You are on page 1of 6

Grade 5 Paaralan Malanday Elementary School Baitang/Antas Ikalima - Bihasa

Daily Lesson Log Guro Merly F. Antonio Asignatura Filipino

(Pang-araw-araw na Pagtuturo) Petsa/ oras Agosto 26-30 Markahan Ikalawang Markahan

2ndQ– Ikatlong Linggo LUNES/August 26 MARTES/August 27 MIYERKULES/August 28 HUWEBES/August 29 BIYERNES/August 30


I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring Naipamamalas ang Naipapamalas ang Napauunlad ang ksanayan sa
A. Pamantayang pagbasa sa iba’t ibang uri ng kakayahan sa mapanuring kakayahan sa mapanuring pagsulat ng iba’t ibang uri ng
Pangnilalaman teksto at napapalawak ang pakikinig at pagunawa sa panonood sa iba’t ibang uri ng sulatin
talasalitaan napakinggan media
Naisasakilos ang katangian ng Naisasakilos ang maaaring Nakasusulat ng tula batay sa Nakasusulat ng talatang
mga tauhan sa kuwentong mangyari sa napakinggang pinanood naglalarawan ng isang tao o
B. Pamantayan sa binasa; nakapagsasadula ng kuwento at naibibigay ang bagay sa paligid, at ng
maaaring maging wakas ng tamang pagkakasunodsunod talatang nagsasalaysay ng
Pagganap kuwentong binasa at ang mga hakbang sa sariling karanasan
nakapagsasagawa ng pagsasagawa ng isang
charades ng mga tauhan proseso
Naibibigay ang kahulugan ng Napagsusunodsunod ang Naisasalaysay na muli ang Nakasusulat ng talambuhay
salita pamilyar at di-pamilyar mga pangyayari sa teksto o napakinggang teksto sa tulong (F5PU-IIc-2.5)
C. Mga Kasanayan sa na mga salita sa pamamagitan talambuhay na napakinggan ng mga pangungusap (F5PS- Naipagmamalaki ang sariling
Pagkatuto (Isulat ang ng pormal na depinisyon (F5PN-IIc-8.2) IIhc-6.2) wika sa pamamagitan ng
code ng bawat (F5PT-IIc-1.10) Naipapakita ang pag-unawa paggamit nito (F5PL-Oa-j-1)
kasanayan) Nasasabi ang sanhi at bunga sa pinanood sa pamamagitan
ng mga pangyayari (F5PB-IIc- ng kilos o galaw
6.1)
Pagsalaysay na muli sa

II. NILALAMAN
NATIONAL “Liwanag sa Dilim: Ang
Kuwento ni Roselle Talambuhay
napakinggang teksto
Pagpapakita ng pag-unawa Pagsulat ng Talambuhay
HEROES DAY Ambubuyog”
sa napanood sa
pamamagitan ng kilos o
galaw
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Alab Fil. Manwal ng Guro pp. Alab Fil. Manwal ng Guro pp. Alab Fil. Manwal ng Guro pp. Alab Fil. Manwal ng Guro pp
Guro 65-66 66-67 67-68 .68 -69
Alab Fil. Batayang Akkat pp. Alab Fil. Batayang Akkat pp. Alab Fil. Batayang Akkat pp. Alab Fil. Batayang Akkat pp.
2. Mga pahina sa Gabay ng 74-75 Yunit II Aralin 3 Matatag 76 Yunit II Aralin 3 Matatag 76-77 Yunit II Aralin 3 77 Yunit II Aralin 3 Matatag
Pang-mag-aaral na Pamilya, Lakas ng Bawat Isa na Pamilya, Lakas ng Bawat Matatag na Pamilya, Lakas ng na Pamilya, Lakas ng Bawat
Isa Bawat Isa Isa
3. Mga pahina Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Powerpoint, aklat Powerpoint, aklat Powerpoint, aklat
Pangturo
IV. PAMAMARAAN
Itanong: Sabihin kung ang mga salitan Ano nang Talambuhay? Magkaroon ng maikling
Alin sa limang pandama ang may salungguhit ay SANHI o Ano ang mahahalagang talakayan tungkol sa
A. Balik –Aral sa nakaraang pinakamahalaga sa inyo? BUNGA nakapaloob dito? talambuhay
aralin at/o pagsisimula Paano kaya kung mawala ang 1.Umiyak si Anna dahil
iyong paningin o pandinig? napagalitan sya ng kanyang
ng bagong aralin nanay.
2. Biglang tumawid ang bata
kaya siya ay nasagasaan.
Masasabi mo ba na ang Ano ang aral na napulot mo Tumawag ng isang bata para Ipakita ang larawan ni
kapansanan ay hindi hadlang sa talambuhay ni Roselle? isalaysay na muli ang kwento Apolinario Mabini.
sa tagumpay? Pangatuwiran ni Roselle
B. Paghahabi ng layunin ng ang sagot
aralin

