You are on page 1of 49

PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG

LAGOM
Filipino sa Piling Larang (Akademik)

LORENA S. CLUB
Dalubguro II
LAGOM?
L BUOD
A
G ay ang pinasimple at
O pinaikling bersiyon ng
isang sulatin o akda.
M
DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAGOM

1. Mahalagang matukoy ang pinakasentro o


pinakadiwa ng akda o teksto
2. Magsuri ng nilalaman ng binasa
3. Natutukoy ang mga kaisipang dapat bigyan
ng malalim na pansin sa pagsusulat ng
lagom at kung alin ang di gaanong
importante.
DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAGOM

4. Mailahad ang lagom ng malinaw, hindi


maligoy o paulit-ulit.
Bilang paghahanda sa totoong buhay ng
propesyon at pagtatrabaho, mahalagang
matutuhan mo ang paggawa ng iba’t ibang
uri ng lagom na madalas gamitin sa mga
pag-aaral, negosyo at sa iba’t ibang uri ng
propesyon
TAKDANG ARALIN

ALAMIN
1. Paglalagom na ABSTRAK
2. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng
abstrak
3. Hakbang sa pagsulat ng abstrak
4. Magsaliksik ng isang halimbawa ng
abstrak mula sa tesis o disertasyon.
Magdala ng sipi
IKALAWANG ARAW
PANGKATANG GAWAIN

Bumuo ng pangkat na may 6-7 kasapi.


Umisip ng kawiliwiling pangalan ng inyong
pangkat. Pag-usapan ang gawain.
Magbahagi ang bawat miyembro ng
kaalaman sa nakatakdang Gawain. Pumili
ng isa o dalawang tagapag-ulat.
PANGKAT 1

Bumuo ng pangalan ng inyong


pangkat. Talakayin ang
paglalagom na ABSTRAK .
Gumamit ng concept organizer.
PANGKAT 2

Bumuo ng pangalan ng inyong


pangkat. Talakayin ang mga
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Abstrak
PANGKAT 3

Bumuo ng pangalan ng
inyong pangkat. Talakayin
ang mga hakbang sa
pagsulat ng Abstrak
PANGKAT 4

Bumuo ng pangalan ng inyong pangkat.


Magpakita ng isang balangkas ng Abstrak
mula sa isang Abstrak ng tesis o
disertasyon na ipapakita ng guro.
ABSTRAK

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na


karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
mga akademikong papel tulad ng
tesis, pael na siyentipiko at teknikal,
lektyur, at mga report.
ABSTRAK

Ito ay kadalasang bahagi ng isang


tesis o disertasyon na makikita sa
unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina
ng pamagat.
ABSTRAK

Ito ang naglalaman ng


pinakabuod ng buong
akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman (1997)

Sa kanyang aklat na “How to Write


an Abstract,” bagama’t ang Abstrak
ay maikli lamang, tinataglay nito ang
mahahalagang elemento o bahagi
ng sulating akademiko tulad ng:
• Introduksiyon
• Mga kaugnay na
Literatura
• Metodolohiya
• Resulta at
• Konklusyon.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Bilang bahagi ng alituntunin ng


pagsulat ng mga akdang pang-
akademiko, lahat ng mga detalye o
kaisipang ilalagay rito ay dapat
makikita sa kabuoan ng papel
Ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos
na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

2. Iwasan din ang paglagay ng mga


statistical figures o tables sa abstrak
sapagkat hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na
magiging dahilan para humaba ito
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

3. Gumamit ng simple,
malinaw, at direktang mga
pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

4. Maging obhetibo sa
pagsulat. Ilahad lamang ang
mga pangunahing kaisipan at
hindi ipaliwanag ang mga ito.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

5. Higit sa lahat ay gawin lamang


itong maikli ngunit
komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at
nilalayon ng pag-aaral na ginawa.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Basahing mabuti at pag-


aralan ang papel o
akademikong sulatin na
gagawan ng abstrak.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

