You are on page 1of 2

BUNGANGANG BUBUYOG! MAKATING DILA…TSISMISAN NA!

“Oy, Mare, alam mo ba na buntis iyang anak ni Toyang?”

“TALAGA, Mare? Oy, sino ang nakabuntis? Di ba nag-aaral ‘yan?”

“Ay naku, Mare, tinakbuhan ng lalaki!”

Minsan akong napalingon, sa umpukan ng aming kapitbahay. Umagang-umaga, ang agang


nakasagap ng balita! Wala pang mga hilamos sa mukha, dakdak na sa tsimis ang inatupag! Ito naman
kasing tainga ko, parang satellite, kay daling makasagap ng mga mahinang bulong sa mga
kapitbahay na istasyon.

“Oy Mare, alam mo ba na iyang si Roberto, iyong mister ni maricar, ay naku! May kerida daw sa
Saudi!”

“Talaga, Mare?? Paano nalaman ni Maricar?”

Biglang napahinto ang dalawang nagbubulunggan nang dumaan ang kinauukulan! Biglang nag-iba
ang ihip hangin at kay lapad at tamis ng mga ngiti, ang ginawang pagbati!

Isang hapon, sa harap ng bahay sa hagdang kayawan ay nakaupo ang tatlong reyna ng the BUZZ at
STAR TALK sa lugar namin habang panay pagtatanggal ng KUTO sa buhok ng bida, hindi mapigil
ang kating dila para ikuwento sa mga kaibigan n’yang bubuyog din ang bunganga ang bago nilang
nasagap na balita:

“Naku! Alam n’yo ba na mag-ON daw iyang si Dencio at Basyang?

“TALAGA? Di ba ikakasal na iyang babae sa itik na nadagit niya?”

“Ay naku! May nakakita daw na pumasok sa hotel ang mga iyan! Alangan namang marorosaryo sila doon?”

Dahil, sa putak ng putak ng mga bubuyog nakarating sa kinauukulan ang panirang-puri na tsimis!
Kaya SUMMON sa PUROK, KAPITAN, at MAYOR ang natanggap ng mga taong walang magawa sa
buhay kundi ang makialam sa buhay ng may buhay. Sa ginawang paghaharap? Tulakan at walang
aminan kung sino ang nagsabi sa panirang danggal:

“NAKU! MAYOR, WALA AKONG ALAM SA SINABI N’YA AT WALA AKONG SINABING GANYAN!”

Ito ang madalas na linya pag komprotasyon ay nagsimula! Kanya-kanyang ilag sa mga ibinato at
binitiwang salita. Hugas-kamay, ika nga! Takot, baka pagbayarin ng danyos kapag napatunayan na
talagang may sala, si Kapitbahay sa kanyang kapitbahay! Kaya huling salita SORRY PRESIDENT,
KAPITAN, MAYOR!

Akala mo magbago na dahil humarap na sa mga baryo at munisipyo! Kaso, pagkaraan ng ilang
minuto? Bumula na naman ang bunganga sa pagkuwento sa nangyari sa paghaharap sa summon na
natanggap.

“BAKIT UROY AKO AAMIN?”


Linya ng tsimosa na hiindi mapigil ang bunganga! Bakit nga ba may mga taong ganito? Ito ay sakit ba
talaga na di kayang gamutin? O Isang talento na taglay nila, ang maging isang TSISMOSA?

Buhay nga naman! Bakit di na lang magwalis sa kanilang bakuran? At makita nila ang duming kumalat
sa sarili nilang tahanan! Ika ng, hindi kumpleto ang buhay ng isang mahalimuyak na bulaklak kung
walang bubuyog na umaaligid -aligid para kunin ang tamis ng katas ng petal na iyan! Kaya kung ikaw
ang bida sa kuwento ng mga kontribida na mga Tsismosa? Tatagan ang loob sa mga kontrobersya
na ibabato sa iyo!

Sana ay hindi matulad sa aming kapitbahay, na binaril sa bunganga dahil sa galit ng taong
kanyangitsinismis; hindi kasi makontrol ang bunganga at kati ng dila kaya buhay ang kapalit ng isang
tsismisan na iyan! Hay buhay nga naman! Kaya sa mahilig sa mga bulung-bulungan, ingat lang po,
baka sa pairap-irap at psstt at hoy mo kay kapitbahay at kaibigan, baka buhay mo ay malagay sa
peligro! Dahil sa tsismisan ng buhay mo.

Itikom ang bibig! Tumiingin ka na lang! ^_^

You might also like