You are on page 1of 6

Pagsusuri sa Sampaguitang Walang Bango

I.
A. Pamagat

 Sampaguitang Walang Bango

B. May-akda

 Inigo Ed Regalado

C. Sanggunian

 Regalado, Iñigo Ed., "Sampagitang Walang Bango" Quezon City: Ateneo de


Manila University Press, 2001.
II. Buod

Noong 17, 1917, araw ng Sabado, sa palasyo ng Malacanang ay nagkaroon ng isang


malaking pagdiriwang bilang pagtanggap sa bumubuo ng lehislatura. Ito ay
dinaluhan ng mga panauhin mula sa matataas na antas ng lipunan. Kabilang sa
mga panauhing pinakatampok sa kagandahan sa gabing iyon si Nenita. Kasama
niya ang kanyang asawa na isang mayaman attanyag na mangangalakal, si Mang
Bandino. Habang siya’y tahimik, nagpatuloy sa pag-aaliw angkanyang kabiyak na
tuwang-tuwa sa pakikipagsayaw sa iba’t ibang babae. Niyaya siya niPakitong
sumayaw at ito’y kaniyang pinaunlakan. Si Pakito ay ang binatang abogado na
datingkasintahan ni Nenita na magpahanggang ngayon ay taos-puso pa ring
umiibig sa kanya. Dahil sakapaguran sa pagsasayaw, nagpasya ang dalawa na
magpahinga nang sila ay makapag-usap. Sakanilang salitaan, may mga tinuran si
Nenita na nakatawag ng loob ni Pakito. Mukhang maydinaramdam ang kanyang
sinta sa asawa nito. Muli silang sumayaw at ipinagpatuloy ang kanilangsalitaan.
Nanariwa ang pag-ibig na napaham ng panahon sa pagitan nilang dalawa.
Pagkatapos ngisang tugtog ay nagpasya ang dalawa na tumigil na ngunit
nangakong ang muli nilang pagkikitaay hindi nagtatapos sa piging na iyon at
nagkasundong magkikita sa darating na Sabado. Sa pagsapit ng madaling araw,
nagpaalam na ang mga panauhin, ang mag-asawang Deala gayundinsi Pakito na
nagkasabay sa kanilang pag-alis. Araw ng Linggo, nagising si Nenita na wala ang
kanyang asawa sa kanyang tabi. Gayunpama’y batid na niya na sa abala na naman
ito sa pag-aaliw. Habang nasa harap ng salamin, nakikita niya ang sarili na hindi pa
rin kumukupas ang kanyang kagandahan na lubos nakinahuhumalingan ng
maraming lalaki lalo na ng siya ay dalaga pa lamang. Wala na siyang ibangdinidili
kung hindi si Pakito. Sa muli nilang pagkikita ni Pakito, hindi na niya pinagpapansin
ang pag aaliw ng asawa. Muling binalikan ni Nenita ang matamis nilang simula ni
Pakito at ang pagdating ng araw ng hapis sa kanilang pag-ibig na naging dahilan ng
kanilang hiwalayan. Hanggang sa pinag-aaralan niyang limutin si Pakito at nakilala
si Bandino na naging kanyangkabiyak. Nang malaon, ay nalaman ni Pakito ang
kanyang pagpapakasal at ito’y lubos nananibugho sa pag-aakalang iniwan siya ni
Nenita dahil sa kaniyang pagiging maralita. Sakalauna’y nalaman ni Nenita na mali
ang kanyang hinala kay Pakito na may ugnayan ito kay Liling. Magkagayunpama’y
naisip niyang kanya ng muli si Pakito. Tinawagan niya ito at sinabingtuloy ang
kanilang pagkikita sa araw ng Sabado.Samantala, nahihiwagaan naman si Pakito
kung ano ang sasabihin sa kaniya ni Nenita. Naisip niyang itigil na ang muling
pakikipag-ugnayan sa dating katipan ngunit naramdamanniyang muli ang pagtibok
