You are on page 1of 17

UNCORRECTED PROOF

Kabanata 19
Ang Mitsa

Iniwan ni Placido Penitente1 ang klase, na ang puso ay puno ng


kapaitan at luha sa kaniyang maiitim na mga mata. Siya’y lubhang angkop sa
kanyang pangalan kapag hindi nagagalit, subalit kapag iniinis ay nagiging
isang tunay na baha, isang halimaw na mapipigil lamang kung mapatay o
makamatay. Ang gayong karaming insulto, mga pagsundot, na sa araw-araw
ay nagpapanginig sa kanyang puso at natatago rito upang makatulog na
kagaya ng tulog ulupong, ay nangagbabangon ngayon na nagngangalit sa
poot.2 Ang mga sutsot ay umuugong sa kanyang tainga na kasama ang mga
mapanpalibak na salita ng katedratiko, ang mga salitang wikang tindahan, at
waring nadidinig niya ang mga lagitik ng hampas at halakhak.3 Libu-libong
balak na paghihiganti ang lumilitaw sa kaniyang isipan na nagkakapatong-
patong at biglang lumilipas na parang mga larawang nakikita sa
pangarap. Walang tigil siyang inuudyukan na dapat kumilos, na taglay ang
katigasan ng ulo ng isang desperado.

“Placido Penitente,” anang boses, “ipakilala mo sa lahat ng kabataang


iyan na mayroon kang karangalan,4 na ikaw ay anak ng isang matapang at

MGA PALIWANAG

1 Placido Penitente – Payapang nagtitiis, isa sa mga maaring maging dahilan ng


pagbibigay ni Rizal ng pangalan sa kaniyang tauhan sa nobela ay para ipakita sa mga
mag-aaral at maging sa mga Pilipino noon ang kanilang mga kalagayan bilang mga
payapang nagtitiis o napapakasakit sa sarili sa harap ng hindi maipaliwanag na anyo
ng pagsasamantala ng pamahalaan at panlilinlang sa kanilang mga kaisipan ng
kolonyal na simbahan.

2 Tulog ulupong – walang kagambalagambala sa mga taong nagdadaan, subalit kapag


nagising o naistorbo sa kaniyang pananahimik ay totoong mapanganib. Ang ulupong
ng Pilipinas, ang isa sa pinakamakamandag na ahas sa mundo.

3 Lengua de Tienda – hindi maayos na pananalita ng wikang Espanyol, ikinakapit ito


sa wikang Chavacano na naging wika sa mga lugar ng Pilipinas kung saan aktibo ang
inter-aksiyon ng mga Pilipino at malaking bilang ng mga Espanyol. Katulad ito ng
pidgin na ginagamit ng mga Tsino sa Hong Kong, at sa kasalukuyan ay ang paggamit
natin ng Taglish. Isang katatawan sa mga Espanyol noon ang mga Pilipino na pilit na
ginagamit ang kanilang wika na saliwa sa panuntunan ng balarila.

4 Halos katulad ito sa Isang piraso ng tula ni Rizal na A la juventud Filipina noong
nag-aaral siya sa UST. Sa tulang nabanggit ay hinihikayat niya ang mga kabataang
Pilipino na itaas ang malinis na noo – o magkaroon ng pagmamalaki na maari nilang
matamo sa pamamagitan ng isang masigasig na pag-aaral ng siyensiya at sining.
marangal na probinsiya, na doon, ang isang insulto ay hinuhugasan
ng dugo. Batangueno ka, Placido Penitente! Gumanti ka, Placido Penitente!”5

At ang binata’y umuungol at nagngangalit ang mga ngipin at


binubunggo ang lahat ng tao sa lansangan, sa tulay ng Espanya, na parang
naghahanap ng basag-ulo. Sa huling pook na ito’y nakakita ng isang
sasakyang kinaroroonan ng Vice Rector na si Padre Sibyla, na kasama ni Don
Custodio, at nagtaglay siya ng malaking pagnanais na sunggaban ang pari at
ihagis sa tubig.

Nagpatuloy sa Escolta at muntik-muntikan nang pagsusuntukin ang


dalawang Agustino na nangakaupo sa pintuan ng bazaar ni Quiroga, na
nagtatawanan at binibiro ang iba pang prayle na nasa loob ng tindahan at
nakikipag-usap; nadidinig ang kanilang masasayang boses at matutunog na
halakhakan.6 Sa dakong malayu-layo ay nakaharang sa bangketa ang
dalawang cadete na nakikipag-usap sa isang kawani ng isang tindahan, na
nakabaro’t walang Amerikana; tinungo sila ni Placido Penitente upang
sapilitang buksan ang daan, nguni’t ang mga cadete na masasaya at
nakahalata sa masamang tangka ng binata ay nangagsilayo.7 Nang mga
sandaling si Placido ay nasa ilalim ng hamok na sinasabi ng mga sumusuri
sa ugaling Malayo.8

5 Subalit sa tinutungo ng nobela sa katauhan ng mag-aaral na si Placido Penitente ay


napakalayo sa diwa ng A la juventud Filipina sapagkat sa pagkakataong ito, ang
karangalan ng mga kabataang Pilipino ay kukuhanin na sa pamamagitan ng
paghihiganti o ng dahas. (Hindi kaya ang bahaging ito ay isang anyo ng inpiltrasyon
sa pamamagitan ng panunulsol ni Rizal sa mga kabataang Pilipino, katulad ng
kaniyang ginawa sa Kabanata 16, kung saan ay pinag-iinit niya ang damdamin ng
mga sundalong Pilipino sa isyu ng sapatos.