C. Pag-uugnay ng mga Ipabasa ng tahimik ang teksto Ano ang Talambuhay? anong Magpanoon ng isang maikling Basahin ang talambuhay ni
“Liwanag sa Dilim: Ang mga impormasyon ang kwento Apolinario Mabini.
halimbawa sa bagong
Kuwento ni Roselle napapaloob ditto?
aralin Ambubuyog”
*Ano ang natutuhan mo sa Ipabasa ang”PAG-ARALAN Pangkatang Gawain Ano-ano ang mahalagang
buhay ni Roselle Ambubuyog? NATIN’ ph 76 Bumuo ng maikling dula- naiambag ni Apolinario
D. Pagtalakay ng bagong *Ano bang mga salita sa dulaan tungkol sa napanood Mabini niya sa bansa sa
tekstong inyong binasa ang na kwento sa pamamagitan ng kabila ng kanyang
konsepto at paglalahad
pamilyar sa inyo? Hindi kilos o galaw. kapansanan?
ng bagong kasanayan # 1 pamilyar? Talakayin ang
kahulugan ng mga salitang
binanggit ng mga bata
Ipagawa ang Talasalitaan sa Magkaroon ng talakayan Pagtatanghal ng bawat Mula sa nabasang talambuhay
Batayang Aklat sa pahina 75. tungkol ditto. pangkat ni Apolinario Mabini, punan
Ibigay ang kahulugan ng mga ang mga sumusunod na
salitang pamilyar at di- impormasyon:
E. Pagtalakay ng bagong pamilyar. Maaaring gamitin Pangalan:
konsepto at paglalahad ang diksyunaryo Kapanganakan:
ng bagong kasanayan # 2 Pamilya:
Edukasyon:
Trabaho:
Mga Hamon at Tagumpay sa
Buhay:
Talakayan: Pangkatang Gawain Paklinggan ang kwentong Ipagawa ang PAGNILAYAN
Ano ang sanhi/dahilan ng Ang bawat pangkat ay babasahin ng guro. NATIN
pagkabulag ni Roselle? bigyan nang sapat na oras Pagkatapos isalaysay na muli Gawin ito sa iyong
Ano ang naging bunga o para sa isang maikling dula- ito kuwaderno.
resulta nito sa buhay ni Roselle? dulaan tungkol sa buhay ni “Bakit Itim ang Kulay ng
*Pagtalakay sa pag- Roselle Uwak”
uugnayang SANHI at BUNGA
Pagsasanay:
Ibigay ang maaaring sanhi o
F. Paglinang sa kabihasnan bunga ng sumusunod na
(Tungo sa Formative pahayag:
Assessment) 1. bumaha sa lungsod ng
Marikina
2. naging maagap ang
pamahalaan sa pagtulong sa
mga residente
3. maraming bata ang hindi
nakapasok sa paaralan
4. nagkagulo ang mga tao
5. hindi lumikas ang pamila ni
Jonny
Paano tayo natutulungan ng Anong mga impormasyon ang Anong aral ang napulot ninyo Kung ikaw ang isa sa may
ating pamilya upang maging matatagpuan sa isang sa kwento? kapansanan katulad ni Roselle
G. Paglalapat ng aralin sa matatag? talambuhay? Pano mo maisasalaysay na Ambubuyog at Apolinario
pang-araw araw na muli ang Kwento? Mabini, magagawa mo rin
buhay kaya ang tulad sa kanilang
ginawa? Ipaliwanag ang
sagot.
Tandaan: Tandaan: Tandaan: Ano ang maitutulong ng
*Ang sanhi ay tumutukoy sa Ang talambuhay ay salaysay Sa pagsasalaysay na muli sa pagbasa ng mga talambuhay
dahilan ng pagkalaganap ng ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan, alamin sa atin?
pangyayari o kilos. buhay ng isang tao, mula sa ang mga mahahalagang
Ginagamitan ito ng mga kaniyang kapanganakan detalye tulad ng tauhan,
panandang salita gaya ng hanggang sa kasalukuyan, o tagpuan at ang Ano ang iyong gagawin
H. Paglalahat ng aralin dahil, sa, kasi, at sanhi ng. kanggang sa kaniyang pagkakasunod-sunod na mga upang magtagumpay sa
*Ang bunga ay tumutukoy sa kamatayan. Inilalahad sa pangyayari. buhay?
nagging resulta o kinahinatnan talambuhay kung paano
ng pangyayari o kilos. napagtagumpayan ang
Ginagamitan ito ng panandang hamon sa buhay.
salita gaya ng kaya, kaya’t at
bunga ng.
Sagutin ang Gawain ph 75 Ipasagot ang PAGSIKAPAN Panuto : Makinig nang mabuti sa Ipagawa sa mga mag-aaral
NATIN ph 76 kuwentong babasahin ko. Isalaysay ang PAG-ALABIN NATIN sa
muli ang teksto sa tulong ng mga
pangungusap na nasa ibabang pahina 77.
bahagi ng kuwento. ( Iasemble ang
mga pangungusap sa kuwento.
Lagyan ng bilang 1-5)
Araw ng Sabado. Sinundo si Jose na
noo’y nag-aaral ng Elementarya sa
Biñan sa kanyang tiyuhin. Sila’y
sumakay sa Bangka pauwi sa
Calamba. Habang naglalayag,
nakatuwaan ni Jose na maglaro. Di
niya akalaing nalaglag ang kabiyak
ng kanyang sapin sa paa. Pilit niya
itong inabot subalit nawalan ng
saysay ang kanyang pagsisikap.
Anong laking gulat ng tiyuhin niya ng
ihagis ni Jose ang naiwang tsinelas sa
lugar na kinahulugan ng kabiyak na
I. Pagtataya ng aralin iyon. At nang siya’y usisain , ito ang
kanyang pahayag, “kung mapupulot
ang pares ng tsinelas, iyon po ay
mapakinabangan.”
________ kung mapupulot ang pares
ng tsinelas, iyon po ay
mapakinabangan.”
_______ Araw ng Sabado. Sinundo
si Jose na noo’y nag-aaral ng
Elementarya sa Biñan sa kanyang
tiyuhin.
_______ Pilit niya itong inabot
subalit nawalan ng saysay ang
kanyang pagsisikap.
_______ Anong laking gulat ng tiyuhin
niya ng ihagis ni Jose ang naiwang
tsinelas sa lugar na kinahulugan ng
kabiyak na iyon
_______ Di niya akalaing nalaglag
ang kabiyak ng kanyang sapin sa
paa.
J. Karagdagan Gawain para
sa takdang aralin at
remediation