ng kaniyang puso para sa babaeng may asawa na. Nagtungo si Pakito sa klub kung
saan ngkakaingay ang kaniyang mga kasama. Ang klubay itinayo ng mga maykaya
at titulo sa lipunan na kung saan ito ay may sari-sariling libangan.Kasama ang
matalik na Peralta at Collantes, pinag-usapan nila ang tungkol sa pag-iibigan ng
may-asawang lalaki. Sinabi ni Peralta na ito ay imoral at labag sa batas ng lipunan.
Samantalang ayonnaman kay Peralta, ang hindi pagtanggap sa babaeng nag-aalay
ng ligaya bagaman ito ay mayasawa na ay karuwagan at insulto sa pagkalalaki.
Matapos ang makakatuwirang palitan ng mga pahayag, nagkabiruan ang
magkakaibigan maliban kay Pakito na naiwang tahimik na iniisip angmga narinig sa
salitaan.Isang umaga, napadaan sa tapat ng bahay ng mga Deala si Don Diego.
Inanyayahan siyang mag-asawang Deala sa kanilang tahanan at nagalak ang
matanda sapagkat nakita niyangmagkasama ang mag-asawa. Hindi lingid sa
kaalaman ni Don Diego ang pag-aaliw at pagtataksilni Mang Bandino, kaya nama’y
lubos siyang naawa sa asawa nito na lagi niyang nakikitangmalungkot.Samantala,
isang araw ay nagtungo so Mang Bandino sa tahanan ni Don Diego.Ikinuwento niya
rito ang kanyang mga karanasan sa pang-aaliw at katulad ng dati, nagkukuro
angmatanda tungkol sa kaniyang mga maling gawain. Sinabi nito na kung si Nenita
ang nagkaroongibang lalaki, marahil ay hindi rin niya ito matatnggap. Naisip ni
Mang Bandino na hindi niya iyonmatatanggap at baka makapatay pa siya. Ngunit
hindi siya nag-aalala sapagkat uliran at mabaitang kaniyang asawa. Kinaumagahan
ay ipinagmalaki pa ni Mang Bandino ang kanyang tagumpay Lijuicom. Siya’y
nahintakutan ngunit ito’y pinawi ni Pakito. Sa loob ng pribadong sili na LeSonaire,
naganap ang muli nilang pagsasarili. Pagkatapos niyon ay bumalik na sila sa
sayawan.Doo’y nakita ni Nenita ang kanyang asawa na nag-aaliw pa rin ngunit ng
makita niyang muli siLijuicom, matatalim ang tingin nito sa kaniya.Hanggang sa ika-
7 araw ng karnabal, ang pagsasarili nina Pakito at Nenita ay mulingnaganap sa
Jardin de las Palmas. Ngunit ang hindi nila alam, lihim silang sinusundan ni
Lijuicom.Sa kaniyang nalaman, lubos siyang nanibugho para sa kaibigan. Noong una
ay ayaw pa niya itongsabihin ngunit kalauna’y hindi na niya ito natiis. Ibinunyag
niya ang lahat sa kaibigan. Sobranggalit ang nakita niya kay Mang Bandino lalo na
ng makita niya ito ng harapan. Sinabi nitongmakapapatay siya ngunit
pinaliwanagan niya ito na nakinig naman sa kaniya. Hindi umuwi ng bahay si Mang
Bandino.Tanghali na ng umuwi si Mang Bandino sa kaniyang tahanan. Nadatnan
niyang natutulogang kaniyang asawa at anak. Nang magising si Nenita inusisa niya
ang asawa ngunit sa galit niMang Bandino isinigaw niya ang buong pangalan ni
Nenita na Ana Maria Del Prado. Naramdaman ni Nenita na tunay na nagagalit ang
kaniyang asawa. Sinabi sa kaniya ni MangBandino ang lahat ng kaniyang
