You are on page 1of 6

ANG PAGTUTURO NG PAKIKINIG

Ano ang Pakikinig

Ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang


sinasabi ng ating kausap. (Yagang: 1993). Nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-
unawa sa diin at bigkas, balarila at talasalitaan at pagpapakahulugan sa nais
iparating ng tagapagsalita (Howatt at Dakin: 1974, binanggit kay Yagang). Ang
mahusay na tagapakinig ay may kakayahang magawa ang apat na ito nang sabay-
sabay. Nagtala si Willis, (binanggit kay Yagang: 1993) ng mga kasanayang_micro sa
pakikinig na tinawag niyang enabling skills tulad ng mga sumusunod:

 Paghihinuha kung ano ang magiging paksa ng usapan.


 Paghuhula ng hindi kilalang salita o parirala.
 Paggamit ng sariling kaalaman sa paksa para sa dagliang pag-unawa.
 Pagtukoy sa mga mahahalagang kaisipan at pagbabalewala ng mga di-
mahahalagang impormasyon.
 Pagpapanatili ng mga mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng
pagtatala o paglalagom.
 Pagkilala sa mga diskors marker tulad ng kung gayon, ngayon, sa wakas, atbp.
 Pagkilala sa mga cohesive devices gaya ng, mga pangatnig, panghalip atbp.
 Pag-unawa sa iba’t ibang hulwarang intonasyon at paggamit ng diin na
maaaring maging hudyat ng mensahe at kalagayang sosyal.
 Pag-unawa sa mga pahiwatig na impormasyon tulad ng intension o saloobin ng
tagapagsalita.

Pagkakaiba ng Pagsasalita sa Pagsulat

Maraming mahahalagang bagay ang ipinagkakaiba ng pagsasalita sa pagsulat.

PAGSASALITA PAGSULAT
MIDYUM Tunog ang midyum. Mga salitang nakalimbag
Ginagamit ang mga sa isang pahina ang
sangkap sa pagsasalita at midyum. Ginagamit ang
tainga sa pagsasalita at mga kamay sa pagsulat at
pakikinig. mga mata sa pagbasa.
KAPARAANAN Mga katangiang Tanging mga salita sa
paralingwistik gaya ng: isang pahina at mga
pagtigil, paglakas, diin, pananda.
intonasyon, atb. at mga
katangian extralingwistik
tulad ng paggalaw,
ekspresyon ng mukha
pagtitig, pagtango, kilos ng
katawan, atb., ay
ginagamit na pantulong sa
pakikipagtalastasan.
ORAS/TAGAL NG Ang pag-iisip, pagsasalita Magagawa ng manunulat
PAGSASAGAWA at pakikinig ay halos mag-isip nang matagal sa
magkasabay na paglikha ng sulatin at
isinasagawa. Kung may maaari ring maghinay-
nakalimutan ang hinay ang tagabasa at
tagapakinig sa sinasabi ng maaari niyang ulit-ulitin
tagapagsalita, hindi na ang pagbabasa. Ang
niya ito mapapakinggang anumang nakasulat ay
muli. Ang pagsasalita ay permanente.
panandalian lamang.
PIDBAK Agad na nalalaman ng Nahuhuli ang pidbak.
tagapagsalita ang tugon ng Kailangang maghintay

Inihanda ni: Faye Joanne C. Logan, LPT


tagapakinig sa mensaheng hanggang sa makatanggap
napakinggan. ng sagot sa liham o di
kaya’y rebyu ang isinulat
WIKA Karaniwang payak ng mga May sopistikadong
pangungusap at pangungusap at
talasalitaan ang ginagamit talasalitaan ang ginagamit.

PAGBUO Karaniwang maligoy at Maayos at pinag-isipang


kakaunting oraganizational mabuti ang pagbubuo ng
markers ang ginagamit kaisipan

PAGSASAGAWA Maraming maling May pagwawasto at


pagsisimula, “pagpupuno,” pagrerebisa kaya’t halos
paghinto, atb. walang mali.

Bakit Kailangang Ituro ang Pakikinig

 Mahalaga ito sa ating pang-araw-araw na pakikipamuhay. Ayon kay Wilga


Rivers (1981), makalawang beses tayong nakikinig kaysa sa pagsasalita,
makaapat na beses kaysa sa pagbabasa at makalimang beses kaysa sa
pagsulat.
 Napakahalaga nito sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita. Gaya ng sinabi
ni Nida (1957), “Ang pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ay nakasalalay
nang malaki kung gaano mo ito napakinggan nang mabuti.”

