You are on page 1of 3

ANG MASIPAG AT ANG INGGIT

Ang Masipag At Ang Inggit

MAHIRAP si Kamanla subalit masipag kaya lagi siyang abala (ocupado, busy). At lagi nang pinupuri ang
sarili - kapag nagsasalita, isinisingit niya sa ika-3 o ika-4 kataga ang “la,” ang huling pantig (silaba, syllable)
ng kanyang pangalan at - mas mahalaga - kataga ng pagpuri at pang-pasigla. Minsan, gumawa siya ng
isang bangka na pina-ganda niya at, pagkatapos, kinausap niya nang kinausap:

“Bangka kong maayo, la, lumaot ka na, la, humanap ka ng maayong dalaga, la, para maging asawa ko, la,
at nang lumigawa ako, la!”

Paulit-ulit niyang sinabi ito hanggang, kagila-gilalas! Nagsimulang lumayag ang bangka nang nag-iisa,
walang sakay na tao kahit isa. Walang tigil na naglakbay ang bangka hanggang narating ang isang
malaking nayon ( pueblo, town). Tumigil ang bangka sa pampang ng isang ilog (rio, river) na madalas
pasyalan ng mga anak na dalaga ng mga mayayamang tagaruon. Gawi ng mga dalaga na sumakay sa alin
mang bangka na nakahimpil duon upang tumawid ng ilog, at bumalik din sa ganuong paraan pagkatapos.

Isang pangkat ng mga dalaga ang nagdaan at humanga sa ganda ng bangka ni Kamanla. Naisipan nilang
mamangka sa ilog at magliwaliw. Ang pinaka-bata, at pinaka-magandang dalaga, ang unang sumakay sa
bangka. Nang maramdaman ng bangka na may sakay na, umandar ito agad at lumayo, bago nakasakay
ang iba pang dalaga.

Nang natanaw ni Kamanla ang pabalik na bangka, nagtatalon siya sa tuwa. “Bangka kong maayo, la,
parating na, la, dala ang magandang dalaga, la, para maging aking asawa, la!”

Pagdaong ng bangka, agad tinulungan ni Kamanla at pinahinanon ang takot na takot na dalaga. Hindi
nagtagal, sila ay kinasal. Maligayang maligaya sila, lalo na si Kamanla hanggang dumating ang isang araw,
wala silang pagkain. Dahil masipag, naisip ni Kamanla na gumawa ng taon upang makahuli siya ng isda.
Pagkatapo niyang gawin ito, kinausap din niya nang kinausap: “Taon kong maayo, la, pumalaot ka na, la,
pumasok ka sa ilog, la, at ihuli mo kami ng isda, la!”
Sa wakas, umaandar nang nag-iisa ang taon at nanghuli ng isda sa ilog. Punung-puno ng isda ang taon
nang bumalik kay Kamanla, na tuwang-tuwa. Hanga kay Kamanla lahat ng nakarinig sa nangyari, lalo na
ang kaibigan niyang si Parotpot na inggit na inggit.

“Maligayang maligaya ka, kaibigan!” sabi ni Parotpot kay Kamanla. “Naiinggit tuloy ako sa iyo!”

“Oo, Parotpot, maganda ang kapalaran ko!” sagot ni Kamanla. “Mayruon akong bangkang maayo na
nauutusan ko kahit saan, at mayruon din akong taon na nanghuhuli ng isda araw-araw!”

Malungkot si Parotpot. Sa inggit niya, pinasiya niyang gayahin si Kamanla. Gumawa rin siya ng bangka at
pagkatapos, kinausap din niya: “Bangka ko, pot, humayo ka, pot, humanap ka ng asawa ko, pot, na mas
maganda, pot, kaysa asawa ng kaibigan ko, pot!”

Lumayag nang nag-iisa ang bangka at tumigil sa isang malaking ilog. Hindi nagtagal, dumating ang isang
pangkat ng mga lalaki, bitbit ang bangkay (cadaver, corpse) ng kanilang lola na ililibing nila sa kabilang
panig ng ilog. Nakita nila ang bangka na walang sakay, kaya isinampa nila duon ang bangkay. Nang
naramdaman ng bangka na may sumakay, nagsimula itong umandar at naiwan ang mga lalaking nagdala
ng bangkay.

Naghihintay si Parotpot at napasigaw nang nakitang papalapit ang bangka:

“Aking bangka, pot, ay pauwi na, pot, dala-dala ang magandang dalaga, pot, para maging asawa ko, pot!”

Sawimpalad! Bangkay ng lola, hindi magandang dalaga, ang dala ng bangka. Sa galit ni Parotpot,
sinunggaban niya ang kanyang bolo at pinagtataga ang bangka. Hindi siya tumigil hanggang ang bangka
ay pira-pirasong kahoy na lamang. Samantala, nahulog sa tubig at tinangay ng agos ang bangkay ng lola.

Sunod sinubok ni Parotpot na gumawa ng taon upang makahuli ng maraming isda, tulad ng gawa ni
Kamanla. Pagkayari sa taon, inutusan ito ni Parotpot: “Taon ko, pot, pumunta ka na sa ilog, pot, humuli
ka ng maraming isda, pot, para makain ko, pot!”
Umandar ang taon at tumatag sa ilog. Sa malas, araw ng Linggo nuon, at gaya ng gawi ng mga taga-nayon
tuwing Linggo, nagkakatay sila ng mga vaca. Gawi nila na itapon sa ilog lahat ng pinagtabasan ng mga
kinatay, at itong mga patapon ang “nahuli” ng taon ni Parotpot. Nang napuno ang taon, umandar ito uli
at nagtungo pabalik kay Parotpot.

Samantala, habang naghihintay, nagsaing ng maraming kanin si Parotpot, at hinugasan lahat ng kanyang
mga pinggan (platos, dishes). Inanyayahan niya lahat ng kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay na
dumalo at sumalo sa kanyang malaking piging (cena, feast) ng mga isda na iuuwi ng kanyang taon. Kaya
maraming tao ang naghihintay nang sumigaw si Parotpot:

“Ang taon ko, pot, ay dumarating na, pot, dala-dala ang maraming isda, pot, para sa handa ko, pot!”

Pagsapit ng taon, nakita ng mga tao ang laman nito, mga patapon ng mga kinatay na vaca. Pinagtawanan
nila si Parotpot bago nag-alisan, at naiwang nag-iisa si Parotpot. Nuong huli, hinatak niya ang taon at
sinunog, ibinulong na lamang sa sarili, “Hindi ako liligaya tulad ng kaibigan kong Kamanla!

You might also like