigan ay nila’y naging matatag at napagpatuloy.

B. Kulturang Pilipino
Ang pagiging matulungin at pagkakaroon ng utang na loob ay isa sa mga

katangian ng mga Pilipino. Ito ay ipinakita sa kwento, si Veron matulungin sa

kabila ng kanyang kapansanan ay nagawa niyang mas tulungan si Ado kaysa sa

kanyang sarili. Utang na loob sa isang taong nagbigay ng tulong sa inyo. Sa

kwento ipinakita na hindi ikinakahiya ng Ado si Veron na siyang tumulong kay Ado

na makamit ang kanyang mga pangarap.

C. Pilosopiyang Pilipino

Ang pilosopiyang Pilipino na kapaloob sa kwento ay pagtanaw ng

utang na loob

sa taong mutulong sa iyo. Di ipinagkakait ang pagtulong sa kapwa. Tumulong

ng walang hininging anumang kapalit.

D. Simbolismong Pilipino

Ang kapansanan ni Veron ang naging simbolo sa kwento. Sa

karansan ni Veron,

ang pagiging buktot niya ay hindi naging hadlang sa pagtulong kay Ado. Ang

pagiging buktot nito rin ang nagsisilbing hadlang sa pagmamahal niya kay Ado. Dahil

ditto, hindi niya maamin-amin kay Ado na mahal niya ito.

IX. Pampanitikang Pagtalakay

A. Panlipunan

Sa mapanghusgang mundo, sa pisikal na aspeto ng tao tayo tumitingin.

Karamihan sa mga katulad ni Veron ang kadalasan hinuhusgahan at minamaliit


dahil sa pisikal na anyo nito. Ngunit kinakailangan kilalaning mabuti ang isang tao

bago ito husgahan at maliitin. Dahil sa panahon ngayon, kung sino pa ang mas

nangangailangan ng tulong ay siya pang tumutulong.

B. Pang Moral

Ang pagtulong sa kapwa ay wala sa pisikal na kaayuan at stado sa

buhay. Kusa

itong ibinibigay ng walang hinihiling na anumang kapalit sa tulong na iyong

inalay sa kapwa.

C. Pang Arketipo

Ang pagkatao ni Veron ay isang simbolo ng pagiging pagkadalisay ng

isang lalaking may pusong babae na minsang nang nagmahal. Mula sa

kanyang pagmamahal sa kapwa niya lalaki hanggang sa pagtulong niya sa

kapwa. Halos idiin niya ang kanyang sarili para siya’y makatulong.

D. Pang Sikolohikal at Sosyolohikal

X. Teoryang Pampanitikan

A. Teoryang Queer- layunin ng teoryang ito na iangat at pagpantayin ang pagtingin

sa lipunan sa mga homosexual, at ipakita ang laban ng mga ito sa lipunan. Sa kwento

ipinakita na sa kabila ng pagiging binabae ni Veron ay nakatulong it okay Ado.

B. Teoryang Moralistiko- layunin ng teoyang ito ang suriin, talakayin at bigyang

kahalaganahan ang moralidad at desiplina na nakapallob sa may akda. Ipinakita sa kwento

ang pagiging mabuti ni Veron at pagbibigay ng utang na loob ni Ado.

XI. IMPLIKASYON
A. Kalagayang Panlipunan o Pambansa- Sa panahon ngayon, humuhusga kaagad

ang karamihan kung ano ang kanilang nakikita. Sa panahon ngayon, kung sino paying

nangangailangan ng tulong ay siya pang nagbibigay ng tulong sa kapwa.

B. Kalagayang Pansarili- Ang pagtulong ay kusang loob na ginagawa at kusang

ibinibigay. Ngunit wag kalimutang tulungan ang sarili bago ang iba. Ang pagtanaw ng utang na

loob ay isang sinyales na tayo ay may magandang pag-uugali rin. Dahil iilan lamang ang

nagkakaroon nito lalong-lalo na sa kalagayan ng pangunahing tauhan sa kwento.

XI. Sanggunian
PAGSUSURING PAMPANITIKAN

I. Pamagat ng Katha: Geyluv

II. Kahulugan ng Pamagat:

Isang pagmamahalan ng dalawang magkaparehong kasarilan na ibig na

tinatago ang nararamdaman ngunit di nagtagal ay naipahayag nila ang kanilang

nararamdaman sa isa’t isa. Ang kwentong ito ay nag iwan ng isang tanong na ‘’Bakla ba si

Mike’’.