Mga Kategorya ng Pakikinig

1. Marginal o Passive na Pakikinig


Ito’y pakikinig na isinasagawa na kasabay ang iba pang gawain. Halimbawa,
pakikinig sa isang usapan hbang kumakain, nagsusulat, naglalaba, atbp.

2. Masigasig na Pakikinig
Ito’y pakikinig na hangga’t maari’y malapit ka sa nagsasalita o nag-uusap para
sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng usapan upang magkaroon ng angkop na
kabatiran sa pangunahing ideya o paglalahat ng tagapagsalita.

3. Mapanuring Pakikinig
Ito’y isang pakikinig na nagsusuri at naghahatol sa kawastuhan ng mensaheng
napakinggan. Naisasagawa ang ganitong uri ng pakikinig kung nasasabi ang pag-
uugnayan ng mga kaisipan o ideyang napakinggan; nasasabi ang kaibhan ng
katotohanan sa pantasya; ng totoo o opinion, atbp.

4. Malugod na Pakikinig
Ito’y pakikinig na isinasagawa nang may lugod sat tuwa sa isang kuwento,
dula, tula at musika.

Mga Proseso sa Pakikinig

1. Pagdinig vs Pakikinig
An gating mga tainga ay palagi nang may tunog na naririnig. Gayon pa man,
hindi natin binibigyang pansin ang lahat ng ating napakikinggan. Nag-uumpisa
lamang an gating “pakikinig” kapag binibigyan pansin na natin ang mga tunog na
napakinggan at gumagawa na tayo ng pagsisikap upang maunawaan at maipaliwanag
ang mga ito.

2. Prosesong Top Down


Kapag may nadinig ang isang tagapakinig, maaaring may maalala siyang dating
kaalaman na maiuugnay niya sa napakinggan at ito ang magiging patnubay niya
upang hulaan ang uri ng impormasyong maaari niyang mapakinggan. Kapag nangyari
ang ganito, masasabing ginagamit niya ang prosesong “top-down”. Kung nagagawa
nng tagapakinig na maiugnay ang naririnig sa kung anumang impormasyong taglay

Inihanda ni: Faye Joanne C. Logan, LPT


na niya, malaki ang maitutulong nito upang lubos niyang maunawaan ang
napakinggan. Kaya sa pagtuturo, mahalagang may mga gawain bago-makinig upang
matulungan ang mga mag-aaral kung paano maiuugnay ang pakikinggang teksto sa
kanilang mga taglay na kaalaman.

3. Prosesong Bottom-up
Kung ang napakinggan ay hindi pumukaw sa alinmang impormasyong dating
alam na ng tagapakinig, kailangan gamitin na niya ang “bottom-up” na pakikinig. Ang
bottom-up na pakikinig ay unti-unting pagbubuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
pag-unawa sa lahat ng mga datos linggwistika.

4. Aktibong Proseso ang Pakikinig


Kapag nakikinig ang isang tao, hindi na basta na lamang siyang nakikinig.
Kasabay ng kanyang pakikinig ay buumubuoo na siya ng sariling pagpapakahulugan.
Tinutukoy niya ang mga pangunahing ideya at mga pansuportang detalye; kinikilala
niya ang mga pahayag na katotohanan sa mga opinion lamang; hinuhulaan niya ang
kahulugan ng mga bagong salitang napakinggan. Ang mga ito ang tinatawag na
aspektong kognitibo sa pakikinig. Mayroon ding tinatawag na dimensyong apektib o
pandamdam sa pakikinig. Maaari ding sabihin na ang paksa ng tagapagsalita ay labag
sa pagpapahalagang moral o di kaya nama’y totoong nakababagot. Maaari ring
makranas siya ng pagkabigo sa/magulat sa/ ikabahala ang tungkol sa/o di kaya’y
masiyahan sa paraan ng pagkatalakay sa paksa. Ang interes, saloobin at
pagpapahalaga ng tagapakinig ay nakakaapekto sa kung paano niya papakahulugan
at tutugunin ang mensaheng napakinggan.