6 Binibiro ng mga Agustinong nasa labas ang iba pang mga prayle na nasa loob ng
bazaar ni Quiroga. Tandaan na sa itaas ng tindahan ay mayroong mga servidora si
Quiroga na masunurin at maaring makapulong ng mga prayle. Ang pagkamuhi ni
Placido Penitente sa mga prayle sa tindahan ni Quiroga ay dahilan sa nahuhulaan
niya na ang dahilan ng tawanan ay maaring kasiyahan dahilan sa pagsasamantala ng
mga ito sa bayan.

7 Isang ugali ng mga Pilipino na magalang na yumuyuko kung lalampas sa mga taong
nag-uusap na nakaharang sa kaniyang dadaanan. Subalit ang diretsong paglakad na
walang yuko ay nararamdaman na ng dalawang kadete na masama ang dating ni
Placido Penitente.

8 Amok - "mad with uncontrollable rage. Amok originated from the Malay word
mengamuk , which roughly defined means “to make a furious and desperate charge”
Isa sa mga nag-aral ng ugali ng lahing Malayo ay si Alfred Russel Wallace na
isang British Naturalist ay isa sa mga unang tumalakay rin sa kaniyang aklat ukol sa
ugali ng mga mamamayang Malayo na mag-amok. Isa sa mga naka-inpluwensiya kay
Rizal lalo na sa usapin ng ebolusyon ay ang nasabing siyentipiko.
Habang papalapit si Placido sa kanyang bahay – ang bahay ng isang
platero sa kanyang pinangungupahan – ay pinipilit na iugnay-ugnayin ang
kanyang mga iniisip at binuo ang isang balak. Uuuwi sa kanyang bayan at
maghiganti, upang ipakilala sa mga prayle na hindi naaalimura nang
gayun-gayon lamang ang isang binata, at ang gaya niya’y hindi maaaring
aglahiin.9 Iniisip na sumulat agad sa kanyang ina, kay Kabesang Andang,
upang ipabatid dito ang nangyari at sabihing hindi na siya makapapasok sa
klase, at kahit may Ateneo ng mga Heswita upang makapag-aral sa taong
yaon,10 marahil ay hindi siya bibigyang-pahintulot ng mga Dominiko na
makalipat, at kahit na maaari ang gayon ay mababalik din siya sa unibersidad
sa susunod na taon ng pag-aaral.

“Sinasabing hindi kami marunong maghiganti!” ang sabi, “pumutok


ang lintik at saka makikita.”

Nguni’t hindi inaasahan ni Placido ang nag-aantay sa kanya sa bahay


ng platero.

Kararating pa lamang ni Kabesang Andang na galing sa Batangan at


lumuwas upang mamili, dumalaw sa kanyang anak upang dalhan ng kuwalta,
tapang usa at mga panyong sutla.

Nang matapos ang mga unang batian, ang kahabag-habag na babaing


sa simula pa’y napuna na ang mabalasik na tingin ng kanyang anak, ay hindi
na nakapagpigil at nagsimula na sa katatanong. Sa mga unang pagsasalita’y
inaring biro ni Kabesang Andang, ngumiti’t pinagpayuhan ang kanyang anak,
at ipinaalaala dito ang mga paghihirap, ang mga pagtitipid, atbp.;11 at
binanggit ang anak ni Kapitana Simona, na dahil sa pagkakapasok sa
seminaryo ay waring obispo na kung lumakad sa kanilang bayan. Ipinalalagay

Basahin ang artikulong Dr. Jose Rizal's Darwinism and scientific thought
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=68454&publicationSubCategoryId=75

9 Nagiging abusado ang isang tao dahilan sa hindi sila napaparusahan sa kanilang
ginagawang pagmamalabis. Tinatawag ito sa ingles na impunity.-

10 Nasa unibersidad si Placido Penitente at lilipat sa Ateneo na isang paaralang


sekondaryo na nagbibigay rin ng kursong bokasyonal. Maring ang paglipat niya sa
Ateneo ay para kumuha ng kurso para maging agrimensor.

11 Mapapansin sa katauhan at paunang pananalita ni Kabesang Andang na ang mga


ina ang isa sa mga dahilan ng pagiging kimi ng mga kabataan. Ang sabi nga ni Rizal,
ang duwag na ina ay mag-aanak ng isang alipin.
na ni Kapitana Simona na siya’y Ina ng Diyos; mangyari baga’y magiging isa
pang Jesucristo ang kanyang anak!

“Pag naging pari ang anak,” ang sabi ni Kabesang Andang, “ay hindi na
babayaran ang utang sa atin… Sino pa ang makasisingil sa kanya pag
nagkagayon?12

Nguni’t nang makitang tinototoo ni Placido ang pagsasalita at


napansin sa mata nito ang sigwang bumabayo sa kalooban ay nakilalang
dala ng kasawian ay sadyang tunay ang sinasabi.13 Mga ilang sandaling
hindi nakapangusap, at pagkatapos ay naghinagpis nang katakut-takot.

“Ay!” anya, “at naipangako ko pa naman sa ama mo na aarugain kita,


papag-aralin at gagawing abugado! Tinitipid ko ang lahat upang makapag-aral
ka lamang! Imbes na sa pangginggeng malakihan ang pusta ay naparoroon
sa panggingeng maliitan ang taya, at tinitiis ko na ang mababahong amoy
at maruruming baraha! Tingnan mo ang mga baro ko’t may sulsi! Kahi’t
makabibili ako ng mga bago ay ginugugol ang kuwalta sa mga pamisa at
mga handog kay San Sebastian, kahi’t na wala akong pananalig sa
kanilang bisa, sapagka’t minamadali ng pari, at ang santo ay bagung-bago
at hindi pa marunong gumawa ng kababalaghan, at hindi batikulin kundi
laniti!14 Ay! Ano ang sasabihin sa akin ng ama mo pagkamatay ko’t kami’y
magkita?”