2. Hanapin at isulat ang mga


pangunahing kaisipan o ideya ng
bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksiyon, kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta
at konklusyon.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

3. Buoin, gamit ang mga talata, ang


mga pangunahing kaisipang taglay ng
bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
bahaging ito sa kabuoan ng papel.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

4. Iwasang maglagay ng mga


ilustrasyon, graphs, table at
iba pa maliban na lamang kung
sadyang kinakailangan.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

5. Basahing muli ang ginawang


abstrak. Suriin kung may
nakaligtaang mahahalagang
kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi.
TAKDA

Suriin ang abstrak mula sa isang tesis


na ipo-post ng guro sa messenger
chat ng klase.
Gawan ito ng abstrak na biinubuo ng
300 salita lamang.
IKATLONG ARAW
SINOPSIS
ANG SINOPSIS O BUOD

ay isang uri ng lagom na kalimitang


ginagamit sa akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kuwento, salaysay,
nobela, dula, parabola, talumpati, at
iba pang anyo ng panitikan.
ANO BA ANG LAYUNIN NG PAGBUBUOD O
PAGSULAT NG SINOPSIS?
ANG PAGBUBUOD O PAGSULAT NG SINOPSIS

ay naglalayong makatulong sa
madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksiyon o akda, kung kayat
nararapat na maging payak ang
mga salitang gagamitin.
KUNG ITO ANG LAYUNIN PAANO NATIN
GAGAWIN
ANG PAGBUBUOD O SINOPSIS?
NARARAPAT NA…

maging payak ang


mga salitang
gagamitin.
ANG BUOD
• ay maaaring buoin ng isang talata o
higit pa o maging ng ilang
pangungusap lamang.
• sa pagsulat ng synopsis,
mahalagang maibuod ang
nilalaman ng binasang akda gamit
ang sariling salita.
LAYUNIN DIN NITONG

maisulat ang pangunahing


kaisipang taglay ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa
pahayag ng tesis nito.
PAANO BA MAPAPADALI ANG
PAGSULAT NG BUOD?
Mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod:

SINO?
ANO? Sa pamamagitan ng
pagsagot dito
KAILAN? makukuha ang
SAAN? mahahalagang
BAKIT? detalye ng akda.
PAANO?
SA PAGSULAT NG SINOPSIS

• mahalagang maipakilala sa mga


babasa nito kng anong akda ang
iyong ginawan ng buod sa
pamamagitan ng pagbanggit sa
pamagat, may-akda, at
pinanggalingan ng akda.
BAKIT KAILANGANG ISAALANG –
ALANG ITO?
makatutulong ito upang
maipaunawa sa mga mambabasa
na ang mga kaisipang iyong
inilahad ay hindi galling sa iyo
kundi ito ay buod lamang ng
akdang iyong nabasa.
• Iwasan di ang magbigay ng
iyong sariling pananaw o
paliwanag tungkol sa akda.
• Maging obhetibo sa pagsulat
nito.
TAKDA
1. Mga dapat tandaan sa Pagsulat ng
Sinopsis o Buod
2. Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Sinopsis o Buod
3. Sumipi ng buod ng isang akda.
Dalhin ang sipi sa klase para sa
Gawain.
IKAAPAT NA ARAW
GAWAIN
1. Basahin at suriin ang ilang
halimbawa ng mga buod o ang
itinakdang sipi ng buod ng
akda
• ALIBUGHANG ANAK
• MUNTING PRINSIPE
GAWAIN
2. Ilahad sa sariling salita ang buod ng
nabasang akda.
3. Ano-ano ang mga kaisipang iyong nakuha
mula sa binasa?
4. Masasabi mo bang sapat ang buod ng
iyong binasa upang Makita ang
pangkalahatang ideya?
SANGGUNIAN

Julian Ailene, Nestor B. Lontoc.


Pinagyamang Pluma.Filipino sa Piling
Larangan (Akademik). Phoenix
Publishing. 2016.

You might also like