You are on page 1of 1

MIGRASYON: Konsepto at Konteksto

MIGRASYON- tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong political patungo sa iba pa
maging ito man ay pansamantala o permanente.

MGA DAHILAN NG MIGRASYON


 Hanapbuhay na makapgbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay.
 Paghahanap ng ligtas na tirahan
 Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa
 Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado

URI NG MIGRASYON
1. Panloob na migrasyon(Internal Migration)- ay ang migrasyon sa loob lamang ng isang bansa.
Pilipinas – isa sa mga bansa sa daigdig na may pinakamataas na antas ng paglago ng mga lungsod kung saan 60% ay
naninirahan sa mga lungsod. Sa ngayon mayroon nang nahigit 200 lungsod sa bansa at inaasahang lalago pa sa 600
pagsapit ng taong 2020 dahil sa migrasyon.
Ang pinakamabilis na paglago ay nasal abas ng Metro Manila gaya ng Dasmariñas, Cavite, Santa Rosa, Laguna na
nakaranas ng mabilis na paglagong umabot sa 10% kamakailan.
Ang Metro Manila ay mayroong mahigit 12 milyong mamamayan at bumubuo ng 36% ng kabuuang populasyon sa
kalungsuran
10% ng populasyon ng siyudad ay naninirahan sa kasunod n apat na pinakamalalaking metropolitan regions sa Davao
City, Metro Cebu, Metro Angeles at Zamboanga City.

2. Panlabas na migrasyon(External Migration) – ang tawag kapag lumipat na ang mga tao sa ibang bansa upang doon
na manirahan o mamalgi nang matagal na panahon.
 Migrante – tawag sa mga taong lumilipat ng lugar
Uri ng Migrante
a. pansamantala (migrant)
b. pampermanente (immigrant)

Flow – tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon
kadaklasan ay kada taon.
Net Migration – ang kabuung bilang kapag naibawas ang bilang ng umalis sa bilang pumasok.
Stock – ay tumutukoy sa bilang ng nandyuhan na naninirhan o nananatili sa bansang nilipatan

Sipi ng ulat mula sa United Nations tungkol sa migrasyon ng mga tao.


 Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ng populasyon sa
buong mundo
 Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay
 Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90 porsiyento ay mga mangagawa
kasama ang kanilang mga pamilya.
 Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalking bulang ng mga imigrante na lumalabas ng kanilang
bansa.
 Tinatayang isa saw along imigrante ay nasa edad 15-24

You might also like