At ang kaawa-awang babai’y naghihinagpis at umiiyak; lalo pang


nagdidilim ang kalooban ni Placido at namumulas sa kanyang dibdib ang
mga timping buntung-hininga.15

“Ano ang mapapala ko kung maging abugado?” ang tugon.

“Ano ang sasapitin mo?” ang patuloy ng ina na pinagdaop ang kamay,
“panganganlan kang pilibistiero at bibitayin ka!16 Sinasabi ko na sa iyong

12 Maging ang mga inang Pilipino ay nakikita ang pagng-ekonomiyang adbantahe na


magkaroon ng anak na pare.

13 Pansinin na ang pagkayamot ni Placido Penitente ay nadaragdagan kapag


nababanggit ang pagsasamantala ng mga pari.

14 Sa sinuman na mapansinin ay makikita ang malupit na istilo ni Rizal bilang


bihasa sa sining ng panunudyo – gumagawa muna siya ng katatawanan sa katauhan
at pananalita ni Kabesan Andang bago niya ito gamitin para laiitin ang isang maling
paniniwala.

15 Pansinin ang lalo pang pag-aalab ng poot ni Placido – dahilan sa ang


kamangmangan ng kaniyang ina at ang panloloko ng mga taong simbahan.
magtitiis ka, ikaw ay magpapakumbaba!17 Hindi ko sinasabi sa iyong humalik
ka ng kamay sa pari, alam kong ang pang-amoy mo’y maselan na gaya ng ama
mo na hindi makakain ng keso ng Europa…18 nguni’t dapat tayong magtiis,
huwag umimik, pa-oo sa lahat ng bagay… Ano ang magagawa natin? Ang mga
prayle ay mayroon ng lahat ng bagay; kung ayaw sila ay walang magiging
abugado, ni mediko. Magtiis ka, anak ko, magtiis ka!”19

“Nakapagtiis na akong lubha, inang; buwanang ako’y nagtiis!”20

Patuloy si Kabesang Andang sa kanyang paghihinagpis. Hindi niya


hinihinging ipahayag ni Placido na siya’y kampi sa mga prayle. Siya man ay
hindi rin; lubos niyang batid na sa bawa’t isang mabuti ay may sampung
masama na kumukuha ng salapi ng mahihirap at nagpapadala sa
mayayaman sa tatapunan. Nguni’t dapat na huwag kumibo, magtiis at
magbata; walang ibang paraan.21 At binanggit ang ganoon at ganitong
ginoo na dahil sa nagpakita ng pagka-paciencioso at mapakumbaba, kahi’t
na sa kaibuturan ng puso’y nagagalit sa kanyang mga panginoon, ay
naging promotor-piskal gayong galing sa pagiging alila ng prayle;22 at si
gayon na ngayo’y mayaman at mangyayaring makagawa ng mga mabangis na
asal at makaaasang may ninong na mag-aampon sa kanya nang laban sa mga
kautusan ay galing sa pagiging isang maralitang sakristang

16 Pansinin na si Kabesang Andang ay nasa estado ng pamali-mali at saka


pinapagsalita ni Rizal ng isang subersibong ideya sa kaniyang panahon.

17 Ang ikalawang hanay na pabor sa kaayusang panlipunan ay isinunod – upang


ipakita ang estado ng pamali-mali.

18 Nakabalot sa isang patawa ang isang masamang pang-iinsulto “mabahong kamay


ng prayle”, isang simbolismo ng mga nagagawang kasamaan na salungat sa kanilang
pinanumpaan bilang mga alagad ng simbahan. Isang pang-uulok ni Rizal na alisin ng
mga Pilipino ang ganitong kagawian.

19 Pansinin – na sa kabila ng pagiging mapanata ni Kabesang Andang ay alam niya


ang kapangyarihan ng mga prayle. Ang kaniyang pananampalataya ay mayroong
kahalong takot sa kapangyarihan ng mga dayuhang alagad ng simbahan.

20 Pansinin na lalo pang nagalit si Placido sa pagsasabi ng kaniyang ina ukol sa mga
prayle.

21 Pansinin na ang relihiyosang babae ay may reserbasyon sa tunay na kabanalan ng


mga prayle.

22 Pansinin na habang nangangaral siya ng pagiging pasensiyoso, ang ikinukeuwento


niya ay nakakainis.
mapagpakumbaba’t masunurin, na nag-asawa sa isang magandang dalaga na
ang naging anak ay inanak ng kura.23

Patuloy si Kabesang Andang ng lintanya sa mga Pilipinong


mapagpakumbaba at paciencioso, gaya ng sabi niya, at babanggit pa sana
ng iba na dahil sa hindi gayon ay nangapatapon at pinag-uusig,24 nang si
Placido, dahil sa isang munting bagay na dinahilan, ay umalis at naglagalag sa
mga lansangan.

Nilibot na tatanga-tanga at mainit ang ulo ang Sibakong,25 Tundo, San


Nicolas, Sto. Cristo, na hindi pinupuna ang araw at ang
oras, at nang makaramdam lamang ng gutom at
naunawang wala siyang kuwalta, dahil sa ibinigay lahat
sa mga pistahan at mga ambagan,26 ay saka umuwi sa
kanyang bahay. Hindi niya inaantay na matatagpuan
ang kanyang ina, sapagka’t may ugali ito, kailan ma’t
lumuluwas sa Maynila, na tumungo sa mga oras na iyon
sa isang kapitbahay na pinagsusugalan ng
panggingge. Nguni’t siya’y inaantay ni Kabesang Andang
upang pagsabihan ng binalak. Ang matandang babai’y
patutulong sa procurador ng mga Agustino upang mapawi ang pagka-galit ng
mga Dominiko sa kanyang anak. Pinutol ni Placido sa isang iglap ang kanyang
pananalita.

