You are on page 1of 9

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Division of Bulacan
Region III
San Miguel South District
Magmarale Elementary School

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV


Inihanda ni: Gng. Amelia C. Caralde

l. Mga Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga bata ay:
A. Naiisa-isa ang mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa.
B. Nailalarawan ang anyong lupa at anyong tubig.
C. Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga sa mga anyong lupa at anyong
tubig.

ll. Paksang Aralin:


A. Paksa: Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig ng Bansa
B. Sangunian: Araling Panlipunan (Kagamitan ng Mag-aaral) lV, Pahina 53-66

C. Kagamitan: Mga Larawan (Anyong Lupa at Anyong Tubig), Biswal eyd


(tarpapel), Video Presentation (Anyong Lupa at Anyong Tubig)

lll. Mga Gawain sa Pagkatuto:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

A.1 Panalangin
Pamunuan mo ang ating panalangin ______. Amen.

A.2 Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po Gng. Caralde.

A.4 Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa


klase
May lumiban ba sa inyong klase ngayong
araw? Wala po.

A.3 Pagkondisyon sa silid-aralan


Bago kayo umupo, pulutin muna ang mga
kalat na makikita ninyo at ihanay ang mga
upuan.

Okay klas handa na ba kayo sa ating leksyon


ngayon? Opo teacher.

B. Balik-Aral
Tinalakay sa nakaraang aralin ang
katangian ng Pilipinas bilang bansang
maritime o insular. Ano nga ulit ang ibig
sabihin ng maritime o insular? Maam, ang ibig sabihin po ay
napalilibutan po tayo ng dagt at
karagatan.
Tama. Dahil sa pagiging kapuluan ng
Pilipinas, napaliligiran tayo ng mga dagat at
karagatan o ang tinatawag nating maritime o
insular.

C. Pagganyak
Magkakaroon tayo ng aktibidad, pamilyar
ba kayo sa larong "4 pics 1 word"? Simple
lamang ang gagawin, kailangan mong hulaan
kung ano ang salita sa pamamagitan ng
pagtingin sa 4 na mga larawan na may 1
karaniwang salita na pinapakita. Isusulat
lamang ang sagot sa kahon sa ibaba. Ang
unag grupong makakatapos ang siyang
panalo.

Simulan na. (Sisimulan ng sagutan ng mga bata)

Mahusay, ______ grupo, kayo ang unang


nakatapos.
Bigyan natin sila ng Very Good clap. (Bibigyan ang nanalong grupo ng Very
Good clap)
D. Panlinang na Gawain

D.1. Panimula
Base sa ginawa nating activity, ano sa
tingin ninyo ang tatalakayin natin sa araw na
ito?
Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay
tungkol mga anyong lupa at anyong
tubig.
Tama.

Ano-ano nga ba ang mga pangunahing


anyong lupa at anyong tubig?

D.2 Pagtatalakayan
Bago natin alamin ang mga pangunahing
anyong lupa at anyong tubig, atin munang
panuorin ang maikling video tungkol sa
anyong lupa. Maglabas ng notebook at
ballpen para kumuha ng mga impormasyon sa
papanuorin.
(Video Presentation) (Papanuorin ang video tungkol sa
anyong lupa)
Batay sa inyong napanuod, ano-ano ang
pangunahing anyong lupa sa bansa? Mayroon pong kapatagan.

Tama. Ano pa? Bundok


Burol
Talampas
Lambak
Bulkan
Magaling. Tunay nga na kayo ay nakinig at
nanuod ng mabuti.

Isa-isahin natin ang mga anyong lupa.


Ilarawan natin ang bawat isa.

Una, ang kapatagan. Ano nga ulit ang


kapatagan? Malawak na lupain na patag at mababa.

Tama. Dahil sa pagiging patag nito, maaari


itong pagtaniman ng mga gulay, mais at
palay.

Ano naman ang bundok? Ang bundok po ay mataas.

Tama. Maaari bang magbigay ng mga


halimbawa? Sierra Madre
Bundok Apo
Mahusay. Tayo ay nabiyayaan ng maraming
bundok. Halimbawa na nga nito ang Sierra
Madre.
Ano naman ang burol? Mas mababa po sa bundok ang burol.

