You are on page 1of 2

Barrio Sakahan

Sa isang maaliwalas na umaga, abala ang mga mamamayan ng Barrio Sakahan. Nariyan ang mga
kalalakihang nagsisibak ng kahoy, o 'di kaya'y nag-iigib ng tubig. Pati na ang mga kababaihang naglalaba
ng damit, o kaya naman ay naglilinis ng bahay. Syempre, hindi mawawala ang isa sa pinakamahalagang
mga tao sa kanilang komunidad, ang mga magsasaka. Hindi sila magkandaugaga sa pagtatanim at pag-
aani ng iba't ibang uri ng halaman.

Sa kabilang banda, may mga mamamayan namang mas piniling tumunganga at palipasin ang oras.
Mayroon silang malawak na taniman ngunit pinapabayaan nila itong tigang at walang pakinabang.

"Maiba... Taya!" sabay-sabay na sigaw ng mga batang masayang naglalaro ng habulan. Takbo dito, takbo
doon. Taya dito, taya doon. Iwas dito, iwas doon.

"Obeeeet!!" tawag ni Aling Joan sa kanyang anak na si Obet. Ngunit naka-ilang tawag na siya ay hindi pa
din ito dumarating. "Obeeet!! Isa! Dalawa! 'Pag ito umabot ng tatlo!" inis na sigaw na naman ni Aling
Joan.

"Nariyan na ho. Bakit po, inay?" tanong ni Obet pagkapasok niya ng bahay.

"Sunduin mo na ang iyong ama sa sakahan, at tayo'y manananghalian na. Tulungan mo siyang dalhin dito
ang kanyang mga ani." utos ni Aling Joan.

Mabilis namang nagtungo si Obet sa kinaroroonan ng kanyang itay. Niyaya niya na itong umuwi at
tumulong sa pagbitbit ng ani.

Habang pauwi sa bahay, hindi na naiwasang magtanong ni Obet.

"Itay, bakit po ba kailangan niyo pang magsaka't magtanim? Mayroon namang pamilihan sa bayan para
makuhanan ng ating makakain. Ang ibang kapit-bahay natin ay sa pamilihan lang umaasa at hindi na
nagsasaka pa."

"Obet, ang karamihan sa pagkaing nabibili sa pamilihan tulad ng gulay at prutas ay nanggagaling sa ating
mga pananim. Kung hindi tayo magtatanim wala rin silang maipagbibili, tanging karne lamang ang iyong
paulit-ulit na kakainin, na hindi masustansya kapag nasobrahan." paliwanag ni Mang Jose sa anak.

Nakarating ang mag-ama sa kanilang tahanan at nagsimula nang magtanghalian ang mag-anak.

"Kaninang umaga'y ibinalita na mayroon daw bagyong parating. Mabuti na lamang at nakapag-ani na
tayo't mayroon tayong sapat na makakain." wika ni Mang Jose.

"Naku! Kailangan nga nating maghanda kung ganoon. Mabuti nga't mayroon na tayong ani." dagdag
naman ni Aling Joan.
"Kung may bagyo ay magsasara ang pamilihan. Saan kukuha ng pagkain ang mga kapit-bahay nating ayaw
magsaka?" napatanong na lamang si Obet nang maisip ang mangyayari.

"Iyan ang isa pang kahalagahan ng pagtatanim, Obet. Mayroon tayong mapagkukunan ng pagkain kahit
anong oras. Hindi lamang basta pagkain, kundi pagkaing magbibigay sustansya sa atin." paliwanag ng
kanyang ama.

You might also like