You are on page 1of 3

Gian Baniqued

11- GAS-A

Ito yung trabahong ayaw ng madla

Nakakapagod daw at maliit ang kita

Hindi daw kayang bumuhay ng pamilya,

Napakababa ng tingin ng lipunan sa kanila.

Maghapong naka bilad sa araw

Lakad ng lakad kasusunod sa kalabaw

Habang pawis ay umaapaw

Nilulunok ang laway upang mapawi ang uhaw.

Nag tatanim ng kung ano ano

Inaalagaan ang tanim upang maganda ang tubo nito

Naghihintay ng ilang buwan para dito

Ngunit Pag dating ng ani, ay halos hingin ang aming produkto.

Hindi sa lahat ng oras kami’y malakas

May pagkakataon na katawan ay bumibigay

Masasakit na kalamnan na halos ikamatay

Ngunit dapat bumangon upang mag bantay


Doon sa bukirin ng aming mga palay

Na tila higit pa sa aming mga buhay.

Naalala ko minsan

May isang bata sa eskwela

Tinanong kung ano ang trabaho ng

magulang nya.

"Ang magulang ko po ay magsasaka". Sagot ng bata

"Ah ganun ba? Magsasaka "lang"sila?" Sagot nya.

Bakit mo ni la"lang" ang Magsasaka?

Dahil ba ikaw ay maghapong naka upo sa opisina?

Naghihintay na matapos ang walong oras at uuwi na?

Hindi naiinitan ng araw at de-aircon pa?

Wala kang karapatan na maliitin ang magsasaka


Dahil hindi biro ang trabaho nila

At kahit pa anong yaman mo na,

Hinding hindi mo masasaing ang pera.

Hindi dapat ikahiya ang magsasaka

Dahil sila ang tunay na bayani ng ating bansa

Kung wala sila ay wala kang mahahain sa mesa

Baka mamatay kang gutom na dilat ang mata.

Itsura man namin ay mukhang mga gusgusin

Marurumi ang kuko at laging pawisin

Wag sanang pandirihan ang mga tulad namin

Inyo sanang pahalagahan bawat butil ng kanin

Sapagkat ito’y buhat sa pagsusumikap namin.

You might also like