“Tatalon na muna ako sa dagat,” ang sabi, “manunulisan na muna


ako bago bumalik sa unibersidad.”27

23 Pansinin na ito ang katulad ni Kapitan Tiyago sa Noli Me Tangere.

24 Ang totoo pinagkukumpisal ni Rizal ang tunay na nasa kalooban ni Kabesang


Andang. May utang na loob pa nga ang mga prayle, dahilan sa pinaalis ni Rizal si
Placido Penitente, kung hindi umalis ang lalaki ay baka mapuno pa ng ilang pahina
ang kabanatang ito ng mga litanya ng pagsasamantala ng mga prayle sa kaniyang
kapanahunan.

25 Sibakong – ang higit na binabanggit rito ay tulay sa ibabaw ng estero de Sibacon


na nag-uugnay sa Santa Cruz at Escolta. Lugar na kailangan na madaanan upang
malibot ni Placido Penitente ang mga mga binabanggit na arabales ng Maynila. Ang
larawan ay nagpapakita ng Estero ng Sibacon sa mga huling taon ng ika-19 na siglo.

26 Maalala sana kung papaano siya hinuthutan ni Juanito Pelaez bago siya pumasok
sa loob ng silid-aralan.

27 Isang desperadong deklarasyon ng isang mag-aaral na piliin pa ang kabundukan


kaysa sa pamantasan.
At sa dahilang sinimulan na naman ng ina ang salaysay tungkol sa
pagtitiis at kababaang-loob ay umalis na muli si Placido na hindi kumain ng
ano man at tinungo ang daungang himpilan ng mga bapor.

Ang pagkakita ng isang nakaangklang bapor na aalis na patungong


Hongkong ay nag-udyok sa kanya ng isang akala: pumaroon sa
Hongkong,tumakas, magpayaman doon upang digmain
ang mga prayle.28 Ang pagparoon sa Hongkong ay
gumising sa kanya ng isan g alaala, isang kasaysayan
ng mga kagayakang prontal ng altar, mga ciriales at
mga titirikan ng kandila na pawang pilak na inihandog
sa isang simbahan ng kabanalan ng mga
mapanampalataya; anang isang platero ay nagpagawa
sa Hongkong ang mga prayle ng ibang kagayakan sa
dambana, mga ciriales at mga titirikan ng kandila na
pawang pilak na Ruolz na siyang ipinalit sa mga tunay
na pilak na ipinatunaw at ipinagawang pisong
Mehikano. Ito ang kasaysayang kanyang narinig, na kahit mga sali-salita
lamang iyon o bulung-bulungan ay inaari na niyang totoo dahil sa sama ng
kanyang loob at nagpapaalaala pa sa kanyang ilang gayon ding pangyayari.
29 Ang paghahangad na mabuhay nang malaya at ilang balak na hindi pa
lubos na yari ay nakapag-udyok sa kanyang ipatuloy ang balak na tumungo sa
Hongkong. Kung doon dinadala ng mga corporacion ang lahat ng kanilang
salapi ay dapat na lumakad na mabuti ang pangangalakal doon at maaaring
siya’y yumaman.30

“Ibig kong maging malaya, mabuhay nang malaya!”

28 Ang Hong Kong ang ligtas na lugar na kanlungan ng mga Pilipino na kalaban ng
mga Prayle – Isa na sa mga masugid na Pilipinong ito ay si Jose Maria Basa na naging
matalik na kaibigan ni Rizal at instrumental sa pagpupuslit ng kopya ng nobelang ito
sa Pilipinas. Isa pa rin sa mga lalaking nakatagpo ni Rizal sa kolonyang Ingles ay si
Balbino Mauricio – ang dating nagmamay-ari ng bahay sa kalye Anlouague na ginamit
ni Rizal sa Noli at Fili na bahay ni Kapitan Tiago.
Maging si Rizal bago ang kaniyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1892 ay
pansamantalang nanirahan at nanggamot sa Hong Kong.

29 Ang binabanggit na ito ay mga kumakalat na bali-balita ay walang makitang


ganitong kongkretong pangyayari, subalit maging si Rizal sa kaniyang
pansamantalang pagtigil sa Hong Kong ay natagpuan niya na ang mga Dominicano
ang pinakamayamang korporasyon noon sa Hong Kong.

30 Sa kapanahunan ni Rizal ang isa sa mga pangunahing pangkatin na naglalabas ng


pera ng bayan ay ang mga korporasyon ng simbahan.
Inabot siya ng gabi sa paglilibot sa San Fernando, at sa dahilang hindi
makatagpo ng isang kaibigang magdaragat ay nagpatuloy nang umuwi. At
sapagka’t maganda ang gabi at ang buwan ay kumikinang sa langit na
nagbibigay anyong kahariang makababalaghan ng mga ada ang maralitang
siyudad, siya ay nagpunta sa perya. Doon nagpayao’t dito, nilibot ang mga
tinda nguni’t hindi napupuna ang mga bagay-bagay; ang pag-iisip niya ay nasa
Hongkong upang mamuhay nang malaya; magpayaman…

Iiwan na sana ang perya nang mamataan mandin ang mag-aalahas na si


Simoun na nagpapaalam sa isang taga-ibang lupa at kapwa sa wikang Ingles
nag-uusap.31 Sa palagay ni Placido, ang lahat ng wikang ginagamit sa
Pilipinas ng mga dayuhan, kailan ma’t hindi ang Kastila, ay Ingles: at saka
naulinigan pa ng ating binata ang salitang Hongkong.

Kung mangyayari sanang maipakiusap siya ng mag-aalahas na si


Simoun sa dayuhang iyon na tutungo mandin sa Hongkong!

Tumigil si Placido. Nakikilala niya ang maghihiyas dahil sa naparoon sa


kanyang bayan at nagbili ng alahas. Sinamahan niya sa isang paglalakbay
at pinagpakitaan siya ng magandang loob ni Simoun na isinalaysay sa
kanya ang mga pamumuhay sa mga unibersidad ng malalayang
bansa: anong laking kaibahan!32

Sinundan ni Placido ang mag-aalahas.

