You are on page 1of 2

#66 Kalye Andres Castro

Brgy. 15, Lungsod ng Laoag


Abril 20, 2014

GNG. LIGAYA I. MENOR


Store Manager
Jollibee Foods Corporation
Laoag-Bacarra Branch

Mahal na Gng. Menor:


Nabasa ko po sa pahayagang Philippine Star petsang Abril 17, 2014, na nangangailangan ng isang
cashier ang inyong fast food chain. Naniniwala ako na ang mga katangian at mga kwalipikasyon
na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’y ako po’y nag-aaplay sa naturang trabaho.
Ako po ay isang binata, labing anim na taong gulang, at nagtapos po ako ng sekundarya sa Ilocos
Norte National High School Special Science Class noong Marso 31, 2014. Ako po’y masipag,
matiyaga at marunong makihalubilo sa kapwa. Sa katunayan ako po ay nagkamit ng karangalan sa
pagtatapos ng sekundarya.
Isa akong aktibong mag-aaral sa sekundarya. Sa loob ng apat na taon, ako po ay naging opisyal ng
Supreme Student Government, ang pinakamataas na organisasyon ng mga mag-aaral ng paaralan.
Magaling ako sa matematika, agham at wika. Marunong din akong humawak ng kompyuter.
Bunga ng mga karanasan at kaalamang ito, naniniwala akong magiging isa akong produktibong
manggagawa ng inyong kompanya.
Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para
sa isang panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin.
Maraming salamat!

Sumasainyo,

MARK VINCENT P. DELA CRUZ


Aplikante

You might also like