nasaksihan. Nagulantang naman si Nenita sa pagkakabunyag ngkanilang lihim ni
Pakito. Naisip ni Mang Bandino na maaaring ito ay kabayaran sa lahat ngkasalanang
ginawa niya sa asawa niya. Naranasan na rin niya kung paano pagsukaban ng
asawa. Nagtungo siya sa bahay ni Don Diego upang ihinga ang lahat ng kanyang
sama ng loob. Sa paglalahad niya sa matanda. Pinayuhan siya nito na walang
magagawang mabuti ang paghihigantisapagkat ito ay maaaring lalo pang
ikalugmok niya sa kahihiyan at kapahamakanKumalat na ang balita tungkol sa
pagtataksil ni Nenita. Marami ang nasuklam sa kaniya atnaawa sa kaniyang asawa.
Samantalang tagumpay naman ito ni Pakito para sa kanyang mga kasamahan sa
klub. Ngunit hindi ito naging lingid sa kaalaman ni Liling. Sinulatan niya si Pakitoat
sinabing tapos na ang lahat sa kanilang dalawa. Dahil dito, nanlumo si Pakito at
sinisi si Nenita. Naging malungkot ang bahay ng mga Deala at ilang araw na ring di
lumalabas si MangBandino. Lubha siyang nanibugho sa galit kay Nenita kaya’t
pinasunog niya ang lahat ng larawannito. Naisip niyang maghiganti ngunit ito’y
hindi makabubuti. Naisip din niyang magpakamatayngunit magiging kaawa-awa
lamang ang kaniyang anak. Kinaumagahan ay nagpahanda siya ngmasarap na
almusal at nanaog sa likod-bahay. Nakita siya ni Nenita at inutusan ang anak
nalapitan ito. Samantala, binunot ni Mang Bandino ang kaniyang baril at tinangkang
paputukin nang biglang tawagin siya ng kaniyang anak at sa lupa niya ito ipinutok.
Mag-iisang buwan na ng naging ulila sa asawa’t anak si Nenita. Mula ng nagpaputok
ngrebolber si Mang Bandino, nilisan na nito ang kanilang tahanan kasama ang
kanilang anak atkailanman ay din a bumalik. Lubos siyang nalungkot at
nagdadalamhati. Natanto na ito marahilang parusang dulot ng kaniyang pagtataksil.
Ang pagkawalay sa ank ang pinakamabigat na parusa. Huli na rin para sa kaniya
ang pagsisisi sapagkat wala na ang kaniyang puri at dangal. Naisip niyang kitilin
ang sariling buhay ngunit pinipigil siya ng pagmamahal sa anak. Sinisisi niyaang
kaniyang sarili sa pagkakalihis ng kaniyang landas. Nagkatipon muli sa klub sa
Pasay ang mga kasamahan ni Pakito. Doo’y pinag-usapan nilaang pagtataksil ni
Nenita sa asawa. sa pagdating ni Peralta, isinalaysay niya ang lahat ngnalalaman
tungkol kay Pakito at Nenita. Sa huli, sinisi nilang lahat si Nenita sa pagkakalugmok
ng asawa nito sa kahihiyan, sa pag-alis ni Pakito sa Maynila patungo sa malayong
probinsya, pagkakasakit ni Liling at ang pagkaudlot ng kasal nina Pakito at Liling.Sa
pagwawakas, naiwan si Nenitang lugmok sa kahihiyan at kalungkutan. Mistulang
baliwna ang dating pinakatampok na babae sa Maynila dahil sa pagdadalamhati sa
pagkakalayo saanak. Si Pakito, naninibugho ang puso sa muling pagkabigo sa pag-
ibig dahil sa tukso ng dating katipan. Nilisan niya ang Maynila upang magsimula ng
bagong buhay. Si Mang Bandino namanay tuluyan ng nilisan ang Maynila kasama
ang kaniyang bugtong na anak na nangungulila sa pagkalinga ng ina.

II. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan

 Ang Sampaguitang Walang Bango ay isang nobela.

B. Teoryang Pampanitikan
 ROMANTISISMO- Sa nobelang ito ipinapakita ang teoryang
romantisismo sa pamamagitan ngpagkakaroon ng maling pag iibigan nila
pakito at nenita sapagkat si nenita ay isangbabaeng may asawa·t anak
samantalang si pakito ay mayroong katipan na malapit naniyang makasama
pang habambuhay. Sa kabila ng kasalanan na nagagawa ni pakito kay liling
ay ipinapabatid pa rin niya rito ang halaga ng kanyang katipan sa
kanyangbuhay at kung gaano niya ito kamahal.

 FEMINISMO- Ipinapapakita rito ang pagiging isang babae ni nenita. Sa


kanyang pagtataksil sakanyang asawa ay labis niya itong pinagbabayaran.
Maraming masasamang bagay angdumating sa buhay ni nenita na
humantong sa pagkasira ng kanyang pamilya atpagkawala ng
kanyang dignidad.

 REALISMO- May ilang bahagi ng nobela ang masasabi natin na nangyayari sa


totoong buhayng tao. Halimbawa rito ang pagkasira ng isang pamilya na
dulot ng pagtataksil sa asawa. Tulad ng ginawa ni nenita sa kanyang asawa
na labis na nagging dahilan ngpagkawasak ng isang masayang pamilya.
Mailalapat natin ang teoryang realismo sa nobela sapagkat sa ating
lipunan may iilang mga kalalakihan ang talaga naman nambababae
katulad ni mang bandino na minsa’y kanyang ginawa ang pagtataksil sa
kanyang asawa.

C. Istilo ng Paglalahad

 Sinimulan ang nobela sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang


pagdiriwangna idinaraos. Mga taong nagsisidalo sa nasabing
kasiyahan, naroon ang ilang mgamayayaman at mga nakakataas
sa lipunan na tila·y ang lahat ay nagkakasiyahan.Winakasan ito
sa isang napaka trahedyang pangyayari na ang ilang mga tauhan
aylabis na naapektuhan sa pangyayaring naganap.

D. Mga tayutay

 Lll

E. Idyomatiko

 Lll

F. Reaksyon
1. Tauhan

 Nenita- Sya ang babaeng unang minahal ni Pakito. Asawa ni Mang


Bandino.
 G. Francisco Herbosa/Pakito- Isang abogado, kababata ni Nenita na
kalaguyo nya at katipan ni Liling.
 Don Bernardino Deala/Mang Bandino- Ang mayamang mangangalakal
na asawa ni Nenita.
 Pilar Amado/Liling- Isang babaeng hinahangaan ng mga kaibigan ni
Pakito sa angkin nitong kahinhinan. Kasintahan ni Pakito.

2. Isitilo ng Awtor

 Malinis at malikhain ang istilo ng awtor sa pagkakabuo ng akda. Ang akda ay


tuwirang umikot sa usaping pag ibig, pagtitimpi at pagtataksil.
3. Galaw ng Pangyayayi

 Lll

G. Pagtalakay Ayon sa Limang Dimensyon

 Pangkaisipan

 Panlipunan

 Pandamdamin

 Pang-moral

 Pang-anyo

H. Pagsusuri Batay sa mga Bisa


 Bisa sa Isip- Masasabi kong ang pagtataksil sa asawa ay isang malaking
kasalanan sapagkat nangako silang magsasama habambuhay ng
nagmamahalan. Ito ay lubhang labag sa sampung utos ng Diyos.

 Bisa sa Damdamin- Ako ay nakadama ng pagkaawa sa mga tauhan. Si nenita


na labis na nagsisisi sa kanyang nagawang kasalanan masasabi kong isa
lamang siyang babae na nagmahal subalit ang pag ibig niyang ito ay
nagdulot ng kasiraan sa kanyang buhay. Si Mang bandino na labis sinisi ang
kanyang sarili kung bakit ito nangyari sa kanyang pamilya. At kay Liling at
pakito na parehas na sugatan ang kanilang mga puso·t damdamin.

 Bisa sa Kaasalan- Kung darating sa puntong ito ang aking buhay hindi ko
gagayahin ang ginawa ni Pakito na nakiapid sa may asawa at ginamit ang
kahinaan ni Nenita sa mga pangyayari.

You might also like