III. May Akda: Honorio Bartolome de Dios

IV. Tungkol sa May Akda:

Tubong Bulacan si Honorio Bartolome de Dios. Bata pa lamang siya ay napansin na niyang

may kakaiba sa kanyang pagkatao kung kaya't ito ang nag udyok sa kanya upang hanapin ang

kaniyang sarili at upang malaman kung ano ba talaga ang kanyang kasarian. Pumasok siya sa

seminaryo at doon nag-aral. Doon din niya sinimulan ang hakbang sa paghahanap ng kanyang

sarili. Marami siyang mga pinag daan makuha lamang ang mga impormasyong gusto niyang

malaman at mga sagot sa kanyang mga katanungan. Nais niyang malaman kung saan ba ang

lugar at kung ano ang ginagampanan ng mga baklang katulad niya sa ating lipunan. At dahil

doon, naging inspirasyon niya ang kanyang mga sagot sa kanyang mga nilikha na nagpapakita

ng mga kinakaharap ng katulad niyang mga bakla sa lipunang puno ng panghuhusga,

mapagsamantala, at walang pantay na pagtrato ng mga tao.


V. Buod:

Unang nakilala ni MIke si Benjie sa media party ng kumpanya nito. Pagkatapos ng

proyekto nila sa Zambales, sobrang naging malapit ang dalawa sa isa't isa. Mataray na uri ng

bakla si Benjie, dahil ayaw na niyang masaktan pang muli. Ito rin ang dahilan kung bakit takot

siyang makipagrelasyon. Sa panahong naging malapit si Mike kay Benjie, kakatapos lang

nilang maghiwalay ng gerlpren niyang si Carmi.Madalas magkasama sina Mike at Benjie.

MInsan sila ay nag-iinuman, nanonood ng sine o kaya ay simpleng kumakain lang sa labas.

Isang beses, habang nasa bar, sinabihan ni Benjie si Mike na mahal niya ito. Hindi sila halos

nag-usap buong gabi pagkatapos noon. Naisipan nilang pareho na tumira magkasama sa

apartment ni Benjie upang mas maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nila mangyari sa

relasyon.

VI. Pagsusuri

C. Istilo ng Paglalahad

Ang istilo ng paglalahad ng may-akda ay hinango ang panyayari sa totoong buhay.

Gumamit ang may-akda ng dalawang perspektibo upang mas lalong maintindihan ng

mambabasa ang damdamin ng dalawang pangunahing tauhan. Upang mas lalong

maramdaman ng mambabasa kung ano ang nararamdaman ng mga ito sa bawat pangyayari

sa kwento.

D. Tayutay na Ginamit

VII. Sariling Reaksyon


1. Mga Pansin at Puna sa:

A. Mga Tauhan:

Benjie- Isang baklang takot na uli magmahal at magtuwala dahil

minsan na itong nasaktan. Pansamantala niyang sinasaryan ang kanyang

puso sa mga lalaki gayun din sa mga babae. Isa rin siyang program officer sa

opisinang kanyang pinapasukan at inilalarawan siya sa kwento bilang isang

mataray na bakla.

Mike- Sumusulat ng mga artikulo. Aton sa kanya, hindi raw siya bakla.

Carmi- Pinakahuling nakarelasyon ni Mike. Gusto na nitong lumagay

sa tahimik ngunit tumutol si Mike sapagkat hindi pa siya sigurado o hindi pa

siya tiyak kung magpapakasal ba siya rito.

Joan- Kasamahan ni Benjie sa trabaho na may gusto kay Mike.

D. Panahon at Tagpuan:

Walang tiyak na mga tagpuan ang nasa kwento ngunit ibinanggit lamang rito ang mga

lugar na kanilang pinuntahan gaya na lamang ng bar, Mt. Pinatubo, Pampanga at Zambales.

E. Galaw ng Pangyayari:

Ang bawat galaw ng mga tauhan at pangyayari ay may pagkakapareho sa

mga nangyayari sa totoong buhay, ngunit masasabi ko ring kakaiba ang kwento

dahil may mga pangyayaring di inaakalang mangyayari sa kwento. Matuturing ang

kwentong ito bilang isang makabago dahil sa paggamit at pagtanggap ng ikatlong

kasarian.
VIII. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman

A. Kalagayang Sosyal ng mg Tauhan

Simpleng pamumuhay lamang ang mayroon sina Veron at Ado. Sa simpleng

buhay na iyon ay may isang pangarap ang natupad, may isang relasyon ang

nabuo. Pagkakaibigan ay nila’y naging matatag at napagpatuloy.