Pinakatanyag na halimbawa ng burol ay


chocolate hills na matatagpuan sa Bohol.

Ano naman ang talampas?


Ang talampas po ay patag ang ibabaw.

Ang pinakakilalang halimbawa ng talampas


ay ang Baguio. Nakarating na ba ng Baguio?

Ang iba pang anyong lupa ay ang bulkan at


lambak.

Ilarawan nga ang bulkan.


Ang bulkan po ay maaaring sumabog
Mahusay. katulad ng Mayong Bulkan.

Ang Bulkang Mayon ang pinakatanyag sa


mga bulkan sa Pilipinas. Makikita ito sa
Albay, Bicol Region. Samantalang ang
Bulkang Taal naman ay makikita sa Batangas
na siyang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.

Ang huli sa mga anyong lupa ay ang


lambak. Ano nga ulit ito?
Patag na lupa sa pagitan ng bundok.

Kung ang talampas ay makikita sa mataas


na bahagi at patag ang ibabaw ang lambak
naman ay nasa mababa at patag ang lupa sa
pagitan ng bundok.

Naiintindihan ba? Opo.

Tapos na tayo sa anyong lupa, sunod naman


nating talakayin ang anyong tubig. Katulad
kanina, gusto ko na magtala kayo ng mga
mahahalagang impormasyon sa inyong
mapapanuod.

(Video Presentation) (Papanuorin ang video tungkol sa


anyong tubig)

Ayon sa inyong napanuod, ano-ano ang


halimbawa ng mga anyong tubig? Karagatan po Ma'am.

Tama. Ano po? Look


Dagat
Talon
Bukal
Lawa
Ilog
Kipot

Mahusay. Isa-isahin nating ilarawan ang


mga halimbawa ng anyong tubig.

Unahin na natin ang karagatan. Ano ang


masasabi nyo sa karagatan? Ito po ang pinakamalaking anyong tubig,
Maam.

Bukod sa pinakamalaki, ito rin ang


pinakamalawak at pinakamalalim na anyong
tubig. Maalat ang tubig nito. Ang Karagatang
Pasipiko ang matatagpuan sa dakong silangan
ng Pilipinas.
Ang sumunod ay ang dagat dahil bahagi ito
ng karagatan.
Katulad ng karagatan, maalat din ang tubig
ditto ngunit ang tubig ay mas mainit kaysa sa
karagatan.
Ano-ano ang mga dagat na nakapaligid sa
bansa?
Dagat Celebes
Dagat Sulu
Dagat Kanlurang Piulipinas
Dagat Pilipinas
Magaling. Sa mga nakaraang aralin,
natalakay natin kung ano-ano ang mga dagat
na nakapalibot sa Pilipinas. Ang Dagat Sulu
ang pinakamalaking dagat sa loob ng
kapuluan.

Ano naman ang look? Ang look ay daungan ng sasakyang


pandagat.

Tama. Sa look dumadaong ang mga barkong


pampasahero at pangkargamento. Ang look ng
Maynila ay itinuturing na pinakamahusay na
daungan sa Silangan.

Sino ang makakapaglarawan ng golpo? Ang golpo ay katulad din po ng look.

Tama. Golpo ang tawag sa malalaking look.


Ito ay bahagi rin ng karagatan na karaniwang
nasa bukana ng dagat.

Ano naman ang kipot? Ito po ay isang makipot na anyong tubig.

Tama. Ang makipot na anyong tubig na ito


ang siyang nagdurugtong sa dalawang
malalaking anyo ng tubig. Maraming kipot
ang matatagpuan sa Pilipinas kabilang na dito
ang Kipot ng San Juanico.

Nakakasunod ba? Opo.

Ang ilog, lawa, talon, bukal at sapa ang iba


pang anyo ng tubig. Hindi man pangunahin,
may kapakinabangan din ang mga ito.

Ano ang masasabi ninyo sa ilog?


Ito po ay mahaba at paliko-liko.

