You are on page 1of 1

Sa kasalukuyang panahon, kung saan laganap na ang teknolohiya kagaya ng social media,

pagtetext at iba pa gamit ang mga gadgets, di natin maikakailang karamihan sa ating mga Pilipino ay
naiimpluwensyahan na mula sa mga ito at tayo’y pilit ring umaangkop at nakikisabay sa mga
pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran lalong lalo na pagdating sa wika. Dahil dito, iilan na lamang
sa mga kahalagahan ng wika ang nananatili parin sa kasalukuyan. Halimbawa nito ay ang pagpapalaganap
ng kaalaman. Ayon sa isinagawang eksperimento ng GMA News, kung saan sinubukan nilang alamin
mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mga matatanda ang kahulugan ng mga lumang salita kagaya ng
alimpuyok, papagayo at salakat, wala sa mga modernong kabataan ang nakakuha ng tamang sagot o
kahulugan ng mga salitang ito subalit may isang matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon sa
ulat na ito, masasabi nating mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ng kaalaman
tungkol sa wika mula sa ating kasaysayan. Halimbawa nalang nito ay ang mga nobela ni Rizal kung saan
mga lumang salita ang mga ginagamit dito. Isa rin sa mga nagpapatunay ng pag-usbong ng ating wika ay
ang paglaganap din ng mga iba’t ibang salitang nalilikha sa modernong panahon kagaya ng “jejemon”,
“gay language” at mga salitang may halong Ingles. Halimbawa ng mga ito ay “echusera”, “eow pows”,
“aketch” (ako) at iba pa. Masasabi natin na ang wika sa kasalukuyan ay hindi nakakatulong tungo sa
maayos na komunikasyon. Halimbawa nalang ay kung tayo’y nakikipag usap sa mga nakakatanda gamit
ang mga salitang ito, maaaring hindi tayo lubos na naiintindihan nila dahil ang mga salitang ito’y lingid
sa kanilang kaalaman. Masasabing mas nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang mga Pilipinong naaayon
sa modernong panahon at kasabay rin dito ang pag unlad na rin ng ating wika at mula dito maaaring
maging isang instrumento parin ng komunikasyon at nagpapalaganap ng kaalaman and wikang pang
moderno. At hindi rin naman natin masasabing hindi na talaga nananatili sa kasalukuyan ang mga
kahalagahan ng wika dahil ang mga ito’y patuloy pa rin na ipinagtuturo sa iba’t ibang mga paaralan ng
ating bansa sa asignaturang Filipino.

Bilang isang parte ng makabagong henerasyon, para sa akin, hindi naman masamang makisabay
sa mga modernong uso at pakikibagay sa mga pagbabago sa ating wika ngunit mas makabuluhan kung
lilinangin ko muna ang sariling atin. Hindi ko din maikakailang ako’y naiimpluwensiyahan parin sa
modernong wika ngunit ang tanging magagawa ko lamang ay ang mas bigyan ng pansin ang
pagpapanatili ng nakasanayang wika dahil ito lamang ang tunay na nagbibigay ng identidad sa ating mga
Pilipino. At dahil sa parang naging isang natural na na proseso ang pagbabago ng ating wika sa
modernong panahon, kahit ilang taon ang magdaan, pananatilihin ko pa ring pagyamanin ang aking
kaalaman tungkol sa ating wikang Filipino.

You might also like