You are on page 1of 1

Ang ating mga tagapagpakilala, ang aming pinagpipitagang punong guro,

Gng. Teresita A. Gianan, ang tagapamuno ng asignaturang pang-akademiko at pang


bokasyunal, Gng Josefina Torio at G. Domingo Evangelista. Ang ating panauhing
tagapagsalita; mga minamahal naming guro; kapwa ko mga mag-aaral, magandang
umaga po sa inyong lahat.

Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang


Pambansa, bilang paggunita sa ating kasaysayan at pagpapahalaga sa mga naging
kaganapan upang ang wikang Filipino ay maisabatas bilang Pambansang Wika ng
Pilipinas.

Kung ating babalikan ang ating naging kasaysayan, masasabing naging


mahalagang salik ang wika sa tagumpay at kabiguan ng ating mga ninuno sa
pakikipaglaban sa mga dayuhang mananakop. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang
dayalekto sa ating bansa ay naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan at kawalan ng
pagkakaisa. Kayat nang maisabatas noong Panahon ng Komonwelt at pagtibayin ni
Dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa
na batay sa wikang Tagalog na siyang pangunahing dayalekto ng nakararaming
pangkat etniko sa Pilipinas,unti unting nawala ang “language barrier”. Patuloy itong
pinagyaman mula sa pagbabalangkas ng Balarila at Alpabetong Filipino mula kay
Lope K. Santos hanggang sa pagsasali sa Asignaturang Filipino sa kurikulum ng bawat
paaralan sa bansa sa halip na wikang Kastila, sang-ayon kina Komisyoner Jose
Romero at Dating Kalihim Jorge Bocobo. Sa kasalukuyan, ang “Revisyon ng Wikang
Filipino” ay isa sa mga makabuluhang pagbabago sa istruktura ng ating wikang
pambansa, kung saan isinama na rito ang iba’t ibang mga salita buhat sa mga lokal
na dayalekto sa ating bansa, maging ang ilan sa wikang banyaga gayon din ang
“wikang panteknolohiya at pang-henerasyon” na kung dati’y lalawiganin at pang-
gramatika lamang, ay kasama na rito ang mga kolokyal at makabagong “balbal”
tulad ng gay lingo at jejemon. Ito ay nagpapahiwatig na ang ating wika ay umuunlad
at buhay.

Sa tulong makabagong teknolohiya, at makabagong paraan ng medya,


madaling maituturo sa bawat Pilipino ang paggamit ng wika. Sa pamamagitan ng
telebisyon at internet, ay natututunan ng mabilis ng mga kabataan ang pagsasalita
ng wikang Filipino. Sa ganitong paraan, saanmang lupalop ng ating bansa tayo
mapadpad, ay maiintindihan tayo ng ating mga kapwa Pilipino.

Kaya sa pagdiriwang na ito, ay maisakatuparan sana ang mithiing


mapahalagahan ang kalikasan na kaakibat ngayon sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wika. Dapat nating mahalin ang wikang Filipino, sapagkat ito ang daan patungo sa
ating pag-unlad bilang nag-kakaisang bansa.

Maraming Salamat Po..

You might also like