You are on page 1of 1

Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa kalabaw.

Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, “hindi ang isang tulad mo ang nais kong
kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko. Hindi tulad mong lampa na’t maliit ay sobra pa
ang kupad kumilos.”Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. “Sobra kang mapang-api.
Minamaliit mo ang aking kakayahan. Dapat mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.”

Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang sinasabi.
Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw.

“Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon.”

“Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?” Pakutyang sambit ng kalabaw.

You might also like