V.MGA TALA

VI. PAGNINILAY
Bakit Itim ang Kulay ng Uwak? -Day 3

Noong unang panahon, pinarusahan ng Bathala ang mundo. Ginunaw Niya ito sa pamamagitan ng napakalaking baha. Walang nalabing buhay
maliban kay Noah at sa mga kasama niya sa malaking arko. Ang arkong ito ang ipinagawa ng Bathala bago pa man maganap ang pagbaha.
Kasama ni Noah sa kanyang arko ang dalawang ibon, ang uwak at ang kalapati. Ang mga ibong ito ay parehong kulay puti. Kapwa rin sila may
magandang tinig.
Nang humupa ang baha, inutusan ni Noah ang uwak.
“Lumabas ka ng arko at alamin kung maaari na tayong bumaba sa lupa.”
Agad na tumalima ang uwak sa utos ni Noah. Labis siyang nagimbal sa nakita niya. Nagkalat ang mga bangkay ng tao at mga hayop. Bumaba siya
sa isang patay na kabayo. Dahil marahil sa pagod ay nagutom ang uwak. Kumagat siya sa katawan ng patay na kabayo at sa iba pang patay na
hayop.
Nainip si Noah sa tagal ng uwak. Inutusan niya ang kalapati.
“Humayo ka sa labas ng arko upang tupdin ang dalawang utos ko sa iyo. Una, tingnan mo kung ano na ang nangyari sa uwak at ikalawa, alamin
mo rin kung maaari na tayong bumaba sa lupa.”
At umalis na ang kalapati. Tulad ng uwak, nalungkot siya sa mga nakahambalang nabangkay sa lupa. Napag-alaman din niyang ligtas nang bumaba
sa lupa. Pabalik na sana siya sa arko nang may mapansin siyang gumagalaw sa ibaba. Lumapit siya ng kaunti. Kitang-kita niya ang uwak na patuloy
parin sa pagkagat sa mga bangkay ng hayop.
Dali-daling nagbalik ang kalapati sa arko. Ibinalita niya kay Noah ang nasaksihan. Natuwa si Noah sa katapatan ng kalapati subalit nagalit siya sa
inasal ng uwak.
Ang sabi ni Noah:
“Dahil sa iyong katapatan, kalapati, ikaw ay magiging simholo ng kalinisan, katapatan at kapayapaan at ang uwak naman ay magiging kulay itim.
Papangit ang kanyang tinig at kaiinisan siya ng mga tao at ibang hayop. Ang kanyang tinig ay mapapaos.”
Magmula nga noon ang uwak ay naginging itim. Pumangit siya, ang kanyang tinig ay naging paos. At ang tanging salitang lumalabas sa kanyang
bibig ay “Uwak, uwak, uwak.”

Aral:
Gawin sa lalong madaling panahon ang pinag-uutos sa iyo. Mag-pokus at tapusin kaagad ang iyong nakatakdang gawain.
Kapuri-puri ang taong masunurin at gumagawa ng tama.
Talambuhay ni Apolinario Mabini -Day5

Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang dakilang paralitiko at utak ng rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini
at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.

EDUKASYON
Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya
ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang
Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.

BUHAY
Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.
Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga
gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital
ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.
Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang
pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.
Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa
isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng
Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la Republica Filipina,
isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El
Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.
Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano
sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa
Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay
nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La
Revolucion Filipina.
Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.

You might also like