“Ginoong Simoun, ginoong Simoun!” anya.

Nang sandaling yaon ay lulan ng sasakyan ang maghihiyas. Nang


makilala si Placido ay tumigil.

“Ibig ko sanang makiutang ng loob sa inyo…dalawang salita lamang!”


ang sabi.

Si Simoun ay umanyong may pagkainip, bagay na sa katuligan ni


Placido ay hindi napuna. Sa ilang salita’y isinalaysay ng binata ang nangyari
sa kanya at ipinahayag ang nasang tumungo sa Hongkong.

31 Si Simoun at Mr. Leeds

32 Makikita rito na ang katutubong diskontento ni Placido Penitente ay ginatungan


pa nang una silang magkita ni Simoun na nagkuwento sa kaniya noong ito ay
makasama niya sa Batangas.
“At bakit?” ang tanong ni Simoun na tinitigan si Placido sa tulong ng
kanyang mga salaming bughaw.33

Hindi sumagot si Placido. Sa gayo’y tumingala si Simoun at ngumiti


nang dati ring ngiting tahimik at malamlam, at sinabi kay Placido, na:

“Siya! Sumama kayo sa akin. Sa daang Iris!”34 ang sabi sa kutsero.

Sa buong nilakaran ay namalaging walang imik si Simoun na waring


may iniisip na isang malaking bagay. Sa pag-aantay ni Placido na siya’y
kausapin ay hindi bumigkas ng ano mang salita at naglibang sa pagmamasid
sa maraming naglalakad na sinasamantala ang kaliwanagan ng buwan. Mga
binata, magkakaakbay na magkasintahan, ang nagkakaibigan na sinusundan
ng mga maiingat na ina o mga tiyahin, pulu-pulutong na mga nag-aaral na
nakadamit na puti na lalo pa manding pinatitingkad ng buwan ang kaputian;
mga sundalong halos lasing na nangakakarwahe, anim na paminsan, na
dadalaw sa templong pawid na itinalaga kay Citeres;35 mga batang naglalaro
ng tubigan, mga Insik na nagtitinda ng tubo, atbp.; ang pumupuno sa
dinadaanan at sa liwanag ng maningning na buwan ay nagkakaroon ng
anyong mamalikmata’t mga kaaya-ayang ayos. Sa isang bahay ay tumutugtog
ng mga balse ang orkestra at nakikita ang ilang magkalangkay na
nagsasayawan sa liwanag ng mga kingke at lampara… napakahabag na
panoorin iyon sa ganang kanya kung ipapara sa nakikita sa mga
lansangan! At sa pag-iisip niya tungkol sa Hongkong ay itinatanong sa sarili
kung ang mga gabing may buwan sa pulong iyon ay kasing-inam,
kasinsasarap ng sa Pilipinas, at isang matinding kalungkutan ang bumalot sa
kanyang puso.36

33 Simbolismo ng pagkilatis na mabuti sa isang bagay mula sa isang madilim na


salamin,

34 Ang Calle Iris ay bahagi ngayon ng dulong silangang ng kasalukuyang Claro M.


Recto. Nagsisimula ito sa may Bilibid (Manila City Jail ngayon) hanggang sa dulo ng
Kolehiyo ng San Sebastian.
Dahilan sa Simoun at Placido Penitente ay nagmula sa Quiapo patungo ng
Calle Iris, matitiyak na ang dinaanan nila ay ang Calle San Pedro (ngayon ay ang
Evangleista – wala pa ang Quezon Boulevard) na patungo kalye Iris kung sila ay
kakanan sa kalooban ng kalsada.

35 Templong pawid ni Citeres – Bahay aliwan ang Quiapo noon ay kilala bilang isang
distrito ng mga mang-aaliw.
36 Sa buhay ni Rizal, ang pagtanaw sa kabilang ibayo ng tubig ay parang isang
pangangarap ng kalayaan. Sa murang edad habang tinatanaw niya ang Lawa ng
Laguna, itinatanong niya kung ang mga tao sa kabila ng lawa ay malaya. Sa panahon
na nag-aaral siya sa Ateneo ay tanaw niya ang mga bapor na nagyayaot sa Maynila
patungo ng Hong Kong.
Ipinag-utos ni Simoun na huminto ang sasakyan at bumaba silang
dalawa. Nang mga sandaling yaon ay siyang pagdaraan sa kanilang tabi ni
Isagani at ni Paulita Gomez na nagbubulungan ng matatamis na salita; sa
likuran ay kasunod si Donya Victorina na kasama si Juanito Pelaez, na
malakas ang pagsasalita, nagkukukumpay at lalo pang nakukuba. Sa
pagkalibang ni Pelaez ay hindi nakita ang kanyang naging kamag-aral.

“Iyan ang maligaya!” ang bulong ni Placido na nagbuntunghininga at


nakatingin sa pulutong na unti-unting nagiging parang anino lamang, na ang
tanging nakikitang mabuti ay ang mga bisig ni Juanito na ibinababa’t itinataas
na wari’y pamagaypay ng isang gilingan.

“Sa gayon na lamang siya pakikinabangan,” ang bulong naman ni


Simoun, “mabuti na ang lagay ng kabataan!”

Sino ang tinutukoy ni Placido at ni Simoun? 37

Hinudyatan nito ang binata, iniwan nila ang kalsada at nagsuot sa isang
palikaw-likaw na landas at mga daanang pagitan ng ilang bahay;38 kung
minsa’y nangagsisitalon sa maliliit na bato upang iwasan ang mumunting

37 Ang tinutukoy ni Placido ay si Pelaez dahilan sa mayaman at may kakayahan na


makapag mabutihang loob sa nga Espanyol at Simoun ay si Isagani, na para sa
kaniya ay higit na mabuti na siya ay manligaw na lamang kaysa sa makibahagi sa
kilusan ng mga mag-aaral na nagsusulong sa pagtuturo ng wikang Espanyol.