Samantala, sina Rivers at Temperly (1978, binanggit kina Nicholas, Lukong; 1998) ay
may sinabi rin tungkol sa pakikinig bilang isang aktibong proseso at ito’y hakbang-
hakbang na nagaganap gaya ng sumusunod:

1. habang ang isang tagapakinig ay patuloy na nakaririnig ng mga tunog o daloy ng


tunog, ang una niyang ginagawa ay tukuyin kung ang mga ito’y makabuluhan o di-
makabuluhan.

2. susunod niyang gagawin ay ang pagbuo ng isang balangkas o istrutura sa daloy ng


mga tunog. Sisikapin niya itong isa-isahin bilang mga salita at pangungusap kung
ito’y wika o di kaya’y ang mga katumbas nitong element kung ito’y isang musika.

3. pagkatapos ay susuriin niya ang mga tunog sa kanyang isipan at pipiliin niya ang
mga makabuluhang tunog ayon sa kanyang pagtataya. Itatala niya ang mga
mahahalagang impormasyon at isasama ito sa mga nakaimbak na impormasyon sa
kanyang isipan upang kuning muli sa darating na panahon kung kinakailangan.

Mga Layunin sa Pagtuturo ng Pakikinig sa ating Paaralan

Elementarya
1. nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga batayang kasanayan sa
pakikinig.

Sekondarya
1. napalawak ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at
pagbibigay-halaga at mga kaisipan o paksang napakinggan.

2. nahuhubog at napapaunlad ang mga kasanayang mag-isip at kakayahang


mangatwiran sa pamamagitan ng pakikinig tungkol sa mga kaalamang pangwika at
pampanitikan.

3. napalalawak ang nakalaang pagkakataon sa pakikinig sa radio at mga kauring


talastasan bilang mabilis at matipid na daanan ng impormasyon o komunikasyon.

Inihanda ni: Faye Joanne C. Logan, LPT


Bakit Mahirap ang Pakikinig?

Pagkukumpol (Clustering)
Ito an gating ginagawa na kung saan ang tekstong napakinggan ay kinukumpol
natin sa maliliit na pangkat ng mga salita. Ang ganitong paraan nang pagproseso sa
napakinggang salita ay nakatutulong sa pag-unawa. Sa pagtuturo ng pag-unawa sa
pakikinig, mahalagang matulungan natin ang mga mag-aaral sa pagpili ng mga
salitang kukumpulin o pagsasamahin para maging mabilis ang pag-unawa.

Pag-uulit (Redundancy)
Ang pasalitang wika ay totoong maligoy. Ang ganitong pag-uulit ay
nakatutulong sa tagapakinig sa pagpapakahulugan ng napakinggan dahil maaari
itong magbigay ng mahabang panahon at dagdag impormasyon para sa pag-iisip.
Kailangan maging sensitibo rin ang mga tagapakinig sa mga hudyat ng pag-uulit o
paglilinaw.

Pinaikling Anyo
Ang pagpapaikli ay maaaring ponolohikal, morpolohikal (Tayo na – tena)
sintaktik (Kailan ka babalik/” – “Bukas, siguro”) o di kaya nama’y pragmatic.

Mga Baryabol sa Pagsasalita


Halimbawa, sa araw-araw na pagsasalita ng isang taal na tagapagsalita ng
wika, hindi niya namamalayan na gumagamit siya ng mga pangungusap na mali ang
balarila. Natural ito kung minsan at bahagi ito ng tinatawag ng performance slip.

Paggamit ng mga Kolokyal na Salita


Ang mga mag-aaral na matagal nang nakaririnig o nakababasa ng pormal na
anyo ng wikang pinag-aaralan ay maaaring magkaroon ng problema kapag nakaririnig
sila ng mga kolokyal na salita sa isang diskors.

Bilis ng Pagkakabigkas
Ayon kay Richards (1983) ang bilang at haba ng mga paghinto ng isang
tagapagsalita ay mas mahalaga sa pag-unawa kaysa sa bilis. Gayon pa man, sa
kalaunan kakailanganin din ng mga mag-aaral na unawain ang naririnig na maaaring
binigkas sa iba’t ibang bilis at sa ilang pagkakatao, ang pagsasalita na halos ay
walang paghinto.

Diin, Indayog at Intonasyon


Ang katangiang pagkamatulain ng isang wika ay mahalaga sa pag-unawa.
Dapat isaisip ng isang tagapakinig na ang diin, indayog at intonasyon sa pagsasalita
ay maaaring magdulot ng suliranin sa pagpapakahulugan ng isang mensahe.

