You are on page 1of 2

KABANATA 1

PANIMULA

Hindi natin maipagkakailang bukod sa ating sariling kultura, ang kulturang Pilipino, ay maunlad

at masagana rin ang ibang mga kultura. Isa sa mga natatanging pamamaraan upang masalamin

ang mga ito ay ang mga kilos at gawi o ang "non-verbal language" ng bawat kultura. Aming

mapag-aalaman ang mga sari-saring kahulugan at interpretasyon ng mga kilos na ito na siyang

naging daan upang malaman na rin ang pinagkaiba-iba ng mga ito. Simula sa samu’t saring

pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa hanggang sa ating pagtamo ng kalayaan mula sa mga

ito ay naging kaakibat na rin nito ang impluwensiyang kanilang naiwanan sa atin na naging parte

na rin ng ating kultura. Ang pangyayaring ito naman ang maaring naging daan upang magkaroon

naman ng mga pagkakatulad ang mga kilos at gawi ng kulturang Pilipino.

Sa pag-aaral na ito ay matutunghayan ang mga pagkakahalintulad at pagkakaiba ng ating kultura

sa kultura ng iba’t ibang dayuhan sa pamamagitan ng pagsaliksik sa kanilang iba't ibang

interpretasyon sa mga ilang piling kilos at gawi.

MGA TIYAK NA LAYUNIN NG PAPEL/PANANALIKSIK

Ang kros kultural ay isang penomenang laganap sa buong mundo at hindi matatanggi na ito'y

nakakaapekto sa mga tao lalo na sa mga taong direktang nakakarananas nito. Sa pananaliksik na

ito, maaaring magkaroon ng intensib na pag-aaral sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga

pamumuhay ng iba't-ibang kultura na spesipikong tinatalakay ng pananaliksik na ito sa

pamamagitan ng pagsagawa ng panayam sa mga respondanteng nakakaranas ng kros kultural na

pamumuhay. Layunin ng mga mananaliksik na magsagawa ng matalisik na paghahambing sa


pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kultura ng iba't-ibang bansa at magkaroon ng masusing pag-

aanalisa kung paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng isang tao at paano umangkop ang tao

sa ibang kultura.

You might also like