Napag-alaman ko po mula sa kaibigan kong nagtuturo po sa inyong paaralan na
nangangailangan po kayo ng isang Guro sa Filipino. Mapitagan ko pong hinihiling na sana ay maging isa ako sa mga kawani ng inyong tanggapan.
Ako po’y nakapagtapos sa Mindanao State University sa kursong Batsilyer ng Sining sa
Filipino. Limang taon po akong nagtrabaho sa Witchcraft and Wizardry – High School Department at sa kasalukuyan ay nagtuturo ako Demster Science High School. Masaya po ako ngayon sa kasalukuyang trabaho ko, subalit matagal ko na pong inaasam-asam na makapagtrabaho sa paaralan kung saan ako nagtapos ng sekundarya taong 2004.
Naniniwala po akong matutugunan ko ang mga kwalipikasyong inyong hinihingi sa
isang guro.
Nakatala po sa ibaba ang mga referensya na maaari ninyong mapagtanungan ng
karagdagang impormasyon hinggil sa akin:
1. Dr. Arvin Aguirre Punong Guro, ISTNHS 09216372472
2. Dr. Roldan Ubanan Punong Guro, EBNHS 09352762192 3. Dr. Ramie Campos Direktor, GGSS 09102626010
Nakahanda po akong makipanayam sa inyo ano mang oras na inyong mamarapatin.