38 Ipinapakita sa mapa ang hilagang bahagi ng Calle Iris na halos bukiran pa noong
kapanahunang iyon. Bagay na nagpapakita ng realidad sa paglalarawan ni Rizal sa
kaniyang istorya.
putikan at kung minsa’y yumuyuko upang dumaan sa bakod na masama ang
pagkakayari at lalo pa manding masama ang pagkakaingat. Namangha si
Placido nang makitang naglalakad sa mga pook na iyon ang mayamang mag-
aalahas, na wari’y sanay doon.39 Sa kahuli-huliha’y nakarating sila sa isang
wari’y kulob na malaki na may nag-iisang munting bahay na dukha na
napapalibutan ng sagingan at mga puno ng bunga. Ilang balangkas na
kawayan at putul-putol na bumbong ay nakapagpahinala kay Placido na
sila’y nasa bahay ng isang kastilyero.40

Kumatok si Simoun sa durungawan. Dumungaw ang isang tao.

“Ah! Ginoo…”

At dagling nanaog.

“Nariyan na ba ang pulbura?” ang tanong ni Simoun.

“Nangasabayong; inaantay ko ang mga bumbong.”

“At ang mga bomba?”

“Nahahanda.”41

“Mabuti, maestro… Ngayong gabi rin kayo lalakad at makikipag-usap sa


tenyente at sa kabo… at pagkatapos ay ipatuloy ang inyong lakad; sa lamayan
ay makakatagpo kayo ng isang tao sa isang bangka: batiin ninyo ng salitang
“Kabesa” at siya’y sasagot ng “Tales.” Kailangang dumating dito bukas. Hindi
makapag-aaksaya ng panahon!”

At binigyan ng ilang salaping ginto.

“Bakit po, ginoo?” ang tanong sa mabuting wikang Kastila ng tao, “may
bagong bagay po ba?”

“Oo, gagawin sa loob ng linggong darating.”

39 Maitatanong kung mismong si Rizal ay sanay na pumasok sa nasabing lugar?


Bakit

40 Kastilyero – manggagawa ng paputok

41 Mula sa pag-uusap ay makikita na ang paggawa ng paputok ay kublihan lamang


ni Simoun sa paggawa ng mga pampasabog na kailangan sa himagsikan. Mula rito ay
mararamdaman ang sistema ni Rizal sa pagsulat – ang mga paputok na ginagamit
niya sa pang-aliw sa kaniyang mga mambabasa at ang bomba na kaniyang
inihahanda para sa mga mambabasa.
“Sa linggong darating!” ang ulit ng tao na napaurong, “ang mga arabal
ay hindi pa handa; inaantay na iurong ng Heneral ang utos…ang akala ko’y
ipagpapaliban hanggang sa pagpasok ng kurisma.”

Umiling si Simoun.

“Hindi na natin kakailanganin ang mga arabal,”42 ang sabi, “ang mga
tao ni Kabesang Tales, ang mga naging karabinero at isang regimiento ay sapat
na.43 Kung ipagpapaliban pa, marahil ay patay na si Maria Clara! Lumakad
kayo agad!”44

Ang lalaki’y nawala.

Kaharap si Placido sa maikling pag-uusap na ito’t nadinig ang lahat;


nang inakalang nakaaninaw siya nang babahagya ay nanindig ang kanyang
buhok at tiningnan si Simoun ng matang gulat. Si Simoun ay nakangiti.

“Ipinagtataka ninyo,” ang sabing malamlam ang ngiti, “na ang Indiyong
iyan na masama ang suot ay makapagasalitang mabuti ng wikang
Kastila? Naging guro sa paaralan, na nagpumilit na turuan ng wikang
Kastila ang mga bata at hindi nagtigil hanggang naalis sa tungkulin at
napatapon dahil sa salang panggugulo ng katiwasayang-bayan at sa
dahilang naging kaibigan ng kaawa-awang si Ibarra. Kinuha ko sa
kinatapunan, na ang inaatupag doon ay ang pagtatanim ng niyog at ginawa
kong magkakastilyo.”45

42 Isa sa mga plano ni Simoun ay ang pagsunog sa mga arabal higit na slum area na
itataon sana nito sa magaganap na demolition ng mga bahay pawid na pagkakaitaan
ng malaki ni Don Timoteo Pelaez.

43 Mapapansin rito na ang mga mismong kawal ng kolonyal na hukbong ay kasama


sa planong pag-aalsa ni Simoun.

44 Isa sa pinakamalaking konsiderasyon sa plano ay ang gagawing pagtakas kay


Maria Clara.

45 Ang magkakastilyo ay ang dating guro ng San Diego na nakasama ni Ibarra sa


planong pagtatayo ng paaralan nasabing bayan sa nobelang Noli Me Tangere.
Isang malaking pagbibiro ng kasaysayan na si Simoun, ang dating guro at si
Placido Penitente ay magkasama sa liblib na dako ng Sampaloc – pagkat ang lugar na
ito ang kasalukuyang UNIVERSITY BELT ng Pilipinas.
Higit na isang malaking pagbibiro na ang kanlurang bahagi ng Calle Iris ay ang
Paseo de Azcarraga, kung saan isinilang ang rebolusyonaryong kilusan na
KATIPUNAN.
Nangagsibalik sa daan at palakad na tumungo sa dakong Trozo. Sa
harapan ng isang munting bahay na tabla na ang anyo’y masaya at malinis, ay
may isang kastila na naniniin sa isang tungkod at nag-aaliw sa liwanag ng
buwan. Tinungo siya ni Simoun; nang makita ito ng kastila ay nagtangkang
tumindig na tinimpi ang isang daing.

