You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PANIQUI WEST DISTRICT
NANCAMARINAN ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2019-2020

TEACHER: LARA MELISSA E. CHANCHICO DATE: OCTOBER , 2019


LEVEL: GRADE 1 – MASUNURIN TIME:

DETAILED LESSON PLAN IN MTB (Day 5)


I. Layunin:
Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng letrang Qq at Vv sa iba pang letrang napag-aralan
na
Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
nakikilala ang pagkakaiba ng letra sa salita.
Nakabubuo at nakababasa ng mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamitan
ng tunog ng mga letra.
Naisusulat ang idiniktang salita sa pamamagitan ng tunog.

II. PaksangAralin: Pagsulat ng Ididiktang Salita sa Pamamagitan ng Tunog


A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa: Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong nabasa o narinig
D. Nakikilala ang mga magkasingtunog na salita.
E. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Salitang Magkasalungat
F. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Letrang Qq at Vv sa Iba
Pang Letra na napag-aralan na
G. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Qq/Vv
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Qqat Vv
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 295-306
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Qq/Vv plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain:
1.Balik-aral:
Ipabigkas ang tunog ng mga letrang
napag-aralan na.
m, a, s, l, o, u, b, c, d, e, f, g, p, h, j, r,
s, t, v, w, z, y
2. Mga Pagsasanay:
Pangkatang Gawain
(Tingnan ang Nakalaang gawain sap ah.
304-305)
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipabasa ang talata sa mga mag-aaral
at pasagutan ang mga tanong:
Ang Vinta ni Victor
Ang vinta ni Victor.
Nakasakay sa vinta si Victor.
Malaki at matibay ang vinta.
Tulad ng isang makulay na Bangka
ang vinta niya.
Naglalayag sa karagatan ang vinta ni
Victor.
Maraming tao ang nakasakay dito.
Nakasakay si Ver sa vinta.
Nakasakay si Vilma sa vinta.
Nakasakay si Vina sa vinta.
Nakasakay si Ver, Vilma at Vina sa
vinta ni Victor.

2. Pagtalakay:
Sino ang may vinta?
Saan maihahambing ang vinta ni
Victor?
Bakit naglalayag sa karagatan ang
vinta?
Sinu-sino ang nakasakay sa vinta?
Saan kaya patungo ang vinta?

IV.Pagtataya:
Isulat ang mga salitang ididikta ng guro.
1. walis
2. querubin
3. violin
4. Quezon
5. sipilyo

V. Kasunduan:
Gumuhit ng isang makulay na vinta.

Gng. Lara Melissa E. Chanchico


Naobserbahan na Guro

Inobserbahan ni:
___________________

You might also like