B. Kulturang Pilipino

Ang pagiging matulungin at pagkakaroon ng utang na loob ay isa sa mga

katangian ng mga Pilipino. Ito ay ipinakita sa kwento, si Veron matulungin sa

kabila ng kanyang kapansanan ay nagawa niyang mas tulungan si Ado kaysa sa

kanyang sarili. Utang na loob sa isang taong nagbigay ng tulong sa inyo. Sa

kwento ipinakita na hindi ikinakahiya ng Ado si Veron na siyang tumulong kay Ado

na makamit ang kanyang mga pangarap.

C. Pilosopiyang Pilipino

Ang pilosopiyang Pilipino na kapaloob sa kwento ay pagtanaw ng

utang na loob sa

taong mutulong sa iyo. Di ipinagkakait ang pagtulong sa kapwa.

Tumulong ng walang hininging anumang kapalit.

D. Simbolismong Pilipino

Ang kapansanan ni Veron ang naging simbolo sa kwento. Sa

karansan ni Veron,

ang pagiging buktot niya ay hindi naging hadlang sa pagtulong kay Ado. Ang

pagiging buktot nito rin ang nagsisilbing hadlang sa pagmamahal niya kay Ado. Dahil

ditto, hindi niya maamin-amin kay Ado na mahal niya ito.


IX. Pampanitikang Pagtalakay

A. Panlipunan

Sa mapanghusgang mundo, sa pisikal na aspeto ng tao tayo tumitingin.

Karamihan sa mga katulad ni Veron ang kadalasan hinuhusgahan at minamaliit

dahil sa pisikal na anyo nito. Ngunit kinakailangan kilalaning mabuti ang isang tao

bago ito husgahan at maliitin. Dahil sa panahon ngayon, kung sino pa ang mas

nangangailangan ng tulong ay siya pang tumutulong.

B. Pang Moral

Ang pagtulong sa kapwa ay wala sa pisikal na kaayuan at stado sa

buhay. Kusa

itong ibinibigay ng walang hinihiling na anumang kapalit sa tulong na iyong

inalay sa kapwa.

C. Pang Arketipo

Ang pagkatao ni Veron ay isang simbolo ng pagiging pagkadalisay ng

isang lalaking may pusong babae na minsang nang nagmahal. Mula sa

kanyang pagmamahal sa kapwa niya lalaki hanggang sa pagtulong niya sa

kapwa. Halos idiin niya ang kanyang sarili para siya’y makatulong.

D. Pang Sikolohikal at Sosyolohikal

X. Teoryang Pampanitikan
A. Teoryang Queer- layunin ng teoryang ito na iangat at pagpantayin ang pagtingin

sa lipunan sa mga homosexual, at ipakita ang laban ng mga ito sa lipunan. Sa kwento

ipinakita na sa kabila ng pagiging binabae ni Veron ay nakatulong it okay Ado.

B. Teoryang Moralistiko- layunin ng teoyang ito ang suriin, talakayin at bigyang

kahalaganahan ang moralidad at desiplina na nakapallob sa may akda. Ipinakita sa kwento

ang pagiging mabuti ni Veron at pagbibigay ng utang na loob ni Ado.

XI. IMPLIKASYON

A. Kalagayang Panlipunan o Pambansa- Sa panahon ngayon, humuhusga kaagad

ang karamihan kung ano ang kanilang nakikita. Sa panahon ngayon, kung sino paying

nangangailangan ng tulong ay siya pang nagbibigay ng tulong sa kapwa.

B. Kalagayang Pansarili- Ang pagtulong ay kusang loob na ginagawa at kusang

ibinibigay. Ngunit wag kalimutang tulungan ang sarili bago ang iba. Ang pagtanaw ng utang na

loob ay isang sinyales na tayo ay may magandang pag-uugali rin. Dahil iilan lamang ang

nagkakaroon nito lalong-lalo na sa kalagayan ng pangunahing tauhan sa kwento.

XI. Sanggunian

You might also like