You are on page 1of 3

Alfonso J.

Cabasag August 21 2019

12-Oldcorne Filipino Sulat

STEM IS FOR STEM CELLS

“Ang mga stem cell ay nagsisira sa ating pagiging tao” ang lagi kong naririnig,

pero ano ba talaga ang mga stem cell? Ano ang puwede itong gawin? Bakit

immorale ang pag-research o paggamit ng mga stem cells? Nais kong ipakita ang

importansya nito, kung bakit ito mahalaga. Ang mga stem cell ay mahalaga sa

ating buhay dahil puwede gamitin ang mga stem cells para sa mga cell na nasira,

puwede gamitin ang mga stem cells para maka-intindi ng mga sakit, at puwede

gamitin ang mga stemm cells sa paggawa ng mga bagong droga. Pero mayroon

din itong mga kahinaan at mga masama.

Una, puwedeng gamitin ang mga stem cell para sa mga cell na nasira. Ang mga

stem cells ay mahalagang resource, dahil puwede itong gawin kahit anong cell at

kahit anong tisyu, at kahit anong parte ng katawan. At dahil puwede itong gawin

kahit anong cell, puwede itong maging replacement para sa mga cell na may sakit

o nasira sa katawan ng tao. Dahil medyo mahirap mag-research ng mga stem

cells, hindi pa alam kung ano ang mga epekto sa pakikialam sa nature. At hindi pa

din alam kung lagging tatangappin ng katawan ang mga stem cells dahil hindi ito

galing sa sariling katawan. Pero sa ngayon wala pang masasamang epekto at sa

ngayon sobrang importante ito sa pakikipaglaban sa ilang mga matinding sakit.

Isang patunay nito ang pagkakaroon ng bone marrow transplant, may mga taong

na namatay dahil kailangan nila ito, pero ang ginagawa nila dito ay ginagamit nila
ng mga stem cell sa bone marrow transplant, kaya na-cucure sila mula sa

kanilang sakit, dahil na-replace nila ang ilang mga cell sa bone marrow.

Isa pang patunay nito ay ang paggamit ng mga stem cell sa mga whitening

products o facial cream. Ang mga stem cell ay nga-rereplace sa mga nasirang skin

cells para maging healthy ang mukha dahil wala nang nasirang cells sa mukha.

Kaya sobrang importante ang mga stem cell para sa buhay natin, kung mawala

ito, maaring mas mahirap maka-bangon mula sa mga matinding sakit.

Panagalawa, puwedeng gamitin ang mga stem cell para maka-intindi ng mga

sakit. Dahil, puwedeng gamitin ito para sa paggawa ng kahit anong cell, puwede

din itong gamitin para gumawa ng mga tissue. Kung ang iyong paniniwala ay

nagsisimula ang buhay sa paglilihi o conception, hindi sasangayon sa stem cell

research kasi kinukuha nila ang mga fetus para makakuha ang mga stem cells.

Oo, pinapatay ang mga fetus para lang sa research ito, pero gamit ng mga stem

cells, puwedeng gamitin ito para malaman kung paano o kung saan ito

nagmumula, ano ang dapat mangyari upang magkaroon ang ganitong sakit.. At

maari ding tanawin kung paano umaatake ang mga iba’t-ibang sakit upang

gumawa ng droga para lumaban sa sakit. Kaya importante ang stem cell para sa

buhay ng tao, at para sa kabuhayan ng mga nag-aaral ng siyensio. Maaari itong

gamitan upang iwasan ang ilang mga sakit.

Huli, puwedeng gamitin ang mga stem cells sa paggawa ng mga bagong droga.

Dahil puwedeng gamitin ito sa pag-aaral sakit, dahil puwede itong gamitin sa

paggawa ng iba’t-ibang parte ng tao, puwede itong gamitin upang maka-test ng

mga bagong droga na nilikha para sa sakit. Sa ngayon ginagamit nila ang mga
daga upang malaman kung puwedeng gamitan ang droga. Pero hindi pa rin

eksakto ang kanilang research dahil kailangan itong i-test sa mga totoong tao.

Pero mahirap i-test sa tao dahil maaaring itong maging daan sa mga

komplikasyon tulad ng pagpatay ng tao o ang pagkuha ng ibang mga sakit dahil

dito, kaya sana puwedeng gamitin ang mga stem cells upang makita ang mga

epekto ng droga at kung paano ito maging mas-safe para sa tao.

Hindi nais ng mga taga-siyensia na maging parang diyos o maglaro ng mga buhay

ng tao, pero gusto sana nila tulungan tayo upang mabuhay. Oo masama ang

proseso upang makamit ang mga stem cells, pero sana’y din makita natin ang

mga mahalagang at mga mabubuting naidudulot nito para sa atin.

Sources:

1. NIH Stem Cell Information Home Page. In Stem Cell Information [World

Wide Web site]. Bethesda, MD: National Institutes of Health, U.S.

Department of Health and Human Services, 2016 [cited August 21, 2019]

Available at < //stemcells.nih.gov/info/faqs.htm>

2. “Frequently Asked Questions about Stem Cell Research.” Mayo Clinic,

Mayo Foundation for Medical Education and Research, 8 June 2019,

www.mayoclinic.org/tests-procedures/bone-marrow-transplant/in-

depth/stem-cells/art-20048117.

You might also like