“Humanda kayo!” ani Simoun sa kanya.

“Kailan ma’y handa ako!”

“Sa linggong darating!”

“Ipatutuloy na ba?”

“Sa unang putok ng kanyon!”

At lumayong kasunod si Placido na nagsisimula na ng pagtatanong sa


sarili kung siya’y nananaginip.

“Ikinatataka ninyo,” ang tanong sa kanya ni Simoun, “ang pagkakita sa


isang Kastilang bata pa’y salanta nang lubha ng mga sakit? May mga
dalawang taon lamang na iyan ay kasintibay ninyo sa pangangatawan, nguni’t
nagawa ng kanyang mga kalaban na siya’y maipadala sa Balabak upang
gumawa roong kasama ng isang pangkat na disciplinaria, at nariyan at tingnan
ninyot rayuma at walang likat na lagnat na nag-aboy sa kanya sa
libingan. Ang kahabag-habag na iyan ay nag-asawa sa isang magandang
babae…”46

At sa dahilang nagdaan ang isang sasakyang walang sakay ay


pinahinto ni Simoun at napahatid na kasama si Placido sa kanyang bahay sa
daang Escolta. Nang mga sandaling iyon ay tinugtog sa mga orasan ng mga
simbahan ang ikasampu at kalahati ng gabi.

Makaraan ang dalawang oras ay nilisan ni Placido ang bahay ng mag-


aalahas47 at wala nang katau-tao kahit na masaya pa rin ang mga
café. Mangisa-ngisang sasakyan ang nagdadaang matulin na nag-uumugong

46 Pansinin na hindi rin nakaligtas maging ang isang Espanyol na katulad na


kasawian ng mga katutubong naninirahan sa Pilipinas. Ang kaniyang magandang
asawa ay pinag-interesan din ng mga prayle.

47 Dalawang oras pa si Placido sa bahay ni Simoun – sapat upang mailahad ni


Simoun ang kaniyang mga balakin sa isang mag-aaral. Nakakatuwa na sipin na
pinagsama ni Rizal ang dalawang tauhan ng El Fili sa iisang tagpo. Simoun at Placido.
nang katakut-takot sa ibabaw ng dinadaanang gasgas na batong nakalatag sa
lansangan.48

Mula sa isang silid ng kanyang tahanang nakaharap sa Ilog Pasig ay


tinatanaw ni Simoun ang bayang palibot ng pader na nakikita sa mga
durungawang bukas ang mga bubong na hierro galvanizado na pinakikintab
ng buwan at ang kanyang mga
tore na nalilitaw na malungkot,
bagol, malalamlam, sa gitna ng
mapanatag na anyo ng gabi. Si
Simoun ay nag-alis ng
salaming bughaw sa mata,49
ang kanyang maputing buhok
na wari’y kulob na pilak ay
nakalibid sa kanyang matigas
at sunog na mukhang malamlam, na naliliwanagan ng isang lampara, na ang
ilaw ay waring mamamatay dahil sa kakulangan sa petroleo. Dahil mandin sa
isang bagay na iniisip ay hindi napupuna ni Simoun na unti-unting
namamatay ang lampara at lumalaganap ang kadiliman.

“Sa loob ng ilang araw,” ang bulong, “pag nasusunog na ang lahat ng
apat na tagiliran ng sinumpang lungsod na iyan, na kanlungan ng mga
palalong walang alam at ng walang awang
pagsasamantla sa mangmang at
napipighati; 50 kapag ang pagkakagulo ay
nangyari na sa mga arabal, at palusubin ko
sa mga lansangan ang aking mga taong
maghihiganti, na ibinunga ng mga
kasakiman at kamalian, ay saka ko
bubuksan ang pader ng iyong bilangguan,
aagawin kita sa kuko ng panatisismo,51 at
maputing kalapati, magiging Fenix kang
muling sisipot sa mainit na abo…! Isang paghihimagsik na binalak ng mga tao
sa gitna ng kadiliman ang siyang naglayo sa akin sa piling mo; isa namang

48 Noon pa man ay masama na ang kalagayan ng kalsada sa Maynila


.
49 Upang higit na makita ang kapaligiran sa mas maliwanag na bisyon, sa panahon
ng gabi.

50 Ang Intramuros ay sentro ng kolonyal na pamahalaan at simbahan. Sa mga


pananalita sa bahaging ito ng nobelang ito ay pinatutungkulan niya ang pamahalaan
na mayabang na walang alam, at ang kolonyal na simbahan na nagsasamantala sa
mga mangmang at napipighati.

51 , te arrancaré de las garras del fanatismo – ang panatisismo ang nagkukulong kay
Maria Clara. Pinagtatakpan ng mga matataas na madre ang nagaganap sa dalaga.
paghihimagsik din ang mag-aaboy sa akin sa mga bisig mo,52 bubuhay sa
aking muli, at ang buwang iyan, bago sumapit sa kanyang kabilugan, ay
tatanglawan ang Pilipinas na linis na sa karimarimarim niyang basura.”53

