You are on page 1of 1

Ako si Koleen Nicole A.

Candido bilang

isang Flight Attendant

Byahe tungo sa pangarap

Iba't ibang propesyon, iba't ibang gampanin at responsibilidad. Napakaraming trabaho ang
mayroong mabibigat at magagaan na gawain, halos lahat nga yata. Kaakibat ng mga propesyon na
sundalo, pulis, bumbero, at iba pa ay ang panganib na dala ng mga ito. Isa na rito ang mga naglalayag sa
karagatan, maging sa himpapawid. Tulad ng piloto, seaman, partikular na mga Flight Attendant

Kilala ang mg Flight Attendant sa pag-aasikaso sa pangangailangan ng kanilang mga pasahero,


gayundin ang pagsisiguro sa kaligtasan ng bawat isa. Hindi biro ang trabaho na mayroon sila sapagkat
kabilang ito sa mga propesyon na maituturing na ang isang paa ay nakabaon sa hukay. Bawat paroon at
parito ng eroplanong sinasakyan, walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng bawat isang lulan nito. Hindi
mo alam kung makakabalik ka pa, o kung may babalikan ka pa ba. Dahil wala naman tayong kakayahang
mahulaan kung kailan magkakaroon ng aksidente o pangyayari na maaaring magdulot ng kapahamakan
sa karamihan.

Marahil ay napapaisip ang ibang tao kung bakit sa dinami- dami ng trabaho ay maging Flight
Attendant pa ang napili ko. Nagkaroon ako ng interes dito dahil bukod sa pasok ang ilang aspeto na
mayroon ako na kinakailangan sa trabahong ito at gusto ko ring malibot ang iba't ibang parte ng mundo
habang nagtatrabaho ay nag-eenjoy ka rin dito.Sa ganitong paraan ako makakatulong sa aking pamilya at
maibalik ang kanilang hirap at sakripisyo upang pag-aralin kami ng aking nakababatang kapatid At kapag
nangyari na iyon, isasama at ipapasyal ko na sila sa mga lugar na akin ng napuntahan. Kaya naman
gagawin ko ang aking makakaya upang matupad ang mga ito at hindi manatiling isang pangarap lang.
Hindi man ngayon, alam kong darating ang tamang panahon. Kasama ang suporta ng aking pamilya,
tiwala sa sariling kakayahan, at gabay ng Panginoong Diyos, walang imposible

You might also like