Interaksyon
Ang mga klasrum teknik na saklaw ang component ng pakikinig ay kailangang
magtaglay ng pagtuturo at pagkatuto hinggil sa gantihang kilos na dapat maganap sa
pakikinig.

Pagpaplano ng Isang Aralin sa Pakikinig

1. Mga yugto ng isang aralin sa pakikinig

Bago Makinig

1. Pagpukaw sa kawilihan ayon sa tekstong pakikinggan.


2. Pagtukoy sa ilang dating kaalaman/impormasyon na makatutulong sa pag-unawa
ng tekstong pakikinggan.
3. Paglilinaw ng ilang talasalitaan na maaaring makasagabal sa pag-unawa.
4. Pagtalakay sa layunin ng isasagawang pakikinig.

Mga gawaing mailalapat sa yugtong ito ng pakikinig


1. Impormal na talakayan.

Inihanda ni: Faye Joanne C. Logan, LPT


2. pag-uusap tungkol sa isang larawan
3. pagtatala ng mga mungkahi, opinion, atb.
4. pagbabasa ng isang kaugnay na teksto.
5. Pagbasa sa mg tanong na kailangang masagutan habang nakikinig.
6. Paghula sa maaaring mangyari
7. Pagtalakay sa uri ng wikang maririnig sa teksto.

Habang Nakikinig
Ito ang pokus ng aralin. Ang mga gawain sa yugtong ito ay naaayon sa mga puntos na
nais na bigyang-diin ng guro.

Mga gawaing mailalapat sa yugtong ito


a. pagsagot sa mga tanong na maraming pagpipiliang sagot.
b. mga tanong na tama/mali
c. pagtukoy sa mga maling impormasyon

Pagkatapos Makinig
Sa yugtong ito, maaaring bigyan ang mga mag-aaral ng mga gawaing bunga ng
ginawang pakikinig. Halimbawa, pagsulat ng liham sa tagapagsalita bilang personal
na tugon sa sinabi ng tagapagsalita.

MGA GAWAING MAILALAPAT SA IBA’T IBANG TEKSTO

URI NG TEKSTO LAYUNIN SA PAKIKINIG MGA GAWAING


MAILALAPAT
Tagubilin/utos Upang maisasagawa ang 1. pagguhit o pagbuo ng
Pagbibigay ng Direksyon ilang bagay isang larawan
Paglalarawan dayagram/mapa, atb.
2. pagtunton sa isang ruta.
3. pagpili ng angkop na
larawan (ng tao/bagay,
atb. na inilalarawan ng
input sa pakikinig)
4. pagsasadula o paggawa
(hal., ng isang parol, laro, o
isang gadyet)
Mga Kuwento Makapagtamo ng 1. paghula sa kalalabasan
kasiyahan at ng mga pangyayari.
pagpapahalagang pansarili 2. pagguhit ng mga
tauhan/tagpuan ng
kuwento
3. paggawa kung paano
ang ginawa ng isang
tauhan sa kuwento
4. pagsussunod-sunod ng
mga pangyayari sa
kuwento sa tulong ng mga
larawan.
5. pakikilahok sa
pagkukuwento sa
pamamagitan ng
pagbanggit ng mga
kayariang inuulit.
6. pagsulat ng isang buod.
7. pagsasadula na
gumagamit ng sariling
dayalog
8. pagsagot ng mga tanong
sa pag-unawa
Mga awit Upang masiyahan 1. pagsasakilos ng ilang
awit at tugma

Inihanda ni: Faye Joanne C. Logan, LPT


Lektyur Makapagtamo ng mga 1. pagbuo ng isang
Talumpati kaalaman balangkas.
2. paglalahad ng mga
impormasyon sa tulong ng
isang grap
3. pag-leleybel ng bagay na
inilalarawan
4. pagkuha ng tala
5. pagsulat ng buod
6. pagsagot sa mga tanong
7. pagbibigay ng mga
tanong sa tagapagsalita
Patalastas/babala/mga Matukoy ang mga detalye 1. mapunan ang mga
balita/ulat tungkol sa puwang kaugnay ng mga
panahon tanong tungkol sa mga
iskedyul ng pag-alis at
pagdating ng eroplano,
tren o bus.
2. maisulat ang
hinihinging impormasyon
sa isang pormulasyon.
3. mabigay ang buod ng
ulat hinggil sa kalagayan
ng panahon.

Inihanda ni: Faye Joanne C. Logan, LPT

You might also like