Biglang huminto si Simoun na waring natigilan. Isang tinig ang


tumatanong sa loob ng kanyang budhi kung siya, si Simoun, ay hindi bahagi
rin ng basurang ng kalait-lait na lungsod, o marahil ay siya pa ang bulok na
may lalong pinakasama ang singaw. At kagaya ng mga magbabangong
patay, pagtugtog ng pakakak na kakila-kilabot, ay libu-libong marugong
multo, mga aninong nanggigipuspos ng mga lalaking pinatay, mga babaing
ginahasa, mga amang inagaw sa kanilang mga anak, masasamang hilig na
inudyukan at pinalusog, mga kabaitang hinalay, ay nangagsipagbangon
ngayon sa tawag ng matalinhagang katanungan.54 Noon lamang, sa
kanyang masamang pamumuhay, sapul ng sa Habana, sa tulong ng
masamang hilig ng pagsuhol ay tinangka niya ang pagyari ng isang
kasangkapan upang magawa ang kanyang mga balak; isang taong walang
pananalig, walang pag-ibig sa bayan at walang budhi; noon lamang, sa
kabuhayang iyon tumututol ang kanyang budhi laban sa kanyang mga
inaasal. Ipinikit ni Simoun ang kanyang mga mata at malaong namalagi na
walang katinag-tinag; matapos iyon ay hinaplos ang kanyang noo, ayaw
silayan ang kanyang budhi at natakot. Ayaw, ayaw suriin ang kanyang sarili,
kinulang siya ng katapangan upang lingunin ang dakong kanyang dinaanan…
Kulangin pa naman siya ng katapangan nang nalalapit na ang sandali ng
pagkilos, kulangin siya ng paniniwala, ng pananalig sa sarili! At sa dahilang
ang mga kakila-kilabot na larawan ng mga sawimpalad, na siya ay nakatulong
sa sinapit, ay nasa kanyang harapan pa rin na wari’y nangagsisipanggaling sa
makinang na ibabaw ng ilog at nilulusob ang silid, na sinisigawan siya’t
inilalahad sa kanya ang mga kamay; sa dahilang ang mga sisi at panaghoy ay
waring namumuno sa hangin at nadidinig ang mga pagbabala at mga sigaw ng
paghihiganti ay inilayo ang kanyang tingin sa durungawan at marahil ay noon
lamang siya nanginig.

52 Ginamit ni Rizal ang salitang revolucion at hindi rebelion. Masasapantaha rito na


ang ikalawang salitang tinutukoy, ngunit hindi nagamit ni Mr. Leeds ay ang
revoluction.

53 Makikita ang pahayag ni Simoun na ang isang rebolusyon ay isang kasangkapang


panlinis sa isang maduming bayan.
54 Maaring para kay Simoun – pero, si Simoun ay likha lamang at ang totoong mga
maysala sa binabanggit na krimen ang pinatatamaan. Isang pulbura sa na nakatago
sa bumbong.
“Hindi, marahil ay may sakit ako, marahil ay masama ang aking
katawan,” ang bulong, “marami ang nagagalit sa akin, ang mga
naghihinalang ako ang sanhi ng kanilang kasawian, nguni’t…”

At sa dahilang nararamdamang nag-iinit ang kanyang noo ay tumindig


at lumapit sa durungawan upang sagapin ang malamig na simoy sa gabi. Sa
kanyang paanan ay pinauusad ng Ilog Pasig ang wari’y pilak na agos, na sa
ibabaw ay nanghihinamad na kumikinang ang mga bulang umiikit,
sumusulong at umuurong na sumusunod sa lakad ng mumunting uli-uli.

Ang siyudad ay natatayo sa kabilang ibayo at ang kanyang maitim na


muog ay nakikitang nakakikilabot, matalinhaga, at napapawi ang kanyang
karukhaan sa liwanag ng buwan na nakapagpaparikit at nagpapaganda sa
lahat ng bagay. Datapwa’t si Simoun ay muling nangilabot; waring nakita sa
kanyang harapan ang mabagsik na mukha ng kanyang ama na namatay sa
bilangguan, nguni’t namatay dahil sa paggawa ng mabuti, at ang mukha ng isa
pang lalaki na lalo pang mabagsik, ng isang lalaking nagsakripisyon ng buhay,
nang dahil sa kanya, dahil sa inaakalang kanyang hahanapin ang ikabubuti
ng kanyang bayan.

“Hindi, hindi ako makauurong,” ang bulalas na pinahid ang pawis ng


kanyang noo, “ang gawain ay magtatapos na at ang kanyang
pagtatagumpay ay siyang magbibigay-katwiran sa akin…55 Kung ako’y
gumaya sa inyo ay nasawi ako marahil… Tama na ang pangangarap, tama
na na ang maling pagkukuro!56 Apoy at asero sa kanser, kastigo sa bisyo, at
pagkatapos ay sirain, kung masama, ang kasangkapan! Hindi, pinag-isip ko
nang mabuti, nguni’t ako’y nilalagnat ngayon…ang pag-iisip ko’y uulik-ulik…
talaga… kung ginawa ko ang kasamaan ay upang makapagtamo ng kabutihan
at ang layunin siyang nagbibigay-matuwid sa pamamaraan… Ang gagawin
ko’y ang huwag akong malantad…”

At nahigang gulo ang pag-iisip at tinangkang makatulog.

Nang kinabukasan ay pinakinggang nakasukot at nakangiti ni Placido


ang pangaral ng kanyang ina. Nang sabihin nito sa kanya na makikiusap sa
procurador ng mga Agustino ay hindi tumutol ni humadlang man lamang;
kundi bagkus pa ngang humandog na siya na ang gagawa upang maibisan ng
kagambalaan ang kanyang ina na pinakiusapang bumalik na kaagad sa
kanilang lalawigan at kung mangyayari’y sa araw ding iyon. Itinatanong sa
kanya ni Kabesang Andang kung bakit.

55 Ang tagumpay ng rebolusyon ang magbibigay ng katwiran sa kaniyang naging


pamamaraan.

56 Upang ito ay magtagumpay ay tigilan na ang maling akala na mayroon pang


pagbabago sa matatandanng pamamaraan. Pagkukuro ni Elias
“Sa dahilang… sa dahilang kung mabatid ng prokurador na naririto kayo
ay hindi gagawin ang inyong kahilingan samantalang hindi muna siya
nabibigyan ng anumang handog at ilang pamisa..”

You might also like