You are on page 1of 1

Halimbawa ng Lathalain

Wrong Grammar
Recess na! hmm… maglibot kaya ako? Sa aking paggala, kalat-kalat ang mga estudyante.
Halakhakan sila. Ouchness! Yun ang biglang nasabi ng isang estudyante dahil sa nabangga siya ng
mga naghahabulang mga bata.
Sa isang banda naman, nag-aaway ang dalawang binabae, parang may liveshow..posturang
postura ang dalawang labanera. Pinagtaasan ng kilay ang isa! “ natawa na lang ako sa narinig ko.
Ganiyang-ganiyan din ang eksena sa library, sa c.r, sa canteen,sa waiting shed, sa computer room,
sareading corner at kung saan-saan pang parte ng school.
Katunayan, sa salamin ng C.R. habang tinitignan ng isang girl ang sarili niya. Maganda
siya, makinis at ang haba ng buhok. Marahil ay tuwang-tuwa siya sa kaniyang mukha dahil ayaw
na niyang umalis sa harapan ng salamin. “ I’m a pretty girl woman talaga”. Ano ?? girl na nga,
woman pa! nakakaloka!
Sa reading corner, inis na inis ang lalake dahil hindi niya maintindihan ang sulat ng kaklase
niya.”ang gulo! Parang kinalkal ng manok! “di naman sinasadyang narinig ito ng kaklase niya.
Nilapitan niya ito at isinigaw sa kaniyang “don’t reclaime!” ang ibig pala niyang sabihin ay wag
kang magreklamo. Hay! Ang mga kabataan nga naman..matatawa ka na lang sa pagsasalita nila.
Sa library naman, paa naman ang usapan. Kagagaling kasi nilang magpraktice ng sayaw.at
kuminang ng alikabok ang mga paa nila. “ang dirty na nang paa ko…” sabi ng isa, sumagot naman
ang isa ng “my feets is more dirty”..mga mala-maling grammarat salita o isinusulong yata ng mga
pasosyal na kabataan.
Para sa iba, katuwaan lang ito pero kung iisipin mo, maaaring hudyat na ito ng pag-uumpisa
ng mali-maling inglesnng modernong kabataan. Tila naiisantabi na ang wikang pambansa.
Alalahanin nating ang Filipino an gating panbansang wika na siyang dapat kalalanin at
pagyamanin. Ngunit, ang ingles bilang isang pandaigdigang lengwahe, bigyan naman
din sana natin ng hustisya. Kung magsasalita tayo, yung wasto na at totoo.
Ikaw, kabataan Ingles man o Filipino ang gamitin mo.’Wag ka lang sanang makalimot na
marami pang kabataang susunod sa iyo. At bilang nakatatanda sa kanila, ngayon pa lang…Wasto
na dapat ang grammar mo upang ang mga makakarinig sayo, tularan ka at maituturing huwaran na
kabataang Pilipino.

John Rey M. Glariana


VIII-2

You might also like