Tama. Ang pinakamahabang ilog ay ang


Ilog Cagayan na makikita ninyo sa larawan at
ang pinakamalaki naman ay ang Rio Grande
de Mindanao. Ang Ilog Pasig naman ang
pinakamakasaysayan sa lahat sapagkat daanan
ito ng noon ng mga negosyante sa pagdadala
ng produkto sa Pilipinas.

Ang sumunod ay ang lawa. Ano ang


napansin ninyo sa lawa? Ano ang nakapaligid
dito? Ang lawa po ay napaliligiran ng lupa.

Tama. Ito ay anyong tubig na napalilibutan


ng lupa.

Pamilyar ba kayo sa talon? Opo.


Ilarawan nga ito. Maganda po dahil sa taas nagmumula
ang tubig.

Tama. Galing sa bundok ang umaagos na


tubig ditto. Napakalinis ng tubig at malamig
kaya masarap paliguan tuwing tag-init.

Magbigay nga ng halimbawa ng talon dito


sa Pilipinas.
Pagsanjan Falls
Maria Cristina Falls
Mahusay.
Nakakita na ba ng bukal? Opo/Hindi po.
Kung oo, ano ang masasabi ninyo sa bukal? Malamig po ang tubig.

Tama. Malamig ang tubig sa bukal


samantalang mainit naman ang mga bukal na
malapit sa bulkan kaya tinatawag itong Hot
Spring. Ang tubig na nanggagaling dito ay
maaaring panggamot sa rayuma o sakit sa
balat.

Ang panghuli ay ang sapa. Nakakita na ba


ng sapa? Opo.

Ang sapa ay maliit na anyong tubig.


Kadalasan itong natutuyo kapag tag-init.

Ang mga anyong lupa at anyong tubig na


nabanggit ay mga yaman ng bansa.
Ipinagkaloob Niya sa atin kaya nararapat
lamang an atin itong ingatan at huwag
abusuhin. Bagkus, alagaan ito at mas
pagyamanin pa.

Naiintidihan ba? Opo.

E. Paglalahad
Tingnan nga natin kung talagang nakinig
kayo sa aralin natin ngayon.

Ano-ano ang mga anyong lupa? kapatagan


bundok
burol
talampas
bulkan
lambak
Ano-ano naman ang mga anyong tubig? dagat
karagatan
ilog
look
golpo
lawa
bukal
kipot
talon
sapa
Mahusay! Pinatunayan ninyo na kayo ay
nakikinig ng mabuti sa ating klase.

F. Pagsasanay
Upang malaman kung talagang naintindihan
ninyo ang aralin sa araw na ito, naghanda ako
ng isang activity.
Basahin ang panuto. Panuto: Idikit ang mga larawan sa
nararapat na grupo.
Kayo ay nahahati sa apat na grupo. Bawat
grupo ay bibigyan ko ng mga larawan. Ang
dapat ninyo lamang gawin ay idikit ito sa
dapat nitong grupo.. Mayroon tayong
dalawang grupo- ang wasto o di-wastong
pangangalaga.

Simulan na. (Sasagot na ang mga bata)

Magaling mga bata. Palakpakan ninyo ang


inyong mga sarili.

IV. Pagtataya

Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Pinakamalalim, pinakamalawak at pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig ang


__________________.
2. Ang ___________ ay patag na lupa sa pagitan ng bundok.
3. Ang ___________ ang pinakamataas na anyong lupa.
4. Ang anyong tubig na halos napaliligiran ng lupa ay ang ______________.
5. Ang ___________ ay mahaba at paliko-likong anyong tubig.
6. Ang ___________ ay anyong tubig na nagmumula sa ialim ng lupa.
7. Ang tubig na umaagos mula sa mataas na lugar tulad ng bundok ay ang
_______________.
8. Ang ________ ay katulad ng bundok.
9. Ang ________ ay isang mataas na lupa ngunit mas mababa sa bundok.
10. Ang ________ ay mataas na bahagi ng lupa ngunit patag ang ibabaw.

V. Takdang-Aralin

Sagutan ang Natutuhan Ko pahina 65-66.


Araling Panlipunan (Kagamitan ng Mag-aaral) lV

You might also like